araling panlipunan 1st generation modules - version...
TRANSCRIPT
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Mga Salik ng Produksiyon at ang
Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay ng Tao
9
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon Lahug Cebu City
Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401
E-mail Address: [email protected]
Editor Development Team of the Module
Manunulat : Benalyn J. Bertulfo
Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)
Tagapamahala
Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales
Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao
: Ester A. Futalan
: Cartesa M. Perico
CID Chief : Mary Ann P. Flores
EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas
EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio
1st
GENERATION MODULES - V
ERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4:
Mga Salik ng Produksiyon at ang
Implikasyon Nito sa Pang-araw-
araw na Pamumuhay ng Tao
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-
araw-araw na Pamumuhay ng Tao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayang habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang- araw-araw na
Pamumuhay ng Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iii
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iv
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
v
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1
Alamin
Panimula
Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao. Minsan
kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang higit na mapakinabangan. Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong upang mapakinabangan.
Ngunit, maari rin itong gamitin upang makabuo ng mesa. Ang produksiyon ay proseso ng
pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Ang mga input ay ang mga bagay na kinakailangan upang mabuo ang produkto. Halimbawa, ang pagbuo ng output o produktong mesa at silya ay nangangailangan ng mga input na kahoy, makinarya, kagamitan at manggagawa. Ang mga bagay na ito ay tinatawag na mga salik ng
produksiyon.
Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang ugnayan at implikasyon ng mga salik ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
2. Nakapagbabalangkas ng plano tungkol sa mga pamamaraan kung paano pahalagahan
ang mga salik ng produksiyon at tugunan ang mga implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
3. Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga tao.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.
a. kapital c. paggawa b. lupa d. produksiyon
2. Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. a. entrepreneurship c. lupa b. kapital d. paggawa
3. Mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na___________. a. entrepreneur c. output b. input d. produksiyon
Subukin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2
4. Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
a. entrepreneurship c. lupa
b. kapital d. paggawa
5. Ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto
at serbisyo ay tinatawag na _____________.
a. arkitekto c. magsasaka
b. entrepreneur d. pulitiko
Balikan
Gawain 1: BABALIK KA RIN
Muling gunitain ang mga nakaraang aralin. Mula rito, itala sa unang hanay ang mga
paksa o impormasyong malinaw na natutunan at sa ikalawang hanay ay ang mga paksang
kailangan pa ng karagdagang paliwanag o impormasyon upang lubos na mauunawaan.
Kopyahin ang talahanayan at isulat sa isang buong papel. Ipunin sa iyong portfolio ang naging
kasagutan upang mabasa ng guro at mabigyan ng kaukulang puntos.
Mga Paksang Malinaw na Natutunan
Mga Paksang Kailangan Pa Ng Karagdagang Paliwanag o Impormasyon
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3
Tuklasin
Gawain: Train Map Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkasunod-sunod ng pagkakabuo ng produktong
coconut oil. Ilagay ang bilang ng larawan sa mga kahon sa ibaba.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4
Suriin
Mga Salik ng Produksiyon
JEREMY BENTHAM (1748-1832)
Ayon sa pag-aaral ni Jeremy Bentham noong 1780, sa ekonomiks, ang
mga pinagkukunang-yaman ay mananatiling walang halaga (value)
kung hindi ito mapakinabangan. Ang gamit (use) ng isang bagay ang
nagtatakda ng kapakinabangan nito.
https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-atmga-salik-ng-produksyon
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
5
https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-atmga-salik-ng-produksyon
Sa ekonomiks, ang produksiyon ay isang proseso ng pagpapalit-palit anyo
(transformation) ng mga input upang makalikha ng mga output.
Ang mga input ay tumutukoy sa mga pangunahing kagamitan sa produksiyon.
Tinatawag ang mga input na mga salik ng produksiyon. Ang abilidad ng entrepreneur, kapital,
lupa at paggawa ay mga kinikilalang salik ng produksiyon.
