codification of ordinance, sp website a

8

Upload: others

Post on 15-Nov-2021

3 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A
Page 2: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Ang SanggunianAng Sanggunian22 Marso 2020

CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE NAKAUMANG NA

Ang Codification of General Ordinances at ang paglikha sa Website

ng Sangguniang Panlungsod (SP) ay dalawa mula sa 5-Point Legislative Agenda ni Vice Mayor Genaro “Aro” Mendoza, at ang mga ito ay nakatakdang nang maisakatuparan sa mga darating na araw. Sa executive session noong Marso 10, 2020, ibinalita ni dating Konsehal Glenn Troy Caritativo na siyang tumatayong Tagapayo ng Technical Committee on Website Development and Codification (TCWDC) ang progreso sa mga nabanggit na proyekto ng lehislatibo. “I am presenting to this august body the draft of the audited ordinances of the past legislators for your review,” wika niya. Ayon kay Caritativo, ang kanilang iprinisintang banghay ng mga ordinansa ay kinabibilangan ng mga ini-akdang batas ng mga nagdaang lehislador mula 1950 hanggang 2019 na kailangang muling aralin kung may dapat amyendahan o baguhin. Ang banghay ay kinabibilangan ng general ordinances habang ang mga ordinansang patungkol sa kapaligiran, trapiko, at kita ng

lungsod ay sadyang hindi isinama dahil maaari itong gawan ng separadong kodigo o isama sa mga kasalukuyang umiiral na mga batas. Hiniling ni Caritativo sa konseho na tapusin ang pag-review sa panukala hanggang sa Abril upang ang buong programa ay matapos hanggang Agosto at nang maisama na ito sa SP Website. Samantala, iprinisinta naman ni Maria Leonora Espinosa-Sicat, Tagapangulo ng TCWDC, ang mga paunang naisagawa para sa SP Website. Ayon sa kaniya, ang website ay katatampukan ng talambuhay ng mga miyembro ng kasalukuyang konseho maging ang kasaysayan ng legislasyon mula sa 1927. May mga impormasyon ito sa lehislatura sa pre- at post-war eras at nakatuwang ni Sicat sa pagsusulat dito si Isaac Kliatchko Jr. na executive assistant ni Konsehal Jojo Briones at ang namamahala sa Legislative E-Library na si Information Officer III Jerry Hernandez na mga batikang kolumnista at manunulat. Lalamanin din nito ang mga larawan ng buong lehislatura, ang mga tauhan nito sa iba’t-ibang

tanggapan, maging ang mga pasilidad sa konseho. Iminungkahi rin ni Sicat ang pagkakaroon ng Youtube account ng SP upang mai-upload doon ang mga videos ng konseho bukod sa mismong website upang maiparating sa mas maraming Tarlakenyo ang mga gawain ng bawat miyembro at tanggapan dito. Idinagdag din ni Sicat na ang Website at ang Codification ay isang malaking pagkakataon para sa SP upang makalahok sa Local Legislative Awards. Sinabi naman ni Vice Mayor Aro na mahalaga ang mga nasabing proyekto kung

kaya’t hinihikayat niya ang lahat na upuan ang pag-aaral sa mga ibinahaging dokumento. “Hindi lamang po tayo ang makikinabang dito kundi maging ang mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinaw na kaalaman sa ating mga lokal na batas,” wika ng Bise Alkalde. “Mabilis na po ang nagiging pagbabago sa teknolohiya kaya sa pagkakaroon ng ating sariling website, makakasabay na po ang ating SP sa makabagong panahon ng pagbibigay impormasyon,” pagtatapos ni Vice Mayor Aro. CHRISTIAN

RESOLUSYON SA PAGSALUBONG SA TAG-INIT ISINULONG NI KONSEHAL DIOLAZO

On the onset of summer time, safety in our local resorts should also be our

priority.” Ito ang panimulang pahayag ni Konsehal Richard Diolazo sa kaniyang isinulong na resolusyon ukol sa pagsalubong sa panahon ng tag-init. Batay sa resolusyon, pinakikiusapan ang alkalde na atasan ang City Disaster Risk Reduction ang Management Office (CDRRMO) na pinamamahalaan ni Hensel Quiling na magsagawa ng regular na pagbisita sa mga resorts sa lungsod na dinadayo ng mamamayan tuwing tag-init. Ito ay upang alamin at siguruhing may nakatalagang life guard sa bawat resort na

may karanasan at kaukulang pagsasanay, kasama na ang first aid training, upang masiguro ang kaligtasan ng taumbayan. Kung sakaling wala umanong tamang pagsasanay ang mga bantay ng resort, ay maaaring ibahagi ng CDRRMO personnel ang kanilang kaalaman lalo na sa basic water safety and rescue upang maging handa ang mga taga-bantay sa resort. Sa paraang ito umano, hindi mangangamba ang mga Tarlaqueño sa kanilang pamamasyal at outing sa mga resort sa lungsod, gayundin ang mga dadayong turista dahil kampante silang may naka-antabay na tagapagligtas gaya ng CDRRMO. CHRISTIAN

ISINUMITE NINA TCWDC CONSULTANT GLENN TROY CARITATIVO AT TCWDC HEAD LEN SICAT ANG KOPYA NG CODE OF GENERAL ORDINANCES SA MGA MIYEMBRO NG KONSEHO SA PANGUNGUNA NI VICE MAYOR ARO MENDOZA PARA SA KANILANG PAG-AARAL PATUNGO SA PAG-APRUBA NITO.

