thesis on using organic in framing filipino
Post on 11-Sep-2014
238 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Acknowledgement
Ang mananaliksik ay nais nagpasalamat sa mga tao naging
kaagapay at tumulong sa kanyang pananaliksik:
Sa Poong Maykapal, na nagbigay ng lakas na kayanin at
matapos ang pananaliksik na ito.
Sa mga magsasaka ng Brgy. Tabok, Lagonglong, Misamis
Oriental sa kanilang oras na saguting at nagpaunlak sa
aking interview at survey.
Kay G. Esparagoza sa kanyang oras na binigay upang
itama ang aking pananaliksik kahit may dinaramdam siya.
Kay Perlin Dua, sa kanyang oras na sinamahan niya ako sa
pangangalap ng datos sa Sitio Kabebehan.
Kay Brgy. Capt. Emilio Castil sa pag aproba ng liham upang
magsagawa ng survey sa kanyang sinasakupan.
Sa aking mga kaibigan na tumulong at nagbigay ng payo
para sa aking pananaliksik.
Kay G. Ernesto Flores, ang aking ama na isang magsasaka
sa mga katanungan na sinagot niya ukol sa paggamit ng
kemikal sa pagsasaka na walang alinlangan.
Sa aking magulang at kapamilya na walang sawang
tumulong at sumusupporta sa pinansyal man o sa mga
kagamitan na kinakailangan ko sa akin papanaliksik.
Table of Content
Kabanata I 1
1. Introduksyon 2-3
2. Statement of Problem
4
3. Layunin 4
4. Kahalagahan ng paksa 5
5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
6
6. Definition of terms 7-8
Kabanata II 9
1. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 10-15
Kabanta III 16
1. Disenyo ng Pananaliksik 17
2. Research Environment 17
3. Mga Respondents 17-
18
4. Instrumentong Pampananaliksik 18
5. Data Gathering Procedure
19
6. Statistical Treatment of data 19-
20
Kabanata IV 21
1. PRESENTATION, INTERPRETATION, & ANALYSIS OF DATA 22-33
Kabanata V 34
1. Lagom 35
2. Kongklusyon 35-36
3. Rekomendasyon
36
Bibliograpgy 37-38
Appendix
Curriculum Vitae
Kabanata I
> Introduksyon
> Statement of Problem
> Layunin
> Kahalagahan ng paksa
> Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
> Definition of terms
KABANATA I
1. Introduksyon
Ang pagsasaka ay isa sa limang sector ng agrikultura (e.i
pangingisda, pagtotroso, paghahayupan, pagmamanukan). Dito rin
tayo kumukuha ng makakain sa araw-araw nating pamumuhay kagaya
ng bigas, gulay at tubo. Isipin nyo’ na lang kung walang pagsasaka
saan kaya tayo kukuha ng pagkain na pinagkukunan natin ng lakas at
enerhiya?Importante talaga ang pagsasaka sa atin lahat.
Bigas pangunahing kinakain ng Pinoy’ kung wala ito parang
kulang ang ating lakas . Wala ba kayong napapansin sa pamilihan? Na
ang karamihan na binibili ng mga tao ay bigas dahil sa paniniwala nila
“di bale walang ulam basta may kanin”dahil marami ang nagagaawa
ng bigas. Ngunit alam nyo’ ba ang pinangalingan nito? Kung anong
kemikal ang inapply para dumami at walang peste ang mga ito? Di’ ba
nakakalungkot mang isipin na hindi pala ligtas an gating kinakain.ang
synthetic na pataba para tumaba at gumanda ang ani. Ang kemikal
kagaya ng herbicide at pesticide para malayo sa pesteng uuod at
damo. Ang mga kemikal na nilalaman ng mga pesticide at herbicide ay
nakakasira sa ating kalusugan at kalikasan.
