Bigwas sa Neoliberalismo, Dutertismo Para sa Obrero:
Mga Mungkahing Repormang Maka-Manggagawa sa Pilipinas1
David Michael M. San Juan
Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila
Abstrak
Sa pagsisimula ng administrasyong Duterte, dalawang nagbabanggang
perspektiba sa Dutertismo ang namamayani: perspektibang negatibo na nakatuon sa
persepsyong neoliberal-awtoritaryan ang pangkalahatang ideolohiya ng ikalabing-anim
na pangulo ng Republika ng Pilipinas, batay sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag
at 8-puntong programang ekonomiko; at perspektibang positibo na nakapokus naman
sa progresibong potensyal ng ika-anim na administrasyong post-Edsa, batay sa
kanyang kapuri-puring track record ng pakikipag-ugnayan sa mga pwersang progresibo.
Sa ganitong konteksto, ang papel na ito’y naglalayong makapag-ambag sa pagtitimon
ng barko ng Dutertismo tungo sa higit na positibo/progresibong direksyon at palayo sa
mga polisiyang neoliberal tulad ng pleksibilisasyon ng paggawa, pribatisasyon ng mga
serbisyo, mababang pasweldo, regresibong sistema ng pagbubuwis atbp., partikular sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa
Pilipinas, sa lente ng Marxismo at mga kritikal na perspektiba sa neoliberalismo.
Mga susing salita: Patakarang pampaggawa, Neoliberalismo, Marxismo, Dutertismo
1 Borador/draft na isinumite sa isang progresibong journal.
Abstract
At the advent of the Duterte administration, two conflicting perspectives on
Dutertismo dominates the scene: the negative view that focuses on the perception that
the 16th president of the Republic of the Philippines’s ideology is generally neoliberal-
authoritarian, based on his controversial statements and his 8-point economic agenda;
and the positive perspective that focuses on the progressive potentials of the 6th post-
Edsa administration, based on his impressive track record of engaging with progressive
forces in the Philippines. Within this context, this paper is aimed at helping steer
Dutertismo towards a more positive/progressive direction, away from neoliberal policies
such as labor flexibilization, privatization of social services, low wages, regressive tax
system etc., particularly through expounding on suggested pro-labor reforms in the
Philippines, using Marxism and critical discourses on neoliberalism as lens.
Key words: Labor policy, Neoliberalism, Marxism, Dutertismo
Panimula
Niyanig ng kampanyang presidensyal ni outgoing Mayor Rodrigo “Digong”
Duterte ang establisimyentong politikal sa Pilipinas pagkatapos na maungusan nito ang
lahat ng kandidato sa pagkuha ng halos 40% ng boto sa pagkapresidente (16,601,997)
para manalo ng may lamang na 6,623,822 sa pinakalamapit na karibal sa bilangan ng
boto, sa kabila ng (o marahil ay dahil din sa) mga kontrobersyal niyang pahayag mula
sa isang biro hinggil sa panggagahasa (Corrales, 2016) hanggang sa pagmumura kay
Pope Francis (Ranada, 2015), na nagbunsod sa ilang midyang dayuhan para tawagin
siyang “Donald Trump ng Asya” (Chandran, 2016). Sa pagsusuri ni Simbulan (2016),
malaking tagumpay ang nakamtan ni Duterte sapagkat: “Despite his lack of national
political machinery and his last minute decision to enter the presidential contest, the
irreverent and ‘provinciano’ Duterte was elected the first president from the island of
Mindanao, considered to be the last frontier and backwater of the Philippines. Like a
loose cannon, he badmouthed even Pope Francis, publicly bragged about his
womanizing, and hurled insults at foreign ambassadors, many expected these
campaign booboos would lead to his sure defeat.” Tuloy ang pagsikat ni Duterte gaya
ng masisipat sa internet, kung saan usap-usapan ang “Dutertismo” na may 14,300 na
resulta sa Google search hanggang sa maisulat ang artikulong ito.
Para kay David (2016), ang Dutertismo ay tila habi ng “...stories of his frustrating
encounters with a dysfunctional national government and how he deals with these to
produce tangible results...” na nagpapahayag ng “...exasperation and desperation that
the people experience in their daily lives” taglay ang pangakong “...will and leadership to
do what needs to be done—to the point of killing and putting one’s own life on the line.”
Sa pagsusuri naman ni Chanco (2016), ang Dutertismo’y “A vision of capitalism with
Filipino characteristics, in other words, where a neoliberal economy and political
authoritarianism combine with the utmost efficiency.” Ayon naman kay Prop. Jose Maria
Sison, lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) at chief political consultant ng
National Democratic Front of the Philippines (NDFP), si Duterte’y tila isang pigurang
mala-Hugo Chavez (Tupas, 2015). Kaugnay nito, sa tantya ng CPP (2016), dalawa ang
maaaring tahaking direksyon ng Dutertismo: “...be like Venezuela’s Chavez who stood
up to the bullying of the US government and promoted nationalization, a social welfare
state and the arming of the people in Venezuela...” o “...be like Greece’s Tsipras who
defended the welfare state in political debate but who later acceded to IMF and EU
austerity policy-impositions...” Sa kabila ng mga puna sa estilo, pahayag at mga
panimulang deklarasyon sa polisiya ni Duterte, malaking potensyal din ang nakikita ni
Simbulan (2016) para sa ikalabinlimang presidente ng Pilipinas: “Dutertismo, if it aligns
and taps the experience of the resilient progressive people’s movement of the Left, can
go a long way to promote an alternative program that is consistently advancing national
sovereignty, for national industrialization, genuine agrarian reform and for an economy
truly controlled by Filipinos. After all, it was Duterte himself who stated during the
campaign that, he is willing to copy an economic and political program if it is for the
good of the poor majority and of the nation. It is the Philippine Left – the legal and
armed Left – that has always consistently advanced an economic and political program
that is pro-poor and advances national sovereignty.” Ang ganitong positibong
perspektiba sa Dutertismo ay pinatitibay ng mga progresibong pangako ni Duterte gaya
ng pangakong paglalaan ng apat na mahahalagang pwesto sa gabinete – Department
of Agrarian Reform/DAR, Department of Labor and Employment/DOLE, Department of
Environment and Natural Resources/DENR, at Department of Social Welfare and
Development/DSWD) – para sa mga progresibong nominado ng CPP (Sabillo, 2016),
bukod pa sa tahas na pangakong muling pagsisimula at pagpapabilis sa usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng
pagpapalaya sa mga bilanggong politikal (Information Bureau of the CPP, 2016). Ang
nominado ni Duterte para sa Department of Education (DepEd) ay kinikilala ring
progresibo (De Dios, 2016), bagamat hindi kasama sa listahang isinumite ng CPP.
Sa ganitong konteksto, ang papel na ito’y naglalayong makapag-ambag sa
pagtitimon ng barko ng Dutertismo tungo sa higit na positibo/progresibong direksyon at
palayo sa mga polisiyang neoliberal tulad ng pleksibilisasyon ng paggawa,
pribatisasyon ng mga serbisyo, mababang pasweldo, regresibong sistema ng
pagbubuwis atbp., partikular sa pamamagitan ng paglalahad ng mga mungkahing
repormang maka-manggagawa sa Pilipinas. Sa esensya, ang artikulong ito ay
pagpapalawak ng mga repormang inilahad sa mga dokumentong gaya ng “On Duterte’s
8-point economic agenda” ng Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN (2016), “Bukas na
liham para sa susunod na pangulong Rody Duterte ukol sa kanyang Eight-Point
Economic Agenda” mula kay Anakpawis Partylist Rep. Fernando “Ka Pando” Hicap
(2016), “Hindi lumingon–a second look? The economics of the Duterte administration” ni
Sonny Africa (2016), executive director ng IBON Foundation, at “What Duterte must do
for workers” ni Sr. Emelina Villegas, ICM, presidente ng board of trustees ng Center for
Trade Union and Human Rights/CTUHR (2016).
Wakasan ang Kontraktwalisasyon
Sa huling debateng presidensyal noong Abril, ganito ang pangako at paliwanag
ni Duterte (Inquirer.net, 2016) hinggil sa kontraktwalisasyon: “The moment I assume the
presidency, contractualization will stop. They have to stop it...we spend so much money
of government and people, ang mga bata, studying sa TESDA. Then they apply and
they are accepted as electrician, carpenter. Ang problema ho, after six months because
ang mga kumpanya, ayaw magbayad ng mga bonuses and even the 13th month
pay...kasi pagdating ng one year n’yan, they have to be paid. Yung mga bonus lahat na.
So to do away with it, tatanggalin nila before six months. That has to stop kasi sayang.
At ang mga workers natin, cannot acquire the skills that they learned from TESDA
because, electrician, maya-maya paalisin siya, maghahanap siya ng ibang carpenter.
And even you go abroad, it says three years experience. Our people, the young people
cannot ever, ever acquire the experience and the enterprise to really be an electrician
kasi, doon sa ibang trabaho kargador, yung iba boy lang siya, yung iba konduktor or iba
talagang walang trabaho. So that is an injustice committed against the people of the
Republic of the Philippines. I will not allow that as President of this country.”
