term paper.filipino (colored)

29

Upload: lei-yo-marapo

Post on 03-Apr-2015

391 views

Category:

Documents


21 download

DESCRIPTION

this is a filipino term paper(ito ay isang pamanahunang papel na Filipino)

TRANSCRIPT

Page 1: Term Paper.filipino (colored)
Page 2: Term Paper.filipino (colored)

LABANGAL NATIONAL HIGH SCHOOLLabangal, General santos City

Isang Rekwayrment para sa Filipino IV

( Mga Akdang Pampanitikan )

Na Iniharap

Kay:

Gng. Pajaria Tan

Nina:

Eric AndoCharles BeberoLeo Marapo Jr.Redin Montilla

Joe Paulo RiveraArqueño SederoJemar Talingting

Peter James VerulaJayson Majadas

Enero ,2011

Page 3: Term Paper.filipino (colored)

I. Tulang Pilipino

II. Bugtong

III. Salawikain

IV. Maikling Kwento

V. Alamat

VI. Awiting Pilipino

SA AKING MGA KABABATA

Page 4: Term Paper.filipino (colored)

Kapagka ang baya'y sadyang umiibigSa kanyang salitang kaloob ng langit,Sanglang kalayaan nasa ring masapitKatulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulanSa bayan, sa nayo't mga kaharian,

At ang isang tao'y katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitaMahigit sa hayop at malansang isda,Kaya ang marapat pagyamaning kusaNa tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa LatinSa Ingles, Kastila at salitang anghel,

Sapagka't ang Poong maalam tuminginAng siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa ibaNa may alfabeto at sariling letra,

Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwaAng lunday sa lawa noong dakong una.

HULING PAALAM

Page 5: Term Paper.filipino (colored)

Paalam, bayan kong minamahallupa mong sagana sa sikat ng araw;Edeng paraiso ang dito'y pumanaw

at Perlas ng dagat sa may Silanganan.

Buong kasiyahang inihahain kokahiman aba na ang buhay kong ito.maging dakila ma'y alay rin sa iyo

kung ito'y dahil sa kaligayahan mo.

Ang nakikilabang dumog sa digmaaninihahandog din ang kanilang buhay.kahit kahirapa'y hindi gunamgunamsa kasawian man o pagtatagumpay.

Maging bibitaya't, mabangis na sakito pakikilabang suong ay panganib

titiising lahat kung siyang naisng tahana't bayang aking iniibig.

Mamamatay akong sa aking pangmalassilahis ng langit ay nanganganinag

ang pisgni ng araw ay muling sisikatsa kabila nitong malamlam na ulap.

Kahit aking buhay, aking hinahangadna aking ihandog kapag kailangan

sa ikaririlag ng yong pagsilangdugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang

Mulang magkaisip at lumaking sukatpinangarap ko sa bait ay maganap;

ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyasna nakaliligid sa silangan dagat.

Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningningsa mata'y wala nang luhang mapapait

Page 6: Term Paper.filipino (colored)

wala ka ng poot, wala ng ligaligwalang kadungua't munti mang hilahil.

Sa aba kong buhay, may banal na naiskagaling'y kamtan nang ito'y masulit

ng aking kaluluwang handa nang umalisligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.

Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan

ng isang buhay na lipos ng kariktansa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.

Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansinsa gitna ng mga damong masisinsin

nipot na bulaklak sa ibabaw ng libingito'y halikan mo't, itaos sa akin.

Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamispagsintang sa dibdib may tanging angkin

hayaang noo ko'y tumanggap ng initpagka't natabunan ng lupang malamig.

Hayaang ang buwan sa aki'y magmasidkalat na liwanag, malamlam pa mandin;

Hayaang liwayway ihatid sa akinang banaag niyang dagling nagmamaliw.

Hayaang gumibik ang simoy ng hanginhayaan sa himig masayang awitinng ibong darapo sa kurus ng libing

ang payapang buhay ay langit ng aliw.

Hayaang ang araw na lubhang maningasgawing parang ulap sa patak ng ulanmaging panganorin sa langit umakyat

ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.

Page 7: Term Paper.filipino (colored)

Hayaang ang aking madaling pagpanawiluha ng mga labis na nagmahal

kapag may nag-usal sa akin ng dasalako'y iyo sanang idalangin naman.

Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,mga nangamatay pati naghihirap

mga dusa't sakit ina'y tumatanggapng tigib ng lungkot at luhang masaklap.

Ipagdasal mo rin mga naulilaat nangapipiit sakbibi ng diwa;

ipagdasal mo rin tubusing talagaang pagka-aliping laging binabata.

