varyasyon ng mga terminong kultural na pangkabuhayan sa
TRANSCRIPT
Varyasyon ng mga Terminong Kultural na Pangkabuhayan sa Katutubong Mandaya ng Davao Oriental
Raymund M. Pasion1 & Mary Ann S. Sandoval2
1Asst. Professor, Davao Oriental State College of Science & Technology City of Mati, Davao Oriental 2Asso. Professor, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Iligan City [email protected];
Abstrak
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang varyasyon o mgavaryasyon ng mga terminong kultural na pangkabuhayan tulad ng pagsasaka,pangangaso, pangingisda at paghahayupan na ginagamit ng mga Mandayangmatatagpuan sa mga munisipalidad ng Manay, Caraga, Baganga at Cateel ngProbinsiya ng Davao Oriental batay sa kanilang Indigenous Knowledge SystemandPractices (IKSP)atpagsasalin saThe Swadesh Word List niMorrisSwadesh. Disenyong Kwalitatibo ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang paraano metodong indehinus at deskriptibo ang ginamit mula sa paglilikomhanggang sa pag-aanalisa ng mga datos. Kungsaan, ang mga impormanteay napili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snow-ball sampling. MayvaryasyonangwikangMandayasaapatnamunisipalidad.Sakabuuangbilang na 2,402mga terminong kultural na pangkabuhayan ngwikangMandayangnalikom, ang terminong pagsasaka ay may kabuuang 195 mula sa Caraga atManay,188saBaganga,at182Cateel.Samantalang,sakabuuanna142terminongkultural sapangangasong nakalapmula saCaraga, angmga ito ay pawangmaykatumbas o katulad ding termino saManay at Baganga. Tanging samunisipalidadlamang ng Cateel ang mayroong apat na katawagang hindi natumbasan nito. Sakabuuan ding 169 na mga terminong kultural sa pangingisda mula sa Caraga,ManayatBaganga,hindi lahatngmga itoaynatumbasansaCateelsapagkatmaydalawang katawagan ang hindi nito nahanapan o nabigyan ng katumbas. Subalit,ang kabuuang 101 terminong kultural sa paghahayupan ang nalikom mula saCaragaaynatutumbasanomaykatuladitongterminosaManay,BagangaatCateel. Mga Susing-Salita: terminong kultural,terminongpangkabuhayan,varyasyong kultural,wikangMandaya
Introduksyon Ang katutubong Mandaya namatatagpuan sa probinsya ng SilangangDavao ng Mindanao ay hitik sa yamanngkanilangkultura.Nabibilang ito sa110katutubo ng Pilipinas. Ang katagangMandayaaynagmulasamgasalitang
man (tao) at daya (itaas na bahagi oitaas na bahagi ng ilog). Dahil rin dito,ang mga Mandaya ay tinatawag nainhabitantsoftheuplands(http://www.ncip.gov.ph). Naninirahan ang mga Mandayasa bulubunduking bahagi ng Timog-
41
ISSN 2244-4432
SilangangMindanaonabinubuongDavaodel Norte, Campostela Valley, Agusandel Sur, at Davao Oriental. Ang Isa sanagpapabuklod sa kanilang lahi ay angkanilangwika na ginagamit araw-araw sapakikipag-ugnayan.Bukoddito,mababatiddin ang mga terminong kultural tulad ngsapangkabuhayannasumasalaminsauring kanilang pamumuhay. Ang nasabingmga termino ay inilalahad sa bahagingito. Nahahati ito sa apat na kategorya –pagsasaka, pangangaso, pangingisda atpaghahayupan. MakikitasaFigyur1namaykabuuangbilangna2,402mgaterminongkulturalnapangkabuhayan ng wikang Mandayangnalikom. Ang Caraga at Manay ay maykabuuang 607. Sinundan ito ng Baganganamaykabuuang600.Samantalang,may588nakabuuannamanangsaCateel.
Layunin Layunin ng pag-aaral na tukuyinang varyasyon omga varyasyon ngmga
terminongkulturalnapangkabuhayantuladng pagsasaka,pangangaso,pangingisdaat paghahayupan na ginagamit ngmga Mandayang matatagpuan sa mgamunisipalidadngManay,Caraga,BagangaatCateelngProbinsiyangDavaoOrientalbatay sa kanilang Indigenous KnowledgeSystemandPractices(IKSP).Gayundinsapaglilinawopagtalakaysamganatatangingpaniniwala,kulturaatpamumuhayngmgaMandaya na masasalamin sa kanilangpaggamitngwika.
