psychology- narcissistic parenting

Upload: monique-cullen-dela-cruz

Post on 25-Feb-2018

265 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    1/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    1

    Kabanata I

    Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

    Panimula

    Hindi na lingid sa ating kaalaman na may mga taong lumaking kontrolado ang kanilang

    buhay ng kanilang mga magulang na para bang sila ay mga tropeyo na pilit pinapakintab upang

    maipagmalaki sa iba. Ang ganitong pangyayari ay isang halimbawa lamang ng narcissitic

    parenting at ang mga magulang na may ganitong pamamaraan ng pagpapalaki ay mayroong

    tinatawag na Narcissistic Personality Disorder (NPD). Ang Narcissistic Personality Disorder ay

    isang mental disorder o sakit sa utak kung saan nakatuon ang pag-iisip ng isang tao sa kanyang

    sarili, kung paano magkakaroon ng kapangyarihan, maging sikat at maging popular. Ang

    narcissist ay mula sa salitang narcissism! na ang ibig sabihin ay makasarili. Ang pag-aaral na

    ito ay nakatuon sa epekto ng narcissistic parenting sa relasyon sa pagitan ng isang magulang at

    anak. "to ang napiling paksa ng mga mananaliksik upang magbigay kaalaman sa mga tao kung

    ano nga ba ang narcissistic parenting at paano malalaman kung ang isang indibidwal ay

    narcissistic. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang maipaalam sa mga tao kung ano ang

    narcissistic parenting at ang mga dulot nito sa sikolohikal na pag-iisip ng mga batang lumaki sa

    ganitong pamamaraan at magbigay solusyon sa mga taong nakakaranas ng ganitong suliranin.

    THE COUNTRYS 1

    st

    POLYTECHNICU

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    2/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    2

    Layunin ng Pag-aaral

    Ang pamanahong papel na ito ay naglalayon na pag-aralan ang relasyong nabubuo sa

    pagitan ng isang narcissistic parent at kanyang anak. "to ay naglalayong sagutin ang mga

    sumusunod na katanungan#

    $. Ano-ano ang mga bagay o salik na nakakaapekto sa relasyon ng isang

    narcissistic parent sa kanyang anak%

    &. Paano mapapaunlad ang proseso ng pakikipagrelasyon ng narcissistic parent sa

    kanyang anak partikular sa pagdebelop ng pag-uugali nito%

    '. akit mahalagang pag-aralan o paunlarin ang mga proseso ng

    pakikipagrelasyon ng isang narcissistic parent at kanyang anak%

    Kahalagahan ng Pag-aaral

    a pag-aaral na ito natutukoy ang mga epekto ng pagiging narcissistic ng isang magulang

    sa kanilang anak.

    $. *alaman ang mga salik na nakakaapaketo sa relasyon ng isang narcissistic

    parent sa kanyang anak.

    &. *aintindihan ang isang narcissistic parent sa kanyang estilo ng pagiging

    magulang at matulungan ito upang mapaunlad ang pakikipagrelasyon sa anak.

    '. *aipabatid sa mga anak ng mga narcissist parent ang mga maari nilang

    maitulong sa kanilang mga magulang upang maging maayos ang relasyon nila sa mga ito.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    3/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    3

    +. *akilala ng mga mambabasa ang kanilang mga sarili kung sila ba ay isang

    narcissist o kung ang mga magulang ba nila ay isang narcissist at kung ano ang mga maaari

    nilang gawin upang magamot o maibsan ang disorder na ito.

    . *akapagbigay ng impormasyon tungkol sa isang lumalalang sakit ng lipunan,

    narcissistic personality disorder.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    4/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    4

    Balangkas Konseptwal

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

    Anak

    Kalusugang

    Pisikal

    Relasyon sa

    ibang TaoKalusugang

    Emosyonal

    Epekto

    Narcissistic

    Parenting

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    5/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    5

    Paglalahad ng Suliranin

    $. Ano ang narcissistic personality disorder%

    &. Anu-ano ang mga sintomas o palatandaan ng pagkakaroon ng narcissistic personality

    disorder%

    '. Ano ang maaring maging epekto ng isang narcissistic na magulang sa relasyon sa

    pagitan ng isang magkapatid%

    +. Anu-ano ang mga epekto ng pagiging narcissist ng isang magulang sa pisikal na

    kalusugan ng kanilang mga anak%

    . Paano ang pakikipagrelasyon ng isang narcissist parent sa kanyang mga anak%

    . a sikolohikal na pananaw, paano naaapektuhan ang anak kung siya ay mayroong

    narcissistic na magulang%

    . Anu-ano ang maaaring maging epekto sa pakikipagrelasyon sa ibang tao ng isang

    taong lumaki na mayroong narcissistic na magulang%

    /. Ano ang maaaring maging epekto ng pagpapalaki ng isang narcissistic na magulang sa

    pagtingin ng kaniyang anak sa tama at mali%

    0. *aaari rin bang maging narcissist ang isang batang may narcissistic na magulang%

