karissa's testimony script

6
Good afternoon Ms. Witness, please state your personal circumstances for the record. I am Karissa Montalba, 26 years old, married to Carlo Montalba. I live at #13 Legaspi Street, Governor F. Halili, Malolos, Bulacan. Ms. Witness, do you speak English? Yes. Do you speak Filipino? Yes. I speak better in Filipino. Your Honor, permission to speak in Filipino language so that the witness can fully and clearly testify on the matters that will be asked of her. Mrs. Witness, gaano ka na katagal na nakatira sa Gov. F. Halili, Malolos Bulacan? Mga sampung taon na po. Maari mo bang sabihin kung ano ang ikinabubuhay niyo ng inyong pamilya? Ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa construction site sa Maynila. Dati po, uwian sya ngunit ngayon po, may tinutuluyan po siya doon at umuuwi po sya sa bahay namin tuwing sabado hanggang linggo. Wala po akong trabaho. Araw araw, inaasikaso ko po ang bahay namin. Kapag po may ekstrang pera, gumagawa po ako ng mga kakanin at tinitinda ko po ito sa aking mga kakilala. Kilala mo ba lahat ng mga kapitbahay mo? Masasabi ko pong oo, at kung di ko man sila makilala sa pangalan, kilala ko po sila sa mukha. Bakit mo sila kilala? Sampung taon na po akong naninirahan doon. Mrs. Witness, may naalala ka bang nangyari noong April 27, 2013? Meron po. Maaari mo bang sabihin sa korteng ito kung anong oras nagsimulang mangyari iyon? Noong gabi po ng April 27, 2013. Mga anong oras iyon, kung naaalala mo? Mga alas diyes po ng gabi. Ano ang ginagawa niyo noong alas diyes ng gabi ng April 27, 2013? Naghahanda na po kaming matulog ng anak kong si Carl. Ano ang nangyari pagkatapos nun, kung mayroon man? May narinig po kaming malakas na katok sa pinto ng kwarto na parang pinipilit buksan agad ito. Nasaan ang asawa mo nang oras na ito? Wala po. Nasa Maynila po.

Upload: john-henry-naga

Post on 13-Sep-2015

217 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

script in practice court

TRANSCRIPT

Good afternoon Ms. Witness, please state your personal circumstances for the record. I am Karissa Montalba, 26 years old, married to Carlo Montalba. I live at #13 Legaspi Street, Governor F. Halili, Malolos, Bulacan.

Ms. Witness, do you speak English?

Yes.

Do you speak Filipino?

Yes. I speak better in Filipino.

Your Honor, permission to speak in Filipino language so that the witness can fully and clearly testify on the matters that will be asked of her.

Mrs. Witness, gaano ka na katagal na nakatira sa Gov. F. Halili, Malolos Bulacan?Mga sampung taon na po.

Maari mo bang sabihin kung ano ang ikinabubuhay niyo ng inyong pamilya?

Ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa construction site sa Maynila. Dati po, uwian sya ngunit ngayon po, may tinutuluyan po siya doon at umuuwi po sya sa bahay namin tuwing sabado hanggang linggo. Wala po akong trabaho. Araw araw, inaasikaso ko po ang bahay namin. Kapag po may ekstrang pera, gumagawa po ako ng mga kakanin at tinitinda ko po ito sa aking mga kakilala.

Kilala mo ba lahat ng mga kapitbahay mo?

Masasabi ko pong oo, at kung di ko man sila makilala sa pangalan, kilala ko po sila sa mukha. Bakit mo sila kilala?

Sampung taon na po akong naninirahan doon.

Mrs. Witness, may naalala ka bang nangyari noong April 27, 2013?

Meron po.

Maaari mo bang sabihin sa korteng ito kung anong oras nagsimulang mangyari iyon?Noong gabi po ng April 27, 2013.

Mga anong oras iyon, kung naaalala mo?

Mga alas diyes po ng gabi.

Ano ang ginagawa niyo noong alas diyes ng gabi ng April 27, 2013?

Naghahanda na po kaming matulog ng anak kong si Carl. Ano ang nangyari pagkatapos nun, kung mayroon man?

