pangasinan news (special edition)

4
Pangasinan News Environment is our cause SPECIAL ISSUE Sino ang utak sa pagpatay kay Mayor Perto? Mabulok sa loob ng selda o tumakbo sa ibang bansa? Ito na lamang ang puwedeng pagpilian ni Pangasinan Gov. Amado Espino, Jr. at Cong. Jesus “Boying” Celeste (1st District) matapos na ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng dalawang opisyal na itigil ang pagdinig sa kasong murder na isinampa sa kanila kaugnay sa pagpatay kay Infanta Mayor Ruperto Martinez. Sa Order na ipinalabas noong Abril 8, sinabi ng DOJ prosecutors na halatang pinababagal lamang ng mga akusado sa Martinez murder case ang preliminary investigation sa kaso dahil sa takot na makulong. Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong murder sina Gov. Espino, Cong. Celeste at Jaime Aquino sa DOJ matapos na ituro ng anak ni Aquino na sila ang utak sa pagpatay kay Mayor Martinez noong Disyembre 15, 2012. Sinabi ng tinedyer na anak ni Aquino sa NBI na narinig niya nang pagplanuhan ang pagpatay kay Mayor Martinez sa isang pulong na ginanap sa El Pescador Beach Resort sa Bolinao, Pangasinan. Nakita rin ng testigo kung paano utusan ng mga utak sa krimen ang GOV. ESPINO AT CONG. CELESTE ESPINO CELESTE SUNDAN PH. 2

Upload: sebastian-kai-garcia

Post on 08-Nov-2014

75 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

Environemnt is our Cause

TRANSCRIPT

Page 1: Pangasinan News (Special Edition)

Pangasinan NewsEnvironment is our cause

SPECIAL ISSUE

Sino ang utak sa pagpatay kay Mayor Perto?

MAKUKULONGo MAGTATAGO?

Mabulok sa loob ng selda o tumakbo sa ibang bansa?

Ito na lamang ang puwedeng pagpilian ni Pangasinan Gov. Amado Espino, Jr. at Cong. Jesus “Boying” Celeste (1st District) matapos na ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng dalawang opisyal na itigil ang pagdinig sa kasong murder na isinampa sa kanila kaugnay sa pagpatay kay Infanta Mayor Ruperto Martinez.

Sa Order na ipinalabas noong Abril 8, sinabi ng DOJ prosecutors na halatang pinababagal lamang ng mga akusado sa Martinez murder case ang preliminary investigation sa kaso dahil sa takot na makulong.

Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong murder sina Gov. Espino, Cong. Celeste at Jaime Aquino sa DOJ matapos na ituro ng anak ni Aquino na sila ang utak sa pagpatay kay Mayor Martinez noong Disyembre 15, 2012.

Sinabi ng tinedyer na anak ni Aquino sa NBI na narinig niya nang pagplanuhan ang pagpatay kay Mayor Martinez sa isang pulong na ginanap sa El Pescador Beach Resort sa Bolinao, Pangasinan. Nakita rin ng testigo kung paano utusan ng mga utak sa krimen ang

GOV. ESPINO AT CONG. CELESTE

ESPINO CELESTESUNDAN PH. 2

Page 2: Pangasinan News (Special Edition)

ESPINO, IDINAWITSA KASONG MURDER

DISYEMBRE 15, 10:00 AM – Sa unang pagkakataon sa panayam ng ABS-CBN North Central Luzon, ipinahayag ni Infanta Mayor Martinez ang mga katagang:

“Ipapasara ko na ang Pier sa barangay Cato, kung hindi susunod ang mga operator nito sa kagustuhan ng aking mga kababayan.”

2:00 PM – Binaril at napatay ng dalawang lalaki si Martinez. DISYEMBRE 20 – Nahuli ng kapulisan sina Ricardo "Kardo" Legarda at Richard Manuel, ang mga

umano’y gunmen na ngayon ay nakakulong sa Pangasinan Provincial Jail sa Lingayen.PEBRERO 11 – Isinangkot ng isang witness si Gobernador Amado Espino, Congressman Jesus Celeste

at kanyang sariling ama bilang utak sa pagpatay kay Martinez. Ayon kay DOJ Secretray Leila De Lima at sa National Bureau of Investigation, kapani-paniwala at malakas ang ebidensya laban kay Espino at Celeste.

