eloisa's special mission completed)
TRANSCRIPT
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
1/56
Prolouge
Ibinigay niya ang huling report kay Commander Red tungkol sa huli niyang misyon; ang
bawiin ang tiara ng pamilyang maharlika ng Britanya sa mga kamay ng isang underground
organization kasabay ang pagsagip sa nag-iisang tagapagmana ng tiara. Naupo siya sa couch
habang inaayos ang kanyang buhok.
Auburn. Untag sa kanya ni Commander Red. Auburn ang kanyang codename dahil
na rin siya kulay ng kanyang buhok. Matapos ma-i-scan ng commander ang mga report ay
tumayo ito at nilibot ang buong opisina.
I should say, mission accomplished. Why dont you try to have a vacation? Suhestiyon
nito na inihaba ng kanyang nguso.
I dont want to have a vacation. Baka mamatay ako sa boredom niyan. Nang magsimula
siya bilang isang secret agent ni Commander Red ay hindi na niya gustong magbakasyon dahil
na rin sa thrill na ibinibigay ng bawat misyong ibigay sa kanya. Shes twenty six, single, ulila at
hindi pa nararanasang magka-boyfriend. And the hell she cares sa mga bagay na iyon. Hindi
naman siyang pusong bato pero wala lang talaga siyang oras sa mga bagay na iyon.
Okay, kung iyan ang gusto mo. By the way, may bagong misyon akong ibibigay sa iyo.
Tila nagliwanag ang buong paligid sa kanyang narinig. Tumayo siya dala ng excitement. Baka
ipapadala siya nito sa Greece, Croatia o di kayay sa Caribbean Islands para sa mga misyon.
You need to protect a man-
Sa Greece? Sangat niya.
No. Nandito lang siya sa Pilipinas. Sumimangot siya. Pati naman kasi sa tuktok ng
Mount Apo ay narating na niya at ang pinakapusod ng Philippine Sea, memoryado na nga yata
niya ang mga lokasyon ng bawat bayan ng Pilipinas dahil hindi lang sampung beses siya
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
2/56
nagkaroon ng misyon sa bansa.
Pero, para ka na ring nakarating sa Greece dahil sa lalaking iyon. I think his looks are
much better than any Greek Gods. Pagpapatuloy nito na ikinataas ng kilay niya. Auburn, you
need to protect Rave Legazpi no matter what happened. Sumikdo ang dibdib niya nang
marinig ang pangalang iyon.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
3/56
Chapter One
A total make over for her. Mukha siyang fresh graduate sa ayos niya, may braces at
pulido sa pagkaka-pony tail ang buhok niya. Ang ikinatuwa niya ay hindi na niya kailangang
magsuot ng makapal ng salamin sa mata at ang nakakaasar ay wala pa siyang gaanong
impormasyon tungkol kay Rave Legazpi, dahil sa ibang bansa siya naglalagi ay wala siyang oras
para tumingin sa mga business magazines. Nakita na nga niya ang mga pictures nito at gwapo
naman talaga pero wala siyang ideya kung bakit niya kailangang protektahan ang binata.
Sumakay na siya sa bagong biling Nissan Tucson, hindi siya makakagamit ng mga mamahaling
kotse ngayon dahil fresh graduate ang kanyang katauhan. Nang makapasok sa loob ng
kumpanya ay nagtanong siya sa receptionist kung saan ang opisina ni Rave, itinuro nito kung
saan. She entered the elevator at pumunta sa ikalabindalawang palapag ng advertising company.
Nang tumapat sa office door ay kumatok siya. Walang nag-permiso para pumasok siya. She
knocked again pero wala pa rin. She turn the doorknob at halos mawala siya sa ulirat sa nakita.
Rave Legazpi is kissing a woman! Take note, torrid kiss pa iyon at halos mahubaran na ang
binata dahil kita na ang dibdib at abs niyon.
Hindi siya makaalis sa kinatatayuan, nakatitig lang siya sa mga ito, ni hindi niya
magawang takpan ang mga mata. Maya-maya pa ay napansin siya ng binata.
Who are you? Tanong nito na parang walang nangyayari at ang babae naman ay
patuloy ang paghalik sa leeg nito.
I-Im Eloisa Joy Peol. Nagkandauutal niyang sagot. Commander reminded her na
huwag gagamitin ang tunay niyang pangalan sa pag-a-apply bilang secretary ni Rave, pero huli
na ang lahat.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
4/56
Im applying for the position as your personal secretary. She tried to compose herself
pero napipigilan iyon ng mga titig ni Rave, kakaibang mga titig na parang gusto siyang halikan
tulad ng babae kanina.
Excuse us for a while, Janice. I have to do my work. Nag-ayos na ang dalawa at nang
lagpasan siya ng babae ay kita niya kung paano ito umirap sa kanya. Alas-otso ng umaga at may
naglalampungan, unbelievable. Dapat na siguro siyang masanay sa kanyang magiging boss, wala
pa siya pruweba pero alam na niyang napakababaero pala nito.
Bago pa siya makalapit sa binata ay hinagod na siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Just like scaaning her body kung pwede ba talaga siyang maging secretarya nito. Kumunot ang
noo nito kasabay ay paghawak sa baba.
Youre hired. Nagulat siya. Akala niya ay dadaan pa siya sa katakot-takot na interview
pero isang haguran lang ng tingin ay hired na agad siya. She stared at those luscious lips na
pawang namamaga pa dahil sa pakikipaghalikan sa babae kanina, ang matangos na ilong na
parang kay Richard Gutierrez at ang mga mata na kasingganda ng kay Ben Affleck. Napansin
niyang hindi pa pala nakasara ang butones ng polo nito kayat kita na ang yummy pandesal sa
tiyan nito. Napalunok siya ng sunud-sunod.
Ayos na? Biglang tanong nito. Sana naman ay satisfied ka na sa nakita mo, and the one
that you saw earlier is just my morning habit. Ingat ka baka ikaw na ang kasunod. Napanganga
siya, bigla siyang nakaramdam ng chill nang marinig iyon. Sounds too exciting!
Sige na, start working. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagbukas niya ng pinto nang
bigla na naman siyang tawagin nito.
Ahm, Eloisa right? Tumango siya. Next time, wear a sexy outfit. Masyado kang
descent sa suot mo. Nakangising sabi nito habang nakatitig sa dibdib niya.Manyak!
Ayoko nga. Bakit ko naman gagawin iyon? Sabi niya. Lalong lumawak ang
pagkakangisi ni Rave na nakaapekto sa kanyang sistema. Napakaganda ng ngiti ito lalo nat
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
5/56
sinamahan pa ng dimples sa magkabilang pisngi. Lumabas na siya ng office bago pa niya
tuluyang ma-rape ang binata.
Its been a nice morning for him, binisita siya ng maaga ni Janice at may bago na siyang
secretary. Alam niyang fresh graduate palang ito dahil obvious naman sa attire, too innocent na
parang ngayon lang nakakita ng dalawang taong naghahalikan. Ano kayang lasa ng mga labi
nito? He sensed na mas masarap pa kaysa kay Janice, ang pinagtaka niya ay hindi na niya
tiningnan ang resume nito, tinanggap agad niya. Parang nawala ang pagiging professional ng
katawan niya nang mga oras na iyon, he just gazed at her body and boom, secretary na agad ito.
Pumunta siya sa office ni Gabby, his younger brother. Another bachelor of Legazpi family,
magkaiba sila ng ugali nito pagdating sa mga babae. Likas siyang mahihilig sa mga babae
habang si Gabby naman ay taong bato. Kahit na maraming nanliligaw rito ay hindi nito
pinapansin, mga models, artista o di kayay mga anak ng mga mayayamang pamilya. Hindi na
siya nag-abalang kumatok sa office door nito, pumasok na lang siya sa loob at naabutang may
tinitipa ito sa laptop.
Oh, busy mo ah. Naupo siya sa office table nito.
Umalis ka diyan. May upuan o. Utos nito at hindi man lang siya binalingan ng tingin.
Ano bang ginagawa mo? Sinilip niya ang monitor ng laptop. Sumasagot lang pala ng
email, na-curious siya.
Sinong nag-email sa iyo? Tanong niya.
Si Mama. Mag-asawa ka na raw. Sagot ko, bukas may asawa ka na. Sabay tawa nito.
Ha-ha-ha! Nakakatawa! Sarkastikong sabi niya. Oo ngat marami siyang girlfriends
pero wala pa siyang balak humarap sa altar. Hindi naman siya takot pero gusto muna niyang i-
enjoy ang pagiging bachelor. Ang mama nila ang laging nag-uudyok na mag-asawa na silang
dalawa lalo na ang papa nila dahil gusto na ng mga ito na magkaapo. Kapag ganoong topic ang
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
6/56
pinag-uusapan ng pamilya ay tumatahimik na lang siya di katulad ng mga business meeting na
siya lang ang pinakamaraming comment.
Hindi pa nangangalahati ang araw ay halos sampung babaeng callers na ang tumawag at
iisa lang ang tanong: Where is Rave? At ang tanging sagot lang niya ay busy ito sa trabaho at
hindi naman nakontento sa tawag ang iba at sumusulpot na lang bigla sa opisina. At ngayon ay
ini-interrogate siya ng babaeng nagngangalang Alisa.
Wala ba talaga si Rave? Baka naman tinatago mo lang? Taas kilay na tanong nito.
Obvious naman ng model ito dahil sa tangkad ang ka-sexy-han. Ang ayaw lang niya sa get up
nito ay ang ayos ng mukha nito, OA sa kapal ng blush on.
Wala po rito si Sir Rave, may meeting with his brother. Magalang na sagot niya kay
Alisa. Sa halip na umalis ito ay sinara pa nito ang laptop na kasalukuyang gumagawa siya ng
report na isusumite niya kay Commander Red.
Miss, secretary ka di ba ni Rave? Mataray na tanong nito. I sa pa, tutusukin ko yang
mga mata mo! Kahit na naaasar na ay tumango siya. Handa siyang makipagbugbugan sa
babaeng ito ngayong oras na ito.
Yes, ako nga. At sabi sa akin ni Sir Rave huwag daw muna akong tatanggap ng bisita
ngayon kasi busy siya. Sabi niya kahit walang bilin ang boss niya.
Okay, pero sa oras na pwede na siya sabihan mo ako. Ako lang at wala nang iba. Bago
pa ito umalis ay nakatikim muna siya ng mabagsik na titig mula rito. Hindi siya nakaamang
nang may makitang pamilyar na tattoo sa batok ng babae, kitang kitang niya iyon dahil nakataas
ang ayos ng buhok nito. A black serpent tattoo.Maraming design ng tattoo sa buong mundo, baka
kahawig lang. She went back to her work ignoring the tattoo in her mind. Biglang tumawag si
Commander Red, bilisan siyang pumasok sa CR.Commander?
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
7/56
Kumusta? Tanong nito. May hint nga pala ako sa iyo. Keep Rave away from women.
Napatawa siya sa sinabi nito, tamang tama lang.
Yes, keep him away from bitches. Alam mo ba Commander, hindi pa sumasapit ang alas-
dose ng tanghali halos sampung babae na ang tumawag at bumisita rito. Kaaalis nga lang nung
isa, pero ang pinagtataka ko, yung serpent tattoo na nakita ko sa batok niya. Salaysay niya.
Hindi ko pa sigurado kung ano ang ibig sabihin ng tattoo na iyan. Ang alam ko ay
matagal nang wala ang Ceres. But you can send me a picture of it. Pinatay na nito ang kabilang
linya, bumalik siya ulit sa post niya. May kailangan siyang pasuking private site habang unti-
unting bumabalik sa kanya ang alaala ng nakaraan.
Nagising siya sa isanghindi pamilyarna lugar , bagamat nakakaramdam nghilo ay pinilit
pa rin niyang tumayo. Kailangan niyang makaalis kung nasaan man siya ngayon. Nilibot niya ng
tingin ang buong paligid. Nasa isang lumang warehouse siya base na rin sa mga nagkalat ng mga
basura at mga bakal.
Had a good night sleep?Sumulpot ang boses na iyon, hinanap niya pero hindi niya makita
kung saan nanggagaling iyon. Ang tanging natatandaan niya ay sumama siya kay Janus, ang
kanyang ka-date kagabi para sa isanghomecoming party para sa parents nito.
