thesis 1f ph(group4)

21
Running head: PINAGKAKAABALAHAN TUWING BAKANTENG ORAS Pag-aaral sa Pinagkakaabalahan ng mga Magaaral sa Kursong Parmasya Tuwing Bakanteng Oras. Mga mananaliksik Fang,Cauline Go, Jenicca Gumabon,Karen Hernandez,Genevive Lasangre,Lyra

Upload: karen

Post on 03-Sep-2015

224 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

;)

TRANSCRIPT

Running head: PINAGKAKAABALAHAN TUWING BAKANTENG ORAS

11

PINAGKAKAABALAHAN TUWING BAKANTENG ORAS

Pag-aaral sa Pinagkakaabalahan ng mga Magaaral sa Kursong Parmasya Tuwing Bakanteng Oras.

Mga mananaliksik

Fang,Cauline

Go, Jenicca

Gumabon,Karen

Hernandez,Genevive

Lasangre,Lyra

Pag-aaral sa pinagkakaabalahan ng mga magaaral sa kursong Parmasya

tuwing bakanteng oras.

Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa-practice ng sayaw sa P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga. At dahil doon gumawa kami ng isang riserts upang makita at maliwanagan ang mga tao sa pinagdadaanan ng bawat mag-aaral.

Ngunit kung titignan naman natin sa positive side, lahat ng ginagawa naten sa kolehiyo ay isang malaking paghahanda lamang sa totoong buhay kung kaya't hindi tayo dapat sumuko at magpatalo, dapat lagi tayong sumulong at tumingin sa magandang kinabukasan. Madami din ang naghahangad na makapag-aral sa kolehiyo ngunit hindi sila pinalad na magkaroon nang chance para gawin ito, maswerte pa din tayong mga nakakapag-aral dahil nabigyan tayo nang pagkakataon! Kung kaya't dapat nating sinupin at pag-igihin! huwag tayo magpapadaig sa mga tukso sa ating paligid! dapat tayo ay laging maging positibo at alalahanin nating may mga magulang tayong iniinda ang hirap mapag-aral lang tayo!

Rationale

Ang pagaaral na ito ay upang makakuha ng payo kung ano ang mga paraan ng tamang pag-gamit ng bakanteng oras ng isang estudyante, at kung ito ba ay nakakatulong sa mga magaaral. Nais ng mga mananaliksik na limitahan ang gagawing pag-susuri sa mga estudyante ng kurso Parmasya lamang. Ang pag-aaral na ito ay inaasahan ng mga mananaliksik na makatulong sa mga darating na estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas, upang sila ay hindi mahirapan makipagsabayan sa mga pagbabago na kanilang mararanasan at haharapin sa buhay kolehiyo.

Layunin

Ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung ano-ano ang ginagawa ng mga mag-aaral tuwing sila ay may bakanteng oras, kung makakatulong ba ang mga nasabing gawain sa kanilang pagaaral. Nais din nila malaman kung nakatatanggal o nakawawala ba ito ng stress, kung sapat ba ang bakanteng oras ng isang isang estudyante sa loob ng isang araw at kung naging makabuluhan ba ang paggamit ng isang estudyante sa nakaalan na bakanteng oras niya sa isang araw.

Inaasahan ng mga mananaliksik na ang bakanteng oras ng mga magaaral mula sa ika-una hanggang ikalawang antas ng kursong Parmasya ay nagagamit at nakatutulong sa kanilang pagaaral, bukod pa ditto, ito rin ay nakakawala ng stress sa mga mag-aaaral

Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Pagbuo ng Makabago Kabataan Sa pamamagitan ng Mass media