KONSEHAL RICHARD DIOLAZO

Page 3: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Ang SanggunianAng Sanggunian 33Marso 2020

BRGY. STO CRISTO ISINANGGUNI ANG PANUKALANG BATAS BRGY. STO CRISTO ISINANGGUNI ANG PANUKALANG BATAS SA BARANGAY AFFAIRSSA BARANGAY AFFAIRS

Sa isang committee hearing ng Barangay Affairs na pinamumunuan ni Liga ng

mga Barangay President Winston Torres, isinangguni ng Barangay Sto. Cristo, sa pangungna ni Kapitan Edmundo Jesus Ibarra Jr., ang kanilang panukalang batas. Iprinisinta ni Ibarra, kasama ang mga miyembro ng konseho ng barangay, ang Resolution No. 0020 s.2020 para sa ordinansang pinamagatang “An Ordinance Providing for the Imposition of Taxes, Fees, and Charges Pursuant to R.A. 7160 and Providing Penalties for Violation Hereof.” Ayon kay Torres, ang committee hearing na iyon at gaya ng iba pang kahalintulad na pagpupulong ng Barangay Affairs, ay upang bigyang katuparan ang pangako ni Vice Mayor Genaro “Aro” Mendoza ng pakikiisa ng Sangguniang Panlungsod sa bawat barangay upang maibahagi ang kanilang kaalaman at paggabay sa tamang pag-akda ng lokal na batas. Kasama ni Torres sa pulong na iyon upang magbahagi ng kanilang ideya ang mga Konsehal na sina Vlad Rodriguez

(Committee Vice Chairman at Floorleader), Jojo Briones, Necito Chua at Pee Jay Basangan (Committee Members), at Henry De Leon (Ways and Means Committee Chair). Sinabi naman ni Vice Mayor Aro: “Kami po na inyong Sangguniang Panlungsod, kung kinakailangan, ay pupunta sa inyong barangay upang ituro sa inyo ang tamang pamamaraan sa pagdaraos ng sesyon at pag-akda ng mga ordinansa para sa inyong mga nasasakupan.” Kabilang sa iminungkahi ng komitiba sa panukalang ordinansa ng barangay ay ang pag-alis sa isang bahagi sa Section 3 nito na patungkol sa peddlers o mga delivery vans at trucks na sisingilin ng P50 kung maglalagi o dadaan sa kanilang kalsada. Ayon kay Konsehal De Leon, tanging ang lokal na pamahalaan lamang ang may karapatan na maningil ng fee sa mga delivery trucks na dadaan sa mga barangay maliban na lamang kung ang ginamit nitong kalsada ay ipinagawa mismo ng barangay. Tinumbok naman ni Konsehal Briones sa Section 4 na

palitan ang Barangay Business Permit bilang Barangay Business Clearance na aniya ay ang lokal na pamahalaan lamang din ang may karapatan maningil at magbigay ng permiso at clearance lamang dapat ang sa barangay. May ilang parte ring pinababago si Konsehal Rodriguez patungkol sa Section 5 o ang singilin sa barangay construction, renovation at repairs at ang Section 7 o penalty upang bumagay umano sa itinakda ng batas. Aniya, kung maniningil ang barangay ng P3-P5 kada metro kuwadrado sa mga ipatatayo na mga gusali at imprastraktura at ang paniningil ng P10,000 para sa

penalties, lalagpas ito sa halagang itinatakda ng batas para sa barangay na dapat ay standardized na lamang. Halimbawa ay P1,000 kada bagong gusali at sa penalties naman ay itinakda ng batas na hanggang P5,000 lamang. Pasasalamat naman ang ipinaabot ng konseho ng Sto. Cristo sa mga payong ibinahagi ng komitiba at bago nagtapos ang pulong ay humiling si Torres sa mga panauhin ng sipi ng kanilang public hearing para sa isinusulong na batas dahil lahat umano ng inaakdang ordinansa ay dapat ipinagbibigay alam sa taumbayan para sa kanilang opinyon. CHRISTIAN

KALIPUNAN NG BARANGAY OFFICIALS, NAGTIPON SA ISANG ASEMBLIYA

Nagtipon sa isang aembliya ang mga opisyal ng 76 na barangay sa lungsod na

inorganisa ng Barangay Affairs Committee na pinamumunuan ni Liga ng mga Barangay President Winston Torres. Dito ay aktibong nakiisa ang bawat barangay na rinerepresentahan ng kani-kanilang Kapitan. Katuwang ni Torres sa pagpupulong si DILG-CLGOO Engr. Robert Diola na nagbigay ng kaniyang paalala sa mga barangay sa pagsusumite ng mga ulat ukol sa kanilang barangay assembly at road clearing program. Naging panauhin din sa nasabing aktibidad sina Liza Razon at Joy Ular na mga Statistical Specialists II mula sa Phil. Statistics Authority (PSA) Tarlac Office na nagsilbi rin bilang mga tagapagsalita. Ibinalita ng PSA personnel ang nalalapit na census taking na magsisimula sa Mayo 4 hanggang Hunyo 2 at hiniling nila sa mga barangay ang tulong ng kanilang mga health workers para sa mga dadayong enumerators na kabibilangan ng public school teachers. Naimbitahan din si Milaflor “Myles” Gamboa, ang Audit Team Leader ng

