suddenly it's magic

26
Suddenly It's Magic <3 by ForeverInspirit. After kong mapanuod ang Crazy Little Thing Called Love, confirmed na isa na akong Mario fanatic. Shems, ang gwapo gwapo niya! Sobra! Hindi ko ma-take na may ganung kagwapong earthling! Eh ba't sa Pilipinas walang papable na ganun? Kainis ha. Migrate na kaya ako sa Thailand? Or pwede din namang Korea. Nakow! Talamak ang mga fafa dun!!! UWAAA! Feeling ko, sasabog na lang ako sa sobrang kilig pag may na-meet akong kasing-gwapo ni Mario Maurer or kasing hot ni T.O.P o kaya ni Lee Min Ho. Ay Lord, please lang. Kahit kamukha lang ni Kris ng EXO ang makuha ko this Christmas! Okay na okay na okay na ako dun, swear! As in hindi na ako mag-rereklamo! "Hoy bading, kanina ka pa nagtititili diyan ah. Okay ka lang?" Nakatingin sa akin ang best friend kong si Nadine habang inuubos ang dalawang Big Gulp na binili niya at wala man lang siyang balak mag-share sa akin. =____= "Hindi ako okay, Nadz! Gusto ko talagang pumunta sa KPOP Fantasy Concert! Pero ang mahal eh. Sobrang mahal... -_____-" "Sus. Di ka na nakuntento. Pupunta ka na nga kay Lee Min Ho eh" "Kahit na! Hindi naman ako nakapunta nung Big Bang eh >___<" Nakakainis nga eh. Late ko na nalaman na mag-coconcert pala ang Big Bang dito. Eh kakabili ko lang nun ng laptop kaya wala akong pera! Gusto po namang mag-VIP. UWAAA! GD! TOP! Di ko man lang sila nakita! TT^TT (EPAL LANG! BIRTHDAY NI TOP NGAYON!! NOVEMBER 4!! :""">)

Upload: nguyenkiet

Post on 29-Aug-2019

229 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Suddenly It's Magic <3 by ForeverInspirit.

After kong mapanuod ang Crazy Little Thing Called Love, confirmed na isa na akong Mario fanatic. Shems, ang

gwapo gwapo niya! Sobra! Hindi ko ma-take na may ganung kagwapong earthling! Eh ba't sa Pilipinas walang

papable na ganun? Kainis ha. Migrate na kaya ako sa Thailand? Or pwede din namang Korea. Nakow! Talamak

ang mga fafa dun!!!

UWAAA! Feeling ko, sasabog na lang ako sa sobrang kilig pag may na-meet akong kasing-gwapo ni Mario

Maurer or kasing hot ni T.O.P o kaya ni Lee Min Ho. Ay Lord, please lang. Kahit kamukha lang ni Kris ng EXO ang

makuha ko this Christmas! Okay na okay na okay na ako dun, swear! As in hindi na ako mag-rereklamo!

"Hoy bading, kanina ka pa nagtititili diyan ah. Okay ka lang?"

Nakatingin sa akin ang best friend kong si Nadine habang inuubos ang dalawang Big Gulp na binili niya at wala

man lang siyang balak mag-share sa akin. =____=

"Hindi ako okay, Nadz! Gusto ko talagang pumunta sa KPOP Fantasy Concert! Pero ang mahal eh.

Sobrang mahal... -_____-"

"Sus. Di ka na nakuntento. Pupunta ka na nga kay Lee Min Ho eh"

"Kahit na! Hindi naman ako nakapunta nung Big Bang eh >___<"

Nakakainis nga eh. Late ko na nalaman na mag-coconcert pala ang Big Bang dito. Eh kakabili ko lang nun ng

laptop kaya wala akong pera! Gusto po namang mag-VIP. UWAAA! GD! TOP! Di ko man lang sila nakita! TT^TT

(EPAL LANG! BIRTHDAY NI TOP NGAYON!! NOVEMBER 4!! :""">)

Lahat gagawin ko makapunta lang sa Dream KPOP Fantasy Concert! Nandun ang EXO, U-Kiss at Infinite! Hindi

ako papayag na hindi ko sila makikita!!! Let there be war sa kung sinoman ang pipigil sa akin na makapunuod!

Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagiging Fangirl ko! *u*

"Hoy Ailee, mukha kang luka diyan. Tumigil ka nga"

"Hmp! Wag ka!"

Nilabas ko na lang ang cellphone ko tutal mukhang walang balak maki-ride ang best friend ko. Tss. Palibhasa

BHG ang gusto niya! As in BOY HUNTING GAME! Sus. Anong mahuhunting niya dito? Eh wala namang gwapo

sa school. Well, feeling gwapo meron. Pero yung kasing gwapo ng KPOP Idols? Nah. Wag kang umasa.

Kahit pa puntahan mo ang bawat sulok ng school, wala kang makikita. Puro mga mahahangin na feeling gwapo

lang talaga. Triny ko na dati pero as usual, wala akong nakita. Mga shrek lang. Sobrang daming shrek.

Punong puno ng picture ni Mario Maurer o ng KPOP Idols ang phone ko. Kaya one to sawa ako everyday! Hay,

Lord. Ba't ba di ka naglagay ng gwapo sa school para naman may inspiration ako pumasok? Eh ang boring pa

naman ng teachers ko. Aantukin ka talaga pag nakikinig ka -____-

"Ailee, tara uwi na tayo! Nuod tayo ng Suddenly It's Magic!"

Bigla namang nanliwanag ang buong paligid ko. With matching hearts pa.

"SUDDENLY IT'S MAGIC?! TARA!!!"

Nauna pa akong tumayo kay Nadz at ako pa mismo ang nanghatak sa kanya papalabas ng caf. Pumara na ako

ng taxi at excited na excited na sinabing, 'Eastwood po'. UWAAA! MARIO MAURER! HERE I COME! HINATAYIN

MO KO!!!

***

Eastwood.

"MANONG TABI PO!!!!"

"MISS DADAAN AKOOO~~~"

Tuloy tuloy lang ang takbo ko hanggang makarating sa may cinema. Grabe! Excited na excited na ako! Gusto ko

nang mapanuod ang SIM!!! Di ko na mapigilan ang excitement ko! UWAAA! Sana maikli lang ang pila.

"Lord please please"

Nang makarating ako sa counter, nagtataka ako dahil walang tao. What the. Asan yung counter girl? Diba dapat

andito lang yun?

Inikot ikot ko pa ang tingin ko. Pero wala eh. Wala talagang tao.

AISH! NAKAKAINIS! Ba't naman ngayon pa?

"Miss"

"Asan ba yung counter girl?!?"

"Miss"

"AISH! NAKAKAINIS!!! KUNG KELAN KO GUSTO MANUOD TSAKA PA... AY NAKO!"

"Miss"

"ANO?!"

Napalingon ako. Ay. Si Manong Sekyu pala -____-

"Ay manong sorry. Ano po yun?"

"Closed po ang cinemas"

"Ha?"

"Closed po yung cinemas. Nirentahan po kasi"

"Ahhh... okay lang po---"

T-teka...

NIRENTAHAN?! IBIG SABIHIN... HINDI AKO MAKAKAPANUOD?!

"Po? Sino namang ang rirenta?"

"Ay. Yung mayaman po na nakatira sa may LGV"

Napakunot bigla ang noo ko. Wow. Mayaman. Ay jusko, Ailee! Ba't di mo ba naisip yun? Meron pa lang mga

mayaman na hindi marunong mag-give way sa ibang tao. Aish! Tama ba namang rentahan ang buong sine?

Paano na makakapanuod yung mga mamamayan ng Pilipinas? Lalo na ako? Paano ako makakapanuod?

Ayokong pumunta ng SM! Baka mahuli ako ni Kuya Sen at hindi ako maagang umuwi. Patay ako dun for sure!

>___< Eastwood na nga lang ang pag-asa ko tapos may rirenta pa? Nakakainis! Ganun ba talaga ako kamalas?

