eal of artnership filipino...filipino – ikawalong baitang support material for independent...
TRANSCRIPT
-
8
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress Zeal of Partnership
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 6
Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
-
Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 6: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag sa Pagsulat ng Sanaysay Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lenie J. Osorio
Editor/ Tagasuri: Ronna B. Laranjo/ Michel P. Enero
Tagalapat: Lloyd Ivonn Mark Ordinaria
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor – Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Program development Officer II, LRMS
mailto:[email protected]
-
1
Alamin
Isa sa kapansin-pansin na pag-unlad sa sarili ng isang mag-aaral ay ang
kahusayan sa pagpapahayag. Ito ay isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng
isang mag-aaral na kagaya mo upang maging mabisang tagapag-ugnay sa
lipunan.
May dalawang paraan upang makapagpahayag nang mabisa-pasalita at
pasulat. Ang pagpapahayag sa anumang paraan ay nangangailangan ng pag-
iisip. Kailangang alamin ng isang magsasalita o magsusulat kung sino ang
kanyang kausap o patutungkulan, kung ano ang layunin sa pagsulat o
pagsasalita at kung ano ang paksa. Kaya sinuman ang paglalaanan ng
pagpapahayag, dapat bigyang-pansin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
upang maging mabisa ang paglalahad ng paksa.
Makatutulong sa iyo ang modyul na ito upang maging isa kang mabisang
tagapagpahayag.
Ano-ano ang mga Matutuhan mo sa Modyul na Ito?
Pamantayan ng Pagkatuto:
• Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa, paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay (F8WG-IIf-g-27)
• Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig (F8PB-IIg-h-27)
Balikan
Basahin ang talata. Pagkatapos mabasa ay ibigay mo ang
pangunahing ideya nito.
Ang sarswela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao. Sinasabing hinango
ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkaiba ang diyalogong ginamit dito – patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin. Samatala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan.
Pangunahing ideya ng talata: _______________________________________
-
2
Aralin 1
Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag sa Pagsulat ng
Sanaysay Talamak na ang pagiging isipang kolonyal ng mga Pilipino. Ikaw,
bilang isang kabataan may magagawa ka ba upang mabawasan ito? Para sa iyo, paano nakatutulong sa iyong buhay ang mahalagang
kaisipang hatid ng sanaysay na binasa. Maahalaga ba ang pagsaalang-alang sa mga sangkap o element ng
sanaysay sa pagsulat nito?
Tuklasin
Sawa ka na ba sa usaping pandemya? Maiba naman tayo!
Ano ang unang pumasok sa iyong isipan sa mga nakikita mo sa larawan?
https://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_
lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxB
https://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_%20lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBhttps://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_%20lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBhttps://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_%20lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxB
-
3
Usap tayo!
1. Nangangarap ka ba na makapunta sa Amerika?
2. Anong mga paghahanda ang iyong ginawa? 3. Ano ang maaaring maging epekto sa iyong pagkatao ang pagkakaroon ng
hangaring makapangibang bansa partikular sa Amerika? Paghahawan ng Sagabal
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salita sa HANAY A sa HANAY B. Piliin ang titik ng inyong sagot.
HANAY A HANAY B
1. altruistiko a. tumaba 2. barbarismo b. baldado 3. kolonyalismo c. mapagbigay 4. bubulas d. balbal, marahas 5. kapansanan e. mananakop
Basahin ang akda.
Amerikanisasyon ng Isang Pilipino
Ponciano B. P. Pineda Ang de-Amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking tungkuling dapat nating gampanan sa kasalukuyan. Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan.
Isang simulaing kardinal, katotohanan, palibhasa, na ang isang Pilipino’y
mahalagang sangkap ng buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama-samang indibidwal, ang katipunan ng lahat ng mamamayan ng bansang ito, ang bumubuo ng sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang di ganap ang pagka-Pilipino ng kabuoang ito ay di tayo makapagtatayo ng isang lipunang tunay na Pilipino. Ang ugat na dahilan ay nasa uri ng edukasyon ng isang Pilipino.
