you are the music in me chapter 3

8
You Are The Music In Me Written by: Lady_Phoenix Previously: Sa Wakas ay nakilala rin ni Amber ang lalaking mamahalin niya. Si Wesley. Ngunit bago ang kasal nila ay nakipagkita sa kanya si Jared para makipagbalikan pero sinabi niya rito na hindi na niya ito mahal. Kinabukasan ay natuloy din ang kasal. Ngunit nang papunta na sila ni Wesley sa Cebu para sa kanilang honeymoon ay biglang sumabog ang barko at nagkahiwalay sila . Chapter 3 Tuluyang nagkahiwalay sina Wesley at Amber. Mabilis na nakita si Wesley at konti lamang ang tinamo nitong galos nang dinala ito sa ospital. Ngunit si Amber ay hindi pa rin nakikita. . . Tinangay ng malakas na alon si Amber patungo sa isang liblib na lugar., Nang biglang may dumating na isang babaeng preso na hinahabol ng mga pulis. Nakita nito ang walang malay na si Amber kaya naisip nito na makipagpalit ng damit dito. Agad na hinubaran ng babae si Amber at pinagpalit nito ang damit nila. . . Itinago nito sa gilid si Amber at agad nang nagtatakbo ang babae nang marinig ang mga yabag ng pulisya. [PAALIS NA SANA NG LUGAR NA IYON ANG ISANG LALAKI NANG MAAANIGAN NITO SI AMBER SA ILALIM NG PUNO] Agad siyang lumapit sa babae at agad rin niya itong pinangko nang Makita ang sugat nito sa noo. Dinala niya ito sa kubo na pansamantala nilang tinitirhan ni Master Liao.

Upload: cristina-de-leon

Post on 28-Mar-2016

223 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

- She is the most beautiful girl in town. She gets whatever she wants until one day she encounters an accident that will changed her life forever. The famous singer and known as a wild and selfish woman start to lived as an ordinary girl and met a guy that is destined for her. But is he really her destined one? Find out to this novel that will truly touch your heart! A story that tells about love and the beauty of music.

TRANSCRIPT

Page 1: You Are The Music In Me Chapter 3

You Are The Music In MeWritten by: Lady_Phoenix

Previously:Sa Wakas ay nakilala rin ni Amber ang lalaking

mamahalin niya. Si Wesley. Ngunit bago ang kasal nila ay nakipagkita sa kanya si Jared para makipagbalikan pero sinabi niya rito na hindi na niya ito mahal. Kinabukasan ay natuloy din ang kasal. Ngunit nang papunta na sila ni Wesley sa Cebu para sa kanilang honeymoon ay biglang sumabog ang barko at nagkahiwalay sila .

Chapter 3Tuluyang nagkahiwalay sina Wesley at Amber. Mabilis na nakita si

Wesley at konti lamang ang tinamo nitong galos nang dinala ito sa ospital. Ngunit si Amber ay hindi pa rin nakikita. . .

Tinangay ng malakas na alon si Amber patungo sa isang liblib na lugar., Nang biglang may dumating na isang babaeng preso na hinahabol ng mga pulis. Nakita nito ang walang malay na si Amber kaya naisip nito na makipagpalit ng damit dito. Agad na hinubaran ng babae si Amber at pinagpalit nito ang damit nila. . . Itinago nito sa gilid si Amber at agad nang nagtatakbo ang babae nang marinig ang mga yabag ng pulisya.

[PAALIS NA SANA NG LUGAR NA IYON ANG ISANG LALAKI NANG MAAANIGAN NITO SI AMBER SA ILALIM NG PUNO]

Agad siyang lumapit sa babae at agad rin niya itong pinangko nang Makita ang sugat nito sa noo. Dinala niya ito sa kubo na pansamantala nilang tinitirhan ni Master Liao.

Nataranta agad ang matanda nang Makita ang babae at agad na rin nilang ginamot ang sugat nito. Hindi pa man nila ito nakikilala ay alam kaagad nila na masamang tao ang babae base sa suot nito. Pang-preso ang damit nito at marahil ay isa ito sa mga preso na tumatakas sa ISLA MUERTE. Doon tinatapon ang mga preso na animo hindi na kayang sulusyunan ng gobyerno ang mga pag-uugali. Karamihan sa mga nandoon ay mga lalaki bagama’t may mangilan2 ring babae. Karamihan sa mga babaeng naroon ay mga killer at mga animo baliw na nging libangan na lang ang pagpatay.