Kaya naman ginawa ang pananaliksik na ito upang mabigyn kayo
ng kaalaman ukol sa mga bagay na ito. Sa pananalik
Dahil sa patuloy ng paggamit ng mga synthetic na pataba at
kemikal sa sakahan ang Kagawaran ng Pagsasaka o department of
agriculture ay ineindorso nila ang paggamit ng organic farming bilang
solusyon sa pagkasira ng yamang lupa at tubig dahil sa mga
nakakalasong kemikal at para mapanatili ang mayabong, produktibo,
at mataba na lupang sakahan. Sa katunayan ang Departamento ay
namahagi ng Php. 900,000,000 (900M) para sa Organik Agri Program
para sa taon 2011 sa ilalim ng “Organic Agriculture Act of 2010” o
Republic Act No. 10068 para mapa-unlad ang Organik farming sa
bansa.
Sa ilalim ng R.A. 10068, isang National Organic Agriculutre Board
(NOAB) ang bubouin upang maglingkod bilang mga patakaran-
paggawa ng katawan na nagbibigay ng direksyon at mga
pangkalahatang patnubay para sa implementasyon ng national organic
agrikultura programa. Ang NOAB ay dapat na nakalagay sa DA,
kasama ang Kagawaran ng Agrikultura at Fisheries Product Standards
(BAFPS) magsilbi bilang ang kalihiman.
2. Statement of the problem: Ang paggamit ng synthetic na pataba
at kemikal sa pagsasaka
3. Layunin:
I. Magsagawa ng pananaliksik ukol sa probelema ng paggamit
ng synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka.
Sa layunin na ito magsasagawa kami ng survey sa
magsasaka upang malaman natin ang kanila
kaalaman at pananaw.
II. Masusuri ang masamang epekto kung patuloy na ginagamit
ang mga synthetic na pataba at kemikal sa pagasasaka
Sa layunin na ito nalalaman natin ang mga
masamang epekto sa kalusugan, at kapaligiran
(yamang lupa, tubig at hangin) at kung anong
klaseng nakakalasong kemikal ang meron sa
synthetiv na pataba, herbicide at pesticide.
III. Makakabigay ng konkretong solusyon sa problema sa
patuloy sa paggamit ng synthetic na pataba at kemikal sa
pagsasaka.
Sa layunin na ito ang problema na ito ay mabibigyan
na ng solusyon, mga posibleng solusyon.
4. Kahalagahan ng Paksa
Sa kasalukuyan, marami sa atin mga kapatid na magsasaka ay
gumagamit ng synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka dahil sa
dahilan na gaganda at dadami ang ani, dahil nga sa kahirapan wala ng
magawa ang mga magsasaka kundi gumamit at umaasa na lang nginit
hingid sa kanilang kaalaman ang masamang epekto na maaring
idudulot nito.
Mahalaga ang mga impormasyong ito, upang makatulong sa
mga magsasaka upang magkaroon sila ng kaalaman, Sa pamamagitan
nito, ay malalaman nila ang epekto sa kalusugan at kalikasan at kung
meron ba silang magagawa upang maagapan pa ito.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman
kung sapat na ba ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa
paggamit ng synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka at kung ano
ang mga saloobin nila. Bukod dito, maaari ring malaman kung sapat na
ba ang tulong at impormasyong naipamahagi ng gobyerno tungkol
dito.
Samakatuwid, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga
mamamayan ay magkakaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman
kung ano ang dapat gawin kung saka-sakaling makakapunta sila sa
mga lupaing sakahan. Nais ding maipamamahagi ng mga mananaliksik
na hindi dapat mawalang ng pag-asa dahil meron pa tayong
magagawa bilang isang concerned citizen.
Null 1:
Kung makakagawa ng alternatibong solusyon tungkol sa
paggamit ng synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka maagapan
pa natin ang pagkasira ng likas na yaman kagaya ng yamang-yubig,
yamang-lupa, at hangin.
Null 2:
Kung wala pa rin ginawa ang mga tao lalong-lalo na ang mga
magsasaka sa pagkontrol at pababawas ng paggamit ng synthetic na
pataba at kemikal sa pagsasaka lalong masisira ang kalikasan at
kalusugan.
