alamat ng tubo at hitso

Upload: ramel-onate

Post on 20-Feb-2018

340 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    1/9

    Ang Alamat ay sulating pampanitikan na nagsasaysay ng pinagmulanng isang tao, pook, bagay pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ngpantasya o pangyayaring hindi kapani-paniwala at salig sa kathang -isiplamang.

    Ang mga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan;datapuwa't lubhang kailangang buhayin ang mga salinsaling balita yamangang karamihan ng ating pinaniniwalaan ay badha niyaon, at ng mgapangyayari; kaya't ang sasalaysayin ngayon ay tunay na hindi ko namalaman kung saan ko naringig o kung sa aling kasaysayan ko nabasabagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.

    Katanghalian daw noon ng buwan ng Marso, mainit na lubha angdaloy ng mga sinag ng araw, kaya't ang kaalinsanganan ay di magpatiwasaysa madla, lalong lalo na doon sa mga pangkating pinag-uusig ng mga batas,doon sa nangabubuhay sa pamamagitan ng pawis ng iba at walang bilanghimpilan kungdi ang madadawag at masukal na yungib sa kaparangan; doonsa lupalop na pangublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan satumutunghay na langit ang tanang kabuhungan kanilang lagi nangikinaaaliw.

    Sa panig ng sansinukob na pinangyarihan ng buhay na ito, ay walaniyong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa mga kabundukan,na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y manganlong, doo'y walanga iyong malalabay na sanga ng nangag-lalakihang punong kahoy nanaggagawad sa madla ng malalamig na lilim kung katanghalian, at tangi sailang halamang gumugubat na kawangki ng palasan ay wala ng iba pangsumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan matatalim atnakasusugat ang kanyang mga dahon, at walang munti mang maituturing napakinabang sa kanya; ang sino mang mapasagi ay dumadanas ng isang dimagpatahimik na kakatihan kawangki ng tinatawag nating NALILIA.

    !mano'y sa mga kadawagang iyaon nangungubli ang mga maymalalaking sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang

    lalong masigasig na kagawad. Apat kataong nagkaisa ng ugali, atnangasawing mamuhay sa pamamagitan ng panghaharang, angkasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit nanangag-sambulat sa mga landasin; ang mainit na simoy ng katanghalian aytumutupok sa kanilang mga noo at nagparamdam ng malaking kauhawan;datapwa't ang kanugnog na yaon ng mga lupalop na di sinasapit ng maymatahimik na kabuhayan, ay di sinibulan ng tubig; doo'y walang mga bukal,walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't

    AN# "!$%

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    2/9

    ang pagngangalit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw ng pakikiayon,yamang wala namang ibang magawa.

    Sa di kawasa'y nakasalubong sila ng isang matandang lalaki na sakanyang anyo, ay tila may isang malaking katangian at mandi'yumaanyayang siya'y pakagalangin, datapwa't ang sibul na marungis na

    budhing taglay ng apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, atinakalang paglibangang uruyin ang kagalang-galang na matanda.Ang isa sa kanila ay siyang unang umaglahi.Matandang hukluban, saan ka paroroon sa ganitong kainitan& Ang

    pang-unang tanong.Ang dugo nito ang ating inumin ang saad ng pangalawa. Kasabay

    nang bunot ng itak sa sukbitan na biglang iniyamba.Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais.

    Ang salo ng pangatlo.Magsalita ka Ang pakli ng pang-apat.Aking hinahanap. Anang matanda, ang panig na aking tinutuklasan

    ng pampawing uhaw.Sa tuwing hapon, ang dugtong( kung sumasapit ang ikatlong oras

    ay pinagkakalooban ako ng Makapangyarihan na makasimsim ng pampawinguhaw.

    At saan ka naman kukuha ng maiinom sa kadawagang ito, nakinaigahan ng tubig at kinaitan ng kanyang balong&

    "ingnan natin at tila ito ang makapag-aalay ng ating kailangang dimatuklas, ang anas ng isa sa kanyang kasama.

    Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalagay ay matitira tayo saisang kabiguan, ang paangil na tugon.

    Narito anang matanda, ang lagi kong iniinom kung dumarating ang

    oras na aking sinambit.)ito'y walang batisan...*indi ko kailangan ang makikinang na daloy ng batis, upang ipamawi

    ng kauhawan; sa aki'y sukat ang mga halamang inyong namamalas, pagka'tsa kanya'y nananamnam ko ang matamis at masaganang katas, sa mga orasna ang Sumakop sa tanan, ay nagsabing +AK%' NA!!*A+, sa kanyangitong ika, bago naglakbay sa kaluwalhatian ng Langit at tinalikdan angpagkatao.

