the story of god's church
DESCRIPTION
A 12-Week Journey through selected stories in the Book of Acts. You can listen to the audio recordings of this sermon here: http://wp.me/Po4gZ-1eK.TRANSCRIPT
The Story of God’s Church
Derick Parfan
A 12-part sermon series
based on selected stories in
the Book of Acts
1
THE STORY OF GOD’S CHURCH
A 12-Week Sermon Series Based on Selected
Stories in the Book of Acts
DERICK PARFAN
http://pastorderick.com
2
TABLE OF CONTENTS
PART 1 – JESUS AND HIS CHURCH 3
PART 2 – THE SPIRIT AND THE CHURCH 17
PART 3 – WITNESSING AND WONDERS 29
PART 4 – PERSECUTION AND BOLDNESS 44
PART 5 – UNITY AND PURITY 58
PART 6 – LEADING AND SERVING 71
PART 7 – RADICAL TRANSFORMATION 86
PART 8 – LISTENING AND GOING 100
PART 9 – SENDING HELP 114
PART 10 – JOINING GOD’S WORK 128
PART 11 – GOSPEL-DRIVEN MINISTRY 141
PART 12 – ADVANCING GOD’S KINGDOM 155
3
PART 1 – JESUS AND HIS CHURCH January 20, 2013 | Derick Parfan | Luke 22:14-20; 24:46-53; Acts
1:1-14
The Story of God's Church
Maraming tao ang akala nila kapag sinabing "church" ito yung
"building." Kaya kung wala pang building, wala pang church.
Akala naman ng iba, ang involvement sa church ay kapag
Sunday lang. Kaya kapag Sunday mo lang sila makikita. Akala
naman ng iba, makikinig ka lang ng sermon, mabe-bless ka na.
Akala ng iba ang involve lang sa missions ay ang mga mature at
mga leaders ng church. Akala ng iba growing ang isang church
kapag dumadami ang members o busy sila o maraming
activities. Akala ng iba puwede silang lumago sa espirituwal na
buhay kahit wala silang kinabibilangang church. Pwede
namang makinig ng sermon sa radio o sa Internet. Akala ng iba
ang buhay Cristiano ay yung tanggapin mo lang si Jesus bilang
Tagapagligtas at hintaying mamatay para mapunta sa langit.
Akala ng iba okay lang namang hindi maging committed
member ng isang church. Kaya kapag may hindi nagustuhan sa
church nila o may nakatampuhan, madali namang lumipat sa
iba.
Marami tayong mga akala na may kinalaman sa kung ano ba
ang church. Ang tanong, "Tama ba ang mga akalang ito?" May
kasabihan nga tayo, maraming namamatay sa maling akala.
Ganoon din kapag tungkol sa church. Kung mali ang mga akala
natin, walang buhay o walang sigla ang buhay natin o ng church
natin. Para magkaroon tayo ng tamang pananaw kung ano ang
church at ano ang kinalaman natin dito, simula ngayon
magkakaroon tayo ng 12 bahaging pag-aaral ng "The Story of
God's Church" na hango sa mga kuwento ng mga unang
4
nangyari sa unang church sa book of Acts. Ang problema kasi
hindi alam ng maraming Cristiano kung ano ang bahagi ng
Church sa Story of God, at kung ano ang bahagi ng bawat isang
Cristiano sa Church. Dalangin ko na ito ang ilan sa mga
mangyari pagkatapos ng series na ito:
1. Mas tumibay ang pananampalataya natin. Hindi lang
kuwento sa Acts ang maririnig natin, kundi ipapakilala
ng Dios ang sarili niya kung paano siya gumagawa sa
pamamagitan ng church. Titingnan din natin ang ilang
may kinalaman sa Statement of Faith natin para maging
malinaw sa atin kung bakit ito ang pinaniniwalaan
natin.
2. Mas maunawaan natin kung ano ang church at ang
layunin ng Dios para dito. Kung meron man tayong dapat
tularan o meron mang prinsipyong dapat tayong
tingnan, hindi ang CCF o VCF o GCF o ang G-12, kundi
ang unang church sa book of Acts. Makikita natin kung
paano nagliyab ang church na iyon at kumalat sa iba't
ibang dako ng mundo hanggang ngayon.
3. Mas tumibay ang commitment natin bilang member ng
church na ito. Titingnan natin kung ano ang tungkulin o
responsibility na gusto ng Dios na gawin natin bilang
member ng church. Kaya babalikan din natin ang
pinirmahan nating "church covenant" at kung may
kailangan mang baguhin o idagdag, gagawin natin. Kung
hindi ka pa member, ang prayer ko ay makita mo ang
inam at saya ng pagkakaroon ng commitment sa isang
local church. Para bang bumisita ka sa isang bahay tapos
5
napansin mong ang saya-saya ng pamilya nila, sabi mo
sa sarili mo, "Gusto ko ganito din!"
4. Mas maging mahusay at epektibo tayo sa church
formation at church planting. Matututunan din natin ito
sa Book of Acts. Kaya dapat pag-usapan natin ang mga
kuwentong ito sa small groups, sa K-Group ninyo
ngayon, at sa mga nakatapos na ng 12-Week Story of
God para matulungan silang maging member ng church
o kung nasa ibang lugar makabuo ng panibagong
churches.
Sabi ni Thabiti Anyabile: “Whether your Christian life began
yesterday or thirty years ago, the Lord's intent is that you play
an active and vital part in his body, the local church. He intends
for you to experience the local church as a home more
profoundly wonderful and meaningful than any other place on
earth. He intends for his churches to be healthy places and for
the members of those churches to be healthy as well” (What is
a Healthy Church Member?, page 14).
Continuing Acts of Jesus
Ngayon, tingnan na natin ang unang bahagi ng kuwentong ito.
At habang pinapakinggan natin, tingnan n'yong mabuti kung
sino ang nasa sentro ng kuwentong ito. Kung sino talaga ang
bida. Hindi naman ang church. Hindi naman ang mga apostol.
Ito kasi ang nagiging problema ng maraming churches ngayon,
nawawala tayo sa sentro. Minsan ang nagiging sentro ay ang
pastor. Minsan ang mga programa sa church. Minsan ang pera
naman. Pero hindi ba't nagkakaisa tayong ang sentro nito ay
ang Panginoong Jesus, wala nang iba! Huwag na tayong
humanap pa ng iba. Ito ang isa sa mga burden ni Luke, ang
6
sumulat ng Book of Acts at sumulat din ng Gospel of Luke. "In
the first book, O Theophilus, I have dealt with all that Jesus
began to do and teach" (Acts 1:1). Ang sinasabi niya, sa Gospel
of Luke daw ang isinulat niya ay ang sinimulang gawin at ituro
ni Jesus. Ibig sabihin, dito sa Acts, ang sinulat niya ay ang
ipinagpapatuloy na gawin ni Jesus, sa buhay ng iglesia noon
hanggang sa church natin ngayon. Bahagi naman ito ng
pangako niya, "I will build my church" (Matt. 16:18). Sa
kanyang iglesia ito, siya ang gagawa dito.
Maraming purposes si Luke bakit niya ito isinulat. Pero isa sa
layunin niya ay patunayan sa pamamagitan ng mga kuwentong
ito, mga totoong nangyari, kung paanong kahit si Jesus ay hindi
na nakikita o pisikal na nakakasama ng iglesia, nagpapatuloy
siyang gumagawa at dapat manatiling nasa kanya ang sentro ng
buhay ng iglesia. Kaya kung nakikinig tayo ng kuwento, hindi
tamang ang tingnan lang natin ay iyong "Acts of the Apostles"
kundi "Acts of the Risen and Reigning Christ."
The Story of Jesus and His Church
Napakahalaga ng unang bahagi ng kuwentong ito para makita
natin kung saan ba nagsimula ang church, na ano ang dahilan
kung bakit may church. Galing ito sa Luke 22:14-20; 24:46-53;
Acts 1:1-14:
Sa huling gabi ni Jesus bago siya patayin, nakasama
niya ang labindalawang tagasunod niya sa hapunan.
Dumampot siya ng tinapay, nagpasalamat sa Dios,
pinagpira-pisaso iyon at sinabi, "Ito ay simbolo ng
aking katawan na ibinibigay ko para sa inyo. Gawin
ninyo ito para maalala ninyo ang ginawa ko para sa
inyo." Pagkatapos kumain, kinuha niya ang inumin at
sinabi, "Ang inuming ito ay simbolo ng bagong
7
kasunduang pinagtibay sa pamamagitan ng aking
dugong ibinubuhos para sa inyo. Gawin ninyo ito para
alalahanin ang ginawa ko para sa inyo."
Kinabukasan, ipinako si Jesus sa krus, namatay,
inilibing. Sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay. Lahat
ng ito ay nangyari bilang katuparan ng mga
ipinangako ng Dios. Ilang beses din siyang nagpakita
sa mga tagasunod niya sa loob ng 40 araw para
patunayan sa kanila na muli siyang nabuhay at turuan
sila tungkol sa kaharian ng Dios. Sa panahong ito, nag-
iwan siya ng mga utos sa kanila.
Isang araw, nakasamang kumain ni Jesus ang kanyang
mga tagasunod. Sinabi niya, “Huwag muna kayong
umalis sa Jerusalem. Hintayin n’yo ang pagdating ng
Espiritu na ipinangako ng Dios Ama. Ito ang sinabi ko
na sa inyo noon na kung paanong nagbautismo si Juan
sa tubig, ako naman ang magbabautismo sa inyo sa
Espiritu.”
Nang magkatipon sila ulit sa may Bundok ng Olibo,
tinanong si Jesus ng kanyang mga tagasunod,
“Panginoon, ito na po ba ang panahon na ibabalik n’yo
ang kaharian ng Israel?” Sumagot si Jesus, “Hindi
pinahihintulutan ng Ama na malaman ninyo kung
kailan mangyayari ang mga bagay na itinakda niya.
Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo,
bibigyan kayo ng kapangyarihan. At ikukuwento ninyo
sa iba ang mga bagay tungkol sa akin, mula sa
Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at
hanggang sa buong mundo.”
Pagkasabi nito, umakyat na si Jesus pabalik sa langit,
natabingan ng mga ulap, at di na nila nakita. Habang
nakatingala pa sila, may lumitaw na dalawang anghel
8
at sinabi sa kanila, “Si Jesus ay muling babalik sa
mundo kung paano n'yo rin siya nakitang umakyat sa
langit.”
Pagkatapos noon, masayang-masayang bumalik ang
mga tagasunod ni Jesus sa Jerusalem – gaya ng ibinilin
niya sa kanila. Sa loob ng halos isang linggo, palaging
nagtitipon sa isang kuwarto ang 120 sa kanila para
sumamba at manalangin kay Jesus. Kasama dito ang
labing-isang apostol, si Mariang ina ni Jesus pati ang
iba pang babaeng tagasunod niya, at ang mga lalaking
kapatid niya.
All About Jesus our King
Tungkol kanino ang kuwentong ito? It's all about Jesus! Mula
simula pa nga ng Story of God sa Old Testament, isinulat na ang
mga tungkol sa kanya (tingnan ang Luke 24:44), hanggang sa
pagtupad niya nito sa kanyang kamatayan at muling
pagkabuhay. Hanggang pag-akyat niya sa langit hanggang sa
pagbabalik niya. The Story of God's Church is the story of Jesus.
He is the gospel, the good news, the good story. "Now I would
remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which
you received, in which you stand, and by which you are being
saved, if you hold fast to the word I preached to you—unless
you believed in vain. For I delivered to you as of first
importance what I also received: that Christ died for our sins in
accordance with the Scriptures, that he was buried, that he was
raised on the third day in accordance with the Scriptures" (1
Corinthians 15:1-4). Dahil diyan, kaya nakalagay sa Statement
of Faith natin tungkol sa pinaniniwalaan natin tungkol kay
Jesus: "Ang ating Panginoong si Cristo Jesus ay Diyos at tao sa
iisang Persona. Siya lamang ang tanging Tagapamagitan sa
Diyos at tao. Isinilang Siya ng isang birhen at nabuhay nang
9
sakdal at walang bahid kasalanan, gumawa ng mga himala at
namatay sa krus kapalit natin bilang kabayaran sa ating mga
kasalanan. Siya ay nabuhay na mag-uli mula sa mga patay at
iniakyat sa langit sa kanan ng Diyos Ama."
Bago siya umakyat sa langit, Jesus was talking to his disciples
about the kingdom. At isang mahalagang bagay na
pinatutunayan niya ay ang katotohanan na he is the king of this
kingdom. He gives commands all throughout the 40 days. Bago
siya mamatay, sabi niya, gawin ang Lord's Supper para
alalahanin siya. Bago siya umakyat sa langit, "Maghintay kayo..."
Tapos, "Ikuwento sa iba ang tungkol sa akin." Ang buhay ng
iglesia ay nasa pagsunod sa mga salita ng Panginoon. Kaya nga
"tagasunod ni Jesus" ang tawag sa mga Cristiano. Everything in
the story of Acts flow from Jesus' works and words. Nawawala
sa sentro ang church kung hindi niya masyadong kilala si Jesus.
Sa narinig nating kuwento, paano ba ipinakilala kung sino si
Jesus? At bilang bahagi ng iglesia na binubuo ng mga tagasunod
niya, ano dapat ang response natin doon?
Remembering the Redeemer-King
Una, ipinakilala si Jesus dito na Redeemer-King. Ang kamatayan
niya ay ayon sa plano ng Dios simula't simula pa. Ito ay upang
tubusin tayong mga makasalanan at maging bahagi ng kanyang
kaharian. "Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at
inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na
nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga
kasalanan" (Col. 1:13 MBB). Ito ang dahilan bakit tayo
nabubuhay. Ito ang dahilan kung bakit nalapit tayong muli sa
Dios. Ito ang dahilan kung bakit wala na tayong takot na
maparusahan pa. Ito ang dahilan kung bakit tayo ngayon
merong church.
10
"Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa
inyong paggawa at pag-iisip ng masasama. Ngunit sa
pamamagitan ng pagkamatay ni Cristo, kayo ay ginawang
kaibigan ng Diyos, nang sa gayon ay maiharap niya kayong
banal, walang kapintasan at walang dungis. Subalit kailangan
ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong
pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang
dulot ng Magandang Balita na inyong narinig" (Col. 1:22-23).
Si Jesus ang basehan ng ating pananampalataya. Hindi lang ito
usapin para sa mga bagong Cristiano, kahit sa matagal na.
Kailangan nating manatiling tapat at matatag sa
pananampalataya. "Naligtas kayo sa pamamagitan nito, kung
matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko
sa inyo; dahil kung hindi, walang kabuluhan ang inyong
pananampalataya" (1 Cor. 15:2).
Paano magiging matibay ang pananampalataya natin kung
kinakalimutan natin ang pagiging sapat ng ginawa ni Jesus para
sa atin? At paano natin maaalala palagi iyon? Sa pamamagitan
ng regular (minsanan isang buwan ginagawa natin dito nang
sama-sama; kung pwede rin sa mga small groups ninyo sa
bahay-bahay linggu-linggo) na Lord's Supper. Sa pamamagitan
nito, we remember Jesus, the Redeemer-King. Sabi ni Jesus,
"Gawin ninyo ito para alalahanin ang mga ginawa ko para sa
inyo." Sabi niya, hindi minsanan lang, kundi palaging gawin,
tuluy-tuloy, para hindi makalimutan at sa gayo'y tumibay ang
pananampalataya. Hindi lang kapag Lord's Supper, pero kahit
sa mga ordinary daily conversations natin. Sa tingin n'yo ano
ang pinag-uusapan ng mga disciples noon? Kahit sa pagtuturo
natin ng Salita ng Dios, huwag dapat mawala sa sentro ang krus
ni Cristo. Kaya nakalagay sa church covenant natin ang
11
pangakong: "Uugaliin ko ang pagdalo sa pagsamba" at "Uugaliin
ko ang pagdalo sa isang Kaagapay Group." Paano mo nga
naman maaalala ang ginawa ni Cristo kung walang iba na
nagpapaalala sa iyo?
Proclaiming the Risen King
Ikalawa, ipinakilala sa kuwentong ito na si Jesus ay buhay at
mananatiling buhay magpakailanman. Jesus is the Risen King.
"Inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa
Kasulatan; at siya'y nagpakita kay Pedro, at saka sa
Labindalawa. Pagkatapos, nagpakita siya sa mahigit na
limandaang kapatid na nagkakatipon" (1 Cor. 15:4-6). Kaya nga
40 araw pa siyang nanatili sa kanila para makita nila,
mahawakan, makausap, at mapatunayang buhay ang hari nila.
Napakahalaga nito kaya sinabi ni Pablo, "At kung si Cristo'y
hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming
pangangaral at walang katuturan ang inyong
pananampalataya...At kung hindi muling binuhay si Cristo,
kayo'y hindi pa nalilinis sa inyong mga kasalanan at walang
katuturan ang inyong pananampalataya" (15:14, 17). Pero
totoong nabuhay si Jesus! May kabuluhan ang pag-asa natin,
ang pananampalataya natin, ang pangangaral natin. May
kabuluhan ang church natin! Pinatawad na tayo sa ating
kasalanan. Meron na tayong bagong buhay at may pag-asa na
may buhay na walang hanggan.
Kung buhay ang Panginoon natin, ano ngayon ang response
natin bilang isang church? We proclaim Jesus, the Risen King.
Ano ang sabi ni Jesus? "You shall be my witnesses..." (Acts 1:8).
Hindi lang ito ipamamalita nila ang kamatayan ni Jesus. Noong
panahong iyon, alam ng mga tao iyon. Pero ang maraming hindi
nakakaalam at hirap paniwalaan ng marami ay ang muli niyang
12
pagkabuhay. Kaya kung ano ang nakita nila, iyon din ang
ikukuwento nila sa iba. Sasabihin nila sa ibang tao, "Buhay si
Jesus!" Ito rin ang sasabihin natin sa ibang tao. Lahat tayong
naniniwala na siya'y muling nabuhay. Lahat tayong
nararanasan ang bagong buhay na dulot ng gawa ni Jesus sa
atin. Lahat tayo ay sasanaying ikuwento sa iba ang Story of God.
Iyan din naman ang unang pangako natin sa church covenant
natin: "Mag-aakay ako ng mga tao kay Cristo bilang kanilang
Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng aking mabuting
halimbawa at pagsaksi."
Worshipping the Reigning King
Ikatlo, Jesus is the reigning King. Namatay si Jesus para sa atin.
Sa ikatlong araw, nabuhay siyang muli. Pagkatapos ng 40 araw,
umakyat siya sa langit. Anong ginagawa niya doon? Sabi ni
Pedro sa sermon niya sa chapter 2, "Pinaupo siya sa kanan ng
Dios" (2:33). Ibig sabihin, naghahari siya bilang Panginoon.
Hindi pa lubos ang paghahari niya, pero sa lahat ng kumikilala
sa kanya bilang Panginoon, nakaluklok na siya sa trono ng
buhay nila. Ibig sabihin, he is the head of the church (Col. 2:18).
Dahil siya ang ulo, siya ang masusunod. Kaya nang umakyat si
Jesus sa langit, nakatingala sila. Sa kanyang pagbabalik,
nakatingala pa rin sila. Sa pagitan ng kanyang pag-akyat sa
langit at pagbabalik, nakatingala pa rin.
Iyon din ang dapat nating gawin in response. "At dahil dito,
siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang
pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni
Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa
lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos
Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang
Panginoon" (Phil. 2:9-11). We worship the reigning King.
13
Ganoon naman ang ginawa ng mga tagasunod niya nang makita
siyang buhay. "Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila"
(Matt. 28:17). "Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay masayang-
masaya silang bumalik sa Jerusalem" (Luke 24:52). Sa Acts
1:14, ano ang ginagawa nila? Di ba't nananalangin? Sino ang
kausap nila? Hindi ba't si Jesus na nakaluklok sa trono ng Dios
at namamagitan para sa kanila?
Sino ang isang babaeng binanggit doon na karaniwang
kinakausap ng maraming Pilipino kapag nananalangin sila? Si
Maria! Bakit sino ba si Maria? Dito nga siya huling nabanggit sa
Bibliya. Wala nang ibang talata sa Bibliya na nabanggit siya.
Wala na siya sa eksena. Pero si Jesus nananatili sa eksena. Siya
ang nasa sentro. Hindi si Maria. Si Jesus ang tulay sa Dios. Di na
natin kailangan pa ng ibang tulay (o tulay para makarating sa
tulay). Si Maria nga nananalangin kay Jesus, sumasamba kay
Jesus, sumusunod kay Jesus. Jesus is the King of his Church.
Walang Queen. Walang Mother. Siya lang ang dapat sambahin.
The church, the true church worships only one Man (who is
also God), Jesus Christ! So, pray to Jesus. Sing to Jesus. Offer
gifts to Jesus. Do everything in the name of Jesus.
Anticipating the Returning King
Ikaapat, Jesus is the returning King. Pag-akyat ni Jesus sa langit,
habang nakatingala pa sila, may lumitaw na dalawang anghel at
sinabi sa kanila na babalik si Jesus sa katulad na paraan din ng
kanyang pag-alis. Ibig sabihin, glorious. Ibig sabihin, visible.
Ibig sabihin, reigning in power. Ibig sabihin, bodily din kasi
nanatili siyang tao na may katawan nang siya'y bumalik sa
langit. Siguradong babalik siya. Sabi sa Statement of Faith natin
tungkol sa Pagbabalik ni Jesus: "Ang ating Panginoong Hesu-
Kristo ay personal na babalik, makikita natin ang Kanyang
14
kapangyarihan at maluwalhating pagbabalik at Siya ay
maghahari sa sanlibutan." Pag-uusapan pa natin iyan sa Part 12
ng series natin.
Kung babalik siya, ano ang dapat gawin ng church? Sabi ni
Jesus sa kanila, maghintay sila sa Jerusalem para sa pagdating
ng pangako ng Ama. Ang tinutukoy niya ay ang bautismo sa
Espiritu Santo na pag-uusapan natin sa susunod. Pero ang
gusto kong ipakita sa atin ay iyon bang kapag may pinangakong
darating ang Panginoon, inaabangan, hinihintay,
pinananabikan. Hindi iyong parang nasa airport ka at naiiinip
na naghihintay ng flight mo. Kundi iyon bang may sasalubungin
kang parating at sabik na sabik ang puso mong makita ang
inaabangan mong darating. We anticipate Jesus, our Returning
King. "Doon (sa langit) magmumula ang Tagapagligtas na
hinihintay natin nang may pananabik, ang Panginoong Jesu-
Cristo" (Phil. 3:20; tingnan din ang 1 Thes. 1:10). Nang itinuro
ni Jesus ang tungkol sa kanyang kaharian, sabik ang mga
tagasunod niya. Nagtanong pa nga, "Ngayon na ba iyon?"
Bagamat sinabi ni Jesus na hindi para sa kanila malaman kung
kelan, kung sabik silang dumating iyon, tatapusin nila ang
misyong bigay sa kanila na ipangaral ang mabuting balita
hanggang sa lahat ng bansa (Matt. 24:14; 28:19; Luke 24:47).
Pagbalik sa Jerusalem, ano ang ginawa nila? Hindi ba't
nanalangin? Ano kaya ang mga panalangin nila? Tungkol sa
trabaho nila o sa business o sa tuition fee o sa sakit? Hindi
kaya't tungkol sa pagdating ng Espiritu, tungkol sa muling
pagbabalik ni Jesus, tungkol sa kaharian ng Dios! "Our Father in
heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will
be done on earth as it is in heaven" (Matt. 6:9-10). Iyan ang
panalanging turo ni Jesus. Iyon malamang ang ginawa nila at
dapat din nating gawin hanggang ngayon kung nasasabik talaga
15
tayo sa pagbabalik niya. At kaya din tayo nag-cecelebrate ng
Lord's Supper dahil sabik tayong bumalik siya at personal,
mukhaan, pisikal natin siyang makakasalong kumain. "For as
often as you eat this bread and drink the cup, you proclaim the
Lord’s death until he comes (1 Corinthians 11:26).
The Jesus-Centered Church
Jesus. This church is all about Jesus - the Redeemer-King, the
Risen King, the Reigning King, the Returning King. Ang
dalangin ko sa Baliwag Bible Christian Church ay maging Jesus-
Centered Church. It would be helpful for us if we will ask
ourselves these three questions to help us evaluate if we are
being a Jesus-centered church:
1. Ang ginagawa ba natin ay dahil sa natapos nang ginawa
ni Jesus sa krus at sa kanyang muling pagkabuhay - na
sapat na ang kanyang ginawa para sa atin at hindi na
natin dapat dagdagan pa? O ginagawa natin ito na nag-
aakalang sa pamamagitan nito ay makukuha natin o
madaragdagan ang pagpapala ng Dios sa atin?
2. Ang ginagawa ba natin ay bilang pagkilala at pagsunod
kay Jesus na ngayon ay naghahari mula sa langit? O ang
ginagawa natin ay pagsunod na nakalakihan lang natin
na tradisyon o bilang paggaya sa ginagawa ng ibang
churches?
3. Ang ginagawa ba natin ay nagpapakita na nasasabik
tayo sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus at
ipinapakita natin sa mga tao kung ano ang klase ng
buhay sa ilalim ng kanyang paghahari?
16
Marami pang bagay tayong pag-uusapan tungkol sa church.
Marami pang dapat baguhin. May mga bagay na dapat
tanggalin. May mga bagay na dapat idagdag. May mga
programang dapat gawin. May mga ministries na dapat pag-
igihan. Pero lahat iyan ay secondary lang. Ang primary, ang
sentro, ay ang karangalan ng Panginoong Jesus. Huwag na
huwag ninyong ipagpapalit ang Panginoong Jesus. Huwag ninyo
siyang tatanggalin sa sentro ng iglesiang ito. Wala nang ibang
pwedeng ipalit sa kanya. Nakikiusap ako nang ganito kasi ang
nararamdaman ko ay tulad ng kay Pablo, "Ang pagmamalasakit
ko sa inyo ay katulad ng pagmamalasakit ng Diyos. Ang katulad
ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang
lalaki, walang iba kundi si Cristo. Ngunit nag-aalala akong baka
malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay
na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng
ahas" (2 Cor. 11:2-3). May this church have "a sincere and pure
devotion to Christ."
"He is the image of the invisible God, the firstborn of all
creation. For by him all things were created, in heaven and on
earth, visible and invisible, whether thrones or dominions or
rulers or authorities—all things (the church included!) were
created through him and for him. And he is before all things,
and in him all things hold together. And he is the head of the
body, the church. He is the beginning, the firstborn from the
dead, that in everything he might be preeminent. For in him all
the fullness of God was pleased to dwell, and through him to
reconcile to himself all things, whether on earth or in heaven,
making peace by the blood of his cross" (Colossians 1:15-20).
17
PART 2 – THE SPIRIT AND THE CHURCH January 27, 2013 | Derick Parfan | Acts 2:1-47
The Problem of Not-So-Amazing Church
Kung naaalala ninyo, itinuro ko na ang Acts 1-2 last Nov. 11
bilang bahagi ng "Story of God" sermon series natin. Last week
binalikan natin ang chapter 1. Ngayon naman ay ang chapter 2.
Ang kaibahan ngayon ay mas nakafocus tayo kung paano mas
magiging biblikal ang church natin at kung paano maaayon
sa malaking plano ng Dios sa buong mundo. Hindi lang ito para
sa BBCC, kundi pati sa church natin sa Barangca, at pati sa lahat
ng iba pang church na maitatayo ng church natin sa
pagtutulungan ng bawat isa sa atin.
Last week nakita natin na dapat ang church ay Jesus-centered
church. Wala nang ibang bagay, wala nang ibang isyu na mas
mahalaga pa kaysa ang ginawa ni Jesus at patuloy niyang
ginagawa. Ngayon, ano ang mangyayari kung hindi si Jesus ang
nasa sentro? Kung pastor ang nasa sentro, kapag namatay na
ang pastor o umalis na, mamamatay na rin ang church at mag-
aalisan na rin ang iba. Kapag pera naman ang nasa sentro,
away-away ang mangyayari sa church kapag hindi nagkasundo.
Kapag mga activities at programs naman, magpapakabusy na
lang tayo at makakalimutan na ang panahon para sa
Panginoon. Kapag building ang nasa sentro, hindi na natin
maiisip na kapag nasa bahay ay church din pala. Pumupunta na
lang tayo sa "church" kapag Linggo at hindi na tayo
namumuhay bilang "church" mula Lunes hanggang Sabado.
This is a not-so-amazing church.
18
The Story of the Spirit and the Church
But when Jesus remains at the center of the church, something
amazing will happen. In fact, something amazing happens in
the life of the early church. Let's now look at the story of Acts
chapter 2.
Tulad ng ibinilin ni Jesus, nanatili sa Jerusalem ang
mga tagasunod ni Jesus para hintayin ang
ipinangakong Espiritu.
Habang naghihintay sila, may 120 tagasunod ni Jesus
ang nagtipon sa isang kuwarto para manalangin isang
araw makaraan ang pitong linggo nang muling
mabuhay si Jesus. Habang nananalangin sila, bigla na
lang may dumagundong, parang isang malakas na
hangin at kulog, sa bahay na pinagtitipunan nila.
Bigla na lang may parang mga dilang apoy ang
dumapo sa bawat isa sa kanila. Bawat isa sa kanila ay
napuno ng Espiritu ng Dios at nagsimulang magsalita
sa mga wikang hindi naman nila nakasanayan!
Lumabas sila sa kalye at nagsimulang ibalita ang lahat
ng nakita nilang ginawa ni Jesus.
Narinig ang malakas na tunog na ito sa buong
siyudad, at dumagsa ang maraming tao sa labas ng
bahay para makita kung ano ang nangyayari. Sa mga
panahong iyon, maraming mga Judio (mga galing sa
lahi ni Abraham) na galing pa sa iba't ibang bansa ang
nasa Jerusalem para sa isang pista.
Nang marinig ng mga tao na nagsasalita ang mga
tagasunod ni Jesus sa iba't ibang wika, nagtaka sila,
“Paano nangyari ‘to? Hindi ba't mga taga-rito sila,
19
pero paanong nakapagsalita sila wika ng mga
bansang pinanggalingan natin tungkol sa mga
kamangha-manghang bagay na ginawa ng Dios?”
Namangha sila at nagtanungan sa isa't isa, "Anong
ibig sabihin nito?"
Pero ang ilan ay kinutya ang mga tagasunod ni Jesus
at sinabi, "Mga lasing lang iyan!"
Nagsalita si Pedro, isa sa mga pinakamalapit na
tagasunod ni Jesus, at ipinaliwanag sa mga tao kung
ano ang nangyayari, “Akala n'yo ba'y lasing ang mga
ito? Nagkakamali kayo. Maaga pa masyado, alas-
nuwebe pa lang. Ang nakikita n'yo ngayon ay
katuparan ng mga sinabi ng Dios sa mga mensahero
niya daan-daang taon na ang nakakaraan. Sinabi
nilang darating ang araw na ibubuhos ng Dios ang
kanyang Espiritu sa lahat ng uri ng tao - lalaki man o
babae, bata man o matanda - para ipahayag nila ang
kanyang mga salita."
"Makinig kayong mabuti," tuloy ni Pedro.
"Pinatunayan ng Dios na siya ang nagpadala kay Jesus
sa pamamagitan ng mga himalang ginawa niya. Pero
anong ginawa ninyo? Pinatay n'yo siya! Pero, muling
siyang binuhay ng Dios. Nakita namin ang lahat ng ito.
Kaya ngayon, nakaupo siya sa pinakamataas na
posisyon sa langit, sa kanang kamay ng Dios. At dahil
sa ginawa niya, ipinadala ng Dios ang Espiritung
ipinangako niya, gaya ng nakikita at naririnig n'yo
ngayon. Malinaw na ang Dios ang nagpasyang si Jesus
- na inyong pinatay - ang siyang Panginoong at
Tagapagligtas."
Nabagabag ang mga tao sa narinig nila, kaya
tinanong nila, "Ano ang dapat naming gawin?"
20
Sumagot si Pedro, “Bawat isa sa inyo ay dapat
tumalikod na sa inyong mga kasalanan, magsimulang
lumapit sa Dios, at magpabautismo sa pangalan ni
Jesus para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan.
Pagkatapos, matatanggap n'yo ang regalo ng Dios -
ang kanyang Espiritu. Ang pangakong ito ay para sa
inyo at sa inyong mga anak at maging sa mga hindi
lahi ni Abraham."
Nang araw ding iyon, tatlong libo ang naniwala sa
sinabi ni Pedro, nagsisi sila at nagtiwala kay Jesus.
Tumalikod sila sa mga kasalanan nila para sumunod
kay Jesus at mamuhay sa paraang gusto ng Dios.
Binautismuhan sila at naging kabilang sa iglesia - ang
pamilya ng Dios. Binigyan din sila ng kapangyarihang
maipamuhay ang pangako ng Dios na maging
pagpapala sila sa lahat ng mga tao.
Inilaan ng mga tagasunod ni Jesus ang kanilang buhay
para sa Dios at sa isa’t isa…kung may
nangangailangan, tinutulungan...nagtitipon sa mga
bahay-bahay para magkakasamang nakikipag-usap sa
Dios, sama-samang nag-aaral kung paano mamuhay
sa paraang gusto ng Dios. Masayang-masaya nilang
ginagawa ang mga ito, at hindi sila maramot sa isa’t
isa. Araw-araw magkakasama silang kumakain para
bigyang karangalan at alalahanin ang buhay ni Jesus
na ibinigay para sa kanila.
A Grace-Community Church
Sa simula ng kuwento, nakita nating magkakasama ang 120 sa
isang kuwarto at nananalangin para hintayin ang pagdating ng
Espiritu. Ang ginagawa nila ay pagsunod sa ibinilin ni Jesus. At
21
talaga namang grabe ang mga sumunod na nangyari. Kapag si
Jesus ang nasusunod sa church, kamangha-mangha ang
mga nangyayari. Ganito din ang i-expect nating mangyayari sa
church natin.
Una, naging grace-community church sila. Anong ibig sabihin
noon? Bukod sa 120 tagasunod ni Jesus sa simula ng kuwento,
sa dulo nadagdagan sila ng 3,000 sa loob lang ng isang araw.
Isang araw! Anong amazing dito? Hindi lang iyong dami ng tao.
Kundi kung ano ang klase ng buhay nila na sama-sama.
Subukan n'yong gawin ito...tipunin n'yo ang 3,000 tao mula sa
iba't ibang bansa...magkakaiba ang salita niyan...magkakaiba
ang ugali...ang social status...ang family background...may
babae...may lalaki...may bata...may matanda...may
mayaman...may mahirap...subukan n'yo. Anong mangyayari?
Magkakagulo iyan. Mag-aaway-away. Pero iyon ba nangyari sa
kuwento? Hindi!
Iyon ang amazing. Nagbigay si Luke ng summary sa Acts 2:42-
47 kung ano ang klase ng buhay nila. Isipin n'yo ha...ang iba
dito bago pa lang nagkakilala. Pero sama-sama sila sa iba't
ibang bahay siyempre. Kasi ang dami nila. Ang iba siguro hindi
muna bumalik sa bansa nila. Kasi sobrang na-enjoy nila ang
para bang "pamilya." Magkakasama silang kumain. Dahil sila'y
mga anak ng Dios, nakikinig sila sa kanilang Ama sa
pamamagitan ng mga turo ng apostol. Nakikipag-usap sila sa
Dios nang magkakasama. Sumasamba magkakasama. They do
life together. Araw-araw ito ha. Hindi lang lingguhan. The
church is for Monday thru Sunday. Kasi nga pamilya,
magkakapatid kay Cristo. We are family. "Biblical community is
first of all the sharing of a common life in Christ. It is when we
22
grasp this truth that we are in a position to begin to understand
true community" (Jerry Bridges, True Community).
Paano sila magiging isang pamilya? Hindi ba't ang dami nila?
Pumupunta sila sa templo nang sama-sama (2:46). Pero sa
kanya-kanyang bahay, nagkakainan sila doon at nagpipira-
piraso ng tinapay na maaaring ang tinutukoy ay ang Lord's
Supper na ibinilin ni Jesus bago siya patayin. Kainan! Kasi nga
mahalaga ang sama-samang kumain sa pagpapakita ng
magandang relasyon sa bawat isa. Kapag ang isang pamilya,
hindi na nagkakasama-sama sa pagkain, ano ang masasabi
natin sa relasyon nila? Pero kung lagi silang magkakasama,
nagkukuwentuhan, nagkukumustahan, nagtatawanan,
nananalangin nang sama-sama, nag-aaral ng Salita ng Dios na
sama-sama, nagpaplano, anong klaseng relasyon ang nabubuo
doon?