Kapag madilim na sa abang libinganat nilalambungan ang gabing mapanglaw

walang nakatanod kundi pulos patayhuwag gambalain, ang katahimikan.

Magbigay-pitagan sa hiwagang lihimat mauulinig wari'y mga tinig

ng isang salteryo, ito'y ako na rininaawitan ka ng aking pag-ibig.

Kung nalimutan na yaring aking libingkurus man at bato'y wala na rin mandin

bayaang sa bukid lupa'y bungkalinat ito'y isabong sa himpapawirin.

Limutin man ako'y di na kailanganaking lilibuting iyong kalawakan

at dadalhin ako sa 'yong kaparanganmagiging taginting yaring alingawngaw.

Ang samyo, tinig at himig na masaya

Page 8: Term Paper.filipino (colored)

kulay at liwanag may lugod sa matapaulit-ulitin sa tuwi-tuwina

ang aking taimtim na nasa't pag-asa.

PILIPINO, DAKILA KA!

Mahigit na sampung taong napalayo sa pamilya,Sabik akong makabalik sa bayan kong sinisinta.Samantalang lumalapag ang eroplanong nagdala

Sa paliparan ng Ninoy, sumagi sa alaalaAng masaklap na sinapit nang ako ay mabiktimaNg iligal na recruiter na pangako ay kayganda.

Anya, bukod sa ang sweldo ay malaki at dolyar pa"Libre housing, transportation, may day off, may

allowance ka." Kaya ako'y naingganyong magbitiw sa opisina

Nagsangla ng kagamitan, at pumirma sa kontrataMaski D.H. ang trabaho, sigurado daw ang kita

Iyon pala, paglipad ko ay turista sa umpisa.

Pagsapit sa pupuntahan, madali raw makakitaNg trabahong hinahanap; di ko alam na ang visa,

Show money at pasaporteng bigay sa 'kin, peke pala!Kaya ako ay nahuli, at nakulong, at nagdusa...

Buti na lang, nakalaya, may tumulong na pamilyaPapeles ko ay inayos, nabigyan ng amnestiya.

Pinalad ring magkaroon ng trabaho sa pabrikaSa gabi ang aking pasok, datapwa at palibhasa,May utang na loob ako at kaylangang makisama

Pagkagaling sa trabaho, matapos na magpahinga,

Page 9: Term Paper.filipino (colored)

Tagaluto ang papel ko, labandera, plantsadoraSa tahanan ng nagkupkop at sa akin ay nagpala.

Ang sabi ko sa sarili ay magtiis-tiis munaKung ngayon ay naghihirap, bukas naman may

ginhawa.Sa nasa kong makatipid, iniipon pati barya

At pag merong nagtatapon kaagad kong kinukuha -Lumang damit, lumang radyo, lumang Barbie, lumang

bolaKahit luma, ginto ito pag-uwi ko sa probinsya!

Sampung taon ang lumipas at ngumiti ang pag-asaSakripisyong pinuhunan, namulaklak at nagbunga

Sino nga ba'ng mag-iisip na buhay ko'y naging aba?Ang alam ng iba, ako'y galing abroad at mapera

(Ang tutoo, sa banyagang bansa, kahit masagana,Pera'y hindi napupulot, kailangang magsikap ka!)

Pagmumuni-muni'y biglang naputol nang mabuksan naAng pinto ng eroplano...Ah, puso ko'y siyang-siya!Ito pala'ng airport ngayon! Malaki na'ng iginanda!Tabang-taba ang puso ko sa tanawin kong nakita

Ibig kong ipagsigawan kung pupwede lamang sana:Pilipinas ang bansa ko! Pilipino, dakila ka!

Damdam ko ay nakalutang sa ulap ang mga paaHanggang ako'y papalapit sa bahaging Customs areaMagiliw ang pagsalubong, nakangiti hanggang teynga"Merry Christmas, Kababayan! Ano ba ang iyong dala?WALA ka bang NALIMUTAN? Tiyak mo bang KUMPLETO

na?

Page 10: Term Paper.filipino (colored)

Papaano naman KAMI? Bahala ka na lamang, ha?"

Parang bulang sumambulat ang ligayang nadaramaTaas-noong pagbubunyi, nahalinhan ng dismayaSampung taon - Fidel, Erap, at ngayon ay Madam

Gloria..Ilang taon pa ba bago mauuso ang konsyensya?

Ten years ago, kapwa Pinoy ang sa akin, nambiktimaTen years later, eto uli... Pilipino, dakila ka!

PILIPINO, DAKILA KA!