Napatingin ang lalaki sa mukha ng babae. Parang ayaw tanggapin ng loob niya na ganun nga ang napakagandang babae sa kanyang harapan. Kung sya ang tatanungin ay mukhang napakabata pa nito.

Page 2: You Are The Music In Me Chapter 3

“ Anong balak mo sa kanya?” Tanong sa kanya ni Master Liao matapos nilang matapos nilang linisan ang katawan ng babae at mabihisan ito. Ngayon ay mahimbing na ang pagtulog nito.

“ Simple lang Master. Ibabalik ko sya sa ISLA MUERTE.” Walang anumang nasabi niya.

“ Sigurado ka ba na doon talaga galing ang babaeng yan. Tingnan mo nga at napakaamo ng mukha. Kung ako ang tatanungin ay mukhang kahit lamok ay hindi niya kayang pumatay.” Nakatingin rin sa babae na sabi ni Master Liao.

“ Maganda nga sya Master pero wag nyo rin hong kakalimutan na Looks can Be Deceiving. Alam ko naman na kayang-kaya natin syang labanan oras na magising sya pero hindi natin alam ang maari niyang gawin sa ibang tao kapag nagising sya.”

“At paano ka naman ha? Baka nakakalimutan mo na katulad ng babaeng yan ay pinaghahanap ka rin ng mga pulis. Kahit hindi ka d2 sa Isla Muerte nakulong noon ay hindi pa rin maikakaila na mapanganib ang gagawin mong pagsaoli sa kanya.”

Bumuntong-hininga siya.“ Hindi na ako katulad ng dati Master. Kung noon nagawa nila akong

ikulong at wala akong nagawa,iba na ngayon. Sa isang iglap kaya ko silang patayin lahat.”

“At yan ang wag mong gagawin. Hindi kita tinuruan ng mga kakayahan para lang pumatay.”

Natahimik siya. Nang bigla na lang umungol ang babae at unti-unti itong nagising. Napahawak ito sa sentido nito.

“Sino kayo? Bakit wala akong maalala?!” Napaiyak na sabi nito bago ito tuluyan ng naghisterikal. Ginamit ni Master Liao ang alam nitong technique para mapatulog ang babae nang hindi nito nakakaramdam ng anumang sakit. Kumumpas ng pagsuntok ang matanda at may lumabas na pwersa sa kamay nito na tumama sa babae. Sa isang iglap ay nakatulog na muli ito.

“ Mukhang magkakaproblema tayo sa kanya. Wala syang naaalalang kahit ano at base sa kakayahan natin sa Ten ay nagsasabi nga sya ng totoo at hindi basta nagloloko lang. Hindi nakapagtataka iyon dahil sa tinamo niyang pinsala sa noo.” Sabi ng master niya.

Si Master Liao ang taong nagturo sa kanya ng Martial Arts at hindi lang basta-basta ganun ang tinuro nito dahil tinuruan din siya nito ng iba’t-ibang pwersa at kakayahan ng isang tao na hindi maiisip ng kahit na sino na posibleng meron nga sila nito.

Naaalala pa niyang sabi sa kanya noon ni Master Liao na ang lahat raw ng tao ay may kapangyarihan at pwersa sa loob ng katawan. Hindi lang daw aware ang mga tao sa kapangyarihang iyon. Noong una ay tinawanan lamang niya ang sinabi nito. Inisip na marahil ay tumatanda na talaga ito at nahihirapan na itong paghiwalayin ang ilusyon sa realidad.

Pero tinulungan siya nitong ilabas ang natatago niyang pwersa. Tinuruan siya nito na apat na kakayahan bukod sa pakikipaglaban. Ang nen,ten,ren at fen.

Ang TEN, ay upang malaman ang tunay na intension ng isang tao. Magagamit nila ito sa pakikipaglaban dahil malalaman nila kung nagsisinungaling ang isang tao kaya hindi sila maloloko ng kahit sino.

