ading kiko executive editor...kartilya mga panuntunan ng matanglawin at iba pang mga tula dawn poets...

48
KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 ________________________________________________________________

Upload: others

Post on 04-Nov-2020

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin

at iba pang mga tula

dawn poets society 7

ading kiko executive editor

ISSN 005-004-201-6

________________________________________________________________

Page 2: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 KARTILYA

KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin

at iba pang mga tula

dawn poets society 7

ading kiko executive editor

ISSN 005-004-201-6

ISSN 005-004-201-6

Page 3: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 KARTILYA

KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin

at iba pang mga tula

dawn poets society 7

ading kiko executive editor

Karapatang-sipi © 2016 Francis Gallano DELGADO

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito

ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa

may-akda at tagapaglathala.

Disenyo ng aklat at pabalat nina

Pitt Parker, dps at Ka'el Chan, dps

Ginamit na tipo sa aklat Inilimbag sa Filipinas Limitado ang kopya

Times New Roman ISSN 005-004-201-6

Inilalathala at inililimbag ang pampanitikang talaarawan o journal na ito

ng quarterly o apat na beses sa isang taon ni Francis Gallano Delgado at

ng Dawn Poets Society.

Page 4: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 KARTILYA

NILALAMAN

INTRODUKSYON

Matanglawin|1

BADYA BADJAW, BAD YAN BADYAW|2

BAHAW|3

BATINGAW|4

MI COMPAÑERO|5

ENGKANTADA|6

KABATAAN|7

KALUWALHATIANG SALIDA|8

LUALHATI NG SILANGAN|9

MAYNILA|10

MEHAN GARDEN|11

MLB|12

NANG NAWALAN KAMI NG

BUKANG-LIWAYWAY|13

PROSTI|14

SARONG BUGKOS|15

SEPULTURERO|16

LA VISTA POR PABOR|17

DILAW ANG KULAY NG KALUNGKUTAN|18

LUHANG WALANG PATID|20

Mga Maikling Tula|22

HIYAS NG GUNITA|23

TALAHIBAN|24

NANG MULING UMULAN

SA OKTUBRE, 2015|26

NANG MULING UMULAN

SA OKTUBRE, 2014|27

Unang Himig HIBIK MAYO|28

PILYO ARENG SI TSONG!|30

HAPLOS|32

KAARAWAN MO MAMA KO|33

PAGKAPANTAY-PANTAY|35

INSAN ROSANNA|36

BANGON LUALHATI|37

LIHIM NG KAHON|39

Page 5: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

i

INTRODUKSYON

DAPAT MABATID SA PAGSUSULAT NG TULA

Naniniwala tayong may kakayahang baguhin ng isang tula ang mundo.

Nabago nito ang ating mundo at kung nabago nito ang mundo natin ay wala

tayong makitang dahilan upang hindi mabago ang mundo ng iba. Nabasa natin

ang pinakamalaki at pinakamalawak na diksiyonaryo sa wikang Filipino na kung

saan si National Artist Virgilio S. Almario ang punong patnugot. Sa ating

pakakaintindi ay malikhain ang tula at hindi lamang sukat at tugma ang

tinataglay ng tula. Hindi laging matalinghaga ang tula. Hindi siya (tula) lagi na

lamang maikli.

Isang biyaya sa ating mga alagad ng panitikan ang magkaroon ng

diksiyonaryong kagaya ng nilikha ni Ginoong Almario, ng kaniyang lupong

patnugutan at ng kaniyang mga kasama sa paglikha ng diksiyonaryong Filipino.

Napakalaki ang naitulong nito sa pagpapakilos ng mga makatang kagaya natin

na lalong sipagin sa paglikha ng mga akda. Hayaan nating magpaubaya sa mga

dahon sa aklat na ito ng ilang paksa na mahalaga sa pagsusulat ng tula.

TONO

Pinahahalagahan ng Mambabasa ang tono sa pagkatha at pagtula. Para bang

ang paghingi natin sa ating mga magulang ng bagay na nais natin makuha.

Nananalangin. nakikiusap at/o nanlalambing tayo ng taimtim na halos gawin

natin ang lahat makuha lamang ang ating nais.

Sa ganitong antas ng tono ay malamang na makuha natin ang anuman na

ating hinihiling. Ibig sabihin ay mahalaga na maintindihan at makilala ang

nagsasalita sa tula. Ito ang kinakasangkapan ng Mambabasa, na maunawaan

niya ang relasyon niya sa akda at dahilan ng pagbabasa niya nito.

Marahil ay ito na nga ang isa sa mga hiwaga na nananalaytay sa ugat ng

panulaan. Bukod sa pagbubukas ng bagong mundo gamit ang tono ay hinihimok

ng tono na magbago ang pananaw ng tao dahil marunong makiusap ang tula na

maaaring sa antas lamang ng tono.

Kung minsan ay nagiging sapat ang tono upang pukulin ang atensyon ng

Mambabasa. Sa madaling salita ay nasa tono ng pagsusulat nababanaag ang tono

ng pananalita ng nagsulat ng tula.

Page 6: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

ii

Sa pamamagitan ng panulaan ay binibighani ang Mambabasa. Pihikan man sa

paglilibang ay nililikha ng tono ang Mambabasa na mas lalong malibang sa

binabasa. Sa pagbabasa, kasama ang iniintinding binabasa, nagsisimula ang

paglalakbay ng diwa. Sa tono kinukundisyon ang Mambabasa upang simulang

sumama sa mga pagsasanay na nakakarga sa akda. Nasa katangian ng tono

bumubungad kung sasama sa karera ng mga pampantikang karera ang persona

at narrator sa tula at katha.

MUSIKA

Hinaharana ng awit ang Mambabasa. Sinusuyo natin ang ating nililigawan

para mapasagot natin sila. Ibig sabihin ay napakahalaga ang tungkulin ng

panliligaw. May kakayahan na manligaw ang awit. Ang tula ay awit at ang awit

ay tula.

Nililigawan tayo ng tula sa pamamagitan ng paulit-ulit na lambingan. May

katangian ang panulaan na may tugma at sa huli ay pinaaantig ang damdamin ng

nililigawan.

Mapagkumbaba ang musika sa tula para sa Mambabasa. Animo ay sa

bintanang yari sa kapis ay may nakadungaw na isang Maria Clara habang sa

labas naman ng bahay sa may tapat ng bintana ay may makisig na si Crisostomo.

Musika ang nagpapagaling sa amang hari ni Don Juan sa kuwentong bayan na

Ibong Adarna. Ang mga awit sa Florante at Laura ay may kakayahan na

makipaglaban sa mga Kastila. Sumasabog ang musika sa El Filibusterismo.

Dinadala tayo sa ecstacy ng musika. Binabago tayo ng musika at tinutulungan

tayo sa ating mga hinaharaya.