Ngayon ang pinaka-makapangyarihang katalista para sa pagsasamoderno kabataan kultura ay ang mass media Ito ay higit sa lahat responsable para sa paghubog ng mga pattern consumption ng kabataan, paglilibang at malling. pampulitikang paglahok, sa pag-uugali at kahit na sa mga paniniwala sa relihiyon. Gayon pa man, tulad ng anumang iba pang mga ahente ng pagsasapanlipunan (eg, ang mga paaralan at peer group), ang mass media ay nagdudulot ng kakaibang karakter na nauukol sa pagbuo ng kultura ng mga kabataan. Ito ay nagdadala pagsasamoderno na alon, pa sa parehong panahon, ito rin ay nagtataguyod tradisyonal na mga kahalagahan sa mga kabataang Filipino. Television, diyaryo, at radyo ay ang mga pangunahing pinagkukunan ng mga kaalaman kabataan Katoliko tungkol sa sosyal na isyu. Kaya sa pamamagitan ng telebisyon o iba pa maaring medyum ay dapat maipakita ang pagpapalaganap ng tradisyonal na pag-uugali sa mga Pilipino tulad ng paggalang sa mga matatanda, pagkakaisa ng pamilya, at paggalang para sa mga awtoridad.

Epekto ng Mass Media

Ang teknolohiya ay mayroon ring malaking epekto sa mga kabataan. May isang sarbey ang nagpakita na karamihan sa mga kabataan ay ginugugol ang kanilang oras sa paggamit ng telepono o ng internet. Ang komunikasyon ay mas napadali dahil sa teknolohiya. Ang mga kabataan ay nasasabik din sa paggamit ng mga gadgets at umiikot ang kanilang mundo sa teknolohiya. Nasanay silang mabuhay sa mundo ng teknolohiya, na kapag isang araw, ay nawala ang teknolohiya sa mundo (hal. walang internet, telepono, at mp3 players), ang mga kabataan ay mahihirapan. Katulad nalamang ng mga naninigarilyo, hindi sila mabubuhay ng wala teknolohiya at hindi magagawang masanay sa simpleng pamumuhay nang walang mga modernong teknolohiya dahil ito'y naging parte na ng kanilang buhay.

Relasyon sa pamilya

Kahit na may kaonting pagsusuri sa asosasyon sa pagitan ng relasyon ng pamilya at paggamit ng online media, ay makatwirang asahan na nag relasyon ng pamilya ay makakaapekto sa paggamit ng mga kabataan ng online media. Halimbawa, nag pasusuri sa motibasyon ng mga kabataan para sa paggamit ng internet ay lumalabas na nag mga kabataan ay gumagamit ng internet para mahubog nag komunikasyon sa pamilya Ang kasalukuyang pag-aaral ay pinapalawak nag pagsusuri sa parteng ito sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa asosasyon sa pagitan ng relasyon ng pamliya at paggamit ng mga kabataan ng online media.

Epekto ng ipod laptop at psp sa kabataang Pilipino

Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narrating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa aming klase, na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga daa nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone.

Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong Whats Hot? na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming kabataan ngayon ang bumubili ng K-Zone. At dahil na ring sa Whats Hot? naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kung anung bagong kaamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin ang mga epekto ng mga makabagong kagamitang ito sa mga mag-aaral.