Last time, dapat manunuod na ako kaso bigla akong tinawagan ng ka-group ko sabay sabing sira daw yung

Photoshop nila kaya hindi matatapos ang project. Kaya ayun, hindi natuloy ang plano ko.

Err! Kung sinoman ang nag-renta ng sine, sinusumpa ko siya! Pwede naman yung Skyfall na lang yung rentahan

niya. Eh bakit Suddenly It's Magic pa? Aish! Aish!

"Ailee, chill. Next time na lang tayo manuod"

Hawak hawak na ako ni Nadz sa magkabilang balikat. Mukhang na-fefeel niya na makakasapak na ako ng tao.

Psh. Oo, mananapak na talaga ako! Gusto ko lang namang mapanuod si Mario eh. Ano bang masama dun?

TT^TT

"Psh. Tara na nga"

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pero nakarinig ako ng mga yabag papalabas ng cinema. Nakarinig

rin ako ng mga boses ng lalake. And take note, ang hot ng voice nila. Infairness ah, nakalimutan ko bigla na mainit

ang ulo ko.

Ay peste! Ailee, tandaan mo, hindi ka mahilig sa BHG. Isipin mo na lang na ang pinakagwapong nilalang sa earth

ay si Mario Maurer. Wag kang papadistract!

"Wow man, I can't believe your sister chose to watch that gay movie"

"Pfft. And that Mario Maurer guy? Damn, I'm hotter"

"No man, I'm hotter"

Nakarinig ako ng pagtutulakan tapos nagsitawanan naman sila.

Actually, nagpipigil na lang ako ngayon. Pero hindi ko na talaga napigilan ng marinig kong may nagsabi ng:

"Mario Maurer is so gay"

Naputol na ang kaisa-isang string of patience ko. And the next thing I knew, nasugod ko na yung lalakeng nagsabi

nun at nasipa sa pagkalalake niya. Nakatingin lang sa akin yung dalawa pa niyang kasama at mukhang nagulat

din sa ginawa ko.

"HOY IKAW! ANG KAPAL NG MUKHA MO HA! HINDI BADING SI MARIO MAURER! HINDI SIYA BADING!"

Tumingala yung lalakeng sinipa ko.

OHMAYGULAY.

ISA SIYANG FAFABLE?!

Isang hayop na fafable -____-

"Miss, s-sino ka ba?"

"Hindi mo na kailangan malaman pa kung sino ako! Pero FYI, hindi bading si Mario! Dahil asawa ko siya!"

Natawa na lang yung dalawa niyang alipores. Tiningnan ko sila ng masama kaya bigla na lang silang napaubo

sabay tingin sa kabilang direction.

"Miss, okay. Hindi na bading si Mario. Ayan okay na?"

"Oo okay na! Hmp!"

Aaminin ko, nahihiya na talaga ako sa ginawa ko. Pero nakakainis naman kasi 'to eh! Ang yabang. Okay fine, isa

siyang certified fafable. Kamukha nga niya si Luhan ng EXO eh. Tapos yung isa niyang kasama kamukha ni Suho.

Kamukha naman ni Kai yung pangalawa.

Oo na! Lahat sila gwapo! Pero kamusta naman ang ugali diba? Mas masahol pa sa malansang isda!

"Girl, mukhang wala kang paki na mga Adonis ang nakaaway mo kanina ah"

"Sus. Adonis nga masama naman ang ugali"

Inagaw ko kay Nadz ang iniinom niyang Ice Tea.

"Nakakainis siya! Sobra! Ang kapal ng mukhang laitin si Papa M.M! Wala naman siyang ginagawa sa

kanya ah. Err. Kainis!"

Nabagsak ko na lang yung baso sa lamesa.

Wala na! Nasira na ang good mood ko. Kanina ko pa tinititigan yung picture ni GD pero walang effect! Yamot to

the bones pa rin ako sa pesteng gwapong evil na yun!

"Pero alam mo..."

Nagkatinginan kami ni Nadz.

"Kamukhang kamukha niya talaga si Luhan"

Napangiti naman ang best friend ko.

