angel project

Upload: jayson-leyba

Post on 28-Feb-2018

237 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Angel Project

    1/21

    Proyekto

    sa

    Filipino VIpinasa ni: Angel Jeanna M. Jogno

    Ipinasa kay: G. Romil John Lapeceros

  • 7/25/2019 Angel Project

    2/21

    Nobela

    Pusong Walang Pag-Ibig

    ni Roman G. Reyes

  • 7/25/2019 Angel Project

    3/21

    Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang

    siyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay

    lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni

    Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namang

    magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. agama!t napupusuan niya si

    Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. "umating isang gabi si Ikeng

    at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang

    pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may

    mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, eheng at #unday. Nagkausap-usap ang mga

    binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang

    manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon$ "ahil dito ay kinausap ni %ling uro si

    Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala

    siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay

    Isiang, #unday at eheng. Idinemanda pa siya ni &abesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang

    anak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay

    nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong

    sila. Ngunit hindi sumusuko si &abesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulan

    ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo ay

    naisipan nina Mang Simon at ni %ling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-

    amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing

    iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama!t dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy

    ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging

    maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na naman

    si Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si 'nri(ue

    ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na

    ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. abae ang

    naging anak nila at pinangalanang )'lisa*, at )Nene* ang naging palayaw. +nti-unting naubos

    ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. &ahit damit ay

    hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging

    kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni %ling uro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa

  • 7/25/2019 Angel Project

    4/21

    pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang

    himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa ebolusyon

    kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang

    kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa!t anak. Natapos ang himagsikan at tinalo

    ng mga %merikano ang mga &astila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na

    mga %merikano sa &astila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang

    mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya!t siya!y muntikan nang mabaliw sa kakahanap

    samantalang inagaw pala ni Ikeng si eheng mula sa kanyang ama na si &abesang ino at

    itinago sa Tarla. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa

    Maynila. indi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang

    abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni %ling uro dahil baka

    sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. abang tila

    maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si #. iardo sa daang /illalobos.

    Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng

    na kinupkop ni #. iardo at ng kaniyang asawang si %ling Nitang ang anak niyang si Neneng.

    Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina0 indi ibang tao ang turing nina #.iardo at %ling

    Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag

    pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng

    bibingka. +nti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. iglaang sumulpot si Ikeng sa

    barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa!t isa. Nalaman ni

    Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay eheng. Nais ni Ikeng na

    makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni

    Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang

    humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa ospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng

    ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang

    niya sa kaniyang mag-ina. 1ras na talaga ni Ikeng at siya!y tuluyan nang namatay. "ito

    nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang )pusong walang pag-ibig*.

  • 7/25/2019 Angel Project

    5/21

    Alamat

    Alamat ng Langgam

  • 7/25/2019 Angel Project

    6/21

    Sa isang malayong bayan ay may isang mag-anak na kabalitaan sa sobrang sipag. Mula

    ama hanggang sa ina at mga anak ay makikitang nagtatrabaho na sila pagsikat pa alng ng araw sa

    silangan.

    Marami ang naiinggit sa samahan ng pamilya dahil bihira ang mga mag-anak na lahat ay

    nagtutulungan.

    %ng kasipagan ng lahat ng miyembro ang dahilang kung kaya naman kapansin-pansin

    ang tuwina ay masagana nilang ani. Sa kabila ng maalwang buhay ay hindi kinakitaan ng pagod

    ang mag-anak. abang gumaganda ang kanilang kabuhayan ay lalo silang sumisipag.

    2Sila ang gayahin ninyo para kayo umunlad,2 madalas ay payo ng matatanda sa iba.

    Nagkaroon ng taggutom sa nasabing bayan. Pininsala ng labis na baha ang mga pananim.