Commission On Audit (COA) Tarlac City na nagpaalala sa mga barangay ukol sa tungkulin ng mga ito na regular na pagsusumite ng kanilang Disbursement at Financial Reports gayundin ang kanilang inventory report ng kanilang kagamitan at ari-arian. Kailangan umanong gamitin ng mga barangay officials ang kanilang mga natutunan sa isinagawang Barangay Budgeting training noon sa Clark, at binigyang diin ni Gamboa na ngayong 2020 ay maghihigpit na sila sa deadlines ng pagpasa ng mga ulat. Samantala, ipinakilala ng ng Tarlac City Water District (TCWD) sa pamamagitan ni Engr. Tomas Muldong at mga kasama nito ang Project Flush o ang Septage Program ng TCWD at Prime Water (PW) alinsunod sa Republic Act No. 9275 o ang Phil. Clean Water Act at sa City Ordinance No. 004-2020 (SP Res. VII-6-069) o ang Septage Management Program of 2020 of the City of Tarlac na isinulong ni Konsehal Jojo Briones, pangulo ng Environment Committee. Ang Septage Management Program ang pinakabagong serbisyo ng TCWD-PM na paglilinis ng mga posonegro sa mga kabahayahan

kada limang taon. Ang magiging gastusin dito ay idaragdag sa monthly water bill na makikilala bilang Environmental Fee na magkakahalaga mula P4,500-P6,000 at babayaran ito ng buwanan sa loob ng limang taon para hindi mabigatan ang consumers. Ilulunsad ito sa buwan ng Abril at asahang lilitaw sa monthly water bill sa buwan ng Mayo. Magkakaroon umano ng kaukulang Information and Educational Campaign (IEC) sa mga barangay na itatakda ang paglilinis. Ang naturang programa ay bilang pagsunod din umano sa Clean Manila Bay Program at ng mga maiipong dumi sa mga posonegro ay dadaan sa kanilang

Septage Treatment Facility sa Brgy. Sapang Maragul kung saan sasalain ito upang makasiguro na ang tubig na babalik sa mga ilog at karagatan ay malinis na. Bilang panauhing pandangal, ipinagbigay alam ni Mayor Cristy Angeles sa mga barangay ang update sa naganap na issue sa Uptown Public Market na kinasangkutan ng isang city hall employee at isang manininda na maayos nang na-resolba. Bago natapos ang pulong ay humiling din ang punong lungsod ng pagsuporta para kay Ms. Tarlac Lana Christine Palting na siyang opisyal na kandidata ng lungsod para sa Mutya ng Tarlac 2020 na ginanap sa Ma. Cristina Park noong Marso 6. CHRISTIAN

ANG KONSEHO NG BRGY. STO. CRISTO SA KANILANG PAGHARAP SA SANGGUNIAN PANLUNGSOD.

PINANGUNAHAN NI LIGA NG MGA BARANGAY PRESIDENT WINSTON TORRES ANG ASEMBLIYA NG MGA OPISYAL SA KANAYUNAN.

Page 4: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Ang SanggunianAng Sanggunian44 Marso 2020

SA KABILA NG PANGANIB NA HATID NG CORONAVIRUS DISEASE (COVID-19) AY WALANG HUMPAY NA TINUTUPAD NG MGA OPISYAL NG LUNGSOD ANG KANILANG TUNGKULIN AT PAGPAPARAMDAM NG KANILANG PAGMAMAHAL SA SAMBAYANAN. MAKIKITA SA MGA LARAWAN SINA MAYOR CRISTY ANGELES NA PERSONAL NA TINUTUTUKAN ANG MGA AKTIBIDAD NG PAMAHALAANG LUNGSOD TULAD NG RELIEF PACKING, PAG-IKOT SA MGA CHECKPOINTS, PAGSISIGURO SA KALAGAYAN NG MGA FRONTLINERS, ATBP.

SERBISYO NG PAMAHALAANG LUNGSOD WALANG PATID

Sa kabila ng panganib na hatid ng coronavirus disease o Covid-19 ay

walang humpay na tinutupad ng pamahalaang lungsod ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan bilang tanda ng malasakit sa sambayanan. Sa pangunguna ng mga opisyal ng lungsod sa katauhan nina Mayor Cristy Angeles, Vice Mayor Genaro Mendoza at mga Konsehal, at sa pakikipagkaisa ng mga empleyado ng bawat departamento na pinamumunuan ng bawat hepe ng mga ito ay patuloy na ginagampanan ng mga lingkod bayan ang kanilang tungkulin. Sa panig ng ehekutibo, personal na tinututukan ni Mayor Cristy ang paghahatid ng mga pangangailangan ng mamamayan tulad ng pagbibigay ng relief goods (mula sa repacking hanggang sa pamamahagi nito), ag-ikot sa mga checkpoints, at pagsisiguro sa kalagayan ng mga frontliners.

K a p a n s i n - p a n s i n na halos wala nang pahinga ang alkalde upang masigurong nasa mabuting kalagayan ang kaniyang mga nasasakupan at pinakikilos ang lahat ng empleyado ng may kinalaman sa paghahatid ng serbisyo sa panahong kailangan ng taumbayan. Kabilang din sa ipinag-utos ni Mayor Cristy ang palagiang paglilinis o disinfection sa lungsod- mula sa mga pangunahing lansangan at mga pasilidad hanggang sa mga kabahayan sa bawat barangay. Nanawagan din ang punong ehekutibo sa mamamayan na sumunod sa mga alituntuning ipina-iiral ng gobyerno ukol sa enhanced community quarantine (ECQ) upang maiwasan ang pagsasalin ng kinatatakutang virus at tuluyan na itong masawata sa lungsod. Sa kabilang dako, wala ring tigil sa pagpapasa ng mga panukala at pag-apruba ng mga ito ang mga

miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) ukol sa pagsugpo ng Covid-19 at kung paano matutulungan ang mga mamamayan sa mahirap na sitwasyong kinakaharap ng komunidad. Patuloy na pinangungunahan ni Vice Mayor Aro ang pagsasagawa ng mga sesyon at pagpupulong kung saan sineselyuhan ang mga mahahalagang alituntunin na magbibigay ng kaginhawahan sa mga mamamayang apektado ng ECQ. Ang mga sesyon at pagpupulong ay isinasagawa sa executive lounge ng SP kung saan sinusunod ang physical distancing upang maiwasan ang kontaminasyon sa bawat isa kung sakaling mayroong sinuman na nagdadala ng virus. Sa mga hindi naman nakararating sa nasabing lugar ng aktibidad kung sakaling mayroon itong ibang gawain sa labas

