fact sheet - ladot transit services - dash, commuter ... forward... together city of los angeles...

3
City of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com Fact Sheet Pagtatanghal sa Board of Transportation Commissioners at sa Konseho ng Lungsod Aprubasyon ng Alkalde Pagpapatupad sa mga Rekumendasyon Parerepaso ng Publiko Pagrerepaso ng mga Pasimulang Transit Services Pagrerepaso at Pagsusuri Input ng Publiko Pakikipag- ugnayan sa Mga Stakeholder Pagkikilala sa Mga Hindi Natugunan na Pangangailangan sa Transportasyon Pagrerepaso sa Mga Kasalukuyang Serbisyo ANG LAHAT NITO AY MAGRERESULTA SA PAGPAPAHUSAY PARA SA INYO NG LADOT TRANSIT SERVICE ANO ANG LADOT TRANSIT SERVICE ANALYSIS? Ang Transit Service Analysis ng Lungsod ng Los Angeles Department of Transporta- tion (LADOT) ay isang masusing pagsusuri ng bawat ruta na nilikha para mahugis ang kinabukasan ng Commuter Express, DASH at Cityride Services. Suriin ang kasalukuyang mga transit services Tiyakin kung nakakatugon ang kasalu- kuyang mga serbisyo sa mga hangarin Kilalanin ang mga oportunidad sa pagpapalawak ng serbisyo Kilalanin ang mga bagong ruta ng transit Pag-aralan ang Commuter Express at DASH para mapahusay at maging mas sulit, maparami ang mga sumasakay at mapataas ang kita Repasuhin ang Cityride Program ng LADOT para suriin ang mga napagpipiliang serbisyo, mga pamamaraan upang mapahusay ang paggamit ng mga van at taxi, at kumilala ng mga bagong pamamaraan sa pagkaka- loob ng mga serbisyong ito BAKIT KAILANGAN ANG LADOT TRANSIT SERVICE ANALYSIS? Ang Los Angeles ay isang lungsod na tunay na pabago-bago. Ang populasyon nito ay halo ng pinakamaraming iba’t ibang kultura kung ikukumpara sa karaniwang lungsod sa Estados Unidos at ang mga pangangailangan ng mga naninirahan nito sa transportasyon ay ganoon din. Isasaalang-alang ng Transit Service Analysis ng LADOT ang mga pagbabago sa Los Angeles tulad ng mga bagong mga lugar na tirahan at pagdami ng bagong trabaho sa mga larangan na nag-aalok ng magagandang oportunidad. Kasang-ayon ang mga layunin ng pag- aaral na ito sa Strategic Plan ng LADOT para sa taong 2014 na pinamagatang “Great Streets for Los Angeles.” Kabilang sa mga kaugnayang layunin ang: Pagtutugon sa mga Lumalagong Pangangailan: Ang lumalaking network para sa tren sa rehiyon at lumalawak na mga network ng bus rapid transit ay magpapalaki rin sa pangangailangan para sa pag-uugnayan ng transit sa loob ng mga serbisyo ng LADOT Transit. Nilalayon ng LADOT na mapahusay ang ugnayan sa rehiyon at mapalawak ang network ng mga serbisyo ng bus. Pahusayin ang Mga Pinagkukunan ng Tulong o Impormasyon: Tiyakn na ang LADOT Transit ay nagkakaloob ng mga wastong uri at antas ng serbisyo at sa mga pinakaabot-kayang presyo para sa mga sumasakay at mga taxpayer. Makakatulong sa Iba pang Mga Inisyatibo sa Transportasyon: Ang mga plano sa hinaharap ng LADOT Transit ay nauugnay sa malawakang mga pananagutan na ginawa ng Lungsod ng Los Angeles sa mga proyekto tulad ng mga daanan para sa mga bisikleta, ang Great Streets Program upang masuporta ang pag-unlad ng pamayanan at Inisyatibo ng Alkalde na gamitin ang data sa pagpapahusay ng mga serbisyo sa buong lungsod. TULUNGAN KAMI NA MAPAHUSAY ANG INYONG TRANSIT SERVICE Nais ng LADOT Transit ang inyong input! Lumahok sa mga Pulong, Workshop at Survey: Magsasagawa ang LADOT ng mga espesyal na pulong at workshop na magiging bukas sa publiko. Ang mga oras at lugar ay ipapahayag online, sa media at sa mga bus. Iba Pang Mga Oportunidad: Bigyan kami ng feedback, mula sa simula ng pagrerepaso hanggang sa panghuling ulat. Pumunta lamang sa ladottransit.com/ movingforwardtogether at sabihin sa amin ang inyong mga puna. Gamitin ang tiyak na itinalagang numero ng telepono na 213-995-4545 para maiwan ang inyong mga puna. Gamitin ang social media para makipag-ugnayan sa amin kahit anong oras – nasa Twitter kami @ladottransit o sa facebook.com/ladottransit.

