colegio de sta

8
Colegio de Sta. Rita Foundation, Inc. Submitted by: Jane S. Estrada Grade 9 Project in Val.Ed.

Upload: rotsacreijav66666

Post on 18-Nov-2015

233 views

Category:

Documents


13 download

TRANSCRIPT

Colegio de Sta. Rita Foundation, Inc.ProjectinVal.Ed.

Submitted by:

Jane S. Estrada Grade 9 St. Cecilia Sub mitted to:

Sister. Irine Anepi FAS

Name: Norinel Tracy B. RabeAge:10 years oldBirthdate:January 29, 2004Birthplace: Poblacion Zone Zone II, Del Gallego, Camarines SurParents:Ronilo B. RabeNorina B. RabeOnly daughter of Mr.: Ronilo B. Rabe and Mrs.:Norina B. Rabe

Si Norinel Tracy B. Rabe ay sampung taong gulang, ipinanganak siya noong Enero 29, 2004. Siya ay nasa ika-limang baiting ngayont taong 2014 sa Del Gallego Central School.Siya ay nakatira sa Poblacion Zone II, Del Gallego, Camarines Sur. Siya ay nag-iisang anak ng kanyang mga magulang na sina Mr. Ronilo B. Rabe at Mrs. Norina B. Rabe. Ang kanyang tatay ay tatlumpot-apat na taong gulang at ang kanyang nanay naman ay tatlumput-tatlong taong gulang Ngunit ang kanyang tatay ay naaksidente at namatay noong siya ay dalawang taong gulang pa lamang. Pumunta sila ng kanyang nanay kung saan nakaburol ang kanyang tatay at hinihintay nila itong mailibing. Pagkatapos ng libing ng kanyang tatay makalipas ang dalawang lingo, nabago ang trato sa kanila ng pamilya ng kanyang tatay kaya umalis na rin sila at hindi na nagtagal pa sa lugar na iyon. Umuwi sila sa Del Gallego at dito na sila namuhay na mag-ina. Lumipas ang mga taon, nakapagtrabaho ang kanyang nanay sa munisipyo bilang isang Job Order. Habang siya ay nagtatrabaho, siya ay nag-aaral din sa Tesda upang maging isang titser at talagang sila ay pinagpala ng Diyos at nakapasa ang kayang nanay sa LET o Licensure Examination for Teacher at kasalukuyang nag-aplay bilang isang guro sa Mansalaya National High School.At si Noriel naman ay napakasaya para sa kanyang nanay at dito ay nakapasa, siya naman ay masayang pumapasok sa eskwelahan araw-araw.At lalo siyang tatutuwa sa tuwing kami ay nagtuturo ng katikesta sa kanilang eskwelahan. Nagpapasalamat siya dahil nakapasa ang kanyang nanay sa LET at siya ay lalong nagpapasalamat dahil hindi sila pinababayaan ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sa tuwing araw ng Sabado siya ay nag-aaral at nagbabasa sa kanilang bahay. Siya ang nagliligpit ng kanilang pinagkainan sa pananghalian at pagkatapos siya ay matutulog at sa kanyang paggising siya ay nakikipaglaro sa kanyang mga kapwa bata.Sa bawat araw na lumilipas sa kanyang buhay siya ay hindi nakakalimot na magpasalamat sa Diyos sa biyayang natanggap nila sa araw na ito.At sa panibagong araw ng Linggo silang mag-ina ay pumupunta sa simbahan upang magsimba at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap nila sa kanilang buhay.Ako si Norinel Tracy B. Rabe, nagpapasalamat dahil akoy nabigyan ng pagkakataon na ikwento ang aking buhay at ito ay malaman ng iba ang aking kwento.

Jane S. Estrada: Naranasan ko sa Central kung paano ang maging isang batang tinuturuan noon naranasan ko ang isang maging guro kahit na ito ay hindi hababg buhay. Parang bumalik ang aking mga alaala noong ako ay elementarya pa lamang.Noong una halos ayaw kong magsalita sa harapan nila dahil kahit papaano kamiy nahihiya dahil sila ay mga bata pero hababg tumataga; natutunan ko rin ang makisama sa kanila. Naging masaya ang karanasan kong ito dahil pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging batang walang pinuproblema sa buhay

TheEnd

Merci!!!