-
Senior High School
Kuwarter 1 - Modyul 1
Mga Konseptong Pangwika
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaang-
kin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Marianne Y. Monzolin
Editor: Lorna P. Almirante
Tagasuri: Dr. Clavel D. Salinas
Marivic M. Yballe (Moderator)
Tagaguhit: Marianne Y. Monzolin
Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent
Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief
Dr. Novie O Mangubat SGOD Chief
Mr. Isaiash T. Wagas LR Focal Person
Dr. Clavel D. Salinas EPS for SHS
Lorna P. Almirante Evaluator
Inilimbag sa Pilipinas ng :
Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon VII, Sangay ng Cebu Province
Office Address IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City 6000 Cebu
Telephone Number: (032) 520-3216 – 520-3217
E-mail Address: [email protected]
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
3
Unang Markahan—Modyul 1
Aralin 1: Mga Konseptong Pangwika
ni:
MARIANNE Y. MONZOLIN
SHS Teacher II
Juan Pamplona National High School
Tabuelan, Cebu 1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
4
Panimula
Sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum, ang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay itinuturing na isa sa mga Core Sub-
jects para sa Senior High School. Binibigyang pokus dito ang pag-aaral tungkol sa
pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng wikang
Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.
Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon kung saan na-
harap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagi-
tan nito, maaaring maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa ba-
hay lamang.
Hangad ng gumawa na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay maihatid sa
mga kabataang mag-aaral ang kinakailangang kaalaman upang matugunan ang
hinihingi ng asignaturang ito. Inaasahan na makaaangkop ang modyul na ito sa pan-
gangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan sa paggamit
ng wika sa pasalita at pasulat na pakikipagtalastasan na isinasaalang-alang ang
mga tuntunin at pagbaybay ng mga salita sa Filipino.
Sa unang Aralin ay matutunghayan ang mga Konseptong Pangwika kung saan
mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga maha-
halagang kaisipan na magsisilbing gabay sa lubusang pag-unawa sa wika. Ang lu-
busang pag-unawa tungkol sa wika ang magsisilbing tulay tungo sa paglinang ng
kakayahang komunikatibo ng mga kabataang mag-aaral. Mahalagang malinang ang
kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-
ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag ng kaisipan, adhikain,
damdamin at saloobin.
Inaasahang magsisilbing tanglaw ang modyul na ito upang magiging madali,
epektibo, at kapaki-pakinabang ang pagkatuto sa asignaturang ito.
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
5
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:
Dito inilalatag ang mga layuning inaaasahang matatamo sa
pagtatapos ng modyul. Matatamo lamang ito gamit ang
iba’ibang pamamaraan sa pagtuturo tungo sa pagkatuto
Ito ang bahagi kung saan tinataya ang kakayahan at kaala-
man ng mga mag-aaral sa mga araling dapat niyang matutu-
han at kung alin ang dapat pang palawakin at linangin
Ito ang mga gawaing sinubok ang dating kaalaman ng mag-
aaral bilang panukat sa kanilang natutuhan
Sa bahaging ito, sinusubok ang mapanuring pag-unawa ng
mga mag-aaral sa asignatura sa pamamagitan ng paglatag
ng mga gawain
Dito itinatampok ang paksa ng araling tatalakayin upang ma-
linang ang kasanayan ng mga mag-aaral
Sa bahaging ito, ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa
tungkol sa paksang tinalakay
Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-
isipan ang kabuluhan ng mga kaalamang natamo bago
magpatuloy sa susunod na bahagi
Sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mag-aaral sa kabuuan
ng aralin
Ito ang mga gawaing hahamon sa mga mag-aaral na ilapat
ang kanilang natutunan sa mga aktuwal na sitwasyon o ma-
katotohanang konteksto.
Dito tinataya ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral
kaugnay sa kabuuang araling tinalakay.
Ito ang mga karagdagang babasahin na magpapalawig sa
talakayan na susubok at hahasa sa tibay ng pag-unawa ng
mga mag-aaral. Maaari itong nakalimbag o mula sa internet
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
6
I. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang tamang sagot na hinihingi sa bawat ay-tem.Isulat ang titik at salita ng tamang sagot.
1. Isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa.
A. Wikang Opisyal B. Wikang Pambansa C. Lingua Franca
2. Legal na wikang ginagamit ng pamahalaan sa mga transaksyong panggobyerno, pasulat man o pasalita
A. Wikang Panturo B. Medium of Instruction C. Wikang Opisyal
3. Ito ang wikang ginagamit sa mga paaralan kung paanong matatamo ng mga mag-aaral ang leksyong dapat
matutunan.
A. Wikang Filipino B. Wikang Panturo C. Wikang Ingles
4. Paggamit sa iisang wika
A. Monolinggwista B. Monolinggwalismo C. Monosasyon
5. Tawag sa wikang kinagisnan mula pagsilang at unang itinuro sa isang tao
A. Unang Wika B. Pangalawang Wika C. Bilinggwalismo
6. Alinmang wikang natututunan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang saril-
ing wika o ang kanyang unang wika
A. Unang Wika B. Pangalawang Wika C. Bilinggwalismo
7. Pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan kundi nababatid din nila
ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika.
A. Speech Community B. Speech Club C. Lupon ng mga Katutubo
8. Tumutukoy sa kinaugaliang uri ng gawain, kinaugaliang pananalita, kinaugaliang ikinikilos ng isang lahi.
A. Wika B. Lahi C. Kultura
9. Tumutukoy sa wikang ginagamit ng dalawang taong magkaiba ang unang wika upang magkaunawaan.
A. Lingua Franca B. Lengua Franca C. Lengguwa Franca
10. Barayti ng wika na kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapa-
hayag.
A. Rehistro B. Sosyolek C. Idyolek
11. Ito ay barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o estatus ng isang gumagamit sa lipunang kanyang kinabib-
ilangan
A. Diyalek B. Idyolek C. Sosyolek
12. Ito ay eksklusibong salita o leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga propesyonal
A. Balbal B. Jargon C. Register
13. Ito ang pagkakaiba ng wika sa loob ng diyalek
A. Idyolek B. Diyalek C. Sosyolek
14. Ito ay wika na tinatawag ding bernakular na palasak sa isang lugar ng bansa
A. MTB-MLE B. Wikang Filipino C. Diyalek
15. Ito ay mga simbolong salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais ipahayag ng tao sa
kanyang kapwa.
A. Kultura B. Wika C. Pananaliksik
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
7
Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika (F11 PT-Ia-85)
Ano ang mga dapat asahan sa modyul na ito?
Narito ang mga inaasahang magawa ng mga mag-aaral :
• nakasusulat ng pangungusap o talata upang makabuo ng sariling pagpapakahulugan sa
wika at kultura sa pamamagitan ng Akrostik;
• naipapakita ang kakayahan sa pamamagitan ng iba’ibang gawain sa pagpapahalaga ng
wika sa Pilipinas;
• naipapaliwanag ang kahalagahan ng wika at nakababanggit ng mga tiyak na halibawa;
• naipapaliwanag ang mga kaisipan tungkol sa barayti ng wika; at
• nasusuri ang barayti ng wikang ginamit sa mga napakinggang programa sa radyo at
telebisyon.
Avatoon
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
8
Panuto: Gunitain ang inyong naging karanasan sa buhay at ang lahat ng aral na
inyong natutunan o kung mayroon man kayong napagtanto mula noong kayo ay
sanggol pa hanggang ngayon na malapit ng magtapos sa sekondarya. Isulat sa
bubble cloud ang sa tingin ninyo nais ipahayag o ang iniisip ng nasa larawan.
Nagkaroon ba ng kaibahan ang inyong mga naging sagot mula noong bata pa
hanggang ngayon? ______________________________________________
_______________________________________________________________
Gawain 1. Balikan natin!
https://study.com/cimages/videopreview/adolescence-stage-of-development-definition-and-explanation_111704.jpg
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
9
Gawain 2. Alamin natin!
Batay sa iyong mga sagot sa unang gawain, alamin natin ang mga pinagmulan nito. Isulat sa
mga patlang sa ibaba ng lawaran ang mga naging dahilan, impluwensiya o maging pinang-
galingan ng mga pahayag ito. Kanino mo kaya ito natutunan?
