dole car kasama sa buhay ng mga kasambahay

5
GOOD NEWS Department of Labor and Employment Cordillera Administrative Region January 29, 2015 DOLE-CAR, KASAMA SA BUHAY NG MGA KASAMBAHAY Ako si Helen Calub, 49 taong gulang, tubong Southern Leyte dating kasambahay, ngayon ay barangay kagawad at tumutulong na mapaunlad ang buhay ng mga kasambahay. Sa tulong ng Department of Labor and Employment- Cordillera Administrative Region, sa ilalim ng programang Kasambahay Law, ako at ang ibang miyembro ng Barangay Officials ay nangangako na dapat ang South Drive ay maging Kasambahay Friendly Barangay. At isang paraan para makamit namin ito ay ang pagbabahagi ng kaalaman sa aming mga kasama sa bahay patungkol sa kanilang benepisyo, karapatan at responsibilidad. Akala namin noong una, na kapag nalaman ng kasambahay kung anu- ano ang kanyang karapatan ay baka magbago ang kanyang pakikitungo sa kanyang mga pinagsisilbihan. Pero dahil sa Forum at Orientation na naganap noong linggo (January 18,2015) sa DSWD

Upload: julyenfortunato

Post on 12-Jan-2016

233 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

DOLE CAR

TRANSCRIPT

Page 1: Dole Car Kasama Sa Buhay Ng Mga Kasambahay

GOOD NEWS

Department of Labor and Employment

Cordillera Administrative Region

January 29, 2015

DOLE-CAR, KASAMA SA BUHAY NG MGA KASAMBAHAY

Ako si Helen Calub, 49 taong gulang, tubong Southern Leyte dating kasambahay,

ngayon ay barangay kagawad at tumutulong na mapaunlad ang buhay ng mga

kasambahay.

Sa tulong ng Department of Labor and Employment- Cordillera Administrative Region,

sa ilalim ng programang Kasambahay Law, ako at ang ibang miyembro ng Barangay

Officials ay nangangako na dapat ang South Drive ay maging Kasambahay Friendly

Barangay.

At isang paraan para makamit namin ito ay ang pagbabahagi ng kaalaman sa aming

mga kasama sa bahay patungkol sa kanilang benepisyo, karapatan at responsibilidad.

Akala namin noong una, na kapag nalaman ng kasambahay kung anu-ano ang

kanyang karapatan ay baka magbago ang kanyang pakikitungo sa kanyang mga

pinagsisilbihan. Pero dahil sa Forum at Orientation na naganap noong linggo (January

18,2015) sa DSWD Training Center, nag-iba ang aming pananaw sa kung ano ba nga

talaga ang nilalaman ng Kasambahay Law.

Dati ang alam lang namin sa DOLE ay tungkol sa mga empleyado ng mga pribadong

sector, pero dahil dito sa programang ito, mas nakilala namin ang Department of Labor

and Employment na kasama sa pagpapabuti ng relasyon ng mga kasama sa bahay at

ng mga tinatawag nilang mga Ate at Kuya.

Page 2: Dole Car Kasama Sa Buhay Ng Mga Kasambahay

Naaalala ko ang hirap ng isang kasambahay, bilang naging kasambahay din ako ng

halos 30 taon, una ang malayo sa pamilya, lumaki sa ibang lugar, at iyong ideya na

napagsisilbihan mo ang iba pero ang sariling pamilya hindi mo man lang magawang

mapagtimpla ng kape at maipagluto.

Mapalad ako, dahil napakabait at buti ng mga naging mga Ate at Kuya ko. Kaya naisip

ko ang sitwasyon ng iba nating kasambahay na ginagamit ng iba ang kanilang pagiging

inosente sa maraming bagay.

Marami sa mga kasama natin sa bahay ang galing sa mga probinsiya, marami sa kanila

sunud-sunuran na lamang sa lahat ng ipinag-uutos sa kanila kahit kung minsan ay hindi

na makatarungan.

Napakaraming bagong kaalaman ang aking nalaman: a) Sa edad ng pagiging

kasambahay- kung 15 years old ang kasama sa bahay, siya ay hindi maaring

magtrabaho ng hihigit sa walong oras, kumpara sa 18 years na kasama sa bahay na

pwedeng magtrabaho ng higit sa walong oras pero ang karagdagang oras na

pagtratrabaho ay may overtime pay. b) Ang mga kasambahay ay dapat na nakarehistro

sa Barangay bilang proteksyon nila at nang mailagda na sila ay residente sa isang

lugar, c) Mandatory benefits- kagaya ng isang araw ng pahinga, limang araw na service

incentives leave with pay kung ang kasama sa bahay ay mag isang taon ng

naninilbihan, sila rin ay entitled sa 13 month pay, kailangan siya rin ay may PhilHealth,

Pag IBIG at Social Security Services(SSS), sagot ng employer ang buwang hulog kung

ang kanyang sahod ay bababa sa limang libo at kung ito naman ay sobra ng limang

libo, ang kasambahay ay dapat na may hati sa pagbabayad ng kanyang mga benefits.

At higit sa lahat, ang ating mga kasama sa bahay ay kagaya rin ng sinumang tao na

naghahangad na mapabuti ang estado sa buhay.

End/juliennefortunato

Page 3: Dole Car Kasama Sa Buhay Ng Mga Kasambahay

More than 50 participants of the Forum and Orientation actively participates on the workshop regarding Kasambahay benefits, rights and responsibilities.

Page 4: Dole Car Kasama Sa Buhay Ng Mga Kasambahay