Kaya mahalaga ang Lord's Supper sa buhay ng iglesia.
Nakalagay din iyan sa Statement of Faith natin: "Ang
Panginoong Hesus ay nagtagubilin sa iglesia upang tuparin at
isagawa ang dalawang ordinansa: ang pagbabautismo sa tubig
at ang Banal na Hapunan. Ang mga ito ay hindi paraan upang
maligtas, sa halip ito’y mga simbulo lamang ng kaligtasang
ipinagkaloob ng Diyos. Tanging ang mga mananampalataya
lamang ang maaaring makiisa at makibahagi sa dalawang
ordinansang nabanggit ."
Ang tanong sa atin ngayon, saan natin ginagawa ang Lord's
Supper? Dito lang ba sa worship center natin every first
Sunday? Pag-isipan natin 'to. Baka ngayon sinasabi ng Dios
base sa nakita natin sa kuwento na bakit hindi natin simulang
gawin ito sa bahay-bahay kasama ang ibang mga kapatid kay
Cristo, tulad ng Kaagapay Group? Kaya nga nakalagay sa church
23
covenant natin na nangako tayong uugaliin ang pagdalo sa
pagsamba at sa Kaagapay Group. Because we share a common
life together. Dahil kay Cristo naligtas tayo, dahil sa biyaya niya.
Kaya ibabahagi din natin ito sa iba. Kapag may
nangangailangan tutulungan. Iyon ang grace-community
church. Iyon ang amazing. Kapag may bumisita sa atin,
magugulat sila at sasabihin, "Kay sasaya naman ng mga taong
ito! Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko!"
Paano nangyari 'to? Ang hirap kaya niyan na iba-iba ang
backgrounds, iba-ibang edad at educational background, may
mayaman at mahirap, tapos magkakasama na parang isang
pamilya. Parang imposibleng mangyari? Iba-iba man, pero
merong isang nagbubuklod sa kanila at sa atin. The Story of
God! Hindi basta pagkain ang nagbubuklod sa atin, kundi ang
pagkain ng Salita ng Dios.
A Story-Formed Church
Ganito ang nangyari sa kuwento. Noong araw ding iyon, 3,000
ang naniwala sa sinabi ni Pedro. Nabuo sila dahil sa Story na
sinabi ni Pedro. Kaya pagkatapos noon, nabuo ang church, iyon
ang nagbuklod sa church. They were Story-formed. We also
must be Story-formed.
Ano ang kuwento? Una sinabi niya na ang mga nangyayari at
mga nangyari ay bahagi ng katuparan ng mga pangako ng
Dios. Mga Judio ang mga kausap niya, galing sa iba't ibang
bansa. Pamilyar na sila sa sinasabi ng mga propeta sa
Kasulatan (OT sa atin ngayon). Pero kung tayo naman ang
magkukuwento nito sa iba, dapat sabihin natin ang kuwento ng
Old Testament, kaya nga halos limang linggo ang inilalaan natin
para maikuwento ang mula sa paglikha ng Dios hanggang sa
mga mensahe ng mga propeta sa 12-Week Story of God natin.
24
Pagkatapos noon, sinabi ni Pedro kung paano natupad ang
plano ng Dios sa pagdating ni Jesus. Sa buhay niya, mga
himalang ginawa niya, ang pagkamatay niya sa krus, ang
kanyang muling pagkabuhay, at pag-akyat sa kanang kamay ng
Dios sa langit. Sa buong kuwento ni Pedro, patungo lahat kay
Cristo. Dahil kay Cristo kaya siya nagkukuwento sa kanila. At ito
ang nag-iisang Kuwentong pinaniwalaan ng 3,000 katao sa
araw ding iyon. Ito ang nag-iisang Kuwentong pinaniwalaan din
natin at lahat ng mga Cristiano. Ito ang kuwentong bumubuo sa
church natin. We are Story-formed. Ito ang amazing. Kahit pa
marami na tayong iba't ibang mga kuwento at mga aral na
narinig, merong Isang Kuwento na lahat sa atin ay
pinaniniwalaan natin. This is the Story of God!
At kung ganoong ang naranasan natin, gusto nating ang ibang
tao ganoon din. Ganoon din si Pedro, kaya nga sinabi niya sa
kanila na sila ang pumatay kay Jesus dahil siyempre sa kanilang
mga kasalanan. Dahil doon, nabagabag ang mga tao at
nagtanong kung anong gagawin nila. Hindi puwedeng marinig
lang ang kuwento. Kailangan may desisyon. Tumalikod sa
kasalanan, sumampalataya kay Cristo, at magpabautismo
bilang pagsunod sa utos ni Jesus. Kaya naman sa simula ng
covenant natin ganito ang nakasulat: "Dahil sa patnubay ng
Banal na Espiritu, tinanggap ko si Jesu-Cristo bilang aking
sariling Tagapagligtas at Panginoon, at ipinahayag ko sa madla
ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng salita at ng
bautismo sa tubig."
Hindi ba't ganito rin ang gagawin natin pagkatapos maibahagi
ang 12-Week Story of God sa mga kaibigan natin. Aayain na
silang sumunod kay Jesus at maging part din ng Story. At
pagkatapos ay patuloy na ipamuhay iyon. Tapos sasanayin sila
25
na sila rin naman ang magkuwento noon sa iba. Bakit? Si
Pedro lang ba sa tingin n'yo ang nagkuwento noon? Tatlong libo
kayang mahigit ang nakarinig, hindi ba't ang 120 sa kanila
ganoon din ang ginagawa? We are Story-formed. Lagi tayong
nakikinig sa kuwentong iyan. Sa worship, sa kaagapay group, sa
mga kuwentuhan lang natin araw-araw, sa bahay. Kasama iyan
sa covenant natin: "Makikipagtipan ako nang regular sa Diyos
sa pampamilya at pansariling debosyon na may pag-aaral ng
Biblia at pananalangin."
A Spirit-Empowered Church
Tapos ipapakita natin sa mga tao na binabago tayo ng Story of
God. At siya namang ikukuwento natin sa iba. Ang tanong, kaya
n'yo ba? Hindi? Yan ang tamang sagot. Hindi talaga natin kaya
sa sarili natin. Alam ni Jesus iyon. Kaya nga sabi niya sa kanila,
"Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking
Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi
kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit"
(Luke 24:49). Tapos bago niya sabihing magiging saksi sila ng
lahat ng nakita nila, sabi muna niya, "Subalit tatanggap kayo ng
kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y
magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa
Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig" (Acts 1:8). Maliwanag
na ang intensiyon ni Jesus para sa church ay maging Spirit-
empowered, hindi money-empowered, hindi human
resources-empowered, hindi technology-empowered, kundi
Spirit-empowered. Iyon ang amazing na nangyari sa church
noon at nangyayari din sa atin ngayon. We are missionaries
empowered by the Spirit.
Tandaan nating ang Spirit ay ang third person of the Trinity.
Siya ay Dios din. Nakalagay sa Statement of Faith natin: "Iisa
26
lamang ang Diyos, magpasawalang-hanggang namamalagi sa
pamamagitan ng tatlong namumukod [ngunit pantay-pantay]
na mga Persona: ang Ama, ang Anak, at ang Banal na
Espiritu...Ang Banal na Espiritu ay Diyos din. Nangungusap Siya
sa tao tungkol sa kasalanan at bumabago sa buhay ng lahat ng
nagsisisi at nagtitiwala kay Hesu-Kristo."
Tandaan din nating ang Spirit ay katuparan ng pangako ng
Dios, regalo ng Dios sa atin. Ang pagdating ng Espiritu ay
pagtupad ni Jesus sa pangako niya na hindi niya sila iiwan at
hahayaang nag-iisa. “And I will ask the Father, and he will give
you another Helper, to be with you forever, even the Spirit of
truth, whom the world cannot receive, because it neither sees
him nor knows him. You know him, for he dwells with you and
will be in you. I will not leave you as orphans; I will come to
you” (John 14:16-18). At ang paghiling ni Jesus sa Ama na
ipadala ang Espiritu ay ayon naman sa pangako ng Dios: “‘And
in the last days it shall be, God declares, that I will pour out my
Spirit on all flesh, and your sons and your daughters shall
prophesy, and your young men shall see visions, and your old
men shall dream dreams; even on my male servants and female
servants in those days I will pour out my Spirit, and they shall
prophesy" (Acts 2:17-18; from Joel 2:28-32).
Tandaan din nating ang Spirit ay ang mismong presensiya ng
Dios na nasa atin. Kung paanong ang presensiya ng Dios ay
nanahan sa Garden of Eden kasama sina Adan at Eba, sa
Tabernacle habang ang Israelita ay naglalakbay sa disyerto, sa
Temple sa panahon ni Haring Solomon – gayundin ang Espiritu
ng Dios ay nananasan sa bawat isang sumasampalataya kay
Cristo, simula nang siya ay magtiwala kay Cristo bilang
Panginoon at Tagapagligtas. Sa lahat - ibig sabihin, bata man o
27
matanda, babae man o lalaki, bago ka mang Cristiano o leader
na sa church, kasambahay ka man o manager, college graduate
ka man o high school dropout. That's the amazing thing na
nangyayari sa church - ordinary people can do
extraordinary things because of the Spirit.
Dahil sa Spirit na nasa atin, there is so much power available
for each of us. We can do the impossible. Kaya nga parang may
dilang apoy na dumapo sa kanila, para ipakita ang
kapangyarihan ng Espiritu ng Dios. This is the power available
for all disciples. Uulitin ko – all disciples! Ibig sabihin, kung
wala ang Espiritu, hindi natin magagawa ang mga bagay na nais
ng Dios. Makakapagsalita ba sila sa iba’t ibang wikang hindi
naman nila napag-aralan pa? Hindi sinasabi sa kuwentong ito
na komo nasa atin ang Espiritu makakapag-speaking in
tongues na tayo tulad ng sinasabi ng ilang grupo. Desisyon iyon
ng Espiritu kung ano ang gusto niyang gawin sa atin. Hindi tayo
ang may kontrol noon. Nagulat din nga ang mga disciples noon
na bigla na lang silang nakapagsalita ng iba't ibang wika. The
point is the unmistakeable power available for them. With
amazing results!
Kaya nabuo ang church at nagsama-sama bilang isang pamilya
dahil din sa Spirit. Kaya 3,000 ang naniwala sa mensahe ni
Pedro dahil din sa Spirit. Obvious ang work ng Spirit noong
araw na iyon. Kaya nga nagtaka ang mga tao. Sabi pa ng iba,
lasing lang iyan! Kasi nga parang hindi sila ang gumagawa,
kontrolado sila ng Espiritu, na para bang isang lasing na
kontrolado ng espiritu ng alak. Kaya nga sabi ni Pablo sa
Ephesians 5:18, "Do not get drunk with wine; but be filled with
the Spirit." This is the Spirit-empowered church. At kung
28
ganoon ang mangyayari sa church natin, something very
amazing will happen.
Waiting for Something Amazing
Kapag may church na ang miyembro ay nagkakanya-kanya,
walang pakialaman, hindi amazing iyon. Pero kapag Grace-
community sila, that's amazing. Kapag may church na ang
miyembro ay hindi naglalaan ng panahon sa salita ng Dios o sa
Story of God - na alalahanin ito at ibahagi sa iba, hindi amazing
iyon. Pero kapag Story-formed ang church, that's amazing.
Kapag may church na ang mga members ay hindi mo ma-feel
ang work ng Holy Spirit at para bang ibang espiritu ang na-
sesense mo, hindi amazing iyon. Pero kapag Spirit-empowered
ang church, that's really amazing.
Merong tag-line ang NBA, “Where Amazing Happens.” Isa ako
sa mga fans ng basketball. Talaga namang amazing kapag
nakita mo ang mga players na parang lumilipad at nagda-dunk.
Kapag nakakaiskor ng marami ang mga superstars at nananalo
ang team nila. Pero iilan lang naman ang talagang “amazing”
diyan. Ang 20,000 sa loob ng stadium ay mga nanonood lang.
Pero kapag ang church, hindi lang iilan ang “superstars” kundi
lahat halos ay nakagagawa ng mga bagay na humanly
impossible, Spirit-empowered na mga gawa, iyon ang amazing.
Tulad halimbawa ng mga nangyari last week. Naospital ang isa
sa mga members natin, ang nanay niya kababaptize lang at ang
tatay naman next week magpapabaptize. Pero sinugod sila ng
maraming members sa ospital para dalawin, ipagpray,
palakasin ang loob, para ipadama kung ano ang pagdadamayan
ng isang pamilya.
29
Last Sunday din, nakatapos tayo ng Story of God Training para
sa pamilya Bautista. Ang pinakabata sa kanila (12 yrs old) ay
nakapagkuwento sa mga kaklase niya at sa Sabado ay
nakaschedule silang magsimula ng Story of God. Tulong-tulong
sila ngayon bilang pamilya na aabot sa iba pang pamilya na
kung paanong binago at binabago sila ng Story of God, ganoon
din ang maexperience ng ibang family.
Ganyan ang nangyayari kapag ang church natin ay Jesus-
centered. Nagiging Grace-community tayo, Story-formed, at
Spirit-empowered. Something amazing is happening in this
church. And if we remain Jesus-centered, more amazing
things will happen. Natural lang, dahil we have an amazing
God at work in our church. Sana nandito pa rin kayo at kasama
sa ating pamilya kapag nangyari ang mga bagay na iyan.
PART 3 – WITNESSING AND WONDERS February 3, 2013 | Derick Parfan | Acts 2:43-47; 3:1-26; 4:1-4
One Body, Many Members
Sa part 1, nakita natin ang pagiging sentro ni Jesus sa church.
Sa part 2 naman, nakita natin ang kapangyarihan ng Espiritu
kapag ang church ay nakasentro kay Cristo. Nakita nating
pinakamahalaga sa church ang ginagawa ng Dios – Ama, Anak
at Espiritu. Pero dahil baka isipin ng iba sa inyo na, “Ay ganoon
pala, ibig sabihin ba noon, hindi na mahalaga ang ginagawa ko.”
Lalo na sa ilan sa inyo na hindi directly involved sa mga
“espirituwal” na ministries ng church, kundi doon sa paglilinis
o pagkukumpuni o pagdidisenyo ng ating building. Hindi ko
sinasabing hindi mahalaga ang mga iyon. Pero nililinaw lang
natin na kahit ano man ang ginagawa natin – preaching man
30
o cleaning – basta ginagawa natin para kay Cristo at sa
kanyang misyon, at sa kapangyarihan ng Espiritu, hindi
masasayang iyon. “Therefore, my beloved brothers, be
steadfast, immovable, always abounding in the work of the
Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain” (1 Cor.
15:58)
Kaya hinihikayat namin kayo na pumirma na sa membership
application at sa church covenant dahil dito. Oo nga’t kung
Cristiano ka na ay kabilang ka na sa “universal church”:
“Mayroong pagkakaisang espirituwal ang lahat ng mga tunay
na mananampalataya sa ating Panginoong Heus-Kristo,
bumubuo ng isang pandaigdig at di-nakikitang iglesia, kung
saan si Kristo ang ulo” (Statement of Faith). Pero hindi mo
mararamdaman iyon kung hindi ka miyembro at magcocommit
sa isang “local church”: “Ang iglesia lokal ay isang
organisadong grupo ng mga mananampalataya sa isang tiyak
na lugar na binubuo ng mga nagpapahayag ng kanilang
pananampalataya kay Kristo at kusang-loob na nagsama-sama
at pinanglilingkuran ng mga tagapamuno na pinili sang-ayon sa
panuntunan ng Biblia (Statement of Faith). Na sa pamamagitan
ng local church, ito ang commitment natin: “Paglilingkuran ko
ang Panginoon nang bukal sa loob, matiyaga, at matapat ayon
sa ibinibigay na kalakasan at kakayahan sa akin ng Panginoon”
(Church Covenant).
Tayo’y isang pamilya. We are one body with many members at
bawat tungkuling ginagampanan ng bawat isa ay mahalaga
(Eph. 4:4-6; Rom. 12:4-8; 1 Cor. 12:11-12). But we must keep
the goal in mind. Hindi lang magturo ng Bibliya, hindi lang
tumugtog, hindi lang magbigay, hindi lang magpagod, kundi sa
lahat ng gagawin si Jesus ang mabigyan ng karangalan.
31
“The Lord Added”
Mahalaga ang ginagawa natin. Hindi naman puwedeng wala
tayong gawin. Pero ang point ng Book of Acts ay ipakita sa atin
unang-una kung ano ang ginagawa ng Dios. Iyon ang
pinakamahalaga sa lahat. Kahit magsasalita tayo, kahit mag-
ubos tayo ng oras, kahit gumastos tayo ng maraming pera, kahit
tumagaktak ang napakaraming pawis natin, kahit sumakit ulo
natin sa kapaplano, kung hindi naman powerfully kikilos ang
Dios, balewala ang lahat. Ito ang nakita nating ginagawa ng
Dios…
So those who received his word were baptized, and
there were added that day about three thousand souls
(2:41); And the Lord added to their number day by day
those who were being saved (2:47); But many of those
who had heard the word believed, and the number of
the men came to about five thousand (4:4).
Malinawag na si Lord ang nagdadagdag sa bilang nila at sa
bilang natin ngayon. Pero may paraan para mangyari iyon. Iyon
naman ang nais niyang gawin natin. May bahagi din ang
bawat isa sa atin. Hindi naman nakatunganga lang itong mga
Cristiano noon nang mangyari iyon. May pakikibahagi sila.
Ganito ang nangyari...
The Story of Peter’s Healing of the Lame Beggar
Galing ang kuwentong ito sa Acts 2:43-47; 3:1-26; 4:1-4:
Araw-araw, parami nang parami ang mga
idinaragdag ng Dios sa bilang ng mga tagasunod ni
Jesus. At patuloy na gumagawa ang Dios ng maraming
mga himala at mga kamangha-manghang bagay sa
pamamagitan nila para ipakilala kung sino talaga si
Jesus.
32
Isang hapon, kasama ni Pedro si Juan na pumunta sa
bahay-sambahan (templo) para manalangin. Nang
malapit na sila, may isang pulubi - lumpo mula pa
pagkabata - na buhat-buhat ng ilang lalaki. Araw-
araw kasi, dinadala siya rito para humingi ng limos sa
mga taong papasok dito.
Nang makita niya sina Pedro at Juan, humingi siya ng
limos. Tinitigan silang dalawa ng lalaking lumpo, at
naghihintay na malimusan.
Pero sinabi ni Pedro sa kanya, "Wala akong perang
maibibigay sa iyo. Pero ibibigay ko sa iyo kung anong
meron ako. Sa pangalan ni Jesus, tumayo ka at
maglakad!"
Pagkatapos, hinawakan ni Pedro ang kamay niya at
tinulungang tumayo. Ang dating lumpo ay magaling
na ngayon!
Tumayo siya agad, nagpalakad-lakad, tumalun-talon,
at nagpupuri sa Dios.
Nang mapansin ng mga tao na ang lalaking ito ang
lumpong namamalimos, lubos silang namangha dahil
magaling na siya.
Ito namang lalaking ito, parang ayaw nang humiwalay
kina Pedro. Lagi siyang kasama kung saan sila
magpunta. Kaya lahat ng mga namangha sa nangyari
ay nagtakbuhan palapit sa kanila.
Sinamantala ni Pedro ang pagkakataon, at sinabi niya
sa mga tao, "Mga kababayan ko, bakit kayo nagtataka
sa nangyari? Bakit kayo ganyang makatitig sa amin na
para bang napalakad namin siya dahil meron kaming
33
espesyal na kapangyarihan o dahil mabuti kami sa
harapan ng Dios. Hindi!"
"Ang Dios ang gumawa nito para parangalan si Jesus.
Oo, si Jesus na itinakwil n'yo at pinatay - siya na
nagbigay ng buhay sa inyo ang pinatay n'yo - ngunit
muli siyang binuhay ng Dios!
"Kami mismo ang makapagpapatunay na nangyari
nga ito. At kayo rin ang mga saksi na dahil sa
pangalan ni Jesus - sa pamamagitan ng
pananampalataya sa kanya - kaya lubos na gumaling
ang taong ito."
"Kaya ngayon," tuloy ni Pedro, "Magsisi na kayo at
lumapit sa Dios, para patawarin niya ang inyong mga
kasalanan, at matanggap n'yo ang bagong buhay mula
sa Panginoong Jesus."
Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan, nilapitan
sila ng ilang mga pinuno ng kanilang relihiyon.
Nabahala kasi sila dahil nagtuturo sila tungkol kay
Jesus. Ipinaaresto sila at ipinakulong. Pero kahit ganito
ang nangyari sa kanila, marami sa mga nakarinig sa
kanilang mensahe ang sumampalataya. Umabot ng
5,000 lalaki ang nadagdag sa lumalaking pamilya ng
Dios.
Multiplication, not Mere Addition
Mamaya, madadagdagan na naman ang bilang natin dahil sa
limang magpapabautismo. Maganda ang nangyayari sa church
natin. Buwan-buwan may dinaragdag ang Dios. Pero wala pa
tayo sa level noong nangyari sa Acts. Addition pa lang ang
nangyayari. Hindi pa multiplication. Nasa 10,000 hanggang
20,000 siguro ang bilang nila. Talagang sumabog sa dami.
34
Ipinapakita lang nito na ang lahat ng nangyari ay gawa ng Dios.
At walang makapipigil sa Dios!
Sa dulo ng kuwento, inaresto silang dalawa. Hindi ba't
karaniwang kapag may isang religious movement na
nakasentro sa lider, kapag nawala na ang lider, ikinulong o
ipinapatay, nawawala na rin ang mga miyembro? Pero dito
anong nangyari? Dumami pa lalo! Sinong maygawa? Nasa
kulungan na nga ang dalawa. Iyan ang kapangyarihan ng Dios
at ng kanyang salita. Parang ulan, hindi babalik sa langit na
hindi nakapagdilig at nakapagpatubo (Isa. 55:10-11). Ikulong
mo man ang mga mensahero, "the word of God is not bound"
(2 Tim. 2:8-9; tingnan din ang Phil. 1:12-14).
Throughout the book of Acts, we will see how God is
sovereign over all the things happening in the growth and
expansion of his church. Malinaw din nating makikita ang mga
paraan na ginagamit niya para mangyari ang kalooban niya,
pangunahin na dito ang church na ginagawa ang sang-ayon
sa kanyang kalooban, church na nagiging salamin ng karakter
ng Dios.
There’s Mercy, not Apathy
Nakita na natin kung paanong sa church, kahit sarili nilang ari-
arian binebenta nila para makatulong sa mga kapatid nilang
nangangailangan (2:45). Nakikita ng ibang tao na sila nga ay
mga tagasunod ni Jesus sa klase ng pagmamahal nila sa bawat
isa (John 13:35). Pero hindi ibig sabihing ang love na ito ay sa
kanila lang. Hindi ito exclusive, kundi overflowing pati sa ibang
tao. Kaya nga sabi sa Acts 2:47, they were "having favor with all
the people." Kasi nga, they extend mercies to those in need,
kahit pa hindi pa members ng church.
35
Ganito ang ipinakita ni Pedro at Juan. May nadatnan silang
namamalimos sa may pasukan ng templo. Pumunta sila doon
para manalangin tulad ng ginagawa nila bilang mga Judio. Pero
hindi nila binilisan ang lakad nila at sinabing, "Huwag na nating
pansinin iyan, late na tayo." Huminto sila. Hindi nila iniwasan
ng tingin ang pulubi, tulad ng normal na ginagawa natin kapag
may namamalimos sa atin. Kundi tinitigan pa nila at sinabing,
"Look at us" (3:4). Nakita nilang may pangangailangan ang
pulubi. Nakita nilang may pagkakataong ipakita hindi ang
awa nila, kundi ang awa ng Dios.
Sa Old Testament, maging hanggang sa New Testament,
inaasahan ng Dios na gagawin ng kanyang mga anak ang
kanilang obligasyon na magbigay ng tulong sa mga
mahihirap. Hindi ko alam kung paano nag-iba ang pag-iisip
natin ngayon doon. Nagdadahilan pa tayo na, "Hindi naman
makakatulong sa kanila ang barya na maibibigay ko." Ano ang
alternative natin? Hindi na magbigay? O kaya, "Ay, bawal na sa
batas ang maglimos." Iyon ba talaga ang intensiyon natin, ang
sumunod sa batas? O ang umiwas lang sa obligasyon natin sa
Dios? Ano ba ang mahalaga? Ang batas ng Dios o ang batas ng
tao?
Ito ang mercy: na maibigay natin sa isang tao ang kailangan
nila (hindi lang ang gusto nila) ayon sa ating kakayahan.
Kung ano ang kailangan! Ano ang kailangan ng namamalimos?
Pera lang ba? Hindi! Mas higit na kailangan niyang makalakad
at sa pamamagitan noon ay makakilala kay Jesus. Ayon sa
kakayahan natin! Kaya ba ni Pedrong sustentuhan ang pulubing
iyon at bigyan ng kayamanan? Wala naman siyang ganoon
karaming pera. Pero ano ang meron siya? Meron siyang
36
kapangyarihang galing kay Jesus. Iyon ang ibinigay niya. Sabi
niya, "Sa pangalan ni Jesus, tumayo ka at maglakad!" (3:6).
Hindi naman sinasabi sa atin dito na sabihin natin sa iba na
nangangailangan ng tulong natin, "Sorry, wala akong
maibibigay sa iyo." OK lang kung wala talaga. Pero paano kung
meron naman. Tapos sabihin lang natin, "I will pray for you." "If
a brother or sister is poorly clothed and lacking in daily food,
and one of you says to them, 'Go in peace, be warmed and
filled,' without giving them the things needed for the body,
what good is that" (James 2:15-16)?
Isang paraan ng pagpapakita ng awa ay ibigay kung ano ang
kailangan nila. But the greatest act of mercy is to give them
what they need most, na kapag wala sila noon ay balewala na
ang lahat ng bagay. Walang iba kundi ang Panginoong Jesus - na
higit na kailangan natin kaysa healing from cancer o material
riches. Siya mismo ang nagsabi, "Ano ang mapapala ng isang
tao kung makamtan man niya ang lahat ng kayamanan sa
mundo kung mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa"
(Mark 8:36)?
Kung si Jesus ang ibibigay natin sa mga tao, siguradong may
himalang mangyayari...
There’s a Miracle, not Ordinary Human Effort
At ganoon ang nangyayari sa unang church. Bahagi ito ng
pangako ng Dios na mangyayari sa pagdating ng Espiritu. "And I
will show wonders in the heavens above and signs on the earth
below, blood, and fire, and vapor of smoke" (Acts 2:19; cited
from Joel 2:30). Bumaba ang Espiritu. Ano nangyari? Bigla
silang nakapagsalita sila sa iba't ibang wika na hindi naman
37
nila pinag-aralan. Himala iyon. "And awe came upon every soul,
and many wonders and signs were being done through the
apostles" (Acts 2:43). Hindi lang ilan, kundi maraming
nangyayaring ganito.
Isa rito ay ang nangyari sa kuwento natin ngayon. Sinabi ni
Pedro sa pulubi, "In the name of Jesus, rise up and walk."
Puwedeng sabihin nitong lumpo, "Kala ko may ibibigay kayo sa
akin, wala naman pala, titingin-tingin pa kayo. Tapos sabihan
mo pa kong tumayo at maglakad, ni mula nga pagkabata hindi
ko naranasan iyon. Nang-aasar ba kayo? Joke, joke, joke ba
iyan?" Hinawakan ni Pedro ang kamay niya. Itinayo at iyon,
nakatayo siya, nakahakbang, naglakad-lakad na at nagtalun-
talon pa na nagpupuri sa Dios. Bakit nga hindi magpupuri sa
Dios, e alam niyang walang ibang makagagawa noon kundi ang
Dios lang.
Isa iyan sa mga "wonders and signs" na ginagawa ng mga
apostol. "Wonders" kasi kung makita mo nga naman ang
nangyari, anong magiging reaksyon mo? Kaya ang mga taong
manghang-mangha sa nangyari, dinumog sina Pedro. Pero ang
goal ng mga miracles na ito (kahit sa panahon pa ni Jesus) ay
hindi lang para kunin ang interes at atensiyon ng mga tao. Kaya
nga tinawag din na "signs" kasi isa itong marka at palatandaan
na may itinuturo - at ang itinuturo ay walang iba kundi si Jesus!
Kaya sabi nila Pedro, “Men of Israel, why do you wonder at this,
or why do you stare at us, as though by our own power or piety
we have made him walk" (3:12)? Hindi naman si Pedro ang
nagpagaling, kundi si Jesus na ang kanyang kapangyarihan
ay dumaloy sa pamamagitan ng pananampalataya nina
Pedro. "And [Jesus'] name—by faith in his name—has made
this man strong whom you see and know, and the faith that is
38
through Jesus has given the man this perfect health in the
presence of you all" (3:16).
May himala pa ba ngayon? Totoo ngang may mga grupo na
nagsasagawa ng mga "miracle crusades" o "healing services"
pero ang iba naman ay peke o iba naman ang motibo. Pero
hindi ibig sabihin noon na babalewalain na natin ang mga
himala. Hangga't gumagawa pa rin si Jesus, hangga't nasa atin
pa rin ang Espiritu, hindi imposibleng may mga himalang
mangyari. Oo nga't sinasabi nating himala ang "changed lives"
pero kung naniniwala tayong kayang baguhin ng Dios ang puso
ng tao at himala din iyon, hindi ba't mas madaling gawin na
tanggalin ng Dios ang cancer o muling makalakad ang pilay?
Araw-araw may himalang nangyayari. Hindi natin nakikita kasi
hindi tayo nagmamasid. Or, we don’t believe.
Dahil sa nangyari, puwedeng ipagmalaki nila Pedro ang sarili
nila. Pero hindi nila ginawa. Pwedeng samantalahin din para
mapagkakitaan, tulad ng ginagawa ng ilan ngayon na mga
"miracle-workers" daw. Pero din nila ginawa. Kasi nga ang
point ng miracles ay ituro kung sino si Jesus. Hindi sapat na
gumagawa lang ang church ng mabuti sa kapwa, hindi sapat na
may himalang nangyayari. Kailangang maipakilala natin kung
sino si Jesus. Iyon ang mahalaga. Iyon din ang ginawa ni Pedro.
There’s the Message, not Silence
Nakita ng mga tao ang mabuting ginawa nila. Nakita ng mga tao
ang himalang ginawa nila. Dinumog sila ng mga tao.
Sinamantala ni Pedro ang pagkakataon para ipahayag sa kanila
ang mensahe tungkol kay Cristo. At hindi ba't ganito din ang
dapat nating gawin, samantalahin ang lahat ng pagkakataon
para maikuwento si Jesus sa iba. Hindi pwedeng tahimik lang.
39
Tulad ng una niyang sermon sa Acts 2, ganoon din ang ginawa
niya. Sinabi niya sa kanila na ang nangyari ay dahil kay Cristo.
Na siya ang "Holy and Righteous One" (3:14). Kung
magkakaroon man tayo ng kabanalan at katuwirang kailangan
para makalapit sa banal na Dios, siya ang kailangan natin.
Sinabi din niyang si Jesus ang "Author of Life" (3:15). Kung
magkakaroon man tayo ng buhay sa halip na kamatayan dahil
sa atin mga kasalanan, siya ang kailangan natin. Kaya nga
ibinalita ni Pedro na siya'y pinatay nila ngunit muling binuhay
ng Dios.
Hangal ang tao. Sa halip na piliin si Jesus, kasalanan pa ang
pinili nila. Sa halip na tanggapin si Jesus bilang Panginoon,
itinakwil nila at sinabing, "Ako ang panginoon ng buhay ko. Ako
ang masusunod." Ang nagsasabi niyan ay malala pa sa isang
lumpo mula sa pagsilang.
Pero may mabuting balita. Binayaran na ni Jesus lahat.
Ginawa na niya ang hindi natin magawa at ayaw nating gawin.
Ang tugon natin ay ano, "Repent therefore, and turn again" to
God (3:19). Anong pangako ng Dios? Patatawarin ang lahat ng
kasalanan natin, buburahin na, wala na (3:19). At magkakaroon
tayo ng bagong buhay na malulubos hanggang sa pagbabalik ni
Cristo (3:20).
Iyan ang mensahe ni Pedro. Iyan ang mensaheng
pinaniniwalaan natin at ikinukuwento natin sa iba. Iyan ang
mensaheng dapat tanggapin ng bawat isa sa inyo na ngayon ay
hindi pa tumatanggap kay Cristo. Kung ayaw n'yong makinig sa
kanya, tandaan n'yo to, "You shall listen to him [Jesus] in
whatever he tells you. And it shall be that every soul who does
not listen to [him] shall be destroyed...’ (Acts 3:22-23). It is not
40
a joke. It is not a light matter. Your life, your eternity depends
on him.
In the Name of Jesus
The important thing is not just what we do even if what we are
doing is right. But why we do it, and how we do it. Ang point ng
story ngayon ay hindi iyong ginawa nilang pagpapakita ng awa,
pagpapakita ng himala, at matapang na pangangaral. Kundi
kung bakit at paano nila ginawa iyon. They did it "in the name
of Jesus." Ito ang paulit-ulit nating naririnig sa kuwento, at
marami pa sa mga susunod.
Ano ba ang ibig sabihin ng "pangalan ni Jesus"? Sa ngayon, pag
sinabing pangalan, parang ID lang iyan, o kung ano ang tawag
sa iyo ng tao. Pero noon, kapag sinabing "pangalan"
kumakatawan ito sa karakter o sa tao mismo na nagdadala ng
pangalang iyon. Kapag sinabing "pangalan ni Jesus," ibig
sabihin, "si Jesus mismo...wala nang iba."
Kapag ginawa nila "sa pangalan ni Jesus" - tatlo ang
implikasyon noon. Una ay ang dahilan: because of Jesus - who
he is, what he has done. Lahat ng ginawa nila Pedro ay dahil
kay Cristo - sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Bakit
mo ginagawa ang mga ginagawa mo? Bakit natin ginagawa sa
church ang mga ginagawa natin? Dahil ba sa ginawa ni Cristo?
Ikalawa ay ang paraan: through Jesus - through his power
mediated by the Spirit. May sariling kakayahan ba si Pedro
magpagaling? Galing din kay Jesus iyon. Paano ba natin
ginagawa ang mga ginagawa natin? Nakadepende ba tayo sa
Dios o sarili nating pera o kakayahan o karunungan?
41
Ikatlo ay ang layunin: for Jesus, for his glory and his glory
alone. Ginawa ito ni Pedro hindi para itaas ang sarili niya, kundi
itanghal kung sino si Cristo. Iyon din naman ang gusto ng Dios
Ama na mangyari, "The God of Abraham, the God of Isaac, and
the God of Jacob, the God of our fathers, glorified his servant
Jesus" (3:13). Ang Espiritu, di ba't ganoon din ang ginagawa?
Minsan nga may narinig akong isang pastor na nagsabi na
kapag hindi natin pinapansin ang Spirit sa church natin, hindi
tama iyon, hindi daw puwedeng puro Jesus na lang. Sabi nga ni
Jesus tungkol sa Espiritu, "He (the Spirit) will glorify me, for he
will take what is mine and declare it to you" (John 16:14). Kung
nasa spotlight si Jesus sa church natin, hindi magseselos ang
Dios Ama at Dios Espiritu, kasi iyon naman ang misyon niya na
mangyari sa church.
Ngayon, sa nakita natin sa kuwentong ito, anu-ano ang gusto ng
Dios na gawin natin sa pangalan ni Jesus? Show deeds of
mercy in his name. Sabi natin sa covenant natin, “Mag-aakay
ako ng mga tao kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas at
Panginoon sa pamamagitan ng aking mabuting halimbawa at
pagsaksi.” Hindi lang salita, kundi may gawa. Ang gagawin
nating mabuti sa iba hindi para ipakitang mabuti tayo kundi
para ipakita ang kabutihan ng ating Panginoon. "And whatever
you do, in word or deed, do everything in the name of the Lord
Jesus" (Col. 3:17). Kung halimbawa mamaya, habang
nagkakainan tayo, may dumating na mga pulubing Badjao,
mabaho kasi di pa naliligo. Kung palalayasin natin, ano ang
masasabi nila tungkol kay Cristo? Pero kung tatabihan natin,
papakainin, kukumustahin, ipagpepray, ano ang masasabi nila
tungkol sa Jesus na sinusunod natin. Ang pangalan niya ang
nakasalalay dito.