Paglago ng teknolohiya at epekto sa edukasyon

Ayon kay Dr. Russel at Haney, Dahil higit pa at mas maraming mga mag-aaral sa mga paaralan at mga kolehiyo ang kanilang gawain sa spreadsheet at word processors, ang tradisyunal na papel at lapis mode ng pagsusulit ay maaaring hindi masukat ang kung ano ang kanilang natutunan. "Ang pag-aaral ay nagmumungkahi na ang higit pa at mas papel-pagtasa na batay sa mga araw na ito ay maging isang bagay ng nakalipas.Media katangian ng teknolohiya na ginagamit upang tumulong sa pagsubok ay maari ring ipakita ang mga kadahilanan confounding mga resulta ng pagsubok kung ang mga mag-aaral ay mas APT sa isang daluyan (ibig sabihin, papel at lapis pagsusulit) kaysa sa iba pang daluyan (ibig sabihin, nakakompyuter mga pagsubok na nangangailangan ng kasanayan sa keyboarding).Ito ay isang pag-aalala na ito ay patuloy na lalaki habang mas maging pagtasa na batay teknolohiya.Mga Kumpanya na bumuo ng mga pagsusulit unting disenyo sa kanilang mga pagsusulit na kinuha sa mga computer.(kwento base sa tekolohya sa edukasyon)Ang tipikal na mag-aaral ng kinabukasan ay maglalakad patungo klaseng foreign language at babatiin ang mga mag-aaral mula sa bansang kaniyang pinaninirahan sa pamamagitan ng video chat na nagpapahintulot sa kaniya na mapag-aralan ang wika kasama ang mga natibong tagapagsalita. At pagkatapos, pupunta naman siya sa kanyang klaseng physics, ilalabas ang kanyang laptop o PocketPC, at mag da-download ng demonstarsyon ng isang konsepto sa physics na pinag-aaralan sa klase. Sa algebra o calculus, bibigyan siya ng mga pagsusulit na kailangang sagutin, tapos panonoorin niya ang computer habang sinasagot at nagbibigay ng halimbawa sa pagsusulit na siyay naguguluhan. Samantala, ang kanyang mga guro ay nakikita ang kanyang pag-unlad sa bawat asignatura niya at magbibigay ng mga gawaing makakatulong sa bawat mag-aaral na matutunan ang mga bagay na ito sa kanyang sariling antas at sariling sukat.

Metodolohiya

Ang disenyo ng pananaliksik ay ang paglalarawan sa pananaw ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng bakanteng oras sa kanilang buhay. Nagbigay ng sarbey ang mga mananaliksik sa mga una at ikalawang antas ng estudyante sa Kursong Parmasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagpakalap ng 96 na survey questionnaires ang mga mananaliksik. Convenience sampling ang uri ng sampling na ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang mga reapondents na madaling maabot at makapanayam ang kalimitang napapabilang sa ganitong uri ng sampling. Namili lamang ang mga mananaliksik ng mga kakilala at ng mga madaling lapitan at bigyan ng survey sheets. Napili sila base sa preperensiya ng mananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng tally table o iba't ibang klaseng tsart upang mas maintindihan ng mambabasa. Sa pamamagitan ng talatanungang ipinamigay, inalam ng mga mananaliksik kung ilan ang bakanteng oras nila sa isang araw. Inalam din ng mga mananaliksik ang kalakasan at kahinaang epekto ng kanilang bakanteng oras sa kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan lamang ng simpleng pagkuha ng frequency count at bahagdan. Dahil dito, ang pagkuha ng percentage ang ginamit para sa istatistikal na paglalapat ng datos. Sa pamamagitan ng pagkuha ng percentage ay nalaman ang katanungan sa mga tanong ng sarbey

Pagsusuri at Pagtalakay sa Datos

Batay sa 96 na respondents, ang mga lumabas na resulta sa bawat katanungan ay ang mga sumusunod:

Ang resulta sa graph sa ibaba ay nagpapakita ng mga porsyente ng mga sagot sa tanong na, Ilan ang iyong bakanteng oras sa isang araw?

Ang nakuhang porsiyento para sa unang sagot ay 11.46%, sa ikalawang sagot ay 29.17%, sa ikatlong sagot ay 42.71% at ika-apat na sagot ay 16.67%. Mahihinuha dito na karamihan sa mga respondents ay may 4-5 bakanteng oras sa isang araw.

Ang resulta sa graph ay nagpapakita ng mga porsyente ng mga sagot sa tanong na, Sapat ba ang iyong bakanteng oras sa isang araw?

Ang nakuhang porsiyento para sa unang sagot ay 23.16% at sa ikalawang sagot ay 76.84%. Mahihinuha dito na karamihan sa mga respondents ay sumagot na hindi sapat ang bakanteng oras na kanilang isinagot sa unang katanungan upang matugunan ang lahat ng kanilang mga Gawain sa loob ng isang araw

Ang resulta sa graph sa ibaba ay nagpapakita ng mga porsyente ng mga sagot sa tanong na,Ano-ano ang ginagawa mo sa iyong bakanteng oras?

