voter pamplet ng information impormasyon pamphlet para sa...

100
clerk.lacity.org/elections/ TINIPON NI HOLLY L. WOLCOTT, KLERK NG LUNSOD TAGALOG PRIMARYANG HALALANG PANGMUNGKAHI MARTES, IKA-7 NG MARSO, 2017 PAMPLET NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

Upload: truongkien

Post on 05-Feb-2018

276 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

cler

k.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

cler

k.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

cler

k.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

TINIPON NI HOLLY L. WOLCOTT, KLERK NG LUNSOD

TAGALOG

PRIMARYANG HALALANG PANGMUNGKAHIMARTES, IKA-7 NG MARSO, 2017

PAMPLET NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City

of L

os A

ngel

esE

lect

ion

Div

isio

n

INT

ER

NE

T -

http

://cl

erk.

laci

ty.o

rg/e

lect

ions

/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555

RA

MIR

EZ

ST

RE

ET,

SPA

CE

300

LOS

AN

GE

LES

, C

A 9

0012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY T

HE

VOTE

R H

AS

THE

LE

GA

LR

IGH

T TO

RE

TUR

N T

HIS

AP

PLI

CA

TIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFF

ICE

OF

THE

CIT

Y C

LER

KEL

ECTI

ON

DIV

ISIO

N55

5 R

AM

IREZ

STR

EET

SPA

CE

300

LOS

AN

GEL

ES, C

A 90

012

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STAG

EPA

IDC

ITY

OF

LOS

ANG

ELES

ELEC

TIO

N D

IVIS

ION

This

pa

mph

let

cont

ains

on

ly

info

rmat

ion

on

ballo

t m

easu

res

pert

aini

ng t

o th

e C

ity o

f Lo

s A

ngel

es.

It is

no

t a s

ampl

e ba

llot.

You

will

rec

eive

you

r sa

mpl

e ba

llot

with

pol

ling

plac

e lo

catio

n fr

om th

e Lo

s A

ngel

es C

ount

y R

egis

trar

- R

ecor

der.

Not

e:POLL

S O

PEN

AT

7 A

.M. A

ND

CLO

SE A

T 8

P.M

.

Page 2: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City of Los A

ngelesE

lection Division

INT

ER

NE

T - http://clerk.lacity.org/elections/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555 RA

MIR

EZ

ST

RE

ET, S

PAC

E 300

LOS

AN

GE

LES

, CA

90012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY TH

EVO

TER

HA

STH

E LE

GA

LR

IGH

T TOR

ETU

RN

THIS

AP

PLIC

ATIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFFIC

E OF TH

E CITY C

LERK

ELECTIO

N D

IVISION

555 RA

MIR

EZ STREET

SPAC

E 300LO

S AN

GELES, C

A 90012

NO

N PR

OFIT O

RG

.U

.S. POSTAG

EPA

IDC

ITY OF LO

S ANG

ELESELEC

TION

DIVISIO

N

This pam

phlet contains

only inform

ation on

ballot m

easures pertaining to the City of Los A

ngeles. It is not a sam

ple ballot. You will receive your sam

ple ballot w

ith polling place location from the Los A

ngeles County

Registrar - R

ecorder.

Note:

POLLS O

PEN AT 7 A

.M. A

ND

CLO

SE AT 8 P.M.

Այս բրոշյուրի հայերեն օրինակն ստանալու համար, զանգահարեք 1-800-994-VOTE (8683) հեռախոսահամարով։

要索取本手冊的中文版, 請致電 1-800-994-VOTE (8683)

برای تهیه ی نسخه ای از این جزوه به زبان فارسی، با شماره تلفن VOTE (8683)-994-800-1 تماس بگیرید

हिन्दी में इस पैम्फलेट की प्रति प्रराप्त करने के ललए, 1-800-994-VOTE (8683) पर ्फोन करें

このパンフレットの日本語版をご希望の方は、

1-800-994-VOTE (8683)までお電話ください。

ដ�ើម្បីទទួលបានឯកសារថតចម្លងមួយច្បាប់ពីកូន្�ៀវ្ៅដនះជាភាសាខ្មែរ សូម្ៅទូរស័ព្ទ្ល្ 1-800-994-VOTE (8683)

이 팸플릿을 한국어로 원하시면 다음 전화번호로 연락하십시오. 1-800-994-VOTE (8683)

Чтобы получить копию этого буклета на русском, позвоните по номеру: 1-800-994-VOTE (8683)

Para obtener una copia de este folleto en español, llame al 1-800-994-VOTE (8683)

Para makakuha ng kopya ng pamplet na ito sa Tagalog, tumawag sa 1-800-994-VOTE (8683)

เพื่อขอส�ำเนำจุลสำรนี้ในภำษำไทย โปรดโทรศัพท์ติดต่อที่หมำยเลข 1-800-994-VOTE (8683)

Muốn có một tập sách này bằng tiếng Việt, hãy gọi số 1-800-994-VOTE (8683)

Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, mangyaring tumawag sa 1-888-873-1000

Ang Lunsod ng Los Angeles ay nagbibigay ng impormasyon sa botante sa Ingles gayundin sa mga sumusunod na wika:

Page 3: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

1

Talaan ng mga Nilalaman

Pahina

Buod ng Balota 3-6Mga Panukala sa Balota, Mga Pangangatwiran, at Teksto

Proposisyon M 7Inisyatibong Ordinansa N 24Pagsusog P sa Saligang-Batas 63Inisyatibong Ordinansa S 68

ANG MGA LUGAR NG BOTOHAN AY MAGBUBUKAS SA IKA-7 NG UMAGA AT MAGSASARA SA IKA-8 NG GABI.

Tala: Ang pamplet na ito ay nagtataglay lamang ng impormasyon tungkol sa mga panukala sa balota na nauukol sa Lunsod ng Los Angeles. Ito ay hindi isang halimbawang balota. Matatanggap ninyo ang iyong halimbawang balota kasama ng kinaroroonan ng lugar ng botohan mula sa Tagapagrehistro - Tagapagtala ng County ng Los Angeles.

TOC-TA

IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

Ang County ng Los Angeles ay magsasagawa ng Primaryang Halalang Pangmungkahi sa Ika-7 ng Marso, 2017

Para sa impormasyon tungkol sa halalan, tulad ng mga kinaroroonan ng lugar ng botohan, mangyaring tawagan ang Tagapagrehistro-Tagapagtala ng County sa (800) 815-2666 o bisitahin ang kanilang lugar ng web sa www lavote net

Page 4: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

2

Ang sumusunod na 4 na mga pahina ay naglalaman ng pinasimpleng mga bersiyon ng mga panukala ng balota ng Lunsod. Ang buong teksto ng bawat panukala, kasama ng ibang impormasyon, ay nakalimbag pagkatapos ng Buod ng Balota (tingnan ang Pahina ng TALAAN NG MGA NILALAMAN).

FP-VIP-TA

Page 5: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

3BSM-TA

LUNSOD NG LOS ANGELES PROPOSISYON M

TITULO:REGULASYON SA MARIHUWANA PAGKATAPOS NG PAGBIBIGAY-PANANAW NG MAMAMAYAN, PAGBUBUWIS AT PAGPAPATUPAD.

ANG ISYU:Dapat bang pagtibayin ang isang ordinansa na magbibigay sa Konseho at Alkalde ng awtoridad na isabatas ang balangkas ng pagbibigay-regulasyon at pagpapatupad tungkol sa aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana pagkatapos magsagawa ng mga pampublikong pagdinig sa bagay na ito, at buwisan ang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana?

ANG KALAGAYAN:Sa mga nakaraang taon, naisabatas ng lehislatura at mga botante ng California ang iba’t ibang mga batas na nagtatanggal ng parusa o ginagawang legal ang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana. Noong Nobyembre ng 2016 pinagtibay ng mga botante ang Proposisyon 64, na nagpapahintulot sa mga aspeto ng aktibidad hinggil sa hindi-pangmedikal na marihuwana. Ang Proposisyon D, na pinagtibay ng mga botante ng Lunsod noong 2013, ay kasalukuyang tumutugon lamang sa pangmedikal na marihuwana, at hindi nagpapahintulot ng pag-iisyu ng pang-estadong lisensya para aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana.

ANG MUNGKAHI:Ang panukalang ito ay:

• Magpapanatili sa awtoridad ng Konseho at Alkalde na pangasiwaan ang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana sa Lunsod;

• Magpapahintulot na palitan ang Proposisyon D ng balangkas ng pagbibigay-regulasyon at pagpapatupad tungkol sa aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana, pagkatapos makuha ang pananaw ng mga residente, tagapagpatupad ng batas, mga Konseho ng Kapitbahayan, at iba pang mga nakataya sa pamamagitan ng mga pampublikong pagdinig;

• Magbibigay ng priyoridad sa pagpoproseso ng mga aplikasyon sa mga kasalukuyang establisimyento ng pangmedikal na marihuwana na nagpapatakbo habang sumusunod sa Proposisyon D;

• Mag-aawtorisa ng mga parusang kriminal, pagpapahupa ng sagabal, pagpapataas ng mga multang sibil at ang pagtatanggal ng koneksyon ng tubig at kuryente para sa mga hindi pinahintulutang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana; at

• Magtatatag ng mga bagong buwis sa mga kabuuang natanggap sa mga pagbebenta ng pangmedikal na marihuwana (5%), mga pagbebenta sa panlibangang marihuwana (10%) at transportasyon, pagsusuri o pananaliksik, pagmamanupaktura, pagtatanim, o iba pang komersyalisasyon ng marihuwana (sa pagitan ng 1% at 2%) epektibo ika-1 ng Enero, 2018.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Ninanais mong mapanatili ng Konseho at Alkalde ang awtoridad na komprehensibong mapangasiwaan ang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana sa Lunsod pagkatapos magsagawa ng mga pampublikong pagdinig, at buwisan ang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi mo ninanais na mapangasiwaan ng Konseho at Alkalde ang aktibidad na pangkomerso hinggil sa marihuwana sa paraang inilarawan sa itaas.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY MAGSISIMULA SA PAHINA 12.

Page 6: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

4BSN-TA

INISYATIBONG ORDINANSA N NG LUNSOD NG LOS ANGELES

TITULO:MGA PERMISO, REGULASYON AT PAGBUBUWIS NG AKTIBIDAD NG CANNABIS (INISYATIBONG ORDINANSA).

ANG ISYU:Dapat bang pagtibayin ang isang ordinansa upang ipahintulot ang aktibidad ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles, napapailalim sa isang programang permiso na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Regulasyon ng Marihuwana ng Los Angeles na nagpapataw ng mga tinukoy na iniaatas sa mga pangkomersiyong establisamiyento ng cannabis, nagbibigay ng priyoridad sa mga kasalukuyang dispensaryo ng medikal na cannabis na sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod, at naglilimita sa awtoridad ng Konseho ng Lunsod na higit pang pangasiwaan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis?

ANG KALAGAYAN:Sa nakalipas na ilang mga taon, ang lehislatura ng California at ang mga botante ay nagpatibay ng iba't ibang mga batas na inaalis ang pagiging krimen o ginagawang legal ang pangkomersiyong aktibidad ng cananabis. Noong Nobyembre 2016, ang mga botante ay nagpatibay ng Proposisyon 64, na nagpapahintulot ng mga aspeto ng di-medikal na aktibidad ng cannabis. Ang Proposisyon D, pinagtibay ng mga botante ng Lunsod noong 2013, ay kasalukuyang tumutugon lamang sa medikal na cannabis, at hindi nagpapahintulot ng pag-isyu ng isang lisensiya ng estado para sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis.

ANG MUNGKAHI:Ang inisponsor ng mamamayan na inisyatibong ito ay:

• Papalitan ang Proposisyon D ng isang bagong programang permiso para sa mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod, nagpapanatili ng hindi kukulangin sa 135 establisyamento;

• Magbibigay ng priyoridad sa paglilisensiya at ibang mga pagtatangi (kabilang ang mga pagtatangi sa paggamit ng lupa) sa mga kasalukuyang establisamiyento ng cannabis na pinatatakbo nang sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod;

• Magpapahintulot ng mga multa at ibang mga parusa, pero maglilimita sa mga pamamaraan ng pagpapatupad para sa mga paglabag sa Ordinansa ng mga humahawak ng permiso;

• Magtatakda ng pinakamababang mga iniaatas na distansiya mula sa ilang mga paaralan, mga lisensiyadong pasilidad ng pag-aalaga ng bata, at ibang mga lugar;

• Lilikha ng isang bagong Kagawaran ng Regulasyon ng Marihuwana ng Los Angeles upang pangasiwaan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis; at

• Magtatatag ng isang bagong buwis sa negosyo sa medikal na pagbebenta ng cannabis na 8%, at magpapanatili ng kasalukuyang buwis sa medikal na pagbebenta na 6%.

ANG ISANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyong tuwirang susugan ang Kodigong Munisipal upang magtatag ng isang ispesipikong sistema ng pagbibigay ng permiso at pagpapatupad para sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod na nagbibigay ng priyoridad sa mga kasalukuyang establisamiyentong sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod, at magdagdag ng isang bagong 8% buwis sa di-medikal na pagbebenta ng cannabis.

ANG ISANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong tuwirang susugan ang Kodigong Munisipal sa paraang inilarawan sa itaas.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY NAGSISIMULA SA PAHINA 30.

Page 7: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

5BSP-TA

PAGSUSOG P SA SALIGANG-BATAS NG LUNSOD NG LOS ANGELES

TITULO:PINAKAMATAAS NA TAKDANG PANAHON NG MGA PAG-UPA NG KAGAWARAN NG DAUNGAN.

ANG ISYU:Dapat bang susugan ang Saligang-Batas ng Lunsod upang dagdagan ang pinakamataas na takdang panahon para sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa na maaaring pasukan ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasalukuyang pinakamataas na 50 taon patungo sa isang bagong pinakamataas na 66 na taon, upang maging katulad ng batas ng estado?

ANG KALAGAYAN:Sa ilalim ng Seksyon 607 ng Saligang-Batas ng Lunsod, ang pinakamataas na ipinahihintulot na tagal ng mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa na maaaring ibigay ng Kagawaran ng Daungan ay 50 taon. Ang batas ng Estado ay sinusugan kamakailan upang pahintulutan ang Kagawaran ng Daungan na mag-isyu ng mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa para sa mga takdang panahon na hanggang 66 na taon, kung ipinahihintulot sa ilalim ng batas ng Lunsod.

ANG MUNGKAHI:Ang iminumungkahing panukala ay magsususog sa Seksyon 607 ng Saligang-Batas ng Lunsod upang dagdagan ang pinakamataas na takdang panahon para sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa na iniisyu ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasalukuyang pinakamataas na 50 taon patungo sa isang bagong pinakamataas na 66 na taon. Ang pagbabagong ito ay magtutugma ng pinakamataas na takdang panahon para sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa ng Kagawaran ng Daungan sa Saligang-Batas sa pinakamataas na takdang panahon na itinatadhana sa kasalukuyang batas ng estado.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyong dagdagan ang pinakamataas na takdang panahon para sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa na iniisyu ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasalukuyang pinakamataas na 50 taon patungo sa isang bagong pinakamataas na 66 na taon, upang maging katulad ng batas ng estado.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong dagdagan ang pinakamataas na takdang panahon para sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa na iniisyu ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasalukuyang pinakamataas na 50 taon patungo sa isang bagong pinakamataas na 66 na taon.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY MAGSISIMULA SA PAHINA 67.

Page 8: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

6BSS-TA

INISYATIBONG ORDINANSA S NG LUNSOD NG LOS ANGELES

TITULO:MORATORYUM SA PAGTATAYO; MGA PAGTATAKDA SA MGA PAGSUSOG SA PANGKALAHATANG PLANO; INIAATAS NA PAGREPASO NG PANGKALAHATANG PLANO (INISYATIBONG ORDINANSA).

ANG ISYU:Dapat bang pagtibayin ang sinimulan-ng-mamamayan na ordinansa upang ipataw ang isang moratoryum sa pagtatayo sa mga partikular na proyektong pagpapaunlad; takdaan ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano; mag-atas ng pana-panahong pagrepaso ng Pangkalahatan at Pangkomunidad na mga Plano; magpataw ng mga iniaatas sa pagrepaso ng Pangkalahatang Plano at paghahanda ng ulat ng epekto sa kapaligiran; at limitahan ang pagbawas sa iniaatas na paradahan.

ANG KALAGAYAN:Ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay maaaring simulan ng Lunsod, sa kondisyon na ang kaugnay na lugar ay may malaking panlipunan, pangkabuhayan, o pisikal na pagkakakilanlan. Ang mga pagbabago sa sona, taas ng distrito, at paradahan ay nirerepaso ng Lunsod batay sa bawat proyekto.

ANG MUNGKAHI:Ang inisyatibong ito ay:

• Magpapataw ng isang pinakamataas na dalawang-taong moratoryum sa pagtatayo sa mga proyektong naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago sa sona o taas ng distrito na nagreresulta sa: isang mas matinding paggamit ng lupa; isang pagtaas sa proporsiyon ng sukat ng sahig, kapal o taas; o isang netong pagkawala ng bukas na espasyo, mga lugar na pang-agrikultura o pang-industriya. Magkakaloob ng mga eksepsiyon, kabilang ang para sa mga partikular na proyektong nagkakaloob ng 100% abot-kayang pabahay na hindi naghahangad ng isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano.

• Maglilimita sa mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano sa isang buong Komunidad o Plano ng Distrito, Ispesipikong Plano, Konseho ng Kapitbahayan, o ibang lugar na hindi kukulangin sa 15 akre.

• Mag-aatas ng pagrepaso ng publiko at posibleng pagsasapanahon ng Pangkalahatang Plano ng Lunsod (kabilang ang mga Plano ng Distrito ng Daungan at Paliparan) at 35 Plano ng Komunidad bawat limang taon.

• Magbabawal sa mga aplikante sa proyekto na maghanda ng kanilang sariling mga ulat ng epekto sa kapaligiran at mag-aatas na ang Lunsod ang maghanda ng mga naturang ulat.

• Magtatadhana na ang loob-ng-lugar at malayong labas-ng-lugar na mga iniaatas na paradahan ay hindi maaaring bawasan sa pamamagitan ng higit sa isang-ikatlo.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyong tuwirang susugan ang batas ng Lunsod upang magpataw ng isang moratoryum sa pagtatayo at mga pagtatakda sa mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano, pagbawalan ang mga aplikante sa proyekto na maghanda ng mga ulat ng epekto sa kapaligiran, limitahan ang mga pagbawas sa paradahan at gumawa ng ibang mga pagbabago na nauukol sa pagpaplano ng Lunsod.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong tuwirang susugan ang batas ng Lunsod upang magpataw ng isang moratoryum sa pagtatayo at sa paraang inilarawan sa itaas.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY MAGSISIMULA SA PAHINA 82.

Page 9: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

7TQM-TA

REGULASYON SA MARIHUWANA PAGKATAPOS NG PAGBIBIGAY-PANANAW NG MAMAMAYAN, PAGBUBUWIS AT PAGPAPATUPAD. PROPOSISYON M.

Dapat bang pagtibayin ang isang ordinansang nagbibigay para sa pagpapatupad, pagbubuwis at regulasyon ng marihuwana at/o mga produkto ng marihuwana (marihuwana) sa pamamagitan ng: 1) pagsasaad na pananatilihin ng Konseho ng Lunsod ang awtoridad sa pagsusog sa kasalukuyan at pagtibayin ang mga bagong regulasyon tungkol sa gawaing hinggil sa marihuwana sa Lunsod pagkatapos magsagawa ng mga pampublikong pagdinig tungkol sa mga iba’t ibang aspeto ng komersyalisasyon ng marihuwana at medikal na marihuwana, at magbigay ng priyoridad sa pagpoproseso ng mga aplikasyon sa kasalukuyang mga dispensaryo ng medikal na marihuwana na pinapatakbo habang sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod; 2) pagpapahintulot sa mga kriminal na parusa, pagbabawas sa mga panggulo, pagtataas ng mga multang sibil at pagtatanggal ng koneksyon ng mga utilidad na tubig at kuryente para sa mga hindi pinahintulutang gawaing hinggil sa marihuwana; at 3) pagtatatag ng mga bagong buwis sa negosyo epektibo mula ika-1 ng Enero, 2018, kabilang ang mga buwis ng $100 para sa bawat $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa mga pagbebenta ng marihuwana at $50 sa bawat $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa mga pagbebenta ng medikal na marihuwana, $10 sa bawat $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa transportasyon, pagsusubok o pananaliksik sa marihuwana, at $20 sa bawat $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa pagmamanupaktura, pagtatanim o iba pang komersyalisasyon ng marihuwana?

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUODNI SHARON M. TSO, PUNONG PAMBATASANG MANUNURI

Ito ay isa sa dalawang magkakumpitensyang panukala sa balota na nagmumungkahing pangasiwaan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles. Ang panukalang ito ay isang panukala ng Konseho ng Lunsod at Alkalde. Ang ibang panukala sa balota ay isang inisyatibong inisponsor ng mamamayan.

Ang proposisyon ng balotang ito, kung maaprobahan, ay magpapanatili sa awtoridad ng Konseho at Alkalde na lumikha ng bagong balangkas ng pangangasiwa pagkatapos ng pagbibigay-pananaw ng mamamayan para sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis sa Lunsod ng Los Angeles at nagkakaloob para sa pagpapawalang-bisa at pagpapalit ng kasalukuyang batas ng Lunsod tungkol sa pangmedikal na aktibidad hinggil sa cannabis, Proposisyon D, na hindi na naaayon sa batas ng Estado. Itinatatag din ng proposisyong ito ang mga bagong antas ng buwis sa kabuuang natanggap para sa aktibidad na may kaugnayan sa cannabis at nagpapahintulot ng mga kriminal na parusa para sa paglabag ng mga batas ng Lunsod sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis.

Noong 2015, ang lehislatura ng Estado ay nagpasa ng “Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Cannabis” (o Medical Cannabis Regulation and Safety Act) na lumikha ng mga bagong iniaatas sa paglilisensya para sa mga pangmedikal na aktibidad hinggil sa cannabis. Noong Nobyembre 2016, inaprobahan ng mga botante ng California ang “Batas sa Paggamit ng Marijuana ng mga Nasa Tamang Edad” (o Adult Use of Marijuana Act), na ginawang legal ang panlibangang paggamit ng cannabis. Itinatatag din ng mga batas na ito ang mga karapatan ng mga lokal na pamahalaan na pangasiwaan ang pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis sa kanilang mga hurisdiksiyon. Bago ang pagpasa ng mga batas na ito, ang mga lokal na hurisdiksiyon ay nangasiwa sa aktibidad na ito sa iba’t ibang paraan. Sa Lunsod ng Los Angeles, ang Proposisyon D, na ipinasa ng mga botante noong Mayo 2013, ay nagpahintulot ng ilang mga dispensaryo ng medikal na cannabis na

M

Page 10: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

8TQM-TA

magpatakbo ng may potensyal na limitadong kalayaan mula sa pagpapatupad. Sa pagpasa ng mga batas ng Estado na ito, ang Lunsod ay maaaring magtatag ng bagong balangkas ng pagkontrol o tahasang magbawal sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis.

Pinapagtibay ng proposisyong ito ang awtoridad ng Konseho at Alkalde na pangasiwaan ang lahat ng aspeto ng pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis sa Lunsod. Ang proposisyong ito ay nag-aatas na bago ang mga bagong pagsasabatas sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis, ang Konseho ay magtitipon sa mga serye ng mga pampublikong pagdinig sa pakikilahok ng iba’t ibang nakataya sa isyung ito. Ang mga nakataya ay kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa, mga Konseho ng Kapitbahayan, Kagawaran ng Pulisya, mga opisyal ng paaralan, opisyal ng probasyon, sibikong organisasyon, kamara ng komersiyo, industriyang may kaugnayan sa cannabis at iba pa. Ang proposisyong ito ay mag-aatas sa Konseho na pagtibayin ang isang Ordinansang magpapawalang-bisa sa Proposisyon D, epektibo sa ika-1 ng Enero, 2018, maliban kung ang Konseho ay magpatibay ng isang Resolusyon na tumutukoy ng ibang petsa para sa pagpapawalang-bisa at magbibigay sa mga dispensaryo na nagpapatakbo na sang-ayon sa batas sa ilalim ng Proposisyon D ng priyoridad na malisensyahan sa ilalim ng anumang bagong balangkas na inaaprobahan ng Konseho at Alkalde.

Itinatatag ng proposisyon ang mga sumusunod na antas ng buwis sa kabuuang natanggap para sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis, epektibo sa ika-1 ng Enero, 2018:

• $100 kada $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa mga pagbebenta ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis;

• $50 kada $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa mga pagbebenta ng medikal na cannabis at/o mga produkto ng medikal na cannabis;

• $10 kada $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa transportasyon, pagsusuri o pananaliksik ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis;

• $20 kada $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa pagmamanupaktura o pagtatanim ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis; at

• $20 kada $1,000 ng mga kabuuang natanggap mula sa komersyalisasiyon ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis na hindi partikular na binubuwisan sa ilalim ng mga antas na tinukoy sa itaas.

Ginagawa ring labag sa batas ng proposisyon ang paglahok sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis nang walang lisensya pagkatapos ng ika-1 ng Enero, 2018, at nagtatatag rin ng mga kriminal at sibil na parusa para sa mga paglabag. Kabilang dito ang mga multa, pagtanggal ng sagabal at posibleng pagtanggal ng koneksiyon sa mga serbisyo ng tubig at kuryente sa mga pangkomersiyong negosyo ng cannabis na pinapatakbo nang labag sa batas.

Kung ang parehong magkakumpitensyang panukala sa balota ay maaprobahan ng mayoriya ng mga botante, ang panukala sa balota na tatanggap ng pinakamaraming boto ay magiging epektibo.

Page 11: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

9TQM-TA

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPINI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA PAMPANGASIWAAN NG LUNSOD

Pahihintulutan ng panukalang ito ang Lunsod na magtatag ng mga bagong regulasyon at hakbang sa pagpapatupad, pagkatapos ng pampublikong pagbibigay-pananaw, para sa pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis. Bilang karagdagan, simula ika-1 ng Enero, 2018, ang buwis sa kabuuang natanggap sa mga pagbebenta ng medikal na cannabis ay mababawasan mula 6% patungo sa 5% at ang buwis sa mga kabuuang natanggap ay maaangkop para sa mga pagbebenta ng panlibangang cannabis sa 10%. Dagdag dito, ang buwis sa kabuuang natanggap ay itatatag sa 1% hanggang 2% para sa transportasyon, pagsusuri o pananaliksik, pagmamanupaktura, pagtatanim, o iba pang komersyalisasiyon ng cannabis.

Ang epekto ng panukalang ito ay kasalukuyang hindi pa nasusukat. Ang pagkawala ng kita mula sa bumababang buwis sa medikal na cannabis at mga karagdagang gastusin para sa mga pinalawak na pagsusumikap sa pangangasiwa at pagpapatupad ay maaaring maapektuhan ang mga kita mula sa mga buwis, permiso, singil, at multang may kaugnayan sa mga panlibangan at pangkomersiyong aktibidad hinggil sa cannabis.

Ang kita galing sa buwis ng kabuuang natanggap ay nakadeposito sa Pangkalahatang Pondo at ginagamit upang pondohan ang pulisya, sunog, mga serbisyo sa kalye, mga parke, aklatan at iba pang mga pangkalahatang layunin sa buong Lunsod.

Page 12: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

10AFM-TA

PANGANGATWIRANG PANIG SA PROPOSISYON M

Ngayong ang mga botante ng California ay nag-aproba sa pagbebenta at paggamit ng marihuwana ng mga nasa tamang edad sa estado, nasa desisyon ng bawat lunsod ang kung paano ang maglisensya, magkontrol at magbuwis sa mga lokal na pagpapatakbo ng marihuwana.

Ang PROPOSISYON M ay magbibigay sa mga residente ng Los Angeles ng boses sa pagsusulat ng mga patakaran para sa ating lunsod.

Pinapahintulutan ng PROPOSISYON M ang mga magulang at guro na tumulong magpasiya kung paano maiwasan ng mga kabataan ang mapaligiran ng mga pag-aanunsyo ng mga produkto ng marihuwana at magtatag ng mga limitasyon sa kung gaano dapat kalayo ang mga tindahan ng marihuwana sa mga paaralan, sentro para sa kabataan at parke.

Pinapahintulutan ng PROPOSISYON M ang mga asosasyon ng kapitbahayan na tumulong magdesisyon sa kung gaano karaming mga tindahan ng marihuwana ang maaaring magkaroon sa anumang kapitbahayan at kung gaano dapat kalayo ang mga ito sa mga lugar na pantahanan.

Pinapahintulutan ng PROPOSISYON M ang mga opisyal ng pulisya na tumulong bumuo ng mga pamamaraan upang maipatupad ang mga batas laban sa pagmamaneho habang nasa impluwensya ng marihuwana.

Pinapahintulutan ng PROPOSISYON M ang mga lider ng negosyo na magrekomenda ng kung paano lilimitahan ang bilang ng mga tindahan ng marihuwana sa mga lugar na pangkomersiyo upang maiwasan ang pagkarami katulad ng nakikita natin sa mga tindahan ng alak sa ilang mga kapitbahayan.

Bilang karagdagan, ang PROPOSISYON M ay –

• Magtatakda ng matitinding multa at parusa para sa mga hindi pinahihintulutang pagbebenta ng marihuwana

• Tutulong sa mga lokal na pulis na pigilan ang krimen

• Magsisiguro na magagawa ng lunsod na isara ang mga iligal na tindahan ng marihuwana, at

• Lilikha ng kasiguruhan at isang balangkas ng pagkontrol para sa mga negosyo na ligal na nagpapatakbo

Kung nais mong makasigurong ang mga boses ng mga tao sa Los Angeles ay napakikinggan pag dumating na ang panahon ng paglilisensya, pagkontrol at pagbubuwis ng marihuwana, ikaw ay boboto ng OO SA PROPOSISYON M.

BUMOTO NG OO sa PROPOSISYON M.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 13: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

11AFM-TA

MGA TAONG PUMIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PROPOSISYON M

JILL BANKS BARADTagapagtatag at TagapanguloAlyansa ng mga Konseho ng Kapitbahayansa Valley

CRAIG LALLYPresidentePumuprotektang Liga ng Pulisya ng Los Angeles

MARY LESLIEPresidenteKonseho ng Negosyo ng Los Angeles

CHARLIE BECKHepe ng PulisyaLunsod ng Los Angeles

YAMILETH BOLAÑOSTagapagtaguyod ng Medikal na Marihuwana

MINNIE HADLEY-HEMPSTEADPresidenteNAACP Los Angeles

STEVEN K. LUBELLKomisyoner (ret.)Superyor na Korte ng California

RUSTY HICKSEhekutibong Sekretaryo-Taga-ingat YamanPederasyon ng Paggawa ng County ng Los Angeles

WALANG INIHARAP NA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALANG ITO.

Page 14: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

12TXTM-1-TA

RESOLUSYON

Isang ordinansang nagsususog sa Kodigong Munisipal ng Los Angeles tungkol sa pagpapatupad, pagbubuwis at regulasyon ng aktibidad hinggil sa cannabis sa Lunsod ng Los Angeles.