Janus?Ikaw ba yan?May takot siyang nadarama sa kanyang dibdib. Mula sa kaliwang
bahagi ng warehouse ay lumabas ito.
Ye s, its me. Janus is a half-Turkish andhalf-Filipino. Hindi makakailang gwapo ito at
tinitilian ng mga babae. Nakilala niya ito sa California nang mag-rock climbing siya, ito ang
nagsilbing mentorniya kahit na marunong siya.
Anong ginagawa natin dito? Humakbang siya nang kumirot ang tagiliran. Is she shot?
Bahagya niyang itinaas ang kanyang damit. A tattoo! Serpent design. Si Janus na ang lumapit sa
kanya athinawakan ang kanyang balat na may tattoo.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
8/56
Beautiful. I snt it? Hindi niya nagawang sumagot. Kita niya sa mga mata nito ang
panganib, sa katunayan ay hindi pa niya gaanong kilala ang binata. Basta basta na lang ay
nagtiwala siya rito. Bigla na lang nitong tinanggal ang butones ng polo nito at ipinakita ang katulad
ng tattoo.
Were both the same. I hope na nagustuhan mo ang re galo ko sa iyo. Ibinalik siya ni
Janus sa Pilipinas mula sa Turkey. Nang mapasakanya ang tattoo na iyon ay kung anu-anong
kaguluhan ang nangyari sa buhay niya, namatay sa plane crash ang mga magulang niya at
nanganib pa ang buhay niya. Hanggang sa nagtagpo ang landas nila ng lalaking nagngangalang
Alejandro Red, sinabi nito sa kanyang ang tunay na kahulugan ng tattoo. Ito raw ay simbolo ng
pinaka-notorius na terrorist group sa Amerika. Hindi lang ito mga terorista, binubuo ang mga ito ng
mga miyembro mula sa ibat ibang bansa. Pati mga pulitiko, artista ang mga kilalang tao sa alta-
sosyedad ay miyembro ng Ceres. Sa makatuwid ay ito ay ang modern Mafia ng mundo. Athindi niya
ginustong maging miyembro nito kahit na aksidente lang o sapilitan.
Matapos ang dalawang taon ay bigla na lang nawala ang Ceres, maging anino Janus ay
hindi na niya nakita. Siguro ay watak-watak na ang organisasyon mula nang buwagin ni
Commander Red ang Ceres.
Eloisa. Natigil ang pag-iisip niya nang sumulpot sa harap niya si Sir Rave.
Yes sir? Disoriented na tanong niya.
Kanina pa kita tinatawag, hindi ka naman sumasagot. Nababagot na sabi nito.
Sorry sir. Ano po bang problema? Paumanhin niya.
Wala namang problema. Pasado ala-dose na, nag-lunch ka na ba? Tumingin pa ito sa
wristwatch na suot. Hindi pa nga pala siya kumakain.
Hindi pa po sir. Sagot niya. Bigla na lang siya nitong hinila pasakay sa elevator. Hindi
na siya nagtanong dahil iniisip pa niya kung buhay pa si Janus o hindi.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
9/56
Ngayon lang siya naka-encounter ng babae na wala ang atensiyon sa kanya habang
kumakain ng tanghalian. Sumusubo naman si Eloisa ng steak pero malalim ang iniisip, parang
nasa ibang mundo ang utak. Kung na-stress ito masyado sa first day of work nito ay nangangako
siya sa sarili na hindi na niya ito bibigyan ng mabigat na trabaho kapalit ng atensiyon.
Eloisa, may problema ba? Tanong niya rito. Umiling ito pero hindi man lang siya
tinapunan ng tingin. Napakaseryoso ng mukha nito. Nahirapan ka ba sa trabaho? Tanong ulit
niya at muli ay umiling ito at hindi man lang siya tiningnan.
Alam mo ba? Hindi ko alam kung bakit hindi mo ako pinapansin, niyaya na nga kitang
mag-lunch. Kunwariy nagtatampong sabi niya at saw akas ay tumingin ito sa kanya.
Sir, wala naman po akong sinabing sasama ako sa inyo. Hinila ninyo na lang po ako rito,
hindi ninyo man lang tinanong kung gusto kong kumain. Tsaka isa pa sir, walang mahirap na
trabaho para sa akin. Ang nakakapagod nga lang eh sagutin ang lahat ng tanong ng mga babae
ninyo kung saan kayo nagsususuot at isa pa sir, busy ang utak ko. Sandwich na lang ang
kakainin ko. Litanya nito at kinuha ang sandwich at saka siya nilayasan. Hes been rejected!
For the first time! Hindi na niya tinapos ang pagkain at sinundan si Eloisa sa office. Bigla niyang
nakasalubong si Gab.
Mukhang aburido ka? Tanong nito. Anong problema?
Ang bago kong secretary. Maikling sagot niya habang asar na asar pa rin.
Bakit? Hindi ba siya qualified? Tatanggalin mo na? Hindi niya kayang tanggalin si
Eloisa sapagkat magaling ito sa trabaho, mabilis kumilos.
No. Hindi niya ako pinapansin maliban na lang sa mga utos ko. Asar! Maganda si
Eloisa at parang nawalan na siya ng interes sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya nang
makita ang mala-anghel na mukha nito. Tinampal siya ng kapatid sa noo.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
10/56
Gago! Pang-aasar pa nito. For the first time! He-he-he!
Hoy, mas nakakatanda ako sa iyo! Respect tol! Siya naman ang tumampal sa noo nito.
Sige kuya, kakain lang ako. Good luck kay Eloisa! Ngali-ngali niyang suntukin ang
mukha nito para magtanda. Mayroong malaking hamon sa buhay niya at sa pagkalalaki niya.
Kahit hindi niya maging girlfriend ang dalaga ay sana naman ay pansinin man lang siya nito.
Pero mas maganda yata kung maging kami?Sangat ng munting tinig na hindi niya alam kung
saan nagmula.
Hinanap niya si Eloisa sa loob at labas ng opisina pero hindi niya ito mahagilap, baka
nasa banyo lang pero lumipas ang isang oras ay wala pa rin ito. Siguro ay nag-late lunch.
Dumaan si Mang Nestor, ang janitor ng kumpanya.
Mang Nestor, pwede ho bang magtanong?
Ano po ba iyon sir?
Nakita ninyo ho ba si Eloisa? Yung bago kong secretary? Napahawak sa baba si Mang
Nestor at pawing nag-iisip.
Nakita ko ho kanina papunta sa clinic. Sige ho sir, maglilinis pa po ako sa baba.
Tumango siya at nagpasalamat rito. Sumunod naman siya sa clinic.Ano naman kayang ginagawa
ni Eloisa roon?
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
11/56
Chapter Two
Cristof, maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi kong nanganganib ang buhay ni Sir
Rave? Tanong niya kay Cristof, ang doktor sa company. Nag-provide si Rave ng clinic para sa
lahat, mapa-empleyado man o customers. Si Cristof ay isa ring agent ni Commander Red, stable
na ang buhay nito kasama ang asawat dalawang anak. Hindi na rin ito nagpo-focus masyado sa
mga mission dahil sa kanya na ibinigay ni Commander.
May posibilidad na oo at hindi. Sagot nito habang inaayos ang medicine cabinet. Oo,
dahil walang imposible ngayon. Siguro ay maraming galit kay Sir Rave dahil marami na rin
siyang nakalabang mga bigating business tycoons. Baka nga isang araw bumulagta na lang iyan
sa harap ng kumpanya. At hindi, dahil alam ko namang mapo-protektahan mo siya. Iyon naman
ang misyon mo di ba? Ngumiti ito sa kanya, nakasama na niya si Cristof sa mga misyon,
magaling ito at mataktika kaya lagi silang tagumpay sa bawat pagsubok.
Yes, thats my mission. Pero ang inaalala ko ay ang Ceres. I dont know if that
organization still exists or not. Earlier, may nakita akong babae. She have the tattoo of the Ceres,
just like mine. Natigilan si Cristof. Bakit?
Sinong babae iyong nakitaan mo ng tattoo? Tanong nito.
Si Alisa. Yung model? Sagot niya. Tumango-tango si Cristof.
Hindi ko rin sigurado. Pero protektahan mo si sir Rave, maraming babaeng luluha
kapag nawala iyon. At tumawa ito.
By the way, can you make some device para malaman ko kung nasaan siya. Locator? At
para na rin malaman ko kung nasa panganib siya in case. Isa rin si Cristof sa mga gumagawa
ng mga devices sa agency at patuloy pa rin itong nag-su-supply ng mga gadgets.
Sure! I need his blood. Nakangiting sabi nito.
Ha? Parang nabingi siyang bigla. Anong gagawin mo sa dugo?
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
12/56
Well, sa akin na lang iyon. Im making some cure for AIDs. Tumaas baba pa ang mga
kilay nito.
Bakit? May AIDS ba si Sir?
Hmmm.. nice topic. Nagsimula nang magkwento ang duktor.
Nanlaki ang mga mata niya sa mga narinig. Imposible! Paano nangyari iyon?! Hindi na
niya nagawa pang makinig. Kung nanganganib talaga ang buhay niya ay dapat na siyang mag-
iba ng lifestyle. More responsible, mas mabait lalo na sa mga babae. Bumalik na siya sa opisina
at hindi na nahintay si Eloisa. Kung may paraan pa para mabuhay siya ay gagawin niya.
Halos mag-iisang buwan na siya sa kumapanya, wala pa namang natatanggap ng death
threats si Rave kahit na madalas itong lumalabas kasama si Alisa. Mas namamatyagan niya ang
binata dahil sa nanochip na nakadikit sa wristwatch nito. Napag-alaman kasi niya na lagi itong
may suot na relo kahit saan mag ito magpunta at ang maganda ay water resistant ang relo. Hindi
pa rin niya alam kung para saan ang gagamitin ang dugo ni Rave, nakakuha si Doc Cristof ng
dugo nito nang magpa-blood test ang boss niya.
Mayroon na siyang ka-close sa trabaho, si Heide. Bagong secretary ito ni Sir Gab matapos
mag-resign si Cheryl, ikakasal na raw ito at magma-migrate na sa Amerika. Nakilala niya ang
dalaga matapos aksidenteng matapunan niya ng juice ang damit nito sa canteen. Sa kasalukuyan
ay nasa parking area sila dahil makikisabay siya sa kaibigan dahil sira ang kotse niya. Biglang
umusok ang makina ng kotse at dumating si Sir Gab.
Girls, anong problema? Tanong nito habang nakatitig kay Heide.
Ah sir, yung makina po umusok. Sagot niya at si Heide naman ay nanatiling tahimik.
Sumabay na lang kaya kayo sa akin? Suhestiyon nito.
Oo nga! Heide, sumabay ka na kay Sir Gab! May pupuntahan pa kasi ako sa malayo.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
13/56
Ba-bye! Sense niya na may tama si Sir Gab sa kaibigan, binigyan niya muna ang dalawa ng time
tutal pupunta naman siya sa agency.
Sinuri nilang maigi ang picture ng tattoo pati na rin ang nasa balat niya. Magkatulad na
magkatulad ang mga ito. Kung nanganganib nga si Rave ay kailangan niyang ilayo ito mula kay
Alisa, marami na siyang napagdaanang mga panganib at sa tingin niya ay sisiw lamang ang
pagpoprotekta sa binata.So, buhay pa nga ang Ceres. Hindi man natin sila nakikita, nasa paligid lang sila. Just
like ghost. Kumpirma niya.
Anong gagawin mo? Mapanghamon na tanong sa kanya ni Commander.
I dont stick with plans pero siguro ngayon ay gagawa ako ng plano. Theres no harm in
trying. And I guess I have to do something. Umalis na siya ng opisina ni Commander, kung mga
taktika lang naman ang kanyang gagawin para maprotektahan si Rave ay madali na iyon para sa
kanya. Nasa Ayala Alabang siya ngayon kung saan mayroon siyang two-story house, dito na
talaga siya tumutuloy dahil narito na ang lahat ng mga gadgets niya sa mga misyon including
disguises. She picked up her laptop and began hacking the Ceres computer base.