42
Hindi ba’t may pangako tayo sa covenant natin: “Ipananalangin
ko nang regular ang paglago at mga gawain ng iglesia”? So,
pray in his name. Hindi mangyayari ang mga himala kung
hindi tayo mananalangin. Hindi tayo masyadong nananalangin
kasi hindi na tayo naniniwala sa himala. Pero hindi ba't totoo
ang pangako ni Jesus, “Truly, truly, I say to you, whoever
believes in me will also do the works that I do; and greater
works than these will he do, because I am going to the Father.
Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father
may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name,
I will do it." (John 14:12-14). Ganyan manalangin ang church
noon, "While you stretch out your hand to heal, and signs and
wonders are performed through the name of your holy servant
Jesus” (Acts 4:30). [Tawagin ko si Ptr. Ronnie, para ikuwento sa
atin kung ano ang nangyari sa kanilang pamilya na nagpakita
kung paanong ang panalangin sa pangalan ni Jesus ay
makapangyarihan...]
Nakita ni Ptr. Ronnie na si Jesus ang maygawa nito. Nakita ito
ng kanyang pamilya. Pwede ba namang tatahimik lang sila?
Hindi siyempre. So preach the name of Jesus. Huwag mo nang
hintaying may himalang mangyari bago mo gawin. Hindi ba't
may himala nang nangyari sa buhay mo? Paano mangyayari
ngayon ang himala sa buhay ng mga kapamilya mo kung hindi
nila maririnig ang pangalan ni Jesus?
Ngayon, lahat ng mga may gustong hilingin sa Panginoon na sa
tingin n'yo ay imposible sa tao, lumapit kayo sa harap. Kung
hihilingin natin ito sa pangalan niya - ayon sa kanyang
kalooban, para sa kanyang karangalan, at naniniwalang walang
imposible sa kanya - sabi niya, nangako siyang ipagkakaloob
niya. Ipanalangin natin ang bawat isa. Sa bawat isa sa atin
43
ibinigay na ang kapangyarihan na makagawa ng mga bagay na
imposible sa tao. Tapos, kapag nakita n'yong sumagot ang Dios
at ginawa ang imposibleng hinihiling n'yo, sabihin n'yo sa iba,
ipamalita n'yo kung ano ang ginawa niya. Let us bear witness
about him and cause people to wonder in his life-transforming
power.
44
PART 4 – PERSECUTION AND BOLDNESS February 10, 2013 | Derick Parfan | Acts 4:5-31; 5:12-42
Comfortable Church
Minsan akala ng mga Christians ang church parang sofa. Parang
ang sarap maupo, mahiga, magpahinga. We have a natural
desire for comfort and convenience. Kesa nga naman pagod at
nahihirapan. Pero ang church ay hindi parang comfortable na
sofa.
Kung iisipin natin ang mga nakaraang pinag-usapan natin.
Kung ang church ay Jesus-centered, Spirit-empowered, united
as one Family doing God's mission, maraming mga kamangha-
manghang bagay ang mangyayari. Kasi there is power in Jesus'
name. So we show mercy in his name, pray in his name, preach
in his name. May pang-apat pa na hindi ko nabanggit last week.
"Be comfortable in Jesus' name!" Amen? No, of course. What's
ironic about this? Pag sinabi kasi nating in Jesus' name, ibig
sabihin in whatever we do, we represent Jesus. Now, can you
represent Jesus in mere comfort and convenience? If you say
yes, are you sure we are following the same Jesus? Si Jesus,
walang sariling bahay, sariling pamilya di naniwala sa kanya,
pinaratangan siya ng masama, ipinaaresto, nilitis nang wala
man lang sapat na ebidensiya, pinatay. Christ-centered does not
mean comfort-oriented, but cross-centered. If you want
comfort in life now, don't follow Jesus.
Sabi ni Dietrich Bonhoeffer, "When Christ calls a man, he bids
him come and (sit in chair every Sunday? No!) die" (Cost of
Discipleship). The church in the Book of Acts knows that. And
they are prepared to face that - to suffer in Jesus' name!
45
The Story of the Persecution of Peter and John
Ganito ang nangyari sa Acts 4:5-31:
Kinabukasan, matapos na ipakulong sina Pedro at
Juan ng mga pinuno ng kanilang relihiyon,
inembistigahan sila at tinanong, "Sa anong
kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo
pinagaling ang lalaking ito?"
Sumagot si Pedro, na puspos ng Espiritu, "Ang lalaking
ito ay gumaling sa pangalan at sa kapangyarihan ni
Jesus. Wala nang ibang ibinigay ang Dios na paraan sa
buong mundo para maligtas tayo malibang sa
pamamagitan ni Jesus."
Namangha sila sa lakas ng loob nina Pedro at Juan,
lalo na nang malaman nilang mga ordinaryong tao
lang ang mga ito at walang mataas na pinag-aralan.
Napansin din nilang sila'y kasa-kasama ni Jesus noon.
Magsasalita pa sana sila pero dahil nakatayong katabi
nila ang lalaking pinagaling, wala na silang masabi.
Pagkatapos nilang mag-uusap-usap kung anong
gagawin kina Pedro at Juan, pinatawag ulit sila at
sinabihang huwag na ulit magsalita o magturo
tungkol kay Jesus.
Pero sumagot sila, "Isipin nga ninyong mabuti kung
alin ang tama sa paningin ng Dios: ang sumunod sa
inyo o ang sumunod sa Dios? Hindi puwedeng hindi
namin ipagsabi ang mga kamangha-manghang bagay
na nakita namin at narinig."
Pagkatapos silang pagbawalan ulit, pinaalis na sila
baka kasi magkagulo ang mga tao dahil nagpupuri
46
ang mga ito sa Dios dahil sa pagpapagaling sa
lumpong 40 taong gulang na.
Pagkatapos, dali-daling pumunta sina Pedro at Juan sa
iba pang mga tagasunod ni Jesus at ikinuwento sa
kanila kung anong nangyari. Pagkatapos, sama-sama
silang nanalangin, "Panginoong makapangyarihan sa
lahat, kung paanong natupad ang noon pang binalak
ninyo tungkol sa pagsasabwatan ng mga pinuno laban
kay Jesus, ganoon din ang ginagawa nilang
pagbabanta sa amin ngayon. Pero alam din naming ito
ay ayon sa inyong kalooban. Kaya dalangin namin na
bigyan mo pa kami ng dagdag na lakas ng loob para
magpatuloy sa pangangaral. Gumawa ka pa ng
maraming mga himala sa pangalan ni Jesus."
Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang bahay na
kinaroroonan nila. Lahat sila'y napuspos ng Espiritu at
buong tapang na nangaral ng salita ng Dios.
The Persecuted Church
Nabubuwisit ang mga religious leaders kina Pedro at Juan
("greatly annoyed," 4:2). Pinaaresto nila. Ikinulong ng isang
araw. Pinagbawalan pa silang magsalita o magturo tungkol kay
Jesus. This was a case of persecution - kapag may mga taong
pumipigil sa iyo, pinagsasalitaan ka ng mga di magandang
salita o sinasaktan ka dahil sa paniniwala mo.
Bakit sila ginaganito? Hindi dahil nakapagpagaling sila ng
lumpo o dahil lang basta naiinggit sila sa popularity nila.
Puwedeng kasama iyon. Pero ang kinaiinis nila ay ang mensahe
ni Pedro. Hindi maganda sa pandinig nila. Mas OK sa kanila
kung tatahimik na lang sila. Mas OK pa sana kung tulad ng ilang
mga preachers ngayon na puro mabubulaklak ang lumalabas sa
47
bibig - "Yayaman ka! Gagaling ka! Magiging maayos ang takbo
ng buhay mo!" Sino nga naman ang ayaw noon.
Oo nga't ginagamit din ng ibang tao ang pangalan ni Jesus. Pero
ang offensive sa mga tao ay kung sabihin mong tulad ni Pedro,
"And there is salvation in no one else, for there is no other
name under heaven given among men by which we must be
saved” (Acts 4:12). Ok lang sa iba kung sabihin mong "Jesus
saves." Iyon din ba pinaniniwalaan natin? Hindi! Jesus alone
saves! Wala nang iba. "Ang ating Panginoong si Cristo Jesus ay
Diyos at tao sa iisang Persona. Siya lamang ang tanging
Tagapamagitan sa Diyos at tao...Kailangan niyang (ng tao)
magsisi at sumampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo lamang
upang maligtas at magtamo ng buhay na walang hanggan"
(Statement of Faith).
OK sa mga tao kung sabihin mong, Jesus and religion/tradition,
Jesus and you, Jesus and prosperity/health, Jesus and business,
Jesus and entertainment, Jesus and Mary. Pero ibang usapan na
kapag "Jesus alone"! Pero hindi ba't iyon naman ang ibig
sabihin ni Paul kay Timothy, "For there is one God, and there is
one mediator between God and men, the man Christ Jesus (1
Tim. 2:5)?
Kung maririnig sa salita natin sa iba, "Jesus alone saves," kung
makikita nila sa buhay natin na, "Jesus alone is Lord,"
siguradong uusigin tayo ng ibang tao. Sigurado iyan. Normal na
bahagi ng buhay Cristiano ang persecution. Kaya ko nasabi iyon
ay dahil hindi lang naman isang beses ito naranasan nila Pedro
at Juan, at hindi lang sila ang nakaexperience nito.
48
The Story of the Persecution of the Twelve (5:12-
42)
Ganito ang ilan pa sa nangyari sa Acts 5:12-42:
Samantala, ang Labindalawa ay gumagawa ng
maraming mga himalang kinamamangha ng
maraming mga tao. Regular na nagtitipun-tipon ang
mga tagasunod ni Jesus. At parami nang parami ang
mga nadadagdag sa kanila. Dahil doon, inggit na
inggit ang mga pinuno ng kanilang relihiyon. Inaresto
nila ang Labindalawa at ikinulong.
Pero, isang gabi, may isang anghel na galing sa Dios
ang dumating, binuksan ang pintuan ng kulungan, at
inilabas sila. Sabi ng anghel, "Pumunta kayo sa templo
at ipahayag ang mensahe ng bagong buhay na galing
sa Dios." Ganoon nga ang ginawa nila, kaya maagang-
maaga pa, pumunta na sila sa templo at nagsimulang
magturo.
Nang ipapatawag na ng mga opisyal ang
Labindalawa, nagulat ang mga guwardiya nang
makitang wala na sila sa kulungan samantalang
nakakandado naman ito. Hindi maintindihan ng mga
opisyal kung paano nangyari iyon.
Nang makarating sa kanila ang balitang nagtuturo
ulit ang Labindalawa, ipinaaresto ulit sila at tinanong,
"Hindi ba't pinagbawalan na namin kayong mangaral
tungkol kay Jesus? Tingnan ninyo't kumalat na ang
inyong aral sa buong Jerusalem at pinagbibintangan
mo pang kami ang pumatay sa kanya!"
Pero sumagot si Pedro, "Ang Dios ang dapat naming
sundin, hindi ang tao. Oo nga't pinatay ninyo siya pero
49
muli siyang binuhay ng Dios. Itinaas siya ngayon ng
Dios bilang Panginoon at Tagapagligtas, para tayong
mga Judio ay magsisi at maibalik sa magandang
relasyon sa Dios. Kami at ang Espiritu ang saksi sa
lahat ng ito."
Galit na galit ang mga opisyal at gusto na silang
patayin. Pero isa sa kanila ang nagpayo, "Pabayaan na
lang natin sila at huwag pansinin. Kung galing lang
iyan sa tao, mawawala din iyan. pero kung sa Dios
galing iyan, hindi natin sila mapipigilan. At baka
lumabas pa na ang Dios ang kalaban natin."
Nakinig naman sila sa payong ito. Kaya't pagkatapos
nilang ipabugbog sila, muli silang pinagbawalang
magturo sa pangalan ni Jesus, at pinaalis na.
Umalis ang Labindalawa na masayang-masaya, dahil
binigyan sila ng Dios ng pribilehiyong magtiis ng hirap
alang-alang sa pangalan ni Jesus. Araw-araw pa rin
silang pumupunta sa templo at sa mga bahay-bahay,
at patuloy na nagtuturo ng ganito, "Ang ipinangakong
Tagapagligtas na hinahanap at inaabangan ninyo ay
walang iba kundi si Jesus."
Persecution is a Normal Part of Obedient Christian
Life
Sa unang kuwento natin, pinakawalan sila at akala siguro nila
matatakot nila ang mga disciples. Kaya ngayon, labindalawa
naman ang ipinakulong nila. Pinalaya sila ng anghel, tapos
pinahuli na naman sila. Nang tinanong sila, lalo pang nagalit
itong mga opisyal sa mga sagot nila dahil puro tungkol kay
Jesus ang sinasabi nila. "When they heard this, they were
enraged and wanted to kill them" (5:33). Hindi naman sila
mapatay, kaya ginawa nila bago man lang sila paalisin, "they
50
beat them and charged them not to speak in the name of Jesus,
and let them go" (5:40).
Ang persecution ay normal sa buhay ng Cristiano. Hindi ko
sinasabing ikukulong din tayo at bubugbugin. Iba't iba ang
klase ng persecution. Pangkaraniwan 'to. Hanggang sa dulo ng
Acts ganoon makikita natin. Kasi ganito din naman ang sinabi
ni Jesus sa kanyang mga tagasunod: If the world hates you,
know that it has hated me before it hated you. If you were of
the world, the world would love you as its own; but because
you are not of the world, but I chose you out of the world,
therefore the world hates you. Remember the word that I said
to you: ‘A servant is not greater than his master.’ If they
persecuted me, they will also persecute you. If they kept my
word, they will also keep yours. But all these things they will do
to you on account of my name, because they do not know him
who sent me" (John 15:18-21).
Hanggang ngayon din ganito ang nararanasan ng mga kapatid
natin sa buong mundo. "Between 200 million and 230 million
believers face daily threats of murder, beating, imprisonment
and torture, and a further 350 million to 400 million encounter
discrimination in areas such as jobs and housing. A
conservative estimate of the number of Christians killed for
their faith each year is around 150,000...Christians were
'harassed' by government factors in 102 countries and by
social factors, such as mob rule, in 101 countries...Christians
faced some form of harassment in two-thirds of all countries,
or 133 nations" (http://www.charismamag.com/site-
archives/570-news/featured-news/12292-christian-
persecution-tops-world-list-who-knew-).
51
Why are we not persecuted as much as other Christians in
other countries? Probably because of the freedom we have in
our country to practice our religion and preach the gospel. Or
also probably because we are disobedient. We are becoming
like the world, the world likes us so much because they don't
see anything different. Di ba sabi ni Jesus, "If you are of the
world, the world would love you as its own." Baka hindi
nakikita ng mga tao na iba tayo. Sabi ni Pablo kay Timothy,
"Indeed, all (not some, not many, but all) who desire to live a
godly life in Christ Jesus will be persecuted" (2 Tim. 3:12). One
possible explanation why we are not being persecuted is
because we don't live a godly life, but a worldly one. This calls
for personal evaluation. Huwag mong sabihing walang
kinalaman ang mensaheng ito tungkol sa persecution sa buhay
mo na kumportable. Baka iyon nga ang problema. Sobrang
kumportable ng buhay Cristiano mo. Kung normal ang
persecution sa mga Cristiano, ibig sabihin marami palang
Cristiano ngayon ang abnormal ang nararanasan.
How to Respond
God is calling us to more commitment to Christ. The more
committed we are, the more persecution we will experience. As
your pastor, I want to prepare you to face that. Maaaring ang
iba sa inyo ngayon may nararanasan nang pagtuligsa ng
pamilya n'yo o mga dating kabarkada n'yo, makinig kayong
mabuti. Sa inyo na kumportableng-kumportable pa, tandaan
n'yo, abangan n'yo, darating ang persecution. Dapat handa
tayong lahat. Paano nagrespond ang mga disciples sa
persecution na dapat din nating maging response ngayon?
Persevere. Kapag pinagbawalan, tapos binugbog pa't tinakot,
natural na hihinto mo na ang kinagagalit nila. Pero hindi iyon
52
ang ginawa nila. "And every day, in the temple and from house
to house, they did not cease teaching and preaching Jesus as
the Christ (5:42). Hindi nila sinabing, "Monthly na lang tayong
mag-preach," kundi "every day." Hindi rin, "Ay, sa loob ng bahay
na lang para hindi marinig ng iba," kundi maging sa templo, sa
maraming tao. Parang si Daniel na pinagbawalan nang
tumawag sa Dios niya pero bukas pa ang bintanang nagpray,
kahit makita ng iba. That's perseverance. Walang hihinto. No
turning back, no turning back. Kalalabas lang sa kulungan, sige
ulit. Iyon ang ibig sabihin ng "matiyaga" sa pinirmahan nating
covenant: "Paglilingkuran ko ang Panginoon nang bukal sa
loob, matiyaga, at matapat ayon sa ibinibigay na kalakasan at
kakayahan sa akin ng Panginoon." Hindi sumusuko.
Persevering Obedience. Pinagbawalan sina Pedro, pero sagot
nila, “Whether it is right in the sight of God to listen to you
rather than to God, you must judge, for we cannot but speak of
what we have seen and heard” (4:19-20). Kaya noong nakulong
ang labindalawa tapos pinalaya sila ng anghel, nang utusan sila
na ipangaral ulit si Jesus oras na lumiwanag, ganoon nga ang
ginawa nila (5:19-21), hindi nagkamot ng ulo at sinabing,
"Teka, uwi muna ko sa pamilya ko, kawawa naman sila baka
makulong na naman ako." Pagharap nila sa mga opisyal at
pinagbawalan ulit sabi nila, “We must obey God rather than
men" (5:29). Hindi ba't ganyan din ang covenant natin,
"Susundin ko ang Salita ng Diyos sa lahat ng bahagi ng aking
buhay." Sa lahat ng panahon, kahit may pressures. Tama ngang
may tungkuling tayong "ipanalangin ang mga nasa
kapangyarihan sa pamahalaan at maging masunurin sa kanila,"
pero "maliban sa mga bagay na taliwas at di-naaayon sa
kalooban ng Diyos" (Statement of Faith). Hindi sarili, hindi
pamilya, hindi boss sa trabaho, hindi teacher ang masusunod
53
unang-una, kundi ang Dios. Mainam nang sumuway sa gusto ng
tao, wag lang sa gusto ng Dios.
Persevering Boldness. Ordinarily, kapag mga matataas na tao na
ang nanggigipit sa iyo, baka mabawasan ang tapang mo. Pero
kitang-kita ng mga opisyal ang tapang nina Pedro (4:13). Hindi
lang sila Pedro, kundi lahat ng members ng church nila, hindi
natinag, "They continued to speak the word of God with
boldness" (4:31). Kapag sinabi kong boldness, hindi ito iyong
tulad ng ginagawa kong pagtayo sa harap ninyo, kahit pa
magbitaw ako ng mga salitang matatapang. Kundi tulad ng
pangangaral sa harap ng mga taong may hawak na mga bato
para ipukol sa iyo o mga warrant of arrest para ipakulong ka.
That's boldness.
Persevering Joy. Normally, kapag humihirap ang buhay at
nagigipit tayo, nababawasan ang joy natin. Lalo na kung
maexperience mo ang mga verbal at physical torture. Pero
itong mga apostol? Aba, mga nakangiti pa. "Then they left the
presence of the council, rejoicing that they were counted
worthy to suffer dishonor for the name" (Acts 5:41). Kaya din
nasabi ni James, kapatid ni Jesus na naging leader ng Jerusalem
church, sa kanyang sulat, "Count it all joy, my brothers, when
you meet trials of various kinds" (James 1:2).
Paano nangyari 'to? Sa kabila ng pressures sa kanila, tuluy-
tuloy pa rin sila sa pagsunod, lalo pa silang tumapang, at mas
naging masaya pa. Kung titingnan nung ibang tao iyan, para
atang mga baliw 'to. Paano nangyari iyon?
Pray. Nanalangin sila. Dapat ganoon din ang response natin
kapag persecuted tayo. Pray! Anumang hardships
54
naeexperience natin, we must always depend on God through
prayer.
Bakit sila nanalangin? Kasi naniniwala sila na kung sa sarili
nila, hindi sila magiging ganoon katapang, alam nila na sa sarili
nila, baka sumuway sila sa utos ng Dios, at hindi ganoon
kadaling manatili ang joy nila sa oras ng kagipitan. At
naniniwala sila kung sino ang Dios na kinakausap nila. Pagka-
report ni Peter at John, "they lifted their voices together to God
and said, 'Sovereign Lord, who made the heaven and the earth
and the sea and everything in them...' (4:24). Siya ang
Panginoon ng lahat, hindi ang mga government officials. Ang
kasangga nila ay ang lumikha ng lahat ng bagay, kaya walang
kahit sinuman ang puwedeng kumalaban sa kanila. He is
sovereign, everything is under God's control. Kung ang
nangyari nga kay Jesus ay ayon sa balak ng Dios, ganoon din sa
nangyayari sa church. That is why they prayed. Kaya nang
makulong ulit si Pedro, "So Peter was kept in prison, but
earnest prayer for him was made to God by the church" (12:5)
Anong pinagpray nila? Una, they prayed for boldness. And now,
Lord, look upon their threats and grant to your servants to
continue to speak your word with all boldness..." (4:29).
Ikalawa, they prayed for a demonstration of God's might.
"...while you stretch out your hand to heal, and signs and
wonders are performed through the name of your holy servant
Jesus” (4:30). They prayed for power. Mahina tayo, sa sarili
natin wala tayong magagawa. Kaya tayo nananalangin, lalo pa
kapag dumaraan tayo sa matinding persecution. Kung hindi ka
nananalangin, ibig sabihin, naniniwala ka na malakas ka at di
ka naniniwala na makapangyarihan ang Dios.
55
Practice God’s Presence. Anong nangyari pagkatapos nilang
manalangin? "And when they had prayed, the place in which
they were gathered together was shaken…" (4:31). God
answered with a demonstration of his unmistakeable presence.
Nakapagsalita nang may katapangan si Pedro kasi ano? He was
“filled with the Holy Spirit” (4:8). Pagkatapos magpray, “they
were all filled with the Holy Spirit and continued to speak the
word of God with boldness” (4:31). Alam nilang nasa kanila ang
Espiritu, at ito rin ang pangako ni Jesus noon, “And when they
bring you before the synagogues and the rulers and the
authorities, do not be anxious about how you should defend
yourself or what you should say, for the Holy Spirit will teach
you in that very hour what you ought to say” (Luke 12:11-12).
Ang Banal na Espiritu, ayon naman sa Statement of Faith natin,
“ay nananahan sa lahat ng tunay na sumasampalataya simula
sa oras na sila ay maligtas, tinutulungan sila upang mamuhay
nang may kabanalan at pinalalakas sila para sa ministeryo o
paglilingkod.” Ito ang sikreto bakit sila ganoon katapang at
hindi natatakot. Wag mong sabihing ordinaryong tao ka lang at
wala namang masyadong training sa ministry o sa evangelism.
Sina Pedro at Juan ganoon din. Ang kaibahan lang? “They
recognized that they had been with Jesus” (4:13). The presence
of Jesus sa kanila, through the Holy Spirit, ang susi para
magpatuloy sila sa paglilingkod gaano man kahirap.
Why God Allows Persecution
Bakit nga naman hinahayaan ng Dios ang persecution? Bakit
hindi pwedeng wala na lang ganito? Dapat alam natin ilan sa
mga dahilan o motivations niya para maging ganito din ang
motivations natin at sa gayo’y maging handa tayo sa pagharap
ng mga persecutions.
56
It is for God’s world. Tingnan n’yo ang obvious na pattern sa
Acts after episodes of persecution: "But many of those who had
heard the word believed, and the number of the men came to
about five thousand" (Acts 4:4); "The disciples were increasing
in number" (6:1). Kumakalat lalo ang mabuting balita. Mas
maraming nakakakilala sa Panginoon at naliligtas. That’s good
news for the world.
It is for God’s church. Ang intensiyon ng Dios ay hindi lang
dumami ang makakilala sa Panginoon, kundi para sa atin din,
para mas tumibay at mas maging puro ang ating
pananampalataya. Ito iyong “tested genuineness of our faith” (1
Pet. 1:6-7). Hindi ba't sa pamamagitan nito, mas naging masaya
sila, mas nakilala nila ang kapangyarihan ng Panginoon, mas
naging buo ang loob nilang sumunod hanggang kamatayan,
mas naging katulad nila ang Panginoong Jesus. Tulad ng
hangad ni Pablo, “That I may know him and the power of his
resurrection, and may share his sufferings, becoming like him
in his death. (Phil. 3:10).
It is for God’s glory. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Na sa
pamamagitan ng persecution mas nakikilala ang Dios. Mas
naitataas ang pangalan ni Jesus. No other name but Jesus! Sabi
pa ng isang opisyal, “If this plan or this undertaking is of man, it
will fail; but if it is of God, you will not be able to overthrow
them. You might even be found opposing God” (5:38-39)! Our
mission is "to build local and global grace-communities of
committed (not convenient, not comfortable) followers of
Christ for the glory of God.” The world is not impressed with
our affluence, but with our joy in the midst of sufferings and
persecutions.
57
Dati parang naiinggit ako sa mga churches na ang lalaki, libu-
libong umaattend. Parang ang sarap magpastor doon! Pero
ngayon, di na ko naiinggit. Binago ng Dios ang perspective ko
tungkol sa kung ano ba ang nais niya sa church at sa
ministeryo. Ano nga naman ang inam nang isang libo ang nasa
church mo kung karamihan ay gustong parang nakaupo lang sa
sofa? Hindi ba’t mas mainam na isandaan lang ang miyembro
pero lahat naman ay handang makipaglaban sa giyera, kahit pa
tamaan ng bala.
58
PART 5 – UNITY AND PURITY February 17, 2013 | Derick Parfan | Acts 4:32-37; 5:1-16
Uncomfortable Story
Apat na kuwento na ang napag-aralan natin sa series natin sa
Acts. So far, so good. Magagandang kuwento ito ng
magagandang nangyayari. Umakyat si Jesus sa langit at
nangakong babalik siya. Bumaba ang Espiritu at nagbigay
kapangyarihan sa iglesia para maging matatapang na saksi ng
muling pagkabuhay ni Jesus. Libu-libo na ang bilang ng mga
miyembro nila. Namumuhay sila na parang isang pamilya.
Masayang-masaya. Bagamat may hindi magandang nangyari
tulad ng pagkakulong ng mga apostol, pag-uusig sa kanila, at
pambubugbog, masaya pa rin sila kasi alam nilang ito ang
kalooban ng Dios at may magandang nangyari pagkatapos nito.
Obviously what we're seeing here is a picture of an ideal
church, what God intends for his church to be. Gusto natin
ganyan din sa atin. Pero malayo pa tayo diyan. Kahit na
intention ng series natin ngayon ay makita ng mga hindi pa
members na dapat kayong magpamember sa BBCC, hindi ko
sinasabing this is a perfect church. Walang perfect church. At
kung meron ka mang makita, wag kang magpamember doon,
hindi na magiging perfect iyon. Hangga't nandito pa ako sa
church, this is far from perfect. Mangyayari lang iyon sa
pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Kaya wag natin ding iisiping "perfect church" ang church sa
Acts. Katunayan ang maririnig nating kuwento ngayon ay hindi
kumportableng pakinggan. Tungkol sa pera (na sensitibong
topic sa maraming tao) na nauwi sa kasalanan (na iniiwasan
nating pag-usapan) na nauwi sa kamatayan (na kinatatakutan
59
ng marami). This is not a comfortable story because it is so
close to the issues of our hearts. But we need to hear these
kinds of stories. Unang-una na ay dahil ito ay salita ng Dios
para sa ating iglesia at para sa lahat ng naririto kahit hindi
members ng church.
The Story of Barnabas and Ananias
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 4:32-37; 5:1-16:
Noong panahong iyon, nagkakaisa ang damdamin at
isipan ng mga tagasunod ni Jesus. Itinuturing nilang
ang mga pag-aari nila ay hindi kanila kundi para sa
lahat.
Walang kinakapos sa kanila dahil ibinubuhos ng Dios
ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat at bawat isa
ay ibinabahagi ang kanilang pagpapala sa mga
kapatid na nangangailangan.
Ganyan din ang ginawa ng isang lalaki na ang
pangalan ay Barnabas. Ipinagbili niya ang kanyang
bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan para
ibigay sa kung sinuman ang nangangailangan.
Mayroon pang isang lalaki na ang pangalan ay
Ananias. Ibinenta nila ng kanyang asawang si Safira
ang ilan sa kanilang pag-aari. Ibinigay niya ang ilan sa
mga napagbilhan sa mga apostol, pero ang sabi niya
ay iyon na ang buong halaga ng napagbilhan.
Kasabwat niya ang kanyang asawa sa panlolokong ito.
Kaya't sinabi ni Pedro, "Ananias, bakit ka nagpadala
kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo?
Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa?
Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang
60
maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit
mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa amin
nagsinungaling kundi sa Diyos."
Nang marinig ito ni Ananias, siya'y patay na
bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring
iyon ay pinagharian ng matinding takot. Lumapit ang
ilang binata, binalot ang bangkay, at siya'y inilibing.
Pagkaraan ng may tatlong oras, dumating naman ang
kanyang asawa na walang kamalay-malay sa
nangyari. Kinausap siya ni Pedro, "Sabihin mo sa akin,
ito nga ba lamang ang kabuuang halagang
pinagbilhan ninyo ng inyong lupa?" "Oo, iyan lamang,"
sagot ng babae.
Kaya't sinabi sa kanya ni Pedro, "Bakit nagkaisa
kayong subukin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan!
Kadarating pa lamang ng mga naglibing sa iyong
asawa, at ikaw naman ngayon ang isusunod nilang
ilibing!"
Noon di'y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at
namatay. Pagpasok ng mga binata, nakita nilang
patay na siya kaya't inilibing siya sa tabi ng kanyang
asawa.
Nakadama ng matinding takot ang buong iglesya at
ang lahat ng nakabalita nito.
Marami pang mga himala ang ginawa ang mga
apostol - nakapagpapagaling sila ng mga maysakit na
dinadala sa kanila pati mga inaalihan ng mga
demonyo. Namamangha ang mga tao dito. Parami
nang parami ang bilang nila, pero mayroon ding ibang
61
hindi mangahas na sumama sa kanila. Regular silang
nagtitipun-tipon bilang magkakapatid sa Panginoon.
Barnabas or Ananias?
Ano ang nangyari sa mag-asawa Ananias at Safira? Ipinagbili
nila ang property nila at ang ilan sa pinagbilhan ay binigay sa
mga apostol para ibahagi sa mga nangangailangan, tulad ng
ginagawa ng marami sa kanila noong panahong iyon. Mainam
naman ang ginawa nila. Pero ang hindi mainam ay ang sabihin
nilang ang ibinigay nila ay 100% nang pinagbilhan
samantalang hindi naman. Mamaya makikita natin kung ano
ang kasalanan nila. Ngayon alam natin na dahil doon. Namatay
silang mag-asawa bilang hatol ng Dios.
Alam n'yo ba na ang ibig sabihin ng "Ananias" ay "Yahweh has
been gracious"? Pero nakita ba sa response niya ang nag-
uumapaw na grace ni God? Hindi. At sa halip na pagpalain siya
ng Dios, hinatulan siya. Si Safira? Ang pangalan niya ibig
sabihin "sapphire" o "beautiful," siguro maganda talaga siya,
pero lumutang ang pangit na nasa puso niya. Imbes na
bumango ang pangalan niya, naging isang mabahong bangkay.
This story is indeed an ugly story. And scary, too.
Nagsimula ang chapter 5 sa salitang "but," ibig sabihin ang
ipinapakitang larawan sa kuwento ng nangyari kina Ananias at
Safira ay salungat ng larawang ipinakita ni Barnabas. Ang isa ay
pangit, ang isa ay maganda. Ang isa ay di dapat tularan, ang isa
ay dapat tularan. Ang isa ay discouraging, ang isa ay
encouraging. Ang isa ay salungat sa nais ng Dios sa kanyang
iglesia, ang isa ay ayon sa kalooban ng Dios.
Bakit, ano ba ang ginawa ni Barnabas? Pareho din ni Ananias
na ipinagbili ang ari-arian niya, pero ang kaibahan lahat
62
ibinigay niya alang-alang sa mga kapatid na nangangailangan.
Hindi lang si Barnabas ang ganito, kundi lahat ng mga kaanib
ng iglesia na nagmamay-ari ng mga bahay at lupa (4:34). Ang
ibig sabihin ng pangalan ni Barnabas ay "son of
encouragement" (4:35). Talaga namang maraming
maeencourage sa ginawa niya lalo na ang mga naghihirap sa
church nila. He was living true to his name, unlike Ananias and
Sapphira.
This is a reminder for us Christians, that we bear the name of
Christ. Na ang ginagawa ba natin ay totoo o ayon sa pangalan ni
Jesus o salungat sa kanyang kalooban? Tulad nga ng sabi ni
Pablo, "Only let your manner of life be worthy of the gospel of
Christ" (Phil. 1:27). Tulad ni Barnabas. Hindi tulad ni Ananias.
Believers or Unbelievers?
Obviously si Barnabas ay isang tunay na Cristiano. Hindi lang
siya basta kabilang sa local church nila, kundi maging sa
universal, invisible church. Kung saan kabilang ang lahat ng
tunay na sumasampalataya kay Cristo. At ganito ang picture ng
church na lahat ay tunay na Cristiano: "Now the full number of
those who believed were of one heart and soul, and no one said
that any of the things that belonged to him was his own, but
they had everything in common...There was not a needy person
among them, for as many as were owners of lands or houses
sold them and brought the proceeds of what was sold and laid
it at the apostles’ feet, and it was distributed to each as any had
need" (4:32, 34-35).
Ipinapakita ng larawang ito na merong unity sa church. Hindi
na makasarili ang mga tao. Ang pag-ibig ni Cristo ay bumago at
nag-uumapaw sa puso nila kaya malaya na silang magmahal ng
iba, kahit pa mga dati nilang kaaway, kahit pa mga taong may
63
utang sa kanila na matagal nang hindi bayad. Bukod doon,
malaya na rin sila sa pag-ibig sa mga material na bagay.
Mahirap ang ginawa nilang iyon na ibenta ang ari-arian nila at
ibigay sa mahihirap na members nila. Imposible sa tao iyon.
Pero dahil sa pag-ibig ni Cristo, masaya nilang nagagawa iyon
dahil hindi na pera ang dinidiyos nila. This is a picture of a true
Christian Church. Si Barnabas ay isa sa magandang halimbawa
niyan.
How about Ananias? Siyempre hindi siya ganoon, pati asawa
niya. Kaya nga pinarusahan sila ng Dios. Ang tanong, Cristiano
nga kaya ang mag-asawang ito? Maaaring mga tunay na
Cristiano sila dahil hindi naman sila ibinilang o itinuring na
tulad ng mga di sumasampalataya. Members sila ng church,
may relasyon kay Cristo at sa Espiritu. Kung Cristiano sila,
parang ang lupit naman ng ginawa ng Dios at ni Pedro sa
kanila. Patay agad. Wala man lang disciplinary procedure?
Dapat nating marecognize na ito ay unique sa history ng
church, hindi na ito naulit pa sa Acts na dinisiplina ng Dios ang
isang Christian at pinatay.
Pero paalala ito sa atin na kahit sa church, oo nga't mga tunay
na tayong Cristiano, pero umaasta tayo na parang mga hindi
Cristiano. Warning ito sa atin na may disiplina ang Dios.
Gagamitin niya ang church tulad ng ginawa ni Pedro para
kumprontahin kayo. Kaya nga pinirmahan natin sa covenant
natin, "Tatanggapin ko at magpapasakop ako sa pagdidisiplina
ng iglesia." Kung umiwas ka man sa pagdidisiplina ng iglesia,
hindi mo malalampasan ang disiplina ng Dios at alalahanin
nating isa sa form of discipline niya ay ang kamatayan o
premature death (see 1 Cor. 11:30; 1 John 5:16).