    &aramihan sa mga tagaroon ay hindi nakapag-ipon ng makakain dahil nakuntento na lagi silang

    makapagtatanim. Mabuti na lang at mabuti ang loob ng masisipag na mag-anak. Inihati nila sa

    mga kababayan ang mga pagkaing inipon nila.

    2Walang masama na maging handa tayo sa mga panahong hindi inaasahan,2 anang ama

    ng pamilya. 2Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito.2

    2Napakayabang mo naman,2 wika ng isang lalaki na minasama ang narinig.

    2Nakapagbigay ka lang ng kaunti ay ang dami mong sinabi.2

    2Wala naman akong intensyong masama. Ibig ko lang pare-pareho tayong maging handa

    sa panahon ng pagsubok,2

    2%ng sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan naming umasa sa inyo02 diin ng lalaki.

    Natigil lamang ang diskusyon nang mamagitan ang isang matanda. Sinabi nito na mas

    kailangan nila ang magkasundo kaysa mag-away.

    indi inakala ng lahat na magbubunga iyon ng trahedya. Nainsulto ang lalaki na dahil

    makitid ang isip ay binalak gumanti. Isang gabi ay sinunog nito ang bahay ng pamilya na

    humantong sa kamatayan ng mag-anak.

    Nagluksa ang buong bayan. Nanghinayang sila sa pagkawala ng ideyal na pamilyang

    nagbukas sa isip nila sa halaga ng kasipagan. Ilang buwan maraang malibing ang mag-anak,

    dalawang matanda ang dumalaw sa nasunog na bahay. %gad ay napansin nilang ang isang grupo

    ng maliliit na insektong namamahay sa isang bahagi ng bakuran. Nakalinya ang mga ito at bawatisa ay may dalang butil na iniipon sa tirahan nila.

    Nagkatinginan ang dalawang matanda. %lam nilang ang mga insek-tong iyon ay ang

    masisipag na mag-anak. Tinawag nila itong mga langgam.

    Alamat ng Marinduque

  • 7/25/2019 Angel Project

    7/21

    Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng

    3amarines, Mindoro at Timog &anlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng

    atangas. %ng namumuno sa barangay na ito ay si "atu atumbakal. %ng "atu ay may

    napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itinuturing na eyna ng

    &atagalugan, sapagka4t taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.

    Maraming manliligaw si Mutya Maria. &abilang na rito ang mayamang "atu ng

    Mindoro, Laguna at 3amarines. Nguni4t sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya.

    %ng kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si #arduke na kilala sa tawag na "uke. Si

    "uke ay mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang mangingisda.

    %ng tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si "uke ay

    maraming ulit na pinagbawalan ni "atu atumbakal. Minsang nakita ng "atu si "uke sa

    palasyo, ito ay kanyang kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. &ahit pa sinabi niyang

    kagustuhan ng Mutya ang kanyang pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula

    ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni "atu atumbakal.

    Magmula noon ay hindi na nakita si "uke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya

    Maria. Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si "uke. %t sa dulot

    ng tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.

    2&ung sadyang ako4y mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan.2 amon ni

    Mutya kay "uke. ago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng

    palasyo sa pagsapit ng dilim.

    indi nalingid kay "atu atumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. &inagalitan niya ang

    anak at pinagbawalang makipagkita kay "uke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mgadugong maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. %ng kautusang ito ay

    nilabag nina Maria at "uke.

    Ipinahuli ni "atu atumbakal si "uke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong

    ikinalungkot ni Mutya Maria. %ng pag-iibigan nina Maria at "uke ay naging bukambibig sa

    buong barangay at dito rin hinango ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na

    lalawigan ng Maringdu(ue.

  • 7/25/2019 Angel Project

    8/21

    Pabula

    Ang Pagong at Ang Kalabaw

    Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan

    sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, 2indi ang isang

  • 7/25/2019 Angel Project

    9/21

    tulad mo ang nais kong kaibigan. %ng gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad

    mong lampa na4t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.2

    %ng pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. 2Sobra kang mapang-api.