Page 3: You Are The Music In Me Chapter 3

Ang FEN naman ay isang uri ng martial arts na ginagamitan ng pwersa upang magawa nila ang naisin nilang idomina ang isang tao tulad ng panandaliang paghipnotismo sa mga tao, pagpapatulog sa mga ito (katulad ng ginawa ni Master Liao sa babae) at pag-alis sa ala-ala ng mga ito kahit sa isang bahagi lang ng buhay nito. Ngunit hindi sakop ng kahit anong pwersang nalalaman nila ang pabalikin ang nawawalang ala-ala ng isang tao.

Ang REN ay isang uri naman ng pwersa upang makaranas ng kaginhawaan ang isang tao. Katulad ng ginamit nilang healing powers sa babae. Sa isang iglap ay mawawala ang sugat nito. Ngunit kung marami nang naubos na dugo ay wala na ring magagawa ang healing powers na iyon. Sa karamdaman naman ay maari nilang mabigyan ng kahit na sandaling kaginhawaan ang isang taong may sakit. Pero hindi ibig sabihn noon na tuluyan nang gagaling ang mga ito. Halimbawa na lang na kapag ang isang taong may Brain Cancer ay namimilipit sa sakit, kaya nilang pawiin iyon. Pero katulad ng sabi ni Master Liao ay hindi nila hawak ang buhay ng kahit na sino.

Ang NEN ang pinakadelikado sa lahat. Mas lalo iyong lumalakas sa tuwing nagagalit ang isang tao. Sa isang pagkumpas lang o suntok lang ay kaya nilang patayin ang isang tao. Maari nilang gawing paralisa ang katawan ng isang tao habang buhay at kaya rin nilang bigyan ng permanenteng karamdaman ang ito kung gugustuhin nila. Sa oras na bigyan nila ng karamdaman ang isang tao ay hindi na nila kayang gamutin o alisin ang sumpang ibinigay nila kaya mahigpit na ipinagbabawal sa kanya ni Master Liao ang paggamit ng NEN…

Napatingin siyang muli sa babaeSa totoo lang ay naalala niya ang sarili niya rito noong wala rin siyang

maalala tungkol sa kanyang pagkabata.

KINABUKASAN . . .Kinausap ng lalaki si Amber at nalaman nito na talagang wala syang

maalalang kahit ano. Sumasakit lang ang ulo niya kapag nag-iisip sya.“Kung wala kang ideya sa pagkatao mo, well kailangan mong malaman

na posibleng isa kang kriminal na tumakas sa ISLA MUERTE. Ito ang suot mo kahapon.” Sabi ng lalaki.

Nagulat siya nang Makita ang damit pang-preso. Napaluha siya. Kung ganun isa siyang masamang tao? Napaluha siya nang maisip iyon. Para namang natuliro ang lalaki.

“Pwede ba wag kang umiyak sa harap ko.” Naiiritang sabi nito. Tumayo na ito.

“Hindi ako maaring magtagal sa lugar na ito kaya kinalulungkot kong sabihin na ngayon din ay pupunta na ako sa manila. Ihahatid na rin kita sa ISLA MUERTE, hindi ka pwedeng dumito sa kubo ni Master Liao dahil baka madamay pa sya sa’yo.” Salat sa emosyong sabi nito.

Lalo siyang napaiyak. Hindi niya gustong makulong. Pagkarinig sa sinabi nito ay agad siyang lumuhod sa harap nito.

“Nagmamakaawa ako sa’yo. Wag mo akong ibabalik doon, gagawin ko ang lahat! Kung gusto mo gawin mo akong katulong mo! Susundin ko ang lahat ng gusto mo pangako yan!”

Napasapo sa noo nito ang lalaki. Iniisip siguro na sakit siya sa ulo. Mahiya man siya ay wala siyang magagawa, kailangan niyang kapalan ang

Page 4: You Are The Music In Me Chapter 3

mukha kung ayaw pa niyang makulong. Kahit naman wala siyang maalala ay hindi naman siya tila bumalik sa pagkabata na walang ideya kung ano ang bilibid.

