filipino9 q2 mod5 cabalida maiklingkuwento v2 16€¦ · matapos mong mapag-aralan ang paggamit ng...

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya-Maikling Kuwento ng Tsina Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ 9

Upload: others

Post on 28-Jan-2021

27 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 5:

    Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya-Maikling Kuwento ng

    Tsina

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

    9

  • Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya - Maikling Kuwento ng Tsina Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City Zamboanga del Norte, 7100 Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818 E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Eumar Jane Y. Cabalida Editor/ Tagasuri Lea Jane T. Lañoso/Alma R. Santiago Tagaguhit / Tagakuha ng Larawan: Eumar Jane Y. Cabalida Tagalapat: Kevien Ian I. Albon Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

  • 1

    Alamin

    Simulan natin ang ating aralin sa tulong ng liksi ng inyong isipan. Inaasahan na pagkatapos ng ating talakayan ay matutuhan mo ang mga sumusunod:

    • Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento.(F9PT-IIe-f-48)

    • Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento. (F9PB-IIe-f-48)

    • Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula.(F9PD-IIe-f-48)

    Kamusta na? Ako’y masaya sapagkat ika’y nandito na sa Modyul 5. Ako nga pala si Teacher Jane ang makakasama mo sa paglalakbay na ito tungo sa panibagong kaalaman.

    Matapos mong mapag-aralan ang paggamit ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi, lilinang na naman tayo ngayon ng bagong karunungan. Handa ka na bang maglakbay kasama ko at malaman pa ang mga akdang pampanitikan mula sa rehiyon ng Silangang Asya, partikular sa bansang Tsina?

    Alam mo ba na ang bansang pinagmulan ng kuwentong tatalakayin natin ngayon ay malaki ang naging impluwensiya sa ating kultura? Marami sa mga nagustuhang pagkain ng mga Pilipino tulad ng siopao, lumpia, mami, bola-bola o dumpling, tikoy, siomai,lechon at marami pang iba ay nagmula sa bansang ito.Mula sa pagkain, damit at mga kagamitan sa bahay, naging bahagi sila ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. May hinuha ka na ba sa bansang tinutukoy ko? Tumpak! Ang bansang tinutukoy ko ay ang Tsina o China.

    Halina’t sabay nating pag-aaralan ang kuwentong kapupulutan ninyo ng aral at inspirasyon upang magsumikap sa buhay.

    Handa ka na bang malaman ang kuwento ng isang taong tiyaga ang naging susi sa kanyang buhay na matatag?

  • 2

    Aralin 5

    Maikling Kuwento ng Tsina: Niyebeng Item

    Magsimula na tayong maglakbay sa bansang Tsina at sabay nating pag-aralan ang kanilang panitikan na may malaking impluwensya rin sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon dito sa Pilipinas.Sa pamamagitan ng pagtalakay sa kanilang panitikan, aalamin din natin kung paano naiiba ang kuwento ng katutubong kulay sa mga naunang kuwentong iyo ng natalakay. Tara! Simulan na Natin!

    Balikan

    Oops! Bago natin tuluyang talakayin ang kuwentong nasa uri ng katutubong kulay, atin munang balikan ang iyong natutuhan sa nauang modyul.Sa pagkakataong ito, susukatin muna natin ang iyong kakayahan sa pagtukoy sa nais bigyang-pansin ng mga sumusunod na bahagi ng kuwento.Gamitin ang mga simbolo na nasa ibaba at ilagay ito sa patlang bago ang bawat bilang.Isulat sa papel ang iyong sagot.

    1________1. Unti-unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran. Ang mga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan, ang iba'y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at kawayan, ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang sandali. Sa malayang hangin ay nagsasanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik, unga ng mga kalabaw, langitngit ng nagtatayugang kawayan, at pagaspas ng dahon. (mula sa Lugmok Na ang Nayon ni Edgardo Reyes)