SAMANTALANG, ang Batas sa Nakikiramay na Paggamit (CUA), na pinagtibay ng mga botante noong 1996, at ang Batas sa Programa ng Medikal na Marihuwana (MMPA), na isinabatas ng Lehislatura ng Senado noong 2003, na nagbigay sa mga kwalipikadong pasyente ng California at kanilang mga pangunahing tagapagkaloob ng pangangalaga ng may limitadong kalayaan sa mga tinukoy na kriminal na prosekyusyon sa ilalim ng batas ng estado, kabilang ang pagsisiguro na ang mga kwalipikadong pasyente at kanilang mga pangunahing tagapagkaloob ng pangangalaga na kumukuha at gumagamit ng cannabis para sa mga pangmedikal na layunin ay hindi napapailalim sa kriminal na prosekyusyon ng estado;

SAMANTALANG, simula noong 2007, ayon sa mga ulat ng lokal na media at mga obserbasyon at reklamo ng kapitbahayan, daan-daang mga establisimiyento ng medikal na cannabis, kabilang ang kolektibo, tagapagkaloob ng pangangalaga at dispensaryong nagpangalan sa sarili, (mga Negosyo) nabuksan, nagsara at muling nabuksang mga tindahan sa Lunsod nang walang pag-aproba sa paggamit ng lupa sa ilalim ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles (LAMC);

SAMANTALANG, ang paglaganap ng mga Negosyong cannabis ay nauwi sa pagdami ng krimen at mga negatibong ikalawang epekto sa mga kapitbahayan, kabilang ang ngunit hindi limitado sa mga marahas na krimen, nakawan, pamamahagi ng hinaluang marihuwana, at dibersyon ng marihuwana;

SAMANTALANG, simula noong Agosto 2007, isinabatas ng Lunsod ang serye ng mga ordinansang dinisenyo upang sugpuin ang laganap na pagdami ng mga dispensaryo ng cannabis na nagresulta sa pagsabog ng mga kaso laban sa Lunsod;

SAMANTALANG, sa halalang munisipal na idinaos noong ika-8 ng Marso, 2011, ang mga botante ng Lunsod ng Los Angeles ay nagpasa ng Proposisyon M at dahil doon isinabatas ang Kodigong Munisipal ng Los Angeles Seksyon 21.50, na nagpapataw ng buwis ng $50 para sa bawat $1,000 ng mga kitang nalikom ng mga Kolektibo ng Medikal na Marihuwana;

SAMANTALANG, noong ika-21 ng Mayo, 2013, ang mga botante ng Lunsod ng Los Angeles ay nagpasa ng Proposisyon D, na nagdadagdag ng Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles, na nagbibigay ng potensyal na limitadong oportunidad mula sa pagpapatupad ng tinatayang 135 dispensaryo ng cannabis na potensyal na sumunod sa Ordinansa sa Pansamantalang Pagkontrol ng 2007, Ordinansa sa Pansamantalang Pangangailangan ng Madaliang Pagkilos ng 2011 at Proposisyon M ng 2011 ng Lunsod, at tumugon din sa iba pang mga tinukoy na iniaatas, at pinatataas ang buwis ng hanggang $60 para sa bawat $1,000 ng mga kitang nalikom ng mga Kolektibo ng Medikal na Marihuwana;

SAMANTALANG, sapagkat ang pagpasa ng Proposisyon D, ang opisina ng Abugado ng Lunsod ay nagpasimula ng mahigit 1,700 kriminal na pagsasampa laban sa mga indibidwal at entidad tungkol sa mga Negosyo ng cannabis na walang kalayaan at nagpasara ng mahigit 800 mga Negosyo ng medikal na cannabis na walang kalayaan;

SAMANTALANG, sa kabila ng agresibong pagpapatupad ng Opisina ng Abugado ng Lunsod, kasama ng pagpasa ng Proposisyon D, isang hindi kilalang bilang ng mga Negosyo ng mga medikal na

Page 15: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

13TXTM-2-TA

cannabis, kabilang ang mga nagpapalago, mga app ng tagapaghatid at mga serbisyo ng paghahatid ay patuloy na nagbubukas, nagsasara, at muling nagbubukas sa Los Angeles, nang walang awtorisasyon sa pangangasiwa mula sa Lunsod;

SAMANTALANG, dahil malalaking kita ang maaaring makuha sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng mga Negosyo ng medikal na cannabis, kailangang magkaroon ng katapat na perang parusa upang mapigilan ang mga tao at entidad na magbukas at magpatakbo ng mga walang kalayaan o iligal na Negosyo ng medikal na cannabis at upang desmayahin ang mga may-ari ng lupa na magparenta sa mga ganitong uri ng mga Negosyo ng medikal na cannabis;

SAMANTALANG, ang mga Negosyo ng medikal na cannabis ay nag-aatas ng pagpapanatili ng pagpapatupad ng pulisya, dahil ang mga ito ay mga nakapag-aakit na target para sa mga kriminal pati na rin sa mga indibidwal na bumubili ng cannabis at muling binibenta ito sa mga menor de edad at iba pang hindi mismo makakabili nito. Ang mga pangalawang pagbebentang ito ay lalong sumisira sa mga nawasak na mga lugar sa Lunsod at sinisimot ang kakayahan ng pulisya. Ang malalaking perang parusa ay ang makatwirang paraan upang desmayahin ang pagkalat ng mga iligal na negosyo na lumilikha ng mga pangalawang negatibong epektong ito;

SAMANTALANG, noong 2015, isinabatas ng Lehislatura at Gobernador ang Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Cannabis (“MCRSA”) na naglalaman ng tatlong magkakahiwalay na panukalang-batas, na lumilikha ng sistema ng paglilisensya sa estado para sa komersyal na pagtatanim, pagmamanupaktura, tingiang pagtitinda, transportasyon, pamamahagi, paghahatid, at pagsusuri ng medikal na cannabis. Ang mga lisensya sa ilalim ng MCRSA ay hindi inaasahang makukuha hanggang 2018;

SAMANTALANG, noong ika-8 ng Nobyembre, 2016, ang mga botante ng Estado ng California ay hihilinging bumoto sa Proposisyon 64, isang inisyatibong kilala rin bilang Batas sa Paggamit ng Marihuwana ng Nasa Tamang Edad (AUMA). Sa ilalim ng AUMA, ang personal na pagkakaroon ng isang onsa ng cannabis o mas mababa pa at/o hanggang walong gramo ng purong cannabis ay magiging ligal. Ang mga tingiang pagbebenta ng mga hindi medikal na cannabis ay maaari lamang mangyari alinsunod sa lisensya ng estado, na naka-iskedyul na makuha sa 2018;

SAMANTALANG, ang potensyal na pag-aproba ng AUMA ay magpapataw ng mga bagong hamon para sa mga lokal na pamahalaan na maayos na mag-akda ng batas sa komersyalisasiyon ng hindi medikal na cannabis at medikal na cannabis, kabilang ang mga deribatibong produkto at serbisyo nito;

SAMANTALANG, paniniwala ng Lunsod na ang mga kalagayan kung saan ang aktibidad ng cannabis ay dapat na mapahintulutan o hindi dapat mapasailalim sa matatag at nakikipanayam na proseso na kinabibilangan ng komprehensibong pampublikong talakayan at debate, at sa layong iyon, ang Konseho ng Lunsod ay magpapanatili ng pambatasang kapangyarihan at awtoridad upang mapagpasyahan ang lawak na kung saan ang anumang naturang aktibidad ay dapat na mapahintulutan sa Lunsod;

SAMANTALANG, upang maprotektahan ang publiko at mga gumagamit ng medikal at hindi medikal na cannabis, at mabawasan ang pangalawang mga negatibong epekto sa mga komunidad ng Lunsod, ang Konseho ng Lunsod ay nagnanais na tumanggap ng pananaw ng publiko, makipanayam at pagkatapos ay magsabatas sa pamamagitan ng ordinansa ng komprehensibong sistema na nangangasiwa at nagpapatupad, na kaugnay sa aktibidad hinggil sa medikal at hindi medikal na cannabis, at nang upang ang awtoridad sa paggawa ng batas sa cannabis ay mapanatili ng Konseho ng Lunsod at Alkalde;

Page 16: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

14TXTM-3-TA

SAMANTALANG, upang ang medikal na marihuwana ay makukuha ng mga pasyenteng nangangailangan sa mga ito, ang mga Negosyo ng medikal na marihuwana na nagpapatakbo na bilang pagsunod sa limitadong kalayaan at mga probisyon ng buwis ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles mga Seksyon 45.19.6.3 at 21.50 sa isang lokasyon na kinikilala sa sertipiko ng pagpaparehistro sa buwis ng Negosyo na nasa file sa Lunsod ay dapat patuloy na magpatakbo hanggang ang mga lisensya at permiso ng Lunsod ay makukuha, at pagkatapos, maging priyoridad sa pagpoproseso ng mga aplikasyon para sa lisensya o permiso ng Lunsod ay dapat na maibigay sa mga Negosyong ito;

SAMANTALANG, ninanais din ng Lunsod na magpataw at makakuha ng pag-aproba ng botante sa rehimen ng buwis sa mga kabuuang natanggap sa iba’t ibang antas sa mga lumalahok sa komersyalisasiyon ng hindi medikal at medikal na cannabis, kabilang ang mga deribatibong produkto at serbisyo nito sa abot na pinahihintulutan ng anumang comprehensibong sistemang nangangasiwa na itinatag ng Lunsod; at

SAMANTALANG, ang rehimen ng buwis na iminungkahi ay tutulong sa Lunsod sa pagpapataas ng kita, pagpapabuti ng akseso, pagsukat ng pangkomersiyong paglago ng industriya ng cannabis at pagsuri sa pangangailangan ng higit pang mga patakaran o regulasyon upang mapigilan ang akseso ng mga menor de edad, mapabuti ang akseso para sa mga medikal na nangangailangan, at maprotektahan ang pampublikong kaligtasan, pampublikong kalusugan at ang kapaligiran;

NGAYON, SAMAKATWID,

ANG MGA TAO SA LUNSOD NG LOS ANGELESAY NAGTATALAGA NG SUMUSUNOD:

Seksyon 1. Ang ordinansang ito ay kikilalanin at tutukuyin bilang “Batas sa Pagpapatupad, Pagbubuwis, at Regulasyon ng Cannabis sa Los Angeles (CETRA).”

Sek. 2. Isang bagong seksyon 21.51 ay idinagdag sa Artikulo 1 ng Kabanata II ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles upang mabasa bilang:

SEK. 21.51. PAGBUBUWIS SA CANNABIS.

Wala sa Seksyon na ito ang dapat na maling maunawaan bilang nag-aatas sa Lunsod na pahintulutan, bigyan ng permiso, lisensyahan, awtorisahan, o kaya ay kontrolin ang cannabis, mga produkto ng cannabis o anumang negosyong kaugnay sa cannabis at/o mga produkto ng cannabis.

(a) Para sa layunin ng Seksyon na ito, ang mga sumusunod na mga salita at parirala ay bibigyang kahulugan bilang sumusunod:

1. “Cannabis” ay mangangahulugang lahat ng bahagi ng halamang Cannabis sativa Linnaeus, Cannabis indica, o Cannabis ruderalis, na pinalalago man o hindi; ang mga buto nito; ang resin, krudo man o ginawang puro, nakuha sa anumang bahagi ng halaman; at bawat nilalaman, pagmamanupaktura, asin, deribatibo, magkahalong sangkap, o paghahanda ng halaman, mga buto, resin, inihiwalay na resin, mga malago nang tangkay, langis o cake na ginawa mula sa mga buto ng halaman, at anumang iba pang nilalaman, pagmamanupaktura, asin, deribatibo, magkahalong sangkap, o paghahanda ng malago nang tangkay (maliban sa resin

Page 17: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

15TXTM-4-TA

na hinango mula rito), hibla, langis, o cake, o isterilisadong buto ng halaman na walang kakayahang tumubo, o industriyal na hemp, gaya ng binigyang kahulugan ng Seksyon 11018.5 ng Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan.

2. Ang “mga produkto ng cannabis” ay mangangahulugang anumang produkto na kinabibilangan ng cannabis na sumailalim sa proseso kung saan ang materyal ng halaman ay ginawang puro o anumang naturang porma upang mas mapahusay o maipahatid ang aktibong sangkap na cannabinoid.

3. Ang “pagtatanim” ay mangangahulugang pagtatanim, pagpapalago, pag-aani, pagpapatuyo, paggamot, paggagrado, o pagpuputol ng cannabis.

4. Ang “mga kabuuang natanggap” ay mangangahulugang parehong kahulugang gaya ng nakalagay sa Seksyon 21.00(a) ng Artikulong ito at kabibilangan nang walang limitasyon, bayad sa pagkamiyembro, halaga ng mga bigay na kontribusyon, nabawing halaga, halaga ng anumang buwis na ipinataw ng estado, county o distrito ng mabilis na transit ipinataw man sa nagtitingi o gumagamit, at anumang iba pang ari-ariang tinanggap ng negosyo sa ordinaryo nitong kurso.

5. Ang “lisensya” ay bubuuin ng (i) lisensya ng estado na inisyu sa ilalim ng Dibisyon 10 ng Kodigo ng Negosyo at mga Propesyon ng California, Kabanata 3.5 ng Dibisyon 8 ng Kodigo ng Negosyo at mga Propesyon ng California, o naturang iba pang naaangkop na awtorisasyon, permiso, o lisensya ng Lunsod (hindi kabilang ang sertipiko ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo na hindi dapat na maling maunawaan bilang permiso sa anumang paraan).

6. Ang “pagmamanupaktura” ay mangangahulugang pagtitimpla, paghahalo, paghahango, pagdadagdag, o iba pang paggawa, pagproseso, o paghahanda ng cannabis o mga produkto ng cannabis.

7. Ang “pagsusuri” ay mangangahulugang pagsasagawa ng pagsusuri sa cannabis at/o mga produkto ng cannabis sa laboratoryo ng pagsusuri na pinaniniwalaan ng katawang nagbibigay-kapangyarihan na malaya sa lahat ng iba pang mga taong kalahok sa pankomersiyo o medikal na cannabis, at nakarehistro sa Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng Estado.

8. Ang “laboratoryo ng pagsusuri” ay mangangahulugang isang pasilidad, entidad, o lugar sa Lunsod ng Los Angeles na naghahandog o nagsasagawa ng pagsusuri.

9. Ang “transportasyon” ay mangangahulugang paglipat ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis mula sa lugar ng isang taong may lisensya sa lokasyon ng isa pang taong may lisensya.

(b) Para sa mga layunin ng Seksyon na ito, ang buwis sa negosyo na ipapataw ay magiging mga sumusunod:

Page 18: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

16TXTM-5-TA

1. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyo ng pagsasagawa ng pagbebenta ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $100.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito. Ang pagbebenta ng medikal na cannabis ay bubuwisan gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.52 ng Artikulong ito.

2. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyo ng transportasyon ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $10.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito.

3. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyo ng pagsusuri sa cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $10.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito.

4. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyo ng pananaliksik sa cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $10.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito.

5. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyo ng pagmamanupaktura o pagtatanim ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $20.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito.

6. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyong kaugnay ng komersyalisasiyon ng cannabis at/o mga produkto ng cannabis na hindi partikular na binubuwisan sa ilalim ng Seksyon na ito ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $20.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito.

(c) Ang Opisina ng Pinansya ay dapat na magharap kada tatlong buwan ng mga ulat na nagsasabuod ng halaga ng mga buwis sa negosyo na nakolekta mula sa mga taong inilarawan sa subseksyon (b) ng Seksyon na ito kasama ang Konseho ng Lunsod, Alkalde, Kontroler, at Opisyal na Pampangasiwaan ng Lunsod simula ika-1 ng Abril, 2018.

(d) Ang lahat ng mga buwis sa negosyo ay magiging dapat na bayaran bawat tatlong buwan gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.04(b) ng Artikulong ito simula ika-1 ng Hulyo, 2018, na kabibilangan ng anumang mga buwis na inutang mula ika-1 ng Enero, 2018, at pagkatapos ay buwan-buwan gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.04(c) ng Artikulong ito simula ika-1 ng Hulyo, 2019.

(e) Ang Opisina ng Pinansya ay mag-aatas at magpapatupad ng isang makatwirang proseso, kabilang ang mga itinakdang panahon at magsisiguro ng mga kondisyon, kung saan ang bawat taong napapailalim sa buwis sa negosyo sa ilalim ng Seksyon na ito ay pahihintulutang magbayad, sa paraan ng pananalapi, sa halaga ng buwis sa negosyo na iniulat sa kanilang nakasulat na pahayag, gaya ng iniaatas sa ilalim ng Seksyon 21.14 ng Artikulong ito.

(f) Ang Direktor ng Pinansya ay maaaring mag-atas ng naturang mga karagdagang iniaatas o kondisyon, gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.15(h) ng Artikulong

Page 19: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

17TXTM-6-TA

ito, kapag naggagawad ng sertipiko ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo sa ilalim ng Seksyon 21.08 ng Artikulong ito tungkol sa sinumang taong napapailalim sa Seksyon na ito, na maaaring kabilangan ng isang apidabit ng pagsunod at/o katibayan ng lisensya. Ang sinumang taong gumagawa ng maling pahayag o maling pagkatawan sa anumang iniaatas na apidabit sa ilalim ng Seksyon na ito ay may maliit na pagkakasala sa batas.

(g) Magiging maliit na pagkakasala sa batas para sa sinumang taong nagpapatakbo ng isang negosyo ng hindi medikal na cannabis upang magpanatili o pagpakita ng sertipikado ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo para sa anumang klasipikasyong bukod sa nakatalaga dito para sa aktibidad ng pagnenegosyo ng hindi medikal na cannabis o upang magpanatili o magpakita ng natapos na, nasuspinde o kaya ay hindi balidong sertipiko ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo.

(h) Walang sertipiko sa pagpaparehistro ng buwis sa negosyo na inisyu para sa mga layunin ng Seksyon na ito o pagbabayad ng anumang buwis na iniaatas sa ilalim ng Seksyon na ito ang dapat na maling maunawaan bilang nagpapahintulot sa pagsasagawa o pagpapatuloy ng anumang iligal na negosyo o ng legal na negosyo sa iligal na paraan. Wala sa Seksyon na ito ang nagpapahiwatig o nagpapahintulot ng anumang aktibidad na may koneksyon sa cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay ligal maliban kung pinahintulutan ng pederal o anumang iba pang naaangkop na batas.

(i) Ang bawat taong napapailalim sa Seksyon na ito ay dapat na magbayad ng buong buwis na ipinataw ng Seksyon na ito anuman ang diskwento, eksemsyon, insentibo, o iba pang pagbabawas na itinalaga sa ibang bagay sa Kodigong Munisipal, maliban kung iniaatas ng batas na pang-estado o pederal. Walang probisyon sa Kodigong Munisipal ang magbababa ng antas ng buwis na itinalaga sa Seksyon na ito o kaya magbawas ng halaga ng mga buwis na ibinayad dito maliban kung ang probisyon ay partikular na nagsasaad na ang pagbabawas ay naaangkop.

(j) Ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magpataw ng buwis na pinahintulutan ng Seksyon na ito sa mababang antas at maaaring magtatag ng mga eksemsyon, insentibo o iba pang mga pagbabawas gaya ng pinahintulutan ng Saligang-batas at batas ng estado. Walang aksyon ng Konseho sa ilalim ng talatang ito ang pipigil dito sa kinamamayaang pagtataas ng buwis o pagtatanggal ng anumang eksemsyon, insentibo, o pagbabawas at pagbabalik ng pinakamataas na buwis na tinukoy sa Seksyon na ito.

(k) Ang mga probisyon sa Seksyon na ito ay magiging epektibo sa ika-1 ng Enero, 2018.

Sek. 3. Isang bagong Seksyon 21.52 ay idinagdag sa Artikulo 1 ng Kabanata II ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles upang mabasa bilang:

SEK. 21.52 PAGBUBUWIS SA MEDIKAL NA CANNABIS.

Wala sa Seksyon na ito ang dapat na maling maunawaan bilang nag-aatas sa Lunsod na pahintulutan, bigyan ng permiso, lisensyahan, awtorisahan, o kaya ay kontrolin ang medikal na cannabis o anumang negosyong kaugnay sa medikal na cannabis.

(a) Para sa layunin ng Seksyon na ito, ang mga sumusunod na mga salita at parirala ay bibigyang kahulugan bilang sumusunod:

Page 20: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

18TXTM-7-TA

1. Ang “cannabis” ay magkakaroon ng parehong kahulugan gaya ng nakalagay sa Seksyon 21.51(a)(1) ng Artikulong ito.

2. Ang “mga produkto ng cannabis” ay magkakaroon ng parehong kahulugan gaya ng nakalagay sa Seksyon 21.51(a)(2) ng Artikulong ito.

3. Ang “mga kabuuang natanggao” ay magkakaroon ng parehong kahulugan gaya ng nakalagay sa Seksyon 21.51(a)(4) ng Artikulong ito.

4. Ang “lisensya” ay magkakaroon ng parehong kahulugan gaya ng nakalagay sa Seksyon 21.51(a)(5) ng Artikulong ito.

5. Ang “medikal na cannabis” ay mangangahulugang produktong naglalaman ng cannabis o mga produkto ng cannabis na ibinibenta para sa paggamit ng mga pasyente ng medikal na cannabis sa California alinsunod sa Batas sa Nakikiramay na Paggamit ng 1996 na matatagpuan sa Seksyon 11362.5 ng Kodigo ng Kalusugan at Kaligtasan ng California.

(b) Para sa mga layunin ng Seksyon na ito, ang buwis sa negosyo na ipapataw ay magiging mga sumusunod:

1. Ang bawat taong may lisensya na kalahok sa negosyo ng pagsasagawa ng pagbebenta ng medikal na cannabis ay magbabayad ng buwis sa negosyo ng $50.00 para sa bawat $1,000.00 ng mga kabuuang natanggap o bahagi nito.

(c) Ang Opisina ng Pinansya ay dapat na magharap kada tatlong buwan ng mga ulat na nagsasabuod ng halaga ng mga buwis sa negosyo na nakolekta mula sa mga taong inilarawan sa subseksyon (b) ng Seksyon na ito kasama ang Konseho ng Lunsod, Alkalde, Kontroler, at Opisyal na Pampangasiwaan ng Lunsod simula ika-1 ng Abril, 2018.

(d) Ang lahat ng mga buwis sa negosyo ay magiging dapat na bayaran bawat tatlong buwan gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.04(b) ng Artikulong ito simula ika-1 ng Hulyo, 2018, na kabibilangan ng anumang mga buwis na inutang mula ika-1 ng Enero, 2018, at pagkatapos ay buwan-buwan gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.04(c) ng Artikulong ito simula ika-1 ng Hulyo, 2019.

(e) Ang Opisina ng Pinansya ay mag-aatas at magpapatupad ng isang makatwirang proseso, kabilang ang mga itinakdang panahon at magsisiguro ng mga kondisyon, kung saan ang bawat taong napapailalim sa buwis sa negosyo sa ilalim ng Seksyon na ito ay pahihintulutang magbayad, sa gamit ng salapi, sa halaga ng buwis sa negisyo na iniulat sa kanilang nakasulat na pahayag, gaya ng iniaatas sa ilalim ng Seksyon 21.04 ng Artikulong ito.

(f) Ang Direktor ng Pinansya ay maaaring mag-atas ng naturang mga karagdagang iniaatas o kondisyon, gaya ng ipinagkaloob sa ilalim ng Seksyon 21.15(h), gaya ng kailangan kapag naggagawad ng sertipiko ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo sa ilalim ng Seksyon 21.08 ng Artikulong ito tungkol sa negosyong napapailalim sa Seksyon na ito, na maaaring kabilangan ng isang apidabit ng pagsunod at katibayan ng Lisensya. Ang sinumang taong gumagawa ng maling pahayag o maling pagkatawan sa anumang iniaatas na apidabit sa ilalim ng Seksyon na ito ay may maliit na pagkakasala sa batas.

Page 21: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

19TXTM-8-TA

(g) Magiging maliit na pagkakasala sa batas para sa sinumang taong nagpapatakbo ng isang negosyo ng medikal na cannabis upang magpanatili o pagpakita ng sertipikado ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo para sa anumang klasipikasyong bukod sa nakatalaga dito para sa aktibidad ng pagnenegosyo ng medikal na cannabis o upang magpanatili o magpakita ng natapos na, nasuspinde o kaya ay hindi balidong sertipiko ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo.

(h) Walang sertipiko sa pagpaparehistro ng buwis sa negosyo na inisyu para sa mga layunin ng Seksyon na ito o pagbabayad ng anumang buwis na iniaatas sa ilalim ng Seksyon na ito ang dapat na maling maunawaan bilang nagpapahintulot sa pagsasagawa o pagpapatuloy ng anumang iligal na negosyo o ng legal na negosyo sa iligal na paraan. Wala sa Seksyon na ito ang nagpapahiwatig o nagpapahintulot ng anumang aktibidad na may koneksyon sa cannabis at/o mga produkto ng cannabis ay ligal maliban kung pinahintulutan ng pederal o anumang iba pang naaangkop na batas.

(i) Ang bawat taong napapailalim sa Seksyon na ito ay dapat na magbayad ng buong buwis na ipinataw ng Seksyon na ito anuman ang diskwento, eksemsyon, insentibo, o iba pang pagbabawas na itinalaga sa ibang bagay sa Kodigong Munisipal, maliban kung iniaatas ng batas na pang-estado o pederal. Walang probisyon sa Kodigong Munisipal ang magbababa ng antas ng buwis na itinalaga sa Seksyon na ito o kaya magbawas ng halaga ng mga buwis na ibinayad dito maliban kung ang probisyon ay partikular na nagsasaad na ang pagbabawas ay naaangkop.

(j) Ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magpataw ng buwis na pinahintulutan ng Seksyon na ito sa mababang antas at maaaring magtatag ng mga eksemsyon, insentibo o iba pang mga pagbabawas gaya ng pinahintulutan ng Saligang-batas at batas ng estado. Walang aksyon ng Konseho sa ilalim ng talatang ito ang pipigil dito sa kinamamayaang pagtataas ng buwis o pagtatanggal ng anumang eksemsyon, insentibo, o pagbabawas at pagbabalik ng pinakamataas na buwis na tinukoy sa Seksyon na ito.

(k) Ang mga probisyon ng Seksyon na ito ay magiging epektibo sa ika-1 ng Enero, 2018, na sa panahong iyon ang wika ng Seksyon na ito ang mamumuno sa panahong ang anumang hindi pagkakasundo sa pagitan ng Seksyon na ito at ng Seksyon 21.50 tungkol sa pagbubuwis ng mga kolektibo ng medikal na marihuwana.

Sek. 4. Isang bagong Artikulo 5.2 ay idinagdag sa Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles upang mabasa bilang:

ARTIKULO 5.2

REGULASYON AT PAGPAPATUPAD NG CANNABIS

SEK. 45.19.7.1. PAGPAPAWALANG-BISA NG PROPOSISYON D (MEDIKAL NA MARIHUWANA).

Ang mga botante ng Lunsod ng Los Angeles ay nagpatibay sa Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles tungkol sa medikal na marihuwana (mga Seksyon 45.19.6 hanggang sa 45.19.6.9) bilang bahagi ng Proposisyon D, isang reperendum na isinumite sa mga botante ng Konseho ng Lunsod sa halalang idinaos noong ika-21 ng Mayo, 2013. Ang Konseho ay magpapatibay ng isang ordinansa na magpapawalang-bisa sa mga probisyong ito ng Proposisyon D (mga Seksyon 45.19.6

Page 22: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

20TXTM-9-TA

hanggang 45.19.6.9) epektibo sa ika-1 ng Enero, 2018, maliban kung ang Konseho ay nagpatibay ng isang Resolusyon, sa pamamagitan ng mayoriyang boto, na tumutukoy ng isa pang petsa para sa pagpapawalang-bisa. Ang Konseho ay magpapanatili at magkakaroon ng awtoridad na susugan, sa pamamagitan ng ordinansa, ang mga probisyong ito ng Proposisyon D bago ang pagpapawalang-bisa dito.

SEK. 45.19.7.2. ANG AWTORIDAD NG KONSEHO NA PANGASIWAAN ANG AKTIBIDAD TUNGKOL SA CANNABIS PAGKATAPOS NG MGA PAMPUBLIKONG PAGDINIG AT GAWING PRIYORIDAD ANG MGA DISPENSARYONG SUMUSUNOD SA PROPOSISYON D.

A. Awtoridad ng Konseho. Ang Lunsod ay nagpapanatili at mayroong kumpletong awtoridad na pangasiwaan ang lahat ng aspeto ng aktibidad na kaugnay sa cannabis, kabilang, nang walang limitasyon, ang awtoridad ng Konseho ng magpatibay ng mga ordinansang nagsususog ng alinman sa mga probisyon ng Artikulong ito at/o anumang iba pang probisyon ng batas ng Lunsod tungkol sa aktibidad na kaugnay sa cannabis, bukod sa mga probisyon sa pagbubuwis sa lawak ng pag-aproba ng botante ng anumang mga pagbabago sa mga probisyon ng pagbubuwis ay iniaatas sa ilalim ng Saligang-batas ng Estado.

B. Mga Pampublikong Pagdinig. Nilalayon ng Lunsod na magpatibay ng komprehensibong proseso at istruktura ng pagkontrol para sa lahat ng aktibidad na kaugnay sa cannabis bago ang ika-30 ng Setyembre, 2017. Bago ang paglikha ng komprehensibong proseso at istruktura ng pagkontrol para sa pagtatanim, pagpoproseso, pamamahagi, pagbebenta at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa cannabis, kabilang ang pagpapatupad ng anumang paglilisensya at kaugnay na pangangasiwa (halimbawa, ang “komersyalisasiyon” ng cannabis), ang Konseho ay magtitipon ng mga pampublikong pagdinig sa Lunsod na kinabibilangan ng mga nakataya sa proseso ng pagbubuo ng mga patakaran, regulasyon at ordinansang kailangan upang makontrol ang ligtas na komersyalisasiyon ng cannabis, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga Konseho ng Kapitbahayan, opisyal ng pulisya, opisyal ng paaralan, opisyal ng probasyon, sibiko at serbisyong organisasyon, kamara ng komersyo, mga industriyang may kaugnayan sa cannabis at iba pa. Ang mga pampublikong pagdinig ay kabibilangan ng konsiderasyon at subok na resolusyon ng mga bagay kabilang ang:

1. Mga batas tungkol sa kung sino ang maaaring maging kwalipikado sa pagpapatakbo ng anuman sa mga bahagi ng komersyalisasiyon ng cannabis;

2. Mga parusa, multa, at iba pang mga paraan ng pagpapatupad na kailangan upang masiguro ang mahigpit na pagsunod sa paglilisensya upang maiwasan ang labag sa batas na pamamaraan ng mga aktibidad na may kaugnayan sa cannabis sa Lunsod;

3. Regulasyon ng transportasyon ng mga produkto ng cannabis sa loob ng Lunsod;

4. Paglulugar ng lahat ng mga gusali at pasilidad na kaugnay sa lahat ng mga bahagi ng komersyalisasiyon ng cannabis;

5. Pagpigil sa labis na konsentrasyon ng mga negosyong kaugnay sa komersyalisasiyon ng cannabis;

6. Ang mga pagpapasiya sa anumang kailangang mga iniaatas sa paggamit ng lupa kagaya ng mga distansya sa mga paaralan, parke, aklatan, tirahan, tindahan

Page 23: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

21TXTM-10-TA

ng alak, tindahang nagbebenta ng kendi sa mga bata, at iba pang mga naturang bagay na nakakaapekto sa mga lokasyon ng mga tindahan at pasilidad na kaugnay sa komersyalisasyon ng cannabis;

7. Mga panukalang naaayon sa saligang-batas at naaangkop tungkol sa pag-aanunsyo ng komersyalisasiyon ng cannabis sa paraang magbabawal sa paglalantad sa sinumang nasa edad na mababa sa 21;

8. Ini-update na pagsasanay at mga protokol upang mabigyang kakayahan ang mga opisyal ng pulisya na magpatupad ng mga batas laban sa pagmamaneho habang nasa impluwensya ng cannabis;

9. Mga iniaatas para sa mga ahensyang nagpaparenta ng sasakyan, partikular na sa mga paliparan, na payuhan ang mga bumibisita sa Lunsod tungkol sa mga patakaran tungkol sa pagmamaneho habang nasa impluwensya, at iba pang mga regulasyon hinggil sa cannabis, na maaaring hindi nalalaman ng mga bumibisita;

10. Mga makasaysayang isyu ng panlipunang pagkakapantay-pantay at panlipunang katarungan na may kaugnayan sa komersyalisasiyon ng cannabis;

11. Mga isyu tungkol sa kung paano tutugunan ng Lunsod ang pagsunod, mga reklamo, at mga pamamaraang sibil at kriminal na may kaugnayan sa mga dispensaryo ng medikal na marihuwana sa ilalim ng Proposisyon D; at

12. Anuman at lahat ng iba pang mga isyu na maaaring lumabas tungkol sa komersyalisasiyon ng cannabis sa Lunsod.

C. Priyoridad sa mga Dispensaryong Sumusunod sa Proposisyon D. Ang kasalukuyang dispensaryo ng medikal na marihuwana (“EMMD”) na pinapatakbo bilang pagsunod sa mga probisyon ng limitadong kalayaan (Kodigong Munisipal ng Los Angeles 45.19.6.3) at mga probisyon ng buwis (Kodigong Munisipal ng Los Angeles Seksyon 21.50) ng Proposisyon D, ay maaaring magpatuloy na pagpatakbo sa loob ng Lunsod sa isang lokasyon na tinukoy sa orihinal o sinusog nitong sertipiko ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo hanggang sa panahong ang EMMD ay magagamit at makakatanggap ng pinal na tugon sa aplikasyon nito para sa permit o lisensya ng Lunsod para sa pangkomersyong aktibidad hinggil sa cannabis sa isinasagawa sa lokasyong iyon. Ang itinalagang ahensya ng pagbibigay ng lisensya o permiso ng Lunsod ay dapat na magbigay ng priyoridad sa pagpoproseso ng mga aplikasyon ng mga EMMD na makakapagpakita sa ahensya ng pagbibigay ng lisensya o permiso ng Lunsod na ang EMMD ay nakapagpatakbo habang sumusunod sa limitadong kalayaan at mga probisyon ng buwis ng Proposisyon D. Upang makuha ang mga termino ng Seksyon na ito, kabilang ang priyoridad na pagpoproseso, ang isang EMMD ay dapat na mag-aplay para sa permiso o lisensya ng Lunsod sa loob ng anim na pung araw ng kalendaryo ng unang petsa na kung saan ang mga aplikasyon ay makukuha para sa pagkomersyong aktibidad hinggil sa cannabis. Kung ang Lunsod ay nag-isyu sa EMMD ng lisensya o permiso para sa pangkomersyong aktibidad hinggil sa cannabis, ang EMMD ay magpapatuloy sa pagpapatakbo sa lokasyon nito sa loob ng Lunsod alinsunod sa mga patakaran at regulasyon na itinalaga ng Lunsod.

Page 24: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

22TXTM-11-TA

SEK. 45.19.7.3. PAGPAPATUPAD, MGA PARUSA AT PAGPUTOL NG KONEKSYON NG MGA UTILIDAD PARA SA LABAG SA BATAS NA AKTIBIDAD NA MAY KAUGNAYAN SA CANNABIS.

A. Ang Seksyon na ito ay epektibo sa ika-1 ng Enero, 2018 at gagamitin sa lahat ng mga entidad at taong kalahok sa aktibidad na may kaugnayan sa medikal at/o hindi medikal na cannabis, na ligal na inaatasan, ngunit walang, lisensya, permiso o awtorisasyon ng Lunsod (“Establisimiyento”).

B. Labag sa batas ang: (1) Magmay-ari, magtalaga o magpatakbo ng isang Establisimiyento, (2) Sumali bilang empleyado, kontratista, ahente o boluntaryo o sa anumang iba pang kapasidad sa isang Establisimiyento, (3) Gumamit ng anumang bahagi o bahagi ng anumang parsela ng lupa bilang isang Establisimiyento, o ang (4) Magrenta, magparenta, o kaya ang pahintulutan ang Establisimiyento na sakupin ang anumang parsela o bahagi ng parsela ng lupa.

C. Ang paglabag sa subseksyon B ay isang pampublikong sagabal at maaaring mapigilan ng Lunsod o ng Abugado ng Lunsod, sa ngalan ng mga tao ng Estado ng California, bilang isang sagabal sa pamamagitan ng kautusang pagpigil, pag-aatas o iba pang mga kautusan o paghatol sa batas o ekwidad na inisyu ng korte ng may kakayahang hurisdiksiyon. Ang Lunsod o Abugado ng Lunsod, sa ngalan ng mga tao ng Estado ng California, ay maaaring maghangad ng tulong mula sa hukuman upang pagsamahin ang mga paglabag ng, o puwersahin ang pagsunod sa Seksyon na ito o maghangad ng anumang iba pang tulong o remedyo na makukuha sa batas o ekwidad. Ang bawat araw na nagpapatuloy ang paglabag ay ituturing na bago at hiwalay na sala at napapailalim sa pinakamataas na sibil na parusang $20,000 para sa bawat sala.

D. Ang sinumang taong lumalabag sa subseksyon B ay dapat na mabigyan ng maliit na parusa ng multa ng hindi hihigit sa $1,000.00 o ng pagkakabilanggo sa Kulungan ng County nang hindi hihigit sa anim na buwan, o sa pamamagitan ng parehong multa at pagkakabilanggo. Ang bawat araw na nagpapatuloy ang paglabag ay ituturing na bago at hiwalay na sala.

E. Ang Kagawaran ng Tubig at Kuryente ay inaawtorisahang putulin ang koneksyon ng mga utilidad para sa mga Establisimiyento. Ang mga kalagayan at paraan kung saan ang pagputol ng koneksyon ay mangyayari ay tutukuyin ng Konseho ng Lunsod pagkatapos makuha ang pananaw ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente.

F. Ang mga remedyong tinukoy sa Seksyon na ito ay naiipon at karagdag sa anumang iba pang mga remedyong makukuha sa ilalim lokal na batas o ng estado para sa paglabag ng Kodigong ito.

G. Wala sa Seksyon na ito ang dapat na maling maunawaan bilang nag-aatas sa Lunsod na pahintulutan, bigyan ng permiso, lisensyahan, awtorisahan o kaya ay kontrolin ang medikal o hindi medikal na cannabis, o nagpapaikli sa kapangyarihan ng pulisya ng Lunsod patungkol sa pagpapatupad hinggil sa medikal o hindi medikal na cannabis.

Sek. 5. Wala sa ordinansang ito ang nilalayong maging salungat sa batas ng estado o magpawalang-bisa sa kapangyarihan ng lokal na pulisya at/o awtoridad ng tsarter na lunsod na hango sa Saligang-batas ng California.

Page 25: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

23TXTM-12-TA

Sek. 6. Pagsusog sa Hinaharap. Ang Lunsod ay nagpapanatili at mayroong ganap na awtoridad na pangasiwaan ang lahat ng aspeto ng aktibidad na may kaugnayan sa cannabis, kabilang, nang walang limitasyon, ang awtoridad ng Konseho na magpatibay ng mga ordinansang nagsususog sa alinman sa mga probisyon ng ordinansang ito, alinman sa mga probisyon ng Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles tungkol sa medikal na marihuwana na pinagtibay ng mga botante bilang bahagi ng Proposisyon D sa halalang idinaos noong ika-21 ng Mayo, 2013 (mga Seksyon 45.19.6 hanggang 45.19.6.9) bago ang pagpapawalang-bisa ng mga probisyong iyon, at/o anumang iba pang probisyon ng Lunsod tungkol sa aktibidad na may kaugnayan sa cannabis maliban sa hanggan ng pag-aproba ng botante ng anumang mga pagbabago sa mga probisyon ng pagbubuwis na iniaatas sa ilalim ng Saligang-batas ng Estado.

Sek. 7. Mga Magkakumpitensyang Panukala. Sa pagkakataong ang panukalang ito at anumang iba pang panukala na may kaugnayan sa anumang paraan sa regulasyon ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles ay isinumite sa mga botante ng Lunsod ng Los Angeles sa parehong balota, ang lahat ng mga probisyon ng iba pang panukala ay ituturing na kumpleto at ganap na salungat sa panukalang ito. Sa pagkakataon na ang panukalang ito ay tumanggap ng mas malaking bilang ng mga positibong boto kaysa sa ibang panukala, ang mga probisyon ng panukalang ito ay mananaig sa kanilang kabuuan sa lahat ng mga probisyon ng iba pang panukala at ang ibang panukala ay magiging walang bisa at hindi balido.