Nang dahil sa bertud ng musika sa tula ay nababalikan natin ang ating

kabataan dahil nagsimula nating mahiligan ang musika noong tayo ay batang-

bata pa lamang. Ganoon ang panganganyaya kung ang Mambabasa ay mula sa

kabataan at siya mismong kabataan kagaya ninyo at kagaya natin.

MATANGLAWIN

Sa isang malaya at malikhaing uniberso natin masusubaybayan ang

kinalaman ng Matanglawin sa mundo. Kung sino at/o ano ba ito ay mananatiling

nakatago muna sa aklat na ito. Magpaparaya ang kuwento ng Matanglawin sa

mga dahon ng darating na nobela.

Kund hindi tayo nagkakamali ay unang nabanggit ang Matanglawin sa mga

pahina ng El Filibusterismo at ito marahil ang isa sa mga inspirasyon ng

pangalan na ginamit sa pamagat ng ating aklat. Ngunit, hindi siguro ito pangalan

lamang. Malaking bahagi ng kalipunan na ito ay ang mga akda ng Matanglawin.

Page 7: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

iii

Ang mga tulang Matanglawin ay nasa Filipino lamang. Ang mga panuntunan ay

iniimbitahan ang Mambabasa upang maging bahagi ng mundo sa mga

panuntunan gamit ang tula.

ADING KIKO POETRY CLINIC

Malimit maganap tuwing ika-5 ng anumang buwan na pumapatak sa araw ng

Sabado ang klinika. Nabigyan tayo ng biyaya na makapanayam ang ilan sa mga

makata ng bansa. Sa kaparehong petsa malimit maganap ang workshop, lektura

at/o coaching/mentoring.

Kasama ang mga Dawners, naging matagumpay ang mga serye ng panayam

at workshop sa klinikang pampanitikan na nagsimula nakaraang taon. Dahil dito

ay tumatanaw kami ng utang na loob sa inyong lahat na nagpahayag ng kani-

kanilang saloobin at suhestiyon. Malaki ang naitulong ng workshop upang

mahasa ang ating sarili upang maging ganap ang determinasyon sa pagsusulat

ng sanaysay, katha at/o tula.

Nagpapasalamat tayo sa Tatsulok ng Panulaang Makabago na sina Koyang

Roger Mangahas, Koyang Rio Alma at Koyang LEA. Dagdag pa

ay ang mga tulong sa atin ni Ginang Tek Bigornia at Tagak Series sa payo sa

pagpapalimbag at paglalathala. Nagpapasalamat tayo sa hindi magmamaliw na

pagtitiyaga sa atin ni Koyang Teo Antonio at ng kasama niya sa MTV na sina

Sir Mike Coroza at Sir Vim Nadera.

Malaki ang naitulong ng mga taong aming pinasasalamatan sa pagbuo ng

kalipunan na ito. Taos-pusong pasasalamat kina Ginoong Vet Vitug at sa

kaniyang kabiyak, kay Ma'am Ruth Mabanglo sa kaniyang maikli't makamandag

na tula, pasasalamat dahil sa kasalukuyang Dawners na tinulungan tayong silipin

ang Dawn archives upang magsaliksik at suriin ang mga ginituang akda nina

Koyang Mike Bigornia, Sir Dong delos Reyes at Sir Archie Almeida, Jr.

Nangangarap tayo na balang araw ay isaaklat ang kalipunan ng mga

maiiksing tula mula sa mga makata ng University of the East (UE). Hinahangad

ng kalipunan ng maiiksing tula ang pagpupugay sa mga makata ng UE dahil sa

kanilang niambag sa sariling pamantasan at sa pamayanang pampanitikan ng

Filipinas.

Ez Khan, dps

Ika-5 ng Mayo, 2016

San Lorenzo, Filipinas

Page 8: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 1 ng 40 KARTILYA

Matanglawin

Si Roi,

lumaking may ugaling palaboy.

Sintigas daw ng kahoy

pero mabaho ang amoy.

Hoy! Hoy, Roi,

nandiyan ka na naman

sa kalye pasuray-suray,

di ka pa ba naumay

sa ganiyang buhay?

Mabuting kinabukasan

ang sa iyo

ay ang aking pakay.

Ika-16 ng Pebrero, 2015

Page 9: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 2 ng 40 KARTILYA

BADYA BADJAW, BAD YAN BADYAW

Kleng

Paghudyat ng tambol na yari sa lata ay isinayaw, inindak, kinendeng ng mga

katutubo na animo ay nasa huling hininga na ang kanilang tradisyon, na animo

ay ipinagdiriwang nila ang natitirang latak ng sinaunang kultura na isinilang ng

tribong kanilang nilisan

Kleng

Klengklengklengkleng

"Ala kami gawa m'sama"

Klengklengklengkleng

"Palimos po ate, kuya

Limos po!"

Klengklengklengkleng

Klengklengklengkleng

Klengklengklengkleng

Klengklengklengkleng

"W'la k'me gawa masama"

"Ate, kuya"

"Kuya, ate."

"P'limos po, ala kam-e gawa masama"

Klengklengklengkleng

Klengklengklengkleng

Kleng

Marahil ay laman ng karagatan ang nag-iwi ng kanilang kamusmusan

Marahil ay alupihang dagat, talangka, pawikan, suso, kabibe, tahong, o

halamang dagat ang kanilang agahan, tanghalia't hapunan

Kleng

Marahil ay bangka ang kanilang kaniig sa pagtulog

Hindi tilaok ng tandang, tahol ng aso, kalabog ng trena o busina ng bus o

dyipney ang nakagawian nila sa paggising

Tampisaw, sagitsit, taginting ang kanilang batingaw upang batiin ang Haring

Araw

Kleng

At sirena, siyokoy ang kani-kanilang kalaro sa dapithapon, sa bukang-liwayway,

kung maaari'y magpakailanman

Ika-12 ng Disyembre, 2012

Page 10: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 3 ng 40 KARTILYA

BAHAW

Tanghali nang gumising, nanlalambot, kumikirot

Ehersisyo'y kumukupas, kinakapos

Boses na rin ay napapaos, nanyayamot

Madugo ang eksena't hapag ay namumula

Pusang itim ay nakamatyag sa sulok ng mesang hubad

May ilaw ang bumbilya, subalit kubyertos ay kulang--

kutsara para sa puti't pula; pala ng sepulturero

para sa itlog na sariwa

Orasan ay nanliligaw, sa butiking, sa dingding nakatambay

Paanyaya: Salumpuwit ay kumpleto, bakit 'di umupo?

Ang chopsuey kagabi ay panis na!

Kanin sa palayok, ay bahaw na! Ngayo'y nasa pinggan

pinipiga ng matigas, at malupit na pilak. At ang

mga gintong butil, ay unti-unti ngang nayuyupi,

napipisa sa makabayang plato.

