z p araling panlipunan · sparta, ang pamayanan ng mga mandirigma itinatag ito ng mga dorian sa...

11
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 5: Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal na Lipunan sa Europe Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 15-Feb-2021

76 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 5:

    Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal na Lipunan sa Europe

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    8

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Rio D. Acaylar Editor: Julito Abne Tagasuri: Florence S. Gallemit Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Gloriley D . Acaylar Tagalapat: Rio D. Acaylar Tagapamahala: SDS Felix Romy A. Triambulo, CESO VI OIC – ASDS Aurelio A. Santisas

    Dr. Ella Grace M. Tagupa Dr. Jephone P. Yorong Florence S. Gallemit Jose Overa Allan Bendano

  • Alamin

    Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa ibat-ibang bansa.Dahil sa pangyayaring hindi inaasahan na dinanas ng buong mundo itong COVIdD 19 na krisis na kinaharap maging sa ating bansa. ang nasabing mga pampalakasan ay biglang nahinto sa hindi inaasahan.Ang ganitong senaryo sa nasabing sports at napakahalaga sa bawat isa upang mapalakas ang ating katawan laban sa virus na ito. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito?

    Sa bahaging ito ng modyul ay tatalakayin kung paano mapahahalagahan ang mga kontribusyong klasikal sa mundo.

    Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

    1. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasanang klasikal sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan sa buong mundo

    Balikan

    Gawain 1: Maimpluwensyang Kabihasnan!

    Kumpletuhin ang kasunod na diyagram.Itala ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at ang impluwensya ng pamanang ito sa daigidig at sa ating bansa.

    1.Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong reaksyon?

    2.Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang kabihasnan?Bakit mo ito itinuring na isang pamana?

    Impluwensya sa daigdig

    Impluwensya sa Pilinas

    Pamana ng Sinaunang kabihasnan

  • Tuklasin

    Gawain 2: Ano ang Gusto ko?

    Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito na nasa loob ng kahon.

    Aralin 1

    Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal na Lipunan sa Europe

    Mandirigma Politiko mangangalakal

    Makikita sa larawan na ang bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon noon, alin sa mga tungkulin ang nais mong magampanan?Bakit?

    Siyentista Artist

  • Suriin

    Gawain 3: Magbasa at Matuto

    Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa Pag-usbong at pag-unlad ng mga kabihasnang Klasikal at ang mahahalagang kontribusyon nito.

    Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi nito at ang karagatan ang tagapag-ugnay sa iba pang panig ng mundo.Naging mabagal ang paglago ng kaisipan at teknolohiya sa mga pamayanan ng sinaunang Greek.

    Ang mainan na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay daan sa maunlad na kalakalang pandagat na nakatulong upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang tagumpay sa ibat-ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.

    Ang Mga Minoans

    Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyon ay nagsimula sa Crete na tinawag na Kabihasnang Minoan.Kilala sila bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.Sila ay nakatira sa mga bahay na yari sa laryo o bricks at may sistema ng pagsulat.Sila rin ay magagaling na mandaragat.

    Hindi nagtagal,kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuang Crete.Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na napapaligiran ng mga bahay na bato.Ang palasyo ay nasira ng sunod-sunod na sunog at iba pang natural na kalimidad.

    Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao:mga maharlika,mga mangangalakal,mga magsasaka at mga alipin.Sila ay masaying mga tao at mahilig sa magagandang kagamitan.Sila ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

    Ang mga Mycenaean

    Ang mga lungsod dito ay pinag-uugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean.bgamat walang naiwan mga nakasulat na kasaysayan,ang pagsasalin-salin ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap.Ito ang sinasabing nagging batayan ng mitolohiyang Greek.

    Noong 1100 BCE,iginupo ang Mycenaean ng kinikilalang Dorian. Isang pangkat na may kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog Greece na nagtatag ng kanilang pamayanan at tinawag na Ionia at nakilala sula bilang Ionian.

    Ang pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal na halos 300 na taon. Naging palasak ang digmaan ng mga kaharian,nahinto ang kalakalan,pagsasaka,sining at maging ang paglago ng sining.

  • Ang mga Polis

    Dahil sa digmaan bago pa ang panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa gilid ng mga burol upang maprotektahan ang pananalakay ng ibat-ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan.Dito nagsimula ang mga lungsod estado o polis na may kinalaman sa pulisiya,politika at politiko.Ang acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo.

    Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma

    Itinatag ito ng mga Dorian sa Peloponnesus sa tangway Greece.Sa lahat ng mga lungsod estado ang Sparta lamang ang hindi umaasa sa kalakalan.Pinalawak nila ang kanilang lupain sa pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam nito.Dahil sa pag-aalsa ng mgaHelot o magsasaka pinalakas nila ang kanilang hukbong militar at nagtatag ng isang pamayanang mandirigma.

    Ang mithiin nila ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihan na walang kinatatakutan at may malakas na pangangatawan. Ang Sparta ang responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas ng buong daigdig.

    Ang Athens at ang pag-unlad Nito

    Ang Athens ay isang maliit na bayan.Sila ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan ay nagtatrabaho sa mga minahan,gumawa ng mga ceramics o naging mangangalakal o mandaragat.Sa simula pinamumunuan ng hari ang mamamayan na inihalal ng asembleya.Hindi nagtagal na nais ito ng pagbabago sa pangunguna ni Solon mula sa aristokrata.Siya ay matalino at patas.Nagsagawa siya ng mga repormang pangkabuhayan sa mga mahihirap.

    Sinundan ito ni Pisistratus mula sa angkan ng mayayaman.Mas radikal ang pagbabagong ipinatutupad niya tulad ng pamamahagi ng lupa sa walang lupain.

    Noong 510 sa pamumuno no Cleisthenes sa unang pagkakataon nakaboto sa Asembleya ang lahat ng tao.Ang pinakamahalagang repormang naipatupad ay ang pagsilang demokrasya.

    Pagyamanin Gawain 3: Paghahambing

    Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang lungsod-estado ng Sinaunang Greece.

  • 1.Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng kabihasnang Greek?

    2. Kung nabubuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira,sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang iyong sagot.

    Gawain

    Gawain 6: Salitang Mahalaga

    Ibigay ang kahulugan ng mga salita na nasa loob ng kahon.

    Sparta Athens

    1. Polis-

    2. Demokrasya-

    3. Helot-

    4. Acropolis-

  • Isaisip

    Gawain 5: Daloy ng mga Pangyayari

    Batay sa teksto.isulat ang mahahalagang pangyayari sa kasayasayan ng Minoan at Mycenaean.

    Mga tanong:

    1. Ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean?

    2. Ano-ano ang nakikita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnan?

    3.Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa kabihasnang Greek?

    Tayahin

    Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng iyong sagot.

    1. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ng Kabihasnang Minoan sa mundo? a. Espada b. Arena c. Boksing d. Armas

    Minoan

    an

    Mycenaean

  • 2. Ano ang pangunahing katangian ng pamayanang Sparta?

    a. Sila ay magaling na mandaragat at mayaman sa lupa b. Sila kauna-unahang nakaboto sa asembleya c. Nakatira sila sa tuktok ng tangaway pananggala sa mga mananakop d. Ang pangunahing mithiin nila ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihan na

    walang kinatatakutan

    3. Siya ang dahilan kung bakit sa unang pagkakataon nakaboto ang lahat ng mga mamamayan sa Athens noon. Siya ay si; a. Solon b. Cleisthenes c. Pisitratus d. Pericles

    4. Anong kabihasnan ang naging batayan sa mitolohiyang Greek noon?

    a. Kabihasnang Minoans b. Kabihasnang Mycenaean c. Kabihasnang Sparta d. Kabihasnang Athens

    5. Ang mga Polis o lungsod –estado ay itinatag ng anong pangkat?

    a. Dorian b. Inoian c. Aegean d. Peloponnesian

    Karagdagang Gawain

    Panuto: Gumawa ng isang pahinang komiks na may anim na tagpo gamit ang iyong sariling drowing o cut-outs ng mga karakter na angkop para sa kabihasnang klasikal. Sulatan mo ito ng mga dayalogong nagpapahiwatig ng pagpapahalaga ng mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan ng bansang Greece.

    Ru

    bric

    s

    Pagkamalikhain 40 pts Angkop na konsepto ng diyalogo ayun sa hinihingi ng panuto

    40 pts

    Balarila/Wastong gamit at baybay ng wika 20 pts

    Kabuuan 100 pts

  • Susi sa Pagwawasto Tayahin 1.c 2.d 3.d 4.a 5.a

    Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig pahina 130-150 edisyon 2014

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.