________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________
Magaling! Kumusta, klasmeyt! Madalas mo akong makakasama sa pagpapatuloy ng
iyong pagkatuto sa gawang modyul na ito.
Ako rin ay ginawa ng may-akda upang may-
roon kang makakasama sa bawat pagsubok
at nang sa ganoon ay hindi mo iisiping nag-
iisa ka lang sa pagharap sa mga ito.
Handa ka na ba? Tara, tuklasin natin!
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
10
Ano ang pumapasok sa inyong isipan sa tuwing naririnig ang salitang wika? Isulat
ang inyong mga sagot sa concept web
WIKA
Mamili ka! Mamili ng isang aktibiti na gagawin na nagpapakita ng pagpapahalaga ng wika sa Pilipinas.
1. Gumawa ng poster o islogan
2. Lumikha ng isang tula o hindi kaya ay Jingle
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
11
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Naipakikita at naipaliliwanag nang
maayos ang ugnayan ng lahat ng kon-
septo sa paggawa ng poster, islogan,
tula o di kaya ay jingle
21-25
Kaangkupan ng
konsepto
Maliwanag at angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng konsepto
16-20
Pagkamapanlikha
(originality)
Orihinal ang ideya sa paggawa ng ak-
tibiti
11-15
Kabuuang Presen-
tasyon
Malinis at maayos ang kabuuang
presentasyon
6-10
Pagkamalikhain
(Creativity)
Gumamit ng tamang kombinasyon
upang maipahayag ang nilalaman, kon-
septo at mensahe
1-5
Kabuuan
Pamantayan sa pagmamarka. Mamili ka!
https://i.pinimg.com/564x/d8/8e/9b/d88e9b84bd75b6bc51b5d39f007614b1.jpg
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
12
Wika ang ginagamit ng tao sa kaniyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at
pakikipag-usap sa kapuwa at maging sa sarili. Ito ang kasangkapan ng tao sa pagpapahayag at
pakikipagtalastasan.
Ano nga ba ang Wika?
Nagmula ito sa salitang Latin na “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila
Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng
isang maituturing na komunidad
Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tu-
nog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura.
Katangian ng Wika
Ang wika ay isang Sistema
Ponema—pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog na nakapagpabago ng kahulugan
kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng salita
Morpema—pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan
Sintaksis—makabuluhang pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo
ng pangungusap
Ang wika ay binubuo ng mga tunog
Ang wika ay arbitraryo Ang bawat wika ay may kaniya-kaniyang set ng palatunugan, leksikal,
gramatikal na istruktura na ikinaiba sa ibang wika
Ang wika ay pantao Naililipat o naisasalin ang kultura ng mga tao sa pamamagitan ng
wikang pantao
Ang wika ay naglalarawan ng kultura ng bansa Sa pamamagitan ng wika, nasasalamin ang
kultura ng isang bansa
Ang wika ay naglalantad ng saloobin ng tao Naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin
sa paraang pasulat man o pasalita.
https://www.slideshare.net/CeciliaRepalda/wika-26525414
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://www.slideshare.net/CeciliaRepalda/wika-26525414
-
13
Ang Wika at ang Kultura
Ayon kay Matienzo (2005), ang kultura ay tumutukoy sa kinaugaliang uri ng gawain,
pananalita, at kinaugaliang ikinikilos ng isang lahi na maaaring magbago, mabawasan o kaya’y
maglaho bunga ng impluwensiya ng nagbabagong lipunan, kapaligiran o bunga ng pag-unlad
ng teknolohiya.
Sang-ayon sa sinabi ni Jose Villa Panganiban (sa Bisa, et al., 1983), ang kaugnayan ng
kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit, ay malapit na malapit. Masusukat ang kultura ng
tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika.
Sa kabuuan, ang wika ay may malaking kaugnayan sa kultura. Ang wika natin ang ta-
gapagpakilala ng kulturang Pilipino. Sapagkat ang wika ang tagapagbadya ng mga buhay at ng
uri ng pakikipamuhay ng indibidwal, masasabi nating ang wikang Filipino ay isang simbolo o
isang sagisag ng kulturang Pilipino.