o sadyang umiiwas na lumabas ng tahanan ay ginagamit ang teknolohiya tulad ng video conferencing upang makilahok sa sesyon o pagpupulong. Ayon kay Vice Mayor Aro, ang on-site at on-line na tipo ng pagsasagawa ng sesyon at pagpupulong ay mabisang paraan upang patuloy na magampanan ng bawat isang miyembro ng konseho ang kanilang tungkulin. Sa katunayan, sa bawat sesyon na isinasagawa ng SP ay maraming bilang ng mga resolusyon ang naipasa at na-aprubahan patungkol sa paglaban sa Covid-19 sa lungsod ngayon lamang buwan ng Marso. Sinasabing ang mabuting ugnayan ng dalawang sangay ng pamahalaang lungsod ang nagbibigay ng pag-asa upang masiguro na malabanan ang kasalukuyang suliranin sa pakikipagkaisa ng lahat ng mamamayan.

Page 5: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Ang SanggunianAng Sanggunian 55Marso 2020

RESOLUTION NO. VIII-11-134IN MATTER OF

DECLARING THE ENTIRE CITY OF TARLAC UNDER STATE OF CALAMITY IN VIEW OF CONFIRMED REPORTS OF LOCAL TRANSMISSION OF THE CORONA VIRUS DISEASE

(COVID-19) IN THE PHILIPPINES.

RESOLUTION NO. VIII-12-154IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CONSIDER THE ISSUANCE OF AN EXECUTIVE ORDER TO REQUIRE THE MANAGEMENT OF ESTABLISHMENTS ALLOWED TO OPERATE DURING THE PERIOD

OF ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE TO PROVIDE DISPOSABLE GLOVES FOR THE USE OF THEIR CONSUMERS AS PART OF THEIR CORPORATE SOCIAL

RESPONSIBILITY IN THE LIGHT OF THE DECLARED STATE OF CALAMITY, FOR THE SAFETY AND PROTECTION OF THE CONSUMERS.

RESOLUTION NO. VIII-12-155IN MATTER OF

ENACTING CITY ORDINANCE NO. 010-2020, ENTITLED “AN ORDINANCE GRANTING HAZARD PAY TO CITY GOVERNMENT PERSONNEL WHO PHYSICALLY REPORT FOR WORK DURING THE PERIOD OF IMPLEMENTATION OF THE ENHANCED COMMUNITY

QUARANTINE RELATIVE TO THE COVID-19 OUTBREAK”

RESOLUTION NO. VIII-12-153IN MATTER OF

AUTHORIZING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO CAUSE AND FACILITATE THE ESTABLISHMENT OF THE SATELLITE MARKET/TALIPAPA IN EVERY

BARANGAY OF THE CITY.

RESOLUTION NO. VIII-12-146IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CONSIDER THE PROVISION OF THE VITAMINS AND SUPPLEMENTS FOR DISTRIBUTION TO THE

HEALTH AND EMERGENCY FRONTLINE PERSONNEL OF THE BARANGAYS.RESOLUTION NO. VIII-13-179

IN MATTER OFAUTHORIZING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO ENTER

INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) WITH THE DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD), REPRESENTED BY ITS REGIONAL DIRECTOR, MS. MARITES M. MARISTELA, FOR THE IMMEDIATE IMPLEMENTATION

AND RELEASE OF THE SOCIAL AMELIORATION PACKAGE FOR QUALIFIED RESIDENTS-BENEFICIARIES OF THE CITY OF TARLAC.

RESOLUTION NO. VIII-13-168IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CONSIDER THE CREATION OF A SEPARATE CRISIS MANAGEMENT

TEAM FOR EACH DISTRICT OF TARLAC CITY, WHICH WILL BE TASKED WITH THE SIMULTANEOUS MONITORING, MANAGEMENT AND REPORTING OF THE COVID-19

CRISIS SITUATION WITHIN THEIR RESPECTIVE AREAS OF RESPONSIBILITY, IN COORDINATION WITH THE TARLAC CITY COVID-19 TASK FORCE.

RESOLUTION NO. VIII-13-167IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY DIRECT THE DEPARTMENT HEADS/OFFICIALS CONCERNED

TO COORDINATE WITH THE DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) WITH RESPECT TO THE MONITORING OF THE PRICES OF BASIC GOODS AND

COMMODITIES AT THE TARLAC CITY PUBLIC MARKETS, AND THE ENFORCEMENT THEREOF.

RESOLUTION NO. VIII-13-164IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO DIRECT THE CITY LEGAL OFFICE AND THE CITY INFORMATION

OFFICE TO INITIATE APPROPRIATE ACTION AGAINST PERSONS WHO MALICIOUSLY AND DELIBERATELY SPREAD OR PUBLISH FAKE OR MISLEADING

NEWS AND REPORTS RELATIVE TO COVID-19 AND RESPONSE ACTIVITIES, EITHER THROUGH SOCIAL MEDIA OR TRADITIONAL MODES OF COMMUNICATION.

