den dr ology
TRANSCRIPT
Dendrology-n.The botanical study of trees and other woody plants.
Dendrology is a subfield of botany which focuses on the study of woody plants. Many people often take the term “dendrology” to refer specifically to the study of trees, although it can encompass shrubs and woody vines as well. There are a number of applications for dendrology, with dendrologists working in environments which vary from lumber companies to environmental organizations. Training in this field is offered at a number of colleges and universities around the world.As with other aspects of botany, one area of interest in dendrology is decisive identification. Dendrologists learn to identify woody plants, and to differentiate between species and subspecies which may display very subtle variations. They also produce identification guides for use by dendrologists and laypeople alike, and participate in the process of verifying the discovery of new species of woody plants, confirming that a discovery is original, determining who deserves the credit, and describing the new species in general.
Dendrologists are also interested in phytoanatomy, the anatomy of plants. They can study root systems, trunks, bark, leaves, needles, flowers, cones, and other anatomical features which may be present on woody plants to learn more about their function. The study of plant anatomy can also include analysis of ancient plant specimens such as those found in fossils, and the study of pollen, reproductive processes, and related topics. Phytopathology is also a topic of interest, with dendrologists studying disease processes in plants which can vary from fungal disease to parasitic infestations.Generalized research to learn more about woody plants is another area of focus within the larger study of dendrology. Research can include everything from identifying plant specieswhich could be used in environmental cleanup to studying the role of woody plants in society. Dendrologists may be interested in the economic value of plants, the breeding of pest-resistant cultivars, or the development of new ornamental plant cultivars which may be of interest in the nursery trade.This field of botany can be pursued in the field, lab, nursery, classroom, forest, or garden. A dendrologist may work for private organizations, governments, educational institutions, and non-profits, doing a range of different kinds of work. For example, when people learn about the hardness ratings of wood, purchase furnishings made with sustainably produced wood, buy new ornamental trees for their gardens, or use a plant identification guide to identify a plant they see on vacation, they are benefiting from dendrology.
Definition: The "study of trees" leading to their identification. Common usage of the term has come
to signify the taxonomy of woody plants including trees, shrubs and vines.
Pronunciation: den dral le je
Also Known As: Tree Identification - Tree Taxonomy
Examples:
A knowledge of classification, nomenclature and identification is a requisite to all work in dendrology
AlagawPremna odorata Blanco
FRAGRANT PREMNA
Other scientific names Common names Premna curranii H. Lam. Abgau (P. Bis.) Atiñgi (Gad.)Premna oblongata Miq , Adgau (P. Bis., Bik.) Duragau (Sub.)Premna pubescens Blume Adiyo (Tag.) Guachal (Ig.) Premna serratiflolia Blanco Aggau (C. Bis.) Lagau (Mag.) Premna vestita Schauer Alagau (Tag., Ilk.) Lassi (Ibn.)
Alagaw (Tag.) Pumuhat tangli (Pang.) Anobran (Ilk.) Saliargao (C. Bis.)Argau (P, Bis.) Tibangñgen (Bon.)
Alagau is a shared common name for: (1) Magilik, alagau (P. Bis.), Premna cumingiana (2) Alagau-gubat, Premna nauseosa and (3) Alagau, Premna odorata . Quisumbing's compilation lists Premna integrifolia Blanco as a separate specie from Premna serratifolia L. Other compilations list them as synonymous species. Some compilations list Premna serratifolia Linn.as separate species from P. serratifolia Blanco.
BotanyAlagau is a small hairy tree, 3 to 8 meters high. Leaves are ovate to broadly ovate, 10 to 20 centimeters long, with broad, rounded, or somewhat heart-shaped base, and pointed tips. Under surface of the blade is usually covered with short hairs, aromatic when crushed. Flowers are greenish-white or nearly white, 4 to 5 millimeters long and borne on terminal inflorescences (cymes) 8 to 20 centimeters in diameter. Fruit is fleshy, dark purple, rounded, about 5 millimeters in diameter.
Distribution- Common In thickets and secondary forests at low altitudes from the Batan Islands and northern Luzon to Mindanao, in most islands and provinces.- Reported in Nepal, India to Myanmar, China, Taiwan, Indo-China, Thailand, Japan, Malaysia and Australia.
Constituents- Leaves do not contain alkaloid, tannin, saponin or cyanogenetic substance.- Leaves yield 0.02 percent yellowish-green essential oil with a characteristic scent.
- Study isolated two iridoid glycosides: 2″- and 3″-caffeoyl-6-α-l-rhamnopyranosylcatalpol respectively.- Study isolated ten 10-O-acylated derivatives of catalpol and asystasioside E from a 1-butanol-soluble fraction of a methanol extract of leaves.- Study isolated acyclic monoterpenediol diesters, premnaodorosides A, B, and C, together with phenethyl alcohol glycosid4es, verbscoside, isoacteoside, bioside (decaffeoylverbascoside) and cistanoside F.PropertiesSudorific, pectoral, carminative.
Parts utilized Leaves and flowering tops, fresh or dried.
UsesCulinaryYoung leaves used in the cooking of "paksiw" and "bopis."Folkloric · In the Philippines, sugared decoction of leaves with a little "calamansi" as tea helps loosen up phlegm and effective for coughs.· Decoction of fresh leaves used for vaginal irrigation.· Decoction of leaves for fever and colds, cough and bronchitis, fever blisters of the lips and stomachaches.· "Kochoi," a local patent preparation, is claimed to benefit tuberculosis.· Decoction of leaves used for flatulence (gas pains) in adults; in children, crushed leaves mixed with a little coconut or sesame oil are applied to the abdomen.· Crushed leaves applied to forehead and temples for headaches.· Leaf decoction has been used for tuberculosis.· Roots are chewed and the saliva swallowed for cardiac troubles. · Infusion of leaves is carminative.· Decoction of roots, leaves, flowers, and fruits used as sudorific, pectoral, and carminative.· Decoction of shoots used as parasiticide.· Decoction of leaves used for bathing infants; also used as treatment for beriberi.· Extract of leaves for cleaning wounds and for ticks and fleas.· Leaves applied over the bladder facilitates urination.New• Decoction of leaves and flowering tops used as vaginal wash or douche; antiseptic properties make it useful for cleansing and incorporation with bath-care products.• Pito-pito: Leaves are one of the seven ingredients of the popular herbal Filipino tea blend – alagaw, banaba, bayabas, pandan, manga, anis and cilantro. (See: Pito-Pito)
Alagaw ( Premna odorata Blanco) : Medicinal Uses of« on: August 06, 2009, 01:06:41 AM »
a. roots
1 .roots masticated and saliva swallowed for heart trouble.
b. leaves
1. poultice applied for headache and chest pain
2. infusion mixed with sugar and kalamansi juice taken for
cough and colds
3. poultice applied for open cuts and cleaning wounds and for
ticks and fleas.
4. infusion taken to expel gas in the intestine
5. infusion taken for difficult urination
6. decoction used as wash for vaginal irritation
7. decoction used as aromatic bath and for bathing infants.
c.flower
1. poultice applied for head ache
2. infusion taken for cough and sore throat
decoction taken for dysentery
Food values
Young leaves are used as stuffing in some fish
dishes such as “paksiw“ and“bopis”
Recommended medicinal uses
For gas pain: boil 2 tablespoon of dried chopped leaves in
1 glass of water for 15 minutes. Drink
decoction
when lukewarm. For children 7 to 12 years
old. Give half the recommended dose.
For headache: crush some fresh leaves and apply to temples
For cough: boil leaves in 2 glasses of water for 15
minutes. Cool and strain
Amount of fresh chopped leaves to be boiled:
For adults: 8 tablespoon
For children: 7 to 12 years: 4 tablespoon
2 to 6 years: 2 tablespoon
amount of dried chopped leaves:
for adultls: 6 tablespoon
for children: 7 to 12 years: 3 tablespoon
2 to 6 years: 1
1/2tablespoon
divide decoction into 3 parts. Drink 1 part 3 times a day.
As aromatic bath: boil enough leaves in a big pot of water
for 5 minutes. Use when lukewarm.
Source:
http://www.globalpinoy.com/pinoyhealth/ph_gamotpinoy/alagaw.htm
1
Tungkol Saan ang Modyul na Ito?
Sinasabing mga relihiyosong tao ang mga Pilipino. Alam mo bang Kristiyano ang
karamihan sa mga Pilipino? Marami sa mga Kristiyanong paniniwala at kagawian ang
naging bahagi na ng kulturang Pilipino. Subalit hindi lamang Kristiyanismo ang
relihiyon sa Pilipinas. Mayroon ka bang mga nalalaman tungkol sa ibang relihiyong
ito? Marahil, may mga kapitbahay ka’t kaibigan na kabilang sa ibang relihiyon. Ano ang
pakiramdam mo tungkol sa kanila?
Ipakikilala ng modyul na ito ang mahahalagang paniniwala at kaugalian ng mga
taong kabilang sa iba’t ibang relihiyon. Tuturuan ka rin kung paanong mamuhay nang
matiwasay kasama ang mga taong ito sa kabila ng kaibahan sa paniniwala upang
magkaroon ng mapayapang pamayanan, bansa at daigdig. Nahahati sa dalawang aralin
ang modyul na ito:
Aralin 1 – Mga Relihiyon sa Buong Daigdig
Aralin 2 – Mga Taong May Iba’t Ibang Pananampalataya
Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Matapos pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang:
♦ tukuyin ang pinagmulan ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig;
♦ tukuyin ang mahahalagang turo, paniniwala at kaugalian ng mga pangunahing
relihiyon sa daigdig;
♦ ipakita ang tamang saloobin tungkol sa mga taong may ibang relihiyon; at
♦ ipakita ang pagpaparaya sa ibang relihiyon.2
Anu-ano na ang mga Alam Mo?
Isulat sa patlang ang T kung tama ang pangungusap, at M naman kung mali.
_____ 1. Sumasampalataya kay Mohammed ang mga Muslim.
_____ 2. Sumasampalataya kay Buddha ang mga Buddhist.
_____ 3. Naniniwala ang mga Hindu hindi lamang sa isang makapangyarihang
nilalang, kundi sa marami.
_____ 4. Kay Hesukristo lamang sumasampalaya ang mga Kristiyano.
_____ 5. Gumagamit ng magkakatulad na bibliya ang mga Hudyo, Muslim at
Kristiyano.
_____ 6. Dapat igalang ng isang tao ang mga paniniwalang panrelihiyon ng
ibang tao.
_____ 7. Hindi dapat papasukin ang mga miyembro ng ibang relihiyon sa
iyong komunidad o pinagtatrabahuhan.
_____ 8. Kadalasang nagdudulot ng labanan at hidwaan ang mga pagkakaiba sa
relihiyon.
_____ 9. May mali sa paraan ng pagtanggap ng ibang tao tungkol sa
paniniwalang panrelihiyon ng ibang tao.
_____ 10. May personal at panlipunang aspeto ang relihiyon.
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 35. Kung tama
ang karamihan ng iyong sagot, basahin ang modyul na ito upang maragdagan ang iyong
kaalaman. Kung mayroon kang kaunti o walang tamang sagot, kailangan mong pagaralang mabuti ang modyul na ito.
Bago magpatuloy, sagutin mo ang mga tanong na ito:
1. Naniniwala ka bang maglalagay sa iyo sa impluwensiya ng kasamaan ang pagaaral tungkol sa ibang relihiyon?______________________
2. Naniniwala ka bang sisira sa iyong pananampalataya ang pag-aaral ng ibang
relihiyon? ________________________
3. Magagalit o sasama ba ang loob mo kung makababasa ng tungkol sa mga
paniniwalang kaiba ng sa iyo? _______________________
Kung oo ang sagot mo sa kanilang tanong sa itaas, maaaring hindi para sa iyo ang
modyul na ito. Gayunpaman, kung kaya mong isaisang-tabi ang mga negatibong palagay
tungkol sa ibang relihiyon at magkaroon ng malawak na pananaw habang pinag-aaralan
mo ang modyul na ito, maaari kang magpatuloy sa pagbabasa. Pagbutihan mo!3
ARALIN 1
Mga Relihiyon sa Buong Daigdig
Sa palagay mo ba’y ang relihiyon mo lamang ang tunay na relihiyon? Maaari nga,
ngunit sapat ba ang kaalaman mo tungkol sa iba’t ibang relihiyon upang masabi mong
tama o mali, totoo o hindi ang mga ito? Marahil, mayroon kang mga palagay tungkol sa
ibang relihiyon na hindi totoo.
Matapos pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang tukuyin ang iba’t ibang
relihiyon sa daigdig. Kaya mo na ring ilarawan ang mga pinagmulan, mga paniniwala,
mga kaugalian at bilang ng mga nananampalataya ng mga ito.
PAALALA!!!
Maaaring maglaman ang susunod na pahina ng
mga ideya at paniniwalang iba sa iyo. Kung maaari,
isaisang-tabi muna ang anumang palagay mo habang
pinag-aaralan ang araling ito. Magkaroon ng malawak
na isipan. Ito naman ay para lamang sa iyong pagaaral. Makakaya mo ba ito? Kung kaya mo, magaling!
Magpatuloy na tayo.4
Subukan Natin Ito
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba at ang mga paniniwalang nasa loob ng mga
kahon. Iugnay ang mga pangungusap sa mga tamang tagapagsalita sa pamamagitan ng
pagguhit ng mga linya.
