the only woman conceived without ang diwa ng buhay na ... · service award was given to julian h....

4
parishworks! 1 Vol. 08 No. 34 Dec 08, 2012 www.saaparish.com and www.facebook.com/saaparish turn to page 2 turn to page 3 The Only Woman Conceived Without Original Sin By: Susan Amoroso Every 8th of December, the Catholic Church celebrates the solemnity of the Immaculate Conception of Mary. In 1954 of the same day, Pope Pius IX declared officially the dogma of the Immaculate Conception. A dogma is a doctrine or teaching of the Catholic Church that all Christians must accept as truth. In his Ineffabilis Deus, Pope Pius IX wrote: “We declare, pronounce,and define that the doctrine which holds that the most Blessed Virgin Mary, in the first instance of her conception, by a singular grace and privilege granted by Almighty God, in view of the merits of Jesus Christ, the Savior of the human race, was preserved from all stain of original sin, is a doctrine revealed by God and therefore to be believed firmly and constantly by all the faithful. ’’ The promulgation of the dogma of the Immaculate Conception by Pope Pius IX in 1954 once and for all declared that the Blessed Virgin Mary was conceived by “St. Andrew the Apostle and the New Evangelization: Faith Confessed, Celebrated and Communicated” ANG DIWA NG BUHAY NA PANANAMPALATAYA by Michael Munoz, 1st prize Tagalog Essay Writing Contest 2012 Ang diwa ng buhay na pananampalataya ay nananahan sa pagpapahayag nang ating tiwala sa Diyos sa mga hamon ng makabagong panahon. Katulad ni San Andres, tayo nawa’y tumugon sa panawagan na (1) paghikayat na magbalik loob sa Diyos, (2) pagsasabuhay sa mga aral ni Kristo, at (3) ang pagpapahayag ng ating pananampalataya sa sangkatauhan. Ang ligayang dulot ng ating bagong pananampalataya ay siya nawang maging sigla ng makabagong panahon. Tunay ngang malawak ang mga pagbabago sa ating lipunang ginagalawan. Mas dumali, sumagana at guminhawa ang pamumuhay sa ating kapanahunan. Ngunit kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang kawalan nang tiyak na masasandalan sa gitna ng mga suliranin sa ating buhay. Marahil sa panahong ito, masasabi na napadaling gumawa ng kapalaluan ngunit napakahirap na tumahak sa landas ni Kristo. Patuloy na lumalagpak ang moralidad sa mundong ating ginagalawan. Ang mga inaasahan nating magtataguyod nito ay siya rin namang balakid sa paglago ng moralidad sa lipunan. Nariyan ang kawalan ng tiwala sa pamahalaan, sa mga institusyong panlipunan at maging sa ating kapwa. Sa kawalaan ng tiyak na masasandalan ay may isang Diyos na patuloy na lumilingap at nangangalaga sa kanyang mga anak. Siya ang Diyos na buhay na kailama’y hindi tayo pinababayaan. Siya ang Diyos na matatakbuhan sa gitna ng ating kawalan. Hindi na kailangan na siya’y ating hanapin pa, sapagkat lingid sa atin na ang Diyos ay nasa ating tabi lamang sa araw-araw na pamumuhay. Ito’y paalala na ang Diyos ay buhay. Sa kabila ng mga suliranin ating hinaharap, ito ay panahon na ating paigtingin ang ating pananampalataya. Manalig at magtiwala sa kabutihan sa Diyos.

Upload: others

Post on 16-Sep-2019

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

parishworks! 1Vol. 08 No. 34 Dec 08, 2012

www.saaparish.com and www.facebook.com/saaparish

turn to page 2 turn to page 3

The Only Woman Conceived Without Original Sin By: Susan Amoroso

Every 8th of December, the Catholic Church celebrates the solemnity of the Immaculate Conception of Mary. In 1954 of the same day, Pope Pius IX declared officially the dogma of the Immaculate Conception. A dogma is a doctrine or teaching of the Catholic Church that all Christians must accept as truth. In his Ineffabilis Deus, Pope Pius IX wrote: “We declare, pronounce,and define that the doctrine which holds that the most Blessed Virgin Mary, in the first instance of her conception, by a singular grace and privilege granted by Almighty God, in view of the merits of Jesus Christ, the Savior of the human race, was preserved from all stain of original sin, is a doctrine revealed by God and therefore to be believed firmly and constantly by all the faithful. ’’