    $1. Paano matutulungan ang isang narcissist parent at kaniyang anak upang mapaunlad

    ang kanilang parent-child relationship%

    Saklaw at Limitasyon

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

    Relasyon

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    6/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    6

    Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng pagiging narcissistic ng isang magulang sa

    relasyon na namamagitan sa kanila ng kaniyang anak. aklaw nito ang mga salik na maaring

    makaapekto sa relasyon ng isang narcissistic parent sa kaniyang anak at ang maaring maging

    epekto ng narcissism ng isang magulang sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng kaniyang anak.

    Terminolohiyang Ginamit sa Pananaliksik

    Blackmail."to ay pananakot at pagbibigay ng banta ng mga narcissistic parent sa kanilang

    mga anak kung ito ay nakakagawa ng mga pagkakamali.

    Golden Child."to ang anak ng narcissist na hindi nakakagawa ng kahit anong mali.

    Infantilization. "to ang paggamit ng brainwashing tactics ng isang narcissistic na

    magulang upang masiguro na ang anak nila2y mananatiling nakadepende sa kanila.

    Narcissitic Cycle of Abuse."to ay pangyayari kung saan ang anak ng narcissist ay naging

    narcissistic parent.

    Narcissistic Parenting. "to ang parenting style na ginagamit ng mga may sakit na

    narcissism na magulang sa kanilang mga anak.

    Narcissistic Personality Disorder. "to ay isang personality disorder kung saan ang

    nakatuon ang pag-iisip ng tao sa kanyang sarili, kung gaano siya kahalaga, kung paano

    magkakaroon ng kapangyarihan, maging sikat at maging popular.

    Parentification. "to ang estilo kung saan inaasahan ng mga narcissist parent na sila ay

    aalagaan ng kanilang mga anak.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    7/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    Scaegoat Child. "to ang anak na walang kakayahang gumawa ng tama at laging

    napupuna ang lahat ng kamalian na ginagawa niya.

    !riangulation. "to ay isa rin sa mga ginagamit na tactic ng isang narcissistic parent upang

    baguhin ang balance power sa kanilang pamilya.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    8/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    !

    Kabanta II

    Paglalahad ng mga Datos

    Balangkas ng Pag-aaral

    A. Narcissistic Personality Disorder

    $. Depinisyon

    &. imtomas

    . Narcissistic Parent

    $. 3ri

    &. 4atangian

    5. Anak ng Narcissist

    $. 3ri

    &. 4atangian

    D. Pakikipagrelasyon ng Narcissistic Parent sa Anak

    $. Paraan ng Pagkontrol ng magulang sa anak

    &. Paraan ng Pag-abuso ng magulang sa anak

    6. 6pekto sa Anak ng Narcissistic Parent sa kalagayang7

    $. Pisikal

    &. 6mosyonal

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    9/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    "

    '. osyal

    8. Anak ng Narcissist Parent sa hinaharap

    $. Pamilya

    &. 9rabaho

    '. a iba pang sosyal na aspeto

    :. *ga *aaaring :awin ng Anak ng isang Narcissist Parent

    Paglalahad ng mga Datos

    A. Narcissistic Personality Disorder

    $. Depinisyon

    Ayon sa 5entury 3ni;ersal 6ncyclopedia, ang narcissism ay isang terminong

    ginamit ng mga psychoanalysists na nangangahulugan ng masyadong pagmamahal at paghanga

    sa sarili. a sikolohiyang depinisyon, ang narcissism ay karaniwang tinitignan bilang isang pag-

    uugali kung saan ang isang indibidwal ay may kakaunti o walang pakialam sa kanilang kapwa.

    4apag masyado nang malala o nakakaapekto na sa masamang paraan ang ganitong pag-uugali ay

    mayroon ng disorder! na tinatawag. ( p. $ )

    Ang Narcissistic Personality Disorder ay nagaganap kapag ang pagtingin ng isang

    tao ay magulo na sa punto na naaapektuhan na ang kanilang pagtingin sa realidad at hindi na nila

    napapansin ang pangagailangan ng ibang tao. 4apag sila ay nahayaan, sila ay maaaring mauwi

    bilang con artists, mapang manipula na tao, sociopaths at diktador. ( pp. $/, '1 )

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    10/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    1#