Kung tutuusin, simpleng pagpapatupad lamang ng isang desisyon ng Korte
Suprema ang kailangan upang tuluyang maibasura ang kontraktwalisasyon. Sa Pure
Foods Corporation v. NLRC et al. (G.R. No. 122653; 12 December 1997), idineklarang
walang bisa at ilegal ng Korte Suprema ang 5-buwang kontrata ng mga manggagawa
ng Pure Foods sapagkat ang kontratang iyon ay ginamit lamang ng korporasyon upang
maikutan o macircumvent ang batas sa pagbibigay ng regular na trabaho. Sa nasabing
kaso sa Korte Suprema, pinatunayan ng mga manggagawa ng Pure Foods na sa
pagtatapos ng kanilang 5-buwang kontrata ay muli lamang kumukuha ng mga bagong
manggagawa ang kumpanya, at ang mga manggagawang iyon ay binigyan din ng
kontratang kahawig na kahawig ng sa mga tinanggal na manggagawa. Samakatwid,
malinaw sa pasyang ito ng Korte Suprema na ilegal ang kontraktwalisasyon. Bukod sa
implementasyon ng nasabing desisyon ng Korte Suprema, maaari ring bigyan ng
prayoridad ang pagsasabatas ng mga panukalang batas laban sa kontraktwalisasyon
gaya ng House Bill No. 1024 (“AN ACT STRENGTHENING THE RIGHT TO SECURITY
OF TENURE, PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF, AMENDING
PERTINENT PORTIONS OF THE LABOR CODE, AND FOR OTHER PURPOSES”) na
inihain ng Gabriela Women’s Partylist, Anakpawis Partylist, at Bayan Muna Partylist
noong 2004. Inihain naman ng Gabriela Women’s Partylist ang kahawig na panukalang
batas na House Bill 4396 “Prohibiting Labor-Only Contracting and Regulating Job
Contracting and Sub-contracting” noong 2014. Bukod sa mga panukalang-batas na ito,
noong 2016 ay inihain naman ni Rep. Karlo Alexei B. Nograles ang House Bill Nos.
5416, 5415, 5806, 6397 at 4659 para lutasin ang problema ng kontraktwalisasyon
(Philippine News Agency, 2016). Inihain naman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III
noong 2015 ang Senate Bill No. 3030 (“AN ACT STRENGTHENING THE
PROHIBITION AGAINST LABOR-ONLY CONTRACTING, AMENDING FOR THIS
PURPOSE PRESIDENTIAL DECREE NO. 442, OTHERWISE KNOWN AS THE
LABOR CODE OF THE PHILIPPINES, AS AMENDED”).
Malinaw kung gayon na simpleng “political will” na lamang ang kailangan upang
tuluyang maipagbawal ang kontraktwalisasyon. Kaugnay ng batas kontra-
kontraktwalisasyon, inaasahang mabilis at madali na itong makakalusot sa Kongreso
dahil na rin sa matibay na mayoryang nabuo na ng partido ni Duterte, bago pa man ang
kanyang pormal na proklamasyon (Cabacungan, 2016). Ang pagbabasura sa
kontraktwalisasyon ay unang hakbang na kinakailangan sa pagbibigay ng disenteng
trabaho sa maraming mamamayan, na magbubunsod din ng ekspansyon ng
kakayahang gumasta ng mga manggagawa, bagay na mainam at kailangan para sa
anumang tangkang industriyalisasyon.
Ipatupad Ang Disenteng Sahod Para sa Mga Manggagawa
Walang saysay ang pagbabasura sa kontraktwalisasyon kung hindi
magkakaroon ng disenteng sahod ang mga manggagawang Pilipino. Sa kasalukuyan,
217-466 piso ang range ng arawang minimum na sweldo sa Pilipinas. Sa
pangkalahatan, mas mataas pa sa 217 piso na minimum wage sa Rehiyon IV-B ng
Pilipinas, ang minimum wage sa Cambodia, Malaysia, Thailand, China, Taiwan, Hong
Kong, South Korea, Japan, New Zealand at Australia gaya ng ipinakikita sa Pigura Blg.
2. Gayunman, dapat bigyang-diin na ang GDP growth rate o tantos ng paglago ng GDP
ng Pilipinas – 6.1% noong 2014 – ay mas mataas pa kaysa sa GDP growth rate ng
Malaysia, Thailand, Hong Kong, South Korea, Japan, New Zealand at Australia batay
sa Pigura Blg. 3, kaya’t mahihinuhang kakayanin ng ekonomya ng Pilipinas na isustine
ang pagtataas ng sahod.
Pigura Blg. 1. Minimum Wage sa Metro Manila (2016).
Source: National Wages and Productivity Commission (2016a).
Bansa/Lungsod Arawang Minimum na Sahod
(sa Piso)
Bangladesh 105
Myanmar 130
Mongolia 152
Lao PDR 175
Pakistan 151-182
Cambodia 222
Vietnam 170-249
Indonesia 130-368
Philippines/IV-B 217-285
Philippines/XI-A 317.00
Philippines/VII 295- 353
Philippines/III 306- 357
Malaysia 300-338
Philippines/IV-A 267-362.50
Pigura Blg. 2. Minimum na
Arawang Sweldo sa Piling
Bansa/Teritoryo sa Asya-
Pasipiko.
Source: National Wages and Productivity Commission (2016b).
Pigura Blg. 3. GDP Growth Rate sa Piling Bansa/Teritoryo sa Asya-Pasipiko.
Thailand/Bangkok 398
China 201-441
Philippines/NCR 444-481
Taiwan 1,314
Hongkong 1,590
South Korea 1,669
Japan 2,263-3,037
New Zealand 2,974-3,719
Australia 4,688
Source: World Bank (2016a).
Ang panawagang pagtataas ng sweldo ay makatwiran at kinakailangan sapagkat
ang minimum na sahod sa Pilipinas ay halos kalahati lamang ng family living wage – o
sweldong kailangan ng isang pamilyang may 5 miyembro upang mabuhay nang disente
– na ayon sa Ibon Foundation ay 1,088 piso kada buwan (Tubadeza at Rosero, 2016),
at batay naman sa pagtataya ng Partido ng Manggagawa/PM ay 1,217 piso (Philippine
Daily Inquirer, 2013). Sa kasalukuyan, 750 piso ang arawang sahod para sa mga
manggagawa sa pribadong sektor at 16,000 piso ang buwanang sahod para sa mga
manggagawa sa gobyerno na hinihiling ng iba’t ibang grupo ng mga obrero (All
Workers’ Unity, 2016). Lalong nagiging imperatibo ang pagkakaroon at pagpapatupad
ng disenteng sahod para sa mga manggagawa kapag isinaalang-alang ang
katotohanan na ang porsyento ng mga mahihirap na Pilipino ay halos hindi nagbago sa
ilalim ng ikalawang administrasyong Aquino gaya ng ipinakikita sa Pigura Blg. 4, at ang
datos na nagpapatunay na hindi rin halos nagbago ang distribusyon ng kita ng Pilipinas
– malaki ang parte na napupunta sa pinakamayamang 20% ng populasyon (mula
noong 1990-2010, nag-average sa 50% ng kita ng bansa) at maliit lamang ang
napupunta sa pinakamahirap na 20% ng populasyon (nag-average sa 5.8% ng kita ng
bansa) – batay sa ipinakikita ng Pigura Blg 5. Malinaw na ang mga pinakamayayaman
lamang ang nakinabang sa paglago ng ekonomya sa mga nakaraang dekada.
Kapansin-pansin din na mas malaki pa ang porsyento ng populasyon ng mahihirap na
Pilipino kaysa sa mga mahihirap sa Laos, Cambodia, Vietnam, Thailand, Indonesia at
Malaysia, at batay sa mga kurba ay malinaw rin na mas mabagal ang pagtatagumpay
ng “gera kontra-kahirapan” ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa (Pigura Blg. 4).
Samakatwid, ang pagtataas ng sweldo ay isang porma ng makatwirang redistribusyon
ng kita at paglago ng ekonomya mula sa mga pinakamayayamang may-ari ng mga
korporasyon tungo sa mga manggagawa na may napakalaking ambag sa gayong
paglago ng ekonomya.
Pigura Blg. 4. Porsyento ng mahihirap (batay sa pamantayang pambansa/national
poverty line)2.
Source: World Bank (2016a).
2 Walang datos para sa Brunei, Singapore at Myanmar. Ipinagpapalagay na walang mahihirap sa Brunei at
Singapore.
Pigura Blg. 5. Distribusyon ng kita ng Pilipinas.
Source: World Bank (2016b).
Kaugnay ng panawagang pagtataas ng sahod, kinakailangang itigil ang
pagpapatupad ng 2-tier wage system/2TWS (sistema ng dalawang suson ng pasahod)
na ayon sa Ecumenical Institute for Labor Education and Research/EILER (2012) ay
binubuo ng “...unang antas (first tier)” o “...floor wage na itatakda ng gobyerno at
kalauna’y hahalili sa umiiral na regional minimum wage. Ibabatay ito sa itinakdang
poverty threshold kada rehiyon, o halaga na kailangan ng isang pamilya para masabing
hindi ito mahirap batay sa pamantayan ng gobyerno” at ng “pangalawang suson
(second tier)” o ang “productivity-based na sahod na nakabatay sa antas ng
produktibidad ng isang kumpanya o industriya.” Idinagdag pa ng EILER na “iba-iba ang
productivity-based pay kada kumpanya o industriya dahil iba-iba ang antas at batayan
ng produktibidad sa iba’t ibang pagawaan...ang manedsment ang pangunahing
magtatakda ng implementasyon ng productivity-based pay.” Bukod sa kontrol ng
manedsment sa pagtatakda ng implementasyon ng productivity-based pay, ang
pagtatakda ng unang suson ng sahod katapat ng poverty threshold ay hindi rin
paborable sa mga manggagawa dahil ang sukatan ng kahirapan sa bansa ay
minamanipula at artipisyal na pinababa ng gobyerno (Mangahas, 2011).