Its been a long time since theyve met. Gusto niya itong makitang muli sa paraang
pagpatay niya rito. Maraming bagay ang nawala sa kanya dahil sa taong ito, sinira nito ang lahat
lahat sa kanya. Including the Ceres, kung tatapusin niya muna si Commander ay tiyak na mag
mapapabilis ang pagwasak niya rito. Masakit mawalan ng mahal sa buhay at ipaparanas niya
kay Rave Legazpi kung paano iyon. He clicked the gun and aim, hindi na siya makapaghintay na
gamitin ang baling ito sa taong kinamumuhian niya.
Family dinner of the Legazpis. Kumpleto sila ngayon sa hapag kainan, maagang umuwi
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
14/56
ang padre pamilya pati na rin ang magkapatid. Pero sa kainang iyon ay hindi man sila umiimik
ni Gabby dahil ang topic ng kanilang parents ay ang pagkakaroon ng apo.Hijo, matanda na kami ng mommy mo. Hindi makukumpleto ang life cycle naming kung
hindi kami magkakaapo. Sabi ni Andro.
Dad, magkakaapo ho kayo, pero hindi pa ngayon. Paglilinaw ni Gabby.
Yeah right! Dad, hows the agency? Tanong niya sa ama. Sila ang may-ari ng Scorpion
Secret Agency na nagbibigay ng proteksiyon sa mga taong nanganganib ang buhay.
Its doing fine. Huwag na natin pag-usapan ang negosyo. Inilalayo mo ang topic natin,
Rave. Sangat ng mommy niya. Kahit anong gawin niya ay hindi sila makatakas sa dalawang
matanda. Bago pa man magsalita ang mga ito ay inunahan na niya.
Dad, naisip ko. Paano kapag nanganganib na pala ang buhay ko? Napansin niya na
tinakasan ng kulay ang mga mukha ng mag taong kaharap niya pero parang walang nangyari sa
kanyang ama. Like, may gustong pumatay sa akin or kind of disease? Pagpapatuloy niya.
Hijo, kung nanganganib nga ang buhay mo, let your Dad do the thing. Hindi namin
hahayaang mawala ka. Puno ng pag-aalala ang kanyang ina.
Oo nga tol. Kahit na isa kang dakilang babaero, mahal ka pa rin namin. Pabiro pero
meaningful na sabi ni Gabby.
Thanks. Pero paano naman kapag may disease? Yung hindi kayang gamutin?
Pagpapatuloy ulit niya.
Rave, huwag kang magsalita ng ganyan. By the way, nabalitaan ko na may bago kang
sekretarya? How is she? Nagtaka siya kung paano ito nalaman ng amain, maybe his younger
brother told him.
Ahm, shes okay. Magaling sa trabaho. Maikling sagot niya at uminom ng orange juice.
Nakasisiguro akong maganda siya at mabait, anak, ligawan mo kaya para magkaroon na
kami ng apo. Naibuga naman niya ang iniinom, desperada na yata ang mommy niya.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
15/56
Mommy! No way! Sagot niya.
Oo nga, mommy no way! Kasi marami nang girlfriends si Kuya, but then hindi naman
pwedeng liligawan mo ang isang babae tapos magkakaroon na kayo ng apo. Di ba dapat yung
ano muna? Makahulugang sabi ni Gabby na may kakaibang ngiti sa mga labi.
Eh ikaw? Nasa peligro na ang pagkalalaki mo, hindi mo yata yan ginagamit. At least
ako, active ang sex life ko. Sige ka, kapag nabulok iyan ikaw rin. Ganti naman niya rito sabay
tawa.
Guys stop that. Nasa harap tayo ng pagkain. Im only talking about your secretary at
bigla na lang napapunta sa ganoong bagay. His dad was a retired US Navy, itinayo ang SSA
para naman may mapaglibangan ito. Suddenly, his dads phone rang.
Excuse me. Bihirang sumagot ng tawag ang daddy niya habang kumakain, siguro ay
napakaimportante nito. Nang matapos ang dinner ay nagpunta sila ni Gabby sa gazebo para
uminom ng brandy. Naupo siya sa pasilyo.
Tol, paano ba manligaw? Nagkandasamid-samid si Gabby.
Ikaw ang mahilig sa babae, dapat alam mo yan. Tumungga ito ng alak at mataman
siyang tiningnan. Biglang naningkit ang mga mata nito.
Anong nasa isip mo? Curious na tanong niya.
Hmmm di ba ikaw ang nililigawan ng mga babae? Bigla itong humagalpak ng tawa.
Liligawan mo si Eloisa?! Exaggerated na tanong nito.
Bakit? May sinabi ba akong siya ang liligawan ko? Pasalamat ka, kapatid kita kung
hindi, kanina pa kita ibinaon sa garden ni mommy. Naasar na banta niya rito.
Thank you! So, sino nga ba? Nanatili siyang tahimik. Buong buhay niya bilang lalaki ay
hindi niya naranasang manligaw ng babae, tama nga si Gabby, mga babae ang nanliligaw sa
kanya. At siya naman ay pinagbibigyan ang mga ito, wala namang masama, lalaki lang siya. But
then, parang gusto niyang maranasan kung paano ang proseso nito, gusto niyang subukan kay
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
16/56
Eloisa. Sabi ng mga kabarkada niya ay masarap daw marinig sa babae lalo na kung mahal na
mahal niya ito ang salitang OO, every hard works are paid. At mas masaya raw ang mga araw na
kayo na. Hindi naman niya alam ang feeling ng ganoon, he should try that.
Hello! Masayang bati ng isang batang babaeng gusgusin sa kanya. Kasalukuyang nasa
playground siya at naglalarong mag isa sa swing dahil bumibili lang ng pagkain ang mommy niya
at binabantayan naman siya ng kanyang ama. Malamang ay tatlong taon ang agwat nila, siya ay
pitong taong gulang lamang.
Sino ka?Tanong niya at itinigil ang swing.
Potpot. Laro naman tayo dun sa seesaw!Yakag nito sa kanya athinila pa ang kamay niya
pero bumitaw siya. Biglang lumungkot ang mukha nito at lumayo sa kanya kayat pumunta na lang
ito sa isang sulok kung saan may mga halaman ang doon nagtago.
Daddy, bakit niya ako niyayang maglaro?Tanong niya sa ama na nakamasid pala.
Wala siyang kalaro. Bakit naman hindi mo pinagbigyan?Tanong ng kanyang ama.
Eh kasi daddy, kahit cute siya hindi naman maganda ang damit niya. Is she one of the
streetchildren?Tanong naman ulit niya.
I dont think shes one of the streetchildren. Nakita ko nga na may kasama siyang yaya,
sige, diyan ka lang at wag aalis. Pupuntahan ko lang ang mommy mo.Ginulo pa nito ang buhok
niya. Bumalik na lang siya sa kanyang pagsu-swing. Ang alam niya ay pagkatapos niyang maglaro
sa playground ay pupunta sila sa ospital para magpa-check ang mommy niya. Magkakaroon na raw
kasi niya ng kapatid. Mayamaya pa ay may naririnig siyang naiyak, sinundan niya ang tinig. At
natagpuan niya ang batang babae na umiiyak at basang basa. Naupo ito at kinukusot ang mga
mata.
Anong nangyari sa iyo?Tanong niya at pinunasan ang buhok nitong basa. Tumingin sa
kanya ang bata. Sa halip na sumagot ay itinuro nito ang mga mas malalaking mga bata na
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
17/56
nagpapadulas sa slide.
Anong ginawa nila sa iyo.Tanong ulit niya.
Nibuhusan nila ako ng tubig tapos nitapunan ako ng palamig.At pumalahaw ito. Ibig
niyang matawa dahil sa mga salitang ginamit nito.
I gaganti kita. Gusto mo?Pinunasan naman niya ang mukha nito. Umiling naman ito at
inalalayan niyang tumayo, may sugat pa ito sa siko at sa tuhod. Ako nga pala si Rave. Potpot ang
pangalan mo, right?Tumango ito, pumunta sila sa bench kung saan nakaroon ang mga magulang
niya, may nakapatong na Cornetto sa bench.
Mommy, punta na po kayo sa hospital. Dito na lang po ako, maglalaro kami ni Potpot.
Sabi niya sa kanya ina at ibinigay ang icecream kay Potpot.
Pero-Tutol ng mommy niya nang biglang sumagot ang kanyang ama.
Its okay. Pababantayan na lang natin sila sa mga bodyguards. I think its time for us to
have a date.Nakangiting pahayag ng kanyang ama. Binigyan pa sila ng perang pambili ng mga
kung anu-ano bago umalis ang mga ito. Nagpasama sila sa dalawang bodyguard sa isang bilihan ng
damit. Ibinili niya si Potpot ng damit para naman hindi na malagkit ang pakiramdam nito. Matapos
makabili ay bumalik sila sa playground ang nag-see saw. Kumain din sila ngcotton candy at
popcorn.
Rave , may kapatid ka? Tanong nito habang nakasungalngal ang malaking piraso ng
cotton candy sa bibig.
Magkakaroon pa lang. Ikaw ba?Umiling ito. Nag-iisa ka lang?Tanong niya.
Oo, kasi di na raw pwedeng magkaanak sila mommy at daddy. Pero okay lang kasi love
naman nila ako.Sagot nito sabay ang paghagikhik. Natutuwa siya kay Potpot dahil napakabait
nito. Biglang tinawag si Potpot ng yaya nito.
Wait lang po Yaya!Sigaw nito at may kinuha sa bulsa. Ito, remembrance.Iniabot nito sa
kanya ang isang dog tag at nakaukit doon ang pangalan ni Potpot.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
18/56
Babalik ka ba rito bukas?Tanong niya.
Hindi na. Kasi aalis na kami papuntang Amerika, eh. Sige ba-bye! Salamat sa damit!
Bago ito tumayo ay hinalikan muna siya nito sa pisngi. Ba-bye!Patakbong sabi nito.
Ba-bye!Kumaway pa siya. Crush na niya si Potpot, sana ay muli silang magkita. Sayang
dahilhindi agad sila nagkakilala. May kumuhit sa balikat niya, ang mommy niya.
Nakita ko yun.Nakangiti ito. Fir st kiss mo?Nanunudyo pang tanong nito. Yumuko
siya dahil sa hiya.
Maglalaro ba ulit kayo bukas?Kinarga siya ng daddy niya papunta sa kotse.
Hindi na po. Pupunta na po kasi sila sa Amerika. Malungkot na sagot niya. Nang
makasakay sa kotse ay itinanong naman niya kung ano ang magiging kapatid niya. Lalaki raw,
masaya iyon. Kinuha niya ang dog tag sa bulsa at isinuot iyon sa kanyang leeg.
Sana bumalik ka Potpot.Bulong niya sa dog tag.
Nagising siya dahil sa tunog ng alarm clock. Ngayon lang ulit niya napanaginipan ang
pangyayaring iyon. His childhood crush na si Potpot. Hindi na nitong nagawang balikan siya,
kung ipapahanap naman niya ito ay wala siyang sapat ng information maliban sa pangalan
nitong Potpot or he should say na nickname lang ito. Hinawakan niya ang dog tag na suot niya,
kailanman ay hindi niya ito nagawang tanggalin. Kinuha niya ang bathrobe at dumiretso sa
banyo, another day of work.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
19/56
Chapter Four
Hindi pa yata nakakapagsimulang magtrabaho ang boss niya ay bigla na lang sumulpot
si Alisa sa harap niya. Ano kayang palusot ang gagawin niya rito? Kunwari ay hindi niya ito
napansin kayat patuloy lang siya sa pagtatrabaho.
Miss, may appointment ako with Rave. Sinulyapan niya ito at tiningnan ang schedule ni
Rave, wala namang appointment.
Sorry maam. Pero hindi po kayo nakalista rito. Imporma niya.
Its early in the morning. Imposibleng may ka-meeting si Rave, let me in. Nanlilisik na
ang mga mata nito. Nakipagtitigan siya sa babae, binabasa niya kung ano ba talaga ito.
Hindi po pwede. Pagmamatigas niya. May dinukot ito sa clutch bag, isang revolving
pistol ang tumutok sa kanya. Nakalebel ito sa kanyang lamesa kayat hindi pansin. Wow,
revolver. Nice. Marunong ka niyan? Pang-aasar niya rito. Akala ni Alisa ay matatakot siya,
hindi lang revolver ang nakakaharap niya sa mga misyon. There are lots of handguns, meron nga
ring pang-army. Bakit naman siya matatakot?