Ano ang iyong napansin tungkol sa mga pangungusap? May mga nakita ka bang
pagkakatulad at pagkakaiba sa mga paniniwalang ito? Natukoy mo ba nang tama ang
bawat paniniwala? Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa
pahina 36.
Si Brahman ang kataas-taasang espiritu ng
sansinukob. Ang iyong mga gawain sa buhay
na ito ang magtatakda ng iyong kalalagyan sa
susunod na buhay.
Si Hesus ang anak ng nag-iisa at walang
kamatayang Diyos. Maaaring mailigtas ang
sangkatauhan sa pamamagitan ng
pananampalataya, dahil sa muling pagkabuhay
ni Hesukristo.
Si Yahweh ang nag-iisang tunay na Diyos. Siya
ang gumawa, ang gumagawa at gagawa ng
lahat. Mabuhay nang naaayon sa kanyang banal
na kagustuhan na nakasaad sa Torah.
Abutin ang liwanag at kalayaan mula sa
kamangmangan, pagnanais at pagdurusa sa
pamamagitan ng pagninilaynilay at pagbabalikbuhay (reincarnation). Umasa sa iyong sarili
upang makamtan ang liwanag.
Buddhist
Kristiyano
Hudyo o Jew
Muslim
Hindu
Nilikha ni Allah ang lahat ng bagay sa daigdig
at siya lamang ang gabay ng sangkatauhan.
Kung susunod ka sa kagustuhan ng
Panginoon, gagantimpalaan ka niya sa
kabilang buhay.5
Alamin Natin
Maraming relihiyon sa buong daigdig. Marahil, sindami ng iba’t ibang uri ng taong
may iba’t ibang kultura. Ngunit tatalakayin lamang natin ang tungkol sa limang
pangunahing relihiyon: Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, at Judaismo. May
mga taga sunod ang mga relihiyon na ito sa iba’t ibang sulok ng daigdig, hindi lamang
sa partikular na lahi o nasyonalidad. Kung kaya tinatawag ang mga itong mga
pangkalahatang relihiyon.
Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ang pinakamalaki at
pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig.
Tinatayang 33% ng populasyon ng daigdig ang
nagpapalagay sa sarili bilang mga Kristiyano.
Sumusunod sa mga turo at kuwento
tungkol kay Hesukristo ang mga Kristiyano.
Si Hesus (Jesus) ay isang Hudyo na nabuhay
noong unang siglo A.D o P.K. (Panahon ni Kristo). Matatagpuan sa Bagong Tipan ang
kuwento tungkol sa buhay ni Hesus at pati na rin ang kanyang mga itinuro. Ang
Bagong Tipan kasama ang Lumang Tipan ang bumubuo ng Bibliya. Ang librong ito
ang batayan ng halos lahat ng mga paniniwala at kaugaliang Kristiyano.
Nagsimula bilang isang sektang Hudyo ang
Kristiyanismo. Pagkatapos mamatay ni Hesus,
ipinahayag ng kanyang mga tagasunod o mga disiplo ang
kanyang mga turo. Noong ika apat na siglo A.D., ang
Kristiyanismo ang naging opisyal na relihiyon ng
imperyong Romano. Mula dito, nagsimula na itong
kumalat sa maraming bahagi ng daigdig.
Dito nabuo ang tatlong pangunahing grupo ng mga
Kristiyano: ang Romano Katolikong simbahan, mga
simbahang Eastern Orthodox at mga Protestanteng
simbahan. Bumuo ng magkakaibang paniniwala at
kaugalian ang iba’t ibang grupong ito, ngunit lahat ay naniniwala sa mga turo ni Kristo,
ayon sa nakatala sa Bagong Tipan. Ngunit ang mga ito ay mayroon iisang paniniwala
tungkol sa mga turo ni Kristo, kung paano man ito nakasulat sa Bagong Tipan.
Hesukristo o Jesus Christ6
Maibubuod sa dalawang utos ang mga turo ni Hesus:
“Mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat.”
“Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
Naniniwala ang karamihan sa mga Kristiyano na:
♦ Nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang unang lalaki at babae na sina Adan at
Eba.
♦ Tinukso ni Satanas sina Adan at Eba na huwag sundin ang ipinag-uutos ng
Diyos. Ang paglabag na ito ang nagdulot ng kasalanan sa mundo. Minana ng
sangkatauhan ang kasalanang ito, at tinatawag na “unang kasalanan.”
♦ Si Hesus ang nag-iisang anak ng Diyos na nagkatawang tao upang iligtas tayo
sa kasalanan. Naniniwala ang ibang grupo na dahil anak siya ng Diyos, Diyos
din siya. Nagsasabi naman ang iba na isa lamang siyang magaling na guro.
♦ Ang mga grupong naniniwalang Diyos si Hesus ay naniniwala sa konsepto ng
Tatlong Persona. Naniniwala silang mayroon lamang isang Diyos, na
kinakatawan ng tatlong persona: ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos
Espiritu Santo.
♦ Naniniwala ang halos lahat ng Kristiyano na may kaligtasan. Umaayon silang
may buhay na walang hanggan ang bawat isa. Matapos ang pagkamatay ng
katawan, pupunta sa langit ang kaluluwa ng isang tao upang makasama ang
Diyos. Kung hindi maililigtas sa kasalanan ang isang tao, kukunin ng
demonyo ang kanyang kaluluwa at susunugin nang walang hanggan sa apoy ng
impiyerno. Naniniwala ang karamihan ng grupo na makakamit ang kaligtasan
sa pamamagitan sa pagsisisi sa kasalanan, pagtanggap kay Hesus bilang
kanyang Panginoon at Tagapagligtas, at pakikipagkasundo sa Diyos.
Muling nabuhay (resurrection) si Hesus, at babalik muli pagdating ng
katapusan ng daigdig. Tinatawag itong Pangalawang Pagbabalik ni Kristo.
Sa panahong iyon, muli ring mabubuhay ang lahat ng Kristiyanong nailigtas na
namatay na. Sasama sila, at ang iba pang nabubuhay na Kristiyano kay Hesus
at mabubuhay nang walang hanggan.
Humihigit sa 1, 700,000,000 o 1.7 bilyon ang bilang ng mga Kristiyano ngayon.
Binubuo nila ang 33% ng buong populasyon ng daigdig. Mayroon nang higit pa sa
22,000 hiwa-hiwalay na simbahan, sekta at denominasyong Kristiyano sa buong
daigdig. May magkakaibang paniniwala tungkol sa mga turo ni Kristo ang marami sa
mga grupong ito.7
Alam mo ba na . . .
Ang Pilipinas ang kaisa-isang bansang Kristiyano sa buong Asya? Romano
Katoliko ang mahigit sa 86% ng populasyon ng Pilipinas. Ang natitira ay mga
Muslim, mga Protestante, mga Aglipayano o miyembro ng Philippine
Independent Church, o mga kabilang sa sektang Iglesia ni Kristo. Mayroon ding
mga Budista at animista, ngunit kakaunti lamang ang bilang ng mga ito.
Magbalik-aral Tayo
Sagutin mo ang simpleng pagsusulit na ito upang malaman kung naintindihan mo
ang naunang bahagi. Punan ang bawat patlang sa pamamagitan ng pagpili ng tamang
salita o parirala mula sa kahon.
1.7 bilyon Diyos Tatlong Persona Bagong Tipan
22,000 Ama tatlo Adan
Eba Indonesia apat Pilipinas
Hesus Abraham unang kasalanan resurrection
1. Nilalaman ng ___________________ ang kuwento at mga turo ni Hesus.
2. Sina _______________ at ____________ ang mga unang taong nilikha.
3. Mayroong mga _________________ bilang ng Kristiyano sa buong daigdig.
4. Ang ________________ lamang ang nag-iisang bansang Kristiyano sa Asya.
5. Mayroong _______________ pangunahing grupo ng Kristiyano.
6. Tinatawag na ___________ ang paglabag nina Adan at Eba sa Utos ng Diyos.
7. Binubuo ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo ang
_______________________.
8. Ang ____________________ ay ang muling pagkabuhay ni Hesukristo.
9. Isang Hudyo noong unang siglo A.D. na nagturo ng mga gabay para sa
Kristiyanong pamumuhay si ________________________.
10. Itinuturo ni Hesus na dapat natin mahalin ang ______________________
nang higit sa lahat.
Tapos ka na ba? Ihambing mo ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa
pahina 37.8
Alamin Natin
Islam
Ang Islam ang pinakabata sa mga pangunahing relihiyon sa
buong daigdig. Pinaniniwalaang naitatag ito noong 600 A.D.,
kung kailan binasa ng anghel na si Jibreel (Gabriel) ang unang
pagpapahayag kay propetang Mohammed. Gayunman, naniniwala
ang marami sa mga tagasunod nito na mayroon na ang Islam bago
pa isinilang si Mohammed. Pinaniniwalaang naririto na ito
paglikha ng mundo. Itinuturing na mga propeta ng Islam sina
Adan (ang unang lalaki), Ibrahim (Abraham) at Isa (Hesus) bago
si Mohammed. Ang papel ni Mohammed bilang pinakahuling propeta ay upang itatag,
liwanagin at linisin ang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-alis ng mga dayuhang
ideya na maling naidagdag.
Tinatawag na Muslim ang mga tagasunod ng Islam. Ang Muslim ay isang salitang
Arabo na tumutukoy sa isang tao na sumasailalim sa Kagustuhan ng Diyos.
Pag-isipan Natin Ito
Tinatawag ding mga Moslem ang mga Muslim. Ngunit alam mo ba na
kadalasang napagkakamalang salitang Arabo ang Moslem na nangangahulugang
“maniniil?” Kaya higit na gusto ng mga Muslim na huwag silang tawagin sa
ganitong pangalan.
Maraming tao ang nag-iisip na sumasampalataya kay Mohammed ang mga
Muslim, ngunit hindi ito totoo. Kinikilala lamang siya bilang dakilang propeta.
Sumasampalata sila kay Allah. Ang Allah ay isang salitang Arabo na nangangahulugang
“ang Nag-iisang Tunay na Diyos.”
Nakasaad sa Koran (Qur’an) ang banal na aklat ng mga Muslim ang mga salita at
utos ni Allah. Kailangang mahigpit na sumunod sa mga batas na ito ang bawat Muslim
kung gusto niyang marating ang Paraiso, isang lugar na may pisikal at espirituwal na
kaligayahan, matapos siyang mamatay. Pinaniniwalaang pupunta sa impiyerno ang mga
hindi naniniwala at makasalanan, kung saan sila masusunog habambuhay.
Itinuturing din ng mga Muslim ang Hadith, isang koleksiyon ng mga gawa at
kasabihan ni Mohammed, bilang isang mahalagang aklat. Ginagamit nila ito bilang
gabay sa kanilang pamumuhay. Subalit hindi nila ito tinuturing na higit na mahalaga
kaysa Koran.9
Narinig mo na bang nabanggit sa mga balita ang salitang Jihad? Karaniwang
inaakala ng mga di-Muslim na nangangahulugan itong “banal na giyera,” na pinapayagan
ang mga Muslim na makipag-away sa mga di-Muslim bilang pagtatanggol sa Islam. Sa
palagay mo ba’y tama ang kahulugan ng salitang ito? Ano ang ibig sabihin nito para sa
mga Muslim?
Para sa maraming Muslim, pinatutungkulan ng Jihad ang pakikipaglaban sa
sarili. Maaari itong pakikipaglaban upang maabot ang isang minimithi, katulad ng
pagkamit ng isang propesyon, kalinisan sa sarili, o kaya’y iba pang dakilang hangarin.
Alinsunod sa batas ni Allah na nakasaad sa Koran, iniiwasan ng mga Muslim ang
paggamit ng droga at pag-inom ng alak. Hindi rin sila nagsusugal at kumakain ng karne
ng baboy, na itinuturing na madumi para sa katawan at espiritu.
Ang mga tungkulin ng isang Muslim ayon sa pagkakalarawan sa Limang Haligi
ng Islam ay:
1. Ang pagbigkas ng shahadah. Isang pagpapahayag ng paniniwala ng mga
Muslim ang shahadah. Ayon dito: “Walang ibang Diyos kundi si Allah, at si
Mohammed ay Kanyang Propeta.” Inuulit ito ng karamihan sa mga Muslim
nang kahit isang beses sa isang araw.
2. Ang pagsasagawa ng salat (dasal) limang beses isang araw. Ginagawa ito
habang nakaharap sa Mecca, ang lugar na pinanganakan ng propetang si
Mohammed. Ginagawa ito tuwing umaga bago sumikat ang araw, sa tanghali,
sa gitnang-hapon, pagkalubog ng araw at bago matulog.
3. Ang karaniwang pagbibigay sa kawanggawa sa pamamagitan ng zakat, isang
buwis na pangkawanggawa na katumbas ng 2.5% ng suweldo ng isang Muslim.
Hinihikayat ding magbigay sa mga nangangailangan ang isang Muslim kapag
ginusto niya.
Ang Ka’aba, Isang dambanang Muslim sa Mecca10
4. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Pinaniniwalaang ito ang buwan kung
kailan natanggap ni Mohammed ang unang pahayag ng Koran mula kay Allah.
5. Ang pagsasagawa ng kahit isang hajj (pilgrimage) o isang paglalakbay sa
banal na Mecca, kung kaya ng pangangatawan at pananalapi.
