araling panlipunanbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/ap8_q1... · 2020. 10. 1. · araling...
TRANSCRIPT
20
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 7
Aralin 3 – Ang Mga Sinaunang
Kabihasnan Sa Daigdig
8
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Aralin 3 Ang Mga Sinaunang Kabihasnnan Sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng : ____________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax.: (032)255-6405 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Dennis D. Recto, Jocelyn B. Alarde, Flora A. Felicano, Victoria M. Olinares, Jessa D. Toring, and Edwin Ruiz Tagasuri: Cirila M. Monleon (QA) Elma M. Larumbe (Moderator) Tagaguhit: Joe Lim and John Isaac M. Recto Tagalapat: Tagapamahala: Schools Div. Superintendent: Marilyn S. Andales ASDS.: Leah B. Apao Ester Futalan Cartesa Perico CID Chief: May Ann Flores EPS in LRMS: Isaiash T. Wagas EPS in – Araling Panlipunan: Rosemary Oliverio
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
i
8
Araling Panlipunan Unang Markahan
Modyul 7
Aralin 3 – Ang Mga Sinaunang
Kabihasnan Sa Daigdig
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mga
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon. 1st
GENERATION MODULES - V
ERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iii
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iv
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito sa lahat ng mga
gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian (Reference) Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1
Alamin
Upang mahusay na masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa, kinakailangan tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
6. nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa Tsino at Egypt batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan
7. natutukoy ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Tsino at
Egyptian, at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan
8. naipapaliwanag ang mga dinastiyang bumuo sa Kabihasnang Tsino.
9. naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga aral mula sa Kabihasnang Tsino.
10. natatalakay ang kronolohiyang kabihasnang Egyptian.
11. nakakagawa ng collage ng mga larawan tungkol sa kabihasnang Egyptian.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2
Subukin
GAWAIN 1
Panuto: Alamin natin ang iyong nalalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnang
Tsino at Egyptian sa pamamagitan ng pagsagot ng K-W-L Chart sa ibaba. Sagutan
lamang ang una at ikalawang kolum at tsart ng iyong nalalaman sa mga pangyayari
sa sinaunang kabihasnang Tsino at Egyptian.
K-W-L Chart Ano ang iyong
nalalaman? Ano ang gusto mong
malaman? Ano ang iyong
natutunan?
➢ ➢ ➢ ➢ ➢
➢ ➢ ➢ ➢ ➢
➢ ➢ ➢ ➢ ➢
GAWAIN 2
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3
Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pamamgitan ng
pagpili ng titik ng pinakawastong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong imprastraktura ang ipinatayo sa Dinastiyang Q’in/ Ch’in na nagsilbing-tanggulan
laban sa mga tribong nomadiko?
A. Great Wall of China C. Longshan
B. Grand Canal D. Tortoise Shell
2. Ang mga sumusunod ay ang mga umusbong na mahahalagang kaisipang humubog sa
kamalayang Tsino maliban sa:
A. Taoism B. Confucianism C. Buddhism D. Legalism
3. Alin sa mga sumusunod ang naging dominanteng relihiyon sa dinastiyang T’ang at
tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao?
A. Taoism B. Confucianism C. Buddhism D. Legalism
4. Alin sa mga sumusunod ang rason kung bakit napalitan ng ibang dinastiya ang
Dinastiyang Ch’in?
A. Dahil humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng
dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.
B. Dahil naging mapangabuso ang piuno sa Dinastiyang Ch’in
C. Dahil pinatalsik ang Ch’in noong 1045 B.C.E.
D. Lahat ng nabanggit
5. Sa anong dinastiya naibalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa
pagpili ng opisyal?
A. Ming B. Song C. T’ang D. Yuan
6. Saan namuhay ang mga sinaunang Egyptian?
A. Sa mga pamayanang malapit sa Nile
B. Sa mga pamayanang malapit sa Tigris
C. Sa mga pamayanang malapit sa Ganges
D. Sa mga pamayanang malapit sa Euphrates
7. Ang mag sinaunang kabihasnan ay may iba’t ibang ambag sa lipunan, is ana rito ay ang
Sistema ng pagsusulat. Alin sa mga sumusunod ang Sistema ng pagsusulat ng mga
Egyptian?