64
Meron namang ilang nagsasabi na maaaring ang mag-asawang
ito ay hindi mga tunay na Cristiano. Pwede kasi parang sa halip
na mapuspos sila ng Espiritu, si Satanas na ang kumontrol sa
kanila, parang tulad ng ginawa niya kay Judas. Saka ang form of
punishment ng Dios ay reminder sa mga taong nagsasabing
Cristiano sila pero hindi naman na hindi man sila mamatay
agad, pero ito rin ang sasapitin nila balang araw. The local
church is composed of both believers and unbelievers. Hindi ko
alam kung sino sa inyo ang tunay, although I hope and pray na
lahat kayo. But there are those who professed to be believers
but they were really unbelievers. If this is the case of Ananias,
then what happened is a picture of future judgment for all false
professors of faith.
Sabihin man nating Cristiano sila o hindi, let's not waste more
time debating that. Tulad ng mga nagtatanong din sa akin kung
Cristiano ba ang tao na iyon kung ganoon ang ginagawa niyang
mga kasalanan. But let this story serve as a warning to us na
iwasan ang kasalanan nila at tularan ang kay Barnabas. That
we all be serious in matters about the church and what God
intends for his church. This is a serious story, calling for a
serious re-commitment to Christ. Peter was not playing games
with the couple. So, "Let us stop playing games with the
church" (David Platt).
Ano ba ang dapat nating iwasan sa ginawa ni Ananias? Ano ba
ang kasalanan niya? Ano naman ang kaibahan dito ni Barnabas
na siya namang dapat nating tularan?
Freedom or Sense of Duty?
Not out of duty. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Pedro
ang ginawa nitong mag-asawa. Pero nang kumprontahin muna
niya si Ananias, sabi niya, "While it remained unsold, did it not
65
remain your own? And after it was sold, was it not at your
disposal? Why is it that you have contrived this deed in your
heart? You have not lied to men but to God" (5:4). Hindi naman
batas sa church na dapat ibenta ang bahay at lupa para ibigay
sa church. Those were voluntary in their part, not compulsory.
Hindi ito sapilitan. Nang ibenta nila, hindi naman din
requirement ibigay lahat. Voluntary din. Pero ang problema
nila, dahil siguro nakikita nilang ganito ang ginagawa ng
marami, feeling nila kailangan sila din dapat ganoon. Ayaw ng
Dios ng ganoon.
But out of the freedom we have in Christ. Ang gusto niya iyong
malaya at masaya sa pagbibigay. "Each one must give as he has
decided in his heart, not reluctantly or under compulsion, for
God loves a cheerful giver" (2 Cor. 9:7). Ganoon ang ginagawa
ng mga tulad nina Barnabas. Masaya sila. Ganoon din sa
panahon noon ni Haring Hezekiah na nag-umapaw ang mga
offerings for the temple, "And Hezekiah and all the people
rejoiced because God had prepared for the people, for the thing
came about suddenly" (2 Chronicles 29:36).
Maraming mga tao, ang nagiging factor sa decision nila kung
magjojoin sa isang church ay ang sagot sa tanong na, "Anu-ano
ba ang bawal diyan?" Hindi iyon ang main issue sa atin. Kundi
iyong transformed hearts. Anu-ano ba ang gagawin mo na
magpapakita na binago na ng Dios ang puso mo. Malaking
bagay dito ang tungkol sa pagbibigay. Kaya nga nakalagay sa
members' covenant natin: "Uugaliin ko ang pagkakaloob sa
gawain ng BBCC nang masaya ayon sa pagpapala sa akin ng
Diyos." Naniniwala po tayo na biblical ang "tithing" o giving at
least ten percent of our gross income to the Lord - sa church, sa
missions, sa Christian causes. Ginagawa po namin iyang mag-
66
asawa. At ng marami sa members natin na siyang talaga
namang pinakamasaya sa church. Pero hindi ito dapat ituring
na isang "batas" kundi maipakita natin kung gaano tayo kasaya
sa pagbibigay, kung gaano kalaki ang pagpapala ng Dios, kung
gaano natin kamahal ang church natin at ang mga taong
hanggang ngayon ay hindi pa nakakarinig ng mabuting balita.
Sana po mapalitan na ang tanong ng marami na, "Kailangan ba
talagang 10% ang ibigay?" ng ganitong tanong, "Pwede bang
hindi lang 10% ang ibigay ko, kundi lagpas-lagpas pa?"
Generosity or Love of Money?
Not love of money. Oo nga't ibinigay ng mag-asawa ang bahagi
ng napagbilhan sa mga apostol, hirap na hirap silang
pakawalan ang iba pa. They love their money and the things
that money can buy. Ito ang problema nila. Ito rin ang problema
ng marami ngayon kaya hirap na hirap mapakawalan ang pera
para sa pagbibigay. Kaya payo ni Pablo, "But if we have food
and clothing, with these we will be content. But those who
desire to be rich fall into temptation, into a snare, into many
senseless and harmful desires that plunge people into ruin and
destruction (like what happened to Ananias!). For the love of
money is a root of all kinds of evils. It is through this craving
that some have wandered away from the faith and pierced
themselves with many pangs" (1 Timothy 6:8-10).
But overflowing generosity. Kapag ganito na ang nangyayari sa
church tulad ng sa Acts, kapag may lumapit na isang kapatid na
hirap na hirap sa buhay at nangungutang ng malaki, hindi mo
pinautang kasi sabi mo, "Hindi ako nagpapautang, pero
ibebenta ko ang iPad at laptop ko para ibigay ko sa iyo. Wag mo
nang babayaran. Sa iyo na iyon." That's overflowing generosity.
Kapag may pagawain sa simbahan o may kailangang
67
suportahang missions project at malaki naman talaga ang
kailangan, tapos marami sa inyo sinabi, "Hindi muna ko bibili
ng kotse ngayon, hindi ko muna ipapaayos ang bahay namin,
magfafasting ako para makatipid, para maibigay ko sa misyon,"
that's overflowing generosity. At kung ganoon ang mangyayari
sa bawat isa sa atin, we will really be free from the love of
money. And we will be truly happy.
Tulad ng iglesia sa Macedonia: "We want you to know, brothers,
about the grace of God that has been given among the churches
of Macedonia, for in a severe test of affliction, their abundance
of joy and their extreme poverty have overflowed in a wealth of
generosity on their part. For they gave according to their
means, as I can testify, and beyond their means, of their own
accord, begging us earnestly for the favor of taking part in the
relief of the saints" (2 Corinthians 8:1-4).
Integrity or Hypocrisy?
Not Hypocrisy. Ang problema kasi nitong mag-asawa ay hindi
naman iyong kulang ang bigay nila. Pero iyong sabihing
ibinigay nila lahat pero hindi naman. Iyon bang ipakita sa tao
na generous ka pero hindi naman pala. Kaya nga sabi ni Pedro
sa kanya, hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Espiritu.
Bakit? Kasi naman, ang pagiging generous ay obvious work of
the Spirit in a person's life. Pero kung ipakita mo sa tao na
Spirit-filled ka, pero hindi naman pala, that's hypocrisy.
Kinumpronta na nagsinungaling pa. Kaya sabi ni Pedro, "You
have agreed together to test the Spirit of the Lord" (5:9). Diyan
galit ang Panginoon. Yes, God loves a cheerful giver. But he also
hates a deceitful giver. Hindi mo pwedeng lokohin ang Dios.
Hindi tayo pwedeng magpanggap na mahal natin ang Dios kung
ang nasa puso naman pala natin ay ang pag-ibig sa sarili natin.
68
Hindi tayo pwedeng magpanggap na mapagbigay, kung ang
nasa puso naman natin ay pagkamakasarili. Be warned of the
danger of hypocrisy. God hates it so much, God abhors it. This
story is proof of that.
But Integrity. Gusto ng Dios na makita sa atin iyong saganang
pagbibigay na nanggagaling sa pusong masaya, nagmamahal sa
Dios, sa iglesia at sa mga taong hanggang ngayon ay di pa
nakakakilala kay Cristo. Sa lahat ng ginagawa natin, overflow
ng kung ano ang nasa puso natin. What is seen outside is what
is going on inside. That's integrity.
Spirit-Filled or Satan-Filled?
Spirit-filled. Obviously, ang Espiritu ay Dios din. Sabi ni Pedro
na nagsinungaling sila sa Espiritu, nagsinungaling sila sa Dios.
Ipinapakita sa atin dito na hindi mo pwedeng maliitin o
balewalain ang Espiritu. Siya nga ang dahilan kung bakit
nagkakaisa ang iglesia, siya nga ang dahilan kung bakit
nagiging mapagbigay ang mga Cristiano. "The fruit of the Spirit
is love, joy..." (Gal. 5:22). Ito ay panawagan sa lahat ng Cristiano
na mamuhay nang puspos ng Espiritu (Eph. 5:18), na
ginagabayan, na pinangungunahan, na pinalalakas, na
kinokontrol ng Espiritu sa lahat ng bahagi ng buhay, sa lahat ng
oras.
Not Satan-Filled. Kung hindi, maaaring ibang espiritu ang
makaimpluwensiya sa atin. Tulad ng nangyari kay Judas. Tulad
ng nangyari kay Ananias. Sabi ni Pedro sa kanya, "Why has
Satan filled your heart to lie to the Holy Spirit" (5:3)? They let
Satan take charge, instead of the Spirit. Wag din nating
balewalain si Satanas. Totoo siya. Totoong "Si Satanas ang
69
kaaway ng Diyos at kasama ng mga demonyo, ay humahadlang
sa mga gawain ng Diyos at umaatake sa mga mananapalataya"
(Statement of Faith). Kaya naman, "Ang mga mananampalataya
ay dapat lumaban sa Diyablo at umiwas sa lahat ng uri ng
kapangyarihan o karunungan na nagmumula sa kanya"
(Statement of Faith). We are commanded to resist him, firm in
faith, and submit to God (1 Peter 5). Hindi ito nagawa ni Adan
at Eba nang tuksuhin sila ng ahas. Hindi ito nagawa ni Ananias
at Safira nang maipluwensiyahan sila ni Satanas. Sa pagkain
man o sa pera o sa Internet o sa TV o sa trabaho, gagamitin ni
Satanas para ilayo tayo sa Dios, para sumuway tayo sa Dios,
para sirain ang misyon ng Dios, para guluhin ang pagkakaisa sa
iglesia. Pero magtatagumpay ba siya?
The Greatness of God
Great fear because of great judgment. Siyempre hindi
magtatagumpay si Satanas. At isa sa dahilan kung bakit ganito
kagrabe ang nangyari dito ay para ipakita ng Dios kung gaano
siya kadakila. Hindi kayang sirain ni Satanas ang plano ng Dios
para sa iglesia. Gusto ring ipakita sa atin ng Dios na seryoso
siya sa kasalanan at hindi natin puwedeng sirain ang templo ng
Espiritu - ang iglesia. "Do you not know that you are God’s
temple and that God’s Spirit dwells in you? If anyone destroys
God’s temple, God will destroy him. For God’s temple is holy,
and you are that temple" (1 Corinthians 3:16-17). Kaya nga si
Achan pinatay din ng Dios (Joshua 7). Pati si Adan at Eba, dahil
sa isang kasalanan nila, pumasok ang kamatayan. Dito sa story
ngayon, ipinapaalala ng Dios na he is the great judge. At ano
dapat ang response natin doon? "And great fear came upon all
who heard of it" (Acts 5:5). Inulit ulit, "And great fear came
upon the whole church and upon all who heard of these things"
70
(5:11). Tama lang ito sa mga tao - kahit Cristiano na - na
nawawala na ang takot sa Dios at sa kanyang kabanalan.
Great power because of great grace. Pero hindi naman takot
lang ang gusto ng Dios na maramdaman natin. Na sa
pamamagitan nito we experience his great power and great
grace. "And with great power the apostles were giving their
testimony to the resurrection of the Lord Jesus, and great grace
was upon them all" (4:33). Paano mangyayari ito? Hindi ba't
kung magkakaisa tayo, magmamahalan sa isa't isa, at
matututong magbigay nang sagana at masaya. Oo nga't may
nabawas na dalawa. Pero dahil sa ginagawa ng Espiritu sa unity
at purity ng church, higit na marami pa ang nadadagdag.
Ganyan ang kapangyarihan ng Dios na hindi kayang pantayan
ng Kaaway. "And more than ever believers were added to the
Lord, multitudes of both men and women" (5:14). Ganyan din
ang mangyayari sa church natin kung magtutulungan tayong
panatilihin ang unity and purity sa church natin.
Team Barnabas for Team Cambodia
Money is a test for our church's unity (free to love each other)
and purity (free from the love of things). Hindi ko iiwasang
pag-usapan natin ito, kahit pa sensitive na topic sa marami.
Dahil para din naman ito sa church natin. Ngayon taon, we
approved a monthly budget na more than 100,000 pesos.
Makikita kung nagkakaisa talaga tayo at mahal natin ang iglesia
(hindi ang sariling bulsa) kung magiging tapat tayo sa pag-
iikapu at pagbibigay ng mga offerings.
Tanda rin ng pagpapala ng Dios ang makapagbigay pa tayo
nang higit sa regular nating ibinibigay. Halos 170,000 na ang
71
nakalaan para sa target na 250,000 para sa ating Training
Center Project. Pagkatapos ng concert sa Sunday, baka 40,000
na lang ang kailanganin natin. Nagiging posible ang parang
imposible dahil sa pagkilos ng Espiritu sa church at espiritu ng
pagkakaisa at pagbibigay.
Hindi pa tapos. Sa May 3-17, pupunta naman tayo sa Cambodia
para makapartner ng mga Christians doon sa pag-abot sa mga
Cambodians na karamihan ay mga Buddhists. At hopefully
merong isa o dalawa sa kasama sa team ang iconsider na
maging long term missionary doon. Keep in mind that this is a
short-term trip with a long-term vision. Kaya nga kahit malaki
ang kailangang i-raise (240,000), gagawin natin, kasi ito ay
kalooban ng Dios.
We really encourage you to be partners with us in this work by
giving, not just praying. Hindi dahil gusto lang naming may
makuhang pera sa inyo. Kundi para marealize natin na ang
perang malilikom para dito ay "God's money from God's people
to do God's work." It's not really about Cambodia or our church
or your money but it is about God. That story of Ananias and
Sapphira will make sense if we know that it is about God. The
missions to Cambodia will make sense when we know it is
from him, through him and for him. At bilang tugon, let us not
be like Ananias. Let us all be like Barnabas.
PART 6 – LEADING AND SERVING March 3, 2013 | Derick Parfan | Acts 6-8
72
Problems and the Growth of the Church
Nag-eenjoy ako sa ministeryong ipinagkatiwala sa akin ng Dios
bilang pastor ninyo, lalo na sa pagsasanay ng mga disciples at
pagtuturo ng Salita ng Dios. Lalo na kapag nakikita kong
lumalago at nagiging mas committed ang mga members ng
church. Pero hindi ibig sabihin noon na walang mga problema.
Marami rin.
Ilan na mga nakarating na balita sa akin tungkol sa sexual
immoralities ng ilang mga members - at nagrespond tayo doon.
May mga dinisiplina para maituwid. May mga tampuhan na rin,
pero naayos din dahil napag-usapan. May ilan din na mga
members na hindi na natin nakikita, o kung nakikita man natin,
hindi naman aktibo sa paglilingkod. Pero nitong mga
nakakaraang buwan, parami nang parami ang sabik na
maglingkod sa Panginoon. Nitong mga nakaraang araw lang,
may nabalitaan kaming gawa ng Kaaway para sirain ang
magandang ginagawa ng Dios sa iglesia. Pero nagtutulungan
ang mga liders ninyo para labanan anumang tangka ng Kaaway
na manira dito.
Lumalago ang iglesia, hindi dahil magaling tayo, kundi dahil sa
gawa ng Espiritu sa atin, kahit sa mga panahong may mga
maling desisyon tayong nagagawa o may mga problemang
nangyayari sa loob at labas man ng church natin. Ganoon talaga
ang nangyayari sa isang church kapag hinayaan nating ang Dios
ang kumilos. Ganito na ang nakita nating nangyayari sa church
sa Acts:
So those who received his word were baptized, and there were
added that day about three thousand souls (2:41).
And the Lord added to their number day by day those who were
being saved (2:47).
73
But many of those who had heard the word believed, and the
number of the men came to about five thousand (4:4).
And with great power the apostles were giving their testimony
to the resurrection of the Lord Jesus, and great grace was upon
them all (4:33).
And every day, in the temple and from house to house, they did
not cease teaching and preaching Jesus as the Christ (5:42).
Kumilos man si Satanas para sirain ang iglesia, usigin man ang
mga tagasunod ni Jesus, sumulpot man ang mga immorality sa
loob ng church, magkaroon man ng mga tampuhan at alitan,
walang problema na hindi kayang lagpasan ng isang iglesiang
nagpapasakop sa Dios at hinahayaang siya ang kumilos. Basta
nandoon ang patuloy na pangangaral ng Salita ng Dios,
pagkakaisa, at pagmamahalan sa iglesia.
Ganito ang sumunod na nangyari, nagkaroon ulit ng problema:
"Now in these days when the disciples were increasing in
number..." (Acts 6:1). Pero naging maganda ang naging
response ng church sa dumating na problema kaya, "And the
word of God continued to increase, and the number of the
disciples multiplied greatly in Jerusalem, and a great many of
the priests became obedient to the faith" (Acts 6:7). Titingnan
natin kung ano ang problema at ano ang naging tugon nila.
Bago iyon, ilagay muna natin sa isip natin na paano kung tayo
ang nakarinig ng ganitong problema o nakakita ng ganitong
pangangailangan, ano ang magiging tugon natin? Sasabihin ba
natin, "Hmmm. Bahala na lang sila pastor diyan. Ah, hindi para
sa akin iyan. Magpray na lang ako. OK na ko dito."? Hindi
siyempre!
The Story of the Seven Men
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 6:1-7:
74
Nang panahong parami na nang parami ang mga
tagasunod ni Jesus, nagreklamo ang mga Judiong
nagsasalita ng Griego laban sa mga Judiong
nagsasalita ng Hebreo. Hindi kasi nabibigyan ng mga
tulong ang mga biyuda nila.
Kaya ipinatawag ng mga apostol ang lahat ng mga
tagasunod ni Jesus at sinabihan sila, "Hindi mabuting
mapabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Dios
para mag-asikaso ng mga materyal na tulong. Pumili
kayo sa mga kasamahan n'yo ng pitong lalaki na may
magandang reputasyon, marunong, at puspos ng
Espiritu. Sila ang mangangasiwa sa gawaing ito, at
ilalaan naman namin ang mga oras namin sa
pananalangin at pag-aaral ng salita ng Dios."
Kaya pumili sila ng pitong lalaki, iniharap sa mga
apostol, ipinanalangin sila, at pinatungan ng kamay
bilang pagtatalaga sa tungkulin.
Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Dios at patuloy
na dumami ang bilang nila, kasama na dito ang
maraming mga pari.
Three Dimensions of Serving
Sa kuwentong ito, bago natin tingnan ang problema, pansinin
muna natin ang iba't ibang klaseng ministries na gagampanan
ng bawat isa sa atin. Merong tatlo, na naniniwala ako na bawat
isang Cristiano ay may tungkuling gampanan sa iba't ibang
paraan. Merong klase na mas pagtutuunan mo ng pansin, pero
lahat ay dapat na ginagampanan natin bilang paglilingkod sa
Dios.
75
Prophetic Ministry of the Word. Ito ang ginagawa ng mga
apostol dito sa kuwento natin. Ang salita na galing sa Dios ay
dinadala nila sa mga tao - Cristiano man o hindi. The direction
of this ministry is God to Man. Ito rin ang ginawa ng
Panginoong Jesus. Siya mismo ang Salita ng Dios at ang
mensahe niya sa tao ay ang salita ng Dios. Mga apostol lang ba
ang gumagawa nito? Hindi! Lahat ng mga Cristiano gumagawa
nito. Ikinuwento sa iba ang mga kamangha-manghang ginawa
ng Dios. Tinutulungan natin ang bawat isa na mas maging
attentive sa salita ng Dios. Bahagi ito ng covenant natin: "Mag-
aakay ako ng mga tao kay Cristo bilang kanilang Tagapagligtas
at Panginoon sa pamamagitan ng aking mabuting halimbawa at
pagsaksi."
Priestly Ministry of Prayer. Ito rin ang minodelo ng mga
apostol sa kuwentong ito. Ang ministeryo nila ay ilapit ang
mga tao sa Dios - dalhin sa trono ng Dios ang mga kailangan,
mga problema, mga sakit ng tao. The direction of this ministry
is Man to God. Ito rin ang ginawa ng Panginoon. Siya ang
Tagapamagitan sa Dios at sa tao. Ang mga apostol lang ba ang
gumawa nito? Hindi! Lahat ng mga Cristiano ay
makapaglilingkod sa bawat isa sa pamamagitan ng
pananalangin sa bawat isa. Bahagi ito ng covenant natin:
"Ipananalangin ko nang regular ang paglago at mga gawain ng
iglesia."
Kingly Ministry of Love. Isang dahilan kung bakit powerful
ang witness ng early church ay dahil kitang-kita ang
pagmamahalan nila sa isa't isa. Kaya noong nakakaligtaang
bigyan ng tulong ang mga biyuda ng mga Judiong nagsasalita
ng Griyego (Hellenists), big deal sa kanila iyon. Dahil isang
bahagi ng paglilingkod ay iyong pagtulong sa pangangailangan
76
ng iba. The direction of this ministry is Man to Man. Ito ang
ipinakita ng Panginoon. Bagamat siya ay Hari, nagpakababa
siya, namuno siya nang may pagkalinga sa pangangailangan ng
mga tao. Obviously ito ang ginagawa ng lahat ng Cristiano. At
sobrang powerful nito. Hindi ba't binanggit sa kuwento na
maraming mga pari ang naligtas. Bakit? Kasi ang mga pari sa
panahon nila, maraming mahihirap at neglected ng mga
religious leaders. Ibang iba ang nakita nila sa pag-ibig ng mga
Cristiano. Ito rin ang sabi ng Panginoon, "Love one another. By
this all people will know that you are my disciples if you have
love for one another" (John 13:35).
Commitment in Serving
Tatlong klase o dimensions ng ministry - love, Word, prayer -
lahat dapat involve tayo. Ngayon ang tanong sa atin, Paano tayo
maglilingkod? Ano dapat ang maging focus natin? Kasi itong
mga apostol, bakit ayaw nilang tumulong sa mga biyuda? Ibig
sabihin ba kulang sila sa love, servanthood and sacrifice? Hindi
iyon ang binabanggit sa kuwento, kasi ang commitment sa
ministry ay commitment...
Sa anumang pagkatawag ng Dios. Hindi tayo ang
magdedesisyon kung ano ang gagawin natin. Ang Dios ang
tumatawag. Siya ang tumawag sa 12 apostol. Siya ang tumawag
sa pitong lalaki para mangasiwa sa paglilingkod sa mga biyuda
at iba pang mga kailangang gampanan sa iglesia. Lahat
mahalaga sa iglesia. Tayo ay isang katawan na maraming
bahagi. Ito ang pangako natin sa covenant natin:
"Paglilingkuran ko ang Panginoon nang bukal sa loob, matiyaga,
at matapat ayon sa ibinibigay na kalakasan at kakayahan sa
akin ng Panginoon." Sabi ni Pedro,
77
As each has received a gift, use it to serve one another,
as good stewards of God’s varied grace: whoever
speaks, as one who speaks oracles of God; whoever
serves, as one who serves by the strength that God
supplies—in order that in everything God may be
glorified through Jesus Christ. To him belong glory and
dominion forever and ever. Amen (1 Peter 4:10-11).
Sinabi ng mga apostol, kasama doon si Pedro, sa mga
nagrereklamo, “It is not right that we should give up preaching
the word of God to serve tables" (6:2). Hindi dahil ayaw niyang
maglingkod sa mga biyuda, kundi dahil alam niya kung saan
siya tinawag ng Panginoon. At kung tinawag siya para sa
pangangaral ng Salita ng Dios at panalangin, iyon ang unang-
unang paglalaanan niya ng atensiyon. Dahil ang commitment sa
ministry ay commitment din...
Na paglaanan ito ng sapat na atensiyon. Kung ano ang nais
na ipagawa sa iyo ng Panginoon, iyon ang pagtuunan mo ng
pansin. Sabi ng mga apostol na pumili sila ng pitong lalaki,
"whom we will appoint to this duty" (6:3). Kung sino ngayon
ang maitalaga sa ganoong gawain, sila ang magbubuhos ng
lakas, oras, at atensiyon sa gawaing iyon. At para naman sa mga
apostol, "But we will devote ourselves to prayer and to the
ministry of the word" (6:4). Ganito din ang bilin ni Pablo kay
Timoteo, "Until I come, devote yourself to the public reading of
Scripture, to exhortation, to teaching. Do not neglect the gift
you have" (1 Timothy 4:13-14). Merong gustong ipagawa ang
Dios sa iyo bilang bahagi mo sa misyon ng iglesia sa mundo. At
binigyan ka niya ng mga espirituwal na kaloob para magawa
ang mga iyon. Ang tanong sa iyo ngayon, Pinaglalaanan mo ba
ng sapat na panahon ang nais ng Dios ipagawa sa iyo? O baka
binabalewala mo? O baka distracted ka ng maraming mga
78
alalahanin sa buhay at nakakaligtaan mo na ang higit na
mahalaga ang maglingkod sa Panginoon, kaysa magpakapagod
lang sa makamundong bagay?
The Story of Stephen
Hanggang saan ngayon ang nais na commitment ng Dios sa
atin? Hindi lang atensiyon, oras at lakas ang pinag-uusapan
dito. Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 6:8-15; 7:1-
2, 51-60; 8:1-2:
Si Esteban ay isa sa pitong lalaking ito. Pinagkalooban
siya ng Dios ng pambihirang kapangyarihan. Kaya
maraming mga namamangha sa mga himalang
ginagawa niya, pero ang ilan ay kumakalaban sa
kanya. Pero kahit makipagtalo sila sa kanya, hindi nila
matalo si Esteban dahil sa karunungang bigay sa
kanya ng Espiritu.
Kaya pinaratangan nila si Esteban na nagsasalita ng
laban sa Dios at kay Moises. Dinala siya sa Korte at
pinagpaliwanag. Sinabi niya sa kanila, "Mga kapatid
at mga magulang, makinig kayong mabuti sa akin..."
Pagkatapos noon ay ikinuwento niya ang mga bagay
na ginawa ng Dios simula kay Abraham hanggang sa
pagdating ni Jesus. Sabi pa niya, "Matitigas talaga ang
mga ulo ninyo. Hindi kayo nakikinig sa mga mensahe
ng Dios. Hindi kayo sumusunod sa mga utos niya."
Nang marinig ito ng mga miyembro ng Korte, galit na
galit sila kay Esteban. Sinugod nila si Esteban,
kinaladkad palabas ng lungsod at pinagbabato.
Habang nangyayari ito sa kanya, nanatili siyang
puspos ng Espiritu, hanggang siya ay mamatay.
79
Inilibing siya at marami ang labis na nagdalamhati sa
pagkamatay niya.
Commitment in Serving
Hanggang saan ang commitment? Hindi pa ba obvious iyan sa
kuwento ni Stephen? Ang commitment sa ministry ay
commitment na buong buhay, habang buhay. Teka, baka
sabihin ng iba, oo nga't pambihira ang ganyang klaseng
commitment, pero para lang sa mga apostol iyan. Bakit?
Apostol ba si Stephen? Hindi ba't isa siya sa pinagkatiwalaang
mangasiwa sa pagpapakain sa mga biyuda? Anong ginagawa
niya ditong nakikipagtalo sa religious leaders nila? Napatay
tuloy. Hindi siya apostol. Pero alam niya kung ano ang
pinapagawa sa kanya ng Panginoon. He was a witness for Jesus.
Ang salitang "witness" ay galing sa Griyego na martus, kung
saan galing ang salita natin ngayon na martyr. Na karaniwan
nating tinutukoy sa mga pinapatay dahil sa pananampalataya
at pagsaksi kay Cristo. Pero noon, ang salitang ito ay tumutukoy
sa lahat ng Cristianong matapang na ipinapangaral si Cristo.
Stephen was the first martyr to die for his faith.
Ganyan ang commitment sa ministry, na sumunod sa
ipinapagawa ng Panginoon, buhay man ang maging kapalit. Di
tulad ng ibang mga Christian ngayon, sa oras lang di pa
makatupad, hirap na hirap pang bumangon nang maaga at
isakripisyo ang oras at pera para sa paglilingkod. Paano pa ang
buhay? Hindi ba't ganyan ang halimbawa ng paglilingkod na
ginawa ni Cristo? He came "not to be served but to serve and
give his life as a ransom for many" (Mark 10:45). Hindi ba't
iyon ang ibig sabihin ni Jesus ng, “If anyone would come after
me, let him deny himself and take up his cross and follow me"
80
(Mark 8:34). Serve with commitment. And be ready to die.
Walang retirement sa ministry. Huwag na nating hintaying
magkaroon ng magandang opportunity na maglingkod. Lagi
namang may opportunity. Si Stephen, sinabi ba niya, "Teka lang,
medyo mainit pa ang sitwasyon, di muna ko magsasalita,
delikado. Hihintayin ko munang maging acceptable na sa kanila
ang Story of God." Hindi. Sugod agad. He served like Jesus. He
died like Jesus. Pangit ba ang nangyari sa kanya? Hindi! "To live
is Christ, to die is gain" (Phil. 1:21).
The Story of Philip
Sa paglilingkod, hindi lang energy o effort ang pinag-uusapan
natin, kundi ang tamang motibo o puso sa paglilingkod.
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 8:1-26:
Sa pangunguna ni Saulo na sumang-ayon sa pagpatay
kay Esteban, nagsimula na ang matinding pag-uusig
sa mga mananampalataya sa Jerusalem. Nagsumikap
siyang wasakin ang iglesia. Pinapasok niya ang mga
bahay-bahay, dinadakip ang mga mananampalataya,
lalaki man o babae, at ikinukulong. Kaya kumalat sila
sa buong lalawigan ng Judea at Samaria at doon
nagpatuloy na mangaral ng Magandang Balita.
Isa sa mga ito si Felipe, na isa rin sa pitong lalaking
napiling mangasiwa sa pamamahala ng mga gawain
sa iglesia. Sa isang lungsod sa Samaria, nakikinig na
mabuti ang mga tao sa kanyang ipinapangaral
tungkol kay Cristo at humahanga sa mga himalang
ginagawa niya - nakapagpapalayas siya ng mga
masasamang at nakapagpapagaling ng mga maysakit.
81
Dahil doon, maraming sumampalataya at
nagpabautismo. Isa na rito si Simon na maraming
napapahanga dahil sa kahusayan sa salamangka. Pati
siya ay hangang-hanga sa ginagawa ni Felipe. Kaya
masayang-masaya ang mga tao doon.
Nang mabalitaan nina Pedro at Juan ang nangyari sa
Samaria, pinuntahan nila ito. Ipinatong nila ang mga
kamay nila sa mga mananampalataya roon at
natanggap nila ang Banal na Espiritu.
Nakita ito ni Simon, kaya inalok niya ng pera sina
Pedro at Juan at sinabi, "Bigyan ninyo ako ng ganyang
kapangyarihan, para sinumang patungan ko ng kamay
ay makatanggap din ng Banal na Espiritu."
Sumagot si Pedro, "Hindi mo mabibili ng pera ang
kaloob ng Dios. Wala kang bahagi sa gawain namin,
dahil marumi ang puso mo sa paningin ng Dios.
Pagsisihan mo ang masamang balak mo at
manalangin kang patawarin ka ng Dios, dahil nakikita
kong pinaghaharian ka ng inggit at ng kasalanan."
Pagkatapos nilang mangaral ng mensahe ng
Panginoon, bumalik na sina Pedro at Juan sa
Jerusalem. At nangaral din sila ng Magandang Balita
sa mga baryo na nadaanan nila pabalik. Habang si
Felipe naman ay pumunta kung saan sabihin sa kanya
ng Espiritu.
Commitment in Serving
Sa punto ng story sa Acts, pansinin n'yo na ngayon nakalabas
na sila sa Jerusalem. Hindi nila sariling pasya ito, kundi
napilitan sila dahil sa mga persecution na nangyayari. Matagal
82
na kasing nasa Jerusalem lang sila. Gumawa ang Dios ng paraan
para mas maging sabik ang puso nila sa paglilingkod at
lumawak pa hindi lang sa iisang lugar kung saan baka maging
kumportable na sila. Hindi ba't ang sabi ni Jesus sa Acts 1:8,
"But you will receive power when the Holy Spirit has come
upon you, and you will be my witnesses in Jerusalem and in all
Judea and Samaria, and to the end of the earth.”
Ginagamit ng Dios ang mga persecutions at iba pang mga
pagsubok para ituro sa atin na ang paglilingkod sa ministry ay
isang commitment na buong puso at may malinis na puso.
Nakita natin iyan sa katauhan ni Felipe. Hindi rin siya isa sa
mga apostol. Isa siya sa pitong lalaki - kasama ni Stephen - na
nangangasiwa sa paglilingkod sa mga biyuda. Maaaring dahil sa
persecution, naiba ang focus ng ministry niya. Napunta siya sa
Samaria. Ipinangaral niya si Jesus doon. Hindi ba't malaking
pag-ibig iyong ipinakita niya sa paglilingkod? Ito kasing mga
Samaritans ay itinuturing ng mga taga-Judea na hindi purong
Judio. Para bang mga Fil-Am. E ayaw nila ng ganoon. Ang
pinakita ni Felipe at iba pang Cristiano ay ang pag-ibig na tulad
ng kay Cristo sa kanyang pag-reachout sa Samaritan woman sa
John 4. Maging sina Pedro at Juan narecognize na iyon ay galing
sa Dios.
Pero makikita rin natin sa eksena ang dating magician na si
Simon. Maaaring hindi siya talaga tunay na mananampalataya
dahil sa tindi ng rebuke sa kanya ni Pedro. Pero anupaman,
warning ito sa atin na siyasatin ang puso natin sa paglilingkod.
Maaaring maraming oras nga ang ginugugol mo, o mataas ang
posisyon mo sa ministry, o tinitingala ka ng tao. Pero hindi ito
pagalingan, pataasan, at pagkuha ng approval ng tao. Ang
83
paglilingkod ay dapat na mula sa puso, buong puso, at galing sa
isang pusong dalisay. Na ang hangarin lang ay ipakita ang pag-
ibig sa Dios at pag-ibig sa kapwa.
The Spirit in Our Serving
Ang iba sa inyo sa tingin n'yo hindi n'yo kaya ang ganitong
klaseng commitment sa ministry. Ang iba naman sa inyo na
nagcommit na nang sobra sa ministry, pero nararamdaman
n'yo pa rin ang panghihina o mga struggles. Tandaan nating
hindi natin ito gagawin sa sariling lakas natin kundi sa lakas na
galing sa Dios. We serve "by the strength that God supplies" (1
Peter 4:11). Si Pablo sabi niya, "For this I toil, struggling with all
his energy that he powerfully works within me" (Colossians
1:29). Saan pa manggagaling iyon kundi sa Espiritung nasa atin
na, "There are varieties of activities, but it is the same God who
empowers them all in everyone...All these are empowered by
one and the same Spirit, who apportions to each one
individually as he wills" (1 Corinthians 12:6, 11).
Hindi ba't ang Espiritu ang gumabay sa bawat hakbang na
ginawa ng mga believers noon? Sa pagpili ng pitong lalaking
mangangasiwa, gabay ng Espiritu. Kaya pinatungan nila ng
kamay para marelease ang power ng Spirit sa buhay nila. Kay
Stephen, hindi ba't dahil puspos siya ng Espiritu kaya naging
buo ang loob niya na humarap sa mga umusig at pumatay sa
kanya? Kay Felipe, hindi ba't kung saan siya dalhin ng Espiritu
doon siya pumupunta? Kay Juan at Pedro, hindi ba't ipinatong
nila ang kamay nila sa mga kapatid sa Samaria para bumaba
ang Espiritu sa kanila?