The promulgation of the dogma of the Immaculate Conception by Pope Pius IX in 1954 once and for all declared that the Blessed Virgin Mary was conceived by

“St. Andrew the Apostle and the New Evangelization: Faith Confessed, Celebrated and Communicated”

ANG DIWA NG BUHAY NA PANANAMPALATAYAby Michael Munoz, 1st prize Tagalog Essay Writing Contest 2012

Ang diwa ng buhay na pananampalataya ay nananahan sa pagpapahayag nang ating tiwala sa Diyos sa mga hamon ng makabagong panahon. Katulad ni San Andres, tayo nawa’y tumugon sa panawagan na (1) paghikayat na magbalik loob sa Diyos, (2) pagsasabuhay sa mga aral ni Kristo, at (3) ang pagpapahayag ng ating pananampalataya sa sangkatauhan. Ang ligayang dulot ng ating bagong pananampalataya ay siya nawang maging sigla ng makabagong panahon.

Tunay ngang malawak ang mga pagbabago sa ating lipunang ginagalawan. Mas dumali, sumagana at guminhawa ang pamumuhay sa ating kapanahunan. Ngunit kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang kawalan nang tiyak na masasandalan sa gitna ng mga suliranin sa ating buhay. Marahil sa panahong ito, masasabi na napadaling gumawa ng kapalaluan ngunit napakahirap na tumahak sa landas ni Kristo. Patuloy na lumalagpak ang moralidad sa mundong ating ginagalawan. Ang mga inaasahan nating magtataguyod nito ay siya rin namang balakid sa paglago ng moralidad sa lipunan. Nariyan ang kawalan ng tiwala sa pamahalaan, sa mga institusyong panlipunan at maging sa ating kapwa.

Sa kawalaan ng tiyak na masasandalan ay may isang Diyos na patuloy na lumilingap at nangangalaga sa kanyang mga anak. Siya ang Diyos na buhay na kailama’y hindi tayo pinababayaan. Siya ang Diyos na matatakbuhan sa gitna ng ating kawalan. Hindi na kailangan na siya’y ating hanapin pa, sapagkat lingid sa atin na ang Diyos ay nasa ating tabi lamang sa araw-araw na pamumuhay. Ito’y paalala na ang Diyos ay buhay. Sa kabila ng mga suliranin ating hinaharap, ito ay panahon na ating paigtingin ang ating pananampalataya. Manalig at magtiwala sa kabutihan sa Diyos.

2

The only woman conceived without original sin ... from page 1

St. Anne her mother without original sin. It means that at the moment of her conception she was free from original sin. The Blessed John Duns Scotus (d.1308) declared most profoundly that God had sanctified Mary from the moment she was conceived because God already had the foreknowledge that the Blessed Virgin will consent to bear in her womb our Savior Jesus Christ . Thus she is called the Blessed Virgin by the Church.

The dogma declared Mary was redeemed from

original sin at the moment of her conception. Mary, the blessed virgin is the exception among all us. We ordinary mortals are born with the original sin of Adam and Eve and redeemed only when we are baptized and receive Jesus as our Lord and savior. The eastern orthodox and western churches of Christianity all believed that the Blessed Virgin Mary was conceived without original sin. December 8 in the calendar year of the Catholic Church is a holiday of obligation.

Michael Munoz receiving the 1st prize in the Essay Writing Contest -Tagalog Service Award was given to Julian H. Cumal, in recognition of his 5 yrs of service

Snapshots from Christ the King and Parish Fiesta

parishworks! 3

And diwa ng buhay na pananampalataya... from page 1

Ang ating pagtitiwala kay Kristo at sa Diyos, na ating ama, ay siyang puno’t dulo ng ating liklik at umaapaw na pananampalataya. Gaya ni San Andres, tayo’y muling tinatawag ni Kristo upang maging tagapagtaguyod ng pananampatayang tapat sa ating Diyos. Kaakibat nang pananalig na ito ay ang pagtugon sa tatlong hamon sa atin pananalig sa kanya.

