intermedia ng indang - kabanata 09

86
KABANATA 9 ANG PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI MR. JOSEPH A. COCANNOUER SA INTERMEDIA NG INDANG 1911-1915 “In 1950, for example, the farmer, educator, and world traveller Joe Cocannouer prophesied that indiscriminate herbicide use could result in serious ecological problems. He added that "it is entirely possible that very small amount of some poisons will create far more havoc than is at present suspected of them.” Clinton L. Evans The War on Weeds in the Prairie West: An Enviromental History Joseph A. Cocannouer Bago Maglingkod sa Indang Si Joseph A. Cocannouer ay nagmula sa angkan ng mga magsasakang Olandes na nandayuhan sa Amerika sa mga unang taon ng ika-19 na siglo. Ipinanganak noong Enero 6, 1883, sa Shelby, Illinois. Pansamantalang nanirahan sa estado ng Kansas, kung saan namatay ang kaniyang ama. 1 Napalipat sa estado ng Oklahoma at dito ginugol ang malaking panahon ng kaniyang kabataan bilang katulong ng ina sa pagsasaka sa pook rural sa nasabing estado. Nag-aral sa Oklahoma Agricultural and Mechanical College at pagkatapos ng isang taon na aktwal na pag-aaral ay nagturo sa paaralang bayan sa 1 Ang heonolohiya ni Joseph A. Cocannouer ay mababasa sa internet: www.familysearch.org/ . Ang larawan ni Cocannouer ay ipinagkaloob ni Mr. William Gochanoer na ipinadala sa nagsasaliksik sa pamamagitan ng e- mail noong Mayo 14, 2009. 129

Upload: daniel-mendoza-anciano

Post on 27-Apr-2015

1.776 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

KABANATA 9ANG PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI MR. JOSEPH A. COCANNOUER SA INTERMEDIA NG INDANG 1911-1915

“In 1950, for example, the farmer, educator, and world traveller Joe Cocannouer prophesied that indiscriminate herbicide use could result in serious ecological problems. He added that "it is entirely possible that very small amount of some poisons will create far more havoc than is at present suspected of them.”

Clinton L. EvansThe War on Weeds in the Prairie West: An Enviromental History

Joseph A. Cocannouer Bago Maglingkod sa Indang

Si Joseph A. Cocannouer ay nagmula sa angkan ng mga magsasakang Olandes na nandayuhan sa Amerika sa mga unang taon ng ika-19 na siglo. Ipinanganak noong Enero 6, 1883, sa Shelby, Illinois. Pansamantalang nanirahan sa estado ng Kansas, kung saan namatay ang kaniyang ama.1 Napalipat sa estado ng Oklahoma at dito ginugol ang malaking panahon ng kaniyang kabataan bilang katulong ng ina sa pagsasaka sa pook rural sa nasabing estado. Nag-aral sa Oklahoma Agricultural and Mechanical College at pagkatapos ng isang taon na aktwal na pag-aaral ay nagturo sa paaralang bayan sa kanilang sariling lugar. Pagkatapos ng isang taong pagtuturo ay nagbalik muli sa OA&M upang kumuha ng kursong normal. Sa mga panahong iyon ay pinagtuunan niya ng pansin ang araling pagsasaka, kasabay ng wikang Latin upang maunawaan ang mga mahahalagang sulating pang-agrikultura sa nabanggit na matandang wika. Samantalang nag-aaral sa OA&M, si Cocannouer ay narekluta na magturo sa Pilipinas.

1 Ang heonolohiya ni Joseph A. Cocannouer ay mababasa sa internet: www.familysearch.org/. Ang larawan ni Cocannouer ay ipinagkaloob ni Mr. William Gochanoer na ipinadala sa nagsasaliksik sa pamamagitan ng e-mail noong Mayo 14, 2009.

129

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Noong Hunyo 6, 1908, si Cocannouer ay naitalagang maglingkod sa Kawanihan ng Edukasyon sa Pilipinas.2 Sa pagdating niya sa bansa ay hiniling niya sa Direktor ng Edukasyon na maitalaga siya agad na maging principal sa isa sa mga paaralang pang-agrikutura sa Pilipinas, subalit sa pananaw ng Direktor ng Kawanihan ay hindi pa handa si Cocannouer para sa nasabing posisyon.3 Itinalaga muna siya bilang supervising teacher sa isang distrito ng mga paaralan sa lalawigan ng Cebu. Sa nasabing lugar, nagkaroon siya nang pagkakataon na obserbahan ang mga paraan ng pagtatanim ng mga Pilipino at paghusayin ang wikang Espanyol na noon ay ginagamit pa ng mga opisyal na Pilipino sa pamahalaan.