Sa kabila ng lahat, plumang mandaragat, makisig

kang lumalayag--sumisisid, tumatakbo, lumulundag,

lumilipad. Ang papawirin, tunay na humahanga,

ay ngumingiti, napapawi.. at walang bahid

na anumang dalita...

Page 11: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 4 ng 40 KARTILYA

BATINGAW

Ganap na ba tayong malaya?

Taglay ba ang karampatang sandata?

Matalim na mga tabak sa bato nakataga

Nais ang pumiglas sa panunupil at awa

Makamtan, tunay na bagwis ng himpapawid

Matayog na paglipad, lubos na hangarin

Pagsulong! Isulong!! Dakilang mathiin

Pambansang Wika, hudyat natin

Walang patid na dugo, dumaloy, umalon

Mga sadyang makata--binansagang lapastangan

Ngunit kanilang alaala'y kumatok sa mamamayan

matapang, walang takot

matalino, makabayan, may dangal

Buklod ang hinaing ng bawat sambayanan

wika! Wika!! WIKA!!!

Ating pagtuunan. Ating alagaan.

Kamalayan ng bayan, ating larangan.

Diwa at sandigan--nasumpungan

Mga Pilipino, nais ay kamulatan

Page 12: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 5 ng 40 KARTILYA

MI COMPAÑERO

Marahil, ay kahalintulad ko si Apolinario Mabini

Kahalintulad ko siyang lumpo

Kahalintulad ko siyang abogado

Aba! Hindi nga pala ako abogado

Ni hindi nga pala ako bulag

Subalit, malabo na ang aking paningin

Kung kaya ang ilang pananaw ko'y malimit na alanganin

Naniniwala akong

Ang lahat ay may kakayahang magbago

Kahit ang bata

Kahit ang dukha

Kahit ang preso

Kahit

Ako, si Reymart Matanglawin San Juan

Ako ang supremo

Ang mga mata ko

Ang mga paa ko

Ang aking mga mata'y

bulag sa mga paniniwalang walang katuparan ang mga pangarap

Ang aking mga paa'y lumpo sa mga paninindigang wala namang naiiba pang

paraan

Ang mata ng hustisya'y di bulag

Sa halip ay maliwanag pa sa sikat ng Haring Araw

At ang batas ng hustisya'y hustisya sa mga batas

At ang bawat batas ay di lumpo dahil sa mga batas na nakalulumpo

Ang batas ay nararapat, matuwid, dakila

Kahalintulad ng hustisya na walang kinikilingan

At kung mayroon ma'y ang katotohanan lamang

Ika-5 ng Abril, 2013

Page 13: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 6 ng 40 KARTILYA

ENGKANTADA

Itim ang rabaw ng daigdig, ng aking pangungulila. Animo'y asungot na may

asuntong di na muling pahintulutan sa paglikha ng anumang uri ng katha.

Binulag ng dungis, ngunit, malinaw pa sa umaga ang hustisyang nilalaman ng

antolohiya. Nilumpo ma'y buong galak ang paglundag sa panahon.

Liwanag sa panahon.

Magpahanggang ngayo'y taliwas ang ating mga pananaw. May kusa nama't

mabilis na dumadaloy ang tubig sa batis, subalit, salungat ang anyo nito, pati

pintig ng sari-sarili nating landasin. Ito na nga ang asilo ng aking pangungulila.

Pangungulila kong kailanman ay di dapat ikagitla.

Hindi sasapat ang sarong bugkos ng mga bulaklak na siyang nagsisilbing

halimuyak sa hukuman ng kagubatan.

Di mapapanatag ang kalooban sa samot-saring mga talulot ng rosas na

nakabihag sa aking mga akda.

Nais kong maghanda ng tugon para sa tiniripon ng mga talulot sa epistola ng

aking panahon, at pati na sa liryo ng aking kasaysayan.

Nais isilid sa lihim na kahon ang aking maikli man o mapusok na kuwento.

Ibig kong ikahon ang sirena at engkantada sa aking kabanata.

Ibig ko na muling makaulayaw ang engkantada na gumising mula sa aking

pagkatao simula pa sa pagkamulat ng kabataan.

Patungong ginhawa, ay nangahas akong ibangon mula sa tag-araw ang

mainiping hapon. Sa bagong gising na kalikasa'y muli kong isasayaw ang liyag

ng panahon. Bubusugin ko siya ng pagmamahal at silakbo ng aking damdamin--

magniningas, magliliyab, at magyayabong gaya ng dati.

Page 14: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 7 ng 40 KARTILYA

KABATAAN

Bago pa man mahuli ay pakinggan mo ang lahat.

Makinig ka kabataan ng aking panahon.

Suriin mo ang natitirang kahalagahan ng iyong mga kuro-kuro o pala-palagay.

Dahil sa iyong kagustuhan ay mananangis ka. Iiwan kita sa dilim na walang

natitirang pag-asa kundi ang kalungkutan.

Lilisanin ko ang iyong mundo na walang bahid ng anumang takot, ni pananakot

o ng pangangamba.

Kabataan.

Ano ba ang pag-asang nalalabi pa sa kasalukuyang kabataan?

Hindi ba sila biktima na lamang ng lipunan na kanilang ginagalawan?

Mas mahiwaga sa Stonehenge ang kanilang mga kapalaran. Umuuha lamang

silang mga sanggol, na kagaya ko, ay iniluwa ng karimlan upang maghasik ng

gadaigdig na misteryong daig ang Egyptian Pyramids.

At sa mga kabataan:

Hindi na kayo tatangkad pa.

Nilampasan na ninyo ang kinabukasan na dapat ay nasa inyong mga kamay.

Nilundagan na ninyo ang kapalaran at tadhana.

Hindi na kayo ang kalutasan upang maiangat ang inyong mga sariling

pagkayurak sa latak at lusak.

Di na kayo ang kabataan.

Di na kayo ang kinabukasan.

Di na kayo ang pag-asa ng ating bayan.

Ika-5 ng Nobyembre, 2012

Page 15: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 8 ng 40 KARTILYA

KALUWALHATIANG SALIDA

(para sa gintong Makata)

Sa piraso ng dahon, sa gubat ng ulilang

apat na sulok ng parisukat.

Batid ng makata ang kapwa makata,

nakahimlay na mga alaala,

Katulad ng tulog na Prosang Pilipino--

kauna-unahan sa kaluwalhatian.

Sa ulirang tinta ng pluma;

sa loob ng nakagisnang opisina--

Nananatiling mabaho't

nagbabata ng pagdurusa.

Makata kitang itinuring,

Walang kinilalang pagkadupiling.

Banaag ko ang sikat ng iyong tagumpay,

narinig ko ang mahimbing mong pagpanaw.

Dakila. Makata. Dakila.

at ako'y nananatiling

Nakatingin, nakaabang, naghihintay.