Tingnan ang isang pangyayari, bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang
isang batang Pilipino. Ang kanyang pamilya’y kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na isinisiwalat ng kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kwento’y nakarating sa unang pagkakataon, at nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na pamamaraan ng mga salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,” sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now”, sasabihin sa bata, “where’s the light?” ituturo ng bata. “There!” sasabihin ng ina, paulit-ulit. “That’s your mommy,” sasabihin ng ama, “say, Mommy.” Gagayahin ng bata. “He’s your daddy,”
sasabihin ng ina. “Isno,” wika ng bata. “Eagle,” ang wika ng titser. “Igel,” gagad ng bata. Ang paaralang ito nais kong idugtong ay eksklusibo. Para lamang sa may kayang magbayad ng malaki. Ari ng dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso.
-
4
Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga librong bumabanggit ng mga daan sa New York at sa Washington, D.C. Mamamasid na niya ang Central Park at Central Square. Ang batang ito na nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa
kanyang tinubuan. Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa, at nagkakaisip. Tuwing
kakausapin siya ng kanyang Daddy at Mommy ay sa wikang Amerikano. Ngunit may ibang tao sa kanilang tahanan: ang mga taong iyon ay mga alila o utusan kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakita niyang ang mga ito’y tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina, tagapamili sa palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na inaalimura ng kanyang mga magulang. Ang
mga taong ito, kung kausapin ng kanyang Daddy at Mommy, ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sa wikang iyon ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay tila mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang ginagamit ng kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog, sa pakikipag-usap sa mga alila o utusan. Ito’y kanyang mapagkakalakhan at kahit na tumanda’y iisipin niya, ipapamansag niya sa katunayan, na ang wikang tagalog ay ginagamit lamang sa mga alila.
Ang batang ito’y patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang kanyang binabasa, palaging Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang awtor. Dahil dito’y ayaw na rin niyang bumasa ng anumang sinulat ng kanyang mga kababayan sa wikang kanyang kinagisnan. Ang librong nasusulat sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya. Sa tahanan ay exposed siya sa telebisyon-sa mga programang ginaganap sa wikang kanyang pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood sa mga sine. Kahit Class B o Class C sa kanya’y pinakamagaling pagkat mga artistang Amerikano ang nagsisiganap. Samantala,
ang pelikulang Tagalog ay bulok sa kanya, walang pasubali. Siya’y ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang pananagutan
sa buhay. Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na kinikislapan ng pumikit-dumilat na samot-saring kulay ng ilaw dagitab sa piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang ibang daigdig, ang lalong malaking daigdig. Ito’y ang lipunan ng mga nakabakya, ng nagsisipagsalita ng katutubong wika. At sa ganyan ay sumilang ang malaking pagitan ng mga Pilipinong pribilehiyado sa
buhay at sa masa ng ating bayan. Totoong humaba ang simpleng kwentong aking isinasalaysay. Ngunit gaya
ng inyong napansin, ito’y naglalarawan ng yugto-yugtong pagkahubog ng isang batang Pilipino sa pagiging Amerikano sa isip, sa salita, at sa gawa. Ang trahedyang ito’y nakaturo sa sistema ng edukasyon. Nang pumasok ang mga Amerikano sa Look ng Maynila’y dala nila ang sistema ng paturuang Amerikano. Ayon sa kasaysayang sinulat ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong gumagamit
ng salaming-dayuhan-pumarito ang mga Amerikano upang hanguin tayo sa barbarismo. Bibigyan daw nila tayo ng edukasyon. Binigyan nga, edukasyong popular pagkat sa simulain ay bukas sa lahat ng mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano. Ang mga asignatura ay hulwad sa Kano. Malayo na ang panahong iyon ng pagdaong ni Dewey sa ating dalampasigan, ngunit narito pa rin ang mga bakas. Isa tayong kolonya hanggang ngayon. Ang sistema natin ay tunay na kolonyal.
-
5
Marahil ay di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo man ay may kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaang pampolitika, tayo nama’y pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at edukasyonal. Sa pana-panahon ay humihingi tayo ng pag-aaral sa ating mga suliranin sa pagtuturo. Ang hinihiling nating gumawa nito’y ang ating
dating panginoon, ang mga Amerikano. Sila rin ang nagmungkahi sa ating mga kalutasan. At kung di magbunga nang maigi, tayo ang nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit di natin gustong magkaganito. Biktima tayo ng kasaysayan. Ganito ang ating palad. Gayunaman, ang tanong ko’y di na ba tayo bubulas, di na ba tayo lalaki at di na ba tayo magiging ganap na bansa – sui juris ng lengguwahe ng batas?
