the pinoy chronicle october first issue

8
Chronicle The Pinoy News. Link. Life FREE DELIVERY SA BUONG JAPAN! SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS ONLY!! cherry pie, humihingi ng hustisya para sa ina PAHINA 7. OCTOBER 2014 1st Issue Free Newspaper PINOY LOCAL P.2 PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5 WEEKLY HOROSCOPE P.6 PINOY SHOWBIZ P.7 “HINDI GAMOL SI PURISIMA” – PNOY PAHINA 2. L alo lang umanong mamamayagpag ang mga kriminal sa Pilipinas kapag hindi naibalik ang parusang kamatayan sa ating bansa. Ito ang sinabi ni Senador Tito Sotto kung patuloy na magpupursige ang pamahalaan na huwag buhayin ang parusang kamatayan sa bansa. Sa kanyang privilege speech kamakailan, sinabi ni Senador Tito Sotto na isa sa mga sumusuporta sa pagbuhay sa death penalty, patuloy umanong tataas ang bilang ng krimen sa ating bansa dahil sa walang pangil ang batas upang masawata ito. Binigyan diin pa ng senador na lalong nagwala ang mga kriminal noong inalis ang parusang kamatayan taong 2006 dahil hindi na natatakot ang mga kriminal na maharap sa habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pag- asang makalalaya pa rin sila. Kaya sinabi ni Sotto na parusang kamatayan lamang ang siyang magiging solusyon o susi upang ganap na mawala ang tumataas na antas ng krimen sa bansa. mga kriminal, patuloy parinG gagawa ng krimen kung walang death penalty - sotto

Upload: buzz-ng-japan-the-pinoy-chronicle

Post on 04-Apr-2016

257 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

The First Issue of Pinoy Chronicle Newspaper a weekly publication of news from around the globe.

TRANSCRIPT

Page 1: The Pinoy Chronicle October First Issue

DaloyKayumanggi

Impormasyon ng PilipinoChronicleThe Pinoy

News. Link. Life

FREE DELIVERY SA BUONG JAPAN!

SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILSONLY!!

cherry pie,humihinging hustisyapara sa inaPAHINA 7.

OCTOBER 2014 1st Issue Free Newspaper

PINOY LOCAL P.2 PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5 WEEKLY HOROSCOPE P.6 PINOY SHOWBIZ P.7

“HINDI GAMOL SI PURISIMA” – PNOY

PAHINA 2.

L alo lang umanong mamamayagpag ang mga kriminal sa Pilipinas kapag hindi naibalik ang parusang kamatayan sa ating bansa. Ito ang sinabi ni Senador Tito

Sotto kung patuloy na magpupursige ang pamahalaan na huwag buhayin ang parusang kamatayan sa bansa. Sa kanyang privilege speech kamakailan, sinabi ni Senador Tito Sotto na isa sa mga sumusuporta sa pagbuhay sa death penalty, patuloy umanong tataas ang bilang ng krimen sa ating bansa dahil sa walang pangil ang batas upang masawata ito. Binigyan diin pa ng senador na lalong nagwala ang mga kriminal noong inalis ang parusang kamatayan taong 2006 dahil hindi na natatakot ang mga kriminal na maharap sa habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pag-asang makalalaya pa rin sila. Kaya sinabi ni Sotto na parusang kamatayan lamang ang siyang magiging solusyon o susi upang ganap na mawala ang tumataas na antas ng krimen sa bansa.

mga kriminal, patuloy parinG gagawa ng krimen kung walang death penalty - sotto

Page 2: The Pinoy Chronicle October First Issue

2 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng PilipinoPinoy-localOctober 2014 I first isue page 2

hagupit ni bagyong mario nanalasa sa buong luzon

"hindi gamol si purisima" - pnoy

patuloy na pagtatag ng ekonomiya sa administrasyong aquino

buhay partylist rep. lito atienza kontra sa death penalty

bata-batalyong sundalo laban sa abu sayaff

Bunsod ng dalawang kaso ng plunder na inihain kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan LM Purisima hinggil sa patuloy na pagkakasangkot nito sa iba’t ibang katiwalian, mariing dinepensahan ni Pangulong Noynoy Aquino si

Purisima na hindi ito gamol at nabubuhay lamang ng simple. Giit ng palasyo ay wala silang balak na kumbinsihin si Purisima na mag-leave. “As in other cases, the question whether an official should go on leave or not in light of a particular issue is best addressed to the sound discretion of the official in question.” Nakasalalay kay Purisima ang desisyon kung siya ay magbabaskyon o hindi. Kasalukuyang nasa labas ng bansa ang hepe upang dumalo sa isang anti-kidnapping conference. Bagama’t kabi-kabila ang mga alegasyon na kinasasangkutan ni Purisima, iminumungkahi pa rin ni Pangulong Aquino na bigyan ng pagkakataon na sagutin ni Purisima ang mga paratang sa kanya at sa hanay ng mga kapulisan. Kabilang naman sa mga humihiling na magbakasyon muna si Purisima, ay si Senator Grace Poe upang hindi tuluyang maapektuhan ang moral ng buong kapulisan.

