pananaliksik sa healthcare access ng mga kababaihang
TRANSCRIPT
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MAYNILA
Kolehiyo ng Agham at Sining
Departamento ng Agham Panlipunan
Pananaliksik sa healthcare access ng mga kababaihang relokati
sa Montalban
Bilang bahagi ng pagtugon sa mga kinakailangan
para sa kursong Batsilyer ng Sining sa Agham Pampulitika
Ni
Frinces Gubalane Geroche
2012-26498
Para kay
Dr. Jinky Leilanie Lu
Tagapamatnubay sa pananaliksik
Mayo 2016
ii
University of the Philippines Manila
College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences
APPROVAL SHEET
This undergraduate thesis entitled “Pananaliksik sa healthcare access ng mga
kababaihang relokati sa Montalban” written by Frinces G. Geroche, in partial
fulfillment of the requirements for Political Science 198 of the degree in BA Political
Science, is hereby presented for approval.
_________________________
Dr. Jinky Leilanie Lu
Thesis Adviser
Department of Social Sciences
This thesis is hereby accepted and approved as partial fulfillment for the Degree
of Bachelor of Arts in Political Science.
________________________
Prof. Jerome Ong
Chairperson
Department of Social Sciences
iii
PASASALAMAT
Ang siping ito ay nakalaan sa lahat ng taong tumulong sa akin upang matapos ko
ang pananaliksik na ito gayundin sa mga naging mahalagang bahagi ng aking pananatili
sa unibersidad.
Una ay kay Dr. Jinky Lu na halos isang taong tumulong upang matapos ko ang
aking pananaliksik, maraming salamat po. Bukod sa mga bagay na may kinalaman sa
pag-aaral, marami rin po kayong mga pagpapahalaga at pananaw na ibinahagi sa amin na
tiyak na makakatulong sa aming pagharap sa mas malaki pang mundo.
Salamat din po Prof. Bobby Tuazon. Kayo ang pinakamahusay na intelektuwal na
lubos kong hinahangaan.
Kay Prof. Advincula na isang tunay na guro. Kayo po ang isa sa mga dahilan kaya
gusto ko ring magturo. Kayo po ang modelo ng isang titser na may pusong magbahagi ng
kaalaman sa iba. Patuloy ko pong babalikan ang mga naituro nyo sa amin sa paglaban ko
para sa aking pangarap na maging guro din gaya ninyo.
Maraming salamat din sa KADAMAY na naging gabay namin sa simula pa
lamang ng pananaliksik na ito. Utang po namin sa inyo ang malaking bahagi ng aming
thesis.
Sa aking mga naging tunay at matatag na kaibigan sa kolehiyo, kina Cristine Joy
Rimando at Martha Jasmine Bartilad. Mahirap ang buhay sa UP pero naging masaya at
makulay din ito dahil sa ating pagkakaibigan. Sa sabay sabay na paglakad sa Faura, pag
akyat sa 8th
floor, pagpunta sa cashier, pagsama sa Rob at sa Mercury Drug,
pagpapahiram at pagpapahiram ulit, buong pagkatao ko kayong pinasasalamatan. Sa
susunod, hindi na lamang Maynila ang lalakbayin natin. Kay Rosch, Joyce, Lola Trixia,
at sa Tough 10, tinuruan nyo ko sa maraming paraan. Kay Gizi na depinisyon ng salitang
superwoman, inspirasyon kita. At kay Jammy na huli man daw pero humabol pa rin,
salamat sa mga pagkakaibigang sinimulan natin.
Sa aking mga kamag-anak, salamat sa hamon at pagtulak sa aking makatapos ng
pag aaral.
Sa pinakapaborito kong tao sa buong mundo, salamat sa pag ibig, pag unawa,
katatagan, paglaban, pagsama, pagbabago, panlilibre at panlilibre ulit. Habambuhay
kitang pasasalamatan, rbnpnsjr.
Sa aking pamilya, kayo ang aking lakas. Mga kapatid ko, sana ay maabot ninyo
ang inyong mga pangarap. Ma at Pa, sana ay patuloy pang humaba ang inyong buhay.
Maibigay ko sana ang maginhawang buhay na nararapat lamang sa inyo.
Higit sa lahat, sa Diyos na nagbigay ng kaalaman at buhay, maraming salamat po.
Salamat sa patuloy na pagsama sa aking hanapin ang katotohanan.
iv
ABSTRAK
Simula noong nagsimulang umunlad ang Kamaynilaan, nagsimula na ring
magdagsaan dito ang mga Pilipino mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Dito na rin
nagsimula ang problema sa pagsikip at kakulangan sa espasyo ng naturang mga lungsod.
Bilang pagtugon sa kakulangan ng matitirhan, maraming mga mahihirap ang nagdesisyon
na magtirik ng kanilang bahay sa mga lupaing hindi nila pag-aari. Patuloy na lumawak at
dumami ang penomenang ito hanggang dumating sa puntong nagkanda sanga-sanga na
ang mga suliraning dulot ng informal settlements. Dahil sa samut-saring mga dahilan,
napapaalis o umaalis din ang mga informal settlers sa mga pinagtayuan nila ng bahay.
Ang iba ay kanya-kanyang lipat, ang iba naman ay sumasama sa relokasyon.
1990’s pa lamang ay tinatangkilik na ng gobyerno ang relokasyon bilang isa sa
mga solusyon sa kakulangan sa pabahay, espasyo at kaligtasan sa lungsod. Isa sa mga
relokasyon ay ang Montalban o ngayon ay tinatawag ding Montalban.
Nais ng pag-aaral na itong alamin ang kalagayan ng mga tao sa relokasyon sa
Montalban lalo na ang mga kababaihan na nasa bulnerableng sektor ng lipunan.
Bibigyanng pansin ang kanilang kalagayang pangkalusugan. Susukatin din kung paano
ito tinutugunan ng mga nasa kinauukulan. Sa huli, inalam ang mga kahinaan ng
sistemang pangkalusugan sa relokasyon at ang mga solusyong maaaring ilapat dito.
v
TALAAN NG NILALAMAN
Pabalat
Approval sheet ii
Pasasalamat iii
Abstrak iv
Talaan ng nilalaman v
Mga larawan at talaan ng mga datos vi
UNANG BAHAGI
I. Suliranin 1
II. Layunin 2
III. Introduksyon 2
A. Situasyoner 3
IKALAWANG BAHAGI
I. Rebyu ng magkakaugnay na panitikan 5
A. Pinagmulan 5
B. Katangian 7
C. Pagpapaunlad sa mga informal settlers 8
D. Konklusyon 9
E. Sintesis 10
IKATLONG BAHAGI
I. Teoretikal na balangkas 12
II. Konseptwal na balangkas 14
III. Metodolohiya 15
A. Operasyonalisasyon/ Konseptuwalisasyon 15
B. Pamamaraan 16
IKAPAT NA BAHAGI
I. Paglalahad ng mga datos 20
A. Qualitative 20
B. Quantitative 23
IKALIMANG BAHAGI
I. Pag-aanalisa ng mga datos 26
A. PHILHEALTH 26
B. Pasilidad pangkalusugan 27
C. Programang pangkalusugan 28
D. Pamantayan 29
IKAANIM NA BAHAGI
I. Konklusyon 32
II. Rekomendasyon 32
Appendices vii
Endnotes xiii
vi
MGA PIGURA AT TALAAN NG MGA DATOS
Larawan 1.0. Mapa ng Montalban 4
Talaan 1.0 Pinagkuhanan ng mga datos `18
Talaan 1.1 Profile ng mga ininterbyu 19
Talaan 2.0 PHILHEALTH – Qualitative 20
Talaan 2.1 Pasilidad pangkaluusgan - Qualitative 21
Talaan 2.2 Programang pangkalusugan - Qualitative 22
Talaan 3.0 PHILHEALTH – Quantitative 23
Talaan 3.1 Pasilidad pangkalusugan - Quantitative 24
Talaan 3.2 Programang pangkalusugan - Quantitative 25
Talaan 3.2.1 Mga sumagot na mayroong programang
pangkalusugan sa relokasyon - Quantitative 25
1
UNANG BAHAGI
I. Suliranin
Pangunahing katanungan ng pananaliksik na itong alamin kung:
Paano tinutugunan ng gobyerno ang pangangailangang pangkalusugan ng mga
kababaihang relokati sa Montalban?