May narinig po kaming malakas na katok sa pinto ng kwarto na parang pinipilit buksan agad ito.

Nasaan ang asawa mo nang oras na ito?Wala po. Nasa Maynila po.

Inisip mo ba kung siya ang kumakatok sa kwarto?

Hindi po, kasi nagsabi po sya nung kinaumagahan na hindi daw po siya uuwi noong gabing iyon.

Ano ang naramdaman mo nung mga panahong narinig mong may kumakatok at nagtangkang pumasok sa kwarto niyo?

Hindi ko po alam ang gagawin ko, lumapit ako sa pinto. Bumangon ang anak kong si Carl at lumapit din sa pinto. Ah, at ano ang ginawa mo nung lumapit ka sa pinto, kung mayroon man?

Sinubukan ko pong pakinggan mula sa loob ng pinto kung ano po yung ingay na iyon.At mayroon ka bang narinig?

Opo.

Ano ito?

Narinig ko ang boses ng lalake na sinasabing Karissa buksan mo ang pinto! dalawang ulit nyan sinabi. Naiiyak na ako noon.Nung narinig mo ito, ano ang ginawa mo, kung mayroon man?

Wala. Hindi ko parin po binuksan.

Maaari mo bang sabihin sa korteng ito kung ano ang nangyari noong hindi mo binuksan ang pinto, kung mayroon man?

Kinalampag niya ito at nabuksan po ang pinto.

Nakita mo ba kung sino ang nagpupumilit pumasok sa kwarto ninyo?

Opo.

Alam mo ba ang pangalan niya?

Opo.

Sino ang lalaking nakita mo?

Si Jose Paolo po.

Nandito ba siya sa loob ng korteng ito?Opo.

Maaari mo bang ituro sa korteng ito kung sino ang lalaki na nakita mo?

Points to Wilson Siy a.k.a. Jose Paolo Monteclaro.

Identification follows.

Mrs. Witness, paano mo nakilala ang nasasakdal?

Dahil matagal na po akong nakatira doon sa lugar, halos nakikilala ko na din ang mga tao sa paligid ng bahay namin. Isa po siya sa mga nakikita o nakakadaupang palad ko sa daan.

Mrs. Witness, ano ang relasyon mo kay Ginoong Monteclaro?

Hindi ko po siya kaano-ano. Ang alam ko lang po ay nakatira siya malapit sa amin.

Ano pa ang relasyon mo sa nasasakdal?

Wala na po. Hindi naman po kami naguusap.

Mrs. Witness, mabalik tayo sa pangyayari noong gabi ng April 27, 2013. Nung bumukas ang pinto noong gabing iyon, ang sabi mo nakita mo ang nasasakdal. Mayroon ba siyang ginawa?Meron po. Ano ang ginawa niya?

Agad niyang hinatak ang buhok ko. Ano ang ginawa mo nung nangyari yun, kung mayroon man?

Pinilit ko pong tanggalin yung kamay niya sa buhok ko.

At natanggal ba ang kamay niya sa buhok mo?

Opo.

Paano ito natanggal?

Tinulungan po ako ng anak kong si Carl.Paano ka tinulungan ni Carl?

Pinagsusuntok po niya si Jose Paolo.

Ano ang nangayri pagkatapos, kung mayroon man?Sinuntok po ni Jose Paolo si Carl.

Ano ang nangyari sa anak mo pagkatapos siyang suntukin ng nasasakdal, kung mayroon man?

Natumba ang anak ko at hindi na sya nakabangon pa ulit.

Ano ang ginawa mo pagkatapos, kung mayroon man?

Hindi po ako nakapalag dahil hinila niya na agad ang buhok ko at kinaladkad ako papalabas ng bahay.

Ano ang sinabi mo, kung mayroon man?

Nagmakaawa po ako. Sabi ko Maawa po kayo sa kalagayan ko.Ano ang kalagayan mo noong mga panahong iyon, Mrs. Witness?

Anim na buwan po akong buntis noon.

Saan ka dinala ng nasasakdal?

Dinala po niya ako sa may talahiban papalayo sa bahay namin at papalayo sa main road.