Konseptwal na Batayan SaFigyur 2,inilahadangbiswalnapaglalarawansakonseptongpagkakaroonng iba’t ibang varayti ng wika sa isangkomunidad.Dito,sinisimbolongisangbilogsa gitna ang Davao Oriental kung saannaninirahan ang katutubong Mandaya.Sakop ng Probinsya ng Davao Orientalang iba’t ibangmunisipalidadnanahahatiayon sa hangganan ng bawat lugar. Sasitwasyong ito ay nagkakaroon na ng
Figyur1.BilangngmgaterminongkulturalnapangkabuhayanngwikangMandaya sa Davao Oriental
42
tinatawag na varyasyong heograpikal.Inirerepresenta ng apat na maliliit nabilog mula sa malaking bilog ang apatna munisipalidad ng Davao Oriental –Caraga,Manay,BagangaatCateel, kungsaan matatagpuan ang mga katutubongMandaya sa probinsya. Bagama’t mgaMandaya,dahilsaheograpikalnasitwasyonaypinaniniwalaanngmananaliksiknamayvarayti angwikangMandayang ginagamitsabawatmunisipalidad. AngvaryasyonngwikangMandaya
sa apat na grupo ay maaaring makitasa pamamagitan ng kanilang IKSP na nagbibigay ng tuon sa mga terminongkultural sa aspektong pangkabuhayan napagsasaka, pangangaso, pangingisdaat paghahayupan na inirerepresenta ngkahongparisukatna ikinokonektangmgalinyamula sa gitnang bilog.Ditomakikitana bagama’t may isang paniniwala,kultura,atpamumuhayangmgaMandaya,nagkakaroonngpagkakaibaangkanilangkatawaganopananalita.
Figyur2.Iskematikongdayagramngparadaymngpag-aaral
43
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55
Kwalitatibong disenyo ang ginamitsa pag-aaral na ito. Mula sa paglilikomhanggangsapag-aanalisangmgadatos,dalawang paraan o metod ang ginamit(Figyur3).Una,sapangangalapngdatos,pinagbatayanangpamamaraangindehinuso pangkatutubo dahil angmga terminongpinagbabatayanaymgaterminongkulturalng wikang Mandaya. Sa pamamaraangito, ginamit ang teknik na istraktyurd nainterbyungverbalmula samgamiyembrong komunidad ngmgaMandayang buhatsa munisipalidad ng Manay, Caraga,Baganga at Cateel ng Davao Oriental.Pangalawa, sa pagsusuri o pag-aanalisangmgadatos,pamamaraangdeskriptibongnilapatan naman ng pagsusuringkombinasyong dulog na heograpiko-etnograpiko upang maipakita angpagkakaroonngvaryasyonsawikangmgaMandayangnaaayonsakanilanglokasyon.
Ang mga Impormante Ang mga impormante ay pinilibatay sa kombinasyong purposive at snow-ball sampling. Purposive sampling
sapagkat kakaunti lamangangbilangngmatatandang nabibilang sa edad na 50pataas at matutukoy na rin angmga itosamgalugarngpag-aaral.Samantala,ginamitan din ng snow-ball samplingkungsaanangmganaunang impormanteay tumukoy ng iba pang kakilala nilangmaaaringmaging impormantenapumasasa binuong kraytirya.Ang paraang ito aypatuloy hanggang samaaabot ang sapatna impormasyon. Ang mga kraytiryangito ay isinasaalang-alang para matiyakna wasto angmga kinakailangang datos:(1) katutubo/indihenus na MandayangsumusunodpasakulturangMandaya;(2)may edad na 50 taong gulang pataas;(3) ipinanganak, lumaki, nakatira atnabibilang sa lupaing ninuno (ancestraldomain); (4) hindi lumipat o nanggalingsa ibang lugar ng mga Mandaya; at (5)maalamsakulturangMandaya lalong-lalona sa IKSP ng 4P na pangkabuhayan.
Figyur3.Disenyoatmetodolohiyangpag-aaral
44
Metodolohiya
45
Pangangalap ng mga Datos Inilalarawan sa pamamagitan ngdaloy ngmga gawain ang pamamaraangginamitsapangangalapngdatossapag-aaral.ItoayinilahadsaFigyur 5, na nahahati
saanimnabahagi:Prosesongpag-aaral;InstrumentongPag-aaral;PagsasaayosngDatos;Pag-aanalisangDatos;ValidasyonngDatos; at Pag-eedit ngDatos saPag-aaral.