Mahina mang maituturing,

ngunit lakas ay manunumbalik rin.

Samantalang hinablot ng amihan

ang mga makata at kanilang pluma,

Subalit, babalik, magbabalik, bumalik

pag-asa ng makata ay hindi nawala.

At ako'y inalayan ka,

tinahak ang landas ng tula,

Tuluyang kumapit sa pluma ng paglikha

mula sa Silangan--

Natuto, inaruga, pinaghusay ang diwa.

Gutom na--oo, may uhaw pa.

Subalit lupa ng makata

Kailanman ay hindi matitigang

‘pagkat sisibol ang mga bagong manunula.

Page 16: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 9 ng 40 KARTILYA

LUALHATI NG SILANGAN

Iniadya mo ako

sa anumang anyo ng kamangmangan.

Inilagay ko sa kukoti ng iba

ang iyong mga pangaral

dahil hindi ko naman kailangan ang mga ito,

ang sinabi ko sa aking sarili.

Pinakinggan ko

ang tunog

na nagmula sa batingaw ng iyong naitagong kapilya.

Nakisabay

sa ilang pag-indak,

pag-arte at pag-awit

sa ipinagmamalaki mong teatro.

May metamorposis na nilalaman

ang sentido

na siyang naipamana mo sa akin.

At nagpatuloy akong may hubog.

Hinubog, hinuhubog.

Huhubog.

Marami-raming kasangkapan sa kapilya ng karunungan.

Dito namulat

ang aking munting paraisong may bahid ng kaalaman,

at pakikibakang may liyab mula sa damdamin

na animo ay

ikinubling dragon, at pagkakaibigang maamo

katulad ng sa tupa.

At humingal.

Pagod na ako, Lualhati.

At may uhaw

ang sa akin lamang ay nalalabi.

Ika-27 ng Setyembre, 2012

Page 17: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 10 ng 40 KARTILYA

MAYNILA

(Isang maikling paanyaya ng pagkilos mula sa MANILEñO)

Sa umaga:

Imulat ang nananabik na mga mata.

Masdan ang paligid habang tinutunaw ang putaheng pahayagan--

pulubing nakahandusay sa may simbahan.

gusgusing yagit sa maputik na lansangan,

at silang mga may kapansanang tirahan ay kalye,

mga buhay na patotoo ng karukhaan dito sa gintong lungsod, kuno.

Sa tanghali:

Sumasayaw sa alindog at halimuyak ng tukneneng at sago.

dumadampi na rin, masarap na fishball at gulaman,

pumukol pati kikiam at malamig na ice tea.

Bilisan lang ang pagbili,

nakadobol park ang jeepney.

Sa hapon:

Kalesa'y nakipag-unahan sa bus na rumaratsada,

ganun din sa piratang FX na humila

ng mga pasaherong burgis ang tawag sa masa,

buti pa ang LRT walang kakumpitensya.

Mga pulis ay nakamatyag kay Ligayang umiindak,

habang ang owner ng pulis nakaabala na sa trapik.

Sa gabi:

Itim na usok galing sa tambucho,

singaw ng ilog ay sadyang mabaho,

kanal at imburnal ay nakalulumo--

lipana na kasi ang mga langaw, lamok at kung ano.

Samantala, nakalatag sa di malayo--

itlog, balut, penoy, bitukang inihaw at adidas--mga paninda ni Pedro.

Sa madaling araw:

Rindi ang isip sa magdamag na beer at pulutan,

nakiparty kasi dun sa higanteng bahay ng kuwagong gising.

Tila baga sabik makaulayaw ang gabi.

pipi't bingi sa musmos na katahimikan,

humihiling sa buwan na huwag munang magpaalam,

pigilin ang pagisbol ng bukang-liwayway.

Page 18: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 11 ng 40 KARTILYA

MEHAN GARDEN

Hinintay ko sa hardin ang kaniyang pagdating

Inabangan ko sa aking paghintay ang mga huni

huning mula sa mga ibon upang malibang

Nalasing ako sa kahihintay sa wala

Ika-13 ng Nobyembre, 2014

J. Ruiz, San Juan

Page 19: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 12 ng 40 KARTILYA

MLB

(hakang likha para sa akin ni Boss Mike)

May kaharutan ang iyong ngiti

noong nakita kita

sa may tulay ng Pamantasan ng Silangan.

May luksong namagitan sa atin dalawa

kagaya ng sa tulay

at sa malapit nitong kapilya.

At ipinatong ko sa iyong bumbunan

ang makatang pagpapala,

at sinundan mo naman ng munting pagtugon sa pamamagitan ng iyong

maamong ngiti.

Hindi ko pinagsisihan ang gayon

sa kadahilanang nasa daloy din ng iyong dugo ang pagkamakata.

At ako'y lalong nagalak, natuwa at

sadyang humalakhak sa mga naitago mong indak.

Ika-28 ng Setyembre, 2012

Page 20: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 13 ng 40 KARTILYA

NANG NAWALAN KAMI NG

BUKANG-LIWAYWAY

Tinanaw ka namin na may alab

ang nasa iyong kalooban.

Sa aming pansamantalang paglisan

ay inaalala ka namin

na lumisan kaming may naiwan sa iyo na ningas

ang hatid mong pagmamatyag.

At kahit na lantay ang mga dahon

na nakasabog sa kung saan na animo ay

dinatnan ng manlulupig

sa paanan

ng iyong bulkan,

ay kagaya ka pa din ng nakagawian

--hindi pasisiil, di ka pa din pasisiil.

Ngunit kamakailan,

isang pagkagulat ng kamakailan lamang,

humiyaw ka ng sandali at di na nagpatuloy.

Bakit di ka na nagpatuloy pa, sa halip

ng amin ding paghiyaw, pagsigaw,

pakikibaka?

Mahal ka namin, bukang-liwayway.

At ngayo'y sa iyong pamamaalam, kami ay tumamlay.

Ika-26 ng Setyembre, 2012

Page 21: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 14 ng 40 KARTILYA

PROSTI

May sawimpalad ka't iniwan sa paanan ng kumbento ang musmos na nagmula sa

iyong sinapupunan. Ang wika mo pa nga'y may kabilugan ang mundo na parang

gulong, bakas ng gulong sa iyong mga palad na kahit higit pa sa mga palad ang

nasagasaan noong unang panahon.

Nasa ilalim ka ng bilog na buwan at naghele kahit naglaho na ang dati-rating

munting alaala sa iyong kanlungan.

Sumisid ka sa kama at mga lalaki ang iyong malupit na unan, pagkagat ng dilim

ay kagawad ka sa ilegal na kalakaran.

At ako ay nagulat sa asal ng kagay mo na dapat ay Paraluman. Nakatapos ka't

sabi mo ay kailangan, ngunit, bakit sa iyong sanggol ika'y nagkulang?

