bdj volume 3, issue 1

3
Read. Meditate. Change.™ Volume 3, Issue 1 February 7, 2010 A CYPA Paper Ministries Publication for the Glory of God and the Edification of the Local Church Published by Capitol Bible Baptist Church Pastor Bishop Felizardo D. Abanto Editor, Translator, Senior Writer Elijah E. Abanto Consultant, Adviser Mrs. Olivia E. Abanto ©2010 CYPA Paper Ministries, Inc., Capitol Bible Baptist Church, Brgy. Paradahan I, Tanza, Cavite, Philippines 4108. All rights reserved. www.capitolbiblebaptist.multiply.com www.cypapaper.wordpress.com www.baptistsdigestjournal.blogspot.com E-mail addresses: [email protected] [email protected] [email protected] All English Scripture quotations are from the Holy Bible, King James Version. Public domain. pagkakataon. Sabi nga ng pilosopong Tsino na si Lao Tzu: Walang hihigit na unos kaysa sa so- brang pag-aasam sa mga bagay. Walang hihigit na pagkakasakdal kaysa hindi pagi- ging kontento. At wala nang hihigit na kasiraan kaysa sa kasakiman. **************************************** PAGNINILAY-NILAY TUNGKOL SA DISCONTENTMENT 1. Nung binasa mo yung listahan ng mga “if only,” ay maaaring wala doon ang partikular mong “if only.” Kung ganon, sabihin mo na ito rito. 2. Basahin mong muli ang mga salita ni Lao Tzu. Ngayon ay isipin mo, mayroon ba talaga dapat na hindi ikakuntento? 3. Si Jesus, sa kanyang walang kamatayang Sermon on the Mount, ay sinabi na “You cannot serve God and mam- mon” (Matthew 6:24). Ano ang pagka- kaiba ng “pag-iipon” at “paglilingkod” sa pera? Isa pang kaisipan: Kung si Jesus ay mabubuhay kaya ngayon, maka- karamdam kaya Siya ng kahit na kaunt- ing discontentment? Bakit? O bakit hin- di? bdj ——————————————————————— Mula sa Living Beyond the Daily Grind, pp. 221-225. Inilathala ng Word Publishing. Isinalin sa Tagalog ni Elijah E. Abanto. Read. Meditate. Change.™ Volume 3, Issue 1 | February 7, 2010 page 3 The Capitol Stopover/p. 5 Bible Verse * Something to Pray for * The Daily Reading Schedule

Upload: cypa-paper-ministries

Post on 06-Mar-2016

232 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Featuring an article about discontentment.

TRANSCRIPT

Page 1: BDJ Volume 3, Issue 1

™ Read. Meditate.

Change.™

Volume 3, Issue 1

February 7, 2010

A

CYPA Paper Ministries Publication

for the

Glory of God and the

Edification of the Local Church

Published by

Capitol Bible Baptist Church

Pastor

Bishop Felizardo D. Abanto

Editor, Translator, Senior Writer

Elijah E. Abanto

Consultant, Adviser

Mrs. Olivia E. Abanto

©2010

CYPA Paper Ministries, Inc.,

Capitol Bible Baptist Church,

Brgy. Paradahan I, Tanza, Cavite,

Philippines 4108.

All rights reserved.

www.capitolbiblebaptist.multiply.com

www.cypapaper.wordpress.com

www.baptistsdigestjournal.blogspot.com

E-mail addresses:

[email protected]

[email protected]

[email protected]

All English Scripture quotations are from

the Holy Bible, King James Version. Public

domain.

pagkakataon.

Sabi nga ng pilosopong Tsino na si Lao

Tzu:

Walang hihigit na unos kaysa sa so-

brang pag-aasam sa mga bagay. Walang

hihigit na pagkakasakdal kaysa hindi pagi-

ging kontento. At wala nang hihigit na

kasiraan kaysa sa kasakiman.