Balido ang konsern ng mga manggagawa hinggil sa posibleng pag-abuso at
pagsasamantala ng mga kapitalista sa 2TWS dahil na rin sa tahas na deklaradong
paniniwala ng mga kapitalista at ng gobyerno na “We want our minimum wage to entice
foreign investments in order to create jobs” (Employers’ Federation of the
Philippines/ECOP, 2013). Ayon sa presidente ng ECOP na si Edgardo Lacson, “Wage
should be market-driven” (Campos, 2014). Sa isang bukod na ulat, direktang sinisi ng
ECOP ang taunan ngunit maliit na pagtataas ng sweldo sa bansa sa diumano’y pagpigil
sa pagdami ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa (Osorio, 2010). Sa ganitong
diwa, malinaw na ang dokumentadong malakas na suporta ng mga kapitalista sa 2TWS
(Department of Labor and Employment/DOLE, 2015) ay repleksyon ng kanilang
pagnanais na gamitin ito para lalong baratin o panatilihing mababa ang minimum na
sweldo sa bansa. Ayon nga kay Marx (1867) ang “directing motive” ng kapitalismo ay
“...to extract the greatest possible amount of surplus value, and consequently to exploit
labor-power to the greatest possible extent” (par. 19). Makikita sa Pigura Blg. 6 ang
ilang posibleng senaryo ng mapagsamantala at anti-manggagawang implementasyon
ng 2TWS sa Pilipinas na kinakailangang hadlangan ng administrasyong Duterte. Ang
masamang karanasan ng mga manggagawa sa Amerika kaugnay ng 2TWS ay dapat
magsilbing aral sa mga manggagawang Pilipino. Sa Estados Unidos, tinututulan at/o
pinagwe(we)lgahan pa nga ng mga unyon ang 2TWS (Feeley, 2016; Associated Press,
2016; Hiltzik, 2015; Jones, 2015; Kirkland, 2013; Slaughter, 2011; Westfall, 2007),
habang sa Canada ay nagbanta ng welga ang mga manggagawa kapag isinama ng
manedsment sa plano ang implementasyon ng 2TWS (The Canadian Press, 2008).
Pigura Blg. 6. Disenyo ng 2TWS sa Calabarzon.
Source: EILER (2012).
Bawasan Ang Income Tax at Gawing Progresibo Ang Sistema ng Pagbubuwis
Importante rin sa pagpapalakas ng sitwasyong pinansyal ng mga ordinaryong
mamamayan ang pagpapababa sa income tax (buwis sa kita) lalo na ng mga
manggagawa at propesyunal tungo sa isang progresibong sistema ng pagbubuwis,
alinsunod sa Artikulo VI, Seksyon 28. (1) ng Konstitusyong 1987. Sa kasalukuyan,
pangalawa sa may pinakamataas na income tax ang Pilipinas sa mga bansang kasapi
ng Association of Southeast Asian Nations/ASEAN (De la Paz, 2015). Bukod dito, ayon
sa datos na kinalap ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (2016), mas
mataas din ang income tax ng Pilipinas kumpara sa mga sumusunod na bansa: Brunei:
0; Cambodia: 0 to 20%; Czech Republic: 15-22%; Egypt: 10% to 20%; Guatemala: 5%
to 7%; Hong Kong: 0 to 15%; Hungary: 16%; Jordan: 0 to 14%; Kazakhstan: 10%;
Kuwait: 0; Lebanon: 2% to 20%; Liechtenstein: 1.2% to 17.82%; Lithuania: 0 to 15%;
Macau: 0 to 12%; Macedonia: 10%; Malaysia: 0 to 26%; Mauritius: 15%; Moldova: 7%
to 18%; Monaco: 0; Mongolia: 10%; Montenegro: 9% to 15%; Nigeria: 7% to 24%;
Oman: 0; Palestine: 5% to 15%; Panama: 0 to 27%; Paraguay: 8% to 10%; Qatar: 0;
Romania: 16%; Saudi Arabia: 0; Serbia: 10% to 25%; Singapore: 0 to 22%; Sri Lanka: 0
to 15%; Switzerland: 0 to 13.2%; Syria: 5% to 15%; United Arab Emirates: 0; at
Uzbekistan: 7.5% to 22%. Kataka-taka na sa usapin ng buwis ay hindi binabanggit ng
gobyerno ang karaniwan nitong deklarasyon na kailangang sumunod sa global na
pamantayan ang bansa – isang argumentong ginagamit ng gobyerno para iwasan ang
pagtataas ng sahod sa bansa (Jaymalin, 2012) at para ipatupad ang pagdaragdag ng 2
taon ng senior high school sa pamamagitan ng programang K to 12 (San Juan, 2013).
Ayon sa explanatory note sa House Bill 5401 (AN ACT RESTRUCTURING THE
INCOME BRACKETS AND RATES OF TAX IMPOSED ON TAXABLE INCOME OF
INDIVIDUALS, AMENDING FOR THE PURPOSE SECTIONS 24, 32,33, 34 AND 35OF
THE 1997 NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE OF THE PHILIPPINES, AS
AMENDED) na inihain ng Bayan Muna Partylist (2015) sa pangunguna nina Rep. Neri
Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate, panahon na talagang baguhin ang mga tax
bracket sa Pilipinas dahil ang halaga na pinapatawan ng pinakamataas na porsyento ng
buwis (32%) noong 1986 – 500,000 piso kada taon – ay katumbas na ng 2.697 milyong
piso noong 2015. Sa ilalim ng House Bill 5401 ay makikinabang ang lahat ng income
bracket (Pigura Blg. 7): hindi na magbabayad ng income tax ang lahat ng sumusweldo
ng 33,000 piso kada buwan pababa (396,000 piso kada taon), kumpara sa dating
14,640 piso kada buwan pababa; 30% na lamang ang pinakamataas na income tax
kumpara sa dating 32%; at itinaas na sa 225,000 piso kada buwan (2,700,000 kada
taon) pataas ang halaga ng sweldo na papatawan ng 30% na income tax, kumpara sa
dating 41,666 piso kada buwan (500,000 piso kada taon) pataas na pinapatawan
ngayon ng buwis na 32%. Sa ispesipikong kompyutasyon, ang sumusweldo ng 33,000
piso kada buwan ay nagbabayad ng 1,336 pisong income tax kada buwan sa ilalim ng
kasalukuyang sistema. Kung gayon, sa panukala ng Bayan Muna Partylist ay
awtomatikong magkakaroon ng karagdagang 1,336 pisong kita kada buwan ang
sinumang sumusweldo ng 33,000 piso kada buwan. Samantala, ang mga sumusweldo
naman ng 41,666 piso kada buwan ay nagbabayad ng 4,250 pisong income tax kada
buwan sa ilalim ng kasalukuyang sistema. Samakatwid, ang sumusweldo ng 41,666
piso kada buwan ay awtomatikong makakatipid ng karagdagang 3,383 piso kada buwan
kapag pinagtibay ang panukala ng Bayan Muna.
Bukod sa pagpapababa ng buwis, kailangang bantayan din ang administrasyong
Duterte upang matiyak na hindi nito ipapatupad ang pagtataas ng value-added tax
(VAT) mula sa 12% tungong 14% at pag-aalis ng eksempsyon sa VAT para sa mga
senior citizen na kapwa mungkahi ng outgoing na kalihim ng Department of Finance
(ABS-CBN News, 2016). Ayon mismo sa International Monetary Fund/IMF, “VAT or
consumption tax is regressive, it hits the poor more than the rich” (Cerda, 2014).
Katunayan, 42.8% ng paggasta ng mga mahihirap na pamilya ay napupunta sa
pagkain at 20.7% naman sa “housing, water, electricity, gas and other fuels” (Philippine
Statistics Authority, 2013). Dapat bigyang-diin na ang mga sariwang pagkain lamang
(gaya ng isda, gulay at karne) at bigas ang exempted sa VAT, habang ang pagkain sa
fastfood, processed foods at mga grocery item ay may VAT, gaya rin ng tubig, kuryente
at gas. Samakatwid, sa pangkalahatan, ang pagbabawas ng buwis sa kita ay tiyak na
makapagpapasigla at makapagpapalago sa ekonomya sapagkat malaki ang posibilidad
na ang kalakhan ng karagdagang kita ng mga manggagawa mula sa pagpapababa ng
buwis sa kita ay kanilang gagamitin sa pagkonsumo ng mga produkto at
pagbili/pagtatamasa ng karagdagang mga serbisyo, batay na rin sa karaniwang padron
ng kanilang konsumpsyon at paggasta. Sa halip na pagtataas ng VAT, maaaring pag-
aralan ang posibilidad ng pagtataas ng buwis sa mga pinakamayayamang indibidwal
at/o korporasyon, gaya ng planong 75% na buwis para sa pinakamayayaman sa
Pransya (Chrisafis, 2012), at 90% na buwis para sa pinakamayayaman sa Estados
Unidos sa ilalim ng administrasyong Eisenhower – lebel ng buwis na nais ibalik ng isa
sa mga mayor na kandidato sa pagkapresidente ng Amerika ngayong 2016 na si Sen.
Bernie Sanders (Aleem, 2015).
Pigura Blg. 7. Panukalang Bagong Tax Brackets sa Pilipinas.
Source: Bayan Muna Partylist (2015).
Palakasin Ang Mga Unyon at Unyonismo sa Pilipinas
Sa kasaysayan ng Pilipinas at daigdig, napatunayan na ang mahalagang papel
ng mga unyon sa pagbabagong panlipunan. Halimbawa, sa mga huling bahagi ng
1800s, naipagtagumpay ng mga manggagawa ang panawagang maximum na walong
oras ng paggawa kada araw – na isang pag-igpaw sa lumang sistema ng lagpas sa
walong oras na trabaho – dahil sa malawakang kampanya at pag-oorganisa ng mga
unyon (Walters, 2016 at McInerney, 1996). Sa Pilipinas naman, isa sa pinakamalakas
na pwersang nakapagpahina – kundi man nakapagpatalsik – sa diktadurang Marcos
ang unyon ng mga manggagawa (West, 1997) na pawang nanguna sa mga
matatagumpay na welgang-bayan (general strike). Sa kasamaang-palad, sa
kasalukuyan ay tila mahina na ang unyonismo sa Pilipinas. Ang porsyento ng
unyonisasyon (unionization rate) sa Pilipinas—8.5% sa pribadong sektor at 14.9% sa
publikong sektor (Philippine Bureau of Labor Relations, 2012)— ay
napakahina/napakaliit kumpara sa unyonisasyon ng Sweden: 71%; Norway: 52%;
Denmark: 67%; at Finland: 74% (European Worker Participation Competence
Centre/EWPCC, 2013). Sa kabila ng pamiminsala ng neoliberalismo sa iba’t ibang
panig ng daigdig, nagtatamasa pa rin ang mga bansang ito ng Scandinavia ng “high
income equality, large, tax-financed welfare programs, powerful unions, and relatively
low unemployment rates” (Stahl at Mulvad, 2015) dahil na rin sa lakas ng mga unyon na
nagsisilbing talibang protektor ng mga benepisyo at karapatang ipinagwagi sa mga
naunang pakikibaka ng mga kilusang panlipunan. Kaugnay nito, makabuluhan ang
panawagan ni Villegas (2016) sa administrasyong Duterte: “So that workers can actively
and consciously protect their rights from abuses and harm, participate in discourses and
creative actions that will effect genuine change in the next six years of his leadership,
we urge Duterte to uphold workers’ right to organize unions freely. It is the workers’
means to achieving social justice and it gives them some guarantee that they will benefit
from economic growth. For the past two decades, the neoliberal policies implemented
by previous administrations, as well as the state-capitalist measures, have shrunk the
number of workers’ unions and unionized workers, leaving workers with very little, if
any, protection.”
