dasalan at tocsohan.pdf

Upload: verna-lois-ponferrada

Post on 14-Apr-2018

605 views

Category:

Documents


32 download

TRANSCRIPT

  • 7/30/2019 Dasalan at Tocsohan.pdf

    1/2

    Ang Tanda

    Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Fraile, samanga bangkay namin, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nangEspiritung Bugaw. Siya naua.Pagsisisi

    Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga atsumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa ko saiyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo salahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: atlalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asasa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acongmaglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alangsa mahal na pasyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua. Ang Amain Namin

    Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin angkasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo camingayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal

    para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulotsa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen.Ang Aba Guinoong Baria

    Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod kaniyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.Santa Baria Ina nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at camiipapatay. Siya naua.Ang Aba Po Santa Baria

    Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Ababunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac niEva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang

    pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak,

    ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago matapos angpagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nangderetsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huagmagpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.Ang Manga Utos Nang Fraile (Ang Sampung Utos ng Pray le)

    Sa makabagong pagbabaybay

  • 7/30/2019 Dasalan at Tocsohan.pdf

    2/2

    Ang mga utos nang Prayle ay sampu:Ang nauna: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.Ang ikalaua: Huwag kang magpapahamak o manumba ng ngalang deretsos.Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at piyesta.Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing sa ama't ina,Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panlibing.

    Ang ikanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.Anh ikaualo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.Ang ikapulo: Huwag mong itangi ang iyong ari.Itong sampong utos ng Prayle'y dalawa ang kinauuwian.

    Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya nawa.Ang mga kabuhungang asal, ang pangala'y tontogales ay tatlo.Igalang mo Katakutan mo Ang Prayle

    At pagmanuhan mo ..Sa orihinal na pagbabaybay

    Ang manga utos nang Fraile ay sampo:Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos.Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta.Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa amat ina,

    Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing.Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua.Ang ikapito: Huag kang makinakaw.Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua.Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.Itong sampong utos nang FraileI dalaua ang kinaoouian.

    Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat.Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mot kayamanan. Siya naua.Ang manga kabohongang asal, ang pangalai tontogales ay tatlo.Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile

    At Pag Manuhan mo ..