Mula sa Cebu, noong tag-init ng 1909 si Cocannouer ay pansamantalang inilipat sa lungsod ng Baguio upang magturo sa summer institute ng mga gurong Amerikano at Pilipino na nagtuturo ng agrikultura at paghahalaman sa iba’t ibang mga paaralan sa Pilipinas. Sa pagkakataong iyon narating niya ang Mountain Province at nasaksihan ang paraan ng pagtatanim at ang sistema ng patubig ng mga mamamayan ng Hilagang Luzon sa kanilang rice terraces.

Noong Hunyo 1909 hanggang mga unang buwan ng 1911 ay naglingkod na principal sa isang paaralan sa pagsasaka sa lalawigan ng Batangas, kung saan siya ay inabot na pagputok ng Bulkan Taal. Nakita ni Cocannouer na ang isa sa positibong dulot ng kasakunaang ito ay kaniyang pagsapantaha na ang dalisdis ng Tagaytay ay magiging isang mahusay na taniman ng gulay sa

2 Ang panahon ng 1908 ay ang pagdating sa Pilipinas ng ilang gurong Amerikano na kinuha mula sa EU na may kasanayan sa pagsasaka. Ilan sa kanila ay si Kilmer O. Moe (Hawaii), na sa mga unang taon ay itinalaga bilang supervising teacher sa Magalang, Pampanga at sa dakong huli ay naging principal ng Magalang Farm School, hanggang maitalaga na superintendent ng Central Luzon Agricultural School. Isa pa sa kaniyang naging kasabayan ay Sam Durham na mula rin sa estado ng Oklahoma (kapitbahay ni Cocannouer) na naging guro ng paghahayupan na unang naitalaga sa Central Luzon Agricultural School at nailipat sa UPLB.

3 Hindi binanggit ni Cocannouer kung sino ang Direktor ng Edukasyon na kaniyang nakausap, subalit kung ito ay sa taong 1908, higit na tumutugma ito sa panunungkulan ni Direktor David Barrows. Maari rin na mismong si Direktor White na noon ay assistant na ni Dr. Barrow at pumalit dito ng sumunod na taon. Ang kumpirmasyon sa destino ni Cocannouer sa Cebu sa taong 1908-1909 ay mababasa Teachers’Assembly Herald para sa tag-init ng 1909.

130

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Pilipinas.4 Bago magtapos ang klase, si Cocannouer ay pansamantalang pinagturo sa ispesyal na klase sa agrikultura sa Paaralang Normal sa Maynila.

Bago magsimula ang bakasyon sa tag-init ng 1911, naglakbay si Cocannouer sa Europa upang pag-aralan ang paraan ng pagtatanim sa Belgium, Germany at Holland. Sa mga bansang ito ang kaniyang hinangaan ay paraan nang pagtatanim sa Holland.

In some of the great experimental gardens of Holland it was brought home to me as never before just what science could do in the way of plant improvement. All sorts of crops were under trial. Persistent efforts were being made to improve what was already of excellent quality. I could now understand why Holland had long been the seed source of some of our most valuable flowers and vegetables… Hour after hour I watched the Dutch experts at their delicate work. Their efficiency and enthusiasm made me want to hurry back to the Philippines and start my improvements.5

Ang Pagkakatalaga Kay Cocannouer sa Indang

Ang nasaksihan ni Cocannouer na pagpili at pagpapahusay ng mga binhing pananim sa Holland ang inaakala niya na pinakamahusay na paraan na dapat ituro sa mga Pilipino. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay isinangguni niya sa bagong talagang direktor ng Kawanihan na si Direktor Frank White na gamitin ang kaniyang mga namasid na paraan ng paghahalaman sa Holland. Isinalaysay ni Cocannouer ang

4 Sa autobiograpiya ni Cocannouer, hindi tiniyak ang paaralan subalit binanggit niya na inabutan siya ng pagputok ng Bulkan Taal sa lalawigan. Ito ay umaangkop sa Batangas Farm School na ang principal ay George Whiting (1905-1909). Sa taong 1909, si Whiting ay itinalaga upang maging unang superintendent ng Central Luzon Agricultural School.