    Minamaliit mo ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.

    Napika si kalabaw. inamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyangsinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. 2&apag ako ay tinalo mo sa

    labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.2

    2Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera$2 pakutyang

    sambit ng kalabaw.

    2ukas ng umaga, sa ding ito,2 ang daling sagot ng pagong.

    Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at

    mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, &inausap niya ang apat na kaibigang pagong.

    Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.

    &inabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang

    makakalaban niya sa karera2 1, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. %no bang kondisyon ng

    ating karera$2 tanong ng kaiabaw.

    21kay, ganito ang gagawin natin. %ng maunang makarating sa ikalimang tuktok ng

    bundok na iyon ay siyang panalo,2 sabi ng pagong.

    Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw

    ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang

    kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. #anon dinang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. #alit na galit na nagpatuloy sa

    pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok.2 Muli ay may isang pagong na naman

    doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.

    "ahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan

    niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay.

    ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa

    mahina at maliit na pagong.

    Ang Agila at Ang Maya

  • 7/25/2019 Angel Project

    10/21

    Isang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na %gila habang ipinagmamalaki

    nito ang bilis di umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang yayaing

    makipagdwelo sa %gila.

    Makulimlim ang kalangitan at tiyak niyang uulan mamaya-maya kung kaya!t nakaisip ng

    magandang ideya ang Maya.

    )%gila, akin kitang hinahamon sa pabilisang lumipad.*

    )Niloloko mo ba munting Maya$ %ko$ %ng %gila$ %y hinahamon sa isang dwelo$*

    anang %gila na sinundan ng mapanglait na tawa.

    )1o, magaling na %gila. Tama ka. inahamon kita. Paunahang makarating sa bundok na

    iyon0 Ngunit lilipad tayong may bitbit, mamili ka, asin o bulak$*

    )May bitbit$* Napaisip ang %gila, kung ang bulak ang dadalhin niya ay tiyak na

    mananalo siya dahil ito!y magaan hindi gaya ng asin na ubod ng bigat.

    )%kin ang bulak0* bulalas ng %gila. Lihim na napangiti ang Maya sa desisyon ng %gila.

    )Magaling, ulak ang iyo, %sin ang akin. Tayo nang mag-umpisa0*

    Sa pag-uumpisa ng karera ay talaga namang hirap na hirap ang munting Maya sa

    paglipad lalo na at kay bigat nang dala niyang asin. Tuwang-tuwa naman ang %gila dahil alam

    nyang siya na ang mananalo.

    )%no ba naman kasi ang nasa isip ng Maya na iyon$ Nagawa pa kong hamunin e alam

    naman ng lahat na mabilis talaga akong lumipad. &aawa-awang Maya. %ko na naman ang

    mananalo0*

    Sa kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay siya

    namang tuwa ng Maya. +nti-unting gumaan ang dalahin ng Maya dahil unti-unting natunaw ang

    %sin na dala-dala niya. &abaligtaran naman nang kay %gila na mas bumigat ang dalahing bulak

    dahil nabasa ito ng tubig. "ahil sa paggaan ng dala ni Maya ay unti-unti siyang nakabawi sa

    karera at kalaunan ay nanguna sa dwelo. Lumong-lumo ang %gila ng makarating sa bundok,

    mabigat man sa loob ay tinanggap niya ang kanyang pagkatalo.

  • 7/25/2019 Angel Project

    11/21

    Maikling

    Kwento

    Bangkang Papel

    ni: Genoveva-Edroza Matute

  • 7/25/2019 Angel Project

    12/21

    Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw

    mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. %lam nilang kapag iyo!y nagpatuloy sa loob ng

    tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. %t ngayon, ay ikalimang araw nang

    walang tigil ang pag-ulan.

    Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng

    tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

    Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang

    batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya

    napalutang sa tubig kailanman...

    Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.

    Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya!y agong Taon noon. #ayon ding malalakas na

    ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa agong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pangsaglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

    Sa karimla!t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa

    isang makitid na silahis. indi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa

    bahay ang biglang pagliliwanag. #ulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang

    kanyang ina.

    Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. %ng

    paggulong ng mga iyo!y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na

    muli. Samantala!y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa

    lahat ng dako.Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.

    )Inay, umuulan, ano$*

    )1o, anak, kangina,* anang tinig mula sa dulo ng hihigan.

    )Inay,* ang ulit niya sa karimlan, )dumating na ba ang Tatay$*

    Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. &aya!t itinaas niya nang bahagya ang

    likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi!y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi

    nito!y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito!y nakita niya ang banig na

    walang tao.

    Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig

    ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni Miling ay hinila niya ang kumot at ito!y

    itinakip sa sariling katawan. ahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa

    hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya!t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan

    niyon at siya!y namaluktot sa nalabing kalahati.

  • 7/25/2019 Angel Project

    13/21

  • 7/25/2019 Angel Project

    14/21

    Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang

    yao!y si %ling erta, ang kanilang kapitbahay.

    indi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.

    iglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. #ising na gising ang kanyang ulirat.

    Naroon ang asawa ni %ling erta, gayon din sina Mang Pedring, si %lng %ding, si 6eli, at

    si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

    Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon

    nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay

    nakasubsob si Miling. %t ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

    %ng mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga

    mata noo!y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.

    Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. )akit, Inay, ano

    ang nangyari$ %no ang nangyari, Inay$ akit maraming tao rito$*

    Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. %ng mga mata noo!y patuloy sa hindi pagsikap.

    %ng kamay noo!y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.

    Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at %ling 6eli. %ng pag-uusap nila!y

    biglang natigil nang siya!y makita.

    Wala siyang narinig kundi... )Labinlimang lahat ang nangapatay...*

    indi niya maunawaan ang lahat. %ng pagdami ng tao sa kanilang bahay. %ng anasan. %ng

    ayos ng kanyang ina. %ng pag-iyak ni %ling 6eli nang siya ay makita.

    Sa pagitan ng mga hikbi, siya!y patuloy sa pagtatanong...

    )akit po$ %no po iyon$*

    Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya!y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong

    ang kamay sa kanyang balikat o kaya!y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.

    indi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.

    )anda na ba kayo$* anang isang malakas ang tinig. )Ngayon din ay magsialis na kayo.

    &ayo!y ihahatid ni &apitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. ago lumubog

    ang araw sila!y papasok dito... &aya!t walang maaaring maiwan.*

    Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.

    Sila!y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang

    maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.

    Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.

  • 7/25/2019 Angel Project

    15/21

    Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa

    sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.

    Nag-aalinlangan, ang batang lalaki!y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa

    paghakbang.

    )Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay$ akit$ akit$*

    %ng mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang

    mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.

    )Iyon din ang nais kong malaman anak, iyon din ang nais kong malaman.*

    Samantala...

    Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay

    nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.

    %ng gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mgabangkang papel 7 ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal.

    %ng araw na humalili!y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

    &aya nga ba!t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita

    ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na

    hindi niya napalutang kailanman...

    Banyaga

    ni: Liwayway Arceo

  • 7/25/2019 Angel Project

    16/21

    Mula nang dumating si 6ely kanina ay hindi miminsang narinig ang tanong na iyon na

    tila ngayon lamang siya nakita. #ayong umuuwi siya dalawang uli isang taon5 kung %raw ng

    mga Patay at kung Pasko. 1, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. %t maging sa mga

    sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang wari aynababasa niya sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

    %t mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran.

    inahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. indi

    ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya.