****************************************

PAGNINILAY-NILAY TUNGKOL SA

DISCONTENTMENT

1. Nung binasa mo yung listahan ng mga

“if only,” ay maaaring wala doon ang

partikular mong “if only.” Kung ganon,

sabihin mo na ito rito.

2. Basahin mong muli ang mga salita ni

Lao Tzu. Ngayon ay isipin mo, mayroon

ba talaga dapat na hindi ikakuntento?

3. Si Jesus, sa kanyang walang kamatayang

Sermon on the Mount, ay sinabi na “You

cannot serve God and mam-

mon” (Matthew 6:24). Ano ang pagka-

kaiba ng “pag-iipon” at “paglilingkod” sa

pera? Isa pang kaisipan: Kung si Jesus

ay mabubuhay kaya ngayon, maka-

karamdam kaya Siya ng kahit na kaunt-

ing discontentment? Bakit? O bakit hin-

di? bdj

———————————————————————

Mula sa Living Beyond the Daily Grind, pp.

221-225. Inilathala ng Word Publishing.

Isinalin sa Tagalog ni Elijah E. Abanto.

Read. Meditate. Change.™

Volume 3, Issue 1 | February 7, 2010

page 3

The Capitol Stopover/p. 5

Bible Verse * Something to

Pray for * The Daily Reading

Schedule

Page 2: BDJ Volume 3, Issue 1

Frontporch—————

Writer’s Block

Sa totoo lang, to be honest with you, nitong mga nakaraang Linggo ay

wala akong ganang magsulat. Nasa estado ako ng tinatawag na “writer’s

block,” kung saan ang isang manunulat ay walang inspirasyon para guma-

wa ng kahit isang piraso ng sulatin. In fact, hanggang ngayon, pakiramdam

ko ay wala pa rin akong gana. Dati, Wednesday pa lang ng gabi ay tapos

na ang BDJ, pero these past few weeks were different. Biyernes na nata-

tapos, Biyernes na rin pinapa-print.

These past few weeks I was really struggling. Struggling about many

things, kaya nabawasan nang matindi ang oras ko para mag-isip, at napu-

punta na sa mga ganung bagay. Yet these past weeks, I think nakasulat ako

ng mga mas magagandang artikulo. I don’t know why. It was God, maybe.

Pwede pa rin Niyang gamitin ang isang taong walang drive para gawin ang

isang bagay and bring out the best in him.

Anyway, welcome to BDJ. Ang format na nakikita niyo po sa ngayon ay

ang format na matagal ko nang pinapangarap para sa paper na ito. I know

that appearance really has an appeal, at sa tingin ko ay magandang i-

improve ang format ng BDJ. I hope you liked the appearance more.

But most importantly, yung articles. Ang magandang interface ay walang

kabuluhan kung walang kabuluhan ang nakalagay roon. Both must com-

plement each other. Anyway, ang topic natin ngayon sa Sunday School ay

kung paano ire-resolba ang greed o kasakiman o katakawan. I came into

this article when I thought, bakit nga naman nagiging sakim ang isang tao?

Kasi, discontented. Once again, God will use Charles R. Swindoll to share

some insights tungkol sa bagay na ito. Plus other articles that I pray you

will read, then meditate, and that will change your life.

Publishing for Christ,

Bro. Elijah E. Abanto

Editor, Senior Writer

ang punto noon. Kahit ano—kahit

ano—na nangangailangan ng kawalan

ng hustisya para makamit ay hindi

magdadala ng kasiyahan. Kahit na ang

Taj Mahal kung may kawalang-

hustisya ay walang binatbat sa

“kaunti” na may katuwiran. Ano ang

kwenta kung ang isang tao ay puno

nga ang pera sa bangko at ang

kanyang na-invest ay kahanga-hanga

kung kailangan naman pala niyang

mabuhay nang nakokonsensya? Para

lang iyong pagtulog na nakasabit sa

hanger. Bawat galaw na iyong gina-

gawa ay isa na namang paalala na may

mali.