    ________2. Dinalaw siya mula noon ng pag-aagam-agam sa kaniyang pag-aanluwage. Hinahanap-hanap niya mula noon ang bagay na dapat niyang malikha; at sa palagay niya'y waring nagkukulang at hindi tumpak ang bawat gawin at likhain niya. Dumaan ang mga taon at siya'y nakaramdam ng panghihina. Mabilis ang pagtanda niya, ngunit ang kaniyang alalahanin ay hindi nababawasan.(mula 53 Anluwage ni Hilario L. Coronel) ________3. May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud’ hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na Iakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa‘y nakapikit at buka ang labmg nag-angat siya ng mukha.(mula sa Impeng Negro … Rogelio Sikat) ________4.Tunay ngang isang malaking pangyayari ang nakaakit sa pansin ng San Joaquin. Hindi sila magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya ang anak ni Aling Clara na magpapaahon sa kanya pamilya mula sa kahirapan; kaiinggitan, kamumuhian, masarap siraan. Subalit siya rin ang anak

    -Tauhan

    -Lugar

    -Pangyayari

  • 3

    ng San Joaquin na kapupulutan ng pag-asa; pupurihin, tatangkilin, gagawing pangunahing tauhan sa kuwentong isasalaysay sa ilang henerasyon ng kabataan. (mula sa Bagong Bayani ni Joseph Salazar)

    ________5. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni DonTeong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang ito'y umungol na ang alingawngaw ay ano't hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya makita na halos apoy na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. (mula sa Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)

    Tuklasin Panuto: Kilalanin ang mga taong nasa larawan sa ibaba. Tukuyin kung bakit naging tanyag sila sa ating bansa.Handa ka na ba? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    1.Sino-sino ang mga nasa larawan? A._______________________________ B._______________________________ C._______________________________ 2. Sa iyong pagkakaalam, ano-ano ang kanilang mga pag-aari dito sa ating bansa? Ilista ang lahat na nalalaman mo hinggil sa kanilang pag-aari o kompanya na mayroon sila sa ating bansa. A.__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ B._________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ C._________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Photo credit fromhttps://www.philstar.com/lifestyle/allure/2019/01/27/1888360/remembering-henry-sy-sr

    Photo credit fromhttps://philnews.ph/2014/09/09/lucio-tan-takes-back-full-control-of-pal/

    Photo credit from https://jslazo28.wordpress.com/2017/02/05/john-gokongwei-jr-founder-jg-summit-holdings-inc/

    C B A.

  • 4

    3.Sa iyong palagay, paano kaya nila nakamtan ang mga pag-aari/kompanya na mayroon sila dito sa ating bansa? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Panuto:Bigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolong ginamit sa kuwento. _____ 1. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob; kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata, paaandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. A.Nararapat lamang siyang magpalakas ng kanyang pangangatawan upang magkaroon siya ng lakas sa pagtitinda. B.Dapat na maging maliksi siya sa pagtitinda upang hindi siya masalisihan. C.Kinakailangan niyang maging matiyaga at huwag kaagad panghinaan ng loob,magplano sa mga nararapat gawin at maging masipag sa pagtatrabaho upang makamit ang tagumpay. D.Kailangang maging prangka sa pagsasalita, hindi patulog-tulog sa pagtrabaho at dapat mag-isip palagi kung paano kumita.

    _____ 2. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya ng mababa, umaangat ang kaniyang sarili. A. Sa buhay ni Huiquan, marami ang pumupuna at nagsasabi kung ano ang dapat at di dapat gawin, ngunit siya’y nagpakumbaba sapagkat alam niya ang kanyang kalakasan. B. Hindi maiiwasan minsan na sadyang maraming tsismosa sa paligid kaya ‘wag na lang silang patulan. C. Marami man ang pumupuna sa kanya, alam niya ang dapat niyang gawin. D. Marami ang mga dapat at di dapat gawin, minsan kailangan maging tanga upang maging malakas sa iba.

    Upang lubusan mong maunawaan ang kuwentong babasahin, bibigyang-kahulugan muna natin ang mga imahe at simbolong ginamit sakuwento.

    Laging tandaan, maaari kang magpatulong sa iyong mga kasama sa bahay ngunit hindi puwede na sila ang gumawa.Handa ka na ba?

    May hinuha ka na ba ngayon sa kuwentong ating tatalakayin? Handa ka na bang alamin ang nilalaman nito? Magsimula na tayo.

  • 5

    _____ 3. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas.Kaya magpapanggap siyang tanga, umiwas sa mga magmamasid at mapagmatyag. A.Wala siyang magawa sa kanyang sitwasyon, kaya magpapanggap na lang siyang walang alam upang hindi siya pag-iinitan ng iba. B.Nais niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga nang-aapi sa kanya ngunit hindi niya magawa kaya magpapanggap na lang siyang walang alam sa buhay. C.Hindi na lang siya lalaban sa mga nang-aapi sa kanya upang maiwasan ang gulo. D.Iiwas na lang siya sa gulo sapagkat di niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili.