At sumisid ka na naman sa kama at mga lalaki ang iyong malupit na unan, araw-

araw at gabi-gabi ka sa pagbebenta ng laman. At ikaw ba ay mapapatawad ang

nasa iyong isipan, kahit alagad ka na ng laplapan sa nabubulok na lipunan.

At nagpahinga ka ng maraming pahinga sa paanan ng estatwang may nakatakip

sa kaniyang mga mata.

Napatingala ka at nabatid mo ang kaniyang kapayapaan na kahalintulad mo na

namamahinga.

Ika-17 ng Oktubre, 2012

Page 22: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 15 ng 40 KARTILYA

SARONG BUGKOS

(hango sa ika-55, sa NPC)

Isang gabi ng walang hanggang mga halakhak;

ng mga upos na sigarilyo;

ng mga nag-iinit na serbesa.

Sa kailaliman ng kanyang talinghaga--sa wakas!

Dumadaloy na rin ang nakalalasing na tula--

nilinang ng kamalayan,

inukit muli ang patay na karanasan.

Pawis ng dalita.

Matanda at batang tula.

Inugoy ito nang mainit,

ngunit mahalinang hanging

galing pa sa dalampasigan,

na maghapong namasyal

sa mahiwagang karagatan.

Listo ang bagitong balintataw.

Sagana sa pagkumpas ang puting lolo.

Mapait ma'y pinag-isa ang mainiping liwanag.

Siya kasi ang babalot

sa matamlay na karimlan ng dilim.

Dalawang buto't balat na makata ang tumayo

mula sa kanilang kinauupuan.

Itinaas ang kanilang serbesa,

at nakisalo sa kuyug ng talinghaga!

Page 23: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 16 ng 40 KARTILYA

SEPULTURERO

Marami-raming hinukay na libingan, mga kaluluwang hindi dapat nakapatong sa

kanlungan. Sa kabilugan ng sansinukob, ay mas malalim pa sa gabi ang

nilalaman ng isipan, ang lungkot at pangungutya hanggang sa datnan ng

pagkayurak ang kinalalagyan.

Sa harap ng di mabilang na mga puntod, nagiisang sinasamsam ang nalalabing

wikang binibigkas ng mga labi: "Ako na ata ang isa sa may pinakamaraming

nagawang mga tula, ngunit, wala man lamang ni isa sa aking mga likha ay

natuwa."

Maraming beses nagsukat, tumugma, nakinig sa ilang berso ng dati-rati'y

nabasag na mga pangarap. Maraming beses namatay ang puso ko't ang aking

mga piraso ng alaala ay naghintay sa anumang lupalop ng makalupang pagkatao.

Naghintay. Ngunit, wala ni isa man sa pagkaratay ay naglamay. Dahil dito'y

pinunit ang natitirang kasuotan sa pag-asang ito na lamang ang nakasisiguro ng

kaligtasan ng tinatawag na sanlibutan.

Muling sinilip ang epitapyo sa pintuan ng silid bago ako umidlip. Bago pa man

pumikit, kasabay ng pagtatapos ng epoka sa aking kasaysayan, ay nag-alay

muna ng madamdaming elohiya para sa sarili--para sa katapusan ng pangamba,

kabanata, kabataan. Sinundan ng napakalumbay na lumbay. Lumuha.

Humagulhol. Nagsisi sa kadahilanang hindi naging kapaki-pakinabang ang

bawat patak ng pawis na itinangis ng hapong pangangatawan. At nitong huli'y

lumikha pa, lumikha ang makata ng marami pang mga tula imbes na

manlupaypay.

Ika-2 ng Nobyembre, 2012

Page 24: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 17 ng 40 KARTILYA

LA VISTA POR PABOR

Sa vista ng bayani, martir, at may kapansanan

Sa vista

Bughaw ang mga nagliliparang bagwis sa aking pangarap

Sa aking sentido

Dugo ang dumadaloy sa aking mga ugat

Naaaninag ko na ang mga linya ng liwanag na naghaharutan sa bawat sulok ng

aking pintuan

Nagsisimula na ang paglalakbay ng sariling diwa sa aking madilim na silid

Pinapanday na ang aking isipan ng mga matatalas na kataga na itataga ng

sariling dila bago pa man ang paglilitis

Ikukumpara na ang magkabilang kamay upang magsalaysay ng tungkol sa may

sala, sa biktima, sa saksi

Tatanaw na ako sa malayo

Tatanawin ang paglilitas sa magkapatid na Bonifacio sa harap ng korte ng

Himagsikang Filipino

Tatanawin ang firing squad sa Bagumbayan

Titindig sa harapan ng mga garote

Titingalain ang mga krus na nakatulos sa Kalbaryo

Hihintayin ang aking si Rosario

Ika-5 ng Abril, 2013

Page 25: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 18 ng 40 KARTILYA

Teodoro T. Antonio

DILAW ANG KULAY NG KALUNGKUTAN

Dilaw ang kulay ng paninibugho,

gayundin ang talusaling na paninindigan.

Dilaw na laso ang sagisag

ng pagmamahal sa nagbalik na nabilanggo,

maging ang kulay ng liwanag.

Dilaw din ang kulay ng tilamsik

Ng alipato at punglo sa kalsada't abenida

o ningning ng tala at buwan.

Tulad ng kulay ng ilaw trapiko,

nagbababala sa pagtakbo at paghinto.

Dilaw ang kulay ng pahinang

kinasulatan ng nagdaang kasaysayan

o ang direktoryong pinira-piraso

at inilulan sa hangin.

Pinintahan ng kulay dilaw

ang kasalukuyang pagdaramdam, poot

at pagkamulat sa mga pangyayari.

Parang ningas na dala-dala ng alitaptap

Na sumusugba sa dilim ng kagubatan;

Tinatanglawan ang naligaw na kulisap

o sandata sa mabalasik na insekto at hayop.

Iniisip kong ibalot sa dilaw na dahong

Nalaglag sa sanga ang pangungulila;

O kaya'y isalang sa dilaw na tilamsik ng baga.

Pagkat napapaso ang puso't diwa

sa dilaw na lagablab ng sintimyento't

pagluluksa ng maraming nakabangga sa kalsada.

Dilaw na dahon akong pinigtal

ng pangyayaring tinuka ng dilaw na ibon.

At dilaw na ningas ang gumabay,

habang isinusulat ang tula sa naninilaw na papel.

Dilaw din ang damit na suot ng aking anak

nang abalahin ako sa pagsusulat.

Dumungaw ako sa aming bahay,

dilaw ang kamiseta ng naglilinis ng kalye,

dilaw ang diyaket at helmet ng nagkukumpuni ng telepono.

Hanggang tapunan ko ng tingin,

ang dilaw na bulaklak sa hardin

na inaaligiran ng dilaw na paruparo.

