filipino 7
DESCRIPTION
isang lecture sa sabayang pagbigkas at iba't ibang panitikan sa Filipino kasama na rito ang sumusunod na tula ang tulang liriko at tulang pasalaysayTRANSCRIPT
Pangkalahatang-ideya
Nilalaman din ng handout na ito ang mayamang panghihikayat ng Pilipinas
sa pamamagitan ng iba’t ibang komersyong pantelebisyon. Mailalahad ang mga ito sa
pamamagitan ng pakikinig at panonood.
Naririto ang apat na araling ating tatalakayin:
Aralin 1 – Pagtukoy sa Tema, Mensahe at Persona:
Ang Tulang Liriko at Tulang Pasalaysay
Mga Halimbawang Tula
Aralin 2 – Pagtatala ng mga Detalye
Komersyong Pantelebisyon
Aralin 3 – Pagbigkas ng Tula nang may Damdamin, Wastong Tono, Intonasyon at Kilos
Sabayang Pagbigkas
Aralin 4 – Pagsasanay sa Kasanayan
Aralin 5 – Pagsusuri ng mga Elemento ng Isang Komersyong Pantelebisyon
1
BRIGHTWOODS SCHOOLHigh School DepartmentSY 2015-2016
Filipino 7Unang Markahan
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang anyo ng panitikang
naglalarawan sa kulturang Filipino. Sa handout na ito, makikilala mo ang
isang anyo ng panitikan sa Pilipinas. Ilalarawan dito ang tanyag na mga
halimbawa ng tulang liriko at tulang pasalaysay.
Aralin 1
PAGHAHANDA: Pagtukoy sa Tema, Mensahe at Persona
“Minsan itatanong mo sa sarili mo, bakit kailangan
masaktan kapag nagmamahal...
Ang maranasan kung paano masaktan ay bahagi
yan ng buhay natin. Para maging malakas tayong
harapin ang anumang pagsubok na darating.”
#Hugot
Basahin Natin Ito
Ang Tema ay ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig,
nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan,
Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba.
Ang Mensahe ay ang pinakadiwa ng isang tula. Ito ang diwang nais
iparating ng manunulat sa loob ng tula.
Ang Persona ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
Maaaring ang awtor o isang boses na katawan upang magsilbing lagusan ng damdamin, emosyon
o opinyong nais ipahayag
2
Aralin 1
PAGTATANIM: Tulang Liriko
Basahin Natin Ito
Ang Tulang Liriko ay Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay
ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming
maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak. Ang
tulang liriko ay uri ng tula na hindi nagpapahayag ng isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang
kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. (Go, 2011)
3
Ang Lumang SimbahanNi Florentino Colantes
* * *
Sa lumang simbaha’t sa kampanang basag
Ay may nagtatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niya’y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha’y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak,
Umano, kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo’y naglalakad…
Aralin 1
Tulang Pasalaysay
Basahin Natin Ito
Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay
at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.
Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
4
Ang Pagbabalik
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Aralin 2
Pagtatala ng mga Detalye – Komersyong Pantelebisyon
Anu-ano nga ba ang mahahalagang hakbang o pamamaraan upang maging mahusay sa
pagtatala ng mga detalye? Paano malilinang ang kasanayan at kakayahan ng isang mag-aaral sa
aspetong ito?
Sa pagkuha o pagtatala ng mahahalagang detalye nararapat na matukoy muna ang
hangunan o pagkukuhanan ng impormasyon. Sa talakayang ito ang magiging hangunan ay
eloktroniko – ang komersyong patelebisyon o mga infomercial. Pangalawang dapat malaman ay
ang layunin ng may akda o gumawa sa hangunang gagamitin. Kung ito ba ay nanghihikayat
lamang, nagbibigay ng mahahalagang impormasyon o nagbibigay lamang ng sariling opinyon.
Pangatlo ay ang pamamaraang ginamit o pagkakalahad ng layunin – ito ba’y sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng isang dalubhasa o karaniwang mamamayan o iba pa.