Mahigit na sampung taong napalayo sa pamilya,Sabik akong makabalik sa bayan kong sinisinta.Samantalang lumalapag ang eroplanong nagdala

Sa paliparan ng Ninoy, sumagi sa alaalaAng masaklap na sinapit nang ako ay mabiktimaNg iligal na recruiter na pangako ay kayganda.

Anya, bukod sa ang sweldo ay malaki at dolyar pa"Libre housing, transportation, may day off, may

allowance ka." Kaya ako'y naingganyong magbitiw sa opisina

Nagsangla ng kagamitan, at pumirma sa kontrataMaski D.H. ang trabaho, sigurado daw ang kita

Iyon pala, paglipad ko ay turista sa umpisa.

Pagsapit sa pupuntahan, madali raw makakitaNg trabahong hinahanap; di ko alam na ang visa,

Page 11: Term Paper.filipino (colored)

Show money at pasaporteng bigay sa 'kin, peke pala!Kaya ako ay nahuli, at nakulong, at nagdusa...

Buti na lang, nakalaya, may tumulong na pamilyaPapeles ko ay inayos, nabigyan ng amnestiya.

Pinalad ring magkaroon ng trabaho sa pabrikaSa gabi ang aking pasok, datapwa at palibhasa,May utang na loob ako at kaylangang makisama

Pagkagaling sa trabaho, matapos na magpahinga,Tagaluto ang papel ko, labandera, plantsadora

Sa tahanan ng nagkupkop at sa akin ay nagpala.

Ang sabi ko sa sarili ay magtiis-tiis munaKung ngayon ay naghihirap, bukas naman may

ginhawa.Sa nasa kong makatipid, iniipon pati barya

At pag merong nagtatapon kaagad kong kinukuha -Lumang damit, lumang radyo, lumang Barbie, lumang

bolaKahit luma, ginto ito pag-uwi ko sa probinsya!

Sampung taon ang lumipas at ngumiti ang pag-asaSakripisyong pinuhunan, namulaklak at nagbunga

Sino nga ba'ng mag-iisip na buhay ko'y naging aba?Ang alam ng iba, ako'y galing abroad at mapera

(Ang tutoo, sa banyagang bansa, kahit masagana,Pera'y hindi napupulot, kailangang magsikap ka!)

Pagmumuni-muni'y biglang naputol nang mabuksan naAng pinto ng eroplano...Ah, puso ko'y siyang-siya!Ito pala'ng airport ngayon! Malaki na'ng iginanda!Tabang-taba ang puso ko sa tanawin kong nakita

Page 12: Term Paper.filipino (colored)

Ibig kong ipagsigawan kung pupwede lamang sana:Pilipinas ang bansa ko! Pilipino, dakila ka!

Damdam ko ay nakalutang sa ulap ang mga paaHanggang ako'y papalapit sa bahaging Customs areaMagiliw ang pagsalubong, nakangiti hanggang teynga"Merry Christmas, Kababayan! Ano ba ang iyong dala?WALA ka bang NALIMUTAN? Tiyak mo bang KUMPLETO

na?Papaano naman KAMI? Bahala ka na lamang, ha?"

Parang bulang sumambulat ang ligayang nadaramaTaas-noong pagbubunyi, nahalinhan ng dismayaSampung taon - Fidel, Erap, at ngayon ay Madam

Gloria..Ilang taon pa ba bago mauuso ang konsyensya?

Ten years ago, kapwa Pinoy ang sa akin, nambiktimaTen years later, eto uli... Pilipino, dakila ka!

Jayson Majadas

BUGTONG-BUGTONG

 Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila

 Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.Sagot: anino

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Page 13: Term Paper.filipino (colored)

Sagot: zipper

 Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.Sagot: gumamela

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo

 Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.Sagot: kasoy

 Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: mga mata

Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.Sagot: baril

 Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Sagot: saraggola

MGA SALAWIKAIN

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Page 14: Term Paper.filipino (colored)

Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.

Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin

Iluluwa kung mapaso.

Lahat ng gubat ay may ahas.

Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.

Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.

Page 15: Term Paper.filipino (colored)

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,hindi makakarating sa paruruonan

ALAMAT NG SAMPAGUITA

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa mattanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.

Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.

Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin.

Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga

Page 16: Term Paper.filipino (colored)

ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.

Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak.Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."

Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."

Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap

Page 17: Term Paper.filipino (colored)

niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.

Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.

Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo.

Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama

Page 18: Term Paper.filipino (colored)

ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.

Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang

Page 19: Term Paper.filipino (colored)

nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.

Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala....

Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.