Ngayon, ang Islam ang pangalawang pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Ang mga
Muslim, na may bilang na 1.2 bilyon, ang kumakatawan sa 22% ng populasyon ng
buong daigdig. Nakakalat sila sa buong mundo, ngunit nasa Kanlurang baybayin ng
Africa hanggang sa Pilipinas ang karamihan. Lumalaki ang kanilang bilang ng 2.9%
bawat taon, higit na mabilis sa populasyon ng daigdig na tumataas lamang ng 2.3%
bawat taon lamang.
Magbalik-aral Tayo
Batay sa iyong mga nabasa tungkol sa Islam, makakaya mo bang sabihin kung tama
o mali ang sumusunod na pangungusap? Isulat ang iyong mga sagot sa patlang.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Tungkulin ng mga Muslim na makipaglaban sa mga di-Muslim. Ito ang
konsepto ng Jihad.
Tama o Mali? ____________________
Paliwanag:_________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Kinikilala ng mga Muslim si Mohammed bilang nag-iisang propeta ng Diyos.
Tama o Mali? ____________________
Paliwanag:_________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Tungkulin ng mga Muslim na tumulong sa mga nangangailangan at magbigay
sa mahihirap.
Tama o Mali? ____________________
Paliwanag:_________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Pagkatapos mong sagutan ang pagsusulit, ihambing ang iyong mga sagot sa
Batayan sa Pagwawasto sa pahina 37.11
Alamin Natin
Hinduismo
Ang Hinduismo ang nag-iisang pangunahing relihiyon na walang
nag-iisang tagapagtatag, tiyak na sistema ng paniniwala, nag-iisang
sistema ng moralidad, o sentrong samahang panrelihiyon. Mayroon
itong libu-libong samahan na lumaganap sa India noong 1500 B.C.
Ang Hinduismo ngayon ang pangatlong pinakamalaking relihiyon
sa buong daigdig. Mayroon itong 762 milyong tagasunod, na 13% ng
buong populasyon ng daigdig. Ito ang pangunahing relihiyon sa India, Nepal, at ng mga
Tamils sa Sri Lanka. Mayroon ding mga Hindu na nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.
Ang mga Veda ang pinakamahalagang kasulatan ng Hindu. Mga banal na kasulatan
ang mga ito tungkol sa iba’t ibang paksa, tulad ng pagsamba sa Diyos, gayun din ang
gamot, musika, pagsusundalo at marami pang iba. Itinuturing ng lahat ng Hindu na
kinapapalooban ng pinakamataas na katotohanan ang mga Veda.
Ang isa pang mahalagang kasulatan ng mga Hindu ang Bhagavad Gita, na
nangangahulugang “Awit ng Diyos.” Isang mahaba at magandandang tula ito na
naglalarawan ng pag-uusap ng mandirigmang si Arjuna at ng kanyang tagamaneho ng
karosang si Krishna. Naganap ang tula sa isang digmaan. Nag-umpisa ito sa
pagdadalawang isip ni Prinsipe Arjuna na lusubin ang mga kaaway nang makita niyang
nasa kabilang kampo ang marami niyang kaibigan at kamag-anak. Bigla niyang naisip na
malupit ang digmaan at ibinaba niya ang kanyang mga armas. Si Krishna, isang
katawang-tao ng diyos na si Vishnu, ang nagpapaalaala sa kanya na ang pinakamataas na
paraan ay ang gampanan ang kanyang tungkulin bilang mandirigma at sundin ang Diyos
nang hindi nagtatanong. Ilalarawan din ng banal na kasulatan ang tungkol sa Diyos at
ang mga paraan kung paano siya makikilala ng tao. Ito ang bumubuod sa mga
relihiyosong kaisipan ng India sa maraming taon.
Isa pang mahalagang kasulatang Hindu ang Rig Veda, na isang koleksyon ng mga
himnong (hymns) ginagamit sa mga ritwal. Ang Rig Veda ay isa sa mga Veda na
nabanggit kanina.
Sumasamba rin sa iisang Diyosa ng mga Hindu. Ang Diyos na ito, na tinatawag na
Brahman, ay ang kalahatan at matatagpuan saanman. Para sa mga Hindu, ang
katotohanan ay ang isang banal na buhay na bumubuo ng daigdig at kasabay nito ay higit
pang malaki sa daigdig.12
Karaniwang kilala sa tatlong katauhan ang bathalang ito:
Brahma, ang Tagapaglikha at patuloy na
lumilikha ng mga bagong katotohanan
(reality).
Vishnu, o Krishna, ang Tagapagpanatili,
na nagpapanatili ng mga bagong likha.
Siva o Shiva, Ang Tagapagsira, na siyang
sumisira upang makalikha ng mga bagong
bagay.
Maraming pang higit na mabababang diyos at diyosa ang sinasamba ng Hindu.
Maaaring magkaroon ang bawat taong kaniyang personal na diyos o diyosa, hangga’t
naiintindihan niya na ang mga ito’y iba’t ibang aspeto ng Diyos na bumubuo ng lahat.
Dahil sa pilosopiyang ito, higit na mapahintulot sa ibang mga relihiyon ang mga Hindu.
Sila nga ay may kasabihang:
Ekam Sataha Vipraha Bahudha Vadanti.
Iisa ang katotohanan, ngunit tinatawag ito sa iba’t ibang pangalan ng iba’t
ibang paham.
Nakikita ng mga Hindu ang kabanalan sa lahat ng bagay at kasama na rito ang
anumang pamamaraan ng pagsamba na maaaring gawin ng isang tao. Maaaring maging
miyembro ang isang Hindu ng ibang relihiyon at manatili pa ring Hindu.
Tinatawag na ahimsa ang isa pang mahalagang katangian ng konseptong Hindu.
Nangangahulugan itong “walang karahasan,” o ang kawalan ng pagnanasang makasakit.
Isa ring mahalagang paniniwalang Hindu ang konsepto ng reinkarnasyon.
Tumutukoy ang reinkarnasyon sa ideyang kapag namatay ang isang tao, patuloy na
mabubuhay ang kanyang kaluluwa at muling maipanganganak sa ibang katauhan.13
Sa Hinduismo, pinaniniwalaang nakasilo ang tao sa samsara, isang walang
kahulugang siklo ng kapanganakan, buhay, kamatayan at muling pagsilang. Habang
napapaloob sila sa siklong ito, nakaiipon sila ng karma. Tumutukoy sa bilang ng
mabubuti at masasamang ginawa ng isang tao ang karma. Ito ang magtatakda kung paano
ka mabubuhay sa susunod mong buhay.
Kung malinis ka sa isip at gawa, magagantimpalaan ka sa susunod mong buhay.
Maaari ka ring muling maisilang sa higit na mataas na antas. Sa huli, maaring
makatakas ka sa samsara at maabot mo ang pagkamulat (enlightenment). Kung marami
kang nagawang masama, pagbabayaran mo ito sa susunod mong buhay. Maaaring muli
kang maisilang sa higit na mababang antas, sa isang napakahirap na kalagayan.
Nakasusunod ka ba? Tingnan natin ang ilang halimbawa.
Sa palagay mo ba’y di-makatarungang isinilang si Lito nang lumpo, bulag at
walang magawa; habang naging mayaman si Nick nang hindi kailangang
maghanapbuhay? Hindi, kung iisipin mong ito ay karma.
Marahil sa nakaraang buhay, maraming masamang ginawa si Lito. Marahil,
pinagnakawan niya ang isang mahirap at pumutol ng paa ng isang tao. Nagbabayad
lamang siya sa kasalukuyan niyang buhay. Marahil, tumulong naman si Nick sa
mahihirap at maraming mabuting ginawa sa kanyang nakaraang buhay. Ngayong
ginantimpalaan siya, kailangan niyang pag-ingatan na hindi siya maitulak ng kanyang
kayamanan sa paggawa ng masama. Mang-aakit ito ng masamang karma at maaaring
pagbayaran niya ito sa susunod niyang buhay.
Kadalasang nagninilay-nilay at nag-aayuno ang mga Hindu. Gumagawa rin sila ng
araw-araw na debosyon at gumagawa ng gawaing tulad ng puja. Isa itong pagsasamba na
ginagawa sa pamamagitan ng panalangin, pagdarasal, pag-awit o ritwal.
Ipinanganak si Lito sa napakahirap na
pamilya. Ipinanganak rin siyang lumpo at
bulag. Hindi man lamang siya makahanap
ng disenteng hanapbuhay upang mapabuti
niya ang kanyang buhay. Namumuhay
siyang hamak at nag-iisa sa kanyang
barung-barong.
Si Nick, ang kapitbahay ni Lito, ay
napakayaman. Nagmana siya ng malaking
halaga ng pera at ibang paupahang-bahay
mula sa kanyang ama. Namumuhay siya
ngayon nang marangya at kayang mamuhay
ng ganito sa loob ng mahabang panahon.14
Subukan Natin Ito
Magbigay ng dalawang konsepto ng Hinduismo na nakapukaw ng iyong interes, o
sa palagay mo ay mga mabuting konsepto na maaari mong sundin at paniwalaan.
1. _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. _________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Nasa ibaba ang isang halimbawa upang magabayan ka sa pagsagot.
Sa aking palagay, nakapupukaw ng interes ang ideya ng karma. Tumutukoy ang
Karma sa mga mabubuti at masasamag bagay na ginagawa natin. Ayon sa mga Hindu,
ginagantipalaan tayo ayon sa ating mabuting karma, at pinarurusahan ayon sa masamang
karma. Salamin ng ating karma ang ating kasalukuyang kalagayan. Kapag naghihirap
tayo nangangahulugan ito na may ginawa tayong masama sa nakaraan na ating
pinagbabayaran. Kung tayo ay tumatamasa ng magandang kapalaran, marahil,
gantimpala ito ng mabuting ginawa natin noon. May katuturan ang lahat ng ito para sa
akin.15
Alamin Natin
Judaismo
Ang Judaismo ang relihiyon ng mga Hudyo. Isa ito sa mga
Abramikong relihiyon na kinabibilangan din ng Kristiyanismo at
Islam. Umuugat ang mga relihiyong ito noong panahong nagtatag ng
banal na kasunduan ang Diyos ng mga Israelita kasama si Abraham.
Matagal nang kalat na at walang mga tirahan ang mga Hebreo (mga
ninuno ng mga Hudyo). Sinabi ng Diyos kay Abraham na bibigyan
niya ang mga Hebreo ng bagong lupang matatawag nilang kanila.
Iniligtas ni Moses ang mga Hebreo mula sa pagkabihag sa Ehipto patungo sa
lupang Pangako. Doon, nagtatag sila ng kaharian. Nahahati sa dalawa ang kaharian—ang
kaharian ng Israel at ang kaharian ng Judah. Nakapagpatayo ng templo at nakapagtatag
ng kanilang relihiyon ang mga Hudyo.
Noong 722 B.C., sinakop ng mga taga-Assyria ang Israel. Nahulog ang Judah sa
kamay ng mga taga-Babylonia noong 587 B.C. Noong 63 B.C., sinakop ng mga
Romano ang mga Palestino. Nagsimulang maghintay ang mga Hudyo sa pagdating ng
Tagapagligtas na siyang magpapalayas sa mga Romanong mananakop. Sa mga panahong
ito ipinanganak si Kristo at mula sa isang sektang Hudyo, naging isang relihiyon ang
Kristiyanismo.
Nagkalat muli ang mga Hudyo sa buong daigdig ngayon ngunit sinira ang kanilang
templo. Hindi na nakasentro sa Herusalem ang kanilang relihiyon; sa katotohanan,
pinagbawalan silang magpunta roon. Ang sinagoga o synagogue (ang lugar ng
pagsasamba ng mga Hudyo) ang naging bagong sentro ng buhay ng Hudyo. Lumipat ang
pamumuno mula sa mga pari tungo sa mga pampurok na iskolar at guro na marunong sa
batas at tradisyong Hudyo. Tinawag silang rabbis.16
Tinatawag na Tanakh ang banal na aklat ng mga Hudyo. Napapaloob dito ang mga
salita at utos ng Diyos, pati na rin ang kasaysayan ng mga Hudyo. Binubuo ito ng
tatlong grupo ng mga aklat:
ang Torah, na binubuo ng aklat ng Exodus, Leviticus, Numbers at
Deutoronomy;
ang Nevi’im, na binubuo ng aklat ng Isaiah, Amos, at iba pang mga propeta; at
ang Ketuvim, na kabilang ang aklat ng Kings, Chronicles at marami pang iba.
Ang isa pang aklat na mahalaga para sa mga Hudyo ang Talmud. Kinapapalooban
ito ng mga kuwento, batas, kaalaman sa panggagamot, debate tungkol sa mga tama o
moral na pagpili, atbp.
Pag-isipan Natin Ito
Alam mo bang magkakatulad ang mga banal na kasulatang ginagamit ng mga
Hudyo, Kristiyano at Muslim? Tanakh ang tawag dito ng mga Hudyo, Lumang
Tipan ang sa Kristiyano at Koran naman ang sa mga Muslim. Para sa tatlong
relihiyong ito, banal ang mga kasulatang ito sapagkat nakatalaga rito ang mga salita
ng Diyos.