You want to get killed? Sarkastikong tanong nito. Umalis ka diyan o ipuputok ko ito.
Tinaasan naman niya ito ng kilay nginitian pa niya ang babae.
May silencer ka naman? Baka kasi may makarinig kapag pumutok iyan. At nagawa pa
niyang mang-asar. Itago ni Alisa ang hand gun nang may dumaang mga empleyado, hindi na nito
inilabas ang baril pero may kakaibang ngiti na sumungaw sa mga labi nito. Alam niya kung ano
ang ibig sabihin ng ngiting iyon.
Eloisa, alam mo bang nanganganib ang buhay ng boss mo? Hindi na siya nagulat sa
sinabi nito, matagal na niyang alam ito. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ni Alisa ang
pagsasalita. Ayusin mo ang trabaho, or else mawawala silang lahat. Right, Auburn? Doon
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
20/56
nanigas ang buong niyang katawan. Biglang tumawa si Alisa. Buhay pa ang Ceres, kaya
humanda ka. Hindi na nagtagal pa si Alisa sa opisina, umalis ito na may dalang warning. Agad
niyang tinawagan si Commander Red para sabihing buhay pa ang Ceres, kailangan nilang
mapigilan si Alisa sa balak nito. Dumaan ang araw na hindi siya makapag-concentrate sa
trabaho.
Napansin niyang kanina pa balisang balisa si Eloisa. Nagpatimpla siya rito ng kape pero
chocolate drink naman ang binigay. Matapos ang tangahalian ay nagpasya siyang kausapin ito.
Baka kasi makaapekto ito sa trabaho, ayaw niyang ng ganoon. Pinatawag niya si Eloisa sa
kanyang opisina.
May problema ka ba? Tanong niya sa sekretarya.
Nothing, sir. Im okay. Baka stress lang ho ako. Sagot nito sa kanya. Tumango siya.
Gusto mo bang magliwaliw muna? Samahan na kaya kita? Suhestiyon niya rito, ang
pagyayaya ang unang step sa panliligaw ayon kay Buck, his best friend. Nasa kanya na raw ang
diskarte kung paano gagawin iyon.
Hindi na po sir. Baka kung ano lang ang mangyari sa inyo, baka mamaya bumulagta ka
na lang sa kalye. Mahirap na. Back to work na po ako. Tumayo na si Eloisa at lumabas ng
kayang office. Napaisip siya sa sinabi nito, alam kaya nito na nanganganib ang buhay niya? Kaya
siguro balisa ito dahil sa nalaman. Pati tuloy siya ay hindi na makapag-concentrate sa trabaho.
Tinuktukan niya ang sarili dahil maling salita ang ginamit niya kanina sa pakikipag-
usap kay Rave, baka kung ano na ang isipin nito. Nag-ayos siya ng mukha at muling bumalik sa
opisina ng kanyang boss.
Sir, magliwaliw na lang muna tayo. Nakangiting sagot niya, hindi niya siguro kung
puno ng enthusiasm ang kanyang ngiti. Tumitig lang sa kanya si Rave, at pakiramdam naman
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
21/56
niya ay para siyang yelong tinutunaw sa ilalim ng araw. Marami na ring mga lalaki ang nakatitig
sa kanya ng ganoon, at ang feedback naman ng isip niya ay mga manyak ito pero iba ang kay
Rave. Mukhang siya pa nga ang magiging manyak dahil dito. Tumikhim siya para naman
bumalik ito sa wisyo.
Oh sorry. Lets go. Inakay siya nito sa siko, she felt hot kahit hindi naman sila ganoong
magkadikit. Dinala siya nito sa isang mall, hindi naman siya bano sa mall pero kailangan niyang
magmasid. Napansin niyang ibang relo ang suot ni Rave, kaya pala hindi niya ito ma-locate.
Ahm, sir. Bakit hindi ninyo po suot yung relo ninyo? Tanong niya. Tiningnan naman
nito ang Timex na suot at ngumiti.
Para maiba naman. I have a big collection of wrist watches. Kaya huwag ka nang
magtaka kung paiba-iba ang suot kong relo. By the way, I dont want any formalities kapag
tayong dalawa ang magkasama. Call me by my name and I call yours, too. Wala palang silbi ang
idinikit niyang nanochip locator sa wrist watch nito kung papalit-palit naman.
Sir- Rave, girlfriend ninyo po ba si Alisa? Tanong niya rito.
Remove the po. Shes not my girlfriend, idine-date ko lang siya. Tila nagdiwang ang
puso niya at kaluluwa sa pagkumpirma na wala ngang relasyon ang dalawa. Hinila siya nito sa
isang department store at tumapat sila sa isang watch store.
Anong gagawin natin dito? Tanong niya.
Ahm, just pick one of the best. Luma na yata ang style nito, pagkapili niya ay para sa
kanya ang relong iyon. So she picked the one with violet band and with glittering Swarovski.
Iniabot niya it okay Rave at tiningnan naman nito ang napili niya.
Hmmm.. not bad. Ininspeksiyon pa nito ang relo. But I think, hindi magugustuhan ng
owner and relong napili mo. Hindi niya napigilang magtaas ng kilay, para sa kanya naman ang
relo, bakit hindi niya magugustuhan gayong siya naman ang pumili nito.
Bakit naman? Eh maganda naman ah. Sabi niya.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
22/56
Yes, its beautiful. Pero hindi ko siya type at hindi ako gumagamit ng pambabaeng mga
gamit lalo na sa relo. Bigla siyang natauhan, akala pa naman niya ay ibibili siya nito. Feelermo
naman kasi! Napahiya ka tuloy! Sigaw ng maliit na tinig. Kinuha niyang muli ang relo at ibinalik
sa pinagkuhaan.
Pipili na lang tayo ng gusto mo. Sabi niya. Pero sa halip na tumingin pa ng ibang relo ay
kinuha nitong muli ang violet na wristwatch at hinawakan ang kanyang pulsuhan at isinuot iyon
sa kanya.
You know, hindi nga ito babagay sa akin pero sa iyo, bagay na bagay. Para siyang engot
na ngumiti, sino ba namang hindi kikiligin sa lalaking ito? Pati yata mga ugat niya sa katawan ay
kinikilig sa ginawa ng lalaking ito. Sumulyap naman siya sa saleslady na naroon at sobrang sama
ng tingin sa kanya. Bakit ba napakaraming insecure na tao ngayon? Por que ba maganda ako at
guwapo si Raveeh dapat na kaming i-laserng ganito?Hinila siya ng binata papunta sa counter at
binayaran ang relo. Hinila naman siya nito sa isang classy restaurant pero hindi siya nagpahila
hanggang sa loob.Whats wrong? You dont like it here? Tanong nito. Lumabi siya, hindi niya
type ang mga ganoong restaurant. Akmang papasok na sila ay may nahagip ang kanyang mga
mata. Isang lalaking nakatalikod at si Alisa, mukhang may pinag-uusapan ang mga ito. Si Rave
ay humahanap pa ng bakanteng pwesto, muli niyang tiningnan ang dalawa at saktong lumingon
ang lalaki.
Janus. Bulong niya sa sarili. Buhay pa ito, niyaya na niyang lumabas si Rave at sa iba
na lang kumain.
May problema? Tanong na naman nito.
P-puno na kasi yung restaurant. Sa gotohan na lang tayo. Nanlamig ang mga kamay
niya at pinaghinaan din siya ng tuhod. Her mission is becoming pretty complicated as the time
goes by. Mahirap kalabanin ang grupo ni Janus, but she have to fulfill her promise to
Commander, napo-protektahan niya si Rave.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
23/56
She moved to her new apartment, para as malapit sa agency pati na rin sa opisina. Nag-
file siya ng tatlong araw na leave para maayos ang kanyang bagong tirahan at para na rin
makabuo ng plano dahil kapag sa opisina niya nagpaplano ay lagi siyang distracted ni Rave. Ini-
examine niya ang blueprint na kinuha niya mula sa inhinyero na nagtayo ng bahay ni Alisa, ini-
scan niya ito at inilipat sa laptop para mabilisang gawa. Ang rason lang naman kung bakit niya
ito kinuha ay baka ito na ang bagong basement ng Ceres, mabuti na yung sigurado at nag-iingat.
Para naman hindi siya ma-bored sa ginagawa ay nagpatugtog siya ng love song at saktong
favorite song pa niya ang nauna sa playlist. Gisingin ang Puso, at adik na dik siya sa
Koreanovelang Pure Love.
Alaala mo sa akin ay gumulo bakit di na lang bawiin ang hapdi sa aking puso..
Pagsabay niya sa kanta at take note, magaling siyang kumanta dahil minsan na siyang pumasok
na singer sa isang hotel kung saan nagaganap ang ilegal na bentahan ng droga. Sa bawat misyon
niya ay nagiging ibat iba ang katauhan niya pwera lang ngayon, siya sa Eloisa. Ang tunay na
siya. Hindi niya kailangang magtago ng katauhan, kung mamahalin naman niya si Rave bilang
siya ay tiyak na hindi na siya mahihirapang sabihin dito ang totoo. Sira! In yourdreams na lang
siguro mangyayari ang bagay na iyon! Lumungkot ang kanyang aura, siguro nga ay wala siyang
panapat sa mga babaeng ka-date ng boss niya lalo na kay Alisa.
Bingo! Nakita na niya ang secret door papunta sa basement, she convert the basement
into 3D style. Iba na talaga ang technology ngayon, kung hi-tech na, mas hi-tech naman ang
ginagamit niya courtesy of her work. Unang araw pa lang ng leave niya, hindi pa man sumasapit
ang hapon ay pumunta na siya sa Corinthian Garden para tingnan ang aktuwal na bahay. Tiyak
niya na malaki iyon. Sa guard house ay ipinakita niya ang seal ng agency at pinapasok naman
siya sa dahilang security check. Isang malaking modern glass house ang bahay ni Alisa, kahit na
gawa ito sa salamin ay tiyak na bulletproof ang mga iyon. Kinuha niya ang kanyang binoculars
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
24/56
at tiningnan ang dalawang taong lumabas mula sa bahay.
Rave? Bulong niya nang mamukhaan ang binata. Nakaakbay pa it okay Alisa, at
parang walang dalang kotse ang binata. Nang makabalik na ng bahay si Alisa ay agad niyang
pinaandar ang sasakyan at itinapat kay Rave. Binuksan niya ang bintana ng kotse.
Rave! Tawag niya rito, naglalakad ito sa sidewalk.
Eloisa! Anong ginagawa mo rito? Punong-puno ng saya ang boses nito at nilapitan pa
siya.
Naglilibot lang. Sakay na. Alok niya. Sumakay naman ito sa front passenger seat, ang
gwapo ng pasahero niya ngayon.Ano kayang ginawa ni Rave sa bahay ni Alisa?Nilingon niya ang
binata, hindi ito nagtatanong kung saan sila pupunta. So decided by herself, dadalhin niya ito sa
drag racing arena kung saan ang pampalipas oras niya.
Chapter Five
Nauubos lang ang oras niya sa pagtitig sa boss. Napakaguwapo kasi nitong tingnan
habang seryoso sa pagbabasa at pag-aanalisa na mga papeles na ibinigay niya kanina rito para
pirmahan. Bahagyang nakakunot ang noo nito at pakibut-kibot pa ang mga labi na parang nag-
iisip ng solution sa isang math problem. Hindi niya maiwasang mapangiti.
Eloisa? Youre almost thirty minutes here and doing nothing but staring at me. Kung
gusto mo akong titigan, umupo ka riyan sa sofa para naman hindi ka mangalay. Seryoso ang
tinig nito ngunit alam niyang inaasar siya nito. Hindi man lang nito inalis ang mga mata sa
papeles habang nagsasalita. Akala niya ay hindi siya nito napapansin.
Eh, sir. Hindi siya sanay na tawagin itong Rave kapag nasa opisina.Baka gusto
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
25/56
ninyong tumulong ako sa ginagawa ninyo. Prisinta niya, ayaw pa kasi niyang umalis sa opisina
nito. Saglit itong nag-isip.