URI AT KATANGIAN NG MGA SALIK NG PRODUKSIYON
Ang mga salik ng produksiyon ay mga pinagkukunang-yaman na may
kapakinabangan sa produksiyon. Ang abilidad ng entrepreneur, kapital, lupa at paggawa ay
nagsisilbing mga pangunahing kagamitan sa paglikha ng mga produkto. Hindi makalilikha ng
produkto na wala ang isa sa mga nabanggit na mga salik.
1. Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksiyon
• Tumutukoy sa kahandaan at kakayahan ng tao na magtayo ng negosyo at patakbuhin ito.
• Entrepreneur ang tawag sa taong nagtatag ng negosyo na may layuning gumawa ng produkto o magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
• Maaaring tagapamahala, innovator, risk bearer, at think- tank ng negosyo
• Nagdedesisyon tungkol sa negosyo, mga produktong gagawin, kukuning manggagawa at pagpapaunlad ng produksiyon.
• Tagapag-ugnay ng tatlong salik ng produksiyon
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Entrepreneur:
a. May lakas loob na humarap at hindi natatakot na makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
b. May kakayahang mangasiwa ng negosyo c. Matalino, malikhain, walang kinikilingan sa pagpapasiya hinggil sa pagbabago
sa pamilihan.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6
2. Kapital Bilang Salik ng Produksiyon
• Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang
produkto.
• Ito ay maaring pera o kasangkapan
• Ginagamit para makapagsimula ng produksiyon o paunlarin pa ang produksiyon
Dalawang Uri ng Kapital:
1. Batay sa Pagpapalit – Anyo
a. Paikot na Kapital (Circulating Capital)
• Tumutukoy sa mga intermedyang produkto at hilaw na sangkap na ginagamit sa proseso ng produksiyon.
• Mabilis magpalit-anyo. Halimbawa: Kuryente at Langis
b. Permihang Kapital (Fixed Capital)
• Mga mabilis magpalit-anyo at di-nahahati na mga produktibong kalakal. Halimbawa: gusali, planta, makinarya at mga sasakyan
2. Batay sa Paggamit
a. Malayang Kapital (Free Capital)
• Mga produktong ginagamit ng isang beses lamang. Halimbawa: tubig, asukal, asin, juice
b. Ispesyalisadong Kapital (Specialized Capital)
• Nagagamit sa bukod-tanging layunin lamang Halimbawa: makinilya, sewing machine, oven
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
7
3. Lupa Bilang Salik ng Produksiyon
• Tumutukoy ito sa mapakikinabangang kakayahan ng kalikasan.
• Ito ay ang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap na gagamitin sa produksiyon.
• Maaaring gamitin sa pagsasaka, pabahay, at pagtayuan ng pabrika.
• Napagkukunan din ng kita sa pamamagitan ng pagpapaupa rito at paniningil ng renta.
4. Paggawa Bilang Salik ng Produksiyon • Tinatawag na paggawa (labor) ang pisikal at mental na
kakayahan o lakas ng isang tao upang makapaglingkod.
• Binubuo ng mga taong nasa 18 hanggang 64 na taong gulang at may kaalaman at kakayahang makapag-ambag sa paggawa ng isang produkto o serbisyo.
Dalawang Uri ng Lakas Paggawa:
1. White-Collar Job
- Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip
kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa: doktor, abogado, inhinyero at iba pa
2. Blue- Collar Job
- Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa
Halimbawa: karpintero, drayber, magsasaka at iba pa
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8
Gawain: SPG- (SANGKAP sa PRODUKSIYON i-GRUPO)
Panuto: Ilista ang mga bagay na ginamit sa paggawa ng sumusunod na mga produkto.
Kilalanin kung anong salik ng produksiyon ang mga ito. Gamitin ang talahanayan sa
ibaba para sa mga kasagutan.
Produkto Ginamit sa Pagbuo ng Produkto
Uri ng Salik ng Produksiyon
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
Gawain: NEWS ANALYSIS
Panuto: Basahin at pag-aralan ang balita na may pamagat na “Pagsusulong ng Higit na
Produksiyon ng Bigas”. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong at isulat sa inyong
sagutang papel.