Wikang Pambansa. Isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng
isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at
tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Filipino ang ating Wikang Pambansa ayon sa
Saligang Batas ng 1987.
Wikang Opisyal. Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mama-
mayan at ibang bansa sa daigdig. Ayon kay Virgilio Almario, ang wikang opisyal ay ang
itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Isinasaad sa
Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”
Wikang Panturo. Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wika ng talakayang guro-mag- aaral na may kinalaman sa mabisang
pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. Ito ang wika sa pagsulat
ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at
INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
Ang Lingua Franca ng Pilipinas
Ang “lingua franca” ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng dalawang taong magkaiba ng
unang wika upang magkaunawaan. Montera, Godfrey G., Plasencia, Norly R. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura. P.2-10
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
14
Ang Pilipinas ay isang bansang may napakaraming wika kaya bihira na ang Pilipinong
monolinggwal o gumagamit ng iisang wika. Kung hindi siya bilinggwal (Paggamit at pagkontrol
ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika- Leonard
Bloomfield (1935)) sa unang wika at ibang wika sa Pilipinas, multilinggwal siya o gumagamit ng
higit pa sa dalawang wika.
Barayti ng Wika
Ang mga wika ay nagkakaroon ng barayti o pagkakaiba-iba. Ano nga ba ang barayti? Ito
ay pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal.
• Diyalek – ito ay wika na tinatawag ding bernakular na palasak sa isang lugar ng bansa.
Ito ay yaong wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lala
wigan.
• Idyolek - nakabatay sa partikular na paggamit ng isang tao ng kanyang wika na may
kaugnayan sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita. Ito ay inihahantulad
sa figerprints ng isang tao na tanging kanya lamang. Dito nailalantad ang estilo
sa pagsasalita ng isang indibidwal na maaaring maligoy o tuwiran, mabilis, o
mabagal.
• Sosyolek – ito ay barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o estatus ng isang
gumagamit ng wika sa lipunang kaniyang kinabibilangan – mahirap o
mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad at iba pang
salik o factor.
• Rehistro – ito’y paggamit ng iba’t ibang anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan
o larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa
okasyon at sa iba pang mga salik o factor
• Jargon - ito ay eksklusibong salita o leksikon ng iba’t ibang pangkat ng mga propesyonal
o mga gawain
Klasmeyt! Alam mo ba kung gaano kahalaga ang mga
barayti ng wika sa lipunan?
1. Napalalawak nito ang iskolarling pananaliksik
pangwika.
2. Napauunlad nito ang wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga salitang gagamitin sa
lipunan.
3. Napararami nito ang iba’t ibang katawagan ng
isang salita .
4. Natututlungan ang taong makapamili ng mga
Montera, Godfrey G., Plasencia, Norly R. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura. p.5-7
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
15
DIYALEK— ito ay wika na tinatawag ding bernakular na palasak sa isang lugar ng bansa. Ito ay yaong
wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lalawigan.
Halimbawa:
Tagalog – “Ang laki ng ibon.” / “Bakit parang kasalanan ko?”
Bisaya – “Kadako sa langgam” / “Nganung mura ma’g sala nako?”
Subukan natin ang iyong kaalaman sa iyong wikang kinamulatan. Isulat sa kabilang hanay ang inyong
kinalakihan na wika (Sebwano, Ilonggo, Waray, Bul-anun, atbp) at ibigay ang katumbas ng mga sali-
tang Filipino sa inyong diyalekto.
IDYOLEK - bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanil-ang pagkatao. .
Pansinin ang pagkakaiba sa paraan o estilo ng pagsasalita:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi naming kayo tatantanan” ni Mike Enriquez
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kuya Kim Atienza
SOSYOLEK - Ito ay napatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki ang nagagawa ng katayuang pan-lipunan (social status) ng tao sa kung paano siya magsalita at gumamit ng wika. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
“Repapips, ala na ako datung eh” (Pare, wala na akong pera)
“Oh my God! It’s so mainit naman dito.” (Naku, ang init naman dito!)
“Wa facelak girlash mo” (walang mukha o itsura ang girlfriend mo o kaya ay pangit ng girlfriend mo)
“Sige ka, jujumbagin kita!” (sige ka, bubugbugin kita!)