    &. intomas

    Ang taong may Narcissistic Personality Disorder ay karaniwang# nagpapakita ng

    ugaling arogante at makasarili, nagagalit kapag pinupuna, nag-iisip na siya ay dapat itrato na

    espesyal, may mataas na pagpapahalaga at matinding pagkahumaling sa kaniyang sarili,

    nagpapantasya tungkol sa tagumpay, naghahahanap ng paghanga at atensyon mula sa iba, walang

    pakialam sa pangangailangan ng iba, nagpapakita ng inggit o nag-iisip na naiingit sa kaniya ang

    iba, at paggamit ng ibang tao para sa kaniyang sariling kabutihan. ( pp. &,,$1,&/,&0,' )

    B. Narcissistic Parent

    Ayon sa isang manunulat na nagtatago sa pangalang

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    11/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    11

    Ang mga engul=ing parents ay uri ng narcissistic parent kung saan ang

    pagtingin nila sa kanilang anak ay e>tension lamang ng kanilang mga sarili. *inamapula nila at

    kinokontrol ang buhay at desisyon ng kanilang mga anak, para sa mga maliliit na bata ito ay

    epektibo sapagkat hindi pa nila kayang magdesisyon para sa kanilang sarili. *ay iba2t ibang

    estilo ang mga engul=ing parent sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ilan sa mga ito ay ang

    parenti=ication, in=antili?ation at triangulation. "sinasawalang bahala ng mga engul=ing parents

    ang kakayahan ng anak na magdesisyon para sa kanyang sarili at kadalasa2y pinapakielamanan

    ang personal na buhay nito. ( p. '& )

    b. "gnoring Parent

    alungat sa engul=ing parent, ang ignoring parents naman ay uri ng

    narcissistic parent na walang pakielam sa kanilang mga anak. Hindi sila interesado sa kanilang

    anak at para sa kanila hadlang sa kanilang mga personal na interes ang kanilang mga anak.

    Nakakalito at magulo ito para sa mga anak sapagkat lumalaki sila sa pakiramdam na hindi sila

    mahal ng kanilang magulang, at napabayaan sila ng kanilang mga magulang. 4adalasa2y walang

    pakielam ang ignoring parent sa kung ano ang itsura, nararamdaman at pinagdadaanan ng anak. (

    p. '' )

    &. 4atangian ng Narcissistic Parent

    "lan sa mga sumusunod ay ang mga katangian ng narcissistic parents ayon kay

    ina Brown ( pp. $',$+,'','+ )

    a. *ababaw ang pag-intindi at hindi sensitibo sa pangangailangan at

    nararamdaman ng anak.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    12/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    12

    Dahil maraming pangangailangan ang narcissistic parent, wala na silang

    panahong maglaan ng oras na isipin ang pangangailangan ng taong nasa palagid nila. "mposible

    nga raw na maintindihan ng isang narcissistic parent ang pisikal at emosyonal na

    pangangailangan ng kanilang mga anak.

    Hinahangad din nila na maintindihan ng mga anak nila ang emosyonal na

    pangangailangan nila@ masyado silang nakatuon sa kanilang personal na interes at

    pangangailangan kung kaya2t naisasawalang bahala nila ang mga pangangailangan ng anak at

    madalas wala silang pakielam sa mga negatibong nasasabi nila sa kanilang mga anak.

    b. Nakatuon palagi sa sarili at malimit na inaangkin ang tagumpay na natatamo ng

    anak.

    a isip ng mga narcissistic parents, lahat ng ginagawa nila ay para sa

    nakakabuti at para sa ikagaganda ng buhay ng kanilang mga anak at bilang kapalit ng

    sakripisyong ginagawa nila para sa kanilang anak , kailangang matugunan ng anak ang mga

    hangarin ng kanyang narcissistic parent.

    ain at laging naghahangad ng papuri ang mga narcissistic parent kung

    kaya2t ito ay natutuwa kapag napapangaralan ang anak dahil para sa isang narcissistic parent siya

    ang dahilan kung bakit naabot ng anak ang pangaral. At kapag ang anak ay hindi naabot ang

    ekspektasyon ng isang narcissistic parent, ito ay nakakalimot sa lahat ng bagay na nagawa ng

    anak para sa kanya at sinisisi ang anak sa lahat ng pagkakamali kahit na siya mismo ay may

    pagkukulang sa anak.

    c. *akontrol at minamapula ang buhay at desisyon ng anak.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    13/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    13

    *adalas na kinokotrol ng narcissistic parent ang anak sa pagdidikta sa

    mga ito kung ano ang dapat at hindi dapat nilang maramdaman o gawin at kung ano gagawin

    nilang mga desisyon sa buhay. "to ay nagdudulot ng kalituhan sa anak kung ano talaga ang mga

    gusto at ayaw nila sa kanilang buhay. 4adalasa2y lumalaki ang anak na hindi marunong

    magpasya para sa kanyang sarili sapagkat nasanay nang dumepende sa magulang sa paggawa ng

    desisyon sa buhay.

    d. *alimit na gumagamit ng blackmail! upang takutin ang anak.

