reaction paper talaga

4
Reaction Paper Talaga [Reaction paper ko 'to para sa History Class namin. Nung una nahihirapan ako simulan. Wala ako sa mood magsulat. Pero walang mood mood pag bukas na ang pasahan kaya go na. Sa maniwala ka't sa hindi, reaction paper ko talaga 'to. Kahit mukang kung anu- anong reaction lang talaga nilagay ko. Lahat na ng naiisip ko tinayp ko na. 1 page lang naman requirement. Ang kaso, kelangan 10 ang font size ng Arial, single space, .5 margin. Lupit noh. Umabot tuloy sa 1000+ words 'to kahit isang page lang. Basahin kaya 'to ng prof ko? Dagdag grade nga lang pala 'to. Baka daw bagsak kami. Sana naman kasi sinabi nya na grade namin diba. Kung 5 ako,dun lang ako maghahanap ng pandagdag grade. Ok lang naman sa kin maka 3 dun. Wala naman ako pakialam sa mababang grade basta pasado. Ang mahalaga naman yung natutunan ko. Anyway, wala na. Nanood na ko at nakapag react na ko sa play nila.] Jun at Johnny. Ang Kristal na Bola. Ito ay ang mga pamagat ng stage play na pinanood namin sa Bulwagang Aldaba, UP Film Center. Bago ko malaman ang tungkol dito, akala ko ay isang kwento lang ang papanoorin namin kaya nagtaka ako nung makita ko sa tarpaulin na dalawa pala. Bakit dalawa? Una kong naisip, siguro masyadong maikli yung isa kaya para masabing “worth it” yung P150 namin, dinagdag na nila yung isa pa. Bukod pa dyan, parang hindi yata magkaugnay yung pamagat na “Jun at Johnny” at “Ang Kristal na Bola”. Anong kaugnayan nun? Yung una parang tungkol sa buhay ng dalawang tao. Yung huli naman parang pang-majikero. Ah, baka naman gagamit ng kristal na bola si Jun at Johnny. Tipong part two yata yung “Ang Kristal na Bola”. Matapos kong mapanood yung dalawang kwento, napagtanto ko malaki pala kaugnayan sa isa’t isa nung dalawa, at mali ang mga hula ko base sa pamagat ng dalawang kwento. Jun at Johnny Sa kwentong Jun at Johnny ay pinapakita daw ang makabagong trahedya na dulot ng pag-ibig. Inihalintulad nila ‘to sa kwento ng Romeo and Juliet. Ngunit para sa akin ay walang kaugnayan ang dalawang ito. Kahit na hindi ko natapos basahin ang Romeo and

Upload: jenn

Post on 17-Nov-2014

3.187 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Reaction Paper Talaga

Reaction Paper Talaga

[Reaction paper ko 'to para sa History Class namin. Nung una nahihirapan ako simulan. Wala ako sa mood magsulat. Pero walang mood mood pag bukas na ang pasahan kaya go na. Sa maniwala ka't sa hindi, reaction paper ko talaga 'to. Kahit  mukang kung anu-anong reaction lang talaga nilagay ko. Lahat na ng naiisip ko tinayp  ko na. 1 page lang naman requirement. Ang kaso, kelangan 10 ang font size ng Arial, single space, .5 margin. Lupit noh. Umabot tuloy sa 1000+ words 'to kahit isang page lang. Basahin kaya 'to ng prof ko? Dagdag grade nga lang pala 'to. Baka daw bagsak kami. Sana naman kasi sinabi nya na grade namin diba. Kung 5 ako,dun lang ako maghahanap ng pandagdag grade. Ok lang naman sa kin maka 3 dun. Wala naman ako pakialam sa mababang grade basta pasado. Ang mahalaga naman yung natutunan ko. Anyway, wala na. Nanood na ko at nakapag react na ko sa play nila.]