Naniniwala ang mga Hudyo na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng nandito sa
daigdig. Siya lamang ang nag-iisa, walang katawan, at ang dapat sambahin bilang
panginoon ng buong sansinukob (universe). Tinitingnan ng Diyos ang lahat ng gawain
ng mga tao. Ginagantimpalaan niya ang mga tao para sa kabutihang nagawa at
pinarurusahan ang masama.
Naniniwala ang mga Hudyo na mas mahalaga ang paggawa at pagkilos kaysa sa
pananampalataya at paniniwala. Hindi rin sila naniniwala sa unang kasalanan (ang
paniniwalang namana ng lahat ng tao ang kasalanang ginawa nina Adan at Eba nang hindi
nila sinunod ang utos ng Diyos sa Halamanan ng Eden). Naniniwala ang mga Hudyo na
mabuti ang daigdig at ang mga tao rito sapagkat likha ng Diyos ang lahat ng ito.
Naniniwala rin sila na hindi kailangan ng tao ang tagapagligtas o tagapamagitan na
magpapalapit sa kanila sa Diyos. Ang sinuman ay maaaring mapalapit sa Diyos at
maaaring maging banal ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa mitzvot, o
ang banal na Utos ng Diyos.17
Alamin Natin
Kapag iyong naririnig ang salitang messiah, ano ang iyong naiisip? Ano ang ibig
sabihin ng salitang ito para sa iyo? Isulat sa ibaba ang iyong sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Hindi tumutukoy ang Messiah ng Hudyo sa tagapagligtas na maglalapit sa
kanila sa Diyos. Tumutukoy ang salita sa isang hari na magbubuklod sa mga Hudyo
pabalik sa kanilang lupain sa Israel.
Mahigpit na disiplina, ayon sa Batas ng Diyos, ang gumagabay sa lahat ng aspeto
ng buhay-Hudyo. Dapat palaging pumunta sa mga sinagoga ang mga lalaking Hudyo.
Dapat magpahinga ang mga Hudyo kapag araw ng Sabbath o araw ng pahinga (Sabado
para sa mga Hudyo). Itinuturing na kasalanan para sa isang Hudyo ang pagtatrabaho sa
araw ng Sabbath.
Ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang maraming pista kung saan gumagawa sila ng
mga ritwal, kasama na ang pag-aayuno at pagpipinitensiya. Kasama sa mga pistang ito
ang:
Passover, na ginagawa taon-taon upang maalala ang paglaya ng mga Hudyo
mula sa pagkaalipin noong 1300 B.C. Anim na magkakaibang pagkain ang
kinakain ayon sa tiyak na ayos tuwing Passover. Kumakatawan ang mga
pagkain sa iba’t ibang aspeto ng karanasan sa pagkakaalipin ng mga Hudyo.
Hanukkah, o ang Pista ng mga Ilaw. Isang pista na ipinagdiriwang tuwing
Disyembre. Ipinagdiriwang nito ang digmaang nilabanan ng mga Hudyo upang
makamit ang kanilang kalayaang panrelihiyon.
Rosh Hashanah, ito ang bagong taon ng mga Hudyo. Kinakatawan nito ang
anibersaryo ng pagkabuo o pagtapos ng paglikha, na tinataya ng mga Hudyo na
nangyari 5,760 taon na ang nakakalipas.
Pagkatapos masira ang templo ng mga Hudyo at paalisin sila sa kanilang lupain,
nagdusa ang mga Hudyo mula sa mga panlalait ng mga tao. Kinamuhian sila ng mga
Kristiyano dahil hindi nila kinikilala si Hesukristo bilang Messiah at hindi sila
naniniwala na anak ng Diyos si Hesus. Naniniwala rin ang mga Kristiyano na ang mga
Hudyo ang may kasalanan sa pagkamatay ni Kristo sa krus.Maraming kuwentong hindi
totoo ang ikinalat tungkol sa kanila. Sa Pilipinas, kapag nag-aaway ang mga tao,
sinisigawan nila sa isa’t-isa kung minsan ng, “Hudyo! (Jew!).” Ang ibig sabihin,
traidor o masamang tao ang sinisigawan.18
Umabot sa masamang pangyayari noong 1930s at 1940s ang anti-Semitism na
ito (ang tawag sa galit sa lahi ng mga Hudyo). Sa mga panahong ito, isinagawa ni Adolf
Hitler at ng Alemang Partidong Nazi ang Holocaust, sa pagtangkang patayin ang lahat
ng mga Hudyo sa Europa. Tinatayang mga 6 na milyong Hudyo ang napatay sa isa sa
mga pinakamalalang halimbawa ng pagbatikos sa lahi at relihiyon. Maniniwala ka ba na
nagaganap pa rin hanggang ngayon ang anti-Semitism?
Bumuo ang mga Hudyo ng kilusang Zionist upang labanan ang mga persekusyon
laban sa kanila. Hanggang sa makalikha sila ng lupaing tahanan para sa mga Hudyo.
Nabuo ang estado ng Israel noong Mayo 18, 1948.
Tinatayang mayroon 18 milyon Hudyo sa buong daigdig. Matatagpuan ang
karamihan sa kanila sa Hilagang bahagi ng Amerika (tinatayang 7 milyon) at Israel
(tinatayang 4.5 milyon).
Budismo
Ang Budismo ang tanging relihiyong umiiwas sa mga
dogma (paniniwala o pananalig na dinidikta ng may posisyon, na
tinatanggap bilang katotohanan).
Itinatag ito sa India ng Buddhang si Siddharta Gautama.
Ipinanganak siya noong 563 B.C. sa Lumbini, na nasa
kasalukuyang Nepal. Sa edad na 29, iniwan niya ang kanyang
asawa, anak at mga kilusang politikal upang hanapin ang katotohanan. Gusto niyang
malaman ang mga dahilan ng mga pagdurusang nakita niya sa daigdig. Gusto niya rin
malaman kung paano matatakasan sa mga paghihirap na ito.
Naging isang ascetic o isang taong hindi tinatanggap
ang mga pisikal na ginhawa at kaligayahan si Siddharta.
Ngunit hindi niya natagpuan ang ganap na katotohanan sa
asetisismo. Naramdaman niya na dapat ding magkaroon ng
katotohanan ang lahat ng kaligayahan sa buong daigdig.
Sumali siya sa maraming grupo at tinanggihan ang lahat ng
ito. Noong 535 B.C., natagpuan niya ang katotohanang
hinahanap niya at magmula noon, tinawag na siyang
Buddha. “The Enlightened One o ang nakakita sa
katotohanan” ang ibig sabihin ng Buddha.
Buddha19
Maraming tao ang naniniwala na nananampalataya kay Buddha ang mga
Buddhists. Hindi ito totoo. Nangangahulugan ang titulong Buddha na “ang taong
namulat (one who has awakened)” o ang taong nakakita ng katotohanan o “one
who has been enlightened.” Tumutukoy ito sa taong nakakita ng katotohanan.
Hindi Diyos si Buddha. Maraming puwedeng maging Buddha. Sa katunayan,
maaaring maging Buddha ang sinuman kahit ikaw, kung gugustuhin mo.
Hindi sumasamba sa iisang Diyos o sa kahit na sinong Diyos ang mga
Buddhist. Naniniwala sila na may isang pangkalahatang puwersa o supreme
universal force. Hindi nangangailangan ang puwersang ito ng pagsasamba dahil ito
ang lahat ng bagay at nasa lahat ng lugar. Bahagi ng puwersa ang mga tao. Kahit ang
mga puno at bato. Kung sinasamba mo ang puwersa, sinasamba mo na rin ang lahat
ng iyong nakikita!
Sa paghahanap sa katotohanan, natagpuan ni Siddharta ang Middle Way. Ito ang
paghanap ng balanse o pagkakapantay ng kakaunti at sobra. Halimbawa, hindi dapat
ganap na tanggihan ang mga kasayahan sa daigdig at hindi naman dapat makibahagi sa
labis na kasayahan.
Nakita ng Buddha na walang permanente sa daigdig. Nakita niya na ang daigdig at
ang sarili (ego) ay mga likhang-isip (illusions) lamang. Naisip niya na ang
pagpapahalaga natin sa mga ilusyon ang dahilan ng paghihirap. Nilikha ng Buddha ang
Apat na Dakilang Katotohanan (Four Noble Truths):
♦ May pagdurusa sa ating daigdig.
♦ May dahilan ang pagdurusa.
♦ May katapusan ang pagdurusa.
♦ Mayroon landas na humahantong sa pagwawakas ng pagdurusa.
Minimithi ng mga Buddhist ang magising mula sa ilusyon at makatakas sa
pagdurusa. Paano ka magigising mula sa ilusyon? Sa pamamagitan ng pagbitaw sa mga
makamundong bagay at sa pagtinging iisa lamang ang lahat ng tao at lahat ng bagay.
Paano mo matatakasan ang pagdurusa? Matatakasan mo ang pagdurusa kung
matutuklasan mong isang ilusyon ang lahat ng bagay, kasama na ang pagdurusa.
Matatakasan mo ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagbibitaw mo sa iyong mga
kagustuhan o pagpapahalaga sa mga makamundong bagay.
Kung matakasan mo ang ilusyon ng iyong sarili at ang ideya na hiwalay na nilalang
ang bawat isa sa atin, makakalaya ang puso mo sa puot at kasakiman at higit kang
magiging mapagmahal sa kapwa.20
Itinuro ng Buddha ang landas patungo sa katotohanan, na tinatawag na ang
Eightfold Path. Binubuo ito ng:
1. tamang pag-unawa
2. tamang pag-isip
3. tamang pagsasalita
4. tamang pag-uugali
5. tamang paghahanapbuhay
6. tamang pagsisikap
7. tamang pag-iisip tungkol sa iba
8. tamang konsentrasyon
Naniniwala rin ang mga Buddhist, katulad ng mga Hindu, sa reinkarnasyon. Sa
bawat buhay ng tao, dapat siyang magsumikap na palayain ang lahat ng kanyang
pagpapahalaga sa daigdig at kung gayon ay maging malaya sa ilusyon. Ang Buddhist ay
tinatawag ang pagkalaya sa ilusyon at pagdurusa na nirvana. Ito ang nais matamo ng
bawat Buddhist.
Matatagpuan ang mga turo ni Buddha sa Tripitaka, isang malaking koleksiyon ng
mga kasabihan at pag-aaral, na madalas ring tinatawag na Sutras.
Subukan Natin Ito
May mga tao bang nabibilang sa ibang relihiyon sa inyong komunidad o barangay?
Nabibilang ba sila sa isa sa mga relihiyong ating natalakay? Ano ang naramdaman mo
para sa kanila bago mo nabasa ang tungkol sa iba’t ibang relihiyon sa buong daigdig?
Ano na ngayon ang nararamdaman mo para sa kanila? Higit mo ba silang nakikilala o
nauunawaan ngayon? Isulat ang iyong mga naiisip sa mga patlang sa ibaba.
_________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________21
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan
Subukan mong sagutin ang puzzle.
Pahalang
1. Ang pagpapahalaga sa mga turo ni Kristo
3. Ang unang grupo ng libro sa Jewish Tanakh
4. Naniniwala ang mga Hindu at Buddhist na kapag namatay ang isang tao,
patuloy na nabubuhay ang kanyang kaluluwa at muli siyang isisilang sa ibang
katawan. Tinatawag ang prosesong ito na _____________________.
5. Ang kabuuan ng isang mabuti at masamang gawain. Naniniwala ang mga Hindu
na ito ang nagiging batayan kung paano ka mamumuhay sa susunod mong
buhay.
7. Ang kanyang mga tinuro ang naging batayan ng paniniwalang Kristiyano
8. Ang huling pinakamagaling na propeta ng Islam
13. Tinatawag ng mga Buddhist na ganap na kalayaan mula sa ilusyon at
pagdurusa.
1 2
3
4
5 6
7
8 9 10
11 12
13
-22
Pababa
2. Nais matamo ng isang Buddhist ang pagmulat mula sa ________________.
3. Ang banal na aklat ng mga Hudyo
6. Tumutukoy ito sa hari na siyang magbibigay daan sa pagbalik ng mga Hudyo
sa kanilang tunay na lupain.
9. Ang lugar ng kapanganakan ni Mohammed, kung saan nagpupunta ang mga
peregrinong Muslim.
10. Ayon sa mga Kristiyano, ang mga kaluluwa na hindi nakaranas ng pagkaligtas
ay iniipon ng ____________________.
11. Ang ibig sabihin sa Muslim ng pakikipaglaban sa sarili
12. Ang tawag sa isang gurong Hudyo na maalam sa mga Batas at kaugaliang
Hudyo.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 38.
Tandaan Natin
♦ Naniniwala ang mga Kristiyano na maililigtas sila sa pamamagitan ni Kristo.
Hindi lamang sila tinuruan na mahalin ang isa’t isa, tinuruan rin sila na
mahalin ang Diyos nang higit sa lahat.
♦ Naniniwala ang mga Muslim na maililigtas sila sa pamamagitan ng pagsunod
sa Utos ng Diyos o Allah.
♦ Naniniwala ang mga Hindu sa isang makapangyarihang puwersa na kabuuan ng
lahat ng bagay at kasabay nito’y humihigit pa sa lahat ng bagay. Naniniwala
sila sa mga batas ng karma at reinkarnasyon.