Page 26: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 19 ng 40 KARTILYA

Samantalang dilaw na pusa ang sinasakmal

ng itim, malaki at mabagsik na aso.

Dilaw din ang sikat ng araw

na naglagos sa bintana.

Maging ang bulaklak ng kalabasa

at hinog na manggang nakagayak sa kusina.

Parang ang aking kalungkutan

ay nagiging dilaw na tulad ng sa kompeti,

na naglalaglagan sa mga gusali ng Makati.

Page 27: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 20 ng 40 KARTILYA

Christine De Castro

LUHANG WALANG PATID

Silang mga manlulupig

eto na't papalapit.

Mula sa kung saang dako

natatakot yaring musmos.

Pilit iginagapos,

pinatigil ang paghihikahos;

pinigil ang pagsusumamo

patuloy ang pagmamakaawa.

Gayong ang puso nama'y

patuloy ang pag-amo.

Halika't tulungan mo ako,

ilabas ang nasa loob nitong damdamin.

Naninikip ang dibdib

Puso'y tumitindi,

sa pagsiklab ng silakbo

at muling paghikbi..

Ang pag atungal...

Ikaw man ay nagiging ganito rin:

Dumadaloy at pumapatak

Mula sa mga mata,

pahalik sa pisngi,

na ngayo'y namumugto.

Di na ito mapipigil pa

Hinayaan akong dumaloy

Ang mapapait kong karanasan

Maging sa araw-araw man.

Mangyayari ito ng paulit-ulit

Di ko na ito pipigilin

Kahit anong gawin

Di ito kailan man papaawat.

Huwag ko lamang indahin

Dahil ang puso ko'y di magpapapigil

Page 28: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 21 ng 40 KARTILYA

Gusto lamang maibsan,

ang mga nakaraang madilim.

Inilabas ang nararamdaman

Ipinadama kung nasasaktan

Iniibsan ang kasiyahan

Na kung minsan nama'y walang magawa.

Ilan lamang ito sa mga dahilang

di maipaliwanag ng husto

Kung kaya't ang paraan lamang

ay hayaan itong magpatuloy.

Page 29: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 22 ng 40 KARTILYA

Rogelio G. Mangahas*

Sarap ng sabaw!

Kinatay palang pagong.

Patawad, igan.

Nikki Pedroche

IKAW

Hangin kang dumaraan

Humahawi sa ulap

Sa lupa’y nakaambang

Biyaya kong tinanggap

_______

*Mula sa kalipunan ng mga Haiku na GAGAMBA SA UHAY

Page 30: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 23 ng 40 KARTILYA

Lamberto E. Antonio

HIYAS NG GUNITA*

(Alay sa kapatid kong Anicia Antonio-Ventura 1947-2015)

Nobyembre ang buwan ng iyong pagsilang

at ng huling yugto ng pagkakaratay

pagyaong panatag ang nakalarawan

dahil nagwagi ka sa mabuting laban.

Mahabang panahon na ikaw ay nagsikap

maghawan ng daan tungo sa pangarap

sumalok ng sigla sa masinsing hirap

saka pinuhunan sa pakikilamas.

Isip at salita ay pinakatumbasan

ng gawang malinis, pulido, marangal,

ang mga minithi'y katugma ng hakbang;

kapag sinimulan, di tinatalikuran.

Kapatid na mutya; malinaw at tahas

ang diwa at dila ay tampok na tatak

katangian ito na sadya ngang bansag,

kabuklod ng iyong prinsipyong matatag.

Ang pangarapin mo'y puspusan hinubog,

mistulang pinanday ng libong pagsubok;

hindi inalipin ng poot at takot,

may pananalig kang taos mong kasukob.

Landas itong buhay, madawag na landas,

may simula kaya may dulo ring tiyak.

Sa nangaulila, ikaw ay babagtas

upang sa gunita maglakip ng hiyas.

Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija

Ika-30 ng Nobyembre, 2015

_______

*Bahagi ng variations on a theme at kasama sa

bagong katipunang KAHAPONG SANDAKOT ni LEA

Page 31: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 24 ng 40 KARTILYA

Ading Kiko, dps

TALAHIBAN

Tila'y umaapoy na ang ating poot

sa mga matataas na talahiban

natin ginagahis ang ating sarili

sa makamundong sarili't kasarinlan.

At saka natin sinasabing tayo ay

tao. Sa ating paghahangad ng tawad,

tayo'y nakasusumpong. Kay higpit nating

niyayakap ang mga kapatawaran.

Luluhod ng may pumpong mga salita

dayong wikang makinang at maawain

tayo ay magkakabuklod-buklod, nasa'y

sa katotohanan tayo ay mahasa.

At nang tayo naman ang sinunggaban ay

binabaklas natin ang mga sarili't

tayo'y naiinita't magyuyukuan

aaminin nating tayo'y nagkukulang.

Huhugot tayo ng mayabong na wika

sisimulan nating sindihan ang lubid

ng katapusan. Naubos na mitsa ng

Page 32: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 25 ng 40 KARTILYA

katarunga'y sanhi sa nagliliyab na,

Inaaninag nating pag-asa'y huwad

mga bulag tayong nagbibigay-gawad

sa mga bulaang yama'y hinahangad

at nang matuklasa'y tayo'y naglagablab.

Biglaan nating sinisindihan itong

matataas na talahiban na siyang

matatalas na dila. Dila ng apoy,

kung saan namamagita'y tuyong gatong.

Anhin tayo ng kapirasong lupa

na di tayo ang nagbungkal at may likha?

babangon tayong tuwid sa puso't diwa

kasangkapa'y sariling sikap at gawa

Nagniningas tayong muli katabi ang

nagsisiga-sigaan na nagsisiga

sa ibabaw ng natitigang na lupa

--'sang lupalop, ni di kaniya o atin.

Ika-5 ng Abril, 2016

Maynila, Filipinas

Page 33: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 26 ng 40 KARTILYA

NANG MULING UMULAN

SA OKTUBRE, 2015

Sa dinami-dami ng gawain1

ay unawain ulit ang tula2

Sa lumilipas nating panahon3

ay may natatapos na gawain4

Nagwakas na Setyembre't Sabado5

Muling balikan ang alaala6

Alaalang may lumot at limot7

tono, boses, kuwentong kanila8

Tono, boses, kuwento kung ibig9

Isulat ang dating pagkabata10

pinaglumaan na nalimot na11

Nagwakas na ang lalim ng tula12

naulanan na ang mga dahon13

kung saan nakadagta ang tula14

samantala ay may mga papel15

na basa sa ulan ng Oktubre16

Ilihim at huwag pag-usapan17

at upuan ang bugkos ng rosas18

ang hiwaga nito't talinghaga19

larangan ng malikhaing sining20

ay nalimot at nilulumot na21

Di nabasa ang tula sa papel22

nakadagta ang tula sa dahon23

Makata pa ang ulan at dahon24

isang dekada'y nasa likuran25

nasa mga bakas ng paa at26

--Almario't Mangahas, Antonio27

Ika-5 ng Oktubre, 2015

Page 34: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 27 ng 40 KARTILYA

NANG MULING UMULAN

SA OKTUBRE, 2014

A, heto ka na naman

huwag mong pigilan

Ilang letra na nalalabi

ay pagtuunan

Makalikha ng akda

ay kinakailangan

Maihahambing

sa pagkagutom nitong tiyan,

sustansiya at luho

ay marapat na lagyan

upang utak ay magkalaman

Ika-6 ng Oktubre, 2014

Page 35: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 28 ng 40 KARTILYA

Unang Himig

HIBIK MAYO

Iskandalo ba sa mga natutulog ng mahimbing sa pansitan

ang awiting malumanay, at may pag-irog?