Mga Resulta
A. Mga Terminong Kultural sa Pagsasaka Ang pagsasaka sa mga Mandayaang pinakaunang bahagi sa lahat nggawaing pangkabuhayan, dahil sakanilang lupain o bukirin nanggagalingang pangunahing ikinabubuhay nila. Sapagsasaka rin napapraktis ang kanilangkultura, kostumbre at pamaraan sapang-araw-araw na kabuhayan.Ayon sa isangpanayamkayAgostinG.Pangalaya(Sept.18,2012),isangmagsasaka,“Ang lupa ay buhay, dahil dito kami nabubuhay! Kung wala ang lupa, wala na rin kaming kultura! Wala na ang katutubong Mandaya!” Sa pagsasaka ay napananatili angpagpepreserbangmgasemilya,pamaraanupang mapalago sa pamamagitan ngpagtatanimatpagprosesongmgagawaingpansakahan sa natural na paraan. Ayonparin kay Agostin, “Ang pagsasaka sa Mandaya ay may sariling proseso at natural na paraan upang mapanatiling malusog at masagana ang ani at hindi makasisira sa kalusugan ng tao.”Katuladngpagtatanimngpalay,monggo,bal’latong (sitaw),mais,dawa (uri ng butil), at iba pa, sa iisanglugar o taniman. Sa makabagong pag-aaral ng agrikultura, ito ay tinatawag naintercropping. Ang ganitong paraan ngpagtatanimaysinusunodoginagawanangmgaMandayanoonpamanathanggangsakasalukuyan. Layunin nitong protektahanang kalusugan ng mga tanim at isa ringmabisang pamamaraan sa pagpapalayo
samga sakit, mga insekto o kaya’y mgahayop na maaaring dumapo sa kanilangmgapananim. ItinuturingdinngmgaMandayaanggawaing pagsasaka na isang maselanggawaing pangkabuhayan kung kayakinakailangang nasusunod o naisaalang-alangnitoangmgamahahalaganghakbangpararito.Bahagiritoangpag-aalaysamgaespiritungpadugo gamitangbaboy, itlogngmanokatibapa,tuwingmagkaroonngritwal.Ang ritwal ayginagawabagomag-umpisa sa pagtatanim. Napakarami pangnatatangingpamamaraansapagsasakaangmgakatutubongMandayanamatatagpuansaDavaoOriental. Maramingmgakatawagangkulturalkaugnay sa pagsasaka ang nabatid nanagkaroonngvaryasyonsaibapangmgalugar na tinitirahan ng mga Mandayangmatatagpuan sa naturang probinsiya(Talahanayan1). May kabuuang195mga terminongkultural sa pagsasaka ang nakalap mulasa Caraga. Bawat terminong ito ay maykatumbasokatuladdingterminosaManay.Mapapansin namang binubuo lamang ng188 terminong kultural ang Baganga at182 terminong kultural ang Cateel, ito aydahilhindilahatngmgaterminongkulturalngCaragaatManayaynatutumbasansaBagangaatCateel.
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55
46
Figyur4.Mapangpag-aaral
Figyur5.Daloyngmgagawainsapag-aaral
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelagbul’l
/ʔa:gbul~l/gal’las/gal~las
paggas/pa.ggas/
hambas/ha:mbas/
paraanngpaglilinisnglupa
agot/ʔagot/
pag-agot/pag.ʔagot/
paggagot/paggagot/
butad/bu:tad/
paghilanglanotngabaka
al’lom/ʔa:l~lom/
al’lom/ʔa:l~lom/
awom/ʔa:wom/
(wala) uringgulay
al’luyon/ʔal~lu:yon/
al’luyon/ʔal~lu:yon/
al’luyon/ʔal~lu:yon/
awoyon/ʔawo:yon/
bayanihan
antatal’lo/ʔantatal~loʔ/
antatal’lo/ʔantata:l~loʔ/
antatawo/ʔantatawoʔ/
ud/ʔu:d/
uók
dagami/daga:miʔ/
dagami/daga:miʔ/
ubas /ʔu:bas/
uhay/ʔuhay/
uhay
inabo/ʔinaboʔ/
binabo/binaboʔ/
(wala) (wala) uringtubó
iskadola/ʔiskado:laʔ/
iskarola/ʔiskaro:laʔ/
eskarola/ʔeskaro:laʔ/
(wala) uringgulay
kabasal’lan/kabasal~lan/
kabasal’lan/kabasal~lan/
kawbasahan/kawbasahan/
kakawbasaan/kakawbasaʔan/
kalabasahán
kabilíng/kabiliŋ/
kabilíng/kabiliŋ/
kabilíng/kabiliŋ/
(wala) uringsaging
kabuwayna/kabuwa:ynaʔ/
kabul’layna/kabul~la:ynaʔ/
herbabuwena/herbabuwe:naʔ/
herbubuwena/herbubuwe:naʔ/
uringrekado
kigsay/ki:gsay/
kisay/kisay/
bigsay/bi:gsay/
(wala) uringkamote
kusmod/ku:smod/
masikampo/masika:mpoʔ/
(wala) (wala) uringsaging
siwing/siwiŋ/
iwing/ʔiwiŋ/
(wala) pudikit/pudi:kit/
uringsaging
takbà/ta:kbaʔ/
tâbá/ta.ʔbaʔ/
bakukû/bakukuʔ/
(wala) uringlalagyanngbigas
Talahanayan1.MgaterminongkulturalsapagsasakaatnotasyongponemikongmgaMandayasaDavaoOriental
Ang ilang mga terminong kulturalay hindi nahanapan o natumbasan sa munisipalidad ng Baganga at Cateel.Isang dahilan nito ay hindi nila nakikilalaangibangbagayohindinila itoginagamitsa pagsasaka. Mapapansin ding higit na
maraming bilang ng mga katawagangkultural ang hindi natumbasan sa Cateeldahil hindi ito naituro sa kanilang mgamagulang o kaya’y sa kapwamagsasakangkanilanglugar(Talahanayan2).
