hindi ako uto-uto movement
DESCRIPTION
a filipino's guide on how to be a wise voterbrought to you by www.betterphilippines.comTRANSCRIPT
“Hindi Ako Uto-Uto" Movement "Hindi Ako Uto-Uto" Movement aims to encourage all Filipino voters
to be more discerning in scrutinizing politicians who will run in the
2010 elections.
The discerning voter:
1. is able to see beyond pandering political statements 2. will ignore politicians who do nothing but criticize other
politicians to make themselves appear better 3. will avoid all variety shows masquerading as campaign sorties 4. will not accept gifts whether in cash or in kind from politicians 5. will not be content with campaign promises not backed by well
thought out, detailed, and clear plans of action
6. will not support candidates who will run their campaign on the strength of song and dance numbers, pageantry and
statements pandering to the public's anger
7. will vilify political ads that offer nothing but motherhood, feel-good statements
8. will support only candidates who are able to provide well thought out and clear platforms or plans for the country
9. will demand from all candidates a clear plan of action to fight government corruption
"Hindi Ako Uto-Uto" Movement believes that by observing the
aforementioned ideas the voting public will be able to force political
candidates to raise the level of campaigning in this country.
There is no need to sign up with any group to be part of this movement. Just put the ideas stated above into action.
*You may not make changes to this document but you may change how you assess the
candidates of your choice.
*You will not receive any fashion accessory in exchange for your cooperation. Be content with
the thought that you helped ensure a better future for the Philippines.
www.betterphilippines.com
"Hindi Ako Uto-Uto" Movement Layunin ng "Hindi Ako Uto-Uto" Movement na hikayatin ang mga
botanteng Pilipino na maging mas mapanuri sa pagkilatis sa mga
politikong kakandidato sa halalan sa taong 2010.
Ang botanteng hindi uto-uto ay:
1. hindi nagpapadala sa anumang pambobola mula sa mga politiko
2. hindi makikinig sa mga politikong wala nang ibang ginawa kundi ang manira sa iba pang mga politiko para palabasin na
mas matino sila
3. hindi dadalo sa anumang miting de abanse o kampanya na nagmimistulang variety show
4. hindi tatanggap ng anumang regalo -- pera man,gamit o produkto -- mula sa mga politiko
5. hindi makukuntento sa mga pangakong hindi suportado ng mahusay, malinaw at detalyadong plano ng implementasyon
6. hindi susuporta sa mga politikong idinadaan ang pangangampanya sa pasayaw sayaw, pakanta kanta, pagpapa-cute at pagpukaw sa galit ng mamamayan
7. mapagkutya sa mga political ads na walang laman maliban sa mga mapang-utong pananalita
8. susuporta lamang sa mga kandidatong nakapaglalahad ng malinaw at mahusay na plataporma o plano para sa bayan
9. hihingi sa mga kandidato ng malinaw na plano para sa pagsugpo sa katiwalian sa pamahalaan
Naniniwala ang "Hindi Ako Uto-Uto" movement na sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na ideya mapupuwersa ng mga
botante ang lahat ng mga kakandidatong politiko na itaas ang lebel
ng pangangampanya sa ating bansa.
Walang kailangang salihan para maging bahagi ng pagkilos na ito. Gawin lamang ang mga nabanggit sa itaas.
*Hindi mo maaaring baguhin ang nilalaman ng dokumentong ito ngunit pwede mong baguhin
kung paano mo kikilatisin ang mga napupusuan mong kandidato.
*Wala kang matatanggap na anumang borloloy bilang kapalit ng inyong kooperasyon.
Makuntento na lamang sa ideyang nakatulong ka sa pagtitiyak ng mas magandang
kinabukasan para sa Pilipinas.
www.betterphilippines.com