“Sa tingin ko ay wala ka nang ibang pwedeng pagpilian kung hindi ang isama muna sya sa’yo Brandon, hindi mo sya pwedeng iwan dito. At sa tingin ko naman ay kaya mo ng i-handle kung magwala man ang babaeng yan habang kasama ka. Isapa, hindi ka ba naaawa sa kanya? Isa siyang babae at doon pa sya nakakulong sa ISLA MUERTE, may ideya ka naman siguro kung gaano kasama sa mga preso ang mga guards doon. .”Sabi ng matandang lalaki na ang pangalan ay Master Liao. Napatingin siya sa lalaki na tinawag na Brandon. Nakasimangot ito. Mukhang ayaw talaga siya nitong makasama.

“Master Liao. Kung ano man ang trato sa kanya ng mga guards doon ay nararapat lamang siguro para sa kanya dahil sa kasalanang ginawa nya.”

“At sino ka naman para husgahan siya ha? Brandon? Anong malay mo kung katulad ng mga ibang nakukulong ay biktima lang din siya ng mga nangyari? Hindi natin alam kung ano ang totoo at ganoon din siya! Sa ganda ng babaeng yan, hindi malayong maraming magsamantala sa kanya. Makakaya ba ng kunsensya mo kpag may nangyaring masama sa kanya? Paano nyang pagdudusahan ang nagawa nyang kasalanan kung wala syang maalala ukol ditto? Paano?!”

Saglit na natahimik ang lalaki. Maya-maya ay bumuntong-hininga. “Ok sige,pamapayag na ako, Na sumama ka sa akin sa maynila pag-

alis ko, at habang hindi pa bumabalik ang alaala mo ay maari kang bumuntot sa akin . PERO magtatrabaho ka para sa sarili mo at ipangako mo na kapag bumalik na ang ala-ala mo ay ikaw na ang kusang babalik sa ISLA MUERTE para sumuko. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Napalunok siya. Kung totoo nga na doon xa galing at tumakas lang siya, para saan pa ang pagtakas nya kung babalik rin sya? Pero naisip niya na kailangan nga siguro niyang pagbayaran ang kasalanan niya.

“ O sige pumapayag na ako.” Sa wakes ay nasabi nya.

Kinabukasan . . .Umalis na sila papuntang manila. Kinausap ni Master Liao si Brandon at

medyo natagalan iyon, pero wala na siyang pakialam kung ano ang mga napag-usapan ng mga ito, ang importante ay makakaalis na siya sa lugar na iyon. Yumakap pa siya sa matanda at nagpasalamat rito, kung hindi dahil d2 ay baka hindi siya mapapayag ang lalaking masungit na sumama siya rito.

Nang makarating sila sa manila ay nagulat pa siya sa laki niyon, at laki ng mga buildings. Para siyang isang tipikal na probinsyana sa ikinikilos niya. Doon kasi sa islang pinanggalingan nila ay puro kagubatan ang makikita mo. Napailing na lang si Brandon. Sa kainosentehan nga ng mukha ng babae ay hindi mo aakalain na isa itong criminal. Napakaganda ng ngiti nito… Hindi tuloy niya maiwasang titigan ang babae. Nang biglang napagawi ang tingin nito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. Tumawa naman lalo ang babae. Ibinili niya ito ng mga mumurahing damit na nagustuhan rin naman nito.

Nangupahan sila sa isang maliit na apartment doon at nagpakilala silang mag-asawa. Hindi rin alam ni Brandon kung bakit iyon ang sinabi niya sa land lady, samantalang maaari naman niyang sabihin na kapatid niya ang

Page 5: You Are The Music In Me Chapter 3

babae. Hindi rin naman ito nagreklamo at parang wala pang karea-reaksyon sa sinabi niya.

Pagdating sa loob ay inayos na agad nila ang mga gamit nila. Mukha talaga silang mga bagong kasal sa mga ginagawa nila. Shit! Ano ba itong pumapasok sa isip niya? Hindi siya ganoong mag-isip, hindi siya malisyosong tao lalo na sa mga kawalang kamalay-malay na babae. Nang magkabangga ang kamay nila ay biglang parang nag-init siya. Hindi pa siya nakaramdam ulit ng ganoon simula nang mamatay ang asawa nya. Para maitago ang nararamdaman ay nagsungit siya.