Upload: trinhtuyen

Post on 05-Mar-2018

228 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Fact Sheet - LADOT Transit Services - DASH, Commuter ... FORWARD... TOGETHER City of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com

MOVING FORWARD... TOGETHERCity of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com

Fact Sheet

Pagtatanghal sa Board of

Transportation Commissioners

at sa Konseho ng Lungsod

Aprubasyon ng Alkalde

Pagpapatupad sa mga

Rekumendasyon

Parerepaso ng Publiko

Pagrerepaso ng mga Pasimulang Transit Services

Pagrerepaso at Pagsusuri

Input ng PublikoPakikipag-

ugnayan sa Mga Stakeholder

Pagkikilala sa Mga Hindi

Natugunan na Pangangailangan sa Transportasyon

Pagrerepaso sa Mga

Kasalukuyang Serbisyo

ANG LAHAT NITO AY MAGRERESULTA SA PAGPAPAHUSAY PARA SA INYO NG LADOT TRANSIT SERVICE

ANO ANG LADOT TRANSIT SERVICE ANALYSIS?

Ang Transit Service Analysis ng Lungsod ng Los Angeles Department of Transporta­tion (LADOT) ay isang masusing pagsusuri ng bawat ruta na nilikha para mahugis ang kinabukasan ng Commuter Express, DASH at Cityride Services.

• Suriin ang kasalukuyang mga transit services

• Tiyakin kung nakakatugon ang kasalu­kuyang mga serbisyo sa mga hangarin

• Kilalanin ang mga oportunidad sa pagpapalawak ng serbisyo

• Kilalanin ang mga bagong ruta ng transit

• Pag­aralan ang Commuter Express at DASH para mapahusay at maging mas sulit, maparami ang mga sumasakay at mapataas ang kita

• Repasuhin ang Cityride Program ng LADOT para suriin ang mga napagpipi liang serbisyo, mga pamamaraan upang mapahusay ang paggamit ng mga van at taxi, at kumilala ng mga bagong pamamaraan sa pagkaka­loob ng mga serbisyong ito

BAKIT KAILANGAN ANG LADOT TRANSIT SERVICE ANALYSIS?

Ang Los Angeles ay isang lungsod na tunay na pabago­bago. Ang populasyon nito ay halo ng pinakamaraming iba’t ibang kultura kung ikukumpara sa karaniwang lungsod sa Estados Unidos

at ang mga pangangailangan ng mga naninirahan nito sa transportasyon ay ganoon din. Isasaalang­alang ng Transit Service Analysis ng LADOT ang mga pagbabago sa Los Angeles tulad ng mga bagong mga lugar na tirahan at pagdami ng bagong trabaho sa mga larangan na nag­aalok ng magagandang oportunidad.

Kasang­ayon ang mga layunin ng pag­aaral na ito sa Strategic Plan ng LADOT para sa taong 2014 na pinamagatang “Great Streets for Los Angeles.” Kabilang sa mga kaugnayang layunin ang:

• Pagtutugon sa mga Lumalagong Pangangailan: Ang lumalaking network para sa tren sa rehiyon at lumalawak na mga network ng bus rapid transit ay magpapalaki rin sa pangangailangan para sa pag­uugnayan ng transit sa loob ng mga serbisyo ng LADOT Transit. Nilalayon ng LADOT na mapahusay ang ugnayan sa rehiyon at mapalawak ang network ng mga serbisyo ng bus.

• Pahusayin ang Mga Pinagkukunan ng Tulong o Impormasyon: Tiyakn na ang LADOT Transit ay nagkakaloob ng mga wastong uri at antas ng serbisyo at sa mga pinakaabot­kayang presyo para sa mga sumasakay at mga taxpayer.

• Makakatulong sa Iba pang Mga Inisyatibo sa Transportasyon: Ang mga plano sa hinaharap ng LADOT Transit ay nauugnay sa malawakang mga pananagutan na

ginawa ng Lungsod ng Los Angeles sa mga proyekto tulad ng mga daanan para sa mga bisikleta, ang Great Streets Program upang masuporta ang pag­unlad ng pamayanan at Inisyatibo ng Alkalde na gamitin ang data sa pagpa pahusay ng mga serbisyo sa buong lungsod.