K augnay nang tahasang pagsuporta ng bandidong grupo na Abu Sayaff sa ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) kung saan nagpapadala sila ng kanilang miyembro upang makibahagi sa ISIS, ipinag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino na tuluyan ng lipunin ang mga nalalabi pang

miyembro na nais umanib sa ISIS. Isang brigada at dalawang batalyong sundalo mula sa Philippine Army Isabela ang ipinadala sa Mindanao bilang kapalit ng mga Philippine Marines upang matuldukan na ang plano ng Abu Sayaff. Ang mga sundalong ito ay ipapadala sa Zamboanga Peninsula at BASULTA (Basilan, Sulu at Tawi-tawi). Sa pamumuno ni Col. Neal Clement, ang kanyang hanay ay sasamahan pa ng dalawang batalyon (41st & 21st) na parehas hinugot mula sa 502nd at 503rd infantry brigade. Tinatayang nasa 500 ang bilang ng mga sundalong mula sa 5th Infantry Division ng Army ang dumating na sa Zamboanga City na may kasunod kada araw. Sa kasalukuyan ay nasa 150-200 ang puwersa ng Abu Sayaff na may hawak na mga hostages sa Sulu at mga bago pang recruit na miyembro nito.

Tinatayang 400,000 pamilya o 2 milyong katao ang naapektuhan mula sa 1,224 barangay sa 27 lalawigan ng regions 1,2,3,4-A, 4-B, 5, 7, CAR at NCR nang manalasa ang bagyong Mario noong nakaraang Setyembre 19. Huwebes ng tanghali nang tumama ang mata ng bagyo sa

katimugang bahagi ng Catanduanes at Biyernes nang umaga ng humampas ito sa kalupaan ng Cagayan.

Ang hangin na dala ni bagyong Mario ay may lakas na 65 kilometro kada oras at may pabugso-bugsong 80 kilometro naman kada oras kung kaya't itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) ang Public Storm Warning na Signal No.1 sa Catanduanes, Isabela, Aurora at Cagayan kasama ang Calaya Group of Islands. Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) na bukod sa mga 18 nasawi ay may 16 katao rin ang naitalang nasaktan. Samantalang 3,000 pamilya pa rin ang nananatili sa 81 evacuation centers. Umabot na sa higit sa P2 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng hagupit ng bagyong Mario. Isa sa mga tinitignan na senyales na patuloy

ang pagganda ng ekonomiya ng bansa ay ang suhestiyon ng isang malaking international bank na i-globalize ang currency ng Pilipinas, ang Philippine Peso. Ibig sabihin maihahalintulad

na ang Philippine Peso sa US Dollars na itine-trade ng ibang bansa. Ito ang ipinagmalaki ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang ginawang talumpati kamakailan sa Paris, France bilang bahagi ng kanyang European Tour. Bagaman nilinaw ng pangulo na hindi siya agad sumang-ayon sa naturang suhestiyon, agad naman

niyang inatasan si Finance Secretary Cesar Purisima na pag-aralan itong mabuti. Para kay PNoy, ang pagkakataon na ito ay isang hudyat ng pagkakaroon ng puwang ng Pilipinas sa mundo bilang isang bansa na puwedeng makipagkalakalan. Kasalukuyang nasa bansang France ang pangulo at nauna nang nakipagkita kay French President Francois Hollande sa Elysse Palace upang siguraduhin na bukas ang Pilipinas sa anumang negosyo mula France. Dagdag pa ng pangulo na sa mga nauna niyang pulong ay nakamit na ng kanyang administrasyon ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Hindi sang-ayon si Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa planong ibalik ang parusang bitay. Ani ng kongresista, hindi ito solusyon sa patuloy na lumalalang kriminalidad sa

bansa bagkus ang dapat gawin ng pulisya ay magkaroon ng mas epektibo at episyenteng pagpapatupad ng batas. Nangangailangan ng konkretong reporma ang kasalukuyang sistema ng pulisya mula sa imbestigasyon, prosekusyon at sa hukuman gayundin sa mga local government (LGUs) pati na rin barangay na tumulong sa

pagsugpo ng krimen. Nakikisimpatya naman si Atienza sa mga naging biktima ng mga karumal-dumal na krimen ngunit hindi niya nakikita na magiging solusyon ang pagsasabatas muli ng death penalty. Dagdag pa ng kongresista na dapat pag-isipan mabuti kung paano aayusin ang sistema ng hustisya sa bansa kung saan ang mga mahihirap na hindi kaya makapag-bayad ng sariling abogado o magpiyansa o walang perang pangsuhol sa mga corrupt na pulis, piskal at maging mga hukom ang mabibitay.