"Oyyy, sabi na eh. Natamaan ka kay fafa"

"Pakyu. Nagwapuhan lang eh?"

Natapos na lang ang gabi na nag-aasaran kami ni Nadz. Since ngayon ang 12th friendsary namin, may sleep-over.

And whether I like it or not, buong gabi ko pag-tyatyagaan ang pang-aasar sa akin ng babaeng 'to.

***

Pagkarating ko sa school, nagkakagulo ang lahat ng babae sa may gate at 70% sa kanila eh tumutulo ang laway

at nakatulala. At ang natitirang 30% eh ginagamit ang 'seducing look' pero hindi ko alam kung para saan at para

kanino -___-

Pero wala naman akong paki kaya dinaanan ko na lang silang lahat. Hahayaan ko na silang maglaway diyan

hanggang gusto nila. Basta ako, papasok sa school at manunuod ng SIM mamaya! This time, for sure na 'to.

Friday ngayon at libre ako makagala! Nagpaalam na rin ako kay Kuya Sen, ang walangya kong pinsan na

nagtratrabaho sa SM na pag nakita ako na nag-gagala ng walang paalam eh sureball na dedo ako kay dear

mother.

Nakow! Daig pa ang leon kung magalit ang aking mudrabells. Baka mag-goodbye phone, laptop, IPad, IPod, Lee

Min Ho ako ng wala sa oras! Hindi ako papayag na masabotahe ang plano kong halayin este makita ang Idols ko!

*u*

"Miss!"

Hmm. Gaano kaya katangkad ang EXO sa personal? Si Lee Min Ho kaya? Si Sungyeol? Si L? UWAA!

Nag-uumapaw ang pagiging fan girl ko! Sana bumilis na ang oras. Sana November 16 na! Gusto ko nang makita

si Fafa Lee Min Ho! > 3<

"Miss!"

Sino ba yung miss ng miss na yan? Uso kasi tawagin sa pangalan diba?

"MISS WAIT!!!"

May naramdaman akong humawak sa balikat ko. Agad naman akong napatingin.

O_________________O

OHMAYGULAYNAMAYSAHOGNAGULAMAN!

"IKAW?!"

Nakangiti sa akin si Luhan-- este yung kamukha ni Luhan.

"Nahirapan akong hanapin ka"

"Ako?" Sabay turo sa sarili ko.

"Uh... ikaw ang kausap ko diba?" He grinned.

"Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakaalam ko hindi kita schoolmate"

Napatingin naman ako sa uniform niya.

Silver Academy. Ang school ng mga mayayaman, bitches, bastards, ignorante. Basta lahat ng ayaw ko sa isang

tao eh ganun ang paguugali ng mga students dun. I used to study there. Pero nag-drop na ako since hindi ko na

kinaya ang ugali nila. Grabe! Nakakainis silang lahat. Ang sarap sapakin one by one.

"Ako nga pala si Andrei"

Napatingin ako sa kamay niyang naka-extend papunta sa akin.

"Ailee"

"Nice name. Ailee"

Yuck.

"Pwede ka ba ngayong araw? Babawiin ko lang yung pag-renta namin ng sine"

"Bawiin? HIndi mo na kailangang gawin yon"

"Really? Sayang naman ang binili kong tickets"

At yun na nga, nilabas na niya ang dalawang tickets ng SIM. Bwisit 'to! Tinetempt ako! >__< Walangya!

"Err. Pero may klase pa ako eh"

"Awts. Sayang naman 'to"

Lumapit siya sa isang basurahan.

"Sige itatapon ko na lang"

O__________O

"WAAAAAAGGGG!!!!!!!!! OKAY NA! SASAMA NA AKO!!!!"

He smirked then grinned.

"Okay then"

Lumapit siya sa akin habang naka-plaster sa mukha niya ang isang nakakainis na ngiti. Yung mala-Joker ang

dating. Aish! Eh kung sapakin ko kaya siya. Nakakainis ha -____-

"Let's go, Miss Ailee"

Naramdaman ko yung kamay niya na pumulupot sa bewang ko.