5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay-linaw tungkol
sa masamang epekekto at solusyon sa patuloy na paggamit ng
synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka. Saklaw din ng
pananaliksik na ito ang pagsusuri ng damdamin, pananaw, kaalaman
at saloobin ng mga mamamayan tungkol sa paggamit ng synthetic na
pataba at kemikal sa pagsasaka
Limitado lamang ang dami ng respondente at mas binigyang
pansin ang mga magsaaska sa pag-aaral na ito dahil sa kakulangan sa
panahon. Pinili rin ng mga mananaliksik ang mga magsasaka dahil sila
ang higit na nakakaalam sa mga bagay na ito. Ang pananaliksik na ito
ay nangyari sa unang linggo ng Enero 2011.
6. Definition of Terms
Sa pamanahong papel na ito mayroon mga termino na
mahira[ intindihin.
Algae- halaman o itsurang halamang organism ng
anumang klase, dibisyon ng phyla, na kariniwang
naninnirahan sa tubig.
Fungus- alinman sa mga pangunahing grupo ng mga
saprophytic at parasitiko spore-producing na
organism
Glyphosate- ay isang spectrum-systemic na
pumapatay ng mga damo o halaman.
Nematodes- parasitiko na mahaba, at cylindrical ang
hugis na bulate na karaniwang biktima nito ay
halaman at hayop
Nitrogen- nitrogen ay isang walang kulay, walang
amoy, walang lasa at halos hindi gumagalaw may
dalawang atomo lang gas sa standard kondisyon.
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
KABANATA II
Mga Kaugnay sa Pag-aaral at Literatura
Ang pagsasaka ay isa sa pinaka-importanteng sector ng
agrikultura, ito ang nagsisilbing pinagkukunan ng hilaw na sangkap na
inaangkat ng industriya upang gawing yaring produkto. Ito rin ang
nagpapakain ng mga mamayan sa isang bansa. At upang matustusan
ang pangangailangan ng isang bansa sa pagkain ang mga magsasaka
ay gumagamit ng synthetic na pataba upang dumami ang ani at
kemikal kagaya ng pesticide at herbicide upang mawala ang peste.
Ayon sa www.wikipedia.com ang synthetic fertilizer o pataba ay
mga sangkap na sumusupply ng nutrients ng halaman o baguhin ang
lupa sa pagka pagkamayabong nito. 30- 80 porsyento pagtaas sa
magbubunga nangangahulugan ng pagtaas ng crop production at ng
pagpapabuti ng kalidad ng pagkain at kumpay. Ang pataba ay
ginagamit upang madagdagan ang mga pagkaing nakapagpalusog sa
lupa, lalo na sa tama ani.
Ayon din sa www.agroservicesinternational.com ang pataba ay
mga materyales na ginamit upang magbigay ng nutrients ng halaman
na kung saan ay kulang sa matabang lupa. Maraming mga pataba ay
nakukuha at malinis sa natural na deposito sa lupa. Mga materyales
tulad ng
sulpomag, miyuriet ng potash at triple super pospeyt ay ang lahat ng
ginawa mula sa natural na nagaganap minerals.
Meron maraming klaseng synthetic na pataba. At ang bawat
klase ay mayroong sariling gamit.
Ang www.landscape-and-garden.com ay naglabas ng iba’t-ibang
klase ng pataba. Narito ang mga sumusunod:
Sodium Nitrates: ay kilala rin bilang Chilates o Chilean nitrade.
Ang nitrogen na nakapaloob sa sosa nitrade ay pino at 16% nitrtogen
ammonia cal content.
Ammonium Sulphate: ang pataba na ito ay karaniwang lumapit
sa isang puting mala-kristal na asin na anyo, na naglalaman ng 20-21%
nitrogen ammonia cal. Ito ay madaling hawakan ng mga tindahan dahil
sa sa ilalim ng tuyo na kondisyon. Subalit, sa panahon ng tag-ulan, ito
kung minsan nalulusaw.
Ammonium Sulphate Nitrate: itong uri na pataba na ito ay
magagamit bilang isang timpla ng ammonium nitrade at ammonium
sulphate at ay makikilala bilang isang puting kristal o bilang maruming
puti na granyula. Ang patabang ito ay naglalaman ng 26% nitrogen,
tatlong-fourths ng mga ito sa ammoniac form at ang natitira (ie 6.5%)
bilang nitrayd nitrogen.