Nais din sagutin ng pananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:
May programa ba ang relokasyon para sa pagpapalaganap ng PHILHEALTH?
Anu-ano ang mga pasilidad at programa ng gobyerno upang mapangalagaan
ang kalusugan ng mga kababaihang relokati?
Madali bang marating/makasali at abot kaya ba ang mga pasilidad at
programang ito?
Nakasasapat nga ba ang mga programa at pasilidad na ito upang tugunan ang
pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihang relokati?
Paano kumikilos ang mga nasa kinauukulan hinggil sa isyu ng kakulangan sa
pasilidad at programang pangkalusugan para sa mga kababaihang relokati?
Anong mga polisiya, programa, at proyekto ang maaaring gamitin at simulan
ng gobyerno upang epektibong matugunan ang pangangailangang
pangkalusugan ng mga kababaihang relokati sa Montalban?
2
II. Layunin
Pangunahing layunin ng pananaliksik na itong alamin kung:
Gaano kaepektibo ang programa ng gobyerno para sa relokasyon partikular na
sa pagtugon nito sa pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihan.
III. Introduksyon
Halos apat na milyon o 43% ng populasyon ng Metro Manila ay sinasabing
informal settlers. Informal settlers ang tawag sa mga taong walang sariling lupa na
nagtayo ng kanilang bahay sa mga bakanteng lupain na maaaring pribado o
pampubliko.
Ang mga numerong nabanggit ay tanda ng mabigat at malala ng problema ng bansa
ukol sa nasabing isyu. Kaakibat na ng buhay-informal settler ang mga problema sa
kalusugan, kaligtasan ng kapaligiran, edukasyon, trabaho at iba pa. Bukod pa dito ang
mismong usapin sa pagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng mga tahanan. Dahil
hindi nga nila pagmamay-ari ang lupain, malaki ang posibilidad na mapaalis ang mga
informal settlers gaano katagal pa man sila nanirahan sa kinatitirikan ng kanilang
bahay. Kadalasan, ito ay dahil na rin sa gagamitin na ng legal na may-ari ang lupa.
Ang mga napaalis na informal settlers ay pwedeng kanya-kanyang maghanap
ng malilipatan. Sa ibang pagkakataon, inililipat ng gobyerno ang mga napaalis na
informal settlers patungo sa mga relokasyon na inihanda ng pamahalaan.
Sinasabi ng gobyerno na ito ay upang mailayo sa mga normal na problema ng
informal settlements ang mga tao. Sa relokasyon daw ay mas magiging ligtas, disente
at maayos ang pamumuhay ng mga napaalis na informal settlers.
3
Isa na nga sa mga relokasyon ay nasa Montalban, Rizal o tinatawag ding
Rodriguez, Rizal. Patuloy ang paglaki ng populasyon at pagdami ng mga relokati sa
lugar na ito.
Inalam sa pananaliksik na ito ang tunay na kalagayan ng mga relokati sa
Montalban partikular na ang kalagayan ng healthcare access ng mga kababaihan.
Dahil ang isyu ng informal settlement ay malawak at malalim na ang pinag-uugatan,
mahalagang makita ang mga maaaring maging resulta ng tugon ng pamahalaan sa
problemang ito. Mahalagang masuri kung nakabubuti at epektibo nga ba ang solusyon
ng gobyerno sa pagpapaunlad ng buhay ng mga informal settlers sa bansa.
A. Situasyoner
Noong una ay para lamang sa mga pamilyang apektado ng Pasig River
Rehabilitation Program ang relokasyon sa Montalban. Nang lumaon, nagsimula
na ring ilipat dito ang mga naging biktima ng Payatas trashslide, informal settlers
ng Brgy. Pinahan, at mga taga Manila, San Juan, Quezon City, Makati,
Mandaluyong at Pasig na naapektuhan ng mga proyekto ng gobyerno. Idinagdag
din dito ang mga informal settlers na galing Quiapo, Manila at mga napinsala ng
nagdaang mga bagyo gaya ng Ondoy. Sa kasalukuyan, 158,832 na ang
populasyon ng mga relokati sa Montalban o tinatayang humigit kumulang 6,400
kabahayan.
Ang relokasyon ay sinasabing itinayo sa tigang na lupa na walang puno o
kahit halaman. Direkta itong tinatamaan ng araw kayat napakainit ng klima sa
lugar. Isa rin ito sa mga itinuturing na geo-hazardous area sa bansa. Ito kasi ang
catch-basin ng ulan mula sa mga kalapit na bundok. Ibig sabihin, madali rin itong
4
bahain. Sa katanuyan, lagpas bubong ang naranasang baha ng mga relokati
matapos manalasa ang Habagat noong 2012.
Makikita naman sa larawan ang mapa ng Montalban (tingnan ang Pigura
1.0).
Pigura 1.0 Mapa ng Montalban
5
IKALAWANG BAHAGI
I. Rebyu ng magkakaugnay na panitikan
iAyon kay A. Claudio, sa buong mundo, isa sa bawat tatlong tao na nakatira sa
lungsod ay namamalagi sa mga informal settlements. iiSa Metro Manila, halos 43%
ng populasyon ay naninirahan dito. Base sa mga datos na ito, masasabing hindi na
biro ang kinakaharap ng bansa ukol sa isyu ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
informal settlers. Marami nang ginawang hakbang ang gobyerno sa pagsugpo sa
suliraning ito na kinakaharap ng ating bansa. Isa na nga sa mga hakbanging ito ang
relokasyon.
Ngunit bago pa man natin talakayin ang kalagayan ng relokasyon partikular
na nga ang lugar sa Montalban, mahalagang malaman muna ang pinag- uugatan ng
problema—ang pagkakaroon ng informal settlers sa Pilipinas.
A. Pinagmulan
iiiSa pagsusuri ni H. Srinivas, may dalawang dahilan ang pag- usbong ng
mga barung- barong—internal at eksternal. Sa internal ay nakapaloob ang
kakulangan sa pinansyal ng mga tao na umupa o bumili ng sarili nilang tahanan.
Binabanggit naman sa eksternal ang mataas na halaga ng bahay at lupa, kawalan
ng pakialam ng gobyerno at masyadong mahigpit na mga regulasyon sa pagtatayo
ng imprastraktura bilang pumipigil sa mga tao na magkaroon ng disenteng
tahanan.
ivNagkaroon din ng pag- aaral si M. Ballesteros na nagsasabing hindi
lamang urbanisasyon ang dahilan ng pagkakaroon ng mga informal settlements
6
kundi marami pa kabilang na ang di epektibong plano sa pamamahala ng mga
lupain.
vAng Urban Poverty in Asia ni O. Mathur ay sinabi din sa kanyang pag-
aaral na hindi lamang nagmula sa kahirapan sa lungsod ang paglaganap ng mga
informal settlers. Nanggagaling din umano ito sa kakulangan sa pabahay,
kakulangan sa sapat na hanapbuhay at kakulangan sa mga serbisyong panlipunan
na syang magpapaunlad sa buhay ng mga mahihirap.
viSabi naman ni G. Ooi at K. Phua, ang pagkakaroon ng mga barung
barong ay hindi kasabay ng urbanisasyon. Kaya umano itong mawala. Ang
pagkukulang ay nagsisimula sa mga nasa opisyal ng lokal na pamahalaan. Hind
mabisa ang implementasyon at konkreto ang pagkakaunawa sa koneksyon ng pag-
unlad pang- ekonomiya, urbanisasyon at pabahay. Kasabay ng mabilis na pag-
unlad sa lungsod, naitutulak ang mga maralita sa pook- rural patungo sa lungsod
dahil na rin sa mababang produksyon, tag- init at taggutom. Bilang maraming
oportunidad sa lungsod, dito sila naghahanap ng trabaho. Ngunit dahil nga iba ang
nakasanayan, hindi rin ganun kalakihan ang kanilang kita. Nawawalan sila ng
salaping panlaan para sa pabahay kaya dito na magsisimula ang pagtatayo nila ng
masisilungan sa mga lupang bakante. Barung- barong ang sagot nila sa
pangangailangan sa paninirahan dulot na rin ng maliit na sahod. Bahagi rin umano
ng problema ang kawalan ng koordinasyon ng mga namamahala sa pag- unlad
pang ekonomiya, pagpapaplanong- urban at pamamahagi ng lupain. Sa kabuuan,
ang mga mahihirap sa pook rural ang sya namang nagiging maralitang lungsod
7
viiSinuportahan naman nina M. Taher at A. Ibrahim, ang mga naunang
pag- aaral sa pagsasabing nagpapatuloy ang mga barung- barong sapagkat walang
kakayahan ang mga naninirahan dito na kumuha ng mas disenteng tahanan.