    "ila ito'y may nais magpalaganap dito ng mga katakata niyaong mgamapagsampalataya ng kung ano anong kadayaan.

    Ang taong ito'y tila tayo ang pag-lalaruan, ang sabad ng isa.

    May orasan ba kayong taglay& ang malumanay na usisa ngmatandang inaaglahi.

    Ang orasan namin ay anyo ng araw na lumiliglig sa boong "inakpan.Ano na kayang bahagi ang ating kinalalagyan&"ayo'y nasa ikatatlo na ng tanghali; yaong oras na inaantabayanan

    mo upang numamnam ng pinakananais naming pampawing uhaw ...*ayo,ipakita mo sa amin ang pagsipsip ng katas ng halamang iyong sinambitat kapagkayo'y aglahi lamang ay kaawa-awa ang iyong sasapitin.

    agkarinig ng bihigkas na ito ng nag tatapang-tapangan tulisan aylumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa Lumikha ang kanyangkalagayan; at pagkaraos ng pananalangin ay nagtuluyan bumakli ng mga

    halamanang naroon at pinangos na sinipsip ang katas.agkakita nito ng mga tulisan ay nangagsitulad sa matanda at

    nakipangos naman; datapwa't ang kanilang nalangap, ay ang di-masaysayna hanglay at sa kadahilanang ito'y inasod ng palo ang kagalanggalang namatanda hangang sa nalugmok sa mga nagkabalibalingsanga ng halaman.

    Sa gayong kahabag habag na anyo'y nagturing

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    3/9

    %h mga kulang palad )arating ang panahon na inyongpagsisisihan ang inasal na kaimbihan; pagka't sa inyong panunumbalik sapuok na ito sakaling kayo'y magkapalad na tanglawan ng pananampalatayasa ating Mananakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik ng mgadugo ko ay sisibulan ng ganyan ding halaman; subali't ang bawa't dito'y

    tumubo, ay magdudulot sa katauhan ng isang malinamnam at matamis nakatas, na siyang katutuklasan ng tanan, ng isang mabisang pampawinguhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailanganin ng katauhan.inaslang ninyo ang isang nahilig sa pagninilay ng mahalagang +I"%N#IKA+ ng ating MANANAK%, nawa'y siya ninyong laging pakinabangan./

    Nakaraan ang isang munting bahagui ng panahon, ang pagkakataonay naging tagapamagitan upang ang apat na buhong ay muling mapabaliksa kanilang pinagdausan ng huling kalupitan at nang magunita nila ang mgahuling binikas ng napanganyayang matandang kanilang inumog, aydumanas sila ng isang pagnanais na alamin kung tunay nga ang kaniyangmga huling panambitan, at di nalaunan, ay sumatitig nila ang mayayabong

    na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matataba at lubhangmayabong, at silang lahat ay di nakapagpigil ng gayong bigkas

    "umubo ... Naganap ang kanyang huling tagubilin.At sabay na nangagsibakli ng naturang halaman at kanilang

    pinangos.Isang malinamnam at matamis na katas ang kanilang nalasap, at

    paulit-ulit na binigkas na matamis ang tubo, na siyang kaipala'y sumapit saating kapanahunan at ang salitang iyon na iyong una'y pinalalawig upangang maging kahulugan ay supling, ngayo'y bigla na kung bigkasin atnakikilala sa pangalang tubo.

    $ilang pasasalamat ay isang mataos na dalangin ang kanilang

    pinailanlang sa kalawakan ng hiwaga at isang matamis na pag-aawit angkanilang naulinig na ganito ang badha

    +Ano kaya yaong tinamaang malasna nangingibabaw sa tanang liwanagnagtaboy na bigla't humawi sa ulapna pinaglagusan ng ningning at sinagat umaanyayang lubusang magalakyaring abang pusong sinupil ng hirap&+

    +Siya kaya yaong maningning na Ilawna pumapatnugot sa Sangkatauhan,

    pananglaw sa gabi ng nadidilimanat sa may pighati'y pang-aliw na tunay$adhang taga-turo ng iisang daansa mga alagad na nangaliligaw&+

    +%h kulang na kulang yaring pangungusapupang patunayan nakikitang sinag,ayo't nagniningning, anaki'y busilaksa ibabaw niyaong bunton buntong ulap,ayo't bawa't anyo ay isang pagliyagang isinasaboy sa puso ng lahat.+

    +Siya yaong usong Kamahal mahalanna ngayon ay ating kinahahangaanSiya ang dinusta at pinakapaslangng sibat ng sala ng Sangkatauhan,Siya ri't di iba ang kaginhawahanat tunay na aliw ng may kalumbayan.+

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    4/9

    )agli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan ng gayongkawiliwiling pag-aawit, at nang kanilang makita'y lubos napahanga pagka'tdili iba kundi ang kaawaawang matandang kanilang pinaslang nabiglang nawala sa kasukalan ng gubat.