Sek. 8. Kakayahang Maihiwalay. Kung anumang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala o bahagi ng panukalang ito ay naituring na hindi naaayon sa saligang-batas o hindi balido o hindi maipapatupad ng anumang korte o tribunal ng mga may kakayahang hurisdiksiyon, ang mga natitirang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala o bahagi ng panukalang ito ay mananatiling nasa buong puwersa at epekto, at sa layuning ito ang mga probisyon ng panukalang ito ay maihihiwalay. Bilang karagdagan, ang mga botante ay magdedeklara na kanilang ipapasa ang lahat ng mga seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala o bahagi ng panukalang ito nang wala ang mga seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala o bahaging itinuring na hindi naaayon sa saligang-batas o hindi balido.

Sek. B. Ang Klerk ng Lunsod sa pamamagitan nito ay inaawtorisahan at dinidirektahang maglathala ng paunawang naglalaman ng iminungkahing panukala sa balota, na tumutukoy sa petsa ng ika-7 ng Marso, 2017, sapagkat ang petsa ng panukala ay pagbobotohan ng mga kwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles. Ang paunawa ay ilalathala nang isang beses sa pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon sa Lunsod ng Los Angeles, at sa bawat edisyon doon sa araw na iyon ng paglalathala. Ang Klerk ng Lunsod ay inaawtorisahan at dinidirektahang maghanda at magpanatili sa opisina ng Klerk ng Lunsod ng sapat na suplay ng mga kopya ng mga iminungkahing panukala sa balota at magpamahagi ng iminungkahing panukala sa balota sa sinuman at lahat ng mga taong humihiling ng kopya. Dagdag dito, ang Klerk ng Lunsod ay inaawtorisahan at dinidirektahang magpadala sa koreo ng mga kopya ng iminungkahing panukala sa balota sa bawat kwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles.

Sek. C. Ang Klerk ng Lunsod sa pamamagitan nito ay inaawtorisahan at dinidirektahang magdulot ng pagpapalathala ng paunawa nang isang beses sa pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon kung saan ang mga kopya ng pamplet ng impormasyon sa botante na naglalaman ng iminungkahing panukala sa balota ay maaaring makuha sa kahilingan ng opisina ng Klerk ng Lunsod.

Sek. D. Ang Klerk ng Lunsod ay maghaharap ng sertipikadong kopya gaya ng nararapat ng Resolusyon na ito kaagad-agad sa Lupon ng mga Superbisor at sa Tagapagparehistro-Tagapagtala ng County ng Los Angeles.

Page 26: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

24TQN-TA

MGA PERMISO, REGULASYON AT PAGBUBUWIS SA MGA GAWAING HINGGIL SA MARIHUWANA. INISYATIBONG ORDINANSA N.

Dapat bang pagtibayin ang ordinansang nagtatatag ng Lunsod na nagpapahintulot ng programa para sa gawaing hinggil sa cannabis, na magbibigay priyoridad sa kasalukuyang mga negosyo sa medikal na marihuwana na sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod (mga MMB) at magpapanatili sa 135 dispensaryo sa Lunsod maliban kung pinarami ng Konseho ng Lunsod, kabilang ang: 1) pagpapahintulot sa Lunsod na mag-isyu ng mga permiso para sa gawaing hinggil sa cannabis kabilang ang pagtatanim, pagmamanupaktura at pagbebenta ng medikal na marihuwana; 2) pagbibigay ng limitadong panahon sa mga kasalukuyang sumusunod na MMB upang magparehistro para sa mga unang permiso para sa partikular na gawaing hinggil sa marihuwana o ibang priyoridad sa proseso ng pagbibigay ng permiso; 3) pagpapahintulot ng pinahintulutang gawaing hinggil sa marihuwana sa ilang mga sonang hindi-residensyal; 4) pagbibigay ng mga pamantayan sa pagpapatakbo at mga iniaatas sa pinakamaikling distansya mula sa mga paaralan at iba pang mga lugar; 5) pagpapahintulot ng mga multa at iba pang mga parusa para sa mga hindi pinahintulutang gawaing hinggil sa marihuwana ngunit lilimitahan ang mga pamamaraan sa pagpapatupad para sa mga paglabag sa ordinansa ng mga may hawak ng permiso; at 6) pagpapahintulot sa mga may hawak ng permiso na magpatakbo ng mga negosyo ng marihuwana para sa paggamit ng mga may sapat na gulang at pagpataw ng buwis ng $80 sa bawat $1,000 ng kabuuang natanggap mula sa mga pagbebenta ng marihuwana para sa paggamit ng mga may sapat na gulang kung ang batas ng estado ay magbabago upang pahintulutan ang hindi pangmedikal na paggamit ng marihuwana ng mga may sapat na gulang?

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUOD NI SHARON M. TSO, PUNONG PAMBATASANG MANUNURI

Ito ay isa sa dalawang naglalabang panukala sa balota na nagmumungkahing pangasiwaan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles. Ang panukalang ito ay isang inisyatibong ordinansa. Ang ibang panukala sa balota ay isang proposisyong iniisponsor ng Lunsod.

Itong iniisponsor-ng-mamamayan na inisyatibo sa balota, kung aprobahan, ay magtatatag ng isang sistema ng pagbibigay ng permiso at isang balangkas sa pangangasiwa na nagpapahintulot ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles, nagbibigay ng priyoridad sa paglilisensiya sa mga negosyong medikal na cannabis at nagpapanatili ng hindi kukulangin sa 135 dispensaryo sa Lunsod maliban kung ang bilang na iyon ay dagdagan ng Konseho ng Lunsod. Ang inisyatibong ito ay magpapahintulot ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod, at magtatatag ng isang bagong Kagawaran ng Regulasyon ng Marihuwana ng Los Angeles upang mag-isyu ng mga permiso at magpatupad ng mga regulasyon para sa mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis. Ang inisyatibong ito ay magtatatag din ng isang buwis na $80 kada $1,000 ng kabuuang mga natanggap mula sa pagbebenta ng panlibangang cannabis at magtatatag ng tinukoy na mga tuntunin sa pagsosona para sa lokasyon ng mga negosyo ng pangkomersiyong cannabis, na may ilang mga eksepsiyon para sa mga kasalukuyang lokasyon. Tatakdaan ng pagpasa nitong inisyatibong ordinansa ang kakayahan ng Konseho at ng Alkalde na lumikha o magbago ng mga tuntunin o gawan ng pagbabago ang mga mekanismo sa pagpapatupad para sa pagpapatakbo ng mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis.

Noong 2015, ipinasa ng lehislatura ng Estado ang “Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Cannabis” na lumikha ng bagong mga iniaatas sa paglilisensiya para sa mga negosyong medikal na

N

Page 27: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

25TQN-TA

cannabis. Noong Nobyembre 2016, inaprobahan ng mga botante ng California ang “Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana (AUMA),” na ginawang ligal ang panlibangang paggamit ng cannabis. Ang mga batas na ito ay nagtatag din ng mga karapatan ng mga lokal na pamahalaan na pangasiwaan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa kanilang mga hurisdiksiyon. Bago ang pagpasa ng mga batas na ito, ang mga lokal na hurisdiksiyon ang nangangasiwa ng aktibidad na ito sa iba’t ibang mga paraan. Sa Lunsod ng Los Angeles, ang Proposisyon D, ipinasa ng mga botante noong Mayo 2013, ay nagpapahintulot sa mga partikular na dispensaryo ng medikal na cannabis na magpatakbo na may posibleng limitadong pagkalibre mula sa pagpapatupad. Sa pagpasa nitong mga batas ng Estado, ang Lunsod ay maaaring magtatag ng isang bagong balangkas ng pangangasiwa o lubos na magbawal ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis. Papalitan ng inisyatibong ito ang Proposisyon D ng isang bagong balangkas ng pangangasiwa na nagpapahintulot ng iba’t ibang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles.

Ang inisyatibong ito ay maggagawad ng priyoridad sa paglilisensiya at ibang mga pagtatangi sa mga dispensaryong nagpapatakbo sa ilalim ng Proposisyon D kung ang mga ito ay lubos na sumusunod sa batas, gaya ng tinukoy sa inisyatibo. Ang mga negosyong sumusunod sa Proposisyon D ay bibigyan ng priyoridad na mag-aplay para sa isang permiso para sa pagkakaloob o loob-ng-lugar na pagtatanim ng cannabis hanggang ika-31 ng Disyembre, 2019. Ang inisyatibong ito ay magpapahintulot din sa mga humahawak ng permiso sa pangkomersiyong aktibidad ng medikal na cannabis na magbenta ng panlibangang cannabis gaya ng ipinahihintulot sa ilalim ng AUMA, at magpapahintulot sa mga lisensiyadong negosyong cannabis na ilipat ang kanilang mga lisensiya sa mga bagong opereytor.

Ang inisyatibong ito ay nagtatatag ng mga regulasyon para sa pagpapatakbo ng mga negosyong pangkomersiyong cannabis, kabilang ang mga iniaatas na pagsusuri ng nakaraan para sa mga empleyado at opereytor, mga iniaatas sa seguridad, mga pangkaraniwang oras ng pagpapatakbo at mga iniaatas sa mga distansiya mula sa mga paaralan o ibang mga pasilidad ng sensitibong paggamit at mula sa ibang mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis, na may ilang mga pagkalibre sa paggamit ng lupa para sa ilang mga negosyong sumusunod sa Proposisyon D. Ang inisyatibong ito ay nagpapahintulot ng iba’t ibang uri ng ibang mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis, kabilang ang pagmanupaktura, pagsubok, pamamahagi at paglipat.

Ang inisyatibong ito ay lumilikha ng isang dalawang-baitang na sistema ng pagpapatupad. Para sa di-ipinahihintulot na pangkomersiyong aktibidad ng cannabis, ang inisyatibo ay nagpapahintulot ng mga parusa, at ang mga lumabag ay maaaring sumailalim sa mga hablang misdemenor, mga pamamaraan at multa sa pagpapagaan sa panggugulo. Para sa mga humahawak ng permiso, ang isang paglabag ay magreresulta sa isang ‘liham ng pagwawasto,’ ang isang ikalawang paglabag sa isang dalawang-taong panahon ay maaaring magresulta sa isang pagsuway, ang isang ikatlong paglabag sa isang pagsuspinde ng permiso at ang isang ikaapat na paglabag sa posibleng mga hablang misdemenor, mga pamamaraan sa pagpapagaan ng panggugulo o pagpapawalang-bisa ng permiso.

Kung ang pareho ng mga naglalabang panukala sa balota ay aprobahan ng isang mayoriya ng mga botante, ang panukala sa balota na tumanggap ng pinakamaraming boto ay magkakabisa.

Page 28: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

26TQN-TA

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPINI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA PAMPANGASIWAAN NG LUNSOD

Ang panukalang ito ay magtatatag ng isang bagong programang permiso para sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa Lunsod at lilikha ng isang bagong Kagawaran ng Regulasyon ng Marihuwana. Bilang karagdagan, ang isang bagong antas ng buwis sa kabuuang mga natanggap para sa pagbebenta ng panlibangang cannabis ay itatakda sa 8% at ang kasalukuyang antas para sa pagbebenta ng medikal na cannabis ay mananatiling hindi nagbabago sa 6%.

Ang epekto ng panukalang ito ay hindi masusukat sa kasalukuyan. Ang kita mula sa mga bagong permiso, bayad at multa na ipinatutupad para sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis at kita sa buwis mula sa pagbebenta ng panlibangang cannabis ay maaaring makapalit sa mga gastos para sa isang bagong kagawaran at pinalawak na mga pagsisikap sa pangangasiwa at pagpapatupad.

Ang panukala ay naglilimita sa mga permiso sa 135 establisamiyento ng cannabis, maliban kung dagdagan sa ibang paraan ng Lunsod. Ang mga kasalukuyang dispensaryo na sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod ay maaaring gawaran ng isang priyoridad sa paglilisensiya.

Ang kita sa buwis sa kabuuang natanggap ay idedeposito sa Pangkalahatang Pondo at gagamitin upang pondohan ang pulisya, bumbero, mga serbisyo sa kalye, mga parke, mga aklatan at ibang mga pangkalahatang layunin sa buong Lunsod.

Page 29: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

27AFN-TA

PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA N

Mga Permiso, Regulasyon at Pagbubuwis sa Aktibidad ng Cannabis. Inisyatibong Ordinansa N

Bilang opisyal na mga may-panukala ng Inisyatibong Ordinansa N, hindi na kami naniniwala na ang panukalang ito ay makabubuti sa Lunsod.

Dahil doon, malakas naming hinihimok kayo na BUMOTO NG HINDI SA INISYATIBONG ORDINANSA N.

Sa halip, kami ay naniniwala na ang inisyatibong Ordinansa M ay mas mahusay para sa Lunsod, at dahil doon ay hinihimok namin kayo na BUMOTO NG OO SA INISYATIBONG ORDINANSA M.

MGA TAONG PUMIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA N

KERRIE RANDOLPHMay-panukala ng Inisyatibong Ordinansa N

DIANA DE LA MORAMay-panukala ng Inisyatibong Ordinansa N

CARLOS DELATORREMay-panukala ng Inisyatibong Ordinansa N

GAIL MACKENZIE-SMITHMay-panukala ng Inisyatibong Ordinansa N

COREY SCHWARTZMay-panukala ng Inisyatibong Ordinansa N

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 30: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

28AAN-TA

PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA N

Kahit ang mga orihinal na tagasuporta ng Inisyatibong Ordinansa N ay sumasang-ayon ngayon na ang Proposisyon M ay gagawin ang Los Angeles na isang mas ligtas at mas protektadong lunsod at hinihimok kayo na

BUMOTO NG OO sa M at HINDI sa N.

• Ang Inisyatibong Ordinansa N ay lilikha ng isang monopolyo sa mga lisensiya upang magbenta ng marihuwana at ibagsak ang anumang kompetisyon.

• Ang Inisyatibong Ordinansa N ay magbubukas ng mga tindahan ng marihuwana sa loob ng dalawang bloke ng isang paaralan.

• Ang Inisyatibong Ordinansa N ay magbubukas ng mga tindahan ng marihuwana sa loob ng isang bloke ng mga parke, palaruan, simbahan, sentro ng kabataan o pasilidad ng pag-aalaga ng bata.

• Ang Inisyatibong Ordinansa N ay magpapahintulot ng pag-anunsiyo ng mga produktong marihuwana kung saan ito ay makikita ng mga bata at tinedyer.

• Ang Inisyatibong Ordinansa N ay magpapataw ng magagaan na parusa kung sila ay lumabag sa mga regulasyon ng lunsod na sumasaklaw sa kanilang mga tindahan ng marihuwana.

• Ang Inisyatibong Ordinansa N ay isinulat nang hindi sumasangguni sa mga opisyal ng pagpapatupad ng batas, mga lokal na konseho ng kapitbahayan, mga kapisanan ng may-ari ng bahay, mga edukador o mga opisyal sa kapakanan ng bata tungkol sa kung ano ang sa palagay nila ay pinakamahusay para sa lunsod at sa mga residente nito.

Ang Inisyatibong Ordinansa N ay isinulat nang walang ambag mula sa mga residente, mga tagapagpatupad ng batas, at mga negosyo sa lunsod.

BUMOTO NG HINDI sa INISYATIBONG ORDINANSA N.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 31: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

29AAN-TA

MGA TAONG PUMIRMA SA PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA N

JILL BANKS BARADTagapagtatag at TagapanguloAlyansa ng mga Konseho ng Kapitbahayan ng Valley

CRAIG LALLYPresidenteNagpoprotektang Liga ng Pulisya ng Los Angeles

MARY LESLIEPresidenteKonseho ng Negosyo ng Los Angeles

CHARLIE BECKHepe ng PulisyaLunsod ng Los Angeles

YAMILETH BOLAÑOSTagapagtaguyod ng Medikal na Marihuwana

MINNIE HADLEY-HEMPSTEADPresidenteNAACP Los Angeles

STEVEN K. LUBELLKomisyonado (retirado)Hukumang Superyor ng California

RUSTY HICKSTagapagpaganap na Kalihim-Ingat-yamanPederasyon ng Paggawa ng County ng Los Angeles

Page 32: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

30TXTN-1-TA

INISYATIBONG ORDINANSA N

MGA PERMISO AT REGULASYON NG AKTIBIDAD NG CANNABIS. INISYATIBONG ORDINANSA.

Ang ordinansang ito ay magtatatag ng isang programa sa pagbibigay ng permiso ng Lunsod para sa aktibidad ng cannabis, nagbibigay ng priyoridad sa kasalukuyang mga negosyong medikal na marihuwana na sumusunod sa kasalukuyang batas ng Lunsod (mga MMB) at nagpapanatili ng 135 dispensaryo sa Lunsod maliban kung dagdagan ng Konseho ng Lunsod. Ang ordinansa ay: 1) magpapahintulot sa Lunsod na mag-isyu ng mga permiso para sa aktibidad ng cannabis kabilang ang pagtatanim, pagmanupaktura at pagbebenta ng medikal na cannabis; 2) magkakaloob sa kasalukuyang sumusunod na mga MMB ng isang limitadong panahon upang magparehistro para sa mga unang permiso para sa tinukoy na aktibidad ng cannabis at ibang priyoridad sa proseso ng pagbibigay ng permiso; 3) papayagan ang ipinahihintulot na aktibidad ng cannabis sa partikular na di-pantahanang mga sona; 4) magkakaloob ng mga pamantayan sa pagpapatakbo at mga iniaatas na pinakamababang distansiya mula sa mga paaralan at ibang mga lugar; 5) magpapahintulot ng mga multa at ibang mga parusa para sa di-ipinahihintulot na aktibidad ng cannabis pero naglilimita sa mga pamamaraan ng pagpapatupad para sa mga paglabag sa ordinansa ng mga humahawak ng permiso; at 6) magpapahintulot sa mga may-permiso na magpatakbo bilang mga negosyong marihuwana para sa paggamit ng may sapat na gulang at magpapataw ng isang buwis sa negosyo na $80 kada $1,000 ng kabuuang mga natanggap mula sa pagbebenta ng marihuwana para sa paggamit ng may sapat na gulang kung ang batas ng estado ay nagbago upang ipahintulot ang di-medikal na paggamit ng may sapat na gulang ng marihuwana.

ORDINANSA BLG. ______________

ITINATAKDA NG MGA TAO SA LUNSODNG LOS ANGELES ANG SUMUSUNOD:

Seksyon 1. Titulo.

Ang panukalang ito ay dapat makilala at maaaring tawaging “Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Marihuwana ng Los Angeles.”

Sek. 2. Ipinasiya at mga Pagpapahayag.

(a) Noong 1996, ginawang legal ng mga botante ng Estado ng California ang cannabis para sa mga layuning medikal sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Batas ng 1996 sa Mahabaging Paggamit (mula ngayon, ang “CUA”) (isinakodigo bilang Seksyon 11362.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan). Sa pagsasabatas ng CUA, ang mga botante ng Estado ay naghangad na (A) tiyakin na “Ang mga Taga-California ay may karapatang kumuha at gumamit ng marihuwana para sa mga layuning medikal”; (B) tiyakin na ang “mga pasyente at ang kanilang mga pangunahing tagabigay ng pag-aalaga na kumukuha at gumagamit ng marihuwana para sa layuning medikal sa rekomendasyon ng isang doktor ay hindi sumasailalim sa pag-uusig o parusa na pangkrimen”; at (C) “himukin ang pederal at pang-estadong mga pamahalaan na magpatupad ng isang plano upang magkaloob ng ligtas at abot-kayang pamamahagi ng marihuwana sa lahat ng mga pasyente na may pangangailangang medikal na marihuwana.”

(b) Noong 2003, ang Lehislatura ng California ay nagsabatas ng Batas sa Programang Medikal na Marihuwana (mula ngayon, ang “MMPA”) (isinakodigo sa Seksyon 11362.7 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan) na nagpapahintulot sa mga kuwalipikadong pasyente at sa kanilang mga pangunahing tagabigay ng pag-aalaga na magsama-sama nang kolektibo o nagtutulungan upang magtanim ng medikal na cannabis nang hindi isinasailalim sa pag-uusig na pangkrimen.

Page 33: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

31TXTN-2-TA

(c) Ang pagpapahintulot ng MMPA sa mga proyektong pagtatanim nang kolektibo at nagtutulungan ay nagpahintulot ng mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa buong California at partikular sa Lunsod ng Los Angeles, ang MMPA ay hindi malinaw na nangangasiwa sa paraan ng pagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis.

(d) Ang mga lokal na pamahalaan ay hinimok na pangasiwaan ang aktibidad ng cannabis sa ilalim ng MMPA. (Tingnan ang § 11362.83. ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan)

(e) Ang Korte Suprema ng California ay nagpasiya sa Lunsod ng Riverside laban sa Inland Empire Patients Health & Wellness Ctr., Inc. (2013) 56 Cal.4th 729, na ang alinman sa CUA o MMPA ay hindi “humahadlang sa awtoridad ng mga lunsod at county ng California, sa ilalim ng kanilang tradisyunal na mga kapangyarihan sa paggamit ng lupa at pagbabantay, upang ipahintulot, takdaan, limitahan, o lubos na pigilan ang mga pasilidad na namamahagi ng medikal na marihuwana, at upang ipatupad ang mga naturang patakaran sa pamamagitan ng mga nakagugulong aksyon.” (Id. sa p. 512.)

(f) Noong Agosto 2007, ang Lunsod ay nagsabatas ng Pansamantalang Pagkontrol na Ordinansa 179027 (mula ngayon, ang “ICO”), na nagbabawal sa mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis pero pinalilibre sa pagbabawal na iyon ang partikular na kasalukuyang mga pasilidad na napapanahong nagparehistro sa Klerk ng Lunsod (mula ngayon, “Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis”).

(g) Noong Enero 2010, ang Lunsod ay nagsabatas ng Medikal na Marihuwana na Ordinansa 181069 na sa dakong huli ay sinusugan sa pamamagitan ng Pansamantalang Mahigpit na Pangangailangan na Ordinansa 181530 noong 2011 (“TUO”), na nagdagdag ng Artikulo 5.1 sa Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles. Pagkatapos ng isang serye ng mga habla at mga desisyon ng hukuman, ang Lunsod ay nagsabatas ng Ordinansa 182190 (mula ngayon, ang “Malumanay na Pagbabawal”) noong Agosto 2012, na nagbabawal sa lahat ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na may limitadong mga eksepsiyon para sa mga yunit na tirahan na ginagamit ng tatlo o mas kaunting kuwalipikadong mga pasyente, hospisyo, at lisensiyadong mga klinika, mga pasilidad ng pag-aalaga at mga ahensiya ng kalusugan sa tahanan.

(h) Ang mga botante ng Lunsod ay tumugon sa Ordinansang Malumanay na Pagbabawal at sa lubos na pagbabawal nito sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa pamamagitan ng pagsumite ng isang reperendum na petisyon sa Konseho ng Lunsod. Bilang tugon sa mga komento, mga pagsalungat at mga mungkahi, ang Konseho ng Lunsod ay nagsabatas ng Ordinansa 182286 na nagpapawalang-bisa sa Ordinansang Malumanay na Pagbabawal noong Oktubre 2012.

(i) Ang mga botante ng Lunsod ng Los Angeles ay nagsaalang-alang ng tatlong magkakalabang inisyatibong medikal na cannabis sa munisipal na mga halalan ng Mayo 2013, sa huli ay bumoto upang aprobahan ang Proposisyon D, Ordinansa 182580, na nagbabawal sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis pero nagkakaloob ng isang pagkalibre mula sa pagpapatupad sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na hindi lumalabag sa tinukoy na mga kabawalan sa Batas na ito, kabilang ang pero hindi limitado sa pagsasagawa ng lahat ng mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa isang lokasyon.

(j) Noong ika-9 ng Oktubre, 2015, pinirmahan ni Gobernador Brown upang maging batas ang tatlong panukalang-batas, Panukalang-batas 266 ng Asembleya (“AB 266”), Panukalang-batas 243 ng Asembleya (“AB 243”) at Panukalang-batas 643 ng Senado (“SB 643”) na magkakasamang tinatawag na “Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana” na nagtatatag ng isang masaklaw na istruktura ng pangangasiwa para sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis (mula ngayon, “MMRSA”). Hindi tulad ng MMPA (na nagkakaloob lamang sa mga taong nagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ng isang depensa sa hukuman) ang MMRSA ay apirmatibong nagpapahintulot at naglilisensiya sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isinasagawa alinsunod sa mga lokal na ordinansa at mga regulasyon na ilalabas ng MMRSA.

Page 34: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

32TXTN-3-TA

(k) Ang isang ipinahayag na hangarin ng mga botante sa pagsasabatas ng Proposisyon D ay upang susugan ang Proposisyon D sa sandaling magkaroon ng kalinawan sa antas ng Estado “tungkol sa kung anu-anong mga lungsod ang maaari at hindi maaaring mangasiwa” ng mga pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa California.

(l) Ang MMRSA ay nagkaloob sa Lunsod ng Los Angeles ng kalinawan “tungkol sa kung anu-anong mga lunsod ang maaari at hindi maaaring mangasiwa” ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis sa California.

(m) Ang napapaloob na “diwa” ng MMRSA ay isang pangangasiwa ng mga entidad ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis at apirmatibong nagpapahintulot at naglilisensiya sa mga entidad ng negosyong medikal na cannabis na sumusunod sa ipinatutupad na mga regulasyon.

(n) Ang Lunsod ng Los Angeles ay naglalayong mag-isyu ng mga permiso para sa pagkakaloob, pagtatanim, di-nagpapabagong pagmanupaktura, pamamahagi, paglipat at pagsubok ng cannabis na napapailalim sa mahihigpit na mga iniaatas sa pagsosona at pangangasiwa, na lubos na sumusunod sa MMRSA pero ispesipikong hindi naglilisensiya o nagbibigay ng permiso sa paghahatid ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles.

(o) Ang mga botante ng Estado ng California ay boboto sa Nobyembre ng 2016 sa inisyatibong Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana, na gumagamit ng MMRSA upang pangasiwaan ang paggamit ng marihuwana ng May Sapat na Gulang nang walang rekomendasyon ng isang doktor.

(p) Ang Batas na ito ay: (a) nagpapahintulot sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na napapailalim sa isang programang permiso na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana ng Los Angeles na nagpapataw ng masasaklaw na iniaatas at limitasyon sa mga aplikante, may-permiso, at lokasyon na nagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis; at (b) nagsususog sa Proposisyon D sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang limitadong panahon para sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na nagpapatakbo nang sumusunod sa mga batas at regulasyon ng Lunsod upang magparehistro sa Kagawaran ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana ng Los Angeles.

Sek. 3. Pagsusog sa Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles.

Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay pinapalitan sa kabuuan nito upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

ARTIKULO 5.1MEDIKAL NA CANNABIS

SEK. 45.19.6. MGA LAYUNIN AT HANGARIN.

Sa pagsasabatas ng Artikulong ito, ang mga Tao ng Lunsod ay naghahangad na ipatupad ang isinabatas kamakailan ng Lehislatura ng Estado na Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana sa loob ng Lunsod sa pamamagitan ng:

(a) Pagpapahintulot sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na napapailalim sa isang programang permiso na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana na dapat likhain ng Lunsod ng Los Angeles sa loob ng 60 araw ng Petsa ng Pagkakabisa ng Batas na ito, na nagpapataw ng masasaklaw na iniaatas at limitasyon sa mga aplikante, may-permiso, at lokasyon na nagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis.

Page 35: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

33TXTN-4-TA

(b) Pagsusog sa Proposisyon D sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang limitadong panahon para sa mga dispensaryong nagpapatakbo nang sumusunod sa mga batas at regulasyon ng Lunsod mula noong 2007 upang magparehistro sa Kagawaran ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana at kumuha ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis.

(c) Pagpapahintulot sa Lunsod na ilipat ang programang permiso sa Pangkomersiyong Cannabis para sa medikal na marihuwana, na itinatadhana rito, patungo sa isang programang permiso para sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana, kung sa Nobyembre ng 2016, ay pagtibayin ng mga botante ng Estado ng California ang Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana.

(d) Pagpapahintulot sa ibang mga uri ng Pangkomersiyong Aktibidad ng Pangkomersiyong Cannabis upang mag-aplay para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis sa Kagawaran ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana ng Los Angeles at lubos na pasunurin ang lahat ng aktibidad ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles sa MMRSA.

SEK. 45.19.6.1. MGA PAGPAPAKAHULUGAN AT PAGKALKULA.

(a) Para sa mga layunin ng Artikulong ito, ang mga sumusunod na pagpapakahulugan ay dapat gamitin:

(1) “Aplikante” ay nangangahulugang isang taong nag-aaplay para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu alinsunod sa Artikulong ito at kabilang ang:

(A) Taong naghahangad ng isang permiso sa ilalim ng Artikulong ito upang lumahok sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis;

(B) Sinumang indibidwal (o tao) na may kabuuang interes na pag-aari (iba sa isang interes sa seguridad, prenda, o encumbrance) na 5 porsiyento o higit sa entidad na naghahangad ng isang permiso sa ilalim ng Artikulong ito upang lumahok sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis; at

(C) Sinumang indibidwal (o tao) na may kapangyarihang mamatnugot, o magpabigay ng pamamatnugot, ng pamamahala o pagkontrol ng entidad na naghahangad ng isang permiso sa ilalim ng Artikulong ito upang lumahok sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis.

(2) “Cannabis” ay may kahulugang katulad ng katawagang nilinaw sa Seksyon 19300.5 ng Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon.

(3) “Lunsod” ay nangangahulugang ang Lunsod ng Los Angeles at tumutukoy sa Lunsod ng Los Angeles bilang mga layunin ng pagtukoy sa heograpikong panghurisdiksiyon at ng entidad ng pamahalaan.

(4) “Kolektibong Aktibidad ng Cannabis” ay nangangahulugang anumang pagtatanim, pagmanupaktura, pagproseso, pag-iimbak, pagtatak, o pagbebenta ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis na isinasagawa sa loob ng Lunsod sa ilalim ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis (gaya ng nilinaw sa ibaba) na iniisyu alinsunod sa seksyon 45.19.6.2 ng Artikulong ito.

Page 36: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

34TXTN-5-TA

(5) “Pangkomersiyong aktibidad ng cannabis” ay nangangahulugang anumang pagtatanim, pagmanupaktura, pagproseso, pag-iimbak, pagsubok, pagtatak, paglipat, pamamahagi, o pagbebenta ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis na nangyayari sa loob ng Lunsod; gayunman:

(A) Ang isang kuwalipikadong pasyente na nag-aangkin, nag-iimbak, o nagbibiyahe ng cannabis nang eksklusibo o para sa kanyang personal na medikal na paggamit pero hindi nagkakaloob, nagbibigay, nagbebenta, o namamahagi ng cannabis sa sinumang ibang tao ay hindi lumalahok sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis at hindi saklaw ng mga iniaatas sa pagbibigay ng permiso ng Artikulong ito.

(B) Ang isang pangunahing tagabigay ng pag-aalaga na nag-aangkin, nag-iimbak, naglilipat, nagbibigay, o nagkakaloob ng cannabis nang eksklusibo para sa mga medikal na layunin ng hindi hihigit sa limang tinukoy na kuwalipikadong pasyente kung saan siya ang pangunahing tagabigay ng pag-aalaga, pero hindi tumatanggap ng kabayaran para sa mga aktibidad na ito maliban sa kabayaran na lubos na sumusunod sa subdibisyon (c) ng Seksyon 11362.765 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan, ay hindi saklaw ng mga iniaatas sa pagbibigay ng permiso ng Artikulong ito.

(C) Ang isang kuwalipikadong pasyente na nagtatanim ng cannabis nang eksklusibo para sa kanyang personal na paggamit na medikal pero hindi nagkakaloob, nagbibigay, nagbebenta, o namamahagi ng cannabis sa sinumang ibang tao ay hindi lumalahok sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis at hindi saklaw ng mga iniaatas sa pagbibigay ng permiso ng Artikulong ito, hanggang ang kabuuang sukat ng canopy na ginagamit niya upang magtanim ng cannabis ay hindi humihigit sa 100 kuwadradong talampakan.

(D) Ang isang pangunahing tagabigay ng pag-aalaga na nagtatanim ng cannabis nang eksklusibo para sa personal na mga layuning medikal na hindi humihigit sa limang tinukoy na kuwalipikadong pasyente kung saan siya ay isang pangunahing tagabigay ng pag-aalaga, na hindi tumatanggap ng kabayaran para sa mga aktibidad na ito maliban sa kabayaran na lubos na sumusunod sa subdibisyon (c) ng Seksyon 11362.765 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan, ay hindi saklaw ng mga iniaatas ng Artikulong ito, hanggang ang kabuuang sukat ng canopy na ginagamit niya upang magtanim ng cannabis ay hindi humihigit sa 500 kuwadradong talampakan.

(E) Ang isang taong naglilipat ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis mula sa isang lokasyon na wala sa loob ng Lunsod patungo sa ibang lokasyon na wala sa loob ng Lunsod (kahit na para sa layuning pangkomersiyo) ay hindi saklaw ng mga iniaatas sa pagbibigay ng permiso ng Artikulong ito ayon sa batas ng Estado (sek 19338(b).)

(6) “Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis” ay isang opisyal na dokumentong iniisyu ng Lunsod alinsunod sa seksyon 45.19.6.2 ng Artikulong ito na nagpapahintulot sa isang tao na magsagawa ng isang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis at hindi bumubuo ng isang “permiso” kung paano nilinaw ang katawagang iyon sa Seksyon 19300.5 ng Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon.

(7) “Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis” ay isang opisyal na dokumentong iniisyu ng Lunsod alinsunod sa seksiyon 45.19.6.3 ng Artikulong ito na nagpapahintulot sa isang tao na magsagawa ng isang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis at talagang bumubuo ng isang “permiso” kung paano nilinaw ang katawagang ito sa Seksyon 19300.5 ng Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon.

Page 37: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

35TXTN-6-TA

(8) “Araw” ay nangangahulugang araw ng kalendaryo. Ang mga panahon sa Artikulong ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng hindi pagsasama sa unang araw at pagsasama sa huli; maliban sa ang huling araw ay hindi isinasama kung ito ay isang Sabado, Linggo, o ibang piyesta opisyal na tinukoy sa Seksyon 6700 ng Kodigo ng Pamahalaan.

(9) “Kagawaran” ay nangangahulugang ang Kagawaran ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana ng Los Angeles.

(10) “Petsa ng Pagkakabisa” ay nangangahulugang ang petsa na magkakabisa ang Artikulong ito.

(11) “Kasunduang Pangkapayapaan ng Paggawa” ay dapat magkaroon ng pagpapakahulugan na kapareho ng nakalagay sa Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon, Kabanata 3.5, Dibisyon 8, Artikulo 1, Seksyon 19300.5(v), at gaya ng maaaring susugan.

(12) “LAMC” ay nangangahulugang ang Kodigong Munisipal ng Lunsod ng Los Angeles.

(13) “Lokasyon” ay nangangahulugang isang parsela ng lupa, bakante man o inookupahan ng isang gusali o mga sakop ng lugar sa isang gusali, o grupo ng mga gusali, o aksesoryang mga gusali, at kabilang ang mga gusali, istruktura, looban, bukas na espasyo, lapad ng lote, at sukat ng lote kung saan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ay isinasagawa o isasagawa.

(14) “Medikal na cannabis” o “produktong medikal na cannabis” ay may kahulugang katulad ng paglilinaw sa katawagang iyon sa Seksyon 19300.5 ng Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon.

(15) “Ang Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Marihuwana” ay nangangahulugang Kabanata 3.5 ng Dibisyon 8 ng Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon.

(16) “Di-umaayong paggamit” ay may kahulugang katulad ng paglilinaw sa katawagang iyon sa Seksyon 12.03 ng LAMC.

(17) “Pagkakasalang malaki ang pagkakaugnay sa mga kuwalipikasyon, pagganap, o tungkulin ng negosyo o propesyon” ay nangangahulugang ang mga sumusunod:

(A) Isang napatunayang krimen para sa labag sa batas na pag-aangkin para ibenta, pagbebenta, pagmanupaktura, paglipat, o pagtatanim ng isang kinokontrol na substansiya;

(B) Isang napatunayang marahas na krimen, gaya ng tinukoy sa subdibisyon (c) ng Seksyon 667.5 ng Kodigo sa Parusa;

(C) Isang napatunayang krimen, gaya ng tinukoy sa subdibisyon (c) ng Seksyon 1192.7 ng Kodigo sa Parusa; at

(D) Isang napatuyang krimen na may kaugnayan sa pandaraya, panlilinlang, o paglustay.