"Uh.. off limits"

Siya na mismo ang nag-tanggal at narinig ko namang tumawa ng mahina yung kasama niya.

Mukhang kailangan kong maligo sa alcohol mamaya. Eww! Ang daming germs! Pero for the sake of SIM,

kakayanin ko. I mean, how bad could it be? Isang araw ko lang naman makakasama itong si Andrei eh. Siguro

naman kakayanin ko yun.

Diba?

***

Maayos namang natapos ang araw ko. And I really enjoyed Andrei's company. Infairness, mas may sense siyang

kausap kesa kay Kuya Sen. Most of the time eh tumatawa lang ako. Nakakainis kasi si Andrei. Sa sobrang corny

natatawa na lang ako -___-

"Alam mo okay ka naman pala eh. Akala ko isa kang gago"

"Yun ba ang first impression mo sa akin? Gago?"

"Oo. Nilait mo asawa ko eh"

He laughed.

"Sorry. Di ko sinasadyang malait ang asawa mo"

Nakatambay kami ngayon sa may Starbucks. At yung dalawa niyang kasama? Yung kamukha ni Suho at Kai?

Ewan. Nag-lakwatsa na yata.

"Ailee, nakailang boyfriend ka na?"

Nasamid ako bigla sa sinabi niya.

"A-Ano?"

"Nakailang boyfriend ka na? Isa? Dalawa? Sampu?"

Tumungo ako.

"W-Wala pa"

"WALA? As in Zero? Eh first kiss?"

"EH WALA NGA AKONG BOYFRIEND TAPOS FIRST KISS MERON?"

"Bakit? Yung iba nga stranger lang yung first kiss"

"Well hindi ako kagaya nila. May halaga ang first kiss para sa akin"

He grinned.

"Siguro walang nanliligaw sayo kasi Amazona ka"

"Psh. FYI, binasted ko silang lahat"

"Oh talaga? Bakit?"

"Hindi ko sila type"

Lahat na yata ng tanong natanong na ni Andrei. Simula sa birthday ko hanggang sa pangalan ng mga aso

namin. Simula sa first crush ko hanggang sa address ng una naming bahay. Bakit ba masyadong matanong 'to?

Balak ba niyang gumawa ng libro tungkol sa akin?

At di lang yun ah. Lahat ng gwapong dumadaan sa amin eh tinuturo niya sabay sabi ng: "Yun ba type mo?" As in

lahat talaga. Nakakahiya na nga siya eh. Pero ang cute ng ginagawa niya. AY NAKO AILEE! LUMALANDI KA! DI

PWEDE!

Ayokong pumatol sa kanya. Isa siyang dakilang casanova. Naka-12 girlfriends na siya this month. So pag i-aadd

mo lahat, naka-40 girlfriends na siguro siya this year. At ang pinakamatagal niyang relationship? One month and 4

hours.

"Bakit ba gusto mong maging casanova?"

"Wala lang" He smiled. "Ayokong ma-tie sa isang relationship. Masyadong strict ang girls. Eh ba't ikaw?

Bakit ayaw mong magka-relasyon?"

"Hindi ko pa kasi nakikita ang taong gusto kong makasama habang buhay"

"Oh? Eh ba't di mo subukang tingnan ako?"

Napanganga na lang ako.

"Ay ang feeler" Bulong ko.

Signal #10000000. Nadaig ni Andrei si Hurricane Sandy!

"Tara, Ailee. Hatid na kita. Malapit ng mag-8PM"

Tumingin ako sa phone ko. Oo nga noh. 7:50 na.

"Tara"

Sinabayan ako ni Andrei sa paglakad. Lahat ng mata nakatingin sa amin. Pero mukhang sanay na sanay na si

Drei. Ni wala nga siyang paki eh. Samantalang ako kulang na lang manigas na dito. -___- Ang hirap kaya

gumalaw pag maraming nakatingin sayo.

"Stay calm" Bulong niya sabay slide ng isa niyang kamay sa kamay ko.