Tinutulungan ngayon ng Bago City, isa sa mga nangungunang producer ng bigas sa
bansa, ang mga magsasaka ng kanilang lugar upang higit na mapakinabangan at maitaas
ang produksiyon ng bigas sa gitna ng implementasyon ng Rice Tariffication Act, na
nagpapahintulot sa malayang pag-aangkat ng bigas sa ibang mga bansa. Sinabi
kamakailan ni Mayor Nicholas Yulo na sa ilalim ng bagong sistema ng taripa,
kinakailangan ang pakikialam ng lokal na pamahalaan.
“Our goal is really to make our farmers more efficient for them to compete with those in
neighboring countries,” aniya.
Tinaguriang rice bowl ng Negros Occidental, pinarangalan ang lungsod ng Bago sa
ikalawang pagkakataon bilang isa sa mga top rice-producing local government units sa
bansa sa ginanap na 2018 Rice Achievers Awards.
Ang katimugang lungsod ng Negros ay ang nangungunang rice producer sa mga lungsod
at bayan sa Western Visayas, base na rin sa ipinapakitang datos ng Department of
Agriculture. “More than the award, we aim to strengthen our production mainly to prepare
for the possible adverse effects of the rice tariffication measure,” pahayag ni Yulo. Sa ilalim
ng rice tariffication, hangad ng bansa ang lowest production cost na may maximized yield.
Ipinapakita sa datos ng City Agriculture Office na may kabuuang palay production ang
Bago City, na umaabot sa 119,528 metriko tonelada noong 2018 mula sa inaning bahagi
na may 11,879 ektarya. Tumaas din ang average yield per hectare nito mula 4.2 metriko
tonelada noong 2017 sa 4.43 metric tonelado nitong nakaraang taon. Mula sa dating 20
porsiyento, nag-aambag na ngayon ang lungsod ng 25% sa kabuuang produksiyon ng
bigas sa Negros Occidental. Ayon kay Yulo, malaki ang naging tulong ng edukasyon,
pagsasalin ng teknolohiya at mekanismo sa karangalang natamo ng lungsod. “We are on
this path already. We have felt the initial effects of our efforts especially on farm
mechanization,” aniya. Nitong Disyembre lamang, pinasimulan ng probinsiyal na
pamahalaan ang farm mechanization program sa lungsod na gumamit ng 200-hectare
model rice farm sa Barangay Taloc. Pinapangasiwaan ang lugar ng 160 magsasaka, na
miyembro ng Newton-Camingawan-Para Farmers Association. Umaasa naman si Yulo na
magbibigay ng inspirasyon ang karangalan nilang natamo upang higit pang magsumikap
lalo’t marami pa, aniya, ang pagdadaanan nila, lalo na kung ikukumpara sa anim na
Pagyamanin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10
metrikong tonelada kada ektarya, na inilalabas ng mga magsasaka ng mga kalapit na
bansa, sa mas mababang puhunan.
Gamitin ang rubrik na nasa ibaba sa pagbigay ng puntos: Nilalaman……………. 5 Pagkakasulat………… 3 Kalinisan……………… 2_
Kabuuang Puntos……10
Pamprosesong Tanong:
1. Aling pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng parangal na 2018 Rice
Achievers Awards?
2. Paano natamo ng lalawigang ito ang mataas na antas ng produksiyon sa bigas? Sa
papaanong paraan makatutulong ang mga salik ng produksiyon sa pagtaas ng
produksiyon ng pagkain sa bansa?
3. Paano makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng produksiyon ng
bigas?
Sa araling ito nalaman mo ang kahalagahan at bahaging ginagampanan ng bawat
salik ng produksiyon. Hindi magampanan ng bahay-kalakal ang kaniyang bahagi sa
ekonomiya kung wala ang mga salik na ito. Kaya lagi nating tatandaan na ang produksiyon
ay tumutugon sa ating mga pangangailangan. Kung walang produksiyon ay wala rin tayong
produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang
mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na
tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.
