english

Upload: willy-rose-near-oliva

Post on 04-Nov-2015

223 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Valediction sa hill crest and Desire's Unlikely End

TRANSCRIPT

Willy Rose N. Oliva BSIT 1-2

Valediction sa hill crest -Rolando Tinio

Pagkacollect ng Railway Express sa aking things(Deretso na iyon sa barko while I take the plane.)Inakyat kong muli ang N-311, at dahil dead of winter,Nakatopcoat at galoshes akongNagright-turn sa N wing ng mahabang dilim(Tunnel yatang aabot hanggang Tundo.)Kinapa ko ang switch sa hall.Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,Nagparang ataol.

Or catacomb.Strangely absolute ang impressionNg hilera ng mga pintong nagpuprusisyon:Individual identification, parang mummy cases,De-nameplate, de-numero, de-hometown address.Antiseptic ang atmosphere, streamlined yet.Kung hindi catacomb, at leastE filing cabinet.

Filing, hindi naman deaths, ha.Remembrances, oo. Yung medyo malapotDahil alam mo na, Im quitting the placeAfter two and a half years.After two and a half years,Di man nagkatiyempong mag-ugat, ika nga,Siyemprey nagging attached, parang morning gloryngMahirap mapaknit sa alambreng trellis.

At pagkabukas ko sa kuwarto,Hubot hubad na ang mattresses,Wala nang kutson sa easy chair,Mga drawer ng bureauy nakanganga,Sabay-sabay nag-ooration,Nagkahiyaan, nabara.

Of course, tuloy ang radiator sa paggaralgal:Nasa New York na si Bob and the two Allans,Yung mga quarterbacks across the hallPihadong panay ang display sa Des Moines.Don ang Cosntance arent coming back at all.Gusto ko nang magpaalamto whom?The drapes? The washbowl? Sa double-deckerNa pinaikot-ikot naming ni KandaswamyTo create space, hopeless, talagang impossible.Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok.(And the stone silence,nakakaiyak kung sumagot.)

Bueno, lets get it over with.Its a long walk to the depot.Tama na ang sophistication-sophistication.

Sa steep incline, pababa sa highwayWhere all things level, sabi nga,Theres a flurry, ang gentle-gentle.Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,The snow melts right under:

Nagtutubig parang asukal,Humuhulas,nagsesentimental.

Willy Rose N. Oliva BSIT 1-2

Desire's Unlikely End

I always dream of your unique mirthEvery night in my deep sleepAnd in this dream I earnestly pleadWith you as I wail over my plight

Nenang, dear one, heed my criesThis searing pain, this ceaseless sufferringTrulu, my love, for why should I desireWhen all I get in return is your crueltyDeath is a much sweeter rewardFrom you benevolent hand

I have given all my life to youAnd should you wish that I end this lifePlease just bless my heart whish has been torn apartBut which has found a home in you

Try to fathom the pain This terrible agony I bearAs you leave in distressMy tears will stalk you from your grave

My dead body will sigh with all its mightAnd all those whos shall hear meWIll declare, Ay, what misfortune!Has be fallen her wicked wretched soul.

Kakaibang Pagkalibing ng Paghahangad

Ang kakaibang timyas mo'y lagi kong panaginipTuwing gabing ako'y nahihimbing;Tila ba sumasamo ako sa iyo nang tumatnagis,Inihihimutok ang lumbay at pasakit na tinitis.

Nenang, arukin mo sa kaibuturan ng isipAng mahahapdi kong mga daing;Dahil tunay namang walangkahihinatna't, wala nang kabuluhan,Kikitlin ko na ngayon itong pagdurusanghinaharap.

Tunay, imnas, pagkat ano pa nga ba ang akinghahangarin?Kung kalupitan din lamang ang akingtatamasahin;Mamatamisin ko ang kamatayanKung sayo ito magmumula.

Ang buhay kong ito'y sa iyo nakalaanKung nanaisin mo, kahit pa mapugto ang hininga;pagpalain mo na sana itong pusong nakikiusapNa sa piling lubos tumahan.

Arukin mo sa kaibuturan ng isipItong napakahapding pagdaing,At kung itong pagsinta'y iiwanan mongnagdurusa,Hanggang puntod susundan ka ng mga luha.

At yaong bangkay dito'yBubuntunghininga nang buong-buoUpang yaong mga taong makaririnig aymagsasabingAy, tunay namang kaysawimpaladLubusan nang napariwara't wala nang pitagan.