lesson grand final demonstration filipino.pdf

Post on 26-Feb-2018

1.484 Views

Category:

Documents

44 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    1/7

    Mount Carmel College

    Basic Education Department

    3200, Baler, Aurora

    Malasusing Banghay Aralin sa Filipino 8

    FLORANTE AT LAURA

    I.

    Layunin

    Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

    Cognitive:

    1. Nakapagbibigay ng sariling paglalarawan hinggil sa larawan ni Balagtas.

    2. Natutukoy ang layunin ng pagsulat ng akda batay sa pahayag ng may-akda.

    3.. Nakakapaglahad ng saloobin tungkol sa buhay ni Balagtas.

    Affective:

    1.

    Naipapakita ang kahalagahan ng pagsisikap at tiyaga sa pagkamit ng

    tagumpay.

    2.

    Naipapakita ang hindi magandang dulot ng paggamit ng kapangyarihan sa

    lipunan.

    3.

    Naipapakita ng kahalagahan ng pagsunod sa mga payo ng mga nakatatanda

    upang hindi mapahamak.

    Psychomotor:

    1.

    Nakakapagsagawa ng pagtatanghal hinggil sa paghahambing sa katauhan

    ni Francisco Baltazar at Mariano Kapule.

    II.

    PAKSANG ARALIN Florante at Laura (Kasaysayan)

    Kagamitan: Powerpoint and LCD projector

    Illustration Board

    Flash Card

    Sanggunian: Modyul

    http://emanila.com/philippines/francisco-baltasar-balagtas-2/

    https://www.google.com.ph/?gws_rd=ssl#q=talambuhay+ng+may+akda+ng+florante+

    at+laura

    Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pagsunod

    Sanib-Kaalaman:

    Araling Panlipunan

    Batas

    III.

    PAMAMARAAN

    Introduksyon

    a. Pananalangin na pamumunuan ng isang mag-aaral

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    2/7

    Guro :Tumayo na ang lahat atmangyaring tumahimik para sa atingpanalangin.

    Mag-aaral: Handa na ba kayongmanalangin?

    Mga Mag-aaral: Handa na

    Mag-aaral: Ama Namin

    b. Pagbati sa mag-aaral ng Magandang Umaga o Hapon.

    Guro:Magandang Hapon . Mag-aaral: Magandang Hapon din poMaam Flor

    Guro:Maaari na kayong maupo.

    c.

    Pagtatala ng mga lumiban mula sa ulat ng sekretarya ng klase.

    Guro :Mr.______ maaari bang malamankung sino ang mga lumiban sa klase?

    Mag-aaral :__________________________

    d. Pagganyak:

    Magpapakita ang guro ng larawan ni Balagtas.

    Guro:May halimbawa ako ng isanglarawan dito. Ngayon, sa inyong palagaysino ang nakakikilala sa larawang ito.

    Mag-aaral:Si Balagtas po Maam.

    Guro:Mahusay! Dahil natukoy ninyokung sino ang nasa larawan, sino angmakakapaglarawan kay Balagtas.

    Mag-aaral:Mahusay na manunulat

    Mag-aaral: Siya po ang awtor ngFlorante at Laura

    Guro:Magaling! Ang lahat ng mga sinabininyong paglalarawan kay Balagtas aytama at wasto.

    Guro: Magkakaroon muna tayo ngtalasalitaan kung saan isusulat ninyo angkasingkahulugan ng mga salita naipapakita ko sa inyo. Ang mga salitang itoay matutunghayan sa talambuhay niBalagtas.

    MaralitaAmbisyon

    TanyagPamimintuho

    KaribalNagdadalamhati

    Mag-aaral:1. Mahirap2. Pangarap3. Sikat4. Panliligaw5.

    Katunggali/kaagaw6.

    Guro:Ang ilan sa mga sinabi niyo ay ilansa malilit na impormasyon sa buhay niBalagtas. Tunghayan natin kung anonaging pangyayari sa buhay niya bagosiya bansagang Balagtas.