PEBRERO 13 – Isang press-conference ang isinagawa sa tahanan ni dating Congressman Arthur Celeste, kung saan ipinahayag ng maybahay ng pinaslang na alkalde na hindi siya naniniwala sa expose ng witness na sina Espino at Celeste ang utak sa pagpatay sa kanyang asawa.

PEBRERO 25 – Kasama ng kanilang abugado, sinampahan ng kasong pagpatay nina Richard at Marvin Martinez, anak ni Mayor Ruperto, si Atty. Florante Miano.

PEBRERO 28 – Sa isang press conference sa Consuelo Hotel ipinahayag ng asawa at mga anak ni Mar-tinez at nina Rizalde Bernal, Charlito Maniago Sr., Jerome Melanio, at Celestino Ginez ang mga sumusunod:

“Sapat at malakas ang aming ebidensya laban kay Miano. “Nasabi sa amin ng aming ama na kung may mangyayari sa kanya, wala ng ibang gagawa kundi si Miano.

Sino ang nagpapatay kay Mayor Ruperto Martinez?

Espino, Celestenamed in mayor’s slay

NBI files murder raps vs Espino, Celeste

Pangasinan News2

hitman na naatasang bumaril sa Mayor ng Infanta.

Sa kanilang kautusan, ipinaliwanag ng DOJ na hindi na puwedeng patagalin ang pag-desisyon sa nasabing kaso at nararapat lamang na pabayaan na lang ang mga prosecutors na tapusin ang kanilang preliminary investigation.

Kung makikita ng DOJ na may sapat na ebidensiya laban sa mga akusado, pormal na isasampa ng mga prosecutors ang kasong murder sa korte laban kina Gov. Espino, Cong. Celeste at Aquino.

Ang korte naman ang maglalabas ng warrant of arrest na magiging batayan ng pulisya para arestuhin at ikulong ang mga akusado.

Dahil hindi puwedeng magpiyansa sa kasong murder, malamang na mabulok sa loob ng bilangguan sina Espino, Celeste at Aquino habang dinidinig ng korte ang nasabing kaso.

Ayon naman kay Atty. Eric Francis Luna, abugado ng Akap-Bata/Caritas,

inaasahan nila ang paglalabas ng arrest warrant laban kay Espino at lahat ng akusado bago matapos ang buwan ng Abril.

“Mahabang panahon na ang ginugol ng DOJ para pag-aralan ang kasong ito. Naniniwala kami na may sapat nang ebidensiya para ipakulong ang mga akusado sa lalong madaling panahon,” ani Atty. Luna.

Ang Akap-Bata ay isang organisasyon na nangangalaga sa kapakanan ng mga batang nagging biktima ng pang-aabuso.

Sa nasabing organisasyon tumakbo ang tinedyer na anak ni Aquino para takasan ang pang-aabuso at pagmamalupit ng kanyang ama. Si Aquino, ayon sa anak, ay bayarang propagandista ni Espino.

Ipinasa naman ng Akap-Bata ang pangangalaga sa bata sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sumailalim ito sa psychological evaluation. Kinontak ng DSWD ang NBI matapos na malaman sa pagsusuri sa bata

na may nalalaman ito sa ilang krimen na naganap sa Pangasinan.

Ayon sa batang testigo, ipinapatay nina Gov. Espino at Cong. Celeste si Martinez matapos na madiskubre ng alkalde ang iligal na pagpupuslit ng mga mineral sa pier ng Infanta.

Pinatay si Mayor Martinez sa loob ng kanilang bakuran matapos ang isang rali ng mga residente laban sa proyektong magpapalawak sa operasyon ng pier sa Infanta. Binigyan ni Mayor Martinez ng permit para mag-rali ang mga residente at nangako pa na ipatitigil ang nasabing proyekto.

Dalawa sa mga bumaril kay Martinez— sina Ricardo “Kardo” Legarda at Richard Manuel—ay agad na nahuli ng pulisya matapos na ituro ng tatlong testigo na nakakita kung paano patayin ang alkalde. Nakakulong sila ngayon sa Pangasinan Provincial Jail sa Lingayen.

