k to 12 grade 1 learner’s material in music and art (q1-q4)

152
1 1 Tagalog Music and Art Learner’s Material for Grade One 1

Upload: light-arohl

Post on 23-Jan-2018

4.660 views

Category:

Education


134 download

TRANSCRIPT

Page 1: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

11

TTaaggaalloogg

Mu

sic

an

d A

rt

Lea

rner

’s Ma

terial fo

r Gra

de O

ne

1

Page 2: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

Talaan ng Paggamit ng Aklat

Paaralan: __________________________________________________________________

Purok: ____________________________________________________________________

Sangay: ___________________________________________________________________

Rehiyon: __________________________________________________________________

Kailan natanggap sa paaralan: _________________________________________________

Pangalan ng Humiram (Pangalan ng Guro)

Kailan Ipinahiram

Kondisyon Kailan Isinauli Kondisyon

Gamitin ang sumusunod na mga titik sa pagtatala ng kondisyon ng aklat: A (Bago) B (Gamit na ngunit maayos pa) C (May kaunting sira) D (Maraming sira)

Page 3: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

Ingatan ang Iyong Aklat

Mga Dapat Gawin:

1. Pabalatan ang aklat ng plastik o manila paper. Maaari ding gamitin ang lumang diyaryo o magasin.

2. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang mga pahina.

3. Sa unang paggamit ng aklat, ihiga ito at buklatin nang isa-isa ang mga pahina. Bahagyang diinan ang bahaging pinagdikitan ng mga pahina habang binubuklat.

4. Gumamit ng panandang papel o cardboard sa pagitan ng mga pahina.

5. Idikit at ayusin ang mga punit na bahagi ng aklat. 6. Pag-ingatan ang aklat kapag ito ay hinihiram o pinapahiram. 7. Itago ang aklat sa malinis at tuyong lugar. 8. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong guro kapag ito ay nawala.

Mga Di Dapat Gawin:

1. Huwag itupi ang mga pahina. 2. Huwag sulatan ang balat at mga pahina nito. 3. Huwag gupitin ang mga larawan dito. 4. Huwag punitin o pilasin ang mga pahina. 5. Huwag hayaang nakabukas ang aklat kapag hindi ito ginagamit. 6. Huwag gumamit ng lapis, bolpen, o iba pang makapal na bagay

sa pagitan ng mga pahina para pananda. 7. Huwag isiksik ang aklat sa bag na masikip. 8. Huwag gamitin ang aklat na pantakip sa ulo kapag umuulan. 9. Huwag upuan ang aklat.

Page 4: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

ISBN: 978-971-9981-53-4

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o

tumawag sa:

DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum

Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: [email protected],

[email protected]

Page 5: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

1

1

Kagamitan ng Mag-aaral

Page 6: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

2

Modyul 1: Dynamics

YUNIT I

I. Awit/Laro

a. ―Ang Susi Nakatago‖ Katutubong awit/ laro

b. ―Maligayang Bati‖(Birthday Song) - Awit sa

pagdiriwang ng kaarawan

c. ―Tulog Na‖ - Oyayi

II. Mga Gawain

Gumagamit ang musika ng malakas at mahinang

tunog upang maipahayag ang iba‘t ibang

kaisipang pangmusika o damdamin.

Makinig sa awit na pagbati ng iyong guro.

1. Paano kinanta ng iyong guro ang awit na

pagbati?

2. Binati mo rin ba siya sa parehong paraan?

3. Ngayon, batiin mo ang iyong guro sa malakas

na boses, pagkatapos ay sa mahinang boses.

Aling pagbati ang mas angkop gamitin, ang

malakas o mahinang boses?

Pag-aralan natin ang awit na ―Ang Susi

Nakatago‖:

Ang susi nakatago,

Kung saan di ko piho

Kung sakaling nasa ‗yo

Akin na gagamitin ko.

Page 7: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

3

Maglaro tayo. Makinig nang mabuti sa panuto ng

guro upang matukoy ang nawawalang susi.

Panuto: Iguhit sa inyong sagutang papel ang

larawan na malakas ang tunog

Gawain 1: Mga Tunog

Page 8: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

4

Tulog Na by C. Mirandilla

Tulog na, tulog na.

Tayo ay

magpahinga. (2x)

Panuto: Bigkasin ang tunog ng mga larawan na

nasa Gawain 1 nang malakas at mahina.

1. pinag-umpog na cymbals

2. tunog ng ulan

3. tahol ng aso

4. tunog ng ambulansiya

5. huni ng ahas

6. huni ng daga

7. tunog ng kampana

8. tunog ng pito

9. tunog ng motorsiklo

10. huni ng pusa

Awitin natin ang ―Tulog Na‖. Makinig habang

inaawit ng guro. (kantahin ng guro ang buong awit.)

Kantahin ang bawat linya ng awit pagkatapos ng

guro.

Ano ang naramdaman mo

nang marinig ang awit? Sa

iyong palagay, kailan ito

inaawit?

Subukan nating awitin ito

nang malakas? Sa inyong

palagay, tama bang awitin

ito nang malakas? Bakit?

Gawain 2: Paggaya sa Tunog

Page 9: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

5

Ngayon naman, sabay- sabay nating awitin ang

―Maligayang Bati‖.

Maligayang Bati

Maligayang bati,

Sa iyong pagsilang,

Maligayang, maligaya,

Maligayang bati.

Ano ang layunin sa pag-awit ng Maligayang

Bati ?

Ano ang naramdaman mo nang marinig ang

awit?

Subuking awitin ito nang mahina. Sa iyong

palagay, tama bang awitin ito nang

mahina? Bakit?

Sa musika, may natatanging tawag sa lakas at

hina ng tunog. Tinatawag itong dynamics.

Gumagamit ng dynamics ang mga musikero para

malinaw na maipadama ang emosyon at

maipahayag ang damdamin ng awit. Kaya

inaawit nang mahina ang oyayi (awiting

pampatulog sa sanggol) at inaawit naman nang

malakas ang mga awit ng pagdiriwang. Dynamics

ang nagpapalinaw sa mga tagapakinig ng

damdamin at layunin ng musika.

III. Pagtatasa

Iguhit ang masayang mukha kung naisagawa

mo ang mga gawain at malungkot kung hindi

sa sagutang papel.

Page 10: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

6

1. Malinaw kong nabigkas ang mga

salita.

2. Gumamit ako ng tamang antas ng

dynamics sa tula. .

3. Nabigkas ko nang may pagbabago

sa lakas at hina ang tula.

4. Nasiyahan ako sa gawain.

IV. Pagbubuo

Alin sa mga gawain ang inyong nagustuhan o

hindi nagustuhan? Bakit?

Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig

ka ng mahinang awit?

Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig

ka ng malakas na awit?

Anong uri ng musika ang nais mong awitin o

pakinggan? Bakit?

Buuin ang pangungusap:

Ang dynamics ay __ .

Page 11: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

7

Modyul 2: Tempo

I. Laro / Tugma

a. ―Chimpoy Champoy‖ Katutubong Larong

Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora

b. ―Leron, Leron, Sinta‖ Awiting Bayan ng

Tagalog

c. ―Tren‖ (Engine No. 9) Tugma

II. Mga Gawain

Alamin at laruin ang paboritong laro ng mga

bata sa Binondo, Maynila.

Kilala ang Binondo sa mga pagkaing Intsik.

Gustong-gusto ng pumupunta dito ang

sariwang lumpia, tikoy, at ang paborito ng mga

Pilipino na hopia. Isa sa mga salita sa tugmang

nasa ibaba ay tumutukoy sa tanyag na

pagkaing Intsik. Hulaan kung ano ito?

Chimpoy Champoy

(Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila ni M.

Factora)

Chimpoy Champoy, dose nade que

Dose nade pot-pot, dose nade que.

ba-bay

a –men

Ano ang masasabi mo sa larong ito?

Ano ang naramdaman mo habang inaawit

ito nang mabilis?

Page 12: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

8

Gawain 1

Panuto: Awitin natin ang ―Leron, Leron, Sinta‖.

Sabayan ang ritmo ng pagtapik ng guro sa mesa

habang umaawit at nagmamartsa.

“Leron, Leron, Sinta”

Leron, leron, sinta,

Buko ng papaya,

Dala-dala‘y buslo,

Sisidlan ng bunga.

Pagdating sa dulo,

Nabali ang sanga,

Kapos kapalaran,

Humanap ng iba.

Kung ikaw ang umaakyat sa puno ng papaya,

ano ang magiging bilis ng awit? Bakit?

Ano ang nangyari sa huling bahagi ng awit?

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit

nahulog ang

bata?

Paano kaya siya

kumilos habang

umaakyat?

Anong mga linya

ng awit ang

mabagal at

mabilis?

Page 13: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

9

Gawain 2

Gayahin Mo!

Panuto: Nasa ibaba ang ilan sa mga hayop na

matatagpuan sa bukid. Lagyan ng / tsek ang

hayop na mabilis kumilos at x ekis ang mabagal sa

kuwaderno.

1.kabayo

2.Suso

3. Baboy

4.Kalabaw

5.Aso

6. Manok

Page 14: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

10

Gawain 3

Pag-aralan natin ang tugmang ―Tren‖ (Engine No. 9)

at isipin na tayo ay tren.

“Tren” (Engine No. 9)

(Tugma na isinalin ni : C. Mirandilla)

Engine, engine number 9 Heto na ang aming tren

Going down the railroad line Palapit ng palapit.

If that train goes off the track Kung sakaling sumadsad

Will I get my money back? Pa‘no ang aking bayad?

Panuto: Magpangkat-pangkat at isiping kayo ay

tren.

[Ipakita ang inyong kilos kung aakyat sa mataas na

bundok.

1. Awitin ang tugma habang umaakyat kayo sa

bundok.

2. Ngayon naman, ipakita ang kilos kung bababa

na kayo sa bundok.

3. Awitin ang tugma habang bumababa kayo sa

bundok.

Ano ang napansin mo sa bilis ng inyong tren

habang umaakyat sa bundok? Ano naman

ang napansin mo sa bilis ng inyong tren

habang bumababa sa bundok?

Sa pag-awit nang mabilis at mabagal,

mahalaga ba ang pagbasa at pag-unawa

sa mga salita ng awit o tugma bago mo ito

isakilos? Bakit?

Sa musika, may mga awit na mabilis at

mabagal. Ang bilis ng isang awit ay tinatawag na

Page 15: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

11

tempo. Balikan natin ang awiting ―Tulog Na‖. Ano

ang tempo?

Katulad ng Dynamics (lakas at hina ng tunog),

ang Tempo (bilis) ng awit o tugma ay

nagpapakita ng damdamin. Ito ang dahilan kaya

inaawit nang mabagal at mahina ang oyayi para

mabilis makatulog ang sanggol.

Magkaiba ang Dynamics at Tempo ng awiting

―Maligayang Bati‖. Inaawit ito nang malakas at

mabilis para batiin at pasayahin ang may

kaarawan.

III. Pagtatasa

Magbigay ng mga awit o tugma na mabilis

at mabagal na inaawit. Ihanda ang sarili sa

pag-awit ng isang mabilis at isang mabagal na

awit sa klase.

IV. Pagbubuo

Ano ang iyong nararamdaman kapag

nakaririnig o umaawit ka ng mabilis na awit?

Bakit?

Ano ang iyong nararamdaman kapag

nakaririnig o umaawit ka ng mabagal na awit?

Bakit?

Anong uri ng musika ang gusto mong awitin o

pakinggan? Bakit?

Anong uri ng awit ang gusto mo? Bakit?

Buuin ang pangungusap:

Ang Tempo ay .

Page 16: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

12

Modyul 3: Timbre

I. Awit / Kwento

a. ―Aso, Aso‖ (Doggie, doggie)Musika ni K. Forrai

b. ― Ang Sirkus‖ (The Circus) Kuwentong Tunog

II. Mga Gawain

Punong-puno ng iba‘t ibang uri ng tunog ang

ating mundo. Ang mga tunog mula sa makina,

kalikasan, at gawa ng tao ang halimbawa nito.

Simulan sa mga tunog na kaya nating gawin.

Gaano ka kahusay kumilala ng boses ng iyong

katabi, ng iyong guro, at ng iyong mga kamag-

aral?

Gawain 1

Panuto: Iguhit ang mga bagay na unang pumasok

sa iyong isip sa sagutang papel nang marinig ang

awit ng iyong kamag-aral.

Kamag-aral 1:

Kamag-aral 2:

Kamag-aral 3:

Page 17: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

13

Pare-pareho ba ang iginuhit mo nang marinig

mo ang boses ng iyong mga kamag-aral?

