thesis (filipino 2)

21
Kabanata I DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK INTRODUKSYON Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyan

Upload: jm-gabison

Post on 16-Nov-2014

198.046 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

Teenage PregnancyFeel free to comment. If ever, gamitin niyo ito sa projects nyo, wag sana ninyong i ASSUME that you MADE this! Pinagpaguran namin to. I'll sue you if ever. PM me if you need help:[email protected] (yahoomail)JM Gabison (facebook)

TRANSCRIPT

Page 1: Thesis (Filipino 2)

Kabanata I

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

INTRODUKSYON

Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa

kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan.

Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga

mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na

naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang

halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay

inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at

kadalasan ay buntis. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa

sa buong mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa

napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng mga anak. Sa Pilipinas,

ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad

15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin sa pag-aaral ni Dr. Corazon M.

Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga

kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito

tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng ”sexually transmitted diseases.” Sa

Page 2: Thesis (Filipino 2)

katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong

kontraseptib.

Ayon naman sa World Heath Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan

ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay

bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17% ng mga kaso ng hinimuk na aborsyon

(induced abortion), 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon,.

Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas,

napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga

konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa

sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa

pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga

gawa.”

LAYUNIN NG PAG-AARAAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga

epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kakababaihan na may edad 16-19 sa baranggay

Tabunok sitio Nonoc. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo

ng mga kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata ng

kabataan sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng

walang basbas ng kasal.

Page 3: Thesis (Filipino 2)

Ang mga nasabing epekto ng “teenage pregnancy” ay hahatiin sa aspekto ng:

1. Pag-aaral

2. Kalagayang sosyal

3. Kinabukasan

4. Kalusugan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga researcher. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay

makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa

mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa

pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong

sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik

ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man

mapigilan, ang paglaganap ng “teenage pregnancy.”

Sa kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng

kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng

walang basbas ng kasal.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga

magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. Makapagbibigay ito ng mga ideya kung

paano nila papangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito

Page 4: Thesis (Filipino 2)

magrerebelde at gagawa ng mga di kanais-nais na mga bagay at may mabibigat na

kahihinatnan.

Sa simbahan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapapalaganap lalo ang

layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil na ang pagdami ng kaso ng

maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang

pakikipagtalik na siyang sanhi ng “teenage pregnancy” at ang aborsyon, na maaaring

maging solusyon ng mga batang ina sa kanilang problema, ay lalong mapapalaganap sa

mga kabataan.

Sa komunidad at pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagliit sa insidente ng

“teenage pregnancy.” Ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa

kamalayan ng karamihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samu’t-saring epekto nito na

kadalasan ay nakasasama.

Sa DOH at WHO. Makaktulong ang aming pag-aaral sa kampanya ng

Department of Health at World Health Organization sa STD at AIDS na ilan lamang sa

maaaring maging di kanais-nais na epekto ng maagang pakikipagtalik.

Page 5: Thesis (Filipino 2)

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral ay gagawin sa Baranggay ng Tabunok sitio Nonoc sa Talisay City

na kung saan doon naninirahan ang 20 babae na aming mapapagtanungan. Ang

pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap ng epekto ng “teenage pregnancy” sa mga

kababaihan gulang 16 – 19 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para

makakuha ng mga impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng Pebrero

hanggang Marso, sapat para makagawa ng sarbey hanggang sa makabuo ng kongklusyon.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

1. Teenage Pregnancy – ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang

gulang.

2. Abortion – pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.

3. STD (sexually transmitted disease) – mga sakit na napapasa sa isang tao

patungo sa isa pang tao sa paraan ng pakikipagtalik.

4. WHO (World Health Organization) – isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa

(UN) na tumutulong sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan

5. Maternal – hinggil sa ina o paggiging ina.

6. POPCOM (Population Commission) – isang ahensya ng gobyeno na

namamahala at tumutulong sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa

populasyon.

7. Social Stigma – ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng “kahihiyan sa

lipunan.”

8. Gender role – bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao.

Page 6: Thesis (Filipino 2)

9. Nutritional deficiency – kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao.

10. Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae.

11. Maternal Mortality Rate – ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang

araw.

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay

nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, Sa Britanya

naman, may legal na depenasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang

nagbubuntis” kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong

kaarawan. Ang terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa

isang babae na wala pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng

mundo, na nabubuntis.1

Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang buwanang

dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay nag iiba-iba parin ayon

sa etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi

regular hanggang ilang buwan matapos ang “menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na

edad ng menarche ay patuloy na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng

1 http://www.wikipedia.com/teenagepregnancy_html

Page 7: Thesis (Filipino 2)

kakayahan na manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi

pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng

isang dalaga.2

Sa isang pananaliksik ni Robertson et al, nagawa niyang alamin ang mga

impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal sa mga

mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan,

kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga

mayayamang bansa, ang “teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang

kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito,

nagkaroon ng mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at

limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at kultura, partikular

sa mga hindi pa gaanong masaganang mga bansa, ang teenage pregnancy ay saklaw ng

kasal at hindi nagdadala ng “social stigma.”3

May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na ang

maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang bahaging

ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik na

nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang nagbubuntis. At sa mga sociedad na

hindi karaniwan ang maagang pag-aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang

sekswal at ang kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa

rin sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain ng mga

kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing nahihikayat sila na 2 Ibid, 3 D Robertson, R Andrews, P Buttner, G Byrnes, R Speare (2001) Teenage Pregnancy as a Social Stigma in Delhi, India, Journal of Maternal and Child Care, p. 33

Page 8: Thesis (Filipino 2)

makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal ang nagsabing sila ay

“nasa isang relasyon na kung saan sila at ang kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga

sekswal na gawain”, at 24% ang “gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila

talaga gustong gawin”. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga

ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil

sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na

gawain.4 Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa sekswalidad, ang

mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay

“nakakatanggal ng hiya at sakit.”5

Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang

“maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa

mga dalagang nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng hindi napapanahong

pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina. Mayroong mga pananaliksik na

nagsasabing ang mga dalaga na nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng

“prenatal care” o ang karampatang pagaalaga bago manganak, at kadalasang

nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. Ang Guttmacher

Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na dalaga ay hindi sapat ang

tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga anak ay ang madalas na dumaranas

ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina.

Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga

“nutritional deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o

hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito, kasali na ang

4 http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html5 Ibid.

Page 9: Thesis (Filipino 2)

mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang

oras, at iba pa.6

Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking

problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa.

Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong

70,000 mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World

Health Organization (WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay

dahil sa pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad 20-24.

Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga

babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas.7

Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa

ay isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang

ina ay may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon

paman, napag-alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa

pag-aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin

malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral

noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan

ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng

post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay

magbuntis hanggang sa edad na 30.8

6 American Academy of Physicians and Obstetricians.(2003) Pregnancy Guidelines: Pregnancy and Maternal Health. Accesses at: www.findarticles.com/cf_dls/m3225/6_67/article.jhtml7 http://who.org/motherhood-teenage/research_html8 Ibid.

Page 10: Thesis (Filipino 2)

Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation)

mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring

magdulot ng mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang

ina ay wala nang lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang

kalungkutan at problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na

masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon.9

Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social

stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang

batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging ina, at pati na rin sa kanyang

pagkatao. Ang mga negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging

batang ina ay nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.10

Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa

nagdadalang tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa Kaiser

Family Foundation, ang masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o

mapapansin sa psychosocial development ng sanggol. Ang pagkakaroon ng

developmental disabilities at mga behavioral issues ay mas mataas sa mga batang

isinilang ng mga batang ina. Isang pag-aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa

kadahilanang ang mga batang ina ay paminsan-minsan lamang ginigising ang

pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak,

pagngiti, pakikipag-usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan

ng kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang hindi

9 Ibid.10 Ibid.

Page 11: Thesis (Filipino 2)

gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal lamang, ang iba

naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon ding mga bumabalik sa antas na

hindi nila naipasa, at marami din ang nakakakuha ng mababang mga marka sa mga

pagsusulit. Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na

maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng isang

batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa.11

Sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na

nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, lalo pa ring tumataas ang bilang

ng mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang mga

nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa

pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga

hamon ng pagiging isang ina. 12

Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang mga

impormasyong ibinibigay sa publiko na napapatungkol sa teenage pregnancy at hindi

sapat ang ibinibigay na prayoridad sa kalusugan ng mga nagbubuntis at mga ina. Tayo

ngayon ay nahaharap sa nakakasilaw na katotohanan na sa napakamurang edad, marami

sa mga batang babae ngayon ay mayroon nang mga anak. Ayon sa National Demographic

and Survey (2003), isa sa apat na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19, habang apat

sa sampung babae 20-24 taong gulang ay nagkaroon na ng karanasang sekswal. 13

11 http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html12 Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, No. 2, Pages 85-94

13 Ibid.

Page 12: Thesis (Filipino 2)

Dito sa kabataang populasyon na ito, ang mayorya ay hindi pa rin kasal 83.1% ay

naglilive-in kasama ng kanilang mga kapares at 2.6% ang hindi magkasama. Ang dami o

rate ng pagbubuntis ay tumataas mula 25% hanggang 50% sa panahong ang mga babae

ay edad 20-24. Higit sa numero, ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala

dahil sa espesyal na role na ginagampanan ng mga kabataang babae sa sociedad.

Samakatwid, ang mga masasmang epekto ay patuloy na dumarami at patuloy na lumalala.

Masakit isipin, pero ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin

kung sila ay napupunta sa mga sitwasyong tulad nito.14

Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, representatib ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa

Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino

ay mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa

sekswalidad. Samakatwid, naniniwala ako na ang pagtatalakay sa usaping sekswal ay isa

pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga

gawa.”15

Kabanata III

14 Ibid.15 htpp://who.org/philippineissuesonpregnancy_html

Page 13: Thesis (Filipino 2)

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang

pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga

tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang

kondisyon. Ito ay isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang

mga umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.

RESPONDENTE

Ayon sa tanggapan ng baranggay Tabunok, ang Sitio Nonoc ay ang may

pinakamaraming insidente ng panganganak. Sabi nila na 1 sa bawat 5 na babae (1:5) ay

may gulang na 16-19. Sa paghahambing na ito ay kukuha kami ng 20 na babae na

nakaranas ng maagang pagbubuntis. Ang 20 na ito ang magsisilbing “representative

sample” o kinatawan sa populasyon ng mga babaeng maagang nagbuntis. Ang mga

babaeng ito ay napili dahil sila ay bukas sa pakikipanayam at sapat na sa gulang upang

makapagbigay ng mga detalye ng kakailanganin o makakatulong para mabuo ang pag-

aaral.

INSTUMENTO NG PANANALIKSIK

Page 14: Thesis (Filipino 2)

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-

aaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang mga babae ay gagawing sabjek ng sarbey. Sila ay

pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa

kanilang buhay-ina.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos para maging pamilang na impormasyon

(numerical data) ay gagamit ng “percentage” at “mean” upang makuha ang ninanais na

detalye. Ang mga ito ay itutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod:

A. Percentage

Kung saan:

% = kainaman (percentage)

f = dami ng mga sumagot sa tanong

n = kabuuang bilang ng mga babae

B. MEAN

Kung saan:

= mean (katamtamang dami)

Page 15: Thesis (Filipino 2)

∑x = kabuuang dami mga babaeng sumagot sa

particular na tanong

n = kabuuang dami ng sagot