ang mga kasinungalingan ni ina

1
Ang mga kasinungalingan ni ina, ama, tyuhin, tyahin, lola, at lolo Ako nga pala si Ryan Carlo P. Conde, first year college sa unibersidad ng Southern Luzon State University: College of Arts and Sciences: Bachelor of Arts in Biology. Labing pitong gulang, ipinanganak noong Abril 02, 1996 sa Tayabas, City. Bata pa lang tayo, kung ano ano’ng kasinungalingan ang mga kinukwento sa atin nang ating ama, ina, tyuhin, tyahin, lola, at lolo. Tulad nalang ng kapre, tikbalang, manananggal, tyanak. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas, at luya. Mga lamang lupa din naman iyon. Tapos kapag pinapakain tayo, lalo na’t gulay ang ulam, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gulay. Kahit ang pait pait ng lasa niyon. Para mapakain ka kailangang pasinungalinang pagkasarap - sarap ng gulay. At may batok ka galling kay tatay kapag hinihirang o iniluwa yung gulay. Samantalang pati naman sila nakikita kong hinihirang kapag minsan yung gulay. Kapag gusto mong lumabas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sabi ni Lola. May sipay na nanguguha ng bata sa kalsada. Lintik na sipay yan. Pati mga batang nananahimik, gusting kidnapin. Pero ang totoo niyan, ayaw ka lang palabasin at bagong ligo ka. At magdudumi ka na naman sa kalye kapag nkipaglaro ka. Kapag tanghali, tapos ayaw mong matulog. Lagot ka, andiyan ang lizard. Pikit na, bababa na yung lizard. Pati ba naman ung pagkaliit liit na butiki na yan dinamay pa pang takot.

Upload: carlo-conde

Post on 23-Oct-2015

55 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

kahambugan ng ating mga magulang

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Mga Kasinungalingan Ni Ina

Ang mga kasinungalingan ni ina, ama, tyuhin, tyahin, lola, at lolo

Ako nga pala si Ryan Carlo P. Conde, first year college sa unibersidad ng Southern Luzon State University: College of Arts and Sciences: Bachelor of Arts in Biology. Labing pitong gulang, ipinanganak noong Abril 02, 1996 sa Tayabas, City.

Bata pa lang tayo, kung ano ano’ng kasinungalingan ang mga kinukwento sa atin nang ating ama, ina, tyuhin, tyahin, lola, at lolo. Tulad nalang ng kapre, tikbalang, manananggal, tyanak. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas, at luya. Mga lamang lupa din naman iyon.

Tapos kapag pinapakain tayo, lalo na’t gulay ang ulam, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gulay. Kahit ang pait pait ng lasa niyon. Para mapakain ka kailangang pasinungalinang pagkasarap - sarap ng gulay. At may batok ka galling kay tatay kapag hinihirang o iniluwa yung gulay. Samantalang pati naman sila nakikita kong hinihirang kapag minsan yung gulay.

Kapag gusto mong lumabas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sabi ni Lola. May sipay na nanguguha ng bata sa kalsada. Lintik na sipay yan. Pati mga batang nananahimik, gusting kidnapin. Pero ang totoo niyan, ayaw ka lang palabasin at bagong ligo ka. At magdudumi ka na naman sa kalye kapag nkipaglaro ka.

Kapag tanghali, tapos ayaw mong matulog. Lagot ka, andiyan ang lizard. Pikit na, bababa na yung lizard. Pati ba naman ung pagkaliit liit na butiki na yan dinamay pa pang takot.