Bakit? Bakit hindi?

Subukan natin ang susunod na gawain.

Tingnan natin kung gaano ka kahusay

kumilala sa boses ng iyong mga kamag-aral.

Galingan!

Gawin 2: Larong Aso

Pag-aralan natin ang awiting ―Aso, Aso‖.

Subukan itong laruin kasama ang iyong mga

kaibigan at kamag-aral.

―Aso, Aso‖

(Doggie, doggie)

LAHAT: Aso, aso, nasaan ang iyong buto?

ASO: May kumuha nito.

LAHAT: Sino ang kumuha?

ISANG BATA: Nasa akin ang buto.

Mga Tuntunin ng Laro:

1. Pauupuin nang pabilog ang mga bata.

2. Uupo sa gitna ang isang bata at gaganap

bilang aso.

3. Tatakpan ng aso ang kanyang mata kapag

nagsimula nang umawit ang mga batang

nakabilog.

Page 18: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

14

4. Kukunin ng isang bata ang buto sa tabi ng

aso.

5. Hihintayin ng aso na matapos umawit ang

isang bata na nakakuha ng buto bago niya

buksan ang kanyang mga mata.

6. Huhulaan ng aso kung sino ang nagtatago

ng buto.

Nagustuhan mo ba ang laro? Nalaman mo

ba o ng iyong mga kamag-aral kung sino

ang kumuha ng buto sa aso?

Ngayon, mag-isip ng ibang hayop at palitan

ang pangalan ng aso at ang nawawalang

bagay.

Anong hayop ang naiisip mong ipalit natin

sa laro kanina? Anong bagay ang maaring

mawala sa hayop na iyong naiisip?

Halimbawa:

Hayop Nawawalang Bagay

pusa tinik

manok mais

Palitan ng ibang hayop ang aso at

kantahin ang awit. Gayahin ang tunog ng

hayop na ipinalit habang umaawit.

Pareho ba ang iyong pagkaawit sa ―Aso,

Aso‖ nang palitan mo ang awit ng ibang

hayop?‖

Page 19: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

15

Puno ng kakaiba at kawili-wiling tunog ang

ating mundo. May sariling tunog ang bawat bagay.

Ito ang dahilan kaya ang boses mo ay iba sa boses

ng iyong kapatid at mga kamag-aral.

Sa musika, timbre ang tawag sa kagandahan at

pagkakaiba ng tunog. Ito ang nagbibigay sa iyong

boses ng natatanging kalidad.

Kaya mo bang gayahin ang iba‘t ibang timbre

ng tunog ng mga hayop o bagay sa sumusunod na

larawan?

Gawain 3: Iba Pang Pinagmumulan ng Tunog

Panuto: Gayahin ang iba‘t ibang timbre ng tunog

ng mga hayop o bagay sa sumusunod na

larawan:

tilaok ng manok kalantog ng pompiyang

tahol ng aso dagundong ng tambol

Page 20: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

16

Gawain 4: Sa Sirkus (Kuwentong Tunog)

Kung ikuwento mo itong muli, paano mo

gagawing mas kawili-wili?

Ano ang mga bagay sa inyong silid-aralan na

maaari mong gamitin upang makalikha ng mga

kawili-wiling tunog para sa kuwento?

Sa Sirkus

Isang araw, si at ang kanyang ay pumunta

sa sa kalapit na barangay. Sa kanilang pagpasok sa bakod,

nakita nila ang mga hayop tulad ng mga , , at isang

malaking . Habang palapit sila sa malaking tolda, narinig nila

ang dagundong ng at ang mga na masayang

sumisigaw. Tumakbo sila upang makita ang pangkat ng mga

na nagma-magic. Sa tuwing ang isa sa mga ay magma-

magic, nakaririnig si at ang ng kalantog ng

Si at ang kanyang ay masayang-masaya sa

at gusto pa nilang bumalik upang makita ang mga ang

malaking , at ang mga .

rolling and the cheering. They ran in to see a group of

doing some tricks. Every time one of the would do a trick,

Page 21: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

17

Mag-isip ng paraan kung paano ka

magkukuwento nang may kawili-wiling tunog.

Sabihin ito sa klase. Pakinggan ang kanilang

sasabihin.

Pampaunlad na Gawain:

1. Sumulat at gumuhit ng 3 bagay na makikita sa

inyong tahanan sa kuwaderno.Ilarawan ang

tunog na nalilikha nito.

2. Maglaro ng ―Aso, Aso‖ kasama ang iyong mga

kalaro o kasapi ng pamilya. Tingnan kung

makikilala ang taong kumuha ng buto.

III. Pagtatasa

Lumikha ng tunog na angkop sa linya ng

kuwento. Gamitin ang iyong boses at mga bagay

sa silid-aralan. Huwag matakot sa paglikha ng

iba‘t ibang tunog. Tandaan, ang pinakakaiba ang

pinakamaganda.

IV. Pagbubuo

Alin sa mga gawain ang pinakagusto o hindi

mo gusto? Bakit?

Ano ang mangyayari sa ating mundo kung

pare-pareho ang tunog na nalilikha? Bakit?

Buuin ang pangungusap:

Ang timbre ay nagbibigay

_____________________________________.

Page 22: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

18

Modyul 4: Balik-aral ng Yunit

1Review of Unit 1

I. Kuwento / Paguulat ng pag-unlad

a. ―Ang Trabaho ng mga Bumbero‖ (Working at

the Fire Station) salin mula sa Holt Music Series

b. Pagtataya at Ulat sa pag-unlad sa Musika

II. Mga Gawain

Ngayon, maaari kang gumalaw at isakilos ang

kuwento. Basahin natin ang kuwento nang sabay-

sabay. Humanda upang ulitin ito sa klase.

Gumamit ng kilos at tunog.

Gawain 1: Ang Trabaho ng mga Bumbero

― Isang araw, abalang naglilinis ang mga

bumbero ng kanilang trak at istasyon. Bigla silang

nakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! ―May

sunog!‖ Mabilis na tumakbo ang mga bumbero sa

kanilang trak. Wang! Wang! Wang! Malakas na

tunog ng trak ang kasunod narinig. Pagdating sa

Page 23: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

19

lugar ng sunog, mabilis na bumaba ang mga

bumbero mula sa trak. Agad nilang pinatay ang

apoy. Pataas-pababa, pataas-pababa ang

paghawak nila sa hose na naglalabas ng

napakaraming tubig.

Nang wala ng apoy, inayos nila ang kanilang

gamit. Bumalik sila sa kanilang istasyon. Puno ng

putik at uling ang kanilang trak. Nilinis muli nila

ang kanilang trak at istasyon. Muli silang nakarinig

nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! ―May sunog na

naman!‖

Basahing muli ang kuwento kasabay ng guro.

Bigyan ng sariling wakas ang kuwento.

Pag-usapan ang mga kilos at tunog na

maaaring gamitin sa kuwento. Isa-isahin ang

mga ito.

Page 24: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

20

Gawain 2: Pagtataya

Panuto: Alamin kung naisagawa mo ang angkop na

kilos at tunog sa kuwento. Lagyan ng tsek () ang

angkop na kahon.Gawin sa sagutang papel.

Pamantayan Nakita

May

Ipinakitang

Pag-unlad

1. Angkop ang kilos na

ginamit sa bawat

bahagi ng kuwento.

2. Angkop ang tunog

na ginamit sa

pangyayari sa

kuwento.

3. Madaling

naunawaan ang

kuwento batay sa

ginawang kilos.

Page 25: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

21

Gawain 3: Unang Kuwarter na Pagtataya sa Sarili

Panuto: Sukatin ang pag-unlad ng iyong kasanayan

sa musika. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa

hiwalay na papel kung nagpapakita ng iyong

kaalamang nakamit.

Pansariling Pagtataya Kayang

Gawin

Halos

Nagagawa

Mga Kasanayan sa

Musika:

1. Nakapagpapakita ng

tempo at pagbabago

ng dynamics sa

pamamagitan ng

paggalaw ng katawan.

2. Nakagagamit ng sariling

boses upang makabuo

ng iba‘t ibang timbre.

3. Nakagaganap ng may

wastong antas ng

dynamics .

4. Nakagagawa ng iba‘t

ibang uri ng timbre

gamit ang sariling boses

o iba‘t ibang kagamitan

sa loob ng silid- aralan.

Page 26: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

22

5. Naaawit ang tanong

at sagot ng pagbati

nang mag-isa.

6. Nakapakikinig at

nakasusunod sa mga

panuto at tuntunin sa

pag-awit.

7. Nakapagpapakita ng

angkop na pagsisikap

sa mga gawain.

8. Patuloy na

nakapagpapakita ng

pakikiisa, pagpipigil

sa sarili, paggalang sa

isa‘t isa at

pagkamamamayan.

Page 27: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

23

Musika 1 - Modyul 5

YUNIT 2

I. Nilalayong Antas: Baitang 1

II. Pamagat ng Modyul: Ikalimang Modyul sa

Pagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo

na tig-4 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng

ritmo o rhythm. Layunin nitong makapagpakita

ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa

sa tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan

ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid,

at pagtugon sa mga gawain.

V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin

Ang mag-aaral ay inaasahang:

naiuugnay ang mga larawan sa tunog at

katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.

nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at

nakapagpapatugtog ng mga instrumentong

pangmusika bilang tugon sa tunog na may

tamang ritmo.

Page 28: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

24

nakalilikha ng madaling hulwarang ostinato

nang dalawahan, tatluhan at apatang

pangkat sa pamamagitan ng paggalaw ng

katawan.

nakapaglalaro ng mga kagamitang pansilid

upang makalikha ng mga simpleng himig na

paulit-ulit o hulwarang ostinato.

VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO o RHYTHM –

pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa

tiyempo.

VII. Mga Mapagkukunan

a. ―Tulog Na‖ Oyayi ni Cielito

Margo E. Mirandilla

b. ― Duyan‖ (See-Saw) Tugma

c. ―Tren‖ ( Engine, Engine No. 9) Tugma

VIII. Mga Gawain

Nakapagduyan ka na ba? Paano ito

gumagalaw? Gayahin.

Awitin ang ―Duyan‖.

―Duyan‖ (See-Saw)

(Isinalin sa Filipino ni: Ms. Dulce de Vera)

Duyan, umimbay Pataas at pababa (2x)

Page 29: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

25

May mahaba at maikling tunog ng musika. Muli

nating awitin ang Duyan. Pakinggan kung aling

bahagi ng awit ang may mahaba at maikling

tunog.

Tayo Nang Maghanap!

Panuto: Kopyahin ang awit sa sagutang papel.

Hanapin ang salitang may mahaba at maikling

tunog sa awiting ―Duyan‖. Bilugan ang

salitang inawit nang mahaba. Ikahon ang

salitang inawit nang maikli.

Sundan ang halimbawa:

See - saw up and down,

In the sky and on the ground.

Du- yan u- mim- bay

Pa -ta -as at pa - ba -ba.

Gawain 1

Page 30: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

26

Paggawa ng Mahaba at Maikling Tunog

Panuto: Makikita sa kahon ang mahaba at

maikling guhit. Ito ang naglalarawan sa mahaba

at maikling tunog ng unang linya ng awit na

―Tulog Na.‖ Lagyan ng mahaba at maikling guhit

ang pangalawang linya ng awit upang maipakita

ang mahaba at maikling tunog sa sagutang

papel.

Pumalakpak nang mahaba at maikling tunog

habang inaawit ang Tulog Na.

Ipalit ang salitang mahaba at maikli sa mga titik

na awit na ―Tulog Na‖. Pumalakpak habang

umaawit.

Gawain 2

Page 31: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

27

Tren

Linya 1:

Linya 2:

Linya 3:

Linya 4:

IX. Pagtatasa

Ipakita kung gaano ka kahusay umawit

habang pumapalakpak nang mahaba at maikling

tunog. Iguhit sa iyong papel ang at kulayan

ito ng DILAW kung NAPAKAHUSAY, PULA kung

MAHUSAY at BERDE kung HUMUHUSAY sa pag-awit.

1. Naaawit nang wasto ang himig.

2. Nakapapalakpak at naaawit nang tama

ang mahaba at maikling tunog.

Gawain 3

Page 32: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

28

3. Nakikilala ang mahaba at maikling tunog

sa awit na walang tulong ng guro.

X. Pagbubuo

Anong mga tunog ang ating natutuhan

ngayon?

Ano kaya ang magiging tunog ng awitin kung

maikling tunog lamang ang gagamitin?