84
Ang lahat ng kailangan nating qualification at resources sa
ministry, nasa atin na, dahil nasa atin na ang Espiritu. Iyan ang
pinaniniwalaan natin, "Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa
lahat ng tunay na sumasampalataya simula sa oras na sila ay
maligtas, tinutulungan sila upang mamuhay nang may
kabanalan at pinalalakas sila para sa ministeryo o paglilingkod"
(from BBCC Statement of Faith). Kaya nga ang hinanap nilang
mangangasiwa sa ministeryo ay dapat na "full of the Spirit"
(Acts 6:3). Ang description kay Stephen, "a man full of faith and
of the Holy Spirit" (6:4). Hanggang bago siya mamatay, "full of
the Holy Spirit" pa rin (7:55).
Kung nasa atin na ang Espiritu, ibig sabihin, nasa atin na
ang...Grace. Hindi mo na pwedeng sabihing, "Mukhang wala
naman akong maibibigay o maitutulong. Mukhang hindi naman
para sa akin yan." Grace nga iyan ng Panginoon. Magagawa mo
kasi gusto niyang gawin mo. Ano ang description kay Stephen?
"Full of grace and power" (6:8). Power. Kaya hindi na natin
pwedeng sabihing, "Mukhang imposible yata iyon." Faith. Ito
rin ang description kay Stephen, "a man full of faith" (6:4). Ito
rin ay regalo na galing sa Dios (Eph. 2:8-9), hindi lang para
maligtas tayo, kundi para makapaglingkod (2:10). Wisdom.
Hindi mo na puwedeng sabihing, "Hindi ko alam kung ano ang
kailangang gawin at paano gagawin iyon." Ang piniling
mangasiwa sa gawain ay "full of the Spirit and of wisdom"
(6:3).
Think about this: if the Spirit, grace, power, faith and wisdom
will control us in the ministry, sa halip na mga reklamo at mga
excuses, anong magiging resulta noon? If we respond to the
leading of the Spirit and serve where he leads us, we will be
85
more committed to serve others. And what is the result? "So
there is much joy in the city" (8:8). "The fruit of the Spirit is
love, joy..." (Gal. 5:22). Ito dapat ang gusto nating mangyari -
joy! Ito ang motive ni Pablo sa ministry, "We work with you for
your joy" (2 Cor. 1:24).
Yes, there are too many entertainment in our society, but not
much joy. Anong gagawin nating mga Cristiano kung ganoon?
Where is the Spirit leading you? In serving the church? In
serving non-Christians? In serving Cambodians? Pag-isipan at
pag-usapan nating mabuti. Huwag kang uuwi nang hindi
nasasagot ang mga tanong na iyan.
86
PART 7 – RADICAL TRANSFORMATION March 10, 2013 | Derick Parfan | Acts 8:1-3; 9:1-31
Impossible?
Merong isang salita na ginagamit natin - hindi man sinasabi
pero nasasaisip natin - na nagpapakita ng kakulangan ng
pagtitiwala natin sa Diyos. Ito ay ang salitang "imposible."
Maaaring meron sa inyo ngayon na ngayon lang nakadalo sa
church namin, napilit lang kayo ng kaibigan n'yo, pinagbigyan
n'yo lang. Pero sa isip-isip mo, "Imposible na akong
magbago." Lalo na kung iisipin mo ang napakaraming
kasalanang nagawa mo o mga kasalanan at pang-aabusong
ginawa sa iyo ng ibang tao. O kahit sa tingin mo Christian ka na,
nagsisi ka na sa kasalanan mo at nagtitiwala kay Jesus, pero
kapag naiisip mo ang mga patuloy na struggles mo sa
kasalanan at mga sakit na nararamdaman mo sa puso mo,
sinasabi mo rin, "Imposible na akong magbago. Ganito na lang
siguro hanggang mamatay ako makapiling ang Diyos sa langit.
O kaya naman, kapag nakikita mo ang ibang tao - asawa mo
siguro, o tatay, o anak, o kaibigan - tapos puro kabulastugan
ang ginagawa at sayang na sayang na ang buhay. Sasabihin mo
sa sarili mo, kahit na minsan ay naipagpray mo siya,
"Imposible nang magbago iyan!" Wala nang pag-asa iyan. Sa
impiyerno na ang tungo niyan. Tsk, tsk, kawawa naman.
O kaya naman, maaaring naniniwala kang posible pang
magbago ang kaibigan mo at kayang-kaya ng Diyos na gumawa
ng paraan para mangyari iyon. Pero ang pinagpepray mo ay
ganito, "Lord, sana po merong isang tao na kasama ko sa
church na gamitin mo para maishare sa kanya ang Story of
87
God." Ganoon ang prayer mo kasi sa isip-isip mo, "Imposibleng
gamitin akong instrumento ng Diyos para sa mga kamag-
anak o mga kaibigan ko. Kasi alam nila ang buhay ko dati."
Kapag pinag-uusapan natin ang pagbabago, hindi lang
pagbabago ng ugali, pagkawala ng bisyo, pagbabago ng gawain
ang pinag-uusapan natin. We are talking about true
transformation. A transformation of the heart. Puso mo man o
puso ng ibang tao. At kung sasabihin nating imposibleng
mangyari, baka nakakalimutan na natin ang napakaraming
kuwentong pinagdaanan natin sa Story of God's Church sa
Book of Acts.
Anu-ano ang parang imposibleng mangyari na nangyari?
[Hintaying sumagot]. Nabuhay muli ang Panginoong Jesus.
Nagsalita ang mga Christians noon sa iba't ibang wika na hindi
naman nila pa pinag-aralan. Nakalakad, nakatakbo at
nakalundag ang lumpo. Napalayas ang mga masasamang
espiritu. Nabago ang buhay ng mga tagasunod ni Jesus - sa
relasyon nila sa Diyos, sa relasyon sa isa't isa, pati sa relasyon
sa mga taong umaaway sa kanila.
Bakit nangyari ang mga ito? Tulad ng sa tanong ni Pedro noon
kay Jesus, "Sino na lang ang maliligtas (o magbabagong-
puso)?", ang sagot ay, "Imposible ito sa tao pero hindi sa Dios,
dahil ang lahat ay posible sa Dios" (Mark 10:26-27 ASD).
Posible kahit na sobrang grabe na ang kalagayan ng puso ng
tao? Kung hirap pa rin tayong maniwala doon, pakinggan n'yo
ang kuwentong ito, kung paanong binago ng Diyos ang puso ng
isang taong ang pangalan ay Saulo, na mas kilala natin sa
pangalang Pablo. This is true radical heart transformation.
88
The Story of Saul’s Conversion
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 8:1-3; 9:1-31:
Si Saulo, isang pinuno ng relihiyon ng mga Judio, ang
siyang pumayag sa pagpatay kay Esteban. Habang ang
mga tagasunod ni Jesus ay kung saan-saan
nakakarating para ipamalita ang tungkol kay Jesus, ito
namang si Pablo ay kung saan-saan din nagpupupunta
para subukang wasakin ang iglesia.
Patuloy ang pagbabanta niya sa buhay ng mga
tagasunod ni Jesus. Pinuntahan pa niya ang punong
pari para humingi ng mga sulat bilang katibayan na
binibigyan siya ng kapangyarihang hulihin ang
sinumang sumusunod kay Jesus.
Nang malapit na siya sa lungsod ng Damascus, bigla
siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula
sa langit. Natumba siya at may narinig siyang boses na
nagsasabi, "Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?"
Sumagot si Saulo, "Sino po ba kayo?" Sinagot naman
siya, "Ako si Jesus na iyong inuusig. Tumayo ka at
pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo
kung ano ang dapat mong gawin."
Natahimik lang ang mga kasama ni Saulo dahil
nakarinig lang sila ng boses, pero wala silang nakita.
Nang tumayo si Saulo, napansin niyang hindi na siya
makakita. Kaya inakay siya ng mga kasama niya
hanggang sa Damascus. Tatlong araw siyang hindi
nakakita.
Sa lungsod na iyon, nagpakita si Jesus kay Ananias, isa
sa mga tagasunod niya. Sinabi sa kanya ni Jesus sa
isang pangitain, "Puntahan mo si Saulo. Nananalangin
89
siya sa akin ngayon. At pinakita ko sa kanya sa isang
pangitain na pupunta ka sa kanya at ipapatong mo
ang kamay mo sa kanya para muli siyang makakita."
Pero sumagot si Ananias, "Panginoon naman, marami
po akong nabalitaan tungkol sa kalupitan ng taong
iyon sa mga kapatid ko sa Jerusalem."
Pero sinabi ng Panginoon, "Lumakad ka na at gawin
ang pinapagawa ko, dahil pinili ko siyang maglingkod
sa akin, para ipakilala niya ako hindi lang sa mga
Judio, kundi pati sa mga hindi Judio at sa mga hari
nila."
Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo. Ipinatong niya
ang kamay niya kay Saulo at sinabi, "Kapatid na Saulo,
pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus para muli
kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu."
Pagkatapos noon, biglang nakakita ulit si Saulo.
Tumayo siya at nagpabautismo.
Ilang araw siyang nanatili roon kasama ang iba pang
kapatid sa Panginoon. Pumunta siya sa mga bahay-
sambahan ng mga Judio at nangaral, "Si Jesus nga ang
Anak ng Diyos!" Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya
at sinabi, "Hindi ba't ito ang taong umuusig sa mga
tagasunod ni Jesus sa Jerusalem?"
Lalong humusay si Pablo sa pangangaral. Pinatunayan
niya sa kanila na si Jesus nga ang Ipinangakong
Tagapagligtas. Paglipas ng ilang araw, nagplano ang
mga pinunong Judio para patayin siya. Pero may
nakapagsabi sa kanya ng plano nila, kaya isang gabi,
90
isinakay siya ng ilang mga kapatid sa isang malaking
basket at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod.
Pagdating niya sa Jerusalem, gusto niya sanang
makisalamuha sa mga tagasunod ni Jesus doon, pero
takot sila sa kanya. Akala nila ay nagpapanggap lang
si Saulo na isa na sa kanila. Pero isinama siya ni
Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni
Bernabe sa kanila kung paanong nagpakita ang
Panginoon kay Saulo. Ikinuwento din niya kung
paanong buong tapang siyang nangaral tungkol sa
Panginoon tulad din ng iniutos sa kanya.
Pagkatapos siyang tanggapin ng mga apostol, patuloy
siyang matapang na nangaral tungkol kay Jesus. Ilang
mga lalaking nakadebate niya ang nagplanong
patayin siya. Nang malaman ito ng ilan, pinauwi muna
nila si Saulo sa Tarsus, sa bayang kinalakhan niya.
Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay
ng iglesia sa buong Judea, sa Galilea at sa Samaria.
Lalo pa silang dumami nang nagpatuloy na lumakas
ang kanilang pananamapalataya, namuhay na may
takot sa Panginoon, at pinalakas ng Banal na Espiritu.
Radical Life Transformation
Obviously, napakalaking pagbabago ang makikita natin sa
buhay ni Saulo (o Pablo later on). Kung titingnan natin ang
relasyon n'ya sa mga Christians, malaki ang pagbabago. From
zealous murderer to faithful brother. Siya ang pumayag para
patayin si Stephen. Siya ang nagpapadampot sa mga tagasunod
ni Jesus - lalaki man o babae - para ikulong sila. Ang life mission
statement n'ya ay ganito: "I will destroy the church!" Kaya lahat
ng dapat niyang gawin para mabura sa mundo lahat ng
91
tagasunod ni Jesus gagawin niya. Siya na rin ang nagsabi,
"Inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya" (1
Timothy 1:13 ASD). "Inusig ko ang iglesia ng Dios" (1 Cor. 15:9;
pati Phil. 3:6).
Pero nagbago iyon. Hindi na niya sisirain ang pamilya ng Diyos
dahil isa na siya sa kabilang sa pamilya ng Diyos. Ang mga
members ng church ay itinuturing na niyang mga kapatid kay
Cristo. Kahit pa ang ilan ay medyo naiilang at natatakot sa
kanya noong una kasi pinagdududahan kung tunay ang
pagbabagong nangyari sa kanya. Pero pinakita niyang kahit
maging sarili niyang buhay ibibigay niya para sa kapakanan ng
iglesia. Siya mismo ay inusig. At sa mga susunod na kuwento
makikita nating, ikukulong siya at mapapatay dahil sa
pagmamahal niya sa iglesia. Sa halip na wasakin ang iglesia,
ang mission statement na niya ay gawin ang lahat ng magagawa
niya para maitaguyod ito at maiharap na ganap kay Cristo (Col.
1:28). Devotion to the church. That's radical transformation.
Kung sa relasyon naman sa mga taong hindi niya kalahi, ito ang
malaking pagbabago: from being a proud Jew to being a
gospel preacher to the Gentiles. Sabi niya, "Ako'y tinuli noong
walong araw pa lamang ako (sign of the covenant with
Abraham). Ako'y isang Israelita mula sa lahi ni Benjamin. Kaya
kung pagiging tunay na Judio ang pag-uusapan, talagang tunay
akong Judio" (Phil. 3:5). Pero ang kanyang pagmamalaki sa
sarili niyang lahi ay binago ng Panginoon nang gawin siyang
mangangaral para sa mga hindi Judio. Dati wala siyang
pakialam sa kanila, pero ngayon ang ambisyon niya ay ito:
"through [Jesus] we have received grace and apostleship to
bring about the obedience of faith for the sake of his name
92
among all the nations" (Romans 1:5). Compassion and
passion for the nations. That's radical transformation.
Kung sa relasyon naman sa Panginoong Jesus ito ang malaking
pagbabago, from Jesus-hater to Jesus-lover. Sabi niya sa 1
Timothy 1:13, "Nilapastangan ko siya (si Jesus!) noong una"
(ASD). Kasi hindi siya naniniwalang si Jesus ang Messiah, ang
ipinangakong tagapagligtas. Para sa kanya, impostor lang si
Jesus. He hates this Jesus. That's why he hates his followers.
Pero nagbago iyon. Pagtayo niya sa bahay sambahan ng mga
Judio ang sabi niya, "Jesus is the Son of God" (Acts 9:10). Dati
nilalapastangan niya ang Diyos mismo dahil si Jesus ay Diyos na
nagkatawang tao. Ngayon, sabik niyang sinasabi sa iba, "Ito ang
tunay na tagapagligtas at Panginoon. Maniwala kayo sa kanya."
That's devotion to Jesus. That's radical transformation.
Kung titingnan naman natin ang pagtingin ni Pablo sa sarili
niya, napakalaki din ng pinagbago, from trusting in his self-
righteousness to trusting in Jesus-righteousness. Noong
una naman kasi, hindi naman tinitingnan ni Pablo o ng mga
kababayan niya na masamang tao siya. Katunayan ang
ginagawa niyang pag-uusig sa iglesia, para sa kanila, ay
pagsunod sa Diyos. At iyon ang pinakananais ni Pablo, ang
makasunod sa mga utos ng Diyos. Kaya sabi niya, "At kung
pagsunod sa Kautusan ng mga Judio naman ang pag-uusapan,
talagang sinunod ko ito dahil dati akong Pariseo. Kung tungkol
naman sa sigasig ng pagsunod ko sa relihiyon ng mga Judio,
inusig ko ang iglesya. Walang maipipintas sa akin pagdating sa
pagsunod sa Kautusan" (Phil. 3:5-6). Para sa kanya "blameless"
siya. He was trusting in his own righteousness. Pero nagbago
iyon. Sabi niya sa verse 9, "Hindi na ako nagtitiwala na maging
93
matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan kundi sa
pananampalataya kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ay
kaloob sa akin ng Dios nang sumampalataya ako kay Cristo."
Ang nangyari kay Paul ay radical transformation. Heart
transformation ang pinag-uusapan natin dito. Hindi lang
behavior modification. Kaya kung meron man ditong sa tingin
n'yo ay relihiyoso kayo, mabait na, hindi naman masama ang
ugali, pino kung kumilos, wala akong pakialam kung ganoon
kayo. Hindi iyon ang isyu. Hindi n'yo puwedeng sabihing,
"Hindi ko kailangan ang ganyang radical transformation, hindi
naman ako kasing grabe ni Pablo noon." Well, have you looked
at your heart lately? Hindi ba't may mga ginagawa tayong
mabuti at sa tingin natin ay para sa Diyos o para sa kapwa natin
pero ginagawa natin para maitaas ang sarili natin? We all have
heart issues. Kailangan nating lahat ng heart transformation. At
para mangyari ito, talaga namang major heart surgery ang
kailangan. This is the essence of the New Covenant, kung saan
ipinangako ng Diyos, "I will give you a new heart."
Because of Jesus
Paano nagbago ang puso ni Pablo? Because of Jesus, because he
met Jesus. Ganito ang naexperience ni Pablo nang makatagpo
niya ang Panginoong Jesus sa daan papunta sa Damascus.
Radical Mercy. "But I received mercy..." (2x in 1 Tim. 1:13, 16).
Kung tayo ang huhusga sa sitwasyon, sino ang mas nakakaawa
ang kalagayan? Ang mga taong ipinapakulong ni Saulo o siya na
nagpapakulong? Natural, iisipin natin mas kaawa-awa ang mga
Cristianong nagdurusa sa kulungan at ang iba ay ipinapapatay.
Pero naranasan ni Pablo ang kabutihan ni Cristo, na tumingin
94
sa kanya at naawa dahil si Pablo ang mas kahabag-habag ang
kalagayan dahil hiwalay siya sa tunay na buhay na nakay Cristo.
Hindi sinabi ni Jesus sa kanya, "Tumigil ka na, awang-awa na
ako sa aking iglesya na hirap na hirap na." Parang ang sabi niya,
"Tumigil ka na, awang-awa na ako sa iyo."
Radical Grace. Dahil sa ginagawa ni Saulo sa iglesia, ang
karapat-dapat na hatol sa kanya ay parusahan ng Diyos. Pero
hindi iyon ang naranasan niya kundi grace, God's goodness to
those who don't deserve it. Sabi pa niya, "And the grace of our
Lord overflowed for me with the faith and love that are in
Christ Jesus" (1 Tim. 1:14). "By the grace of God I am what I
am" (1 Cor. 15:10). "To me, though I am the very least (lit., "less
than the least") of all the saints, this grace was given" (Eph.
3:8). Hindi sinabi sa kanya ni Jesus na may hawak na espada,
"Heto ang para sa iyo!" Parang nakaunat ang kamay ni Jesus na
gustung-gusto na siyang yakapin at ilapit sa kanya, although
Paul deserves the opposite.
Radical Patience. "But I received mercy for this reason, that in
me, as the foremost, Jesus Christ might display his perfect
patience as an example to those who were to believe in him for
eternal life" (1 Tim. 1:16). Hindi niya sinabi kay Pablo, "Tama
na! Inuubos mo ang pasensiya ko. Hindi ko na palalagpasin ang
ginagawa mong kasamaan." Kundi isang malumanay at
mahinahon na, "Saul, Saul, why are you persecuting me?" Hindi
lang ito isang tanong na sinasabi ni Jesus, "Paki-explain please."
Hindi ganoon. Kundi isang invitation na isuko na ang sarili niya,
lumapit kay Jesus, sumunod sa kanya, maglingkod sa kanya.
95
Hindi lang naman si Pablo ang nakaexperience nito. Lahat
tayong naranasan at nararanasan ang radical transformation sa
atin. We are transformed into the image of Jesus as we behold
the glory of the Lord (2 Cor. 3:18) - his radical mercy, his
radical grace, his radical patience. Kaya napapakanta si Pablo,
"To the King of ages, immortal, invisible, the only God, be honor
and glory forever and ever. Amen" (1 Tim. 1:17).
Through the Church
Hindi man magpakita sa atin si Jesus nang mukhaan tulad ng
kay Pablo, bagamat may mga nababalitaan tayo sa ibang
mission fields na nagpapakita si Jesus sa pamamagitan ng
panaginip, pero may instrumentong ginagamit ang Panginoon
para sa ganitong klaseng radical transformation. And I am
talking about the church, na hinuhubog ng Panginoon para
maging kawangis niya. In his image. Ibig sabihin, kung paano si
Jesus humarap sa mga taong tulad ni Pablo, ganoon din dapat
ang ipakita nating mercy, grace and patience. Bakit nga hindi?
Pansinin n'yo ang mga salitang ginamit sa Acts 9 na tumutukoy
sa iglesya o sa Christians.
"The disciples of the Lord” (9:1). Kapag sinabing disciples,
Jesus will show you the way to live and you will follow his lead.
Ganyan ang mga members ng church. Nagpakita din si Jesus
kay Ananias, isa sa mga disciples (hindi ito ang Ananias na
asawa ni Sapphira sa Acts 5, patay na iyon). Sabi ni Jesus sa
kanya, "Puntahan mo si Saulo, para patungan ng kamay, para
makakita at mapuspos ng Espiritu." "Wait lang, Lord. Sure ba
kayo diyan? Si Saulo ba kamo? Hindi ba kayo nagkakamali?"
Hindi naman ganoon ang sinabi niya, pero parang ganoon din
ang idea. Siyempre hesitant siya, kahit sino sigurong Christian.
96
Lalo na kung isa sa kamag-anak o kaibigan mo ang pinakulong
o pinapatay niya. Pero sabi sa kanya ni Jesus, "Kung ano ang
sinabi ko, iyon ang gawin mo." Sumunod si Ananias. And that's
what a disciple of Jesus does. Follow his Lord.
“Belonging to the Way” (9:2). Ito ang first time na ginamit ang
"The Way" para tukuyin ang Christianity o ang Christian
church. Ilang beses pa itong ginamit sa Acts. Pero dito,
nagpapaalala ito siguro sa atin ng sinabi ni Jesus, "I am the way,
the truth and the life. No one comes to the Father except
through me" (John 14:6). Bilang mga Christians, ang tungkulin
natin ay ituro sa mga tao kung saan ang daan, ang nag-iisang
daan para maligtas at para makapamuhay nang ayon sa
kalooban ng Diyos. We point everyone to Jesus, the Way.
In union with Christ: “Why are you persecuting me?” (9:4).
Pansinin n'yo ang tanong ni Jesus kay Saulo. Hindi, "Why are
you persecuting my church?" Kasi para sa kanya, kung anong
ginagawa ni Saulo laban sa iglesya, kay Cristo niya ginagawa.
Nagpapakita ito ng napakagandang relasyon natin sa
Panginoong Jesus. We are in Christ, united with Christ. Parang
mag-asawa na hindi mo mapaghihiwalay. Kaya naman posible
ang radical transformation sa atin, because of our union with
Christ. Kaya posible din tayong maging agents of
transformation para sa ibang tao, dahil kay Cristo na nasa atin.
“Jesus’ saints” (9:10). Kapag sinabing "saint" hindi ito tulad ng
idea natin ngayon na mga ginawang santo at santa ng Romano
Katoliko tulad ni Pedro Calungsod. Sa New Testament, ang
"saint" ay tumutukoy sa lahat ng Christian. Ang basic idea nito
ay iyong pinabanal o ibinukod mula sa kasalanan at likong
97
pamumuhay tungo sa kabanalan at pagsunod sa Diyos. Ibig
sabihin, ang puso natin, ang lifestyle natin, ang treatment natin
sa ibang tao ay iba sa mundong ito. Pansinin n'yo kung ano ang
tawag ni Ananias kay Saulo, "Brother Saul..." (9:17). If Jesus was
not ashamed to call us "brothers" (Heb. 2:11), ganoon din ang
pinakita ni Ananias. Noong natatakot ang mga believers sa
tangka ni Saulo na makisalamuha sa kanila, ano ang ginawa ni
Barnabas? Hindi ba't ikinuwento sa kanila kung ano ang
ginawa ni Jesus sa buhay ni Saulo? Tamang-tama sa ibig sabihin
ng pangalan niya na nakita natin sa Acts 4, "son of
encouragement." Bakit ganito sila kay Saulo? Kasi naman, the
church is...
Bearing “the name” of Jesus (3x in 9:14-16). Sa verse 14, ang
tawag sa mga Christians, those who "call on his name." Si Pablo,
ano ang magiging calling niya? "To carry his name" (v. 15) sa
mga Gentiles at "to suffer for his name's sake" (v. 16). Ang
iglesya - bawat isa sa atin - ay nagiging instrumento ng Diyos
para sa radical transformation ng mga tao sa paligid natin kung
sa bawat salita natin, bawat gawa natin, dala-dala natin ang
pangalan ng Panginoong Jesus.
Telling a Radical Story
Kung dala-dala natin ang pangalan ng kaisa-isang pwedeng
bumago sa buhay ng mga tao, siyempre ikukuwento natin ito sa
iba. Si Pablo tumahimik ba siya? Hindi! Kahit sa harap ng mga
hari at mga pinuno at mga kaaway niya ikinuwento niya kung
ano ang ginawa sa kanya ng Panginoon (see Acts 22; 26). Ang
pangarap niya sa buhay ay matapos ang ministeryo
ipinagkatiwala sa kanya - "to testify to the gospel of God's
grace" (Acts 20:24). Si Barnabas, hindi ba't ikinuwento din niya
98
sa mga apostol ang ginawa ni Jesus para kay Saulo? Ang mga
members ng church noon, sa tingin n'yo ba'y hindi nila ito
pinagkukuwentuhan din? Sa tingin n'yo ba'y hindi nila ikinalat
ang balitang ito sa mga taong hindi pa naniniwala kay Cristo?
Hindi ba't nagbigay ito ng kumpiyansa sa kanila na patuloy na
ibahagi si Cristo sa iba?
Ano ang naging epekto sa church nitong kuwento ng radical
transformation na nangyari kay Pablo? Makikita natin sa dulo
ng kuwento ngayon, sa verse 31, na sa halip na kaguluhan ang
mangyari sa church nagkaroon ng kapayapaan, sa halip na
mawasak ang iglesya lalo pang tumibay, sa halip na sa tao sila
matakot sa Diyos sila patuloy na sumamba, at sa halip na
matalo sila ng pag-atake ng Kaaway naranasan nila ang
pagkilos ng Banal na Espiritu, at sa halip na kumonti ang bilang
nila, lalo pang dumami at marami ang nakakilala kay Cristo.At
hindi ba't ganito din ang mararanasan ng church natin kung
ikinukuwento din natin sa iba kung paano tayo binago at
patuloy pang binabago ng Panginoon?
Radical transformation is possible (and certain) because of the
radical grace of Jesus at work through the Spirit and the
Church. Dahil diyan, huwag tayong magsasawang ikuwento ang
pagbabagong ginawa at ginagawa ng Panginoon sa buhay natin.
Sa ilan sa inyo na talaga namang kitang-kita ang karumihan at
kaguluhan ng buhay n'yo noon, obvious ang pagbabagong
ginawa sa inyo ng Panginoon. Pero sa mga katulad ko na lumaki
na sa church, sa isip-isip siguro natin, "Ano naman ang
ikukuwento ko sa kanila, e hindi naman ako lasenggo noon,
hindi naman ako mabisyo, hindi naman ako nag-adik?"
Tandaan natin heart transformation ang pinag-uusapan dito.
99
Laking simbahan ka man, pero kung dati'y hiwalay ka kay
Cristo, masasabi natin sa iba, "Patay dati ang puso ko, ngayon
buhay na buhay dahil kay Cristo. Ang tiwala ko dati sa sarili ko,
ngayon kay Cristo na. Walang kuwenta ang buhay ko noon,
ngayon maikukuwento ko na sa iba dahil kay Cristo."
Posible dahil kay Cristo. Iba na ngayon ang sasabihin at iisipin
mo, “Posibleng magbago ako dahil kay Cristo!”; “Posibleng
magbago ang taong iyan dahil kay Cristo!”; “Posibleng gamitin
akong instrumento ng Diyos para sa mga kamag-anak at
kaibigan ko dahil kay Cristo.” Panahon na, mga kapatid kay
Cristo, para tanggalin ang salitang "imposible" sa bokabularyo
nating mga Cristiano.
100
PART 8 – LISTENING AND GOING March 17, 2013 | Derick Parfan | Acts 10:1 – 11:18
An Ear Problem
Meron tayong lahat na sakit sa tenga. Anong ibig kong sabihin?
We have a problem listening to God. We have a problem
hearing God's voice. Naniniwala ako na kinakausap tayo ng
Diyos sa iba't ibang paraan. Pero maraming tao ang hindi
nakikinig, nagbibingi-bingihan, para bang walang naririnig.
Marami tayong boses na naririnig araw-araw. Balita sa TV.
Tsismis ng kapitbahay. Sermon ni Nanay. Paulit-ulit na bilin ni
misis. Buhay-buhay ng ibang tao na nasa Facebook. Pero hindi
ba't ang first priority natin bilang mga Cristiano - mga anak ng
Diyos, mga tagasunod ni Jesus - ay makinig sa sinasabi ng
Diyos?
Kelan mo huling narinig na nagsalita sa iyo ang Diyos nang
malinaw na malinaw? Bago ka gumawa ng desisyon - tungkol
sa trabaho, sa pera, o sa pamilya - naging basehan ba ng
desisyon mo ang sinasabi ng Diyos o ang sarili mo lang gusto o
pangarap sa buhay? Yes, we have a problem listening to God.
Akala natin noon lang nagsasalita ang Diyos. Kay Moises sa
burning bush. Kay Daniel sa panaginip. Kay Maria sa
pamamagitan ng isang anghel. Akala natin noon lang iyon,
ngayon hindi na.
Sa iba naman na naririnig pa ang sinasabi ng Diyos, meron
pang isang problema. We also have a problem responding to
God's voice. Malinaw ang instruction niya na nakasulat sa
Bibliya. Malinaw ang plano niya sa buong mundo na gusto
niyang makibahagi ka doon. Alam mo iyon. Hindi mo
maikakaila iyon. Pero you're not responding kung ano ang
101
sinasabi niya. Hindi lang tenga ang problema natin. We have a
problem of the will. Alam na natin kung ano ang gusto ng Diyos
pinipili pa natin ang sa sariling gusto natin. Madali naman para
sa lahat sa atin sumunod sa Diyos - basta ang gusto niya ay
gusto din natin. Pero ibang usapan na kung ang pinapagawa
niya ay ayaw na natin o hindi kumportable sa atin.
Isang bagay na matututunan natin sa Book of Acts, sa buhay ng
unang iglesia ay itong pattern ng listening to God and
responding to God. Sa chapter 1, sinabi ni Jesus sa kanila na
maghintay sila na dumating ang Espiritu. Narinig nila iyon,
kaya naghintay nga sila. Sinabi din ni Jesus na sila ang magiging
mga saksi niya, ganoon nga ang ginawa nila sa mga sumunod
na chapters ng Acts. Sa Acts 2, sinabi ni Pedro sa sermon niya
na nakasulat sa Old Testament, sa book of Joel, na lahat ng
tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. Narinig nilang
iyon ang sabi ng Diyos, kaya ginawa nila ay inanyayahan ang
mga taong tumawag sa pangalan ni Jesus.
Sa chapter 4, pagkatapos ng prayer meeting nila, nayanig ang
lugar na pinagtitipunan nila. Narinig nilang para bang sinasabi
ng Diyos, "Nandito ako. Ako ang bahala." So ang response nila,
naging mas matapang pa silang mangaral sa kabila ng mga
pagbabanta ng mga kaaway nila. Sa chapter 5, habang
nakakulong ang mga apostol, nagpadala ang Diyos ng anghel
para iligtas sila at sinabihan silang mangaral ulit. Narinig nila
ang sinabi ng Diyos sumunod sila. Sa chapter 8, sinabi ng
Espirtu kay Philip na puntahan ang isang eunukong taga-
Ethiopia. Pinaliwanag naman ni Philip sa kanya ang sinasabi ng
Bibliya tungkol kay Jesus. Sa chapter 9, kinausap ni Jesus si
Saulo at si Ananias. Nakinig sila at sumunod sa sinasabi niya.
102
God speaks. We listen to him. We respond in obedience. Iyon
ang pattern. Simple lang ang Christian life. Ganoon ang pattern.
Ngayon tingnan natin kung paano natin makikita ang ganitong
pattern sa isa sa pangyayari sa buhay ni Pedro.
The Vision of Peter and Cornelius
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 10:1-23:
Habang inihahanda ng Diyos si Pablo na dalhin ang
Mabuting Balita tungkol kay Jesus sa mga hindi Judio,
inihahanda rin niya ang mga taong ito para
sumampalataya kay Jesus at matanggap ang kanyang
Espiritu.
Merong isang lalaking ang pangalan ay Cornelius. Isa
siyang kapitan ng batalyon ng mga sundalong
Romano. Hindi man siya isang Judio, siya at ang
kanyang pamilya ay may takot sa Diyos. Tumutulong
siya sa mga Judio at palagi siyang nananalangin sa
Diyos.
Isang hapon, may nagpakita sa kanya na isang anghel
ng Diyos. Tinawag siya nito at sinabi, "Cornelius!"
Tumitig siya at takot na takot na sinabi, "Ano po iyon?"
Sumagot ang anghel, "Pinakinggan ng Diyos ang mga
panalangin mo at natutuwa siya sa pagtulong mo sa
mga mahihirap. Ngayon, magpadala ka ng mga tao
mo at hanapin ang isang lalaking ang pangalan ay
Pedro. Nasa ibang lungsod siya at nasa isang bahay na
nasa tabi ng dagat. Ipasabi mo sa kanyang puntahan
ka at bisitahin." Pag-alis ng anghel, agad niyang
ginawa ang sinabi nito.
103
Kinabukasan, habang ang mga tauhang ipinadala ni
Cornelius ay papalapit na sa lungsod, umakyat si Pedro
sa bubungan ng bahay para manalangin. Tanghaling
tapat noon, kaya gutom na siya. Habang hinihintay
niya ang tanghalian, may ipinakita ang Diyos sa
kanya. Nakita niyang bumukas ang kalangitan at
parang may bumababang malapad na kumot na may
dala-dalang iba't ibang uri ng mga hayop - mga hayop
na ipinagbabawal sa kanilang kanin. Pagkatapos
noon, narinig ni Pedro ang salitang nagsabi sa kanya,
"Pedro, tumayo ka! Katayin mo ang mga ito at kainin."
Sumagot si Pedro, "Panginoon, hindi ko magagawa
iyan dahil hindi po talaga ako kumakain ng mga hayop
na itinuturing na marumi at ipinagbabawal kainin."
Sabi ng Diyos, "Huwag mong ituring na marumi ang
anumang bagay na nilinis na ng Diyos." Tatlong ulit
itong nangyari, at pagkatapos, hinila agad iyon pataas.
Naguluhan si Pedro. At habang iniisip pa niya kung
ano ang ibig sabihin nito, dumating na ang mga
tauhan ni Cornelius. Sinabi sa kanya ng Espiritu, "May
mga taong naghahanap sa iyo. Bumaba ka na at
sumama sa kanila. Huwag kang mag-alinlangan, dahil
ako ang nag-utos sa kanila."
Kaya bumaba si Pedro at hinarap ang mga bisita niya.
Listening to God’s Voice
Obvious sa kuwentong ito na nagsasalita ang Diyos. Ang
tanong, kanino siya nagsasalita? Nagsasalita ang Diyos sa lahat
ng uri tao. Malinaw dito na walang itinatangi ang Diyos.
104
Naintindihan din ito ni Pedro, "Truly I understand that God
shows no partiality" (10:34).
Mataas man o mababa ang social standing ng isang tao,
kinakausap siya ng Diyos. Si Cornelius ay isang high ranking
military officer. Kinausap siya ng Diyos. Si Pedro, maaaring ang
turing sa kaniya ay mababa ang social status dahil isang
fisherman dati. Pero kinakausap siya ng Diyos. This is part of
God's new covenant promise na binanggit din ni Pedro sa Acts
2, galing kay Prophet Joel, "And in the last days it shall be, God
declares, that I will pour out my Spirit on all flesh, and your
sons and your daughters shall prophesy, and your young men
shall see visions, and your old men shall dream dreams; even
on my male servants and female servants in those days I will
pour out my Spirit, and they shall prophesy" (2:17-18). Hindi
mo na puwedeng sabihing, "Hindi makikipag-usap sa akin ang
Diyos."
Maging Judio man o hindi Judio, kinakausap ng Diyos.