5 Cocannouer, 1945:118

131

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

pagtatagpong iyon na nagbunga sa pagkakatalaga niya sa Indang sa ganitong paraan:

The director of education was ready to listen to me with keen interest now. The words he spoke when I finished my story come back to me clearly: "All right, I think we have just the proposition you are looking for. Some years ago the bureau started a small demonstration farm in the hills of Cavite province for the purpose of helping to work out our garden problems. For various reasons the project has never been much of a success. We need such a station, and I want you to go up there and see what you can do with it. I can't promise you a great deal of money to work with, but I can assure you pretty much of a free hand. How does such a proposition appeal to you?"

Did such a proposition appeal to me! "Now let me get it straight—you mean for me to go up there and demonstrate just what can be done in a farm school, as well as carry out my plans for improving native crops?" I asked. "Test how I think we should teach agriculture to the Filipinos?"

"Exactly! Show us what can be done in all our farm schools. And while you're doing that, show the natives that they do not need to depend upon rice as their daily food."

The director eyed me keenly for a moment. "Yes, I believe you can," he said presently. "If you put that proposition over, it will mean more than just an ordinary feather in your cap." 6

Ang pag-uusap nina Direktor White at Cocannouer ay kumukumpirma na ang intermedia ng Indang ay hindi naging ganap na matagumpay sa mga unang taon nito bilang isang demonstration farm. Ang pagkakatalaga kay Cocannouer sa Indang ay upang isaayos ang pagtuturo ng agrikultura sa paaralan. Mahalagang buhayin ni Direktor White ang pagtuturo ng agrikultura sa mga paaralang intermedia sa pagsasaka dahilan sa kalakaran noon ng Kawanihan na makapagtayo ng mga farm school sa bawat lalawigan ng Pilipinas. Innasahan ni Director White kay Cocannouer na gawing isang pilot school ang intermedia ng Indang at maging modelo sa mga kauring paaralan na nais na iatyo ng kawanihan.

6 Cocannouer, 1945:118-119.

132

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Kasabay sa pagkatalaga kay Cocannouer sa Indang ay ang instensipikasyon ng Kawanihan sa Food Campaign na naglayon na palakasin ang produksiyon ng pagkain sa kapuluan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman. Masasalamin sa Food Campaign ang kalakaran ng magkaroon ng pamalit sa bigas bilang pangunahing pagkain ng mga mamamayan. Ito ay dahilan sa kinatakutan ng mga Amerikano na ang kakulangan sa bigas ay maaring mauwi sa disturbong panlipunan.7

Dumating si Cocannouer sa Indang, Cavite noong Hunyo, 1911. Sa edad na 28, ang kaniyang katawan ay puno ng enerhiya at ang isipan ay nakapako na isakatuparan ang kaniyang bisyon mula sa pa sa pagkabata, na ang edukasyong pang-agrikultura ay nararapat na maging isang seryosong aktibidad sa loob ng paaralan. Inilarawan niya ang pook na pinagtalagahan sa kaniya upang likhain ang isa sa magiging importanteng paaralan ng pagsasaka sa kaniyang kapanahunan:

Indang, in the province of Cavite where my farm school was to be located, though not a great distance from Manila, at that time was pretty much in deep jungle, accessible only by a few trails that were practically impassable during the rainy season. In many places the forests were dense and harbored herds of wild hogs, deer in great numbers, monkeys by the millions, and wild chickens. And of course there were snakes—the python, king cobra, and the bamboo viper, as well as less dangerous ones. Indeed, in many places it was a jungle world teeming with wildlife.8

Ang Mga Panimulang Gawain ni Cocannouer sa Paaralan

Natagpuan ni Cocannouer ang intermedia ng Indang na kagaya ng hinuhulaan ni Direktor White na halos walang aktibidad pang-agrikultura at hindi matatawag na isang school farm. Ang mga lupang minsang nataniman ay nagbalik sa

7

Ang reaksiyon na pagkatakot ng mga Amerikano sa posibilidad ng kaguluhang panlipunan na maihahatid sa pagkaunti ng bigas bilang isang political commodity ay inpluwensiya sa kanilang kaisipan nang pahayag pag-papaalam ni Gov. William H. Taft noong 1902. 8

Cocannouer (1945: 119)