Page 38: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

36TXTN-7-TA

(18) “Ipinahihintulot na lokasyon” ay isang lokasyon kung saan ang isang may-bisang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay ginagamit. Ang isang “ipinahihintulot na lokasyon” ay isang lokasyon lamang.

(19) “May-permiso” ay isang tao kung saan ang isang may-bisang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay ginagamit. Ang isang “may-permiso” ay isang tao lamang.

(20) “Tao” ay nangangahulugang isang indibidwal, kompanya, sosyohan, magkasamang pakikipagsapalaran, kapisanan, korporasyon, limitadong pananagutan na kompanya, kooperatiba, ari-arian, ipinagkakatiwala, ipinagkakatiwalang kaugnay ng negosyo, tagatanggap, sindikato, o anumang ibang grupo o kombinasyon na umaakto bilang isang yunit at kabilang ang marami gayon din ang nag-iisang numero.

(21) “Kagawaran ng Pulisya” ay nangangahulugang ang Kagawaran ng Pulisya ng Los Angeles.

(22) “Mga sakop ng lugar” ay nangangahulugang isang gusali o isang nilinaw na bahagi ng o isang yunit sa isang gusali kung saan ang isang tinukoy na gumagamit, may-ari, umookupa, umuupa o May-permiso ay gumagamit ng espasyo. Sa isang gusaling may maraming yunit, ang bawat isang nilinaw na yunit ay dapat ituring na nag-iisang sakop ng lugar.

(23) “Pangunahing tagabigay ng pag-aalaga” ay may kahulugang katulad ng paglilinaw sa katawagang iyon sa Seksyon 11362.7 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

(24) “Iminumungkahing lokasyon” ay nangangahulugang isang lokasyon kung saan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ay isinasagawa o isasagawa.

(25) “Pampublikong parke” ay nangangahulugang isang lugar ng lupa, dalampasigan, o piyer na inilaan para sa mga layunin ng pampublikong libangan o pagpapaganda na nasa ilalim ng kontrol, pagpapatakbo, o pamamahala ng isang ahensiya ng pamahalaan. “Pampublikong parke” ay hindi kabilang ang anumang mga laruan ng golf na nasa ilalim ng kontrol, pagpapatakbo, o pamamahala ng isang ahensiya ng pamahalaan.

(26) “Kuwalipikadong pasyente” ay may kahulugang katulad ng paglilinaw sa katawagang iyon sa Seksyon 11362.7 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan at kabilang ang isang “taong may kard ng pagkakakilanlan” kung paano nilinaw ang katawagang iyon sa Seksyon 11362.7 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

(27) “Institusyon ng relihiyon” ay nangangalugang isang gusali na ginagamit unang-una para sa pagsambang panrelihiyon at may kaugnayan sa mga panrelihiyong aktibidad kung saan ang mga miyembro ng publiko ay nagtitipon nang palagian at ang may-ari o umookupa ay nag-aangkin ng isang Sertipiko ng Pag-okupa upang magpatakbo ng nasabing paggamit.

(28) “Paaralan” ay nangangahulugang isang pampubliko o pribadong institusyon ng pag-aaral para sa mga menor na nagkakaloob ng pagtuturo sa kindergarten o mga grado 1 hanggang 12 (inklusibo), na nag-aalay ng pagtuturo sa ilang mga sangay ng kaalaman at pag-aaral na iniaatas na ituro sa mga pampublikong paaralan ng Kodigo sa Edukasyon ng Estado. Sa “Paaralan” ay hindi kabilang ang anumang pribadong paaralan kung saan ang edukasyon ay isinasagawa pangunahin sa mga pribadong tirahan.

Page 39: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

37TXTN-8-TA

(29) “Estado” ay nangangahulugang ang Estado ng California.

(30) “Kabuuang sukat ng canopy” ay nangangahulugang ang kabuuang lugar ng pagyabong ng mga buhay na halaman sa ilalim ng artipisyal na pag-iilaw sa loob ng isang lokasyon.

(31) “Sasakyan” ay nangangahulugang isang kagamitan kung saan ang sinumang tao o ari-arian ay maaaring itulak, pagalawin, o hilahin sa isang kalye, bangketa o daanan ng tubig, kabilang ang pero hindi limitado sa isang kagamitan na pinagagalaw nang eksklusibo ng lakas ng tao. Ang isang “sasakyan” ay hindi isang lokasyon.

(32) “Patayong Pagsasama” ay nangangahulugang lahat ng mga aktibidad ng cannabis na iniaatas na gampanan ng isang negosyong marihuwana sa iisang parsela o sa iisang lokasyon alinsunod sa mga tadhana ng Proposisyon D na nagkabisa noong Hunyo 2013.

(33) “Sentro ng Kabataan” ay nangangahulugang isang gusaling (i) inilaan sa pagkakaloob ng mga programa, aktibidad, o serbisyo para sa mga taong wala pa sa edad na 18 taong gulang nang palagian, (ii) kung saan ang isang Sertipiko ng Pag-okupa ay inisyu na nagpapabatid na ang gusali ay ginagamit bilang isang sentro ng kabataan. Sa “Sentro ng kabataan” ay hindi kabilang ang (i) anumang mga programa, aktibidad, o serbisyo para sa mga taong hindi pa umaabot sa edad na 18 taong gulang nang palagian na isinasagawa pangunahin sa mga pribadong tirahan, (ii) isang lokasyon o pasilidad na ginagamit upang magkaloob ng mga programa, aktibidad, o serbisyo para sa mga taong hindi pa umaabot sa edad na 18 taong gulang para sa mas mababa kaysa 5 oras kada araw sa bawat araw na ang gusali ay bukas, o (iii) isang lokasyon o pasilidad kung saan mas mababa kaysa 50% ng mga aktibidad sa lokasyong iyon ay ipinagkakaloob sa mga taong hindi pa umaabot sa edad na 18.

(b) Ang isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay maaaring mag-aplay para sa mga sumusunod na uri ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis, ang bawat isa ng naturang aktibidad ay dapat na independiyenteng ipinahihintulot:

(1) “Pagtatanim” ay nangangahulugang anumang aktibidad na kaugnay ang pagtatanim, pagpapalaki, pag-aani, pagpapatuyo, paggamot, paggrado, o paggupit ng cannabis.

(2) “Pagkakaloob” ay nangangahulugang anumang aktibidad na kaugnay ang tinging pagbebenta ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis sa mga kuwalipikadong pasyente o mga pangunahing tagabigay ng pag-aalaga mula sa isang lokasyon. Gayunman, hindi kailanman dapat magkaroon ng higit sa 135 Dispensaryo sa Lunsod ng Los Angeles maliban kung sa isang petsa sa hinaharap ay susugan ang Batas na ito ng Konseho ng Lunsod ng Los Angeles.

(3) “Pagmanupaktura” ay nangangahulugang anumang aktibidad na kaugnay ng paglikha, paghahanda, propagasyon, o paghahalo ng mga hilaw na materyal patungo sa isang konsentrado, isang produktong nakakain, o isang produktong topikal, tuwiran o di-tuwiran, sa pamamagitan ng mga paraan ng pagkatas, nang independiyente sa pamamagitan ng sintesis na kemikal, o sa pamamagitan ng isang kombinasyon ng pagkatas at sintesis na kemikal.

(4) “Pagsubok” ay nangangahulugang anumang aktibidad na kaugnay ang pag-aalay o pagsasagawa ng mga pagsubok sa medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis.

Page 40: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

38TXTN-9-TA

(5) “Tagapamahagi” ay nangangahulugang pagkuha, pagbebenta, at paglipat ng medikal na cannabis at mga produktong medikal na cannabis sa pagitan ng mga entidad na lisensiyado alinsunod sa Artikulong ito.

(6) “Paglipat” ay nangangahulugang ang paglipat ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis mula sa ipinahihintulot na lokasyon ng negosyo ng isang lisensiyado patungo sa ipinahihintulot na lokasyon ng negosyo ng ibang lisensiyado, para sa mga layunin ng pagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na ipinahihintulot alinsunod sa Artikulong ito.

(c) Ang mga distansiyang tinukoy sa Artikulong ito ay dapat na ang pahalang na distansiya na sinusukat sa isang tuwid na linya mula sa linya ng ari-arian ng sensitibong paggamit hanggang sa pinakamalapit na linya ng ari-arian ng lokasyon nang hindi isinasaalang-alang ang nakapagitang mga istruktura.

SEK. 45.19.6.2. PERMISO SA KOLEKTIBONG AKTIBIDAD NG CANNABIS.

(a) Labag sa batas para sa sinumang tao na magsagawa ng kolektibong aktibidad ng cannabis nang wala ang isang may-bisang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu alinsunod sa Artikulong ito na napapailalim sa (b) at (c) sa ibaba. Ang isang nakahiwalay na Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay iniaatas para sa bawat lokasyon.

(b) Noong ang mga botante ng Lunsod ng Los Angeles ay unang nagpasa ng Proposisyon D, tinantiya ng Lunsod na magkakaroon ng 135 dispensaryo na kuwalipikado bilang Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na bukas at nagpapatakbo na sa Lunsod mula pa noon o bago ang ika-14 ng Setyembre, 2007 at nakatugon sa mga iniaatas sa pagpapatakbo ng Proposisyon D.

(c) Ang Lunsod ng Los Angeles ay magpapahintulot sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na nagpapatakbo nang sumusunod sa Proposisyon D na magpatuloy sa pagpapatakbo sa Lunsod pagkaraan ng Petsa ng Pagkakabisa ng Batas at hanggang ang mga ito ay makatanggap o pagkaitan ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis.

(d) Bawat Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis ay dapat mag-aplay para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis sa loob ng 45 araw ng petsa na ang aplikasyon ay inihanda ng Kagawaran sa publiko.

(e) Ang Kagawaran ay responsable para sa pag-isyu ng mga Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis alinsunod sa Artikulong ito.

(f) Sa loob ng 90 araw pagkaraan ng Petsa ng Pagkakabisa ng Batas na ito, ang Kagawaran ay dapat bumuo ng isang pormularyo at pamamaraan para sa pagproseso ng mga aplikasyon para sa Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis alinsunod sa Artikulong ito.

(g) Ang mga uri ng mga Permiso sa Dispensaryo at mga Permiso sa Pagtatanim na makukuha ng Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis sa ilalim ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay nakalagay sa Seksyon 45.19.6.3(b)(1) at (2) ng Artikulong ito.

Page 41: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

39TXTN-10-TA

(h) Lahat ng mga aplikasyon para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay dapat mag-atas ng mga sumusunod na impormasyon:

(1) Ang pangalan ng aplikante, ang “pagnenegosyo bilang” (iyon ay, D.B.A.) ng aplikante, kung angkop at and direksiyon at lokasyon kung saan ang aplikante ay kasalukuyang nagsasagawa ng kolektibong aktibidad ng cannabis;

(2) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong pinahihintulutang tumanggap ng paghahain ng proseso sa ngalan ng nakarehistro;

(3) Ang pangalan, numero ng telepono, direksiyon, at email address ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa aplikante gayon din ang isang listahan ng lahat ng mga tagapamahala ng aplikante;

(4) Ang pangalan at direksiyon ng lahat ng mga tagapamahala ng aplikante;

(5) Isang kopya ng pagpaparehistro ng buwis sa negosyo o sertipiko ng pagkalibre sa buwis na inisyu ng Lunsod sa aplikante noong o bago ng ika-13 ng Nobyembre, 2007;

(6) Sertipikasyon na ang aplikante ay nagparehistro sa Klerk ng Lunsod bago lumampas ang ika-13 ng Nobyembre, 2007 alinsunod sa Ordinansa 179027 sa Pansamantalang Pagkontrol;

(7) Sertipikasyon na ang aplikante ay nagparehistro sa Klerk ng Lunsod sa ilalim ng Ordinansa 181069 sa Medikal na Marihuwana ng Lunsod gaya ng sinusugan ng Ordinansa 181530 sa Pansamantalang Mahigpit na Pangangailangan;

(8) Isang kopya ng sertipiko ng pagbubuwis sa pagpaparehistro ng buwis sa negosyo ng 2016 bilang isang kolektibo ng medikal na marihuwana sa Opisina ng Pananalapi ng Lunsod;

(9) Katunayan na ang aplikante ay nagbayad ng lahat ng mga buwis nito sa kabuuang natanggap bilang isang negosyong medikal na marihuwana, kabilang nang walang limitasyon ang anumang mga parusa, interes, o karagdagang mga pagtasa, para sa mga taon ng kalendaryo 2011, 2012, 2013, 2014, 2015 at 2016 sa Lunsod bago ang Petsa ng Pagkakabisa ng Artikulong ito, o pumasok sa isang plano sa paghuhulog o isang kasunduan sa pakikipag-ayos sa Lunsod para sa pagbabayad ng mga nasabing buwis bago ang Petsa ng Pagkakabisa ng Artikulong ito. Sa kabila ng anumang bagay dito na kasalungat, anumang karagdagang mga obligasyong buwis na tinasa laban sa aplikante bilang isang resulta ng isang nakabinbing Pagsusuri ng Opisina ng Pananalapi ay hindi ituturing na hindi pa nababayaran para sa mga layunin ng subseksyong ito, at ang aplikante ay dapat magkaroon ng karapatang umapela o humingi ng pagpapasiya ng hukuman ng pagiging angkop ng anumang mga halagang ipinaparating ng Lunsod bilang hindi pa nababayarang mga obligasyong buwis;

(10) Isang pahayag, pinirmahan ng aplikante sa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong pahayag, na ang aplikante ay lubos na sumusunod sa mga kabawalan sa pagpapatakbo na nakalagay sa mga subseksyon G, H, I, J, K, L, N, at O ng Seksyon 45.19.6.3 ng Ordinansa 182580 ng Lunsod;

Page 42: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

40TXTN-11-TA

(11) Isang kopya ng Permiso ng Nagbenta ng aplikante na inisyu ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis ng Estado alinsunod sa Bahagi 1 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kita at Pagbubuwis;

(12) Ebidensiya ng karapatan ayon sa batas para okupahan at gamitin ng nakarehistro ang lokasyon. Kung ang aplikante ay hindi ang nakatalang may-ari ng lokasyon ang pagpaparehistro ay dapat samahan ng isang notarisadong pahayag at pahintulot mula sa may-ari ng ari-arian na ipinagbibigay-alam na ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ay isinasagawa sa lokasyon. Bilang karagdagan sa pagkakaloob ng naturang notarisadong pahayag, ang aplikante ay dapat magkaloob ng pangalan at tirahan ng nakatalang may-ari ng lokasyon, gayon din ng isang kopya ng kasunduan sa pag-upa o pagrenta na nauukol sa lokasyon;

(13) Isang plano sa seguridad, kabilang ang, pero hindi limitado sa, pag-iilaw, mga alarma at mga pakikipag-ayos para sa guwardiyang panseguridad;

(14) Isang 1,000 talampakang radyus na mapa gayon din ang isang 600 talampakang radyus na mapa na may pinakamababang proporsiyon na 1”=75’ na pinirmahan ng isang lisensiyadong inhinyero sibil, arkitekto, o tagasukat ng lupa na nagpapakita ng mga pangalan ng mga kalye, mga hangganan ng lote, mga sensitibong paggamit, mga paggamit sa mga katabi na ari-arian na katabi ng iminumungkahing lokasyon, at mga direksiyon ng lahat ng mga ari-arian sa perimetro na 600 talampakan gayon din ang 1,000 talampakan na radyus;

(15) Ang uri (o mga uri) ng (mga) Permiso ng Dispensaryo o (mga) Permiso sa Pagtatanim kung saan ang aplikante ay nag-aaplay;

(16) Ang uri (o mga uri) ng aktibidad ng cannabis (Pagtatanim, Pagkakaloob, Pagmanupaktura) na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon kasama ang isang detalyadong paglalarawan ng mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng aplikante, na nagpapakita na ang aplikante ay sumusunod (o susunod) sa mga iniaatas na nakalagay sa mga seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.8 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

(17) Ang Loob-ng-lugar na Pagtatanim ay dapat ipahintulot hanggang ang aplikante ay nagtatanim nang patuloy mula noong bago ang Petsa ng Pagkakabisa ng Artikulong ito; at kabuuang sukat ng canopy na nakalaan sa ipinahihintulot sa ilalim ng batas ng Estado ng California. Ang Konseho ng Lunsod ay hindi maaaring magsusog sa karapatan para sa isang may patayong pagsasama na lisensiyado na nagtatanim sa lugar alinsunod sa mga iniaatas ng Proposisyon D upang putulin ang loob-ng-lugar na pagtatanim hanggang limang taon pagkaraan ng Petsa ng Pagkakabisa ng Batas na ito;

(18) Isang Kahilingan para sa Live Scan Service na kinumpleto ng aplikante at sinumang karagdagang mga taong inaatasan na magsumite ng isang pagsusuri ng nakaraan alinsunod sa mga iniaatas na nakalagay sa mga seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.8 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

Page 43: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

41TXTN-12-TA

(19) Ebidensiya ng Kasunduang Pangkapayapaan ng Paggawa kung ang aplikante ay umaasa na ito ay magkakaroon ng, o kasalukuyang may sampu (10) o higit na empleyado;

(20) Isang pahayag, pinirmahan ng nakarehistro sa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong pahayag, na ang impormasyong ipinagkaloob sa pagpaparehistro ay kumpleto, totoo, at tumpak;

(21) Awtorisasyon para sa Lunsod upang beripikahin ang impormasyon at mga pahayag na nakalagay sa pagpaparehistro; at

(22) Isang isinagawang pagpapalaya sa pananagutan at pinsala sa anyong nakalagay sa pormularyo ng aplikasyon ng Kagawaran.

(i) Kung ang isa o higit na Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis ay matatagpuan sa loob ng 600 talampakan ng bawat isa, pero sa ibang paraan ay nakatutugon sa pamantayan ng Artikulong ito, ang negosyo na may pinakamaagang BTRC ay dapat manatilihing ang lokasyon at ang iba ay dapat atasan na lumipat sa loob ng 90 araw ng nakasulat na paunawa mula sa Kagawaran na ang isa pang Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis ay nasa loob ng 600 talampakan. Ang kabiguang lumipat sa loob ng 90 araw ay dapat maging dahilan ng pagtanggi sa isang aplikasyon para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis.

(j) Pagkatanggap ng isang aplikasyon para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ang Kagawaran ay dapat na:

(1) Sa loob ng 45 araw ng pagtanggap ng aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magbaba ng unang desisyon kung aaprobahan o tatanggihan ang aplikasyon. Kung ang unang desisyon ng Kagawaran ay tanggihan ang aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magpadala ng isang paunawa sa aplikante sa loob ng 5 araw ng pagbaba ng isang desisyon upang tanggihan ang aplikasyon na tumutukoy sa mga dahilan para sa pagtanggi sa aplikasyon (“Paunawa ng Pagtanggi”). Sa loob ng 60 araw ng pagtanggap ng Paunawa ng Pagtanggi, ang aplikante ay maaaring magsumite ng isang binagong aplikasyon na gumagamot sa anumang mga kakulangan sa orihinal na aplikasyon. Sa loob ng 30 araw ng pagtanggap ng binagong aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magbaba ng pangwakas na desisyon kung aaprobahan o tatanggihan ang aplikasyon. Kung ang aplikante ay nabigong magsumite ng isang binagong aplikasyon sa loob ng 60 araw ng Paunawa ng Pagtanggi ng Kagawaran dahil sa kakulangan o ang binagong aplikasyon ng aplikante ay nabigong iwasto ang lahat ng mga kakulangan sa orihinal na aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat gumawa ng isang pangwakas na desisyon kung aaprobahan o tatanggihan ang pagpaparehistro.

(2) Sa loob ng 10 araw ng pag-aproba ng aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magpadala ng isang nakasulat na paunawa sa (i) Abugado ng Lunsod; (ii) Kagawaran ng Pulisya; (iii) miyembro ng Konseho ng Lunsod ng distrito kung saan matatagpuan ang lokasyon; at (iv) sa Sertipikadong Konseho ng Kapitbahayan, na nagtataglay ng:

(A) Direksiyon ng iminumungkahing lokasyon kung saan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ay isasagawa sa ilalim ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis;

Page 44: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

42TXTN-13-TA

(B) Uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis (Pagtatanim, Pagkakaloob, Pagmanupaktura,) na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon sa ilalim ng isang Kolektibong Aktibidad ng Cannabis;

(C) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong pinahihintulutang tumanggap ng paghahain ng proseso sa ngalan ng aplikante; at

(D) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa aplikante.

(3) Sa loob ng 10 araw ng pagbaba ng isang desisyon upang aprobahan ang isang aplikasyon para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis, ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis sa aplikante. Ang uri ng Permiso sa Dispensaryo at/o Permiso sa Pagtatanim na iniisyu sa ilalim ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay dapat na napapailalim sa mga tadhana ng Sek. 45.19.6.3 (b) ng Artikulong ito. Pagkatapos ng pag-isyu, ang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay dapat na may-bisa para sa isang taon. Ang isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu ng Kagawaran ay dapat kasama ang mga sumusunod sa harapan nito:

(A) Isang numero ng serye;

(B) Ang selyo ng Lunsod at ng Kagawaran;

(C) Ang Kabanata at Artikulo ng LAMC na nangangasiwa sa pag-isyu ng mga Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis;

(D) Ang pangalan ng may-permiso;

(E) Ang “pagnenegosyo bilang isang” (iyon ay, D.B.A.) may-permiso;

(F) Ang direksiyon ng ipinahihintulot na lokasyon;

(G) Ang uri (mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis (Pagtatanim, Pagkakaloob, Pagmanupaktura) na sinasaklaw ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis;

(H) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong pinahihintulutang tumanggap ng paghahain ng proseso sa ngalan ng may-permiso;

(I) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa may-permiso;

(J) Ang petsa na ang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay inisyu; at

(K) Ang petsa na ang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay mawawalan ng bisa.

Page 45: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

43TXTN-14-TA

(k) Paglipat ng Pagmamay-ari. Ang isang permiso na iniisyu sa ilalim ng seksyong ito ay naililipat hanggang ang:

(1) Aplikante at/o ang nilipatan ay nagbigay ng paunawa sa Kagawaran ng paglipat o pagbabago ng pagmamay-ari sa pamamagitan ng pagsumite ng isang pagbabago sa aplikasyon para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis sa loob ng 10 araw ng petsa ng paglipat; at

(2) Isang Kahilingan para sa Live Scan Service na kinumpleto ng lumipat, sinumang bagong may-ari, at sinumang karagdagang mga taong inaatasan na magsumite ng isang pagsusuri ng nakaraan alinsunod sa mga iniaatas na nakalagay sa mga seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.6 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon.

(l) Mga Bayad. Ang Kagawaran ay dapat sumingil ng isang hindi maisasauling bayad para sa isang aplikasyon para sa Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis. Dapat itatag ng Lunsod ang bayad batay sa gastos sa pagkakaloob ng permiso at pagpapatupad na iniaatas ng Batas na ito. Ang bayad sa aplikasyon ay dapat na bilang karagdagan sa lahat ng ibang mga bayad at buwis kabilang ang mga buwis na ibinabayad ng isang aplikante sa ilalim ng Seksyon 21.50 ng LAMC.

(m) Pagpapanibago ng Bisa. Pagkatapos mawalan ng bisa ang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis, ang aplikante ay dapat na muling mag-aplay pagkaraan para sa isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Lahat ng mga Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis ay dapat mawalan ng bisa sa mas huli sa isang taon mula sa petsa ng pag-isyu o ika-31 ng Enero, 2019. Pagkaraan, dapat baguhin ng Kagawaran ang lahat ng mga Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis upang maging mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis at lahat ng Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis sa loob ng Lunsod ay dapat isagawa sa ilalim ng mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Sa kabila ng anumang salungat sa Artikulong ito, ang pagbabago mula sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis patungo sa isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay hindi makakaapekto sa anumang hindi umaayon na mga paggamit.

SEK. 45.19.6.3. PERMISO SA PANGKOMERSIYONG AKTIBIDAD NG CANNABIS.

(a) Ang isang tao ay hindi maaaring magsagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis nang walang may-bisang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu alinsunod sa Seksyon 45.19.6.2 o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu alinsunod sa seksyong ito. Ang isang nakahiwalay na Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay iniaatas para sa bawat lokasyon.

(b) Ang Kagawaran ay responsable para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Ang Kagawaran ay dapat bumuo ng isang pormularyo at pamamaraan para sa pagproseso ng mga pagpaparehistro ng Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis at ang mga pormularyong ito ay dapat makuha gaya ng mga sumusunod:

(1) Mga Dispensaryo. Noong ang mga botante ng Lunsod ng Los Angeles ay nagpasa ng Proposisyon D, tinantiya ng Lunsod na magkakaroon ng 135 dispensaryo na kuwalipikado. Ang Kagawaran ay dapat munang magproseso ng lahat ng mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis para sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis at dapat mag-isyu ng mga Permiso sa Dispensaryo

Page 46: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

44TXTN-15-TA

sa lahat ng mga dispensaryo na kuwalipikado alinsunod sa mga kondisyong nakalagay sa Sek. 45.19.6.2. Kung ang bilang ng mga kuwalipikadong dispensaryo ay mas mababa kaysa 135, sa ika-31 ng Enero, 2018, ang Kagawaran ay dapat magkaloob ng isang aplikasyon para sa mga aplikante upang mag-aplay para sa isang Permiso sa Dispensaryo ng pagtitingi alinsunod sa mga iniaatas na nakalagay dito. Ang Kagawaran ay dapat magtatag ng nakabase sa merito na mga pamantayan para sa pag-iisyu ng mga permiso upang panatilihin ang hindi kukulangin sa 135 Dispensaryo ng pagtitingi sa Lunsod. Ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng mga sumusunod na permiso sa Pagkakaloob:

(a.) 10 – Pangkalahatang Dispensaryo (na walang pagtatanim)(b.) 10A – Dispensaryo, pagtatanim at pagmanupaktura

(2) Pagtatanim. Sa loob ng 90 araw ng Petsa ng Pagkakabisa ng Artikulong ito, ang Kagawaran ay dapat magpahintulot sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na nag-aplay para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis na mag-aplay para sa isang Permiso sa Pagtatanim. Ang Kagawaran ay dapat munang mag-isyu ng mga permiso sa Pagtatanim sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na inatasang magsagawa ng lahat ng negosyong cannabis sa iisang lokasyon alinsunod sa Proposisyon D at patayong kasama at nagtatanim na sa loob-ng-lugar sa mga sakop ng lugar ng kanilang dispensaryo. Pagkaraan ang Kagawaran ay dapat magsimula ng pag-isyu ng labas-ng-lugar na mga permiso sa Pagtatanim. Ang Kagawaran ay dapat magtaglay ng tanging pagpapasiya upang alamin ang bilang ng mga permiso sa Pagtatanim para sa labas-ng-lugar na pagtatanim. Sa kabila ng anumang salungat sa Artikulong ito, ang mga lisensiya ng loob-ng-lugar na patayong pinagsamang pagtatanim na iniisyu sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis ay hindi kailanman dapat isama sa isang may hangganan na bilang ng mga permiso sa pagtatanim kung ipasiya ng Kagawaran na limitahan ang bilang ng mga permiso sa pagtatanim.

Sa ika-31 ng Enero, 2018, ang Kagawaran ay dapat magkaloob ng isang aplikasyon para sa isang permiso sa Pagtatanim na nagtataglay ng impormasyong nakalagay sa (c) sa ibaba. Lahat ng Pagtatanim ay dapat gawin sa loob ng lugar at dapat na limitado sa sukat ng canopy gaya ng nakalagay sa Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana ng Estado ng California. Ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng mga sumusunod na permiso sa pagtatanim:

(a.) Uri 1A – espesyalidad na pagtatanim sa loob ng lugar na mas mababa kaysa o kapantay ng 5,000 kuwadradong talampakan sa isang sakop ng lugar;

(b.) Uri 2A – maliit na pagtatanim sa loob ng lugar na nasa pagitan ng 5,001 at 10,000 kuwadradong talampakan, kasama sa kabuuang sukat ng canopy sa isang sakop ng lugar;

(c.) Uri 3A – pagtatanim sa loob ng lugar sa pagitan ng 10,001 at 22,000 kuwadradong talampakan.

(3) Pagmanupaktura. Sa loob ng 90 araw ng Petsa ng Pagkakabisa ang Kagawaran ay dapat magkaloob ng isang aplikasyon para sa isang Uri 6 (di-nagpapabago) na pagkatas na Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Ang Kagawaran ay dapat magpasiya sa bilang ng mga Permiso sa Pagmanupaktura na gusto nitong iisyu. Lahat ng Pagmanupaktura ay dapat tumugon sa mga iniaatas na nakalagay sa Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana ng Estado ng California. Ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng mga sumusunod na Permiso sa Pagmanupaktura:

Page 47: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

45TXTN-16-TA

Uri 6 – Tagayari 1 – para sa mga lugar ng pagmanupaktura na lumilikha ng mga produktong medikal na cannabis na gumagamit ng di-nagpapabagong mga solvent.

(4) Pagsubok. Sa ika-31 ng Enero, 2018, ang Kagawaran ay dapat magkaloob ng isang aplikasyon para sa mga Permiso sa Pagsubok ng Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis at dapat magpasiya sa bilang ng Permiso sa Pagsubok na gusto nitong iisyu. Lahat ng Pagsubok ay dapat tumugon sa mga iniaatas na nakalagay sa Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana ng Estado ng California. Ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng sumusunod na permiso sa mga Laboratoryo ng Pagsubok:

Uri 8 – Pagsubok – ang klasipikasyong ito ay hindi maaaring humawak ng ibang uri ng lisensiya.

(5) Pamamahagi. Sa ika-31 ng Enero, 2018, ang Kagawaran ay dapat magkaloob ng isang aplikasyon para sa mga Permiso sa Pamamahagi ng Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis at dapat magpasiya sa bilang ng Permiso sa Tagapamahagi na gusto nitong iisyu. Lahat ng Pamamahagi ay dapat tumugon sa mga iniaatas na nakalagay sa Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana ng Estado ng California. Ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng mga sumusunod na Permiso sa Pamamahagi:

Uri 11 – Permiso sa Tagapamahagi. Ang isang Uri 11 na lisensiyado ay dapat na may garantiya at nakaseguro sa isang pinakamababang antas na itinatag ng MMRSA. Ang isang Tagapamahagi ay maaari lamang humawak ng isang lisensiya sa Uri 11 at Uri 12 (Paglipat)

(6) Paglipat. Sa ika-31 ng Enero, 2018, ang Kagawaran ay dapat magkaloob ng isang aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Ang bilang ng mga Permiso sa Paglipat ay dapat ipasiya ng Kagawaran. Lahat ng Paglipat ay dapat tumugon sa mga iniaatas na nakalagay sa Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana ng Estado ng California. Ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng mga sumusunod na Permiso sa Paglipat:

Uri 12 – Permiso sa Paglipat. Ang isang Permiso sa Paglipat ay dapat na may garantiya at nakaseguro sa isang pinakamababang antas na itinatag ng MMRSA. Ang isang lisensiyado ng Uri 12 ay maaari ring humawak ng isang Uri 11 na lisensiya.

(c) Lahat ng mga aplikasyon para sa isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay dapat mag-atas ng mga sumusunod na impormasyon:

(1) Ang pangalan ng aplikante, ang “pagnenegosyo bilang” (iyon ay, D.B.A.) ng aplikante, at ang direksiyon ng iminumungkahing lokasyon;

(2) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong pinahihintulutang tumanggap ng paghahain ng proseso sa ngalan ng aplikante;

(3) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa aplikante;

Page 48: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

46TXTN-17-TA

(4) Isang Kahilingan para sa Live Scan Service na kinumpleto ng aplikante at sinumang karagdagang mga taong inaatasan na magsumite ng isang pagsusuri ng nakaraan alinsunod sa mga iniaatas na nakalagay sa mga seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.8 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

(5) Ebidensiya ng ayon sa batas na karapatan ng aplikante na umokupa at gumamit ng iminumungkahing lokasyon. Kung ang aplikante ay hindi ang nakatalang may-ari ng lokasyon ang aplikasyon ay dapat samahan ng isang notarisadong pahayag at pahintulot mula sa may-ari ng ari-arian na ipinagbibigay-alam na ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ay isinasagawa sa lokasyon. Bilang karagdagan sa pagkakaloob ng naturang notarisadong pahayag, ang aplikante ay dapat magkaloob ng pangalan at tirahan ng nakatalang may-ari ng lokasyon, gayon din ng isang kopya ng kasunduan sa pag-upa o pagrenta na nauukol sa lokasyon;

(6) Isang kopya ng Permiso ng Nagbenta ng aplikante na inisyu ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis ng Estado alinsunod sa Bahagi 1 ng Dibisyon 2 ng Kodigo sa Kita at Pagbubuwis;

(7) Isang plano sa seguridad, kabilang ang, pero hindi limitado sa, pag-iilaw, mga alarma at mga pakikipag-ayos para sa guwardiyang panseguridad;

(8) Isang 1,000 talampakang radyus na mapa na may pinakamababang proporsiyon na 1”=75’ na pinirmahan ng isang lisensiyadong inhinyero sibil, arkitekto, o tagasukat ng lupa na nagpapakita ng mga pangalan ng mga kalye, mga hangganan ng lote, mga sensitibong paggamit, mga paggamit sa mga karatig na ari-arian na karatig ng iminumungkahing lokasyon, at mga direksiyon ng lahat ng mga ari-arian sa perimetro na 1,000 talampakan na radyus;

(9) Ang uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis (Pagtatanim, Pagmanupaktura, Pagsubok, Pamamahagi o Paglipat) na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon kasama ng isang detalyadong paglalarawan ng mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng aplikante, na nagpapakita na ang aplikante ay sumusunod (o susunod) sa mga iniaatas na nakalagay sa mga seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.6 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

(10) Katunayan ng isang Kasunduang Pangkapayapaan ng Paggawa kung ang aplikante ay umaasa na ito ay magkakaroon ng, o kasalukuyang may sampu (10) o higit na empleyado;

(11) Isang isinagawang pagpapalaya sa pananagutan at pinsala sa anyong nakalagay sa pormularyo ng aplikasyon ng Lunsod;

(12) Isang pahayag, pinirmahan ng nakarehistro sa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong pahayag, na ang impormasyong ipinagkaloob sa aplikasyon ay kumpleto, totoo, at tumpak; at

(13) Awtorisasyon para sa Lunsod upang beripikahin ang impormasyon at mga pahayag na nakalagay sa aplikasyon.

Page 49: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

47TXTN-18-TA

(e) Pagkatanggap ng isang aplikasyon para sa isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ang Kagawaran ay dapat na:

(1) Sa loob ng 45 araw ng pagtanggap ng aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magbaba ng unang desisyon kung aaprobahan o tatanggihan ang aplikasyon. Kung ang unang desisyon ng Kagawaran ay tanggihan ang aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magpadala ng isang paunawa sa aplikante sa loob ng 5 araw ng pagbaba ng isang desisyon upang tanggihan ang aplikasyon na tumutukoy sa mga dahilan para sa pagtanggi sa aplikasyon (“Paunawa ng Pagtanggi”). Sa loob ng 60 araw ng pagtanggap ng Paunawa ng Pagtanggi, ang aplikante ay maaaring magsumite ng isang binagong aplikasyon na gumagamot sa anumang mga kakulangan sa orihinal na aplikasyon. Sa loob ng 30 araw ng pagtanggap ng binagong aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magbaba ng pangwakas na desisyon kung aaprobahan o tatanggihan ang aplikasyon. Kung ang aplikante ay nabigong magsumite ng isang binagong aplikasyon sa loob ng 60 araw ng paunawa ng pagtanggi ng Kagawaran dahil sa kakulangan o ang binagong aplikasyon ng aplikante ay nabigong iwasto ang lahat ng mga kakulangan sa orihinal na aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat gumawa ng isang pangwakas na desisyon kung aaprobahan o tatanggihan ang pagpaparehistro.