Ammonium Chloride: ito ay isang uri ng pataba na lumapit sa
isang puting mala-kristal tambalan, na naglalaman ng isang mahusay
na pisikal na kalagayan at 26% ammoniac nitrogen. Sa pangkalahatan,
Ammonium klorido ay katulad sa ammonium sulpit sa aksyon.
Urea: ito ay isang uri ng pataba na karaniwang ginagamit ng
mga magsasaka. Ito ay isang puti, mala-kristal, at organic form. Ito ay
isang mataas na puro nitrohenus na pataba at medyo hygroscopic. Ito
rin ay nangangahulugan na pataba ito ay maaaring maging ganap na
mahirap na mag-aplay.
Amonya/ Ammonia: Ito ay isang uri ng pataba na gas form na
binubuo ng 80% na nitrogen at lumapit sa isang likido na anyo pati na
rin dahil sa ilalim ng kanan kalagayan tungkol sa temperatura at
presyon, ang ammonia ay nagiging likido (walang tubig ammonia). Isa
pang form, 'may tubig ammonia', resulta mula sa pagsipsip ng
ammonia ng gas tubig, na kung saan ito ay maaaring lutasin.
Nutrient content of common fertilizers
(%)Material N P2O5 K2O MgO S
Ammonium Nitrate 35 0 0 0 0Ammonium Sulfate 21 0 0 0 24Calcium Nitrate 15.5 0 0 0 0Diammonium Phosphate 18 46 0 0 0Monoammonium phosphate 11 52 0 0 0Muriate of Potash 0 0 60 0 0Potassium Nitrate 13.5 0 44 0 0SKMG or SULPOMAG 0 0 22 18 22Sulphate of Potash 0 0 50 0 18Single Super Phosphate 0 22 0 0 14Triple Super Phosphate 0 46 0 0 0Urea 46 0 0 0 0
Ang pesticide ay mga kemikal na ginagamit upang maagapan, at
nagpapagaan ang mga peste na sumisira sa mga pananim. Narito ang
klassipikasyon ng pesticide:
Algicides o algaecides para makontrol ang pagdami ng
algae.
Avicides para makontrol ang pagdapo ng ibon sa sakahan.
Bactericides para makontrol ang pagdami ng mga
dilikadong bakterya na maaring dahilan ng sakit sa
halaman.
fungicides para makontrol ang paglaganap ng fungus.
Herbicides (eg glyphosate) para makontrol ang mga
damo.
insecticides (eg organochlorines, organophosphates,
carbamates, at pyrethroids) para makontrol ang pagdami
ng insekto
a. ovicides- sangkap pamatay sa itlog
b. larvicides- sangkap pamatay sa larvae
c. adulticides- sangkap pamatay sa mature/
matatandang insekto
Miticides o acaricides para makontrol ang pagdami ng
mites/ kuto
Molluscicides para makontrol ang pagdami ng kuhol at
susu.
Nematicides para makontrol an gang pagdami ng
nematodes
Rodenticides para makontrol ang mga daga
Virucides para makontrol ang mga virus na magdulot ng
sakit at pagkamatay ng halaman.
Hindi lahat ng mga pataba at kemikal (e.i. pesticide) hatid ay
ginhawa. Meron ito negatibong epekto sa tao at kalikasan sa
katunayan nga naglabas ang
Ayon ni Jonathan Ya'akobi pare-pareho at walang katapusan na
aplikasyon ng kemikal na pataba ay pinabababa ang pisikal na
istraktura ng lupa na humahantong sa isang kakulangan ng oxygen sa
halaman (root zone). At dilikado rin ito sa lugar na tuyo ang klima.
Dagdag pa rito ang synthetic na pataba, lalo na ang nitrogen at
phosporus ay malubhang contributor ng pollusyon/ pollutants gaya ng
labis na leaches sa Lawa, ilog, at ibang bahagi ng tubig. Ang chemical
reaction ng ibang anyo ng nitrogen kagaya ng nitrates at nitrites ay
nagdudulot ng pagkasira ng kalidad ng tubig.