RESOLUTION NO. VIII-13-178IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CAUSE AND FACILITATE THE GRANTING OF ADDITIONAL ALLOWANCE ON TOP OF THE PRESCRIBED HAZARD PAY, TO PERSONNEL OF

THE CITY GOVERNMENT OF TARLAC WHO COMPRISE THE REQUIRED SKELETAL FORCE, INCLUDING JOB ORDER WORKERS DUE TO THE OUTBREAK OF CORONA

VIRUS INFECTIOS DISEASE (COVID-19)RESOLUTION NO. VIII-13-173

IN MATTER OFRESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES,

CITY MAYOR, TO KINDLY DIRECT THE CITY COOPERATIVES AND ECONOMIC ENTERPRISE DEVELOPMENT OFFICER AND THE LOCAL FINANCE COMMITTEE TO UNDERTAKE RESEARCH AND RENDER THEIR RECOMMENDATIONS ON THE

POSSIBILITY OF GRANTING FINANCIAL ASSISTANCE IN THE FORM OF LOANS TO QUALIFIED INDIVIDUALS/ENTITIES, OF SATELLITE MARKETS (TALIPAPA) IN THE

BARANGAYS OF THE CITY.

RESOLUTION NO. VIII-13-169IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CONSIDER THE ALLOCATION OF FUNDS FOR THE PROCUREMENT OF INFANT MILK FORMULA, TO BE DISTRIBUTED AMONG FAMILIES WITH CHILDREN 2 YEARS OLD AND BELOW, AS PART OF THE SOCIAL AMELIORATION MEASURES IN

LINE WITH THE DECLARATION OF A STATE OF CALAMITY DUE TO COVID-19.

RESOLUTION NO. VIII-13-174IN MATTER OF

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CONSIDER THE ALLOCATION OF FUNDS TO BE USED FOT

THE GRANTING OF ALLOWANCES TO BARANGAY TANODS, BARANGAY HEALTH WORKERS, BARANGAY OFFICIALS AND SK OFFICIALS, AND OTHER BARANGAY

PERSONNEL WHO ARE ENGAGED TO SERVE AS FRONTLINERS IN LINE WITH THE DECLARATION OF A STATE OF CALAMITY DUE TO THE THREAT OF COVID-19

SAMANTALANG ANG MGA NASA LEHISLATIBO NA PINAMUMUNUAN NI VICE MAYOR GENARO MENDOZA AY WALANG HUMPAY SA PAGSASAGAWA NG MGA SESYON (ON SITE AT ON LINE) KUNG SAAN INUUKIT ANG MGA NAPAPANAHON AT KINAKAILANGAN MGA ALITUNTUNIN TULAD NG RESOLUSYON AT ORDINANSA PARA LABANAN ANG COVID-19.

MGA RESOLUYSON NA NAIPASA NGAYONG COVID-19 CRISIS

Page 6: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Ang SanggunianAng Sanggunian66 Marso 2020

SP PATULOY SA PAGKILOS KONTRA COVID-19

Patuloy na tinutupad ng mga miyembro ng 8th Sangguninang Panlungsod

(SP) na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza ang kanilang tungkulin sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ang pagkilos ng SP ay bahagi ng kanilang marubdob na hangarin na makatulong sa paglaban kontra sa coronavirus disease o Covid-19. Sa isang regular session ay nagpasa ng ilang ordinansa at mga resolusyon ang konseho patungkol sa paglaban sa Covid-19, batay sa mga ipinadalang liham-kahilingan ni Mayor Cristy Angeles. Una dito ay ang City Ordinance No. 009-2020 na patungkol sa pamamahagi ng isang Unified Enhanced Quarantine Pass sa mga kabahayan sa bawat barangay na sakop ng Tarlac City kalakip ang mga alituntunin para sa pagpapatupad nito. Ang bawat pass ay may serial number, kung saan ang huling numero ang magiging batayan kung kailan maaari at ipinababawal ang paglabas ng tahanan:

Nagtatapos sa 0/1 hindi maari sa araw ng Lunes

Nagtatapos sa 2/3 hindi maari sa araw ng Martes

Nagtatapos sa 4/5 hindi maari sa araw ng Miyerkules

Nagtatapos sa 6/7 hindi maari sa araw ng Huwebes

Nagtatapos sa 8/9 hindi maari sa araw ng Biyernes

Ang pass ay hindi maaring gamitin ninuman sa araw ng Sabado at Linggo upang mabawasan ang pag-galaw ng mga tao. Hindi sakop ng mga alituntunin ng naturang ordinansa ang mga mangagawang kabilang sa skeletal workforce sa larangan ng health and emergency frontline services at iba pang serbisyong kritikal maging ang mga tauhan ng establisimiyentong pinapayagang magbukas na isinasaad sa Item 5 ng memorandum mula sa Executive Secretary na nailabas

noong March 16, 2020. Kasunod nito ay ang City Ordinance No. 010-2020 na patungkol naman sa pagbibigay ng Hazard Pay sa mga kawani ng pamahalaang lungsod na papasok sa trabaho sa panahon ng implementasyon ng ECQ. Nauna rito ay inilabas din ang Resolution No. VIII-11-134 na nadeklara sa lungsod ng Tarlac na nasa State of Calamity ayon sa direktiba ni Mayor Cristy at rekomendasyon ng CDRRMC alinsunod sa deklirasyon ng pangulong Duterte. Ipinasa rin ang Resolution No.VIII-11-146 na humuhiling kay Mayor Cristy ng pamamahagi ng mga bitamina at iba pang supplements para sa mga Health and Emergency Frontline Personnel ng mga barangay upang mapalakas ang kanilang resistensiya laban sa Covid-19. Ipinasa rin ng konseho ang Resolution No. VIII-12-152 o ang isang buwang pagpapaliban o extension sa mga deadline sa pagbabayad ng lokal na buwis dahil nga na ang mga tao ay hindi pinapapasok sa kanilang mga trabaho kaya pansamantalang tigil ang kita at paghahanap-buhay. Ang mga extention ay kabibilangan ng mga sumusunod:

Real Property Tax (RPT) - March 31, 2020, Business Tax - April 20, 2020 (2nd Quarter), Amusement Tax - Every 10th of the Month, Environment Fee -Every 15th of the Month, Fees for Special Stalls - Monthly, PEZA Fee - Quarterly,Transfer Fee - as needed, Delivery Truck Fees / Charges - as Needed.