47
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55
Talahanayan2.Mgaterminongkulturalsapagsasakanawalangkatumbasat notasyongponemikongmgaMandayasaDavaoOriental
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelinabo/ʔinaboʔ/
binabo/binaboʔ/
(wala) (wala) uringtubó
iskadola/ʔiskado:laʔ/
iskarola/ʔiskaro:laʔ/
eskarola/ʔeskaro:laʔ/
(wala) uringgulay
kabilíng/kabiliŋ/
kabilíng/kabiliŋ/
kabilíng/kabiliŋ/
(wala) uringsaging
kigsay/ki:gsay/
kisay/kisay
bigsay/bi:gsay/
(wala) uringkamote
kusmod/ku:smod/
masikampo/masika:mpoʔ/
(wala) (wala) uringsaging
siwing/siwiŋ/
iwing/ʔiwiŋ/
(wala) pudikit/pudi:kit/
uringsaging
takbà/ta:kbaʔ/
tâbá/ta.ʔbaʔ/
bakukû/bakukuʔ/
(wala) uringbilao
B. Mga Terminong Kultural sa Pangangaso Isaringmahalagangkabuhayanngmga Mandaya ang pangangaso. Habangnaghihintay ngpag-aani ng kanilangmgapananim, ito naman ang nangungunanggawainngmgaMandya.Angpangangasoaynagsisilbiringpalengkengmgakatutubokung saan dito nila kinukuha ang ibanilang pangangailangan tulad ng pagkainat gamot. Ang gawaing ito rin naman ayginagamitnilangpanukatanngkagalingansapag-asintangkalalakihan. Maybahagi rinangmgapanaginipsa pangangaso ng mga Mandaya. Bagomangaso ay isinasaalang-alang munanilaangpanaginip.Angisangmagandangpanaginip o nagpapakita ng senyales ngtagumpayaybinibigyannilangkahuluganngpagtatagumpaysapangangasokungkayamatutuloyangisangbalaknapangangaso.Samantala, kung ang panaginip ay hindimagandaowalangmakikitangsenyales,itonamanaynagbababalanghuwagituloyanggagawingpangangasodahilsanakaabangnapanganib.
Gayunpaman, ang lahat nagawaing pangangaso bago mag-umpisaay idinadaan muna sa pagsasagawa ngsimpleng ritwal (pangapog).Ang ritwal naito ay isang pag-aalay samga espiritungkanilang pinaniniwalaang nagbabantaysa kagubatan. Isang palatandaan natinanggap ang ginawang pag-aalay kunghindi nahirapan ang mangangaso sapanghuhuli ng iba’t ibang hayop tulad ngbaboy ramo, mga ligaw na manok, usaat ibapa.Ang ilangkagamitanosangkapna dinadala sa ritwal ay apog, mamaón, buyò at l’langis(alakmulasatubó).NagingpamahiinngmgaMandayanaanglahatnamgagamitosangkapsapangangasotuladngbusog, dingô, sundang, pul’lot o katiyan kasamaangasongalagangmangangasoaypinauusukansapanahonngritwal.Angasoay naging kaagapayngmangangasosapanghuhulingmgababoyramo,usaatibapangmgahayopsakagubatan. Isang kostumbre rin ng mgaMandaya ang paggalang sa hanggananng lugar na pangangasuhan. Ang bawatpamilyaaymaykanya-kanyangteritoryong
48
pinangangasuhanupanghindimagkaroonng pagsasapawan sa kanilang lugar atmakaiwassaanumanggulookaya’yhindipagkakaunawaang maaaring maganap.Kung nakarating sa malayo ang aso ngmangangasosapanghuhulingbaboyramoousaatnasaksihanitongiba,hindidapatnagalawinokuninninumanangnahulinitonghayop.Anglalabagsapatakarannilangitoaypapatawanngbun-nal’loparusangmay-aringasongnakadakip.Karaniwannamangbun-nal’loparusaayangpagkuhasaanakngsinumangtaongkumukuhasanahuhuling tumawan. Parasa isang mangangaso,malakingkawalansapamumuhaykungangkanyangasoaymagigingyamasaan(hindina makakuha). Dahil dito, nakakatawagpansin ang katangi-tanging kostumbre ngmgaMandayadahilbatidnglahatnakapaglumabagsabuhayngmaybuhay, itoangkapalitnakaparusahan.IlanlamangitosamgapaniniwalaatgawainngmgaMandayasakanilangpangangaso. Ipinakikita sa Talahanayan 3 angmgakatawagangkulturalngmgaMandayakaugnaynggawainsapangangaso.HinanayitoayonsakatawaganngbawatgrupongMandayasaapatnamunisipalidad,atditoaymakikitaangvaryasyongleksikalsamgakatawagansapangangaso. Sa kabuuan, may 142 terminongkulturalsapangangasoangnakalapmulasaCaragaatangmgaitoaypawangmaykatumbasokatuladdingterminosaManayatBaganga.TangingsamunisipalidadlamangngCateelnatagpuangmayapatnaterminoang walang katumbas (Talahanayan 4). Ang apat na katawagang walangkatumbas sa Cateel ay pawang mga uring ibon o katawagan sa hayop.Ayon samganakapanayamnamgaimpormantengmangangaso, ang mga ibong nabanggitay hindi nila kilala sapagkat hindi panakakakitanggayonguringibon.Dagdagpanila,kungmayroonmangibongkatuladnito na nakarating o nakita sa kanilanglugar aymalamang na ang kanilangmga
magulangoninunonilangnamayapanaangnakakakilalasamgaibongito.Samantala,tinatawag naman sa pangkalahatangkatawagananghayopnausakahitbabae/lalake ito. Tulad din sa nabanggit nadahilan sa ibon sa itaas, hindi rin nila batid namayroongmagkaibangtawagsahayopbataysakasariangayangtinuransaibangmgalugar.PansininangmgaterminongitosaTalahanayan4.