Dapat itong marinig, hindi lang ng

mga mayayaman, kundi pati ng mga

mahihirap. Pareho lang na kailangan

ng ganitong payo ang tao na gusto ng

(at mayroon namang) napakarami at

ang tao na pakiramdam nila ay

kailangan pa nila ng mas marami. Bi-

hira na magkaroon ng kaugnayan ang

hindi pagiging kontento sa kalagayan

mong pinansyal. Ang kasakiman ay

siyang kanser ng pag-uugali, hindi

dahil sa kakulangan sa pondo kundi

dahil sa maling mga motibo. Mayroon

hindi na kailanman makokontento,

gaanuman karami mayroon sila. Ang

discontentment ay parang isang mag-

nanakaw na patuloy na iniistorbo ang

ating katahimikan at ninanakaw ang

ating kasiyahan. Hindi ito tumitigil sa

pagbulong ng, “mas marami pa … mas

marami pa … mas marami pa … mas

marami pa …”

Basahin mo ang 1 Timothy 6:6-10,

17-19 nang maingat, na parang bina-

basa mo pa lang ito sa kauna-unahang

bdj™ Volume 3, Issue 1 | page 5

The Daily Reading Sched

February 8-14

8 Luke 6; Exodus 25, 26 9 Luke 7; Exo-

dus 27, 28 10 Luke 8; Exodus 29, 30 11

Luke 9; Exodus 31, 32 12 Luke 10, 11;

Exodus 33, 34 13 Luke 12, 13; Exodus

35, 36 14 Luke 14; Exodus 37, 38

Something to Pray for 1. Bigyan ka ng Diyos na kapangyari-

hang huwag maging sakim o

greedy.

2. Makuha na ang ating sasakyan.

3. Magkaroon ng malaking halaga na

makukuha sa solicitation.

4. Mabigay ang ating request na two

buses for camp.

5. Magtagumpay ng Operation Go

Batch 9

6. Kaayusan ng camp preparations at

tagumpay ng Camp 2010

Bible Verse for the Week “And thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind, and

with all thy strength: this is the first commandment.”

Mark 12:30, KJV

Page 3: BDJ Volume 3, Issue 1

bdj™ February 7, 2010 | page 4

Kung hindi lang ako na-aksidente

Kung sinabi lang niya sa akin

Kung tatanggapin lang nila ako sa

kung sino ako

Walang katapusan ang listahan.

Nakahabi sa lahat ng mga salitang iyon

ay isang buntung-hining na nagmumula

sa pagiging hindi kontento o discon-

tentment. Pag nadala pa ito nang mas

malayo, dumarating tayo sa punto ng

pagkaawa sa sarili—isa sa mga pinaka-

hindi-katanggap-tanggap at hindi

mapapasubalian sa lahat ng mga ugali.

Ang discontentment ay isa sa mga pa-

hirap sa atin na pinipwersa ang iba na

makinig sa listahan ng ating mga aba.

Ngunit hindi sila magtatagal! Ang mga

kaluluwang hindi kontento ay mabilis

na nagiging mga kaluluwa na naiiwang

mag-isa.

Natutuwa na ako na hindi iniwasan

ni Solomon ang isyu ng discontent-

ment. Sa tatlong magkakahiwalay na

okasyon ay nagsulat siya ng mga kasa-

bihan para basahin nating lahat. Ang

bawat isa ay isang kasabihan na may

paghahambing kung saan iyung mas

nauunang bahagi ay ipinapakita na

“mas mainam” kaysa nahuling bahagi.

Halimbawa:

Better is a dinner of herbs where

love is, than a stalled ox and ha-

tred therewith. (Proverbs 15:17)

Sino’ng nangangailangan na kumain

ng mamahaling steak? Ano’ng malaking

bagay kung kumakain nga kayo ng

steak eh wala namang pagmamahalan

sa pagitan ng dalawang kumakain nito?