Mataas ang halaga ng bahay sa ibang lugar kumpara sa mga barung- barong na
hindi mo na kailangan pang maghulog o magbigay ng buwanang upa.
B. Katangian
viiiMula muli sa akda ni Srinivas, nahahati umano sa tatlo ang mga
katangian ng isang informal settlements- pisikal, sosyal at legal. Dahil din sa
pagiging ilegal ng mga informal settlements, wala sa kanilang pag- aari ang
lupang kanilang kinatitirikan. Hindi sila sumailalim sa legal na proseso.
ixKaraniwang nawawalan sila ng ganang magpagawa at magpaayos ng bahay
dahil na rin sa banta ng pagpapaalis sa kanila. Kaugnay nito, lumilihis na sa
tamang pamantayan ang pagkakagawa ng mga bahay. Hindi maayos ang pisikal
na kalagayan ng lugar. Idagdag pa dito ang hindi maayos na serbisyo. Sa sosyal
na aspeto, karaniwang binubuo ang mga lugar na barung- barong ng mga
migrante mula sa pook rural o maaaring mula din sa pook urban, mga sumunod na
salinlahi at mga taong nabubuhay sa miniumum wage.
xAyon kay J. Lozier, ang mga taong nakatira sa informal settlements ay
karaniwang dumadanas ng mga karamdaman na tatlong beses na mas madami
kumpara sa iba na nagreresulta sa mas maraming kaso ng pagkamatay.
xiBilang karagdagan, nagtala din si Ballesteros ng mga iba pang mga
katangian ng informal settlements. Karaniwan umano silang napapagitnaan ng
mga naglalakihang gusali ngunit kadalasan nga ay kulang pa sila mga batayang
8
serbisyo. Karaniwan din ang pagiging masikip at mahinang pundasyon ng mga
bahay. Inaasahang matindi ang magiging epekto dito ng pagbabago ng klima ng
mundo. Idagdag din sa mga suliraning kanilang kinakaharap ang mataas na bilang
ng kriminalidad dahil na nga sa kahirapan. Madalas ang insidente ng pagnanakaw,
panggagahasa at paggamit ng bawal na gamot. Kadikit din ng mga lugar na ito
ang mataas na kaso ng maagang pagpapakasal o pagbubuntis ng mga kabataang
babae.
xiiBase sa pag- aaral ni H. Awadalla, malaking usapin umano sa mga
barung- barong ang kalagayan ng kalusugan. Kahirapan, kawalan ng malinis na
tubig, hindi tamang sanitasyon at di matibay na mga bahay ang ilan sa mga
maaaring makasama sa kalusugan ng mga naninirahan dito.
C. Pagpapaunlad sa mga informal settlements
Maraming pag- aaral ang isinagawa na may kinalaman sa pagbibigay
solusyon sa mga problema ng pagkakaroon ng informal settlements sa bansa.
xiiiUna na rito ang kay Lozier na sinasabing may dalawang paraan ang pag-
unlad sa mga informal settlements. Ang una ay nagmula mismo sa inisyatibo ng
mga tao sa informal settlers at ang ikalawa ay nagmula sa labas na maaring mula
sa gobyerno o pribadong sektor. Sa paraan ng pagpapa- unlad, pwedeng paunlarin
mismo ang lugar ng informal settlement. Ibigay ang mga serbisyong kanilang
kailangan. Sa ibang paraan, maaaring ilipat ng lugar o irelocate ang mga informal
settlers. Sa relokasyon, inaasahang mapapabuti ang kalagayan ng mga maralitang
lungsod.
9
xivSa social-determinants approach ni Awadalla, sinasabing sa pag-
papaunlad ng mga barung- barong, mahalagang ayusin at gawing epektibo ang
mga serbisyo gaya ng pabahay, trabaho, edukasyon, pagkakapantay-pantay,
kapaligiran at kalusugan.
xvSa pag- aaral ni Ooi at Phua sa Singapore, taliwas ang resulta sa
inaasahang magiging kalagayan ng mga relokati. Hindi gumana ang sistema dahil
inilayo ang mga mahihirap sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ang paglayo sa kanila
sa informal settlements ay nagdulot ng kawalan nila ng hanapbuhay o mas malaki
pang gastusin upang makapunta sa trabaho na pilit ipagkakasya sa maliit na
sahod.
D. Konklusyon
xviSinasabi ni Ooi at Phua na tinanggap na ng gobyerno ang ideya na pag-
unlad pang- ekonomiya na mismo ang hahawak at mamamahala sa pangunahing
pangangailangan ng mga tao kagaya ng pabahay, pangangalaga sa kalikasan at
kalusugan. Ngunit dahil sa mabilis din na pag- unlad na ito, higit din ang
pangangailangan ng mga lupain sa siyudad. Sa ganitong paraan, lalong
nawawalan ng boses ang mga maralitang lungsod. xvii
Madali umano itong
naisasagawa sa pamamagitan ng paglapit ng mga pribadong sektor sa korte o legal
na proseso upang makuha ang gusto nilang lupain.
Dahil na rin sa mga agresibong pagkilos ng kapitalismo, lumiliit ang
tsansa na manatili at mapaunlad ang mga informal settlers sa kanilang lugar.
Relokasyon ang kadalasang nagiging sagot dito ng gobyerno ng bansa.xviii
Ayon
kina Barnhardt, bagaman nangangako ang relokasyon ng mas mabuting kalagayan
10
ng mga pabahay at mas malinis at ligtas na kapaligiran, inilalayo naman nito ang
mga tao sa mismong pangangailangan nila kung bakit sila nasa lungsod. Kabilang
na rito ang mas murang transportasyon. xix
Idinagdag din ni Muggah na ang mga
negatibong bagay na nagmumula sa ganitong istilo ng pagpapaunlad sa mga
iskwater ay nag-uugat sa mahinang pamamahala ng mga institusyon ng gobyerno.
xxNagtala rin si Moghadam kung paano nagiging mas bulnerable ang mga
kababaihan - mas mahaba ang oras ng kanilang trabaho sa loob o labas man ng
bahay at kahirapang iangat ang sarili dahil sa kultura at sistema ng ekonomiya na
higit na pinapaburan ang mga kalalakihan.
xxiSa pagsasagawa ng relokasyon, mahalagang maisaalang- alang ng
pamahalaan ang mga aspeto ng pabahay- pisikal na kondisyon sa tahanan,
kalagayan ng kapaligiran at gayundin ang pagiging abot-kamay nito para sa mga
maralitang lungsod. Higit sa lahat, dapat na ipagkaloob sa kanila ang mga
batayang serbisyo gaya na lamang ng sa kalusugan.
E. Sintesis
Karaniwan na sa programa ng gobyerno para sa mga informal settlers ang
relokasyon. Ngunit nakakaligtaan ng gobyernong isaalang-alang ang pinakaugat
ng problema- bakit nga ba nagkakaroon ng informal settlers sa bansa? Mula dito
ay dapat magsagawa ang gobyerno ng komprehensibong plano upang mapigilan
ang patuloy na pagdami ng informal settlers. Dahil ang usapin ng ilegal na
paninirahan ay hindi lamang natatapos sa pagkakaroon ng legal at disenteng
pabahay.
11
Sa relokasyon naman, gaya ng nabanggit, ay hindi lamang dapat nakatuon
sa paninirahan. Dapat ay saklaw din nito ang iba pang mga batayang
pangangailangan gaya ng trabaho, edukasyon, kaligtasan, kalusugan at iba pa.
Ayon sa mga datos na nakalap, limitado pa ang mga pag- aaral at pananaliksik na
nagawa hinggil sa programa ng relokasyon sa bansa. Ano nga ba ang kalagayan
ng mga relokasyon sa bansa? Napabuti nga ba ang kabuuang kalagayan nila
kumpara noong nasa illegal settelements pa sila? Nasa relokasyon ba ang mga
pangunahing serbisyong kailangan nila?
Binigyang diin sa pananaliksik na ito ang healthcare access ng mga
kababaihang relokati bilang sila ay kabilang sa mga pinakabulnerableng myembro
ng lipunan. Gagamitin dito ang sitwasyon ng mga kababaihang relokati sa
relokasyon sa Montalban.