Ano naman ang magiging tunog kung ang

mahabang tunog lamang ang gagamitin?

Buuin ang pangungusap:

Mahalaga ang pagsasama ng mahaba at

maikling tunog sa isang awit dahil

.

Page 33: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

29

Musika 1 – Modyul 6

I. Nilalayong Antas: Baitang 1

II. Pamagat ng Modyul: Ikaanim na Modyul sa

Pagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo

na tig-40 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul:

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng

ritmo o element of rhythm. Layunin nitong

makapagpakita ang mga mag-aaral ng

pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan,

at ritmo sa pamamagitan ng pagganap,

paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa

mga gawain.

V. Batayan ng pagkatuto/ Layunin

Ang Mag-aaral ay inaasahang:

naiuugnay ang mga larawan sa tunog at

katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo

nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit, at

nakapagpapatugtog ng mga instrumentong

pangmusika bilang tugon sa tunog na may

tamang ritmo

nakapaglalaro ng mga madaling hulwarang

ostinato sa mga kagamitang pansilid-aralan o

Page 34: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

30

anumang bagay na magpagkukunan ng

tunog

VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO O RHYTHM – pagsasama

ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo.

VII. Mga Mapagkukunan

a. ―Pan de Sal‖ Salin ni D. De Vera

b. ―Tren‖ Tugma

c. ―Chimpoy Champoy‖ Katutubong Larong

Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora

d. ―Tulog Na‖ Oyayi ni Cielito Margo E. Mirandilla

VIII. Mga Gawain

Ang musika ay pagsasama-sama ng tunog at

katahimikan. Tapikin ang mesa o ang iyong

kandungan kasabay ng guro habang inaawit ang

―Tulog Na.‖

Damhin ang Kumpas

Panuto: Ang sumusunod ay kumpas ng awiting

―Tulog Na‖. Mula sa kaliwa, sabayan ng tapik ang

bawat kumpas ng awit na ―Tulog Na.‖

I I I I

I I I I

Gawain 1

Page 35: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

31

Ang kumpas ng isang awit o piyesa ng musika ay

tinatawag ding pulso o pulse. Hihinto ang kumpas

ng awit kapag tapos na ito.

Pagguhit ng Kumpas

Panuto: Gayahin ang halimbawa sa Gawain 1.

Isulat ang kumpas ng tugmang ―Tren‖. Awitin ito

habang gumuguhit ng kumpas sa iyong sagutang

papel.

Ilang kumpas mayroon ang awitin? _______

Mga Kumpas na Walang Tunog

Panuto: Makikita sa ibaba ang kumpas ng awit na

―Chimpoy, Champoy.‖ Lagyan ng ekis (x) sa

Gawain 2

Gawain 3

Page 36: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

32

papel ang mga kumpas na para sa iyo ay

WALANG TUNOG.

Linya 1 I I I I I I I

Linya 2 I I I I I I I

Sa musika, pahinga o rest ang tawag sa kumpas

na WALANG TUNOG. Ibig sabihin, walang tunog o

may KATAHIMIKAN sa kumpas na ito. Ginagamit

ang simbolong

Sino ang mahilig kumain ng pan de sal?

Kantahin natin ang awit na ―Pan de Sal‖.

“Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”)

Salin ni: D. de Vera

Pan de Sal

Pan de Sal

―Tig singkwenta, tig mamiso

Pan de Sal.

Hamon sa Kumpas na Walang Tunog

Panuto: Isulat ang kumpas ng bawat linya ng

awiting ―Pan de Sal.‖ Lagyan ng ekis (x) sa papel

Gawain 4

Page 37: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

33

ang kumpas na WALANG TUNOG at iguhit ang

sa tabi nito.

Tingnan ang halimbawa:

Linya 1 I I I I

Linya 2

Linya 3

Linya 4

XI. Pagtatasa

Alamin ang iyong kakayahan. Lagyan ng tsek ()

ang bilang ng angkop na kakayahan mo sa

papel.

Mga Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi Pa

Kaya

1. Natutukoy ang kumpas

na WALANG TUNOG sa

awit habang nakikinig.

2. Nakasusunod sa mga

SIMBOLO ng KUMPAS at

PAHINGA sa mga kilalang

awitin.

Page 38: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

34

3. Nakasusunod sa mga

ibinigay na kumpas sa

pamamagitan ng kilos ng

katawan.

4. Nakaguguhit ng mga

KUMPAS at PAHINGA ng

isang kilalang awitin.

XII. Pagbubuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na gumagamit

ang musika ng TUNOG at PAHINGA sa ilang awit.

Ano ang kaibahan ng TUNOG sa PAHINGA?

Anong salita ang ginagamit upang tukuyin

ang KUMPAS NA WALANG TUNOG O

PAHINGA?

Buuin ang pangungusap:

Ang kumpas ng awit ay tinatawag ding

____________________. Humihinto lamang ito

kapag tapos na ang awit.

Page 39: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

35

Musika 1 - Modyul 7

I. Nilalayong Antas: Baitang 1

II. Pamagat ng Modyul: Ikapitong Modyul sa

Pagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo

na tig- 40 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul:

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng

ritmo sa musika. Layunin nitong makapagpakita

ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa

sa tunog, pahinga/katahimikan, at ritmo sa

pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig,

pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.

V. Batayan sa Pagkatuto/Layunin:

Ang mag-aaral ay inaasahang;

nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at

nakapagpapatugtog ng mga instrumentong

pangmusika bilang tugon sa tunog na may

tamang ritmong:

Nasa metrong dalawahan

Nasa metrong tatluhan

Nasa metrong apatan

nakapaglalaro ng madadaling hulwarang

metrong dalawahan, tatluhan at apatang sukat

gamit ang kagamitang pansilid-aralan o

anumang bagay na mapagkukunan ng tunog

Page 40: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

36

nakalilikha ng madadaling hulwarang ostinato

sa metrong dalawahan, tatluhan at apatan na

may kasabay na kilos ng katawan

VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama-sama

ng tunog at pahinga/katahimikan sa tamang

tiyempo.

VII. Mga Mapagkukunan:

d. ―Talbog Pataas‖ (Bounce High) Awiting

pambata

e. ―Pan de Sal‖ Tugma

f. ―Tren‖ Tugma

g. ―Pedro Penduko‖ Awit na Pasalita ni

M. Isleta

VIII. Mga Gawain

Sa musika, ang kumpas ay maaaring ipangkat

sa metrong dalawahan o metrong tatluhan.

Awitin natin ang ―Talbog Pataas‖ at

magkunwaring may hawak na bola.

―Talbog Pataas‖

Talbog Pataas, Talbog Pababa

Ihagis ang bola kay John Dave!

Page 41: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

37

Patalbugin ang Bola

1. Isiping may hawak kang bola. Patalbugin at

saluhin ito habang umaawit.

2. Matapos awitin ang ―Talbog Pataas‖ ng

dalawang beses, ilagay ang kamay sa likod.

Isiping ang boses mo ang bolang tumatalbog.

3. Ano ang iyong napuna?

Panuto: Makikita sa ibaba ang mga patayong

guhit. Simbolo ito ng kumpas ng awiting ―Talbog

Pataas.‖ Lagyan ng ekis (X) sa iyong papel ang

ibaba ng guhit na may malakas na kumpas.

Tingnan ang halimbawa:

I I I I I I I I

X

Kantahing muli ang awit.Gawing gabay ang

sagot sa sagutang papel.

Sa musika, tinatawag na MALAKAS NA KUMPAS

ang may markang X at MAHINANG KUMPAS

naman ang walang marka.

Gawain 1

Page 42: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

38

Tingnang mabuti ang patayong guhit na may

malaking letrang L at letrang H. Ang titik L ay

para sa Lakas ng kumpas at H ay para naman sa

Hina ng kumpas. Pumili ng tamang kilos ng

katawan na magpapakita ng MALAKAS NA

KUMPAS at MAHINANG KUMPAS.

Ipakita ang ibig sabihin ng bawat guhit sa

pamamagitan ng tamang paggalaw ng katawan.

I I I I I I I I

L H L H L H L H

Upang maging madali ang pagsulat at

pagbasa ng musika, gumagamit ang mga

musikero ng guhit sa unahan ng malakas na

kumpas. BAR LINES ang tawag dito. Ang puwang

sa pagitan ng BAR LINES ay tinatawag na SUKAT 0

MEASURE.

Pagbilang ng Sukat

I I I I I I I I

L H L H L H L H

Gawain 2

Page 43: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

39

Ilan ang mga bar sa pagitan ng bar lines?

______

Napansin mo ba kung ilang kumpas ang

nasa bawat bar?

Kapag may dalawang kumpas sa bawat bar,

ang awit ay gumagalaw nang dalawahan.

Inilalagay ang simbolong 2 sa unahan ng awit

upang ipakita na ang daloy ng awit ay may

dalawahang sukat. Sa musika, ang ibig sabihin ng

bilang ay ang SUKAT ng awit.

Balikan ang Gawain 2. Isulat sa patlang sa

unahan ng malakas na kumpas ang bilang na 2.

Kantahing muli ang awit na ―Talbog Pataas‖

habang sinusunod ang kahulugan ng L (lakas) at H

(hina).

Pumili ng kilos ng katawan na magpapakita ng

malakas na kumpas ng awit at gawin ito sa tuwing

aawitin ang malakas na kumpas.

Page 44: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

40

Pagguhit ng Bar lines

Panuto: Muli nating awitin ang ―Leron, Leron,

Sinta.‖ Gumawa ng patayong guhit upang

maipakita ang kumpas ng unang bahagi ng awit.

Lagyan ng panandang diin (>) ang malakas na

kumpas. Gumuhit ng bar lines sa tamang lugar

nito. Isulat ang bilang ng kumpas sa unahan ng

awit .Gawin sa hiwalay na papel.

Pamagat

Sukat

Linya 1

Linya 2

Linya 3

Linya 4

Napansin mo ba ang kinalalagyan ng mga

MALAKAS NA KUMPAS ng awit?

Saan nakikita ang MALAKAS NA KUMPAS sa bawat

sukat?

Gawain 3

Page 45: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

41

Hulaan ang Sukat

Panuto:

1. Awitin ang ―Pedro Penduko‖. Lagyan ng

patayong guhit ang bawat linya ng awit upang

maipakita ang kumpas nito iyong papel.

2. Lagyan ng panandang diin (>) ang bahagi ng

awit na may malakas na kumpas. Isulat ang sukat

ng awit sa patlang sa kuwaderno.

―Pedro Penduko‖

(Awiting Pasalita)

Pedro Penduko, kumain ng itlog,

Nang hindi maligo iniwan ng kalaro.

Linya 1

sukat

Linya 2

Gawain 4

Page 46: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

42

XIII. Pagtatasa

Ngayon naman, awiting muli ang ―Tren‖.

Pumalakpak ayon sa kumpas ng awit at sabayan

ito ng tamang kilos ng katawan na magpapakita

ng MALAKAS AT MAHINANG KUMPAS.

Lagyan ng tsek() ang kasanayang iyong

natutuhan sa sagutang papel.

Mga Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi pa

Kaya

1. Nakaririnig ng

malakas at

mahinang kumpas.

2. Nakasusunod sa

palatandaan ng

malakas at mahinang

kumpas.

3. Nakasusunod sa

kumpas gamit ang

paggalaw ng katawan.

4. Nakakikilala ng sukat

ng alam na awit.

5. Nakaaawit ng

awiting may sukat na

dalawahan at tatluhan.

Page 47: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

43

XIV. Pagbubuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na ang

KUMPAS ay maaaring MALAKAS o MAHINA at

maaring pangkatin na may sukat na dalawahan

(2 meters) o tatluhan (3 meters).

Ano ang hinahanap ng mga musikero bago

maglagay ng bar lines sa isang awit?

Upang matukoy ang sukat ng isang awit, dapat

bilangin ang __________________ na makikita sa

bawat ________________________.

Page 48: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

44

Musika 1 - Modyul 8

I. Nilalayong Antas: Baitang 1

II. Pamagat ng Modyul: Ikawalong Modyul sa

Pagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo

na tig- 40 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul:

Layunin ng modyul na ito na suriin ang pag-

unlad pangmusika ng mga bata bunga ng

aktibong pakikilahok at pagkakalantad sa mga

kaalamang pangmusika na nakapaloob sa

Modyul 5-7.

V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin:

Ang mag-aaral ay inaasahang;

naipakikilala ang lahat ng kasanayang

kinakailangang matamo mula sa mga

nakaraang modyul

VI. Mga Naunang Kasanayan at Pagtatasa:

Naipakikita ng mag-aaral ang lahat ng

kinakailangang kasanayang nakapaloob sa mga

nabanggit na modyul.