Pigura Blg. 8. Trend sa Porsyento ng Unyonisasyon sa Sektor Pribado at Publiko sa
Pilipinas (2004-2013).
Source: Bureau of Labor Relations, sinipi sa pananaliksik ng Danish Trade Union
Council for International Development Cooperation (2014).
Mapapalakas ang mga unyon at unyonismo sa Pilipinas kung aalisin ng
administrasyong Duterte ang mga dokumentadong hadlang sa pag-oorganisa ng mga
manggagawa sa bansa, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng ilan sa mga
sumusunod na rekomendasyon ng International Trade Union Confederation/ITUC
(2012) na pawang alinsunod sa namamayaning labor standards sa ibang bansa: “The
government should commence urgent investigations and ensure that all cases of trade
union killings are resolved at the soonest possible moment; (w)orkers should be
free to elect their own representatives without illegitimate requirements; (t)he high
membership quota of at least 10 trade unions required for the
establishment of a national centre or trade union federation should be repealed; (t)he
Labour Code prescription for trade unions to submit their lists of members at least once
a year or whenever required by the Ministry should be abolished; (u)nions should be
allowed to call a strike for issues other than a bargaining deadlock and grave acts
of Unfair Labour Practice (ULP); (t)he excessive requirements to calling a strike in
the private sector should be eliminated. The Secretary of Labour and Employment
should not intervene through compulsory arbitration in strikes in industries which are
“indispensable to the national interest”; (t)he authorities should immediately
investigate and prosecute employers making death threats and using violence or
threatening to do so. The authorities should also investigate and prosecute
employers making threats to dismiss, or dismiss, blacklist, intimidate, or take any
other offensive measures against their employees for participating in unions; (t)he
government should take urgent measures to improve women’s participation in the
workforce and their access to better skilled and paid jobs and close the gender
wage gap.”
Palakasin Ang Ekonomyang Nakasandig-sa-Sarili at Ibasura ang Labor Export
Policy
Bukod sa mababang pasweldo, kontraktwalisasyon, mataas na buwis at
paghihigpit sa unyonismo, isa pang mahalagang suliranin na dapat lutasin ang mataas
na lebel ng kawalan ng trabaho o disempleyo (unemployment) sa bansa na
pinakamalala sa Timog-Silangang Asya (Pigura 8). Kakatwa ang sitwasyon ng Pilipinas
na tinaguriang “jobless growth” o makro-ekonomikong kaunlarang hindi nagbubunga ng
paglikha ng mga trabaho (Pitterle and Zhan, 2014). Ang paglikha ng sapat na trabaho
sa arkipelago ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng implementasyon ng
komprehensibong planong pang-ekonomya na nakapokus sa pagsandig sa sarili –
bagay na tinawag ni Amin (2014) na pagtatatag ng “autonomous national systems.” Sa
konteksto ng Pilipinas na isang arkipelagong sagana sa likas na yaman at yamang tao
(human resources), maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng
pambansa/makabansang industriyalisasyon, reporma sa lupa, at modernisasyon ng
agrikultura – mga progresibong polisiya na detalyado nang tinalakay ng napakaraming
Pilipinong mananaliksik at mga kilusang panlipunan (Recto, 1959; Hernandez, 1982;
Lichauco 1986 and 2005; Constantino, 1995; Salgado, 1997; Sison, 1998; Kilusang
Magbubukid ng Pilipinas/KMP, 2009; Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN, 2011).
Patatatagin ng reporma sa lupa ang kakayahang pinansyal ng mga magsasaka sa
bansa, bagay na makapag-aambag sa ekspansyon ng pamilihang lokal (domestic
market) para sa mga produktong kinokonsumo ng mga Pilipino at kakayaning isuplay
ng mga industriya sa bansa.
Pigura Blg. 8. Porsyento ng Kawalan ng Trabaho (Unemployment Rate) sa Timog-
Silangang Asya (1991-2013).
Source: World Bank, (2016c).
Bukod dito, ang reporma sa lupa ay makapagbibigay ng kagyat na alternatibong
trabaho sa mga manggagawa at mga propesyunal sa mga industriya at serbisyo na sa
kasalukuyan ay bumubuo ng 16% at 55% ng mga manggagawa sa bansa, kumpara sa
29% ng mga manggagawang Pilipino na nasa agrikultura (Central Intelligence
Agency/CIA, 2016). Kung susuriin ang ipinakikita ng Pigura 9, malaki pa ang potensyal
na mapalawak ang sektor ng agrikultura – na sa kasalukuyan ay nakapag-aambag ng
12% hanggang 13% lamang sa GDP ng bansa – sa pamamagitan ng pagbibigay ng
insentibo (tulad ng libreng lupa at pagsasanay na teknikal sa agrikultura) upang
mahikayat ang marami-raming manggagawa sa sektor ng serbisyo na lumipat sa sektor
ng agrikultura, lalo pa at sa kasalukuyan ay 57 na ang average na edad ng mga
magsasaka sa bansa (Casauay, 2014). Kung gayon, ang reporma sa lupa at
modernisasyon ng agrikultura ay magtitiyak din na may sapat na suplay ng pagkain ang
bansa, palayo sa magastos at pana-panahong walang katiyakang importasyon bunsod
na rin ng climate change na nakaapekto na rin sa ani ng mga bansang gaya ng Vietnam
(Maresca, 2016) na pinag-aangkatan ng Pilipinas ng bigas (Reuters, 2016). Sa
pamamagitan ng reporma sa lupa ay matitiyak din ang sapat na suplay ng hilaw na
materyales para sa ilang industriyang lokal. Samakatwid, komplementaryo sa
industriyalisasyon ang reporma sa lupa.
Pigura Blg. 9. Ambag ng Agrikultura, Industriya at Serbisyo sa GDP ng Pilipinas (2002-
2012).
Source: World Bank, sinipi sa pananaliksik ng Danish Trade Union Council for
International Development Cooperation (2014).
Sa pamamagitan ng industriyalisasyon ay mabilis na malilikha ang mga
modernong produkto at teknolohiyang kailangan ng mga magsasaka, mangingisda at
iba pang mga mamamayan ng bansa para sa pagtatamasa ng buhay na ganap,
komportable at kasiya-siya. Kaugnay ng industriyalisasyon, malinaw sa mga produktong
ineexport at iniimport ng bansa na malaki ang potensyal/kakayahan at pangangailangan
ng bansa sa pagtatayo ng mga industriya. Ayon sa Philippine Statistics Authority
(2015), nangunguna sa mga inaangkat ng Pilipinas ang “electronic products; mineral
fuels, lubricants and related materials; transport equipment; industrial machinery and
equipment; plastics in primary and non-primary forms; iron and steel; miscellaneous
manufactured articles; and telecommunication equipment” habang ang “electronic
products” (na karaniwa’y semiconductors – na mas akmang ikategoryang semi-
manuplatura); “woodcrafts and furniture; other mineral products” (kalakha’y mineral na
di pa napoproseso); “ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles; articles of
apparel; metal components; and coconut oil.”
Mahalaga rin ang papel ng sistemang pang-edukasyon sa mga layuning ito: ang
mga inobasyon sa agrikultura at industriya ay inaasahang mapabibilis at malilinang ng
mga paaralan, unibersidad at mga sentro ng pananaliksik (research centers) na
nakaangkla sa mga layuning pangkaunlaran ng bansa, tungo sa pambansa, panlahat at
sustentableng kaunlaran na para sa kagalingang pangmadla (common good) sa halip
na para sa tubo ng iilang korporasyon at indibidwal lamang. Taglay ng Pilipinas ang
marami-raming yamang tao at likas na kinakailangan sa pagpapaunlad ng bansa. Gaya
ng sinabi ni Sison (2015), ang sistemang pang-edukasyon na “...properly oriented,
planned and managed, could lead to genuine reforms that will truly benefit the Filipino
people and youth...A truly patriotic, mass-oriented, and scientific educational system will
be able to train millions of youth, help empower the people and build their nation
through heightened social consciousness, scientific knowledge and technical skills—
while also contributing to the general advance of human knowledge and development
worldwide.”