Obviously, dahil chosen nation ang Israel, ang mga Judio ay
kinakausap ng Diyos mula pa sa Old Testament. Pero ang point
ng story ngayon ay para ipakita na ang mensahe ng Diyos ay
bukas sa lahat ng tao, kahit ang mga hindi Judiong tulad ni
Cornelius at ng kanyang pamilya. Ito ang gustong ituro ng Diyos
kay Pedro. Kaya nga nakakita siya ng isang vision na may
kumot na maraming pagkain. Para sa mga Judio, marumi iyon.
Pero nilinis na ng Diyos. Hindi diet ang pinag-uusapan, kundi
ang pakikisalamuha sa mga hindi Judio. Pati sila ay dapat ding
makapakinig ng mensahe ng Diyos.
105
Sa mananampalataya man o hindi, nakikipag-usap ang Diyos. Si
Cornelius ay hindi pa ligtas sa simula ng kuwento. Bagamat
ipinakilala siya bilang isang taong may takot sa Diyos,
nananalangin, at nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap
(10:2), at para bang ganoon din naman ang mga ligtas na, pero
hindi ibig sabihin noong meron na siyang matuwid na relasyon
sa Diyos. Malinaw sa kuwento ni Pedro sa mga believers sa
Jerusalem na nagpakita ang Diyos kay Cornelius para ipasundo
si Pedro dahil, "Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas
at ang iyong buong pamilya" (11:14). At sa mensahe ni Pedro sa
bahay ni Cornelius, sinabi niya tungkol kay Jesus, "To him all
the prophets bear witness that everyone who believes in him
receives forgiveness of sins through his name” (10:43).
Kung wala pa ang Espiritu kay Cornelius at hindi pa siya ligtas,
bakit nakipag-usap sa kanya ang Diyos?
Sa mga hindi pa Cristiano, nakikipag-usap ang Diyos to prepare
their hearts to receive the message. Naalala n'yo ang parable of
the soils ng Panginoon? Merong apat na klase ng lupa, at ang
isa ay handang-handa sa pagtanggap ng mensahe ng kaligtasan
kaya namunga. Hindi ba't noong kausapin ni Pedro sina
Cornelius, handang-handa na! Tinanong siya ni Pedro kung
bakit siya ipinatawag. Heto ang sagot, "So I sent for you at once,
and you have been kind enough to come. Now therefore we are
all here in the presence of God to hear all that you have been
commanded by the Lord” (Acts 10:33). Sarap lang mag-Story of
God sa mga katulad nila na handang-handa na, hindi na
kailangan ng 12-Week SOG; 12-min SOG lang tumanggap na
agad sa mabuting balita. Ito ang ipanalangin natin, na bago pa
106
natin kausapin ang mga kaibigan natin, kausapin na sila ng
Diyos para handang-handa sa ibabalita natin sa kanila.
At sa atin namang mga Cristiano na, bakit tayo kinakausap ng
Diyos? Para iayon at tiyaking nakaayon ang puso natin sa
misyon niya. Para sabihin sa atin, "Ito ang gusto kong mangyari.
Gusto kong kasali ka dito." Ganito ang ginawa niya kay Pedro.
Bago ang kuwento kay Cornelius, may nauna pang nangyari.
Pinagaling ni Pedro ang isang pilay na ang pangalan ay Aeneas
(9:32-35). Binuhay niya ang isang patay, si Dorcas (9:36-43).
Ginagawa niya ang ginawa ni Jesus noon. Pero ang mga
naunang ito ay puro mga Judio, mga kababayan din niya.
Kinausap siya ng Diyos para sabihing ang puso ng Diyos ay nasa
mga katulad din ni Cornelius na hindi Judio. Ganoon din dapat
ang maging puso ni Pedro para sa kanila. Kinakausap tayo ng
Diyos para itama ang puso natin at iaayon sa puso niya.
Paano ba nagsasalita ang Diyos? Through Scripture (primarily).
Kaya nga ang tawag natin sa Bibliya ay Salita ng Diyos. Dati
akala ko sa Bible lang nagsasalita ang Diyos. Basahin ko lang
'to, gawin ang sinasabi nito, iyon na iyon. Pero habang mas
binabasa ko ang Bible, mas nakikita kong may iba pang paraan
kung paano nagsasalita ang Diyos. Para ba mas maging buhay
ang sinasabi niya, mas personal. Pero siyempre, hindi dapat
sumalungat sa sinasabi ng Bible.
Through the Holy Spirit. Sabi ni Pedro sa explanation niya kung
bakit siya pumunta kay Cornelius, "...the Spirit told me to go
with them" (Acts 11:12). Kaya nga ibinigay sa atin ang Espiritu.
Para kausapin tayo. Para sabihin sa atin ang mga bagay tungkol
sa Diyos at sa layunin niya sa buhay natin. Ang Espiritu din ang
107
nagpapaalala ng isinulat niya sa Bibliya. He's the Author,
remember?
Through visions, pictures and dreams. Ganito ang nakita ni
Pedro. A vision from God. May picture din ng mga hayop sa
isang malaking kumot. Ang point ay hindi tungkol sa pagkain,
kundi may meaning behind the symbol. Ang point ay sabihin sa
kanya ng Diyos na dapat siyang makisalamuha kahit sa mga
hindi Judio.
Through angels. Kay Cornelius may ipinakita ring vision ang
Diyos. At nakita niya ang isang anghel. Ang mga anghel naman
kasi ay mensahero na galing sa Diyos. May mensaheng ibinigay
kay Cornelius.
Through his messengers, preachers. Ang pamilya at mga
kaibigan ni Cornelius ay tumanggap ng Salita ng Diyos
("received the word of God," 11:1). Sino ang naghatid ng balita?
Hindi na anghel, kundi si Pedro. Ito ang itinalagang paraan ng
Diyos para kausapin ang mga tao tungkol kay Cristo - sa
pamamagitan ng Church. God speaks to us; he also speaks
through us.
Through the Body, the Church. Ang narinig ni Pedro mula sa
Diyos ay naconfirm din ng iba pang mga believers. Hindi
puwedeng si Pedro lang ang nagsasabi noon, tapos sabi ng
ibang members ng church na hindi naman pala iyon ang gusto
ng Diyos. Hindi ko puwedeng sabihin four years ago, "Sinasabi
sa akin ng Diyos na ako ang tinatawag niyang maging pastor
n'yo." Tapos sabihin naman ng majority ng church, "Ang dinig
namin sa Diyos ang sabi niya hindi ikaw ang magiging pastor
namin."
108
Through circumstances. Mamaya sa susunod na kuwento
makikita natin kung paanong mas naconfirm ni Pedro at ng
mga kapatid niya sa Jerusalem na ang misyon sa mga hindi
Judio ay tunay ngang galing sa Diyos. Iba't ibang paraan ang
ginagamit ng Diyos noon para makipag-usap sa tao, lalo na sa
church. Ngayon din iba't ibang paraan. Dapat maging attentive
tayo sa sinasabi niya. Hindi natin puwedeng limitahan ang
paraan ng pakikipag-usap ng Diyos sa atin.
At kung narinig natin kung ano ang sinasabi niya, dapat may
response tayo. Ano dapat ang response natin? Sinabi ng Diyos
kay Pedro nang ipakita ang vision tungkol sa mga hayop, "Rise,
Peter. Kill and eat." Anong unang response niya, "By no means,
Lord." Tapos may mga dahilan pa siya. E sinabi na nga ng Diyos
na kainin niya. Anong ironic sa response ni Peter? Tinawag
niyang Lord si Jesus, tapos sinabi niyang no! Dalawang
response lang sa salita ng Diyos ang pwede nating sabihin, "No"
or "Yes, Lord." Please don't say, "No, Lord." That doesn't make
any sense. Si Pedro kaya ano ang naging response?
The Meeting of Peter and Cornelius
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 10:23-48; 11:1-
18:
Kinabukasan, sumama na si Pedro at ang ilan sa iba
pang tagasunod ni Jesus sa mga tauhan ni Cornelius at
nagsimulang maglakbay papunta sa lungsod na
tinitirhan nito. Nakarating sila doon nang sumunod na
araw. Pagdating nila Pedro, nandoon sa bahay ni
Cornelius ang pamilya niya pati mga kamag-anak at
mga kaibigang inimbitahan niya.
109
Nagsalita si Pedro, "Alam ninyong labag sa tradisyon
naming pumasok sa bahay ng mga hindi Judio. Pero
ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat isiping
marumi ang sinuman. Kaya pumunta ako rito. At
ngayon, gusto kong malaman kung ano ang sadya n'yo
sa akin."
Ikinuwento sa kanya ni Cornelius ang mga sinabi sa
kanya ng anghel. Sinabi pa niya, "Sinabi sa akin ng
anghel na ipasundo kita dahil ikaw ang magsasabi
kung paano ako maliligtas at ang aking buong
pamilya. Kaya ngayon, naghihintay na kaming marinig
kung ano ang mensahe ng Diyos sa amin."
Sumagot si Pedro, "Kitang-kita ko na na walang
pinapaboran ang Diyos. Sa anumang lahi, tinatanggap
niya ang sinumang may takot sa kanya at gumagawa
kung ano ang mabuti." Sinabi pa ni Pedro sa kanila
ang tungkol sa Mabuting Balita ni Jesus, kung paanong
mapapatawad ang kasalanan ng lahat ng
sasampalataya kay Jesus.
Habang nagsasalita pa si Pedro, dumating ang
Espiritu ng Diyos at pinuspos ang lahat ng nakinig sa
mensahe niya. Nagpuri silang lahat sa Diyos at
nagpabautismo kaagad. Sina Pedro naman ay nanatili
sa bahay ni Cornelius nang ilang araw.
Agad na nakarating sa iba pang mga apostol at mga
tagasunod ni Jesus ang balitang pati mga hindi Judio
ay tumanggap na sa mensahe ng Diyos. Pero pagbalik
ni Pedro sa Jerusalem, mayroong ilang mga
kasamahan nila ang pumuna sa kanya, at sinabi,
110
"Pumasok ka sa bahay ng mga hindi Judio at kumain
ka pang kasama nila!"
Ikinuwento naman ni Pedro sa kanila ang lahat ng
nangyari. Sabi niya, "Kung ganoon ang gustong
mangyari ng Diyos, sino ba naman ako para
hadlangan siya?" Nang marinig nila ang paliwanag ni
Pedro, hindi na sila sumalungat pa at nagsimula silang
magpuri sa Diyos. Sabi nila, "Kung ganoon, ibinigay din
ng Diyos sa mga hindi Judio ang tunay na pagsisisi
para makatanggap din sila ng buhay na walang
hanggan."
Responding to God’s Voice
Kapag Diyos na ang nagsasalita, wala nang ibang tamang
response maliban sa pagtitiwala at pagsunod sa kanya. Sabi ni
Leanne Payne, "To listen to God is to obey him." Hindi ka talaga
nakinig sa kanya kung hindi mo sinunod kung ano ang gusto
niya. Tandaan natin sa pakikinig sa Diyos kung sino siya. He is
God; we are not. He is our Father; we are his children. He is
Lord; we are not. So, what does it mean to follow him in
obedience? Paano natin ito nakita sa story ngayon?
Following God's way, not opposing God. Noong unang
narinig niya ang sinasabi ni Lord, ayaw niyang sumunod. Pero
sinabi sa kanya na pwede niya nang kainin ang nilinis na ng
Panginoon. Ganoon din naman ang turo ni Jesus sa kanila noon
sa Mark 7:18-22 ("He declared all foods clean."). Pero hindi diet
ang concern ng Panginoon dito, kundi relasyon sa mga Gentiles
na itinuturing ng mga Judio na marumi, kaya hindi sila
nakikihalubilo sa kanila. Pero nilinaw ng Diyos, kaya tatlong
beses inulit ang vision, para "ma-gets" na ni Pedro. Natutunan
111
na rin sa wakas ni Pedro na hindi pwedeng ang gusto niya ang
masunod. Naalala n'yo dati nang sabihin ni Jesus na papatayin
siya, sabi ni Pedro, "Hindi mangyayari iyan Panginoon." Nang
sabihin din ni Jesus na lahat sila ay iiwan siya nang panahong
iyon at idedeny siya ni Pedro, sabi ni Pedro na hinding-hindi
niya iiwan ang Panginoon. Nang huhugasan ni Jesus ang paa ni
Pedro, sabi ni Pedro na hindi dapat si Jesus maghugas sa paa
niya. He was frequently found opposing God's will.
Pero ngayon naintindihan na niya. Kaya sabi niya pagharap
kina Cornelius. “Truly I understand that God shows no
partiality, but in every nation anyone who fears him and does
what is right is acceptable to him" (10:34-35). Kaya sinunod
niya ang ipinapagawa ng Panginoon. Sabi niya sa mga disciples
sa Jerusalem, "If then God gave the same gift to them as he gave
to us when we believed in the Lord Jesus Christ, who was I that
I could stand in God’s way?” When they heard these things they
fell silent. And they glorified God, saying, “Then to the Gentiles
also God has granted repentance that leads to life” (11:17-18)
Kung ang plano pala ng Diyos ay maligtas ang lahat ng lahi at
maraming pang tulad ng sa Cambodia na hindi pa nakakakilala
kay Jesus. Susunod tayo sa ipinapagawa niya. Kung malinaw na
ito ang sinasabi niya sa atin, to do nothing in response is not
just to do nothing, but to oppose his will. Kung malinaw din sa
kuwentong ito na ang concern ng Diyos ay hindi lang maligtas
ang isang tao kundi pati ang buong pamilya niya at mga
kaibigan, kung hindi natin ikukuwento ang Story of God sa
pamilya natin at tuturuan ang mga nandito na na ikuwento
naman ito sa iba, we are opposing God's way. We listen and we
follow his way, not our way.
112
Without hesitation or objection. Sinabi ng Espiritu kay Pedro
nang may dumating na mga lalaking galing kay Cornelius sa
bahay niya, "Rise and go down and accompany them without
hesitation, for I have sent them” (10:19-20). Without hesitation.
Wala nang excuses. Wala nang patumpik-tumpik pa. Sunod
agad. Hindi na nag-atubili pa si Pedro, sumama na siya. At
pagpunta kay Cornelius, sabi niya, , “You yourselves know how
unlawful it is for a Jew to associate with or to visit anyone of
another nation, but God has shown me that I should not call
any person common or unclean. So when I was sent for, I came
without objection.” (10:28-29). Kapag ang Diyos na ang
nagsalita, wala nang objection, walang negotiation, kahit pa
against sa traditional way of doing things.
Even if it goes against tradition. Nang sabihin niyang
"unlawful" hindi ibig sabihing labag sa Kautusan ng Diyos,
kundi sa tradisyonal na pagkaintindi nila sa Kautusan. E mali
naman pagkaintindi nila. Hindi naman sinabing bawal
pumasok sa bahay ng mga hindi Judio. Hindi pa rin madali para
sa kanya ang pinapagawa ng Diyos, kasi counter-cultural. Hindi
naman tayo sa tao makikinig, di ba? We must obey God rather
than men or our tradition. Kapag ginawa natin iyon, may mga
kokontra. Pero hindi bale, susunod pa rin tayo.
Even if there will be opposition. Pagkabalita ng mga ilang
believers sa Jerusalem, nacriticize siya ng mga taong ang
paniwala ay dapat pa ring tuliin ang mga hindi Judio para
maging lubos ang kanilang membership sa church (11:1-3).
Hindi lang mga non-Christians ang pwedeng kumontra sa atin,
pati mga Christians din. Kasi minsan may sasabihin sa atin ang
Diyos na gawin natin, pero hindi comfortable para sa ibang
113
Christians. Pero ano naman kung may kumalaban sa atin, alam
naman natin kung sino ang kakampi natin, alam naman natin
kung sino talaga ang Boss natin.
Not Tasks, But Relationship
Ang pakikinig sa sinasabi ng Diyos ay huwag n'yong isiping
parang ginagawa tayong utusan ng Diyos. Alam kong ang iba sa
atin allergic sa ganoon lalo na kapag ang experience ninyo ay
sobrang kulit ng nanay ninyo, utus nang utos sa inyo. Pero our
listening to God is not about tasks or duties we must perform
but about relationship. Iyon ang gusto ng Diyos - intimate
relationship with us, to draw us closer to him. Hindi ba't
ganoon ang naexperience nila Cornelius. They were "baptized
in the name of Jesus" (10:48). Ibig sabihin, pinakita nila ang
relasyon nila kay Jesus bilang siyang nagpatawad na sa
kanilang mga kasalanan. Nasa kanila na ang Diyos sa
pamamagitan ng Espiritu. "The Spirit fell..." (10:44). "...the gift
of the Holy Spirit was poured out..." (10:45). "...who have
received the Holy Spirit, just as we have" (10:47). At ano pa ang
naging resulta? They were praising God, "extolling God"
(10:46). Ang church noon, nakita nila na ang Diyos ang
mismong nagbigay ng kanyang sarili para sa atin (11:17). And
they glorified God (11:18).
Keep that in mind. Listening to God's voice and responding in
obedience is about an intimate relationship with God. Naririnig
natin siya at susundin natin siya dahil tayo ay mga tupa ng
isang Pastol: "The sheep hear his voice, and he calls his own
sheep by name and leads them out. When he has brought out
all his own, he goes before them, and the sheep follow him, for
they know his voice" (John 10:3-4). At dahil meron pang mga
114
tao na hindi pa kabilang sa kawang ito ng Diyos at gusto nating
sila din marinig ang sinasabi ng Diyos, aabutin natin sila. "And I
have other sheep that are not of this fold. I must bring them
also, and they will listen to my voice. So there will be one flock,
one shepherd" (10:16).
That's why we must make "listening prayer" as part of our daily
walk with God. This is the Christian life. This is the life of the
Church.
PART 9 – SENDING HELP March 24, 2013 | Derick Parfan | Acts 11:19 – 12:24
Breaking Selfish Hearts
The greatest threat to our church's mission is not persecution
or any outside problem. But a selfish heart. The problem is not
outside, but inside of us. Malinaw na gusto ng Diyos na lahat
tayo ay may bahagi sa misyon niya. Pero kung nagrerespond
tayo doon sa paraang ang dami-dami nating mga excuses, it
reveals selfishness sa heart natin. Bakit? Nakikita ang
selfishness sa heart natin kapag sinasabi natin, "Wala akong
oras para diyan. Wala akong oras para sa kanila." "Pagod na ko.
Magpapahinga na lang ako." "Wala na akong matitirang pera.
Dami ko pang kailangang bilhin at bayaran. Next time na lang.
Magpray na lang ako." Kahit sa prayer life natin, "Tulungan mo
ako, Lord. Bigyan mo ako nito..."
Obviously, there's a problem sa puso ng bawat isa sa atin.
Kasama ako doon. At ang nakikita kong ginagawa ng Diyos sa
church natin ay inihahanda ang bawat isa sa atin sa kanyang
"global mission" - iyon bang makita ng maraming tao sa iba't
ibang bansa kung sino ang Diyos na Lumikha, Nagbibigay,
115
Nagliligtas, at Naghahari. And for us to be effective witnesses of
his kingdom, we must get rid away of selfishness from our
hearts.
Throughout the story dito sa book of Acts, ito ang nakikita
nating ginagawa ng Diyos. Kaya nga ipinadala niya ang Holy
Spirit sa atin para unti-unti tayong baguhin at maging tulad ni
Jesus - the most selfless man the world has ever known. He
came not to be served but to serve and give his life as a ransom
for many (Mark 10:45). Walang selfishness sa kanya. Ang sa
kanya ay ibigay kung ano ang kailangan natin, sariling buhay
man niya ang maging kapalit. At gusto niya lahat ng mga
tagasunod niya ganoon din.
Kaya nga ganoon ang makikita nating ginagawa ng Diyos sa
church sa Acts. Hindi ba't simula pa lang nakita na nating they
were sharing life together? Sama-sama silang kumakain sa
bahay-bahay. Hindi nila itinuturing ang mga possessions nila na
sa kanila lang, kundi kung kailangan ng mga kapatid nila,
ibinabahagi nila. Meron pa ngang ilan sa kanila na ibinebenta
ang lupa't bahay para ipamigay sa mga mahihirap. Hindi ba't
ganoon ang ginawa ni Barnabas? Pati sariling buhay nila
ibibigay nila para ang mga kababayan nilang Judio ay
makakilala din kay Jesus. Hindi ba't ganoon ang ginawa ni
Stephen? Si Saulo naman, na dating umuusig at nagpapakulong
at nagpapapatay sa mga Christians noon, ay tinawag ng Diyos,
para siya naman ang magbigay ng buhay para sa mga hindi
Judio. Ang paghahatid ng blessing ng Panginoon sa mga hindi
Judio ay hindi madali para sa mga Judio kasi naging selfish na
sila at akala nilang ang blessing na ipinangako kay Abraham
noon ay para sa kanila lang. Kaya nagbigay ng vision ang Diyos
kay Peter para magsimula na silang abutin ang mga hindi Judio
116
at ikalat ang mabuting balita ni Cristo sa iba't ibang lahi sa
buong mundo. God is obviously at work breaking the
selfishness of the hearts of his children to be his effective
witnesses to the world.
The Church in Antioch
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 11:19-30:
Samantala, ang mga tagasunod ni Jesus na nangalat
noong panahong inuusig sila pagkatapos mamatay si
Esteban ay kung saan-saan pumunta. Ibinalita ng
karamihan sa kanila ang tungkol kay Jesus sa ibang
mga kapwa nila Judio. Pero may ilan din na pumunta
sa Antioch at ibinalita ang tungkol kay Jesus pati sa
mga hindi Judio. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos,
maraming mga tao roon ang tumanggap sa
mensaheng narinig nila at nagbalik loob sa Panginoon.
Nang marinig ng iglesia sa Jerusalem ang nangyari,
ipinadala nila si Bernabe sa Antioch. Pagdating niya
doon at nang makita niya ang mabuting pagkilos ng
Diyos doon, tuwang-tuwa siya at hinikayat niya ang
mga kapatid doon na manatiling tapat kay Jesus.
Mabuting tao si Bernabe, pinapatnubayan ng Espiritu
at malakas ang pananampalataya. Dahil doon, lalo
pang dumami ang mga tagasunod ni Jesus sa lugar na
iyon.
Pagkatapos, hinanap ni Bernabe si Saulo at isinama sa
Antioch. Sa loob ng isang taong pamamalagi nila doon,
tinuruan nila ang maraming tao. Dito sa Antioch
unang tinawag na Cristiano ang mga tagasunod ni
Jesus.
117
Sa panahong ito, may ilang mga propeta (mga
mensahero ng Diyos) mula sa Jerusalem ang nagpunta
sa Antioch. May isa sa kanilang nagsabi, ayon sa sinabi
ng Espiritu, na may darating na matinding taggutom
sa maraming mga lugar. Kaya nagpasya ang mga
Cristiano sa Antioch na magpadala ng tulong sa mga
kapatid nila sa Jerusalem at sa paligid nito, at bawat
isa sa kanila ay nagbigay ayon sa kaya nila.
Kaya dinala nina Barnabas at Saulo ang mga kaloob
na ito sa iglesia sa Jerusalem at ipinaubay sa mga
namumuno sa iglesia.
Sending Needed Help
Maisusulong natin ang misyong ibinigay sa atin ng Diyos at
hindi natin mahahadlangan kung hindi tayo magiging selfish. At
dito sa kuwentong ito, makikita natin kung paano nagrespond
ang mga Christians noon sa mga nakita nilang
pangangailangan.
The need: Meron sa kanilang nakakita na kailangan ding
marinig ng mga Gentiles ang mabuting balita ni Cristo. Ang
problema kasi, kahit na ipinakalat na sila ng Diyos gawa ng
persecution na nararanasan nila, karamihan sa kanila ay mga
kapwa-Judio pa rin ang mga kinakausap tungkol kay Cristo.
Siguro ang iba sa kanila hindi pa alam ang tungkol sa vision ni
Peter. Siguro din naman ang iba sa kanila kahit alam na nila,
reluctant pa rin. Ang hirap nga namang baguhin ng
nakasanayan na nila.
The response: Pero merong ilan sa kanila ang kahit na mahirap
sa kanila (culturally speaking) ay hindi naging selfish at sinabi
sa sarili nila, "Kailangan din nitong mga Hentil na marinig na si
118
Jesus ang Panginoon." So ganoon nga ang ginawa nila, sinabi sa
mga di-Judio, "Si Jesus ang Panginoon at Tagapagligtas." Iyon
ang application ng vision na pinakita ng Diyos kay Pedro. Iyon
din ang atas na bigay ng Diyos kay Pablo, na siya ang magiging
mensahero niya sa mga di-Judio.
The result: "A great (polus) number who believed turned to the
Lord" (11:21). Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi
sangkatutak ang kumilala kay Jesus bilang Panginoon. Ganyan
ang mangyayari kapag hindi tayo magiging selfish.
Application: Sa atin din kasi ngayon, merong ilan na maaaring
magsabi, "Bakit ba pupunta tayo sa Cambodia, gagastos ng
malaki, magpapadala ng misyonero? Dito nga sa atin,
maraming kailangang pagkagastusan, maraming kailangang
manggagawa." I hope wala sa inyo na ganyan ang mindset.
Dahil ang blessing na tinanggap ng mga Filipino galing sa Diyos
hindi natin dapat sarilinin. Malaki ang pangangailangan sa
Cambodia. Kailangan nila ang tulong natin. Excited din ang
church doon na pumunta tayo at malaking encouragement sa
kanila.
The need: Dahil marami ang bagong mga believers doon sa
Antioch. Marami ding kailangang turuan at sanayin para
maging matibay sa pananampalataya. Hindi lang mga
unbelievers ang kailangang tulungan. Pati mga bagong
believers.
The response: Nabalitaan ito ng church sa Jerusalem kaya
nagpadala sila ng tulong. They sent Barnabas (11:22). Ang
salitang "sent" doon ay galing sa Griyegong exapostello kung
saan galing ang salitang "apostle." Hindi man siya tulad ng 12
Apostles, pero ang ibig sabihin nito ay may ipinadala (si
119
Barnabas iyon), may nagpadala (ang church sa Jerusalem), at
merong misyong dapat tapusin (iyon ay para maencourage ang
mga believers doon). Tamang-tama naman ang pagkakapili sa
kanya. He's a "son of encouragement" (4:36). Naging
encouragement na siya sa maraming believers sa Jerusalem,
pati kay Pablo noong bago pa lang siyang naging follower of
Christ (9:27). Here in Antioch, Barnabas exhorted them to
remain faithful to the Lord (11:23). Ang ginawa niya ay ayon sa
kanyang character, "good man, full of the Holy Spirit and of
faith" (11:24).
The result: Maganda ang response ng church, maganda ang
ginawa ni Barnabas, anong naging resulta? "Great many people
were added to the Lord" (11:24). Lalo pa silang dumami.
Application: At ganito din ang gagawin ng Diyos kung ang mga
nadadagdag sa bilang natin ay hindi natin papabayaan, kundi
tutulungan, aakayin, gagabayan, palalakasin. Hindi po tayo
dapat makuntento na nabaptize lang sila tapos tapos na.
Turuan din natin sila. Sanayin din natin sila. Isama din natin
sila sa ministeryo. Lahat po tayo ay pwedeng maging Barnabas
sa mga kapatid natin kay Cristo. Meron tayong ilang mga dating
kasama na bihira na natin makita. Ano po ang dapat nating
gawin? Ireport kay pastor, "Pastor, di ko na nakikita si kapatid
na ganito, dalawin n'yo naman po"? O, "Hindi ko na siya
nakikita, madalaw nga at makumusta"?
The need: Dahil parami nang parami ang mga bagong
Christians, marami rin ang kailangang magtulung-tulong sa
ministry. Hindi na kaya ni Barnabas na mag-isa. Nang
maramdaman niya iyong need na ito, hinanap niya si Pablo.
120
The response: Tinulungan naman siya ni Pablo. Hindi niya
sinabi kay Barnabas, "Kayang-kaya mo na iyan. Dito na lang
ako. Mukhang mahirap ang ministry mo diyan." Sa halip
naglaan sila bilang magkapartner ng isang taon na nakikipag-
meet sa church at tinuturuan ang marami sa kanila (11:26).
The result: In Antioch the disciples were first called Christians
(11:26). Kung sila-sila ang magtatawagan, hindi Christian ang
ginagamit nila kundi "brothers and sisters" or "disciples".
Malamang na ito ang sinimulang itawag sa kanila ng mga nasa
labas ng church. Ibig sabihin, "mga kabilang kay Cristo, those
who belong to Christ's party." This is the church's identification
with Christ. Nakikita na ng mga tao na hindi ito Jewish church,
kundi universal, the church of Jesus. Para mangyari ito,
kailangang makita ng mga tao na tulung-tulong tayo, anumang
lahi, anumang social status, anumang kalagayan sa buhay.
Application: Para mangyari ito, kailangang makita ng mga tao
na tulung-tulong tayo, anumang lahi, anumang social status,
anumang kalagayan sa buhay. Meron po sa ating nagsisimula ng
mga bagong group ng The Story of God. Kailangan nila ng
tulong, ng mga kapartners. Meron po tayong mga ministry
teams na kulang ng tao, tulung-tulong po tayo doon.
The need: Merong isa sa kanila na binigyan ng mensahe ng
Diyos at sinabi sa church na magkakaroon ng "great famine"
(11:28) na makakaapekto sa maraming bansa. Ito ay future
need pa, pero nalaman na nila. Sinabi kaya nila, "Hmmm...ala pa
naman, hindi pa siguro kailangan ang tulong natin ng iba"?
Hindi!
The response: Sa halip ang naging response ng church sa
Antioch ay magpadala ng tulong sa mga kapatid nila na nasa
121
Jerusalem at sa paligid nito (11:29). Nakita nilang may
pangangailangan, kahit na sila rin naman ay may
pangangailangan at maaaring datnan din sila ng taggutom, pero
hindi iyon ang inisip nila. Inisip nila ang mga kapatid nila sa
Panginoon. Ang selfishness ay iyong sabihin nilang, "Tayo nga
ang dami nating pangangailangan dito, bakit pa tayo tutulong
sa kanila?"
The results: Ano ang naging resulta nito? Hindi man binanggit
sa kuwento, pero obvious. Kung tayo man iyon, hindi ba't
matutugunan ang pangangailangan natin ng tulong na ibinigay
nila at saka magpapasalamat tayo sa Diyos? Na iyong tulong
nila, ayon kay Paul sa 2 Corinthians, "supplying the needs of the
saints" and "overflowing in many thanksgivings to God" (9:12).
Bakit nga, kung maisip mong, "Grabe naman sila kung
tumulong sa atin. Sila rin naman dumaranas ng mga iba't ibang
kahirapan at pagsubok sa buhay. Pero kitang-kita na mahal nila
tayo. Purihin ang Diyos."
Application: One of the best ways to break selfishness in our
hearts is by giving. Paano ngayon tayo magbibigay? "So the
disciples determined, everyone according to his ability, to send
relief to the brothers living in Judea. And they did so, sending it
to the elders by the hand of Barnabas and Saul" (Acts 11:29-
30).
Recognize the needs. Marami pong pangangailangan sa
ministry. Hindi tayo mauubusan ng opportunity na magbigay.
Meron tayong mga missions trip, isang local (Candelaria,
Quezon) at global (Cambodia). Nagpapasalamat tayo sa
Panginoon kasi marami na ang nagrerespond doon. Pero as
your pastor, I want to remind you na priority pa rin natin ang
sustentuhan ang church funds natin. Meron tayong approved
122
budget at para din ito sa mission ng church. Hindi natin 'to
pwedeng kaligtaan.
Determine how much to give. Wala namang strict guidelines sa
NT kung paano tayo magbigay. Meron tayong freedom. Pero
para magkaroon tayo ng maayos na sistema sa church at para
matuto tayong maging lifestyle ang giving, here's my pastoral
advice. Give at least 10% sa regular fund the church natin. Kung
may magsabi sa inyo na hindi naman tithing ang sa church sa
Acts, heto ang sagot ko: "Tama ka, ibinebenta nila ang
properties nila at iyon ang iniaabot sa mga apostol para ibigay
sa mga nangangailangan." So, start with the tithe. Tapos kung
tumataas ang blessing ng Diyos, dagdagan mo. At para
mastretch pa ang faith mo, give beyond the tithe. Give to
missions and other church projects. Pero wag po nating
kukunin sa tithes natin ang ibibigay sa ibang projects.
Masasakripisyo naman ang regular budget natin. It's not wise, I
believe.
According to ability. "According to their means...beyond their
means" (2 Cor. 8:3). Ibig sabihin, ayon sa blessings na bigay sa
iyo ng Diyos. Pero wag mo naman sabihing 2% lang ang kaya
mo. Baka ibig mong sabihin, 2% lang gusto mong ibigay. Kaya
mo ang 10% at higit pa, pero ayaw mo.
Entrust to your leaders. Hayaan n'yo pong mga leaders n'yo ang
magpasya kung saan dapat gastusin ang mga ipinapadala
n'yong offerings. Kaya tayo may budget. Ganoon din sa church
sa Acts. Noong una sa mga apostol. Pero sa part ng story natin
ngayon, may mga elders na sa church. Let us trust our leaders
pagdating sa finances.
123
Let us send all the help we can give. Alam ko na maraming
mga matatanda sa church natin at baka kulang na ang lakas na
maibigay sa kailangan sa ministry. At meron ding ilan na wala
naman talagang trabaho at walang maibibigay na pera.
Sasabihin n'yo, "Ang hirap. Ang laki ng kailangan. Mukhang
wala naman akong masyadong maitutulong." Pero tandaan
natin, hindi lang human resources o financial resources ang
pinag-uusapan natin dito..
The Church in Jerusalem
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 12:1-24:
Nang panahon ding iyon, nagsimulang usigin ni
Haring Herodes (Herodes Agrippa I na apo ni Haring
Herodes nang ipanganak si Jesus) ang mga Cristiano.
Ipinapatay niya si James (Santiago), isa sa
labindalawang apostol. Ipinaaresto din niya si Pedro
at ipinakulong. Habang nakakulong si Pedro,
masigasig namang nananalangin ang iglesia para sa
kanya.
Isang gabi, habang natutulog si Pedro, nakagapos at
mahigpit na binabantayan ng mga sundalo, biglang
may lumitaw na isang nakakasilaw na liwanag sa loob
ng kanyang selda. At may isang anghel ang humarap
kay Pedro. Ginising siya nito at sinabi, "Dalian mo!
Tumayo ka!" At biglang nalagot ang pagkakatali ng
kanyang mga kamay. Sinabi ng anghel sa kanya,
"Magbihis ka na at sumunod ka sa akin."
Kaya lumabas na si Pedro ng kanyang selda at
sinundan ang anghel. Akala ni Pedro noong una ay
nananaginip lang siya. Nilagpasan nila lahat ng mga
guwardiya at dumaan sa mga pintuang kusang
124
bumukas. Nang nasa kalye na sila, biglang nawala ang
anghel.
Pagkatapos, sigurado na si Pedrong hindi panaginip
ang nangyari. Sabi niya sa sarili, "Totoo nga! Ipinadala
ng Diyos ang anghel niya at iniligtas ako.
Pagkatapos ay pumunta si Pedro sa isang bahay kung
saan maraming mga kapatid niya ang
magkakasamang nananalangin. Kumatok siya at isang
babae at nagtungo sa may pintuan para pagbuksan
siya. Nang marinig niyang boses ni Pedro iyon,
masayang-masaya siya kaya imbes na buksan ang
pinto, pumasok siya ulit at sinabi sa lahat, "Nandoon si
Pedro sa may pintuan!"
Pero sabi nila, "Nahihibang ka ba? Baka anghel iyon ni
Pedro."
Samantala, patuloy sa pagkatok si Pedro. Nang sa
wakas ay pagbuksan na nila si Pedro, namangha sila.
Ikinuwento sa kanila ni Pedro kung ano ang nangyari
at kung paano siyang pinalabas ng Diyos sa kulungan.
Sabi niya sa kanila, "Ikuwento n'yo rin sa iba kung
anong nangyari." At pagkatapos ay pumunta na si
Pedro sa ibang lugar.
Ito namang si Herodes ay pinarusahan ng anghel ng
Panginoon dahil sa kanyang pagmamataas. Inuod siya
at namatay. Patuloy namang kumalat ang salita ng
Diyos at lalo pang dumami ang mga tagasunod ni
Jesus.
125
God Sends Needed Help
Sabi ni Pedro sa sarili niya, "Now I am sure that the Lord has
sent (exapostello) his angel and rescued me...” (Acts 12:11).