    _____ 4. Isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. A.Isang api na ang tingin sa sarili ay mahina at mababa sa iba kaya nais na lamang mag-isa. B.Taong pinagkaitan ng hustisya kaya nawalan ng tiwala sa sarili. C.Mababang uri ng tao na walang alam kaya ayaw ring makialam sa iba. D. Isang hamak na tao na kinakaya ng iba kaya mas ninais niyang mapag-isa.

    _____ 5. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. A.Ipinapahiwatig nitong antayin na lang ang grasyang darating kasi kusa ating ibibigay ng pagkakataon. B. Ang nais ipakahulugan nito ay mag-antay sa grasyang darating sapagkat habang may buhay may pag-asa. C. Ang ibig sabihin ay huwag mawalan ng pag-asa, maging matiyaga sa buhay sapagkat kusang darating ang oportunidad na nakalaan sa iyo. D. Ang nais ipahiwatig na mas mabuti pa rin ang maghintay kaysa mawalan na ng pag-asa sa mga darating na panahon.

    Suriin

    Basahin at suriin ang buod ngisang kuwentong nasa uri ng katutubong kulay upang lubusan mong makilala ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng maikling kuwento.

    Niyebeng Itim ni Liu Heng (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)

    Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang

    litrato kasama ang kaniyang Tiya Luo. Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace Studio. Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng lisensiya para sa kariton at pagtitinda ng prutas.

    Naaprubahan ang pagkuha niya ng kariton ngunit sa pagtitinda ng prutas

    ay hindi. Puno na ang kota, hindi rin nakatulong ang kontak ng kaniyang Tiya Luo o ayaw nitong tumulong. Ang tanging lisensiyang naroroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kahit anong itinda.

  • 6

    Gawain: ANTAS NG PAG-UNAWA Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Gawin ito sa inyong sagutang papel. 1.Sino ang mga tauhan sa kuwentong binasa? 2.Ilarawan ang tagpuan at panahon na naganap ang kuwento? 3. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento? 4.Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan sa kuwento? 5.Paano hinarap at sinikap ni Li Huiquan na masolusyonan ang kanyang problema? 6.Ano ang kinalabasan ng ginawang hakbang ni Li Huiquan? 7. Sa anong uri ng maikling kuwento napapabilang ang kuwentong binasa?

    Pagyamanin

    Gawain: Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento.

    Sa kabila ng mapait na karanasan ni Li Huiquan, hindi siya nawalan ng pag-asa.Naging matiyaga siya at nagsumikap sa buhay upang masolusyonan ang

    Ang mahalaga ay may gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Inimbita si Huiquan ng kaniyang Tiya na manood ng magandang palabas sa

    tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pang gagawin. Ibinigay kay Huiquan ang puwesto sa may Timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda niya. “Sapatos na tatak Perfection mula sa free economic zone! Sapataos tatak perfection gawa sa Shenzen...” ang sigaw niya. Mga blusang batwing! Halikayo rito!” muli niyang sigaw.

    Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na nagsara sa

    hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras nang magbukas ng kaniyang tindahan ay nakabenta siya ng damit na pang army sa apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa Silangang tulay ay nagkulay talong ang labi nila sa lamif. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.

    Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo. Ngunit

    naging inspirasyonsa kaniya ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka di ba? Sanggunian:

    https://www.slideshare.net/michaelsaudan1/niyebeng-itim-133714621

  • 7

    kahirapang nararanasan niya sa buhay.Hindi siya nawalan ng pag-asa bagkus tiyaga ang naging susi niya sa isang buhay na matatag. Mas minarapat niyang maghintay kaysa umayaw, sapagkat walang makakaalam kung kailan kakatok ang oportunidad.

    Batay sapag-uugali, paniniwala at pamumuhay ni Li Huiquan, anong kultura ng mga Tsino ang mahihinuha mo sa kuwentong binasa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

    Paliwanag: _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Gawain 4: Venn Diagram

    Mula sa kuwentong “Niyebeng Itim”, ihambing ang kultura ng bansang Tsina gamit ang Venn Diagramsa iba pang bansa na sakop ng Silangang Asya batay sa napanood mong bahagi ng teleserye o pelikula.(Silangang Asya: China, Macau, Japan,North Korea, Sounth Korea, Mongolia at Taiwan) Pumili ng hindi bababa sa dalawang bansa.

