araling panlipunanbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/ap8_q1...i para sa mag-aaral: malugod...
TRANSCRIPT
-
Araling Panlipunan Unang Markahan
Modyul 8
Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan
ng Daigdig
8
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng : __________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax.: (032)255-6405
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Dennis D. Recto, Jocelyn B. Alarde, Flora A. Felicano, Victoria M. Olinares, Jessa D. Toring, and Edwin Ruiz Tagasuri: Cirila M. Monleon (QA) Elma M. Larumbe (Moderator) Tagaguhit: Joe Lim and John Isaac M. Recto Tagalapat: Tagapamahala: Schools Div. Superintendent: Marilyn S. Andales ASDS.: Leah B. Apao Ester Futalan Cartesa Perico CID Chief: May Ann Flores EPS in LRMS: Isaiash T. Wagas EPS in – Araling Panlipunan: Rosemary Oliverio
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
i
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng
Daigdig!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
ii
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito sa lahat ng mga gawain
sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian (Reference) Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
1
Alamin
Sa araling ito, layunin mong napahalagahan ang mga ginawang pagsisikap ng mga sinaunanang kabihasnan sa daigdig na naging tulay sa ibayong kaunlarang pantao. Inaasahang ang mga mag-aaral ay: 1. natutukoy ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig; 2. nakakapaghambing ng mga sinaunang kontribusyon noon at ngayon; 3. nakapag-uuri ng ibat’ibang kapakinabangan ng mga kontribusyon sa pamumuhay ng tao; 4. nakakapagsaliksik sa iba’t iba pang mahalagang bagay na may kaugnayan sa sinaunang kontibusyon; at 5. nakapagpahayag ng kaisipan sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pamumuhay at kaunlaran ng tao.
Subukin Basahin ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Anong estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang Diyos o patron ng isang lungsod at sento ng pamayanan. A. Ziggurat C.Great wall B. Cuneiform D. Pyramid 2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa “Mummification”? A. ito ay perskpektiba at pamaraan sa ng prediksiyon ukol sa iba’t –ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. B.ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. C. embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas. D. lahat ng nabanggit 3. Ito ay naglalaman ng 282 na batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia. A. Code of Hammurabi C. Ayurveda B. Cuneiform D. Hieroglypics 4. Ano ang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian? A. hieroglyphics C. cuneiform B. pictogram D. calligraphy 5. Alin sa sumusunod ang kauna –unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig? A. Arthasastra C. Epic of Gilgamesh B. Ramayana D. Mahabarata 6. Ito ay simbolo ng kabihasnang Tsino sa mahabang panahon. A. Great Wall of China C. Ziggurat B. Pyramid D. I Ching at Bing Fa 7. Ang paggamit ng silk o seda, wheel borrow, abacus, pamaypay, chopsticks at
Mga Pamana ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
2
seismograph ay mga kontribyusyon ay pamana ng mga______. A. Egyptian C. Indus B. Tsino D. Mesopotamian 8. Bakit tinatawag na “Agham ng Buhay ang Ayurveda? A. Sapagkat binibigyang tuon ang kabuhayan ng mga tao B. Sapagkat ito ay pumapaksa sa lahat ng aspekto sa pang araw-araw na buhay C. Sapagkat ito ay paniniwala ukol sa pagbalanse ng yi at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap. D. Sapagkat binigyang –tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman. 9. Kaninong kontribusyon ang geometry, kalendaryo na may 365 araw, sagradong pagdiriwang? A. Indus C. Mesopotamia B. Egypt D. Tsino 10. Paano inilarawan ang Arthasastra na isinulat ni Kautilya ng Indus? A. mahalagang kaisipang pang medisina ng sinaunang India B. kauna-unahang paninirahang sumailalim sa pagpapaplanong panglungsod C. kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. D. pamana sa larangan ng panitikan ng India
Balikan Basahin ng mabuti mula sa sinaunang kabihasnan. Tukuyin kung saan o anong kabihasnan umusbong ang mga sumusunod. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ______________1. Natuklasan ang dalawang lungsod ang Harrapa at Mohenjo Daro ______________2. Naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o Basbas ng Langit na ang emperador ay namuno sa kapahintulutan ng langit. ______________3. Tinatawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at temple ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod. ______________4. Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics. ______________5. Umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnan ang Harappa at Mohenjo-Daro, ang mga gusali ay hugis parisukat at mga kabahayan na may malawak na espasyo. ______________6. Ang mga Olmec ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma. ______________7. Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak ilog. ______________8. Cuneiform ang paraan ng pagsulat na ginagamitan ng stylus at clay o luwad na lapida. ______________9. Ang mga kahanga-hangang pyramid na itinayo sa panahong ito ay nagsisilbing mga monument ng kapangyarihan ng mga paharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. ______________10. Si Nebuchanessar II ang pinuno ng imperyo nang matamo nito ang rurok ng kadakilaan.