Page 49: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

45

VII. Nilalaman/ Paksa:

a. Pag-aralang muli at suriin ang mga konsepto at

kasanayang pinag-aralan sa Pangalawang

Kuwarter.

Ano ang mga pagkaing nakukuha sa dagat o

ilog?

Ating pag-aralan ang isang larong awit tungkol

sa alimango.

Paano ba kumilos ang alimango?

Maglaro tayo gamit ang ating daliri sa kamay

upang ipakita ang galaw ng isang alimango

habang umaawit ng ―Tong, Tong, Tong.‖

―Tong, Tong, Tong‖

Tong, tong, tong , tong

Pakitong-kitong

Alimango sa dagat

Malaki at masarap

Mahirap mahuli

Sapagkat nangangagat.

Unang Araw

Page 50: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

46

Kaya mo bang ipakita ang kumpas ng awit sa

pamamagitan ng pagtapik sa iyong

kandungan habang umaawit?

Aling salita ang may MALAKAS na kumpas?

Nalaman mo ba ang sukat ng awit sa

pamamagitan ng pagtapik sa iyong

kandungan?

Ngayon, sagutan mo ang Gawain 1 sa iyong

papel.

1. Paglalapat:

Magpangkat-pangkat na tig-15.

Nalaman mo ba ang sukat ng awiting

―Tong, Tong, Tong‖ sa pamamagitan ng

pagtapik sa MALAKAS NA TUNOG nito?

Gumawa ng isang madaling ostinato

pattern o PAULIT-ULIT NA PAG-AWIT.

Pumili ng angkop na galaw ng katawan

para sa ginawang ostinato pattern.

Magsanay ng 5 hanggang10 minuto bago

gawin ang gawain.

Ipakita sa klase.

2. Pagbubuo:

Paano mo ilalarawan ang presentasyon ng

bawat pangkat?

Page 51: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

47

Maghanda para sa kaparehong gawain sa

susunod na araw.

Pumili ng isang awit na natutuhan at

gumawa ng isang ostinato pattern.

Ulitin ang naunang gawain.

Kung ikaw ay babatiin sa iyong pangalan sa

paraang paawit, kaya mo bang sumagot sa

parehong tono?

1. Pagbuo ng Aralin

Magkakaroon tayo ngayon ng presentasyon

ng bawat grupo.

Matapos ang gawain, sagutin ang

pagsasanay sa Gawain 2 sa kuwaderno

mo.

Maging tapat sa inyong mga sagot.

2. Pagbubuo

Alin sa mga gawaing ito ang pinakagusto

mo. Bakit?

IX. Pangkalahatang Pagtatasa

a. Batayan sa Pagganap

Panuto:Babasahin ng guro ang mga pamantayan at

markahan sa iyong papel ng / kung naisagawa mo

at x kung hindi.

IKALAWANG ARAW

Page 52: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

48

Pamantayan Malinaw Bahagyang

malinaw

1. Naging malinaw at

tuloy-tuloy ang

pagkumpas mula

sa simula

hanggang

katapusan ng awit.

2. Akmang nailapat

ang PAHINGA,

MAHABA at

MAIKLING TUNOG

ng awit.

3. Ang ostinato

pattern na ginawa

ng pangkat ay may

kinakailangang

pahinga, mahaba

at maikling tunog.

Pagtataya 1

Page 53: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

49

Ipakita ang iyong natutuhan sa musika. Lagyan ng

tsek () sa iyong papel ang naaangkop sa iyong

kakayahan.

Pagtataya sa Sarili Kayang

Gawin

Hindi pa

Kayang

Gawin

1. Kasanayang Pangmusika:

a) napakikinggan ang

pagkakaiba ng tunog at

katahimikan;

b) nahahanap ang

malakas at mahinang

kumpas;

c) nahahanap ang

mahaba at maikling

tunog;

d) nakabubuo ng maikling

ostinato; at

e) napananatili ang tuloy-

tuloy na pagkumpas.

Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang Kuwarter

Page 54: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

50

2. Nakakukumpas nang tuloy-

tuloy, at nakapapalakpak,

nakaaawit, nakatatapik, at

naisasakilos ang malakas at

mahinang kumpas,

mahaba at maikling tunog

sa anumang uri ng ostinato

pattern.

3. Napakikinggan at nasasagot

ang mga panuto at tuntunin;

naipakikita ang akmang kilos;

tuloy-tuloy na naipakikita ang

pakikipagtulungan,

pagtitimpi, paggalang sa

isa‘t isa, at

pagkamamamayan.

Page 55: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

51

Musika 1 - Modyul 9: Ritmo

I. Awit / Ritmo

a. ―Twinkle, Twinkle Little Star‖- Awiting Pambata

b. ―Pan de Sal‖ (translation of ―Hot Cross Buns‖) ni

D. De Vera)- Awiting Pambata

c. ―Pong Pong Piyangaw‖- Awiting Pambata ni

Miriam Factora

II. Mga Gawain

Twinkle, Twinkle Little Star

Panuto: Narito ang mga kumpas ng awiting

―Twinkle, Twinkle Little Star‖. Gumuhit ng sa

ilalim ng MALAKAS na kumpas sa iyong sagutang

papel. Tingnan ang halimbawa.

I I I I I I I I

I I I I I I I I

I I I I I I I I

Sukat

Gawain 1

Page 56: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

52

I I I I I I I I

I I I I I I I I

I I I I I I I I Pagkatapos mong lagyan ng bituin ang

malakas na kumpas ng awit, gumuhit ng bar lines

sa unahan ng bawat malakas na kumpas upang

makagawa ng bars. Bilangin kung ilang kumpas

ang nasa bawat bar. Isulat sa iyong papel ang

sukat sa linya na nasa unahan ng awit.

Tandaan:

Dalawang bar lines ang inilalagay sa katapusan

ng awit. Ito ay tinatawag na Double Bar

Ipinakikita nito na tapos na ang awit.

Gumuhit ng double bar sa huling kumpas ng awit

na ―Twinkle, Twinkle Little Star.‖

Ano ang meter ng awit?

Ang awit ay nasa_________ time meter.

Page 57: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

53

4

Gawin ang 4-time Meter

Panuto: Pumili ng kilos na aangkop sa malakas na

kumpas at mahinang kumpas ng awiting ―Twinkle,

Twinkle Little Star‖. Muling awitin ito habang

ipinakikita ang kilos na napili mo para sa malakas

at mahina na kumpas. Maaari mong gawing

batayan ang iyong sagot sa Gawain 1.

Halina‘t Maglakbay sa 3-Time Meter at

4-Time Meter!

Panuto: Ito ay mga halimbawa ng bars na nasa 4-

time meter at 3-time meter. Kung matatandaan sa

nakaraang kuwarter, ang malakas na kumpas ay

ang laging unang kumpas sa bar. Lagyan nang

tamang bilang ang bawat kumpas. Tingnan ang

halimbawa.

I I I I I I I I

1 2 3 4

Gawain 2

Gawain 3

Page 58: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

54

I I I I I I I I I

Pumili ng mga tunog gamit ang katawan o

pagkilos para sa malakas at mahinang kumpas.

Ipakita ang pagkilos na naaayon sa 3-time meter

at 4-time meter habang inaawit ang mga awiting

natutuhan sa ikalawang kuwarter.

III. Pagtatasa

Ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga

aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek

( ) sa iyong papel.

Kasanayan

Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

1. Nakaririnig at nakasusunod sa

kumpas

2. Nakasusunod sa mga kumpas na

malakas at mahina

3. Nakasusunod sa kumpas nang

may pagkilos

4. Nakakikilala ng palakumpasan ng

isang kilalang awit

1 2 3 3

Page 59: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

55

5. Nakakikilos nang wasto ayon sa

tiyempo sa mga awiting nasa 2

meter, 3 meter, at 4 meter time.

IV. Pagbubuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na ang mga

kumpas ay maaaring pangkatin ng apatan (4-

time meter).

Upang makilala ang kumpas ng isang awit,

kailangang bilangin ang _______ na

matatagpuan sa bawat bar.

Magbigay ng isang halimbawa ng awiting

pambata o kaya‘y isang katutubong awit na

nasa 4-time meter.

Pamagat:

______________________________________________

Page 60: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

56

Musika 1 - Modyul 10 : Anyo

I. Laro/ Mga Tugma

a. ―Aso, aso‖ - Awiting Pambata ni K. Forrai

b. ―Pan de Sal‖ (salin ng ―Hot Cross Buns‖ ni D. De Vera)

c. “Are You Sleeping” - Awiting Pambata

d. ―Kalesa‖ - Awit ni E. Cuenco

II. Mga Gawain

Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na

tinatawag na Phrases. Awitin ang mga Phrase ng

isang awit upang malaman kung ang mga ito ay

magkakatulad o magkakaiba.

Daloy ng Phrase

Panuto: Awitin ang ―Aso, aso‖ at sundan ang kilos

ng braso ng guro habang ipinakikita ang simula at

katapusan ng isang phrase. Gumuhit ng linyang

pahilis (/) sa dulo ng huling salita ng bawat phrase

upang ipakita na tapos na ito. Tingnan ang

halimbawa.Gawin sa hiwalay na papel.

Gawain 1

Page 61: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

57

“Aso, Aso”

(Doggie, Doggie)

(Awit na Pambata ni K. Forrai)

Aso, aso nasaan ang iyong buto? May

kumuha nito. (Doggie, doggie where’s your bone?) (Someone has it in

her/his home.)

Sino ang kumuha? Nasa akin ang buto. (Who has the bone?) (I have the bone.)

Ilang phrase ang makikita sa awit? Ito ay may

________ na phrase.

Muling kantahin ang awit habang iginagalaw

ang braso mula kaliwa pakanan tulad ng

pagguhit ng bahaghari upang maipakita kung

saan nagsisimula at nagtatapos ang iba‘t ibang

phrase.

Magkatulad at Magkaiba

Panuto: Narito ang mga salita sa awiting “Pan de

Sal”. Gamit ang iba‘t ibang hugis sa ibaba, kilalanin

ang mga phrase na may mga katulad at

magkaibang tono. Iguhit sa ibabaw ng linya ang

wastong hugis para rito. Maaaring gamitin ang

at . Tingnan ang halimbawa at sagutan sa

iyong papel.

Gawain 2

Page 62: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

58

Pan de Sal

_________ Pan de Sal

_________ ’Tig Singkwenta,tig mamiso

_________ Pan de Sal

Matapos iwasto ang gawain, pakinggang muli

ang awit ng guro. Pumalakpak kapag narinig ang

bahaging may . Kung marinig naman ang

bahaging may , tapikin ang inyong balikat.

Are You Sleeping?

Panuto: Narito ang awiting “Are You Sleeping?”

Alamin kung aling phrase ang magkakatulad at

magkakaiba. Markahan ng , , o

kaya‘y sa sagutang papel.

____ Are you sleeping,

____ Are you sleeping?

____ Brother John?

____ Brother John?

____ Morning bells are ringing,

____ Morning bells are ringing,

Gawain 3

Page 63: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

59

____ Ding ding dong,

____ Ding ding dong

Isang Hamon sa Kalesa

Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting ―Kalesa‖.

Magmartsa sa sariling lugar kasabay ng kumpas

kapag sinimulan ang pag-awit. Sa tuwing

magbabago ang bahagi ng awit, ibahin din ang

pagkilos upang maipakita ang panibagong

bahagi ng awit.

Ang mga bahagi ng awit ay maaaring ulitin.

Dapat tandaan ang mga kilos na ginawa sa una

at ikalawang bahagi. Kapag narinig na naulit ang

isang bahagi, baguhin ang pagkilos ayon sa

naunang ginawa.

Tandaan: Maging handa!

III. Pagtatasa

Ipakita kung gaano mo natutuhan ang aralin sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek ()sa

tamang kahon sa iyong papel.

Gawain 4

Page 64: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

60

Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

1. Nakaririnig at nakakikilala ng

isang karaniwang tono.

2. Nakasusunod sa

magkakatulad at

magkakaibang hugis tulad ng

tatsulok o bilog upang

maipakita ang anyo o form ng

isang awit.

3. Nakikilala kung kalian

nababago ang tono ng awit

4. Nakasusunod sa phrase ng

isang awit sa pamamagitan

ng paggalaw ng braso.

IV. Pagbubuo

Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na

tinatawag na phrase. Ang mga phrase na ito ay

maaaring magkakatulad o magkakaiba

habang tumutugtog ang isang awitin.