    Li Huiquan

    Pag-uugali

    Paniniwala

    Paraan ng Pamumuhay

    Aral na natutuhan mula sa maikling kuwento

  • 8

    Isaisip

    Isagawa

    Alam mo ba na…

    Sa kuwentong makabanghay, ang binibigyang-diin ng sumulat ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari? Sa kuwento naman ng tauhan, nakapokus ito sa pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng kabuuang pag-unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila.Pinapahalagahan naman sa kuwento ng katutubongkulayang tagpuan-pook/lugar na pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa pook-hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang kilos /gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay.

    -mula sa Sambotani III ni Bernie C. Santos, 2007

    Ang “Niyebeng Itim” ay isang kuwento na nasa uri ng katutubong kulay sapagkat nangibabaw rito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.

    Mahusay! Binabati kita sa iyong pagsisikap na makasunod at makagawa ng mga gawain na iniatang sa iyo. Ito na ang pagkakataong mapatunayan ang iyong galing sa pamamagitan ng kasunod na mga gawain batay sa iyong mga natutuhan sa modyul na ito.

  • 9

    Gawain A: Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na talahanayan.

    Gawain B:Punan ng wastong sagot ang sumusunod na puwang sa bawat pangungusap.

    1. Binibigyang-diin ng ____________ ang kapaligiran na pinangyarihan ng kuwento, mga kaugalian,paniniwala, pamahiin, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar. 2. Nangibabaw sa kuwentong ________________ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. 3. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob; kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata, paaandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.Ipaliwanag ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Gawain C.Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag. 1.Mahalagang matutuhan ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sapagkat__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 2. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa kultura ng ibang bansa na nakapaloob sa binasang kuwento ay mahalaga sapagkat_________________________________________ _________________________________________________________________________________.

    Ano ang iyong mga natutuhan? Gaano ito kahalaga sa iyo? 1. 2. 3. 4. 5.

  • 10

    Tayahin Panuto:Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

    1.Ang tawag sa uri ng kuwento na nagbibigay-diin sa paglalarawan ng isang tiyak na pook,ang anyo ng kalikasan doon; at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. A. Kuwento ng Pag-ibig C. Kuwento ng Tauhan B. Kuwento ng Katutubong Kulay D.Kuwento ng Pakikipagsapalaran

    2.Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Niyebeng Itim”? A.Lou Xiaofen C. Tiya Lou B.Li Huiquan D.Tiyo Li

    3.Ano ang suliraning kinakaharap ni Li Huiquan sa kuwentong “Niyebeng Itim”? A.Kung paano siya makapagtitinda at ang matustusan ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. B.Ang makakuha ng lisensiya sa pagtitinda ng prutas at gulay. C.Ang makalabas sa bilangguan at makapiling ang ina. D. Kung paano niya makukuhang muli ang pinakamamahal niyang babae.

    4.Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na nasa kultura ng mga Tsino? A. Ang pagtitiyaga sa pagnenegosyo kahit kaunti lang ang kinikita basta’t tuloy-tuloy ang kita. B.Ang paghahanda at pagdiriwang ng bagong taon. C.Ang pagsisipag at pagpupursige sa pagnenegosyo. D.Hindi na sila nag-aasawa upang maituon ang atensyon sa pagnenegosyo.

    5. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas.Kaya magpapanggap siyang tanga, umiwas sa mga magmamasid at nagmamatyag”? A.Wala siyang sapat na lakas upang ipangtanggol ang kanyang sarili, kaya magpapanggap na lang siyang walang alam sa buhay upang hindi siya pag-iinitan ng iba. B.Nais niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga nang-aapi sa kanya ngunit hindi niya magawa kaya magpapanggap na lang siyang tanga. C.Hindi na lang siya lalaban sa mga nang-aapi sa kanya upang maiwasan ang gulo. D.Iiwas na lang siya sa gulo sapagkat di niya kanyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Para sa bilang 6-7

    Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba?