Kasabay ng implementasyon ng reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura
at industriyalisasyon, dapat unti-unting ilatag ang batayan para sa panawagang
wakasan ang mahigit tatlong dekada nang Labor Export Policy (LEP) o patakaran ng
gobyerno na magpadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa upang ang
mga migranteng Pilipino ay makabalik sa Pilipinas at makapag-ambag ng talino,
kasanayan at lakas-paggawa para sa pagbuo at pagpapatatag ng ekonomyang
nakasandig sa sarili. Kailangang unti-unting awatin ang bansa sa pagdepende sa
perang padala o remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Kapansin-pansin na
nananatiling mahirap at hindi industriyalisado ang bansa sa mga nakalipas na dekada
ng implementasyon ng LEP at ang mga import ng Pilipinas ay nananatiling mataas
sapagkat hindi man lamang nagtatangka ang gobyerno na palakasin ang pamilihang
domestiko sa pamamagitan ng industriyalisasyon, lalo pa at nagsisilbing salbabida ng
ekonomya ang mga remitans ng OFWs (San Juan, 2014). Mula 1999-2014, habang ang
remitans ng OFWs ay unti-unting tumaas bawat taon mula US$ 6,021,219,000 tungong
US$ 24,628,058,000, ang Pilipinas ay nagtala ng negatibong balance of payments
(imports minus exports), at ang sektor ng pagmamanupaktura ng bansa ay nag-average
lamang ng 22.81% ng ekonomya — pumailanlang sa 25% noong 2002-2003 at
sumadsad pa sa 20% noong 2013—mga datos na nagpapatunay na habang pinanatili
ang Labor Export Policy ay mananatili ring bansot ang mga industriya ng Pilipinas
(Central Bank of the Philippines, 2016; Philippine Statistics Authority, 2016; and World
Bank, 2016c). Kahawig ng sitwasyon ng Pilipinas ang sitwasyon ng Nepal na isang
bansang mahirap din, nakadepende sa remitans at may mahina ring sektor ng
pagmamanupaktura (Talahanayan 1). Bukod pa sa mahinang pagmamanupaktura,
dapat bigyang-diin na ang LEP ay nagbubunga rin ng malalang problemang brain drain
o pag-alis ng mga skilled na manggagawa at propesyunal para mangibang-bansa at
kumita nang mas malaki. Batay sa Pigura Blg. 10, Timor Leste lamang ang nakatalo sa
Pilipinas sa lala ng problema ng brain drain sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Ang brain drain ay ramdam na ramdam ng Pilipinas sa sektor ng kalusugan (nars,
doktor at midwife) at iba pang sektor ng mga propesyunal. Halimbawa’y mas marami
pang nars, doktor at midwife ang mga bansang destinasyon ng OFWs kaysa sa
Pilipinas mismo (San Juan, 2014). Ang pangmatagalan at matatag na kaunlaran ng
Pilipinas ay nakasalalay sa paghikayat sa mga migranteng Pilipino na bumalik sa bansa
para tumulong at mag-ambag sa modernisasyon ng agrikultura, industriyalisasyon, at
sa pangkalahatang proseso ng pagbubuo ng bansa (nation-building).
Talahanayan 1
Pagmamanupaktura at Remitans Bilang Porsyento ng GDP sa Piling Bansa sa
Asya (2009-2014)
Country Manufacturing as Percent of
the GDP
Remittance as Percent of the
GDP
200
9
201
0
201
1
201
2
201
3
201
4
200
9
201
0
201
1
201
2
201
3
201
4
Philippines 21 21 21 21 20 21 11.
9
10.
8
10.
3
9.8 9.8 10
South Korea 28 30 31 31 31 30 0.7 0.5 0.5 0.5 0.5 0.5
Malaysia 24 25 23 23 23 23 0.6 0.4 0.4 0.4 0.4 0.5
China 32 32 40 38 37 36 0.5 0.6 0.2 0.2 0.2 0.3
Nepal 7 7 6 7 7 7 23.
1
21.
7
22.
3
25.
4
29.
0
29.2
Source: World Bank (2016d and 2016e).
Pigura Blg. 10. Lala ng Brain Drain sa Timog-Silangang Asya3: 7 – Walang Problema
sa Brain Drain; 1 – Malala ang Problema sa Brain Drain (2005-2011).
Source: World Economic Forum, (2016).
Gamitin Ang Pondo ng Bayan Para sa Reporma sa Lupa, Modernisasyon ng
Agrikultura, Makabansang Industriyalisasyon at Nasyonalisasyon ng Mga
Pangunahing Industriya at Serbisyo
Tiyak na kakailanganin ang bilyun-bilyong piso para pondohan ang mga
progresibong repormang sosyo-ekonomiko na inilahad sa artikulong ito gaya ng
reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura, makabansang industriyalisasyon at
nasyonalisasyon ng mga pangunahing industriya at serbisyo. Isang kagyat na hakbang
na maaaring isakatuparan ang pagbabasura sa Presidential Decree/PD No. 1177
(Automatic Appropriations Act) na nagbigay-pahintulot sa gobyerno na gawing
prayoridad sa pambansang badyet ang pagbabayad ng utang sa halip na mga
3 Walang datos para sa Laos at Myanmar.
serbisyong panlipunan. Dahil sa PD No. 81 ng diktadurang Marcos – na hindi ibinasura
ng mga administrasyong post-Edsa – malaking porsyento ng badyet ng bansa bawat
taon ang napupunta lamang sa pagbabayad ng utang, ngunit hindi rin naman halos
nababawasan ang utang ng Pilipinas. Katunayan, gaya ng ipinakikita ng Talahanayan
2, mula 2009-2016, 5,955,406,000,000 piso ang kabuuang halagang ipinambayad ng
Pilipinas sa mga utang nito, ngunit sa panahon ding ito, lumobo ang utang ng bansa
mula 4,396,700,000,000 piso tungong 5,899,000,000,000 piso. Bunsod ng ganitong
pagbibigay-prayoridad sa pagbabayad ng mga utang na di naman nababawasan,
napakaliit na lamang ng badyet na inilalaan ng gobyerno sa mga serbisyong panlipunan
tulad ng edukasyon at kalusugan, gayundin para sa pagtatayo ng mga imprastraktura at
pagpapatupad ng mga repormang pang-ekonomya gaya ng industriyalisasyon.
Maaaring maging batayan ng pagbabasura ng PD No. 1177 ang Senate Bill No.
1591 (AN ACT AMENDING SECTION 31 OF PRESlDENTlAL DECREE NO. 1177,
ALLOCATING FIFTY PERCENT (50%) OF THE FUNDS “FREED” AS A RESULT OF
THE AMENDMENT TO AUGMENT THE INTERNAL REVENUE ALLOTMENTS (IRA)
OF LOCAL GOVERNMENT UNITS, PROVIDING FOR THE AUTOMATIC RELEASE
OF THE INTERNAL REVENUE ALLOTMENTS OF LOCAL GOVERNMENT UNITS
AND FOR OTHER RELATED PURPOSES) ni Senador Antonio Trillanes IV (2007) at
ang House Bill 1962 (AN ACT EFFECTIVELY REPEALING THE AUTOMATIC
APPROPRIATION FOR DEBT SERVICE AND INSTITUTIONALIZING THE
AUTOMATIC APPROPRIATION OF SIX PERCENT (6%) OF THE GROSS DOMESTIC
PRODUCT TO PUBLIC EDUCATION SECTOR SPENDING BY AMENDING SECTION
31 OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 1177 AND SECTION 26, CHAPTER 4, BOOK VI
OF EXECUTIVE ORDER NO. 292, OTHERWISE KNOWN AS THE “ADMINISTRATIVE
CODE OF 1987” WHICH REITERATES IN TOTO SECTION 31 OF PRESIDENTIAL
DECREE NO.1177) ni dating Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino (2010).
Kaugnay ng panawagang pagbabasura o kaya’y rebisyon ng PD 1177, dapat ding
ipanawagan ang pagsasagawa ng komprehensibong debt audit o pagsusuri sa mga
inutang ng mga administrasyong post-Edsa. Dokumentado na ang ilan sa mga
malalalang kaso ng pandarambong sa perang inutang ng Pilipinas sa panahon ng
diktadurang Marcos (African Forum and Network on Debt and Development/AFRODAD,
2007), ngunit hindi pa naisasagawa ang gayong debt audit para sa iba pang
administrasyon. Ilan sa mga proyektong inutang ng mga administrasyong post-Edsa
tulad ng North Rail Project (linyang mula Caloocan hanggang Malolos, Bulacan) – na
hindi natapos kahit na naubos na ang binabayaran pa rin ng Pilipinas ang pondong
inutang na humigit-kumulang $400 milyon – ay batbat ng anomalya (Rappler, 2013;
University of the Philippines/UP Law Center, 2005). Sa pamamagitan ng detalyadong
pagsusuri sa lahat ng utang ng bansa, matitiyak na ang babayaran lamang ng bansa ay
ang mga utang na talagang pinakinabangan ng sambayanan, at magiging batayan din
ito ng pagsasampa ng mga kaso ng katiwalian/pandarambong laban sa mga nagkasala
tungo sa pagbawi ng mga nakaw na yaman. Ang debt audit ay maaaring isakatuparan
sa tulong ng mga organisasyong internasyunal na eksperto sa isyu ng utang gaya ng
Comité pour l'abolition des dettes illégitimes/CADTM/Committee for the Abolition of
Illegitimate Debt.
Talahanayan 2
Badyet sa Pagbabayad ng Utang ng Pilipinas (2009-2016)
Taon Badyet Para sa
Pagbabayad ng
Interes ng Utang
Badyet Para sa
Mismong Utang
(Principal
Amortization)
Natirang Utang
(Disyembre ng bawat
taon)
2009 252,550,000,000 378,866,000,000 4,396,700,000,000
2010 276,212,000,000 405,363,000,000 4,718,000,000,000
2011 357,090,000,000 466,177,000,000 4,951,190,000,000
2012 333,107,000,000 405,463,000,000 5,437,000,000,000
2013 333,902,000,000 449,344,000,000 5,681,000,000,000
2014 352,652,000,000 440,931,000,000 5,735,000,000,000
2015 372,863,000,000 390,386,000,000 5,954,000,000,000
2016 392,797,000,000 347,703,000,000 5,899,000,000,000
(March)4
Kabuuan 2,671,173,000,000 3,284,233,000,000
Source: Bureau of National Treasury (2009-2016) at Department of Budget and
Management (2009-2016).
Bukod sa perang “matitipid” o magiging “impok” o “savings” ng pamahalaan dahil
sa pagbabawas ng badyet para sa pagbabayad ng utang at pagbawi sa mga nakaw na
yaman, maaari ring gamitin ang pondo ng Social Security System (SSS), Government
Service Insurance System (GSIS) at Pag-ibig Fund para sa pagtatayo ng mga
industriya na makapagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino at para sa modernisasyon ng
agrikultura. Mas mainam na sa pagpapaunlad ng bayan gamitin ang pera ng SSS,
4 Latest na available.
GSIS at Pag-ibig Fund kaysa gamiting puhunan sa stocks ng mga dayuhang
korporasyon at mga pribadong kumpanya sa Pilipinas dahil ang stock market ay laging
apektado ng mga krisis at instabilidad ng merkado gaya nang sagad na pagsadsad ng
mga stock market noong 2008 sa pagsambulat ng pandaigdigang krisis (Manda, 2010;
Chaudhury, 2011). Gayundin, dapat bigyang-diin na may conflict of interest at posibleng
korapsyon na kaugnay ng paggamit ng pondo ng SSS at iba pang pension fund para sa
mga negosyong kapitalista, kaya mas makabubuting ihinto na ang paglalagak ng pondo
ng bayan sa stock market. Ayon sa pananaliksik ni Maningat (2015), ang SSS ay nag-
oopereyt na tila isang “...huge corporation investing reserve funds, which are workers’
contributions, in enterprises that are explicitly linked to the business interests of
SSS commissioners.” Sa Estados Unidos, marami na ring ulat hinggil sa pagsadsad
ng halaga ng pension fund ng mga manggagawa, bunsod ng krisis sa stock market
(Johnson at Ricketts, 2013; Taibbi, 2013), bagay na maaaring mangyari rin sa Pilipinas.
Sa halip na simpleng pagbili ng sapi o shares sa stock market, higit na mainam na bilhin
na ng gobyerno mismo ang mga mahahalagang industriya, upang makatiyak na ang
tubo ng mga kumpanya ay ganap na mapakikinabangan ng sambayanan.
Isabansa Ang Mga Pangunahing Serbisyo at Industriya Gaya ng Kalusugan,
Transportasyon, Enerhiya Atbp.
Ang puhunang mula sa pondo ng bayan ay dapat ilagak sa mga serbisyo at
industriya na kapaki-pakinabang sa at direktang kailangan ng mga mamamayan tulad
ng kalusugan, transportasyon, enerhiya at iba pa, sa pamamagitan ng pagsasabansa o
pagsasailalim sa publikong kontrol ng mga ito. Ang kakayahan ng mga gobyerno na
pangasiwaan ang mga industriya ay pinatunayan na sa mga pananaliksik gaya ng kay
Chang (2007), partikular ang sa Singapore, Timog Korea, Taiwan, Austria, Finland,
France, Norway at Italy. Ani Chang, “State-owned enterprises can also be ideal where
there exists ‘natural monopoly’. This refers to the situation where technological
conditions dictate that having only one supplier is the most efficient way to serve the
market. Electricity, water, gas, railways and (landline) telephones are examples of
natural monopoly. In these industries, the main cost of production is the building of the
distribution network and, therefore, the unit cost of provision will go down if the number
of customers that use the network serves is increased. In contrast, having multiple
suppliers each with its own networks of, say, water pipes, increases the unit cost of
supplying each household. Historically, such industries in the developed countries often
started out with many small competing producers but were then consolidated into large
regional or national monopolies (and then often nationalized). When there is a natural
monopoly, the producer can charge whatever it wants to, as consumers have no one
else to turn to.” Samakatwid, dapat ikonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang
nasyonalisasyon ng mga gayong industriya upang maprotektahan ang mga konsyumer
sa sobrang taas na presyo at upang makatiyak na ang tutubuin ng mga industriyang ito
ay babalik sa gobyerno para sa karagdagang pondo sa mga serbisyo publiko. Bukod pa
rito, ayon sa Proposals for a Nationalist and Democratic Constitution na ang isa sa may-
akda ay ang makabayan na si Senador Lorenzo Tañada (c.1987), “The collective
determination of the Filipino people to assert economic independence and hasten
national industrialization and modernization of agriculture shall be attained through the
nationalization of all vital and strategic industries in line with this.” Iminungkahi rin
Tañada ang nasyonalisasyon ng mga sumusunod na industriya: “extractive and non-
replenishable industries such as mining, exploration and the like; industries involving
public service such as the generation and distribution of electricity, water,
communication and facilities, mass transportation, and fuel; industries strategic to
genuine economic development such as bank, fertilizers, steel, smelting basic
chemicals and drugs.”
Binigyang-diin din naman ni Lichauco (1988) ang superyoridad ng gobyerno
bilang tagapagsulong ng industriyalisasyon: “Ang estado ang pinakamataas na
pagpapahayag ng kolektibong personalidad ng sambayanan. Kung gayon, ito ang
pinakamatibay na kinatawan ng kapangyarihang soberanya ng mga mamamayan, mula
sa kapangyarihang mag-imprenta ng pera, hanggang sa kapangyarihang linangin at
patakbuhin ang patrimonya ng bansa, at ang kapangyarihang pumasok sa produktibong
negosyo…” Sa sitwasyon ng Pilipinas, ang ganitong tungkulin ng gobyerno ay nasa
mismong Konstitusyon (Artikulo XII, Seksyon 1): “The goals of the national economy are
a more equitable distribution of opportunities, income, and wealth; a sustained increase
in the amount of goods and services produced by the nation for the benefit of the
people; and an expanding productivity as the key to raising the quality of life for all,
especially the underprivileged. The State shall promote industrialization and full
employment based on sound agricultural development and agrarian reform,
through industries that make full and efficient use of human and natural
resources, and which are competitive in both domestic and foreign markets. However,
the State shall protect Filipino enterprises against unfair foreign competition and trade
practices.” Sa ganitong konteksto, malinaw na ang “full employment” o trabaho para sa
lahat ay isang obligasyon ng gobyerno na maisasakatuparan nang mas mabisa kung
pag-aari o kontrolado nito ang karamihan sa mga mahahalagang industriya. Hindi gaya
ng mga korporasyon na tubo ng stockholder ang pangunahing konsiderasyon sa
anumang pagpapasya, ang gobyerno ay obligadong isulong ang interes at kapakanan
ng mga mamamayan – ng mga komunidad. Samakatwid, higit na karapat-dapat
mangasiwa ng mahahalagang industriya ang gobyerno, lalo pa at sa mga nakalipas na
dekada ay bigo ang malalaking korporasyong pribado na lutasin ang problema ng
kahirapan, mababang sweldo at mataas na antas ng disempleyo.
Pangwakas: Lagpas sa Dutertismo, Ang Pagpapalaya ng Obrero ay Nasa Kamay
Nila Mismo
Wika nga ng pandaigdigang awit ng mga manggagawa (“L’Internationale”): “Il
n'est pas de sauveurs suprêmes/Ni Dieu, ni César, ni tribun/Producteurs, sauvons-nous
nous-mêmes...” (“Walang nakatataas na manunubos/Walang Diyos o Caesar o
tribuno./Mga manggagawa, iligtas natin ang ating mga sarili...”) Sa halip na pagsandig
sa iisang lider, kolektibong aksyon, sama-samang pagkilos ang pormula para sa
pagbabagong panlipunan. Ang mga repormang inilahad sa papel na ito ay inaasahang
hindi basta-basta ibibigay sa mga manggagawa, lalo pa’t ang 8-puntong programang
ekonomiko ni Duterte ay mas maka-kapitalista kaysa maka-manggagawa, ayon na rin
sa pagsusuri ng iba’t ibang pangkat ng mga manggagawa.
Gaya ng mga naunang tagumpay ng kilusang paggawa sa Pilipinas at sa
daigdig, sama-samang pagkilos ng mga mamamayan ang tunay na taliba at
tagapamandila ng pagbabagong panlipunan. “Poder popular en accion”
(“kapangyarihan ng bayan sa aktwal”/ “people power in action”) ang kailangan, sabi nga
sa himno ng Partido Socialista Unido de Venezuela (PSUV) na itinatag ni Hugo Chavez
– ang pigurang sinasabi ng CPP na maaaring maging katulad ni Duterte kung ang
Dutertismo’y tatahak sa progresibong landas. Pagmumulat, pag-oorganisa at
pagkilos/pagpapakilos pa rin ang pormula para makamit ang mga repormang
hinahangad. Pagmumulat: proseso ng pakikipag-usap sa mga kapwa inaapi,
pinagsasamantalahan o mga nasa laylayan ng lipunan tungo sa pag-unawa ng sariling
kalagayan at pagkakaisa sa planong aksyon para pagbabagong hangad kamtin. Pag-
oorganisa: pagtatayo ng mga grupo o pagpapalakas sa mga umiiral nang pangkat
upang ang mga maliliit o munting tinig ay lumakas at lumaki at kayaning
makipagtunggali sa mga makakapangyarihan sa lipunan. Pagkilos/pagpapakilos: sama-
samang paghakbang mula rito tungo roon, kolektibong pagsasabalikat ng mga plano
para sa reporma at pagbabago, bayanihan tungo sa pinapangarap na bukas – isang
lipunang malaya, mapagpalaya, maunlad, makatarungan at mapayapa.
Mga Sanggunian:
ABS-CBN News. (2016, May 24). Duterte urged to raise VAT to 14 pct, include seniors.
Retrieved from http://news.abs-cbn.com/business/05/24/16/duterte-urged-to-raise-vat-to-
14-pct-include-seniors
Africa, S. (2016, May 14). Hindi lumingon–a second look? The economics of the Duterte
administration. Ibon Foundation. Retrieved from http://ibon.org/2016/05/hindi-lumingon-
a-second-look-the-economics-of-the-duterte-administration/
African Forum and Network on Debt and Development/AFRODAD (2007). Illegitimate Debt
& Underdevelopment in the Philippines: A Case Study. Harare, Zimbabwe. Retrieved
from
http://s3.amazonaws.com/zanran_storage/www.afrodad.org/ContentPages/43088398.pdf
Aleem, Z. (2015, May 29). Bernie Sanders Wants to Tax the Rich at 90%. Here's Why That's
Not So Crazy. Mic. Retrieved from https://mic.com/articles/119630/bernie-sanders-
wants-to-tax-the-rich-at-90-here-s-why-that-s-not-so-crazy#.WFF7zKpsn
All Workers’ Unity. (2016, May 1). Aquino’s Tuwid na Daan: A Highway to Hell Workers to
intensify fight for a National Minimum Wage. Retrieved from
https://www.facebook.com/allworkersunity/posts/617267098424118
Alliance of Concerned Teachers-Private Schools. (2016, May 14). ON EDUCATION: 13
Challenges for President-Elect Rodrigo “Digong” Duterte. Retrieved from
https://www.facebook.com/ACTPrivateSchools/photos/a.682782298462404.1073741826
.637044549702846/1089150027825627/?type=3&theater
Amin, S. (2014). Saving the unity of Great Britain, breaking the unity of Greater Russia. Monthly
Review, Volume 66, Issue 07. Retrieved from
http://monthlyreview.org/2014/12/01/saving-the-unity-of-great-britain-breaking-the-
unity-of-greater-russia/
Associated Press. (2016, May 10). Machinists vote to strike at Spokane aircraft parts plant. My
Northwest.com. Retrieved from http://mynorthwest.com/288793/machinists-vote-to-
strike-at-spokane-aircraft-parts-plant/
Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN. (2011). National industrialization as framework for an
alternative mining program in the Philippines. Retrieved from
http://www.cpaphils.org/campaigns/NLMiningandHRSummit_National%20Industrializat
ion_BAYAN.pdf
Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN. (2016, May 13). On Duterte’s 8-point economic
agenda. BAYAN. Retrieved from http://www.bayan.ph/2016/05/13/on-dutertes-8-point-
economic-agenda/
Bayan Muna Partylist. (2015, February 3). House Bill 5401. Bayan Muna. Retrieved from
http://www.bayanmuna.net/sites/bayanmuna/files/HB%205401%20-
%20Personal%20Income%20Tax%20Reform.pdf
Bureau of Treasury. (2009-2016). National Government Debt. Retrieved from
http://www.treasury.gov.ph/news/news/
Cabacungan, G. (2016, May 26). From 3 to 300, PDP-Laban forms ‘supermajority’ in House.
Philippine Daily Inquirer. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/787547/from-3-to-
300-pdp-laban-forms-supermajority-in-house
Campos, O. V. (2014, December 21). Employers cautious on job outlook. Manila Standard
Today. Retrieved from http://manilastandardtoday.com/mobile/2014/12/21/employers-
cautious-on-job-outlook
Casauay, A. (2014, October 7). 'PH farmers endangered species' Guess what the average age of
farmers in the Philippines is?. Rappler. Retrieved from
http://www.rappler.com/business/special-report/world-economic-forum/2014/58607-ph-
farmers-endangered-species-pangilinan
Chandran, N. (2016, April 29). Rodrigo Duterte, known as Asia's Donald Trump, leads race for
Philippines presidency. CNBC. Retrieved from
http://www.cnbc.com/2016/04/29/rodrigo-duterte-known-as-asias-donald-trump-leads-
race-for-philippines-presidency.html
Chang, H.J. (2007). Bad Samaritans: The Myth of Free Trade and the Secret History of
Capitalism. Bloomsbury Press.
Chaudhury, M. (2011). The Financial Crisis and the Behavior of Stock Prices. McGill
University. Retrieved from
https://people.mcgill.ca/files/mohammed.chaudhury/CrisisApr042011.pdf
Chrisafis, A. (2012, July 6). François Hollande keeps election promise of raising taxes for
wealthiest. The Guardian. Retrieved from
http://www.theguardian.com/world/2012/jul/06/francois-hollande-election-taxes-france
Central Bank of the Philippines. (2016). Economic and financial statistics. Retrieved from
http://www.bsp.gov.ph/statistics/efs_ext2.asp#FCDU
Central Intelligence Agency/CIA. (2016). The World Factbook: Philippines. CIA. Retrieved from
https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/rp.html
Cerda, J. (2014, May 23). IMF: Focus on income tax, not VAT. Philippine Star. Retrieved from
http://www.philstar.com/business/2014/05/23/1326418/imf-focus-income-tax-not-vat
Communist Party of the Philippines. (2016, May 4). On Duterte’s promise of truce, peace talks.
National Democratic Front of the Philippines-International Information Office.
Retrieved from http://www.ndfp.org/category/statements/
Constantino, R. (1995). The nationalist alternative. Quezon City: Foundation for Nationalist
Studies.
Corrales, N. (2016, April 17). Duterte rape joke on Australian missionary: Too much? Philippine
Daily Inquirer. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/779912/viral-duterte-rape-
joke-on-australian-missionary
Danish Trade Union Council for International Development Cooperation. (2014). The
Philippines: Labour Market Profile. Retrieved from
http://www.ulandssekretariatet.dk/sites/default/files/uploads/public/PDF/LMP/lmp_philip
pines_2014_final_draft.pdf
David, R. (2016, May 1). ‘Dutertismo’ or clearheaded patriotism?. Philippine Daily Inquirer.
Retrieved from http://opinion.inquirer.net/94530/dutertismo
De la Paz, C. (2015, October 1). Why PH has 2nd highest income tax in ASEAN. Rappler.
http://www.rappler.com/business/211-governance/107617-philippines-highest-income-
tax-asean
De Dios, A. (2016, May 28). Duterte Chooses Social Watch Philippines' Lead Convenor for
DepEd. Philippine Basic Education. [Blog]. Retrieved from
http://www.philippinesbasiceducation.us/2016/05/duterte-chooses-social-watch.html
Department of Budget and Management (2009-2016). General Appropriations Act. Retrieved
from http://www.dbm.gov.ph/
Department of Labor and Employment/DOLE. (2015, April 13). ECOP credits two-tiered wage
system to ‘less politics’ in wage fixing. Retrieved from
http://www.dole.gov.ph/news/view/2777
Employers’ Confederation of the Philippines. (2013). ECOP Holds Symposium on Wage Order
NCR No. 18. Retrieved from http://www.ecop.org.ph/ecop-holds-symposium-wage-
order-ncr_no-18.php
Ecumenical Institute for Labor Education and Research/EILER. (2012). Praymer hinggil sa Two-
Tier Wage System (2TWS). EILER. Retrieved from http://www.eiler.ph/wp-
content/uploads/2012/07/2tws-primer_layout-2012.pdf
European Worker Participation Competence Centre/EWPCC. (2013). National industrial
relations. Retrieved from http://www.worker-participation.eu/National-Industrial-
Relations/Countries/
Feeley, D. (2016, February 8). Against the New Normal. Jacobin. Retrieved from
https://www.jacobinmag.com/2016/02/uaw-autoworkers-contracts-ford-chrysler-gm-fiat-
marchionne/
Gabriela Women’s Partylist. (2014). House Bill 4396. Gabriela Women’s Partylist. Retrieved
from
http://gabrielawomensparty.net/sites/gwp/files/HB04396%20ANTI%20CONTRACTUA
LIZATION%20BILL.pdf
Gabriela Women’s Partylist, Anakpawis Partylist, at Bayan Muna Partylist. (2014). House Bill
No. 1024. Gabriela Women’s Partylist. Retrieved from
http://gabrielawomensparty.net/sites/gwp/files/HB1024.pdf
Hernandez, A. (1982). Mga ibong mandaragit/Birds of prey. Quezon City: Progressive Printing
Palace.
Hicap, F. (2016, May 17). Bukas na liham para sa susunod na pangulong Rody Duterte ukol sa
kanyang Eight-Point Economic Agenda. Anakpawis Partylist. Retrieved from
http://www.anakpawis.net/2016/05/bukas-na-liham-para-sa-susunod-na-pangulong-rody-
duterte-ukol-sa-kanyang-eight-point-economic-agenda-mula-sa-anakpawis-party-list/
Hiltzik, M. (2015, October 13). Are those detested two-tiered UAW contracts finally on the way
out?. Los Angeles Times. Retrieved from http://www.latimes.com/business/hiltzik/la-fi-
mh-is-the-two-tiered-union-contract-20151013-column.html
Information Bureau of the CPP. (2016, May 25). CPP welcomes Duterte’s plan to release
political prisoners. National Democratic Front of the Philippines-International
Information Office. Retrieved from http://www.ndfp.org/cpp-welcomes-dutertes-plan-
release-political-prisoners/
Inquirer.net (2016, April 25). PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate. Philippine Daily
Inquirer. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/781485/read-complete-transcript-of-
final-presidential-debate
International Trade Union Confederation/ITUC (2012). INTERNATIONALLY RECOGNISED
CORE LABOUR STANDARDS IN PHILIPPINES REPORT FOR THE WTO
GENERAL COUNCIL REVIEW OF THE TRADE POLICIES OF PHILIPPINES.
Retrieved from http://www.ituc-csi.org/IMG/pdf/new_final_philippines_tpr_2012.pdf
Jaymalin, M. (2012, March 31). DOLE rejects calls for P125 wage hike. Philippine Star.
Retrieved from http://www.philstar.com/headlines/792572/dole-rejects-calls-p125-wage-
hike
Johnson, S. at Ricketts, D. (2013, February 3). US pension funds sue BlackRock. Financial
Times. Retrieved from http://www.ft.com/intl/cms/s/0/4f5002de-6c5c-11e2-b774-
00144feab49a.html#axzz4APr9UbUA
Jones, S. (2015, November 17).Wisconsin Kohler workers strike against two-tier wage. World
Socialist Website. Retrieved from https://www.wsws.org/en/articles/2015/11/17/kohl-
n17.html
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas/KMP. (2009). Praymer sa genuine agrarian reform bill
(GARB). Retrieved from
http://kilusangmagbubukid.weebly.com/3/post/2009/12/praymer-sa-genuine-agrarian-
reform-bill-garb.html
Kirkland, A. (2013, November 26). New York Airport Workers Organize to End Two-Tier Wage
System. The Nation. Retrieved from http://www.thenation.com/article/new-york-airport-
workers-organize-end-two-tier-wage-system/
Lichauco, A. (1986). Towards a new economic order and the conquest of mass poverty. Quezon
City: A. Lichauco.
Lichauco, A. (2005). Hunger, corruption, and betrayal: A primer on U.S. neocolonialism and the
Philippines crisis. Philippines: Citizens’ Committee on the National Crisis.
Lichauco, A. (1988). Nationalist Economics. Quezon City: Institute for Rural Industrialization,
Inc.
Manda, K. (2010). Stock Market Volatility during the 2008 Financial Crisis. The Leonard N.
Stern School of Business-Glucksman Institute for Research in Securities Markets.