♦ Naniniwala ang mga Hudyo, tulad ng mga Muslim, ng mahalaga ang pagsunod
sa mga utos ng Diyos. Ibinabatay nila ang kanilang mga ritwal at kaugalian sa
mga salita ng Diyos na nakasulat sa Tanakh.
♦ Hinahangad ng mga Buddhist na mamulat mula sa mga illusyon ng mundo at
marating ang nirvana, isang kalagayan ng ganap na kalayaan mula sa paghihirap
at ilusyon.23
ARALIN 2
Mga Taong May Iba’t Ibang
Pananampalataya
Ngayong napag-aralan mo na ang mga pangunahing relihiyon sa buong daigdig,
isipin mo ang tanong na ito: Bakit kaya kalimitang nagiging sanhi ng digmaan ang
relihiyon? Susubukan nating sagutin ang nabanggit na tanong sa aralin na ito.
Susubukan rin nating sagutin ang isa pa: Paano natin mahihinto ang mga hidwaan sa
relihiyon?
Basahin Natin Ito
Isinulat ng isang taong nagngangalang Hans Kung: “Magkakaroon ng kapayapaan sa
buong daigdig kung mayroon kapayapaan sa pagitan ng mga relihiyon ng daigdig.”
Bakit niya kaya nasabi ito? Ito ay dahilan sa ang mga pinakamalalim na hidwaan sa
buong daigdig ay sanhi ng pagkakaiba ng relihiyon ng iba’t ibang grupo ng tao. Sa halip
maging batayan ng kabaitan at pagkakapatiran, paulit-ulit na dahilan ng galit at digmaan
ang mga relihiyong ito. Narito ang ilang halimbawa ng mga sitwasyon kung saan
nagdudulot ng hidwaan ang pagkakaiba sa mga paniniwalang panrelihiyon ng mga tao.
Madugong Linggo. Noong
Enero 30, 1972, nagpaputok sa mga
di-armado at mapayapang mga
demonstrador sa Derry, Ireland ang
mga sundalong Ingles na humantong
sa pagpatay ng 13 at nakasugat ng
maraming tao.
Bunga ito ng mahabang
kasaysayan ng di-pagkakaunawaan ng
mga Katoliko at Protestante sa
Ireland. Ang matinding labanan sa
pagitan ng dalawang relihiyon na ito
na nagsimula sa hidwaang politikal ay nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. Higit sa
3,600 tao ang namatay at higit 30,000 ang nasaktan sa loob ng nagdaang 30 taon.
“Madugong Linggo” sa Ireland noong 197224
Mga Muslim at Kristiyano
Nagpapatayan sa Indonesia. Noong
Hunyo 2000, tatlong libong armadong
mandirigmang Muslim ang biglaang
pumatay ng ilang daang Kristiyano sa
baryo ng Duma sa Halmahera Island,
Indonesia.
Sa nakaraang 20 taon, pinagaawayan ng mga Kristiyano at Muslim
ang isla ng Maluku. Gustong mapaalis ng
bawat grupo ang isa.
Kamakailan lamang, humantong sa
digmaan ang hidwaang ito. Nagsimula ang mga Muslim at Kristiyano na atakihin ang
bawat isa at sunugin ang kanilang mga lugar ng dasalan (mga mosque at simbahan).
Libo-libong tao, mga Muslim at Kristiyano, ang namatay dahil sa hidwaang ito.
Ang Digmaan sa Mindanao. Sa
Mindanao, nagkaroon na ng maraming
madugong pagtatagpo sa pagitan ng mga
Muslim at ng mga sundalo, na nagbunga ng
maraming madugong kamatayan. Mayroon
rin iilang mga dayuhang nabihag ng isang
grupo ng mga rebeldeng Muslim. Libolibong pamilya ang nawalan ng tahanan at
marami rin ang nagdusa at namatay.
Isang posibleng dahilan ng ganitong
mga labanan ang matagal nang hidwaan sa
pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa
ating bansa. Hangad ng mga Muslim ang
isang nasyon na hiwalay sa mga Kristiyano,
na bumubuo sa karamihan ng populasyon. Ang mga Muslim ang unang nanirahan sa
ating bansa at matagal na lumaban sa pananakop ng mga Kristiyano.
Pag-isipan Natin Ito
Ano sa palagay mo ang pagkakatulad ng tatlong pangyayari?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 38.
Isang simbahang Kristiyano na nawalang ng
bubong matapos sunugin ng mga Muslim.
Isang sundalo ng gobyerno ay
iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas sa
tuktuk ng sunog na mosque.25
Alamin Natin
Maaaring mangyari sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang mga hidwaan na
kinapapalooban ng relihiyon. Naiimpluwensiyahan o dahilan ito sa maraming bagay
tulad ng: di-pagkakaunawaan tungkol sa lahi, etniko, ekonomiya at politika. Ngunit may
pagkakatulad ang mga ito sa iba’t ibang paraan, dumaragdag sa hidwaan ang mga
pagkakaibang ito. Nangangahulugan ba itong may masamang impluwensiya ang
relihiyon sa mga ito?—Tulad ng natutuhan mo sa naunang aralin, may pagkakatulad ang
iba’t ibang relihiyon sa daigdig—nagtuturo ang mga ito ng mabubuting kaugalian at
mga prinsipyong etniko tulad ng pagmamahal, pagkakawanggawa at pag-uunawa. Kung
gayun, ano ang dahilan ng mga hidwaang panrelihiyon? Tingnan mo kung kaya mong
tukuyin ang mga dahilan ng hidwaan sa sumusunod na kuwento.
Basahin Natin Ito
Narinig mo na ba ang kuwento ng anim na bulag na lalaki at ng elepante? Magbalik-tanaw tayo sa kuwentong pambatang ito.
Noong unang panahon, mayroon anim na
bulag na lalaki na gustong malaman kung
ano ang itsura ng elepante.
Hanggang, isang araw may nagsabi sa
kanila na may elepante sa kanilang
komunidad. Nagmadali silang nagpunta
kung saan naroroon ang elepante.
Hinawakan ng unang bulag na lalaki ang
buntot ng elepante. Sinabi niya:
Nahawakan ng ikalawang bulag na lalaki
ang mga binti ng elepante. Sinabi niya:
Ay! Parang
tali ang
elepante!
Bakit kaya? Parang
puno ang elepante!26
Nahawakan ng ikatlong bulag na lalaki ang
katawan ng elepante. Sinabi niya nang
malakas:
Hinawakan ng ikaapat na bulag na lalaki ang
tainga ng elepante. Sinabi niya:
Nahawakan ng ikalimang bulag na lalaki
ang mga sungay ng elepante. Sabi niya:
Nahawakan ng ikaanim na bulag na lalaki
ang mahabang ilong ng elepante. Sinabi
niya:
Ngayon alam ko nang
parang kutsilyo ang
elepante!
Nagaway-away ang anim na bulag na lalaki. Inakala ng bawat isa na tama siya at mali ang
iba.
Mga kaibigan,
parang bentilador
ang elepante!
Naku! Tulad ng
ahas ang
elepante!
Parang
pader
ang
elepante!27
Pag-isipan Natin Ito
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang problema ng anim na bulag na lalaki? Bakit hindi sila
magkaintindihan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Sa palagay mo, paano maiuugnay ang araling ito sa usaping relihiyon, lalo na
sa mga hidwaang panrelihiyon?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 38.
Basahin Natin Ito
Ngayon ay basahin ang sumusunod na kuwento.
Isang araw, may limang lalaki na
nagsimulang magtalo tungkol sa tunay na
pangalan ng Diyos.
Ang una, isang Hudyo ay nagsabing:
Yahweh ang
tunay na
panglan ng
Diyos.
Ang ikalawa, isang Muslim ay nagsabing: Pagkatapos sinabi ng ikatlong lalaki, isang
Katoliko ang:
Ipinakilala ng Diyos
ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng
kanyang anak na si
Hesukristo.
Tutol ako! Allah
ang pangalan ng
Diyos!28
Sa tingin mo, alin sa mga taong ito ang tama? Ipinapaalala ba nila sa iyo ang anim
na bulag na lalaki?
Alamin Natin
Bakit kaya humahantong sa galit at digmaan ang mga pagkakaiba sa relihiyon?
Masama ba ang relihiyon?
Basahin ang sumusunod na pangungusap:
Nagbibigay-halaga ang bawat relihiyon sa pagpapabuti ng tao, pagmamahalan,
paggalang sa iba, pakikibahagi sa paghihirap ng mga tao. Sa kalagayang ito, halos
nagkakatulad ang lahat ng relihiyon ng pananaw at hangarin.
— Ang Dalai Lama
Sumasang-ayon ka ba?
Nagkakaiba ang iba’t ibang grupo ng relihiyon sa kanilang mga ideya, paniniwala at
kaugalian. Ngunit tinuturuan ng lahat ng ito ang mga tao kung paano maging mabuti at
kung papaano pakitunguan ang bawat isa nang may pagmamahalan at pag-uunawaan.
Kung gayun, ano ang dahilan ng mga hidwaan?
Ang mga hidwaan sa relihiyon ay bunga ng pag-uugaling mayroon ang mga tao
tungo sa ibang taong may paniniwalang kakaiba sa kanila. Ang pag-uugaling ito ay
tinatawag na intolerance o di-pagpaparaya. Nangyayari ito kapag hindi hinahayaan ng
mga tao na isabuhay ng ibang tao ang kanilang paniniwalang panrelihiyon na kakaiba sa
kanila.
Ang ikaapat na lalaki, isang Hindu ay
nagsabi:
Ang panglimang lalaki, isang Buddhist ay
nagsabi:
Brahman ang tunay na
pangalan ng Diyos.
Walang pangalan
ang Diyos.
Binubuo ng
Diyos ang lahat
ng bagay at
nilalang.29
Ano ang sanhi ng pagiging makitid ang pag-iisip pagdating sa relihiyon?
May isang katangian ang relihiyon na hindi pa natin natatalakay. Ito ang
pagpapahalagang ibinibigay ng relihiyon sa pananampalataya at katapatan. May ibang
relihiyon na nagtuturo na ang katapatan sa relihiyon isang pagpapahalaga, at dapat mong
isipin na ang iyong relihiyon ay ang tunay na relihiyon. May mga relihiyong sinasabing
binuo ng mga huwad na propeta, o higit na masama, binuo mismo ng demonyo.
Tinatangka ng mga miyembro ng mga relihiyong ito na mahikayat ang iba sa kanilang
relihiyon, sa paniniwalang nililigtas nila ang mga tao sa kasamaan.
Ngunit paano kung gayun din ang tingin ng mga taong nais mong iligtas? Paano
kung nararamdaman nilang ang kanilang relihiyon ay ang totoong relihiyon at ang sa
iyo ang ginawa ng demonyo? Pag-aaway ang kahihinatnan nito. Humahantong ang pagaaway sa galit at sa maraming pagkakataon sa digmaan.
Ano ang puwedeng gawin upang mahinto ang pag-aaway? Isa lamang ang maaari
nating gawin. Baguhin natin ang ating pag-uugali tungkol sa ibang relihiyon at sa mga
nananampalataya dito. Paano natin gagawin ito?
Ngayong natutuhan mo na ang tungkol sa iba’t ibang relihiyon, sa tingin mo ba ay
mapaniniwalaan mo ang itinuturo ng mga ito? Kahit na may pagkakatulad ang mga
pangunahing tinuturo ng ibat ibang relihiyon, nagkakaiba ang kanilang mga kaugalian at
paniniwala. Kaya mo bang magkaroon ng matibay na pananalig sa iyong relihiyon
habang naniniwala sa mga itinuturo ng iba pang relihiyon?
HINDI MO KINAKAILANG MANIWALA SA MGA ITINUTURO NG
IBANG RELIHIYON. Kung nais mong tumulong sa pagwawakas ng mga hidwaang
panrelihiyon, ang una mong dapat gawin ay igalang ang karapatan ng ibang tao na sundin
ang sarili nilang paniniwala at kaugaliang panrelihiyon, kahit na tila huwad sa iyo ang
mga ito. Kinapapalooban ito ng:
1. Pagtanggap na naniniwala ang mga nananampalataya sa ibang relihiyon na ang
kanilang relihiyon ang tunay na relihiyon, tulad ng paniniwala mong ang
relihiyon mo ang tunay na relihiyon.
2. Paghihintulot sa iba na isabuhay ang kanilang pananampalataya basta’t hindi
nakakasakit sa ibang tao ang mga ito.
3. Hindi pagtanggi sa pagtanggap ng mga taong naghahanap ng trabaho,
panunuluyan atbp., dahilan sa kanilang relihiyon.
4. Pag-unawa sa mga pangangailangan ng ibang mga tao tungkol sa kanilang
relihiyon. Isang halimbawa, dapat payagan ang mga empleyado na lumiban o
magbakasyon kung may pistang panrelihiyon o mga pista opisyal na mahalaga
sa kanila.
5. Hindi paghusga sa mga tao dahilan sa kanilang relihiyon.30
Subukan Natin Ito
Mayroon ka bang kaibigan o kamag-anak na nabibilang sa ibang relihiyon? Kung
wala, subukan mong maglibot sa iyong komunidad at maghanap ng taong nabibilang sa
ibang relihiyon. Kausapin mo siya tungkol sa kanyang mga paniniwala at kaugalian.