133

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

kasukalan at ang mga kasangkapan sa paghahalaman ay hindi nagagamit.9 Sa mga kakulangan sa paaralan na kaniyang nasiyasat ay kinumpirma naman niya ang kahusayan ng mga mag-aaral ng intermedia na higit na mataas sa average ng mga mag-aaral sa lalawigan, dahilan sa pagtuturo ng mag-asawang Henry at May Wise na kaniyang hinalinhan.10

Ipinaalam rin niya ang ang kawalan ng interes ng mga magulang at mga mag-aaral sa Indang sa aralin pagsasaka sa na nais niyang bigyan ng lundo sa loob ng intermedia sa ganitong salaysay.

And the natives had no interest in studying agriculture in school. They had too vivid a recollection of what the Americans, with misguided enthusiasm, had tried to do on their first arrival. The stories the natives told me would have been weird without oriental embellishment.11

9 Ibid.

10 Cocannouer: 1914

11 Cocannouer 1945:120

134

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Mula sa mga narinig niya sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Indang ay sinapantaha ni Cocannouer ang pagiging hindi karaniwan o kakatwa ng kanilang mga kuwento. Kung pag-aaralan ang salaysay na ito ay matitiyak na nakausap ni Cocannouer ang mga magulang sa ginanap na pagpupulong pang-komunidad ng Indang, kung saan kaniyang ipinaliwanag ang pagpapalit ng lundo ng aralin mula sa general course tungo sa farming course. Masasalamin na tinutulan ng mga magulang ang pagpapalit ng pokus ng pagtuturo dahilan sa ang ninanais ng mga ito ay ang isang paaralan na makapagkakaloob ng adbanseng kaalaman at maghahanda sa kanilang mga anak para sa mataas na antas ng edukasyon pagkatapos ng intermedia. Sa mga salaysay na ito ni Cocannouer ay makagagawa tayo ng isang paghihinuha na mayroon malaking kinalaman ang mga magulang ng mga mag-aaral sa sinaunang kabiguan sa programang agrikultura sa mga unang taon ng intermedia ng Indang.

Ang pagtutol ng mga magulang sa pagpapalit ng pokus ng aralin tungo sa pagsasaka ay isinisisi ni Cocannouer sa inaakala niyang misguided enthusiasm ng mga gurong Amerikano na naunang nagturo sa kaniya sa Indang. Isang anyo ng “pagkukulang” para kay Cocannouer ang mga naunang focus ng pagtuturo ng kaniyang mga kalahing guro. Hindi niya nakita na magka-iba sila ng bisyon para sa paaralan, sina Anderson, Hawkins, Workman, at Wise ay mga academician, na ang pokus ay ang ganap na kahusayan pang-akademiko ng kanilang mga mag-aaral. Samantalang si Cocannouer ay isang agrikulturista na magpapatupad ng programa ng Kawanihan upang maangkop ang intermedia ng Indang sa orihinal na intensiyong pang-edukasyon nito – ang pagtuturo ng pagsasaka.12

Ang sumunod na hamon na kinaharap ni Cocannouer ay ang pagpapaliwanag niya sa mga magulang ukol sa magiging ganap na pagbabago sa ipapatupad na pagtuturo sa intermedia. Ang pangunahing niyang ginawa sa pagpapalit ng focus ng aralin sa intermedia ay ang mahusay na pagpapaliwanag sa mga magulang at mga mag-aaral sa magiging panibagong misyon at bisyon ng paaralan. Kasama sa tiniyak niya sa mga magulang at mga mag-aaral na ang mga tradisyonal na paraan ng pagsasaka ay mananatili, subalit magkakaroon ng pagbabago at pagpa-unlad, para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Sa pagpapaliwanag na ito ni Cocannouer ay binibigyan niya ng

12 Si pag-aaral sa educational qualification ni Cocannouer ay lumilitaw na hindi siya tapos ng bachelor’s degree ng siya magturo sa Pilipinas.

135

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

bagong direksiyon ang intermedia ng Indang, ito ay upang magsilbing tagapaglingkod ng pamayanan.