TULUNGAN KAMI NA MAPAHUSAY ANG INYONG TRANSIT SERVICE

Nais ng LADOT Transit ang inyong input!

• Lumahok sa mga Pulong, Workshop at Survey: Magsasagawa ang LADOT ng mga espesyal na pulong at workshop na magiging bukas sa publiko. Ang mga oras at lugar ay ipapahayag online, sa media at sa mga bus.

• Iba Pang Mga Oportunidad: Bigyan kami ng feedback, mula sa simula ng pagrerepaso hanggang sa panghuling ulat. Pumunta lamang sa ladottransit.com/movingforwardtogether at sabihin sa amin ang inyong mga puna. Gamitin ang tiyak na itinalagang numero ng telepono na 213­995­4545 para maiwan ang inyong mga puna. Gamitin ang social media para makipag­ugnayan sa amin kahit anong oras – nasa Twitter kami @ladottransit o sa facebook.com/ladottransit.

Page 2: Fact Sheet - LADOT Transit Services - DASH, Commuter ... FORWARD... TOGETHER City of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com

MOVING FORWARD... TOGETHERCity of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com

Mga Lugar Ng Mga Workshop

Nagsasagawa ang LADOT ng isang malawakang pag-aaral ng DASH, Commuter Express at Cityride ser-vices. GUSTO NAMING MALAMAN ANG INYONG MGA KURO-KURO! Kung kailanman ginusto ninyong gumawa ng mga pagbabago sa ruta o kausapin kami tungkol sa DASH, Commuter Express o Cityride ser-vices sa inyong pamayanan, NGAYON ANG INYONG PAGKAKATAON. Dumalo lamang sa isa sa anim na mga workshop para sa publiko:

• Marvin Braude Constituent Service Center HUNYO 8, 6–7 NG GABI 6262 Van Nuys Blvd., Van Nuys

• Henry Medina West LA Parking Enforcement Facility HUNYO 9, 6–7 NG GABI 11214 W. Exposition Blvd., Los Angeles

• Caltrans Building HUNYO 15, 12-1 NG HAPON 100 South Main, Los Angeles

• South Los Angeles Activity Center HUNYO 15, 6–7 NG GABI 7020 South Figueroa, Los Angeles

• Harbor Commission Board Room HUNYO 16, 6–7 NG GABI 425 South Palos Verdes, San Pedro

• Ramona Hall Community Center HUNYO 17, 6–7 NG GABI 4580 North Figueroa, Los Angeles

Kung kailangan ninyo ng tagasalin sa pulong, mangyaring sabihin sa amin hindi kukulang sa 72 oras bago ang umpisa ng pulong. Tumawag lamang sa 213-473-7749.

MGA IBANG PARAAN UPANG LUMAHOK:

website / online survey: ladottransit.com/movingforwardtogether

telepono: 213-995-4545

sa koreo: Ipadala ang inyong mga mungkahi sa LADOT Transit Store, 201 N. Los Angeles St, #16, Los

Angeles, CA 90012

social media: twitter @ladottransit o facebook.com/ladottransit

email: [email protected]

Page 3: Fact Sheet - LADOT Transit Services - DASH, Commuter ... FORWARD... TOGETHER City of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com

MOVING FORWARD... TOGETHERCity of Los Angeles Department of Transportation • (213 / 310 / 323 / 818) 808-2273 • ladottransit.com

LADOT Transit Moving Forward…Together — Mga Madalas na Katanungan

Ano ang Moving Forward…Together na proyekto ng LADOT?

• Isang masusing pagsusuri ng transit service na nilikha para mahugis ang kinabukasan ng Commuter Express, DASH at Cityride services ng LADOT transit.

• Magkakaloob ang pag-aaral ng mga rekomendasyon para mapahusay ang kasalukuyang mga serbisyo ng LADOT Transit at bigyan ng kasiyahan rin ang mga pangangailangan sa transit na hindi pa natutugunan.

Anu-ano ang mga layunin ng pag-aaral?

• Para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa transit sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga mapagkukunan ng impormasyon at tulong, at pakikipagtulungan sa iba pang mga inisyatibo sa transportasyon.

• Para makapagbigay ng mga rekomendasyon sa mga kasalukuyang serbisyo ng LADOT Transit at kumilala ng mga bagong serbisyo na maaaring ibigay.

Gaano tatagal ang proyekto?