Ayon sa anak ni Aquino, si Legarda ay kilalang bodyguard ni Cong. Celeste.

Pangasinan governor tagged in mayor’s killing

Gov. Espino at Cong. Celeste...makukulong o magtatago?MULAPH. 1

Page 3: Pangasinan News (Special Edition)

ESPINO, IDINAWITSA KASONG MURDER

1. Bakit naghintay pa ng 71 araw ang pamilya at mga kaibigan daw ng pinaslang na alkalde bago ipahayag sa media na si Atty. Miano ang nagpapatay sa kanilang ama at sapat at malakas ang kanilang ebidensya?

2. Sino ang may motibo sa pagpatay kay Martinez? Sino ang mga operators ng nabanggit na pier? Sila rin ba ang operator ng blacksand mining sa Lingayen?

3. Bakit bantay sarado ang pamilya Martinez ng mga tauhan ni Espino at Celeste?4. Bakit ayaw makipagtulungan ng pamilya Martinez sa kapulisan o sa NBI?5. Bakit sisirain ng isang 16 na taong gulang na bata ang kanyang kinabukasan at idadawit ang kanyang

sariling ama sa pagpatay kay Martinez at mga pader na katulad ni Espino at Celeste kung hindi udyok ng konsensya at katotohanan ang kanyang ipinaglalaban?

6. Bakit hindi mapabulaanan ni Celeste ang paratang na bodyguards niya sina Ricardo "Kardo" Legarda at

SURIING MABUTI ANG MGA KATANUNGAN AT MALIWANAGAN

Sino ang nagpapatay kay Mayor Ruperto Martinez?

Espino, Celestenamed in mayor’s slay

NBI files murder raps vs Espino, Celeste

AFFIDAVIT

Pangasinan News 3

On 14 December 2012, I was in the company of my father when he, Governor Espino and Congress-man Celeste, among others, plotted the killing of Mayor Martinez....I also heard Gov. Espino say that they should celebrate the death of Mayor Martinez and instructed my father to publish in the newspapers that it was Manuel Tolentino who was behind the killing...It was the first time that I heard them discussing Mayor Martinez andsomething called “itim na bato.”-- JESTIN I. AQUINO, STAR WITNESS

Richard Manuel? 7. Ipapapatay ba ni Miano si Martinez sa

mismong araw ng rally na pinangunahan niya (Miano) kung ang tiyempong ito ng pagpatay ay magdadawit sa kanya? Sa halip, ang mga nagpapatay kay Martinez sa araw ng rally ay yung mga taong ang gustong mapagbintangan ay si Miano.

8. Sa rally, kinontra ni Miano ang operasyon ng pier, bagay na sa huli ay sinuportahan din ni Martinez. Kung ganoon, nagkakaisa na sila sa isang layunin.

9. Kung disente at walang kasalanan si Espino at Celeste, bakit sandamakmak at mamahaling

mga abugado nila ngayon ang sapilitang gumagawa ng delaying tactics sa korte upang pigilan ang paglabas ng katotohanan ukol sa pagpatay kay Martinez.

Mga kababayang Pangasinense, may mga bagay na tanging malalimang paganalisa sa mga pangyayari ang makakapagturo sa atin ng katotohanang inaasam!!!

Pangasinan governor tagged in mayor’s killing

Page 4: Pangasinan News (Special Edition)

Hindi sumipot si reelectionist Gov. Amado T. Espino Jr. sa pinakauna at pinakaaaban-gang debate sa Bombo Radyo Dagupan noong Sabado, dahilan upang umiskor ng malaking puntos ang kanyang mahigpit na kalaban sa pagka-gobernador na siAlaminos City Mayor Hernani Braganza.

HINDI SUMIPOT SA DEBATE

Espino nabahag ang buntot!

Ang debate ay inorganisa ng Commission on Elections, Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas, PPCRV at ng Bombo Radyo Philippines upang bigyan ang mga kandidato sa Pangasinan at siyudad ng Dagupan ng pagkakataong iprisinta ang kanilang plataporma de gobyerno at sagutin ang mga maiinit na isyus na kinakaharap nila.

Marami sa mga Pangasinenses, maging ang mga organ-izers, na umantabay sa debate ay dismayado sa hindi pag-sipot ni Espino ngunit nalugod na rin sa isang banda dahil kanilang narinig ang maliwanag na plano ni Braganza para sa tunay na pagunlad ng lalawigan ng Pangasinan.