    )Serbesa ba 8kamo bata ka, ha$*

    Ngumiti siya, kasabay ang mahinang tango. %t nang Makita niyang nangunot ang noo

    nito, idinugtong niya ang paliwanag. )indi naman masama ang amoy, Nana.*

    Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi maikaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa

    kanyang suot sa leeg ang kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat

    at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang

    baywang na lalong pinalaktik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan nito na may gilit upang

    makahakbang siya. Ibang-iba na ngayong ang9 lahat09 at naunlinigan ang buntunghininga na

    kumawala sa dibdib ng matanda niyang lola.

    Napangiti siya. %lam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ama na sa pagkakaalam

    niya ay hindi naging maligoy minsan man sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng

    kanyang %te Sedes. %t ng kanyang Insong 'dong, ang balo ng kanyang &uya Mente. %t ang

    kanyang apat na pamangkin ay halos hindi nakahuma nang Makita siyang nakatoreador ng itimat kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may taling

    banda, sa kanyang salaaming may kulaym hanggang sa kanyang mga kukong mapula sa paa, na

    nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.

    )Sino kaya!ng magmamana sa mga pamangkin mo9 matalino.*

    )Sinabi ko naman sa Inso9 Ibigay na sa akin9 papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa

    naman ako. %ng hirap sa kanila9 ayaw nilang maghiwa-hiwalay. &ung sinunod ko ang gusto ni

    Inang9 noon9 kung natakot ako sa iyakan9* Tumigil siya sa pagsasalita. %lam niyang hindi

    maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

    )'9 oo nga9* walang anu-ano!y ni Nana Ibang. )Tigas nga naming iyakan nang

    lumwuas ka9*

    )Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba!ko sa timpalak

    na 8yon kung hindi ako nakkasigurong kaya ko ang eksamen$*

  • 7/25/2019 Angel Project

    17/21

    indi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping panyolito sa

    kanyang batok. )Pinagpapawisan ka na, a. %no bang oras sabi ni "uardo na susunduin ka$*

    )%las tres daw. anggang ngayon ba!y ganoon dito$* %t napangiti siya, )%las tres o alas

    singko$ %las kuwatro na, a0 &ung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko.

    %ko na ang magmamaneho. Sa %merika9*

    )Naiinip ka na ba$* agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinasabi.

    )indi sa naiinip, e. "apat ay nasa oras ng salitaan. akit ay gusto kong makabalik

    ngayon sa Maynila.*

    )%no$ &-kahit gabi$*

    Napatawa si 6ely. )&ung sa %merika, nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa

    Maynilap a$ Ilang taon ba 8kong wala sa Pilipinas$ %ng totoo9*

    iglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni NanaIbang. %t nang tumingin siya dito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. %t biglang-

    biglang, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo. %ng walang malamang gawing

    pagsalubong sa kanya. %t nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin.

    Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang

    mantel. indi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay,

    Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at

    larawan lalo niyang kilala sapagka!t patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Ito ang

    may dalang platitong kinalalagyan ng isang sabong mabangong alam niyang ngayon lamang

    binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amoy moras. %t napansin niyang

    nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.

    )%yan naman ang kubyertos9 pilak 8yan9* hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. ):an

    ang uwi mo9 noon9 hindi nga naming ginagamit9* Napatawa siya, )&inukutsara ba naman

    ang alimasag$*

    Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi, Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng

    kanyang Nana Ibang. %bo tang paghingi nito ng paumanhin. )&ung hindi k aba nagbagong-loob,

    di sana!y nalitson ang biik sa silong. &asi sabi9 hindi ka raw darating9*

    Wala na siyang balak dumalo sa parangal. Nguni!t naisip niyang ngayon lamang gagawin

    ang ganyon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel igh Shool, waring hindiniya matatanggihan ang karangalang inuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagsipagtapos sa

    kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng

    samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

  • 7/25/2019 Angel Project

    18/21

    Napakislot pa si 6ely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng

    bahay. %lam na niya ang kahulugan niyon. "umating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa

    gusali ng paaralan. indi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang taking.