Hindi na human help o financial help ang issue dito. Kahit ba
naman kasi gaano kadami ang magigiting na lalaki sa church o
kahit gaano karaming pera, walang magagawa sa sitwasyon ni
Pedro. Inilalagay ng Diyos ang church sa ganitong sitwasyon
para marealize natin na God sends all the help we need.
At hindi lang ito sa mga sitwasyong wala na tayong magagawa.
This is not about "do your best and God will do the rest." Kahit
sa mga nauna nating kuwento makikita nating ganoon din ang
ginagawa ng Diyos. Hindi ba't dahil sa sovereignty ng Diyos
kaya hinayaan niyang ang persecution ang magkalat sa mga
disciples (11:19)? Bakit ba maraming tumatanggap ng
mensahe? "The hand of the Lord was with them" (11:21).
Anong nakita ni Barnabas sa Antioch? He saw the grace of God
(11:23). Bakit naging malaking encouragement si Barnabas?
He was full of the Holy Spirit and of faith (11:24). Bakit sila
nakapagbigay ng tulong? Tulad din ng believers sa Macedonia,
"the grace of God that has been given among the churches of
Macedonia" (2 Cor. 8:1).
Need: Anong nangyari sa church sa Jerusalem? Problema nila si
Haring Herodes (apo ng Herodes nang ipanganak si Jesus). Si
apostle James pinatay na. Si Pedro ipinakulong na at ilang araw
ay maaaring ipapatay din. Ang problema ng church,
nakakulong ang isa sa key leaders nila. Ang kailangan, sa tingin
ng church, ay mailabas itong si Pedro.
126
Response: Hindi sila umupo at nagplano kung paano ipupuslit
si Pedro. O kaya gumawa ng letters of appeal kay Herodes.
Hindi naman nila kayang ipuslit itong si Pedro. Wala namang
magagawa ang mga appeals nila sa hari. So they sent their
appeals to God: "Earnest prayer for him was made to God by
the church" (12:5).
Result: Dahil doon, nagpadala ang Diyos ng anghel para iligtas
si Pedro. Nagpadala din ang Diyos ng anghel para patayin si
Herodes. Kapag ang church ay humihiling sa Panginoon,
tatanggalin niya ang anumang balakid sa pagtupad ng misyong
ibinigay niya sa atin.
Application: Mga kapatid, manalangin tayo. How do we pray for
others' need? Trust his good will. Siyempre ang desisyon
nakasalalay sa Diyos. Maaaring ang church nagpepray din para
kay James, pero hinayaan ng Diyos na mapatay. Nagpray sila
para kay Pedro, iniligtas ng Diyos.
Believe that God sends help where needed. Alam ng Diyos kung
ano ang kailangan natin. Humihiling tayo, pero siya ang
nasusunod.
Don't be surprised at answered prayers. Alam ni Pedro na
nananalangin ang church para sa kanya. Pero tingin niya noong
una, panaginip lang ang nangyayari. Ang church may prayer
meeting, pero hindi sila makapaniwalang si Pedro ang
kumakatok. Naniniwala din sila na pinapatnubayan ng mga
anghel ng Diyos ang kanyang mga anak, pero nagtaka sila na
ganoon kabilis sumagot ang Diyos sa panalangin. Let us pray
expecting answers.
127
Tell others how prayers are answered. Ibinalita ni Pedro. Sinabi
niya sa kanilang ibalita din nila sa iba. Huwag nating sarilinin
ang gawa ng Diyos. Ibalita natin sa iba.
We send all the help we can give because God sends all the
help we need. Kung ang nag-iisang Anak niya naipadala na
niya at naibigay para sa atin (Gal. 4:4). Kung ang presensiya
niya at kapangyarihan ay naipadala na at naibigay sa
pamamagitan ng Espiritu (Gal. 4:6), paano pa kaya ang
anumang tulong na kailangan natin (Rom. 8:32)? The task is
great. But we have human resources. We have financial
resources. At kung hindi man sapat ang mga maibibigay natin,
we have all the resources of heaven at our disposal to finish the
mission. No one can stop us. Nothing can stop us. Only a selfish
heart.
128
PART 10 – JOINING GOD’S WORK April 14, 2013 | Derick Parfan | Acts 13-14
Sending Teams in Cambodia and Candelaria
Mula 1975 hanggang 1979, 3 million out of the 8 million
population of Cambodia were killed. Pinatay ng mga kababayan
din nila - Khmer Rogue - sa pangunguna ni Pol Pot. Gusto niya
kasing magkaroon ng ideal society through communism. Lahat
ng mga professionals, educated, mga teachers, mga religious
(Christians or Buddhists), lahat ng may influence ng West,
tinanggal nila. Last week, mas naramdaman ko kung anong
paghihirap ang dinanas ng mga Cambodians noon. Nagpunta
kami sa Toul Sleng S21 Torture Museum. Dito sila muna
ikinukulong at tinotorture. Tapos dinadala sila sa mga killing
fields. Pinuntahan namin ang isa - Cheong Ek Genocidal Center.
Dito sila pinatay at itinambak na parang mga hayop. Hindi bala
ang ginagamit sa pagpatay sa kanila, magastos daw. Kaya
pinapalakol nila ang ulo ng bawat isa. Ang mga babae
ginagahasa muna bago patayin. Ang mga bata inihahampas sa
puno na may pako. Grabe. Heart-breaking. Ito ang isa sa mga
dahilan kung bakit magpapadala tayo ng team doon. That is a
dark place. We are going there in that dark place because we
have the light of Jesus. "Let you light shine before men..." (Matt.
5:16). Para sa atin, hindi na killing field ang Cambodia kundi
harvest field.
Ang iba naman sa atin, ayaw dito pumunta dahil doon. Pero
magpapadala din tayo ng team as Candelaria, Quezon. Doon din
naman ay may nadiscover na mass graves kung saan
pinapapatay ng mga rebeldeng NPA ang mga kumakalaban sa
kanila. Pero pupunta tayo doon next week bilang New People's
Army of God - para tulungan ang church doon na ialok ang
129
buhay at kapatawaran na nakay Cristo sa mga taong
nagrebelde sa Diyos.
Ngayong summer (April-May), magiging abala tayo sa
pagmimisyon, at hopefully, this will set a pattern for months to
come. Kasi narealize natin na may ginagawa ang Diyos, mga
bagay na hindi man kapani-paniwala sa maraming tao, pero sa
ating mga tagasunod ni Jesus, masaya tayo at sabik na
makibahagi doon. God is at work in our nation and among the
nations. Ito ang mensahe din ng Diyos na sinabi ni Pablo sa mga
taga-Antioch sa Pisidia, “Look, you scoffers, be astounded and
perish; for I am doing a work in your days, a work that you will
not believe, even if one tells it to you" (Acts 13:41). Galing ito sa
Habakkuk 1:5, “Look among the nations, and see; wonder and
be astounded. For I am doing a work in your days that you
would not believe if told" (Hab. 1:5).
Ang context nito noon ay ang judgment ng Panginoon sa Judah
sa pamamagitan ng ibang mga bansa. Pero ngayon, God is
working out for the salvation of the nations. "I am doing a
work..." Oo, may warning dito. May ginagawa ang Diyos, kung
ayaw n'yong maging bahagi noon at gusto n'yong lumihis ng
landas, nasasa inyo iyon. Pero may encouragement din, sa atin
na sabik na gawin ang gawain ng Panginoon, na hindi ito sa atin
nakasalalay kundi sa Diyos na siyang unang-unang gumagawa
para iligtas ang lahat ng mga lahi at lipi sa iba't ibang mga
bansa.
At mula noon hanggang ngayon, ang church ang ginagamit na
paraan ng Diyos para abutin ang iba't ibang lahi sa buong
mundo. Yes, the local church like BBCC. At magagawa lang iyon
kung bawat isang miyembro nito ay makikibahagi sa ginagawa
ng Diyos. May ginagawa ang Diyos at ang dapat nating gawin ay
130
kung ano din ang ayon sa ginagawa niya. Ang dami nating mga
ginagawa na wala namang kinalaman sa misyon ng Diyos,
kundi sa sarili lang nating ambisyon. Pakinggan n'yo ang
kuwento ng pagmimisyon ng iglesia sa pamamagitan ni Pablo
at Barnabas, at pakinggan n'yo kung ano ang gustong ipagawa
ng Diyos sa church natin at sa lahat ng members nito.
Paul’s First Missionary Journey
Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 13-14:
Kabilang sina Pablo at Bernabe sa mga tagapagturo sa
iglesia sa Antioch. Habang sumasamba sila sa
Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Espiritu sa kanila,
"Ibukod ninyo para sa akin sina Pablo at Bernabe para
sa nais kong ipagawa sa kanila." Kaya pagkatapos
nilang manalangin, pinatungan nila ng kamay ang
dalawa at pinahayo na.
Ayon sa sinabi ng Espiritu, pumunta sila sa Seleucia.
Mula doon, naglayag sila patungo sa isla ng Cyprus.
Pagdating sa bayan ng Salamis, nangaral sila ng salita
ng Diyos sa bahay-sambahan ng mga Judio. Inikot nila
ang buong isla hanggang makarating sila sa Paphos.
Nakasama din nila si Juan Marcos.
Doon, may isang salamangkerong Judio na
nagkukunwaring propeta na ang pangalan ay Elimas.
Ginagawa niya ang lahat ng paraan para hindi
sumampalataya ang gobernador kay Jesus.
Pero itong si Pablo, pinapatnubayan ng Espiritu, ay
tinitigang mabuti si Elimas at sinabi, "Anak ka ng
diyablo! Kinakalaban mo ang mabubuting ginagawa
ng Diyos. Mandaraya at manloloko! Parurusahan ka
131
ngayon ng Panginoon!" Noon di'y nagdilim ang
paningin ni Elimas at nabulag. Nang makita ng
gobernabor ang nangyari, sumampalataya siya at
namangha sa salita ng Diyos.
Pagkatapos, bumiyahe na sila papuntang Perga.
Pagdating nila roon, iniwan na sila ni Juan Marcos at
bumalik siya sa Jerusalem. Nagtuloy naman sina Pablo
sa Antioch na sakop ng Pisidia. Sa isang bahay-
sambahan ng mga Judio, nagkaroon ng pagkakataon si
Pablong magsalita. Sa mga kapwa niya Judio at
maging sa mga hindi Judio, ikinuwento niya sa kanila
ang mga ginawa ng Diyos mula sa pagliligtas sa kanila
sa Egipto hanggang sa pagdating sa lupang pangako
hanggang sa panahon ng mga hari at mga propeta
hanggang sa pagdating ng ipinangakong
Tagapagligtas na si Jesus.
Sabi niya, "Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong
malaman na sa pamamagitan ni Jesus ay
ipinapahayag namin sa inyo ang balita na
patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.
Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay
itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa
sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan."
Pagkatapos nito, inanyayahan pa silang bumalik ulit
sa susunod na linggo. Maraming mga Judio at mga di-
Judio ang sumunod sa kanila. Pinayuhan sila ni Pablo
na magpatuloy sa pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.
Nang sumunod na linggo, marami nang pinuno ng
mga Judio ang naiinggit sa kanila. Sinalungat sila at
pinagsalitaan ng masama. Kaya sabi ni Pablo, "Mula
132
ngayon sa mga hindi Judio na kami mangangaral ng
Magandang Balita." Nang marinig ito ng mga hindi
Judio, natuwa sila at namangha sa salita ng
Panginoon. At ang lahat ng itinalaga ng Diyos para sa
buhay na walang hanggan ay naging
mananampalataya.
Kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon.
Dumami din ang mga sumasalungat sa kanila kaya
pinalayas sila sa lugar na iyon. Kahit saan sila
magpunta - sa Iconium, Lystra at Derbe - maraming
kumakalaban sa kanila habang ipinapangaral nila ang
salita ng Diyos.
Mula sa Derbe, binalikan nila ang mga lugar na
napuntahan nila at pinatatag nila ang kalooban ng
mga tagasunod ni Jesus doon at pinayuhang
magpatuloy sa kanilang pananampalataya. Sinabi pa
nila, "Maraming kahirapan ang dapat nating danasin
para mapabilang sa paghahari ng ng Diyos." Pumili
sila ng mga mamumuno sa bawat iglesya at
ipinanalangin sila at ipinagkatiwala sa Diyos.
Pagkatapos, nagpaalam na sila sa kanila at bumalik sa
Antioch.
Pagdating nila sa Antioch, tinipon nila ang mga
mananampalataya at ikinuwento sa kanila ang lahat
ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung
paanong binigyan ng Diyos ang mga hindi Judio ng
pagkakataong sumampalataya. At nanatili sila nang
matagal doon kasama ang mga tagsunod ni Jesus.
133
Preaching the Word
Gustong sabihin ng Diyos sa mga tao ang kanyang mga
ginawa at kung paano sila dapat tumugon dito. Kaya nga
ang tawag natin sa Bibliya ay Salita ng Diyos. Ibig sabihin, may
sinasabi sa atin dito ang Diyos tungkol sa kanya at sa mga
ginawa niya. Sa panahon nila, nasa kanila na rin ang Lumang
Tipan, nababasa na nila iyon at napapakinggan.
Kung gayon, ang ikukuwento natin sa kanila ay kung anu-
ano ang mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos at
aanyayahan natin silang maging bahagi ng kuwentong ito.
Anong pangunahing ginagawa nina Pablo sa misyon nila? "They
proclaimed the word of God" (13:5). Pero hindi lang ito basta
tulad ng pinag-aaralan ng karaniwang Judio noon. Pagpunta
nila sa bahay-sambahan ng mga Judio, nagbabasa sila mula sa
Kautusan at mga Propeta (katumbas ng OT natin ngayon)
(13:5). Pero dahil alam ni Pablo na ang story doon ay kulang pa
at hindi pa tapos, tinapos niya. Ikinuwento niya kung anu-ano
ang ginawa ng Diyos mula sa pagpili sa Israel at pagliligtas sa
kanila mula sa Egipto (17), kung paanong nagtiyaga ang Diyos
sa katigasan ng ulo nila habang naglalakbay sila sa disyerto
(18), hanggang sa paggapi ng Diyos sa ibang bansa para
maibiga sa kanila ang lupang ipinangako niya (19). Hanggang
sa pagpapadala niya ng mga hukom na nagligtas sa kanila (20),
hanggang sa haring ibinigay niya na si Saul na tinanggal din
niya (21-22), hanggang sa pagbibigay niya ng haring si David
(22), hanggang sa matupad ang plano niya sa pamamagitan ni
Jesus (23), kahit pa siya'y pinatay natupad noon ang plano ng
Diyos (27-29). Binuhay siyang muli ng Diyos (30, 33, 34, 37)!
134
At ngayon, tayo na mga kumikilala sa kanya ang kanyang mga
saksi (31). Mabuting balita ang ikinukuwento natin dahil
tinupad ng Diyos ang pangako niya sa pamamagitan ni Jesus
(32) upang magkaroon tayo ng kapatawaran at kalayaan (38-
39). We are now his witnesses (31). We bring good news of
God's fulfillment of his promise in Jesus (32).
Ang misyon ni Pablo ay hindi iba sa misyon nating lahat: "To
make the word of God fully known" (Col. 1:24). Kaya nga
ikinukuwento natin ang buong Story of God sa mga tao dahil
doon. Hindi kung anu-anong kuwento lang na mga wala
namang kuwenta! "Sapagkat wala akong inilihim sa inyo sa
aking pagtuturo tungkol sa buong layunin at plano ng Dios"
(Acts 20:27 ASD). "For I will not venture to speak of anything
except what Christ has accomplished through me to bring the
Gentiles to obedience—by word and deed, (Romans 15:18);
"Him we proclaim" (Col. 1:28).
Ginagawa natin iyan ngayon dito sa Bulacan at sa Pampanga sa
pamamagitan ng mga members natin na ginagamit ang story of
God para ibahagi si Cristo sa ibang tao. Ganyan din ang gagawin
natin sa Candelaria at sa Cambodia.
Reaching the Unreached
Gusto ng Diyos na ipakilala si Jesus sa lahat ng mga lahi sa
buong mundo. Nang tinanggihan sina Pablo ng maraming
Judio, ito ang sabi nila, “It was necessary that the word of God
be spoken first to you. Since you thrust it aside and judge
yourselves unworthy of eternal life, behold, we are turning to
the Gentiles. For so the Lord has commanded us, saying, 'I have
made you a light for the Gentiles, that you may bring salvation
135
to the ends of the earth'" (Acts 13:46-47). To the ends of the
earth! Ibig sabihin gusto ng Diyos na ipakilala si Jesus sa lahat
ng lahi sa buong mundo - kasama doon ang mga Tagalog sa
Luzon, kasama rin doon ang Khmer people sa Cambodia.
[Show figures]
Kung gayon, ang ambisyon natin ay ipakilala si Jesus sa
lahat ng mga lahi sa buong mundo. Tulad ni Pablo, "I make it
my ambition to preach the gospel, not where Christ has already
been named, lest I build on someone else’s foundation, but as it
is written, 'Those who have never been told of him will see, and
those who have never heard will understand'" (Romans 15:20-
21). Ito ang priority natin kung gusto nating matapos ang Great
Commission at muling magbalik ang Panginoon Jesus. Sa
pagpunta natin sa Candelaria, bagamat may church na doon,
ang goal natin ay masanay silang gamiting ang Story of God
para sanayin din ang ibang ibahagi si Jesus sa iba - and hoping
and praying na sila rin ay magkaroon ng vision to reach the
unreached peoples of the world.
Trusting God’s Sovereignty
2000 years nang pinagtatrabahuhan ng church ang pag-abot sa
mga unreached peoples. Marami pang kailangang abutin
hanggang ngayon. Matatapos ba natin ang pinapagawa ng
Panginoon? Hindi kung sa atin ito nakasalalay, ngunit kung sa
Diyos, oo. Gusto ng Diyos na lahat ng kanyang piniling
maligtas ay makarinig ng salita niya, maniwala at
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Walang
makakahadlang sa plano ng Diyos. Kahit tangkain ni Elimas na
136
hadlangan ang gobernador na maniwala kay Jesus, wala siyang
magagawa. Makapangyarihan ang salita ng Diyos.
At bakit kumakalat ang mabuting balita? Bakit maraming
naniniwala? "And when the Gentiles heard this, they began
rejoicing and glorifying the word of the Lord, and as many as
were appointed to eternal life believed. And the word of the
Lord was spreading throughout the whole region" (Acts 13:48-
49). Sinu-sino daw ang naniwala? Hindi ba't iyong mga
itinalaga na noong una pa ng Diyos na makakilala kay Jesus?
Kaya naman, ang kumpiyansa natin ay nasa kanyang
kapangyarihang tumawag sa mga taong pinili niya upang
maligtas. Ibig sabihin, bago pa man tayo pumunta sa
Candelaria o sa Cambodia o kahit sa Candaba, inihahanda na ng
Diyos ang mga taong pinili niya para makarinig ng kanyang
salita, maniwala at sumunod kay Jesus.
Oo nga't may bahagi tayo sa misyon ng Diyos, pero hindi natin
dala itong lahat sa balikat natin. Nakasalalay ang tagumpay nito
sa plano at kapangyarihan ng Diyos. Makakaasa tayo diyan.
Pero ginagamit niya ang iba't ibang paraan tulad ng
persecutions na kailangan nating tiisin...
Enduring Persecution
Gusto ng Diyos na maisulong ang kanyang misyon sa
pamamagitan ng mga pag-uusig na daranasin ng mga
tagasunod ni Jesus. Hindi lang sa kabila ng pag-uusig kundi sa
pamamagitan din nito. "But the Jews incited the devout women
of high standing and the leading men of the city, stirred up
persecution against Paul and Barnabas, and drove them out of
their district. But they shook off the dust from their feet against
137
them and went to Iconium. And the disciples were filled with
joy and with the Holy Spirit" (Acts 13:50-52). Dahil sa pag-
uusig, umaalis sila sa isang lugar at lumilipat sa iba, dahil doon
lalong kumakalat ang mabuting balita. Mas nararanasan din
nila ang kagalakan at patnubay ng Espiritu. Dahil doon, ang
desisyon natin dapat kung gagawin ba natin ang gusto ng Diyos
ay hindi nakasalalay kung mahirap o madali. Kundi kung ano ba
ang gusto niya.
Kaya naman, titiisin natin ang anumang hirap alang-alang
kay Jesus at sa misyong maipakilala siya sa lahat ng lahi.
"When they had preached the gospel to that city and had made
many disciples, they returned to Lystra and to Iconium and to
Antioch, strengthening the souls of the disciples, encouraging
them to continue in the faith, and saying that through many
tribulations we must enter the kingdom of God" (Acts 14:21-
22). Sufferings are necessary. It is part of our calling. Sabi ni
Pablo, "Now I rejoice in my sufferings for your sake, and in my
flesh I am filling up what is lacking in Christ’s afflictions for the
sake of his body, that is, the church" (Colossians 1:24). Alang-
alang sa iglesya, alang-alang sa mga taong hanggang ngayon ay
hindi pa nakakarinig tungkol kay Cristo, titiisin natin ang
anumang hirap, hindi man kumportable sa atin ang bagong
lugar na pupuntahan natin, mawala man ang inipon natin para
makabili tayo ng bagong cellphone o gadgets, balewala lahat
iyon kung ikukumpara sa kagalakang mararanasan natin at ng
mga taong makakarinig tungkol kay Jesus.
Being God’s Church
Oo nga't hindi naman lahat sa atin ay aalis. Pero hindi ibig
sabihin noon na wala na tayong bahagi sa misyon ng Diyos.
138
Gusto ng Diyos na ang iglesia at lahat ng miyembro nito ay
mamuhay para sa Diyos at sa kanyang misyon saan mang
lugar sila naroroon. Merong mga itinalaga ang Diyos na
mananatili sa iglesiya para pamunuan ito - tulad ng mga elders:
"And when they had appointed elders for them in every church,
with prayer and fasting they committed them to the Lord in
whom they had believed" (Acts 14:23). Meron din namang
sinasabi ang Espiritu na dapat ibukod para sa pagmimisyon:
“Set apart for me Barnabas and Saul for the work to which I
have called them” (13:2). Merong mga aalis, merong mga
maiiwan. Pero magkapartner palagi ang dalawang iyan. May
bahagi tayong lahat sa misyon - either we send or we are being
sent. Or else, we disobey.
Kaya naman, patuloy tayong lahat na sasamba sa Diyos at
makikibahagi sa kanyang misyon. The goal of missions is to
see the nations worship. Habang nandito tayo - saan man tayo
naroroon - we keep worshipping and praying and focusing on
God. Ganoon ang ginagawa ng Antioch church. Just be the
church - just let God work in and through the church - local and
global. Kaya nga gusto nating hatiin ang church natin sa mas
maliliit na churches sa iba't ibang lugar para maranasan talaga
natin kung ano ang church, paano sumamba nang sama-sama
bilang isang pamilya, paano magtulung-tulong sa pagsisimula
pa ng iba't ibang churches sa iba't ibang barangay.
Joining God’s Work
"And from there they sailed to Antioch, where they had been
commended to the grace of God for the work that they had
fulfilled. And when they arrived and gathered the church
together, they declared all that God had done with them, and
139
how he had opened a door of faith to the Gentiles. And they
remained no little time with the disciples" (Acts 14:26-28).
Ginawa nila ang mga bagay na ipinagagawa ng Diyos sa kanila.
But it is by the grace of God. Tapos pagdating nila sa church sa
Antioch, nireport nila hindi ang ginawa nila kundi ang ginawa
ng Diyos na kasama sila. Lahat tayo kasali, walang etsapuwera.
It is all about God's work, and we are called to join God's
work. Nakita ito ni John Mark, kaya sumama siya kina Pablo.
Pero ang nakalulungkot, sa kalagitnaan ng misyon umuwi na
siya sa kanila. Hindi sinabi kung ano ang dahilan, pero isa itong
bagay na ikinasama ng loob ni Pablo at naging dahilan (later
on) ng pagtatalo nila ni Barnabas. Pero sa bandang huli,
nanatili si John Mark sa ministeryo at nakibahagi sa misyon ng
Diyos. Katunayan, siya ang sumulat ng Gospel of Mark. Kaya
sabi ni Pablo kay Timoteo bago siya mamatay, "Get Mark and
bring him with you, for he is very useful to me for ministry. (2
Timothy 4:11)
God opened a door of faith to the Gentiles. If the door is open,
what do we do? You either ignore it and think that it does not
have anything to do with you. Or you close it and hinder the
work. Or you enter through that open door and join in what
God is doing. That's an exciting, joy-filled, fulfilling Christian
life. Much of the life of many Christians are not filled with
excitement because they were just outside the door. Mag-
eenjoy ka ba kung nasa labas ka lang ng stadium habang ang
mga team-mates mo ay naglalaro para sa isang basketball
championship game? No! Gusto mo kasali ka, nasa loob ka,
hindi lang nanonood kundi may ginagawa para makapag-
contribute sa team mo. Yet Christian life and our mission are
140
more than just a game. This is not a game. This is about
relationship.
Kung ano ang ginagawa ng ating Diyos Ama, iyon ang gusto
nating gayahin. Parang ang anak kong si Daniel. Kapag nakita
niyang naglalaba ako, sasabihin n'ya: "Laba tayo." Kapag
nagluluto, "Luto tayo." At hindi hindi trabaho para sa kanya.
He's enjoying it. Kaya kapag pinagbawalan ko, iiyak iyan. Hindi
tayo pinagbabawalan ng Diyos, hindi rin niya tayo basta
hinahayaan, kundi iniimbitahang makibahagi sa ginagawa niya
sa kanyang misyon para sa buong mundo. And he will make
sure that we will enjoy this adventure and journey with him.
141
PART 11 – GOSPEL-DRIVEN MINISTRY April 28, 2013 | Derick Parfan | Acts 15-16
Tiyak May Makakabangga
Pansinin n’yo kung paano nagtapos ang kuwento natin two
weeks ago. Pagbalik nina Pablo at Bernabe sa Antioch matapos
ang ilang buwan ng paglalakbay bilang mga misyonero, tinipon
nila ang mga kasama nila sa church doon at ikinuwento ang
mga ginawa ng Diyos na kasama nila (Acts 14:27). At
napakasarap makarinig ng mga ganitong kuwento. Katulad ng
mga kuwentong dala namin mula sa Candelaria, Quezon kung
saan isang team from our church ang tinulungan ang church
doon na magtraining ng The Story of God.
At isang bagay pa na nakakatuwa dito sa ginagawa ng Diyos ay
sinasabay niya ang mga nangyayari sa church natin sa mga
nadadaanan natin sa kuwento ng Acts. At ito ang natutunan din
ng team natin sa isa sa trainee doon sa Quezon. Na dahil daw
matagal na siyang Christian at ilang ulit na niyang naririnig ang
mga kuwentong iyon, ang ginawa niya para makatulong sa
kanyang maexperience ang kuwento ay tinitingnan niya ang
sarili niya na kasali sa kuwentong ito. At totoo nga naman iyon!
Napakasarap na makita na tayo ay bahagi ng kuwentong
binubuo ng Diyos at tatapusin ng Diyos.
Napakagandang makita na ang buong church natin nagkakaisa
sa misyong ito. Pero dapat ihanda natin ang sarili natin sa mga
kakaharapin natin. Kapag sa misyon ikaw ay gumagawa,
tiyak na meron kang makakabangga. Tingnan n’yo ang
sumunod na bahagi ng kuwento…“But some men came down
from Judea and were teaching the brothers, ‘Unless you are
circumcised according to the custom of Moses, you cannot be
142
saved…But some believers who belonged to the party of the
Pharisees rose up and said, ‘It is necessary to circumcise them
and to order them to keep the law of Moses’ (Acts 15:1, 5).
Maganda ang nangyayari, pero…(salita na nagpapahiwatig na
may problema, may sumasalungat, may nakakabangga sila).
Siyempre karamihan sa ating mga Filipino, hangga’t maiiwasan
ang mga ganitong “banggan” o “salungatan” iiwasan natin.
Ayaw natin ng conflicts. Pero sa misyon natin, hindi natin
maiiwasan. Dapat harapin. Sa simula’t simula pa lang ng
Kuwento ng Bibliya, may mga conflicts na, simula nang
magkasala sina Adan at Eba. Banggaan ng Diyos at ni Satanas,
ng Diyos at ng Tao, ng Tao at ng kapwa Tao. Kapag nakaharap
natin iyan sa paggawa natin ng misyon ng Diyos, paano ngayon
natin haharapin sa paraang makalulugod sa Diyos,
makakapagpatibay ng church natin, makapagpapatunay na si
Jesus lang ang Daan ng Kaligtasan, at makakapagsulong sa
misyon ng Diyos sa buong mundo?
The Jerusalem Council
Tingnan natin kung paano iyan hinarap ni Pablo sa Acts 15:1-
35:
Pagkatapos ng ilang buwang paglalakbay ng mga
misyonerong sina Pablo at Bernabe, bumalik na sila sa
iglesia nila sa Antioch. Ikinuwento nilang lahat sa mga
kasama nila doon ang mga ginawa ng Diyos sa
pamamagitan nila. Maraming natuwa sa narinig
nilang kung paano ibinukas ng Diyos ang pintuan para
sa mga di-Judio.
Pero may mga ilang taong galing sa Judea ang
pumunta doon at nagsimulang magturo na silang mga
143
di-Judio ay hindi maliligtas maliban na lang kung sila
ay patutuli at susunod sa mga Kautusan ni Moises.
Naging mainit ang pagtatalo nila Pablo tungkol sa
usaping ito. Kaya nagkaisa ang iglesya doon na
ipadala sina Pablo at Bernabe sa mga apostol at mga
lider sa Jerusalem para pag-usapan ito.
Pagdating nila sa Jerusalem, natuwa ang mga apostol
doon sa narinig nilang ibinalitang maging ang mga di-
Judio ay sumampalataya na rin sa Panginoong Jesus.
Pero tumayo ang ilang mananampalatayang
miyembro ng grupo ng mga Pariseo at nagsabi,
"Kailangang tuliin ang mga di-Judio at utusang
sumunod sa Kautusan ni Moises."
Nagkaroon sila ng mahabang pag-uusap tungkol dito.
Pagkatapos, tumayo si Pedro at ipinaalala sa kanila
ang pagkatawag sa kanya ng Diyos para ipangaral si
Jesus sa mga di-Judio na tulad ng pamilya ni Cornelio.
Sabi pa niya, "Ngayon, bakit n'yo sinusubukan ang
Diyos? Bakit n'yo pinipilit ang mga di-Judiong
tagasunod ni Jesus na sumunod sa mga kautusan na
kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi
nakasunod? Naniniwala tayo na maliligtas tayo sa
pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, at
ganito rin naman sa mga di-Judio."
Sabi ni Santiago (James), "Huwag na natin silang
pahirapan sa paglapit nila sa Diyos. Sabihan na lang
natin silang umiwas sa mga pagkaing inihandog sa
mga dios-diosan, sa pagkain ng may dugo at sa
sekswal na imoralidad, alang-alang sa mga kapatid
nilang Judio."
144
Nagkasundo sila at inihatid ang sulat na ito sa
pamamagitan nina Pablo at Bernabe. Pagdating nila
sa Antioch at pagkabasa ng sulat, tuwang-tuwa ang
mga tagasunod ni Jesus doon sa sulat na
nakapagpasigla pa sa kanila.
Paul and the Legalists
Kung makabangga mo ang mga taong may ibang katuruan
at paniniwala, anong gagawin mo? Bago ko sagutin ito, dapat
maging malinaw sa inyo na ang assumption ko lahat ng
nakikinig sa akin ay may iisang paniniwala – na tulad ng sinabi
ni Pedro, “We believe that we will be saved through the grace of
the Lord Jesus…” (15:11). Hindi sa pamamagitan ng pagsunod
sa Kautusan (dahil wala namang ni isa sa atin ang lubos na
makakasunod dito nang may malinis na puso) kundi sa
pananampalataya kay Jesus (na siyang nag-iisang nakasunod sa
buong Kautusan nang may malinis na puso at siyang nagbayad
ng ating mga pagsuway sa Kautusan ng Diyos). At hindi lang
basta naniniwala kundi sabik na ipamalita sa iba kung ano ang
pinaniniwalaan. Kung hindi ka ganito, ang unang-una mong
dapat banggain ay ang sarili mo! Bago ka magpatuloy makinig
sa mga sasabihin ko, pag-isipan mo munang mabuti ito.
Kung makabangga mo ang mga taong may ibang katuruan at
paniniwala, anong gagawin mo? Major doctrine ang pinag-
uusapan dito, hindi mga minors lang. Malaking isyu ang
kinaharap dito ng church sa Antioch kaya pinadala nila sina
Pablo sa Jerusalem para kausapin ang mga apostol doon. May
mga usaping hindi masyadong dapat pagtalunan, pero kung
ang nakasalalay na ay ang integridad ng Magandang Balita
tungkol kay Cristo, ibang usapan na iyon. So, anong ginawa ng
145
church? Pinag-usapan nila, pinagdebatehan, tiningnan ang
ginagawa ng Diyos, pagkatapos nagkasundo sila kasi mula sa
sinasabi ng Kasulatan noon pa hanggang sa kasalukuyang mga
nangyayari, hindi nila maikakailangan ang mga di-Judio ay
mapapabilang din sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Jesus at hindi sa pagiging Judio. Kapag
pinag-usapan at pinagkasunduan, magandang ang kalalabasang
resulta tulad ng nakasaad sa sulat na inilabas nila para sa mga
iglesya ng mga di-Judio: “It seemed good to the apostles and
elders, with the whole church...it has seemed good to us, having
come to one accord...it has seemed good to the Holy Spirit and
to us” (15:22, 25, 27).
Ngayon makakabangga din natin ang may ibang paniniwala
tulad ng Romano Katoliko, Iglesia ni Cristo, Ang Dating Daan, at
kung anu-ano pa na naniniwala at itinuturong hindi pa sapat
ang pananampalataya kay Jesus para maligtas. Hindi natin
puwedeng sabihing tama sila. Dapat yayain natin silang
baguhin ang paniniwala nila at sumang-ayon sa malinaw na
turo ng Bibliya tungkol sa salvation by grace alone through
faith alone in Christ alone.
Paul and Non-Jews
Kung makabangga mo ang mga taong may ibang kultura’t
tradisyon, anong gagawin mo? Akala ko ba ang gusto nila
huwag nang bigyan ng pabigat itong mga kapatid nilang di-
Judio, pero bakit sinabihan silang umiwas sa pagkain ng mga
inihandog sa diyos-diyosan at ng may dugo? Yung tungkol sa
sexual immorality ok pa kasi mali naman talaga iyon. Pero bakit
sa pagkain? Tandaan nating hindi na matters of salvation ang
pinag-uusapan dito. Kundi matters of good relations. Kaya nga
146
sabi ni James na dahilan, “For from ancient generations Moses
has had in every city those who proclaim him, for he is read
every Sabbath in the synagogues” (15:21). Merong mga
masigasig sa pagsunod ng kagawiang ito na hindi ganoon
kadaling baguhin. Kung sa isang church may magkahalong Jews
and non-Jews, baka itong mga Jews ay maoffend sa mga non-
Jews dahil sa kinakain nila na para sa mga Judio ay marurumi.
Baka hindi na sumama sa fellowship nila kung magkaganoon.
Sabi sa sulat nila, “If you keep yourselves from these, you will
do well” (15:29). Ibig sabihin, magiging maganda ang
relationship sa church, maiiwasan ang tampuhan at inisan.
Kung sa iyo OK lang kumain ng dugo pero sa kasama mo sa
church hindi pala, kakain ka pa rin ba? Kung sa iyo OK lang
uminom ng beer pero marami sa church ang ayaw nakakakita
ng umiinom, gagawin mo pa rin ba? Kung sa iyo OK lang
kumain ng litson, pero kung may makasama tayo sa church na
dating Muslim na maamoy pa lang ang litson, apektado na,
anong gagawin mo? Kung may makabangga man tayo na iba
ang kultura at nakagawiang tradisyon, huwag tayong maging
mayabang o mapagmalaki. Dapat may pakialam tayo sa isa’t isa.