Page 3: The Pinoy Chronicle October First Issue

3DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino pinoy-global

The Philippines is ready to stand up and be counted, as U.S. President Barack Obama calls on the world to join in the America-led military campaign against ISIS. According to Aquino "Of course, we

want to something doable and within our capabilities without posing undue risks through their forces or the country at large." Aquino also stated that "Secretary of Foreign Affairs is meeting with some State Departments officials to get more details exactly if they are asking for assistance, and what manner of assistance-what is the assistance they are asking from us actually which we will review."

Aquino's support for Obama's actions against ISIS stance after the reports that about a hundred of young Filipinos from Mindanao have left to join the ISIS in Iraq and Syria. However, the president downplay fears, ISIS has extended its reach to the Philippines. "ISIS is still parang same groups yung pinoporblema natin - Abu Sayyaf", "Baka yung BIFF are doing basically the same things, but now attributing it to their joining ISIS, which doesn't necessarily mean that they are ISIS" said Aquino. Due to this support for Obama's action against ISIS is a reminiscent of his predecesor Gloria Macapagal Arroyo, whom she signed up the country to George W. Bush's "Coaltiion of the Willing" against Iraq in 2003. Still, Aquino assures the safety of Pope Francis on his visit to the Philippines this January, the Pope will be se-cured by the presidential security group, following the threats of assasination from the Islamic extremists. According to Aquino, "We're not going into details", "Kung ano yung ina-afford sa akin ng PSG na effort, I want to see them double the effort, especially for the head of the Holy Mother Church. There shouldn't be any incident while he's in our country."

After a week of delib-erations, jurors found 25-year-old Ralph De-leon guilty in three of the five terror-related

charges he has been facing. The jurors found him guilty of conspiracy to provide material support to terrorists; conspiracy to commit murder, kidnapping or maiming overseas; conspiracy to

murder "officers and employees" of the United States. Afghanistan-born Sohiel Omar Kabir Deleon's co-defendant was also found guilty on four charges. A conviction in a conspiracy to kill Americans overseas charge car-ries a maximum sentence of life in prisonment. The alleged ring leader of the terror plot Kabir, who was aprre-hended in Afghanistan, a l leg-edly recruited Miguel Santana and Arifeen David Gojali, both of whom had pleaded guilty in the charges against them, eventually testifying against Deleon and Kabir. Deleon, Laguna-born, a Catholic-raised came to US as a teenager and converted to Islam around 2010 when he met Kabir at a local hoo-kah bar. According to the defense lawyers claimed that Deleon, Santana and Gojali were big potheads and were most likely entrapped by an FBI informant. They were arrested in 2012, as they were allegedly leaving US to carry out the terror plot they had been training for. While Deleon's family declined

to speak about the conviction, Ralph's father spoke to Philippines newstation based in North America, days after Ralph's was arrested. He describe his son then as a very so-ciable kid, who was active in school and sports. Ralph's elder brother even ex-plained how Ralph went from typi-cal highscool student to a devout Muslim. He said, "Nabigla kami as magu-lang kasi syempre gusto namin mag patuloy ng Catholic kasi nga yun ang kinalakihan niya. But ni-respeto ko basta... I think it started with a simple curiosity n'ya and then such time he thought mas gusto niya na intindihin niya nang mabuti so he went into it more seriously. So 'yan lang ang dahilan niya without any regrets I hope. Yung nangyari sa kanya, pati siya nabigla din siya sa lahat." It is still unknown at this time if Deleon or Kabir will attempt to appeal the verdict, though Deleon is scheduled to return to the court next month, as prosecutors con-sider retrying the two counts that failed to reach verdicts.

The Filipino-American teen Daredevil, Justin Casquejo does it again. Just two weeks after he apologized to New York City

Judge for climbing One of the World Trade Center Justin was arrested again, this time for scalling New Jersey's iconic water tower. A neighbor's video reportedly caught the teen with two others climbing the 175-foot watertower on Park Avenue. Justin Casquejo was arrested and charge with defiant trespassing and resist-ing arrest. Just weeks before, a New York City judge sentenced Justin Casquejo of 23days community service after the posted pic-tures online from the top of the World Trade Center in New York. The judge even said she was impressed by Justin Casquejo.

Martin Cruz, a three years old kid from New Jersey already knows how to bang on his father's drums with perfect rhythm and beats. According to Martin's mother Gem, Martin learned how to play drums before learning how to speak, she also added

that they first introduced Martin to the instrument when he was just 15 months old. "Sinubukan lang namin ng mister ko na ipahawak yung drumstick. Then nag-start na siyang magpalo-palo dun sa tambol" "Meron s'yang rhythm. Alam mong may potential siya agad" she said. Dennis Martin's father, a drummer in a chruch group, began teaching Mar-tin after he noticed him air-drumming along with him during Mass. "Pagdating ng two-and-a-half, nag-start na siyang mag-serve sa simbahan. Nag-drums na rin siya ng parts of the mass songs," Nathan the older brother of Martin also plays drums, but jokingly said that the toddler who has yet be enrolled in preschool was already better than him. According to Gem and Dennis, they are planning to enroll Martin in a pro-fessional music school.