Tuklasin
EGYPT MESOPOTAMIA MESOAMERICA INDUS TSINO
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
3
Gawain 1.
a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hininging datos sa bawat kolum.
b. Unawain ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.
Gawain 2. Pagtapat-tapatin:
Panuto: Itapat ang mga salita sa Hanay A na akma sa larawan na makikita
sa Hanay B gamit ang guhit.
Ang sinaunang
kabihasnan
umusbong sa
daigdig
Paano nagsimula
ang kasaysayan ng
kabihasnang ito?
Anu-ano ang mga
pamana o kontribusyon
sa nasabing
kabihasnan?
1. MESOPOTAMIA
2.INDUS
3. TSINO
4. EGYPT
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
4
HANAY A HANAY B
1.Sewerage System A. 2. Great Wall of China B. 3. Mummification C. 4. Pyramid D. 5. Cuneiform E. 6. Ziggurat F. Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong batayan sa pagtukoy ng tamang sagot?
2. Paano mo nalalaman ang tamang sagot?
3. Sa iyong palagay, paano nakakatulong ang mga kontribusyon sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao sa daigdaig?
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
5
Suriin Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kanilang mga
pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay at talento ng mga sinaunang tao sa ibat’ibang larangan at aspeto. Hindi natin pinapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng ibat-ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyang ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyon nagmula sa mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?
Cuneiform Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay tinatawag na Cuneiform kung saan ang mga salita ay kinatawan ng mga simbolo o hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit na panulat ay stylus o eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan naman ay tabla na gawa sa putik.
Mesopotamia Ziggurat
Ziggurat ang tawag bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing panirahan nito. Ito ay estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat.
Code of Hammurabi
Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia. Isang batas na may malupit na kaparusahan para sa mga krimen na nagawa ng mga Babylonian. Isa rin itong gabay para magkaroon ng isang organisadong lipunan.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
6
Epic of Gilgamesh
Sa larangan ng literature, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Galgamesh ng lungsod ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ito ay kahalintulad sa The Great Flood ng Bibliya.
Iba pang kontribusyon
. water clock . paggawa ng mapa . sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa 60
. astronomiya
. paggamit ng gulong
. araro
Indus Sewerage System
May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong paglungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang nagsasalubong na guhit o grid pattern. Ang sewerage system ay kapaki-pakinabang noong panahong ito dahil ginagamit ito upang paghiwalayin ang madumi at malinis na tubig para sa mas kapaki-pakinabang na gawain
Arthasastra
Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya. Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang Arthasastra (The Science of Material Gain) na tungkol sa pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
7
Ayurveda
Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng Buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman. Sa naturang paraan, tinitingnan nito ang kabuuang kalagayan ng tao — katawan, isip at kaluluwa — upang ugatin ang pinagmumulan ng karamdaman
Ramayana at Mahabarata
Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan. Ang mahabarata ay isang salaysay hinggil sa matinding tungglian ng dalawang pamilya na magkakamag-anak ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan .Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kanyang asawa,na sapilitang kinuha ni Ravana ,isang demonyong hari
Iba pang kontribusyon
.Pamantayan ng bigat at sukat
.Decimal sytem
.Paggamot at pagbubunot ng ngipin
.Halaga ng pi (3.1416)
.Taj Mahal
.Pinagmulan ng mga relhiyon (Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism)
Tsino Great Wall of China
Mahabang Muog ng Tsina Dakilang Pader ng Tsina” Great Wall of China sa Ingles, ay isang kahanayan ng mga bato at harang sa Republikang Popular ng Tsina, itinayo, muling ipinaayos, at pinanatili sa pagitan ng ika-5 at ika-6 na dantaon upang ipananggalang ang mga paligid na nasasakupan ng Imperyong Tsina noong nanunungkulan ang mga nagpapalitang mga dinastiya.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Ingleshttps://tl.wikipedia.org/wiki/Republikang_Popular_ng_Tsinahttps://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Imperyong_Tsina&action=edit&redlink=1https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Imperyong_Tsina&action=edit&redlink=1https://tl.wikipedia.org/wiki/Dinastiya_sa_Tsina
-
8
Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang great wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.