Kapag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng

mga phrase ay namarkahan na gamit ang iba‘t

ibang hugis, tinatawag ang mga itong form ng

isang awit.

Page 65: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

61

Musika 1 - Modyul 11: Himig

Ano ang form ng awiting “Pan de Sal”?

.

Ano ang form ng awiting, “Are You Sleeping”?

Ano ang tawag sa maliliit na bahagi na

bumubuo sa isang awit?

_____________________________

Buuin ang pangungusap:

Upang makilala ang anyo o form ng isang

awit, kailangang itong pakinggang mabuti at

lagyan ng tanda ang _______________ at

_______________ ng phrase na matatagpuan

sa awit.

I. Awit/ Tugma

a. ―Talbog Pataas” (Bounce High)- Awiting

Pambata

b. ―Duyan‖ (See Saw)- Awiting Pambata

c. ―Piko Piko Angking‖ - awit ni Miriam Factora

d. “Ang Paglalakbay sa Buwan‖ (The Journey to

the Moon)- kuwento ni C. Mirandilla

Page 66: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

62

II. Mga Gawain

Gumagamit ang musika ng iba‘t ibang

kombinasyon ng mga tunog. Tingnan natin ang

linya sa ibaba.

Pumili ng isang pantig at panimulang pitch na

susundan ng iyong tinig. Sa simula, maaari mong

gamitin ang ibinigay na pantig. Sundan ang mga

linya habang itinuturo ito ng guro. Gumamit ng

ibang pantig at sikaping may pagtaas at

pagbaba ng linya na maririnig din sa iyong tinig.

Aa

h

Page 67: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

63

Ang Una Kong Komposisyon

Panuto: Gumawa ng sariling linya ng komposisyon

sa kuwaderno at pumili ng isang pantig na nais

mong gamitin para rito.

___________

(pantig)

Subukan ang una mong komposisyon at

pakinggan ang tunog nito. Pakinggan din ang

komposisyon ng iyong kamag-aral at

pagsamahin ninyo ang inyong ginawa.

Bilugan ang bahaging mataas at mababa sa

iyong komposisyon. Sabihin kung ang bahagi

ay mataas o mababa.

Gawain 1

Page 68: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

64

―Talbog Pataas‖

(Bounce High, Bounce Low)

Panuto:

1. Muling awitin ang ―Talbog Pataas, Talbog

Pababa‖ at magkunwaring nagpapatalbog ng

bola pataas kapag ang awit ay may mataas na

tunog at pababa naman kung ito ay may

mababang tunog.

―Talbog Pataas, Talbog Pababa‖

(Bounce High)

Talbog pataas, talbog pababa

(Bounce high, Bounce low)

Ipasa ang bola kay Rita!

(Bounce the ball to Rita!)

2. Humarap sa kamag-aral at pumalakpak kapag

narinig ang malakas na kumpas.

3. Kapag umawit ka ng may mataas na tunog, itaas

ang iyong kamay at ipalakpak ito.

4. Kung mababa naman ang tunog, ilagay ang

kamay sa tapat ng beywang at ipalakpak ito.

Gawain 2

Page 69: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

65

Ang Paglalakbay sa Buwan

(The Journey to the Moon)

Panuto: Ito ay kuwento ng isang batang babaeng

si Athena at ang kanyang kapatid na lalaking si

Arthur na naglakbay sa buwan upang humanap

ng lunas sa sakit ng kanilang nanay. Ito ay isang

natatanging kuwento sapagkat ang bawat

tauhan at pangyayari ay may sariling tunog.

Subukin nating alamin ang tunog ng bawat

tauhan at pangyayari sa kuwento.

Arthur Sa itaas ng mga

puno/langit at

bituin

Athena

Sa ibaba ng

mga bituin/langit

at puno

Nanay Sa ibabaw ng

bundok

Manggamot Sa ibaba ng

lambak

Si Bahin

Gawain 3

Page 70: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

66

Pakinggan natin ang kuwento. Tandaang dapat

gawin ang mga tunog na nakalaan sa bawat

tauhan at pangyayari sa kuwento. Hintayin ang

hudyat ng guro bago magbigay ng angkop na

tunog.

“Ang Paglalakbay sa Buwan”

(The Journey To the Moon)

ni C.Mirandilla

Noong unang panahon, may isang

mabait na batang ang pangalan ay Issa. May

kapatid siyang batang lalaki na Gabby ang

pangalan. Nakatira sila sa isang kubo kasama

ang kanilang tatay at nanay. Isang araw,

nagkasakit ang kanilang nanay. Nagsimula ito

sa pagbahin, at pagbahin at pagbahin.

Dahil sa mahirap humanap ng gamot sa

kanilang lugar, pinaalalahanan ng mga tao sina

Issa at Gabby na humanap ng manggagamot

na makapagpapagaling sa kanilang nanay.

Subalit, ang manggagamot na ito ay sinasabing

nakatira sa buwan.

Nang marinig ito nina Issa at Gabby na

agad silang naglakbay papunta sa buwan.

Umaasa sila na mabibigyan sila ng

manggagamot ng lunas para sa kanilang

nanay.

Umakyat sina Issa at Gabby sa itaas ng

mga puno.

Page 71: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

67

Umakyat din sila sa ibabaw ng mga

bundok.

Umakyat sila sa langit.

Umakyat din sila sa mga bituin.

At sa wakas, narating din nila ang buwan

kung saan nakatira ang manggagamot.

Sa una, ayaw ng manggagamot sa

kanyang mga panauhin ngunit nang

maipaliwanag nina Issa at Gabby ang kanilang

problema at ang layo ng kanilang nilakbay,

unti-unti nang ngumiti ang manggagamot at

naging mabait na sa kanila. Humanga kina Issa

at Gabby ang manggagamot dahil sa kanilang

pagmamahal sa kanilang nanay. Agad na

ibinigay ng manggagamot ang kailangan nina

Issa at Gabby.

Nang matanggap nila ang gamot ay dali-dali

na silang nagpasalamat sa manggagamot at

agad na umalis pabalik sa kanilang nanay.

Patakbo silang bumaba sa mga bituin.

Patakbo rin silang bumaba sa langit.

Patakbo silang bumaba sa mga bundok

at sa mga puno hanggang sa marating nila ang

kanilang tahanan.

Pinainom kaagad nina Issa at Gabby ng

gamot ang kanilang nanay. Nawalang bigla

ang bahin ng kanilang nanay. Niyakap ng

nanay sina Issa at Gabby dahil sa napawi ng

gamot ang kanyang pagbahin, pagbahin at

pagbahin.

Page 72: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

68

Sa musika, gumagamit ang mga musikero ng

simbolo na tinatawag nilang nota o NOTES

upang maipakita ang mataas at mababang

tunog. Ang mga notang ito ay nakalagay sa

pangkat ng linya na tinatawag na STAFF upang

maipakita kung ang nota ay mataas o

mababa.

Bago mo iguhit ang mga nota ng awiting

―Duyan‖ (See-Saw) sa STAFF, awitin muli natin at

pakinggang mabuti ang tunog nito. Kung sa iyong

palagay ay mataas ang tunog ng pag-awit,

hawakan mo ng dalawang kamay ang iyong ulo.

Kung mababa naman ang tunog ng iyong

inaawit, hawakan mo ang iyong balikat.

Pagguhit ng Mataas at Mababang Tunog

Panuto: Ito ay mga halimbawa ng 2-line staff na

nagpapakita ng unang phrase ng awiting ―See-

Saw.‖ Buuin ang awit sa pamamagitan ng

paglalagay ng nota sa 2-line staff sa iyong papel .

Tingnan ang halimbawa.

LINYA 1

LINYA 2

See – saw up and down.

LINYA 1

Gawain 4

Page 73: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

69

LINYA 2

In the sky and on the ground.

Ilang linyang mataas mayroon sa awiting ―See-

Saw?‖__________

Ilang mababang linya mayroon sa awiting ―See-

Saw?‖__________

III. Pagtatasa

Ipakita kung gaano ka kahusay sa mga

gawain sa modyul na ito sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek ( ) sa kahon.Gawin sa

sagutang papel.

Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

1. Nakapagtutugma ng tonong

ibinigay ng guro.

2. Nakasusunod sa mataas at

mababang tunog gamit ang voice

picture cards

Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

3. Nakakikilala ng pagkakaiba ng

mataas sa mababang tunog

4. Nakaaawit nang mataas at

mababang tunog sa 2-line staff

Page 74: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

70

5. Nakaaawit ng isang maganda at

kawili-wiling tunog

IV. Pagbubuo

Natutuhan sa modyul na ito na ang musika ay

binubuo ng mataas at mababang tunog. Ang

mga tunog na ito ay kinakatawan ng mga

simbolo na tinatawag na NOTES ng mga

musikero. Isinusulat ng mga musikero ang NOTES

sa pangkat ng linya na kung tawagin ay STAFF.

Sa pamamagitan nito, naipakikita nila kung ang

tunog na nais nilang iparinig ay malakas o

mahinang tunog.

Gamit ang 2-line staff, sa aling linya mo

iginuhit ang mataas na tono? ang

mababang tono?

Nasiyahan ka ba sa mga gawain sa modyul

na ito?

Kung papipiliin ka sa mga gawain, alin ang nais

mong gawin at bakit?

Page 75: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

71

Musika 1 - Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong

Kuwarter

I. Awit/ Tugma

―Piko-Piko Angking‖

a. ―Are You Sleeping?‖

b. Pagtataya at Talaan ng Pagkatuto sa

Musika

II. Mga Gawain

Alam mo ba ang larong ―Sawsaw Suka?‖

Kumuha ng kapareha at laruin ito.

Ang susunod na awit ay isang maikling laro

mula sa Maguindanao, isang lalawigan sa

Mindanao. Ang katumbas nito ay ang ating

―Sawsaw Suka. Pag-aralan natin at alamin ang

anyo o form ng awit na ito.

Piko-Piko Angking

Piko-piko angking.

Salageta angking.

Di kalubayan na tapsing.

Guiam - ban, bo-te-te!

Page 76: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

72

Panuto: Ang maikli at mahabang mga linya sa

ibaba ay kumakatawan sa maikli at mahabang

tunog sa awit na ―Piko-Piko Angking‖. Pag-aralan

ang mahaba at maikling tunog na matatagpuan sa

bawat phrase ng awit na ito, gumuhit ng mga hugis

sa patlang na nagpapakita ng mahaba at maiikling

tunog sa papel. Makatatanggap ng gantimpala

ang sinumang makapagbibigay ng anyo o form ng

awit sa hulihan nito.

________

hugis

Pi - ko, pi - ko ang - king

_______

hugis Sa - la - ge - ta ang - king.

_______

hugis Di ka - lu - ba - yan na tap –sing.

______

hugis Guiam - ban bo - te - te

GANTIMPALA: Ano ang anyo o form ng buong

awit?

______ ______ ______ ______

Page 77: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

73

Panuto: Ilagay ang nawawalang mataas at

mababang tunog ng ―Piko-Piko Angking‖ gamit ang

mga hugis para sa mahaba at maikling tunog na

ginawa sa unang gawain. Gawin sa inyong

kuwaderno. Tingnan ang halimbawa.

Pi - ko, pi - ko ang - king

? ?

Sa - la - ge - ta ang - king.

? ?

Di ka - lu - ba - yan na tap - sing.

? X X X

Guiam - ban bo - te - te!

Paalala: Ang huling 3 Xs ay nangangahulugan

na ang mga tunog nito‘y pabigkas at hindi

Gawain 2

Page 78: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

74

paawit. Ibig sabihin, walang mataas at

mababang tunog dito.

Panuto: Sundin ang mga panuto.

Bumuo ng pangkat na may 10 kasapi.

Pumili ng isang awit mula sa listahan:

Are You Sleeping?

Piko-Piko Angking

Pan de Sal

Twinkle, Twinkle Little Star

Maghanda ng isang awitin na magpapakita ng

lahat ng iyong natutuhan sa Pangatlong

Kuwarter tulad ng:

Pagkilala at pagpapakita ng pagkakatulad

at pagkakaiba ng iba‘t ibang bahagi ng

isang awit sa pamamagitan ng kilos

Pag-awit ng pitch ng isang awit

Pagkilala sa mataas at mababang tunog

Pagpapakita ng mataas at mababang tunog

sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan o

galaw ng kamay

Ito ay isang panapos na gawain para sa

Ikatlong Kuwarter.

Gawain 3

Page 79: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

75

Pagtataya

Lagyan ng / ang angkop na nakitang kakayahan

sa kuwaderno.