Ang unang hamon ay ang pagbabalik-loob sa Diyos. Karamihan sa atin aligaga sa iba’t-ibang gawain araw-araw. Mabilis ang paglipas ng oras na minsan nakaliligtaan natin ang mga importanteng bagay o dili kaya’y maliliit na detalye sa ating buhay. Marami rin tayong isinasantabi dahil sa mga gawain na sa tingin natin ay mas makabuluhan. Isa sa mga nakakaligtaan natin ay ang Diyos. Hindi ko maaring itanggi na ako ma’y nakakalimot makipag-ugnayan sa Diyos. Sa oras ng kagipitan doon ko lamang naaalala ang Diyos, at sa kasaganahan nama’y isinasantabi ko ang ugnayan ko kay Kristo. Nakakalungkot isipin na minsan ako’y namumuhay nang wala Diyos saking diwa. Nakakalungkot sapagkat minsan ako’y kanyang tinawag bilang isang dating seminarista upang maglingkod sa kanyang anak na si Kristo. Subalit ako’y naging suwail na anak at sumunod sa agos ng lipunang makasarili.

May kasabihan tayo na ang gamot sa taong nakalilimot ay paalala. Ang Diyos ay nagpapa-anyaya sa akin na lumapit sa kanya sa pamamagitan nang palagiang pagbisita sa sakramento ng ating simbahan. Wala nang mas sasapat na paalala sa pagmamahal ng ating Ama kundi ang pagdiriwang sa banal ng misa. Napagtanto ko na hindi dapat natin katakutan ang pagbabalik loob sa Diyos kundi ito ay ating ipagdiwang. Ito ay nagsasaad lamang na ang Diyos kailama’y hindi nakalimot at naghihintay lamang sa ating pakikipag-ugnayan sa kanya.

Ang pagbabalik loob ay hindi para sa pansariling pananalig lamang. Hindi sapat na tayo’y nagbalik loob at muling nanampalataya sa Diyos. Kaakibat nito’y ang tungkuling manghikayat ng ating kapwa na lumapit at manampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang anak na ating Panginoong Hesus. Ito ang diwa ng bagong pananampalataya na maghatid nang pagbabago sa sarili, sa kapwa at sa lipunan.

Isabuhay ang salita ng Diyos. Ito ang ikalawang hamon na buod ng ating pananampalataya: ang pagtahak sa landas ni Kristo at pagsunod sa turo ng

ating simbahan . Minsan naitatanong ko sa aking sarili, paano kaya maging isang mabuting kristiyano? Lalo na sa panahon na kay hirap magpakabuti dahil sa talamak ang masasamang gawain sa lipunan. Lalo na sa hirap mamuhay sa mundong pinapatakbo ng pangangailangang materyal. Mayroon nga bang kabutihan sa gitna ng kasamaan? Maari nga bang maisabuhay ang mga aral ni Kristo sa takbo sa modernong panahon?

Marahil iyong sasambitin na hindi mahirap isabuhay ang mga aral ni Kristo at turo ng simbahan. Sabagay ganyan din ang aking pananaw. Upang ating maisabuhay ang mga aral, nawa’y paigtingin natin ang ating tiwala sa kabutihan ng ating Diyos. Kung may sapat na tiwala sa Diyos, walang lumbay na madarama sa gitna ng kagipitan. Kung may sapat na tiwala sa Diyos, mapagtatagumpayan ang mga pagsubok sa ating buhay.

Ang pananampalataya ay buhay kung ginagampanan natin ang mga tungkulin bilang anak ng Diyos. Ang pananalig ay hindi lamang pagsambit ng “sumasampalataya ako,” bukod dito marapat na ating isagawa ang mga aral ni Kristo. Mahirap man ngunit ito ang hamon sa atin lahat na makita nawa si Kristo sa atin.

Ang ikatlong hamon ay ang pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Ang pananampalataya ay isang pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ngunit ang hamon sa atin ay ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa upang maranasan nila ang biyayang hatid ng Diyos. Ang pagpapahayag ng salita ng Diyos ay isang layunin ng ating simbahan upang ipakilala si Kristo sa buong mundo.

Hindi ba’t napakadali na lamang sa panahon natin na makipagtalastasan sapagkat laganap ang makabagong paraan ng pakikipag-usap. Sino ba sa atin ngayon ang walang cellphone, facebook o twitter account? Bakit hindi natin gamitin ang mga bagay na ito sa ating hangaring muling ipakilala si Kristo sa bagong lipunan. Ang ikatlong hamon ay nagsasaad na sana’y patuloy tayong makipag-ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa.