I Ching at Bing Fa
Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng prediksiyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang military na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 BCE
Feng Shui
Ang paniniwala sa Feng shui o Geomancy ay nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan- malambot at kalmado. Samantala ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan- - matigas at masigla
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
9
Iba pang kontribusyon
. Paggamit ng silk o seda
. Kalendaryo
. Star map
. magnetic compass
. seismograph
. wheel barrow
. water clock
. sundai
. chopsticks
. abacus
. pamaypay
. payong
Egypt Pyramid
Ang mga piramide ng Ehipto ay sinaunang mga hugis-piramideng mga kayariang gawa sa bato na nasa Ehipto. Mayroong 138 mga piramideng natagpuan sa Ehipto mula noong 2008. Karamihan sa mga ito ang ginawa bilang mga libingan ng mga Paraon ng bansa at ng kanilang mga konsorte noong mga panahon ng Luma at Gitnang Kaharian ng Ehipto. Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng mga pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.
Mummification
Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na mummification, ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://tl.wikipedia.org/wiki/Piramidehttps://tl.wikipedia.org/wiki/Ehiptohttps://tl.wikipedia.org/wiki/Piramidehttps://tl.wikipedia.org/wiki/Paraonhttps://tl.wikipedia.org/wiki/Lumang_Kaharian_ng_Ehiptohttps://tl.wikipedia.org/wiki/Gitnang_Kaharian_ng_Ehipto
-
10
Hieroglypics
May sistema ng pagsulat din ang mga Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Ito ay isang sistema ng pagsulat na nangangahulugang “sagradong ukit” sa wikang Greek. Sa simula ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus.
Iba pang kontribusyon
.Geometry
.Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
.Kalendaryo na may 365 araw
. Sagdarong pagdiriwang
Pagyamanin
Sa bahaging ito, iyong subuking gawin ang sumusunod na gawain upang mapalalim
ang iyong pag-unawa sa kabuluhan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan. Gawain 3: K- A-K Organaizer Unawain ang sumusunod sa pagbuo ng organizer. a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan- Ambag – Kabuluhan ( K-A-K ) Organizer. b.Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan ,sa pangalawang hugis ang ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao. Kabihasnan Ambag Kabuluhan
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
11
Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang mga pamana /ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang
taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?
Gawain 4: Maimpluwensiyang Kabihasnan Kumpletuhin ang kasunod na diyagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa sa kasalukuyang panahon. Pamprosesong mga Tanong 1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang mga pamanang tinukoy sa diyagram? 2. Ano ang kapakinabangan dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa. 2. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?
Impluwensiya sa Daigdig
Impluwensiya sa Pilipinas
Pamana ng Sinaunang Kabihasanan
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
12
Isaisip
Sa sumusunod na gawain mabuuo ang konsepto kaugnay sa mga mahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan. Kompletuhin ang mga salita sa pamamagitan ng pagbuo ng mga nawawalang letra upang mabuo ang iyong sagot. Gamiting gabay ang mga tanong na nasa ibabang bahagi.