Pagtataya Nakita

May

Ipinakitang

Pag-unlad

1. Ang anyo o form ng isang

awit ay wastong naipakita

sa pamamagitan ng

pagkilos ng katawan.

2. Ang himig o melody ay

malinaw at nasa tamang

pitch sa simula hanggang

sa katapusan ng awit.

3. Ang galaw na ginawa ng

pangkat ay malinaw na

nakapagpakita ng bawat

bahagi ng anyo o form, at

ng bahaging mataas at

mababang tunog ng

napiling awit.

Gawain 4

Page 80: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

76

Pansariling Pagtataya

sa Ikatlong Kuwarter

Panuto: Gumuhit ng upang ipakita kung

gaano mo natutuhan ang mga aralin sa kuwarter

na ito. Gawin sa inyong kuwaderno.

Pansariling Pagtataya Kayang

Gawin

Halos

Nagagawa

Mga kasanayang pangmusika:

1. Nakakikilala ng magkatulad

at magkaibang himig o

melody sa pamamagitan ng

paggamit ng mga hugis.

2. Nakakikilala at

nakapagpapakita ng

pagtaas at pagbaba ng

himig sa pamamagitan ng

pagguhit ng melodic

contours sa hangin.

3. Nakagagawa ng kilos na

nagpapakita ng mga bahagi

o phrase ng isang awit na

napakinggan.

4. Nakagagamit ng boses o tinig

upang maipakita ang iba‘t

ibang direksyon ng isang

himig.

5. Nakapakikinig at

nakasusunod sa mga panuto

at tuntunin, wastong

pagsisikap, pakikiisa,

paggalang, at

pagkamamamayan.

Page 81: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

77

Musika 1 - Modyul 13: HImig

I. Awit / Tugma

a. ―BitinBitin 2‖ – Philipppine Children‘s Songs,

Spoken Rhymes and Games for Teaching by

MiriamFactora

b. ―Si Nanay at si Tatay‖ – Creative Music

Teaching at the Elementary Level by Miriam

Factora

c. ―Rocky Mountain‖ – Southern Folk Song

II. Mga Gawain

Pag-aralan natin ang isa pang laro ng ating

mga kapatid mula sa lalawigan ng Sagada.

Hanapin ang lokasyon ng Sagada sa mapa ng

Pilipinas (Mountain Province) at ang kanilang

ikinabubuhay(Pagsasaka at Paghahabi).

Banggitin na ang Sagada ay nasa rehiyong

kinaroroonan ng tanyag na Banaue Rice Terraces

(a UNESCO World Heritage Site).

BitinBitin 2 Sagada, Mountain Province

Bitinbitin,

Si kawali‘tsikapat

Binting ken salaumat

Silat!

Page 82: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

78

Bi - tin, bi -tin

Si ka - wa -li’tsika - pat

Bin – ting ken sa - la u - mat. Si - lat!

Panuto: Ang nasa ibaba ay ilang MATAAS at

MABABANG tunog ng awit na ―BitinBitin”.

Kumpletuhin ang mga parirala sa pamamagitan

ng paglalagay ng nawawalang nota.Gawin sa

kuwaderno.

Mula sa mga bundok ng Sagada, maglalakbay

naman tayo sa mga bundok ng United States of

America. Narito ang isang tanyag na awiting-

bayan tungkol sa kanilang mga bundok.

Gawain 1: Mataas at Mababang Puzzle

x x

Page 83: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

79

Rocky Mountain

AdaptedChildren’s Song

Rocky Mountain, Rocky Mountain,

Rocky Mountain high.

When you’re on that rocky mountain,

Look up to the sky.

Do, do, do, do, do remember me.

Do, do, do, do, do remember me.

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng galaw ng

melody kasabay ng lyrics ng awit na ―Rocky

Mountain‖sa inyong papel.

Halimbawa:

Gawain 2: Rocky Mountain High

Rocky mountain

Rocky mountain high

When you’re on that

Look up to the sky.

Page 84: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

80

A.

B.

C.

Panuto: Sa ibaba ay mga halimbawa ng pattern

na MATAAS at MABABA. Makinig sa guro habang

inaawit ang bawat pattern. Isulat ang letra ng

pattern na inyong narinig. Gawin ito sa inyong

kuwaderno.

1.___

2.___

3.___

Gawain 3: Mataas, Mababa

Page 85: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

81

E.

D.

4.___

5.___

III. Pagtataya:

Ipakita kung kaya mo nang kilalanin at awitin

ang MATAAS at MABABANG tunog ng awit sa

pamamagitan ng pagguhit ng bituin .Kulayan ng

DILAW- para sa PINAKAMAHUSAY, PULA – para sa

mas mahusay at BERDE – para sa Makakaya na.

Gawin sa kuwaderno.

1. Awitin ang pitch ng buong awit.

2. Iangkop ang pitch ng isang melodic phrase na

narinig.

3. Pakinggan at sabihin kung pataas o pababa

ang melody.

4. Hanapin ang MAHABA at MAIKSING TUNOG sa

awit nang hindi nagpapatulong sa guro.

IV. Pagbuo

Sa modyul na ito, natutuhan nating gumawa,

lumikha, at tumugon sa MATAAS at MABABANG

tunog ng isang MELODY.

Page 86: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

82

Ano ang magiging tunog ng isang awit kung

sa buong awit ay MATATAAS na tunog

lamang ang ginagamit nito?

Ano ang magiging tunog ng isang awit kung

sa buong awit ay MABABABANG tunog

lamang ang ginagamit?

Kumpletuhin ang pangungusap:

Mahalagang pagsamahin ang MATAAS at

MABABANG tunog sa isang awit sapagkat

__________________________________________

__________________________________________ .

I. Awit/ Tugma

a.―Are You Sleeping Brother John?” – Tugmang

Pambata

b. ―Row, Row, Row Your Boat”- Tugmang Pambata

II. Mga Gawain

Ang thickness ng tunog ng Musika ay batay sa

bilang ng linya na magkakasabay; samantalang

ang thinness ng tunog ng Musika ay batay sa

isang linyang musikal. Ang elementong ito ng

Musika 1 - Modyul 14: Tekstura 0 Texture

Page 87: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

83

musika na tumutukoy sa thickness at thinness ng

musika ay tinatawag na Texture.

Pagbalik-aralan natin ang awit na ―Are You

Sleeping Brother John?” Una, awitin ito nang

pangkatan. Awitin ito ng dalawahan , tatluhan at

pangkatan.A ng bawat pangkat ay magsisimula

nang hindi magkasabay ngunit tatapusin ang

awit.

Hihintayin ng bawat pangkat ang hudyat ng

pagsisimula ng awit sa guro.

Are You Sleeping,Brother John?

Are you sleeping? Are you sleeping?

Brother John? Brother John?

Morning Bells are ringing,

Morning bells are ringing

Ding-dong, ding.Ding-dong, ding.

Ano ang inyong napuna nang umaawit kayo

bilang isang pangkat; nang umaawit kayo bilang

dalawa o tatlong pangkat na hindi sabay-sabay

ang umpisa? Kailan thin ang tunog ng musika?

Kailan thick?

Page 88: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

84

Panuto: Bilang isang klase, gumawa ng isang

payak na Ostinato na binubuo ng Maiksi at

Mahabang tunog. Isulat sa inyong kuwaderno ang

Ostinato at sanayin ang paulit-ulit na

pagpalakpak nito. Pagkatapos, pumili ng

instrumento sa silid-aralan upang gawin ang

napiling Ostinato. Hatiin sa dalawang pangkat

ang klase. Ang unang pangkat ang gaganap ng

Ostinato. Ang pangalawang pangkat ang

gaganap ng kaparehong Ostinato sa isang tiyak

na bahagi na kahawig ng sa awit na ―Are You

Sleeping, Brother John?‖.

Upang maging higit na kawili-wili ang Ostinato,

pumili ng isang tiyak na galaw ng katawan para

sa mga tunog na MAHABA at tunog na MAIKSI.

Gawin ang mga galaw na ito sa pagsasakilos ng

OSTINATO ng inyong pangkat.

Napansin ba ninyo ang pagkakaiba sa tunog

nang patugtugin ng unang pangkat ang

OSTINATO at ang tunog nang idagdag ng ibang

pangkat ang kaparehong OSTINATO na sinimulan

sa ibang pagkakataon?

Gawain 1: Pakikinig at Pagsasaya

OSTINATO:

Page 89: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

85

Anong pagkakaiba ang inyong napansin?

Ang tunog bang musika ay thicker o thinner?

Bakit?

Kapag may idinagdag na instrumento o tunog

sa isang pattern o melody, sinasabi ng mga

musikero na ang tunog ng musika ay nagiging

thicker.

Gayundin naman, kung ang isang pattern o

melody ay tinugtog o inawit nang walang

kasabay, sinasabi ng mga musikero na ang

Texture ng musika ay thin.

Panuto:

Iguhit ang 1 nota kung ang narinig ninyo ay isang

linya ng musika. Ngunit kung ang naririnig ninyo ay

dalawa o mahigit pang linya ng musika na

pinatutugtog o inaawit, iguhit ang 2 nota sa

kuwaderno. Pakinggang mabuti ang mga

halimbawa.

Gawain 2: Hamon sa Pakikinig

Page 90: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

86

.

Ano ang kailangan mong tandaan upang

makilala Textures ng tunog ng Musika?

1

A B

C D

2 1 2

1 2 1 2

Page 91: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

87

Pagtataya

Ipakita kung natutuhan ninyo ang aralin sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa isa sa

mga kahon sa ibaba. Gawin sa inyong

kuwaderno.

MGA KASANAYAN Oo Hindi

pa

1. Nakaririnig at nakakikilala ng isang

linyang musical.

2. Nakapagpapakita ng iba‘t ibang

textures sa pamamagitan ng mga

galaw ng katawan.

3. Nakagagawa ng mga simpleng

pattern na gagawin kasama ng

ibinigay na apattern sa istilo ng isang

bilog.

4. Nakagagawa ng pattern sa istilo ng

isang bilog.

III. Pagbuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na ang tunog

ng Musika ay maaaring Thick ayon sa bilang ng

linya ng musika na sabay-sabay na inaawit o

tinutugtog. Ang tunog ng musika ay maaaring

THIN na may isa lamang linya ng musika.

Kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.

Gawin sa inyong kuwaderno:

Page 92: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

88

Musika 1 - Modyul 15: Balik-aral sa mga

Elemento

Dapat nating pakinggang mabuti ang ______

musical na nangyayari sa musika, nag-iisa man, o

mahigit sa isa na nangyayari nang ____________.

Masasabi lamang nating ang Texture ng musika

ay _______ o _______ kapag narinig nating mabuti

ang musika.

I. Awit / Tugma

a.Lahat ng awit / tugma na ginamit sa mga

nakaraang modyul

II. Mga Gawain:

ISANG MALAKI AT MASAYANG PAMILYA

Panuto: Magbalik-aral sa mga natutuhang awit,

laro, at mga gawaing napapaloob sa elemento

ng musika.

Balik-aralan din ang mga gawain o pagsasanay

na ginawa sa bawat modyul.

ELEMENT/ ELEMENTO GAWAIN/AWIT

DYNAMICS – Lakas at Hina ng

Tunog ―Ang Susi Nakatago‖

TEMPO – Bilis ng tugtog (FAST

and SLOW) ―Leron,Leron, Sinta‖

Gawain 1

Page 93: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

89

TIMBRE- Mga tunog sa paligid

Tinig at kagamitang may tunog

―Aso,Aso‖

FORM- Pagkakatulad at

Pagkakaiba ng buong bahagi

ng musika.

―Kalesa‖

MELODY – Taas at Baba ng

tunog

―Piko-Piko

Angking‖/‖Rocky

Mountain‖

―Maliliit na Gagamba‖

TEXTURE – Kapal at Nipis ng

Tugtog

―Are You Sleeping

Brother John?‖

RHYTHM – ayos ng tunog at

katahimikan sa tamang

tiyempo

- kumpas at ostinato

- mabagal at malakas na

kumpas

( 2-time meter, 3-time meter &

4-time meter)

―Pan de Sal‖

―Chimpoy Champoy‖

―Talbog Pataas , Talbog

Pababa‖/Pedro

Penduko‖

―Twinkle, Twinkle‖

―Sawsaw Suka‖

BALIK-ARAL SA MGA ELEMENTO

Panuto: Bilang paghahanda sa ibibigay na

panapos na pagsusulit, ang bawat pangkat ay

pipili ng isang elemento ng musika na napag-

aralan na. Ipapakita ng grupo ang kasanayang

napapaloob sa elemento gamit ang modyul na

natalakay na.