Napangiti ako nang may mabasa ako

tungkol sa isang babae na sa isang party

na pinipiliit pasayahin ang hitsura ilang

taon na ang nakalilipas. Napansin ng

isang kaibigan yung malaking nangi-

gislap na bata sa kanyang daliri at na-

pabulalas, “My gulay! Napakagandang

diyamante!”

“Oo,” pag-amin niya, “yan ay isang

Callahan na diyamante. Kasama nito ay

isang Callhan na sumpa.”

“Callahan na sumpa?” tanong ng

kanyang kaibigan. “Ano yun?”

“Yung asawa ko—si Mr. Callahan,”

sinabi niya nang nakakunot.

Itinatanong ni Solomon, “Ano’ng

buti na magkaroon ng maraming-

marami ng isang bagay kung may kasa-

ma namang poot?”

Isa na namang pagkastigo:

Better is a dry morsel, and qui-

etness therewith, than an house

full of sacrifices with strife.

(Proverbs 17:1)

Nakakita na tayo nang ganyan.

Maraming mga tao at pagpa-party, wa-

lang tigil na pagdating at paglabas ng

mga tao, walang katapusang gawain at

tone-tonelada ng pagkain … ngunit may

awayan. Huwag na lang. O gaano

kadaling madaya ng lahat ng ingay at

usok ng pagkain! Ang isang simpleng

mangkok ng lugaw sa isang payapang

lugar ay mas mabuti pa.

Better is a little with righteousness

than great revenues without right.

(Proverbs 16:8)

Hindi mo rin kayang hindi makuha

AN INTRODUCTION FROM THE EDITOR

Ayon sa Wiktionary, ang salitang “greed” ay nangangahulugang “A

selfish or excessive desire for more than is needed or deserved, espe-

cially of money, wealth, food, or other possessions”1 o isang makasa-

rili o sobra-sobrang paghahangad nang mas marami pa sa kina-

kailangan o karapat-dapat, lalo na ng pera, kayamanan, pagkain, o

iba pang mga pag-aari.

Madalas kong iniisip, bakit ba ang tao ay nagiging “greedy” o sa-

kim? Bakit ba ang isang tao ay gusto na sa kanya lang ang isang

bagay, at bakit pag mayroon na siya ng ganito ay gusto niya pa ng

mas marami? Sabi nga sa Ecclesiastes 5:10, “He that loveth silver

shall not be satisfied with silver; nor he that loveth abundance with

increase: this is also vanity.” Pero bakit nga ganoon?

Discontentment. Hindi pagiging kontento. Kaya bago mo resolba-

hin ang greed, dapat ay bigyang-pansin muna ang discontentment.

********************************

THE GRIND OF DISCONTENTMENT

Maraming mga tao ang kinakain ang kanilang mga puso, naghi-

hirap mula sa sakit na “If Only.” Ang mga germs nito ay sinasabi ang

bawat aspeto ng ating buhay.

Kung mayroon lang akong mas maraming pera

Kung kaya ko lang makakuha ng mas magandang grado

Kung mayroon lang kaming mas magandang bahay

Kung hindi lang kami ng ganung kapangit na investment

Kung hindi lang ako nanggaling sa masamang background

Kung nanatili lang siya na asawa ko

Kung mas matibay lang ang aming pastor

Kung kaya lang lumakad ng anak ko

Kung mayroon lang kaming anak

Kung hindi lang kami nagkaroon ng anak

Kung nagtagumpay lang yung negosyo

Kung hindi lang namatay ang asawa ko nang bata

Kung humindi lang ako sa droga

Kung binigyan lang nila ako ng pahinga

bdj™ Volume 3, Issue 1 Resolving Greed: Living Beyond Discontentment | page 3

Resolving Greed article