Tingnan mo kung katulad ng ating pinag-usapan sa Aralin 1 ang kanyang mga pag-uunawa
tungkol sa kanyang relihiyon. Habang kinakausap mo siya, subukan mong gamitin ang
iyong mga natutunan tungkol sa pag-uunawa at paggalang sa ibang relihiyon.
Alamin Natin
Napag-usapan natin na ang unang hakbang upang makamit ang kapayapaan sa
pagitan ng mga relihiyon - ang paggalang sa mga karapatan ng ibang tao na maisabuhay
ang kanilang mga paniniwalang panrelihiyon. Ngunit maaari itong mauwi sa dipagkakasunduan ng iba’t ibang grupo ng relihiyon, di-pagtanggap at di-pag-uusap. Hindi
ito magandang pakinggan, di ba?
Mahalagang magkaroon ng pag-uusap (dialogue) ang mga tao mula sa iba’t
ibang relihiyon. Ano ang ibig sabihin nito? Dapat silang makipag-usap nang patas sa
isa’t isa. Walang dapat kumilos na tila siya ang nasa posisyon, na para bang sinisikap
niyang iligtas ang iba. Ang isang makabuluhang pag-uusap o diyalogo sa pagitan ng mga
grupong ito ay nagpapahiwatig ng pag-uunawa sa iba’t iba nilang paniniwala.
Makatutulong ito sa kanila upang makita ang mga pagkakatulad at gayun din kilalanin at
igalang ang mga pagkakaiba ng kanilang mga paniniwalang panrelihiyon. Dapat itong
humantong sa higit na mabuting pagkakaunawaan sa pagitan ng mga grupong ito.
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan
Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang pangungusap, at titik M naman kung
mali.
_____ 1. Walang pagkakaiba ang mga relihiyon sa buong daigdig.
_____ 2. Nangangahulugang pagkakaroon ng makitid ang pag-iisip sa ibang
relihiyon na hindi pagpapahintulot sa iba na maisabuhay ang kanilang
mga paniniwalang panrelihiyon na naiiba sa iyo.
_____ 3. Nangangahulugan ang makabuluhang pag-uusap sa pagitan ng iba’t
ibang grupo ng relihiyon na sinisikap iligtas ang isang grupo ang isang
tao mula sa masamang relihiyong kanyang kinabibilangan.31
_____ 4. Upang magkaroon ng kapayapaan kasama ang mga miyembro ng ibang
relihiyon, kailangan mong maniwala sa kanilang mga itinuturo kahit
na hindi ito tumutugma sa mga tinuturo ng iyong relihiyon.
_____ 5. Karapatan ng bawat tao na gawin o maipahayag ang kanyang
paniniwalang pangrelihiyon.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 39. Tama ba
halos ang lahat ng iyong sagot? Magaling. Handa ka na ngayong sagutin ang huling
pagsusulit sa modyul na ito. Kung mali ang karamihan ng iyong sagot, mabuting
magbalik-aral ka at basahin ang mga aytem na hindi mo naunawaan. Pagkatapos, muli
mong sagutin ang pagsusulit. Galingan mo!
Tandaan Natin
♦ Ang relihiyon kung iyong iisipin ay hindi nagtuturo sa tao na makipag-away.
Ang masasamang pag-uugali ng tao tungkol sa ibang relihiyon ang nagdudulot
ng mga hidwaan. Tinatawag na di-pagpaparaya sa relihiyon (religious
intolerance) o pagkakaroon ng makitid ang pag-iisip tungkol sa mga
relihiyon. Mayroon kang makitid na pag-iisip kung hindi mo pinahihintulutan
ang ibang tao na maipahayag ang kanilang paniniwala na naiiba sa iyo.
♦ Itinuturo ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig ang magkakatulad na batayang
katotohanan, ngunit sa iba’t ibang paraan.
♦ Kailangan mong igalang ang mga paniniwalang panrelihiyon ng iba kahit na sa
tingin mo ay hindi totoo ang mga ito.
♦ Upang maayos ang mga hidwaang panrelihiyon, kailangan mong:
1. Paghintulutan ang iba na maisabuhay ang kanilang mga paniniwalang
panrelihiyon kahit hindi tumutugma sa iyong paniniwala ang mga ito.
2. Magkaroon ng makabuluhang pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng
iba’t ibang relihiyon upang maunawaan ang kanilang mga paniniwala at
kagawian.
3. Matutuhang bigyang-pagpapahalaga ang mga pagkakaiba ng paniniwala at
kaugalian ng iba’t ibang relihiyon habang isinasaisip na may
magkakatulad na layunin ang mga ito.32
Ibuod Natin
Tingnan natin ang mahahalagang konsepto na natutuhan mo sa modyul na ito.
Ibinuod ang mga ito upang matandaan mong mabuti.
♦ Ang limang pangunahing relihiyon sa buong daigdig ay: Kristiyanismo, Islam,
Hinduismo, Judaismo at Budismo. Pinakamaraming tagapaniwala ang mga
relihiyong ito sa buong daigdig.
♦ Sumusunod ang mga Kristiyano sa mga turo ni Kristo, lalo na sa kanyang mga
kautusan na dapat natin mahalin ang isa’t isa at mahalin ang Diyos nang higit
sa lahat.
♦ Sumusunod ang mga Muslim sa kalooban o kagustuhan ng Diyos o ni Allah.
♦ Nagbibigay-halaga ang mga Hudyo (Jew) sa mga kautusan ng Diyos o ni
Yahweh.
♦ Naniniwala ang mga Hindu sa isang makapangyarihang puwersa na kabuuan ng
lahat at siya ring humigit sa lahat ng bagay.
♦ Ninanais ng mga Buddist na makamit ang nirvana at maging malaya mula sa
paghihirap at ilusyon.
♦ Dapat nating igalang at maging mapagparaya sa paniniwala at kaugaliang
panrelihiyon ng ibang tao, kahit na ang mga ito ay naiiba sa ating pansariling
paniniwala.
♦ Itinuturo ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig ang magkakatulad na batayang
katotohanan, ngunit sa iba’t ibang paraan.33
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?
A. Bilugan ang mga titik ng tamang sagot.
1. Itinuro ni Hesukristo sa mga tao na…
a. dapat nilang mahalin ang kanilang sarili lamang.
b. dapat nilang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal nila sa sarili.
c. dapat nilang mahalin ang sarili higit sa iba.
d. wala sa mga ibinigay na sagot
2. Higit na binibigyan pagpapahalaga ng mga Muslim ang…
a. pagsunod sa kalooban ni Allah
b. pagsunod sa kalooban ni Mohammed
c. pagsunod sa diwa ng digmaan
d. lahat ng sagot sa itaas
3. Naniniwala ang mga Hindu na…
a. sagrado at dapat sambahin ang mga hayop
b. marurumi at dapat patayin ang mga hayop
c. sagrado lahat ng bagay at hindi dapat saktan ang anumang nabubuhay
na nilalang
d. wala sa mga ibinigay na sagot
4. Naniniwala ang mga Hudyo (Jew) na…
a. higit na mahalaga ang pagkilos kaysa paniniwala
b. higit na mahalaga ang paniniwala kaysa sa pagkilos
c. walang halaga ang pagkilos at paniniwala
d. wala sa mga ibinigay na sagot
5. Ang layunin ng Buddhist ay…
a. sambahin ang Buddha
b. sundin ang Buddha
c. mahalin ang Buddha
d. mamulat mula sa ilusyon34
B. Isang pamilya na nabibilang sa ibang relihiyon ang lumipat sa tabi ng iyong
tahanan. Ano ang iyong gagawin? Piliin at lagyan ng tsek (4) ang maaari
mong gawin.
_____ 1. Hilingin na ipaliwanag nila sa iyo ang kanilang relihiyon at
magkusang ipaliwanag ang iyong relihiyon sa kanila, kung
interesado sila. Ipahiwatig mo rin ang iyong pagnanais na
makadalo sa kanilang mga serbisyo at imbitahan sila sa iyong mga
serbisyo.
_____ 2. Tratuhin sila nang hindi naiiba sa ibang kapitbahay, na hindi
iniintindi ang mga pagkakaiba ng inyong mga relihiyon.
_____ 3. Imungkahing lumipat sila sa iyong relihiyon; huwag magpahiwatig
ng pagnanais na matutuhan ang kanilang relihiyon.
_____ 4. Pilitin silang magpalit ng relihiyon.
_____ 5. Sabihin sa iyong mga bagong lipat na kapitbahay na umalis dahil
baka maimpluwensyahan nila ang komunidad ng kanilang
masasamang kagawian.
_____ 6. Sabihin sa iba mong kapitbahay na gawing miserable ang buhay ng
bagong lipat na pamilya upang lumipat na lang sila sa ibang
komunidad.
_____ 7. Gumamit ng higit na tuwirang aksiyon—pasukin ang kanilang
bahay at sirain ang kanilang mga kagamitan, mag-iwan ng patay na
daga sa harap ng kanilang pintuan, o gumawa ng iba pang aksiyon.
Upang malaman kung tama ang iyong mga sagot, ihambing ang mga ito sa Batayan
sa Pagwawasto sa pp. 39–40. Kung hindi mataas ang iyong iskor, huwag mabahala.
Hindi kaagad mababago ng pag-aaral sa modyul na ito ang iyong mga pag-uugali tungo
sa ibang taong may ibang relihiyon. Dapat mo itong pagsumikapan sa loob ng
mahabang panahon. Tandaan mo lamang ang mga tinalakay sa modyul na ito kung
sakaling may makahalubilo kang taong kabilang sa ibang paniniwala.
Kung mataas ang iyong iskor, mabuti! Marami ka nang nalalaman tungkol sa ibang
relihiyon. Marunong ka na rin makitungo sa mga taong may ibang paniniwala at
kaugaliang panrelihiyon. Ang dapat mo na lang gawin ay ang isabuhay ang mga ito.
Isabuhay mo ang lahat ng natutuhan mo sa modyul na ito. Sa pamamagitan nito,
kumikilos ka tungo sa pagwawakas ng mga hidwaang panrelihiyon at kung gayon ay
makapagdudulot ng kapayapaan sa pagitan ng mga relihiyon at mga tao sa buong
daigdig.35
Batayan sa Pagwawasto
A. Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 2)
1. M Hindi sumasampalataya kay Mohammed ang mga Muslim;
sumasampalataya sila kay Allah. Isa lamang magaling na propeta, at
hindi Diyos si Mohammed.
2. M Sumusunod ang mga Buddhists sa mga turo ni Buddha, hindi nila ito
sinasamba.
3. M Kahit na may mga pansariling diyos or diyosa ang mga Hindu,
naniniwala rin sila sa isang makapangyarihang puwersa na tinatawag
na Brahman.
4. M Kahit na sumasampalataya ang mga Kristiyano na si Hesus bilang
anak ng Diyos, sumasampalataya rin sila sa Diyos Ama o kay
Yahweh. Naniniwala ang mga Katolikong Romano sa tatlong
persona ng iisang Diyos, na tinatawag na Holy Trinity na binubuo ng
Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
5. T Sinasabing iisa lamang ang pinanggalingan at naglalaman halos ng
magkakatulad na turo ang Koran ng mga Muslim, ang Bibliya ng
mga Kristiyano at ang mga banal na kasulatan ng mga Hudyo.
6. T May karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng paniniwala ang mga
taong may ibang paniniwala kaysa sa iyo. Dapat mo itong laging
tandaan upang makaiwas sa hindi pagkakaunawaan.
7. M Hindi dapat husgahan ang ibang tao dahilan sa kanilang relihiyon o
paniniwala. Paglabag ito sa kanilang karapatan.
8. T Kadalasang nag-aaway ang mga tao dahilan sa kanilang dipagtanggap sa paniniwala ng isa’t isa.
9. T Maraming hidwaang panrelihiyon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
ang magpapatunay dito.
10. T Personal ang relihiyon dahil may kinalaman ito sa iyong personal
na relasyon o pakikipag-ugnayan sa Diyos. Sosyal o panlipunan ito
dahil hinihiling nito na makibahagi ka sa mga gawain ng grupo at
dahil may kinalaman ito sa mabubuting pakikipag-ugnayan sa iba.36
B. Aralin 1
Subukan Natin Ito (pahina 4)
Si Brahman ang kataas-taasang espiritu ng
sansinukob. Ang iyong mga gawain sa buhay
na ito ang magtatakda ng iyong kalalagyan sa
susunod na buhay.
Si Hesus ang anak ng nag-iisa at walang
kamatayang Diyos. Maaaring mailigtas ang
sangkatauhan sa pamamagitan ng
pananampalataya, dahil sa muling pagkabuhay
ni Hesukristo.
Si Yahweh ang nag-iisang tunay na Diyos. Siya
ang gumawa, ang gumagawa at gagawa ng
lahat. Mabuhay nang naaayon sa kanyang banal
na kagustuhan na nakasaad sa Torah.
Abutin ang liwanag at kalayaan mula sa
kamangmangan, pagnanais at pagdurusa sa
pamamagitan ng pagninilaynilay at pagbabalikbuhay (reincarnation). Umasa sa iyong sarili
upang makamtan ang liwanag.
Buddhist
Kristiyano
Hudyo o Jew
Muslim
Hindu
Nilikha ni Allah ang lahat ng bagay sa daigdig
at siya lamang ang gabay ng sangkatauhan.