C. Mga Terminong Kultural sa Pangingisda Ang mga Mandaya ay nabubuhayatmakikitasadayánaangibigsabihinay‘itaasnabahagio itaasng ilog’.Malakingbahagi ng kanilang pamumuhay ang ilogdahil dito rin nila kinukuha ang pang-araw-arawnapagkainoulammalibansapangangaso.Anggawaing itoaykanilangginawa habang naghihintay sa pag-ini ngkanilangmgapananim. Tuladdinng ibangmgagawainngmga Mandaya, nangunguna pa rin angritwalna tumatawagatnag-aalaysamgaespiritung pinaniniwalaang nagbabantaysatubig. Ang isang mangingisda ay maysariling kyanugbungan o tugbunganan (teritoryongpangisdaan).Angpagkuhangkaya omgapagkainglamang-tubigaymaykanyang-kanyangmgagamitokagamitanna ginagamit upang makahuli ng tiyakna kaya. Halimbawa, ang paggamit ngal’lawa(lambat)nakaraniwangnakahuhuling mga uring ul’labang (hipon) at isdangbalulu. Samantalang ang tambul’lang (uringkawayan)namanayginagamitparasapagtugpo o pamimingwit na karaniwangnakahuhulingmgakasili,damagán,tilapya,apayatibapanguringisdasatubig.Hindirinmaiwasanangpaggamitng“mutya”sapangingisda sapagkatmalaking tulong itoupangmaparamiangkanilangkuhatuwingmangingisda.
49
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelalal’lagtoy
/ʔalal~la:gtoy/al-lagtoy/ʔal.la:gtoy/
alalagtoy/ʔalala:gtoy/
anlalagtoy/ʔanlala:gtoy
uringibon
al-lit/ʔal.lit/
alit/ʔalit/
tal-is/tal.ʔis/
hait/ha:ʔit/
tulis
basiyan/basi:yan/
basyan/ba:syan/
bay-yan/bay.yan
basyan/basyan/
babaengunggoy
baskal’l/ba:skal~l/
bagkal’l/ba:gkal~l/
bagkaw/ba:gkaw/
bagkaw/ba:gkaw/
lalakengunggoy
buol’l/bu:ʔol~l/
bul’l/bu:l~l/
mal’lakabi/mal~lakabiʔ/
impis/ʔi:mpis/
anakngusa
busog/bu:sog/
busog/bu:sog/
busog/bu:sog/
busog/bu:sog/
busog(bow)
byal’lawang/byal~la:waŋ/
bal’lawang/bal~la:waŋ/
bawang/bawaŋ/
balawang/bala:waŋ/
paranngpaghulinghayop
dagto/da:gtoʔ/
pul’lot/pul~lot
daguk/daguk/
tagok/tagok/
dagtâ
ilop/ʔi:lop/
ilop/ʔilop/
ilop/ʔilop/
(wala) uringibon
kal’lagon/kal~lagon/
tusan/tu:san/
waitan/waʔitan/
senyasan/senyasan/
hudyatan/senyasan
kili-kili/ki:liʔ.ki:liʔ/
kili-kili/ki:liʔ.ki:liʔ/
kili-kili/ki:liʔ.ki:liʔ/
(wala) uringibon
siyub/siyub
kigwit/ki:gwit
mandadagit/mandadagit/
banog/banog/
banog(uringibon)
suyak/su:yak/
litag/li:tag/
sal’lungag/sal~luŋag
taan/ta:ʔan/
patibóng
tagabalitan/tagabali:tan/
inatyanan/ʔinatya:nan/
inatyanan/ʔinatya:nan/
(wala) babaengusa
tagatul-liyan/tagatul.liyan
pangaan/paŋaʔan/
pangan/paŋa:n/
(wala) lalakengusa
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelilop/ʔi:lop/
ilop/ʔilop/
ilop/ʔilop/
(wala) uringibon
kili-kili/ki:liʔ.ki:liʔ/
kili-kili/ki:liʔ.ki:liʔ/
kili-kili/ki:liʔ.ki:liʔ/
(wala) uringibon
tagabalitan/tagabali:tan/
inatyanan/ʔinatya:nan/
inatyanan/ʔinatya:nan/
(wala) babaengusa
tagatul-liyan/tagatul.liyan/
pangaan/paŋaʔan/