page 3

youtube sensation little drummer boy is a 3 year old fil-am

the first ever filipino music festival to be held in london

AQUINO stands firm with obama against the isis group

FIL-AM DAREDEVIL DOES IT AGAIN IN NEW JERSEY WATER TOWER

juror finds ralph deleon guilty in terror plot

the first filipino priest to be named by the pope as one of the international theological commision

According to the Philippine Embassy, bands from the Philippines will star in what has been billed as the first annual music festival

in the United Kingdom. Dubbed as the "P Fest UK", the event organized by the Finest Workers will fea-ture bands that flew all the way from the Philippines to perform live in London and Leeds. Big band names are expected to take part of this first annual music fest in London and Leeds, Sandwhich, Pedicab, Yano, Squid 9, Kate Torralba, The Diegos, and Top Junk. Joing them are the Filipino local tal-ents in the UK, the embassy said. The "P Fest UK" will be held in O2 Academy in London at Fiction Ramford. The Finest Workers UK organization are the group that earlier this april at Hammersmith Apollo in London orga-nized the Eraserhead concert.

A report on the Catholic Bishops Conference of the Philippines said that Pope Francis has appointed a Filipino priest Fr. Ger-ald Francisco P. Timoner to the International Theological Com-mision as one of its members. Gerald Francisco P. Timoner III is among the 30 new mem-

bers of the commision, all whom are theologians from different countries. The commision is composed of theologians from diverse schools and na-tions "noted for their knowledge and faithfulness to the Magisterium of the Church." The CBCP article from the Vatican website said that Gerarld Francisco P. Timoner III is the only Filipino member of the commision, Timoner will be serving a 5-year term from 2014 to 2019.

October 2014 I first isSue

Page 4: The Pinoy Chronicle October First Issue

4 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy community

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria [email protected] Sales and Marketing: jagger aziz [email protected] Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 [email protected] Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 [email protected] jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales [email protected] Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT [email protected]

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at [email protected].

The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044

Email: [email protected]

Ginisang Tahong

INGREDIENTS:

PROCEDURE:

PICTURE PROCEDURE

• 1. Saute onion, garlic, ginger and tomato in a casserole.

• 2. Add the mussels.• 3. Then add the fish sauce. Mix for 1 minute.• 4 . A d d t h e w a t e r a n d s i m m e r f o r a b o u t 5

minutes.• 5. Season with salt according to taste.• 6. Serve hot.

• 1 lb. mussels (tahong)

• 1 medium sized onion, chopped

• 3 cloves garlic, minced

• 1 ginger, sliced• tomatoes• 1/4 c fish sauce

(patis)• 1 c water• cooking oil

1 1

1 2

1 3

4-5

6 Serve it Hot

October 2014 I first isue page 4

Page 5: The Pinoy Chronicle October First Issue

5DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino TARA LET'sSEPTEMBER 2014 SECOND issue page 5October 2014 I first isue

B unsod sa sari-saring nakakatakot na kwento ang lumalabas tungkol sa Manila Film Center, sa loob nang mahabang panahon ay naging abandonadong gusali ito. Pero sa pagkislap at grandyosang palabas ay hindi na alintana ng mga manonod ng Amazing Show Philippines ang tungkol sa building. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kwento sa aksidenteng naganap sa Manila Film Center noong Nobyembre 17, 1981. Sinasabing habang ginagawa ito ay lagpas 100 construction workers ang naaksidentng nahulog at nasemento sa

ilalaim ng building. Minamadali ang pagpapagawa nito noon dahil sa ito ang gagawing venue ng kauna-unahang Manila Internation-al Film Festival. Quick drying ang klase ng semento na ginamit dito at di umano’y may siyam na oras pa bago nasimulan ang rescue operation. Pero hindi na nga ito ang magiging usapan kapag napanood na ang naggagandahang gays and transgender individuals sa Amazing Show Philippines. Ang nasabing production ay naglalaman ng iba’t ibang numbers na mula costumes, sets, at props ay mapapah-anga ka talaga. Iyon ay bukod sa mga talentadong performers na ang karamihan ay produkto ng beauty pageants. Sinasabing halaw ang konsepto ng Amazing Show sa Tiffany and Alcazar show ng Thailand at grupo ng mga Korean businessmen ang nasa likod nito. Karamihan ng audience ay foreigners na tuwang-tuwa lalo na’t sari-sari rin ang tema ng mga production num-bers na maaaring para sa mga Japanese, Koreans, Chinese at mayroon ding pang Broadway. Bahagi rin ng palabas ang interaction sa audiences na mas nagbibigay ng buhay pa sa kabuuan nito. Pagkatapos ng buong show ay personal ding kinakamayan, binabati at nagpapa-picture ang mga performers sa kanilang manonood. Noong una ay para lang umano sa mga Korean ang Amazing Show pero hindi naglaon ay sumikat at bukas na rin ito sa lahat ng nais na makapanood.