Karamihan sa mga respondents ay pinili ang pag tulog bilang isa sa mga pangunahin nilang ginagawa sa kanilang bakanteng oras. Sumunod sa may pinakamaraming tala ay ang pag kain at sinundan naman ng paggamit ng SNS at pagbabasa ng libro. May ilan-ilan din na sumagot ng Iba pa kung saan nabanggit ang ilan sa mga sumusunod: Paglalaro ng LOL, Pagvo-volunteer/Pagtulong sa kapwa at Paglalaro ng basketbol.

Ang talata sa ibaba ay nagpapakita ng porsyento ng mga sagot sa tanong na, Mula 1-4, ano ang pinaka positibong epekto ng iyong mga sagot sa mga naunang tanong? (gamitin ang 1 bilang pinaka epektibo)

Sa katanungang ito ay gumamit kami ng numero upang maipakita kung ano sa tingin nila ang pinaka-nangingibabaw sa lahat ng mga ibinahaging sagot. Mahihinuha sanakuha naming tala na ang pagkakaroon ng oras sa sarili ang pinaka positibong epekto at sinundan naman ng pagtaas ng marka, pagkawala ng stress at pagkamulat sa mga napapanahong isyu.

Ang talata sa ibaba ay nagpapakita ng porsyento ng mga sagot sa tanong na, Mula 1-4 ano ang pinaka negatibong epekto ng mga sagot mo sa mga naunang tanong? (gamitin ang 1 bilang pinaka negatibo)

Sa katanungang ito ay gumamit ulit kami ng sistema katulad ng ginamit naming sa ika-apat na tanong. Mahihinuha sa nakuha naming tala na ang sobrang pagkahumaling sa mga hindi importanteng bagay ang pinaka negatibong epekto at sinundan naman ng pagkawala ng oras sa sarili, pagbaba ng marka at ang pinakahuli ay ang pagkawala ng oras sa pakikihalubilo sa iba.

Ang resulta sa graph sa ibaba ay nagpapakita ng mga porsyente ng mga sagot sa tanong na, Nakatulongbaangmgasagot mo saunangtanongsaiyongpagaaral?

Ang nakuhang porsiyento para sa unang sagot ay 66.30% at 33.6% naman para sa ikalawang sagot. Mahihinuha sa nakalap na tala na nakakatulong ang nasabing bakanteng oras sa pagaaral ng estudyante sa loob ng isang araw.

Konklusyon at Rekomendasyon

Tinatalakay sa papel na ito ang epekto ng iba't ibang gawain kapag bakanteng oras ng mga magaaral sa ika-una at ikalawang antas ng kursong parmasya sa kanilang bakanteng oras. Sa pagsusuri ng 100 estudyante tungkol sa kung ilan ang kanilang bakanteng oras, kung sabat ba ang bakanteng oras nila para sa mga gawain sa isang oras, kung ano ang kanilang ginagawa sa bakanteng oras nila, kung ano ang mabuting epekto at masamang epekto nito, at kung nakatutulong ba ang gawaing ito sa kanilang pag-aaral, lumabas na karamihan sa estudyante ay 4 hanggang 5 ang bakanteng oras sa isang araw. Nahinahuna na hindi sapat ang kanilang bakanteng oras dahil sa dami ng kanilang ginagawa. Napag-alaman din na mas maraming estudyante ang nagsabing pag-tulog ang kanilang ginagawa sa bakanteng oras nila kaysa sa mga estudyanteng paggamit ng SNS at pagbabasa ang ginagawa. Ang pinaka positibong epekto ng kanilang gawain ay pagkakaroon ng oras sa sairili at ang pinaka negatibong epekto naman ay pagkahumaling sa mga hindi importanteng bagay. Ang nasabing gawain ay nakatutulong para sa kanilang pag-aaral sapagkat dito sila nakakukuha ng kanilang enerhiya par mag-aral.