Sa sinundang brodkas ay sinabi namin sa inyo kung ano ang paraang ginagawa sa pagpapalaganap dito ng wikang Amerikano. Ang wika at edukasyon ay magkaugnay. Ngayon ay marami pang tulong sa edukasyon na kaloob ng Estados Unidos. Hindi natin matiyak ang mga tali ng tulong na ito. Sa kawalan ng mapanghahawakang kongkretong ebidensiya’y makapagbibigay lamang tayo ng mga hinuha. Maaaring sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng damdaming altruistiko ng ating dating panginoon. Ito kaya’y kapani-paniwala? Hindi ba’t sa maraming pagkakataon ay lumitaw ang katotohanang sa kapakanang Amerikano
lamang ang paglilingkod na ginagawa rito ng mga Amerikanong kinatawan ng pamahalaang Amerikano, at pati ang kanilang mga ahenteng na-brainwash pagkatapos magtamasa ng kwalta ng iskolarsyip at grant?
Isang kababawan, kung di man katunggakan, ang mag-akalang tunay na
nagbubuhos dito ng salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lamang sa kapakanang Pilipino. Sa katunaya’y naglilingkod sila sa kapakanan ng Estados Unidos at sa kaluwalhatian ng Unyon. Ito ang hinahangaan ko sa mga
Amerikano, kahit saan sila magtungo, kailan mang panahon, ay nananatili silang Amerikano. Kapos tayo sa bagay na ito. Tayo pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila, na para bagang kailangan pa nating ipagtanggol sila. Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang ginawa kong halimbawa sa simula ng komentaryong ito, ay madaling maging Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito!
Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay
mabibigo habang dayuhan ang sistema ng ating paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago, ang rebolusyon sa larangang ito. Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upang pag-aralan ang sitwasyon ng edukasyon sa ating bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino ang ibubunga ng Komisyon. Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa kamay na ng komisyon ang maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Pag-aaralang-Bayan ng Lupon sa Kurikulum, pati na ang paninindigan ng Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang manghuhula, ngunit masasabi ko nang
walang alinlangan: na habang nabibidbid ang ating paturuang pambansa ng sistemang Amerikano, at habang tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong second rater lamang sa edukasyon, manggagaya, at batayang walang bait sa sarili. Ang wikang Filipino’y handa upang gamitin sa de-Amerikanisasyon ng isang mamamayang Pilipino.
-Halaw sa Pluma 8 pp. 268-271
-
6
Pag-usapan natin!
1. Ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang Amerikanisasyon? 2. Tukuyin ang sakit ng lipunan na talamak sa ating bayan na binanggit
sa akda. 3. Sang-ayon ka ba sa sinasabi ng may-akda na hindi tayo
makapagtatayo ng isang tunay na Republikang Pilipino? Bakit? 4. Paano ipinakita ng may-akda sa kanyang teksto na talagang laganap
na ang Amerikanisasyon at pagkakaroon ng kaisipang kolonyal ng mga
Pilipino? 5. Bilang isang mag-aaral at kabataang Pilipino, paano mo isabuhay ang
aral na natutuhan mula sa binasang sanaysay? 6. Magbanggit ng mga halimbawa bilang patunay na talamak nga ang
kolonyalismo sa ating bansa?
Suriin
Ang Amerikanisasyon ng mga Pilipino na iyong nabasa ay isang
halimbawa ng sanaysay.
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasusulat sa anyong
tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga
bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga
mambabasa. Ito ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng
sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa.
Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na
ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkain”.
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag (Paglalahad)
Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan,
at nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot
ng nagsasalita o sumusulat. Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungan
kung ano ang katuturan ng isang salita o bagay, kung ang pagsasagawa ng isang
bagay, kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.
Ginagamit ang iba’t ibang paraan ng paglalahad upang mabigyang-linaw ang
pagpapahayag.