Jun at Johnny. Ang Kristal na Bola. Ito ay ang mga pamagat ng stage play na pinanood namin sa Bulwagang Aldaba, UP Film Center. Bago ko malaman ang tungkol dito, akala ko ay isang kwento lang ang papanoorin namin kaya nagtaka ako nung makita ko sa tarpaulin  na dalawa pala. Bakit dalawa? Una kong naisip, siguro masyadong maikli yung isa kaya para masabing “worth it” yung P150 namin, dinagdag na nila yung isa pa. Bukod pa dyan, parang hindi yata magkaugnay yung pamagat na “Jun at Johnny” at “Ang Kristal na Bola”. Anong kaugnayan nun? Yung una parang tungkol sa buhay ng dalawang tao. Yung huli naman parang pang-majikero. Ah, baka naman gagamit ng kristal na bola si Jun at Johnny. Tipong part two yata yung “Ang Kristal na Bola”.

Matapos kong mapanood yung dalawang kwento, napagtanto ko malaki pala kaugnayan sa isa’t isa nung dalawa, at mali ang mga hula ko base sa pamagat ng dalawang kwento.

Jun at Johnny

Sa kwentong Jun at Johnny ay pinapakita daw ang makabagong trahedya na dulot ng pag-ibig. Inihalintulad nila ‘to sa kwento ng Romeo and Juliet. Ngunit para sa akin ay walang kaugnayan ang dalawang ito. Kahit na hindi ko natapos basahin ang Romeo and Juliet, alam ko naman ang buod nito. Hindi ba’t pinaghihiwalay sila ng kanilang mga magulang at kaya lang naman nagkaroon ng trahedya sa huling bahagi ng kwento ay dahil handa silang mamatay para sa isa’t isa? Sa Jun at Johnny naman ay pinapakita lang ang kabobohan ng ilan sa mga  babae ng ating lipunan. Nagpapaloko agad sila sa mga lalaki at nabubuntis kahit hindi pa sila handa para sa mga responsibilidad ng isang magulang. Hindi ko mapagtanto kung bakit may mga babae pang ganung uri sa panahon ngayon. Naiisip naman siguro nila na sobrang hirap ng buhay ngayon at ang pagkakaroon ng sariling pamilya sa murang edad ay isang napakalaking pagkakamali na lalo lamang magpapahirap sa kanilang pamumuhay.

Alam ko maraming mga kabataan sa ngayon ang nabubuntis agad sa murang edad, dahil marami na rin akong kakilala na ganoon ang sitwasyon. Pero, hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan nila (kung may dahilan man sila). May mga nabasa ako

Page 2: Reaction Paper Talaga

kaugnay dito na may mga babae daw na nalaman lang ang tungkol sa sex at pagkakabuntis noong nabuntis na sila. Medyo hindi ito kapani-paniwala dahil kahit yata grade 5 ay alam na ang tungkol dun. Itinuturo naman ito sa subject na Science (biology). Sabihin man nating wala talagang alam tungkol dito ang babae, sana ay hindi sya nagpapauto agad sa lalake.

Isa pa sa mga alam kong dinadahilan nila ay ang salitang “mahal”. Mahal daw nila e. Makakain ba nila yung salitang “mahal” kapag nagutom yung anak nila? Isa pa, hindi maaring ipang-reason out ang word na “mahal” dahil kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, hindi naman siguro titigil sa pag-function yung utak mo. Utak ang ang nagma-manipulate ng buo mong katawan. Utak mo ang gamitin mo sa mga pagkakataon na kailangan mong magdesisyon.

Ang Kristal na Bola

Ngayon naman ay ibibigay ko ang reaksyon ko tungkol sa pangalawang kwento, ang “Ang Kristal na Bola”. Gaya ng sabi ko, mali pala ang hula ko. Hindi pala ito part two ng “Jun at Johnny”. Ang kwentong ito ay tungkol sa mga adik at mga dahilan kung bakit sila naging adik. Sinabi dito ang kani-kanilang mga problema sa buhay.