    "sa sa mga taktika ng narcissist parent ay ang paggamit ng emotional

    blackmail!. :inagamit nila ito bilang panakot sa kanilang mga anak. 4adalasa2y sinasabi nilang

    iiwanan nila ang kanilang anak kung ang mga ito ay hindi susunod sa kanilang mga gusto o nais.

    C. Anak ng Narcissists

    Ayon pa rin sa band back together, ang mga taong may sakit na Narcissistic Personality

    Disorder ay nakapagpalaki ng mga anak na laki sa pang-aabuso at pananakit sa pisikal at

    emosyonal na aspeto. Ang mga narcissistic parents at may malapit na ugnayan sa anak habang

    ito2y maliit pa ngunit sa pagtanda ng anak ay lumalayo ang loob nito sa kanyang magulang

    sapagkat ito ay nasasaktan sa pisikal at emosyonal na pang-aabuso ng kanyang narcissistic

    parent. ( pp. , )

    $. 3ri ng Anak ng Narcissists

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    14/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    14

    4ung maraming anak ang isang narcissistic parent, malaki ang posibilidad na

    magkaroon ng golden child at ng scapegoat child, ito ay maaaring magdulot ng selosan o

    inggitan sa pagitan ng magkakapatid. ( p. '' )

    a. :olden 5hild

    Nakikita ng narcissistic parent ang golden child bilang ekstensyon ng

    kanilang mga sarili. Ang golden child ay hindi nakakagawa ng mali at perpekto sa mata ng isang

    narcissistic parent kung kaya2t pati mga maliliit na bagay na nakamit ng golden child ay

    nagdudulot ng mga pagdiriwang at kadalasa2y binibigyan ang golden child ng natatanging

    atensyon, mga papuri at mga regalo.

    b. capegoat 5hild

    alungat sa golden child, ang scapegoat child ay walang nagagawang tama

    at laging nasisisi sa lahat ng nangyayaring masama sa kanilang pamilya.

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    15/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    15

    saril at hindi nila kayang mawala ang kanilang magulang sapagkat nakadepende na sila dito kung

    ano ang dapat at hindi dapat gawin.

    Ang mga anak ng narcissist ay marunong din makiramdam at magaling mag-

    obserba. Alam nila na ang kanilang mga makasariling magulang ay gumagamit ng ibang tao

    upang makamit ang kanilang mga nais at gusto.

    ukod pa rito naitala rin ni

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    16/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    16

    kursong dapat kunin ng kanilang anak maging ang papasukang eskwelahan ay hindi maiaalis

    dito.

    &. Paraan ng Pag-abuso ng *agulang sa Anak

    *ahirap malaman kung umaabuso na ang isang Narcissistic Parent sapagkat

    maaring mapagkamalan itong striktong paraan ng pagpapalaki ng magulang sa kanyang anak.

    Ang mga paraang ito ay kadalasang naisasagawa katulad ng pagkuha ng upang

    kalamangan sa iba upang makaangat sa ibang tao. "naabuso nila ang kanilang anak na maipakita

    ang kanilang produktong anak. Anak na masasabing may pinag-aralan, may maipagmamalaki at

    higit sa lahat isang anak na kanilang sunud sunuran. Hindi sila tumatanggap ng puna mula man

    ito sa kanilang anak o hindi. Balang ibang magawa ang anak sapagkat kung kanyang ihahayag

    ang kanyang pag iisip sa magulang ay maari nitong ikaresulta ang pag-iwas at pag-alis ng

    kanyang magulang sa kanyang piling. *atindi kung magalit ang mga ito. Pa-berbal o papisikal

    man ay kaya nitong ipalasap ang galit maging ika2y kanyang anak, kamag-anak o di kakilala.

    ". "ekto sa anak ng narcissistic arent sa kalagayang. . .

    $. Pisikal

    Ayaw ng mga narcissists ang anumang insulto kaya pag-ito ay nangyari sa kanila

    ay sila ay lubhang nagagalit at maaring maging pisikal at agresibo sa kanilang mga anak. *aaari

    nila ditong ituon ang kanilang galit at pisikal na saktan ang kanilang anak. *ayroon ding

    narcissistic parent na walang interest sa kanilang anak at nagbibigay ng kawalan ng pakialam sa

    pisikal na kalinisan ng kaniyang anak. ( p. $ )

    &. 6mosyonal ( p. ' )

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    17/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    1

    (bandbacktogether) *alaki ang epekto ng hindi sapat na pagtanggap ng

    kinakailangan na emosyon o pagkalinga ng isang anak ng isang narcissistic parent sa buhay nito.