“May amats na ako ‘tol” (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid)
Filipino
Langgam
Bakuran
Kili-kili
Kumot
Kalupi
Montera, Godfrey G., Plasencia, Norly R. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura. p.5-6
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
16
Paksa: Pagbibigay-kahulugan sa Wika at Kultura
Panuto: Batay sa tinalakay tungkol sa wika at kultura, sumulat ng pangungusap o talata upang
makabuo ng sariling pagpapakahulugan sa mga ito sa pamamagitan ng akrostik. Tiyaking lahat
ng pahayag na isusulat ay may kaugnayan sa konseptong bibigyang-kahulugan.
W -
I -
K -
A -
K -
U -
L -
T -
U -
R -
A -
https://i.pinimg.com/736x/4c/
f3/76/4cf376ada91f9b6a04846e7605feabf5.jpg
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
17
Paksa: Kahalagahan ng Wika
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika at magbanggit ng mga tiyak na halimbawa ng
mga kahalagahang ito.
A. sa Sarili
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
B. sa Pamilya
________________________________________________________________

C. sa Paaralan

D. sa Bayan
________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
18
Paksa: Barayti ng Wika
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Ano-ano ang pagkakaiba ng wika, diyalek at rehistro?
2. Ano ang pagkakaiba ng sosyolek at diyalek?
3. Ano ang pagkakaiba ng idyolek at jargon?
4. Paano nakatutulong sa wikang Pambansa ang barayti ng Filipino?
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
19
Makinig ng isang programa sa radyo o programa sa telebisyon, o di kaya’y bidyu sa iba’t
ibang social media platform kung mayroong internet connection. Suriin ang barayti ng wikang
ginamit sa napakinggan/napanood.
___________________________________
Pamagat ng programang napanood o napakinggan
Natapos mo rin ang
unang Modyul,
klasmeyt.
Magaling!!! Kita kits ulit
tayo sa susunod.
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
20
Rubrik sa pagsusuri ng barayti ng wikang ginamit sa napakinggan/napanood
KATEGORYA PAMANTAYAN 4 3 2 1 PUNTOS
Estilo/pamamaraan
ng pagpapahayag
Mapanghikayat at paglala-
had ng mga kaisipan at
maayos na nailahad ang
mga pahayag
Mensahe/kabuuang
naibahagi
Impormatibo at makabulu-
han ang naibahaging sagot
Organisasyon Malinaw na naipaliliwanag
ang mga impormasyon mula
sa simula, gitna at wakas.
Paggamit ng angkop
na mga salita
Pormal, karaniwan, at
madaling maunawaan ang
mga salitang ginamit upang
mailahad nang mabisa ang
mga impormasyon
Kabuuang anyo/
porma
Wasto ang pagbabaybay, at
kapitalisasyon at angkop na
pagbabantas gayundin ang
kalinawan ng mga
pangungusap at mga talata
upang mailahad ang mga
Kabuuang puntos
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
21
Susi ng Pagwawasto
Panimulang pagtataya
1. B 2. C 3. B 4. B 5. A 6. B 7. A 8. C 9. A 10. A 11. C 12. B 13. A 14. C 15. B
Gawain 1. Balikan Natin!
Iba-iba ng sagot
Gawain 2. Alamin Natin!
Sanggol— mga magulang (nanay, tatay o mga kapatid kung mayroon man)
Bata— mga magulang, mga kalaro, gadgets (telebisyon, cellphone, etc.) at sa internet
Binata— mga magulang, kaibigan, guro o kaklase at sa mga gadgets (telebisyon, cellphone,
etc.) at sa internet
Tuklasin
Iba-iba ng sagot
Pagnilayan
Filipino Cebuano
Langgam hulmigas
Bakuran nataran
Kili-kili ilok
Kumot habol
Kalupi pitaka
TALASANGGUNIAN
Montera, Godfrey G., Plasencia, Norly R. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura.
Komprehensibong Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Phiazarra
Publishing House, Corp.
1ST G
ENER
ATION
MODU
LES -
VERS
ION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: [email protected]