    6. Mula sa binasang teksto, mahihinuhang si Li Huiquan ay __________________. A. maghahanap ng koneksyon sa pamahalaan upang mapalakas ang pagtitinda B. kinakilangang magkaroon ng sipag at tiyaga sa pagtitinda C. mag-aantay ng suwerte habang nagtitinda sa kalye D. hindi naniniwala sa malas sa pagtitinda

  • 11

    7.Ano ang nagbigay ng inspirasyon kay Huiquan sa matamlay na pagharap niya sa negosyo sa araw na iyon?

    A. Nang makita niya ang kanyang Tiya Lou. B. Ang pagbili ng mga karpintero sa kanyang mga paninda. C. Dahil nabilhan siya ng muffler ng aling dumaan. D. Sinuwerte siya sa araw na iyon.

    8.Sa kuwentong makabanghay, binibigyang-diin ng sumulat ng kuwento ang _________.

    A. tauhan kung saan nakapokus ang pangyayari at mabigyang paunawa ang mga mambabasa tungkol sa pangunahing tauhan B.tagpuan/lugar ng pinangyarihan ng kuwento maging ang paniniwala, kaugalian at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar C.pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari sa kuwento D.pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan

    9.Ano ang nais ipahiwatig ng pamagat ng kuwentong binasa na Niyebeng Itim? A.Ang paghihirap ni Li Huiquan sa pagkuha ng lisensiya sa pagtitinda. B. Ang hirap na dinaanan ni Huiquan mula sa pagkabilanggo, pagiging ulila at paghahanapbuhay upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan sa araw-araw. C.Ang madilim na karanasan ni Huiquan ng siya’y mabilanggo sa murang edad. D.Ang paghihirap na dinaanan mula sa pagkuha ng lisensiya sa pagtitinda hanggang sa paghahanap ng bibili sa kanyang mga paninda.

    10. Ano ang layunin ng kuwentong binasa? A.manghikayat C.magpaunawa B.mang-api. D.mangaral

    11.Alin sa mga sumusunod ang HINDI pagkaing Tsino? A.pansit B.siomai C.pizza D.dumpling

    12.Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ginawa ni Li Huiquan upang siya’y makapagtinda sa kalye?

    A.Kumuha ng lisensiya sa pagtitinda, naghanap ng sasakyan at ang ititinda. B.Kumuha ng lisensiya sa pagtitinda, naghanap ng de-tatlong gulong at inayos ito upang masakyan ng kanyang mga paninda, at ang pagkukunan ng kanyang paninda. C. Kumuha ng lisensiya sa kariton, naghanap ng kariton, at koneksiyon sa black market. D.Nag-aplay ng lisensiya, inayos ang kariton at naghanap ng mga panindang ititinda.

    13.Batay sa akdang binasa, ano ang ugaling Tsino ang makikita sa katauhan ni Li Huiquan?

    A. May kahinaan ang loob ngunit masipag sa pagtitinda. B.Matiyaga, maparaan at may tiwala sa sarili na magtatagumpay sa pagnenegosyo. C.Naghahanap ng koneksiyon sa pamahalaan, at naniniwala sa suwerte. D.Maparaan at naglalagay ng mga pampasuwerte sa pagtitinda.

    14. Ano ang paraan ng pamumuhay ni Li Huiquan?

    A.pagkakariton C.pagtitinda ng prutas at gulay B.pagtitinda sa kalye D.paglalako ng kakanin

  • 12

    15.Ano ang kaugaliang ipinakita ni Li Huiquan sa akdang binasa na masasalamin sa kultura ng mga Tsino? A. may kahinaan ang loob C.mapangarapin B.mapagkumbaba D.may tiyaga sa ginagawa

    Karagdagang Gawain Gawain: Kultura Ko, Ikukuwento Ko!

    Kaunti na lang at ika’y matatapos na sa modyul na ito.

    Ikaw ngayon ay susulat ng isang maikling kuwentong may uring katutubong kulay na naglalarawan sa sariling kultura nating mga Pilipino.

    Pumili lamang ng iyong partikular na paksa tungkol sa sariling kultura ang nais mong bigyang-diin.