Kung susunod ka sa kagustuhan ng
Panginoon, gagantimpalaan ka niya sa
kabilang buhay.37
Magbalik-aral Tayo (pahina 7)
1. Bagong Tipan
2. Adan, Eba
3. 1.7 bilyon
4. Pilipinas
5. tatlo
6. Unang kasalanan
7. Tatlong Persona
8. Muling pagkabuhay o resureksiyon
9. Hesus
10. Diyos
Magbalik-aral Tayo (pahina 10)
1. Mali. Pakikipagtunggali patungo sa isang marangal na layunin ang ibig
sabihin ng Jihad. Hindi ito tumutukoy sa pagkikipag-away sa ibang tao.
Sa katunayan, nagtuturo ang Islam ng pagiging maunawain at mapagmahal
sa kapayapaan.
2. Mali. Naniniwala rin ang mga Muslim sa mga propeta tulad nina Adan,
Abraham at Hesus.
3. Tama. Ang pagbibigay sa kapwa ang pangatlong pinakamahalagang
obligasyon ng bawat Muslim.
(Maaaring magbigay ang mag-aaral ng iba pang paliwanag, bukod sa mga
nakasulat sa itaas.)38
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 21–22)
C. Aralin 2
Pag-isipan Natin Ito (pahina 24)
Tumutukoy ang tatlong sitwasyon sa mga di-kanais-nais na hidwaan sa pagitan
ng mga grupo ng tao. Naimpluwensiyahan ang mga hidwaang ito ng mga
pagkakaibang panrelihiyon ng mga grupong ito.
Pag-isipan Natin Ito (pahina 27)
1. Mga bulag ang anim na lalaki, kaya hindi nila alam na tinutukoy nila ang
iba’t ibang bahagi ng katawan ng elepante. Ang hindi makita ng mga
lalaki ay ang katotohanang isang hayop na may iba’t ibang bahagi ang
elepante.
2. Kadalasang nag-aaway ang mga taong kabilang sa iba’t ibang relihiyon
dahil hindi nila makita na kahit iba-iba ang kanilang mga kaugalian at
paniniwala, magkakatulad naman ang kanilang mga layunin. Inilalarawan
nila ang iba’t ibang aspeto ng nag-iisang katotohanan. Tandaan mo ang
kasabihang Hindu: “Iisa ang Katotohanan, ngunit tinatawag ito ng iba’t
ibang paham sa iba’t ibang pangalan.”
1 2
3
4
5 6
7
8 9 10
11 12
13
P A G B I G
R E I N K A R N A S O N
T O R A H
A
A
H
K A R M A
H E S U S
M O H A M
N I R V A
M E D
N A
I
L
U
S
Y
O
N
E
M
O
N
Y
O
H
A
D
J R
E
C
C
I
S
I
B
H
E
-39
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 30–31)
1. M — Kahit magkakatulad ang maraming prinsipyo ng mga iba’t ibang
relihiyon, labis na nagkakaiba ang paniniwala at kaugalian ng mga ito.
2. T
3. M — Mangyayari lamang ang makabuluhang pag-uusap sa pagitan ng
mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon kung igagalang ng mga ito ang
karapatan ng bawat isa na makapag-pahayag ng sariling paniniwala. Sa
halip na subukang iligtas ang isa’t isa, dapat nilang tanggapin na
naniniwala ang bawat grupo na kabilang sila sa tanging totoong relihiyon
at batid nila ang daan tungo sa kaligtasan.
4. M — Hindi mo kinakailangang maging miyembro ng ibang relihiyon
upang mapanatili ang kapayapaan. Maaari kang magpatuloy sa mga bagay
na pinaniniwalaan mo, ngunit kailangan mong pahintulutan rin ang iba na
magpatuloy sa kanilang paniniwala. Ito ang landas tungo sa kapayapaan.
5. T
D. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?(pp. 33–34)
A. 1. Titik (b) ang tamang sagot. Ito ang pinakamahalagang turo ni Kristo,
ang pagtataguyod ng pagmamahalan, pagpaparaya at
pagkakaunawaan.
2. Titik (a) ang tamang sagot. Hindi ito kalooban ni Mohammed o ang
digmaan na sinusunod ng mga Muslim. Ito ang kalooban ni Allah.
Ang pagsunod kay Allah ang pinakamahalagang aspeto ng
paniniwalang Muslim.
3. Titik (c) ang tamang sagot. Ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng
paniniwalang Hindu ang ahimsa o ang di-pananakit ng iba. Nabuo
ang konseptong ito mula sa paniniwalang Hindu na sagrado ang lahat
ng bagay dahil binubuo ng Brahman ang mga ito.
4. Titik (a) ang tamang sagot. Nagbibigay-halaga ang mga Hudyo sa
mabuting asal, lalo na sa pagsunod sa Utos ng Diyos, katulad ng
nakasulat sa banal na kasulatan. Naniniwala sila na ito, higit pa sa
paniniwala ang magbibigay-daan tungo sa kaligtasan.
5. Titik (d) ang tamang sagot. Hindi landas tungo sa kaligtasan ang
Buddha, siya ang guro na gumagabay sa mga Buddhist tungo sa
tamang landas. Upang masundan ang landas, kailangang mamulat sa
ilusyon ang isang tao.40
B. Kung pinili mo…
1. Nakakuha ka ng limang puntos. Nagpapakita ito ng tamang pag-uugali
tungo sa mga taong kabilang sa ibang relihiyon. Nakapagtataguyod ng
unawaang panrelihiyon sa komunidad ang pag-uugaling ito.
2. Nakakuha ka ng tatlong puntos. Mabuti ang ugaling ito, ngunit sa halip na
magkipag-usap, wala kang interes sa ibang relihiyon.
3. Bawasan mo ang iyong iskor ng isang puntos. Nagpapakita ito ng dipagpaparaya sa ibang relihiyon.
4. Bawasan mo ang iyong iskor ng dalawang puntos. Hindi mabuti ang
ugaling ito.
5. Dapat mong bawasan ang iyong iskor ng tatlong puntos. Ito ay seryosong
antas ng di-pagpaparaya at maling pakikitungo sa ibang relihiyon.
6. Bawasan mo ang iyong iskor ng apat na puntos. Higit itong nagpapakita
ng di-pagpaparaya kaysa sa nakasaad sa blg. 5.
7. Wala kang nakuhang puntos. Ipinapakita nito na di ka nagpaparaya sa
ibang relihiyon.41
Talahuluganan
Anti-Semitism Galit sa mga Hudyo.
Dogma Mga turo o paniniwala na idinidikta bilang katotohanan ng isang nasa
posisyon, tulad ng simbahan.
Karma Kabuuan ng mabubuti at masasamang asal, pag-iisip at salita ng tao.
Mitzvot Ang banal na utos ng Diyos na sinusunod ng mga Hudyo.
Puja Isang pamamaraan ng pagsamba ng mga Hudyo sa pamamagitan ng
pagdadasal, kantahan o ritwal.
Koran Banal na aklat ng mga Muslim.
Rabi Ang propeta ng mga Hudyo na nag-aral ng mga batas at kaugaliang Hudyo.
Reinkarnasyon Isang ideya na kapag namatay ang tao, patuloy na mabubuhay ang
kanyang kaluluwa muling isisilang sa ibang katawan.
Sabbath Araw ng pahinga ng mga Hudyo (araw ng Sabado).
Samsara Walang saysay na siklo ng pagsilang, buhay, pagkamatay at muling
pagsilang.
Synagogue Ang sambahan ng mga Hudyo
Tanakh Ang banal na aklat ng mga Hudyo
Vedas Mga banal na kasulatan ng mga Hindu.42
Sanggunian
Hancock, Landon. 2000. Northern Ireland: Troubles Brewing. CAIN Web
Service. Abstract at <http://cain.ulsst.ac.uk/othelem/landon.html>.
November 2000,date accessed.
Ontario Consultants on Religious Tolerance. 2000. Religious Hatred,
Intolerance and Other “Not So Spiritual” Topics.
<http://www.religioustolerance.org/negative.html>. November2000,date
accessed.
Philippine Human Rights Information Center.2000. Religious Intolerance in
Mindanao. Philippine European Solidarity Center. Abstract at<http://
www.philsol.nl/A00a/Minda-PhilRights-Intolerance-jun00.html>.
November 2000, date accessed.
“Religion.”Encyclopedia Britannica 1999 (CD).
AngAsyaay ang
pinakamalaking kontinente at
may pinakamaramingbilang ng tao
sa mundo. Ito marahil ang dahilan kung
bakit mayrooniba’t ibang uri ng relihiyon na
nabuo noon pa
man.Ang Asya rin ang
pinagmulan ng pinakaunang
relihiyon kasama na angHinduismo, Buddhismo
, Sikhismo, Confucianismo, Taoismo,Kristyanis
mo,at
Jainismoat iba’t
iba pang
paniniwala na nabuo
sakontinenteng ito.
Hinduismo
AngHinduism
ay kilala rin bilangHindū
Dharmao
Vedic Dharma
sa mangilan-ngilang
modernong wikang Indian tulad ng Hindi, Bengali atiba
pang kontemporaryo
ng Wikang Indo-Aryan, at ganun din sa
iba’t-ibang dilang
Dravidian tulad ng Tamil at
Kannada. Ito
ay ang relihiyongmagsimula sa India.
Ang ibig sabihin ng
salitang-ugat nito na Hindu ayIndia.Ang
Hinduismo(Sanskrit:
Sanā
tana Dharmao "walang-hanggan
gbatas") ay
isangrelihiyonna
nagsimula sa kontinente
ngIndia. Angsalitang
Hindu
ay nangangahulug
angIndia
.Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa
alam kung sinoang
nagpaumpisa nito.Sinasabi na ang mga Asyano ang nagpasimula
nito at kanilang itinuro sa
Kabihasnang Vedic. Ito ay
kinokonsiderangpinakalumang
"extant" na relihiyon sa
buong mundo. Ang relihiyong
itoay may mahigit
kumulang sa isang bilyong
tagasunod kung saan
ang890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sapinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, su
musunod lang saKristyanismo
atIslam. Ang mga bansang may malaking papulasyon
ngHinduismo ayNepal,Sri
Lanka,Bangladesh,IndonesiaatMal
aysia.Ang pangunahing
diyos ng Hinduismo ay angBrahman,
ang “Kaluluwang
Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng
tao ang tunayna
kaligayahan kung ang kanyang
kaluluwa ay sasanib sa Brahman. Angisang
nakakaaliw na
paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ngkaluluwa sa panibagong
buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon
.Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ayipinanganganak muli sa isang tao na may mas mata
as na antas,samantalang ang isang
masamang tao ay ipinanganga
nak muli sa isangmas
mababang nila
lang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang atkamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sapa
mamagitan ng pagsanib sa
kaluluwa n
gBrahman.Ang kilalang trinidad ng mga diy
os ng Hindu ay si
BrahmaangManlilikha,
Vishnuang
Tagapangalaga, at
Shivaang
Tagawasak. Angiba pang diyos nila ay
sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng
bagyo;Ganesha, diyos na may ulo ng elepante;
Laksmi, diyosa ng
magandangkapalaran; at
Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan.
Lahat-lahat,ang mga
Hindu ay merong humigit-
kumulang sa 300 milyong
diyos, nakung tawagin ay
teokratik.Kasaysayan:
Magpahanggang ngayon ay
wala pang nakakaala
mkung sino ang
nagpasimula ng
paniniwalang ito. May mga
nagsasabingang mga Asyano
ang nagpasimula nitona kanila
namang itiinuturo noonsa
kabihasnang Vedic. Sinasabing ang relihiyong ito ay angpinakaluman
g “extant”na relihiyon sa
buong
mundo.Ito ay kinukunsidera na pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sabuong mundo sapagkat mayroon ito na ha
los humigit kumulang saisan
g biyong tagasunod.
Ang pinakamarami ay nasa India,
na
humigitkumulang 890
milyong tagasunod.
Mayroon rin sa bansang Nepal,
SriLanka,
Bangladesh, Indonesia at
Malaysia.Paniniwala:
Ang pangunahing
diyos ng Hinduismo ay
si Brahma,ang “Kaluluwa ng
Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ngtao ang tunay na kaligayahan
kung ang kanyang
kaluluwa ay sasanibkay
Brahma. Ang isang
nakakaaliw na paniniwala ng
Hinduismo ay angpaglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation oreinkarnasyon. Ayon sa paniniwalan
g ito, ang kaluluwa ng
mabuting taoay ipinanganganak muli sa isang
tao na may mas mataas
na
antas,samantalang
ang isang masamang tao ay ipinanganga
nak muli sa isang
mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang atkamatayan, ang kaluluwa ng mabuting ta
o ay ginagantimpalaan sapamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni
Brahma.Ang kilalang trinidad ng mga diy
os ng Hindu ay si
BrahmaangManlilikha,
Vishnuang
Tagapangalaga, at
Shivaang
Tagawasak. Angiba pang diyos nila ay
sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng
bagyo;Ganesha, diyos ng elepante;
Laksmi, diyosa ng magandang
kapalaran;at Vasanti,
diyosa ng
kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat,
ang mgaHindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong di
yos, na kungtawagin ay teokratik.
Ang Omkara, isa sa mga sagisag ng Hinduismo.