12
IKATLONG BAHAGI
I. Teoretikal na balangkas
Ang buong pananaliksik ay umikot unibersal na ideyang ―Ang Kalusugan ay
Karapatan‖. Isinasaad sa Konstitusyon ng World Health Organization na ―the
enjoyment of the highest attainable standard of health is one of the fundamental
rights of every human being without the distinction of race, religion and political
belief, ecomonic and social social condition”.
Nakasulat din sa Artikulo 25 ng 1948 Universal Declaration of Human Rights
na “everyone has the right to a standard of living adequate for the health and well-
being of himself and his family including food, clothing, housing, medical care, and
the right to security in the event of… sickness, disability… Motherhood and
childhood are entitled to special care and assistance.
Maging ang itinuturing na pinakamataas na batas sa bansa ay inihayag din ang
pagtanggap sa unibersal na ideyang ito. Sa Konstitusyon 1987 ay sinasabing “the
state shall protect and promote the right to health of the people and instill health
consciousness among them”.
Sa pag- aanalisa, higit naman na pinagtuunan ang kalagayan ng mga
kababaihang relokati kayat gagamitin din ang teoryang intersectionality. Sinasabi dito
na sa pag- aaral sa kalagayan ng mga kababaihan, hindi maihihiwalay ang kanilang
relihiyon, kalagayan sa lipunan at iba pang sitwasyon sa pag aanalisa ng kanilang
sitwasyon. Sa bawat opresyon at kahirapan, higit na pagsubok o diskriminasyon ang
pinagdadaanan ng mga kababaihan. Una ito dahil sa kanilag kasarian. Mahirap
13
pakinggang ang daing ng mga kababaihan sa isang patriyarkal na lipunan. Idagdag pa
dito ang mga espesyal na pangangailangang medikal na kanilang kinakailangan mula
pa lamang pagkapanganak, pagdadalaga, pag-aasawa, panganganak hanggang sa
pagtanda. Karugtong din ng mga kababaihang relokati ang kanilang identidad bilang
mga maralitang lungsod. Mula pa lamang sa dati nilang tinitirhan, hirap na sila sa
pagkamit ng serbisyong medikal dahil sa kakulangan ng pambayad. At binigyang diin
pa nga ito ng kanilang pagiging relokati. Marami na ngang pangangailangan sa
kalusugan ang mga kababaihan at hirap na sila sa pagkamit ng mga serbisyong
medikal para dito, higit pa itong pinalala ng sistema ng relokasyon. Nailayo silang
lalo sa mga pangunahing ospital sa lungsod. Hindi na lamang pambayad ngayon ang
kanilang iniisip. Kasama na din ang pamasahe at kalayuan ng mga pasilidad
pangkalusugan sa kalungsuran.
Mula sa mga probisyon na nabanggit, masasabing kinikilala ng mga pang-
internasyonal na institusyon at ng konstitusyon ng Pilipinas ang kalusugan bilang
isang karapatan. Higit namang isinusulong ng intersectionality ang pangangailangan
sa higit na atensyong medikal para sa mga kababaihan.
Ang kalusugan bilang karapatan ay dapat ipinagkakaloob sa tao. Gobyerno
ang pangunahing may responsibilidad nito dahil ito ang humahawak sa distribusyon
ng yaman ng isang bansa. Sa pananaliksik na ito, kikilanin ang pamahalaan ng
Pilipinas (dahil ang relokasyon ay programa ng gobyerno) at ang lokal na gobyerno
ng Montalban (dahil ang relokasyon ay nasasakop ng Montalban) bilang pangunahing
tagapangalaga at tagapagbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa relokasyon.
14
Bukod sa availability, susuriin din ang accessibility at affordability ng healthcare
services para sa mga kababaihang relokati.
II. Konseptwal na balangkas
Sa pananaliksik na ito, tiningnan ang kalagayan ng healthcare access ng
mga kababaihang relokati sa Montalban. Higit na pinagtuunan ng pansin ang
availability, accessibility, affordability at adequacy ng PHILHEALTH, pasilidad para
sa kalusugan, at programang pangkalusugan para sa kababaihan. Ginamit ang mga
nabanggit na panukat upang lubusang maanalisa kung ano nga ba ang estado ng mga
kababaihang relokati gayundin ang pagtugon ng gobyerno sa kanilang mga
pangangailangan.
Mula sa mga datos na nakalap ay ikinumpara ang kalagayan ng healthcare
accesss ng mga kababaihang relokati sa mga pamantayan na itinakda ng mga pormal
na institusyo- lokal at internasyunal. Sa pamamagitan ng mga prosesong ito, nakita
availability accessibility
affordability adequacy
PHILHEALTH
Pasilidad
Programa
15
ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangang pangkalusugan ng mga
kababaihang relokati sa Montalban.
III. Metodolohiya
A. Operasyonalisasyon/ Konseptuwalisasyon
Ang mga konseptong gagamitin sa pananaliksik ay ang mga sumusunod:
Relokasyon- Ayon sa Merriam-Webster Dictionary,ito ay paglipat sa
isang bagong lugar. Isa ito sa mga programa ng pamahalaan upang
mabawasan ang bilang ng mga informal settelers sa kalungsuran.
Kadalasan, nangyayari ito sa pamamaraang hindi mula sa pagkukusa ng
mga maralitang lungsod. Maaaring mapilitan silang umalis dahil sa
demolisyon sapagkat gagamitin na ang lupang kinatitirikan ng kanilang
bahay. May mga pagkakataon din naman na boluntaryo itong nagaganap
lalo na sa mga pagkakataong may banta sa buhay ng mga tao gaya na
lamang ng sunog. Relokati ang tawag sa mga taong inilipat patungo sa
relokasyon.
Kababaihang relokati- Gaya ng nabanggit, relokati ang tawag sa mga
taong inilipat mula patungo sa relokasyon. Sa pananaliksik na ito, ang
mga kababaihang relokati mula sa kalunsuran patungo sa Montalban
relocation site ang gagamitin.
Healthcare access- Ito ay ang pagpigil, paggamot, at pamamahala sa
pagkakasakit, at pagpapanatili ng malusog na kaisipan at katawan ng tao
sa pamamagitan ng mga serbisyong nagmumula sa medikal at mga
16
kaakibat nitong propesyon. (Medical Dictionarym 2007). Susukatin kung
gaano kadali o kahirap ang pag-abot sa healthcare services ng mga
kababaihang relokati sa Montalban relocation site.
Pagtugon ng gobyerno- Ang pagtugon ng gobyerno sa mga
pangangailangang pangkalusugan ng kababaihan ay susukatin sa
pamamagitan ng mga pasilidad, programa, PHILHEALTH sa lente ng
availability, accessibility, affordability, at adequacy ng mga ito.
B. Pamamaraan
Ang pananaliksik na ito ay isang qualitative at quantitative descriptive
case study. Layon nitong magbigay ng kabuuang pang-unawa hinggil sa
kalagayan ng healthcare access ng mga kababaihang relokati sa relokasyon sa
Montalban. Gaya ng nabanggit, ang target population ay mga kababaihang
relokati sa Montalban. Ang sample population naman ay mga kababaihang
relokati edad 18-59 sa bawat kabahayan.
Gagamit ito ng mga scholarly articles at libro upang makapagbigay ng
mas malalim na pang-unawa tungkol sa isyu ng informal settlements at
relokasyon sa bansa. Ang mga babasahing ito ay sya ring pinagkunan ng mga
teorya at konseptong bahagi ng pag-aaral. Gumamit din ito ng subject interview,
key-informant interview, expert interview, panayam sa LGU at survey (tingnan
ang Talaan 1.0).
Sa subject interview, anim na kababaihang relokati na nasa tamang gulang
na ang nakapanayam. Ang key-informant interviewee ay si Ka Bea na National
Chairman ng KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap. KADAMAY
17
ang itinuturing na pinakamalaking alyansa ng mga organisasyon ng mga
maralitang lungsod. Sa expert interview, si Dr. Gene Nisperos, isang medical
doctor ang nainterbyu. Sya rin ay lecturer sa University of the Philippines College
of Medicine at Vice Chairperson ng HEAD o Health Alliance for Democracy.
Ang HEAD ay samahan ng mga taong mula sa sektor ng kalusugan na
nagsusulong ng tunay na demokrasya para sa mga Pilipino. Si Mel Arcelo,
kalihim ng barangay, ang nakapanayam sa LGU (tingnan ang Talaan 1.1).