1. Pag-iisa-isa – Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o
sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari
ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Dito ay malinaw na
naipakikita ang mga dahilan at bunga ng mga pangyayari.
-
7
2. Paghahambing at Pagsasalungatan – Gunagamit ang paraan na ito sa
paghahambing ng magkakatulad at pagkakaiba ng ga bagay-bagay. Ang
paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.
3. Pagsusuri – Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na
nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
4. Sanhi at bunga – Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung
ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng
mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.
5. Pagbibigay ng Halimbawa – Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o
mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. Siguraduhin lamang na tiyak o
makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.
Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa
paksang tatalakayin, pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw at maayos na
pagpapahayag, at walang kinikilingan.
-Halaw sa Pinagayamang Pluma 8
Kumpletuhin Mo!
Panuto: Basahing muli at suriin ang pagkakasulat ng sanaysay. Lagyan ng
smiley emoticons kung sa tingin mo taglay nito ang mahahalagang katangian
ng isang sanaysay at magbigay ng patunay.
Katangian ng isang mahusay na sanaysay
Patunay
Mahusay ang paglalahad
Mabisa
Organisado
Kawili-wili
-
8
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng paglalahad ang ginamit sa sumusunod na
mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______________1. Ang isang taong makabayan ay handang magsakripisyo kung sakaling ang bayan ay malagay sa panganib.
_______________ 2. Taglay ng taong tunay na malaya ang mga katangiang
kagaya ng sumusunod:
a. pinapaunlad ang sarili upang maging kapaki-
pakinabang sa bayan
b. sumusunod sa mga alituntunin ng pamayanan
c. handang tumulong sa mga nangangailangan
_______________ 3. Kung ang lahat ng Pilipino ay may malasakit sa bayan mabilis na uunlad ang ating bansa. _______________4. Ang pagtawid sa tamang tawiran, pagsunod sa batas trapiko
sa daan at pati ang paglagay ng basura sa tamang basurahan ay isang halimbawa ng taong nagpapakita ng pagkamakabayan.
_______________ 5. Masayang tunay ang buhay sa probinsya na ‘di kagaya ng sa siyudad na araw-araw ay habol mo ang oras.
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng maikling pagpapahayag tungkol sa paksa sa bawat
bilang gamit ang mga paraang nakatala sa ibaba.
1. Pag-iisa-isa (Mga dapat gawin upang maiwasan ang COVID 19)
2. Paghahambing (Kalagayan ng edukasyon bago ang pandemya at ang
kalagayan ng edukasyon sa kasalukuyan)
3. Pagsusuri (Mga dahilan kung bakit matagal na nasugpo ang pandemya
sa Pilipinas)
4. Sanhi at bunga (Ano ang naidulot ng pandemya sa mamamayan,
ekonomiya, at sa buong daigdig?)
5. Pagbibigay Halimbawa (Ano ang iyong magagawa sa paglutas ng
krisis dulot ng pandemya?)
-
9
Rubriks para sa Pagsulat ng Talata
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Maikli ngunit tumpak ang nilalaman
Balarila Kaangkupan ng mga salitang ginamit Tama ang pagbabaybay ng mga salita
Kalinisan Malinis ang pagkasulat ng talata.
Paraan ng Pagpapahayag
Nagagamit ang paraan ng pagpapahayag
5- pinakamahusay 2- mapaghuhusay 4- mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay 3- katanggap-tanggap
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang katuturan ng pahayag hinggil sa pagpapahayag.
• Ang ___________ay isang uri ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan.
• Dapat isaalang-alang ang iba’t ibang paraan sa paglalahad upang maging _____________ ang pagpapahayag .
• Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangang may __________ na kaalaman sa paksang tatalakayin ang manunulat.