Kailangan lang naman ang pagkanta, upang mapawian ng pagod,

mabawasan ng kaunting paghingal, na dala pa ng pagtakbo

sa kalsadang pagkahaba.

Tinahak kasi itong umaga ng sadyang pighati't dusa.

Ngayon, masakit man, dapat nang dalawin nitong

gintong antok.

Sa lipunang tuod sa dilim,

himig na malalim ay magdamag na gising.

May boses sa sulok!

Hinibik ang liwanag.

Dito sa karmilam ng bulag na gabi.

Ayaw mahamugan, na siyang malimit na kumikitil

sa nangungulubot na katandaan.

Pero, tuloy pa rin ang pakikibaka,

ang paniniwalang nasalanta,

maraming panahon na ang lumipas.

Page 36: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 29 ng 40 KARTILYA

Lamyos ng hubad kong tinig

para sa inyong mga hapo

sa walang humpay na paggawa

Ika-21 ng Abril 2003

Page 37: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 30 ng 40 KARTILYA

PILYO ARENG SI TSONG!

(Para kay Tito Andel+)

Di laang basta-basta,

Napadpad areng mumo nitong Tsong Andel,

Matapos mayakyak ng sasakyan.

May pakay kanyang pagparine, di ga?

Ale eh, ano nga pala sa aki'y kanyang winika?

Ay s'ya, aking alamin, gunitain.

At kapag naalala ang tagubilin,

Sumunod na laang at ito'y unawain!

Aha! Oo at tama.

Ako daw dine ang magsabi, ika n'ya.

Kaya laang, saang lupalop ko sila hahanapin.

"Huwag kaligtaan," ang kanya pa namang bilin

Bagama't kilala ako sa pagiging barako,

Katulad ng kapeng Batangueño

Mas malake, matalas at mahaba...

Ang balisong na nakasuksok sa bulsa ni Tsong Andel ko.

Uy, takot na 'yan.

Page 38: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 31 ng 40 KARTILYA

Huwag!

Pang-display laang naman iyon.

Are ga, hindi na mabiro.

Kung maaari daw,

Lihim sa aking pinsan (uniko iho, kuno).

Para kase sa labindalawang (apostol) kapatid nya.

As if, lahat iyon ay kumpirmadong panganay.

Page 39: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 32 ng 40 KARTILYA

HAPLOS

Marahil, ilang gintong dekada ang nakaraan

dumadaloy sa alaala magpahanggang ngayon

malupit na heleng umaalingawngaw sa apat na sulok

nakahihilong ugoy, dito sa aking duyan

Ilang saglit ang lumipas

iniunat ang nanlalantang mga bisig

ibinuka, ikinumpay, winagayway

ang kapit-tuko at nanghihinang mga daliri ng mga kamay

masumpungan nawa ng mga ito ang bawat patak ng gatas

Ilang tansong panahon pa ang nakaraan

At ako

Gaya mo

Hayaan, pagdampi, pagdiin, nitong palad ng mga paa

sa bumabagang kalye

sa mahabang tulay

kasalukuyan akong nangungulila sa paghahanap

matuklasan ang inyong pag-aruga

masumpungan ang init ng inyong ulirang sinapupunan

Ina?

Nasaan ka?

Oo, ako'y kinakalawang dahil sa kahihintay

Ako'y inuugat habang nalalanta

Katulad ng 'di mabilang na naglalamigang rehas ng seldang ito

Biyaya ng inyong haplos ang tanging kailangan

Page 40: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 33 ng 40 KARTILYA

KAARAWAN MO MAMA KO

Bago pa man

lumagapak ang inahin

sa banyagang helipad.

May humarurot na bagwis

mula sa perlas ng silangan.

Iwan ang ilang

lapida ng alaala,

lakas-loob na isinantabi,

butil ng malasariwang luha.

Kahit tigang na

sa pangungulila

ang lupang tinubuan,

dagdag pa

ang malungkot na ulap

at maselan na hangin.

Tinimbang,

tilaok ng tandang;

gutom na mga sisiw;

huni ng mga maya

at kwak-kwak

ng albularyong pato.

Page 41: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 34 ng 40 KARTILYA

Bitbit ang

sinapupunan ng pag-asa,

nakikipagsapalaran

sa banig ng takot,

pangamba.

Sabay silip ko

sa petsa: Ika dalawampu at pito

sa buwan ng Hunyo.

Sasadlak sa mobile phone,

E-mail, social networking sites,

mahayag lamang ang iyong kinang

sa araw ng iyong kaarawan,

bilang aking ina

sa makasaysayang

bahagi ng aking buhay.

Page 42: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 35 ng 40 KARTILYA

PAGKAPANTAY-PANTAY

Tinitimbang ang mga kung anu-ano

sa ating buhay

sa kung sinuman ang mas mabigat na pagkakamali

May timbangan ang ating bayan

na kahalintulad nang sa kahit saang palengke

May mga tumitimbang

kagaya ng sa may mga humuhusga

Paminsan-minsan ay tinitimbang natin ang ating mga sarili gaya ng pagtimbang

natin sa mga bagay-bagay

Bakit pa kailangan alamin ang timbang kung nais lamang ay pagkapantay-

pantay?

Suriin ang kalooban at nang mabatid

Ika-9 ng Nobyembre, 2014

Page 43: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 36 ng 40 KARTILYA

INSAN ROSANNA

Keyk sa ibabaw ng mesa

mabuting diyan ka muna

Ingat sa pusang pumuna

'wag naman sanang mauna

Hinahanap ang kandila

at apoy para sa kanya

Mahal na Insan Sana ay

lagi ka lamang masaya

Narito na, kandila't keyk

espesyal, sarili kong bake

Kaya kaon na, take nang take

kasabay, matamis na shake

Ika-2 ng Mayo, 2016

Page 44: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 37 ng 40 KARTILYA

BANGON LUALHATI

'Sang araw, kay lupit, panahong tag-init

nagkumpulang itim na usok ay pili

sa Pamantasan ng Silangan ang titig

katagang nawalan ng katig ay hikbi.