Gawain 2

Page 94: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

90

III. Pagtatasa

1. Sa minsanang pagsubaybay ng guro, ang

inyong pangkat ay magsasagawa ng

pagsasanay tungkol sa ipapakitang

kasanayan at awit ayon sa elemento na

natutuhan. Gawing gabay ang modyul.

IV.Pagbubuo

Pagkatapos suriin sa modyul ang elemento,

awit, laro, at kuwento ng musika, sagutin ang

tanong na ―Paano naghanda/nagsanay ang

inyong pangkat?

Nahirapan ba o nadalian kayo sa ginawa

ninyong pagsasanay? Bakit?

I.Mga Gawain

Panuto: May pitong pangkat – bawat isa ay

kumakatawan sa isang ELEMENT ng Musika –

DYNAMICS, RHYTHM, MELODY, TEMPO, TIMBRE,

FORM, at TEXTURE. Tatawagin ng guro ang bawat

pangkat upang magpakita ng kanilang mga

talento at ng lahat nilang natutuhan sa kanilang

Modyul 16: Ebalwasyon

Gawain 1: Magdaraos Kami ng Isang

Konsiyerto

Page 95: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

91

partikular na ELEMENT at hihikayatin ang bawat isa

na panoorin ang pagpapakita ng bawat

pangkat.

Nasiyahan ba kayo sa konsiyerto ng klase? Aling

pangkat ang pinakamahusay? Bakit?

Panuto: Ipakita kung gaano kahusay isinagawa

ng inyong pangkat ang gawain sa pamamagitan

ng paglalagay ng tsek sa isa sa mga kahon sa

ibaba. Gawin sa inyong kuwaderno.

Pamantayan Katibayan Nahahasa

1. Malinaw ang elementong

Musikal mula sa umpisa

hanggang sa katapusan ng

awit.

2. Ipinakita ng pangkat ang

mga kailangang

KASANAYAN na kailangan

ng elementong musikal.

3. Ang galaw na pinili ng

pangkat ay malinaw na

nagpapakita at

naglalarawan ng ELEMENT.

4. Ang pagkaganap ay

mahusay at puno ng sigla.

Gawain 2: Ebalwasyon ng Gawain

Page 96: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

92

Panuto: Ipakita ang inyong natutuhan sa kuwarter

na ito sa pamamagitan ng pagguhit ng

nakangiting mukha sa kahon na nagsasaad ng

inyong kaalaman. Gawin sa inyong kuwaderno.

Pamantayan Magagawa

Makakaya

nang

gawin

1. Makagagawa at

makapagpapakita ng

lahat ng kasanayang

musika na inaasahan sa

akin sa Baitang 1.

2. Magagawa ko nang

mahusay ang lahat ng

kasanayang musikal na

inaasahan sa akin.

3. Nakikinig ako at

sinusunod ang mga

panuto at tuntunin;

nagpapakita ng angkop

na pagsisikap tuwina.

Nagpapakita ng

kooperasyon, pagtitimpi

sa sarili, paggalang sa

iba at

pagkamamamayan.

Gawain 3: Ebalwasyon ng Sarili sa Ikaapat

na Kuwarter

Page 97: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

93

1

Kagamitan ng Mag-aaral

Page 98: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

94

Yunit I – Pagpapakilala sa

Sining at Pagguhit M

ga Ele

mento

ng Sin

ing

KULAY—Finger painting ng mag-aaral ng Kids Ahoy, Mayo 2010

mula kay Z. P. Garcia

LINYA— Halaman ng San Francisco

HUGIS—Damit ng Yakan,Cagayan De Oro–‖ Inalaman at ―Nutart‖

Philippine patterns ni Bernadette Solina. Larawan ng Yakan ni Z.P.

Garcia at Nutart mula sa: http:www.nutart.blogspot.com TEKSTURA—L: ‖Self-

portrait-too‖ Oscar

Floirendo, mula sa

http:www.manilaartblog

ger.com R: jeepney

sculpture by Hope

Christian HS grade 6

student, SY 07-08 mula kay

Z.P. Garcia

Page 99: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

95

Ang sining ay nasa ating kapaligiran. Tumingin ka sa

labas. Anong mga hugis at linya ang iyong nakikita?

Iguhit mo ang iyong nakita sa iyong papel.

Aralin 1: Ano ang Sining?

Page 100: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

96

Tayong lahat ay pintor.

Isinusulat ng pintor ang kanilang pangalan sa

kanilang mga ipininta. Isinusulat din niya ang petsa.

Isulat mo ang iyong pangalan at Petsa sa papel.

Ang mga linya ay mabubuo sa pamamagitan ng

pagdudugtong-dugtong sa mga tuldok.

Kopyahin sa kuwaderno at pagdugtungin ang mga

tuldok.

May iba‘t ibang uri ng linya. Ilarawan mo ang mga

linya na iyong nakikita.

Page 101: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

97

Gumuhit ng iba’t ibang linya

Gawin sa sagutang papel.

Ang hugis ay nabubuo kapag pinagtagpo ang dulo

ng mga linya. Ito ay isang tuloy-tuloy na guhit na

walang butas na bahagi.

Alin sa mga ito ang hugis?

.

1b: Mga Hugis

Page 102: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

98

Gumuhit ng mga hugis. Iguhit sa iyong papel.

Page 103: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

99

Anong mga hugis at linya ang iyong nakikita sa mga

larawan?

Page 104: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

100

(mula sa talatag ni Z. Garcia)

Larawan ng tao (mula sa Baitang 1,Hope Christian High school, SY 2005,

mula kay:: Z.P. Garcia

“Un india pescadora” o “ Babaeng

Mangingisda sa India “ ni Damian

Domingo

Galing sa: http://skyscrapercity.com

Dr Eleuterio Pascual Collection

“Mga Babaeng Bogobo” ni

Bernadette Solina

“Palay Maiden” ni Fernando Amorsolo

mula sa: http://www.adenu1980.blogspot.com

Larawan ni Victorio Edades, 1928

mula sa: http://www.inquirer.net

Larawan ni Felix Hidalgo, 1901

mula sa: http://www.kulay-diwa.com

Iba‘t ibang larawan

mula sa Baitang 1 at 4,

kuha ni Z.P. Garcia

Mga L

arawan

Page 105: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

101

Ang litrato ay larawan ng buong katawan ng isang

tao o mukha ng tao mula ulo hanggang balikat.

Ang pagtingin sa litrato ay tulad din ng pagmamasid

sa isang mukha. Makikita mo ang iba‘t ibang bahagi

nito.

Kaya mo bang iguhit ang iba‘t ibang bahagi ng

iyong mukha? Gawin sa iyong papel.

Aralin 2: Ang Aking Mukha at

Katawan

mata mata

bibig tainga tainga

ilong

Page 106: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

102

Kaya mo bang iguhit ang iyong larawan o ng ibang

taong kakilala mo?Iguhit sa kuwaderno.

Huwag kalilimutang isulat ang iyong pangalan at

petsa kung kailan iginuhit ang larawan.

Pangalan Petsa

Page 107: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

103

Iguhit mo ang larawan ng iyong buong katawan sa

iyong kuwaderno. Ano ang suot mong damit?

Pangalan Petsa

Aralin 3: Larawan ng Buong

Katawan

Page 108: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

104

Naaalala mo ba nang iguhit ang iyong sarili at ang

iyong buong katawan?

Magagamit mo ang mga kaparehong linya at hugis

sa pagguhit ng larawan ng ibang tao. Gawin mong

mas makapal o manipis o kaya ay mas mahaba o

maikli ang linya na iyong gagamitin.

Gawin sa papel.

Ako (Sino ito?) (Sino ito?)

Aralin 4: Iba‘t ibang Taong

Magkakasama: Ako, Ang Aking

Pamilya at mga Tao sa Paligid Ko

Page 109: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

105

Gumuhit ng mga taong magkakasamang

gumagawa ng gawain.Iguhit sa papel.

Page 110: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

106

Ano ang masasabi mo sa iyong iginuhit? Sino-sino

ang nasa larawan at ano-ano ang kanilang

ginagawa?

Maaari kayong gumuhit ng mga hayop at halaman

sa pamamagitan ng mga linya at hugis.

Gumuhit ng hayop gamit ang mga linya at hugis sa

hiwalay na papel.

Aralin 5: Mga Hayop sa Pilipinas

Page 111: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

107

Maaari kang gumuhit ng mga halaman sa

pamamagitan ng mga linya at hugis.

Gumuhit ng mga halaman na makikita mo sa

paaralan, sa bahay, at sa pamayanan sa iyong

papel.

Aralin 6: Mga Halaman sa

Pilipinas

Page 112: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

108

Ano-anong hugis ang makikita mo sa mga larawan?

Isa sa mga pinangangalagaang bahay na gawa sa bato (bahay

na bato) sa Bagac, Bataan

Ang Simbahan ng Miag-ao sa Iloilo, isa sa mga pamanang lugar

sa Pilipinas na kinilala ng UNESCO (mga larawan mula sa talatag ni Z. P. Garcia)

Page 113: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

109

Nakatira tayo sa iba‘t ibang uri ng bahay.

Ang ilan ay malaki, ang iba ay maliit.

Ang ilan ay gawa sa kahoy at kawayan at ang iba

ay gawa sa bato.

May mga bahay na nakatayo sa lupa, sa gilid ng

kalsada, at kahit sa ibabaw ng tubig.

Paano mo ilalarawan ang inyong bahay?

Iguhit ito sa iyong papel.

Ilarawan ang iyong iginuhit.

Aralin 7: Mga Bahay sa Pilipinas

Page 114: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

110

Mayroon ding iba‘t ibang uri ng gusali, katulad ng

simbahan at paaralan.

Iguhit ang ilang gusali o mga bagay na nakikita mo

sa inyong pamayanan sa kuwaderno.

Ano-ano ang nakikita mo sa iyong paligid?

Aralin 8: Mga Bahay at mga

Gusali sa Aking Pamayanan

Page 115: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

111

Sa mga bahay at gusali, maging sa sining ay may

positibo at negatibong espasyo.

Ang positibong espasyo ay isang lugar na may

laman.

Ang negatibong espasyo ay isang lugar na walang

laman.

Espasyo

Ang espasyo na

kinaroroonan ng puso ay

ang positibong espasyo.

Ito ay halimbawa ng

negatibong espasyo.

Wala itong laman.

Page 116: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

112

Ang espasyong nasa gitna ng bahay at gusali ay

mga negatibong espasyo.

Kaya mo bang iguhit ang mga gusali sa iyong

pamayanan? Gawin sa iyong kuwaderno.

Page 117: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

113

Yunit II – Pagpapakilala sa

Kulay at Pagpipinta ng

Kalikasan at mga Bagay ng

Gawa ng Tao

―Vista de la entrada de la Calzada de San Sebastian

hasta la Yglesia de Nuestra Senora del Carmen‖ ni

Jose Honorato Lozano mula sa:

http://www.skyscrapercitycom |Hope Christian HS, SY

08-09 mula sa talatag ni Z.P. Garcia

―Sunset over Malabon fishponds‖ ni Fernando

Amorsolo in 1950, mula sa Adamson Univ. Collection, http://www.mymalbon.com

―Japanese landscape‖ Chinese style ni Shûgetsu,ng

Honolulu Academy of Arts, mula sa

http://www.commons.wikimedia.org

Mga T

anaw

in

―Cypress and Wheatfield‖ ni Vincent Van Gogh,

mula sa http://www.abstractsk.com

―Harvest scene‖ ni Fernando Amorsolo mula sa

http://www.askart.com

―Landscape from Bretagne‖ ni Paul Gauguin

http://www.commons.wikimedia.org

―Ygorrotes. Un asecho

de los viajeros que

transitan por el camino

del Monte Caraballo en

la provincia de

Cagayan‖ ni Jose

Honorato Lozano mula

sa

http://www.skyscraperci

ty.com

Page 118: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

114

Ang landscape ay tanawin sa isang pamayanan.

Ang kaibahan lamang, nagpapakita ito ng likas na

tanawin tulad ng mga puno at bundok.

Sa sining, bawat likas na tanawin ay may Guhit

Tagpuan o Tagpuang Linya ng langit at lupa.

Aralin 9: Tanawin mula sa

Paaralan o Tahanan

Page 119: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

115

Tingnan ang manipis na tuwid na linya. Ito ang Guhit

Tagpuan na nagpapakita kung paano nagtagpo

ang langit at lupa.

Aling puno ang malayo?

Aling puno ang malapit?

Gumuhit ka ng isang puno sa iyong papel tulad ng

nasa larawan sa itaas.