pangan/paŋa:n/
(wala) lalakengusa
Talahanayan4.Mgaterminongkulturalsapangangasonawalangkatumbasat notasyongponemikongmgaMandayasaDavaoOriental
Talahanayan3.Mgaterminongkulturalsapangangasoatnotasyongponemiko ngmgaMandayasaDavaoOriental
50
Mulanoonhanggangsakasalukuyan,angganitongkostumbrengmgaMandayaaykanilaparingpinahahalagahannguni’thindimaiiwasangnangangauntiangbilangng nakakaalamo sumusunod sa prosesongpangingisdadahilangmgamatatandangmaysapatnakabatiransanaturanggawainaynamamatayna.Nakakalungkotisipinnahindinaipamamanasakanilangmgaanako kaya’y mga kamag-anak ang katangi-tanging kakayahan sa pangingisda. Higitring nakakalungkot isipin na ang ibangmgaMandayangmatatagpuan saManay,Caraga, Baganga lalo na ang Cateel ayunti-unting nakalilimot sa ganitong uring pamamaraan ng pangingisda. Ito aymaaaringsanhinglubusangimpluwensyangnagaganapsabagonghenerasyonngmgaMandayangmulasa ibangpangkatetnikoo kaya’y sa akulturasyong nagaganap sakanilanglipunan. Itoaymababatidsamgakatawagangkultural sa larangan ng pangingisda namakikitasaTalahanayan5.Mapapansinsamgakatawagangnakatala,nanagkakaroonng varyasyon ang apat na sub-pangkatng mga Mandaya, at nagpapatunay naang ibang salita ay nananatiling mulapa sa kanilang kultura, at ang ibanamanay nagkakaroon na ng bagong salita okatumbasnasiyangikinaiibasaibangsub-pangkatnito. Sakabuuang169namgaterminongkultural sa pangingisda mula sa Caraga,hindi lahat ngmga ito ay natumbasan saCateel. May dalawang termino ang hindinahanapan o nabigyan ng katumbas(Talahanayan 6). Tulad ng nabanggit na,hindinaitonakikilalangmgataga-Cateel.
D. Mga Terminong Kultural sa Paghahayupan Hindi lingid sa kaalaman ng mgaMandaya na sila ay may sari-sarilingpamuwi o paghahayupan. Kaya lamangaymaykauntingpagkakaibaangkonseptosa kanilang paghahayupan dahil pakunti-kunti lamangangpag-aalaganilangmgahayoptuladngmanok,baboy,kambingatiba pa kaysa sa ibang pangkat etniko sapatag naminabutingmas paramihin paramaibebentaito. Bagama’t hindi pangunahingparaan ng pamumuhay ng Mandaya angpaghahayupan,patuloyoginagawaparinito ng ilang pamilya o indibidwal. Bukodsapagbabarterngmgahayop,ditorinsilakumukuhangkanilangpagkain.Ginagamitdingsuol’l o liwan(suhol)angmgahayopnainaalagaan.Malakingpakinabangdinanggawaingitosamgapanahongmaydaratingna hindi inaasahang bisita. Ang mgahayopaysiyanginihahandasapagbanâ o paghahandangpagkaingpambisita. Napakalaki ring halaga angpaghahayupan lalo na kapag mayselebrasyon o gawain sa pamayanantulad ng pag-aani, kasal, at pangayò (dowry) at iba pa.Napapakinabangandinang paghahayupan sa gawaing bunong (binyag),bun-nal’l(danyos),tawo(pagkataytuwingmaypatay)atmagingsapagdiriwangngtagumpaykatuladngpakikipagdigmasakalaban.