A. Cuneiform B. Hieroglyphics C. Sanskrit D. Eskribano
8. Ano ang tawag sa ilang pamayanan na naging sentro nga pamumuhay sa sinaunang
Egypt na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado?
A. Menes B. Nome C. Memphis D. Cheops
9. Alin sa mga sumusunod ang itinayo sa panahon ng Matandang Kaharian na nagsilbing
mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang
pagpanaw?
A. Cheops sa Giza B. Nile Delta C. Piramide D. Eskribano
10. Anong panahon naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na
Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris?
A. Bagong Kaharian C. Ikatlong Intermedyang Panahon
B. Huling Panahon D. Ikalawang Intermedyang Panahon
Balikan
GAWAIN 1
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4
Panuto: Punan ng mga kinakailangang impormasyon upang mabuo ang sistemang
Caste
GAWAIN 2.1
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang akmang letra sa
patlang.
1. ___ ___ M ___ ___ - Unang Lungsod- estado ng Mesopotamia
2. ___ ___ K ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig
3. ___ O ___ ___ ___ ___ ___ - Nangangahulugang ilog
4. ___ ___ R ___ O ___ ___ - Nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-
estado ng Akkad o Agade.
5. ___ I ___ ___ ___ R ___ ___ ___ - Nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga
patron o diyos ng isang lungsod.
Tuklasin
GAWAIN 1 Panuto: Itugma ang mga larawan sa hanay A sa pangalan nito na nasa hanay B.
A B
PARIAH
Magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na hindi
nakapag-asawa ng Aryan
VAISYA
Mandirigma
BRAHMIN
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
5
___ 1. A. Tradiyonal na Kasuotan ng Chinese ___ 2. B. Huang Ho/ Yellow River
___ 3. C. Hyksos
___ 4. D. Great Wall of China
___ 5. E. Heiroglyphics
___ 6. F. Chinese Dragon
___ 7. G. Nile River
___ 8. H. Forbidden City
___ 9. I. Chinese Temple
___ 10. J. Peking Duck GAWAIN 2
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang konseptong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa Activity Notebook ang titik ng wastong sagot,
A B
1. Mga prinsipe mula sa dayuhang A. Aton lupain. B. Hyksos 2. Huling hantungan sa pagpanaw ng mga pharaoh C. Nome
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6
3. Gobernador ng lupain D. Pharoah 4. Malayang pamayanan sa Egypt E. Piramide 5. Diyos na sinasagisag ng araw F. Satrap
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
7
Suriin
KABIHASNANG TSINO
Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at
dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang
Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Suriin ang
kasunod na diyagram:
KABIHASNANG TSINO
XIA
(? - 1570
B.C.E.)
Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang
kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.
SHANG
(1570-1045
B.C.E.)
Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang
gumamit ng bronse sa panahong ito.
Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda
sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle
bones o mga tortoise shell at cattle bone.
ZHOU/
CHOU
(1570- 221
B.C.E.)
Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas
ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa
kapahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng
kabutihan. Kapag siya ay naging masama at
mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng
lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang: Confucianism – Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan. Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan. Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan
ORACLE BONE CONFUCIUS
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8
Q’IN o CH’IN
(221- 206
B.C.E.)
Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang
pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t
ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili
bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang
si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).
HAN
(202 B.C.E.-
220 C.E.)
Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa
Confucianism.
Ang pagsulat ng kasaysayan ng Tsina ay isang
napakalaking ambag ng Dinastiyang Han
SUI
(589-618
C.E.)
Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang
Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin
ang watak-watak na teritoryo ng China.
Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.
Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo
upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba
2400 kilometro o 1500 milya.
Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih
Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang
mag-alsa si Lui Bang.
GRAND CANAL
T’ang
(618- 907
C.E.)
Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa
dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang
dinastiyang T’ang
Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China
sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain
at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining
at teknolohiya.
Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
Ming
(1368-
1644)
Ang malalaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa
ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden
City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng
porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean
at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa
pamumuno ni Admiral Zheng He.
Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng
mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10
KABIHASNANG EGYPTIAN
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong
batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at
hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit
at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga
Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt
sa sumusunod na pagpapanahon:
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
11
1 Pre- dynastic Period
Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya
Nauna sa 3100 B.C.E.
- Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa
mga pamayanang malapit sa Nile
- Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng
kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag
na hieroglyphics o nangangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.
- Nome ang tawag ilang pamayanan ay naging
sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt.
2 Early Dynastic Period
Panahon ng mga Unang Dinastiya
Una at Ikalawang Dinastiya (circa 3100- 2670 B.C.E.)
- Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt. - Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. - Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.
3 Old Kingdom
Matandang Kaharian
Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya (circa 2670- 2150 B.C.E.)
- Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. (Halimbawa: Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza) - Paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at transportasyon - Pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang maging bagong taniman.
4 First Intermediate Period
Unang Intermedyang Panahon
Ikapito hanggang ika-11 Dinastiya (circa 2150- 2040 B.C.E.)
- Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. - Ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt.
5 Middle Kingdom
Gitnang Kaharian
Ika-12 at ika- 13 Dinastiya (circa 2040- 1650 B.C.E.)
- Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang kampanyang militar sa Nubia - Maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. - Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito.
6 Second Intermediate Period
Ikalawang Intermedyang Panahon
Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650-1550 B.C.E.)
- Ang Ika13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari - Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris.
7 New Kingdom
Bagong Kaharian
Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya
- Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 B.C.E.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
12
(circa 1550-1070 B.C.E.)
- Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. - Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-1334 B.C.E.). Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
8 Third Intermediate Period
Ikatlong Intermedyang Panahon
Ika-21 hanggang ika-25 Dinastiya (1070- 664 B.C.E.)
- Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. - Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.
9 Late Period Huling Panahon
Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya (circa 664-330 B.C.E.)
- Psammetichus (664-610 B.C.E.) – Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. - Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. - Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. - Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng dinastiya
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
13
Pagyamanin
GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem upang makumpleto ang dayagram.
1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig
2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian
3. Itinuring bilang “Empire Age” at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang Egypt
4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaing pinuno ng sinaunang Egypt
5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt
6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiyang Egypt at panahon ng mga pagtayo ng pyramid sa
Egypt.
7. Nagsilbing bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan ng mga ito.
8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga Hittite.
TAUHAN:
___________
BAGAY: ___________
PANAHON: ___________
TAUHAN: ___________
TAUHAN: ___________
PANAHON: ___________
KABIHASNANG
EGYPTIAN
TAUHAN: ___________
BAGAY: ___________
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
14
Gawain 5
Panuto: Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga
tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob ng mga
bilog.
Isaisip
Kabihasnang
Mga Dinastiya
1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3. Huling dinastiya ng China
4. Yumabong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven
7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito
Mga Tauhan
8. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador” 9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China 10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa 11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang
Confucianism
Chou Ming Q’ing
Shang Sui Ta’ng
Yuan
Zheng He Kublai Khan
Confucius Shih Huangdi
Mga Ambag
12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador 13. Nagsilbing-tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China 14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming 15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan
Great Wall Forbidden City
Mandate of Heaven Taoism
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
15
Gawain 1
Panuto: Gumawa ng limang sariling kasabihan base sa natutunan sa kabihasnang Tsino.
Maaaring gamitin ang wikang ingles o tagalog. Isulat ito sa inyong Activity Notebook.
Pamantayan:
Kaugnayan sa Paksa - 4 puntos bawat kasabihan
Orihinalidad - 4 puntos bawat kasabihan
Pagpili ng wastong mga salita - 2 puntos bawat kasabihan
GAWAIN 2
Panuto: Suriing mabuti ang nasa larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang larawan?
2. Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga
sinaunang Egyptian?
3. Anong estruktura ang nasa larawa?
4. Paano inilalarawan ng estruktura ang taglay
na kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian?
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
16
5. Ano ang nasa larawan?
6. Ano ang kahalagahan nito sa sa Kabihasnang Egyptian?
7. Ano ang nasa larawan?
8. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng
Kabihasnang Egyptian?
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
17
Isagawa
Panuto: Gamit ang Problem Solution Chart, tumukoy ng limang (5) mga suliranin ng
mga sinaunang kabihasnan, posibleng solusyon nito at importansya sa kasalukuyang
panahon.