philippines showcases talents and beauty at

manila film centerni jane gonzales

Show Elegant ProductionCinderela ProductionNative Production

Japanese Production Hawaiin Production

Page 6: The Pinoy Chronicle October First Issue

6 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy na pinoy

Pasan mo ang malaking obligasyon sa iyong balikat na madalas ay kinakaya mo lang kahit mahirap. Salamat sa mga taong may masasaya at mabubuting loob, kahit papaano ay nagkakaroon ka ng lakas ng loob at kasiyahan sa buhay. Pero sa mga oras na kailangan mong umiyak, mapag-isa o hindi mabuti ang iyong

pakiramdam ay huwag kang mahiyang magsabi kung ano ang totoong nararamdaman mo.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Simple lang naman ang buhay pero nagiging kumplikado kapag sinamahan nang ‘di maipalawanag na mga emosyon ng mga tao. Ganito rin naman ang mga kai-bigan kahit akala mo malapit na kayo sa isa’t isa ay hindi madali na magsabi ng lihim o maitindihan ang kanilang pinanggagalingan. Kung umpisa pa lamang ay

mayroon ng panghuhusga maglalakas-loob ka pa bang magsabi? Bilang mabuting kaibigan alam mo ang tamang oras kung kailan ka dapat mabigay ng payo o making na muna. Ang si-kreto ay sikreto ay para sa dalawang taong nagtuturingan na magkaibigan.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Ang pagsasabi ng iyong nararamdaman ay hindi garantiya na magiging okay na ang lahat. Kailangan mong pangatawanan ang iyong sinabi lalong-lalo na kung may naapektuhan sa pagpapakatotoo mo sa iyong sarili. Kaya, bago mo ibigay ang isang malaking announcement ay siguraduhin na kakayanin mo ang kumplikasyon na dala nito. Mayroon kang mga inaasikasong bagay, kaya mo pa

bang dagdagan? Para mas madali sa iyo ang lahat, hintay ka na muna ng tamang pagkakataon para ipamalita ang iyong pinakaasam-asam sa buhay.

Taurus - April. 21 - May. 21

Sa simula pa lang ang nais mo na ay mapansin at kuminang ang iyong bituin. At hindi ka naman nahihirapan na hanapin ang iyong suwerte dahil ikaw mis-mo ang lumalapit dito. Pero huwag ka namang sumobra at maging sakim, kung kailangan na umatras sandali para ipasa o ibahagi ang natamasa mong suwerte ay gawin mo. Ituring mo itong pagtanaw ng utang na loob sa blessing na iyong

natanggap at pagiging instrumento ng kasiyahan ng ibang tao. Maniwala ka na nagawa mo na ang iyong marka.

Leo - July. 23 - August. 22

Mayroon kang mga personal na pinagdadaanan na hindi malalaman ng iba hanggang hindi mo sinasabi. Hindi mo na kailangan na isiwalat kung hindi pa kaya o kung hindi rin naman kinakailangan. Sino bang makakapamili sa kung ano ang matimbang sa kagustuhan ng iyong puso na sumubok ng interesanteng bagay o dikta ng iyong isipan na paghusayan pa kung ano ang iyong nasimulan?

Ikaw lang din ang makakatugon sa mga tanong at tinitibok ng iyong puso.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Ano pa ba ang magandang hakbang para maging positibo ang iyong pakiram-dam kundi tutukan na lamang ang positibong bagay na puwedeng mangyari. Araw –araw hindi malabong makadama ka ng lungkot, pangmamaliit, inggit o galit pero nasa iyo kung hahayaan mong ang mga ito ang maghari sa iyong

sarili. Pero dahil matibay ang iyong loob madali kang maka-recover at makalayo sa mga pag-kakataon na pang-soap opera lang ang eksena.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili para bang nasa tugatog ka ng tagumpay. Pero huwag mong hayaang sumobra ito sa nara-rapat at maapektuhan ang relasyon mo sa iyong malalapit na kaibigan. Mainam kung makapaghatid ka ng positibong bagay sa ibang tao pero tandaan mo na kailangan mo ring handang makinig at tanggapin na hindi lahat ng tao ay kagaya

mo. Maging sensitibo sa mga tao sa iyong paligid, sa ganitong paraan mas titibay ang iyong relasyon sa kanila at mas lalawak din ang iyong pananaw sa buhay.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Hindi nasusukat sa kislap ng mata at pagtango ng ulo ang impluwensya mo sa isang tao. Katunayan ay mayroong iba na hindi umaamin at matagal bago mapagtanto ang mga bagay-bagay. Ang mga ito ay bukod pa sa talagang dating ng iyong personalidad. Ano ba talaga ang hinahangad mo sa buhay? Gusto mo

lang bang magpakitang-gilas o makatulong? Minsan kahit may nagawa ka sa isang tao pero kung ito ay pagpapanggap lamang ay balewala rin ang resulta.