(2) Sa loob ng 10 araw ng pag-aproba ng aplikasyon, ang Kagawaran ay dapat magpadala ng isang nakasulat na paunawa sa (i) Abugado ng Lunsod; (ii) Kagawaran ng Pulisya; (iii) miyembro ng Konseho ng Lunsod ng distrito kung saan matatagpuan ang lokasyon; at (iv) sa Sertipikadong Konseho ng Kapitbahayan, na nagtataglay ng:

(A) Direksiyon ng iminumungkahing lokasyon kung saan ang pangkomersiyong aktibidad ng cannabis ay isasagawa;

(B) Uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis (Pagtatanim, Pagkakaloob, Pagmanupaktura, Pagsubok) na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

(C) Pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong pinahihintulutang tumanggap ng paghahain ng proseso sa ngalan ng aplikante; at

(D) Pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa aplikante.

(3) Sa loob ng 10 araw ng paggawa ng isang desisyon upang aprobahan ang isang aplikasyon para sa isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis, ang Kagawaran ay dapat mag-isyu ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis sa aplikante. Pagkatapos ng pag-isyu, ang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay dapat na may-bisa para sa isang taon. Ang isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu ng Kagawaran ay dapat kasama ang mga sumusunod sa harapan nito:

(A) Isang numero ng serye;

(B) Ang selyo ng Lunsod at ng Kagawaran;

Page 50: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

48TXTN-19-TA

(C) Ang Kabanata at Artikulo ng LAMC na nangangasiwa sa pag-isyu ng mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis;

(D) Ang pangalan ng may-permiso;

(E) Ang “pagnenegosyo bilang isang” (iyon ay, D.B.A.) may-permiso;

(F) Ang direksiyon ng ipinahihintulot na lokasyon;

(G) Ang uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis (Pagtatanim, Pagkakaloob, Pagmanupaktura, Pagsubok,) na sinasaklaw ng Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis;

(H) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong pinahihintulutang tumanggap ng paghahain ng proseso sa ngalan ng may-permiso;

(I) Ang pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa may-permiso;

(J) Ang petsa na ang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay inisyu; at

(K) Ang petsa na ang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay mawawalan ng bisa.

(f) Paglipat ng Pagmamay-ari. Ang isang permiso na iniisyu sa ilalim ng seksyong ito ay naililipat hanggang ang

(1) Ang aplikante at/o ang nilipatan ay nagbigay ng paunawa sa Kagawaran ng paglipat o pagbabago ng pagmamay-ari sa pamamagitan ng pagsumite ng isang pagbabago sa aplikasyon para sa isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis sa loob ng 10 araw ng petsa ng paglipat; at

(2) Isang Kahilingan para sa Live Scan Service na kinumpleto ng lumipat, sinumang bagong may-ari, at sinumang karagdagang mga taong inaatasan na magsumite ng isang pagsusuri ng nakaraan alinsunod sa mga iniaatas na nakalagay sa mga seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.6 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

(g) Mga Bayad. Ang Kagawaran ay dapat sumingil ng isang hindi maisasauling bayad para sa isang aplikasyon para sa Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Ang bayad sa aplikasyon ay dapat na bilang karagdagan sa lahat ng ibang mga bayad at buwis kabilang ang mga buwis na ibinabayad ng isang aplikante sa ilalim ng Seksyon 21.50 ng LAMC. Ang bayad sa aplikasyon para sa Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay maaaring muling kalkulahin taun-taon at aprobahan ng Konseho ng Lunsod.

SEK. 45.19.6.4. PANGKOMERSIYONG PAGTATANIM NG CANNABIS.

Page 51: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

49TXTN-20-TA

(a) Ang pagtatanim na sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis, maliban kung ang Permiso sa Pagtatanim ay iniisyu muna sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis, ay dapat na isang ipinahihintulot na paggamit na napapailalim sa mga kondisyon at iniaatas ng Artikulong ito sa mga sumusunod na distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC:

(1) “A1” Sonang Agrikultura;

(2) “A2” Sonang Pang-agrikultura;

(3) “CM” Sonang Pangkomersiyong Pagmanupaktura;

(4) “MR1” Sonang Tinatakdaang Pang-industriya;

(5) “M1” Sonang Limitadong Pang-industriya;

(6) “MR2” Sonang Tinatakdaang Bahagyang Pang-industriya;

(7) “M2” Sonang Bahagyang Pang-industriya; o

(8) “M3” Sonang Matinding Pang-industriya.

(b) Ang pagtatanim sa ilalim ng Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis, maliban kung ang Permiso sa Pagtatanim ay inisyu muna sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis, ay ipinagbabawal sa lahat ng mga distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC na hindi ispesipikong nakalista sa subseksyon (a) sa itaas.

(c) Sa kabila ng mga subseksyon (a) at (b), ang pagsasagawa ng Pagtatanim alinsunod sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis sa isang lokasyon kung saan ang Pagkakaloob at Pagtatanim ay isinasagawa nang patuloy mula noong bago ang Petsa ng Pagkakabisa ng Artikulong ito at wala sa loob ng pagsosonang nakalagay sa (a) itaas, ang nasabing paggamit ay dapat ituring na isang ayon sa batas, di-umaayong paggamit at dapat na hayaang magpatuloy.

SEK. 45.19.6.5. PANGKOMERSIYONG PAGKAKALOOB NG CANNABIS.

(a) Ang pagkakaloob na sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay isang ipinahihintulot na paggamit na napapailalim sa mga kondisyon at iniaatas ng Artikulong ito sa mga sumusunod na distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC, sa kondisyon na ang iminumungkahing lokasyon ay hindi (i) matatagpuan sa loob ng 1,000-talampakan na radyus mula sa isang paaralan; (ii) matatagpuan sa loob ng isang 600-talampakang radyus mula sa isang pampublikong parke, institusyon ng relihiyon, lisensiyadong pasilidad ng pag-aalaga ng bata, sentro ng kabataan, sentro ng rehabilitasyon sa pag-abuso ng substansiya, o anumang ibang ipinahihintulot na lokasyon kung saan ang isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob ay angkop; o (iii) karugtong, nasa kabilang kalye o eskinita mula sa, o may panlahat ng kanto na may isang loteng nakasonang pantahanan o isang loteng pinahusay sa pantahanang paggamit, ang Pagkakaloob na sinasaklaw ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay isang paggamit na ipinahihintulot na napapailalim sa mga kondisyon at iniaatas sa Artikulong ito sa mga sumusunod na distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC:

Page 52: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

50TXTN-21-TA

(1) “CM” Sonang Pangkomersiyong Pagmanupaktura;

(2) “MR1” Sonang Tinatakdaang Pang-industriya;

(3) “M1” Sonang Limitadong Pang-industriya;

(4) “MR2” Sonang Tinatakdaang Bahagyang Pang-industriya;

(5) “M2” Sonang Bahagyang Pang-industriya;

(6) “M3” Sonang Matinding Pang-industriya;

(7) “CR” Sonang Limitadong Pangkomersiyo;

(8) “C1” Sonang Limitadong Pangkomersiyo;

(9) “C1.5” Sonang Limitadong Pangkomersiyo;

(10) “C2” Sonang Pangkomersiyo;

(11) “C4” Sonang Pangkomersiyo;

(12) “C5” Sonang Pangkomersiyo.

(b) Ang Pagkakaloob na sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay ipinagbabawal sa lahat ng mga distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC na hindi nakalista sa subeksyon (a).

(c) Sa kabila ng mga subseksyon (a) at (b), ang pagsasagawa ng Pagkakaloob na sinasaklaw ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis sa isang lokasyon kung saan ang Pagkakaloob ay isinasagawa nang patuloy mula noong bago ang Petsa ng Pagkakabisa ng artikulong ito ay dapat na isang hindi umaayong paggamit at dapat na hayaang magpatuloy.

SEK. 45.19.6.6. PANGKOMERSIYONG PAGMANUPAKTURA AT PAMAMAHAGI NG CANNABIS.

(a) Ang Pagmanupaktura at Pamamahaging sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay dapat na isang ipinahihintulot na paggamit na napapailalim sa mga kondisyon at iniaatas ng Artikulong ito sa mga sumusunod na distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC:

(1) “CM” Sonang Pangkomersiyong Pagmanupaktura;

(2) “MR1” Sonang Tinatakdaang Pang-industriya;

(3) “M1” Sonang Limitadong Pang-industriya;

Page 53: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

51TXTN-22-TA

(4) “MR2” Sonang Tinatakdaang Bahagyang Pang-industriya;

(5) “M2” Sonang Bahagyang Pang-industriya; o

(6) “M3” Sonang Matinding Pang-industriya.

(b) Ang pagmanupaktura na sinasaklaw ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay ipinagbabawal sa lahat ng mga distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC na hindi nakalista sa subeksyon (a).

SEK. 45.19.6.7. PANGKOMERSIYONG PAGSUBOK NG CANNABIS.

(a) Ang Pagsubok na sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay maaaring isagawa na napapailalim sa mga kondisyon at iniaatas ng Artikulong ito sa mga sumusunod na distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC:

(1) “CR” Sonang Limitadong Pangkomersiyo;

(2) “C1” Sonang Limitadong Pangkomersiyo;

(3) “C1.5” Sonang Limitadong Pangkomersiyo;

(4) “C2” Sonang Pangkomersiyo;

(5) “C4” Sonang Pangkomersiyo;

(6) “C5” Sonang Pangkomersiyo;

(7) “CM” Sonang Pangkomersiyong Pagmanupaktura;

(8) “MR1” Sonang Tinatakdaang Pang-industriya;

(9) “M1” Sonang Limitadong Pang-industriya;

(10) “MR2” Sonang Tinatakdaang Bahagyang Pang-industriya;

(11) “M2” Sonang Bahagyang Pang-industriya; o

(12) “M3” Sonang Matinding Pang-industriya.

(b) Ang pagsubok na sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay ipinagbabawal sa lahat ng mga distrito ng pagsosona na nakalista sa Artikulo 2 ng Kabanata I ng LAMC na hindi nakalista sa subeksyon (a).

Page 54: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

52TXTN-23-TA

SEK. 45.19.6.8. MGA INIAATAS SA PAGPAPATAKBO SA PANGKOMERSIYONG AKTIBIDAD NG CANNABIS.

(a) Sa kabila ng mga iniaatas sa pagsosona na nakalagay sa Seksyon 45.19.6.4, Seksyon 45.19.6.5, Seksyon 45.19.6.6 at Seksyon 45.19.6.7 dito, lahat ng Kolektibong Aktibidad ng Cannabis at Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay napapailalim sa mga sumusunod na mga iniaatas sa pagpapatakbo:

(1) Ang lokasyon ay hindi dapat matagpuan sa loob ng isang 1,000-talampakang radyus mula sa isang Paaralan;

(2) Ang lokasyon ay dapat sumunod sa mga tadhana ng Kabanata I at IX ng LAMC;

(3) Ang Pagtatanim, Pagkakaloob, (at hanggang sa ipinahihintulot ng Lunsod) Pagmanupaktura, Pagsubok, Pamamahagi at Paglipat ay dapat isagawa alinsunod sa mga batas at regulasyon ng Estado;

(4) Magkakaroon ng hindi kukulangin sa isang responsableng tao sa lokasyon upang umakto bilang tagapamahala at pangasiwaan ang mga empleyado sa lahat ng mga pagkakataon sa mga oras ng trabaho. Ang naturang tagapamahala (kabilang ang anumang iminumungkahi o maaaring maging tagapamahala) ay hindi dapat na napatunayang nakagawa ng pagkakasala na malaki ang kaugnayan sa mga kuwalipikasyon, pagganap, o mga tungkulin ng negosyo o propesyon sa kasalukuyan o sa loob ng nakalipas na 10 taon;

(5) Ang may-permiso ay dapat pumasok sa isang kasunduang pangkapayapaan ng paggawa kung ang aplikante ay umaasa na ito ay magkakaroon ng, o kasalukuyang may sampu (10) o higit na empleyado;

(6) Ang lokasyon ay dapat subaybayan sa lahat ng mga pagkakataon ng isang nakabase sa web na closed-circuit na telebisyon para sa mga layuning panseguridad. Ang kamera at sistema ng pagrekord ay dapat na may sapat na kalidad, rendisyon ng kulay, at resolusyon upang makaya ang nakahandang pagkilala sa sinumang taong gumawa ng krimen kahit saan sa o katabi ng lugar. Ang mga pagrekord ay dapat panatilihin para sa isang panahon na hindi kukulangin sa 30 araw at dapat ihanda para makuha ng Kagawaran, ng Kagawaran ng Pulisya, o ng Abugado ng Lunsod pagkatapos hilingin;

(7) Ang lokasyon ay dapat magtaglay ng sentral na sinusubaybayang sistema ng alarma sa sunog at pagnanakaw at dapat magtaglay ng isang di-nasusunog na sisidlan;

(8) Ang lokasyon ay dapat magtaglay ng sapat na seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao at upang protektahan ang lokasyon laban sa pagnanakaw sa lahat ng mga oras. Ang may-permiso ay dapat ding magkaloob ng isang guwardiyang panseguridad sa lahat ng mga oras ng pagpapatakbo. Lahat ng mga guwardiyang panseguridad na nagtatrabaho sa may-permiso ay dapat na lisensiyado at nagtataglay ng isang may-bisang “Kard ng Guwardiyang Panseguridad” ng Kagawaran ng mga Gawain ng Mamimili sa lahat ng mga oras.

(9) Ang panlabas na pag-iilaw sa gusali at pag-iilaw sa lugar ng paradahan para sa lokasyon ay dapat na sumusunod sa mga Seksyon 93.0104, 93.0107, at 93.0117 ng LAMC;

(10) Ang mga butas sa bintana at bubong ng lokasyon ay dapat na protektado mula sa loob sa pamamagitan ng mga rehas upang pigilan ang di-awtorisadong pagpasok,

Page 55: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

53TXTN-24-TA

at dapat na nagtataglay ng mga trangka na maaaring kalagin nang mabilis mula sa loob upang ipahintulot ang paglabas kung sakaling may emerhensiya na sumusunod sa lahat ng mga angkop na tadhana ng Kodigo sa Gusali ng California at Lunsod;

(11) Para sa lahat ng mga Permiso sa Pagtatanim, Pagmanupaktura, Pagsubok at Pamamahagi, ang mga pasukan sa mga lokasyon sa mga sakop ng lugar kung saan ang pagtatanim, pagmanupaktura, pagsubok o pamahahagi ay isinasagawa ay dapat manatiling nakakandado mula sa labas upang pigilan ang di-awtorisadong pagpasok. Ang pagpasok ay dapat ipahintulot sa pamamagitan ng isang malayong pangkalag na pinatatakbo mula sa loob ng lokasyon. Sa lahat ng mga kaso, ang pinto ay dapat manatiling nabubuksan mula sa loob upang ipahintulot ang pagpasok nang hindi gagamit ng isang susi o espesyal na kaalaman. Kung nakakabit, ang kinokontrol ang paggamit na mga pintong pasukan ay dapat sumunod sa Seksyon 1008.1.3.4 ng Kodigo sa Gusali ng California;

(12) Ang cannabis sa loob ng lokasyon ay hindi dapat makita mula sa labas ng lokasyon;

(13) Lahat ng mga tapos na medikal na cannabis at mga produktong medikal na cannabis (maliban sa mga limitadong dami ng cannabis na ginagamit para sa mga layuning pagpapakita, mga halimbawa, o agad na pagbebenta) ay dapat na protektado at nakakandado sa isang silid, sisidlan, o kaha sa isang paraan na makapipigil sa paglihis, pagnanakaw, at pagkawala;

(14) Walang mga tao na wala pa sa edad na 18 na dapat pahintulutan sa lokasyon, maliban kung ang menor ay isang kuwalipikadong pasyente at kasama ang kanyang lisensiyadong nag-aasikasong doktor, magulang, o nakadokumentong legal na tagapangalaga;

(15) Walang mga rekomendasyon o pag-aproba ng isang doktor upang gumamit ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis na dapat iisyu sa lokasyon;

(16) Hindi dapat magkaroon ng loob-ng-lugar na pagbebenta ng alkohol o tabako, at walang loob-ng-lugar na pagkonsumo ng cannabis, alkohol, o tabako ng mga tagatangkilik o empleyado sa lokasyon;

(17) Ang isang karatula ay dapat ipaskil sa pasukan ng lokasyon na nagbibigay ng pangalan, numero ng telepono, at direksiyon ng isang taong responsable para sa pagtanggap, pagtatala, at pagtugon sa mga reklamong nauukol sa may-permiso; at

(18) Ang mga ahente o empleyado ng Lunsod na humihiling ng pagpasok sa lokasyon para sa layunin ng pag-alam ng pagsunod sa Artikulong ito ay dapat bigyan ng walang pagtatakdang daan.

(b) Ang pagkakaloob na sinasaklaw ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis bilang karagdagan sa (1) – (18) sa itaas ay dapat na napapailalim din sa mga sumusunod na mga iniaatas sa pagpapatakbo:

(1) Lahat ng pagbebenta ng tingi sa mga kuwalipikadong pasyente ay dapat mangyari sa pagitan ng mga oras na ika-10 ng umaga at ika-10 ng gabi;

Page 56: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

54TXTN-25-TA

(2) Ang may-permiso ay dapat magbigay ng paunawa sa mga tagatangkilik ng mga sumusunod nang pabigkas (o sa pamamagitan ng nakasulat na kasunduan) at sa pamamagitan ng pagpapaskil ng isang karatula (o mga karatula) na madaling makikita sa loob ng lokasyon:

(A) “Ang pagbebenta o paglihis ng cannabis nang walang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu ng Lunsod ng Los Angeles ay isang paglabag sa batas ng Estado at sa Kodigong Munisipal ng Los Angeles.”

(B) “Ang paggamit ng medikal na marihuwana ay dapat na limitado sa pasyenteng tinukoy sa rekomendasyon ng doktor. Ang sekundaryong pagbebenta, palitan, o pamamahagi ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis na binili mula kay [Ipasok ang Pangalan ng May-permiso] ay isang krimen at maaaring humantong sa pag-aresto.”

(C) “Ang mga tagatangkilik ay dapat umalis agad sa lokasyon at hindi ikonsumo ang medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis hanggang makauwi sa bahay o sa isang katumbas na pribadong lokasyon. Ang mga tauhan ay dapat sumubaybay sa lokasyon at paligid upang matiyak ang pagsunod.”

(D) “Ang paghuhuwad ng mga dokumentong medikal ay isang krimen. Ang pagpasok sa mga sakop na lugar ng mga taong wala pa sa edad na labing-walo ay ipinagbabawal maliban kung sila ay kuwalipikadong pasyente at may kasamang isang lisensiyadong nag-aasikasong doktor, magulang, legal na tagapangalaga.”

(E) “BABALA NG PROP. 65 NG CALIFORNIA: Ang paghithit ng cannabis at mga produktong galing sa cannabis ay maghahantad sa inyo at sa mga nasa malapit sa inyo sa usok ng marihuwana. Ang usok ng cannabis ay alam ng Estado ng California na nagdudulot ng kanser.”

(3) Ang Lokasyon ay hindi (i) matatagpuan sa loob ng isang 1,000-talampakang radyus mula sa isang Paaralan; (ii) matatagpuan sa loob ng isang 600-talampakang radyus mula sa isang pampublikong parke, institusyon ng relihiyon, lisensiyadong pasilidad ng pag-aalaga ng bata, sentro ng kabataan, sentro ng rehabilitasyon sa pag-abuso ng substansiya, o anumang ibang ipinahihintulot na lokasyon kung saan ang isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob ay pinaiiral; o (iii) karugtong ng, nasa kabila ng kalye o eskinita mula sa, o may isang panlahat ng kanto sa isang loteng nakasonang pantahanan o isang loteng pinahusay para sa paggamit na pantahanan.

(c) Kung ang isang paaralan o ibang sensitibong paggamit nito ay matatagpuan sa loob ng mga iniaatas na distansiyang nakalagay sa talataan (1) para sa aktibidad na Pagtatanim, Pagmanupaktura, Pagsubok o Pamamahagi na sinasaklaw ng isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis sa isang ipinahihintulot na lokasyon, ang nasabing paggamit ay dapat na ayon sa batas, di-umaayong paggamit hanggang ang ipinahihintulot na lokasyon ay patuloy na ginagamit para sa Pagtatanim, Pagmanupaktura, Pagsubok o Pamamahagi.

(d) Kung ang sensitibong paggamit (paaralan, pampublikong parke, institusyon ng relihiyon, lisensiyadong pasilidad ng pag-aalaga ng bata, sentro ng kabataan, sentro ng rehabilitasyon sa pag-abuso ng substansiya, anumang ibang ipinahihintulot na lokasyon kung saan ang isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o isang Permiso sa

Page 57: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

55TXTN-26-TA

Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob, o isang loteng nakasonang pantahanan o loteng pinahusay na may pantahanang paggamit) ay matatagpuan sa loob ng mga iniaatas na distansiya na nakalagay sa Seksyon 45.19.6.5, subseksyon (b) pagkatapos ng Pagkakaloob na sinasaklaw ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay magsimula sa isang ipinahihintulot na lokasyon, ang Pagkakaloob na sinasaklaw ng alinmang Permiso sa ipinahihintulot na lokasyon ay dapat na ayon sa batas, di-umaayong paggamit hanggang ang ipinahihintulot na lokasyon ay patuloy na ginagamit para sa Pagkakaloob na sinasaklaw ng isang may-bisang Permiso.

SEK. 45.19.6.9. MGA INIAATAS NA TAUNANG PAGPAPANIBAGO NG BISA PARA SA LAHAT NG MGA PERMISO SA AKTIBIDAD NG CANNABIS.

Lahat ng mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ay may-bisa para sa isang taon mula sa pag-isyu ng permiso. Upang bigyan ng panibagong bisa ang permiso bawat taon ang aplikante ay dapat magbigay sa Kagawaran ng mga sumusunod:

(a) Ang Bayad sa Pagpapanibago ng Bisa;

(b) Ang listahan ng mga tagapamahala para sa negosyo;

(c) Kahilingan para sa Live Scan Service na kinumpleto ng aplikante at sinumang karagdagang mga taong inaatasan na magsumite ng isang pagsusuri ng nakaraan alinsunod sa mga iniaatas na nakalagay sa mga Seksyon 45.19.6.4 hanggang 45.19.6.7 ng Artikulong ito para sa uri (o mga uri) ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isasagawa sa iminumungkahing lokasyon;

(d) Katunayan ng pagpapanibago ng bisa ng Sertipiko ng Pagpaparehistro ng Buwis sa Negosyo ng Lunsod ng Los Angeles (na dapat bigyan ng panibagong bisa nang napapanahon bawat taon) at pagbabayad ng anuman at lahat ng mga buwis sa negosyo na dapat bayaran para sa nasabing panahon ng pagpapanibago ng bisa. Ang isang may-permiso ay hindi dapat lumabag sa subseksyong ito kung ito ay papasok at lubos na magsasagawa ayon sa mga tadhana ng isang planong paghuhulog, alok at kompromiso o ibang kasunduan sa pakikipag-ayos sa Lunsod; at

(e) Katunayan ng lisensiyang Inisyu ng Estado. Ang kabiguang panatilihin ang isang lisensiya ng estado sa sandaling ihanda ng Estado ng California ay dapat maging awtomatikong mga dahilan para sa pagsuspinde ng isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o isang Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis at dapat itigil agad ng aplikante ang lahat ng negosyong may kaugnayan sa cannabis hanggang ang Katunayan ng isang Lisensiya ng Estado ay maibigay.

SEK. 45.19.6.10. MGA LIMITASYON SA PERMISO SA PANGKOMERSIYONG CANNABIS.

(a) Pagkatapos ng isang taong anibersaryo ng Batas na ito, ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magsusog sa subseksyong ito upang magtadhana na (i) palawakin o lagyan ng isang limitasyon ang bilang ng mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagtatanim, Pagmanupaktura, Pagsubok, Pamamahagi at Paglipat na maaaring iisyu ng Kagawaran pero hindi kailanman dapat mas mababa ang bilang kaysa nakalagay sa bawat seksyon nito; at (ii) isang mekanismo kung saan ang Kagawaran ay magsasaalang-alang ng mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Kung ang Konseho ng Lunsod ay nabigong susugan ang subseksyong ito upang magtadhana ng isang mekanismo para sa pagpapasiya ng hanay ng priyoridad kung saan ang Kagawaran ay

Page 58: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

56TXTN-27-TA

magsasaalang-alang ng mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagtatanim, Pagmanupaktura at Pagsubok, ang Kagawaran ay dapat magsaalang-alang ng mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis batay sa patakarang ang unang isinumite, unang ipoproseso.

(b) Sa kabilang ng mga subseksyon (a) at (b) ng Seksyon 45.19.6.5 ng Artikulong ito, sa sandaling ang Pagkakaloob ay magkakasabay na isinasagawa sa hindi kukulangin sa 135 ipinahihintulot na lokasyon, ang Kagawaran ay dapat tumigil sa pag-isyu ng mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob sa mga karagdagang iminumungkahing lokasyon maliban kung susugan ng Konseho ng Lunsod ang subseksyong ito na nagpapahintulot ng karagdagang mga lokasyon ng Pagkakaloob at nagkakaloob ng mekanismo para sa pagpapasiya ng isang hanay na priyoridad kung saan ang Kagawaran ay magsasaalang-alang ng karagdagang mga lokasyon ng Pagkakaloob. Sa kabila ng nauna ang isang Dispensaryo ay maaaring lumipat sa sumusunod na lokasyon.

(c) Kung ang bilang ng mga ipinahihintulot na lokasyon kung saan ang Pagkakaloob ay magkakasabay na isinasagawa ay bumaba nang mas mababa kaysa 135, (i) ang Kagawaran ay dapat bumalik sa pag-iisyu ng mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob sa mga karagdagang iminumungkahing lokasyon, at (ii) ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magsusog sa subseksyong ito upang magkaloob ng isang mekanismo para sa pagpapasiya ng hanay ng priyoridad kung saan ang Kagawaran ay magsasaalang-alang ng mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob sa mga karagdagang iminumungkahing lokasyon. Kung ang Konseho ng Lunsod ay nabigong susugan ang subseksyong ito upang magkaloob ng isang mekanismo para sa pagpapasiya ng hanay ng priyoridad kung saan ang Kagawaran ay magsasaalang-alang ng mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob sa mga karagdagang iminumungkahing lokasyon, ang Kagawaran ay dapat magsaalang-alang sa mga aplikasyon para sa mga Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na sumasaklaw sa Pagkakaloob sa mga karagdagang iminumungkahing lokasyon batay sa patakarang ang unang isinumite, unang ipoproseso.

SEK. 45.19.6.11. PAGPAPATUPAD.

(a) Ang pagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis nang walang may-bisang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis na iniisyu alinsunod sa Artikulong ito na lumalabag sa Seksyon 45.19.6.2 o 45.19.6.3 ay dapat na napapailalim sa mga remedyong nakalagay sa mga Seksyon 11.00 at 12.27.1 ng LAMC at ang Lunsod ay maaari ring maghangad ng anumang hindi pa nababayarang buwis alinsunod sa Seksyon 21.50 ng LAMC. Ang bawat araw ay dapat ituring na isang bagong lokasyon na may mga multang $10,000 kada araw kada paglabag.

(b) Ang isang paglabag sa anumang ibang iniaatas o tadhana ng Artikulong ito na iba sa isang paglabag ng Subseksyon (a) ng Seksyon 45.19.6.2 ay dapat na napapailalim sa mga remedyong nakalagay sa sumusunod na iskedyul:

(1) Ang unang paglabag ng isang tao sa anumang dalawang-taong panahon ay dapat magresulta sa isang liham ng pagwawasto mula sa Abugado ng Lunsod na remedyuhan ang paglabag sa loob ng siyamnapung (90) araw na may isang (1) siyamnapung (90) araw na pagpapalawig na ipinahihintulot.

(2) Ang ikalawang paglabag ng isang taon sa anumang dalawang-taong panahon ay dapat parusahan bilang isang pagsuway alinsunod sa Seksyon 11.00 ng LAMC.

Page 59: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

57TXTN-28-TA

(3) Ang ikatlong paglabag ng isang tao sa anumang dalawang-taong panahon ay dapat magresulta sa pagsuspinde ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis para sa isang panahon na 90 araw.

(4) Ang ikaapat na paglabag ng isang tao sa anumang dalawang-taong panahon ay dapat na napapailalim sa mga remedyong nakalagay sa mga Seksyon 11.00 at 12.27.1 ng LAMC kabilang ang karapatan ng Kagawaran na pawalang-bisa ang Permiso pero pagkatapos lamang ng karapatan sa isang pagdinig at angkop na proseso.

(c) Pagkatapos ng pagsuspinde o pagpapawalang-bisa ng Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis o Permiso sa Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis ng isang tao, ang Kagawaran ay dapat magbigay-alam sa Kawanihan ng Regulasyon ng Medikal na Marihuwana.

(d) Ang Lunsod ay hindi dapat magsimula ng mga aksyon ng pagpapatupad laban sa Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis hanggang sa hindi kukulangin sa 180 araw pagkaraan ng Petsa ng Pagkakabisa ng Artikulong ito. Walang aksyon ng pagpapatupad na dapat gawin laban sa isang Bago ang ICO na mga Dispensaryo ng Medikal na Cannabis na nagsumite ng isang aplikasyon sa Kagawaran para sa isang Permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis habang sila ay naghihintay ng pag-aproba o pagtanggi sa kanilang aplikasyon.

(e) Para sa layunin ng pagtitipon ng mga paglabag sa ilalim ng subseksyon (b), ang kaparehong paglabag na umaabot ng maraming araw ay bumubuo ng iisang paglabag. Ang subseksyong ito ay hindi pinaiiral para sa layunin ng pagkalkula ng mga multang pera.

(f) Ang Kagawaran, ang Kagawaran ng Pulisya, o ang Abugado ng Lunsod ay maaaring magsiyasat sa isang ipinahihintulot na lokasyon sa anumang makatwirang panahon upang matiyak ang pagsunod sa mga iniaatas at tadhana ng Artikulong ito maliban sa ang mga pribadong rekord na medikal ay dapat lamang ihanda alinsunod sa isang wastong isinagawang mandamyento ng pagsasaliksik, subpoena, o utos ng hukuman.

(g) Ang isang may-permiso ay dapat magtipon at magpanatili ng mga tumpak na rekord ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na isinasagawa alinsunod sa mga iniaatas at tadhana ng Artikulong ito. Ang mga rekord na natipon alinsunod sa subseksyong ito ay dapat panatilihin ng may-permiso para sa isang panahon na pitong taon at dapat ibigay ng may-permiso sa Kagawaran, Kagawaran ng Pulisya, o sa Abugado ng Lunsod kapag hiniling, maliban sa ang mga pribadong rekord na medikal ay dapat ibigay lamang alinsunod sa isang wastong isinagawang mandamyento ng pagsasaliksik, subpoena, o utos ng hukuman.

(h) Ang isang may-permiso (o ang ahente o empleyado nito) na tumanggi, gumambala, humadlang, o nanghimasok sa isang inspeksiyon ng isang ipinahihintulot na lokasyon o mga rekord na tinitipon at pinapanatili ng mga may-permiso alinsunod sa seksyong ito ay gumawa ng paglabag sa Artikulong ito.

(i) Lahat ng mga multa at bayad na nakolekta alinsunod sa pagpapatupad ng Artikulong ito ay dapat pumalit sa gastos sa pangangasiwa at pagpapatupad ng Artikulong ito, kabilang ang mga gastos sa pag-iisyu ng mga permiso, pagpapanibago ng bisa ng mga permiso, pangangasiwa ng programang pagbibigay ng permiso, edukasyon, mga inspeksiyon at pagsusuri ng pagsunod, dokumentasyon ng mga paglabag, pag-uusig sa mga lumabag, mga aksyong panghukuman, at mga pagpapatunay ng pagkakasala.

Page 60: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

58TXTN-29-TA

SEK. 45.19.6.12. PAGKAPRIBADO.

(a) Ang impormasyong tumutukoy sa mga pangalan ng mga pasyente, ang kanilang mga kondisyong medikal, o ang mga pangalan ng kanilang mga pangunahing tagabigay ng pag-aalaga na natanggap at nasa mga rekord na pinapanatili ng Lunsod para sa mga layunin ng pangangasiwa ng Artikulong ito ay kompidensiyal at hindi dapat isiwalat alinsunod sa Batas sa mga Pampublikong Rekord ng California (Kabanata 3.5 (nagsisimula sa Seksyon 6250) ng Dibisyon 7 ng Titulo 1 ng Kodigo ng Pamahalaan), maliban kung kailangan para gampanan ng mga awtorisadong empleyado ng Lunsod ang mga opisyal na tungkulin alinsunod sa Artikulong ito.

(b) Ang impormasyong tumutukoy sa mga pangalan ng mga pasyente, ang kanilang mga kondisyong medikal, o ang mga pangalan ng kanilang mga pangunahing tagabigay ng pag-aalaga na natanggap at nasa mga rekord na pinapanatili ng Lunsod para sa mga layunin ng pangangasiwa ng Artikulong ito ay dapat panatilihin alinsunod sa Kabanata 1 (nagsisimula sa Seksyon 123100) ng Bahagi 1 ng Dibisyon 106 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan, Bahagi 2.6 (nagsisimula sa Seksyon 56) ng Dibisyon 1 ng Kodigong Sibil, at ibang Pang-estado at pederal na mga batas na may kaugnayan sa kompidensiyal na impormasyon tungkol sa pasyente.

(c) Ang Lunsod ay hindi dapat magsiwalat ng anumang impormasyong natanggap o pinapanatili para sa mga layunin ng pangangasiwa ng Artikulong nang higit sa kailangan upang makamit ang mga hangarin ng isang ispesipikong imbestigasyon, paunawa, o ng mga parametro ng isang ispesipikong utos o subpoena ng hukuman. Dapat tutulan ng Lunsod sa abot ng ipinahihintulot ng batas ang anumang mga pagsisikap ng pederal na pamahalaan na kunin ang anumang impormasyong natanggap o pinapanatili ng Lunsod para sa mga layunin ng pangangasiwa ng Artikulong ito.

SEK. 45.19.6.13. PAGGAMIT NG MAY SAPAT NA GULANG.

Kung ang mga botante ng Estado ng California ay nagpatibay sa Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana (“AUMA”), ang mga negosyong marihuwana na ginawaran na ng mga permiso alinsunod at napapailalim sa nasa itaas, ay maaari ring magpatakbo sa ilalim ng mga permisong iyon bilang mga Negosyong Marihuwana sa Paggamit ng May Sapat na Gulang sa kaparehong kategorya ng permiso, sa petsa na inihanda ng Estado ng California ang paglilisensiya sa ilalim ng AUMA. Alinsunod sa Seksyon 26054.2 ng Kodigo sa Negosyo at mga Propesyon, ang priyoridad ay dapat ibigay sa lahat ng May-permiso sa Kolektibong Aktibidad ng Cannabis upang magpatakbo hanggang ika-31 ng Disyembre, 2019. Kung ang Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana ay naging batas, anumang limitasyon ng salitang “medikal” sa bahagi ng pagpapatakbo ng Batas na ito ay dapat tanggalin.

Lahat ng mga May-permiso sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ay dapat magpatakbo nang lubos na sumusunod sa lahat ng mga batas ng Lunsod at Estado kabilang ang Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana.

Sek. 4. Pagsusog sa Artikulo 1 ng Kabanata II ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles.

Seksyon 21.50 ng Artikulo 1 ng Kabanata II ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Page 61: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

59TXTN-30-TA

SEK. 21.50. PAGBUBUWIS NG PANGKOMERSIYONG AKTIBIDAD NG CANNABIS.

(a) Walang sertipiko ng pagpaparehistro o permiso na iniisyu sa ilalim ng mga tadhana ng Artikulo 1 o Artikulo 1.5 ng Kabanata 2 ng Kodigong ito, o ang pagbabayad ng anumang buwis na iniaatas sa ilalim ng mga tadhana ng Artikulo 1 o Artikulo 1.5 ng Kabanata 2 ng Kodigong ito na dapat ipakahulugan na nagpapahintulot sa pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na hindi ipinahihintulot alinsunod sa Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong ito.