Hinawakan niya ng mahigpit yon. Sinubukan kong tanggalin pero ayaw mag-paawat ni Drei. Hinatak ko yung

kamay ko, hahatakan rin niya. Sige, maghatakan na lang kaming dalawa -____- Kainis!

Pero aaminin ko, ang soft ng kamay niya ha! Halatang di gumagawa ng gawaing bahay.

Pumunta kami sa parking lot. Andun ang Black Lamborghini na gamit niya kanina.

"After you"

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nakangiti lang siya sa akin the whole time. Nung una nababanas ako sa itsura

niya pero after nun, natanggap ko na ang gwapo niya talaga pag naka-smile. Ang swerte naman ni Drei. Kamukha

ni Luhan >___<

Mga 40 minutes bago ko marating ang bahay. Siguro sa pagod na rin kaya nakatulog na ako sa loob ng sasakyan.

At nagising na lang ako ng may malambot na something ang dumampi sa labi ko. Pagkamulat ko...

Nakita ko yung aso namin na dinidilaan ang mukha ko.

Joke. Pagkamulat ko, nakita ko na lang ang eyes ni Drei na nakapikit. Ang soft ng labi niya. Shet @___@

Masyado akong na-hyhypnotize sa ginagawa niya. >___< Oh tukso, layuan mo ako please! 19 pa lang ako! I'm

too young for this.

Peste. Dapat pala sinabi kong sampung lalake na ang nakiss ko para di niya ako pagtangkaan -___-

Okay tama na! >___<

Tinulak ko ng malakas si Drei na siyang kinagulat niya.

"Hoy, walangya ka! Kapal ng mukha mong agawin ang first kiss ko! Bakit boyfriend ba kita?!"

"Hinde. Pero kung gusto mo, okay lang sa akin"

Ay ang kapal talaga ng mukha nito. Mas makapal pa sa pinagsama-samang encyclopedia na naka-hardbound. Na

pinatungan pa ng makakapal na dictionary at almanac.

"Hm. Nakakapagtaka naman at walang gustong humalik sayo? Kissable lips ka naman ah?"

=_______________=

"ANDREI!!!!"

"Joke lang! 'To naman! Bumangon ka na, Princess. Or baka naman gusto mong buhatin pa kita?"

"Kaya ko na"

Tumayo ako sa harapan niya. Mas matangkad siya sa akin ng 10 inches. -_____-

"Ailee, your lips are mine" He said with a grin.

"Yeah. But my heart will never be yours"

Napalitan naman ang expression niya. From Jackpot to Loser.

"Salamat, Drei. I had fun. But really, hindi mo naman ako kailangan halikan para gisingin"

"Nah. I like to do things the romantic way"

"Tss. More like the maniac way"

He laughed.

"Pumasok ka na dun, Ailee. Masyadong malamig sa labas"

Nginitian ko na lang siya atsaka pumasok sa loob ng bahay. At as usual, si Kuya Sen ang nandun. Nagbabasa ng

dyaryo na may kape sa tabi at naka-dekwatro pose pa.

"Sino yung kasama mo?"

"Wala. Kaibigan ko"

"Weh? Baka naman boyfriend?"

"Yuck. Bading yon, Kuya"

"Oh? Eh ba't kamukha ng wallpaper mo?"

"Sus. Kamukha lang naman eh. Wala naman akong sinabing siya yun"

Dadaan na sana ako pero humarang naman si Kuya.

"Di nga?"

"Kuya naman eh. Kahit itanong mo pa kay Madam Auring. Bading talaga yun. I swear"

Aish. Pagod na ako eh. Nahigop yata ng pesteng kiss na yun ang lahat ng energy ko! =_____=

"Sige. Pero pag ikaw..."

"Eh kung sabihin ko kaya kay Mama na kumupit ka ng 500 sa wallet niya kanina?"

Napatigil si Kuya Sen.