At panghuli, tunay ngang ang diwa ng buhay na pananampataya ay nananahan sa mga lubusang nagtitiwala sa kabutihan ng Diyos. Gaya ni San Andres, ito ay mangyayari kung tayo’y bukas sa paghahari ni Kristo sa ating buhay. At nawa’y maging kaagapay tayo sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Diyos ng ating mga kapwa.

4

Coordinator Matthew LizaresParish Works StaffManaging Editor: Susan Amoroso Web Editor: Emilio MedinaWriter/Contributor: Jennifer Reyes Photographers: Ann Lopez, Irene Gonzales, Noemi Sta Anna Graphic Artist: Jessica Samantha LimBulletin Board EditorHarley Dave PunzalanPowerpoint CoordinatorsEllie Medina, Ging Santos, Vince Eduard Reyes, Mria Rhea Pia Libao, Leomar Alvarez, Jorge Gomez Jitomo II, Jenila Yadao SAAP Facebook AdminKaren Ann Phoa

Spiritual AdvisorRev. Msgr. Dennis Odiver

PublisherSt. Andrew the Apostle ParishN. Garcia St. cor. Kalayaan Ave.Bel-Air II, Makati CityPhones: (632) 890-1796 / 890-1743 [email protected]

Parish Works is the official weekly newsletter of Saint Andrew the Apostle Parish. Media and Communications Ministry

Parish Office Hours

Tuesday-Saturday 9:00 a.m.-Noon; 2:00-7:00 p.m.Sunday 7:00 a.m.-Noon; 2:00-7:00 p.m.

Sunday Mass Schedule 6:30am - Filipino

8:00am - English 9:30am - English 11:00am - English 12:15n.n - English

3:30pm - Filipino 5:00pm - English 6:30pm - English 8:00pm - English

Answer key: 1) Misery; 2) Increase, Discern; 3) Desert; 4) Baptism; 5)

Straight, Smooth

Puzzle CornerDecember 9, 2012 - 2nd Sunday of

Advent; Readings: Baruch 5:1-9 /

Psalm 126 / Philippians 1:4-6, 8-11 /

Luke 3:1-6By: Karen Ann Phoa

1. “Jerusalem, take off your robe of mourning and _ _ _ _ _ _ Y R E I M S; put on the splendor of glory from God forever:”

2. “And this is my prayer: that your love may _ _ _ _ _ _ _ _ E E A S N I C R ever more and more in knowledge and every kind of perception, to _ _ _ _ _ _ _ R N S C E I D what is of value, so that you may be pure and blameless for the day of Christ...”

3. “during the high priesthood of Annas and Caiaphas, the word of God came to John the son of Zechariah in the _ _ _ _ _ _ T R E S E D.”

4. “John went throughout the whole region of the Jordan, proclaiming a _ _ _ _ _ _ _ M I S T A B P of repentance for the forgiveness of sins...”

5. “The winding roads shall be made _ _ _ _ _ _ _ _ T H I G S T A R, and the rough ways made _ _ _ _ _ _ T H O M O S.”

519-2454880-0030 897-9565

Tama sa Timbang Good Quality

Call us Now

Saver’S ChoiCe4409 MONTOJO ST., BRGY. TEJEROS, MAKATI CITY

fiesta gasLPG BraND

Announcements

December12 (Wed) Our LaDy OF GuaDaLupE

14 (Fri) KuMpISaLaNG BayaN 5:00 pm onwards

15 (Sat) paESKWELa CHrISTMaS aSSEMBLy CHrISTMaS parTNErSHIp

15-23 paGSISIyaM Sa GaBI 8:00 pm

16-24 SIMBaNG GaBI 4:00am 5:15am

24 (Mon) CHrISMTaS EVE 8:00pm 9:30pm 9:00pm (Bel-air)

25 (Tue) SOLEMNITy OF THE NaTIVITy OF THE LOrD 8:00am 3:30pm 9:30am 5:00pm 11:00am 6:30pm 12:15pm 8:00pm

31 (Mon) HOLy HOur (Thanksgiving) 5:00pm

NEW yEar’S EVE 8:00pm 9:30pm 9:00pm (Bel-air)

January1 (Tues) SOLEMNITy OF Mary THE HOLy MOTHEr OF

GOD 8:00am 3:30pm 9:30am 5:00pm 11:00am 6:30pm 12:15pm 8:00pm

Important Dates and Mass Schedule