Kabanata III
RESEARCH METHODOLOGY
> Disenyo ng Pananaliksik
> Research Environment
> Mga Respondents
> Instrumentong Pampananaliksik
> Data Gathering Procedure
> Statistical Treatment of data
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa disenyo na paraang
deskriptibo na pananaliksik (descriptive method). Sa pag-aaral na ito
inilalarawan at sinusuri ang mga kadahilanan at maaring epekto ng
patuloy na paggamit ng synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka.
2. Research Environment
Ang lugar na pinagdarausan ng aking pananaliksik ang
karinaniwang nagsasaka at nagmamay-ari ng lupang sakahan sa Brgy.
Tabok, Lagonglong, Misamis Oriental. Ang lugar na ito ay perpekto na
pagdadausan ng pananaliksik dahil sa lawak ng agricultural land at
karamihan kabuhayan ay ang pagsasaka.
3. Mga Respondents
Ang mananaliksik ay nagpasyang magbibigay ng mga
kwestyuneyr sa Brgy. Tabok, Lagonglong, Misamis Oriental. Sa pag-
aaral na ito pumili ng Dalawampu (20) respondents ang mananaliksik.
Halos lahat ng mga respondents ang pawing mga magsasaka.
Dahil sila ang higit na magkakaroon ng kaalaman hinggil sa paggamit
ng synthetic na pataba at kemikal na ginagamit sa pagsasaka.
Pansinin ang kasunod na talahanayan para sa distribusyon ng taon sila
nagsimula silang nagtrabaho bilang isang magsasaka.
Talahanayan Blg.1
No. of Respondents %
1-5 taon 4 20%
6-10 taon 11 55%
10 taon pataas 5 25%
Total 20 100%
Ang Talahanayan blg. 1 ay nagsasabi kung gaano sila higit na
nakakaalam sa pag-sasaka sa taon na nagtratrabaho sa bukirin. Kung
matagal ang taon sila nagtratrabaho sa sakahan higit silang may
kaalaman sa pagsasaka.
4. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng
pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-
kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang
masuri ang damdamin, pananaw, pulso at kaalaman sa paggamit ng
synthetic na pataba at kemikal na ginagamit sa pagsasaka ng mga
respondent o mga magsasaka.
Nagsagawa rin ng mga pangangalap ng mga
impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa
aklat, proposal, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik
ng ilang impormasyon sa internet.
5. Data Gathering Procedure
Sa aking pananaliksik humingi muna akio ng pahintulot mula sa
mga magsasaka at pinabasa ko sa kanila ang liham na humhihingi ng
permiso at pagkatapos nilang sumagot hiningi ko ang kanilang lagda
bilang katibayan atvalidity ng ang aking sarbey.
6. Statistical Treatment of data:
Pormula:
P = fn × 100%
P= percentage
.f= frequency
.n= bilang ng respondent
100%= constant value
Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral
lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri
tulad ng tisis at disertasyon, walang ginagawang pagtatangka upang masuri
ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamgitan ng matataas at kompleks
na istatistikal na pamamaraan.
Upang makuha ang percentage sa bawat aytem ng kwestyoner
denivide naming ang frequency (bilang ng sumagot sa bawat choices ng
item) sa bilang ng respondent na dalawampu (20) at minultiply natin sa
100% ( na constant value).
Kabanata IV
PRESENTATION, INTERPRETATION, & ANALYSIS OF DATA
KABANATA IV
PRESENTATION, INTERPRETATION, & ANALYSIS OF DATA
1. Ilan taon na kayo ay magsasaka?
Talahanayan Blg.1
No. of Respondents %
1-5 taon 4 20%
6-10 taon 11 55%
10 taon pataas 5 25%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 1, may 55% ang sumagot na 6-10 taon na
sila’y magsasaka, 25% naman ang sumagot na 10 taon pataas na
sila’y magsasaka, at may 20% ang sumagot na 1-5 taon na sila’y
magsasaka.
2. Anong pamamaraan ng pagsasaka ang kasalukuyan mo’ng
ginagamit?