"Sabi ko nga hindi mo boyfriend yun"

Pagka-akyat ko, tinapon ko na lang ang sarili ko sa malambot kong higaan. Tss. Siguro wala lang yung kiss na

yun. Eh diba nga casanova siya? Kaya for sure para sa kanya it's just a kiss. Eh kung titingnan ko si Andrei

parang siya yung tipo ng taong manghahalik ng walang dahilan eh.

Atsaka... ba't ko ba iniisip yun? Parang kiss lang? Pero first kiss ko yun eh... pero hinde! Di 'to pwede. Masama

ang ugali ni Andrei. Tandaan mo yan, Ailee. Isa siyang playboy, magnanakaw ng halik, walang pakielam kahit

masaktan ang feelings ng isang babae at higit sa lahat, wala siyang kwenta!

That's just a kiss.

Impossibleng magka-'magic' sa kiss na yun.

O impossible nga ba?

***

After 1 year.

3rd year college na ako. Tapos si Andrei? Nag-transfer siya sa school ko 2 months after ng 'kiss' na yon.

Everything seems normal. Except for the fact that I gained too much attention dahil na rin kay Andrei. Eh kung

maka-sigaw ba naman ng I love you Ailee akala mo walang bukas.

Oo, sinisigaw niya yun. At bakit? Di ko alam. Trip lang niya siguro.

"Ailee! Date tayo!"

"May gagawin ako mamaya"

"Ha? Sino ka-date mo?"

"Sabi ko may gagawin ako. Hindi makikipag-date"

"Edi pwede ba kita samahan sa gagawin mo?"

=_________=

"Pwede ba, Andrei? Kahit isang araw lang. Wag mo kong guluhin"

"Hindi kita ginugulo. Nagpapapansin ako"

"Eh ba't ka nagpapapansin?"

"Wala lang. Ayaw mo kong pansinin eh"

Please lang. Sino ang pwedeng mambatok sa kanya? Kaasar! Hobby ba niya na mang-asar ng tao? Nakakainis

siya! Sobra! Saan ba niya nakuha ang nag-uumapaw na kakulitan?

"Ailee, wait!"

Binilisan ko pa ang lakad ko.

Naramdaman ko na lang na nakahawak na si Drei sa wrist ko at mukhang naiinis na rin.

"Ba't ka ba iwas ng iwas? Kaya nga ako lumipat ng school para makita ka tapos ganyan? Ganyan ang

gagawin mo? Ano bang problema mo, Ailee?"

"Problema? Wala naman akong problema noon eh! Ba't ka ba kasi bigla-biglang sumulpot sa buhay ko?

Okay fine, sinipa kita before dahil tinawag mong bading si Mario Maurer. Pero hindi mo naman kailangang

makipag-kaibigan sa akin at kulitin ako eh"

"Sino ba kasing maysabi na yun ang dahilan kung bakit ako nandito? Tingin mo ba yun ang unang

pagkakataon na nakita kita? Tingin mo ba ang isang gwapong casanova na tulad ko eh mag-eeffort para

lang mapansin ng isang babaeng alam kong kahit kelan ay hindi ako magugustuhan? Sige nga sabihin mo.

Hindi ako tanga para gawin yun, Ailee. You know me. Hindi ako ang taong mahilig mag-exert ng effort sa

mga bagay na gagawin niya. I do things the easy way"

Napahinto ako sandali.

"Eh bakit mo nga kailangang gawin 'to? You can just leave me alone and act like you don't know me.

Pinapahiya mo lang ang sarili mo, Andrei. Please lang. Maghanap ka ng bagong babae na papayag na

kulitin mo"

"Ayokong maghanap. Dahil ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay ang babaeng gusto kong maging

girlfriend ko. And this time, my girlfriend for real. Ailee, tanga ka ba o ano? Ba't ba di mo makita na mahal

kita ha? Oo sige. Ang bilis diba? Mahal na kita agad? Hindi ko naman maiiwasan yun kasi... kasi iba ka eh.