Pababa: 1. “Agham ng Buhay 2. Isa sa iba pang kontribusyon na pamana ng mga Tsino. 3. Sistema ng pagsulat ng mga Egyptians 4. Ang may akda ng Arthasastra 5. Kontribusyon ng Ehipto na isang sangay ng matematika na umuukol sa mga tanong ng hugis, sukat, relatibong posisyon ng mga pigura at mga katangian ng espasyo. Pahalang 6. Tumatayong pinuno at hari ng Egypt 7. Dito matatagpuan ang piramide 8. Iba pang tawag sa Fengshui 9. Epikong pamana ng India, salaysay tungkol sa buhay ng isang prinsipe 10. Sumisimbolo sa kababaihan – malambot at kalmado Tanong: 1. Mula sa nabuong mga salita paano mo ito iuugnay sa buhay ng kasalukuyang panahon.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://tl.wikipedia.org/wiki/Matematikahttps://tl.wikipedia.org/wiki/Hugishttps://tl.wikipedia.org/wiki/Sukathttps://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Espasyo&action=edit&redlink=1
-
13
2. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong gagawin upang mapanatili itong makilala sa susunod na henerasyon? 3. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunag tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuturing na isang pamana?
Isagawa
Gawain 5: Presebasyon ng mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig (Noon at Ngayon)
Sa puntong ito, ikaw ay magsagawa ng panayam sa mga nakakatanda sa inyong lugar o mga kapitbahay. Sa panayam na ito itanong ang mga bagay na may kaugnayan sa mga sinaunag pamana na nakikita at nagagamit pa rin sa kasalukuyan at ang kabuluhan nito sa makabagong henerasyon. Gamiting gabay ang chart at itala ang mga nalikom na mga sagot.
Gamit Noon
Gamit Ngayon
Kahalagahan
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay noon na ginagamit sa pa rin sa kasalukuyan? 2. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang panahon at sa kasalukuyang panahon? Gawain 6. Photo Essay
Gamit ang iyong cellular phone o digital camera, kuhanan mo ng larawan ang anumang makikita mo sa paligid na nagpapakita ng paraan ng paggamit ng tao sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasan. Sakaling walang cellular phone o digital camera, maaari mo ding iguhit ang mga larawan. Kakailanganin mo ng iba’t ibang larawan ngunit magkakaugnay at nagpapakita ng isang istorya o tema. Matapos nito’y susulat ka ng isang sanaysay na iinog sa paksang “Ano ang kontribusyon ng mga sinaunang tao sa gawaing pangkabuhayan?” Ang sanaysay ay dapat na may kaugnayan rin sa mga larawan.
Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
4 3 2 1
Nilalaman 30%
Ang photo essay ay naglalaman ng komprehensibo, tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol sa pamana ng sinaunang
Ang photo essay ay naglalaman ng tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol sa pamana ng
Ang photo essay ay naglalaman ng tumpak impormasyon tungkol sa pamana ng sainaunang
Ang photo essay ay kulang sa impormasyon tungkol sa pamana nag sinaunang sa gawaing
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
14
kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
sinaunang kabihasanan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
pangkabuhayan ng tao
Organisasyon 20%
Maayos, detalyado at madaling maunawaan ang daloy ng mga kaisipan at impormasyong inilahad tungkol sa pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
May wastong daloy ng kaisipan at madaling maunawaan ang impormasyong inilahad tungkol sa pamana ng sinaunang kabihasan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
May lohikal na organisasyon ngunit hindi sapat upang mailahad ang pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
Hindi maayos at hindi maunawaan ang mga impormasyong inilahad tungkol sa pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
Mensahe 20%
May malinaw at malawak na mensahe tungkol sa pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
May malinaw na mensahe tungkol sa pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
Limitado ang mensahe tungkol sa pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
Malabo at limitado ang mensahe tungkol pamana ng sinaunang kabihasnan sa gawaing pangkabuhayan ng tao
Pagkamalikhain 20%
Ang pagkakagawa at paglalahad ng photo essay ay nilapatan ng mataas na antas ng pagkamalikhain
Ang pagkakagawa at paglalahad ng photo essay ay nilapatan ng malikhaing pamamaraan
Ang pagkakagawa at paglalahad ng photo essay ay hindi gaanong nilapatan ng malikhaing pamamaraan
Ang pagkakagawa at paglalahad ng photo essay ay hindi nilapatan ng anumang malikhaing pamamaraan
Hikayat 20%
Ang dating sa, mambabasa ay lubos na nakahihikayat at nakakatawag pansin.