Isa pa ito sa mga karaniwang nangwawasak ng kinabukasan ng mga kabataan sa Pilipinas. Oo nga pala, kahit hindi kabataan ay nawawasak din ng droga. Kahit yung mga nasa tamang edad na gaya ng 35 taong gulang ay nagiging adik din. Siguro wala nga talaga sa edad yan. Nasa pag-iisip yan. Base sa nakikita ko sa tunay na buhay, masyadong nawawalan ng pag-asa sa pamumuhay yung mga nagiging adik. Tipong tinatamad na sila magpaunlad ng buhay nila. Inaamin ko hindi ako masipag na tao. Pero hindi rin naman pwede kasing mag todo tamad ka na lalo na kung may pamilyang umaasa sa’yo. Medyo sapat lang sana kung sarili mo lang naaapektuhan mo. Pero hindi e. Karamihan pa sa mga adik yung mga may pamilya na.

Hindi mo rin naman pwede sisihin yung kahirapan sa pagiging adik. Bakit? Lalo lang naman nagpapahirap yung pagiging adik. Kung yung perang inilalaan nila para rito, pinangbili na lang nila ng mas mahalagang mga bagay o kaya inipon kung may gusto man sila bilhin, e di sana mas nakatipid pa sila. Di na nila kailangang mag-budget pa para lang sa kinaaadikan nilang droga.

Ang napapansin kong pinakamalakas na dahilan ng pagdami ng kabataang adik dito sa Pilipinas, ay yung tinatawag nilang “peer pressure”. Nasa ugali na rin kasi ng mga Pilipino na nahihirapan silang tumanggi kapag kaibigan ang nag-aalok. Tipong mas pinahahalagahan nila yung pakikisama kesa sa sarili nila. Pero ganito ba dapat lagi? Ayos lang sana yung pakikisama. Magandang ugali yan ng mga Pilipino. Sana lang ay ilagay nila sa tamang lugar. Magkaroon din sana sila ng prinsipyo. Yung tipong kahit sampung “kaibigan” mo pa mamilit sayo na gumamit ng illegal na droga, hindi ka nila mapipilit dahil nag-stick ka sa prinsipyo mo. Ang nakakalungkot lang, kaunting Pilipino lang ang mahilig sa salitang “prinsipyo”. Mas madalas ay yung “pakikisama”, di bale nang mawasak sarili nila. Basta maging “in” lang sila sa grupo. Sana matuto din tayong

Page 3: Reaction Paper Talaga

galangin ang sarili natin para galangin din tayo ng iba. Para once na may namilit sayo, isang ‘HINDI’ o ‘AYAW’ mo lang, give up na agad sila sa pamimilit.

Gaya ng napansin ko sa “Jun at Johnny”, pinakita na naman sa “Ang Kristal na Bola” ang katangahan ng ilan sa mga babae. Porke pinilit lang syang magsigarilyo ng kasama nyang lalaki, sumunod naman agad sya. Hindi ko alam kung masyado lang akong feminist o masyado lang talagang anti sa mga babae (misogynist) yung nag-isip ng kwentong yun. Sa totoong buhay naman kasi madalang yung mga ganun e. Noong napanood ko nga yung scene na yun, napasandal na lang ako sa inuupuan ko, sabay sabing “boring. Ang tanga tanga nya.” Natawa din naman yung katabi ko nung sinabi ko yun. Feeling ko kasi pinapahiya nya yung mga babae.

Maganda din naman yung play. Napapanahon ang dalawang isyung pinagtuunan nila ng pansin sa palabas. Pero sana nagbigay sila ng mga solusyon para maiwasan yun. Sana lang din ay natuto talaga ang mga estudyanteng nanood nito at sana makatulong yung play nila para bumaba ang dami ng kabataang maagang nabubuntis at kabataang nagiging adik sa illegal na droga.