Mayroon pa ba siyang ginawa pagkatapos ka niyang dalhin doon?Opo. Pinaghahalikan niya po ang leeg ko.

Ano ang ginawa mo habang ginagawa niya yun sayo, kung mayroon man?

Nagmamakaawa na po ako sakanya nun habang umiiyak. Sabi ko maawa ka sa akin, buntis ako.

Ano ang sinabi niya sayo, kung mayroon man?

Wala po.

Mayroon ka bang sinubukang gawin?

Opo. Ano ito?

Dahil hawak po niya ang mga kamay ko, sinubukan ko nalang siyang sipain pero masyado po syang malakas. Isa pa, iniisip ko din po ang kondisyon ng batang dinadala ko.

Mayroon pa bang nangyari pagkatapos nun?

Opo. Bigla niyang tinakpan ang aking bibig at sinabing Wag kang magiingay kung hindi susuntukin ko ang tyan mo. Kaya hindi ko na po nakuhang lumaban.Mrs. Witness, ano ang ginawa o mga ginawa ng nasasakdal sa iyo pagkatapos ka niyang kaladkarin papalayo pa mula sa bahay ninyo, kung mayroon man?Pinahiga po niya ako doon sa mga malalapad at malalaking bato. Tinakot din niya ako at sinabing sumunod ka na lang sa akin.

Ano ang ginawa mo nung sinabi niya yun sa iyo?

Nagpumiglas pa po ako nun.

Ano ang ginawa ng nasasakdal, kung mayroon man, noong nagpumiglas ka?

Sinampal niya ako sa mukha at sinabi niya na sasamain ka at iyang batang dinadala mo kapag hindi ka sumunod sa akin. Sabi pa po niya wag ka nang pumalag, masasarapan ka din naman.

Mrs. Witness, naaalala mo pa ba kung ano ang ginawa sa iyo ng nasasakdal pagkatapos niyang sabihin yun sayo, kung mayroon pang nangyari?

Opo. Hindi ko po iyon malilimutan. Habang hawak niya ang aking kamay, naramdaman ko po na tinutok niya ang kanyang ari sa aking pagkababae tapos saka po siya nagsimula na ilabas pasok ang kanyang ari sa akin.

Gaano katagal niya iyon ginawa?

Hindi ko na po maalala. Basta paulit ulit po niyang nilalabas-pasok hanggang sa tumigil na po siya. Binitawan niya ang aking mga kamay. Ano ang ginawa mo pagkatapos nun?Wala po akong nagawa. Sobrang nanghihina na po ako nun. Hindi ko po kinayang bumangon agad. Sumakit po ang puson ko.

E ang nasasakdal, mayroon pa ba siyang ginawa?

Opo. Kumuha po siya ng sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan ito. Lumapit po siya ulit sa akin at tinakot ako, Wag na wag kang magkakamaling magsumbong kung ayaw mong samain ka at ang pamilya mo.

Ano ang nangyari pagkatapos niyang sabihin ito sayo, kung meron man?

Umalis na po siya.

Mrs. Witness, ano ang sumunod na nangyari, kung mayroon man?

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatulala pagkatapos. Ngunit bumalik po ako ng bahay at nakatulog nalang.

May pinagsabihan ka ba agad tungkol sa nangyari?

Wala po.

Bakit wala?

Sa sobrang takot po.

Ano ang nagudyok sa iyo para lumapit sa kinauukulan?

Nung nagising po ako, naramdaman ko po na kailangan ko ng hustisya para sa sarili ko, sa dinadala kong bata at sa pamilya ko.

Ano ang naging unang hakbang mo para gawin ito?

Nung kinaumagahan po ng April 28, 2013, ginising ko po ang aking anak na si Carl at pumunta po kami sa kinauukulan.

Saan kayo nagpunta?

Sa Malolos Bulacan Police Department.

Pagpasok niyo doon, saan kayo dumiretso?

Sa Womens Desk po.

May nangyari pa ba pagkatapos nun?Opo. Gumawa po ako ng salaysay at may pinirmahang ilang dokumento. Tapos dinala po nila ako sa doctor upang masuri.