Ang dating sa mambabasa ay nakahihikayat
Mahina ang dating sa mambabasa o tagapakinig upang makapanghikayat
Walang dating sa mga mambabasa ang photo essay
Tayahin
Basahin ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing panirahan. A. Alexandria C. Pyramid B. Hanging Gardens D. Ziggurat 2. Ito ay isang sistema ng pagsulat na nangangahulugang “sagradong ukit” sa wikang Greek. Sa simula ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. A. Cunieform C. Calligraphy B. Hieroglypics D. Pictograph 3. Sa anong kabihasnan nagmula ang kontribusyon ng pamantayan ng bigat at sukat, decimal system at halaga ng pi?
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
15
A. Tsino C. Indus B. Mesopotamia D. Egypt 4. Sa Feng Sui na nagmula sa Tsina ito ay kaisipan ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa yang? A. Tumutukoy sa kalalakihan –matigas at masigla B. Tumutukoy sa kababaihan –malambot at kalmado C. Tumutukoy sa kalalakihan-mabait at masipag D. Tumutukoy sa kababaihan – matapang at kalmado 5. Ano ang nagsilbing simbolo ng kabihasnan Tsino sa loob ng mahabang panahon? A. Fengshui C. Great Wall of China B. Forbidden City D. Lahat ng nabanggit 6. Ito ay epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan na isang salaysay hinggil sa matindig tunggalian ng dalawang pamilya na magkakamag-anak. A. Ramayana C. Ayurveda B. Mahabarata D. Pandava 7. Ang tawag sa libingan ng mga pharaoh. A. sementeryo C. bato B.piramide D.museleo 8. Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig na nalinang ng Sumer. A. cuneiform C.calligraphy B. hieroglyphics D. pictogram 9. Kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumasailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpapaplanong panlungsod. A. Indus C. Mesopotamia B. Tsino D. Egypt 10. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Indus? A. water clock C. seismograph B. geometry D. sewerage system 11. Sa kabihasnang Tsino naging kontribusyon nila ang tinatawag ng Bing Fa. Ang Bing Fa ay nangangahulugan_________? A. Nagdudulot ng magandang hinaharap sa sinuman. B. Nagsilbing simbolo ng sinaunang kabihasnan ng mga Tsino. C. Naging isa sa mga kauna-unahan at pinakamatanyag na aklat ukol sa estratehiyang military. D. Nagbibigay ng perspektiba at pamaraan ng prediksiyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. 12. Kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. A. Ayurveda C. Arthasastra B. Mahabarata D. Hammurabi 13. Ang geometry, medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto, kalendaryo na may 365 araw at sagradong pagdiriwang ay iba pang kontribusyon ng anong sinaunang kabihasnan. A. Tsino C.Indus B. Egypt D. Mesopotamia 14. Paano inilarawan ang libingan ng mga pharaoh? A. Sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng namumuno. B. Pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan. C. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay. D. Lahat ng nabanggit 15. Bakit tinatawag na “Agham ng Buhay ang Ayurveda? A. Sapagkat maraming matutunan sa larangan ng agham. B. Sapagkat ito ay nakakapagpapanatili ng magandang buhay para sa isang tao. C. Sapagkat ito ay nagpapatanyag sa pag-unlad ng buhay ng tao para sa hinaharap.