***********************_WAKAS_************************

Ang Buhay ni Neneng

Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap na kinaya ang sakit at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang sanggol. Eksaktong alas diyes ng gabi ay isa nanamang munting tinig ang narinig ng mga taga-baryo, ang tinig ng kasisilang na batang sanggol na babae.Buong pagmamahal na inaruga at analagaan ng butihing mag-asawa ang kanilang malusog na batang babae. Pinalaki nila ito ng may takot sa Panginoon at magandang asal, ngunit kung minsan ay nakakalimutan ni Neneng ang pagtitimpi.kung kaya napapasumo ito sa away.Si Neneng ay pala-away ngunit iyakin, kilala ito sa baryo na iyakin hanggang sa ito ay lumaki, iyakin parin ito. Lumala pa ang pagka-iyakin

Page 20: Term Paper.filipino (colored)

ni Neneng ng ang kanyang tatay ay umalis at pumunta sa malaking ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa buhay ang pamilya ay naibigay parin ng mga magulang ni Neneng ang kanyang pangangailangan. Isang umaga, ng si Neneng ay pagising palang para maghanda sa pagpasok ay bigla lang siyang pinigilan ng kanyang nanay, nabigla si Neneng akala niya ay may lakad sila ng Nanay.

Nanay: Neneng! Anak, lumiban ka muna sa klase. Matulog ka muna, inaantok kapa kasi eh!

Neneng: eh paano po yung pasok ko nay?

Nanay : wala naman kayong eksam ngayon anak, lumiban ka muna at upang makagpahinga ka naman.

Neneng : (tuwang-tuwa sa desisyon ng Nanay) ah! Sige. Total inaantok pa po naman ako. ( patuloy na natulog)Nang magisin g si Neneng ay tanghali na at nagugutom na siya. Matapos niyang mailigpit lahat ang kailangan iligpit ay nagtungo ito sa labas ng bahay at hinanap ang kanyang Nanay.Neneng : Nay! Nasaan ka na? (inikot ang buong bahay. Hanggang sa nakarating sa mga kapit-bahay ngunit di parin nakita ang kanyang Nanay.)Nay! Nay!(paparating ang Nanay na may dalang dalawang pirasong pagkain)Nanay : oh! Nasan na si kuya? Bat wala pa ditto? Pinauwi ko na yun kanina lang ah!!Neneng : Ah! Eh! Andyan na oh!`Nanay : hala sige pumanhik na kayo at para makakain na tayo.Naghanda si Nanay ng mainit na tubig at nilagyan ng konting kape at asukal, sabay hapag sa dalawang piraso na tianapay.Nanay : hala sige at kumain na kayo…Dali-daling kinuha ng kuya at ni Neneng ang dalawang tinapay. Nakita nilang walang tinapay si nanay kaya, naisipan ng magkapatid na hati-an ang kanilang nanay, ngunit pinaubaya nalang ng nanay ang lahat ng pagkain sa dalawa.Kuya : Nay kulang pa eh! Nagugutom pa ako.Neneng : Ako rin….Nanay : wala na tayong pambili ng tinapay, di pa nagpapadala ang tatay.

Page 21: Term Paper.filipino (colored)