Okay, massage me. From head to shoulder. Nakadama siya ng kung ano sa kanyang
puso, bigla siyang kinabahan.Rave! Kung full body massage na lang kaya? Sabi ng makulit na
tinig. Pumwesto siya sa likuran nito at sinimulang hilutin ang sentido nito at noo. Pinababa niya
ang dalawang kamay in circle way sa leeg nito. Napaungol si Gab at itinigil ang ginagawa.
Sir? Okay ka lang? Tanong niya. Ang init kasi nito, pati na rin siya.
Yes, masahista ka ba dati? Ang sarap mo kasing magmasahe. Bumungisngis siya.
Hindi, sir. Ngayon lang ako nakapagmasahe ng ibang tao, lalo na at boss ko at lalaki pa.
Totoo iyon, siya kasi ang nagpapamasahe, hindi siya at nagmamasahe.
Im lucky indeed. Minasahe naman niya ang balikat nito. Nangalay siguro ito sa pagta-
type ng documents kaninang umaga. Habang pinipisil ang magkabilang balikat nito ay
hinawakan nito ang kanang kamay niya. Mainit na sensasyon ang hatid niyon. Hinila nito ang
kamay niya kayat napalapit ng husto ang mukha niya sa mukha nito. Unti-unting lumingon ang
binata at dinampian ng halik ang mga labi. Hindi siya kaagad nakapag-react sa ginawa nito.
Hindi rin naman siya tumututol bagkus ay pumikit na lang siya at tumugon sa halik nito.
Masarap ang mga labi nito, parang chocolates sa tamis. Pumihit ito para hindi mahirapan sa
pwesto. Kumawala ang mga labi nito sa kanya at gusto niyang habulin, isinandal siya nito sa
pader at muli ay natikman niya ang mga labi nito. Gentle at first but he gave her more passionate
one na lalo niyang nagustuhan.
Pinulupot niya ang kanyang mga bisig sa palibot ng beywang nito at hinapit pa para
mapalapit sa katawan niya. Binigyan siya nito ng kakaibang init nang minamasahe siya, kung sa
ibang babae ang gagawa nito sa kanya ay malamang na lumayas na siya. Bihira siya humalik na
babae na ganito ka-intense. Lalo siyang ginanahan sa paghalik rito nang itoy tumugon,
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
26/56
yumakap naman ang mga kamay nito sa leeg siya. He wants something from her. No, not
something, all of her. Gusto niya ito, ang buong pagkatao nito, pati na kaluluwa, puso at
katawan.
Rave Anas nito, ramdam niya ang init ng katawan nito na tila nagbabagang apoy.
Yes, baby? He kiss her more and conquer her mouth with his tounge, sinalo naman ito
ni Eloisa at ginaya ang ginawa niya. Shes giving him an instant arousal!
Yung phone mo Hindi na-absorb ng utak niya ang sinabi nito, focus lang siya sa mga
halik na pinagsasaluhan nila ngayon. Bahagya siyang itinulak ng dalaga ngunit lumapit pa siya
nito. He licked the lobe of her ear, bite it gently.
Rave Gusto niya ang pagtawag nito sa pangalan niya, nakakaakit. Your phone, its
ringing. Doon lang niya napagtanto ang kanyang cellphone na nasa lamesa, kanina pa nga ito
tumutunog. Ayaw pa niyang pakawalan si Eloisa pero urgent call siguro iyon, kahit kapos pa sa
hininga ay sinagot niya ang tawag. Niyakap niya ng mahigpit si Eloisa at gayun din naman ito.
Hello? Ako nga. Anong kailangan mo? Boses iyon ng lalaki, unregistered number.
Rave, kumusta ka na? Ihanda mo na nga pala ang mga death wish mo, baka bukas nasa
libingan ka na. Napindot pala niya ang loudspeaker, agad na kinuha ni Eloisa ang cellphone,
namumutla ito at biglang lumabas. It could be a death threat? Anong kinalaman ni Eloisa rito?
Kahit nanginginig pa ang mga tuhod dahil sa naganap kanina ay kailangan niyang
magpakatatag para kay Rave, alam niyang si Janus ang tumawag. Kilala niya ang boses nito.
Pinatay niya ang loudspeaker at itinapat ang awditibo sa tainga. Ini-lock rin niya ang pinto ng
CR.
Janus, hindi mo magagalaw si Rave. Matigas na sabi niya.
Really? At ano naman ang gagawin mo para mailigtas siya mula sa akin? Sell your soul
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
27/56
to the devil or sell you body to me? Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito.
Kahit anong mangyari, hindi mo siya masasaktan! Dadaan ka muna sa akin! She end
the call, pinagpapawisan siya ng malapot at lalong nanghina ang tuhod niya. Pinatay niya ang
cellphone ni Rave at tinanggalan ng sim card, itinapon niya iyon sa toilet bowl at ini-flush iyon.
Nakarinig siya ng sunud-sunod na pagkatok.
Eloisa?! Okay ka lang? Agad niya itong pinagbuksan ng pinto.
Im okay. Prank call, I r-removed the sim card. Pasensiya na. Hindi man lang niya
inisip na may mahahalagang contacts ito na naka-save sa cellphone.
Kilala mo ba yung tumawag? Umiling siya at ibinalik rito ang cellphone. Inalalayan
siya nito papasok sa opisina, mukhang mahihirapan siya kay Janus. Ibang-iba na talaga ito.
Pinaupo siya nito sa sofa at tinabihan siya. Napatingin siya sa mga labi nito na kanina lang ay
natikman niya.
Take a leave, bukas ka na lang pumasok. Sabi nito at kitang kita niya ang concern nito
sa kanya.
No, hindi ako aalis. Dito lang ako. Niyaya na lang siya ni Rave na pumunta sa Luneta
Park para mamasyal. Magkahugpong ang kanilang mga kamay habang naglalakad, nawala ang
pangamba niya sa dibdib dahil sa presensiya ni Rave. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos na lagi
silang magkasama, hindi niya naiwasang mahulog ang loob niya rito. Mahal niya si Rave at hada
siyang mamatay para rito. Kakaunti ang tao sa Luneta ngayon dahil araw ng lunes, para ngang
sila lang ang naroon.
Hold-up ito! She heard a click of a gun. Sa batok ni Rave nakatutok iyon, kung hindi
siya nagkakamali ay isang serpent tattoo ang nasa leeg ng lalaki. Isang Ceres! Hindi ito hold-up!
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Rave, buong lakas na hinila niya ito para itabi.
Mabilis pa sa alas-quatro ang ginawa niya pagsipa sa kamay na lalaki na may hawak na baril.
Mabuti na lang at naka-slacks siya ngayon, kahit na mataas ang taking ng sapatos ay naibalanse
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
28/56
naman niya ang katawan. Isang paparating na suntok ang ihahatid sa kanya ng lalaki, kaagad
siyang umiwas. Alam niyang gulat pa rin si Rave sa mga nangyayari kayat nakatulala lang ito sa
kanila. Naglabas ng isa pang baril ang lalaki, nakakasa na iyon at delikado. Mabilis niyang
inikutan ito at dinale sa leeg sa pamamagitan ng siko, napaluhod ito sa sakit. Nasa kamay na niya
ang baril na kanina lang ay hawak-hawak nito, itinutok niya iyon sa lalaki.
Sinong nag-utos sa iyo nito! Tanong niya kahit na alam niya ang sagot.
Hindi ko sasabihin! Dinagukan niya itong muli at bumulagta ito sa semento, pinunasan
niya ng panyo ang hawak na baril at ibinalik iyon sa kamay ng lalaki. Hinila niya si Rave at
sumakay sila sa kotse, siya na ang humawak ng manibela.
W-what happened? Nagkakandautal na tanong nito.
Just a hold-up. Binilisan niya ang pagpapatakbo, alam niyang nasa paligid lang ang
ibang miyembro ng Ceres, nagmamasid sa kanila.
Marunong kang lumaban, marunong ka ring humawak ng baril. Puna nito sa kanya.
I know simple martial arts. Self-defense mechanism kung sakaling may mangyari sa
akin. Yung tungkol sa baril instinc ko lang iyon. Hindi ko nga ipinutok. Nang makasigurong
malayo na sila sa peligro ay binagalan na niya ang pagpapatakbo.
Okay ka lang? Are you hurt? Im sorry, nagulat talaga ako kaya hindi kita natulungan.
First time kasing nangyari iyon sa akin. Hinawakan niya ang kamay nito, nalalamig at pawisan.
Im fine. Hindi ako nasaktan. Ngumiti siya rito para maibsan ang takot na nadarama
nito.
Ipa-blotter kaya natin yung tao? Suhestiyon nito.
No! Akong bahala roon. Rest assured na sabi niya.
Pwede ka pa lang bodyguard. Eh pwede ka rin kaya kitang maging girlfriend? Muntik
na niyang mabitawan ang manibela dahil sa sinabi nito.
Rave, wag kang magbibiro. Kinakabahan ngunit kinikilig sabi niya, mas nakakakaba
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
29/56
ang sinabi nito kaysa sa nangyari kanina sa Luneta. Dumiretso na siya sa apartment na
tinutuluyan niya, mas ligtas roon kaysa sa lugar nito. Pinatuloy niya si Rave sa loob.
Naupo siya sa single-seater sofa habang ipinagtitimpla siya ni Eloisa ng juice.
Kamanghamangha ang ginawa nito kanina, para siyang nanood ng action movie, swabe rin ang
mga galaw nito. Nagmukha lang naman siyang tanga kanina dahil si Eloisa pa ang nagligtas sa
kanya. Iniabot sa kanya ng dalaga ang juice, parang gusto niya muling halikan ito para reward
sa pagligtas nito sa kanya kanina. Tumunog ang cellphone nito at nag-excuse. Uminom naman
siya ng pineapple juice, para sa kanya ay hindi lang ordinaryong babae si Eloisa. Mas
nakakaakit ito kaysa sa ibang mga babae.
Hinigpitan niya ang hawak sa cellphone habang kinakausap si Commander Red,
inihayag niya rito ang nangyari kanina sa Luneta. Kaya ngayon ay dapat na mas mahigpit ang
pagbabantay niya kay Rave.
Commander, your son is at risk. Hindi alam ni Rave na kilala niya ang ama nito.
Instead of calling the Commander in his real surname, ang middle name nito ang ginamit para
naman sa proteksiyon.
I trust you, Eloisa. Kaya ko ibinigay ang misyong ito sa iyo. Alam kong uunahin ng Ceres
ang pagpatay sa anak ko bago ako. Kahit nga si Gabrielle ay ikinuha ko na ng bodyguard.
Bumuntong hininga ito.
Thank you, Commander. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para
maproteksiyunan si Rave. Narito po kami sa apartment ko. Imporma niya. Pumasok na siya sa
loob para samahan si Rave.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
30/56
Chapter Six
Itinaas niya ang dog tag na ibinigay sa kanya ni Commader Red, ito ay ang dog tag na
katulad ng binigay niya kay Rave noong bata pa lamang sila. Maraming nangyari matapos ang
unang pagkikita nila ni Rave, crush na crush niya ito noon kayat niyaya niya itong maglaro pero
dahil may kasungitang taglay ang batang iyon ay tinanggihan siya nito. When she met
Commander Red, nagbago ang buhay niya, shes well-trained to be an agent. Sa una ay sinabi
nito sa kanya na maging inside agent na lang siya tutal magaling naman siya sa computer pero
hindi siya pumayag. Mas gugustuhin niyang maging field agent para sa mas malaking adventure,
kahit na buhay niya ang kapalit sa bawat misyon ay ayos lang sa kanya. Kanina pang hapon
nakauwi si Rave, nagpapahinga na siya ngayon sa kama nang bigla siyang nakarinig ng mga
putok. Mabilis na kinuha niya ang kanyang hand gun sa ilalim ng unan at alertong lumabas ng
apartment. Umikot siya sa buong bakuran para masigurong walang ibang tao roon, bumalik siya
sa loob at laking gulat niya nang makita ang isang lalaking nakaupo sa sofa.
Eloisa, long time no see. Si Janus! Humithit ito ng sigarilyo at nagbuga ng usok. Hindi
niya aakalaing pupuntahan siya nito sa apartment niya, at lalong hindi niya ine-expect na
magkikita siyang muli sa mga oras na iyon. Did I surprise you?
Anong kailangan mo? Nakatutok ang dulo ng kanyang baril sa lalaki.