Aries - March. 21 - April. 20

Dahil isa kang maparaan na tao ay nagagawa mong maging masaya kahit sa totoo lang ay ayaw mo ang iyong ginagawa. Mabuti dahil may ganito kang talent pero maging tapat ka rin sa iyong sarili at sa ibang tao. May mga oras na kailangan mong magparaya pero kung ito ay nagiging lihim na problema na para sa iyo ay hindi na rin maganda. May dalawang hakbang para maging malaya ka, tanggapin

na lamang ang sitwasyon o maglakas-loob na kumawala rito.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Nakatuon ang iyong pansin na abutin ang iyong mga pangarap kahit pa mataas. Subalit tila nagiging mahirap makamit ang mga ito dahil sa sitwasyon na iyong gi-nagalawan. Nakakapanghinayang ang mga nakikita mong oportunidad pero nasa dibdib mo rin ang takot na baka makaligtaan mo ang landas na iyong nais tahakin. Mabuti na lamang at ang disipilina ay nanalaytay sa iyong diwa na nagiging sandi-

gan mo anumang tukso ang dumating sa iyong buhay.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Sino bang ayaw nang mahayahay na buhay, halos lahat ay handang magbayad para lamang maranasan ito o mapadali ang kanilang gawain. Pero hindi lahat ay nabibili at nagagawang madali. May mga prosesong dapat na pagdaanan bago maranasan ang tagumpay at mariwasang pamumuhay. Kahit na maraming tuk-

song dumating at hamon na susubok sa iyong katatagagan, piliin mo ang integridad at maka-bulahang karanasan kaysa bagay na ang tanging hatid lamang ay mapadali ang iyong trabaho.

Gemini - May. 22 - June. 21

Ang baguhin ang isang tao ay napakahirap, kung hindi man ay napakaimposi-bleng bagay. Puwede kang magdikta kung ano ang puwedeng sunod na gaga-win pero hindi ang reaksyon at emosyon. Kahit na mabuti naman ang iyong intensyon, huwag mong maliitin at pilitin ang mga bagay na hindi mo kayang saklawin. Sa halip na pagtuunan mo na lamang ang iyong sarili at kung paano

ka makikitungo sa ibang tao. Analisahin mo kung paano mo mas maipapadama ang iyong pag-mamahal sa halip na unahin ang takot na iyong nararamdaman.

Cancer - June. 22 - July. 22

October 2014 I first isue page 6

Page 7: The Pinoy Chronicle October First Issue

pinoy-BiZzpage 7October 2014 I FIRST ISSUE

Other side ni Daniel,

bistado sa audio- video

record

cherry pie, humihingi ng hustisya para sa ina

john prats at isabel oli, ikakasal na rin

I sang minuto at tatlong segundo lamang ang isang audio clip pero naging kontrobersyal na ito lalo na’t ang tinutukoy na boses ng lalaki rito ay pagmamay-ari ng Kapamilya young star na si Daniel Padilla. Ang laman ng usapan ay tungkol sa isang nagngangalang Sam at isang babae na kinakikiligan

nito dahil sa palitan nila ng text messages. Matapos magsalita sa The Buzz sa kanyang pasasalamat sa kan-yang mga supporters at hamon sa kanyang mga bashers nang unang pumutok ang isyu ay inako ni Daniel sa Aquino and Abunda To-night na siya nga lalaki sa audio. Saad pa ng aktor isang kaibigan ang nag-record at nagkalat nang nasabing audio na labis niyang iki-nadismaya. Inamin nito na siya ay nagkamali at naging aral sa kaniya ang nangyari. “Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganitong problema. Nagpapasalamat ako dahil natututo ka sa mga pagkaka-mali.” Saad din ng aktor na humingi na rin siya ng dispensa kay Kathryn na kanyang ka-love team at pinatawad na rin umano s’ya nito. "Nagpapasalamat ako dahil pinatawad niya ako. Dun lang ako nag-kamali... lalaki ako, e,” pahayag pa ng pamangkin ni Robin Padilla.

SINU-SINO ANG PINAG-UUSAPAN SA AUDIO CLIP? Sa umpisa ng usapan ng dalawa o tatlong lalaki ay nabanggit ang isang nagngangalang Sam na ‘di umano’y si Sam Concepcion. Ang nasabing Sam ay katawa-tawa umano sa kaboses ni Daniel dahil feel-ing si Billy Joe (Crawford) ito na nakita niya pang naka-leather jacket na ikumpumpara niya sa isang ordinaryong motorista. Maya-maya pa ay binanggit din nito ang isang text message ng isang babae na nagpapakilig sa kanya. Sinasabing ang babae na iyon ay si Jasmine Curtis- Smith na kanyang co-star sa upcoming film na Bonifacio: ang Unang Pangulo at nobya ni Sam Concepcion. Dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan, umani ng pamba-batikos sa netizens at fans nila Kathryn at Daniel si Jasmine. Pero nang nakapanayam ito ng press ay sinabi nitong naiintindihan niya ang mga fans ng KathNiel love team. Sinabi rin nitong napag-usapan na nila ni Sam ang tungkol dito at wala nagbago sa kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat din ng dalaga ang agad na pagdepensa sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Anne Curtis lalo na’t sa mga below the belt na tirada sa kanya. Ayaw na rin magkomento ni Sam sa isyu pero binati niya si Daniel dahil sa pag-amin nito at pinayuhan na lamang mag-ingat sa mga salitang binibitawan nito. Samantala, suportado rin ni Robin ang kanyang pamangkin na aniya’y biktima ng pekeng kaibigan. Sa isang panayam ay sinabi nitong dapat ang sisihin sa isyu ay ang nagkalat ng audio at hindi si Daniel. Aniya, isang pribadong usapan iyon ng mga kalalakihan na dapat ay nanatili lamang sa kanila. Dagdag pa niya sa edad ni Daniel ay malabo naman na hindi ito humanga sa magagandang babae na gaya Jasmine.