Anak na siyang iniwi ay nilapnos

ng nagdurugong puso ni Lualhati

isang trahedyang kailan lamang naganap

apoy na tinupok ang mga gusali.

Batibot na inabot ng dilang apoy

ginibang dibdib ay nagdadalamhati

sa gahiganteng silungan ay hinanap

buhay ng punong naging saksi'y nasawi.

Ambon man lamang ay pumapatak habang

mga kasangkapan na dinumog ay di

pinatawad at nasunog, wala na nga

mga sirena ng bombero'y nayupi.

Liyag at muhon ng karunungan itong

nagsilang at nagtatag na di mapawi

mga bato ng sining at panitikan

Silanga'y magmamaliw na hinding-hindi.

Ang San Francisco, kapilya ng dasalan

nagiba't nawala'y halos kalahati

bukluran ng pamayanang nananalig

ay tumutugon sa paghamon sa lipi.

Panalangin ng marubdob na damdamin

bida ay malimit mabugbog sa huli

anumang nagliliyab ay nagagapi

bangon UE! Ahon Inang Lualhati.

Ika-2 ng Abril, 2016

Kalakhang Maynila, Filipinas

Page 45: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 38 ng 40 KARTILYA

___________________________________________

RED ON FIRE. This shot is near the S. H. Loyola (formerly Lepanto) Street. A

dark smoke is coming from the College of Arts and Sciences (CAS) Building

adjacent to Engineering Building located in University of the East (UE), Recto

Campus. The blazing fire is near the place where the official weekly student

publication of UE is likewise located, The Dawn. -- Pitt Photography

Page 46: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 39 ng 40 KARTILYA

LIHIM NG KAHON

Ako, ay musmos ng lipunan--may sariling mundo at abala sa paglilibang.

Maihahalintulad ako sa lumang kahon na pinagdaanan ng panahon. Ang kahon

sa bahay na matagal nang pinupuna ng aking mga mata. Magmula noon

hanggang ngayon, siya ang kahon na inasam na mabuksan dalawampung taon na

ang nakalipas.

Ano ba ang nasa loob ng kahon? Hindi ba siya laruan para sa aking

kamusmusan o kaya ay kaalaman para sa aking kamangmangan? Bakit gayon

na lamang ang pagbawal mula sa aking mga magulang? May misteryo nga

bang bumabalot sa kahon?

Dumating ang maraming panahon, kung saan, pansamantalang mawawala

muna sa aking munting isipan ang nakamamanghang kahon, dahil ako ay

kailangang lumisan. Kailangan kasing lumipat sa ibang lugar upang doon

manirahan. Doon, kami'y patuloy na mamumuhay at patuloy na

makikipagsapalaran.

Ako, ay ang binata sa lipunan--may bagong mundo at abala sa pag-aaral,

pagtuklas ng bagong kaalaman at karanasan. Marami na ang nagbago, ngunit

narito pa rin sa lumang bahay ang kahong tumutukso sa pagiging ako.

Sa wakas, naghari na ang tapang. Binuksan ko ang kahon, at namangha sa

nakita. Laman nito ang mga kaalaman na nagmulat sa aking mga mata. Walang

duda kung bakit ako inilayo at binulag sa katotohanang nasa kahon. Laman nito

ang kasakiman at kaalamang naglagay sa mga nilalang sa karimlan. Nasaksihan

ko sa loob nito ang pighati at dalamhati na siyang sumusira sa kamusmusan ng

lipunan.

Inilabas ko ang laman ng kahon. Muling binalikan ang mga pahinang

nabasa. Animo ay tanda ng pagaalinlangan. Laman nito ang tunay na anyo ng

nagbabalatkayong sistema, na siya ring nagpapalakad sa bayan.

Minsan, ay minatamis ko pang mabulag imbes na maging saksi ng karahasan

at kasakiman. Batid ko ang mga paghihirap na mararanasan ng dahil sa taglay

niyang lihim. Para sa akin, siya'y pagdurusa, katotohanan, kayamanan o

kapangyarihan.

Page 47: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

dawn poets society 7 pahina 40 ng 40 KARTILYA

Ako, ay ang tao sa lipunan--may walang hanggang mundo at abala sa

pagsisisi. Dala ang kahon ng kabiguan at ang laman nitong nagdulot sa akin ng

kamatayan. Taglay ko ba ang tagumpay o kasawian, sa bagong lipunan?

Ang aking balintataw, sa lihim ng kahon na laging sariwa sa aking isipan.

Naging kasangkapan ka ng kapahamakang naranasan. Tunay nga ang

karamdamang dulot sa lipunan. Nawa'y nanatili ka na lamang na isang lihim--

lihim na kahon sa mundong limot.

Page 48: ading kiko executive editor...KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula dawn poets society 7 ading kiko executive editor ISSN 005-004-201-6 dawn poets society

ang gabi’y lumalapit

at akong ito’y walang damit.

ang gabi at ako ni ruth elynia s. mabanglo

“Isa ang University of the East, noong Dekada 50, sa mga kadluan ng

talinghaga. Sa tulong ng Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik (KADIPAN) na

may taunang patimpalak para sa mga pahayagang pang-kampus, particular sa

seksiyon sa Pilipino. Pagkaraan ng humigit-kumulang na isang taon, muling

nagbukang-liwayway sa silangan. Sa pamamagitan ng DAWN, ang peryodiko

ng UE, isisilang ang tungkong-kalan ng panulaan. Sila ang mga makatang sina

Virgilio S. Almario, Lamberto E. Antonio, at Rogelio G. Mangahas. Sila ang

naging hudyat ng “ikalawang daluyong ng Modernismo sa Tagalog.” Sila ang

ilan sa mga makatang galing sa mga unibersidad nagpabagsak sa mga kung

tawagin ni Rio Alma ay “Balagtasista.” Pagsapit ng Dekada 70, ipapanganak

ang pagtula ng makatang si Teo T. Antonio na inilalangkap ang panitikang

agraryo sa aktibismo. Itatag nila ang Galian sa Arte at Tula (GAT) na tutuklas

naman sa mga tula ng tulad nina Mike L. Bigornia at marami pang iba. Ito ang

ikinahusay ng koleksiyong ito ng Dawn Poets Soceity.

Ito ang ikinagaling nina Matanglawin, D, at Saintinner na muling nagpaalala

sa ambag ng kanilang pamantasan sa panulaan. Ito ang ikinahalaga ng ganitong

kalipunan na siya ring katipunang inspirasyong magpahanggang-ngayon ng

bagong henerasyon ng mga makata.” -- Vim Nadera

KARTILYA

KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula

dawn poets society 7 ading kiko executive editor

ISSN 005-004-201-6