    Mag-aaral:

    Isinilang si Francisco Baltazarnoong ika 2 ng Abril, 1788 sanayon ng Panginay(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Angkanyang mga magulang ay sina

    Juan Baltazar at Juana DelaCruz. Ang pagmamahalan ng

    dalawang ito ay nagbunga ngapat na supling, sina Felipe,Concha, Nicolasa, at Kiko.Nabibilang lamang sa maralitang

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    3/7

    angkan ang mag anak naBaltazar. Ang kanyang ama ayisang panday at ang kanyangina ay isang karaniwangmaybahay. Si Kiko ay pumasoksa kumbento ng kanilangkabayanan sa ilalim ngpamamatnubay ng kura paroko at ditto ay natutuhanniya ang Caton, misterio,kartilya at Catecismo.Ang pandayan ng kanyang amaay ginagawang tagpuan ng mgakanayon at dito ay naririnig niKiko ang mga usapan atpagtatalo tungkol sa sakit nglipunang umiiral noon. Malakiang nagawa nito sa kanyangmurang isipan.

    Palibhasay may ambisyon sabuhay, inakalang hindi sapatang natutuhan sa kanilangbayan kayat umisip ng paraankung paano siya makaluluwasng Maynila upangmakapagpatuloy ng pag aaral.Ayon sa kanyang ama mayroonsilang malayong kamag anakna mayaman, na naninirahan sa

    Tundo at maaari siyangpumasok dito bilang utusan.

    Nagustuhan naman angpaglilingkod ni Kiko sa kanyangamo kaya pinayagan siyangmakapag aral. Nagpatala siyasa Colegio de San Jose na noonay pinamamahalaan ng mgaHesuwitas. Ditoy natutuhanniya ang Gramatika, Latin atKastila, Fiska, Geografia atDoctrina Cristiana. Noong 1812ay ipinagpatuloy niya angkanyang pag aaral sa Colegio

    de San Juan de Letran at ditoynatapos niya ang mgakarunungang Teolohiya,Filosofia at Humanidades.Naging guro niya si PadreMariano Pilapil, ang may akdang Pasyong Mahal.

    Naging tanyag si Kiko sa purokng Tundo, Maynila sapagkatsumusulat siya ng tula atitinuturing na mahusay na

    makata. Sa Gagalangin, Tundoay nakilala niya ang isangdalagang nagngangalangMagdalena Ana Ramos at itoynapagukulan niya ng paghanga.Noong panahong iyon ay mayisang tagaayos ng tula, si Josedela Cruz na lalong kilala satawag na Huseng Sisiw sapagkatkung walang dalang sisiw ayhindi niya inaayos at pinag uukulan ng pansin ang tulangipinaaayos ng sinuman. Isangaraw ay may dala dalang tulasi Kiko upang ipaayos kayHuseng Sisiw at sa dahilang

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    4/7

    walang dalang sisiw ay hindi itoinayos ni Jose. Umuwi si Kikongmasamang masama ang loobkayat simula noon ay hindi nasiya humingi ng tulong samakata ng Tundo.

    Noong taong 1853, lumipat siyasa Pandacan at doon niyanakilala si Maria AsuncionRivera. Sa kabila ng mgapaalaala at payo ng mga kakilalaat kaibigan na magiging mahirappara sa kanya ang pamimintuhosa dalaga sapagkat magigingkaribal niya si Mariano Kapule,isang mayaman atmakapangyarihan sa pook naiyon, subalit winalang bahalaang mga paalalang ito, Hindi

    siya tumugot hanggang hindinakadaupangpalad si Maria athindi nga nagtagal at nagingmagkasintahan ang dalawa.

    Palibhasay mayaman ginamit niNano ang taginting ng salapiupang mapabilanggo si Kiko.Nagtagumpay naman ito. Saloob ng bilangguan aynagdadalamhati si Kiko at laloitong nalubos ng mabalitaanniyang ikinasal na ang pinag

    uukulan niya ng wagas na pag ibig at si Nano. Maramingnagsasabing sa loob ngbilangguan niya isinulat angwalang kamatayang Florante atLaura at buong puso niya itonginihandog kay Selya.