(b) Bawat taong nagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na sa ibang paraan ay partikular na binubuwisan ng ibang mga tadhana ng buwis sa negosyo ng Kabanatang ito, ay dapat magbayad ng isang buwis sa negosyo na $60.00 para sa bawat $1,000.00 ng kabuuang mga natanggap o isang piraso ng bahagi nito mula sa pagbebenta ng medikal na cannabis o mga produktong medikal na cannabis. Kung ang Batas sa Paggamit ng May Sapat na Gulang ng Marihuwana ay pumasa, bawat taong nagsasagawa ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na sa ibang paraan ay partikular na binubuwisan ng ibang mga tadhana ng buwis sa negosyo ng Kabanatang ito, ay dapat magbayad ng isang buwis sa negosyo na $80.00 para sa bawat $1,000.00 ng kabuuang mga natanggap o isang piraso ng bahagi nito mula sa pagbebenta ng cannabis para sa Paggamit ng May Sapat na Gulang o mga produktong cannabis para sa Paggamit ng May Sapat na Gulang.

(c) Para sa mga layunin ng seksyong ito, ang “pangkomersiyong aktibidad ng cannabis” ay may kahulugang katulad ng nilinaw sa Seksyon 45.19.6.1 ng Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong ito at ang “medikal na cannabis” o “(mga) produktong medikal na cannabis” ay may kahulugang katulad ng nilinaw sa Seksyon 45.19.6.1 ng Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong ito.

(d) Para sa mga layunin ng seksyong ito, ang “kabuuang mga natanggap” ay kabilang ang lahat ng mga halagang ituturing na kabuuang mga natanggap sa ilalim ng seksyon 21.00, kabilang nang walang limitasyon ang:

(i) Mga butaw sa pagkamiyembro;

(ii) Halaga ng di-perang mga kontribusyon;

(iii) Mga pagsasauli ng ibinayad na ipinagkakaloob ng mga miyembro anuman ang anyo; at

(iv) Anumang ibang bagay na may halaga na natamo sa pamamagitan ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis.

(e) Lahat ng mga nagbabayad ng buwis na napapailalim sa seksyong ito ay dapat magbayad ng buong buwis na ipinapataw ng seksyong ito sa kabila ng anumang pagsasauli ng ibinayad, pagkalibre, insentibo, o ibang pagbawas na nakalagay sa ibang lugar sa Kodigong Munisipal, maliban sa iniaatas ng California o Pederal na Batas. Walang tadhana sa Kodigong Munisipal na maaaring magbaba ng antas ng buwis na nakalagay sa seksyong ito o magbawas sa ibang paraan ng halaga ng mga buwis na ibinabayad dito maliban kung ang tadhana ay partikular na nagsasaad na ang pagbawas ay angkop.

(f) Ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magpataw ng buwis na ipinahihintulot ng seksyong ito sa isang mas mababang antas at maaaring magtatag ng mga pagkalibre, insentibo, o ibang mga pagbawas gaya ng ipinahihintulot sa ibang paraan ng Saligang-Batas at batas ng California. Walang aksyon ng Konseho sa ilalim ng talataang ito na dapat pumigil dito na itaas sa dakong huli ang buwis o tanggalin ang anumang pagkalibre, insentibo, o pagbawas at ibalik ang pinakamataas na buwis na tinukoy sa seksyong ito.

Page 62: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

60TXTN-31-TA

Sek. 5. Pagsusog sa Artikulo 1 ng Kabanata IX ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles.

Ang Subseksyon 5 ng Seksyon 91.107.3.2 ng Artikulo 1 ng Kabanata IX ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

5. Bayad sa Inspeksiyon ng Pangkomersiyong Aktibidad ng Cannabis. Ang isang bayad sa inspeksiyon ay dapat singilin ng Kagawaran upang magsagawa ng mga inspeksiyon at muling-inspeksiyon alinsunod sa mga iniaatas ng mga Seksyon 45.19.6.2 at 45.19.6.3 ng Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles. Ang bayad sa inspeksiyon ay dapat na bilang karagdagan sa anumang ibang bayad na ipinasiya ng Kagawaran na kailangan dahil sa kalikasan ng kaugnay na gawain.

Sek. 6. Pagsusog sa Artikulo 8 ng Kabanata IX ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles.

Ang mga Seksyon 98.0410 at 98.0416 ng Artikulo 8 ng Kabanata IX ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

SEK. 98.0410. DAGDAG NA SINGIL PARA SA ISANG-TIGILANG SENTRO NG PERMISO.

Dapat idagdag sa kabuuan ng lahat ng mga bayad na ipinapataw para sa pagpaparehistro at pagbibigay ng permiso ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na itinatadhana sa Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong ito at para sa anumang permiso, pagsusuri ng plano, lisensiya, aplikasyon, ulat, at inspeksiyon na itinatadhana sa mga Artikulo 1 hanggang 8 ng kabanatang ito hindi kasama ang mga Seksyon 91.6205.18, 91.107.4.4, 91.107.4.6, 98.0402, 98.0411, 98.0416, 98.0418 at 98.0716 ng Kodigong ito ang isang dagdag na singil sa halagang kapantay ng mas malaki kaysa dalawang porsiyento ng mga bayad o isang dolyar. Lahat ng mga perang natanggap mula sa dagdag na singil na ito ay dapat ideposito sa at gastahin gaya ng itinatadhana sa Ipinagkakatiwalang Pondo ng mga Serbisyong Konstruksiyon alinsunod sa Seksyon 5.321 ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles.

SEK. 98.0416. DAGDAG NA SINGIL PARA SA PAGBUO NG MGA SISTEMA NG GUSALI AT KALIGTASAN.

Dapat idagdag sa kabuuan ng lahat ng mga bayad na ipinapataw para sa pagpaparehistro at pagbibigay ng permiso ng pangkomersiyong aktibidad ng cannabis na itinatadhana sa Artikulo 5.1 ng Kabanata IV ng Kodigong ito at para sa anumang permiso, pagsusuri ng plano, lisensiya, aplikasyon, ulat, at inspeksiyon na itinatadhana sa mga Artikulo 1 hanggang 8 ng kabanatang ito hindi kasama ang mga Seksyon 91.6205.18, 91.107.4.4, 91.107.4.6, 98.0402(f), 98.0410, 98.0411, 98.0416, 98.0418 at 98.0716 ng Kodigong ito ang isang dagdag na singil sa halagang kapantay ng mas malaki kaysa anim na porsiyento ng mga bayad o isang dolyar. Lahat ng mga perang natanggap mula sa dagdag na singil na ito ay dapat ideposito sa at gastahin bilang “Kuwenta ng Pagbuo ng mga Sistema ng Gusali at Kaligtasan” ng Pondo ng Proyekto sa Permiso ng Kagawaran ng Gusali at Kaligtasan alinsunod sa Seksyon 5.121.8 ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles.

Sek. 7. Petsa ng Pagkakabisa.

Maliban kung iba ang itinatadhana rito, ang Batas na ito ay dapat magkabisa pagkaraan ng araw na aprobahan ito ng mga botante.

Page 63: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

61TXTN-32-TA

Sek. 8. Pagsusog at Pagpapawalang-bisa.

Ang Batas na ito ay dapat na malawak na bigyang-kahulugan upang makamit ang mga layunin at hangarin nito gaya ng nakasaad dito. Ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magsusog sa pamamagitan ng boto ng mayoriya ng mga tadhana ng Batas na ito upang ipatupad ang mga makabuluhang tadhana nitong panukala sa balota, sa kondisyon na ang mga naturang pagsusog ay kaayon at nagsusulong sa mga layunin at hangarin ng Batas na ito at sa proseso ng permiso na itinatadhana rito.

Maliban sa paglilisensiya ng Paghahatid sa Lunsod ng Los Angeles, ang Konseho ng Lunsod ay dapat magkaroon ng karapatang susugan ang Batas na ito upang lubos na pasunurin ang Lunsod ng Los Angeles sa Batas sa Regulasyon at Kaligtasan ng Medikal na Marihuwana sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga karagdagang lisensiya gaya ng idinagdag ng Estado ng California. Ang Batas na ito ay partikular na hindi nagpapahintulot ng “Paghahatid” sa Lunsod ng Los Angeles. Ang Konseho ng Lunsod ay dapat magkaroon ng karapatang susugan ang Batas na ito upang ipahintulot ang mga permiso sa Paghahatid sa Los Angeles pero ang “Paghahatid” ay maaari lamang susugan at ipahintulot sa kasalukuyang “nagpapatakbo sa gusali” na mga May-permisong Dispensaryo sa Lunsod ng Los Angeles at dapat na lubos na sumusunod sa Batas ng Estado.

Sek. 9. Naihihiwalay.

Kung ang anumang seksyon, subseksyon, subdibisyon, talataan, pangungusap, sugnay, o prase ng Artikulong ito ay ipinasiyang walang-bisa o hindi maipatutupad sa anumang dahilan, ang naturang pagiging walang-bisa o hindi maipatutupad ay hindi dapat makaapekto sa pagiging may-bisa o maipatutupad ng mga natitirang seksyon, subseksyon, subdibisyon, talataan, pangungusap, sugnay, o prase ng Artikulong ito. Ang mga botante ng Lunsod ay nagpapahayag na independiyente nilang pagtitibayin ang bawat seksyon, subseksyon, subdibisyon, talataan, pangungusap, sugnay, o prase ng Artikulong ito nang hindi isinasaalang-alang ang katotohanan na anumang isa o higit na ibang mga seksyon, subseksyon, subdibisyon, talataan, pangungusap, sugnay, o prase ng Artikulong ito ay ipinahayag na walang-bisa o hindi maipatutupad.

Sek. 10. Malayang Konstruksiyon.

Ang Batas na ito ay isang paggamit ng pampublikong kapangyarihan ng mga tao ng Lunsod para sa proteksiyon ng kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga tao ng Lunsod, at dapat na malayang bigyang-kahulugan upang matupad ang mga layunin nito.

Sek. 11. Mga Naglalabang Panukala.

Kung mangyari na ang ibang panukala o mga panukala na may kaugnayan sa regulasyon ng cannabis sa Lunsod ng Los Angeles ay lumitaw sa kaparehong balotang kinalalagyan ng panukalang ito, ang mga tadhana ng ibang panukala o mga panukala ay dapat ituring na kasalungat ng panukalang ito. Kung ang panukalang ito ay tumanggap ng mas malaking bilang ng mga sumasang-ayong boto kaysa ibang panukala o mga panukala, ang mga tadhana ng panukalang ito ay dapat mamayani sa kabuuan ng mga ito, at ang mga tadhana ng kalabang panukala o mga panukala ay dapat pawalang-bisa.

Page 64: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

62TXTN-33-TA

Sek. B. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan sa pamamagitan nito at inuutusan na maglathala ng isang paunawang nagtataglay ng iminumungkahing panukala sa balota, na tumutukoy sa petsang ika-7 ng Marso, 2017, bilang ang petsa na ang panukala ay ibinoto ng mga kuwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles. Ang paunawa ay dapat ilathala minsan sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon sa Lunsod ng Los Angeles, at sa bawat edisyon nito sa araw na iyon ng publikasyon. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan at inuutusan na maghanda at magpanatili sa opisina ng Klerk ng Lunsod ng isang sapat na panustos na mga kopya ng iminumungkahing panukala sa balota at upang ipamahagi ang iminumungkahing panukala sa balota sa sinuman at lahat ng taong humiling ng kopya. Dagdag dito, ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan at inuutusan na magpakoreo ng mga kopya ng iminumungkahing panukala sa balota sa bawat isa ng mga kuwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles.

Sek. C. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan sa pamamagitan nito at inuutusan na magpagawa ng isang paunawang ilalathala minsan sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon na ang mga kopya ng mga pamplet ng impormasyon para sa botante na naglalaman ng iminumungkahing panukala sa balota ay maaaring makuha kapag hiniling sa opisina ng Klerk ng Lunsod.

Sek. D. Ang Klerk ng Lunsod ay dapat magharap ng isang angkop na sinertipikahang kopya ng Resolusyong ito sa Lupon ng mga Superbisor at sa Tagapagrehistro-Tagapagtala ng County ng Los Angeles.

Page 65: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

63TQP-TA

PINAKAMAHABANG TANING SA MGA PAG-UPA NG KAGAWARAN NG DAUNGAN. PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS P.

Dapat bang susugan ang Saligang-Batas ng Lunsod upang pahabain ang pinakamahabang taning para sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa na maaaring kabilangan ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasalukuyang pinakamahabang 50 taon sa bagong pinakamahabang 66 na taon, upang maging sang-ayon sa mga kasalukuyang pagbabago sa batas ng estado?

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUODNI SHARON M. TSO, PUNONG PAMBATASANG MANUNURI

Ang iminungkahing Pagsusog sa Saligang-Batas ay maghahanay sa mga kasalukuyang probisyon sa Saligang-Batas ng Lunsod sa Kagawaran ng Daungan ng Lunsod sa kasalukuyang sinusugang batas ng estado.

Sa kasalukuyan, ang Saligang-Batas ng Lunsod Seksyon 607 ay nagkakaloob na ang pinakamalaking pinahihintulutang haba ng mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensya at pagpapaupa na maaaring mai-isyu ng tatlong kagawaran ng pag-aari ng Lunsod ay hindi dapat lumampas ng 30 taon, o sa terminong tinukoy ng naaangkop na pang-estado at pederal na batas, alinman ang mas maikli. Dagdag nitong ipinahahayag na kung mahanap ng Konseho ng Lunsod na ang terminong mas mahaba sa 30 taon ay nasa pinakamabuting interes ng Lunsod, ang terminong hindi lalampas ng 50 taon ay maaaring mapahintulutan ng dalawang-katlong boto ng Konseho ng Lunsod.

Ang kasalukuyang batas ng estado, sa ilalim ng Seksyon 1 ng Kabanata 651 ng mga Batas ng 1929 ay pumuprotekta sa karapatan ng publiko na gamitin ang daluyan ng tubig ng California para sa komersyo, nabigasyon, pangingisda, pamamangka, pagprotekta sa natural na tirahan ng mga hayop, at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa tubig. Sa ilalim ng mga proteksyong ito, ang Lunsod ng Los Angeles ay ginagawaran sa pamamagitan ng pagtitiwala, ng lahat ng mga karapatan, titulo, at interes ng lupa ng Estado na apektado ng pagtaas at pagbaba ng tubig at mga lupang napapailalim ng tubig sa loob ng mga hangganan ng Lunsod para sa ilang mga layunin, kabilang ang pagtataguyod ng komersyo, nabigasyon at palaisdaan. Bago ang Oktubre 2015, pinahintulutan din ng batas na ito ang Lunsod na mag-isyu ng mga prankisya, permiso at pagpapaupa kaugnay ng mga lupang iyon [sa pamamagitan ng Kagawaran ng Daungan nito] para sa mga terminong hindi lalampas ng 50 taon.

Noong Oktubre 2015, ang batas ng estado na ito ay sinusugan upang pahintulutan ang Kagawaran ng Daungan na mag-isyu ng mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensya at pagpapaupa para sa pinakamahabang termino na 66 na taon, kung bibigyan ng permiso sa ilalim ng batas ng Lunsod. Ngunit, nililimitahan ng Saligang-Batas ng Lunsod ang mga termino sa 50 taon, na lumilikha ng isang hindi pagkakaayon sa pagitan ng mga pang-estado at lokal na batas.

Kung maaaprobahan, sususugan ng iminungkahing panukalang ito ang Saligang-Batas Seksyon 607 na pahabain ang pinakamahabang pinapahintulutang terminong naaangkop sa mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensya at pagpapaupa ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasalukuyang pinakamahabang pinahihintulutang 50 taon patungo sa bagong pinakamahabang pinahihintulutang 66 na taon, na naaayon sa panibagong batas ng estado. Ang ibang mga probisyon ng seksyon ng Saligang-Batas na ito ay mananatiling hindi mababago.

Ang panukalang ito ay magiging epektibo kung aaprobahan ng mayoriyang boto.

P

Page 66: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

64TQP-TA

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPINI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA PAMPANGASIWAAN NG LUNSOD

Binabago ng pagsusog sa Saligang-Batas ng Lunsod na ito ang pinakamahabang termino para sa mga kasunduan sa prankisya, konsesyon, permiso, lisensya, at pagpapaupa na iisyuhin ng Kagawaran ng Daungan mula sa kasaluyang limampung (50) taon patungo sa panibagong pinakamahabang anim-na-pu’t anim (66) na taon, na naaayon sa batas ng Estado.

Pananatilihin ng iminungkahing pagsusog sa Saligang-Batas ang wika sa Saligang-Batas Seksyon 607(a) na nag-aatas ng pag-aproba ng Konseho ng mga pangmatagalang pagpapaupa.

Ang anumang epekto sa pananalapi sa mga gastos at kita sa Kagawaran ng Daungan at Lunsod ay hindi malalaman hanggang sa ang mga kasunduan sa hinaharap na napapailalim sa pagsusog na ito ay imumungkahi ng Kagawaran ng Daungan at susuriin bilang bahagi ng proseso ng pag-aproba ng publiko.

Ang panukala ay maaaring makaapekto sa Pondo ng Kita ng Daungan. Walang magiging inaasahang epekto sa Pangkalahatang Pondo ng Lunsod.

Page 67: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

65AFP-TA

PANGANGATWIRANG PANIG SA PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS P

Ang Oo sa P ay nagmumungkahi ng isang teknikal na pagbabago na magpapabago sa Saligang-Batas ng ating Lunsod upang gawin itong naaayon sa kamakailan lamang na pagbabago sa batas ng estado na nagpapahaba mula 50 hanggang 66 na taong pinakamahabang termino kung saan maaaring paupahan o igawad ng Puwerto ng Los Angeles, gaya ng tinukoy, ang mga lupang apektado ng pagtaas at pagbaba ng tubig at mga lupang napapailalim ng tubig para sa mga espesipikong layunin.

Napagpasiyahan ng mga pangunahing pampubliko at pribadong nakataya, kabilang ang Korporasyon sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng County ng Los Angeles, na ang Oo sa P ay lilikha ng mga karagdagang oportunidad sa turismo at pagbisita sa Baybayin ng LA.

Ang Oo sa P ay mag-aayon sa karamihan sa mga puwerto sa hilaga at timog ng estado ng California, kabilang ang mga puwerto ng San Francisco, Oakland, Long Beach at San Diego.

Ang Oo sa P ay tutulong sa pagsuporta sa mga aksyon na isinagawa ng Lunsod ng Los Angeles upang mapaganda at mapabuti ang pagkonekta ng baybayin ng Los Angeles sa mga turista at komunidad, lumikha ng mga pinahusay na pampubliko at pribadong pamumuhunan, magtaguyod ng paggamit ng transit, lumikha ng mga trabaho at paramihin ang pampublikong akseso sa kanilang baybayin.

Bilang pagbubuod, ang Oo sa P:

• Ay isang teknikal na pagbabago na nagsususog sa Saligang-Batas ng Lunsod na maging naaayon sa batas ng estado

• Ay tutulong sa pag-akit sa mga pribadong pamumuhunan upang mapabuti ang Baybayin ng LA, lumikha ng mga trabaho, magdagdag ng mga buwis sa mga pagbebenta, at mga pang-ekonomiyang benepisyo

• Ay magpapahintulot sa Puwerto ng Los Angeles na pasukin ang mas mahabang termino ng pagpapaupa, ngunit hindi ito kinakailangan.

MGA TAONG PUMIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS P

JOE BUSCAINOMiyembro ng Konseho, Ika-15 Distrito

WALANG INIHARAP NA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALANG ITO.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 68: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

66RAAP-TA

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS P

Ang OO SA P ay nagtataguyod sa Puwerto ng Los Angeles, isang pang-ekonomiyang makina na lumilikha ng magagandang trabaho at aktibidad na pang-ekonomiya na nagpapakinabang sa bawat lugar ng California, kabilang ang:

• 1.1 milyong trabaho sa California• $89.2 bilyon sa halaga ng kalakal sa California• $5.1 bilyon sa mga kita galing sa buwis ng estado

Ang OO SA P ay tutulong sa mga komunidad ng San Pedro at Wilmington sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga oportunidad sa baybayin, na naging kaunti sa nagdaang mga dekada. Halimbawa, ang downtown San Pedro at Ports O’ Call Village ay kasalukuyang hindi gumaganap na ayon sa kanilang potensyal, dahil sa mga nakahiwalay na mga lugar ng retail/pangkomersiyong pagpapaunlad sa baybayin, kabilang ang mga iniwan, bakante, o hindi ganap na nagagamit na lugar.

BUMOTO NG OO SA P upang mapabago ang Saligang-Batas kasama ng Lunsod ng mga kasalukuyang pagbabago sa batas ng Estado at upang tayo ay maging kapantay ng lahat ng mga pangunahing puwerto sa Estado ng California, na sa ganitong paraan ay magpaparami ng mga oportunidad para sa karagdagang pamumuhunan at paglago.

MGA TAONG PUMIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS P

JOE BUSCAINOMiyembro ng Konseho, Ika-15 DistritoLunsod ng Los Angeles

ELISE SWANSONPresidente/CEOKamara ng Komersyo ng San Pedro

GARY TOEBBENPresidente at CEOKamara de Komersyo sa Lugar ng LA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 69: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

67TXTP-1-TA

Ang mga bagong tadhana o pananalitang idinagdag sa Saligang-Batas o sa mga kasalukuyang seksyon ng Saligang-Batas ay ipinakikita sa tipong salungguhit; ang mga salitang tinanggal mula sa Saligang-Batas o mula sa mga kasalukuyang seksyon ng Saligang-Batas ay ipinakikita sa tipong pagtanggal.

PAGSUSOG P SA SALIGANG-BATAS

Seksyon 1. Seksyon 607 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Seksyon 607. Mga Limitasyon sa mga Prankisya, Konsesyon, Permiso, Lisensiya at Pag-upa.

Ang mga prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya at pag-upa ay dapat sumailalim sa iba pang mga limitasyong tinukoy sa Artikulong ito para sa bawat Kagawaran ng Pagmamay-ari at sa mga sumusunod:

(a) Tagal. Ang takdang panahon ay hindi dapat humigit sa 30 taon o sa takdang panahon na tinukoy ng angkop na pederal o pang-estadong batas, alinman ang mas maikli. Kung ang Konseho ay magpasiya na ang isang takdang panahon na mas matagal kaysa 30 taon ay makabubuti sa Lunsod, ang Konseho ay maaari, sa pamamagitan ng dalawang-ikatlong boto, napapailalim sa beto ng Alkalde, o tatlong-ikaapat na boto upang talunin ang beto ng Alkalde, na magpahintulot ng isang takdang panahon na hanggang 50 taon para sa Kagawaran ng mga Paliparan at Kagawaran ng Tubig at Kuryente at isang takdang panahon na hanggang 66 na taon para sa Kagawaran ng Daungan, o ng pinakamahabang panahong ipinahihintulot ng anumang pederal o pang-estadong batas, alinman ang mas maikli.

(b) Mga Pag-aakma ng Kabayaran. Bawat prankisya, konsesyon, permiso, lisensiya, o pag-upa ay dapat kabilang ang isang pamamaraan upang iakma ang kabayaran pana-panahon pero hindi kailanman dapat humigit ng limang taon ang panahon sa pagitan ng mga pag-aakma.

Page 70: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

68TQS-TA

MORATORIYUM SA PAGPAPATAYO; MGA KABAWALAN SA MGA PAGSUSOG SA PANGKALAHATANG PLANO: KAILANGANG PAGSUSURI SA PANGKALAHATANG PLANO. INISYATIBONG ORDINANSA S.

Dapat bang pagtibayin ang isang ordinansang nagsususog sa mga batas ng Lunsod na kaugnay sa Pangkalahatang Plano, kabilang ang: 1) pagpataw ng dalawang-taong moratoriyum sa mga proyektong naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago ng distrito sa sona o taas na magreresulta sa mas labis na paggamit ng lupa, pinataas na densidad o taas, o pagkawala ng naisonang bukas na espasyo, mga lugar na agrikultural o industriyal, na may mga eksepsiyon para maibilang ang mga proyekto sa abot-kayang pabahay at mga proyektong para kung saan ang mga karapatan ay nakuha; 2) pagbawal sa mga pangheograpiyang pagsusog sa Pangkalahatang Plano maliban kung ang apektadong lugar ay may mahalagang panlipunan, pang-ekonomiya o pisikal na pagkakakilanlan (na binigyang kahulugan na sumasakop sa buong komunidad o lugar ng pagpaplano ng distrito, partikular na lugar ng pagpaplano, lugar ng konseho ng kapitbahayan o hindi bababa sa 15 acre); 3) pangangailangan ng sistematikong, pampublikong pagsusuri sa Pangkalahatang Plano sa bawat limang taon; 4) pagbawal sa mga aplikante ng proyekto na kumpletuhin ang mga ulat ng epekto sa kapaligiran para sa Lunsod; 5) pag-atas sa Lunsod ng pagtuklas ng hindi pagbabago sa Pangkalahatang Plano para sa pagpaplano ng mga pagsusog, mga pag-aproba ng proyekto at mga desisyon sa permiso; at 6) pagbabawal sa ilang mga pag-iiba ng parking?

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUODNI SHARON M. TSO, PUNONG PAMBATASANG MANUNURI

Itong iniisponsor-ng-mamamayan na ordinansa, kung pagtibayin, ay magsususog sa batas ng Lunsod upang magpataw ng isang pinakamataas na dalawang-taong moratoryum sa partikular na mga proyektong pagpapaunlad, na may mga tinukoy na eksepsiyon; tatakdaan ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano; mag-aatas ng pana-panahong pagrepaso ng Pangkalahatang Plano at mga Plano ng Komunidad; magpapataw ng mga iniaatas sa pagrepaso ng Pangkalahatang Plano at paghahanda ng ulat ng epekto sa kapaligiran; at, maglilimita sa pagbawas sa iniaatas na paradahan. Tatakdaan din nito ang kakayahan ng Lunsod na mag-isyu ng mga permiso sa pagtatayo o paggiba para sa dating inaprobahan na mga proyekto na nakatutugon sa partikular na mga pamantayan.

Ang ordinansang ito ay magpapataw ng isang pinakamataas na dalawang-taong moratoryum sa pag-aproba ng mga bagong proyektong naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago sa sona at distrito ng taas na magreresulta sa isang mas matinding paggamit ng lupa, tulad ng isang hindi gaanong nagtatakdang sona o konstruksiyon ng isang mataas na istruktura; isang pagtaas sa proporsiyon ng sukat ng sahig, kapal o taas; o, isang netong pagkawala ng lupang nakasona para sa bukas na espasyo, mga lugar na pang-agrikultura, o pang-industriya.

Katulad nito, ang ordinansa ay magpapataw ng isang pinakamataas na dalawang-taong moratoryum sa pagtatayo sa pamamagitan ng pagbabawal sa pag-isyu ng isang permiso sa pagtatayo o paggiba sa dating inaprobahang proyekto na ginawaran ng Lunsod ng isang Pagsusog sa Pangkalahatang Plano, pagbabago sa sona o taas ng distrito na nagresulta sa isang mas matinding paggamit ng lupa; isang pagtaas sa proporsiyon ng sukat ng sahig, kapal o taas; o, isang netong pagkawala ng lupang nakasona para sa bukas na espasyo, mga lugar na pang-agrikultura o pang-industriya.

S

Page 71: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

69TQS-TA

Ang mga eksepsiyon sa dalawang-taong moratoryum ay ipagkakaloob para sa mga proyektong may 100% abot-kayang pabahay na nag-aaplay para sa isang pagbabago ng sona o taas pero hindi humihingi ng pagsusog sa Pangkalahatang Plano; mga proyektong kailangan upang sumunod sa isang inisyu-ng-Lunsod na utos na may kaugnayan sa isang di-ligtas o mas mababa sa pamantayan na kondisyon; mga proyekto kung saan ang isang lubos na karapatan ay nakuha sa ilalim ng batas ng estado o Kodigong Munisipal; at, partikular na mga proyektong pantahanan.

Kung aprobahan, tatakdaan ng ordinansang ito ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano sa mga lugar na nakatutugon sa isa o higit sa mga sumusunod na pamantayan: (1) buong lugar ng plano ng komunidad o distrito; (2) buong lugar na kasama sa isang ispesipikong plano; (3) buong lugar ng Konseho ng Kapitbahayan; at/o (4) isang lugar na 15 akre o higit.

Ang ordinansa ay magtatatag ng isang pampublikong proseso para sa sistematikong pagrepaso at posibleng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano, 35 Plano ng Komunidad at Mga Plano ng Daungan at Paliparan tuwing limang taon. Ang Lunsod ay aatasang magpatibay ng isang iskedyul nang maaga para sa itong proseso ng pampublikong pagrepaso.

Ang paghahanda ng mga pahintulot na pangkapaligiran ay plano ring baguhin kung ang ordinansa ay aprobahan, kung saan aatasan nito ang Lunsod o ikatlong partidong tagapayo nito na maghanda ng anumang iniaatas na ulat ng epekto sa kapaligiran, sa halip ng aplikante, napapailalim sa posibleng pagbabayad.

Ang ordinansa ay nagmumungkahing limitahan ang ipinahihintulot na mga pagbawas sa loob-ng-lugar at labas-ng-lugar na mga iniaatas na paradahan para sa mga proyektong matatagpuan sa mga koridor ng paghahatid sa hindi hihigit sa isang ikatlong bahagi ng bilang na iniaatas ng mga kodigo ng Lunsod. Kung aprobahan, ang ordinansa ay mag-aatas sa mga tagagawa ng desisyon sa Lunsod na gumawa ng mga pagpapasiya na ang proyekto ay kaayon ng Pangkalahatang Plano.

Ang panukala ay magkakabisa sa pamamagitan ng isang boto ng mayoriya.

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPINI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA PAMPANGASIWAAN NG LUNSOD

Ang panukalang ito ay magsususog sa mga batas ng Lunsod na may kaugnayan sa Pangkalahatang Plano, magpapawalang-bisa sa mga batas sa pagsosona, at magpapataw ng isang dalawang-taong moratoryum sa pagtatayo, na may partikular na mga eksepsiyon, sa mga proyektong naghahangad ng mga pagsusog, mga pagbabago sa sona o taas ng distrito.

Ang panukalang ito ay mag-aalis sa Lunsod ng milyun-milyong dolyar sa pagkawala ng kita mula sa mga permiso, lisensiya, at ibang mga bayad na sinisingil sa mga apektadong proyekto. Bilang karagdagan, ang mga serbisyo at mga benepisyo ng komunidad na pinopondohan sa pamamagitan ng kaugnay na mga bayad sa pagpapagaan ng epekto at ibang mga pagpataw na may kaugnayan sa pagpapaunlad ay mababawasan ng milyun-milyong dolyar. Upang mapalitan itong pagkawala ng kita, maaaring kailanganin ng Lunsod na bawasan ang kasalukuyang bilang ng mga tauhan. Ang pagtaas ng aktibidad sa pagtatayo, pagpaplano, at pampublikong gawain sa Lunsod sa panahon at sa katapusan pagkaraan ng moratoryum sa pagtatayo ay magpapasiya sa abot ng mga pagkawala ng kita at mga pagbawas sa mga tauhan. Ang bilang ng mga proyekto na sasailalim sa moratoryum pagkaraan ng petsa ng pagkakabisa ng panukalang ito at ng epekto ng mga ito sa lokal na ekonomiya ay hindi kilala.

Page 72: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

70AFS-TA

PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA S

Ang Los Angeles ay Karapat-dapat na Ipaglaban. BUMOTO ng OO sa S. Samahan ang mabuting pamahalaan, pangkapaligiran, may-ari ng tahanan, katarungang panlipunan, konseho ng kapitbahayan at mga grupo ng nangungupahan mula sa lahat ng panig ng LA na nagsasabi ng OO sa S. Iligtas ang ating mga kapitbahayan!

Sinisira ng mga Bilyonaryong Tagapagpaunlad ang LA — Mga Nagtataasang Gusali, Trapiko, Pagkawasak na mga Pabahay na Kontrolado ang Renta. Mapipigilan natin sila sa pamamagitan lamang ng Pagbabago sa Gusaling Panlunsod. Ipinapakita ng mga rekord na binubuhusan ng mga bilyonaryong tagapagpaunlad ang mga lider ng Gusaling Panlunsod ng milyun-milyong dolyar. Pagkatapos sa mga palihim na pagpupulong, gumagawa ng mga plano ang ating mga lider kasama ang mga bilyonaryong ito. Sa huli, nagagawang laktawan ng mga bilyonaryong tagapagpaunlad ang mga pumuprotektang patakaran sa pagsosona. Sa nakapagpapahirap na halaga sa iyo at inyong pamilya.

Sumasang-ayon si Alkalde Garcetti na ang mga gantimpalang ito sa mga tagapagpaunlad ay “dapat na maging bihirang mga eksepsyon.” Ngunit naisiwalat ng L.A. Times ang napakalaking korupsyon, na ngayon ay iniimbestigahan ng ating Abugado ng Distrito ng LA: Isang marangyang kompleks ang naipatayo sa pagitan ng mga bodega, kung saan ito ay hindi pinahihintulitan, pagkatapos ng malalaking halaga ng perang dumaloy sa mga bulsa ng mga pulitiko sa Gusaling Panlunsod. Ipinapakita ng eskandalong “Sea Breeze” kung paano nagagawang lampasan ng mga tagapagpaunlad ang mga patakaran sa paggamit ng lupa. Ang “Panunuhol upang makalaro” ay mali. Ang pagbili ng mga boto ay mali. Ito ay sumisira sa LA.

Ang Oo sa S ay ang ating pinakamabuting pag-asa para makontrol ang pagsasa-Manhattan ng LA at ang malalaking pagpapaunlad na nagbabara ng trapiko sa ating mga kalye, sumasagabal sa mga matatag na kapitbahayan at lumilikha ng nagsisikipang mga kanyon ng mga mararangyang gusali.

Ang Oo sa S ay magbibigay ng kapangyarihan sa ating lahat na hubugin ang kinabukasan ng ating mga komunidad, hindi lamang ng mga bilyonaryong tagapagpaunlad. Bulag na pinahintulutan ng Gusaling Panlunsod ang pagkasira ng 22,000 mga yunit na kontrolado ang renta, kung saan nawalan ng lugar ang ating mga nakatatanda at manggagawa. Pinagsiksikan nila ang matataas na gusali sa mga dating abot-kayang komunidad. Sa halos linggu-linggo, nilalabag ng Gusaling Panlunsod ang mga batas — upang gantimpalaan ang mga bilyonaryong tagapagpaunlad. Sinisira nila ang ating bukas na espasyo, malubhang pinalalala ang trapiko at nilalamon ang mga serbisyo sa ating tubig, imburnal at emerhensiya.

Oo sa S. Iligtas Ang Ating Mga Kapitbahayan sa pamamagitan ng pagtanggal sa pulitikal na minanipulang sistema. Itinatatag ng Oo sa S ang makatwirang 2-taong pagbabawal sa “spot zoning” na magpapahinto sa mga lumalabag sa patakaran na nagpapatayo ng 5% na mga gusali ng LA. Itong maliit na grupo ng mga tagapagpaunlad na may pulitikal na koneksyon ay maaaring magdulot ng malaking negatibong epekto sa ating mga kapitbahayan.

Hinihikayat ng Oo sa S ang Abot-kayang Pabahay! Uunlad ang lahat ng pabahay, mga bagong tindahan, at mga restoran. At ang karamihan ng mga plano sa abot-kayang pabahay ay mapoprotektahan sa ilalim ng moratoryum na ito. Samantala, pagkatapos ng maraming taon na impluwensya ng bilyonaryong tagapagpaunlad, aatasan ng mga botante ang Gusaling Panlunsod na maagang magplano sa makatwirang paraan para sa paglago ng LA.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 73: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

71AFS-TA

Oo sa S. Para sa Pananagutan at Kalinawan. Pinapatigil ng Oo sa S ang mga bilyonaryong tagapagpaunlad na sumulat ng kanilang sariling ulat ng pangkapaligiran sa kanilang sariling kapakinabangan, na labis na nagpapababa sa importansya sa pagkawasak ng trapiko at kapaligiran na dulot ng kanilang malalaking pagpapaunlad. Ang Oo sa S ay pumupwersa sa Gusaling Panlunsod na magdaos ng mga pagdinig sa Pagpaplano ng Komunidad sa mga komunidad sa gabi — at hindi sa Downtown sa araw, kung kailan ito ay kadalasang dinodominahan ng mga nagla-lobby.