Wala naman. Just visiting you. Ilang taon na ring naudlot ang relasyon natin, what do
you think? Siguro pwede na tayong magbalikan. Tumayo ito at hinarap siya.
Walang tayo. Hindi naging tayo at wala tayong relasyon, maliban na lang sa pagiging
magkaaway. Hinawakan nito ang dulo ng baril at ibinaba iyon.
Be mine, Eloisa. Muli niya itinutok ang baril sa mukha nito.
Never! Sigaw niya. Kumukulo ang dugo niya sa lalaking ito.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
31/56
Ikaw, bahala ka. Baka bukas wala na si Rave. Alam ko namang may gusto ka sa kanya.
Again, Eloisa be mine or Rave will die. An agent will take any risk para maprotektahan lamang
ang principal nila. Kahit na ibenta ang katawan ay gagawin nila pero hindi siya sigurado kay
Janus.
Paano ako nakakasiguro na hindi mo ako niloloko? May bahid na inis ang boses niya.
Simple lang, hanggat nasa akin ka, walang masamang mangyayari sa lalaking iyon.
Kinuha nito ang baril sa kamay niya at hinapit ang beywang niya. Nasusuka siya sa
pagmumukha nito kahit na sabihing gwapo ito. Dinampian nito ng halik ang mga labi niya, hindi
siya tumugon kahit na paulit-ulit nitong ginagawa. Kung si Rave pa ang humahalik sa kanya ay
tutugunin niya.
Youre mine. Bulong nito sa kanya. Pinakawalan siya nito at lumabas na ng apartment.
Agad siyang pumunta sa kusina para mag-toothbrush. Nandidiri talaga siya.
Papasokna sana siya sa loob ng apartment ni Eloisa nang may makita siyang dalawang
tao na nasa sala. Si Eloisa ang isa at hindi naman niya kilala ang lalaki, sumilip siya sa bintana
para makita kung ano ang nangyayari. Tumiim ang bagang niya nang makita kung paano
halikan ng lalaki si Eloisa, ang hindi naman pumalag ang huli. Nag-init ang ulo niya, sa kanya
lang dapat si Eloisa. Anong sense ng pinagsaluhan nilang halik kaninang umaga ngayoy may
kasama na itong iba. Bumalik na siya sa kotse at pinasibad iyon bago pa siya makita.
Hijo, whats wrong? Tinungga muna niya ang natitirang whiskey bago niya sagutin ang
ama. Hindi siya nag-iinom dahil sa isang babae. Ngayon lang. Umupo ang kanyang ama sa
katabing stool at uminom rin. Siya ang nagdesisyong pagpatayo ng minibar sa loob ng bahay
nila, para naman hindi na sila lalabas ng bahay para uminom. At isa pa, ay wine-lover ang
daddy niya.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
32/56
Dad, hindi ko alam na nasasaktan din pala ang mga lalaki. Panimula niya. Tumawa ang
daddy niya.
Of course! Sino bang hindi? Both physical and emotional ay nasasaktan tayo, pero takot
lang tayong ipakita iyon. So, whats your problem? Tanong muli nito.
Alam ko namang alam ninyo na kung sino si Eloisa. Nagsalin siyang muli ng whiskey sa
baso.
I know her. Your secretary. Naging seryoso ang mukha ng kanyang ama.
Earlier, I saw her kissing another guy. Napabuga siya ng hangin. Mababaliw siya kung
paulit-ulit na magre-replay ang nakita niyang eksena sa utak niya.
So? Hinagod niya ang batok bago muling sagutin ang ama.
I dont want want her to kiss any other guy, but only me. We already kissed this morning
tapos ngayon-
Nagseselos ka? akala niya ay bubuntutan ng tawa ang sinabi ng kanyang ama.
I dont know. Sagot niya. Ano bang rasyon kung bakit nagseselos?
Kasi mahal mo siya. Look at your mom, galit nag alit talaga ako kapag may lumalapit sa
kanyang ibang lalaki lalo na yung mga manliligaw niya. Pero at that time, wala pa kami. Hindi
pa niya ako kilala. Napangiti siya, nagmana pala siya sa daddy niya.
Anong ginawa ninyo? Tanong niya.
Inunahan ko na ang ibang lalaki. Kinulit ko siya nang kinulit hanggang um-oo siya sa
akin. That was fun and I felt very very good. Damn good. At hindi ko na siya pinakawalan.
Ganoon rin pala dapat ang gawin niya, uunahan niya ang lalaking iyon kay Eloisa.
Nakaramdam siya ng tuwa para sa anak, tunay na itong umiibig at kay Eloisa pa. Hindi
naman mahirap mahalin ang dalaga, mabait ito kung tutuusin at napakaswerte ni Rave sa
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
33/56
dalaga. Pero tiyak na mahihirapan si Eloisa sa sitwasyon, alam niya ang nangyari kaninang
pagbisita ni Janus sa apartment ng dalaga. Tiyak na magugulat si Rave kung malalaman nito na
si Eloisa at si Potpot ay iisa. Itinuring na rin niyang isang anak si Eloisa, botong-boto nga siya
rito kaya dito niya ipinaubaya si Rave.
Rave, seryoso ka ba sa kanya? tanong niya sa anak.
Yes, dad. Im very very sure of her. Gusto siyang makilala pa, nalaman ko nga na ulila na
pala siya. Theres something in my heart pushing me to take care of her and even love her.
Nakatulala lang ito sa baso ng alak, binata na talaga ang kanyang anak. Sanay matapos na ang
gulo sa buhay nila para naman maging maligaya sila.
Nakaupo siya sa swivel chair nang biglang pumasok si Eloisa, ang ganda talaga ito lalo
na sa umaga. Pinormalan niya ang kanyang mukha di katulad dati na ngumingiti siya kapag
nakikita ito.
Sir, pwede bang hindi ako pumasok mamayang hapon? Kumunot ang noo niya.
Bakit? Tanong niya.
May kailangan kasi akong puntahan. Importante lang. Nagsusumamo ang mga mata
nito kayat wala siyang nagawa kundi pumayag. Lumabas na ito ng opisina niya, tiyak na
makikipagkita ito sa lalaking kahalikan nito kahapon. Napuno na naman ng pagseselos ang puso
niya, hindi naman niya pwedeng bawiin ang sinabi niya. Gagawa na lang siya ng paraan para
malaman kung ano ang gagawin nito mamayang hapon. He open his laptop and began working.
Tinawagan siya ni Janus, magkikita raw sila sa isang Italian restaurant mamayang ala-
una ng hapon. Hindi siya makatanggi dahil kapakanan ni Rave ang nakataya rito. Mabuti na
lang at pinayagan siya ni Rave na um-absent.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
34/56
Eloisa. Si Heide.
O? Napadaan ka yata? May problema? Tanong niya rito.
Ang saya ko! Kasi naman ang sweet sweet ni Gabby sa akin, kahit nanliligaw pa lang
busog na ako sa pagmamahal! Kinikilig na sabi nito. Mabuti pa ang dalawa, maayos ang
relasyon. Eh sila ni Rave? Gulu-gulo? Mas magulo pa sa buhok na hindi sinuklay ng ilang araw.
Eh di sagutin mo na. Suhestiyon niya.
Siguro bukas. Eeee! Sige, ba-bye! May gagawin pa ako! Napangiti na lang siya para sa
kaibigan. Mahal niya si Rave at handa siyang mamatay para rito.
Mabilis na sumapit ang ala-una, hindi man lang siya kinibo o kinausap ni Rave, mas
mabuti na iyon pero hindi naman siya mapakali. Bumaba na siya sa ground floor at lumabas ng
kumpanya. Pumara siya ng taxi at sinabi sa driver ang pupuntahan. Hindi muna niya ire-report
kay Commander ang nangyayari ngayon, it should be private. Nang makapasok sa restaurant ay
nakita niya agad si Janus, nakatingin ito sa kanya. Pumunta na siya sa lamesang inookupahan
nito.
Ano na namang kailangan mo? Malamig na tanong niya.
Nothing. Gusto kong mapanatag ka-
Hindi ako mapapanatag sa iyo, Janus. Kahit kailan ay hindi. Biglang lumapit sa kanina
ang waiter at inabot ang menu sa kanila. Hindi siya nagsabi kung ano ang kakainin niya, bagkus
ay si Janus ang um-order para sa kanya. Nang makaalis ang waiter ay nagpatuloy ito sa
pagsasalita.
Date natin ito, Eloisa. Sabi nito.
Date? Puno ng sarkasmo ang tinig niya. You call this a date? Napakaseryoso mo
naman yata. Tandaan mo, ginagawa ko lang ito para kay Rave.
I know. And Im serious about this, kung hindi ka rin naman magseseryoso, baka kung
anong gawin ko kay Rave. She clutched her hands. Napupuno na siya sa lalaking ito. Dumating
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
35/56
na ang order niya, sumubo siya ng kaunti at tuluyan nang nawalan ng gana dahil sa lalaking
kaharap niya.
Asar na asar siya kay Eloisa, napakaimportante pala ng lalaking iyon para iwan ang
trabaho. Nasa dulong lamesa siya at tiyak na hindi siya makikita roon ng dalaga dahil maraming
tao sa loob ng restaurant. Halos isang oras din ang mga ito bago natapos. Nang makaalis ay
umalis na rin siya sa restaurant. Sa halip na tumuloy sa opisina ay nagpunta siya sa
pinakamalapit na bar at doon nagpalipas ng maghapon. Ano ba ang dapat niyang gawin para
naman mapansin siya nito?
Ilang araw na rin siyang hindi kinikibo ni Rave, kahit man lang titig ay hindi nito
magawa sa kanya. Gusto na niyang maiyak dahil sa labis na frustration, dapat ay hindi nahulog
ang loob niya rito, isa lang itong misyon. Pagkatapos niya sa misyong ito ay makakalimutan na
rin siya ng binata, bigla na namang sumulpot si Alisa sa harap niya.
Tumawag sa akin si Rave. May date kami, kaya huwag kang kokontra. Sabi nito bago
pa man niyang maibuka ang kanyang bibig.
Siguraduhin mong ligtas siya, mananagot ka sa akin. Pagbabanta niya rito. Maya-maya
pa ay lumabas na ang dalawa. Nakaabrisete pa si Alisa sa binata, nagyuko na lang siya ng ulo.
Nasasaktan ang puso niya ngayon. Tutal, wala naman si Rave ay pwede siyang makapagsenti.
Umubob siya sa kanyang lamesa at doon umiyak, mabuti na lang at walang nakakapansin sa
kanya.
Eloisa. May humaplos sa buhok niya. Nag-angat siya ng mukha, si Commander iyon.
Agad siyang nagpunas ng luha.
Commander, ano pong kailangan ninyo? Tanong niya. Wala po rito si Rave.
I know. Lets have a talk. Pumasok sila sa opisina ni Rave. Naupo silang pareho sa sofa.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
36/56
Eloisa, alam kong nahihirapan ka na ngayon. Panimula nito.
No. Hindi po. Kaila niya kahit na hirap na hirap na ang puso niya.
I know you are. Mahal mo si Rave at hindi ako tutol doon. Masasabi ko ring nasasaktan
kayong pareho sa sitwasyon. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at tuluyan na siyang
napaiyak.
Magiging plastic ako kung hindi ko aaminin iyon. Dahil sa lintik na Janus na iyan
masaya sana ako. Bigla siyang niyakap nito at nagpaubaya naman siya. Dinampian siya nito ng
muntik halik sa noo, itinuring na niya itong isang ama. Kay Commander niya naranasan kung
paano magkaroon ng isang mapagmahal na ama, kahit hindi man nito maungusan ang
pagmamahal ng tunay niyang ama ay napakalaki na ng ibinigay nito sa kanya.
Kapag natapos mo na ang misyon mo. Papayagan kitang pikutin si Rave. Napatawa
naman siya sa sinabi nito.
Thank you. Hinigpitan nito ang yakap sa kanya. Nag-aalala rin ito sa kanya sa tuwing
sasabak siya sa mga misyon.
Shit! What the hell is happening here! Nagulat silang pareho sa narinig. Si Rave!
Chapter Seven
Hindi niya alam kung iigkasan niya ng suntok ang ama o hihilahin palayo si Eloisa.