Sa survey, 67 kababaihan kada kabahayan ang kalahok. Ito ay may 90%
reliability at 10% margin of error.
( )
( )
( )( ) ( )( )
( ) ( ) ( )
18
Talaan 1.0 Pinagkuhanan ng mga datos
Kailangang Datos Paraan ng Pagkalap Pinagkuhanan
Pinagmulan, katangian,
pagpapaunlad sa mga
informal settlers
o Scholarly articles
o Aklat
(tingnan ang Endonotes)
Montalban relocation
site demographics
o News aricles
o Municipal Planning and
Development Office-
Munisipyo ng Rodriguez,
Rizal (dating Montalban)
o National Housing Authority
(tingnan ang Endnotes)
Pasilidad
pangkalusugan
o Subject interview
o Key-informant interview
o Panayam sa isang LGU
o Anim na kababaihang relokati
o Ka Bea
o Mel Arcelo
Programang
pangkalusuan
o Subject interview
o Key-informant interview
o Expert interview
o Panayam sa isang LGU
o Anim na kababaihang relokati
o Ka Bea
o Dr. Gene Nisperos
o Mel Arcelo
PHILHEALTH o Subject interview
o Key-informant interview
o Expert interview
o FGD
o Anim na kababaihang relokati
o Ka Bea
o Dr. Gene Nisperos
o Limang kababaihang relokati
Paghihiwalay ng
nasyunal at lokal na
gobyerno sa
pagpapatupad ng mga
batayang saerbisyo
o Key-informant interview
o Expert interview
o Ka Bea
o Dr. Gene Nisperos
19
Talaan 1.1 Profile ng mga ininterbyu
Subject
interviewees
A
o 34 y/o (July 22, 1981)
o Apat na taon na sa relokasyon matapos mademolish sa BIR
o Hindi kasal sa kinakasama
o May dalawang anak at isang nasa sinapupunan
o Walang trabaho
o Walang permanenteng trabaho ang kinakasama
B
o 34 y/o (June 30, 1981)
o Nagparelocate sa Montalban matapos masunugan sa Nia Rd. Quezon City
(voluntary relocatee). Apat na taon na sa relokasyon.
o Kasal at may dalawang anak
o Board of Director sa Home Owners Association
o Ang asawa ay crew sa Tokyo Tokyo Restaurant
C
o 37 y/o (January 24, 1978)
o Limang taon na sa Montalban matapos masunugan sa Quezon City.
Voluntary relocatee pero bago man ang sunog, nakatakda ng idemolish.
o Kasal at may limang anak
o Walang trabaho
o Construction worker ang asawa
D
o 53 y/o (December 24, 1962)
o Maglilimang taon na sa relokasyon
o Kasal at may limang anak
o Walang trabaho
o Wala ring trabaho ang asawa. Nabubuhay sila sa pension.
E
o 22 y/o (February 17, 1993)
o Maglilimang taon na sa relokasyon
o Hindi kasal sa kinakasama at buntis sa panganay na anak
o Walang trabaho
o Construction worker ang asawa
Key-informant
interviewee
Gloria “Ka Bea” Arellano
o National Chairman ng KADAMAY
Expert
interviewee
Dr. Gene Nisperos
o Medical doctor
o Vice Chairman ng HEAD
Lecturer sa UP College of Medicine
20
IKAAPAT NA BAHAGI
I. Paglalahad ng mga datos
A. Qualitative
Makikita sa talaan sa ibaba ang mga nakalap na datos sa qualitative na
bahagi ng pananaliksik. Nakalahad sa mga sumusunod ang sagot ng bawat
ininterbyu.
Talaan 2.0 PHILHEALTH – Qualitative. Kasagutan ng mga ininterbyu para sa mga tanong na may kinalaman sa
PHILHEALTH.
PHILHEALTH (n=9)
A
o Wala. Walang programa para sa pagkakaroon ng PHILHEALTH sa lugar
B
o May PHILHEALTH dahil sa 4P’s
C
o May tatlong PHILHEALTH- sa asawa, mula kay Bautista at mula sa 4P’s
D
o May PHILHEALTH ang mister
E
o Walang PHILHEALTH
o Nasa proseso ang pag aapply ng 4P’s
F
o May PHILHEALTH ang mag asawa.
o Nasa proseso ang pagsali sa 4P’s
KA BEA
o Wala
DOC GENE
o Ang PHILHEALTH ay mekanismo ng gobyerno upang takasan ang resposibilidad nya sa
pangangalaga sa kalusugan ng populasyon nito
LGU
o Maaaring makakuha sa tapat ng munisipyo
21
Talaan 2.1 Pasilidad pangkalusugan – Qualitative. Kasagutan ng mga ininterbyu para sa mga tanong na may
kinalaman sa pasilidad pangkalusugan.
Pasilidad pangkalusugan (n=8)
A
o May center ngunit wala itong sapat na pasilidad at mga manggagamot na tutugon sa
pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihang relokati
o May mga mangagamot at infirmary man, wala silang kakayahang magpaanak sa mismong
infirmary
o Wala silang natanggap na mura o libreng gamot mula sa gobyerno
B
o May health center sa lugar. Kung hindi ito kayang tugunan ng klinika sa relokasyon,
maaaring silang dalhin sa higit na mas malaking ospital sa Montalban
o Ang libreng gamot at pills ay para sa mga kasapi ng 4P’s. Kung hindi ka myembro, may libre
ka pa rin namang gamot ngunit kailangan mong pumila
C
o Mayroong health center o infirmary. Ngunit hindi rin nito kayang magpaanak. Wala ring
mura o libreng gamot
D
o May health center sa lugar. Ngunit dahil nga wala itong mga pasilidad, kailangan pa ring
ilipat ang mga pasyente sa mas malaking pagamutan na kakailanganin ng ambulansya.
Subalit, ang ambulansya naman ay kailangan pa ring bayaran.
o Nung minsan na sila’y pumunta, walang gamot at wala ring doktor.
E
o May health center/
o May doktor o midwife
o Minsan may gamot, minsan wala
o Minsan may libreng gamot, minsan wala
F
o May health center na tinatauhan ng midwide, doktor o nurse
o Minsan may dumating na libreng gamot galing sa NGO’s sa ibang bansa
KA BEA
o May infirmary pero di sapat ang pasilidad at mga healthcare workers kaya napipilitan
pumunta sa bayan ang mga kananayan
o Hindi sapat ang ambulansya. Minsan walang driver. Kailangan ding bayaran ang gasoline at
driver.
o Sinasabing may libreng gamot pag kabilang ka sa CCT pero wala naman. Kailangan mo pa
ring bumili ng sarili mong gamot
LGU
o Health center- Phase 1D, 1 ambulansya, regular nurse, free medicine
o Infirmary- Phase 1C, 2 ambulansya, regular na doktor,
22
Talaan 2.2 Programang pangkalusugan – Qualitative. Kasagutan ng mga ininterbyu para sa mga tanong na may
kinalaman sa programang pangkalusugan.
Programang pangkalusugan (n=9)
A
o Wala
B
o Mga libreng contraceptives para sa kababaihan na nangagaling sa center
C
o Wala
D
o Wala maliban sa mga libreng gamot na ibinigay ng HOA
E
o Sa abot ng kanyang kaalaman, walang anumang programang naipatupad ang pamahalaan
tungkol sa espesyal na pangangailangan ng mga kababaihan
F
o Namingay sila minsan ng mga pamphlet
KA BEA
o Wala
DOC GENE
o Karapatan ng babaeng piliin kelan sya manganganak, saan, kailan at maging ang kanyang
reproductive health. matamasa lahat ng kailangan nya. Pati sa mga pangangailangan sa
pagtanda
LGU
o Family planning-quarterly
23
B. Quantitative
Narito naman ang para sa quantitative na bahagi. Makikita dito ang mga
pamantayan at ang kani kaniyang mga panukat gayundin ang sagot ng mga kasali
sa survey.
Talaan 3.0 PHILHEALTH – Quantitative. Mga sumagot ng oo at hindi gayundin ang p-value at chi-square statictic
para sa mga tanong na may kinalaman sa PHILHEALTH.
PHILHEALTH
n= 67
OO HINDI/WALA p-value Chi-square
statistic
May PHILHEALTH ka
ba?