    4ung hindi titigil ang narcissistic parent sa emosyonal na pagabuso sa kaniyang anak o kapag

    hindi nabigyan ng sapat na tulong ito ay maaring humantong sa isa sa dalawang senaryo ang

    anak ng isang narcissistic parent sa paglaki nito#

    a. Ang bata ay maaaring lumaking narcissistic at maging isang narcissistic parent rin sa

    kaniyang magiging anak. "to ang nagpapakita ng Narcissistic 5ycle o= Abuse.

    b. Ang bata ay maaring maging co;ert! o in;erted! narcissist na nananatiling

    codependent at may posibilidad na maghanap ng mapangabusong relasyon sa ibang narcissists.

    '. osyal

    Pagdating sa pangangailangan mula sa magulang ay madalas na hindi sapat ang

    natatanggap ng mga anak ng narcissistic parent mula sa kanilang mga magulang. 4apag bata pa,

    maaring sabihan ng isang narcissitic parent ang kaniyang anak kung gaano ito kaganda ngunit

    habang lumalaki ang bata ay madalas na nitong pinupuna ang timbang o pag-uugali ng kaniyang

    anak. *aaaring dalhin ang alalahanin na ito ng isang anak ng narcissistic parent sa kaniyang

    paglaki na magreresulta sa madalas nilang pagdama na sila ay madaling masaktan at nagaalala na

    sila ay ipapagpalit sa iba ng kanilang kasama kaya sila ay umiiwas sa commitment sa relasyon.

    4apag hindi lang isa ang anak ng isang narcissitic parent ay nagkakaroon ng

    tunggalian sa pagitan ng tinatawag na :olden 5hild at capegoat 5hild na nagbubunga ng

    tension at selos sa pagitan ng magkapatid. Ang :olden 5hild ay tinitignan ng isang narcissistic

    parent bilang isang tao na hindi magkakamali at kahit na pinaka-maliit na nakamit nito ay

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    18/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    1!

    nangangailangan ng isang celebrasyon o premyo. Ang capegoat 5hild naman ang palaging

    sinisisi sa kanilang pamilya. ila naman ay tinitignan bilang tao na hindi kayang gumawa ng

    tama at lahat ng nakamit nito ay hindi pinapansin. *alinaw na nagbubunga ang ganitong

    pagtrato ng isang narcissistic parent ng problema sa pagitan ng kaniyang anak.

    *aaari rin matutong maging mapanipula ng ibang tao ang anak ng isang

    narcissistic parent mula sa kaniyang magulang.

    #. Anak ng Narcissistic Parent sa $inahara

    $. Pamilya

    Dahil sa mga natamong karanasan ng isang Narcissistic na Anak, naipapasa nya

    ito sa kanyang anak at kamag-anak sa hinaharap. ila2y kadalasang naghahanap ng atensyon at

    pag sang-ayon mula sa ibang tao.

    Ayon sa kanilang pagkakaalam na sila2y palaging tama, minsan nilang isisi ang

    kasalanan sa kanilang sarili bagkus ay isinisisi nila ito at ibunubunton ang pagkakamali sa iba.

    4aya nilang saktan ang kanilang anak, kapatid at kamag-anak ng pa-berbal nang hindi nila

    namamalayan o nararamdaman sapagkat nakatatak ang kaisipang sila2y isang perpekto.

    Pinaniniwalaan na nararapat sa kanya o kanila ang ganoong kaparusahan. *aari din nilang

    sapilitang kunin ang simpatiya ng kanilang anak upang gamiting suporta o pangtanggol laban sa

    kanilang kapareha. ( p. &/ )

    &. 9rabaho

    Ang mga taong nakararanas ng matinding Narcissistic Disorder ay walang interes

    na magbasa ng mga aklat patungkol sa pagpapaunlad ng sarili o di kaya2y pag-unawa sa angking

    nararamdaman.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    19/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    1"

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    20/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    2#

    sistema ang pag-iisip na kailangang makisama o may mapatunaya na ika2y karapat-dapat. ( p.

    ,',' )

    "lan din sa mga maaaring hakbang na dapat sundin ay simulan sa pamamagitan ng

    pagtanggap sa sarili na hindi ka tunay na minahal ng iyong magulang. 9anggapin mo sa iyong

    sarili na hindi na sila magbabago at simulang paunlarin ang mga kakaibang nararamdaman na

    iyong nararanasan. ( p. 0 )

    At higit sa lahat, alamin mo ang halaga ng iyong sarili. Hindi mo kailangang

    maging magaling upang ika2y tawaging mahusay. "to ang pinakamahalagang hakbang.! C*ark

    anschic,&1$'

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    21/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    21

    Kabanta III

    Pag-aanalisa sa mga inilahad na Datos

    ($) Ang narcissism ay isang katangian na karaniwang makikita sa karamihan ng tao. "to

    ay isang pag-uugali kung saan ang isang indibidwal ay nagpapakita ng pag-iisip na siya ay mas

    nakahihigit sa ibang tao at karaniwang minamaliit ang mga ito. Para sa kanila, walang mali sa

    kanilang ginagawa o sa kanilang paraan ng pagtrato sa kanilang kapwa.