Nagyayakapan ang dalawang ito sa loob ng kanyang opisina. Bumalik siya dahil naiwan niya ang
susi ng kotse sa lamesa niya at ito ang nadatnan niya. Akala niya ay mabuting tao ang kanyang
ama, at ito namang si Eloisa, parang desenteng tingnan pero marami palang lalaking
kinakaibitan at isinama pa ang kanyang ama.
How rude! Dad, anong ginagawa ninyo?! Gusto ng kumawala ang galit sa dibdib niya.
Were not doing anything wrong, Rave. Kumplikado lang ang sitwasyon kayat hindi ko
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
37/56
kayang ipaliwanag sa iyo. Umiling-iling siya.
Complicated? Dahil pareho kayong dalawang nakatali sa isang relasyon at hindi ninyo
nagawang magsama dahil doon? Kita niya kung paano nagbago ng anyo ang kanyang ama.
Dapat na siyang matakot pero hindi niya iyon gagawin.
Sige, isipin mo ang gusto mong isipin. Hindi mo pa lubos na kilala si Eloisa. Huwag mo
akong pagsasalitaan ng kung anu-ano dahil hindi mo alam ang buong istorya. Matatag na sabi
ng kanyang ama.
Talaga? Ikaw ba Dad? Kilala mo na ba talaga siya? Bakit hindi ninyo na lang kasi
sabihin ang totoo? Hinarap niya si Eloisa.Eloisa, youre nothing but a bitch. Alam mo ba
iyon? Isang malakas na sampal ang inabot sa kanya ng dalaga. Bakas pa rin ang mga luha sa
mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak pero nasisiguro niyang may relasyona ng
dalawang ito.
Ano bang gusto mo Rave?! Ginawa ko naman ang lahat para sa iyo! Alam mo ba kung
bakit?! Ikaw ang mahal ko! Nagulantang siya sa sinabi nito. Mahal siya nito?
Is this a joke? Kung pinaglololoko ninyo lang ako, lumabas na kayo. And Eloisa, youre
fired! Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari, naguguluhan siya. Nagpatiuna na siyang
lumabas kahit ang mga ito ang inutusan niya, binalikan niya si Alisa sa parking lot.
What happened dear? Okay ka lang? Tanong ni Alisa habang nasa Roxas boulevard
sila.
Ang kapal ng mukha niya. Sambit na lang niya. Hindi pa rin maalis ang galit niya.
Who? Secretary mo? Nilingon niya ito at ibinalik kaagad ang atensiyon sa kalsada.
Yeah. Ang tanga ko naman kasi. Nagpaloko lang naman ako. Gulung-gulo na talaga ang
utak niya. Kung pwede lang niyang ibangga ang sasakyan ay gagawin na niya, kaso kasama niya
si Alisa.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
38/56
Hindi matigil sa pag-iyak si Eloisa. Walang kaso sa kanya ang pagtatanggal sa kanya nito
sa trabaho, ang masakit ay ang mga salitang binitawan nito sa kanya. Sinabi niya ang totoo na
mahal niya ito at hindi naman ito naniwala. Sirang-sira na siya kay Rave, pero hindi roon
matatapos ang misyon niya. Kailangan pa niya itong protektahan, at ang masama ay kasama nito
si Alisa. Narito siya sa mansiyon ng mga Legazpi, kasama niya ang mag-asawa sa library.
Hija, dont cry okay? Pag-alo sa kanya ni Mrs. Cely Legazpi, ang may bahay. Alam nito
na nagtatrabaho siya para sa asawa.
Commander, hindi ko isusuko yung misyon. Kahit galit sa akin si Rave, tatapusin ko
iyon. Matapang na sabi niya.
Thank you, Eloisa. Hindi mo ako binigo. Tumango siya at nagpasalamat, tumayo na rin
siya para lumabas. Uuwi na siya, baka maabutan pa siya rito ni Rave. Hinatid naman siya ng
mag-asawa sa harap ng gate.
Salamat po ulit. Ngumiti siya ng tipid.
Dont worry hija. Pagsasabihan ko yang si Rave. Sabi ulit ng ginang. Babalik na lang
ulit siya sa lumang tinitirahan, wala naman nakatira sa apartment niya kayat pwede pa siyang
bumalik. Fully paid na naman ang bahay niya kaya wala siyang problema. Napag-usapan nila ng
Commander na maglalagay ng nanochip na ibinigay sa kanya ni Cristof kahapon sa balat ni
Rave para ma-monitor niya ito ng mas mabuti. Laking pasalamat na rin niya sapagkat malaki
ang maiitulong ng mag-asawa sa misyon niya, natural naman ng magtutulungan sila para kay
Rave, mahal nila ang binata.
Kapag natapos niya ang misyon ay magpapakalayo muna siya, kakalimutan niya ang
lahat ng tungkol kay Rave. Mas madali siyang makaka-move on kapag nagawa niya iyon. Ilang
araw na ring hindi nagpapakita sa kanya si Janus, malaking ginhawa iyon para sa sarili niya
pero may nakaambang panganib pa rin. Malamang ay nagpa-plano na ang mga ito para patayin
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
39/56
si Rave.
Nang makarating sa condo unit ay ibinagsak niya ang katawan sa kama. Pagod na pagod
siya dahil sa lahat ng nangyari. Umidlip muna siya ng isang oras at nagsimulang magtrabaho.
Sinubukan niyang i-locate si Rave, nasa opisina ito ngayon. Kapag nasa panganib ang binata ay
malalaman niya dahil sa nag-iiba ang kulay ng asul na tuldok at nagiging pula dahil nasusukat
ng nanochip ang tension ng isang tao sa isang sitwasyon.
Baliksiya sa dating buhay, wala si Eloisa. Akala niya ay magiging masaya siya ngayon
pero hindi, mas masaya ang kanyang atmosphere kapag naririto si Eloisa. Madali siyang
mabagot, mainis at magalit. Ayaw niyang mag-half day sapagkat naaalala niya ang dalaga kapag
wala siyang ginagawa. Hindi rin muna siya nag-hire ng bagong secretary, nakakapagod. Dine-
date pa rin niya si Alisa, lumalabas sila tuwing hapon kahit wala siyang gana. Ginagawa niya ang
lahat para mawala sa utak niya ang imahe ni Eloisa.
Malamig ang naging pakikitungo sa kanya ng mga magulang lalo na ang daddy niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit may tampo sa kanya ang mommy niya, si Gabby na lang
yata ang kakampi niya sa bahay. Hindi niya sinubukang makipag-usap sa daddy niya kahit na
tungkol sa mga business, naiilang pa rin siya. Bakit pakiramdam niya ay siya lang ang may sala?
Kung alam lang ng mommy niya ang kabulastugang ginawa ng kanyang ama ay tiyak na
magagalit ito.
Biglang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina, sinabihan niya itong pumasok.
Tumuwid ang upo niya nang makita ang boyfriend ni Eloisa. Nakikita niya na may panganib
sa mga mata nito ngunit hindi niya iyon pinansin. Tumayo siya.
Rave Legazpi. Pagpapakilala niya. What can I do for you? Naglahad siya ng kamay.
Luis Valdez. Nagkamay silang dalawa at naupo. Nandito pa ba si Karen? Kumunot
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
40/56
ang noo niya.
Whos Karen? Tanong niya.
Secretary mo. Shes my fiance. Tila tinarakan ng kutsilyo ang dibdib niya. Fiancee ito
ni Eloisa-Karen? Lalo siyang naguluhan.
Shes not Karen. Shes Eloisa. Eloisa Joy Peol ang pangalan niya. Paglilinaw niya.
No. Kumunot ang noo ng lalaki. Shes Karen Natividad, girlfriend ko na siya for four
years, at next next month, ikakasal na kami. Sinapo niya ang noo, matinding panloloko ang
ginawa sa kanya ni Eloisa-Karen, whatever her name is.
Niloko niya ako. Sabi niya.
Im sorry to say this. Pero hindi ko naman siya sinisiraan sa iyo, shes my fiance. Mahal
ko siya. I met her in a bar and night club sa Quezon City. Shes a dancer there. Noong inalok ko
siya ng trabaho, tinanggihan niya gusto raw niyang manatili roon. Then I found out na dito na
pala siya nagtatrabaho sa iyo. Kinakapusan na siya ng hininga, paanong napaibig siya ni
Eloisa?
I dont know. I just hire her, hindi ko na tiningnan ang resume niya. Foolish of me!
Sumagad na ang galit niya para sa babae. All this time ay pinapaikot lang siya nito. Ang tanga
niya! I already fired her. Last week pa, wala na akong balita sa kanya. Tumango ang lalaki at
nagpaalam niya. Nagpasalamat siya rito, kundi dahil kay Luis ay hindi niya makikila ang tunay
na kulay ng babaeng iyon.
Humalakhaksiya sa loob ng kanyang kotse, hindi na sagabal si Eloisa sa pagpatay niya
kay Rave. Kanina sa loob ng opisina ay pwede na niyang patayin ito, pero mas gusto niya ng slow
and painful death. Kukuhain niya ang loob ni Rave para mas madali ang susunod niyang plano.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
41/56
Nasa isang bar sila ni Luis, niyaya siya nitong mag-inom. Wala namang silang date ni
Alisa kayat sumama siya rito. Hindi na nila pinag-uusapan ang dalaga, nagdesisyon na raw si
Luis na itigil ang pagpapakasal kay Eloisa-Karen dahil sa ginawa nito. Tiyak na maghihinagpis
ang dalaga kapag nalaman iyon.
Saan ka nagtatrabaho, Luis? Tanong niya sa malakas na boses dahil sobrang lakas ng
sound system sa bar.
Dito lang sa Makati! General Manager na hotel! Sagot naman nito kasabay ang pag-
inom ng alak. Tumango tango siya. Masasabi niyang mapagkakatiwalaan si Luis. Matapos ang
kwentuhan ay umuwi na sila sa kani-kanilang uwian. Sa condo muna siya matutulog.
Nang mga sumunod na araw ay lagi niya itong kasama, siguro ay nagkakasundo sila
sapagkat iisa lang ang naranasan nila sa iisa ring babae. Nasa Palawan silang dalawa para
magbakasyon.
Nang malaman niya na nasa Palawan si Rave ay nagpa-book siya ng flight at agad ding
umalis. Nasa isang rest house siya na pag-aari ni Cristof, hiniram muna niya ang nasabing rest
house. Buong magdamag niyang binantayan si Rave at nang ma-bored sa loob ng kwarto at
humiram siya ng umbrella at reclining chair. Nakapwesto siya sa tatlong metro mula sa dagat.
May napansin siyang dalawang lalaking naglalakad mula sa malayo, kinuha niya ang kanyang
binoculars at sumilip roon! Si Rave at Janus! Magkasama ang dalawa. Umalis muna si Janus
para bumili sa isang restaurant, agad niyang nilapitan si Rave. Kailangan niyang balaan ito.
Rave! Rumehistro sa mukha nito ang galit at pagkagulat.
What are you doing here? Hindi mo sinabing ikakasal ka na pala, right Karen?
Ipinagdiinan pa nito ang pangalang Karen. Naguluhan siya, bakit Karen ang tinatawag nito sa
kanya. Isang ideya lang ang lumabas sa utak niya, binilog ni Janus ang utak nito.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
42/56
May kasama kang killer, Rave. Baka mamayang gabi patayin ka na niyan. Tumingin
siya sa direksiyon kung nasaan si Janus.
Who? Luis? Siya nga raw pala ang ex-fiancee mo. Hindi na niya pinansin ang sinabi
nito.
Rave, listen to me. Umalis ka na ng Palawan, papatayin ka ni Janus! Hinawakan niya
ang braso nito. Alam niyang mahirap na itong paamuhin ngayon, wala na itong tiwala sa kanya.
I dont believe you. Matapos mo akong lokohin, may lakas ka pa ng loob ng magpakita
sa akin? Puno ng galit ang mga mata nito. Iniwan na siya nito sa kinatatayuan at sumunod kay
Janus. Lalong nanganib ang buhay ni Rave.
Anong problema mo? Tanong sa kanya ni Luis. Hindi siya naniniwala sa kahit anong
sinabi ni Karen. Tinunggan niya ang alak.
Nakita ko si Karen. Nilapitan niya ako.