Talahanayan Blg.2
No. of
Respondents
%
Moderno 8 40%
Tradisyonal 3 15%
Tradisyonal/Moderno 9 45%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 2, may 45% ang sumagot na
Tradisyonal/Moderno ngapagsasaka ang ginagamit sa kasalukuyan,
40% naman ang sumagot na Moderno na pagsasaka ang ginagamit sa
kasalukuyan, at may 15% naman ang sumagot na Tradisyonal na
pagsasaka ang ginagamit sa kasalukuyan.
3. Gumagamit ba kayo ng kemikal sa inyong mga pananim?
Talahanayan Blg.3
No. of Respondents %
Oo 5 25%
Hindi 4 20%
Minsan 11 55%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 3, may 55% ang nagsasabi na minsan lang
sila gumagamit ng kemikal sa kanilang pananim, 25%naman ang
sumagot na gumagamit sila kemikal sa kanilang pananim, at may 20%
naman ang sumagot na hindi sila gumagamit ng kemikal sa kanilang
pananim.
4. Anong kemikal ang kadalasan mong gimagamit sa pagsasaka?
Talahanayan Blg.4
No. of Respondents %
Herbicide 0 0%
Pesticide 11 55%
Kung kinakailangan 8 40%
Wala 1 5%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 4, may 55% ang sumagot na gumagamit sila
ng pesticide, 40% naman ang sumagot na gumagamit lang sila ng
kemikal kung kinakailangan, at may 5% naman ang sumagot na hindi
na sila gumagamit ng kemikal sa pagsasaka.
5. Epektibo ba ang mga kemikal na ginagamit mo?
Talahanayan Blg.5
No. of Respondents %
Oo 12 60%
Hindi 2 10%
Minsan 6 30%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 5, may 60% ang nagsasabi na epektibo ang
ginagamit nilang kemikal, 30% naman ang nagsasabi na minsan
epektibo ang kemikal na kanilang ginagamit, at 10% naman ang
nagsasabi na hindi epektibo ang kemikal na kanilang ginagamit.
6. Gumagamit ba kayo ng mga Artipisyal na abono sa inyong pananim?
Talahanayan Blg.6
No. of Respondents %
Oo 11 55%
Hindi 4 20%
Minsan 5 25%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 6, may 55% ang nagsasabi na gumagamit
sila ng artipisyal na abono, 25%naman ang nagsasabi na minsan lang
sila gumagamit ng artipisyal na abono, at 20% naman ang hindi
gumagamit ng artipisyal na abono.
7. Gumanda ba ang resulta ng inyong pananim?
Talahanayan Blg. 7
No. of Respondents %
Oo 9 45%
Hindi 4 20%
Minsan 7 35%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 7, may 45% ang nagsasabi na gumanda ang
resulta ng kanilang pananim, 20% naman ang nagsasabi na minsan
lang gumanda ang resulta ng kanilang pananim, at 25% naman ang
nagsasabi na hindi gumanda ang kanilang pananim.
8. Alam mo ba ang masamang epekto kung patuloy ma itong ginamit?
Talahanayan Blg. 8
No. of Respondents %
Oo 11 55%
Hindi 6 30%
Minsan 3 15%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 8, may 55% ang nagsasabi na alam nila ang
masamang epekto ng mga kemikal kung patuloy nila itong gagamitin,
30% naman ng nagsasabi na hindi nila alam ang masamang epekto
ng mga kemikal kung patuloy nila itong gagamitin, at 15% naman ang
nagsasabi na minsan lang nila alam ang masamang epekto ng mga
kemikal kung patuloy nila itong gagamitin.
9. Meron ba kayong napapansin sa inyong sakahan matapos ninyo
itong gamitin?
Talahanayan Blg. 9
No. of Respondents %
Oo 13 65%
Hindi 2 10%
Minsan 5 25%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg.9, may 65% ang nagsasabi na meron silang
napapansin sa kanilang sakahan matapos gamitin ang mga kemikal,
25% naman ang nagsasabi na minsan meron sila napapansin sa
kanilang sakahan nang patuloy nila ginamit ang mga kemikal, at 10%
naman naman ang nagsasabi na wala silang napapansin sa kanilang
sakahan.
10. Meron ba kayong napapansin sa inyong katawan matapos ninyo
gamit ang mga kemikal?