“Hindi ka ba talaga marunong makiramdam ha?! Sa haba ng binyahe natin hindi ka man lang makaisip magluto! Pumunta ka sa kusina!” Singhal niya. Para namang natakot ito at agad na kinuha ang bigas na iniabot niya. Nakahinga siya ng maluwang ng umalis ito. Kailangang makaisip na siya ng paraan para mailayo ito sa landas niya. Hindi kasi niya nagugustuhan ang mga nagiging reaksyon ng katawan niya sa tuwing malapit ito sa kanya.

Ang pag-uutos ditto na magsaing at magluto ay isa palang pagkakamali dahil sinunog lang nito iyon! Naabutan pa niya na hindi lang ang pagkain ang nasusunog nito kung hindi ang mismong kawali! Natural na nagalit siya.

“Anong ginawa mo rito? Wag mong sabihing hindi ka marunong magluto?! Ano ba namang klaseng babae ka! Ganyan ba talaga ang mga nagkaka-amnesia? Pati katinuan nawawala! Ang tanga-tanga mo!”

Marahil ay nasaktan ito kaya umiyak ito. Natuliro na naman sya. Weakness talaga niya ang babaeng umiiyak sa harap niya. Inalo niya ito, pilit naman nitong tinatago ang mukha.

“Wag ka nang umiyak. Pwede?!” Inis na sabi nya.“Alam ko naman na may sakit ako pero hindi mo naman ako

kailangang sabihang tanga!” sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak.“Ok sige sorry na. Wag ka nang magalit nabigla lang ako. Alam ko na

hindi kita dapat sinabihang ganun kaya pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Bati na tayo ok? Ako na lang ulit ang magluluto kaya umupo ka na doon.” Na sabi na lang niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay humingi siya ng tawad sa isang tao.

“Talaga?” Parang bumukas ang langit para sa kanya nang ngumti na ito.“Yeah kaya wag ka nang umiyak.”Sya na nga ang nagluto para dito. At nasiyahan siya nang purihin nito

ang luto niya kahit sanay na naman siyang napupuri. Samantalang sa ibang tao ay parang balewala lang naman sa kanya kapg pinupuri siya. Ano bang meron ang babaeng ito at napapasaya siya nito sa mga maliliit na bagay lang? Kinabahan siya sa naisip. Hindi niya gustong isipin pero iyon lang ang nakikita niyang dahilan sa mga nararamdaman niya.

Hindi na niya iniintertain ang iniisip.“Alam mo naman siguro na ang pagkakakilala nila sa atin ngayon ay

mag-asawa tayo hindi ba?” Bukas niya nang usapan. Namula naman ito sa sinabi niya. Sa panahon ngayon meron pa palang babaeng nagba-blush. Ipinaliwanag niya rito ang mga impormasyon na sasabihin nito sa mga nagtatanong dito tungkol sa pagiging ‘mag-asawa’ nila. Nakinig ito sa mga sinabi niya.

“ Ang pangalan ko ay Brandon.”

Page 6: You Are The Music In Me Chapter 3

“Alam ko na. Narinig ko na sinabi ni Mater Liao. Brandon.” Sambit nito sa pangalan niya.

Muli ay naroon na naman ang pagkasiya niya nang banggitin nito ang pangalan niya. Parang iyon na yata ang narinig niyang pinaka-espesyal na salita sa buong buhay niya.

“ Sya nga pala. Ano naman ang magiging pangalan ko?” Biglang tanong nito.

“ALVINA. Simula ngayon ay iyon na ang itatawag ko sa’yo ng lahat.” Bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya. Hindi niya lam kung bakit ibinigay niya ang pangalan ng kanyang namayapang asawa sa babae.

Ngumiti ito.“Alvina? Maganda. Sige. Yun na lang.”

-To Be Continue. . .

Upnext:Ngayong maakasama na sina Brandon at Alvina.

Ano na ang sununod na mangyayari? At ano ang ibig sabihin ng mga nararamdaman ni Brandon?