Oo sa S. Tayo ay Karapat-dapat sa mga Pulitikong Nagtatrabaho para sa Atin, Hindi sa mga Bilyonaryong Tagapagpaunlad. Noong 2005, ang ating Konseho ng Lunsod ay tahimik na bumoto upang pabayaan nito ang nangungunang tungkulin na pabaguhin ang plano para sa LA na tinatawag na Pangkalahatang Plano. Sa bawat malaking lunsod, ang Planong ito ay pinapabago bawat 5 taon upang umayon sa pagbabago. Ngunit salamat sa ating iresponsableng Konseho ng Lunsod, ang karamihan ng ating Plano ay 20 taong gulang na — at ang ating nakakahiyang “mga plano” sa imprastraktura ay mas maluma.

Ang Oo sa S ay nagsasabing: “Konseho ng Lunsod, sumunod kayo sa mga patakaran at gawin ninyo ang inyong trabaho!”

Upang ulitin ang winika ni Atorni Grace Yoo, Kasamang-tagapagtatag ng Environmental Justice Collaborative, “Nangako sila sa atin ng parke sa ating kapitbahayan. Ngunit sa halip ay nakuha natin ang malaking marangyang kompleks. Kung nagawa nitong mangyari sa aming kapitbahayan, ito ay maaaring mangyari sa inyo. Mangyaring bumoto ng Oo sa S.”

Bumoto ng Oo sa S. Sinisiguro ng Botong Oo na ang Kinabukasan ng LA ay Nasa Pag-aari Nating Lahat, Hindi sa mga Bilyonaryong Tagapagpaunlad!

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 74: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

72AFS-TA

MGA TAONG PUMIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA S

RICHARD CLOSEPresidenteSherman Oaks Homeowners Association

MICHAEL WEINSTEINPresidenteAIDS Healthcare Foundation

KENNETH S. ALPERN, M.D.TagapanguloThe Transit Coalition

RICHARD J. RIORDANDating Alkalde ng Los Angeles

MABEL CHANGKomisyon ng Pagpaplano ng Lunsod ng Los AngelesPresidente (Ret.)

REV. ALICE CALLAGHAN TagapagtatagLas Familias del Pueblo Skid Row

OPAL M. YOUNGPresidenteBaldwin Hills Crenshaw Homeowners Coalition

GLORIA ROMEROLider ng Mayoriya ng Senado ng Estado ng California (Ret.)

GRACE YOOKasamang-TagapagtatagEnvironmental Justice Collaborative

SEAN CHANDRA, ESQ.Los Angeles Tenants Union

Page 75: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

73RAFS-TA

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA S

Ang Panukala S ay isang resipi para sa kahirapan.

Kung kaya’t may malawak na koalisyon ay nagsasabi ng HINDI sa Panukala S, kabilang si Alkalde Eric Garcetti, mga Bombero, mga lider ng Konseho ng Kapitbahayan, ang Kamara ng Komersyo, mga unyon ng paggawa, mga tagapagtaguyod para sa walang tirahan at pabahay, mga tagapagtaguyod para sa nagrerenta, at marami pang ibang mga organisasyon at mga lider na ating pinagkakatiwalaan.

Tingnan ang buong listahan ng maraming tao at organisasyon na nagsasabi ng HINDI sa Panukala S sahttp://www.goestoofar.com/endorsements

Ang mga eksperto at lider ng komunidad ay sumasang-ayon na: Ang Panukala S ay sumosobra at HINDI nito ginagawa ang ipinapahayag nito, sa halip ay pinapatigil ang pabahay na abot-kaya at para sa walang tirahan, nagkakahalaga sa mga nagbabayad ng buwis ng milyun-milyon, at nagtatanggal ng libu-libong trabaho bawat taon.

Ang mga tagasuporta ng Panukala S ay gumagamit ng pinekeng mga numero at nakapanlilinlang na pahayag upang ikaw ay subukan at dayain tungkol sa kung ano ang tunay na ginagawa nito.

Narito ang katotohanan tungkol sa kung ano ang HINDI ginagawa ng Panukala S, at kung ano ang tunay na GINAGAWA nito.

Ang HINDI ginagawa ng Panukala S:

• HINDI pinapatigil ang korupsyon. Basahin ang inisyatibo – walang mga probisyon na binabanggit ang mga ito.

• HINDI nito pinoprotektahan ang pabahay na kontrolado ang renta. Siyasatin ang mga katotohanan – lubhang kakaunti sa mga yunit na kontrolado ang renta ang tinanggal ng panibagong uri ng pabahay sa mga pagbabawal ng Panukala S, at sa pamamagitan ng pagbabawal sa bagong pabahay hinihikayat ng Panukala S ang karagdagang pagtanggal ng abot-kayang pabahay.

• HINDI nito pinarurusahan ang mga tagapagpaunlad o ang gusaling panlunsod. Sa katotohanan, pinarurusahan nito ang mga tao ng L.A. – mga nagrerenta, panggitnang manggagawa, walang tirahan, mga nagbabayad ng buwis sa L.A. sa pamamagitan ng pagtataas ng mga renta at pagwasak ng mga trabaho.

Narito ang sinasabi ng mga eksperto, propesor ng unibersidad, malayang ekonomista, at ni Alkalde Eric Garcetti na aktwal na GAGAWIN ng Panukala S:

• Ilalagay tayo sa peligro ng kahirapan sa pamamagitan ng tahasang pagpapahinto sa pagpapanumbalik ng ekonomiya ng L.A., pagtatanggal ng halos $2 bilyon sa aktibidad na pang-ekonomiya at pagkakahalaga para sa mga nagbabayad ng buwis ng $70 milyon bawat taon.

• Haharangin ang pagpapatayo ng bagong pabahay na abot-kaya at para sa walang tirahan. Iniulat ng L.A. Times na haharangin ng Panukala S ang 90% ng pinlanong pabahay para mga walang tirahan sa L.A., at patitigilin ang mga planong paramihin ang abot-kayang pabahay na inaprobahan ng botante.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 76: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

74RAFS-TA

• Tatanggalin ang sampu-sampung libong trabaho bawat taon. Sinabi ng L.A. Daily News na “kung maipapasa ang Panukala S, ayon sa isang pag-aaral na inilabas noong Huwebes, hindi lamang to aapektuhan ng $2 bilyon ang ekonomiya ng Los Angeles, ngunit tatanggalan nito ng 24,000 trabaho ang mga tao at puputulin ang $70 milyon mula sa kaban ng yaman ng lunsod – na sapat upang tumanggap ng 1,000 bombero at pulis.”

Basahin ang mga katotohanang iniulat ng mga eksperto at ekonomista:www.GoesTooFar.com/report

“Itutulak ng Panukala S ang L.A. patungo sa kahirapan, magkakahalaga para sa mga nagbabayad ng buwis ng milyun-milyon, at mas palalalain ang krisis sa ating pabahay at kawalan ng tirahan. Mangyaring samahan ninyo ako at ang ating mga lider sa lahat ng panig ng ating lunsod sa pagsasabi ng HINDI sa Panukala S.”

-Alkalde Eric Garcetti

Sino ang nagsasabi ng HINDI sa Panukala S?

• Alkalde Eric Garcetti• United Firefighters Los Angeles• United Way of Greater Los Angeles• National Organization for Women• Downtown Women’s Center • Los Angeles Chamber of Commerce• LA Federation of Labor AFL-CIO• Mahigit na 30 lider ng Konseho ng Kapitbahayan

(tingnan ang buong listahan sa www.GoesTooFar.com/endorsements)

Ang Panukala S ay sumosobra at nakakasakit sa Los Angeles. Bumoto ng HINDI sa Panukala S.

www.GoesTooFar.com

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 77: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

75RAFS-TA

MGA TAONG PUMIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA S

MARTIN WACHSDistinggidong Propesor Emeritusng Pagpaplano ng LunsodUCLA Luskin School ofPublic Affairs

RUSTY HICKSEhekutibong Sekretaryo-Taga-ingat YamanCounty ng Los AngelesFederation of Labor, AFL-CIO

MICHAEL MANVILLEPropesor ng Pagpaplano ng LunsodUCLA Luskin School ofPublic Affairs

ERIC GARCETTIAlkaldeLunsod ng Los Angeles

KEN CRAFTPresidente at CEOHope of the ValleyRescue Mission

RON MILLEREhekutibong Sekretaryo L.A./O.C. Building &Construction Trades Council, AFL-CIO

MICHAEL MENJIVARTaga-ingat Yaman at Tagapangulo ng Komite ng Pagpaplanoat Paggamit ng LupaNorth HollywoodKonseho ng Kapitbahayan ng North East

RABBI JONATHAN KLEINEhekutibong Direktor ngClergy & LaityUnited for Economic Justice

ANGUS BEVERLYDirektor ng EstudyanteKonseho ng Kapitbahayan ng Westwood

LERON GUBLERPresidente at CEOKamara ng Komersyo ngHollywood

Page 78: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

76AAS-TA

PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA S

PANGANGATWIRAN SA BALOTA - HINDI SA PANUKALA S

“Ang Panukala S ay isang hindi mabuting isinulat na panukalang sumosobra. Gagastos ang lunsod ng bilyun-bilyon sa aktibidad na pang-ekonomiya, haharangin ang mga pagsisikap na inaprobahan-ng-botante upang makapagpatayo ng pabahay na abot-kaya at para sa walang tirahan, at itutulak ang ating lunsod pabalik sa kahirapan. Kung kaya’t ang isang malawak na koalisyon ng mga tao at organisasyon mula sa lahat ng panig ng Los Angeles ay nagsasabi na Bumoto ng HINDI sa Panukala S.”

-Jay Handal, Taga-ingat Yaman, Konseho ng Kapitbahayan ng Kanlurang Los Angeles*

Ipinapakita ng mga pag-aaral sa ekonomiya na hindi aayusin ng Panukala S ang ating proseso ng pagpaplano ngunit sa halip ay wawasakin ang 24,000 trabaho, tatanggalin ang $3.8 bilyon sa aktibidad na pang-ekonomiya, at itutulak ang ating lunsod pabalik sa kahirapan.

Ayon sa mga ekonomista at iba pang eksperto, ang panukalang ito na isinulat nang hindi maayos at komplikado ay:

• magwawasak ng 24,000 trabaho, na magkakalahaga sa mga manggagawa ng $1.28 bilyon sa mga nawalang sahod

• magtatanggal ng $3.8 bilyon sa aktibidad na pang-ekonomiya, at itutulak ang ating lunsod pabalik sa kahirapan

• haharangin ang pagpapatayo ng inaprobahan-ng-botante na pabahay na abot-kaya at para sa walang tirahan

• magkakahalaga sa mga nagbabayad ng buwis ng $140 milyon sa mga nawalang kita na kailangan para sa pulisya, bumbero, at iba pang mahahalagang serbisyo sa lunsod

(pinagkuhanan: Beacon Economics, “Economic Analysis: Measure S”, Disyembre 2016)

Kung kaya’t napakaraming mga responsableng lider ng komunidad at organisasyon ang nagsasabi na bumoto ng HINDI sa Panukala S. Ang United Way of Greater Los Angeles, mga bumbero ng Los Angeles, ang Kamara ng Komersyo ng Lugar ng Los Angeles, mga unyon ng paggawa, mga tagapagtaguyod sa kapaligiran, at mga grupong nonprofit na nagtataguyod para sa abot-kayang pabahay at walang tirahan ay sumasang-ayon na ang Panukala S ay hindi mabuti para sa Los Angeles.

Maging ang L.A. Times na tinawag ang Panukala S na “isang resipi para sa mas mataas na gastos sa pabahay, higit na kawalan ng tirahan at mas malaking kawalan ng pagkakapantay-pantay.”

(pinagkuhanan: LA Times Editorial; “Housing for the homeless is a crisis.”, Ika-17 ng Mayo, 2016)

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 79: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

77AAS-TA

“Kailangan nating ayusin ang proseso ng pagpaplano ng L.A., ngunit sumosobra ang Panukala S at sisirain nito ang mga trabaho, agad na pipinsalain ang maselang pag-unlad ng ating ekonomiya, at patitigilin ang mga pagsusumikap na magtayo ng abot-kayang pabahay at tugunan ang krisis sa kawalan ng tirahan. Bumoto ng HINDI sa S, ito ay isang batas na hindi mabuting isinulat na sumosobra at nakakasakit sa ating lunsod at mga residente.”

-Alan Greenlee, Ehekutibong Direktor, Southern California Association of Non-Profit Housing

*Ang mga titulo ay para lamang sa mga layunin ng pagtukoy

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 80: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

78AAS-TA

MGA TAONG PUMIRMA SA PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA S

FRANK LIMAPresidenteUnited Firefighters of Los Angeles City

RUSTY HICKSEhekutibong Sekretaryo-Taga-ingat YamanCounty ng Los AngelesFederation of Labor, AFL-CIO

PAAVO MONKKONENPropesor ng Pagpaplano ng LunsodUCLA Luskin School ofPublic Affairs

ELISE BUIKPresidente at CEOUnited Way ofGreater Los Angeles

JONATHAN PARFREYEhekutibong Direktor ngClimate Resolve

GARY TOEBBENPresidente at CEOLugar ng Los AngelesKamara ng Komersyo

CAROL NEWMANSekretaryaLake BalboaKonseho ng Kapitbahayan

ALAN GREENLEEEhekutibong Direktor ngSouthern California AssociationOf Non-Profit Housing

JAY HANDALTaga-ingat-yamanKanlurang Los AngelesKonseho ng Kapitbahayan

ANNE MISKEYPunong Opisyal na TagapagpaganapDowntown Women’s Center

Page 81: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

79RAAS-TA

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA S

Tayo ay nagkaroon ng mga kaibigan sa halos lahat na kodigo postal sa L.A. Tayo ay nakinig at natuto kung ano ang ninanais ng mga residente: Ang ating mga pinakamalaking pagnanais ay ang makontrol ang ating kagimbal-gimbal na trapiko sa kalye, labis na tumataas na presyo ng pabahay, pagkasira sa integridad ng kapitbahayan at kawalan ng lugar ng ating mga nakakatanda at manggagawa.

Ang mga bilyonaryong tagapagpaunlad ay nagpapaalab sa pinakamalalang krisis sa abot-kayang pabahay at kawalan ng tirahan sa America, at sa demolisyon ng mahigit sa 22,000 mga abot-kayang apartamentong ginagawang matatag ang pagrerenta.

Tinatawag ng Los Angeles Times ang pagkawala ng kontrol ng Gusaling Panlunsod sa mga nangyayari na “halos isang tiwaling sistema ng pag-aproba ng pagpapaunlad.”

Ang ating mga kalaban, na pinondohan ng apat na pandaigdigang bilyonaryo at ng Kamara ng Komersyo, ay desperado sa pagprotekta sa kasalukuyang kalagayan. Dahil hindi sila maaaring manalo sa mga merit, sila ay nagsisinungaling, naglulunsad ng mga personal na pag-atake at lumilikha ng mga pekeng balita tulad ng “pag-aaral sa ekonomiya” na walang ipinagbuti kumpara sa isang nobelang kathang-isip.

Ang lumalagong koalisyon ng mga konseho ng kapitbahayan, mga asosasyon ng may-ari ng bahay, mga organisasyon ng katarungang panlipunan, mga dating inihalal na opisyal at tagaplano ay malakas na humihingi ng pagbabago at sumusuporta sa Panukala S.

Ang Panukala S ay simple:

BUMOTO NG OO SA S upang maayos ang ating sirang sistema ng palihim na pakikipagnegosasyon sa Gusaling Panlunsod na nagpapahintulot sa mga tagapagpaunlad na magtayo ng kasinglaki ng kanilang ninanais, sa mga kalyeng hindi kayang mapanghawakan ito, sa mga lugar na hindi kayang matanggap ito.

BUMOTO NG OO SA S upang sabihing “tama na” sa mga bilyonaryong tagapagpaunlad na bumubuhos sa mga lider ng Gusaling Panlunsod ng pera at tumatanggap ng mga pabor bilang kapalit. Ang limitadong dalawang-taong moratoryum ay humahawak sa hanggang 5% ng pagpapaunlad lamang — ang mga tagaloob na nakakalusot sa mga patakaran sa paggamit ng lupa na pumuprotekta sa ating lahat mula sa labis na pagpapaunlad, malubhang trapiko at pagkawala ng ating pamana.

BUMOTO NG OO SA S upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga kapitbahayan. Malakas na tumututol ang mga residente sa mga pag-aproba ng Gusaling Panlunsod sa isang mataas na gusali sa isang komunidad para sa 2-palapag na tirahan, isang marangyang hotel sa isang aktibong faultline ng lindol at malalaking proyekto sa hindi magagandang interseksyon na ginawang hindi madaraanan ang mga bahagi ng Westside, Valley at Hollywood. Ngayon ito ay kumakalat sa buong lunsod.

BUMOTO NG OO SA S upang tugunan ang nakakagulat na pagdagsa ng marangyang pabahay ng malaking 15% antas ng pagkabakante, na binabalaan ng nangungunang ekonomista ng Zillow na

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 82: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

80RAAS-TA

lumilikha ng malubhang kawalan ng balanse. Walang lunsod ang dapat na maghikayat sa $3,500 multong mga apartamento kung ang mga $800 apartamento ay puno at umaapaw.

BUMOTO NG OO SA S upang mapatigil ang mga tagapagpaunlad sa pagdodoktor ng mga libro. Inaatasan ng Panukala S ang mga malayang propesyonal na magsulat ng mga ulat na pangkapaligiran tungkol sa kung paano nakakapanakit ang mga pagpapaunlad sa ating trapiko, mga serbisyong pang-emerhensiya, mga parke, tubig, mga imburnal, bukas na espasyo at mga paaralan. Sa kakaibang paraan, pinapahintulutan ng Gusaling Panlunsod ang mga tagapagpaunlad na sumulat ng kanilang sariling ulat na pangkalikasan, isang kapuna-punang pakinabang sa interes. Ito ay dapat tumigil. At ang mga tagapagpaunlad ay dapat na magbayad.

Inilunsad namin ang inisyatibong ito ng mga mamamayan noong Pebrero 2016, sa pangongolekta ng 104,000 pirma mula sa mga taong nagnanais na magtrabaho ang Gusaling Panlunsod para sa pampublikong interest, hindi para sa mga espesyal na interes. Ipinagmamalaki naming makatanggap ng mahigit sa 400 donasyon — isang rekord sa lokal na pagkakaloob sa panukala sa balotang inilunsad ng mamamayan. Mahigit sa 95% ng bawat isa sa aming mga kontribusyon ay mababa sa $20.

Maaari nating MAILIGTAS ANG ATING MGA KAPITBAHAYAN sa pamamagitan ng pagpuwersa sa Gusaling Panlunsod na magtatag ng mga malinaw na patakaran, at paggawa ng kanilang mga trabaho, na may tunay na pagbibigay ng pananaw mula sa bawat komunidad.

Ang Los Angeles ay karapat-dapat na ipaglaban.

BUMOTO NG OO SA S, at tanggalin natin ang karatulang “Para sa Pagbebenta” mula sa Gusaling Panlunsod.

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

Page 83: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

81RAAS-TA

MGA TAONG PUMIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA S

MICHAEL WEINSTEINPresidente AIDS Healthcare Foundation

CARMEN TRUTANICHAbugado ng Lunsod ng Los Angeles (Ret.)

DIANE E. WATSONKongresista ng Estados Unidos (Ret.)

ELENA POPPKasamang Tagapagtatag at Ehekutibong DirektorEviction Defense Network

JOYCE FOSTERNakaraang PresidenteLupon ng mga Komisyoner sa Pagpapatayo at Kaligtasan ng Los Angeles

DICK PLATKINTagaplano ng Lunsod ng Los Angeles (Ret.)

GERALD A. SILVERPresidente Mga May-ari ng Bahay ng Encino

XOCHITL GONZALESWestsiders Opposed to Overdevelopment

ROBERT FARRELLMiyembro ng Konseho ng Lunsod ng Los AngelesKomite ng Pagpaplano at Paggamit ng Lupa (Ret.)

ANASTASIA MANNPresidenteKonseho ng Kapitbahayan ngHollywood Hills West

Page 84: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

82TXTS-1-TA

INISYATIBONG ORDINANSA S

MORATORIYUM SA PAGPAPATAYO; MGA KABAWALAN SA MGA PAGSUSOG SA PANGKALAHATANG PLANO: KAILANGANG PAGSUSURI SA PANGKALAHATANG

PLANO. INISYATIBONG ORDINANSA.

Ang iminumungkahing ordinansa ay magsususog sa mga batas ng Lunsod na kaugnay sa Pangkalahatang Plano, kabilang ang: 1) pagpataw ng dalawang-taong moratoriyum sa mga proyektong naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago ng distrito sa sona o taas na magreresulta sa mas labis na paggamit ng lupa, pinataas na densidad o taas, o pagkawala ng naisonang bukas na espasyo, mga lugar na agrikultural o industriyal, na may mga eksepsiyon para maibilang ang mga proyekto sa abot-kayang pabahay at mga proyektong para kung saan ang mga karapatan ay nakuha; 2) pagbawal sa mga pangheograpiyang pagsusog sa Pangkalahatang Plano maliban kung ang apektadong lugar ay may mahalagang panlipunan, pang-ekonomiya o pisikal na pagkakakilanlan (na binigyang kahulugan na sumasakop sa buong komunidad o lugar ng pagpaplano ng distrito, partikular na lugar ng pagpaplano, lugar ng konseho ng kapitbahayan o hindi bababa sa 15 acre); 3) pangangailangan ng sistematikong, pampublikong pagsusuri sa Pangkalahatang Plano sa bawat limang taon; 4) pagbawal sa mga aplikante ng proyekto na kumpletuhin ang mga ulat ng epekto sa kapaligiran para sa Lunsod; 5) pag-atas sa Lunsod ng pagtuklas ng hindi pagbabago sa Pangkalahatang Plano para sa pagpaplano ng mga pagsusog, mga pag-aproba ng proyekto at mga desisyon sa permiso; at 6) pagbabawal sa ilang mga pag-iiba ng parking.

ORDINANSA BLG. ________________

ITINATAKDA NG MGA TAO NG LUNSOD NG LOS ANGELES ANG MGA SUMUSUNOD:

Seksyon. 1. Pangalan

Itong inisyatibong ordinansa ay dapat makilala at maaaring tawaging “Ang Inisyatibong Integridad ng Kapitbahayan,” at dapat tukuyin dito bilang “ang Batas.”

Sek. 2. Mga Ipinasiya

Ang mga tao ng Los Angeles ay nagpapasiya sa pamamagitan nito na:

A. Ngayon, ginagantimpalaan ng mga inihalal na lider ng Gusaling Panlunsod ng Los Angeles ang mga tagapagpaunlad na sumusuporta sa kanilang mga kampanya at mga paboritong proyekto, binibigyan sila ng espesyal na pagtrato sa pamamagitan ng pag-aproba sa hindi angkop o sobra ang laki na mga pagpapaunlad. Ang mga Tao ay nagtangka dati na pahusayin ang sistemang ito, pero ang kanilang mga reporma ay tinanggal lahat ng mga inihalal na opisyal ng lunsod ng Los Angeles. Ang mga tinangkang repormang ito ay dumating pagkatapos magkaroon ng malalaking iskandalo sa pagsosona ng Los Angeles noong mga taong 1960 na naglantad ng isang tiwaling sistema ng pagpaplano sa Gusaling Panlunsod. Ang ibinungang mga paglilitis sa panunuhol ay nagpadala sa bilangguan sa isang Konsehal ng Lunsod at ang isang tagapagpaunlad ay nahatulan ng malaking pagnanakaw. Si Hukom Pearce Young ay nagdeklara na ang gawain ng mga opisyal ng lunsod na “pagbabago ng pagsosona” ng mga indibidwal na parsela ng lupa para sa mga tagapagpaunlad na gusto ng mas malaking mga gusali kaysa sa ipinahihintulot ng pagsosona ay “ang kapangyarihang lumikha ng malaking kayamanan.”

B. Ang mga botante ay pumuwersa ng malalaking reporma sa pagsosona sa mga opisyal ng lunsod noong 1969. Ang isang Komite ng mga Mamamayan sa mga Gawain at Pamamaraan sa

Page 85: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

83TXTS-2-TA

Pagsosona ay nagmungkahi ng pagbabawal sa parsela-sa-parsela, o paningit, na pagsosona. Ang ulat ng Komite ng mga Mamamayan ay ispesipikong nagpasiya na ang “isang lubos na pira-pirasong paraan ng mga pagsusog na Pangkalahatang Plano ay bibigo sa prinsipyo ng pagiging masaklaw at sisira sa integridad ng [Pangkalahatang] Plano. Upang pigilan ito, anumang pagbabago sa Plano ay dapat tingnan sa hindi kukulangin na isang pambuong-komunidad na konteksto. Dahil doon … iminumungkahi namin na ang kinikilalang mga lugar ng komunidad na may panlipunan at pangkabuhayang pagkakakilanlan ay maging pinakamababang sukat ng mga yunit para sa pag-aaral at pagbabago ng pangkalahatang plano.” Pinagtibay ng mga Tao ang pagbabawal na ito sa reporma sa saligang-batas noong 1969, tinanggal ang maruming kaugnayan sa pagitan ng mga tagapagpaunlad at ng mga inihalal na opisyal ng lunsod na tumatanggap ng kanilang mga regalo, pera para sa mga paboritong proyekto, at mga kontribusyon sa kampanya.

C. Ngayon, ang mga opisyal ng lunsod ng Los Angeles ay tahimik na itinanggal ang mga reporma ng mga Tao. Nilulunod ng mga tagapagpaunlad ang mga opisyal ng lunsod ng mga regalo, mga donasyon sa kampanya at pagpopondo para sa mga miyembro ng konseho at mga paboritong proyekto ng alkalde. ipinagwawalang-bahala ang mga reporma ng botante ng 1969, ang Konseho ng Lunsod ay naggawad ng maraming parsela-sa-parselang pira-pirasong mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano. Pangkaraniwang pinapayagan ng Konseho ng Lunsod at Alkalde ang mga tagapagpaunlad na magtayo ng mas malaki at mas mataas na mga proyekto kaysa sa ipinahihintulot ng Pangkalahatang Plano/pagsosona – sa malinaw na kapinsalaan ng trapiko, impra-istruktura, at karakter ng isang komunidad. Ang mga ulat ng epekto sa kapaligiran na inihanda ng mga tagapagpaunlad ay nagpapalala sa mga problema sa pamamagitan ng pagtatago sa tunay na epekto nitong mga proyektong napakalaki at pabagu-bago.

D. Ipinasiya ng mga Tao na dapat patigilin ng mga botante ng lunsod ang ginagawa ng Konseho ng Lunsod at ng Alkalde na pagbibigay ng mga karapatan. Ang mga inihalal na opisyal ng lunsod ay masyadong nakatali sa mga regalo, donasyon sa kampanya at mga donasyon ng mga tagapagpaunlad sa kanilang mga paboritong proyekto na, noong 2005, ang Konseho ng Lunsod ay tahimik na nagbago sa isang lokal na batas upang ang Konseho ng Lunsod ay hindi na kailangang magsapanahon ng Pangkalahatang Plano sa isang iskedyul upang tiyakin na ito ay napapanahon. Itinuturo ang lumang Pangkalahatang Plano nito bilang “lipas na panahon”, na tinatanggihan nilang isapanahon, ang mga pulitiko ng Lunsod ay nagbigay sa kanilang mga sarili ng isang umiikot na dahilan para sa kanilang patuloy na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano sa kahilingan ng mga tagapagpaunlad.

E. Ang paningit na pagsosona at paningit na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay hindi katanggap-tanggap na “pagpaplano.” Ang gawaing ito ay nagtambak sa mga daan ng Lunsod ng trapiko, inalisan ng lugar ang mga kasalukuyang residente, at sinira ang karakter ng kapitbahayan. Binanat din nito ang kapasidad ng mga alkantarilya ng Lunsod, mga pangunahing tubo ng tubig, mga ugnayan ng pamamahagi ng kuryente, mga serbisyo ng bumbero at pulis, paradahan, at mga sistema ng transportasyon. Nabigo ng mga opisyal ng lunsod ang kanilang tungkulin na subaybayan ang kumulatibong pinsalang idinudulot sa impra-istruktura sa paggawad nitong parsela-sa-parsela na mga pagbabago sa pagsosona at paningit na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano. Sa katotohanan, ang Kontroler ng Lunsod ay nag-isyu kamakailan ng isang pagsusuri na nagpapakita na ang mga inihalal na opisyal ng Los Angeles ay nag-iiwan sa mesa ng milyun-milyong dolyar kada taon na magagawa nilang lehitimong kunin mula sa mga proyektong pagpapaunlad upang maiwasan ang mga kumulatibong pinsalang ito.

F. Bilang resulta ng pag-aproba ng Konseho ng Lunsod sa mas mataas na kapal at mas mataas na tindi ng paggamit sa pamamagitan ng paningit na pagsosona at paningit na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano, may isang kasalukuyan at agad na banta sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng publiko.

G. Wala sa panukalang ito na nakakaapekto sa kakayahan ng Lunsod na baguhin ang pagsosona o mga pagtatalaga ng Pangkalahatang Plano upang lumikha ng mga bagong parke o upang mag-atas ng mas-mababa-ang-tindi na mga paggamit kaysa kasalukuyang ipinahihintulot na pagsosona o pagtatalaga ng Pangkalahatang Plano. Ang panukalang ito ay hindi nag-aatas ng pagsusog sa anumang Ispesipikong Plano.

Page 86: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

84TXTS-3-TA

H. Kailangang utusan ng mga Tao ang mga opisyal ng Lunsod upang sumunod sa mga reporma sa Saligang-Batas ng Lunsod, at sa batas ng estado na ginagawa ang Pangkalahatang Plano na pinakamakapangyarihang dokumento sa paggamit ng lupa na nangunguna sa hanay ng mga batas sa pagpaplano at pagsosona, sa pamamagitan ng paggawa nitong mga tadhaha ng kodigong munisipal, na maaari lamang baguhin sa pamamagitan ng isang huling boto ng mga Tao. Ang Batas na ito ay:

1. Tumatapos sa paningit na mga susog sa Pangkalahatang Plano maliban sa mahahalagang lugar.

2. Pumupuwersa sa Lunsod na muling masaklaw na magplano para sa pisikal na pagpapaunlad ng Los Angeles sa antas ng komunidad o pambuong-lunsod, gumamit ng maaasahang mga datos ng populasyon, kahandaan ng tubig, kapasidad ng impra-istruktura at mga oras ng pagtugon ng bumbero at pulis sa proseso ng pagpaplano, at gumamit ng mas mahusay na pagkontrol sa pagrepaso ng kapaligiran ng malalaking proyektong nag-aatas ng mga ulat ng epekto sa kapaligiran.

I. May isang kasalukuyan at agad na banta sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng publiko bilang resulta ng pag-aproba ng Lunsod sa paningit na mga pagsusog sa pangkalahatang plano na nagtataas ng kapal at tindi ng paggamit, at ang kabiguan ng Lunsod na palagiang pagsasapanahon ng Pangkalahatang Plano nito upang lubos na tayahin ang kapasidad ng impra-istruktura ng Lunsod na suportahan ang antas ng pagpapaunlad na itinatadhana sa pira-pirasong mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano. Itong pira-pirasong mga pagsusog sa plano ay nakagagambala sa paglikha ng isang tumutugma at angkop na Pangkalahatang Plano.

J. Ang pagbuo ng mga proyektong nagtataglay ng malaking sangkap ng pangmaraming-pamilyang pabahay ay may masamang epekto sa kalusugan at kaligtasan kapag ang naturang mga proyekto ay inaaprobahan sa mga lugar na hindi nakasona para sa naturang pabahay o hindi nagpapahintulot ng naturang pabahay sa ilalim ng Pangkalahatang Plano. Ang masamang epektong ito ay idinudulot dahil ang impra-istruktura ng Lunsod ay napagbabantaan, dahil ang mga oras ng pagtugon ng bumbero ay hindi palaging nakatutugon sa mga pamantayan para sa kaligtasan (Los Angeles Times, “Ang pagtugon ng Kagawaran ng Bumbero ng L.A. ay mabagal, ipinakikita ng mga datos,” (Ika-23 ng Oktubre, 2014), ang panustos na tubig ng Lunsod ay gumagamit ng lumang impra-istruktura na dapat itaas ang kalagayan (Business Week, “Humaharap ang L.A. sa $1.5 Billyon na Singil Habang Tumutulo ang Pipes Spring: Mga Lunsod,” (Ika-10 ng Agosto, 2014)), at mga kalyeng humihina ang kalagayan (Lunsod ng Los Angeles, Kawanihan ng mga Serbisyo sa Kalye, Ulat sa Kalagayan ng mga Kalye ng 2011). Ang mga kalagayang ito ay lubos na nakadokumento at hindi napahusay (New York Times, “Nagkakabitak ang Impra-istruktura habang Ipinagpapaliban ng Los Angeles ang mga Pagkukumpuni,” (Ika-1 ng Setyembre, 2014)). Ang mga bantang ito sa kaligtasan ng publiko ay pinagagaan sa pamamagitan ng pagpayag sa pangmaraming-pamilya na pagpapaunlad na dapat lamang maganap kung saan ang Pangkalahatang Plano at pagsosona ay idinisenyo para rito, hanggang ang Pangkalahatang Plano ay maisapanahon sa pamamagitan ng kailangang pagrepasong pangkapaligiran na nagtatatag na ang impra-istruktura ng Lunsod ay may kakayahang maglingkod sa nadagdagang kapal ng populasyon sa mga lugar na hindi kasalukuyang nakaplano para sa naturang kapal. Walang maisasagawang mga alternatibo sa pagsasagawa ng naturang pagsasapanahon ng plano at sa pagrepasong pagkapaligiran nito.

K. Habang ang mga opisyal ng Lunsod ay gumagamit ng paningit na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano upang payagan ang lalong kumakapal na pagpapaunlad, sila ay naggagawad din ng iba't ibang mga pagbawas at pagtalikdan sa mga iniaatas na paradahan ng kodigong munisipal nang walang sapat na pagpapakita na ang mga ookupa at gagamit ng proyekto ay hindi paparada sa katabing mga distritong pantahanan at pangnegosyo sa kapinsalaan ng kalidad ng buhay ng may pagkakaiba-ibang pantahanang kapitbahayan ng Lunsod. Ang panukalang ito ay magpapataw ng isang panlabas na mga hangganan sa kakayahan ng mga opisyal ng Lunsod na maggawad ng naturang sariling pagpapasiya na mga pagtalikdan para sa proyekto, kabilang ang mga subdidisyong tulad ng mga subdibisyon ng maliit na lote at mga pagpapalit para maging kondominyum, at ibang malalaking proyektong pagpapaunlad na kumukuha ng mga kasunduan sa pagpapaunlad, mga pagbabago sa sona o taas ng distrito.

Page 87: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

85TXTS-4-TA

NGAYON DAHIL DOON, batay sa naunang mga pagpapasiya ang mga Tao ay nagpapasiya at nagdedeklara na ang pangwastong pagbabatas ay iniaatas upang ibalik ang Masaklaw na Proseso ng Pangkalahatang Plano, palakasin ang pagkakaugnay nito sa kapasidad ng impra-istruktura upang suportahan ang kaugnay na pisikal na pagpapaunlad ng Lunsod, at ipatupad ang Pangkalahatang Plano at ang mga kaukulang pagsosona nito upang gumawa ng mga desisyon sa paggamit ng lupa, gayon din ang proseso ng pagrepasong pangkapaligiran na lubos na kaugnay sa naturang mga desisyon, mas matatag, makatarungan, mahuhulaan, at upang tapusin ang nakapipinsalang paghahalo ng haka-haka at pulitika sa paggawa ng desisyon sa paggamit ng lupa ng mga opisyal ng Lunsod.