Talahanayan Blg. 10
No. of Respondents %
Oo 11 55%
Hindi 2 10%
Minsan 7 35%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 10, may 55% ang nagsasabi na meron silang
napapansin sa kanilang katawan matapos nila gamitin ang mga
kemikal, 35% naman ang nagsasabi na minsan meron silang
napapansin sa kanilang sakahan, at 10% naman ang nagsasabi na
wala silang napapansin sa kanilang katawan.
11. Kung Oo, ano naman ang ginagawa mo dito?
Talahanayan Blg. 11
No. of Respondents %
Ginagamot 16 80%
Pinababayaan 4 20%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 11, may 80% ang nagsasabi na ginagamot
nila ang mga sintomas dulot ng mga kemikal, at 20% naman ng
nagsasabi pinababayaan nila ang mga sintomas dulot ng mga kemikal.
12. Meron ba’ng proyekto ang lokal na pamahalaan upang
masolusyunan ito?
Talahanayan Blg. 12
No. of Respondents %
Oo 11 55%
Wala 9 45%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 12, may 55% ang nagsasabi na meron
proyekto ang lokal na pamahalaan upang masolusyunan ang mga
masamang epekto ng mga kemikal na ginagamit sa pagsasaka, at 45%
naman ang nagsasabi na walang proyekto na ipinasakatuparan ng
lokal na pamahalaan .
13. Nasubukan mo na ba ang Organik na pataba sa inyong pananim?
Talahanayan Blg. 12
No. of Respondents %
Oo 6 30%
Hindi 10 50%
Minsan 4 20%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 13, may 50% ang nagsasabi na hindi pa nila
nasubukan ang organik na pataba sa pagsasaka, 30% naman ang
nagsasabi na nasubukan na nila ang organik na pataba sa pagsasaka,
at 20% naman ang nagsasabi na minsan lang nilang nasubukan ang
organik na pataba sa kanilang sakahan.
14. Gumanda ba ang ani matapos gamitin ang pataba?
Talahanayan Blg.14
No. of
Respondents
%
Oo 7 35%
Hindi 11 55%
Minsan 2 10%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 14, may 55% ang nagsasabi na hindi
gumanda ang ani ng ginamit nila ang organik na pataba sa sakahan,
35% naman ang nagsasabi na gumanda ang ani ng ginamit nila ang
organik na pataba sa sakahan, at 10% naman ang nagsasabi na
minsan lang gumanda ang kanilang ani ng ginamit nila ang organik na
pataba sa sakahan.
15. Alam n’yo ba ang masamang epekto sa kalikasan kung patuloy
ninyo itong gamitin?
Talahanayan Blg.15
No. of Respondents %
Oo 8 40%
Hindi 9 45%
Minsan 3 15%
Total 20 100%
Sa talahanayan blg. 15, may 45% ang nagsasabi na hindi nila
alam ang masamang epekto sa kalikasan kung patuloy nila gagamitin
ang mga kemikal sa sakahan, 40% naman ang nagsasabi na alam nila
ang masamang epekto sa kalikasan kung patuloy nila gagamitin ang
mga kemikal sa sakahan, at 15% naman ang nagsasabi na minsan
alam nila ang masamang epekto sa kaliksan kung patuloy nila
gagamitin ang mga kemikal sa sakahan
Kabanata V
> Lagom
> Kongklusyon
> Rekomendasyon
KABANATA V
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang
damdamin, pananaw at kaalaman ng mga magsasaka hinggil sa
paggamit ng synthetic na pataba at kemikal na ginagamit sa
pagsasaka.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mananaliksik ay
nagdisenyo ng sarbey-kwestyuneyr na pinasagutan sa dalawapu (20)
respondents na naninirahan sa Brgy. Tabok, Lagonglong, Misamis
Oriental na ang pangunahing hanapbuhay ay ang pagsasaka. Bukod sa
mga nabanggit, nag-interbyu ang mga mananaliksik sa isang
magsasaka na mahigit dalawapu taon (20 years) na nagsasaka na si G.
Ernesto S. Flores. Kinapanayam namin siya upang makakuha ng mga
datos at detalye tungkol sa hinggil sa paggamit ng synthetic na pataba
at kemikal na ginagamit sa pagsasaka.