Neneng: Nay! Papel nalang kasi tatanggap naman si Lola Erning ng papel basta may Lagda ninyo.Nanay: di na tayo pauutangin nun, kasi di pa tayo nakakabayad sa kanila.Kuya; ah… sige lang.Buong araw na walang bigas ang mag-ina. Nagluluto nalang ang nanay ng saging upangpampatawid gutom sa kanilang mag-ina. Nginit kinagabihan ay humingi ang dalawang bata ng kanin, walang magawa ang nanay, wala silang bigas kaya ginawa nalang niyang remidyuhan ang panis na kanin. Hinugasan niya ng mabuti ang kanin at ginawang lugaw para lang may makain ang kanyang mga anak. Ipinagdasal nalang ng nanay na sana ay hindi ito makakasama sa tiyan ng kanyang mga anak. Pagkatapos maluto ang lugaw ay ginising ng nanay ang kanyang dalawang anak at silang tatlo ay kumain.Kinaumagahan ay dininig ng Diyos ang panalangin ng mag-ina. Di pa nakabangon ang mag-iina ay dumating ang tatay ni Neneng at may dalang maraming pagkain.Dali-daling bumangon si Neneng at ang kuya upang kumain, nakita ni Neneng ang pagtulo ng luha ng Nanay. Nagtaka si Neneng kung bakit? Naisip niya rin, siguro dahil di lang nakayanan ni Nanay ang hirap ng buhay.Magmula noon sa pangyayaring yaon ay hindi na naging pabaya ang tatay na maubusan sila ng bigas sa hapag-kainan.Hikahos man sa buhay ay nakayanan naman nila ang mga pagsubok. Ngunit, isa pang dagok ang dumating sa buhay ng ni Neneng. Isang gabing galling ang pamilya sa birthday party ng Lola ay biglang nadisgrasya ang nanay na siyang naging dahilan sa pagkakaroon ng crack sa buto ng paa ng nanay. Naging mahirap ang buhay nila Neneng. Isang araw na kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang:Tatay ; Neneng anak! Mula ngayon ay ikaw na ang gagawa sa gawain ng nanay, kasi di pa niya kaya.at si kuya naman ay tutulong din sa gawain ditto.Neneng : opo! Lahat po ba ng gawaing bahay?Tatay; Oo!Si Neneng ang lahat na gumagawa sa gawaing bahay- at kung minsan ay nagbabantay tuwing gabi sa pag-ihi ng nanay kapag wala ang tatay. Doon naranasan ni Neneng ang hirap ng trabaho ni nanay sa araw-araw, minsan ay napapaliban sa klase si Neneng kasi walang magbabantay sa nanay kasi may pasok din si tatay sa trabaho. Sa pagkakataon ding yaon ay naranasan ni Neneng at nasaksihan ang hirap at pasakit ng tatay sa pag-aalaga sa nanay.Gabi-gabi ay nagpapanata ang tatay at kung minsan ay umiiyak nagmamakaawa sa panginoon na naway tulungan ang pamilya na makayanan ang dagok

Page 22: Term Paper.filipino (colored)

na naranasan. Umiiyak na lamang ng sekreto si Neneng dahil ayaw biyang makita siya ng kanyang pamilya na umiiyak.Hindi naman nagtagal ay dininig ng panginoon ang panalangin ng pamilya, at muli ay naging maayos ang kondisyon ng nanay. Nakakalakad na ito, di katulad ng dati na humihiga lang ito sa kama. Nang tuluyan na ngang gumaling ang nanay ay sunod-sunod na biyaya na naman ang natanggap ng pamilya.Tatay ; Natransfer ako sa kompanyang mas malaki ang sahod kaysa sa dati.Nanay : Talaga?

Tatay ; madadaragdagan na ng malaki-laki ang budget natin kung kaya ay makaluwag-luwag na tayo.Nanay : Oo nga at malaki din ang matutulong ng dagdag mong sahod sa ikauunlad ng ating buhay.Oo nga’t di masyadong malaki ang kinikita ng tatay ay naibibigay naman nito ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang kuya ay nakapag-aral sa kolehiyo ngunit dalawang taon lang kasi nakabuntis. Si neneng naman ay kasalukuyang nag-aaral at sana kaawaan ng Diyos na makapagtapos ng pag-aaral. Si bunso naman ay nag-aaral din sa hayskul. Di man mayaman si Neneng sa mga magagandang ala-ala at di man niya masyadong na eenjoy ang buhay ng bata ay di naman ibig sabihin ay habang buhay na siyang maging malungkot. Darating din ang araw na siya ay magiging masayang-masaya.

**************_WAKAS_**************

Leron, Leron, Sinta

Leron, leron sintaBuko ng papaya,

Dala-dala’y buslo,Sisidlan ng sinta,

Pagdating sa dulo’yNabali ang sangaKapos kapalaran,Humanap ng iba.

Page 23: Term Paper.filipino (colored)

Gumising ka, Neneng,Tayo’y manampalok,

Dalhin mo ang buslongSisidlan ng hinog.

Pagdating sa dulo’yLalamba-lambayog,

Kumapit ka, Neneng,Baka ka mahulog.Ako’y ibigin mo’t

Lalaking matapang,Ang baril ko’y pito,

Ang sundang ko’y siyam.Ang lalakarin ko’yParte ng dinulang

Isang pinggang pansitAng aking kalaban.

Sa Ugoy ng Duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni Nanay

Nais kong maulit ang awit ni

Page 24: Term Paper.filipino (colored)

Inang mahalAwit ng pag-ibig habang ako'y

nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni Nanay

Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal

Awit ng pag-ibig ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing

Ang bantay ko'y talaAng tanod ko'y bituin

Sa piling ni NanayLangit ang buhay

Puso kong may dusaSabik sa ugoy ng duyan mo

InaySana narito ka Inay

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni Nanay

Page 25: Term Paper.filipino (colored)

Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal

Awit ng pag-ibig hang ako'y nasa duyan