Anong sinabi niya? Tanong muli nito.
Isa ka raw killer, Janus raw ang pangalan mo. Kumunot ang noo nito at tumawa.
Naniwala ka naman? Rave, pareho tayong niloko ng babaeng iyon. Kung killer nga
talaga ako, dapat matagal na kitang pinatay. Sumubo naman ito ng chicharon.
Sabagay. May parte sa kanyang puso na biglang sumigla noong nakita si Eloisa. Shes
not Eloisa! Si Karen yun! Pilit niyang itinatatak sa utak ang bagay na iyon. Mas sanay siyang
tawagin itong Eloisa, parang na-miss niya ito. Youre crazy Rave! Muli ay tinunggan niya ang
alak. May tiwala siya kay Luis, alam niyang mabuting tao ito.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
43/56
Chapter Eight
Sweetheart. Tawag sa kanya ni Mayet. Hinapit naman niya ang beywang nito at
mariing hinalikan sa mga labi. Malapit na silang magtagumpay sa plano nila. Kung hindi ba
naman isang gago si Rave ay hindi ito agad maniniwala sa kanya, baka magaling lang siyang
umarte. Hinalikan niya ang leeg nito hanggang sa balikat.
Malapit na, Mayet. Makakaganti na rin tayo. Tinanggal niya ang saplot nito sa katawan
at ganoon din naman ang ginawa ng asawa. Inihiga niya ito sa kama.
Malaki ang kasalanan ng pamilya Legazpi sa kanilang mag-asawa, nawalan sila ng anak
dahil rito. Hinuli silang dalawa dahil natagpuan silang nagbebenta ng ilegal na droga, marahas
ang paghuli sa kanyang asawa kayat nakunan ito. Gusto niyang iparamdam kay Alejandro kung
paano mawalan ng anak.
Janus anas ng asawa sa kanya. Pinadaanan niya ng mumunting mga halik sa dibdib
ang asawa at umungol ito. Hindi niya mapapatawad si Alejandro dahil hindi na sila muling
magkakaanak ni Mayet. Nabubuhay na lang silang dalawa para sa isat isa.
Kanina pa masama ang pakiramdam niya, sobrang bigat ng katawan niya at mukhang
nilalagnat pa siya. Tiningnan niya ang monitor ng kanyang laptop para tingnan kung nasaan si
Rave. Nasa kwarto ito, pumikit siya at tuluyan nang iginupo ng antok.
Lumabas siya ng hotel para magpahangin, naglakad-lakad siya sa dalampasigan nang
may makita siyang pamilyar na bulto. Nang masinagan ng buwan ang mukha nito ay nakita ni si
Alisa, narito rin pala ito sa Palawan.
Rave! Nandito ka rin? Nilapitan siya nito.
Yeah, obvious naman. Ngumiti ito sa kanya.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
44/56
Samahan mo muna ako sa cottage ko. Wala akong kasama. Bago pa siya makasagot ay
hinila na siya nito. Magulo pa rin ang kanyang utak pati na rin ang puso. Hinahanap-hanap niya
ang boses ni Eloisa, gusto niyang matikma muli ang mga labi nito. Mahal pa rin niya ang dalaga
pero mas mangingibabaw ang galit niya rito. Kung sinabi nito noong una pa ang intensiyon nito
ay malamang na matatanggap niya kaagad.
Pumasok sila ni Alisa sa isang cottage, puno ng pagkain ang lamesa nito. Niyaya siya
nitong maupo para kumain, nagpaunlak naman siya. Dapat siguro ay kalimutan na niya si
Eloisa, narito naman si Alisa.
Alisa, I want to tell you something. Hinawakan niya ang kamay nito.
Yes?
Be my girl. Ngumiti ito at tumango. Nagtataka siya at hindi siya masaya. Thanks.
Kumain na silang pareho. Doon na rin siya nagpalipas ng gabi sa cottage.
Good work baby. Hinalikan niya si Mayet, nahulog na si Rave sa patibong nilang mag-
asawa. Kung narito nga si Eloisa ay kailangan na nilang bumalik sa Manila, siguro ay sa
makalawa na ang balik nila. Pumasok na si Mayet sa loob ng cottage at baka makahalata pa si
Rave. Nahanap na niya kanina kung saan tumutuloy si Eloisa, pupuntahan niya ito ngayon.
Sa isang malaking resthouse tumigil ang mga paa niya. Walang bodyguards kayat
pumasok siya sa gate, naka-lock ang maindoor pero kaya niya iyong buksan. Nasa unang kwarto
si Eloisa, natutulog. Nakita niya ang laptop na nasa bedside table. May locator palang nakakabit
kay Raven, hindi na iyon mahalaga. Mas makakatulong pa ito sa susunod na plano. Hindi agad
nagising si Eloisa nang buhatin niya ito. Mukhang tinatrangkaso ito, napangiti siya. Binuksan
niya ang banyo at inihiga ito sa bath tub na walang lamang tubig. Tinalian din niya ng mahigpit
ang paat kamay nito. He locked the door outside para hindi na ito makalabas, pwedeng mabulok
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
45/56
na ito roon habang buhay.
Kahit anong gawin niyang pagpikit ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, katabi niya
si Alisa na himbing na himbing sa pagtulog. Pilit na sumiksik ang mukha ni Eloisa sa utak niya,
ang lakas ng kabog ng dibdib niya na hindi niya mawari. Parang may kakaibang nangyayari.
Kumuha siya ng sleeping pills sa medicine cabinet at ininom iyon, kailangan niya ng tulog.
Rave, kung makikita mo ulit si Pot pot anong gagawin mo?Tanong sa kanya ng kanyang
ina noong pumunta ulit sila sa park kung saan sila unang nagkita ni Pot pot.
Siyempre po, liligawan ko na siya!Mayabang na sagot niya.
Hala! Andro, itong anak mo ke-bata palang marunong ng manligaw. Tumawa ang
mommy niya, nasa stroller naman ang kapatid niyang si Gabby, natutulog. Gwapo rin ito katulad
niya.
Kanino pa ba magmamana iyan?Salo ng kanyang ama. Matapos mamasyal ay umuwi na
sila sa bahay, nilalaro niya si Gabrielle.
Malamig na hangin ang dumadapo sa balat niya, iminulat niya ang kanyang mga mata.
Ngunit malabo ang paningin niya, mabigat ang talukap ng kanyang mga mata kayat hinila ulit
siya ng antok.
Halos magwala siya nang makita sa ataul ang mga magulang niya. Kahit nasa murangedad
pa lamang siya ay ramdam niya ang pagiging ulila. Nag-crash angeroplanong sinasakyan nila sa
Macau airport, siya lang ang nakaligtas.
Mommy ko!Sisigok-sigok pa siya sabay yakap sa ataul. May yumakap sa kanya mula sa
likuran. Natatandaan niya ang lalaking iyon, iyon ang daddy ni Rave.
Ano pong ginagawa ninyo rito?Ngumiti ito sa kanya.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
46/56
Maging matatag ka Eloisa, magkikita tayong muli.Dinampian siya nito nghalik sa noo
bago umalis. Napaiyak na naman siya nang tanawin ang mga magulang.
Hindi nga nagkamali si Mr. Legazpi, nagkita siyang muli noong makatapos siya ng kolehiyo.
I
to pala ang tumulong siya kanya para makatapos ng pag-aaral, ginawa siya nitong scholar.N
ag-
training siya sa SS A para sa sarili at para na rin kay Commander dahil malaking tulong ang
ibinigay sa kanya nito, sinusuklian lang niya.
Nang bigyan siya ng misyon nito na kailangan niyang protektahan ang anak nito ay hindi
na siya tumutol. Ito naman ang may kailangan ng tulong kayat tatanggapin niya.
Nagmulat siya ng kanyang mga mata, nang maging malinaw ang kanyang paningin ay
napagtanto niyang nasa banyo niya, at nasa bath tub. Nakaramdam siya ng sakit sa likod. Ang
kanyang magkabilang kamay at paa ay nakatali, mahirap tanggalin ang taling iyon lalo nat
masama ang pakiramdam niya. Inaapoy siya ng lagnat, alam niyang si Janus ang may
kagagawan niyon. Pilit siyang tumayo kahit nahihilo, nakailang bagsak na rin siya pero
nagpursige siya. Ayaw niyang mawalan ng lakas ng loob, kailangan niyang makaalis roon. Nakita
niya ang maliit na pang-ahit, pilit niya itong inabot. Pagtitiyagaan niyang putulin ang tali sa
pamamagitan nito.
Walang epekto sa kanya ang sleeping pills, nagising agad siya matapos ang dalawang
oras. Nakita niya si Alisa na nakatayo sa harap niya.
Anong oras na? Tanong niya.
12:30 in the evening. Uminom ka muna, para makatulog ka. Inabutan siya nito ng
gatas, maya-maya pa ay umeepekto na ito. Nahihilo na siya, nahiga siyang muli sa kama at
nakita niya na may kausap si Alisa sa cellphone.
Baby, lets proceed to the next plan. Ano nang gagawin natin- Naging blangko na ang
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
47/56
lahat para sa kanya at bago pa siya mawalan ng malay ay muling nakita niya ang imahe ni Eloisa
sa kanyang isipan.
Tatlong oras na niyang sinusubukang putulin ang tali, wala pa sa kalahati ang nagagawa
niya. Inuna niya ang tali sa kanyang mga paa. Bumibigat na naman ang pakiramdam niya pero
nilabanan niya ang antok.Rave, hintayin mo lang ako.
Chapter Nine
Nagising na siya mula sa mahabang pagtulog. Masakit ang katawan niya, iginalaw niya
ang kanyang paa para tumayo. Nakatali siya! May busal pa ang bibig niya. Where am I! Gusto
niyang sumigaw at humingi ng saklolo pero hindi niya magawa. Nakita niya si Alisa na papalapit
sa kanya. Umungol siya para humingi ng tulong. Hindi nito kinalas ang pagkakatali sa kanya
bagkus ay hinigpitan pa ang mga iyon pero tinanggal ang busal sa kanyang bibig.
Nasaan ako? Let me go, Alisa.
Rave, ang bilis mong magtiwala. Sabi nito. Biglang sumulpot si Luis, may hawak na
baril. Naupo ang dalawa sa isang mahabang monoblock chair, nakaakbay pa si Luis kay Alisa. At
ang mga sumunod na eksena ay ang paghahalikan ng dalawa.
Anong ibig sabihin nito? Tanong niya. Natigil ang dalawa.
Oh, sorry. May audience pala tayo, baby. Tumawa si Alisa.
Luis, Alisa. Anong nangyayari? Tanong niyang muli.
Hindi Luis ang pangalan ko. Im Janus and this is my wife, Mayet. Ang lahat ng sinabi sa
iyo ni Eloisa ay tama. Gusto niyang iuntog ang sariling ulo sa pader. Kumulo na naman ang
dugo niya.
-
8/3/2019 Eloisa's Special Mission Completed)
48/56
Anong kailangan ninyo sa akin?! Kung gusto ninyo ng pera, ibibigay ko! Sigaw niya.
We dont need money, Rave. Mayroon na kami niyan. Kailangan lang naming ang buhay
mo, alam mo bang nawalan kami ng anak dahil sa daddy mo? Umiling siya.
Hindi ako naniniwala sa inyo!
Okay, hinuli kami ng daddy ninyo dahil sa ilegal na droga, buntis ang asawa ko.
Nakunan siya dahil sa paghuli sa kanya ng daddy mo. At ang masakit ay hindi na kami
magkakaanak! Nilapitan siya ni Janus at hinagupit siya ng suntok, tinamaan ang panga niya.
Let me tell you the whole story. Si Eloisa ay agent na ama mo. Binigyan ni Andro si
Eloisa ng misyon para protektahan ka laban sa akin. Mayet, also known as Alisa, pretended to be
single para mabuo ang lahat ng plano namin. Yung tungkol kay Karen, imagination ko lang iyon.
Yung date naman namin ni Eloisa, pang-black mail ko iyon para sirain ko kayong dalawa. Tutal,
alam mo naman ang plano namin, pwede ka ng mamatay. Itinutok nito ang baril sa noo niya.
Pumikit na lang siya. Pinagbintangan niya si Eloisa na isang masamang babae, ginagawa lang
naman nito ang trabaho nito.