51
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelal’lawa
/ʔal~lawaʔ/al’lawa
/ʔal~lawaʔ/al’lawa
/ʔal~lawaʔ/sikpaw/si:kpaw/
pormangtriyanggulongnetnapanghulingisda
awat/ʔawat/
awat/ʔawat/
awat/ʔawat/
layo/layoʔ/
layô
bal’lagon/bal~la:gon/
bul’lagon/bul~la:gon/
balagon/bala:gon/
bagon/ba:gon/
baging
bangan/ba:ŋan/
atang/ʔataŋ/
tagad/tagad/
bantay/ba:ntay/
abáng
banusok/banusok/
banusok/banusok/
banusok/banusok/
tambanosok/tambano:sok/
uringisda
baril-baril/bari.lba:ril/
tuko/tukoʔ/
tugbukay/tugbu:kay/
sapang/sapaŋ/
panà
bubo/bu:boʔ/
sabung/sabuŋ/
bubo/bu:boʔ/
bubo/bu:boʔ/
yarisauwáynalalagyanngisda
bugbog/bu:gbog/
makaya/ma.kayaʔ/
kusog/kusog/
kusog/kusog/
lakas
bukl’las/bu:kl~las/
bira /biraʔ/
butunga/butu:ŋaʔ/
guyod/gu:yod/
undâ
dal’lumpingan/dal~lumpi:ŋan/
dal’lawpingan/dal~lawpi:ŋan/
dal’lupingan/dal~lupi:ŋan
dawpingan/dawpi:ŋan/
uringisda
gal’ling/gal~liŋ/
mutya/mutyaʔ/
dagon/dagon/
anting-anting/ʔa:nti.ŋʔa:ntiŋ/
mutya
ogpaw/ʔo:gpaw/
tambaba/tamba:baʔ/
bukong/bukoŋ/
(wala) uringhipon
pagputga/pagpu:tgaʔ/
pagpugta/pa.gpu:gtaʔ/
pagpuga/pa.gpugaʔ/
pugtaa/pugtaʔaʔ/
pagpiga
pagtuko/pagtukoʔ/
tyugbok/tyu:gbok/
pagbilog/pagbi:log/
pagsapang/pa.gsapaŋ/
pagsibát
pigok/pi:gək/
pigok/pi:gok/
pigok/pi:gok/
(wala) uringisda
Talahanayan5.Mgaterminongkulturalsapangingisdaatnotasyongponemiko ngmgaMandayasaDavaoOriental
Talahanayan6.Mgaterminongkulturalsapangingisdanawalangkatumbasat notasyongponemikongmgaMandayasaDavaoOriental
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelogpaw/ʔo:gpaw/
tambaba/tamba:baʔ/
bukong/bukoŋ/
(wala) uringhipon
pigok/pi:gək/
pigok/pi:gok/
pigok/pi:gok/
(wala) uringisda
52
Talahanayan7.Mgaterminongkulturalsapaghahayupanatnotasyongponemikong mgaMandayasaDavaoOriental
MunisipalidadFilipino
Caraga Manay Baganga Cateelantil /ʔa:ntil/
matsura /matsuraʔ/
baug/baʔug/
buntoo /bu.ntoʔoʔ/ baúgnahayop
arasa/ʔara:saʔ/
derasa/dera:saʔ/
rasa/ra:saʔ/
derasa/dera:saʔ/ rasangmanok
baboyan/baboyan/
baboyan/baboyan/
baboyan/baboyan/
baboyan/baboyan/ baboyan
budos/budos/
mabdus/ma:bdus/
mabdos/ma:bdos/
kabdos/ka:bdos/ buntis na hayop
bulakat/bulakat/
butakal’l/butakal~l/
butakal/butakal/
butakaw/butakaw/ butakal
dumal’laga/dumal~la:gaʔ/
dumalaga/dumala:gaʔ/
dumaraga/dumara:gaʔ/
dumaga/duma:gaʔ/ dumalaga
gal’luml’lum/gal~lu:ml~lum/
lyul’lumlum/lyul~lumlum/
yaghawmhom/yagha:wmhom/
yahaomhom/yahaʔo:mhom/ naglimlim
ii/ʔi.iʔ/
i/ʔiʔ/
ihi/ʔihiʔ/
ihi/ʔihiʔ/ ihì
ikot/ʔikot/
luta-luta/lutaʔ.lutaʔ/
yuktan/yu:ktan/
bugkot/bugkot/
tubong/talisaleeg
inugas/ʔinu:gas/
inugas/ʔinu:gas/
pyangugas/pyaŋu:gas/
hinugas/hinu:gas/
kaningbaboy/hayop
isol’l/ʔi:sol~l/
kisaw/kisaw/
pisaw/pisaw
impis/ʔi:mpis/ kutíng
til-lipa/til.lipaʔ/
lipa/lipaʔ/
tae/taʔeʔ/
lipa/lipaʔ/ dumi
turiti /turi:tiʔ/
toriyo/tori:yoʔ/
manawa/mana:waʔ/
nati/natiʔ/ barako
tyao /tyaʔoʔ/
yagadal’law/yagada:l~law/
tyawo/tyawoʔ/
iyak/ʔiyak/ igik
usoyan/ʔuso:yan/
usuyan/ʔusu:yan/
manggiyanak/maŋgiya:nak/
manggianak/maŋgiʔa:nak/ inahíngmanok
53
Higit sa lahat, ginagamit ang mgahayopsamgaritwalnaisinasagawangmgaMandayatuladngpag-aalayngkapayapaanparasamgaespiritu.Magingsakanilangpaniniwalanaitinataboyngmgahayopangmgamasasamangespiritungnagdadalangmgasakitsatao.