Sinundan ito ng Resolution No. VIII-12-153 o ang pag-otorisa kay Mayor Cristy sa pagpapatayo nito ng mga satellite market o talipapa sa bawat barangay sa lungsod ng Tarlac. Sa pamamagitan umano nito, mababawasan din ang pag-galaw ng tao at ang pagdayo pa sa pamilihang bayan na makakabawas din umano sa posibilidad ng pagkalat at pagkahawa ng mga tao sa Covid-19.

Sinelyuhan din ng SP ang Resolution No. VIII-12-154 o ang paghiling sa alkalde na maglabas ng executive order na mag-uutos sa mga namamahala sa mga establisyimentong pinahihintulutang gumana na mamamahagi ng disposable gloves sa kanilang consumers o mamimili bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility ng mga ito para na din sa kaligtasan at proteksiyon ng lahat lalo nat’ ang lungsod ay nasa ilalim ng State of Calamity. “Sa kabila po ng mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine, ang inyo pong konseho ay hindi natutulog at laging naka-antabay at nakasuporta sa ating mahal na

inang alkalde para sa pagsasagawa ng nararapat na batas,” wika ni Vice Mayor Aro. “Kami po ay umaapila sa mamamayang Tarlakenyo na gawin din ang kanilang parte sa pagsuporta sa pamahalaang lungsod. Sumunod ng maayos sa mga ipinag-uutos ng batas dahil para din po ito sa kapakanan ng nakararami, mag-kaisa po tayo sa pagpuksa sa salot na Covid-19,” dagdag pa nito. Nagkasundo rin ang mga miyembro ng konseho na ang kanilang isang buwang suweldo ay kanilang itutulong upang ipantustos sa pondo kontra Covid-19, ang resolusyon para dito ay kasalukuyan na nilang isinasagawa. CHRISTIAN

SA KABILA NG MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE AY PATULOY NA TINUTUPAD NG MGA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD SA PANGUNGUNA NI VICE MAYOR ARO MENDOZA ANG KANILANG GAMPANIN. DITO AY MAKIKITA SILA SA ISANG REGULAR NA SESYON KUNG SAAN IPINASA ANG MGA MAHAHALAGANG AKDA SA LABAN KONTRA COVID-19 AT IBA PANG LOKAL NA BATAS.

Page 7: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Ang SanggunianAng Sanggunian 77Marso 2020

LAGAY NG PROYEKTO SA MCARTHUR HI-WAY, INALAM NG SP

Inalam ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) sa pangunguna ni Vice Mayor

at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza, ang lagay ng bagong proyekto ng pamahalaang lungsod sa isang bahagi ng McArthur highway sa may barangay San Roque. Sa isang Executive Session ay inimbitahan ng konseho ang mga kinauukulan at iba pang may kinalaman sa drainage project upang magbigay linaw sa estado ng pagsasagawa nito. Dumalo sa nasabing pulong sina Engr. Arnel Angeles at Engr. Victor Ong bilang mga kinatawan ni Department of Public Works and Highways-Tarlac District Engineer Erelina Santos; Northern Builders (na siyang contractor) Project Manager Randy Dela Cruz, Engr. Abdolmalik Macampang at Engr. Almira Parazo; at City Engineer Jesus Cawigan Jr. Ang proyekto ay tinatayang nasa apat na metro ang lawak at nasa 234 metro ang haba at inuukupa nito ang half-lane ng highway patungong katimugan (southbound- mula sa bungad ng

Masalasa Creek padaan ng SM City Tarlac hanggang sa gusali ng isang kilalang boutique). Naroon din ang ginagawang box culvert na may sukat na 3.6X3.6 meters. Layunin ng proyekto na ibsan ang matagal nang suliranin sa pagbaha sa naturang lugar tuwing tag-ulan at bahagi ito ng 5-year masterplan para sa isang maayos na drainage system para sa buong lungsod ng Tarlac. Ang isinasagawang pagbaklas ng daan at paghuhukay ay phase 1 pa lamang ng proyekto at tatagal ang pagsasagawa nito ng 230 calendar days o mahigit sa pitong buwan. Sinabi ni Vice Mayor Aro na ang proyekto ay pagpapatuloy ng administrasyon ni Mayor Cristy Angeles sa kaniyang nasimulan noong panahong siya ang alcalde bilang lunas sa nasabing sulirnanin sa lugar. Bilang mga katanungan ay inalam ng mga miyembro ng konseho ang mga inisyatibo ng mga nagtataguyod ng konstruksiyon ng proyekto tulad ng safety measures, epekto nito sa komunidad, mga alternatibong daan at pag-iwas sa mabigat na daloy ng trapiko, at iba

pang bagay. Tugon naman ng mga panauhin na ang lahat ng mga nabanggit at iba pang usapin ay binigyan na nila ng lunas bago pa man simulant ang proyekto tulad ng paglalagay ng concrete at steel barriers sa project site, pakikipag-ugnayan sa POSO/TMG para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko, at

pakikipagpulong sa mga opisyal ng barangay. Nagpasalamat naman si Vice Mayor Aro sa mga panauhin sa pagbibigay ng linaw sa proyekto at umaasa umano ito na magiging maayos at magaan ang pagsasagawa nito hanggang sa ito ay matapos. CHRISTIAN