    Pagkalabas niya sa bilangguannoong 1838 ay minabuti niyanglumipat sa ibang tirahan upangdi na magunita ang alaala ni

    Selya kaya ang alok na puwestosa Udyong, Bataan ay buongpuso niyang tinanggap. Mulingtumibok ang kanyang puso ngmakilala niya si Juana

    Tiambeng, isang anak namayaman na naging kabiyakniya. Nagkaroon sila ng labing isang supling, limang lalaki atanim na babae sa loob ng labing

    siyam na taong pagsasamanila. Pito ang namatay noong

    mga bata pa at sa apat nanabuhay isa lamang angnagmana kay Balagtas.Dahil sa may mataas na pinag aralan si Kiko kaya humawaksiya ng mataas na tungkulin saBataan naging tagapagsalin,tinyente mayor at huwes mayorde Semantera.

    Mainam inam na sana angbuhay ng mag anak ngunitnagkaroon na naman ng isangusapan tungkol sa pagkakaputolniya ng buhok sa isang utusanng isang mayamang si Alfarez

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    5/7

    Lucas. Sa pagkakataong ito,namayani na naman ang lakasng salapi laban sa lakas ngkatwiran kaya napiit siya saBataan at pagkatapos ay inilipatsa piitan ng Maynila. Nang siyaymakalaya, bumalik siya saUdyong at dito nagsulat ng awit,komedya at namatnugot sapagtatanghal ng dulang Moro moro na siya niyang ibinuhay sakanyang pamilya.Noong ika20 ng Pebrero, 1862si Kiko ay namatay sa UdyongBataan sa gulang na 74 na taon.

    IV.

    Interaksyon

    a.

    Talakayan

    Magbibigay ang guro ng sipi ng kanilang babasahin. Magkakaroon ng dugtungang

    pagkukwento. Sa bawat babasahin may kalakip na numero at kung sino ang

    nakakuha ng unang numero, siya ang unang magbabasa na susundan ng kasunod na

    numero hanggang matapos.

    Guro: Bago ko ibigay itong babasahinninyo, makinig muna sa panuto. Isa samga gagawin ninyo ay dugtunganpagbabasa.. Bawat sipi ng babasahin naibibigay ko sa inyo ay may numerong

    nakalagay sa likod. Kung sino angnakakuha ng unang numero ang siyangmangunguna sa pagbabasa na susundanng kasunod na numero hanggang samatapos.

    Guro: Naunawaan ba? Mga Mag-aaral: Opo.

    Pagkatapos basahin ang mgaimpormasyon tungkol sa buhay niBalagtas. Nalaman ninyo ang kwento ngnaging buhay ni Balagtas, ano ang inyongmga naramdaman ng malaman mo ang

    naging buhay ni Francisco Baltazar?Magbigay ng paliwanag kung bakit gayonang iyong naramdaman.

    Mag-aaral: Malungkot po dahilnakulong siya kahit walangkasalanan.

    Mag-aaral:Malungkot dahil hindi niya

    nakuha ang pag-ibig ng tunay niyangminamahal.

    Guro: Kung kayo ang nasa kalagayan niFrancisco Baltazar, ano ang inyonguunahin ang buhay o pag-ibig?bakit?

    Mag-aaral:Mas pipiliin ko po angbuhay kasi ang pag-ibig nandyan lang

    yan. Ang buhay natin isa lang angpagkakataon na mabuhay

    Mag-aaral: Ang pag-ibig ay bahagi poyan ng buhay. Nagiging makabiluhanito kung naranasan mong umibig saisang tao.

    Guro : Napahirap pumili sa isang bagayna sa iyong palagay ay mahalga pareho.Kaya kinakailangang pag-isipan mabutiat handa sa mga dapat mangyari.

    V. Integrasyon

    1.

    Pagpapahalaga:

    Guro: Sa naging buhay ni Balagtas,paano o saang bahagi ng kanyang buhay

    Mag-aaral: Kung sumunod lamang posiya sa payo ng kanyang kamag

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    6/7

    ipinakita ang kahalagahan ng pagsunod? anak na huwag nang ituloy angpanliligaw niya kay Maria Rivera, hindisana siya nakulong.