5
Aralin 3
Pagbigkas ng Tula nang may Damdamin, Wastong Tono, Intonasyon at Kilos
Basahin Natin Ito
Ang layunin ng tula ay magpakilos tungo sa isang pagsasagawa,
manghikayat, magbigay ng impormasyon at magbigay-aliw at iba pa.
Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng tula. Hindi
kailanman mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi malinaw sa bibigkas ang
layunin nito.
Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang nanonood. May malakas
siyang hikayat sa madla kung nagagawa niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa
diwang isinasaad ng tula. Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang
diwa ng tula. Kaya’t ang tinig ay maaaring magbugu-bago ayon na rin sa diwang isinasaad nito.
Maaari rin namang pabulong o pataas. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kalian niya
hihinaan o lalakasan ang tinig ayon sa diwang pinapaabot ng tula. Ang isang dapat maiwasan sa
pagbigkas ay ang na parang ibong umaawit o parang pusang naglalampong. Kung minsan naman,
ang tono o himig ng bumibigkas ay naroong lumakas-humina; humina-lumakas. Ito ang tinatawag
na monotone. Hindi ito kahali-halina sa nakikinig. Ang mahalaga ay ang pagsasaalang-alang sa
diwa ng tula. Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong
diin at pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay dapat na ipukol nang malinaw lalo na ang mga
salitang may impit na tunog. Higit na maganda kung sa pagkumpas ay isinusunod natin ang ating
mata. Para bang hinahagod natin ng tingin ang direksyong itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-
bigla o pasulput-sulpot na kumpas. Tandaan na ang bawat pagkumpas ay may layunin. Damhin
kung ano ang nais ipahayag ng tula.
6
Aralin 3
Sabayang- Pagbigkas
Basahin Natin Ito
Ang Sabayang Pagbigkas ay masining na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang
pagbabasa nang malakas ng isang koro o pangkat. Ito ay isang matimbang at
maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang
masining at madamdamin. Nagtataglay ito ng kaisahan at kagandahang halos katulad ng
kahulugang pangkoro sa musika, isang pamamaraan ng masining na pagbigkas sa pamamagitan
ng sama-sama, magkakatugma, magkakabagay at magkatugong-tinig, isang tuluy-tuloy na aliw-iw
ng mga salita. Ang koro ay nagtataglay ng iba’t-ibang uri ng tinig. Pinagsasanib-sanib ang mga
ito nang ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa at lakas na siyang nagbibigay ng kariktan.
Sinasabing ang higit na pinakamabisang pamukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay yaong
nakatitigatig ng lahat ng pandama – nakikita, naririnig at nadarama. Taglay ng Sabayang
Pagbigkas ang lahat ng sangkap na ito kung kaya mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa
mga manonood/tagapakinig, gayon din naman sa mga bumubigkas/koro. (Andrade, 1993)
Ayon naman kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan
ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa
7
wasto nilang tunog, puwersa at lakas. Taglay nito ang mabisang panghikayat o pamukaw sa
damdamin dahil sa natitigatig nito ang pandinig, paningin at pandama ng tao.
Aralin 4
PAGLINANG
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
ELEHIYA KAY INAY
Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay…aking Inay
Sa iyong pagtawid alaala nami’y baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa
Ngayo’y nakatakas ka na
Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan
sa mga ibong nakasama mo,
at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo
Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo
Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan
habang isang alaala na lamang ang yakap ng iyong ina
sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,
sapagkat ika’y maagang naulila
Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang
Tanging kaibigan naging takbuhan
Inulila pa ng kapatid na turan
animo’y isang sadlak sa dusang nilalang
Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan
8
Aralin 4
A. Panuto: Piliin sa kahon ang kasingkahulugan o kahulugan ng sumusunod na mga salita. Isulat ang letra ng tamang sagot.
____ 1. Ang pagkalinga ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral ay maaaring ihahalintulad sa isang tunay na magulang.
____ 2. Naging masakit para kay Mila ang paglisan ng kanyang ama papuntang Amerika upang magtrabaho.
____ 3. Siya ay nakamasid sa may bintana at naghihintay sa paglubog ng araw.
____ 4. Kahit maagang naulila ang magkakapatid na Ramos hindi sila pinabayaan ng kanilang ilang mga kamag-anak at nakapagtapos sila ng pag-aaral.