61.2 (41) 38.8 (26) .067 3.358
AVAILABILITY.
Programa sa
pagpapalaganap ng
PhilHealth.
4.5 (3) 86.6 (58) .001 49.59
ACCESSIBILITY.
Malapit ang pwedeng
pagkahunan ng PhilHealth
sa relokasyon
49.3 (33) 35.8 (24) .233 1.421
AFFORDABILITY. Kaya
ang hulog na
kinakailangan sa
PhilHealth
68.7 (46) 11.9 (8) .001 26.741
ADEQUACY. Sapat ang
benepisyong ibinibigay ng
PHILHEALTH
50.7 (34) 20.9 (14) .004 8.333
24
Talaan 3.1 Pasilidad pangkalusugan – Quantitative. Mga sumagot ng oo at hindi gayundin ang p-value at chi-square
statictic para sa mga tanong na may kinalaman sa pasilidad pangkalusugan.
PASILIDAD
PANGKALUSUGAN
n= 67
OO HINDI/ WALA p-value Chi-square
statistic
AVAILABILITY.
Pagkakaroon ng pasilidad
pangkalusugan
98.5 (66) 0
ACCESSIBILITY. Madaling
marating ang pasilidad
pangkalusugan
91.0 (61) 7.5 (5) .001 47.515
AFFORDABILITY. Abot-
kaya ang bayad
89.6 (60) 7.5 (5) .001 46.538
ADEQUACY. Sapat ang
serbisyong ibinibigay para sa
kinakailangan ng mga
kababaihang relokati
17.9 (12) 77.6 (52) .001 25.00
25
Talaan 3.2 Programang pangkalusugan – Quantitative. Mga sumagot ng oo at hindi gayundin ang p-value at chi-
square statictic para sa mga tanong na may kinalaman sa programang pangkalusugan.
PROGRAMANG
PANGKALUSUGAN
n= 67
OO HINDI/WALA p-value Chi-square
statistic
AVAILABILITY.
Pagkakaroon ng programang
pangkalusugan para sa
kababaihan
19.40 (13) 70.1 (47) .001 19.267
Talaan 3.2.1 Mga sumagot na mayroong programang pangkalusugan sa relokasyon - Quantitative. Mula sa mga
sumang ayon na may programang pangkalusugan sa relokasyon, inaalam ang pagtingin nila dito.
Mga sumagot na mayroong
programang pangkalusugan
n= 13
OO HINDI p-value Chi-square
statistic
ACCESSIBILITY. Madaling
makabilang/makamit ang mga
programang pangkalusugan
84.6 (11) 7.7 (1) .004 8.333
AFFORDABILITY. Abot-
kaya ang bayad
100 (13) 0
ADEQUACY. Sapat ang
serbisyong ibinibigay para sa
kinakailangan ng mga
kababaihang relokati
30.8 (4) 61.5 (8) .248 1.333
26
IKALIMANG BAHAGI
I. Pag-aanalisa ng mga datos
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang kalagayan ng healthcare
access ng mga kababaihang relokati sa Montalban. Tiningnan nito ang
PHILHEALTH, pasilidad pangkalusugan, at programang pangkalusugan bilang
sukatan.
A. PHILHEALTH
PHILHEALTH ang pangunahing programa ng pamahalaan sa pagtugon sa
pangangailangang pangkalusugan ng mga Pilipino. Isa itong insurance system
kung saan ang mga kasapi ay buwan buwang maghuhulog sa PHILHEALTH. Sa
panahon na magkakasakit sila, magagamit nila ang kanilang PHILHEALTH
upang mabawasan o kaya ay malibre ang kanilang pagpapagamot. Sa bumabang
bilang ng mga pampublikong ospital, lubos na kinakailangana ng PHILHEALTH
lalo na ng mga maralitang lungsod na syang kinabilalangang sektor ng mga
relokati.
Sa isinagawag survey, 61.2% ng mga sumagot ay sinabing may
PHILHEALTH na sila habang 38.8% naman ang wala pa. Sa mga may
PHILHEALTH na, halos lahat sila ay sinabing ito ay dahil sa kanilang trabaho.
May mangilan-ngilan ding nagsabi na sila mismo ang nag asikaso nito para sa
kanilang mga sarili. Sa malaking bilang ng mga may PHILHEALTH, masasabing
nakikita ng mga relokati ang kahalagahan ng health insurance na ito.
27
Sa tapat ng munisipyo ng Rodriguez, Rizal ang pinakamalapit na pwedeng
pagkuhanan ng PHILHEALTH sa lugar. Maaari na ring dito maghulog ang mga
kasapi. Mula sa relokasyon, sampung piso ang pamasahe sa jeep patungo sa
munisipyo. Ayon sa survey, halos kalahati sa kanila ang nagsabing malapit
lamang ito. Abot-kaya din naman nila ang hulog na kinakailangan na 68.7% sa
mga sumagot. Halos kalahati din ang nagsabi na sapat na para sa kanila ang
serbisyong ibinibigay ng PHILHEALTH.
Bagaman ayon sa survey ay malapit, abot-kaya at sapat na ang serbisyong
ibinibigay ng PHILHEALTH, 38.8% pa rin sa mga sumagot ng survey ang wala
nito. Malaking bilang pa rin ito kung tutuusin. Ayon sa kalihim ng barangay,
walang anumang programa ang pamahalaan upang maipalaganap pang lalo ang
benepisyo ng PHILHEALTH ng mga tao.
Ang mga kababaihang relokati ang higit na ngangailangan ng serbisyo ng
PHILHEALTH lalo na sa mga panahon na sila ay nanganganak. Idagdag pa dito
ang ibat ibang proseso na pinagdadaanan ng kanilang katawan mula sa
pagdadalaga hanggang sa pagtanda. Kung ipagpapaubaya na lamang ng gobyerno
sa mga mamamayan at sa pribadong sektor ang inisyatibong kumuha ng health
insurance, para saan pang sinabi na ito ang pangunahing programa ng bansa sa
kalusugan. Masasabing mahabang panahon pa ang gugugulin upang magkaroon
nito ang mga Pilipino lalo na ang mga relokati.
B. Pasilidad pangkalusugan
Ayon sa kalihim ng barangay, may dalawang pasilidad pangkalusugan sa
relokasyon. Ito ay ang infirmary at health center. Ang infirmary umano ay may
28
regular na doktor at dalawang ambulansya. Ang health center naman ay may
regular na nurse, isang ambulansya at libreng gamot. Ngunit ayon naman sa mga
subject at key-informant interviewees, hindi umano regular ang doktor at nurse sa
dalawang pasilidad na ito. Bagaman libre nga ang ambulansya, kinakailangan pa
ring bayaran ang gasolina at driver. May libre ngang gamot ngunit ito ay para
lamang sa mga kasapi ng 4P’s. Maging ang mga myembro nga ng 4P’s ay
nawawalan pa rin. Bagaman 91.0% sa mga nasurvey ang nagsabing malapit
lamang ang infirmary at health center, 89.6% din ang nagsabing abot kaya ito,
77.6% naman ang hindi pa kuntento sa serbisyong ibinibigay ng dalawang
pasilidad na ito.
Hindi sapat ang pisikal na istruktura upang matugunan ang
pangangailangan ng mga relokati. Kailangan nila ng serbisyong tunay at epektibo
nilang natatamasa lalo pa’t may kalayuan ang ospital sa relokasyon. Sa mga
ganitong pagkakataon ay napapaasailalim na naman sa kapahamakan ang
kapakanan sa kalusugan ng mga kababaihang relokati. Maraming mga
pinagdadaanang proseso at pagbabago ang kanilang katawan na kinakailangan ng
mabilisang atensyong medikal.
C. Programang pangkalusugan
Reproductive Health Law ang pangunahing programa ng pamahalaan
upang tugunan ang espesyal na pangangailangan ng mga kababaihan. Ito din ang
sagot nila sa patuloy na pagtaas ng populasyon.
Sa kabila ng sinabi ng kalihim ng barangay na quarterly umano ang family
planning program sa relokasyon, hindi ito ramdam ng mga kababaihang relokati.
29
70.1% ng nasurvey ang nagsabing walang anumang programa sa relokasyon
upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan. 10.5% naman ang
nagsabing hindi nila alam kung mayroon man o wala. Mula dito, tanging 19.40%
lamang ang nagsabing mayroong family planning na nagaganap sa lugar ngunit
61.54% pa mula sa mga ito ang nagsabing hindi sapat.