Gumuhit ng isang tanawin sa papel at kulayan ito.

Page 120: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

116

Ang bahaghari ay may mga kulay mula sa kalikasan,

gayundin ang mga bato, halaman, at kahit ang

buhangin.

Kulayan ang mga bagay na ito mula sa

kalikasan.Gawin sa iyong kuwaderno.

Kaya mo bang gumuhit at magkulay ng iba pang

bagay mula sa kalikasan?

Aralin 10 at 11: Mga Kulay ng

Kalikasan

Page 121: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

117

Makagagawa ka ng iba‘t ibang uri ng mga dibuho

at magagandang disenyo gamit ang hugis, linya, at

kulay.

Ang parol ay bagay na nakikita tuwing Pasko.

Alam mo bang kaya mong gumawa ng sariling

disenyo ng parol gamit ang mga hugis at linya?

Subukin mo ito.Kopyahin sa kuwaderno at gawin.

Aralin 12 at 13: Mga Disenyo

katulad ng Parol

Page 122: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

118

Subuking gumawa ng iba pang disenyo ng parol

gamit ang bilog na nasa larawan.

Isagawa sa hiwalay na papel.

Page 123: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

119

Huwag kalimutang ulayan ang iyong parol!

Mga Tanawin sa Ating Kapaligiran

(mga larawan mula sa talatag ni Z.P. Garcia)

Page 124: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

120

Gumuhit ng isang tanawing-dagat sa iyong papel at

kulayan.

Ano ang nakikita mo sa iyong iginuhit?

Ano ang mga kulay na ginamit mo?

Aralin 14: Pagpipinta ng

Tanawing- dagat (Seascape)

Page 125: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

121

Ang tanawin sa paligid na iyong nakikita ay

tinatawag na tanawing-lungsod. Nagpapakita ito ng

larawan ng mga gusali, bahay o kaya‘y mga

sasakyan.

Sa pagguhit ng tanawing-lungsod, ang mga bagay

na iginuhit mo na mas malaki at halos nasa ibaba ng

pahina ay lumalabas na mas malapit. Ito ay

tinatawag na harapan o foreground.

Nakikita mo ba kung aling bahay ang

pinakamalapit? Alin naman ang pinakamalayo?

Aralin 15 at 16: Tanawing-

lungsod (Cityscape)

Page 126: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

122

Ang pinakamaliit na bahay na nasa larawan ay

tinatawag na likuran o background.

Aling bahagi ng larawan ang nasa harapan?

Alin naman ang nasa likuran?

Ano-ano ang ginagawa ng mga taong nasa

paaralan o kaya ay nasa bahay araw-araw?

Iguhit ito sa iyong kuwaderno batay sa iyong

nakikita.

Page 127: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

123

Still Life

at K

ula

y

―Cityscape

collage‖ ng mag-

aaral ng Kids

Ahoy, 2010 mula

kay Z.P. Garcia at

―Color Wheel pizza

pie‖ ng mag-aaral

sa Baitang 1, Hope

Christian HS, SY 08-

09, Z.P. Garcia

“Birds‖ ni Abdul Mari Imao galing

kay Z.P. Garcia

―Atis and lanzones‖ ni Fernando Amorsolo, mula sa

http://www.micheatsandshops.com

―Still life‖ ni Paul Cezanne,

1893 mula sa

http://www.susanwellington

art.wordpress.com

―Music and Violin‖ ni Russov Lev

mula sa

http://www.commons.wikimedia.org

―Chaudron et prunes‖ ni Alfred

Arthur Brunel Neuville

http://www.commons.wikimedia.org

Kaliwa: ―Ang Watawat

ng Pilipinas‖ mula sa

http://www.commons.

wikimedia.org

Kanan: ―A pair of

shoes‖ ni Vincent Van

Gogh mula sa

http://www.commons.

wikimedia.org

Page 128: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

124

Sa sining, ang pangkat ng isang bagay na hindi

gumagalaw na iginuhit o ipininta ay tinatawag na

ipinintang still life.

Minsan ang mga pintor ay gumagamit ng prutas

subalit, maaari ka ring gumamit ng iba pang bagay

tulad ng kagamitan sa paaralan, mga bote o

anumang bagay na nakikita mo.

Subukin ito:

Kumuha ng mga bagay na magkakaugnay tulad ng

kagamitan sa paaralan o mga bagay na ginagamit

sa pagkain tulad ng mga pinggan, baso, kutsara, at

tinidor.

Pagsama-samahin sa ibabaw ng mesa ang mga

bagay na kinuha.

Aralin 17: Ipinintang Still Life

Page 129: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

125

Iguhit mo sa iyong papel ang mga bagay na iyong

pinagsama-sama at kulayan.

Hayan!

Nakagawa ka na ng sarili mong pintang still life.

Kaya mo bang lagyan ng pamagat ang iyong

ginawa?

Bigyan ng pamagat sa iyong papel ang iyong

gawa.

Page 130: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

126

Aralin 18: Pagpipinta ng isang

Tanawing Likha ng Imahinasyon

Mag-isip ng isang tanawin at ipinta ito sa

kuwaderno mo.

Page 131: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

127

Yunit III- Eskultura

Eskultura ng Kalikasan

Eskultura ng mga dahon,bulaklak o bagay.

Paper Collage

(ang mga larawan ay mula kay Zeena Garcia)

Page 132: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

128

1.Ang mga tunay na dahon,halaman,bulaklak,buto,

o bato ay maaring gamitin sa eskultura ng

kalikasan.

2.Gumuhit ng eskultura ng kalikasan sa iyong papel.

Ipakita rito ang iba‘t ibang dahon, bulaklak, buto,

bato, at iba pang bagay na nakuha mo.

Anong uri ng disenyo ang iyong nabuo?

Aralin 19: Eskultura ng Kalikasan

Page 133: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

129

Aralin 20: My pottery

Makalilikha ka ng iba’t-ibang disenyo gamit ang

mga bagay sa paligid tulad ng plastic na bote,

lalagyan ng barya o ng lapis.

Gumuhit sa iyong kuwaderno o isang buong papel

ng mangkok o lalagyan gamit ang mga bagay na

nakikita sa paligid.

Lagyan ito ng disenyo at kulayan.

Aralin 20: Lalagyan ng Barya

o ng Lapis

Page 134: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

130

Mga Eskultura ng Pilipinas

Gintong palawit ng ating mga ninuno.Nililok sa

kahoy na mga hayop ng T‘boli.

― Bulul,” bathalang Tao at isdang nililok

tagabantay ng taniman sa kahoy

sa Mt. Province (ang mga larawan ay mula kay Zeena Garcia)

Page 135: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

131

Panrelihiyong artifacts o talismans,anting-

anting,panggayuma,o palawit ng kuwintas ay mga

uri ng eskultura.

Iguhit ang ginawang paper mâché na palawit ng

kuwintas sa iyong papel.

Kulayan ito.

Aralin 21: Ang Palawit ng Aking

Kuwintas

Page 136: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

132

Ang pagpapalayok ay paraan ng paggawa

ng palayok na ginagamit sa pagluluto.

Pakupisin,pahumpakin,pingolin o ipitin ay mga

paraan sa pagpapalayok.

Iguhit sa iyong papel ang mangkok na iyong

ginawa.

Aralin 22: Ang Aking Mangkok

Page 137: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

133

Iguhit sa iyong papel ang pagkain na iyong ginaya.

Huwag kalimutang kulayan ito.

Itala ang mga hugis na iyong makikita:

Itala ang mga tekstura:

Aralin 23: Eskulturang Recycle:

Pagkain

Page 138: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

134

Anong uri ng bahay ang gusto mo?

Kaya mo bang lumikha ng sarili mong bahay

gamit ang recyclable na bagay?

Iguhit sa iyong papel ang bahay na iyong nagawa

mula sa mga nakitang bagay.

Iguhit ang iba‘t ibang hugis at kulayan.

Aralin 24:Eskulturang Recycled

:Paggawa ng Sariling Bahay

Rectangular Prism

Page 139: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

135

Kasama ang mga kamag-aral, mag-isip ng isang

kuwarto at gumawa ng mga kasangkapan at

palamuti para rito.

Gumamit ng kahon at mga bagay mula sa iyong

paligid.

Matapos gawin, iguhit ang kuwarto na iyong nilikha

sa iyong papel.

Aralin 25: Paggawa ng Diorama

Page 140: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

136

Ano-ano pa ang maaari mong gawin gamit ang

paper mâché?

Gumuhit ng kuwintas sa iyong papel. Kulayan at

lagyan ng pangalan ito.

Aralin 26 : Kuwintas na Gawa sa

Paper Mâché

Page 141: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

137

Iguhit ang laruang ginawa mo sa iyong papel.

Kulayan at lagyan ng pangalan ito.

Aralin 27 : Laruang Gawa sa

Paper Mache

Page 142: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

138

Yunit IV- Pagdidisenyo at Iba

pang Pamamaraan

Pamamaraan sa Paglikha ng Disenyo

Disenyo mula sa Kalikasan

Disenyong Dahon

Disenyong Gulay

Page 143: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

139

Alam ba ninyo na hindi magkakapareho ang ating

fingerprints.

Kung pagmamasdan, parang magkapareho ang

mga ito subalit kung pagmamasdang mabuti,

makikita mong walang dalawang taong may

magkaparehong fingerprints.

Aralin 28: Ang Aking Fingerprint

Panuto:

Iguhit ang mga linya ng iyong kanan at

kaliwang hinlalaki sa iyong papel.

Kaliwang hinlalaki Kanang hinlalaki

Page 144: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

140

Kumuha ng iba‘t ibang dahong may linyang

nasasalat.

Dampian ang mga ito ng kulay o kaya‘y gumamit

ng stamp pad upang malagyan ng tinta.

Idampi ang dahong kinulayan sa iyong papel.

Aralin 29: Mga Disenyo ng Kalikasan

Page 145: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

141

Kumuha ng iba‘t ibang bagay gaya ng pambura,

kahoy, mga butong hindi bilog, at iba pa.

Dampian ito ng kulay o kaya‘y gumamit ng stamp

pad upang malagyan ng tinta.

Idampi ang bagay na may kulay sa iyong papel.

Aralin 30: Mga Disenyong Likha ng Tao

Page 146: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

142

Mula sa mga lumang babasahin at diyaryo, kard at

pambalot ng regalo, gumupit ng mga kawili-wiling

hugis, bagay, at letra.

Ayusin ang mga ito sa iyong papel sa pamamagitan

ng pagdidikit ng mga hugis upang makagawa ng

isang likhang-sining na ang tawag ay collage.

Aralin 31: Collage

Page 147: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

143

1. Lagyan ng disenyo ang gilid ng iyong liham.

Iguhit ang disenyo sa iyong papel.

Maaaring ulit-ulitin ang mga hugis (bilog,

kuwadrado, bilohaba) o ang isang disenyo (tulad

ng bituin, prutas, letra, at iba pa).

2. Maaaring iguhit din ang kaparehong disenyo sa

iyong sobre.

Iguhit ang disenyo sa iyong papel.

Aralin 32: Disenyo sa mga Liham

Page 148: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

144

Anong disenyo ang ilalagay mo sa iyong postcard?

Maaaring iguhit ang tanawin sa inyong lugar,

pagdiriwang, piling pagkain sa inyong lalawigan

produkto sa inyong lugar.

Iguhit muna ang disenyo sa iyong papel bago

Iguhit sa postcard.

Aralin 33: Disenyo sa mga Postcard

Page 149: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

145

Iguhit ang mukha ng puppet sa iyong papel.

Maaari itong hayop o tao.

Ano ang pangalan ng iyong puppet?

Aralin 34: Mga Puppet

Page 150: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

146

Mobiles – Mga Likhang-Sining na

Gumagalaw

banderitas sa pista makukulay na

pabiting papel

nakabiting suman sa nakabiting panyo at

Isabela itlog na inihahandog ng

mga Yakan sa panauhin

(ang mga larawan ay mula kay Zeena Garcia)

Page 151: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

147

Iguhit ang mobile na iyong nilikha sa iyong papel.

Anong mga disenyo at kulay ang inilagay mo sa

mga hugis?

Aralin 35: Mobiles –

Likhang-Sining na Gumagalaw

Page 152: K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART  (Q1-Q4)

148

Anong likhang sining ang iyong itatanghal

sa eksibit?

Pumili ng likhang sining o mobiles na ginawa

mo at ilagay sa eksibit.

Nagustuhan mo ba ang iyong eksibit?Bakit?

Aralin 36: Eksibit