    Ang Narcissistic Personality Disorder naman ay isa nang mental disorder at mas malala

    kumpara sa narcissism. Para sa kanila, ang pagtrato sa ibang tao bilang mga bagay na kanilang

    mamanipulahin para sa sariling kaunlaran ay normal lamang. Hindi rin sila nagbibigay

    pagpapahalaga sa maaaring maramdaman ng kanilang kapwa at hindi sumusunod sa mga

    patakaran o batas dahil sa tingin nila ay mas makapangyarihan sila kaysa dito. Ang mga taong

    may disorder tulad nito ay walang kamalayan na sila ay nagtataglay ng ganitong disorder.

    (&) *ahalaga na malaman natin ang mga sintomas ng Narcissistic Personality Disorder

    upang matignan rin natin kung tayo ba o kung may kakilala ba tayo na maaaring nagtataglay

    nito. Ang ilan sa mga sintomas na ipinapakita ng taong may Narcissistic Personality Disorder ay

    pagnanasa na sila ay tingalain at laging bigyang pansin ng mga tao na nakapaligid sa kanila. ila

    ay karaniwan din nangmamanipula o nanggagamit ng ibang tao para sa sarili nilang

    kapakinabangan o kagustuhan. ila rin ay madalas mangpuna ng ibang tao at wala silang

    pakialam kung nakakasakit na ba ang mga negatibong komento na ibinibigay nila dito, ngunit

    kapag sila naman ang pinuna ay nagagalit sila at hindi matanggap ang kanilang mga pagkakamali

    at isisisi pa ito sa iba. 4araniwan din nilang ninanais na mangontrol ng ibang tao at magagalit

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    22/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    22

    kapag hindi nasunod ang kanilang mga kagustuhan o paghindi nabigay ang kanilang

    pangagailangan at inaasahang bagay. Hindi rin sila nagbibigay pagpapahalaga sa kanilang

    pamilya at mas pinagtutuunan pa ng pansin ang pagyayabang sa iba. *aari rin silang mang-

    abuso ng mga bata sa pisikal o se>ual mang paraan.

    (')*alaki ang epekto ng isang narcissistic na magulang sa kaniyang anak.

    Naaapeketuhan nito ang social de;elopment ng bata at malaki ang posibilidad na hindi ito

    magkaroon ng magandang relasyon sa ibang tao sa kaniyang paglaki. Ngunit hindi lamang ang

    pakikipagrelasyon nito sa ibang tao ang maaring masamang maapektuhan ng kaniyang

    narcissistic na magulang kung hindi pati na rin ang kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang

    kapatid. Hindi nagbibigay ng sapat na atensyon ang isang narcissictic parent sa kaniyang mga

    anak kaya naman mataas ang posibilidad na magkompentensya ang magkapatid para lamang sa

    oras ng kanilang magulang. *aaari rin na magkaroon ng tinatawag na :olden 5hild, anak na

    perpekto o walang pagkakamali para sa kaniyang magulang, at capegoat, anak na lagging

    sinisisi kahit sa mga kasalanang hindi niya ginawa. a ganitong pag-uuri ng kanilang magulang

    ay malaki ang posibilidad na makadama ng labis na inggit at galit ang anak na capegoat sa

    kaniyang kapatid at maari na dito niya isisisi ang mga masasamang pagtrato na kaniyang

    natatanggap mula sa kanilang mga magulang na magdudulot ng lamat sa kanilang relasyon.

    (+)Hindi lamang sa sosyal na aspeto may masamang epekto ang paraan ng pagpapalaki

    ng narcissitic parent sa kaniyang anak, ito ay may masama ring dulot sa kalusugang pisikal ng

    bata. "sa na sa mga katangian ng narcissistic parent ang maging mamanipula. Para sa kanila, ang

    kanilang mga anak ay mga bagay na dapat kontrolin at kapag hindi nasunod ang kanilang

    kagustuhan o kapag hindi naibigay ang inaasahang resulta mula sa kanilang mga anak ay

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    23/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    23

    maaring maging agresibo ang kanilang mga magulang at pisikal o berbal silang saktan ng mga

    ito. *ay mga uri rin naman ng narcissitic parent na walang pakialam sa kanilang anak at hindi na

    nito nabibigay ay ilang pangunahing pangangailangan ng kanilang anak upang mapanatili ang

    pisikal nitong kalinisan. Hindi rin nila dito naituturo ang tamang pangangalaga sa kanilang

    pisikal na kalusugan. 4adalasan rin na kaya hindi nila naibibigay ang ilang pangunahing

    pangangailangan ng kanilang anak ay dahil mas inuuna nila ang kanilang sariling

    pangangailangan o kagustuhan.