Hindi ka kagaya ng ibang babae diyan na puro looks lang ang habol sa akin. You're more than that. Kaya

nga kita nagustuhan eh. Kaso nakasara na ang mga mata mo sa lahat ng lalakeng kagaya ko. Oo, isa

akong casanova na masama ang ugali. Pero kaya nga uso ang 'CHANGES' diba? Handa akong magbago

para sayo. Kung yun rin lang ang kailangan para mapansin mo ako, gagawin ko"

Aish.

Nakakainis! Ba't ganto? Ba't parang maiiyak na ako? And to think na ginagagawa namin 'to habang may audience.

Musta naman yon diba? =______=

"Andrei... hindi ko..."

"I never kissed anyone, Ailee. Ikaw ang kauna-unahang babaeng hinalikan ko. Dahil dati, ang nanghahalik

ay ang babae at hindi ako. Please... please... I'm begging you to love me too" Then he hugged me.

"I love you Ailee" Bulong niya.

"Please be mine"

I hugged him back.

"Buksan mo ang mga mata mo at papatunayan ko sayo na mahal kita"

Napasinghap na lang ako bago ko bitawan ang tatlong salitang babago sa buhay ko. I guess wala namang

masama kung bibigyan ko ng chance si Andrei. Mukha naman siyang seryoso sa sinabi niya eh.

"Fine. Prove it"

***

Araw-araw.

Araw-araw pinapakita sa akin ni Andrei na mahal nga niya talaga ako. Ginagawa niya ang lahat ng bagay na

gusto ko. He changed. From a heartless casanova to a sweet and faithful lover. Ganito na siya ngayon at masakit

man aminin, mas nadagdagan pa ang nagkakagusto sa kanya -____-

Pati bading nainlove na rin sa kanya. Eh pano, mamamatay ka sa sobrang sweet ni Drei. I mean, sinong tao ang

sisipaging gumawa ng love letters everyday na kasing-haba ng 7 yellow pad papers back to back? Nangangalay

na nga yung panga ko kakabasa eh.

"Ailee, alam mo yung magic?"

"Magic?"

"Oo. As in yung parang bigla na lang dadating at mawawala"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dati kasi isa akong casanova na kahit kelan ay hind nagmahal ng totoo pero nung dumating ka,

na-realize ko na hindi pala lahat ng babae kagaya ng iniisip ko. So nawala ang Drei na casanova at

dumating ang Drei na mala-knight-in-shining-armor"

Natawa ako sa pagkakasabi niya.

"Or pwede rin namang magic is love. Dahil hindi mo naman pwedeng malaman kung kelan ka maiinlove

diba? So it's sudden. Or Suddenly, it's love"

Sa totoo lang kanina ko pang gustong tumawa sabay sabing: "Ang corny" pero hindi ko talaga magawa. Bumibilis

ang tibok ng puso ko sa bawat salitang binibitawan ni Andrei.

"Drei"

"Yes, boss?"

"I think..."

I stopped.

I think ito na ang tamang oras para malaman ni Andrei ang sagot ko. Halos dalawang taon na niya akong

nililigawan. Pakiramdam ko hindi ko na kayang patagalin pa ang paghihintay niya. He sacrificed enough. Mas pinili

niya ako kesa sa fame or sa kahit ano pa man.

At sapat na yun para mapatunayan kung gaano niya ako kamahal.

"Ailee?"

"Drei... I think...

Your magic worked"

Mas lumapad pa ang ngiting kanina pa naka-gluestick sa mukha niya.

"Sabi ko na eh"

Hinatak ako ni Drei papalapit sa kanya at binigyan ng isang mahigpit na yakap. Mukhang sulit naman ang

dalawang taon na paghihintay niya.

"Paano ba yan, Ailee? Taken ka na? Ibig sabihin ba niyan mas gwapo ako kesa kay Mario Maurer?"

"Hmm. Okay lang"

Kamukha mo naman si Luhan eh!

I guess love is really unexpected. Akalain mong si Mario Maurer pala ang key to my eternal love? (Chos). Ang love

story namin na nag-simula sa sipain ay nauwi sa ligawan at sa huli ay napunta sa pagmamahalan.

At kagaya nga ng sinabi ni Andrei...

Suddenly, It's Magic <3