    • Ang Kalagayan ng Kababaihan sa Kulturang Pilipino

    • Kaugalian, Paniniwala, at Tradisyon ng mga Sinaunang Pilipino

    • Ang Pamilyang Pilipino sa Nagbabagong Panahon

    • Ang Kulturang AsyanongIpinagmamalaki Ko

  • 13

    RUBRIKS SA PAGBUO NG KUWENTO

    Mga Pamantaya

    n

    Napakahusay 5

    May Kahusaya

    n 4

    Mahusay 3

    Mahusay-husay

    2

    Di - Mahusay

    1

    1)May orihinalidad at akma sa paksa

    Kakikitaan ng pagiging orihinal at akma sa paksa ang ginawang kuwento.

    Medyo kakikitaan ng pagiging orihinal at akma sa paksa ang ginawang kuwento.

    Kakikitaan ng kaunting orihinali-dad ngunit may pagkaka-hawig sa mga naunang nabasa

    Kakikita-an ng kaunting orihinali-dad

    Nabasa na sa iba ang kuwentong ginawa

    2)May kaisahan, pag-uugnay, at diin ang nabuong maikling kuwento

    Napakaga-ling ng ginawang pag-uugnay, may kaisahan at may diin ang ginawang kuwento.

    May kaunting kakulangan pagdating sa kaisahan at pag-uugnay sa kuwentong nabuo.

    May maraming kakula-ngan pagdating sa kaisahan at pag-uugnay sa kuwentong nabuo.

    Hindi masya-dong makita ang kaisahan, pag-uugnay at diin sa nabuong kuwento.

    Walang makikitang kaisahan, pag-uugnay at diin sa nabuong kuwento.

    3)Maaayos, malinaw, at kapani-paniwala ang isinulat na kuwento.

    Napakaga-ling,napaka-linaw, at kapani- paniwala ang isinulat na kuwento.

    May kahusayan, malinaw at kapani-paniwala ang isinulat na kuwento

    Kakikitaan naman ng husay, linaw at kapani-paniwala ang isinulat na kuwento

    Hindi maayos, May kalituhan at hindi kapani-paniwala ang isinulat na kuwento

    Magulo,malabo at di kapani=paniwala ang isinulat na kuwento.

    4)Sapat ang detalye at angkop ang uri ng salitang ginamit sa sinulat na kuwento.

    Tumpak ang detalye at angkop lahat ang mga salitang ginamit sa sinulat na kuwento.

    Medyo di sapat ang detalye at may kamalian ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng kuwento.

    Marami ang maling detalye at mga salitang ginamit sa sinulat na kuwento

    Napakara-ming mali sa detalye at marami ring mali sa mga salitang ginamit sa sinulat na kuwento.

    Mali lahat ang detalye, maging ang mga napiling salita sa sinulat na kuwento.

    Kabuuan 20

  • 14

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 9-13,

    https://www.slideshare.net/michaelsaudan1/niyebeng-itim-133714621

    https://www.philstar.com/lifestyle/allure/2019/01/27/1888360/remembering-henry-sy-sr

    https://philnews.ph/2014/09/09/lucio-tan-takes-back-full-control-of-pal/

    https://jslazo28.wordpress.com/2017/02/05/john-gokongwei-jr-founder-jg-summit-holdings-inc/

    TAYAHIN 1. B 2. B 3. A 4. D 5. A 6. B 7. B 8. C 9. A 10. C 11. C 12. B 13. B 14. B 15. D

    TALASALITAAN

    1.C 2.A 3.B 4.A 5.C

    BALIKAN

    1.

    -Lugar

    2.

    -Tauhan

    3.

    -Tauhan

    4.

    -Lugar

    5.

    -Pangyayri

    TUKLASIN 1.

    A. Henry Sy B. Lucio Tan C.John Gokongwei Jr.

    2.

    A.SM Malls at SM Prime Holding B.Phillip Morris Fortune Tobacco at Philippine Airlines C.JG Summit 3-4.Ang guro na ang magpapasya.

    PAGYAMANIN: Gawain 3 & 4

    -Nakadepende sa guro ang ibibigay na iskor batay sa naging kasagutan ng mag-aaral.

    ISAISIP

    Gawain 5-A

    -Nakadepende sa guro ang ibibigay na iskor batay sa naging kasagutan ng mag-aaral.

    Gawain 5-B

    1. Kuwento ng Katutubong Kulay 2. Niyebeng Itim 3. -Nakadepende sa guro ang ibibigay na

    iskor batay sa naging kasagutan ng mag-aaral.