    ()Nabubuhay ang kalooban ng isang Narcissistic Parent tuwing sya2y nagpaplano ng

    tagumpay ng kanyang anak sa hinaharap. Ang mga nasira at nabigong pangarap ng isang

    Narcissistic Parent ay naipapasa nya sa kanyang anak kung kaya2t ipinipilit nila sa kanilang na

    magpursige na matapos iyon. *aituturing na isang dakilang manika ang mga anak ng isang

    Narcissist. Na para bang isang pitik lamang ay dapat agad sundin ito. 4asama na sa mga

    kontrolado ng Narcissistic Parent ay ang grupo ng mga dapat kabiganin ng kanilang anak, anong

    klaseng laro dapat ang pagbutihin, saang eskwelehan o kolehiyo dapat ang pasukan ng kanilang

    anak, sino ang dapat ibigin at pakasalan panghabambuhay at maging ang kung anong klaseng

    trabhaho ang kunin. Pagdating naman sa pag-aaral ng kanilang anak ay mahigpit ito. "sinasa

    bahala nila ang mga karangalang natamo ng kanilang anak sapagkat para sa kanila kulang pa ang

    mga iyon upang mapatunayang sila2y karapat-dapat. :ahaman sa atensyon at kontrol ang isang

    Narcissist at walang ibang dahilan upang tumanggi ang anak kung kaya2t marapat na lamang nila

    itong sundin. Ang mga Narcissistic Parents ay social climbers o silaw sa katanyagan, na sa tingin

    nila2y sila ang naging dahilan kung bakit umangat ang iba at higit sa lahat ipinagwawalang

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    24/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    24

    bahala nila ang responsibilidad ng isang magulang sapagkat inuuna nila ang kanilang sarili bago

    ang iba.

    ()Ang mga anak ng narcissists sa kanilang murang edad ay naturuan na ng kanilang

    magulang na lahat ng kanilang gagawin ay repleksyon ng kanilang mga magulang kung kaya2t

    kailangang makibagay ng anak sa pag-uugali at pagkilos na itinakda para sa kanila ng kanilang

    mga magulang. Ang mga anak ng narcissists ay may posibilidad na magkaroon ng matinding

    an>iety dahil sa pagbabalewala niya sa sarili niyang mga desisyon o kagustuhan upang masunod

    at mapasaya ang magulang. Ang mga anak ng narcissists ay maaring makaramdam ng matinding

    pagkahiya dahil hindi niya maabot ang standards ng kanyang magulang, ito rin ay magdudulot

    ng pagkagalit niya sa kanyang sarili dahil tingin niya2y di siya mabuting anak at wala siyang

    kakayahang gumawa ng tama. 9umatanda sila sa pangaabuso ng kanilang magulang sa kanilang

    pisikal na pangangatawan at emosyonal na pagkatao. 9umatagal rin ng ilang taon bago

    madiskubre ng mga anak ng narcissists na wala sa kanila ang mali kundi na sa kanilang mga

    magulang dahil mali ang natatanggap nilang parenting, nakakalungkot ito sapagkat naging

    sunud-sunuran sila sa kanilang mga magulang at ginagawa nila ang lahat para sa ikakatuwa ng

    kanilang mga magulang kahit na mahirap pasiyahin ang mga narcissistic parent.

    ()Ang mga taong nagtataglay ng Narcissistic trait ay kadalasang nagkakaroon ng

    negati;e emotional distress kung saan ipinapasa nila ang kasalanan sa ibang tao. "to ang

    pananggala sa publiko. Ang el= "mage ay kaakibat sa paniniwalang sila2y superyor sa lahat at

    dapat sila ang masunod. *aliban din diyan, hindi tumatanggap ng puna o kritiko ang mga taong

    ito dahil nararamdaman nilang may mali sa kanilang sistema na dapat baguhin. ila ay sensitibo

    pagdating sa pagpupun sa kanila. *aari nilang atakihin ang namuna sa kanila o di kaya2y aalis sa

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    25/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    25

    pangyayari ng walang pasintabi. 4ung hindi malulunasan ang ganitong mga pagkilos, maari

    nilang ikaresulta ang pagiging manloloko ng ibang tao, sociopaths at diktador. Pagdating naman

    ng isang anak ng Narcissistic parent ay dapat na syang makahanap ng makakasama nya pang

    habambuhay. ila2y naghahanap ng kaparehang nagtataglay ng mga katangiang mapagmahal.