LahatngnabanggitaykasalukuyanparinnapapahalagahanngmgaMandayana matatagpuan sa apat na pangkatsapagkat nababakas sa kanilang mgaginagamitnamgasalitaangpagpapanatiling gawain nito. Ito ay makikita sa mgakatawagang kultural ukol sa kabuhayangpaghahayupan(Talahanayan7).
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55
54
Tatak ng pagiging Mandayaang kakaiba at natatanging paraannang pamumuhay ng mga katutubongMandayang nabibilang sa kani-kanilanglokasyon. Napatutunayan ito ng mgakatawagang tangi sa kanilang kultura atmahirap hanapan ng katumbas sa ibang
wika. Nagsisilbi itong pagkakakilanlan ngkanilangpagigingMandaya. Tulad ngMandaya,bilangisangyuniknawika,maymga katangian itong iba samga wika saPilipinas,angkaibahangitoayidentidadngkanilangpagigingMandaya.
Bataysanagingresultangpag-aaralatnabuongkongklusyon,iminumungkahiatinirerekomendaangmgasumusunod:
1. Magsagawa ng masusing pag-aaraltungkolsamgapaktorkungbakitnawawalaokaya’yunti-untingnawawalaangpagkapuroo dalisay na wika ng mga katutubongMandaya sa mga lugar o munisipalidadng Davao Oriental, na nakatuon sakasaysayangnagaganapsakanilangtribo.
2. Dapat maitala at mapabilang saDiksyunaryong Filipino ang ilang mga
katawagang tangi sa wikang Mandayaupang makilala naman ito sa buongkapuluan ng Pilipinas ang pagkakaroonnito ng bukod-tanging wika o kulturangmababatid lamang sa mga katutubongMandayasaprobinsyangDavaoOriental.
3.PalawakinatpatataginangpaggamitngwikangbernakularsapagtuturonaisinulongngDepEd.MakatutulongitoupangbigyanghalagangmgaMandayaangkanilangtriboatwikatungosapagpapatatagngkanilangkulturanabahagiangwika.
Konklusyon
Rekomendasyon
Austero,C.,etal.(2007).Komunikasyon saAkademikongFilipino.PasigCity: UnladPublishingHouse.
Bailey,C.(1973).VariationandLinguistic Theory.WashingtonDC:Centerfor AppliedLinguistics.
Bernales,R.,etal.(2007).Akademikong FilipinoTungosaEpektibong Komunikasyon.BatayanatSanayang- AklatsaFilipino1,AntasTersyarya, BinagongEdisyon.ValenzuelaCity: MutyaPublishingHouse,Inc.
Chambers,J.K.&PeterT.(1994).Dialectology. NewYork:CambridgeUniversityPress.
Conrad,S.&DouglasB.(Eds.).(2001). VariationinEnglish:Multi-Dimensional Studies.England:PearsonEducation Ltd.
Coupland,N.(2007).Style:Language VariationandIdentity.Cambridge: CambridgeUniversityPress.
Ekert,P.&Rickford,J.(Eds.).(2001).Styleand SociolinguisticVariation.Cambridge: CambridgeUniversityPress,2001.
Fromklin,V.etal.(2003).AnIntroductionto Language(7thEd.).Thomson:Heinle.
Giles,H.,etal.(Eds.).(1991).Contextof Accommodation:Developmentsin AppliedSociolinguistics.Cambridge: CambridgeUniversityPress.
Gumperz,J.&Hymes,D.(Eds.).(1986). DirectionsinSociolinguistics.Oxford: BasilBlockwellLtd.
Halliday,M.etal.(1964).TheLinguistic SciencesandLanguageTeaching. London:Longman,GreenandCo.Ltd.
Peregrino,J.,Constantino,P.,&Ocampo, N.(Eds.).(2002).Minanga,Mga Babasahin saVaraytiatVaryasyon ngFilipino.QuezonCity:Sentrong WikangFilipino,Unibersidadng Pilipinas.
Santos,A.L.&Hufana,N.(2008).Ang AkademikongFilipinosa Komunikasyon,Teksbuk-Workbuksa Filipino1.MalabonCity:Mutya, PublishingHouse,Inc.
Poplack,S.(1993).VariationTheoryand LanguageContact.InPreston,D.R. (Ed.),AmericanDialectResearch (pp.251).Philadelphia:JohnBenjamin B.V.
Lewis,P.M.,Simons,G.F.,&Fennig,C.D. (eds.).2013.Ethnologue:Languages oftheWorld,Seventeenthedition. Dallas,Texas:SILInternational. Retrievedfromhttp://www.ethnologue .com.
NCIP(NationalCommissiononIndigenous Peoples).(2012).RetrievedJune5, 2012fromhttp://www.ncip.gov.ph
Bibliyograpi
55
TerminongKultural... DavaoRes.J.9:41-55