Isagawa
Panuto: 1. Pumili ng larawan sa kahon sa ibaba bilang paksa sa gagawing
sanaysay o
Figure 1 Bundok Apo Figure 2. Talon ng Maria Cristina Figure 3. Amanpulo Island Palawan
https://www.tripadvisor.com.ph/ShowUserReviews-g298459-d320862-r317475057-Mount_Apo-
Davao_City_Davao_del_Sur_Province_Mindanao.html https://magagandangtanawinsapilipinasxx.weebly.com/blog/talon-ng-maria-
cristinahttps://www.google.com/search?q=amanpulo+island+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwiL1d6EtPzsAhUFFIgKHXWIDzAQ2-
https://www.tripadvisor.com.ph/ShowUserReviews-g298459-d320862-r317475057-Mount_Apo-Davao_City_Davao_del_Sur_Province_Mindanao.htmlhttps://www.tripadvisor.com.ph/ShowUserReviews-g298459-d320862-r317475057-Mount_Apo-Davao_City_Davao_del_Sur_Province_Mindanao.htmlhttps://magagandangtanawinsapilipinasxx.weebly.com/blog/talon-ng-maria-cristinahttps://magagandangtanawinsapilipinasxx.weebly.com/blog/talon-ng-maria-cristina
-
10
cCegQIABAA&oq=amanpulo+island+pictures&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAOgYIABAHEB46CAgAEAgQBxAeOg
QIABAYUMvqBFjWqAVgsrMFaAFwAHgAgAHKAYgBux6SAQYwLjIxLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=8tmsX
4uUC4WooAT1kL6AAw&bih=657&biw=1366&rlz=1C1GCEA_enPH852PH852
Figure 4. Kennemer Foods International Figure 5. 21st Mindanao Trade Expo Figure 6. Davao Expo
http://www.kennemerfoods.com/2013/09/06/cacao-industry-in-western-mindanao-booms/ https://news.abs-cbn.com/life/03/12/17/look-davao-expo-highlights-products-from-mindanao
https://news.abs-cbn.com/life/03/12/17/look-davao-expo-highlights-products-from-mindana
https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2017/life/03/12/031217_davao1.jpgo
Panuto 2. Sumulat ng sanaysay batay sa napiling larawan. Gamitin ang iba’t
ibang paraan sa pagpapahayag.
Panuto 3. Isaalang-alang ang rubriks sa ibaba sa pagsulat ng sanaysay.
Rubriks para sa Pagsulat ng Sanaysay
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Malinaw ang pagkakalahad ng ideya
Mabisa Kaangkupan ng mga salitang ginamit
Tama ang pagbabaybay ng mga salita
Organisado Malinis ang pagkasulat ng talata. Taglay ang tatlong bahagi ng sanaysay(Panimula, Gitna, Wakas)
Paraan ng Pagpapahayag/kawili-wili Nakagagamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
Tayahin
A. Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang.
Pagkatapos, piliin ang titik ng inyong sagot.
PIN
AK
AM
AH
US
AY
MA
HU
SA
Y
KA
TA
NG
GA
P-T
AN
GG
AP
MA
PA
GH
UH
US
AY
NA
NG
AN
GA
ILA
NG
AN
PA
NG
MG
A
PA
NT
UL
ON
G N
A P
AN
SA
NA
Y
http://www.kennemerfoods.com/2013/09/06/cacao-industry-in-western-mindanao-booms/https://news.abs-cbn.com/life/03/12/17/look-davao-expo-highlights-products-from-mindanaohttps://news.abs-cbn.com/life/03/12/17/look-davao-expo-highlights-products-from-mindana
-
11
2
1. Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng
ating lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan. Ano ang paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa pahayag sa kahon? a. pag-iisa-isa c. pagsusuri b. sanhi at bunga d. pagbibigay halimbawa
2. Paano mo bibigyan ng pagpapakahulugan ang pahayag na nasa kahon sa bilang isa? a. Ang sobrang pagtangkilik ng mga Pilipino sa bansang Amerika ay
naging kahinaan ng ating bayan. b. Ang palaging pagtangkilik ng mga mamamayan sa bansang kanluran
ay isa sa ating kalakasan. c. Pabor sa atin ang pagtangkilik natin sa bansang Amerika dahil
kaibigan nila tayo. d. Kung mangarap tayo ay dapat ang pangarap na makapunta ng
Amerika. 3. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging isipang
kolonyal maliban sa isa? a. Wow, imported! Mamayamanin. b. Subok na ito ng mga doktor sa Amerika. c. Ang ganda ng pelikula. Iba talaga ang gawa ng mga Kano! d. Ang galing ni Manny Pacquiao. Matibay talaga ang puso ng mga
Pilipino! 4. Batay sa akda, saan unang nabuo o nahubog ang pagiging isipang
kolonyal ng isang Pilipino?