Malaki ang problema ng pamahalaan kung sinasabi man nilang may
programa sila para sa mga kababaihan ngunit hindi naman ito nararamdaman.
Maaaring may mali sa pagpapalaganap ng impormasyon, sa mismong
pagpapatupad ng programa, sa pondo, o kung may programa nga bang
maituturing.
D. Pamantayan
xxii
Nagtakda ang CDC o Centers for Disease Control and Prevention ng
sampung pamantayan upang masabing epektibo ang isang public health system.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Pampublikong ahensya para sa kalusugan sa lokal at nasyunal
Nangangalaga sa kalusugan
Nangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan
Sa lebel ng serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan lokal man o
nasyunal sa pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihang relokati,
masasabing kulang pa ito. Sa katunayan nga, nagtuturuan pa ang lokal na
pamahalaan ng Rodriguez at ang National Housing Authority kung sino nga ba
ang dapat na nagbibigay ng mga batayang serbisyo para sa mga relokati. Kung
30
ganito ang sistema, patuloy na maisasakripisyo ang kapakanan ng mga mga
relokati.
Bilang karagdagan, bukod sa mga hakbanging ito ng gobyerno, ayon kay
Doc Gene ng Health Alliance for Democracy, ang karapatan sa kalusugan ng
kababaihan ay hindi lamang nakakulong sa kanilang pagbubuntis at panganganak.
Dapat lahat ng kanyang pangangailangan sa kalusugan mula pagkapanganak
hanggang pagtanda ay kanyang natatamasa ng hindi iniisip kung may pambayad
ba sya o wala.
Sa kalagayan ng relokasyon sa Montalban, kung gagamiting sukatan ang
mga batas, programa at si Doc Gene, mayroon naman silang infirmary sa lugar.
Gayunpaman, mga normal delivery lamang ang kanilang tinatanggap dahil kulang
sila sa mga sapat kagamitan. Sa health center naman, mga pagchecheck up
lamang ang kanilang kayang gawin. Kulang din kasi sila sa kagamitan. Bagaman
inaasahang may libreng gamot at paraan ng pagpafamily planning sa health
center dahil sa RH Law at dami ng mga 4P’s member sa lugar, kadalasan ay
walang libreng gamot at kahit anong family planning method sa relokasyon
maliban sa mga binibigay ng medical missions mula sa pribadong sektor. Sa
tuwing may mga emergency, hindi sa lahat ng panahon ay maaaring magamit ang
tatlong ambulansya sa relokasyon dahil wala itong driver. Sagot pa ng pasyente
ang gasolina nito. Sanhi ng mga kakulangan, mga grabeng pangyayari lamang ang
pinapayagang gumamit ng ambulansya. Kung hindi ganun kamadalian ang sakit,
nagcocommute na lang ang mga relokati patungo sa pinakamalapit na ospital.
Dagdag pasanin pa ito sa may sakit at gayundin sa pamasaheng kakailanganin.
31
Kung sana ay epektibo lamang ang serbisyo sa mga pasilidad pangkalusugan na
nasa relokasyon.
Kung ganito ang kalagayan ng healthcare access sa lugar, masasabing
hindi pa lubusung natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangang
pangkalusugan ng mga kababaihang relokati. Wala pa silang programa para sa
pagpapalaganap ng PHILHEALTH sa relokasyon, hindi pa sapat ang serbisyong
naibibigay ng mga pasilidad pangkalusugan at malaki pa ang kailangang ayusin sa
mga programang pangkalusugan gaya na lamang ng RH Law na hindi
nararamdaman.
Sa huli, masasabing hindi ganun kaepektibo ang pagpaplanong isinigawa
ng gobyerno para sa relokasyon dahil sa kakulangan ng mga batayang serbisyong
kinakailangan.
32
IKAANIM NA BAHAGI
I. Konklusyon
Sa huli, masasabiing hindi epektibo ang pagpaplanong isnigawa ng
pamahalaan sa relokasyon. Mababakas ito sa kakulangan ng mga serbisyong medikal
lalo na para sa kinakailangan ng mga kababaihan. Gayundin sa pagtuturuan ng lokal
at nasyunal na pamahalaan kung alin nga sa kanilang dalawa ang may hawak sa
pangangalaga ng kapakanan ng mga relokati.
Kung sa isang aspeto pa lamang ng kalusugan ay hindi na pasado, paano pa
kaya sa ibang batayang serbisyo? Dito mapapatunayan ang kawalan ng konkretong
urban planning at urban management ng ating pamahalaan.
II. Rekomendasyon
Iminumungkahi ng pananaliksik na ito na agarang bigyan ng atensyon ng mga
nasa kinauukulan ang pangangailangan ng mga kababaihang relokati lalo na sa
kanilang kalusugan. Higit ding pagtuunan ng pansin ang epektibo at nararamdamang
serbisyo ng PHILHEALTH, mga pasilidad at programang pangkalusugan sa
relokasyon.
Dapat ay nakasentro sa tao ang pagbubuo ng mga planong ito. Hindi lamang
dapat sila kinokonsulta kundi ay bahagi rin mismo ng pagbuo ng mga polisiya at
proyekto. Sa ganitong paraan, magagarantiya na ang kapakanan mismo ng mga
relokati ang naisa-alang-alang. Makabubuting pagtuunan din ng pansin ang
pagpapalaganap ng mga programang maisasagawa upang ang lahat ng gusto at may
33
kailangan ay maaaring makasali. Mas mainam din kung magkakaroon ng monitoring
at evalution sa bawat proyektong naisagawa na upang malaman ang mga dapat pang
ipagpatuloy o baguhin. Higit sa lahat, ang anumang polisiyang magagawa ay dapat
para sa ikauunlad ng mga relokati partikular na ng mga kababaihan sa relokasyon.
vii
Appendices
Appendix A
Interview guide
Subject interview/ Key-informant interview/ FGD
o Pagkakaroon ng healthcare facilities at worker, at libre o abot kayang
gamot sa lugar
o Pagkakaroon ng mga programa para sa espesyal na pangangailangan ng
mga kababaihan
o PHILHEALTH
o Pagtugon ng gobyerno sa panawagan ng mga mamayana ukol sa
pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihan
o Mga bagay o pangyayari sa paligid na maaaring maging banta sa
kalusugan ng mga kababaihan
o Pagtugon ng mga kababaihang relokati sa kalagayan ng healthcare access
sa lugar
Expert interview
o Serbisyong pangakusugan na dapat tinatamasa ng mga kababaihan sa
relokasyon
o Trainings na dapat ipagkaloob sa mga healthcare workers upang
epektibong matugunan ang espesyal na pangangailangan ng mga
kababaihan
o Espesyal na programa para sa espesyal na pangangailangan ng mga
kababaihan
o PHILHEALTH
o Mga bagay o pangyayari sa paligid na maaaring maging banta sa
kalusugan ng mga kababaihan
viii
Appendix B
Survey form
Surbey para sa pananaliksik sa kalagayan ng healthcare access ng mga kababaihang relokati sa Montalban
Nagkasakit ka na ba mula noong lumipat kayo sa relokasyon?
Oo Hindi Kung oo, ilang beses? ______________________________________________________ Anong (mga) sakit? ________________________________________________________
Pumunta ka na ba ng ospital o kahit anong pasilidad pangkalusugan mula noong lumipat kayo ng relokasyon?
Oo Hindi Kung oo, ilang beses? ______________________________________________________ Saang (mga) lugar? ________________________________________________________ Kadahilanan: _____________________________________________________________
Ano ang iyong pagtingin sa kalusugan?
Ito ay isang karapatan na dapat ay libreng ibinibigay sa mga mamamayan.
Ito ay masasabing hindi kabilang sa mga karapatan at dapat na binabayaran.
Sa iyong palagay, bilang isang babae, higit bang humihirap ang iyong pagkamit sa mga serbisyong pangkalusugan simula noong nalipat kayo sa relokasyon?
Oo Hindi Walang pinagbago
I. PHILHEALTH
1. May PHILHEALTH ka ba o ang iyong pamilya?
Oo Kung oo, ilan? __________________________________________________________________
Paano kayo nagkaroon nito? _______________________________________________________ ______________________________________________________________________________
Wala Kung wala, ano ang pumipigil sa iyo na
kumuha nito? ___________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________
2. May programa ba sa relokasyon sa pagpapalaganap ng PHILHEALTH?
Oo Wala 3. Malapit ‘lang ba ang pwedeng pagkuhanan ng PHILHEALTH sa relokasyon?