____ 5. Salat man sa pera ang ilang mga Pilipino ay makikita pa rin sa kanilang mga mukha ang pag-asa na sila’y magkakaroon din ng maaayos na buhay.
B. Panuto: Ayon sa tula, sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sino ang nagsasalita o persona sa tulang nabasa?
____________________________________________________________________________
2. Ano ang mensahe ng tula?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Tungkol saan ang tema ng tula?
____________________________________________________________________________
9
A. kulang C. nawalan ng magulang E. pag-aalaga G. sapat
B. nakatingin D. pagalis F. pagtatago
10
Aralin 4
PAGLINANG
Panuto: Magpangkat sa lima at basahin ng sabay-sabay ang tula.
“KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN”Amado V. Hernandez
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo
11
Aralin 5
PAG-USBONG: Pagsusuri ng
Komersyong Pantelebisyon
Paano nga ba nagkaiba ang isang komersyo o patalastas
sa kapwa nito komersyo o patalastas? Anu-ano nga ba ang
dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang komersyong
pantelebisyon?
Simulan Natin
Pagsusuri ng Komersyong Pantelebisyon
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan tungkol sa napanood na komersyong pantelebisyon. Gumamit ng buong pangungusap.
A. Ilarawan ang komersyo:
1. Ano ang produkto o serbisyo na nais ibenta ng komersyo?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Saan ang set o lokasyon ng komersyo? (Ilarawan ang lokasyon.)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Sino ang nasa komersyo? (Ilarawan ang mga taong nasa komersyo.)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Ano ang bagay na nasa komersyo? (Ilarawan ang bagay na ito.)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Ano ang nangyari sa loob ng komersyo? (Ibigay ang mga detalyeng kayang ilahad.)
12
Aralin 5
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
B. Suriin ang layunin ng komersyo:
1. Sino ang target na manonood ng komersyo? (Ipaliwanag kung paano nakuha ang sagot)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano ang mensahe ng komersyong pantelebisyon? (Ano ang nais ng lumikha ng komersyo na paniwalaan ng mga target na manonood tungkol sa produkto o serbisyo?)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
C. Suriin ang mga ginamit na estratehiya ng lumikha o gumawa ng komersyo.
1. Ano ang mga visual techniques na ginamit ng gumawa ng komersyo upang mapaniwalaan natin ang kanilang mensahe? Pumili ng dalawa at ipaliwanag kung paano natulungan o nasuportahan ang kanilang mensahe?
a.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano ang aural techniques na ginamit ng gumawa ng komersyo upang mapaniwalaan natin ang kanilang mensahe? Pumili ng dalawa at ipaliwanag kung paano natulungan o nasuportahan ang kanilang mensahe?
a. __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
13
SANGGUNIAN
Omapas, B. (April 12, 2012). Panitikang Pilipino. Retrieved from http://www.slideshare.net/breille21/panitikang-pilipino
Go, Kaira (August 1, 2011). Uri ng Tula. Retrieved from
http://www.slideshare.net/KairaGo/uri-ng-tula-8743307
Sanchez, L. (December 18, 2011). Ang Lumang Simbahan. Retrieved from http://teacherljsanchez.com/2013/01/26/proyekto-siyento-100-araw-100-tula-ang-lumang- simbahan/
Teodosio, A. (Jul 27, 2013). Tula, Elemento at Uri. Retrieved fromhttp://www.slideshare.net/teodosiojohnanthony/tula-elemento-at-uri-nito
Cruz, A. (n.d.). Pasimula sa Araling Pantelebisyon. Retrieved fromhttp://www.scribd.com/doc/151312114/Pasimula-Sa-Araling-Pantelebisyon
Idea #77: coca cola happiness truck (April 23, 2012). http://www.sq44.com/ideas/details/cocacola-happiness-truck/
Nestle Consumer Services (June 18, 2010). Milo Marathon, Nestle, Nestle Philippines, Nestle Philippines TV Commercial: MILO "The Gift". Retrieved fromhttp://nestlephilsevents.blogspot.com/2010/06/nestle-philippines-tv-commercial-milo.html
14