STALLS SA LEGISLATIVE BLDG, ILALAAN SA MAS PAKINABANG NA TANGGAPAN

Ilalaan na sa mas kapaki-pakinabang na gamit ang mga puwesto sa ilalim ng legislative

building ng pamahalaang lungsod, ayon sa pag-uugnayan ng mga opsiyal ng lungsod, partikular ng punong ehekutibo at ng konseho. Sa isang liham ni Mayor Cristy Angeles sa Sangguniang Panlungsod, humiling ito ng isang resolusyon sa pagpapatigil sa kontrata ng pagpapa-upa sa pagitan ng pamahalaang lungsod at isang kontraktor na nagpapa-sub-lease sa ilang commercial establishments doon. Ang uri ng pag-upa ng kontraktor at pagpapa-sub-lease nito ay pinaniniwalaang nagkaroon ng ilang paglabag sa alituntunin sa paggamit ng pasilidad ng pamahalaang lungsod at sa pagsasagawa ng negosyo. Dahil sa kawalan umano ng ispisipikong gabay sa Local Government Code of 1991 at sa Government Procurement Act patungkol sa pagpapa-upa ng lokal na gobyerno ng ara-arian nito sa mga pribadong entidad, maaring gawing batayan ang probisyon ng Executive Order No. 301 (EO No. 301) kaugnay ng COA Circular Nos. 87-282 at 87-282A. Isinasaad sa Section 6 ng EO No. 301 at sa COA Circular No. 86-282A ang Uniform Standards/Guidelines to Determine the

Reasonableness of the Terms and Rental Rates of Lease Contracts for Private or Government Buildings/Spaces. Layunin ng punong-lungsod na ipatigil na ang umiiral na kontrata ng pag-upa na may batayang legal at ang pagsampa ng kasong administratibo o kriminal sa mga may kinalamang opisyal ng gobyerno dito maging sa mga kasabwat nito. Samantala, balak ng administrasyong Angeles na gawing Dialysis Center ang nasabing mga puwesto, kahanay ng Pasalubong Center at Animal Bite Treatment Center na pinakikinabangan na ng mga mamamayan. Matapos matanggap ang liham ng alkalde ay agad na nagpulong ang mga komitiba ng Ways and Means na pinamumunuan ni Konsehal Enrico De Leon; ang Laws, Rules and Good Government na pinamumunuan ni Konsehal Vladimir Rodriguez; at ang Trade and Industry na pinamumunuan naman ni Konsehal Richard Diolazo at ang ilan nilang mga miyembro. Napag-alaman sa pulong na handa ang kontraktor na bitiwan ang ilang puwesto maliban sa isa na sa 2022 pa lamang matatapos ang kontrata. Kasalukuyan nang naghahanap ng tinaguriang “win-

win” solution ang ehekutibo at lehislatibo ng pamahalaang lungsod at ang kontraktor para sa ikaaayos ng usapin. Kailangan lamang umanong madaliin ang hakbang na gagawin dahil nakatakda nang ihatid ang mga dialysis machines at hindi ito maaaring i-stock ng matagal dahil mabilis itong maphase-out kung hindi agarang magagamit. Nagbigay din ng kundisyon ang donor nito na ibibigay lamang ang mga nasabing kagamitan na milyon ang halaga bawat isa kung mayroon nang lugar na pag-lalagakan.

Naniniwala naman ang ilang miyembro ng konseho na malaking pakinabang ang maidudulot ng dialysis center dahil magbibigay ito ng kaluwagan sa gastusin ng mga mamamayan na sumasailalim sa dialysis bukod pa sa Philhealth ang sasagot sa mga gastusin para dito. Sa sumunod na regular sesyon ng konseho, inilahad ni Konsehal De Leon ang tungkol sa mga napag-usapan sa pagpupulong at ito ay pinagbotohan. Mayorya ng mga miyembro ng konseho ay sumang-ayon sa pagsasagawa ng isang resolusyon para sa kahilingan ng alkalde. CHRISTIAN

INALAM NG MGA MIYEMBRO NG KONSEHO ANG LAGAY NG PROYEKTO MULA SA MGA PANAUHIN NA MAY KINALAMAN DITO.

SA ISINAGAWANG TRIPARTITE COMMITTEE (WAYS AND MEANS; LAWS, RULES AND GOOD GOVERNMENT; AT TRADE AND INDUSTRY) MEETING, SERYOSONG PINAG-AARALAN NG MGA PAMUNUAN NG KOMITIBA ANG DETALYE NG MGA STALLS SA LEGISLATIVE BUILDING NA BALAK GAWING DIALYSIS CENTER. MAKIKITA SA LARAWAN ANG MGA KONSEHAL NA SINA NECITA CHUA, HENRY DE LEON, JOJO BRIONES, AT VLAD RODRIGUEZ.

Page 8: CODIFICATION OF ORDINANCE, SP WEBSITE A

Pakinggan din ang aming programa sa radyo...

ORAS NG SANGGUNIANTuwing Lunes 7:00-8:30 ng umaga

Kinatatampukan ng mga batikangKomentarista at Manunulat:

LENG LOPEZ-TIAMZONAMADO DE LEONJERRY HERNANDEZ

MANATILING NAKATUTOK SA MGA SOCIAL MEDIA (FB) ACCOUNTS NG PAMAHALAANG LUNGSOD TULAD NG “MAYOR CRISTY ANGELES”, “TARLAC CITY INFORMATION OFFICE”, AT “ANG SANGGUNIAN” PARA SA WASTO AT NAPAPANAHONG BALITA.