    Ito nga kaya ang sanhing pinagbuhatan ng halamang tubo&...

    AN# *I"S%

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    5/9

    Isang ugaling hangang ngayon ay taglay ng mga tagarito sa atin angipanalubong sa mga panauhin ang ngataing hitso.

    Ang lahat ng bagay ay maaaring malimutan; datapwa't ang alay naito na pinagkagawian na lalong-lalo na sa mga lalawigan ay tunay na hindinakakaligtaan, at nagiging katungkulan na halos, ang maghanda, atgumamit na man, lubha pa't kung ang mag-aalay ay isang binibini.

    )ahil sa bagay na ito'y pinag-ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabalaang pagtunton kung bakit natuklas ang tatlong bagay na pinaglahok atpinamagatang hitso.

    $akit ang ikmo, bunga at apog ay nagawang pagsamasamahin, atnagagamit na pang-alay sa mga panauhin&Ito0y hindi abutin ng aking pag-hahaka at siya namang

    pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagangkatatanong sa mga pala-

    118nga-nga, ay nahalaw ko ang ibubuhay ngayon; nguni't totoo kaya angsinalita sa akin&

    Sa ano ma'y tahoin natin.Isang hapon sa nais kong sumagap ng malamig na simoy na

    nakaaanya sa mga naaalinsanganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang

    maraming gawain at tinungong sumandali ang kalapit na nayon ng asay, nasiyang nababalitang may malalawak na +ikmuhan.+)alawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito nga'y

    ang makasagap ng malamig na simoy at mapanood naman ang maayosnapagkakatanim ng halamang +ikmo,+ na, halos maituturing ayon sakabalitaan, na ang bayang iyon ay siyang sinisibulan ng pinakabuting +ikmo+na pinagkakabalahan kong alamin; ngunit di lamang iyon ang napala ngaking paglilibang at hindi ko man kinukusa ay nakaulinig ako ng isangnakalalagim na pag-aawit na nagbubuhat sa isang masukal na bulaos nanakakanlungan ng makapal na gubat ng +ikmo.+

    "umigil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula

    ang talaytay ng kundimang ganito ang hanay;

    Malasin giliw ko ang daloy ng tubigna nagkikinangan sa galaw ng batis,malasin ang bula sa pamimilansik

    at iyong itulad sa iyong paglingap,

    at kung yaon nga ang siyang kawangisdagling kamataya'y akin masasapit.

    119#ayon din masdan mong napa-iitaasang maputing asong naglalakbay ulap,siya't panganorin iisa sa malas;

    yaon ba'y kawangis ng iyong pag1ibig&

    Kung tunay na gayon, akin ng talastas

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    6/9

    na ang pag-ibig mo'y madaling mangupas.

    Ang paroo't parito ng simoy ng hangin,nakapagdudulot ng lamig at aliwdatapwa't kung gayon ang iyong pag-giliw,

    ay lubos katulad ng isang pag-hamakat wala na akong hihintay-hintayingmatapat sumintang hantungan ng daing.Lubos akong nasiyahan sa kataong iyon, at ng matapos ang

    mapanglaw na pag-aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan ngmga hiwaga, hinahalaw doon sa tanang malikmata, ang isang kagandahangmapag-uukulan ng matimyas na tinig na aking napakingan.

    agkalipas ng ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilimna +ikmuhan+ at nanariwang muli ang sanhing ikinapatungo ko roon, ang datiring nais na matalos ang pinagbuhatan ng paggamit at pakikinabang sa

    isang halamang sakdal hangalay, na gaya ng +ikmo+; sa di kawasa aylumapit sa akin at malugod na bumati ang isang matanda, na tila tunay nakakilala kasabay ng malugod na anyayang magtuloy sa kalooban ng kanilangbakuran.

    120

    Nang unang bugso, ay sumagi sa aking loob ang isang malakingalinlangan; nguni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki naako'y magtuloy.

    agdating namin sa loob ng halamanan ay dinatnang nakaluklok saisang papag-papagan ang isang binibining napakahinhin ang anyo, namarahil ay siyang pinanggalingan ng mapanglaw na pag-aawit na akingkinahangaan.

    Matalaghay ang kabuuan ng kanyang maamong mukha; malamlamang titig kayumanging kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong atnakabibihag ang maramot na ngiting nanasnaw sa kanyang gumam2langlabi.

    Isang sulyap na panakaw at pagdaka'y binawi ang biglang tumudlasa aking puso at ng mga sandaling yaon ay kanyang binihag.

    "umalilis na biglang tinungo ang halamanan pagkakita sa akin atpagkuwa'y pumitas ng ilang dahong +ikmo.+

    )i naglao't bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok atmabihasang pinagpilas ang mga dahong taglay at pinirot na ginawang+hitso.+

    )i ko sinawaang panoorin ang mahayap na mga daliri at tunay kongkinahangaan, ang kainamang tumangap ng panauhin, na, baga mang dilubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawangis ng isang lalong matalikna kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag-alay ng +hitso+ ay kanyangtinupad; n1guni't hindi ako marunong ngumanga; at sa nais kongmapaunlakan ang kanyang pagkaka-ala-ala, ay kumuha ako ng kanyangmalugod na iniaalay, kasabay ng isang

    121

    magiliw na usisa sa matanda na kung bakit natuklas, na ang bunga, iyongmapakla at walang saysay na bungang-kahoy na di nagtamo ng ano mangpamagat, at ang +ikmo+ na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sanakapapasong +apog+ ay napag-ayaw, at ayon sa naging hilig na kinagisnanay siyang naguing panalubong panauhin.

    Nang una, ay inakala kong ang pag-uusisa ay naaksaya at di ko batidna ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'y

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    7/9

    mapaniniwalaang iyon nga marahil ang pinagbuhatan ng +3i4iong+ngumanga.

    Isang ganap na kasaysayan ang kaniyang sinalita na uulitin kongayon ayon sa nalabi sa aking ala-ala Anya'y nang mga unang dako, naang pag-nganga ay hindi pa kilala; ang halamang 5ikmo5, ay lubhang

    gumugubat, at sampuong nangaglaboy na hayop sa kaparangan, ay hindimagtamong pakinabang sa halamang tinutukoy.$akit kaya siya pinasibol kung walang kapakinabangan&Maraming pagsusumikap ang ginawa, upang huwag ng muling

    sumibol, datapuwa't isang halamang hindi maagad ng maglilinangpagkapalibhasa'y walang pakinabang at isang himutok na inulit ng mganahuhuli ang sa kanya'y iginawad ng mga nauna sa atin.

    +*alamang walang pakinabang, kailan ma'y di mamamatay+ at anghimutok na tinukoy ay naging sumpang iniukol ng mga nahuhuli sa anomang bagay na walang maidulot na kapakinabangan.

    122

    Isa pang halamang lubhang nanghahaguay namay masagananang bunga, ang hindi rin pakinabangan at siya namangpinag-uukyabitan ng halamang +ikmo+. Sa kasaganaan ng bunga nghalamang ito na, walang mapaggamitan, ay hindi pinagkalooban ng anomang pangalang pagkakakilanlan, gaya ng sa ibang bungang kahoy, yamanghindi rin lamang siya nagagamit, at napasyahan na ang na una sa atin napamagatan siya ng pangalang $unga.

    Ang lahat ng nakilalang halamang bumubunga at nag-dudulot samga tao ng ano mang pakinabang, ay nagtamo ng pangalawang pangalang

    o pinakasagisag na pagkakakilanlan; datapwa't ang halamang +bunga+ aysiyang napakatangi na hindi nagtamo ng biyaya mabinyagan, at angkanyang puno ay pinamagatan na lamang ng +bunga+.

    Lubhang maraming salin-saling kaugalian ang yumaon, angidinugtong ng matanda, ang mga bagong sibul na batbat ng katalinuhan, aydi nangasiyahang siya'y panoorin na lamang at gamiting palamuti sa mgakaparangan, hindi nayag na siya'y hindi magamit, at lahat ng sikap ayginugol upang maangkapan ng ikapakikinabang sa kaniya; nguni't angkanyang ting-tinging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitandahil sa napakarupok, datapwa't isang kataon, 6yamang ngina-nganlankataon ang mga bagay na nangyayari ng hindi kinukusa, baga mang ang

    lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari7 ay isang tanghaliumano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa mga lupalop na yaon athindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating

    123

    hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay 6ang 5ikmo5at bunga87, ay sinumpong n1g pagkadayukdok at walangmalamang sulin1gan n1g katutuklasan n1g ipagpapatid gutom.