Dahil sa hindi sinasagot ang kanyang tawag, minabuti nang aktres na si Cherry Pie Picache puntahan na sa bahay nila ang kanyang 75 taong gulang na inang si Zenaida “Baby” Sison. Subalit sa kasawi-

ang palad ay wala na itong buhay at tadtad ng saksak nang kanyang madatnan sa kanilang tahanan sa Sct. Dr. Lascano Street, Quezon City gabi nitong Setyembre 19. Bagaman nagdadalamhati pa sa kinasapitan ng ina ay taos-pusong nagpapasalamat ang premyadong aktres sa lahat ng nanalangin at sumusporta sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya. Aniya ay patuloy sanang manalangin ang kaniyang mga kaibigan at supporters na mabigyan ng hustisya ang pagpaslang sa kanyang ina. Kahit na-cremate na ang kanyang ina noong Setyembre 24 ay wala pa ring natutukoy na suspek sa malagim na insidente.

Narito naman ang opisyal na pahayag ni Cherry Pie. “My family is very aggrieved from this unfortunate event that happened to our mother. We trust that the QCPD (Quezon City Police Department) together with the Scene of the Crime Operatives (SOCO) through their vigilance and effort will apprehend the person or per-sons who committed this gruesome crime against our mother and family and to our society. “We would like to thank the office of the mayor of Quezon City, Hon. Mayor Herbert Bautista for their im-mediate action, Harlene Bautista Tejedor for her assis-tance. The following officers of QCPD and SOCO for their immediate and efficient processing of the crime scene: Col. Lemuel Obon, Chief Station Commander of Kamun-ing Police Station, Precint 10; Elmer Monsalve, Homicide Division Chief; Dra. Palima, Medico Legal SOCO; Sir Ben Corpuz, PO3 Rojas, P03 Erickson Isidro, CIDU, P02 Rodi Daproza, Councilor Inton, QC Government Undersecre-tary Abesamis, Baranggay Captain Tiamson, Kagawad Magno of Bgy.Paligsahan, QC. “Also acknowledged was the Jose Family of Ar-lington Funeral Homes, for their valued assistance. In behalf of my whole family, we graciously thank all of you who were there in the time that we needed it most. We would like to ask for your prayers con-tinually. “We know that our God is merciful and just and that through these all, justice will be served.”

Pinagtugma ng tadhana o nagkataon lamang pero tila sunod-sunod na nga ang mga ce-lebrity couple ang gustong magpakasal. Dagdag na rin dito ang former child star and TV personality na si John Prats na noong

nakaraang Setyembre 25 ay nag-propose na ng kasal sa kanyang nobyang si Isabel Oli sa isang public place sa Eastwood, Quezon City. Kilalang magaling na dancer, may kinalaman din sa pagsasayaw ang gimik ni John para sa kanyang nobya na aniya ay dalawang buwan na pinaghandaan. Kakontyaba ang nakababatang kapatid na si Camille Prats, magkasama ang dalawa na namimili sa Eastwood Citywalk hanggang sa bigla ay nakiusyo na ang dalawa sa isang flash mob na binubuo ng may 300 mananayaw.

Maya-maya pa ay lumabas mula sa hilera ng mga manonood si John at sumama sa mga sumasayaw at pag-katapos ay lumuhod sa harap ni Isabel saka nag-alok ng kasal. Gulat at mangiyak-ngiyak ang dalaga na sinagot nang matamis na “oo” si John. Sa sunod na taon na ikakasal ang dalawa na ang tenta-tive date ay sa buwan ng Mayo gaganapin. Matatandaan na nitong Agosto ay nakatanggap na rin ng wedding proposal si Heart Evangelista sa kanyang nobyong si Sen. Chiz Es-cudero. Sa Pebrero ikakasal ang couple na nagkataon na nagkaroon ng maliit na issue dahil pareho sila ng napiling wedding date at venue ni Cesca Litton. Si Heart ay dating nobya ni John na naging girlfriend ni Jericho Rosales na dati ring nobyo ni Cesca. Si Jericho ay naunang ikasal sa tatlo nitong Mayo lamang at ginanap sa Boracay beach.