Sek. 3. Pagpapalit ng Titulo

Seksyon 11.5.1 ng Artikulo 1.5 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod: “Sek. 10.4.1. Titulo. Ang artikulong ito ay dapat makilala bilang ang Masaklaw na Programang Pangkalahatang Plano ng Lunsod ng Los Angeles.”

Sek. 4. Ang Pansamantalang Moratoryum ay Nagpapatigil sa mga Pag-aproba ng Konseho sa mga Proyektong Naghahangad ng Paningit na Pagsosona at mga Pagsusog sa Pangkalahatang Plano upang Patindihin ang Paggamit ng Lupa

A. Mga Pagpapakahulugan. Para sa mga layunin ng Batas, ang katawagang “proyekto” ay dapat bigyan ng kahulugan bilang “ang konstruksiyon, pagtatayo, pagbabago ng, o pagdaragdag sa isang istruktura.” Ang katawagang proyekto ay hindi dapat kabilang ang panloob o panlabas na mga pagpapahusay na hindi nagtataas ng sukat ng sahig ng higit sa nasa kasalukuyang istruktura.

B. Sa kabila ng anumang seksyon ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles at sa petsa ng pagkakabisa ng moratoryum na ipinataw ng Batas walang proyektong naghahangad ng isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano, isang pagbabago sa sona o distrito ng taas na dapat aprobahan ng Konseho ng Lunsod kung ang naturang pag-aproba ay magreresulta sa:

1. mga pagbabago ng kasalukuyang pagsosona upang ipahintulot ang karagdagang tindi ng paggamit ng lupa (gaya ng nilinaw ng isang pagbabago ng sona mula sa isang mas mahigpit patungo sa mas maluwag na sona alinsunod sa seksyon 12.04 A ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles, o sa isang taas ng distrito na nagpapahintulot sa konstruksiyon ng isang mas mataas na istruktura); o

2. isang pagtaas sa proporsiyon ng sukat ng sahig, kapal o taas; o

3. isang netong pagkawala ng lupang nakasonang bukas na espasyo, pang-agrikultura o pang-industriya.

C. Sa kabila ng anumang seksyon ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles at sa petsa ng pagkakabisa ng moratoryum na ipinataw ng Batas, walang permiso sa pagtatayo o paggiba na dapat iisyu pagkaraan ng petsa ng pagkakabisa ng Batas para sa anumang proyekto kung saan ang Lunsod ay naggawad ng isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano, pagbabago sa sona o distrito ng taas na nagresulta sa:

1. mga pagbabago sa kasalukuyang pagsosona o mga taas ng distrito na nagpapahintulot ng mas matinding paggamit ng lupa o pagtaas sa proporsiyon ng sukat ng sahig, kapal o taas mula sa ipinahihintulot sa kasalukuyang Pangkalahatang Plano; o

Page 88: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

86TXTS-5-TA

2. isang pagpapalit ng sona mula sa bukas na espasyo, pang-agrikultura o pang-industriya patungo sa anumang ibang uri ng pagsosona na hindi bukas na espasyo, pang-agrikultura o pang-industriya.

D. Pagtatapos ng Moratoryum. Ang moratoryum na ipinataw ng Seksyon 4 ay matatapos sa pangwakas na pagpapatibay ng Konseho ng Lunsod ng pareho ng 1) isang isinapanahong Balangkas ng Pangkalahatang Plano at 2) isang isinapanahong teksto ng plano ng komunidad at mapa ng pagsosona para sa isang partikular na lugar ng plano ng komunidad o 3) sa loob ng 24 na buwan ng petsa ng pagkakabisa ng Batas, alinman ang mas maaga.

E. Mga Eksepsiyon. Ang mga pagbabawal ng moratoryum na tinukoy sa Seksyon 4 ng Batas ay hindi dapat pairalin:

1. sa anumang Proyekto kung saan 100% ng mga yunit ay tinatakdaan ng kasulatan na mga Abot-kayang Yunit ng Pabahay, na naghahangad ng pagbabago ng isang sona o distrito ng taas lamang, pero hindi isang susog sa Pangkalahatang Plano. Ang isang Abot-kayang Yunit ng Pabahay ay nilinaw bilang isang yunit na abot-kaya sa mga sambahayang may kabuuang kita ng sambahayan na nasa o mas mababa sa mga antas ng Maliit at Kita (kabilang ang Sukdulang Mababang Kita at Labis na Mababang Kita) gaya ng ipinasiya ng Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Komunidad ng California (o kapalit na ahensiya) para sa County ng Los Angeles taun-taon, at pinauupahan o ibinebenta para sa hindi hihigit sa porsiyento ng kabuuang kita ng sambahayan na iniaatas ng seksyon 50052.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

2. sa isang konstruksiyon kung saan ang isang permiso sa pagtatayo o paggiba ay iniaatas a) upang sumunod sa isang utos na inisyu ng Kagawaran ng Pagtatayo at Kaligtasan upang kumpunihin, tanggalin o gibain ang isang di-ligtas o mas mababa sa pamantayan na kalagayan o b) upang muling magtayo bilang resulta ng pagkasira ng sunog, lindol o ibang likas na kalamidad, sa kondisyon na ang pagpapaunlad ay hindi ipinagbabawal ng anumang tadhana ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles at ang pagpapaunlad ay hindi nagtataas ng kuwadradong talampakan nang higit sa dating naroon sa lugar.

3. sa anumang proyekto (a) kung saan ang isang lubos na karapatan ay natipon sa ilalim ng batas ng estado o ng mga tadhana ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles bago ang petsa ng pagkakabisa ng Batas na ito, at hindi rin (b) sa nakasonang RA, RE, RS at R1 na mga ari-arian na ang anumang Ordinansa sa Pansamantalang Pagkontrol ay kasalukuyang may-bisa, kabilang ang pero hindi limidado sa Ordinansa sa Pansamantalang Pagkontrol Blg.184397 at anumang mga pagpapalawak ng tadhanang iyon.

Sek. 5. Pagprotekta sa Integridad ng Pangkalahatang Plano: Mga Permanenteng Pagtatakda sa Paningit na Pagsosona na Lumalabag sa Saligang-Batas ng Lunsod

Ang unang walang-numerong talataan at mga Subdibisyon A at B ng Seksyon 11.5.6 ng Artikulo 1.5 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod (lahat ng ibang mga tadhana ng Seksyon 11.5.6 ay hindi binago):

SEK. 11.5.6. PANGKALAHATANG PLANO.

Alinsunod sa Seksyon 555 ng Saligang-Batas, ang masaklaw na Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay maaaring pagtibayin, at susugan pana-panahon, sa kabuuan, sa pamamagitan ng kumpletong mga elemento ng paksa, sa mga bahagi ng mga elemento, o sa malalaking heograpikong lugar. Kaayon ng Seksyon 555 ng Saligang-Batas, walang pagsusog sa Pangkalahatang Plano na dapat pagtibayin para sa isang bahagi ng isang elemento o anumang

Page 89: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

87TXTS-6-TA

heograpikong lugar ng Lunsod na walang malaking panlipunan, pangkabuhayan o pisikal na pagkakakilanlan.

A. Mga Pagsusog. Ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay dapat simulan, ihanda at gawan ng aksiyon alinsunod sa mga pamamaraang nakalagay sa Seksyon 555 ng Saligang-Batas at sa seksyong ito.

B. Pagsisimula ng Pagsusog sa Plano. Gaya ng itinatadhana sa Seksyon 555 ng Saligang-Batas, ang isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay maaaring simulan ng Konseho, ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ng Direktor ng Pagpaplano. Ang mga pagsisimula ng Konseho ng Lunsod o Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat na sa pamamagitan ng boto ng mayoriya. Kung ang isang pagsusog ay sinimulan ng Konseho o ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ito ay dapat ihatid sa Direktor para sa pag-uulat at rekomendasyon sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod. Kaayon ng Seksyon 555 ng Saligang-Batas, ang Konseho ng Lunsod, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, o Direktor ng Pagpaplano ng Lunsod ay maaaring magpasimula ng isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano, kabilang ang sa kahilingan ng sinumang tao, maliban kung ang iminumungkahing susog ay sumasaklaw sa isang lugar na may malaking panlipunan, pangkabuhayan, o pisikal na pagkakakilanlan, gaya ng nilinaw dito.

Sinimulan man ng Direktor, ng Konseho o ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ang Direktor ay dapat maghanda ng pagsusog at isang ulat na nagrerekomenda ng aksyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod. Ang ulat ay dapat magtaglay ng paliwanag ng mga dahilan para sa aksyon na inirekomenda. Pagkatapos ihanda ng Direktor ang isang pagsusog sa Plano at ulat, ang Direktor ay dapat maghatid ng talaan sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod para sa aksyon nito.

1. Ang mga sumusunod na pamantayan ay dapat mamahala sa pagpapasiya ng Konseho ng Lunsod, ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ng Direktor ng Pagpaplano ng kung ano ang bumubuo ng “isang lugar na may malaking panlipunan, pangkabuhayan, o pisikal na pagkakakilanlan,” para sa mga layuning pagtaya ng isang iminumungkahing pagsusog sa Pangkalahatang Plano. Anumang pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay dapat tumugon sa isa o higit ng nasa ibabang apat na pamantayan na dapat isaalang-alang upang saklawin ang “isang lugar na may malaking panlipunan, pangkabuhayan, o pisikal na pagkakakilanlan,”

(a) Isang buong lugar ng plano ng komunidad o distrito;

(b) Isang buong lugar na isinama sa isang ispesipikong plano;

(c) Isang buong tinukoy na lugar ng konseho ng kapitbahayan;

(d) Isang lugar na hindi kukulangin sa 15 akre.

2. Hindi kailanman maaaring aprobahan ang isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano na nagpapahintulot ng nag-iisang proyekto o grupo ng nakabinbin o kasabay na isinumiteng mga proyektong pagpapaunlad ng tunay na ari-arian na dapat aprobahan kung saan ang pag-aproba ng naturang proyekto o mga prroyekto ay magiging hindi kaayon ng Pangkalahatang Plano. Ang pag-aproba ng Konseho ng Lunsod sa anumang pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay dapat kabilang ang mga ispesipikong pagpapasiyang batay sa matibay na ebidensiyang nagpapakita na ang pagsusog ay hindi lamang upang padaliin ang pag-aproba ng isang nakabinbing proyekto o mga proyekto.

Page 90: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

88TXTS-7-TA

3. Sa pag-aproba ng pagpapatibay o pagsusog ng anumang bahagi ng Pangkalahatang Plano, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at Konseho ng Lunsod ay dapat gumawa ng mga pagpapasiya batay sa matibay na ebidensiya na ang iminumungkahing pagpapatibay o pagsusog ay kaayon nito at ng lahat ng ibang mga elemento ng Pangkalahatang Plano.

Sek. 6. Nag-aatas ng mga Pagsasapanahon ng Pangkalahatang Plano at Plano ng Komunidad at Pagiging Kaayon sa isang Pinahusay na Kapaligiran ng Kalinawan

Seksyon 11.5.8 ng Artikulo 1.5 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

SEK. 11.5.8. SISTEMATIKONG PAGREPASO NG PANGKALAHATANG PLANO AT MADALING PAGDALO SA MGA PAGDINIG

A. Sa loob ng siyamnapung araw ng petsa ng pagkakabisa ng Batas, ang Konseho ng Lunsod, pagkatapos isaalang-alang ang mga rekomendasyon ng Direktor ng Pagpaplano at ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ay dapat magpatibay sa pamamagitan ng isang resolusyon ng isang iskedyul at programa para sa agad na sistematikong pagrepaso ng publiko at posibleng pagsusog sa lahat ng mga elemento ng Pangkalahatang Plano. Ang prosesong ito ng pagrepaso at pagsasapanahon ay dapat mangyari bawat limang taon.

B. Ang programang ito ay dapat kabilang ang pagrepaso at posibleng pagsasapanahon ng 35 Plano ng Komunidad at ng mga Plano ng Distrito ng Daungan at Paliparan. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat magsagawa ng lahat ng mga pampublikong pagdinig na nauukol sa pagrepaso at posibleng pagsasapanahon ng mga Plano ng Komunidad o mga Plano ng Distrito sa isang lokasyon sa bawat isa ng 35 lugar ng Plano ng Komunidad at dalawang Plano ng Distrito kahit kailan na ang naturang plano ay nirerepaso at isinasapanahon. Lahat ng naturang mga pampublikong pagdinig ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat isagawa sa dulo ng linggo upang itaas ang kakayahan ng publiko na makadalo. Ang angkop na subkomite ng Konseho ng Lunsod na nagrerepaso ng anumang iminumungkahing pagrepaso o pagsasapanahon ng Plano ng Komunidad o Plano ng Distrito ay dapat magsagawa ng kahit isang pampublikong pagdinig sa apektadong lugar, at dapat magsagawa ng naturang pagdinig sa gabi o sa dulo ng linggo. Wala sa Batas na ito na pumipigil sa mga komunidad na magsagawa ng sinimulan-ng-mamamayan na mga pulong upang buuin ang kanilang mga bisyon ng pagpaplano at mga rekomendasyon sa Lunsod.

Sek. 7. Ang mga Ulat ng Epekto sa Kapaligiran ay Hindi na Maaaring Ihanda ng mga Tagapagpaunlad at ang mga Pag-aproba at Permiso ng Proyekto ay Dapat na Kaayon ng Pangkalahatang Plano

Ang isang bagong seksyon, 11.5.11, ay idinaragdag sa pamamagitan nito sa Artikulo 1.5 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles, gaya ng mga sumusunod:

SEK. 11.5.11. PAGHAHANDA NG MGA ULAT NG EPEKTO SA KAPALIGIRAN AT PAGIGING INDEPENDIYENTE NG MGA TAGAPAYO; INIAATAS NA PAGIGING KAAYON NG PANGKALAHATANG PLANO.

Page 91: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

89TXTS-8-TA

A. Mga Ulat ng Epekto sa Kapaligiran. Sa kabila ng anumang mga tadhana sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California, ng seksyon 21000 at kasunod ng Kodigo sa mga Pampublikong Tagapagdulot, ang Mga Patnubay sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California, o ng Mga Patnubay sa Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng Lunsod ng Los Angeles, tuwing ang isang ulat ng epekto sa kapaligiran ay iniaatas na ihanda bago ang pag-aproba ng isang proyekto na ang Lunsod ng Los Angeles ay ang Namumunong Ahensiya alinsunod sa seksyon 21067 ng Kodigo sa mga Pampublikong Tagapagdulot, ang ulat ng epekto sa kapaligiran ay maaari lamang ihanda ng mga tauhan ng Namumunong Ahensiya o sa pamamagitan ng kontrata sa pagitan ng Namumunong Ahensiya at ibang pampubliko o pribadong entidad, at hindi maaaring ihanda ng isang aplikante o ng isang tagapayo o ikatlong partidong kinuha ng isang aplikante. Ang Lunsod ay maaaring maghanda ng isang ulat ng epekto sa kapaligiran o makipagkontrata sa isang tagapayo upang maghanda ng isang ulat ng epekto sa kapaligiran para sa mga proyekto na ang Lunsod ay isang aplikante. Ang Namumunong Ahensiya ay maaaring mag-atas sa aplikante na bayaran ang ahensiya para sa gastos sa paghahanda ng ulat ng epekto sa kapaligiran.

B. Pagiging Kaayon ng mga Pag-aproba sa Proyekto at Permiso.

1. Sa pag-aproba ng anumang iminumungkahing proyektong pagpapaunlad, ang bawat tagagawa ng desisyon sa Lunsod (iyon ay ang direktor ng pagpaplano ng Lunsod, tagapangasiwa ng pagsosona, komisyon sa pagpaplano ng lunsod, komisyon sa pagpaplano ng lugar, o Konseho ng Lunsod) ay dapat gumawa ng mga pagpapasiya batay sa matibay na ebidensiya na ang iminumungkahing proyekto ay kaayon ng lahat ng mga elemento ng Pangkalahatang Plano.

2. Bago mag-isyu ng anumang uri ng permiso, ang opisyal ng Lunsod na responsable para sa pag-isyu nito ay dapat magpasiya na ang iminumungkahing permiso ay kaayon ng Itinalagang Paggamit ng Lupa ng Pangkalahatang Plano, lahat ng mga angkop na tadhana ng kodigo sa pagsosona, lahat ng mga kondisyon ng proyekto, at magpasiya na walang malalaking pagbabago na ginawa sa proyekto gaya ng orihinal na inaprobahan na mag-aatas ng anumang bagong sariling pagpapasiya na pagrepaso ng isang tagagawa ng desisyon sa Lunsod.

Sek. 8. Tinitiyak na ang Malalaking Pagpapaunlad Gayon Din ang mga Subdibisyon ng Maliit na Lote at mga Pagpapalit Upang Maging Kondominyum ay Nagkakaloob ng Sapat na Paradahan

Ang Artikulo 2, Seksyon 12.21, Subdibisyon A.4 , talataan (y) ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles, ay sinususugan sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng panghuling pangungusap sa talataan (y) gaya ng ipinakikita sa teksto sa ibaba. Walang mga karagdagang tadhana sa anumang bahagi ng Seksyon 12.21 na sinususugan ng panukalang ito.

(y) Awtoridad ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod para sa Binawasang Loob-ng-Lugar na Paradahan na May Malayong Labas-ng-Lugar na Paradahan o mga Alternatibong Transportasyon. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay maaari, pagkatapos ng aplikasyon, na magpahintulot ng binawasang loob-ng-lugar na paradahan at malayong labas-ng-lugar na paradahan. Ang awtorisasyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay maaari lamang aprobahan kung may kaugnayan sa isang pag-aproba ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ng isang aplikasyon o apela na napapailalim sa hurisdiksiyon nito kabilang ang mga sumusunod: ang aksiyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa isang aplikasyon para sa isang pagbabago ng sona, pagbabago ng distrito ng taas, distrito ng suplementong paggamit,

Page 92: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

90TXTS-9-TA

at may-kondisyon na paggamit alinsunod sa Seksyon 12.24U; ang aksiyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa isang apela sa pansamantalang mapa ng sukat, isang apela sa nagkakaloob na pansamantalang mapa ng sukat, isang kasunduan sa pagpapaunlad; at ang aksiyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa isang kahilingan para sa isang bonus na kapal na mas malaki kaysa pinakamababang 25 porsiyentong iniaatas ng Seksyon 65915 ng Kodigo ng Pamahalaan, eksepsiyon mula sa isang ispesipikong plano, o isang permiso sa proyekto alinsunod sa isang ordinansang moratoryum o ordinansang pansamantalang pagkontrol. Sa paggamit ng awtoridad na ito, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat umakto sa isang aplikasyon sa kaparehong paraan at napapailalim sa mga kaparehong limitasyon gaya ng angkop sa Tagapangasiwa ng Pagsosona, sa ilalim ng Seksyon 12.27X. Gayunman, ang mga pamamaraan para sa paunawa, pagdinig, mga limitasyon sa panahon, mga apela at pagrepaso ng Konseho ay dapat na kapareho ng angkop sa napapaloob na sariling pagpapasiya na pag-aproba. Hindi kailanman maaaring bawasan ang iniaatas na loob-ng-lugar na paradahan ng higit sa isang-ikatlo (kabilang ang sa pamamagitan ng malayong labas-ng-lugar na paradahan) mula sa bilang ng mga espasyo na iniaatas na ipagkaloob ng anumang ibang angkop na mga tadhana ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles.

Sek. 9. Paghiling ng Paglalagay sa Pinakamaagang Posibleng Balota

Ang mga botanteng pipirma sa petisyong ito ay humihiling, kung hindi pagtibayin ng Konseho ng Lunsod itong inisyatibong panukala, na ang inisyatibong panukalang ito ay ilagay sa susunod na balota ng halalan ng Lunsod sa Marso 2017. Ang pagiging apurahan ng permanenteng epekto ng kasalukuyang pagdagsa ng mga pagkalibre sa pangkalahatang plano para sa mga napakalaking pagpapaunlad na kasalukuyang isinasaalang-alang sa Lunsod ng Los Angeles ay nangangailangan ng agad na aksiyon, at ang pagkaantala ay magkakait lamang sa mga botante ng kanilang kakayahang mag-ambag sa tamang panahon.

Sek. 10. Pinawawalang-bisa ang Hindi Kaayong mga Tadhana

Anumang mga tadhana ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles, ng Pangkalahatang Plano ng Lunsod ng Los Angeles o anumang ibang mga ordinansa ng Lunsod na hindi kaayon ng Batas na ito, hanggang sa abot ng naturang pagiging hindi kaayon at wala nang iba, ay pinawawalang-bisa sa pamamagitan nito. Anumang mga pagsusog sa Kodigong Munisipal ng Los Angeles sa pagitan ng petsa ng Paunawa ng Hangarin upang pakalatin ang Batas ay isinumite sa Klerk ng Lunsod ng Los Angeles, at ng petsa na ang Batas ay magkakabisa, kung ang naturang mga pagsusog ay hindi kaayon ng Batas na ito, ay pinawawalang-bisa sa pamamagitan nito. Ang mga pagsusog sa Kodigong Munisipal ng Los Angeles na nakalagay sa mga Seksyon 5, 6, 7 at 8, sa itaas, ay nagpapahayag ng hangarin ng mga botante na alisin ang anumang posibleng hindi pagkakaayon sa pagitan ng Pangkalahatang Plano at ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles. Hangarin ng mga botante na ang mga ordinansang matatagpuan sa mga Seksyon 5, 6, 7 at 8 ay basahin at bigyang-kahulugan na lubos na katugma ng lahat ng mga tadhana ng Pangkalahatang Plano.

Sek. 11. Pagpapatupad na Panghukuman at Malayang Konstruksiyon

Sinumang naagrabyadong tao o nakarehistrong botante ng Lunsod ng Los Angeles ay dapat magkaroon ng karapatang panatilihin ang isang aksyon para sa pantay na tulong upang pigilan ang anumang paglabag sa Batas na ito, o kabiguan ng Lunsod na ipatupad ang mga tungkuling ipinataw dito ng Batas na ito. Ang mga tadhana ng Batas na ito ay dapat na malayang bigyang-kahulugan upang matupad ang hangarin at mga layunin nito.

Sek. 12. Petsa ng Pagpapatibay at mga Petsa ng Pagkakabisa

Kung aprobahan ng Konseho ng Lunsod ang panukalang ito, o kung ipasa ang Batas na ito ng isang mayoriya ng mga botante, ito ay dapat maging isang balidong pagpapatibay ng Lunsod, may-bisa sa Konseho ng Lunsod at lahat ng ibang mga opisyal ng Lunsod, sa pinakamaagang petsa na ipinahihintulot ng batas.

Page 93: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

91TXTS-10-TA

Sek. 13. Mga Naglalabang Panukala

Kung ang inisyatibong panukalang ito at ibang panukala sa kaparehong paksa ay lumitaw sa kaparehong balota, at ang isang mayoriya ng mga botante ay nag-aproba sa parehong panukala, ang panukalang tumanggap ng pinakamaraming boto ay dapat mamayani sa ibang panukala sa kabuuan nito, dahil ang panukalang ito ay itinuturing na lubos na kasalungat ng anumang panukala na tumutugon sa kaparehong paksa.

Sek. 14. Mga Pagsusog sa Hinaharap

Ang Batas na ito ay maaari lamang susugan o pawalang-bisa sa pamamagitan ng isang boto ng mga Tao sa isang halalang munisipal.

Sek. 15. Naihihiwalay

Ang Batas na ito ay dapat bigyang-kahulugan na kaayon ng lahat ng pederal, pang-estado at lokal na mga batas, tuntunin at regulasyon. Kung ang anumang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase o bahagi ng Batas na ito ay idineklarang labag sa saligang-batas o walang bisa ng isang hukuman ng may kakayahang hurisdiksiyon, ang mga natitirang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase at bahagi ay dapat manatiling may buong puwersa at epekto, at sa layuning ito ang mga tadhana ng Batas na ito ay naihihiwalay. Ang mga botante ay nagdedeklara na ipapasa nila ang lahat ng seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase at bahagi ng Batas na ito nang wala ang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase o bahagi na ipinasiyang labag sa saligang-batas o walang bisa.

Sek. B. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan sa pamamagitan nito at inuutusan na maglathala ng isang paunawang nagtataglay ng iminumungkahing panukala sa balota, na tumutukoy sa petsang Ika-7 ng Marso, 2017, bilang ang petsa na ang panukala ay ibinoto ng mga kuwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles. Ang paunawa ay dapat ilathala minsan sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon sa Lunsod ng Los Angeles, at ang bawat edisyon nito sa araw na iyon ng publikasyon. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan at inuutusan na maghanda at magpanatili sa opisina ng Klerk ng Lunsod ng isang sapat na panustos na mga kopya ng iminumungkahing panukala sa balota at upang ipamahagi ang iminumungkahing panukala sa balota sa sinuman at lahat ng taong humiling ng kopya. Dagdag dito, ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan at inuutusan na magpakoreo ng mga kopya ng iminumungkahing panukala sa balota sa bawat isa ng mga kuwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles.

Sek. C. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan sa pamamagitan nito at inuutusan na magpagawa ng isang paunawang ilalathala minsan sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon na ang mga kopya ng mga pamplet ng impormasyon para sa botante na nagtataglay ng iminumungkahing panukala sa balota ay maaaring makuha kapag hiniling sa opisina ng Klerk ng Lunsod.

Sek. D. Ang Klerk ng Lunsod ay dapat magharap ng isang angkop na sinertipikahang kopya ng Resolusyong ito sa Lupon ng mga Superbisor at sa Tagapagrehistro-Tagapagtala ng County ng Los Angeles.

Page 94: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

92

Batas sa mga Karapatan ng Botante

1. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante. Ikaw ay karapat-dapat bumoto kung ikaw ay:

+ isang mamamayan ng U.S. na naninirahan sa California

+ hindi kukulangin sa 18 taong gulang

+ nakarehistro kung saan ka kasalukuyang naninirahan

+ hindi nakabilanggo o parolado para sa isang peloni

2. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante kahit na ang iyong pangalan ay wala sa listahan.Ikaw ay boboto gamit ang isang pansamantalang balota. Ang iyong boto ay ibibilang kung ang mga opisyal sa mga halalan ay nagpasiya na ikaw ay karapat-dapat bumoto.

3. Karapatang bumoto kung ikaw ay nakapila pa nang magsasara ang mga lugar ng botohan.

4. Karapatang magpatala ng isang lihim na balota nang walang gumagambala sa iyo o nagsasabi sa iyo kung sino o ano ang iboboto.

5. Karapatang kumuha ng bagong balota kung nagkamali ka, kung hindi mo pa naipapatala ang iyong balota. Magagawa mong:Humingi sa opisyal sa mga halalan sa isang lugar ng botohan ng isang bagong balota; o Palitan ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ng isang bagong balota sa isang opisina sa mga halalan, o sa iyong lugar ng botohan; oBumoto gamit ang isang pansamantalang balota, kung hindi mo dala ang iyong orihinal na balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo.

6. Karapatang humingi ng tulong sa pagpapatala ng iyong balota mula sa sinumang pinili mo, maliban sa iyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon.

7. Karapatang ihulog ang iyong kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa alinmang lugar ng botohan sa county kung saan nakarehistro ka para makaboto.

8. Karapatang kumuha ng mga materyal sa halalan sa isang wikang iba sa Ingles kung may sapat na bilang ng mga tao sa iyong presinto ng pagboto na nagsasalita ng wikang iyon.

9. Karapatang magtanong sa mga opisyal sa halalan tungkol sa mga pamamaraan ng paghalal at masdan ang proseso ng halalan. Kung hindi masagot ng taong tinanong mo ang iyong mga katanungan, dapat silang magpadala sa iyo ng tamang tao para sa sagot. Kung ikaw ay nakakaabala, maaari silang tumigil sa pagsagot sa iyo.

10. Karapatang iulat ang anumang labag sa batas o madayang gawain sa halalan sa isang opisyal sa mga halalan o sa opisina ng Kalihim ng Estado.

FP-VBR-TA

Kung naniniwala ka na pinagkaitan ka ng alinman sa mga karapatang ito, tawagan ang kompidensiyal na Nakahandang Linya sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957.

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Voter Bill of Rights

FP-VBR-E

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

March 2015

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Sa web sa www.sos.ca.gov

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Voter Bill of Rights

FP-VBR-E

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

March 2015

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Sa pamamagitan ng telepono sa (800) 339-2957

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Voter Bill of Rights

FP-VBR-E

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

March 2015

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Sa pamamagitan ng email sa [email protected]

Page 95: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

93

Ang Araw ng Halalan ay Martes, ika-7 ng Marso

Marso 2017LINGGO LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES SABADO

Ang mga lugar ng Botohan ay magbubukas sa ika-7 ng umaga at magsasara sa ika-8 ng gabi.

Tagapagpagunita ng Petsa ng Halalan

FP-CAL-TA

1 2 3 4

5 6 7 8 9 10 11

12 13 14 15 16 17 18

19 20 21 22 23 24 25

26 27 28 29 30 31

Page 96: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

94

Mga Sulat ng Botante

Ang pahinang ito ay kailangan dahil sa mga kaayusan ng paglilimbag.

FP-NTS-TA

Ang Araw ng Halalan ay Martes, ika-7 ng Marso.

Page 97: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

95

Mga Sulat ng Botante

Ang pahinang ito ay kailangan dahil sa mga kaayusan ng paglilimbag.

FP-NTS-TA

Ang Araw ng Halalan ay Martes, ika-7 ng Marso.

Page 98: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

96

Impormasyon para sa mga Botanteng May Espesyal na Pangangailangan

Para sa kakayahang makagamit at ibang mga pantulong na kagamitan.................800-815-2666 (LA County Hotline)

Ang mga lugar ng botohan ng County ng LA ay nagkakaloob ng madadaanan ng upuang de gulong at/o pagboto sa gilid ng bangketa. Sa loob ng lugar ng botohan maaari kayong makakita ng mga kagamitang makatutulong para sa inyong karanasan sa pagboto. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa County ng Los Angeles, ang Tagapangasiwa ng halalan ng Ika-7 ng Marso, 2017.

Mga Nakatala sa Audio .......................................................(213) 978-0444Ang kagamitan para sa audio ay makukuha sa inyong lugar ng botohan upang tulungan kayo.

Ang mga nakatala sa audio na mga katungkulan at/o mga panukalang kasama sa libritong ito ay makukuha sa Ingles, Armenian, Intsik (Mandarin at Kantones), Farsi, Hindi, Hapon, Khmer, Koreano, Ruso, Kastila, Tagalog, Thai, at Biyetnamis. Ang mga nakatala na ito ay makukuha sa aming lugar ng web: clerk.lacity.org/elections sa ilalim ng “Voters” tab, at sa mga sumusunod na lokasyon:

Braille Institute Library Central Library741 North Vermont Avenue 630 West 5th StreetLos Angeles, CA 90029 Los Angeles, CA 90071(323) 660-3880 (213) 228-7000

Ang mga botante ay maaari ring humiling ng kopya ng nakatala sa audio mula sa aming opisina:Office of the City Clerk-Election Division Attn: Audio Recordings555 Ramirez Street, Space 300 Los Angeles, CA 90012

FP-ISN-TA

Page 99: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City of Los A

ngelesE

lection Division

INT

ER

NE

T - http://clerk.lacity.org/elections/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555 RA

MIR

EZ

ST

RE

ET, S

PAC

E 300

LOS

AN

GE

LES

, CA

90012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY TH

EVO

TER

HA

STH

E LE

GA

LR

IGH

T TOR

ETU

RN

THIS

AP

PLIC

ATIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFFIC

E OF TH

E CITY C

LERK

ELECTIO

N D

IVISION

555 RA

MIR

EZ STREET

SPAC

E 300LO

S AN

GELES, C

A 90012

NO

N PR

OFIT O

RG

.U

.S. POSTAG

EPA

IDC

ITY OF LO

S ANG

ELESELEC

TION

DIVISIO

N

This pam

phlet contains

only inform

ation on

ballot m

easures pertaining to the City of Los A

ngeles. It is not a sam

ple ballot. You will receive your sam

ple ballot w

ith polling place location from the Los A

ngeles County

Registrar - R

ecorder.

Note:

POLLS O

PEN AT 7 A

.M. A

ND

CLO

SE AT 8 P.M.

Այս բրոշյուրի հայերեն օրինակն ստանալու համար, զանգահարեք 1-800-994-VOTE (8683) հեռախոսահամարով։

要索取本手冊的中文版, 請致電 1-800-994-VOTE (8683)

برای تهیه ی نسخه ای از این جزوه به زبان فارسی، با شماره تلفن VOTE (8683)-994-800-1 تماس بگیرید

हिन्दी में इस पैम्फलेट की प्रति प्रराप्त करने के ललए, 1-800-994-VOTE (8683) पर ्फोन करें

このパンフレットの日本語版をご希望の方は、

1-800-994-VOTE (8683)までお電話ください。

ដ�ើម្បីទទួលបានឯកសារថតចម្លងមួយច្បាប់ពីកូន្�ៀវ្ៅដនះជាភាសាខ្មែរ សូម្ៅទូរស័ព្ទ្ល្ 1-800-994-VOTE (8683)

이 팸플릿을 한국어로 원하시면 다음 전화번호로 연락하십시오. 1-800-994-VOTE (8683)

Чтобы получить копию этого буклета на русском, позвоните по номеру: 1-800-994-VOTE (8683)

Para obtener una copia de este folleto en español, llame al 1-800-994-VOTE (8683)

Para makakuha ng kopya ng pamplet na ito sa Tagalog, tumawag sa 1-800-994-VOTE (8683)

เพื่อขอส�ำเนำจุลสำรนี้ในภำษำไทย โปรดโทรศัพท์ติดต่อที่หมำยเลข 1-800-994-VOTE (8683)

Muốn có một tập sách này bằng tiếng Việt, hãy gọi số 1-800-994-VOTE (8683)

Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, mangyaring tumawag sa 1-888-873-1000

Ang Lunsod ng Los Angeles ay nagbibigay ng impormasyon sa botante sa Ingles gayundin sa mga sumusunod na wika:

Page 100: VOTER PAMPLET NG INFORMATION IMPORMASYON PAMPHLET PARA SA ...clerk.cityofla.acsitefactory.com/sites/g/files/wph606/f/2017... · Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, ... pagsusuri

cler

k.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

cler

k.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

cler

k.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

TINIPON NI HOLLY L. WOLCOTT, KLERK NG LUNSOD

TAGALOG

PRIMARYANG HALALANG PANGMUNGKAHIMARTES, IKA-7 NG MARSO, 2017

PAMPLET NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City

of L

os A

ngel

esE

lect

ion

Div

isio

n

INT

ER

NE

T -

http

://cl

erk.

laci

ty.o

rg/e

lect

ions

/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555

RA

MIR

EZ

ST

RE

ET,

SPA

CE

300

LOS

AN

GE

LES

, C

A 9

0012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY T

HE

VOTE

R H

AS

THE

LE

GA

LR

IGH

T TO

RE

TUR

N T

HIS

AP

PLI

CA

TIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFF

ICE

OF

THE

CIT

Y C

LER

KEL

ECTI

ON

DIV

ISIO

N55

5 R

AM

IREZ

STR

EET

SPA

CE

300

LOS

AN

GEL

ES, C

A 90

012

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STAG

EPA

IDC

ITY

OF

LOS

ANG

ELES

ELEC

TIO

N D

IVIS

ION

This

pa

mph

let

cont

ains

on

ly

info

rmat

ion

on

ballo

t m

easu

res

pert

aini

ng t

o th

e C

ity o

f Lo

s A

ngel

es.

It is

no

t a s

ampl

e ba

llot.

You

will

rec

eive

you

r sa

mpl

e ba

llot

with

pol

ling

plac

e lo

catio

n fr

om th

e Lo

s A

ngel

es C

ount

y R

egis

trar

- R

ecor

der.

Not

e:POLL

S O

PEN

AT

7 A

.M. A

ND

CLO

SE A

T 8

P.M

.