• Ang Transit Service Analysis ay isang pag-aaral na tatagal ng isang taon at inaasahan na matatapos ito sa Disyembre 2015. May tatlong bahagi itong proyekto: » Phase I (Abril hanggang Hunyo): Titiyakin ang mga kasalukuyang kalagayan at bubuo ng mga mahahalagang pasya

» Phase II (Hulyo hanggang Setyembre): Bumuo ng ng mga pasimulang rekomendasyon

» Phase III (Oktubre hanggang Disyembre): Bumuo ng mga rekomendasyon sa wakas

Paano ako makakakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral? Paano ako makakalahok sa pag-aaral at makaka-pagkaloob ng mga rekomendasyon para sa mga bago at kasalukuyang mga serbisyo?

• Mga Open House para sa Publiko: Dumalo sa isang open house para lubos

pang matutunan ang tungkol sa pag-aaral, makapagtanong, at magkaloob ng mga puna o input. Dalawang open house ang pinaplano sa anim na lokasyon habang isinasagawa ang Phase I at II.

• Website: Matatagpuan sa ladottransit.com/ movingforwardtogether ang mga update tungkol sa proyekto, mga ulat, at mga oportunidad para makapagbigay ng feedback. May magagamit na pagsasalin-wika sa pamamagitan ng Google Translate.

• Social media: Ang mga post sa Twitter, Facebook, at YouTube ay magkakaloob ng mga abiso sa mga darating na event at ang pagkakaroon ng mga bagong impormasyon. Subaybayan kami sa: @ladottransit

• Balita sa pamamagitan ng Email: Maaari kayong mag-sign up sa ladottransit.com upang makatanggap ng mga update sa pamamagitan ng e-mail.

• Portal para sa mga tawag sa telepono: Maaari rin kayong magsumite ng mga kuro-kuro, puna at mungkahi sa LADOT call-in portal: 213-995-4545. Maaaring iwan ng mga tumatawag ang kanilang feedback sa isa sa 11 mga wika.

Bakit mahalaga na lumahok sa pag-aaral na ito?

• Ang paglikom ng input mula sa publiko ay mahalaga sa pagpapahusay ng transit service sa Lungsod ng Los Angeles. Nais makarinig ang LADOT mula sa mga sumasakay dito at mula sa mga miyembro ng pamayanan upang lubos na maunawaan ang kanilang mga pangangailangan sa paglalakbay. Makakatulong ang input ng publiko sa paghubog ng mga pagbabago na irerekomenda sa Transit Service Analysis. Sa paglahok, makakakuha kayo ng mahahalagang pinakahuling update sa proyekto at mga rekomendasyon.

Nakatira ako sa isang lugar na walang DASH o Commuter Express bus service.

Paano kami makakakuha ng serbisyo sa aming lugar?

• Kung mayroon kayong maimumungkahing bagong ruta, mangyari lang sabihin sa amin ang inyong mga ideya. Gagamit ang LADOT ng kombinasyon ng mga ideyang ito at kung saan man nakadaan ang transit sa Lungsod sa pag-aaral ng mga mungkahing ito.

Magkakaroon ba ang lahat ng lugar sa Lungsod ng DASH service?

• Ginagamit ng LADOT ang mga mapagku-kunan nito ng impormasyon at tulong para matugunan ang mga pangangailangan sa paglalakbay ng mga nakatira, nagtatrabaho at dumadalaw sa lungsod. Ang mga serbis-yong iyon ay regular na pinag-aaralan gamit ang mga pamantayan ng Lungsod sa pagga nap. Nitong nakaraang 20 taon, nagdagdag ang LADOT ng ilang mga bagong serbisyo at umaasang makakarekomenda ng mga bagong ruta bilang bahagi ng pagsusuring ito.

Ano ang mga mahahalagang petsa at lugar para sa pakikipag-ugnayan sa publiko?

• May Anim na Open House na Bukas sa Publiko na gaganapin habang isinasagawa ang Phase I » Henry Medina West LA Parking Enforcement Facility (11214 W. Exposition Blvd., Los Angeles)

» South Los Angeles Activity Center (7020 South Figueroa, Los Angeles)

» Caltrans Building (100 South Main, Los Angeles)

» Ramona Hall Community Center (4580 North Figueroa, Los Angeles)

» Harbor Commission Board Room (425 South Palos Verdes, San Pedro)

» Marvin Braude Constituent Service Center (6262 Van Nuys Blvd., Van Nuys)

Sino ang dapat kontakin upang makakuha ng karagdagang impormasyon?

• ladottransit.com/movingforwardtogether