    "inamaan ng kanyang malas ang puno n1g halamang hitik na hitik n1gmapupulang anaki'y hinog na bun1ga, at sa paniwalang makapagdudulotsa kanyang kagutuman n1g malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at

    linasa ang pinakalaman; subali't tan1gi sa isang matigas at mapaklangnakapaglalaway, ay wala siyang nalasap; bagama'y binayaan na sakanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'ynakapananariwa.

    Sa malaking kagutuman n1g abang napaligaw na yaon n1g landasin, aylumabnot n1g ilang dahon n1g 8ikmo8 na nagsusumawang lumingkis

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    8/9

    sa puno n1g 8bunga8, n1ginata rin at ninamnam ang mahan1glay nadahon n1g 8ikmo8, n1guni't hindi tangapin n1g kanyang sikmaraat ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali't ang hindi kinukusangpagkakahalo n1g 8ikmo8 sa 8bunga8, ay nagkatalo at ang paklaat ang han1glay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na

    n1gataing nakapagpapasariwa n1g lalamunan. Sa di kawasa ay dumatingsiya sa isang bahay at sa masidhing han1gad na makakain kahit na ano,ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu-pasuansa ibabaw n1g bintana; ang maputing kanyang tinikman, ay 5apog5na ipinanguguhit n1g may bahay sa m1ga panakot n1g halaman.

    *indi niya sinasadya ang pagkakahalo halo n1g tatlong bagay nahindi kilala; n1gunit wari'y pinagtiyap o itinuro sa kanya n1gpan1gan1gailan1gan ang isang n1gataing panglibang sa gutom.

    "inaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang natuklas at

    ipinagparan1galan sa m1ga dinatnan.

    --Aanhin mo iyan&--ang usisa n1g kanyang m1ga kasama sa bahay.

    --Ah--ang tugon kung nalalaman ninyo ang kapakinaban1gan n1g tatlongito kung magkahalo--at ipinakitang muli ang 8ikmo, bunga8 at8apog8,--ay walang salang di ninyo pakamamahalin.

    --Anong pakinabang ang maidudulot n1g tatlong bagay na iyan&

    $ilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikman sa m1ga kasangbahay.

    Labis daw na napahan1ga ang m1ga dinulutan sa pagkakalasap n1g isangmabisang pampasariwa n1g lalamunan, at buhat na noo'y pinasimulan naang pagpapatikim sa bawa't dumating na kasambahay, hangang sa naguingkaugaliang ipanalubong sa panauhin ang 8hitso8.

    Ang salitang paglahukin ay itinutumbas nila sa salitang5pahitso5, at hanga n1gayon ang m1ga panday n1g pilak aytinataglay pa, ang salitang 8pahitso8 sa paglalahok n1g guinto.

    Sa pamamag-itan n1g salinsaling kaugalian ay binawas na ang salitang

    A, sa 8hitso8 yamang yaon ay pangdugtong pan1gun1gusap n1galamang.

    agkatapos n1g malawig na salaysay n1g matanda ay tinikman kokapagdaka ang inaalay sa akin n1g binibini at doon ko napagsiya natunay n1gang nakalilibang at nakapananariwa n1g lalamunan, at kungmahirati na sa pagn1gata niyaon ay naipampapawi na raw n1g uhaw atgutom, ang pinagpalang 8hitso8.

    Sa lahat n1g iyaon, at sa pan1gan1ga-nib kong ako'y kayamutan aynapaalam na, at nan1gakong muling babalik.

    Samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig angmapan1glaw na pag-aawit na bumihag sa aking puso.

    Sino kaya ang pinag-uukulan niya n1g m1ga panambitang iyaon&

    Siya kaya'y may katipang tumatakuil sa m1ga ipinangako&

  • 7/23/2019 Alamat Ng Tubo at Hitso

    9/9

    Ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyangumaanyayang muli siyang sadyain; n1guni't lubos na nagpasakit angmabisang panibugho sa kanyang pinag-uukulan at siyang sanhi n1g di kona muling idinalaw.

    %h sabay kong natuklas ang pag-ibig at ang *I"S%.