2. Kongklusyon
Batay sa mga nakalap na datos, humantong ang mga
mananaliksik sa sumusunod na kongklusyon:
a. karamihan ng mga magsasaka alam ang masamang epekto sa
katawan kung patuloy nila ginagamit ang mga kemikal (herbicide at
pesticide) na ginagamit sa pagsasaka.
b.karamihan ng mga magsasaka ay patuloy nila ginagamit ang
mga synthetic na pataba at kemikal na ginagamit sa pagsasaka dahil
epektibo gamitin ang mga ito.
c. Halos lahat ng mga magsasaka ay ayaw nila subukan ang
organic farming dahil hindi daw epektibo ang mga ito.
d. Ang kaalaman ng magsasaka sa magandanag benipisyo ng
paggamit ng organic fertilizer ay kakarampot lang.
3. Rekomendasyon
Batay sa mga napormulang kongklusyon, buong
pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang
mga sumusunod:
a. paigtingin ang paggamit ng modern/tradisyunal na
pagsasaka upang mabalanse ang pagsasaka, ang paggamit ng
mga kemikal at synthetic na pataba.
b. bawas-bawasan ang paggamit at pagtapon ng
kemikal sa pagsasaka. Kung gagamitin kaunti lang ang i-apply
para hindi masira at maging kontaminado ng mga kemikal ang
sakahan, kung itatapon, itapon ito sa tamang lalagyan huwag sa
tubig dahil maaring malison ang mga isda at ibang hayop na
iinom sa tubig na pinagtaponan ng kemikal.
c. maliitin ang paggamit ng pataba kung uulan dahil
ang ulan ay may nitrogen content katulad na ng pataba upang
makatipid sap era at nakakatulong kay inang kalikasan; at kung
may hayopan kayo (e.i poultry, babuyan at kandingan) itapon
ang dumi sa sakahan dahil ang dumi ng hayop ay isang
mabuting pinagkukunan ng organic fertilizer.
d.paigtingin ang paggamit ng organic fertilizer.
e. kung gagamit ng kemikal kagaya ng herbicide at
pesticide siguraduhing ninyo ang inyong kaligtasan sa paggamit
ng mask at gwantes kung mag-aapply at kung itatapon na ang
mga bote pinaggamitan nito. Huwag rin ninyo kalimutan ang
paglinis sa inyong katawan at kapaligiran.
f. Para sa pamahalaan, magbigay sila ng incentive sa
mga mahihirap na magsasaka’; at supurtahan nila ang paggamit
ng organic fertilizer.
Bibliograpgy
Appendix
Curriculum Vitae
Bibliography
Webster Dictionary
Gloriers Encyclopedia of knowledge, MCMXCV. Vol. 7,”Fertilezer,”
pp.247-248
Flores, Ernesto. Farmer. January 2011.
Website:
http://searchwarp.com/swa428670.htm
http://en.wikipedia.org/wiki/Pesticide
http://searchwarp.com/swa428670.htm
http://en.wikipedia.org/wiki/Fertilizer
http://hubpages.com/hub/Natural-and-Synthetic-Fertilizer
http://www.ehow.com/facts_5822119_elements-found-
fertilizers_.html
http://www.da.gov.ph/newindex2.php?pass=News_events/2010/
nov/nov17_2010b.html
http://www.landscape-and-garden.com/garden-soil/fertilizer-
types.aspx
http://www.da.gov.ph/newindex2.php?pass=News_events/2010/
nov/nov17_2010b.html
Curriculum Vitae
Contact Information
Name: Rojas, Francis Ernesto C.
Address: Tabok, Lagonglong, Misamis Oriental
Email: yong_nativizta09@yahoo.com , yong_rojas10@yahoo.com
Personal Information
Date of Birth: July 31,1994
Place of Birth: : Tabok, Lagonglong, Misamis Oriental
Citizenship: Filipino
Visa Status: Single
Gender: Male
Education
Level School Year
graduated
Elementary St. Rita’s College of Balingasag 2006-2007
High school St. Rita’s College of Balingasag 2010-2011
top related