a. sa tahanan c. sa paaralan b. sa pamayanan d. sa mga kaibigan
5. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino”? a. Maimulat sa mga Pilipino ang maaaring kahihinatnan ng labis na
pagtingala sa mga banyaga b. Maipamukha sa mga Pilipino ang na hanggang ngayon ay nakagapos
pa rin tayo c. Matuto ang mga Pilipino na pahalagahan ang sariling atin
d. Magising ang mga utak kolonyal sa katotohanan
6. “Malayo na ang panahong ito ng pagdaong ni Dewey sa ating dalampsigan, ngunit narito pa rin ang mga bakas.”
Paano mo bibigyan ng halimbawa ang kaisipan na nasa loob ng kahon? a. I really hate Filipino subject! c. We’ll make babad on the beach. b. Ewww…kadiri ka cockroach! d. Let’s make gala na naman.
7. Alin ang pinakamalapit na kaisipan ng pahayag sa bilang anim?
a. Maraming taon na ang nakalipas na dumating si Dewey sa Pilipinas ngunit nananatili pa rin ang kanyang bakas sa paa.
b. Maraming taon na ang nakalipas nang makalaya tayo sa mga Kano ngunit nananatili pa rin sa ating sistema ang kanilang pamamaraan.
c. Maraming taon na ang nakalipas ngunit naiwan parin ang barko ni Dewey sa dalampasigan.
d. Maraming taon na ang nakalipas ngunit naiwan sa atin ang tsinelas ni Dewey.
-
12
8. Ano ang ginamit na paraan ng paglalahad ang ginamit sa pahayag sa bilang anim? a. pagsusuri c. paghahambing at pagsasalungatan b. sanhi at bunga d. pagbibigay halimbawa
9. Alin ang angkop na karugtong ng pahayag sa ibaba? “Habang mahina, habang di ganapang pagka-Pilipino ng sangka Pilipinuhan ay di tayo______________.” a. magkakaroon ng sariling wika at kultura. b. makapagtatayo ng lipunang tunay na Pilipino. c. makikilala sa buong mundo. d. magiging kagaya ng bansang Amerika.
10. Isang kababawan, kung di man katunggakan, ang mag-akalang tunay
na nagbubuhos dito ng salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lamang sa kapakanang Pilipino. Ano ang himig o tono ng may-akda batay sa pahayag sa loob ng kahon? a. nagpapatawa c. seryoso b. galit d. nang-uuyam
B. Panuto: Maglahad ng sariling pananaw, opinyon, at saloobin kaugnay ng
akdang tinalakay. Itala ang sagot sa kahon.
Mga Negatibong Epekto ng Labis na Pagpapahalaga sa Wikang Ingles
Mga Paraan o Hakbang Upang Ito ay Maging Kapakinabangan Para sa
Atin
Halimbawa: Higit na pagpapahalaga sa wikang Ingles kaysa Pilipino
Gamiting sandata sa pakikipagkalakalang Internasyonal
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Karagdagang Gawain
Gamitin sa sariling pahayag ang mga simbolong ginamit sa akda.
1. Kapansanan sa bayan
2. Pagmamay-ari ng mga relihiyoso
3. Mayroon ng pananagutan sa buhay
-
13
Tayahin
1.b 6. a
2.a 7. b
3.d 8. a
4.a 9. b
5.a 10. b
Pagyamanin
A.