    Mag-aaral:Ang pagsunod ay kaakibatng pag-iwas sa kapahamakan.

    Guro: Napakahalaga talaga ngsumusunod sa mga nakakatanda dahilsila ang mas maraming kaalaman. Sabi

    nga sa kasabihan, papunta ka pa langpabalik na ako

    2. Interdisciplinary Focus/ Sanib-Kaalaman:

    Guro:Sa lipunan natin may mga taonginaabuso nila ang kanilang kalalagayansa buhay, sa pagkakataon ito, paanobinigyang pansin dito ang pang aabusosa paggamit ng salapi?

    Mag-aaral: Sa pamamagitan po ngpaggamit ng salapi o kapangyarihan niMariano Kapule, napakulong niya siBalagtas kahit walang ginawangkasalanan.

    Guro:Kung kayoy bibigyan ngpagkakataon na maging mambabatas?Anong mahahalagang batas ang inyongipapatupad?

    Mag-aaral: Ang kapaboran po samahihirap. Mas bibigyang pansin koang mga karapatan upang hindi silamaaabuso.

    Mag-aaral: Dapat mapanatili angpantay na karapatan sa lahat.

    Guro: Napakahalaga ng pantay nakarapatan ng bawat isa nang sa gayonwalang naaapektuhan sa kalalagayanng tao. Batas ng tao ang umuiiral saatin hindi Batas ng Diyos

    3. Paglalahat:

    Bawat grupo ay magkakaroon ng isang taga-ulat hinggil sa nabuo kaisipan

    sa mga tanong.

    Guro: Paano naaapektuhan ng lipunano ng kapaligiran ang naging buhay niFrancisco Baltazar?

    1.

    Sa aspeto ngEdukasyon

    2. Sa aspeto ng pag-ibig

    Mag-aaral:1. Dahil po sa kahirapan kayanahirapan makatapos ng pag-aaral siBalagtas2. Dulot ng kanyang pangingibig kayMaria Asuncion Rivera nakulong siyadahil sa maling paratang.

    4.

    Pagtataya:

    Papangkatin sa lima ang mga mag-aaral. Ilalarawan nila ang katangian niFrancisco Blagtas at Mariano Kapule sa pamamagitan ng malikhaing paraan.Maaari silang magsagawa ng maikling dula, balita, o magsulat ng tula, mag rap atflip top. Ang kanilang mga gagawin ay ibabahagi sa klase at pagkatapos ay

    magkakaroon ng mga talakayan at palitan ng opinyon ang klase tungkol sapalabas ng mga kaklase at sa sarili nilang ginawa.

    Nilalaman 50%

    Orihinalidad at pagkamalikhain 40%

    Kabuuang pagtatanghal 10%

    Sagutan ang mga katanungan:

    1.

    Sino si Francisco Baltazar? Bakit siya binansagang Balagtas?2.

    Sino si Mariano Kapule?

    3.

    Kung ikaw si Balagtas, paano mo ipapakita ang pagtatanggol ng iyong

    karapatan.?

  • 7/25/2019 Lesson Grand Final Demonstration filipino.pdf

    7/7

    5. Takdang Aralin:

    Magpaunang basa sa Florante at Laura.

    Gagawa ng isang poster.

    Pamantayan Indikador Puntos NatatamongPuntos

    Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nangmaayos ang ugnayan ng lahatng konsept sa paggawa ngposter

    21-25

    Kaangkupan ngkonsepto

    Maliwanag at angkop angmensahe sa paglalarawan ngkonsepto

    16-20

    Pagkamapanlikha

    (Originality)

    Orihinal ang ideya sa paggawa

    ng poster

    11-15

    KabuuangPresentasyon

    Malinis at Maayos angkabuuang presentasyon.

    6-10

    Pagkamalikhain(Creativity)

    Gumamit ng tamangkombinasyn ng kulayupangmaipahayag ang nilalaman,knsepto, at mensahe

    1-5

    Kabuuan

    Inihanda ni:

    Maryflor D.Burac

    Practice Teacher

    Iniwasto ni:

    Jenny Rose Morillo

    Cooperating Teacher

top related