PANGIT POINTS Ayon sa mga mamamahayag sa radyo, TV, at pa-

hayagan, isang malaking minus factor kay Espino ang ginawang pag-isnab niya sa debate, dahil lumalabas na iniiwasan o hindi niya kayang sagutin ang mga mabibigat na isyung ipinupukol sa kanya.

Pangunahin dito ang umano’y pag-kakasangkot niya sa iligal na sugal na jueteng, black sand mining sa Lingayen, at San Fabian at pagpatay kay Mayor Ru-perto Martinez ng bayan ng Infanta.

“Mas naniniwala ngayon ang maraming mamamayan ng Pangasinan na mas mapagkakatiwalaang pinuno ng lalawigang Pangasinan si Braganza dahil mag-isa at direkta niyang hinarap at sinagot ang lahat ng mga katanungan ng mga panelista,” ayon kay aling Rosalinda Manuel, isang guro sa bayan ng Sison, Pangasinan.

PANGASINAN MUNA,HINDI BULSA MUNA

Umani naman ng maraming “Pogi Points” si Braganza sa kanyang maliwanag na development plan para tuluyan ng magtake-off ang lalawigan ng Pangasinan na ayon sa kanya ay “napag-iwanan na ng mga lalawigan katulad ng Cebu at Davao.”

Aniya mayaman ang natural at human resources ng lalawigan ngunit hindi ito napapakinabangang mabuti dahil mas inuuna pa ng gobernador ang sarili nitong pakinabang.

“Patunayan ni Espino na wala siyang nakaw na yaman, hinahamon ko siya na sabay naming ilabas ang aming State-ment of Assets and Liabilities (SALN) para makita ng aming mga kababayan kung sino ang nagpayaman sa posisyon.

2 BILYONG PISO, UTANGNG LALAWIGAN

Ibinunyag ni Braganza sa debate na ang lalawigan ng Pangasinan ngayon ay may P2 Bilyon utang kaya ipinilit

ni Espino at kanyang mga kakampi sa Sangguniang Panlalawigan na ipatupad ang 300 porsyentong pagtaas sa pagbabayad ng Real Property Taxes.

Noong tumakbo siyang gober-nador noong 2007, binatikos niya

ang 300 milyong pisong utang ng la-lawigan sa ilalim ni dating gobernador Vic-

tor E. Agbayani. Ngunit sa kanyang panunungkulan, nagkaroon ng 2 bilyong pisong utang ang ating lalawigan, ani Braganza. MORE PUBLIC DEBATES

Ayon naman sa isang iskolar na si Engelbert Maramba ng Cala-siao, “katulad ng mga inaabangang public debates ng mga lumala-bang pangulo sa Amerika, ang debate ang pangunahing batayan ng mga botante sa pagpili ng mahusay at tapat na pinuno.”

“Kung sa America ginanap ang debateng ‘yan at hindi sumipot si Espino, siguradong talo na siya sa eleksyon,” dagdag ni Mar-amba.

Grrrr...Takot ako sa debate.

Baka mapaamin ako sa aking

mga kasalanan sa Pangasinan.

BLACK SAND MINING!

JUETENG!300 % RPT

INCREASE!

PLUNDER!MURDER!

LAND-GRABBING!

CRIMINALITY

!

ETC!

H’RAYFEL ‘BOBOT’ A. CARACASPublisher/Editor-in-Chief

Pangasinan NEWS is published weekly by CARACAS & ASSOCIATES with main editorial office located Blk. 13, Lot 1, Villa Sta. Barbara, Pangasinan, Mobile No.: 0928-7130156;

0921-3915539 E-mail Address [email protected]

FELICIANO ‘PHIL’ CLAVE CARACAS (Founder)COLUMNISTS: JOE BAUTISTA, ATTY. BATAS MAURICIO

REPORTERS: RECIDERO ‘RESTY’ E. LEAL,ED C. CARACAS; DARWIN E. MAGALONG

GENERAL MANAGER/CONTROLLER: ELVIGIA LEAL CARACAS;CIRCULATION MANAGER: NIDA L. FERMANTEZ, DOMINADOR REPALDA