Dapat concern tayo sa isa’t isa. Dapat hangga’t para sa ikaayos
ng relasyon natin, handa tayong magsakripisyo. Alang-alang sa
mga kapatid natin kay Cristo. Pagkatanggap nila ng sulat sa
Antioch, anong reaksyon nila? “They rejoiced because of its
encouragement” (15:31). Ganito rin ang gusto nating mangyari
sa isa’t isa.
Paul’s Second Missionary Journey
Bukod sa mga ito, marami pang nakabangga si Pablo tulad ng
nasa Acts 15:36–16:40:
147
Makalipas ang ilang araw, inaya ni Pablo si Bernabe
na balikan ang mga lugar na napuntahan nila para
makumusta ang mga kapatid doon. Gustong isama ulit
ni Bernabe si Juan Marcos pero ayaw naman ni Pablo
dahil iniwan niya sila noong unang naglakbay sila.
Matindi ang kanilang naging pagtatalo, kaya
naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Juan Marcos at
pumunta sila sa Cyprus. Si Pablo naman ay isinama si
Silas papunta sa Syria at Cilicia.
Pagdating ni Pablo sa Lystra, nagkita sila ni Timoteo
na ang tatay ay Griyego at ang nanay ay Judio.
Isinama din ni Pablo si Timoteo pero tinuli muna ito
para walang masabi ang mga Judio laban kay
Timoteo.
Naglakbay sila sa iba't ibang bayan at ipinaalam ang
napagkasunduan sa Jerusalem. Kaya lalong tumibay
ang pananampalataya ng mga iglesya, at araw-araw
ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga tagasunod ni
Jesus.
Pagkatapos nagpunta sila sa mga lugar na sakop ng
Phrygia at Galatia dahil hindi sila pinayagang
magpunta sa lalawigan ng Asia. Gusto rin sana nilang
pumunta sa Bitinia pero hindi rin sila pinahintulutan
ng Espiritu, kaya sa Mysia sila dumaan at pumunta sa
Troas.
Nang gabing iyon, pinakita ng Diyos kay Pablo sa
panaginip ang isang taga-Macedonia na nagsabi sa
kanya, "Pumunta ka dito sa amin at tulungan mo
kami." Kaya pumunta sila sa lugar na nais ng Diyos na
puntahan nila.
148
Pagdating nila sa Filipos, isang pangunahing siyudad
ng Macedonia, nangaral sina Pablo sa mga babaeng
nagtitipon sa tabi ng ilog. Isa sa mga ito si Lydia, isang
negosyante at sumasamba sa Diyos ng mga Judio.
Binuksan ng Panginoon ang puso niya para tanggapin
ang mensahe ni Pablo. Nagpabautismo siya at ang
kanyang pamilya.
Isang araw, may sumalubong kina Pablo na isang
dalagitang alipin na sinasaniban ng masamang
espiritung nagbibigay sa kanya ng kakayahang
manghula. Hinarap ni Pablo ang babaeng ito at sinabi,
"Sa pangalan ni Jesus, inuutusan kitang lumabas sa
kanya!" At agad namang lumabas ang masamang
espiritu. Ipinahuli ng amo ng babaeng ito sina Pablo at
ipinakulong.
Pagdating ng hatinggabi, biglang lumindol nang
malakas. Lahat ng pintuan ay bumukas at nakalag ang
mga kadena nina Pablo. Pagkakita ng guwardiya kina
Pablo, sabi niya, "Ano ang dapat kong gawin para
maligtas?" Sabi ni Pablo, "Sumampalataya ka sa
Panginoong Jesus at maliligtas ka at ang iyong buong
pamilya." Pagkatapos ipangaral ni Pablo ang
mabuting balita sa kanya at sa kanyang buong
pamilya, masaya silang sumampalataya kay Jesus at
nagpabautismo.
Paul and Timothy
Kung makabangga mo ang mga taong may ibang kultura’t
tradisyon, anong gagawin mo? Nakita na natin kanina iyan na
dapat isaalang-alang ang relasyon. Pero siyempre without
compromising the gospel. Pero bakit pinatuli si Timoteo? Akala
149
ko ba hindi na requirement iyon? Hindi naman kaligtasan ni
Timoteo ang nakasalalay dito kundi para sa mga Judio na
gustong abutin nina Pablo sa mga siyudad na pupuntahan nila.
Kasi si Timoteo ay may lahing Judio din na para sa kanila ay
isang paglapastangan sa Kautusan kung di magpatuli dahil iyon
ang sign ng covenant ng Diyos kay Abraham. Isinasaalang-alang
ni Pablo dito ang damdamin ng mga taong gusto niyang abutin.
Ito ang damdamin niya pagdating sa adjustments sa kultura at
tradisyon at dapat isaalang-alang din natin:
For though I am free from all, I have made myself a
servant to all, that I might win more of them. To the
Jews I became as a Jew, in order to win Jews. To those
under the law I became as one under the law (though
not being myself under the law) that I might win those
under the law. To those outside the law I became as one
outside the law (not being outside the law of God but
under the law of Christ) that I might win those outside
the law. To the weak I became weak, that I might win
the weak. I have become all things to all people, that by
all means I might save some. I do it all for the sake of
the gospel, that I may share with them in its blessings
(1 Cor. 9:19-23).
Paul and Barnabas
Kung makabangga mo ang mga kapatid na may ibang
gustong gawin, anong gagawin mo? Si Pablo at Bernabe
parehong may puso sa misyon. Partners pa nga ang mga iyan.
Pero di sang-ayon si Pablo sa gusto ni Bernabe. Ayaw niyang
isama si Juan Marcos. May point naman si Pablo kasi noong
una, iniwanan sila. Siyempre gusto nating kapartner sa
ministry yung hindi tayo iiwanan sa ere. May point din naman
150
si Bernabe, na naniniwala sa second chances at nakikita ang
potential nitong si John Mark. Sinong tama sa dalawa? Well,
maybe that’s not the issue. Oo nga’t nagkaroon sila ng mainit na
pagtatalo at maaaring nagkasagutan pa iyan at nagkataasan ng
boses, pero makikita natin ang puso nila sa ministry. Na
parehong silang passionate, kahit magkaiba ang diskarte nila.
Kaya nagkasundo silang maghiwalay na lang ng pupuntahan.
Nakahadlang ba iyon sa misyon ng Diyos? Hindi!
Nakapagpasulong pa nga kasi may maraming lugar ang naabot
sa mas maikling panahon.
Kahit ngayon mangyayari pa rin ang mga ganyan at may
makakabangga tayo na kasama natin na pareho naman ang
hangarin, magkaibang pamamaraan o diskarte nga lamang.
Nangyari na rin iyan sa church, may mga ilang liders na lumipat
ng ibang church kasi hindi nagustuhan ang naging leadership
change dito sa church. Sa tingin natin parang hindi maganda,
pero sa plano ng Diyos makikita natin na patuloy niyang
isinusulong ang misyon niya dito sa church natin at maging sa
ibang lugar na napuntahan ng mga members natin. Kaya kung
may makabangga ka man dito, huwag tayong magpersonalan,
huwag magsiraan, basta focus lang tayo kung ano ang
ipinapagawa sa atin ng Diyos. Kung sinabi niyang magstay ka,
magstay ka. Kapag sinabi niyang lumipat ka ng ibang lugar,
sundin mo siya.
Paul and the Holy Spirit
Kung hindi, Diyos mismo ang makakabangga mo. At kung
makabangga mo ang Diyos mismo, anong gagawin mo?
Obvious naman ang sagot dito. Kung gusto mong kontrahin ang
Diyos nasasaiyo na iyon. Maganda naman ang hangarin ni Pablo
151
sa misyon. May gusto siyang puntahan lugar, sabi ng Espiritu,
“Huwag diyan. Dito ka.” At naconfirm ng Diyos iyon sa
pamamagitan ng isang panaginip na may isang lalaking
humihingi ng tulong sa kanila. Ang point dito ay huwag
ipagpilitan ang gusto mo. Kahit pa mainam namang magmisyon
o magpastor, pero baka sabi ng Diyos sa iyo na wag ka
magresign sa trabaho mo kasi kailangan ko ng magsisilbing
ilaw para sa akin sa madilim na lugar na iyan. Bakit sa
Cambodia tayo pupunta next week at hindi sa Thailand? Kasi
iyon ang sabi ng Diyos. Pareho namang may need pero si Lord
ang masusunod. Siya ang maglalatag ng program sa church na
ito. May Holy Spirit dito sa church. Hindi si pastor ang
masusunod. Kontrahin n’yo na ang pastor n’yo, wag lang ang
Espiritu Santo.
Paul and Satan
Kung makabangga mo ang mga demonyo, anong gagawin
mo? Naku, heto na ang mabigat. Pero teka, bakit magiging
mabigat kung kakampi natin si Jesus? At ito ang
pinanghahawakan ni Pablo. Meron silang nakitang isang
babaeng nakakapanghula dahil sa masamang espiritu na nasa
kanya. At ganyan din maging sa panahon natin ngayon kaya
may mga nanghuhula, mangkukulam, faith healers, atbp., galing
lahat sa mga demonyo iyan. Wag kayong bibilib sa kanila. Kung
may makaharap man tayong mga ganyan tulad ng nakaharap ni
Pablo, tandaan nating dala natin ang pangalan ni Jesus at higit
siyang makapangyarihan kaysa sinumang demonyo. Sinabi ni
Pablo, “Sa pangalan ni Jesus!” Lumayas ang masamang espiritu.
Nang mag-OJT na ang mga natrain namin ng Story of God sa
Candelaria, may nakausap sila Toby na faith healer at
aminadong ibang espiritu ang nasa kanya. Pero hindi natakot
152
sila Toby kasi alam nilang greater is he than is in us than he
that is in the world. Kung makabangga mo si Satanas at
sinumang demonyo, huwag mong atrasan, banggain mo dahil
tiniyak na ni Jesus na malapit na ang katapusan nila. At maging
ang ginagawa nilang paghadlang sa misyon ng Diyos ay siya
mismong gagamiting ng Diyos para maipakita ang kanyang
kapangyarihan sa mga taong gusto niyang iligtas.
Paul and the Heart of Sinners
Kung makabangga mo matigas na puso ng tao, anong
gagawin mo? Natural na ang puso ng tao ayaw magpasakop sa
kagustuhan ng Diyos, ayaw ng magandang balita ng kaligtasan
ni Jesus. Gusto kasi ng tao sa sarili nilang paraan sila maliligtas.
Kahit itong si Lydia ay prayerful at sumasamba sa Diyos,
malinaw sa kuwento na hindi pa siya ligtas. Alam ni Pablo iyon
na kahit sino pang kausapin niya, matigas ang puso, relihiyoso
man o hindi tulad ng guwardiya sa kulungan. Sinasabi niya sa
mga sulat niya na ang tao ay “bulag” (2 Cor. 4:4) at “patay”
(Eph. 2:1) kaya di makita si Jesus, kaya di makatugon sa
panawagan ni Jesus. Pero alam din ni Pablo na “the gospel is
the power of God for salvation” (Rom. 1:16). Walang matigas na
puso na di kayang durugin ng Diyos. Kaya ang ginagawa ni
Pablo, just preach the gospel to them, just tell them the Story of
God, the Story of Jesus. Ang Diyos na ang bahala doon. Kaya
binukas niya ang puso ni Lydia at ng buong pamilya niya. Pati
ang guwardiya sa bilangguan, pinalindol niya para madurog
ang puso niya at ng kanyang buong pamilya. God is calling us to
trust the gospel to do its work in the heart of sinners.
Hindi natin kayang baguhin ang puso ng isang tao. Pero kaya
nating lahat na ikuwento ang Story of God sa iba. Una sa
153
pamilya natin tulad ng ginawa ni Lydia at ng guwardiya.
Siyempre iyon ang unang misyon nila. Sa pagmimisyon hindi
mo pwedeng basta lundagan ang sarili mong bakuran. Kahit
mga bata, dapat isipin nating may pusong matigas iyan,
kailangang marinig ang gospel. Ang problema maraming
magulang kahit naniniwala tayong salvation is by faith parang
by works ang itinuturo natin sa bata. Sasabihin ng iba, “Kapag
hindi mo ito ginawa, hindi ka na love ni Jesus, lagot ka sa
kanya.” Sa halip na sabihin sa kanila tulad ng sabi ni Pablo sa
guwardiya, “Believe in the Lord Jesus and you will be saved.”
Gospel-Driven Ministry
Kapag sinabi nating matigas na puso ng tao, kasama ka doon.
At iyan ang pinakamahirap mong makakabangga. Kung
makabangga mo ang sarili mo, anong gagawin mo? Nakikita
natin sa kuwento na si Pablo sumusunod sa Diyos, pero dapat
aware din tayo na sa loob ng puso niyan may nangyayaring
struggles. Tulad ng sinasabi niya sa Romans 7 na kung ano ang
gusto niyang gawin, iyon ang hindi niya ginagawa; kung ano
ang ayaw iyon naman ang ginagawa. Aware siya sa battle na
nangyayari between the flesh (his sinful nature) and the Spirit
(Galatians 5). Pero merong greater power within him kaya
nagtatagumpay siya. He has the gospel. Iyong ipinapangaral
niya sa iba, ipinapangaral din niya sa sarili niya. Nagmimisyon
siya at ibinibigay ang buhay niya para sa Panginoon hindi para
pagtrabahuhan ang kaligtasan, kundi para ipamuhay ang
kalayaang meron na siya. Meron nang gumawa para sa kanya.
Iyon ang magandang balita. Magmimisyon tayo sa Cambodia o
sa Candaba o sa bakuran ninyo hindi para magkaroon ng bonus
points sa Panginoon. Kundi dahil alam natin na ang dala nating
Magandang Balita ay nagtagumpay na. The gospel drives us in
154
the ministry. We have a gospel-driven ministry. Kaya kahit
sino ang makabangga natin, basta dala-dala natin ang balitang
ito tungkol kay Jesus alam nating kaya nitong durugin ang gawa
ng Kaaway, basagin ang matigas na puso ng tao, at labanan
maging ang sarili nating katigasan ng puso.
Kung sa misyon ikaw ay gumagawa, tiyak meron kang
makakabangga. Pero hangga’t dala-dala mo ang
Magandang Balita, wala kang dapat ipag-alala.
155
PART 12 – ADVANCING GOD’S KINGDOM June 9, 2013 | Derick Parfan | Acts 17:16-34; 19:8-20
The Church and the Kingdom of God
Ito na ngayon ang huling sermon natin sa series. Hindi na natin
tatapusin hanggang sa Acts 28. I hope and pray na sa
pamamagitan ng series na 'to, mas naintindihan natin kung ano
ang church, ang misyon nito, at paano tayo makakabilang at
makakapagparticipate doon. Sana naging mas malawak ang
pagkaunawa natin sa church. Hindi iyon bang paupu-upo lang,
pasama-sama lang. Kundi iyong naiisip palagi ang tungkol sa
kaharian ng Diyos. Na ang kingdom of God ay hindi lang basta
iyong church. The kingdom of God is greater than the church -
sakop nito ang buong universe. Kung saan man ang Diyos ang
hari at kinikilalang hari, doon ang kingdom of God. "His
kingdom is an everlasting kingdom, and his dominion endures
from generation to generation" (Daniel 4:3).
Ano ngayon ang misyon ng church natin kung iyon ang
kingdom of God? Ano ngayon ang mag-iiba sa ginagawa natin
bilang members ng church? Kung marami pang mga tao sa
buong mundo hanggang ngayon hindi kinikilala ang paghahari
ng Diyos, ano ngayon ang gagawin natin? Tama lang na ito ang
mga tanong natin kasi ito naman ang concern din ni Luke nang
isulat niya ang Gospel of Luke at Book of Acts. Ito rin ang
concern ng mga disciples nang tanungin nila si Jesus bago pa
siya bumalik sa langit, "Panginoon, ito na po ba ang panahon na
ibabalik ninyo ang kaharian ng Israel?" (Acts 1:6). Tama naman
ang tanong nila at darating naman talaga iyon. Pero hindi pa
iyon ang focus dapat nila. Kundi iyong sinabi ni Jesus sa verse 8,
"Ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa
156
Jerusalem hanggang sa Judea at Samaria, at hanggang sa buong
mundo."
Desidido ang Diyos na kilalanin ang paghahari niya sa buong
mundo. "For the earth shall be full of the knowledge of the Lord
as the waters cover the sea" (Isaiah 11:9). At nakita natin sa
church sa Acts na desidido rin silang gawin ito - bagamat noong
una ay hindi pa sila makalabas ng Jerusalem (Acts 1-6), pero
nakarating na sa buong lalawigan ng Judea at Samaria (Acts 7-
12) at maging sa mga bansa sa labas ng Israel (mula Acts 13).
Ituloy natin kung paano umuusad ang kaharian ang Diyos sa
ministeryo ni apostol Pablo.
Paul in Athens
Pakinggan n’yo ang nangyari sa Acts 17:16-34:
Pagdating ni Pablo sa Athens, lubos siyang nabahala
sa nakita niyang maraming dios-diosan doon. Dahil
doon, nakikipagdiskusyon siya sa mga sumasamba sa
bahay-sambahan ng mga Judio doon pati na rin sa
mga tao sa plasa at palengke.
Dalawang grupo ng mga tagapagturo ng pilosopiya
ang nakipagtalo sa kanya - mga Epicureo at Estoico.
Sabi ng ilan, "Ano naman ang dinadaldal ng mayabang
iyan?" Ang sabi naman ng iba, "Iba yatang dios ang
ipinapangaral niya." Sinabi nila iyon dahil
ipinapangaral ni Pablo si Jesus at ang kanyang muling
pagkabuhay.
Isinama nila si Pablo sa Areopagus, lugar na
pinagtitipunan ng mga namumuno ng bayan. Sabi nila,
"Gusto naming malaman iyang itinuturo mong bago sa
157
pandinig namin." Wala kasi silang inatupag kundi
magdiskusyon sa mga bagong aral.
Tumayo si Pablo at nagsimulang magsalita, "Mga
taga-Athens! Napansin kong napaka-relihiyoso ninyo.
Meron pa kayong altar 'para sa hindi kilalang Dios.'
Siya ngayon ang ipapakilala ko sa inyo.
"Siya ang lumikha ng lahat, ang Panginoon ng langit
at lupa. Hindi siya nakatira sa templong gawa ng tao.
Hindi niya kailangan ang tulong natin; siya pa nga ang
nagbigay ng buhay sa atin, at ng lahat ng kailangan
natin. Siya ang gumawa ng lahat ng lahi at nagtakda
ng mga hangganan nito. Ginawa niya ito upang
masumpungan natin siya.
"Huwag nating isiping ang Dios ay gawa sa ginto, pilak
o bato. Oo nga't noon ay pinalampas ng Dios ang
kasalanan ng tao. Ngunit ngayon, inutusan ng Diyos
ang lahat na talikuran na ang kanilang mga
kasalanan. Dahil nagtakda ang Dios na hahatulan niya
ang lahat sa pamamagitan ni Jesus na kanyang muling
binuhay mula sa mga patay."
Nang marinig nila ang tungkol sa muling pagkabuhay,
pinagtawanan siya ng ilan. Ang iba naman sabi,
"Bumalik ka uli rito, gusto pa naming maintindihan
ang itinuturo mo." Meron din namang ilan na sumang-
ayon kay Pablo at sumampalataya kay Jesus.
Only One King
Pagdating ni Pablo sa Athens at nagkaroon siya ng
pagkakataong magsalita sa kanila, sinabi niyang, "Napansin
kong napakarelihiyoso ninyo" (17:22). Sa panahon natin
158
ngayon, kapag relihiyoso ang isang tao, that's a good thing.
Kaysa nga naman basagulero, addict, lasenggo, atbp. Pero para
kay Pablo, hindi naman OK ang basta relihiyoso ka lang. You can
be religious and remain outside the kingdom of God. Bakit? Kasi
sa pagiging relihiyoso mo, baka hindi naman totoong Dios ang
sinasamba mo tulad ng sa Athens na gumagawa sila ng mga
rebulto ng mga dios-diosan nila at iyon ang sinasamba nila
(hindi ba't ganoon din ngayon?) Maaaring nagsisimba ka, pero
wala ka naman sa kaharian ng Dios kasi iba naman ang
priorities mo, iba ang mahalaga sa iyo - ang yumaman
halimbawa (pera ang nagiging dios-diosan mo). Para kay Pablo,
ayon sa salita ng Diyos, ano ang priority dapat ng isang nasa
kaharian ng Dios?
Kingdom Priority. Siyempre walang iba kundi ang Dios - siya
ang nag-iisang Hari ng Kahariang ito. Siya ang priority -
number one at only one. The essence of the kingdom is turning
from idols to worship the one and true God. Kaya nga
ipinakilala ni Pablo sa kanila kung sino ang totoong Dios na
hindi pa naman nila kilala (vv. 24-31).
Source of all creation. "The God who made the world and all
who live in it..." (v. 24); "In him we live and and move and have
our being...we are indeed his offspring" (v. 28). Tayo ay nilikha
ng Diyos. Hindi tayo ang lumikha sa Diyos. Obvious iyon, pero
minsan napapagbaligtad natin. Gumagawa tayo ng sariling Dios
natin sa isip natin, iyon bang medyo kumportable tayo. Kaya
nawawala ang bigat ng holiness niya, ng katarungan at ng galit
niya.
159
Sovereign over all things. Siya ang nagdidikta kung saang bansa
tayo ipapanganak, kung kelan tayo ipapanganak at kung kelan
din tayo mamamatay. Gusto natin kasi kontrolado natin ang
buhay natin pero gusto ng Dios ipagkatiwala natin ang kontrol
sa kanya.
Sufficient in all things. Hindi niya kailangan ng tirahan. Hindi
niya kailangan ang serbisyo natin. Na para bang pagkatapos
mong magbigay o maglingkod sasabihin mo sa Dios, "Ayan ha,
nagawa ko na ang gusto mo, ngayon naman ibigay mo ang
gusto ko." Ha? Kailangan ka ba niya? Ang lakas mo, ang pera
mo, galing din sa kanya, di ba?
Sustainer of all of life. Sa kanya galing ang buhay natin at siya
rin ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa tayong huminga.
Kung sa kanya galing lahat ito, hindi ba't para sa kanya din
natin ito ibibigay para siya ang mabigyan ng karangalan sa
lahat ng bagay? Yes! Pero hindi naman ganoon ang ginawa
natin. "For all have sinned and fall short of the glory of God"
(Rom. 3:23). Kaya nararapat lamang tayong hatulan at
parusahan ng Diyos. Yun ang warning ni Paul sa mga taga-
Athens. Darating ang araw na iyon. Pero hindi tayo kailangang
matakot dahil siya rin ay...
Savior of all who believe. Lahat ng lahi na magtitiwala kay Jesus
- na siya'y namatay at muling nabuhay para tayo'y ibilang na
matuwid ng Diyos - ay kanyang ililigtas. This is our God. He is
our life's priority. Pero ang nakalulungkot, marami sa mga tao
mas pinahahalagahan pa ang ibang tao at ibang bagay kaysa sa
Dios na lumikha sa kanila. Dahil sa problemang iyan kaya may...
160
Kingdom Program. Ang desire ng Dios - kung siya ang Bida sa
kuwentong ito, kung siya ang priority - ay ipakilala kung sino
siya at siya ay kilalanin at sambahin ng lahat ng kanyang mga
nilikha. Kaya nga ang mensahe ni Pablo ay tungkol sa muling
pagkabuhay ni Jesus - nagpapakita na sa pagkabuhay niya ay
ipinapakilala ng Diyos na si Jesus ang Hari ng mga hari at
Panginoon ng mga panginoon. At sa kanyang pagbabalik - noon
ay bubuhayin ang lahat ng mga patay - lahat ay kikilalanin
siyang Hari - hindi na nila maikakaila. Pero hangga't hindi pa
dumarating ang araw na iyon, hindi natin mapipilit ang mga
taong kilalanin siyang hari. Oo nga't ipapaliwanag natin,
makikipagdiskusyon tayo sa mga tao tulad ng ginawa ni Pablo -
sa mga kababayan man niya o sa mga dayuhan. Pero iba't iba
ang mga responses niyan - merong pinagtawanan siya, meron
din namang naniwala, meron din namang interesado at
gustong matuto pa. Pero hindi na natin hawak ang desisyon ng
mga tao. Basta tayo, ituloy lang natin kung ano ang para sa
programa ng kaharian ng Diyos. Basta ang mahalaga, meron
tayong...
Kingdom Perspective. Anong ibig sabihin nun? We must look
at all of life and ministry in terms of the kingdom. Halimbawa,
noong pagpasok ni Pablo sa Athens, may nakita iyang mga
magagandang templo para sa mga dios-diosan, siguro iba gawa
sa ginto, magagandang disenyo, saka meron pang mga
rebultong maganda ang pagkakaukit. Kung papasok siya sa
lugar na iyon na parang turista, sasabihin niya, "Wow! Ang
gaganda naman nito. Ang galing ng gumawa! Sarap picturan at
ipost sa Facebook." Pero pumasok siya doon na isang
misyonero at hindi turista, kaya kingdom perspective ang
response niya. Nabagabag ang puso niya, nabahala siya,
161
maiyak-iyak pa siguro. "Ano ba 'to? Bakit ganito ang mga tao?
Sa halip na Dios ang sambahin, mga pekeng dios."
Noong napunta ako noon sa Bangkok, sa Grand Palace, na halos
puro ginto ang mga structures na para kay Buddha, oo nga't
maganda kung titingnan, pero kung ang iisipin mo ay ang
kalagayan ng mga tao, nakakaantig ng puso, nakakaiyak.
Halimbawa na lang kapag Semana Santa. Mahaba ang
prusisyon ng mga rebulto sa Baliwag. Marami sa inyo
nanonood. Ok lang naman manood, kung ipapanalangin natin
sila, kung may kingdom perspective tayo. Pero kung naaaliw ka
pa at natutuwa, malaking problema na iyon. O kaya naman
kung may hinahangaan kang basketball player, o artista, o isang
mayamang tao at successful, tapos bilib na bilib ka, hindi mo
man lang naiisip na iyan ay malayo sa Diyos. Kulang ka sa
kingdom perspective. We must look at people with the eyes of
God.
Paul in Ephesus
Ganyan ang pagtingin ni Pablo kaya patuloy siya sa misyon
niya. Pakinggan n’yo ‘to galing sa Acts 19:8-20:
Pagdating ni Pablo sa Efeso, tatlong buwan siyang
patuloy na nagpupunta sa bahay-sambahan ng mga
Judio. Hindi siya natatakot sa mga tao roon kahit na
ang iba sa kanila'y matigas talaga ang ulo, ayaw
maniwala, at sinisiraan pa sila. Patuloy pa rin niyang
ipinapaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng
Diyos. Kahit umalis na siya sa bahay sambahan, kahit
sa harap ng madla nakikipagdiskusyon siya. Dalawang
taon niya itong ginagawa kaya halos lahat ng nakatira
sa lalawigan ng Asia ay nakarinig ng salita ng Dios.
162
Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa
pamamagitan ni Pablo. Kahit mga panyo at mga epron
na ginagamit niya ay dinadala sa mga may sakit at
gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamang
espiritu.
Samantala, meron namang ilang Judiong gumagala at
nagpapalayas ng masasamang espiritu. Sinubukan
nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus
para palabasin ang masamang espiritu. Sabi nila sa
masamang espiritu, "Sa pangalan ni Jesus na
ipinapangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong
lumabas!" Pero sinagot sila ng masamang espiritu,
"Kilala ko si Jesus, ganoon din si Pablo, pero sino
naman kayo?"
At nilundag sila ng taong sinaniban ng masamang
espiritu at sinaktan. Wala silang magawa kaya
tumakbo sila palabas ng bahay na hubad at sugatan.
Nabalitaan ito ng mga taga-Efeso. Natakot sila, at lalo
pang naparangalan ang pangalan ng Panginoong
Jesus.
Marami sa mga sumampalataya ang lumapit at
nagtapat ng kanilang masasamang gawain. At
marami ring mga salamangkero ang nagdala ng
kanilang aklat at sinunog nila mismo ang mga ito sa
harap ng lahat. Ang halaga ng aklat na sinunog ay
umabot ng ilang daang milyon. Dahil sa pangyayaring
ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita
ng Dios.
163
Victorious King
Kung meron tayong perspective na nakabatay sa kingdom of
God, ibig sabihin mahalaga sa atin ngayong tanungin natin
kung kabilang ba talaga tayo diyan? Are we one of those...
Kingdom People. Those who belong to God's kingdom are
only those who are repentant sinners - not religious
pretenders. Sabi ko kanina na pwede kang relihiyoso at
sinasabi mo pang mature Christian ka, pero nagpapanggap
lang, fake. Tulad ng mga "Jewish exorcists" noong panahon ni
Paul. Siyempre sikat sila nakakapagpalayas ng demonyo - pero
marahil ay palabas lang ito ni Satanas. Nang mapansin nilang
mukhang mas powerful si Paul, sinubukan nilang gamitin ang
pangalan ni Jesus. Parang sabi ng demonyo sa kanya, "Hehehe.
Sino ka?" Kasi wala namang bisa ang paggamit ng pangalan ni
Jesus kung hindi ka naman kabilang sa kaharian ni Jesus. Tulad
ng mga "magicians" noon na nagsisi at tumalikod na sa mga
kasalanan nila. Hindi ito tulad ng magicians sa panahon natin
sa mga birthday parties. Ito yung totoong gumagawa ng mga
magic sa kapangyarihan ng demonyo. Pero tinalikuran nila
iyon, kahit na nagiging maganda ang negosyo nila. They want to
belong to God's kingdom, kahit pa kapalit ay ang sunugin ang
mga gamit nila sa magic na umabot sa higit 200 milyung piso.
Ganyan ang mga kingdom people, mas mahalaga ang
makapiling ang Dios kahit na mawalay sa limpak-limpak na
salapi. Ano ang ginagawa ng mga kingdom people?
Kingdom Proclamation. We must not stop proclaiming the
good news of the kingdom of God until all people have heard of
it. Tell the Story of God, don't stop. Ganoon naman ang
ginagawa ni Pablo - ikinukuwento sa kanila ang tungkol sa
164
paghahari ng Diyos. Tatlong taon niyang ginagawa iyon sa
Ephesus - hangga't buong probinsiya ng Asia (ngayon ay
bansang Turkey) ay nakarinig ng salita ng Diyos. Paano
nangyari iyon? Naglagay ba ng malaking sound system si Paul?
May Internet ba? Wala! O siguro nagbahay-bahay siya
hanggang malibot ang buong probinsiya? Kahit tatlong taon
hindi niya kakayaning mag-isa iyon. O hindi ba't maaaring
ganito - na ang mga tinuruan niya ay sinanay niyang ituro din
sa iba at siya namang ipinadala niya sa ibang lugar - na sila
namang magkukuwento sa iba? Hindi ba't ganito ang strategy
niya para mag-multiply ang salita ng Diyos: "Ang mga narinig
mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga
taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman
sa iba" (2 Tim. 2:2 MBB). As we proclaim the kingdom, God will
demonstrate its...
Kingdom Power. God is mightily at work through us in
demonstrating the power of his kingdom. "Maraming
pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa pamamagitan ni
Pablo" (Acts 19:11). Mga himalang nagpapakita na kayang
patalsikin ng Diyos ang lahat ng laban sa kanyang kaharian.
Ang sakit - napapagaling ni Pablo, napapatalsik ng Diyos. Ang
mga masasamang espiritu, napapalayas ni Pablo sa pangalan ni
Jesus. That's kingdom power. Kaya nga kung gagamitin natin
ang "in Jesus' name. Amen" sa dulo ng prayer natin, ilagay natin
sa isip natin ang kapangyarihan ng pangalang iyan at hilingin
natin sa kanya hindi lang iyong paggaling ng sipon o sakit ng
katawan o pagpasa sa exam o pagkakaroon ng trabaho, kundi
tulad ng tinuro ni Jesus, "Our Father in heaven, hallowed be
your name. Your kingdom come. Your will be done on earth as
it is in heaven." At kung iyon ang nasa puso natin, na nasa puso
165
din ng Diyos, patutunayan niya 'to: No one and nothing can
hinder the kingdom from advancing. Kahit nga ikulong nila si
Pablo sa Roma, anong ginagawa ng Diyos sa pamamagitan niya,
"Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na
kanyang inuupahan (under house arrest). At tinanggap niya
ang lahat ng dumadalaw sa kanya. Tinuruan niya sila tungkol sa
paghahari ng Dios at tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. Hindi
siya natakot sa kanyang pagtuturo at wala namang pumigil sa
kanya" (Acts 28:30-31). Walang pumigil dahil walang
makakapigil sa Dios sa pagsulong ng kanyang kaharian
hanggang sa dulo ng daigdig.
It’s Our Turn
Kung papansinin n'yo ang progression ng kuwento sa book of
Acts, makikita n'yo kung paano nagsimula ang church sa
Jerusalem sa 120, nadagdagan ng libu-libo, hanggang
makalabas sa Jerusalem at marating ang buong lalawigan ng
Judea, hanggang sa katabing lalawigan ng Samaria, hanggang
makarinig na ang ibang lahi (mga Hentil) at makarating sa iba't
ibang lugar sa Middle East at sa Europa. Obviously, the
Kingdom of God is advancing. Acts 19:20, "So the word of God
(the King of the Kingdom) continued to increase and prevail
mightily." Until now. Lalago iyan, kakalat iyan, magtatagumpay
iyan. So, the church must join God in advancing his kingdom.
We must seek first the kingdom of God (Matt. 6:33).
Ginagamit natin ang salitang "advance" o pagsulong sa iba't
ibang kategorya. Kung sa sports, kapag ang favorite team natin
ay naka-advance sa finals at nagchampion, tuwang-tuwa tayo.
Nasasabik tayo dun, sinusubaybayan natin. Kapag naman ang
isang tropa ng sundalo ay naka-advance, ibig sabihin attack
166
mode na iyan, handang lumaban. Kapag may isang lalaking
nanliligaw at naka-advance o nakaabante na at naeexcite na
siyang sagutin ng nililigawan. Kapag naman meron tayong
pangarap at pinagpaplanuhan kung paano mangyayari, iniiisip
na natin iyan "in advance." Kapag naman short ang suweldo
mo, tatanungin mo ang boss mo kung pwede bang maka-
advance. We used that word to indicate kung ano ang worth
pursuing sa atin, iyong mahalaga, iyon bang ikalulungkot,
iiyakan mo, at ikamamatay mo pa kung hindi mangyari.
Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang mga bagay na ito. Yes,
we need to pursue them. Pero ang makikita natin sa nagdaang
sermon series natin sa Acts ay kung ano ang priority, ano ang
pinakamahalagang i-pursue o pagpursigihan nating isulong o i-
advance. Walang iba kundi ang kaharian ng Dios. "Seek first the
kingdom of God and all these things shall be added unto you"
(Matt. 6:33).
Ito na ang panahon - wag na nating pagtagalin pa - para
magparticipate tayong lahat in advancing the kingdom of God.
Walang mangyayari kung nakapirmi ka lang at kukuyakuyakoy.
Kung titingnan n'yo ang mapa ng Baliwag, huwag mong isiping
ang church natin ay nasa kanto ng Vergel de Dios at Cunanan
streets. Wala diyan. Kundi nakakalat sa iba't ibang barangay sa
Baliwag, Bustos, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, Pulilan,
Plaridel, Candaba, San Luis. Bawat Grace-Community natin,
magmeet tayo sa June 12 para pag-usapan kung paano talaga
tayo mamumuhay na malaya sa kaharian ng Diyos at paano
natin ipapangaral ang kalayaang ito sa barangay natin at sa
mga katabing barangay.
167
At kung ito ang papangarapin ng bawat isa sa atin - darating
ang katapusan, ang pagbabalik ng Panginoon, ang lubos na
kaharian ng Diyos. Matthew 24:14, "And this gospel of the
kingdom shall be preached as a testimony to all nations, and
then the end will come." Darating ang "end" kung mararating
natin ang "ends of the earth" (Acts 1:8). Pagpunta mo sa Acts
28, nakarating na ba si Pablo sa "ends of the earth"? Hindi pa.
Ibig sabihin hindi pa tapos. Ngayon, tingnan n'yo ang Acts
29...it's our turn now to advance the kingdom of God.
Diyan nagtatapos ang sermon series natin. At sana, ito ang
pagsisimula ng marami sa inyo na seryosohin ang bigay na
misyon ng Panginoon sa ating iglesia. God bless you all!