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
16
D. Sapagkat binigyang tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman. 16. Ano ang kahalagahan ng sewerage system ng kabihasnang Indus? A. Ginagamit ito upang paghiwalayin ang madumi at malinis na tubig para sa mas kapaki-pakinabang na gawain. B. Ginagamit ito para sa urban planning o pagpapaplanong lungsod. C. Ginagmit ito para mapanatili ang daloy ng malinis na tubig. D. Ginagamit ito bilang pangsangga ng maduming tubig. 17. Paano itinuturing ang Epic of Gilgamesh? A. itinuring ito bilang kauna-unahang akda hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. B. itinuturing na epiko sa larangan ng panitikan matinding tunggalian ng pamilya C. itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig D. Wala sa nabanggit 18. Pansinin, alin sa mga sumusunod ang may tugma na kontribusyon o pamana sa sinaunang kabihasnan. 1. Tsino – geometry, sagradong pagdiriwang, kalendaryo, water clock 2. Egypt – pyramid heiroglypics, mummification, medisina, kalendaryo na may 365 araw 3. Mesopotamia – decimal system, water clock, cuneiform, ziggurat, astronomiya 4. Indus – sewerage system, arthsastra, Ayurveda, star map, halaga ng pi A. 1 C. 3 B. 2 D. 4 19. Ano ang isang patunay na kapakipakinabang ng mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon? A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito. B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino. C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga sinaunang Tsino. D. Umanib sa mga relihiyosong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. 20. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon. B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag. C. Patuloy na hinahangaan at tinangkilik ng tao sa kasalukuan ang mga pamanang ito. D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
17
Karagdagang Gawain
Upang mas mapalalim pa ang iyong pag-unawa, gumawa ng sanaysay tungkol sa
kahalagahan ng kontribusyon ng sinaunang kabihasnan.
KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Nilalaman 45%
Kaugnayan sa Tema 30 %
Paggamit ng Salita 25%
Kabuunan 100%
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
18
Susi sa Pagwawasto
Answer Key:
Subukin: Balikan:
1.A 1.Indus 2.B 2.Tsino 3.A 3.Mesopotamia 4.A 4.Egypt 5.C 5.Indus 6.A 6.Mesoamerica 7.B 7.Mesoptamia 8.D 8.Mesopotamia 9.B 9.Egypt 10.C 10.Mesopotamia Tuklasin: A. 1.Mesopotamia- sa tabing ilog – Piramide atbp. 2. Indus- Kambal na ilog (Mohenjo Daro – at Harappa) - Sewerage system atbp. 3. Tsino- Mga Dinastiya - Great Wall of China 4. Egypt- Biyaya ng ilog Nile – Piramide atbp B. 1.F 2.B 3.D 4.E 5.C 6. A Isaisip: Tayahin: 1.Ayurveda 6. Pharaoh 1.D 6.B 11.C 16. A 2.Payong 7. Egypt 2.B 7.B 12. A 17. C 3.Hieroglypics 8. Geomancy 3.C 8.A 13. B 18. B 4.Kautilya 9. Ramayan 4.A 9.A 14. D 19. B 5. Geometry 10. Yin 5.C 10.D 15. D 20. C
1st GE
NERA
TION M
ODUL
ES - V
ERSIO
N 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
-
19
Sanggunian Modyul na Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig pahina: 104-111 ALAY DANGAL JOSE C .BLANCO SJ October 11, 2005
https://www.slideshare.net/mhysserija16/mga-pamana-ng-sinaunang-kabihasnan https://brainly.ph/question/415531 https://mimirbook.com/tl/c83b78e3194 https://prezi.com/joabaodfptug/mga-pamana-ng-mga-sinaunang-kabihasnan-sa-daigdig/ google.com/search?q=pamantayan+ng+bigat+at+sukat&tbm
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mahabang_Muog_ng_Tsina https://www.google.com/search?q=feng+shui+sa+tagalog&tbm https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=paggamit+ng+silk https://www.google.com/search?q=lunar++chinese+calendar&tbm https://www.google.com/search?q=chinese+magnetic+compass&source https://tl.wikipedia.org/wiki/Piramide_ng_Ehipto https://www.slideshare.net/danz_03/ang-kabihasnang-egyptian