    )Sa kotse na,* ang sabi niya kay Nana Ibang. %ng hindi niya sinabi5 aka ako masilat9

    baka hindi ako makapanaog sa hagdang kawayan. Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputinang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. &asunod niya ito na bitbit ang kanyang

    sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa kanya. %ng pinto ng kotse ay

    hawak ng isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napakunot ang noo

    niya.

    )%ko nga si "uardo0*

    Pinigil niya ang buntunghininga ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na

    siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. :umuko ito at dinampot naman ang tsinelas

    na hinubad niya. Isinari ni "uardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. )akit hindi

    ka rito$* tanong niya, Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. )May president ba ng samahan na

    ganyan$* )%9 e9* indi kinakailangang Makita niyang nakaharap si "uardo. Napansin niya

    sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. )%9 alangan9 na 8ata9*

    Tumigas ang mukha ni 6ely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si "uardo ang tanging

    lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang

    pinagtapusan. %t ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagsipagtapos.

    )Natutuwa kami at nagpaunlak ka9* Walang anu-ano;y sabi ni "uardo. )"alawampu!t

    dalawang taon na9*

    )uwag mo nang sasabihin ang taon0* nagtatawang sabi ni 6ely. )Tumatanda ako9*

    )indi ka nagbabago,* sabi ni "uardo. )Parang mas 9 mas9 bata ka ngayon. Sayang9

    hindi ka makikita ni Monang9*

    )Monang$* napaangat ang likod ni 6ely. )&aklase natin9 sa apat na grado,* paliwanag

    ni "uardo. )&ami ang9* at napahagikhik ito. )&amakalawa lang niya isinilang ang aming

    pang-anim9* )3ongratulations0* Pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang

    naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

    agung-bago sa kanyang paningin ang gusali. %t nang isungaw niya ang kanyang mukha

    sa binate ng sasakyan ay nakita niya ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya angsalaaming may kulay. Tila hindi na niya matagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga

    sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagsungyaw. %ywan niya kung alin.%t nang

    buksan ni "uardo ang pinto ng kotse upang makalabas siya ay lalong nagtining ang

    kahungkagang nadarama niya kania pa. %t may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila

    hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook na binalikan niya.

  • 7/25/2019 Angel Project

    19/21

    Tula

    Kalikasan Saan Ka Patungoni: Avon Adarna

  • 7/25/2019 Angel Project

    20/21

    Nakita ng buwan itong pagkasira,

    Mundo4t kalisakasan ngayo!y giba-giba,

    %ng puno 7 putol na, nagbuwal at lanta,

    %ng tubig 7 marumi, lutang ang basura.

    Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,

    Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,

    %t nakipagluhaan sa poong Maylalang,

    Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.

    %ng hanging sariwa, bilasa na ngayon,

    Nasira ng usok na naglilimayon,

    Malaking pabrika ng goma at gulong,

    Sanhi na ginawa ng pagkakataon0

    %ng dagat at lawa na nilalanguyan

    Ng isda at pusit ay wala nang laman,

    Namatay sa lason saka naglutangan,

    asurang maburak ang siyang dahilan0

    %ng lupang mataba na bukid-sabana,

    Saan ba napunta, nangaglayag na ba$

    %h hindi9 naroon9 mga mall na pala,

    Ng ganid na tao sa yaman at pera.

    Mga sapa at ilog sa &amaynilaan,

    #inawa na ng tao na basurahan,

    %t kung dumating ang bagyo at ulan,

    indi makakilos ang bahang punuan.

    %ng tao rin itong lubos na dahilan,

    Sa nasirang buti nitong kalikasan,

    %t darating bukas ang ganti ng buwan,

    +unat ang kamay ng Poong Lumalang0

  • 7/25/2019 Angel Project

    21/21

    Sa Aking Mga Kabata

    Ni5 "r. abeto at sariling letra,

    Na kaya nawala!y dinatnan ng sigwa

    %ng lunday sa lawa noong dakong una.