IMPRESS: JAMES REID’S EPIC COSMO SUCCESS

Standing up after epic fall is the next sexy, ito na siguro ang masasabi sa isa sa takaw-eksenang na bahagi ng Cosmopolitan Tower 69 Bachelor Bash na ginanap sa World Trade Center nitong Setyembre 23. Hindi kasi sinasadya ay nalaglag ang 21-year old young actor na si James Reid sa entablado pero tumayo ito at tumuloy sa kanyang pagrampa. Kung noong una ay umani ng palakpak ang actor na bida ng Talk Back

and Your Dead at Ang Diary ng Pangit dahil sa kanyang magandang katawan, matapos ang kanyang pagbagsak paghanga na ang kanyang na-tanggap sa audience. Dahil sa kanyang “the show must go on” act ay nag-ing highlight tuloy siya sa lahat ng rumampa ng gabing yon na kinabibi-langan din nila Benjamin Alves na nag-selfie sa stage, Geoff Eigenmann, Rafael Roselle at Paulo Avelino na huling lumabas sa stage. Samantala kasama rin sa mga rumampa ang pambato ng Pinas sa iba’t ibang patimpalak para sa mga kalalakihan gaya ni Mister International Philippines 2014 Neil Perez na isa ring Airport police at Sam Ajdani na representative ng Pinas sa Mister World 2015.

EXPRESS: NAKED CRITICISMS AND JAKE CUENCA’S LAST

STINT Totoo sa kanyang pangako, halos wala nang saplot na nagmodelo si Jake Cuenca sa Bench Naked Truth denim and underwear fashion show. Bago pa man ang nasabing event na ginanap sa SM Mall of Asia Arena ay nagsabi na si Jake na pinaghandaan niya ta-laga ito dahil iyon na ang kanyang huling pagrampa sa nasabing show. Hindi naman nabigo ang binata dahil isa s'ya sa pinag-usapan ng gabing iyon dahil sa kanyang ma-pangahas na kasuotan. Pero hindi rin siya naging ligtas sa kritisismo

dahil sa tila lumusog niyang katawan. Maliban dito may ibang manonood ang na-offend sa isang bahagi ng show na kung saan may isang babae ang nakatali ang leeg habang nagsasayaw. Kasamang lumabas ng acrobatic dancer si Coco Martin na balot na balot noong gabing iyon. Si Coco ang may hawak ng dulong tali na naka-dugtong sa leeg ng dancer. Para sa ibang netizens nagmukhang “pet” at “sexual object” ang babae. The Naked Truth is you can't please everyone.

EXPRESS: ANDI EIGENMANN NO TO JAKE, YES TO BRETT?

Tinuldukan na ng actress na si Andi Eigenmann ang kanyang on and off relation sa non-showbiz son ni Manila mayor Joseph Estrada na si Jake Ejercito. Inamin nitong sa ngayon ay nagkakakalapit at nililigawan siya ni PBB ex housemate Brett Jackson na matagal na niyang kilala. Matatandaan na sinundan ang kwento ng pag-iibigan nina Andi at Jake dahil sa kumplikadong relasyon na umingay pa ng magkasamaan ng loob si Andi at ang kanyang inang si Jaclyn Jose. Huling nakita ang dalawa sa VIP area ng Cosmopolitan Tower 69 Bachelor Bash. Ayon kay Andi nagpunta s’ya sa event para suportahan ang kanyang pinsang si Geoff Eigenmann habang si Brett ay para sa kan-yang best friend na si James Reid. Ayon sa dalaga ay hindi pa naman sila official couple at kinikilala pa nila ang isa’t isa. Haba ng hair mo girl!

ni phoebe dorothy estelle

Page 8: The Pinoy Chronicle October First Issue

Ang Seven Bank ATM ay available sa 9 na wika kasama angtagalog at inglesAng ilang bahagi ng screen ay nasa wikang Hapon. Ito ay para sa mga Seven Bank account transaksyon lamang. 

May Filipino staff na magsusuporta sainyo sa customer center

Susuportahankayo sa Tagalog

Para sa karagdagang impormasyon sa Serbisyong Pagpadala ng Pera sa Ibang Bansa ng Seven Bank, bumisita dito http://www.sevenbank.co.jp/soukin/ph/

Sa pamamagitan ng Seven Bank account, magagawa na ang mga transaksyon sa online!Gamit ang inyong PC o smartphones ay maaaring magpadala ng pera at magsagawa ng iba't ibang uri ng bank service tulad ng time deposit, domestic money transfer, pag-utang at mga related procedure.

http://www.sevenbank.co.jp/english/personal/guide/

Customer Center ng Seven BankPara sa pagrehistro at iba pang katanungan.Susuportahan kayo ng aming Tagalog Operator.

0120-677-87410:00-20:00 Linggo-Biyernes. Maliban sa National holidays, at mula ika-31 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero.

Libre

C

M

Y

CM

MY

CY

CMY

K

7Bank_210x297_Tagalog_2nd.pdf 1 9/10/14 3:19 PM