Sistemang Kaste
Ang Sistema ng Antas ay bahagi ng
Hinduismo. Ang mga tao
ayhinati sa mga antas na panlipunan, gaya ng: (1)
Brahmin (pari at
mgaiskolar), (2) Kshatriyas
(maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas(magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras(manggag
awa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindipinapayagang mag
-asawa o mamuhay kasama ng nasa
mababangcaste. Ang mga di kabilang sa anumang antas ay mga patapon,itinatawag na "mga hindi mahahawakan
" o "mga hindi masasaling"("
mga hindi mahihipo"). Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilangsariling mga nayon at
lungsod. Sila ang
gumagawa ng madudumingtrabaho katulad ng paglilinis ng
kalsada, pagkolekta ng
basura atbp.Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan,p
umasok sa mga templo, o
kumain sa mga pampublikong
kainan dahilang paghipo
lamang sa isang "hindi
mahahawakan"
ay pinaniniwalaangmarumi para sa isang may
antas.Banal na
Ilog
Ang banal na ilog ng mga Hindu ay angIlo g Gangesnamatatagpuan saIndia. Ang ilog na ito ay
sinasabing may banal na tubig.
AngHudaismo
(Kastila: ju·
da·ís
·mo
;Ebreo:יהדות
, yahedut
) angkulturang pampananampal
atayang mgaHudyo. Isa
ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang
monoteistaat isa rin sa mgap
inakalumangtradisyongpampananampalatayang sinusundan pa rinhanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng
Hudaismo ay angpinakamalaking bahagi ng
batayan ng ibang mga
pananampalatayangAbraamiko , kasama na
angKristyanismoa
tIslam. Sa gayon,
nagingisang pangunahing pwersa ang
Hudaismo sa
pagsasahugis ng daigdig.Ang kanilang naging
simbolo ay angBituin ni David; sa
kasalukuyan angkanilang
simbolo ay ang isangaranyangmay pitong sanga, natinat
awag namenora.Hudayka
Ang Hudaismong
Separdi ang uri ng Hudaismo
ng mga Hudyongnagm
ula sa timog
Yuropa,Mediteraneo,
atkanluranatgitn
ang Asya. Sakasaysayan,
mas naging kaugalian ng
mga Separdi na
makihalubilo s
apangkalahatang populasyon
kung ihahambing sa
mga Askenasi, na mas
susceptiblesa pagbubukod
mula sa mas malawak na
lipunan;
dulot itong
magkakaibang klimang pangkultura at pampananampalataya nakinagalaw
an ng dalawang pangkat na ito.Hudaismo
ng Askenasi
Ang
Hudaismong Askenasiang uri ng
Hudaismo ng mgaHudyong nagmula sa
hilagang Yuropa.Sa mga
nakaraang dalawang
dantaon nahati ang mga Hudyo
nghilangang Yuropa sa ilang mga kilusan
o denominasyon; ito angkab
aliktaran ng sitwasyon sa mga Hudyong
Separdi, na bagaman iba-iba ang mga
pananaw ay nananatili pa
ring nagkakaisa.
May iba’t ibangpagkaunawa ang bawat
isa sa kung
anong mga prinsipyo ng
paniniwalaang dapat angkinin
ng isang Hudyo, at kung
paano dapat mamuhay ang
isang Hudyo. Hindi tulad sa mga denominasyongKristyano, hindipunda
mental na napapaghati ng
mga
pagkakaibang pandoktrinang
itoang mga kilusang
Hudyo, na tuluyan pa ring nagsasanib sa
ilang
mgaisyu. Hindi pambihira, halimbawa, ang pagsimba ng isang Hudyong
Masorti sa isang
sinagogang
Ortodokso o Repormista.
Hudaismong
OrtodoksoAng
Hudaismong Ortodoks
oang kilusang Askenasi nan
aniniwala sa tradisyonal na interpretasyon
ng Hudaismo.AngHudaismon
g Haredi(Ebreo:
חרדיתיהדות
, "Hudaismong takot")ang
sangay ng Ort
odoksiya na may makitid na interpretasyon ngHudaismo. Kilala rin sila bilang ang
mga Ultraortodo
kso.
Hudaismong
Hasidiko
Makabagong
OrtodoksoAng
Makabagong Hudaismo
ng Ortodokso
ang kilusangAskenasi na, tulad ng
Hudaismong Haredi,
tinatanggap
ang pagkabisan
gbatas Hudyo. Gayumpaman,
naiiba ito sa Haredismo sa pagtanawnito
sa batas Hudyo
hindi bilang isang di-
nagbabagong katawan ng
mgabatas na isinulat ng
mgarabinong mg
aSinaunaatGitnang
Panahon kundi, tulad ng anumang tradisyong buhay, bilang isang katawangnagbaba
go at hindi nahihiwalay sa mga realidad ng sitwasyon opanahon. Sa ganito, sila ang kilusang pinakamalapit sa Hu
daismongSepardi.
Hudaismong
Repormista
Ang
Hudaismong Repormis
taang kauna-
unang modernongsan
gay ng Hudaismong
Askenasi. Hindi nito
tinatanggap ang
pagkabisangbatas Hudyo.
Nagmula at napaunlad ang
kilusang ito s
aAlemanyaatngayon ito ang pinakamalaki saHilagang Amerika.
Maaari itong tukuyinbilang
Hudaismong Progresis
ta[
/Progresibo
, h a b a n g s a Nagk akaisang Kaharianbinubuo ng Hudaismong Rep
ormista atHudaismong Liberal
ang Hudaismong Progresista.
Hudaismong
MasortiAng
Hudaismong Masorti
oHudaismongKonserbad
or/
Konserbatibo
ang kilusang Askenasi na, tulad ngHudaismong Ortodokso, tinatanggap ang pagkabis
a ngbata s Hudyo.Gayumpaman, naiiba ito sa Ortodoksya sa pagtanaw nito sa batasHu
dyo hindi bilang isang di-
nagbabagong katawan ng mga batas
naisinulat ng mgarabinong
mgaSinaunaatGitn
ang
Panahonkundi, tuladng
anumang tradisyong
buhay, bilang isang
katawang nagbabago at
hindi nahihiwalay sa mga realidad
ng sitwasyono panahon.
Binibigyang-tanaw ng mga Masorti ang
mga rabino ng kasalukuyan
bilang kasing-mabisa ng mga rabino ng mga
Sinauna at Gitnang
Panahon.
BudismoAng
Budismo
o Budhismo (Sanskrit:
Buddha Dharma ,
nangangahulugang: "ang
landas o batas
ng naliwanagan o ng
gising")Itoay isang relihiyo o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni
Siddh
ārthaGautama o
mas kilala bilang Buddha na mamuhay
marahil noong ika-limang
siglo. Kumalat
ang Budismo sa buong
lumang sub-kontinente ngIndyasa
limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni
Buddha, at naikala
tsaGitna, Timo g-
SilanganatSilangang A
syasa sumunod na
dalawangmilenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo sa tatlong pangunahingtradis
yon: Therav ā
da(Sanskrit: Sthavirav
āda),Mah
āyā
na, atVajray
āna (uri
ngBudismo sa Tibet ).
Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit
ngmga
tagasunod sa buong mundo,
at, kasama ang mga 350
milyongtagasunod, tinuturing ito bilang isang pan
gunahing relihiyon samundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng
bawattao.Sa paniniwalang
sa pamamagitang ng mabuting budhi ay
mararating ng tao ang
mataas na kamalayan at
mataas na antas
ngkalagayang pang
espirituwal o diwa ng
tao.Isang pilosopiya ang
Budismo na may mga ibat-
ibang paniniwala,
napinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon. Budista o B
udhista angtawag sa taong naniniw
ala sa Tat long Hiyas(o
Three Jewels):
angBuddha(Ang Isang
Nagising o Namulat),
angDharma(ang
Pagtuturo ngBuddha), at
angSangha(Pamayanan ng mga
Budista).
Sinasabing 230hanggang
500 milyon ang bilang ng mga
Budista sa mundo. Nakatira
saAsyaang
karamihan sa mga Budista, ngunit meron ring mga na
nasaibanglupalopn
g daigdig
.Kasaysayan: Kumalat ang Budismo sa
buong lumang sub-
kontinenteng Indya sa limang siglo pagkat
apos ng pagkamatay ni Buddha, atnaikalat
sa Gitna, Timog-
silangan at Silangang Asya sa
sumunod nadalawang
milenyo.•
Paniniwala: Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mgatagasunod
sa buong mundo, at,
kasama ang mga 350
milyongtagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing r
elihiyon samundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ngbawat tao.Sa paniniwalang
sa
pamamagitang ng mabuting
budhiay mararating ng
tao ang mataas na
kamalayan at mataas
naantas ng kalagayang
pang espirituwal o
diwa ng tao.Isang
pilosopiya ang Budismo na
may mga ibat-ibang
paniniwala, n
apinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon.
Budista o
Budhista
ang tawag sa taong
naniniwala saTatlong Alahas
(oThree Jewels
)•
Buddha (Ang Isang Nagising
o Namulat)•
Dharma (ang Pagtuturo ng
Buddha•
Sangha (Pamayanan ng mga Budista).
AngKristiyanis
moay
isang relihiyong monoteista (naniniwala
saiisang Diyos
lamang) na nakabatay sa buhay at turo niHesus ng
Na ẕ rat ayon sa isinulat ng kanyang mga tagapagsunod saB
ago ng Tipan.Pinaniniwalaan
ng mga Kristiyano na si Hesus ay ang
anak ngDiyosatang
Mesias
na pinaghulaan ng mga sugo sa Lumang Tipan. Ang
Bagong Tipan ng Bibliya ay
tinitingnan bilang tala ng
Ebanghelyong ipinahayagni Hesus. Ito ay
ang pinakamalakin
g pananampalata
ya sa buong
daidigna may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito. Sakasulukuyan, ito ay malakas saEuropa, mgaA
merika, KatimugangAfrika,
angPilipinasat saOceaniaat tumutubo na saAsya, lalo
na sa Tsina at
Timog Kore
aNagsimula ang
Kristiyanismo bilang
sangang-katulad
ng Judaismo at kasama ang
Bibliang Hebreo bilang Lumang Tipan sa mga banal naKasulatan nito. Tulad
ng Judaism oatIslam,
itinatalaga ang Kristiyanism
obilang isang Pananampalatayang Abrahamiko. Ang relih
iyong ito ayitinayo ni Kristo
saIsrael. Ngunit
maraming mga sanga ang
relihiyongito, lahat ng mga
kasapi rito ay naniniwala sa Diyos.Isa sa
mga pinakakilalang mga sagisag
ng
Kristiyanismo ay angkrus
, kasama rin ng isda, o "Icthys" kung tawagin.
•
Simula at kahulugan
ng pangalang KristiyanoAng pangalangKristiyano(GriyegongΧριστιανός
, "Christianos"Strong's
G5546), ay may kahulugang "kabilang kay Kristo" o"pagmamay-ari
ni Kristo", na naging tawag para sa mga sinaunangdisipulo sa lungsod ngAntiokena
kilala rin bilan
gAntioqueoAntioch (Gawa 11:26). SiSa n Ignacio ng Antiochang unang gumamit ng"Kristiyanismo" (Χριστιανισμός
, "Christianismos
") bilang pangalan ngpananampalatay
a kay Kristo. Sa diwa ng
Kristiyanismo
, kapag ginamitang
salitangKristiyano
- kasama at katulad ng
mga katagangalagad
,apostol
,disipulo
,mananampalat
aya,
sumasampalataya,
nanalig, o
naniniwala-
nagpapahiwatig ito ng pagtitiwala at pagsunod kay Hesukristo. Ginamit
niSimon
Pedroat Haring Agrippaang katawagangKristiyano
.
Mga Paniniwala
Ang mga iba't ibang pangkat o kung tawagin
ay mga "Simbahan"sa loob ng Kristiyanismo ay may magkakaiba
ng pananaw ukol sarelihiyong ito, subalit ang karamihan ng mga kasapi ay may mgamagkakahawig o
magkatulad na mga
doktrina, o mga
paniniwalangopisyal. Kasama
rito ay ang:
ga halimbawa ng mga
relihiyosong bagay sa
Kristiyanismo-Katoliko
:Bibliya,krusipiho, at rosaryo.
Sa pangalan pa lamang na "Kristiyanismo, halatang ang pinaka-sentro ng teolohiyang Kristiyano ay
ang
paniwalang si Hesus ay
angMesias(Hebre
o:ִשיַח ׁ ָמ
, mā
šiá
ħ) o ang Kristo
(hango sa salitan
gKastilang "Cristo
" , na mu la naman sa G
r iyegongΧριστός
,Christos
).Pinaniniwalaang si Hesus,
bilang Mesias, ay ang
Manunubos at Hari
ngsangkatauha
n, at ang kaniyang
pagparito ay ang katuparan
ng mgapropesiya
ng Lumang Tipan. Iba ito
mula sa konsepto ng
Mesias ngmga Hudyo, sapagkat ang sentrong paniniwala ng Kristiyanismo ay sapamamagitan ng pagkamatay
at muling pagkabuhay ni
Hesus, ang mg
amakasalanan ay bumalik na sa Panginoon, nailigtas mula
sa kasalanan,at nakamit ang
buhay na walang
hanggan.Sa halip ng mga
debate ukol sa
tunay na pagkatao ni
Hesus, angkaramihan sa mga Kristiyano'y naniniwala na siya ay Diyos nanagka
tawang-tao at "tunay na Diyos
na nagkatawang
tao".
Islam