Sa mga susunod na mananaliksik ng pag-aaral na ito , iminumungkahi na ipagpatuloy at palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagkalap at pagtuklas pa ng maraminf datas at mas mahahalagang impormasyon na maaaring makatulog dito. Maraming bagay at katanungan pa ang maaring idagdag dito, katulad nalamang ng kung ano ang dapat gawin upang mabalanse ang bakanteng oras kung ito'y hindi sapat para sa kanila. Para sa mga mag-aaral, gamitin nila ang kanilang bakanteng oras sa mga makabuluhang bagay at sa mga bagay na makatutulong sa pag-aaral nila upang magkaroon ng mas mataas na grado.

Sanggunian

Rudi, J., Jodie, D. (2007) Youth Online Media Use: Associations with Youth Demographics, Parental Monitoring, and Parent-Child Relationships, Journal of Youth Development, 59-61.

Wartella, E., & Jennings, N. (2000). Children and computers: New technology Old concerns. Children and Computer Technology, 10(2), 3143.

Patchin, J., & Hinduja, S. (2010). Trends in online social networking: adolescent use of MySpace overtime. New Media & Society. 12(2), 197-216.

Valenzuela, S., Park, N., & Kee, K. (2009). Is There Social Capital in a Social Network Site?:Facebook Use and College Students Life Satisfaction, Trust, and Participation. Journal of Computer-Mediated Communication, 14, 875-901.

Durkin, K., & Barber, B. (2002). Not so doomed: Computer game play and positive adolescent development. Applied Developmental Psychology, 23, 373-392.

Gentile, D.A., Lynch, P.J., Linder, J.R., & Walsh, D.A. (2004). The effects of violent video game habits on adolescent hostility, aggressive behaviors, and school performance. Journal of Adolescence, 27, 5-22.

Laursen, B., & Collins, W.A. (2009). Parent-child relationships during adolescence. In R.M. Lerner & L. Steinberg (Eds.), Handbook of adolescent psychology (vol. 2, pp. 3-42). Hoboken, NJ: John Wiley & Sons.

Subrahmanyam, K., & Smahel, D. (2010). Digital youth: The role of media in development. New York: Springer.

Koezuka, N., Koo, M., Allison, K.R., Adlaf, E.M., Dwyer, J.J.M., Faulkner, G., & Goodman, J. (2006). The relationship between sedentary activities and physical inactivity among adolescents: Results from the Canadian Community Health Survey. Journal of Adolescent Health, 39, 515-522.

Coyne, S.M., Bushman, B.J., & Nathanson, A.I. (2012) Media and the family: A note from the guest editors. Family Relations, 61(3), 359 362.

Dishion, T.J., & McMahon, R.J. (1998). Parental monitoring and the prevention of child and adolescent problem behavior: A conceptual and empirical formulation. Clinical Child and Family Psychology Review, 1(1), 6175.

Grov, C., Gillspie, B., Royce, T., & Lever, J. (2011). Perceived consequences of casual online sexual activities on heterosexual relationships: A U.S. online survey. Archives of Sexual Behavior, 40(2), 429-439.

Nielsen. (2010). Mobile Youth Around the World. New York, NY: Author. Owens, J. (2005). The ADHD and sleep conundrum: A review. Journal of Developmental and Behavioral Pediatrics, 26(4), 312-322.

Pag gamit ng social networking sites (facebook, twitter, Instagram, at iba pa)Pag tulogPag kainPagbasa ng libroSeries 1Pag gamit ng social networking sites (facebook, twitter, Instagram, at iba pa)Pag tulogPag kainPagbasa ng libro2235Series 3Pag gamit ng social networking sites (facebook, twitter, Instagram, at iba pa)Pag tulogPag kainPagbasa ng libroSeries 2

Nakatulong ba ang mga sagot mo sa unang tanong sa iyong pagaaral?OoHindi0.663000000000000920.33600000000000046

bakanteng oras sa isang araw0-1 oras1-2 oras4-5 oras6 o higit pa0.114599999999999980.291700000000000010.427100000000000310.16669999999999999

SalesOoHindi0.23160.76840000000000064