KABIHASNAN
PROBLEMA
SOLUSYON
IMPORTANSYA SA KASALUKUYANG
PANAHON
TSINO
EGYPTIAN
Tayahin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
18
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
wastong sagot.
1. Ano ang ilog na tinawag na “Pighati ng China”? A. Yangtze B. Nile C. Indus D. Huang Ho
2. Alin sa mga sumusunod na dinastiya ang sinasabing pinakamaunlad na kabihasnang
gumamit ng bronse sa kabihasnang Tsino?
A. Zhou/ Chou B. Ming C. Xia D. Shang
3. Umusbong noon sa Dinastiyang Zhou/ Chou ang mga mahahalagang kaisipang humubog
sa kamalayang Tsino. Alin sa sumusunod na kaisipan ang may hangad ang balanseng sa
kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan?
A. Taoism B. Confucianism C. Buddhism D. Legalism
4. Ano ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism?
A. Han B. Q’in o Ch’in C. Sui D. Ta’ng
5. Sino ang dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso.
Itinatag niya ang dinastiyang T’ang?
A. Shih Huangdi B. Li- Yuan C. Zhenge He D. Kublai Khan
6. Paano bumagsak ang dinastiyang Ming?
A. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan at pakikipaglaban nito
sa Japan na sumalakay sa Korea.
B. Naganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika
ng China kaya bumagsak ang dinastiyang Ming
C. Sinakop ito ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China.
D. Wala sa nabanggit
7. Sino ang nakapaglinang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o
nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek?
A. Nome B. Memphis C. Eskribano D. Menes
8. Alin sa mga sumusunod ang itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng
kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw?
A. Pyramid B. Khufu C. Cheops D. Hyksos
9. Paano napabilis ng kalakalan at transportasyon sa Matandang Kaharian?
A. Sa pamamagitan ng pagtangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli
ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis.
B. Sa pamamagitan ng paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea.
C. Sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang sariling Sistema ng pagsusulat.
D. Lahat ng nabanggit.
10. Sino ang kahuli-hulihang reyna ng Huling Panahon?
A. Cleopatra IV C. Ptolemy I
B. Cleopatra VI D. Ptolemy II
Karagdagang Gawain
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
19
Natuklasan mo na ang mga dapat mong malaman sa mga sinaunang kabihasnang
Tsino at Egyptian mula sa simpleng pamumuhay patungo sa kumplikado. Balikan
ngayon ang K-W-L Chart at iyong sagutan ang ikatlong kolum.
K-W-L Chart Ano ang iyong
nalalaman? Ano ang gusto mong
malaman? Ano ang iyong
natutunan?
➢ ➢ ➢ ➢ ➢
➢ ➢ ➢ ➢ ➢
➢ ➢ ➢ ➢ ➢
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
20
1. Ano- ano ang iyong mga natutunan sa paksa?
2. Mula sa iyong mga natutunan, ano ang iyong pinakamahalagang kaisipan an
pumukaw sa iyo na maaring magamit mo sa iyong buhay?
3. Bilang isang tao, bakit kailangan nating malaman ang ating pinagmulan?
Ipaliwanag.
4. Bilang isang tao, paano ka makakatulong sa pagpapangalaga at pagpapanatili ng
mga ambag ng sinaunang kabihasnan?
5. Paano mo magagamit ang iyong nalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan
sa kasalukuyang panahon?
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
21
Tuklasin:
Gawain 1
11.D
12.J
13.F
14.I
15.A
16.E
17.K
18.C
19.G
20.B
Gawain 2
1.B
2.E
3.F
4.C
5.A
Subukin: Gawain 2
16.A
17.C
18.A
19.A
20.C
21.A
22.B
23.B
24.C
25.D
Tayahin:
1.D
2.D
3.A
4.A
5.B
6.A
7.C
8.A
9.D
10.A
Susi sa Pagwawasto
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
22
Sanggunian
https://peac.org.ph/learning-module-repository/?fbclid=IwAR3Zx_PoGop_p3srT-
OzbeKd5XWORrGlcr9U0FlyFZFP82NWbXR7FcBq_K4&fbclid=IwAR33AGcpp9aJpB
NuK_1-KthCKzgPR0jJe2WKmlZELvukhOWHRUYHNXxJATA
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]