Isaisip
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
11
Gawain: IKOT-NAWAIN
Panuto: Suriin at unawain ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot na daloy ng
produksiyon. Punan ang mga kahon ng halimbawa ng mga bagay ayon sa
pagkakahanay nito.
Halimbawa:
____TUBO_____ _____Sa factory_____ ______Asukal______
1. _______________ __________________ __________________
2. _______________ __________________ __________________
3. _______________ __________________ __________________
TEST I. PAGPIPILI-PILI:
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Maaring umiiral ang kakapusan sa pinagkukunang-yaman tulad ng likas na yaman, paggawa, at kapital. Ano ang dahilan ng kakapusang ito? Dahil sa_______.
a. hoarding o pagtatago ng mga produkto b. kawalan ng disiplina ng mga tao c. malakas na bagyo at iba pang kalamidad d. may limitasyon ang maraming pinagkukunang-yaman at walang katupusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
INPUT PROSESO OUTPUT
Isagawa
Tayahin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
12
2. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksiyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya na:
a. gumagamit ng produkto at serbisyo b. lumilikha ng mga produkto at serbisyo c. lumilinang ng likas na yaman d. namamahagi ng pinagkukunang-yaman 3. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks? a. Masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang hinaharap. b. Pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. c. Tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakaaapekto sa kanyang pagdedesisyon. d. Tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. 4. Nagkokontrol, nagoorganisa at nakikipagsapalaran sa mga desisyon ukol sa
produksiyon. a. abogado c. consultant b. accountant d. entrepreneur 5. Ang likas na yaman ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin at
gagawing produkto. Ano ang nais ipahayag nito? a. Ang tanging nagpaparami sa produkto at serbisyo ay ang lakas-paggawa
lamang. b. Kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng produkto at serbisyo. c. Kailangan madami ang kapital upang mas mapakinabangan ang mga ito. d. Kung mas ginagamit ang mental mas maraming produkto ang nagagawa.
TEST II. PAGSULAT NG SANAYSAY Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba sa pagbigay ng puntos:
Nilalaman…………….. 5 Pagkakasulat………… 3 Kalinisan……………… 2
Kabuuang Puntos…… 10
1. Ano-ano ang salik ng produksiyon? Ipaliwanag ang ginagampanan ng bawat salik sa
proseso ng produksiyon.
2. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon?
Pangatuwiran.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
13
Karagdagang Gawain
Gawain: Collage Making
Panuto: Gumawa ng collage tungkol sa mga salik ng produksiyon. Pumili lamang ng isa sa
mga salik. Gumupit ng mga larawan mula sa mga pahayagan o magasin at idikit ang
mga ito sa isang long bond paper. Lagyan ng maikling pahayag sa ibaba ng collage
tungkol sa kahalagahan at kapakinabangan ng inyong napiling salik. Gawing gabay
ang pamantayan sa ibaba.
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
1. Nilalaman Naipapakita ang mga bumubuo, gamit at kahalagahan ng salik ng produksiyon
10
2. Presentasyon Maayos at malinis ang presentasyon
10
3. Malikhaing Pagbuo Gumagamit ng recycled materials at angkop na disenyo ayon sa salik na napili
10
4.Caption/Pahayag Naglalaman ng pahayag ng angkop na paliwanang ukol sa gamit at kahalagahan ng salik ng produksiyon
10
Kabuuang Puntos
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
14
Susi sa Pagwawasto
Subukin mo
1. d
2. b
3. b
4. d
5. b
Tayahin mo
1. d
2. b
3. d
4. d
5. c
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
15
Sanggunian
Balitao,B.,Garcia,E., at Marcos L.2006Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education (DepEd)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Pagsusulong ng higit na produksiyon ng bigas | Balita ...
balita.net.ph/2019/06/07/pagsusulong-ng-higit-na-produksiyon-ng-bigas
Konsepto at mga salik ng produksyon - LinkedIn SlideShare https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-at-mga-salik-ng-produksyon
Salik Ng Produksyon - LinkedIn SlideShare https://www.slideshare.net/ciennylighto/salik-n
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
17