1.Pagsusuri 2.Pag-iisa-isa 3.Sanhi at Bunga 4.Pagbibigay Halimbawa 5.Paghahambing at Pagsasalungatan
1.c
2.d
3.e
4.a
5.b
Susi sa Pagwawasto
-
14
Sanggunian
AKLAT: Baisa-Julian, Ailene .et al. Panitikang Filipino:Pinagyamang Pluma 8. Quezon City:Phoenix Publishing House. Inc. 2017. Garcia, Hilda N., et al. Canao-Yaman ng Diwa. Quezon City:Vibal Publishing
House, Inc. 2007 Enrijo, Willita A.et al. Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa
Mag-aaral.Mandaluyong City: Printwell, Inc. 2013
INTERNET:
• www.slideshare.com
• https://www.youtube.com/watch?v=8QeW3lapm38&feature = share
• https://www.google.com/search?q=products+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc_aau7MbrAhUFzIsBHZDQAaEQ2-cCegQIABAA&oq=products+in+mindanao&gs_lcp=Cg
• https://www.google.com/search?q=products+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc_aau7MbrAhUFzIsBHZDQAaEQ2-cCegQIABAA&oq=products+in+mindanao&gs_lcp=CgN
• https://www.google.com/search?q=tourist+spot+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2wd3B7cbrAhUUI6YKHbNpD5kQ2-cCegQIABAA&oq=tour&gs_lcp=CgNpbWcQARgAM
• https://www.google.com/search?q=maria+cristina+falls&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz6ZG_9cbrAhWxzIsBHd_TCikQ2-cCegQIABAA&oq=maria+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABC
• https://www.google.com/search?q=rubriks+sa+paggawa+ng+sanaysay&tbm=isch&ved=2ahUKEwj0_OzL9cbrAhUBAqYKHdARChgQ2-cCegQIABAA&oq=rubriks+&gs_lcp=CgNpb
• https://www.google.com/search?q=chocolate+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwiF6ufyicfrAhVP4ZQKHZCpAZUQ2-cCegQIABAA&oq=choco&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIAB
• https://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxB
http://www.slideshare.com/https://www.youtube.com/watch?v=8QeW3lapm38&featurehttps://www.google.com/search?q=products+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc_aau7MbrAhUFzIsBHZDQAaEQ2-cCegQIABAA&oq=products+in+mindanao&gs_lcp=Cghttps://www.google.com/search?q=products+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc_aau7MbrAhUFzIsBHZDQAaEQ2-cCegQIABAA&oq=products+in+mindanao&gs_lcp=Cghttps://www.google.com/search?q=products+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc_aau7MbrAhUFzIsBHZDQAaEQ2-cCegQIABAA&oq=products+in+mindanao&gs_lcp=CgNhttps://www.google.com/search?q=products+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc_aau7MbrAhUFzIsBHZDQAaEQ2-cCegQIABAA&oq=products+in+mindanao&gs_lcp=CgNhttps://www.google.com/search?q=tourist+spot+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2wd3B7cbrAhUUI6YKHbNpD5kQ2-cCegQIABAA&oq=tour&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMhttps://www.google.com/search?q=tourist+spot+in+mindanao&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2wd3B7cbrAhUUI6YKHbNpD5kQ2-cCegQIABAA&oq=tour&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMhttps://www.google.com/search?q=maria+cristina+falls&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz6ZG_9cbrAhWxzIsBHd_TCikQ2-cCegQIABAA&oq=maria+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABChttps://www.google.com/search?q=maria+cristina+falls&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz6ZG_9cbrAhWxzIsBHd_TCikQ2-cCegQIABAA&oq=maria+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABChttps://www.google.com/search?q=rubriks+sa+paggawa+ng+sanaysay&tbm=isch&ved=2ahUKEwj0_OzL9cbrAhUBAqYKHdARChgQ2-cCegQIABAA&oq=rubriks+&gs_lcp=CgNpbhttps://www.google.com/search?q=rubriks+sa+paggawa+ng+sanaysay&tbm=isch&ved=2ahUKEwj0_OzL9cbrAhUBAqYKHdARChgQ2-cCegQIABAA&oq=rubriks+&gs_lcp=CgNpbhttps://www.google.com/search?q=chocolate+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwiF6ufyicfrAhVP4ZQKHZCpAZUQ2-cCegQIABAA&oq=choco&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABhttps://www.google.com/search?q=chocolate+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwiF6ufyicfrAhVP4ZQKHZCpAZUQ2-cCegQIABAA&oq=choco&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABhttps://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBhttps://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBhttps://www.google.com/search?q=statue+of+liberty&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-tNXGi8frAhUKZ5QKHSOvB8EQ2-cCegQIABAA&oq=sta&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxB