balita opinyon - mannyvillar.com.ph · mabuting balita maganda ang buhay ... a a bcb 5ead and...

1
7 BALITA MIYERKULES, ABRIL 4, 2012 Opinyon MABUTING BALITA MAGANDA ANG BUHAY Bella Angeles Abangan SANDALI LANG Vivi Patron READ AND SUBSCRIBE ANGNANGUNGUNANGPAHAYAGANG TAGALOG SA BANSA INTERESTED TO BUY CORNER LAND OR WITH BUILDING IN METRO MANILA AND PROVINCES SUITABLE FOR MANILA BULLETIN BRANCHES. PLEASE SEND OFFER TO MANILA BULLETIN P.O. BOX 769, MANILA MAGBASA AT MAG-SUBSCRIBE INTERESADO KAMING BUMILI NG CORNER LAND NA MAY GUSALI SA METRO MANILA AT SA MGA PROBINSIYA NA ANGKOP PARA SA MANILA BULLETIN BRANCHES, MAGPADALA LAMANG NG INYONG OFFER SA MANILA BULLETIN, P.O. BOX 769, MANILA “SIMBAHAY 2012” ST. PAULS Philippines, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 895- 9701; FAX: 895-7328; Email: [email protected]; Website: http://www.stpauls.ph. SENTIDO KOMUN Celo Lagmay PANANAW NI MANNY V Manny Villar W alang sinumang nakatatandang mamamayan o senior citizen ang hindi masisiyahan sa kahit munting pagsaklolo na ipinagkakaloob sa kanila. Lalo na nga kung ang ganitong pagsisikap ay walang kaakibat na pagkukunwari. Katunayan, may mga batas na ring nagtatadhana ng mga benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan, tulad ng Expanded Senior Citizens Act na malimit susugan upang makatugon sa kanilang mga pangangailangan, lalo na ang hinggil sa pagpapababa ng presyo ng mga medisina. At walang pag-aatubili na ang mga ito ay nilagdaan ng Pangulo na labis namang ikinalugod ng mga kinauukulan. Aywan kung ganito rin ang magiging impresyon sa bagong panukalang-batas na nagtatadhana ng P100,000 gantimpala sa mga nakatatanda na sasapit sa kanilang ika- 100 taon. Nakalusot na sa third at final reading sa Kamara ang Centenarians Act (CA) of 2012 na inakda ni Rep. Edcel Lagman ng Albay. Bahagi rin ng gantimpala ang liham ng pagbati o letter of congratulations mula sa Pangulo ng bansa. Sa biglang tingin, ang naturang bill ay katanggap-tanggap sa mga senior citizen sapagkat ito ay tandisang dumadakila sa kanilang hanay. At ito ay mistulang magtuturo sa kanila upang maging disiplinado sa pagpapahaba ng kanilang buhay. At magiging maingat sa pagpapahalaga ng lifestyle ng kanilang pamumuhay. Subalit taliwas ito sa aking paniniwala. Sa simula pa lamang nang ang bill ay unang inihain sa Kamara, matibay na ang aking paninindigan: ang CA ay isang pagbibiro lang. Wala akong makitang lohika sa pagkakaloob ng P100,000 reward sa centenarian kahit na ito ay gawin pang isang milyong piso. At sino ba ang hindi maghahangad na umabot ng 100 taon o mahigit pa? Subalit isang katotohanan na ang life expectancy ng mga Pilipino ay 71 taon lamang. Mabibilang sa daliri ng ating mga kamay ang mapapalad na senior citizen na maituturing na centenarian. Kabilang ako sa magagalak at labis na magpapasalamat kay Lagman kung pangungunahan niya ang pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan. Tulad ng murang gamot, basic services at iba pang NAGBIBIRO LANG? Begin the day with God Kneel down to His abode And seek His love to share Open the book of God And read a portion there That it may cleanse all your thoughts And sweeten all your care Go through the day with God Whatever you are at home or abroad He still is near to Thee Converse in mind with God Your spirit heavenward raise Acknowledge every good bestowed And offer grateful praise Conclude your day with God Your sins to Him confess Trust in the Lord’s astonishing blood And plead His righteousness --Rules for Daily Life Ang nasa itaas na tula ay moment to moment with God. Iisang tao ang kinakitaan ko nito. Dumating sa akin si Letlet noong Disyembre 1, 1995. Kailangan ng aking anak na si Alden ng sekretarya kayat doon siya naglingkod. Pagkaraan ng dalawang taon ay kinuha ko si Letlet upang maging encoder ng aking Lakbay Diwa. Sinimulan niya ang kanyang encoding noong Abril 1995. Isinama ko si Letlet sa LOVED FLOCK ni Bingbong Crisologo. Naging modelo siya sa aming mga ampon. Kahit may katulog kami na working student ay siya ang naglilinis ng mga comfiort room. Siya rin ang naglalampaso ng buong bahay nang paluhod gayong college graduate siya. Sa umaga ay umaawit siya sa kuwarto niya ng mga awiting papuri sa Panginoon. May meditation siya ng tatlong beses sa maghapon. Nagsisimba siya tuwing umaga pagkatapos ay nagtutuloy-tuloy siya sa Adoration Chapel. Sa gabi ay naroon siya sa “Life in the Spirit Seminar.” Sa palagay ko ay ang Diyos ang laman ng kanyang buhay sa bawat sandali. BAWAT SANDALI N gayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong langis ay muling nabuhay ang isyu tungkol sa pag-aalis ng Value Added Tax (VAT) upang kahit bahagya ay mabawasan ang epekto nito. Patuloy itong tinatanggihan ng pamahalaan dahil malaki ang naitutulong ng nakokolektang salapi mula sa VAT upang sustinihan ang mga programa para sa mahihirap, gaya ng Conditional Cash Transfer at ng subsidy sa mga tsuper ng mga sasakyang pampubliko. Itinutulak ng mga grupo ng paggawa at mga samahan ng mga mamimili ang pag- aalis ng VAT sa mga produktong petrolyo dahil umano ito ang nagiging sanhi ng pagtaas ng iba pang pangunahing bilihin, at maging ng pasahe sa transportasyon. Sa kabilang dako, malaki ang aking paniniwala na hindi tututulan ninuman ang aking panukala na alisin ang 12 porsyentong VAT at iba pang buwis at taripa sa gamot, dahil ito ay para sa kapakinabangan ng lahat ng mga Pilipino. Ayon sa pinakahuling Family Income and Expenditures Survey ng National Statistics Office, 46 porsyento ng kabuuang gastusin ng bawat pamilyang Pilipino ay napupunta sa gamot. Ang porsyentong ito ay umaabot pa sa 50 porsyento sa mga pamilyang nabibilang sa mababa ang kinikita. Hindi isang biro lamang ang kasabihang ang pantapat ng dukha sa anumang karamdaman ay patapal-tapal lamang ng dahon at basang basahan. Mayroon na tayong batas, ang Republic Act 9502, na naglalayong pababain ang presyo ng gamot, ngunit nananatili pa ring mataas ang presyo ng gamot, dahil nga sa mga buwis na nakapaloob sa presyo ng gamot. Sa ilalim ng Senate Bill No. 3163 na aking isinumite kamakailan, aalisin ang VAT sa mga gamot, at maging ang mga taripa at iba pang buwis na ipinapatong sa mga sangkap, mga makina at mga kagamitan sa paggawa ng gamot. Dahil ang Mababang Kapulungan ang may kapangyarihang maghain ng anumang batas na may kaugnayan sa buwis, nagsumite rin ng katulad na panukala si Congressman Mark Villar. Inaasahan ko na ang buong Kongreso ay susuportahan ang mga panukalang ito, alang-alang sa kapakanan ng buong sambayanan, lalong-lalo na sa panahong ito na laganap ang maraming karamdaman. N oong dalagita pa ako sa maliit na isla ng Dumaguete na aking tinubuan, mayroon akong karanasang hindi ko kailanman malilimutan. Nagkaroon ako ng pagkakataong umakyat ng bundok sa pagsama ko sa aking mga kuya. Habang nagtatayo sila ng aming sisilungan, umakyat pa ako sa tuktok ng bundok. Doon, wala akong narinig ni anumang ingay. Sariwa at malamig na hangin ang aking nalanghap at waring napakalapit ng aking mukha sa kulay asul na kalangitan. Nahiga ako sa damuhan at pinagmasdan ko ang kalangitan. Nakita ko ang mga lupa na waring naglalayag sa kulay asul na karagatan, at sa mura kong isip, lumikha iyon ng mga hugis. Doon sumagi sa aking gunita ang mapagmahal na Diyos. Nakatira nga ba siya roon sa kalawakang aking minamasdan? Nene pa nga ako noon upang isipin ang kaluwalhatian ng Diyos sa Kanyang kaharian. Ngunit ang nadama kong pag-iisa sa tuktok ng bundok, na malayo sa ingay ng madla, iyon ang isang pagkakataon na makasama ang Dakilang Diyos. Sa mga sandaling iyon, parang ayaw ko nang umalis sa aking kinaroroonan. Nilabanan ko ang pagsunod sa tawag ng aking kuya at ginusto ko pa yatang painitin ang ulo niya kaysa bumaba ako mula sa tuktok ng bundok. Maaalala mo rin ang parehong reaksiyon ni Pedro nang makita niya ang pagbabagong-anyo ni Jesus mula sa tuktok ng bundok. Hindi ako magtataka kung bakit gusto niyang manatili roon. Gayong mas kagila-gilalas ang naranasan ni Pedro sa tuktok ng bundok kaysa akin, alam kong dapat akong tumugon sa tawag ng aking kuya. Tulad ni Pedro, kailangan kong bumaba mula sa bundok at magbalik sa lambak nang may bagong sigla, may bagong pag-asa. Minsan, narinig kong sinabi ng isang pari sa kanyang sermon, na wala aniyang kahulugan ang bundok kung wala ang mga lambak at kailangan nating magbalik sa realidad matapos makaranas tayo ng kagila-gilalas na karanasan. Kung pagod ka na sa paghahanap- buhay, sinasabi marahil ng Panginoon sa iyo na “Halika, magpahinga ka muna”. Ngunit kung nasa tuktok ka ng bundok, huwag kang manatili roon, Nais kumilos ng Diyos sa pamamagitan mo para sa buhay ng iba. MULA SA TUKTOK NG BUNDOK Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, pagkalubog ng araw, nasa hapag si Jesus kasama ng Labindalawa. Habang kumakain sila, sinabi ni Jesus: “Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin.” Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa kanya: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na ang nagsabi.” PAGSASADIWA Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo. – Tanging ang mga mahal natin sa buhay at mga pinagkakatiwalaan ang maaaring magkanulo sa atin. Subalit, sa huli, mapagtatagumpayan ng pagmamahal at tiwala ang sakit at kalungkutan. Mamamayani laban sa pagkakanulo ang ating pagmamahal at tagal ng pinagsamahan. Ang pag-ibig ang mag-uudyok upang hanapin at unawain ang nagkanulo. Palalayain tayo ng ating pag- unawa. Tutulungan tayo ng pagpapatawad na lagpaan ang pagkakanulo at ituring itong isang pagkakataon upang mahalin ang kahit hindi karapat- dapat. Is 50:4-9a ● Slm 69 ● Mc 26:14-25 ALISIN ANG VAT SA GAMOT biyaya bilang pagkilala rin sa mga nagawa ng mga senior citizen noong panahon ng kanilang kalakasan -- mga achievement na bahagi rin ng pag-unlad ng bansa.

Upload: lyphuc

Post on 18-Jul-2018

224 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: BALITA Opinyon - mannyvillar.com.ph · MABUTING BALITA MAGANDA ANG BUHAY ... A A BCB 5EAD AND SUBS&5IBE ANGNANGUNGUNANGPAHAYAGANG TAGALOG SA BANSA oenment waning: ... na working student

7BALITA MIYERKULES, ABRIL 4, 2012 Opinyon

MABUTING BALITA

MAGANDA ANG BUHAY

Bella Angeles Abangan

SANDALI LANG

Vivi Patron

LR

ymv

Yellow Magenta Cyan Black

READ AND SUBSCRIBEREAD AND SUBSCRIBE

ANG NANGUNGUNANG PAHAYAGANG TAGALOG SA BANSA

Government warning: Smoking is dangerous to your health. So quit smoking and live longer.

ANG NANGUNGUNANG PAHAYAGANG TAGALOG SA BANSA

INTERESTED TO BUY CORNER LAND OR WITH BUILDING IN METRO MANILA AND PROVINCESSUITABLE FOR MANILA BULLETIN BRANCHES. PLEASE SEND OFFER TO MANILA BULLETIN P.O. BOX 769, MANILA

MAGBASA AT MAG-SUBSCRIBE

INTERESADO KAMING BUMILI NG CORNER LAND NA MAY GUSALI SA METRO MANILA AT SA MGA PROBINSIYA NA ANGKOP PARA SA MANILA BULLETIN BRANCHES, MAGPADALA LAMANG NG INYONG OFFER SA MANILA BULLETIN, P.O. BOX 769, MANILA

“SIMBAHAY 2012” ST. PAULS Philippines, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Vil lage, 1230 Makati City, Tel. No. 895-9701; FAX: 895-7328; Email: [email protected]; Website: http://www.stpauls.ph.

SENTIDO KOMUN

Celo Lagmay

PANANAW NI MANNY V

Manny VillarWalang sinumang nakatatandang mamamayan o senior citizen ang

hindi masisiyahan sa kahit munting pagsaklolo na ipinagkakaloob sa kanila. Lalo na nga kung ang ganitong pagsisikap ay walang kaakibat na pagkukunwari. Katunayan, may mga batas na ring nagtatadhana ng mga benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan, tulad ng Expanded Senior Citizens Act na malimit susugan upang makatugon sa kanilang mga pangangailangan, lalo na ang hinggil sa pagpapababa ng presyo ng mga medisina. At walang pag-aatubili na ang mga ito ay nilagdaan ng Pangulo na labis namang ikinalugod ng mga kinauukulan.

Aywan kung ganito rin ang magiging impresyon sa bagong panukalang-batas na nagtatadhana ng P100,000 gantimpala sa mga nakatatanda na sasapit sa kanilang ika-100 taon. Nakalusot na sa third at final reading sa Kamara ang Centenarians Act (CA) of 2012 na inakda ni Rep. Edcel Lagman ng Albay. Bahagi rin ng gantimpala ang liham ng pagbati o letter of congratulations mula sa Pangulo ng bansa.

Sa biglang tingin, ang naturang bill ay katanggap-tanggap sa mga senior cit izen sapagkat ito ay tandisang dumadakila sa kanilang hanay. At ito ay mistulang magtuturo sa kanila upang maging disiplinado sa pagpapahaba ng kanilang buhay. At magiging maingat sa pagpapahalaga ng lifestyle ng kanilang pamumuhay.

Subalit taliwas ito sa aking paniniwala. Sa simula pa lamang nang ang bill ay unang inihain sa Kamara, matibay na ang aking paninindigan: ang CA ay isang pagbibiro lang. Wala akong makitang lohika sa pagkakaloob ng P100,000 reward sa centenarian kahit na ito ay gawin pang isang milyong piso. At sino ba ang hindi maghahangad na umabot ng 100 taon o mahigit pa? Subalit isang katotohanan na ang life expectancy ng mga Pilipino ay 71 taon lamang. Mabibilang sa daliri ng ating mga kamay ang mapapalad na senior citizen na maituturing na centenarian.

Kabilang ako sa magagalak at labis na magpapasalamat kay Lagman kung pangungunahan niya ang pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan. Tulad ng murang gamot, basic services at iba pang

NAGBIBIRO LANG?

Begin the day with GodKneel down to His abode And seek His love to shareOpen the book of GodAnd read a portion thereThat it may cleanse all your thoughtsAnd sweeten all your careGo through the day with GodWhatever you are at home or abroadHe still is near to TheeConverse in mind with GodYour spirit heavenward raiseAcknowledge every good bestowedAnd offer grateful praiseConclude your day with GodYour sins to Him confessTrust in the Lord’s astonishing bloodAnd plead His righteousness--Rules for Daily Life

Ang nasa itaas na tula ay moment to moment with God. Iisang tao ang kinakitaan ko nito.

Dumating sa akin si Letlet noong Disyembre 1 , 1995 . Kailangan ng aking anak na si Alden ng sekretarya kayat doon siya naglingkod.

Pagkaraan ng dalawang taon ay kinuha ko si Letlet upang maging encoder ng aking Lakbay Diwa.

Sinimulan niya ang kanyang encoding noong Abril 1995. Isinama ko si Letlet sa LOVED FLOCK ni Bingbong Crisologo.

Naging modelo siya sa aming mga ampon.

Kahit may katulog kami na working student ay siya ang naglilinis ng mga comfiort room. Siya rin ang naglalampaso ng buong bahay nang paluhod gayong college graduate siya.

Sa umaga ay umaawit siya sa kuwarto niya ng mga awiting papuri sa Panginoon. May meditation siya ng tatlong beses sa maghapon. Nagsisimba siya tuwing umaga pagkatapos ay nagtutuloy-tuloy siya sa Adoration Chapel. Sa gabi ay naroon siya sa “Life in the Spirit Seminar.”

Sa palagay ko ay ang Diyos ang laman ng kanyang buhay sa bawat sandali.

BAWAT SANDALI

Ngayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong

langis ay muling nabuhay ang isyu tungkol sa pag-aalis ng Value Added Tax (VAT) upang kahit bahagya ay mabawasan ang epekto nito. Patuloy itong tinatanggihan ng pamahalaan dahil malaki ang naitutulong ng nakokolektang salapi mula sa VAT upang sustinihan ang mga programa para sa mahihirap, gaya ng Conditional Cash Transfer at ng subsidy sa mga tsuper ng mga sasakyang pampubliko. Itinutulak ng mga grupo ng paggawa at mga samahan ng mga mamimili ang pag-aalis ng VAT sa mga produktong petrolyo dahil umano ito ang nagiging sanhi ng pagtaas ng iba pang pangunahing bilihin, at maging ng pasahe sa transportasyon.

Sa kabilang dako, malaki ang aking paniniwala na hindi tututulan ninuman ang aking panukala na alisin ang 12 porsyentong VAT at iba pang buwis at taripa sa gamot, dahil ito ay para sa kapakinabangan ng lahat ng mga Pilipino.

Ayon sa pinakahuling Family Income and Expenditures Survey ng National Statistics Office, 46 porsyento ng kabuuang gastusin ng bawat pamilyang Pilipino ay napupunta sa gamot. Ang porsyentong ito ay umaabot pa sa 50 porsyento sa mga pamilyang nabibilang sa mababa ang kinikita. Hindi isang biro lamang ang kasabihang ang pantapat ng dukha sa anumang karamdaman ay patapal-tapal lamang ng dahon at basang basahan. Mayroon na tayong batas, ang Republic Act 9502, na naglalayong pababain ang presyo ng gamot, ngunit nananatili pa ring mataas ang presyo ng gamot, dahil nga sa mga buwis na nakapaloob sa presyo ng gamot. Sa ilalim ng Senate Bill No. 3163 na aking isinumite kamakailan, aalisin ang VAT sa mga gamot, at maging ang mga taripa at iba pang buwis na ipinapatong sa mga sangkap, mga makina at mga kagamitan sa paggawa ng gamot.

Dahil ang Mababang Kapulungan ang may kapangyarihang maghain ng anumang batas na may kaugnayan sa buwis, nagsumite rin ng katulad na panukala si Congressman Mark Villar. Inaasahan ko na ang buong Kongreso ay susuportahan ang mga panukalang ito, alang-alang sa kapakanan ng buong sambayanan, lalong-lalo na sa panahong ito na laganap ang maraming karamdaman.

Noong dalagita pa ako sa maliit na isla ng Dumaguete na aking

tinubuan, mayroon akong karanasang hindi ko kailanman malilimutan. Nagkaroon ako ng pagkakataong umakyat ng bundok sa pagsama ko sa aking mga kuya. Habang nagtatayo sila ng aming sisilungan, umakyat pa ako sa tuktok ng bundok. Doon, wala akong narinig ni anumang ingay. Sariwa at malamig na hangin ang aking nalanghap at waring napakalapit ng aking mukha sa kulay asul na kalangitan.

Nahiga ako sa damuhan at pinagmasdan ko ang kalangitan. Nakita ko ang mga lupa na waring naglalayag sa kulay asul na karagatan, at sa mura kong isip, lumikha iyon ng mga hugis. Doon sumagi sa aking gunita ang mapagmahal na Diyos. Nakatira nga ba siya roon sa kalawakang aking minamasdan? Nene pa nga ako noon upang isipin ang kaluwalhatian ng Diyos sa Kanyang kaharian. Ngunit ang nadama kong pag-iisa sa tuktok ng bundok, na malayo sa ingay ng madla, iyon ang isang pagkakataon na makasama ang Dakilang Diyos. Sa mga sandaling iyon, parang ayaw ko nang umalis sa aking kinaroroonan. Nilabanan ko ang pagsunod sa tawag ng aking kuya at ginusto ko pa yatang painitin ang ulo niya kaysa bumaba ako mula sa tuktok ng bundok.

Maaalala mo rin ang parehong reaksiyon ni Pedro nang makita niya ang pagbabagong-anyo ni Jesus mula sa tuktok ng bundok. Hindi ako magtataka kung bakit gusto niyang manatili roon. Gayong mas kagila-gilalas ang naranasan ni Pedro sa tuktok ng bundok kaysa akin, alam kong dapat akong tumugon sa tawag ng aking kuya. Tulad ni Pedro, kailangan kong bumaba mula sa bundok at magbalik sa lambak nang may bagong sigla, may bagong pag-asa.

Minsan, narinig kong sinabi ng isang pari sa kanyang sermon, na wala aniyang kahulugan ang bundok kung wala ang mga lambak at kailangan nating magbalik sa realidad matapos makaranas tayo ng kagila-gilalas na karanasan.

Kung pagod ka na sa paghahanap-buhay, sinasabi marahil ng Panginoon sa iyo na “Halika, magpahinga ka muna”. Ngunit kung nasa tuktok ka ng bundok, huwag kang manatili roon, Nais kumilos ng Diyos sa pamamagitan mo para sa buhay ng iba.

MULA SA TUKTOK NG BUNDOK

Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, pagkalubog ng araw, nasa hapag si Jesus kasama ng Labindalawa. Habang kumakain sila, sinabi ni Jesus: “Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin.” Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa kanya: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na ang nagsabi.”

PAGSASADIWA

Ipagkakanulo ako ng i sa sa inyo. – Tanging ang mga mahal natin sa buhay at mga pinagkakatiwalaan ang maaaring magkanulo sa atin. Subalit, sa huli, mapagtatagumpayan ng pagmamahal at tiwala ang sakit at kalungkutan. Mamamayani laban sa pagkakanulo ang ating pagmamahal at tagal ng pinagsamahan. Ang pag-ibig ang mag-uudyok upang hanapin at unawain ang nagkanulo. Palalayain tayo ng ating pag-unawa. Tutulungan tayo ng pagpapatawad na lagpaan ang pagkakanulo at ituring itong isang pagkakataon upang mahalin ang kahit hindi karapat-dapat.

Is 50:4-9a ● Slm 69 ● Mc 26:14-25

ALISIN ANG VATSA GAMOT

biyaya bilang pagkilala rin sa mga nagawa ng mga senior citizen noong panahon ng kanilang kalakasan -- mga achievement na bahagi rin ng pag-unlad ng bansa.