Pangalan: Pinagmulang lugar: Kaarawan: Marital status: Bilang ng anak:
Hanapbuhay: Kita kada araw:
Hanapbuhay ng asawa/kinakasama/karelasyon/sumusuporta sa pamilya:
Kita kada araw:
ix
Oo Hindi 4. Sa iyong palagay, kaya mo ba ang hulog na kinakailangan sa PHILHEALTH?
Oo Hindi 5. Sa iyong palagay, sapat ba ang benepisyong maaari mong makuha mula dito?
Oo Hindi
II. PASILIDAD PANGKALUSUGAN 1. May mga pasilidad bang pangkalusugan sa relokasyon? (halimbawa: health center, infirmary,
ospital, etc.)
Oo Wala Kung oo, anu-ano?
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
2. Madali bang marating ang mga pasilidad pangkalusugan na ito?
Oo Hindi 3. Abot-kaya ba ang mga pasilidad pangkalusugan na ito?
Oo Hindi 4. Sa iyong palagay, sapat ba ang mga pasilidad pangkalusugan na ito para sa inyong
pangangailangan?
Oo Hindi III. PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
1. May mga programa bang pangkalusugan sa lugar para sa pangangailangang pangkalusugan ng mga kababaihan? (halimbawa: libre/murang gamot, seminar, RH programs, pagpapalaganap ng PHILHEALTH, etc.)
Oo Wala Kung oo, anu-ano?
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
____________________ Nandoon na noong dumating kami Wala pa na noong dumating kami
2. Madali bang makamit/makasali/makabilang sa mga programang pangkalusugan na ito?
Oo Hindi 3. Abot-kaya ba ang mga programang pangkalusugan na ito?
Oo Hindi 4. Sa iyong palagay, sapat ba ang mga programang pangkalusugan na ito para sa inyong
pangangailangan?
Oo Hindi
x
Appendix C
Consent Form
Pahintulot sa Paglahok sa Interbyu para sa Pananaliksik
Ako ay boluntaryong lumalahok sa isang research na isinasagawa ni Frinces G. Geroche
na estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas – Maynila. Naiintindihan ko na ang proyektong
ito ay isinasagawa para makalikom ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng healthcare access
ng mga kababaihang relokati sa Montalban, Rizal. Ako magiging isa sa halos anim (6)
kababaihan na nilalayong interbyuhin para sa pananaliksik na ito.
1. Ang aking partisipasyon sa proyektong ito ay boluntaryo. Naiintindihan ko na hindi ako
babayaran sa aking partisipasyon. Pwede kong bawiin at hindi ipagpatuloy ang paglahok
anumang oras nang walang multa. Kung tatanggihan ko na sumali o hindi ipagpatuloy
ang paglahok sa pag-aaral ay walang ibang makakaalam.
2. Naiintindihan kong karamihan sa mga iinterbyuhin ay maaaring maisip na ang talakayan
ay interesante at nangangailangan ng mas malalim na pag-aalala. Kung sakaling ako ay
hindi komportable sa anumang paraan sa gitna ng interbyu, ay ako ay may karapatan na
tanggihang sagutin ang anumang mga katanungan o tapusin na ang interbyu.
3. Ang pakikilahok ay kinabibilangan ng pakikipagpanayam sa mananaliksik mula sa
Unibersidad ng Pilipinas – Maynila. Ang panayam ay tatagal sa humigit-kumulang 5-30
minuto hanggang isang oras. Isusulat niya ang aking mga pahayag sa panahon ng
pakikipanayam. Isang audio tape ng interbyu ang gagawin at kasunod ay ang pagsalin
nito sa papel. Kung hindi ko nais na-irecord ito ay hindi ako makakapaglahok sa pag-
aaral.
4. Naiintindihan ko na hindi ilalagay ng mananaliksik ang aking pangalan sa kahit anong
ulat na gumamit ng mga impormasyong nakuha mula sa pakikipanayam. Ang pagiging
konpidensiyal ng aming panayam, bilang isang kalahok sa pag-aaral na ito, ay
mananatiling ligtas. Ang paggamit ng mga talaan at impormasyon ay sasailalim sa mga
karaniwang patakaran ng paggamit ng impormasyon bilang proteksyon sa pangalan ng
mga indibidwal at institusyon.
5. Nabasa at nauunawaan ko ang pagpapaliwanag na ginawa sa akin. Ako ay kuntento sa
mga sagot sa lahat ng aking katanungan at ako ay boluntaryong lumalahok sa pag-aaral
na ito.
6. Ako ay nabigyan ng kopya nitong liham sa paghingi ng pahintulot sa pag-iinterbyu.
__________________________ ________________________
Lagda Petsa
__________________________ _______________________
Buong Pangalan Lagda ng Mananaliksik
xiii
Endnotes
i Claudio, A. (2007). The Challenge of Slum Formation in the Developing World. Lincoln Institute of Land Policies ii Steinberg, F. and Lindfield, M., ed. (2011). Inclusive Cities. Mandaluyong City: Asian Development Bank iii Srinivas, H. Defining Squatter Settlements. Global Development Research Center. Retrieved from
www.gdrc.org/hari iv Ballesteros, M. (2011). Why Slum Poverty Matters. Policy Notes. Makati City: Philippine Institute for
Development Studies. v Mathur, O. (2013). Urban Poverty in Asia. Asian Development Bank. Retrieved from www.adb.org vi Ooi, G. and Phua, K. (2007). Urbanization and Slum Formation. Journal of Urban Health Bulletin on the New
York Academy of Medicine, Vol. 89, No. 1. New York City: The New York Academy of Medicine. doi:
10.1007/s11524-007-9167-5 vii Ooi, G. and Phua, K. (2007). Urbanization and Slum Formation. Journal of Urban Health Bulletin on the New
York Academy of Medicine, Vol. 89, No. 1. New York City: The New York Academy of Medicine. doi:
10.1007/s11524-007-9167-5 viiiSrinivas, H. Defining Squatter Settlements. Global Development Research Center. Retrieved from
www.gdrc.org/hari ix Ooi, G. and Phua, K. (2007). Urbanization and Slum Formation. Journal of Urban Health Bulletin on the New
York Academy of Medicine, Vol. 89, No. 1. New York City: The New York Academy of Medicine. doi:
10.1007/s11524-007-9167-5 x Lozier, J. Housing is Healthcare. Nashville TN: National Healthcare for the Homeless Council. Retrieved from
www.nhchc.org xi Ballesteros, M. (2011). Why Slum Poverty Matters. Policy Notes. Makati City: Philippine Institute for Development Studies. xii Awadalla, H. (2013). Health Effects of Slums: A Consequence of Urbanization. Institute of Environmental
Studies and Research, Ain Shams University. Retrieved from www.scholarly-journals.com/SJM xiii Lozier, J. Housing is Healthcare. Nashville TN: National Healthcare for the Homeless Council. Retrieved from
www.nhchc.org xiv Awadalla, H. (2013). Health Effects of Slums: A Consequence of Urbanization. Institute of Environmental
Studies and Research, Ain Shams University. Retrieved from www.scholarly-journals.com/SJM xv Ooi, G. and Phua, K. (2007). Urbanization and Slum Formation. Journal of Urban Health Bulletin on the New
York Academy of Medicine, Vol. 89, No. 1. New York City: The New York Academy of Medicine. doi:
10.1007/s11524-007-9167-5 xvi Ibid. xvii Claudio, A. (2007). The Challenge of Slum Formation in the Developing World. Lincoln Institute of Land Policies xviii Barnhardt, S., Field, E. and Pande, R. (2014). Moving to Opportunity or Isolation? Network Effects of Human
Relocation Program in India. Indian Intitute of Management. xix Muggah, R. (2012). Researching the Urban Dilemma: Urbanization, Poverty and Violence. Canada:
International Research Development Centre. xx Moghadam, V. (2005). The ‘Feminization of Poverty’ and Human Rights. SHS Paper in Women’s Studies/
Gender Research. France: UNESCO xxi Pollack, C., et. Al. (2008). Where We Live Matters for Our Health: The Links Between Housing and Health.
Commission to Build a Healthier America. Retrieved from www.commissiononhealth.org xxii
Retrieved from www.cdc.gov/nphpsp/essentialservices.html