Retrieved from
http://www.stern.nyu.edu/sites/default/files/assets/documents/uat_024308.pdf
Mangahas, M. (2011, October 7). No meat allowed for the poor. Philippine Daily Inquirer.
Retrieved from http://opinion.inquirer.net/14829/no-meat-allowed-for-the-poor
Maningat, J.M. (2015). Social Protection in aid of Corporations? The Filipino Workers’
Dilemma with Social Security. Asia Monitor Resource Centre. Retrieved from
http://amrc.org.hk/sites/default/files/Philippines_EILER_Discussion%20Paper%201.Soci
al%20protection%20in%20aid%20of%20corporations_0.pdf
Maresca, T. (2016, April 26). Vietnam's Mekong Delta hit with worst drought in 90 years. USA
Today. Retrieved from http://www.usatoday.com/story/news/world/2016/04/21/vietnams-
mekong-delta-hit-worst-drought-90-years/83231314/
Marx, K. (1867). Capital volume one chapter thirteen: Co-operation. Marxist Archives Online.
Retrieved from https://www.marxists.org/archive/marx/works/1867-c1/ch13.htm
McInerney, A. (1996). May Day, The Workers' Day, Born in the Struggle for the Eight-hour
Day. Liberation & Marxism, no. 27 (Spring). Retrieved from
http://sandiego.indymedia.org/en/2003/04/5397.shtml
National Wages and Productivity Commission/NWPC (2016a). CURRENT DAILY MINIMUM
WAGE RATES National Capital Region. NWPC. Retrieved from
http://www.nwpc.dole.gov.ph/pages/ncr/cmwr.html
National Wages and Productivity Commission/NWPC (2016b). Comparative Wages in Selected
Countries February 29, 2016. NWPC. Retrieved from
http://www.nwpc.dole.gov.ph/pages/statistics/stat_comparative.html
Osorio, M. E. (2010, September 20). Yearly minimum wage setting discourages investments –
ECOP. Philippine Star. Retrieved from http://www.philstar.com/business/613111/yearly-
minimum-wage-setting-discourages-investments-ecop
Palatino, R. (2010). House Bill 1962. Scribd. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc/44891282/HB-1962-Repeal-of-the-Automatic-
Appropriation-for-Debt-Service
Philippine Bureau of Labor Relations. (2012). Unions, CBAs and registration. Retrieved from
http://blr.dole.gov.ph/blr_files/blr_transparency/union,cbasandrwasregistration.pdf
Philippine Daily Inquirer. (2013, April 28). ‘NCR cost of living almost triple minimum wage.’
Retrieved from: http://newsinfo.inquirer.net/398567/ncr-cost-of-living-almost-triple-
minimum-wage
Philippine News Agency. (2016, May 8). House leader pushes measures designed to address
labor contractualization. Manila Bulletin. Retrieved from http://www.mb.com.ph/house-
leader-pushes-measures-designed-to-address-labor-contractualization/
Philippine Statistics Authority. (2012). Filipino Families in the Poorest Decile Earn Six
Thousand Pesos Monthly, on Average in 2012 (Results from the 2012 Family Income
and Expenditure Survey). Retrieved from https://psa.gov.ph/content/filipino-families-
poorest-decile-earn-six-thousand-pesos-monthly-average-2012-results-2012
Philippine Statistics Authority. (2016). National accounts and balance of payments. Retrieved
from http://www.census.gov.ph/content/national-accounts-and-balance-payments
Pimentel, A. (2015, December 8). Senate Bill No. 3030. Senate of the Philippines. Retrieved
from: https://www.senate.gov.ph/lisdata/2262419335!.pdf
Pitterle, I. and Zhang, R. (2014, March 19). World Economic Situation and Prospects Weekly
Highlight. Department of Economic and Social Affairs. Retrieved from
http://www.un.org/en/development/desa/policy/wesp/wesp_wh/wesp_wh49.pdf
Ranada, P. (2015, November 30). Duterte curses Pope Francis over traffic during his visit.
Rappler. Retrieved from http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/114481-
rodrigo-duterte-curses-pope-francis
Rappler. (2013, September 11). Northrail contractor got paid $129M more. Retrieved from
http://www.rappler.com/nation/38685-government-overpaid-northrail-contractor
Recto, C.M. (1959). Industrialization: The alternative to poverty. Retrieved from
http://www.thefilipinomind.com/2007/09/recto-reader-industrialization.html
Reuters. (2015, June 5). Philippines buys 150,000 tons rice from Vietnam, set to import more.
GMA News. Retrieved from
http://www.gmanetwork.com/news/story/499166/money/philippines-buys-150-000-tons-
rice-from-vietnam-set-to-import-more
Sabillo, K.A. (2016, May 23). CPP, NDFP welcome Duterte’s offer of Cabinet posts but….
Philippine Daily Inquirer. Retrieved from: http://newsinfo.inquirer.net/786044/cpp-ndfp-
welcome-dutertes-offer-for-cabinet-posts-but
Salgado, P. (1997). Social encyclicals: Commentary and critique. Manila: Lucky Press, Inc.
San Juan, D. M. M. (2013). Kaisipang nasyonalista at teoryang dependensiya sa edukasyon:
Ideolohikal na kritik ng programang K to 12 ng Pilipinas/Nationalism and dependency
theory in education: An ideological critique of the Philippine K to 12 program. Malay,
26(1), 96–120. Retrieved from
http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=viewArticle&path%5b%
5d=7156
San Juan, D. M. M. (2014). Pambansang salbabida at kadena ng dependensiya: Isang kritikal na
pagsusuri sa labor export policy (LEP) ng Pilipinas/National lifesaver and chains of
dependence: A critical review of the Philippine labor export policy (LEP). Malay, 27(1),
46–68. Retrieved from
http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path%5b%5d=86
08
Simbulan, R. (2016, May 11). Philippines 2016: How ‘Dutertismo’ can make a difference.
University of Nottingham. [Blog]. Retrieved from
https://blogs.nottingham.ac.uk/asiapacificstudies/2016/05/11/5011/
Sison, J.M. (1998). Krisis at Rebolusyong Pilipino/Crisis and Philippine Revolution. Amado V.
Hernandez Resource Center and College Editors’ Guild of the Philippines. Retrieved
from https://aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/02/krisis-at-rebolusyong-
pilipino.pdf
Sison, J. M. (2015, July 31). APEC’s neoliberal offensive and its effect on Philippine education.
Retrieved from http://josemariasison.org/apecs-neoliberal-offensive-and-its-effect-on-
philippine-education/
Slaughter, J. (2011, May 17). Unequal Pay for Equal Work. Labor Notes. Retrieved from
http://labornotes.org/2011/05/unequal-pay-equal-work
Stahl, R.M. at Mulvad, A.M. (2015, August 4). What Makes Scandinavia Different?. Jacobin.
Retrieved from https://www.jacobinmag.com/2015/08/national-review-williamson-
bernie-sanders-sweden/
Taibbi, M. (2013, September 26). Looting the Pension Funds. RollingStone. Retrieved from
http://www.rollingstone.com/politics/news/looting-the-pension-funds-20130926
Tañada, L. (c.1987). Proposals for a Nationalist and Democratic Constitution. Yes, Observe
National Independence & Peace/YONIP. Retrieved from
http://www.yonip.com/proposals-for-a-nationalist-and-democratic-constitution/
The Canadian Press. (2008, March 25). Hargrove: 2-tier wage system is 'not in the cards.' CTV
News. Retrieved from http://www.ctvnews.ca/hargrove-2-tier-wage-system-is-not-in-the-
cards-1.284847
Trillanes, A. (2007). Senate Bill 1591. Senate of the Philippines. Retrieved from
http://www.senate.gov.ph/lisdata/59085266!.pdf
Tubadeza, K. M. & Rosero, E.V. (2015, March 19). New Metro Manila P481 minimum pay far
from P1,088 family living wage – IBON Foundation, Retrieved from
http://www.gmanetwork.com/news/story/455590/money/new-metro-manila-p481-
minimum-pay-far-from-p1-088-family-living-wage-ibon-foundation
Tupas, J. (2015, October 10). Joma sees Duterte as Pinoy-version of Hugo Chavez. Manila
Times. Retrieved from http://www.manilatimes.net/joma-sees-duterte-as-pinoy-version-
of-hugo-chavez/223157/
University of the Philippines/UP Law Center. (2005). Legal, economic, financial and technical
opinion on the North Rail Project. Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).
Retrieved from http://pcij.org/blog/wp-docs/up-study-northrail.pdf
Villegas, E. (2016, May 27). What Duterte must do for workers. Philippine Daily Inquirer.
Retrieved from http://opinion.inquirer.net/94924/what-duterte-must-do-for-workers
Walters, J. (2016, May 1). Today is our day. Jacobin. Retrieved from
https://www.jacobinmag.com/2016/05/may-day-history-iww-haymarket-american-labor-
movement/
West, L. (1997). Militant Labor In The Philippines. United States: Temple University Press.
Westfall, M. (2007, August 11). Historic U.A.W. Leader Speaks out for Retirees and Workers.
Cornell University ILR School. Retrieved from
http://digitalcommons.ilr.cornell.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1006&context=westfall
World Bank (2016a). World Development Indicators. Retrieved from
http://data.worldbank.org/data-catalog/world-development-indicators.
World Bank (2016b). Poverty & equity data country dashboard (Philippines). Retrieved from
http://povertydata.worldbank.org/poverty/country/PHL
World Bank. (2016c). Unemployment rate. Retrieved from http://data.worldbank.org/data-
catalog/world-development-indicators?cid=GPD_WDI
World Bank. (2016d). Manufacturing, value added (% of GDP). Retrieved from
http://data.worldbank.org/indicator/NV.IND.MANF.ZS
World Bank. (2016e). Personal remittances, received (% of GDP). Retrieved from
http://data.worldbank.org/indicator/BX.TRF.PWKR.DT.GD.ZS
World Economic Forum (2016). Brain drain. Retrieved from
http://www.weforum.org/en/&sa=D&usg=AFQjCNHrtdT0Xj6HUHYa6ETnSlCI5yesKQ