Download - Christ Has Died
![Page 1: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/1.jpg)
Welcome to our Doctrine Seminar
![Page 2: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/2.jpg)
Si Kristo ay Namatay
![Page 3: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/3.jpg)
Si Kristo ay Namatay
Ika-8 Panayam
![Page 4: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/4.jpg)
Si Kristo ay Inilibing
![Page 5: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/5.jpg)
Ayon sa Mateo 20:17
“Nang nasa daan na si Hesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Aakyat tayo sa Jerusalem. Doon ay ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil. Siya ay tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus, ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw.’”
![Page 6: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/6.jpg)
Pag-akyat sa Jerusalem
Para sa taga Israel, ang Jerusalem ay “place of sacrifice” kung saan ang mga tao ay nag-aalay ng “handog na susunugin.”
Si Kristo ang “Kordero ng Diyos” na maghahandog ng kanyang buhay sa Jerusalem.
![Page 7: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/7.jpg)
Ang pagpapakasakit at kamatayan ay dalawang hindi matatakasang katotohanan na dapat harapin ng
bawat tao.
![Page 8: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/8.jpg)
Para sa mga Hudyo, ang krus ay sagisag ng
kahihiyan at kamatayan.
![Page 9: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/9.jpg)
Sa mga Kristiano, ang Krus ni Kristo
ay sagisag ng tagumpay at kaligtasan.
![Page 10: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/10.jpg)
Kabalintunaan ni Krus
• “Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay, alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita, ay siyang magkakamit nito” (Marcos 8:35).
![Page 11: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/11.jpg)
Dahil sa krus ni Kristo, ang paghihirap at kamatayan natin
bilang tao ay nagkaroon ng kahulugan at patutunguhan.
![Page 12: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/12.jpg)
(I)Ang Krus:
Sagisag ng Nagliligtas na Pag-ibig ng Diyos
![Page 13: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/13.jpg)
Paglilinaw!
Hindi tamang isipin na ang pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo ang nakapagliligtas sa atin.
Kung totoo yon, ang mga nagpahirap kay Hesus ang magiging tagapagligtas natin.
![Page 14: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/14.jpg)
Tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng
ganap na paghahandog ng pag-ibig ni Hesus
para sa kanyang Ama, at para sa atin.
![Page 15: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/15.jpg)
Ayon sa Juan 10:17-18
“Dahil dito ay minamahal ako ng Ama sapagkat inialay ko ang aking buhay upang ito ay kunin kong muli. Walang makakakuha nito sa akin; kusa ko itong ibinigay.”
![Page 16: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/16.jpg)
(II)Ang Pananaw ni Kristo
sa Kanyang Pagpapakasakit at Kamatayan
![Page 17: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/17.jpg)
1. Bilang Kanyang Misyon
“Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao ay dapat magbata ng maraming hirap. Siya ay itatakwil ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote, at ng mga eskriba, at ipapapatay. Ngunit sa ikatlong araw, muli siyang mabubuhay.” (Marcos 8:31)
![Page 18: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/18.jpg)
2. Katuparan ng mga Pahayag ng mga Propeta sa Matandang Tipan
“Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” (Lukas 24:25-26)
![Page 19: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/19.jpg)
(III)Ang Katangian ng Pagpapakasakit
at Kamatayan ni Kristo
![Page 20: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/20.jpg)
1. Mapangtubos
Sinabi ni Hesus, “ Ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami” (Markos 10:45).
![Page 21: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/21.jpg)
2. Dahil sa Kasalanan
• Ang pagdating ni Hesus ay “sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng tao” (Hebreo 2:17).
![Page 22: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/22.jpg)
Paglilinaw!
Isang pagkakamaling isipin na ang pagbabayad-pinsala ni Kristo ay bunga ng malupit na pagpaparusa ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan, dahil si Hesus ay wala namang kasalanan.
Kinasusuklaman ng Ama ang kasalanan at hindi si Hesus. Si Hesus ay minamahal ng Ama.
![Page 23: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/23.jpg)
Ang Katotohanan
• Ibinahagi ni Hesus ang pagmamahal ng Ama sa ating mga makasalanan, at malayang tinanggap ang “kalis” na ibinigay ng Ama.
![Page 24: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/24.jpg)
3. Para sa Atin• Ayon kay Pablo, “Si Kristo ay namatay
dahil sa ating mga kasalanan” (1 Corint 15:3).
• Ibig sabihin:1. Namatay si Hesus dahil sa
pagkamakasalanan ng mga tao.2. Namatay si Hesus upang ipakita sa atin at
palakasin tayo na mapaglabanan ang kasalanan at ang mga epekto nito sa atin.
![Page 25: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/25.jpg)
Pakikiisa sa Sakripisyo ni KristoAng sakripisyo ni Kristo ay hindi
nangangahulugan na hindi kailangan ang ating sariling mga sakripisyo.
Tayo ay tinatawag ni Kristo upang makibahagi sa Kanyang sakripisyo: “Kung ibig ninuman ang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin” (Mateo 16:24).
![Page 26: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/26.jpg)
(IV)Matinding Bunga ng Kamatayan ni Kristo
![Page 27: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/27.jpg)
(A)Pangkalahatan,
Nakatuon sa Katapusan, at Kaligtasang Nagbibigay-
lakas
![Page 28: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/28.jpg)
(1) Pangkalahatan
• Ayon kay Pablo, “Namatay ni Kristo para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Kristo na namatay at muling nabuhay para sa sa kanila” (2 Corinto 5:15).
![Page 29: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/29.jpg)
(2) Nakatuon sa Katapusan
Ang pagmamahal ni Hesus ay “Eskatolohikal” o nakatuon sa katapusan.
Namatay si Hesus upang ang lahat ng mga sumusunod sa kanya ay magkamit ng “buhay ng walang hanggan” (Marcos 10:30).
![Page 30: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/30.jpg)
(3) Kaligtasang Nagbibigay Lakas
• Si Kristo ay namatay at muling nabuhay upang ipagkaloob sa atin ang kanyang Espiritu na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
![Page 31: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/31.jpg)
(B)Lubusang Pagbabalik-loob
![Page 32: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/32.jpg)
Naparito si Hesus Upang Tayo ay Lumaya
1. Malaya mula sa mala-aliping pagkatakot sa Diyos.
2. Malaya mula sa pagdududa sa sarili.3. Malaya mula sa masamang relasyon sa
ibang tao.4. Malaya sa sariling pagkahilig sa
kayaman, kapurihan at kapangyarihan.
![Page 33: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/33.jpg)
(V)Ang Pagpanaog ni Kristo sa
Kinaroroonan ng mga Yumao
![Page 34: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/34.jpg)
Unang Kahulugan
• Ito ay isang patotoo na si Kristo ay tunay na namatay at inilibing.
![Page 35: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/35.jpg)
Ikalawang Kahulugan
• Ang gawaing pagliligtas ni Kristo ay alang-alang sa mga matuwid na namatay bago pa siya dumating.
![Page 36: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/36.jpg)
Ayon kay Apostol Pedro
Pinuntahan ni Kristo at inaralan ang mga espiritung nakabilanggo.
“Ipinangaral din ang Mabuting Balita sa mga patay upang mabuhay pa rin sila sa piling ng Diyos, kahit na sila ay inabutan na ng kamatayang itinakda sa kanila” (1 Pedro 3:19, 4-6).
![Page 37: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/37.jpg)
Ikatlong Kahulugan
• Ang lahat ng iniligtas ay tinubos sa pamamagitan ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo. Ito ay hindi napigilan ng panahon at kalawakan.
![Page 38: Christ Has Died](https://reader030.vdocument.in/reader030/viewer/2022012916/54924e74b47959604d8b45a2/html5/thumbnails/38.jpg)
Ika-apat na Kahulugan
Si Kristo ang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.
“Kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, mabubuhay naman ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo” (1 Corinto 15:20).