LABAN KONTRA COVID-19, PATULOY

Patuloy na kumikilos at nakikiisa ang pamahalaang lungsod ng Tarlac sa laban

kontra coronavirus disease o Covid-19. Sa pinakahuling flag-raising ceremony ng cityhall ay inihayag ni Mayor Cristy Angeles na wala pang naitatalang kaso ng Covid-19 sa lungsod ngunit dapat aniyang patuloy na maging mapanuri at maingat ang mamamayan para maiwasan ito. “As of today, March 16, wala pa ding naitatalang kaso ng Covid-19 dito sa lungsod ng Tarlac, gayunpaman dapat pa ding gawin ang ibayong pag-iingat laban dito,” wika ni Mayor Cristy. Inanunsiyo rin ng punong-lungsod sa naturang pagtitipon na isinagawa na may pagsunod sa “social distancing” ang mga isinasagawang hakbangin ng pamahalaan upang labanan ang pagpasok ng naturang virus sa lungsod. Magkakaroon umano ng patakaran sa pakikisalamuha sa mga tao, lalo na sa mga kliyente ng pamahalaang lungsod tulad ng auto-locking doors at glass partition. Mamamahagi rin ng tig-dalawang cloth face masks sa bawat empleyado ng pamahalaang lungsod upang ma-proteksiyunan ang mga ito at makapagpatuloy sa serbisyo bagama’t magpapatupad ng skeletal workforce sa mga tanggapan habang epektibo ang enhanced community quarantine. Kasunod nito ay

magsasagawa ng regular disinfection ng buong city hall at sa mataong lugar sa lungsod gaya ng palengke. Sa panig naman ng Sangguniang Panlungsod, sinabi ni Vice Mayor Genaro “Aro” Mendoza na ang konseho ay palagiang aantabay at susuporta sa anumang direktiba ng alkalde at magpapalabas ng mga kaukulang alituntunin upang lalong malabanan ang Covid-19. Inimbitahan din si Dr. Ma. Consorcia “Congqui” Lim-Quizon, ang Executive Director ng South Asia Field Epidemiology and Technology Network, Inc. (SAFETYNET) sa nasabing pagtitipon upang magbahagi ng kaniyang nalalaman tungkol sa virus. Tuwirang sinabi ni Quizon na maaari pang lumala ang suliranin sa Covid-19 lalo na’t kung hindi makikipag-kaisa ang bawat mamamayan. “It will get worse before it gets better, hindi ko na po kayo bobolahin. Kaya po ang mga isinasagawa natin sa tulong ng ating LGU ay upang ma de-escalate o pigilang dumami ang kaso,” wika nito. Limang paalala ang ibinahagi ni Quizon upang maiwasan ang virus na kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Protect Ourselves – Sa pamamagitan umano ng proper hand washing at sanitizing, pagsasarili tuwing uubo at babahing at ang pag-densify

o ang pananahimik sa ating kabahayan, huwag ng gumala o dumayo sa mataong lugar kung di kinakailangan. 2. Protect Others – Ang Epidemic Fear and Panic ay mas grabe umano sa tunay na epidemya dahil ito sa pagkalat ng fake news. Dapat ang kinakalap at ibinabalitang impormasyon umano tungkol sa Covid-19 ay manggagaling lamang mula sa World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH) at sa ating LGUs o sa ating Mayor at Gobernador. 3. Protect Our Businesses – Ang tagal na tatlo hanggang anim na buwan ng isang epidemiya ay katanggap-tanggap pa ngunit mahigit sa anim na buwan ay maghihirap ang lahat. Ang mga corporate gaya ng SM Malls ay malalagpasan ito ngunit hindi ang mga arawang manggagawa kaya umano isaalang-alang din ang kapakanan nila. 4. Protect Our Health Workers – Dapat umanong gawing prayoridad ang health

workers dahil kung wala sila, ang mamamayan din umano ang kawawa. Huwag sana silang ubusan ng kagamitan gaya ng face mask at alcohol dahil mas kailangan nila ito. 5. Makipagkaisa sa Gobyerno - Huwag na umanong kumontra sa ipinag-uutos o mga rekomendasyon nila dahil mas alam nila ang nakakabubuti para sa lahat. Matapos ang pagsalita ni Quizon, ipinalabas ang isang 30-minute video na pinamagatang “The Lockdown: Covid-19 After 1 Month in Wuhan” na nagpakita kung paano nalugmok ang naturang lugar sa China at kung paano sila nakabangon muli. Ipinamalas sa dokyumentaryo ang isinagawang pagsasakripisyo ng Chinese Health Workers, kung saan sa kanilang dedikasyon ay isang duktor ang namatay sa Covid-19 malabanan lamang ang naturang epidemya sa pagpapabagsak sa Tsina- ang bansang pinag-mulan ng sakit. CHRISTIAN

ANG PINAKA HULING FLAG RAISING CEREMONY NG MGA EMPLEYADO NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA PANGUNGUNA NG MGA HALAL NA OPISYAL (IBABAW) AT MGA BRGY. OFFICIALS AT SHAREHOLDERS BAGO TULUYANG IPAGPALIBAN ANG KATULAD NA PAGTITIPON UPANG BIGYAN DAAN ANG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE.

MAKIKITA SI DR. MA. CONSORCIA LIM-QUIZON NA NAGHATID NG MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG COVID-19.

PATN

UGUT

AN

AngAngSanggunianSanggunian

Hotline NumbersCDRRMO(Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office)

(045) 470-8647(Globe) 0995-231-2411(Smart) 0921-930-0047

PDRRMC TARLAC(Provincial Disaster RiskReduction Management Office)

(045) 628-0584 / (045) 628-0586(Globe) 0917-806-9276(Smart) 0908-887-2339

Landline:(045) 982-2101

Landline:(045) 982-1356

Landline:(045) 982-8811

Pangkalahatang Patnugot:KGG. GENARO M. MENDOZAPatnugot:MARCO MANUEL M. MENDOZAKaagapay na Patnugot:JERRY M. HERNANDEZMga Kaagapay sa Produksiyon:RUBEN PHILIP S. DELA CRUZCHRISTIAN REYESRONNIE C. BASAVICE MAYOR’S OFFICEOFFICE OF THE SANGGUNIANGPANLUNGSOD SECRETARYCITY INFORMATION OFFICE