    Ang tipo ng pagmamahal na perpekto at walang hanggan. Ang kaparehas na kayang ayusin ang

    nabitak at nasirang pagkatao ng isang anak ng narcissist. Ang ganitong pag isip tungkol sa

    pagmamahal ay dulot ng kawalang pagkalinga at pagmamahal ng kanilang magulang mula

    pagkabata.

    (/)Ang mga anak ng narcissists ay walang kakayahang magpasya o magdesisyon para sa

    kanyang sarili sapagkat hawak ng kanilang magulang ang kanilang mga buhay. 4adalasa2y ang

    pananaw ng anak ng narcissist parent ay alinsunod sa pananaw ng kanyang magulang. a

    murang edad ng anak ng isang narcissist, tama ang kanyang ginagawa kung ito ay magugustuhan

    o ikakatuwa ng kanyang magulang at mali naman ang kanyang ginagawa kung ito ay ikahihiya o

    ikagagalit ng kanyang magulang. Nakakalungkot din ang ganitong katangian ng mga anak ng

    narcissists na walang kakayahang tumingin sa tama o mali dahil sa laging pagbase o pagsunod sa

    mga desisyon o gusto ng magulang. Nakakabahala na tumatanda sila ngunit hindi pa rin nila

    kayang gumawa ng mga mahahalagang desisyon para sa kanilang mga sarili. "to ay maaring

    makaapekto sa kanilang pakikipagrelasyon sa iba pang mga taong nakapaligid sa kanila dahil sa

    mga tingin nilang tamang pananaw na naituro sa kanila ng kanilang mga magulang ngunit mali

    at hindi naman talaga katanggaptanggap sa iba.

    (0)Ang ilan sa mga anak ng narcissist ay may posibilidad na maging kagaya ng kanilang

    magulang dahil ito ang kanilang kinamulatang paraan ng pagpapalaki sa anak. a kagustuhang

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    26/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    26

    makuha ang atensyon ng magulang, ginagaya na lamang ng mga anak ng narcissist ang kanilang

    mga magulang, nagbabakasakaling ito ang natatanging paraan upang mapasaya nila ang kanilang

    magulang. Dahil ang ilan sa mga anak ng narcissist ay hindi nakamit ang mga personal na

    pangarap dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng magulang, maaring naisin nito na makamit ng

    kanyang magiging anak ang mga bagay na hindi niya nakamit o nagawa, sa ganitong mga

    posibleng pangyayari, hindi namamalayan ng anak na siya ri2y nagiging isang narcissistic parent.

    *ay iba namang mga anak na sumasailalim sa therapy upang magkaroon ng magandang

    pagtingin sa sarili at upang maitama ang mga maling pananaw niya sa kanyang buhay buhat sa

    kanyang paglaki sa isang narcissistic parent.

    ($1)4ung sakaling makaranas ang isang anak ng Narcissist Parent ay dapat kumonsulta

    ito sa isang therapist. 4inakailangan ng tulong ng isang espesyalista upang maresolba ang

    problema at kung paano ang wastong pakikitingo sa isa2t isa. Huwag hayaang saktan ka ng

    pisikal ng iyong magulang. "pakita sa kanila na kaya mong tumayo sa iyong sarili paa at

    ipagtanggol ito. Huwag din hahayaang ipa determa ang iyong sariling halaga o sel= worth. *aari

    din sumangguni sa mga kaibigan at kamag-anak patungkol sa problema. Hindi man patok o sakto

    ang mga ito, makatutulong naman ito upang maibsana ng dalahin. Higit sa lahat ang maaaring

    hakbang na dapat sundin ay simulan sa pamamagitan ng pagtanggap sa sarili na hindi ka tunay

    na minahal ng iyong magulang. 9anggapin mo sa iyong sarili na hindi na sila magbabago at

    simulang paunlarin ang mga kakaibang nararamdaman na iyong nararanasan.

    !ekomendasyon

    ase sa mga nakuhang datos at kaalaman ng mga mananaliksik, nais nilang imungkahi sa

    mga mambabasa na siyasatin nila ang kanilang mga sarili at magulang kung sila ba ay

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    27/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    2

    nakakaranas ng mga sinabing sintomas ng narcissistic personality disorder habang maaga pa

    upang maiwasan ang mga maaaring maging masamang epekto nito sa kanilang sikolohikal na

    kalagayan. 4ung nakaranas naman na sila ng narcissistic parenting, maiigi na sila ay komunsulta

    sa kanilang mapapagkatiwalaang tao o mas maiigi ay sa isang therapist.

    THE

    COUNTRYS

    1

    st

    POLYTECHNIC

    U

  • 7/25/2019 Psychology- Narcissistic Parenting

    28/28

    Republic of the Philippines

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESCollege of Social Sciences and Developmen

    Depa!men of Ps"c#olog"

    2!

    Kabanata I"

    Bibliograpiya