Ang Pagpapalawak ng Lupa ng Paaralan

Pagkatapos na maipahayag ni Cocannouer sa mga magulang ang kumbersiyon ng intermedia upang maging isang Farm School, tiniyak naman niya ang pakikipagtulungan ng dalawang inpluwensiyal na tao sa Indang:

My first major job was to win the leading natives to my side. I began with the priest, whom I considered the most important of these. I quickly surmised that the padre was more interested in his sugar-cane plantation than in the labors of the cloth. Here my Latin came to my rescue again. Though I by now had a fair speaking knowledge of Spanish, my experience in Cebu had taught me the power of the sacred tongue of the church. I stuttered and stammered considerably, but I could still make Latin express my wants, even if in a crude manner. I won the good father's friendship and his promise of support before I chose to give up the use of Latin entirely, except when he forced it upon me.

Among the influential natives who fell in with my plans was the former secretary of state of the defunct Philippine Republic of which the famous Aguinaldo had been president. This man, a brilliant Spanish mestizo and a large landowner, became so enthusiastic that he donated several valuable acres, including a coconut grove with a large number of thriving palms, to the school farm. Now, with the support of the old don and the priest, I knew that I would have the entire hill country behind me. It was up to me to make good.13

Ang unang binabanggit ni Cocannouer ay si Padre Policarpio Villafranca, na kura paroko noon sa Indang.14

13 Cocannouer (1945:120-121)

14 Sa autobiograpiya ni Cocannouer noong 1945 ay pinangalanan niya ang kura-paroko sa Cebu na kaniyang naging kaibigan na Padre Villafrancia. Kung ang pagbabasehan ay ang talaan ng mga pari sa Dayosesis ng Maynila, higit itong tumutugma sa pangalan ng kura Paroko ng Indang na si Padre Policarpio Villafrancia sa nasabing

136

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Kinailangan niya ang inpluwensyang ispiritwal ng kura-paroko ng bayan, upang maipatanggap sa mga mamamayan ang kaangkupan ng pagpapalit ng lundo sa pagtuturo sa intermedia.

Pagkatapos na matiyak ang pagsang-ayon ng mga mamamayan ay kinausap ni Cocannouer si Don Severino de las Alas upang mapalawak ang kabuuang erya ng lupain ng paaralan upang maging angkop sa pamantayan ng isang ganap na farm school.15 Maaring ang maging katanungan ay gaano ang lawak ng lupa na ipinagkaloob ni Don Severino de las Alas sa intermedia ng Indang sa panahong iyon? Kung ang pagbabasehan ay ang mga ulat ng Kawanihan ng Edukasyon ukol sa erya ng lupa na nasasakop ng paaralang intermedia ng Indang ay maisasa-ayos sa isang talahanayan:

Pagsusuri sa Datos

1. Ang paglawak sa nasasakupang lupa ng intermedia ng Indang ay mula sa naunang ulat na 3 hektarya tungo sa 8 hektarya sa taong 1910-1911. Maaring ang paglawak ay dahilan sa pagkakaroon na nang berbal na donasyon ni Don Severino de las Alas sa ganitong kaagang panahon.

2. Kung pag-aaralan ang 12th at 13th ARTDE ang lupa ng paaralan mula sa dating 8 hektarya ay lumiit sa 3.13 at bahagyang lumaki sa 3.5 hektarya. Ang pagliit ng lawak ng lupa ng intermedia ng Indang ay maipapaliwanag sa

kapanahunan. Nakabase sa Primer Sinodo Diocesano de Manila Abril 19-20, 1911 p. 155.

15 Sa aklat ni Mrs. Natalia de las Alas-Panganiban ay kaniyang nabanggit na ang donasyon ay naganap noong taong 1911. Ang talang ito ni Cocannouer, ang magsisilbing koroborasyon sa isinulat ni Mrs. Panganiban.

137

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

pagtalima sa patakaran noon ng Kawanihan na pagpapasimula ng pagpapatitulo ng mga lupa ng paaralan mula sa mga donasyon ng mga tao. Sa ganito, lumilitaw na ang naitalang 3.13 hektarya ay iyon lamang ang orihinal at titulado sa pangalan ng Kawanihan.16

3. Walang nalimbag na 14th ARTDE at sa 15th ARTDE naman ay walang datos na nag-uulat ukol sa lawak ng lupa ng mga Farm School sa Pilipinas.

4. Sa 16th ARTDE na sumasakop sa 1915-1916, sa taon nang iwanan ni Cocannouer ang intermedia ng Indang ay mapapansin sa datos ang naging biglaang paglawak ng lupain ng paaralan na umaabot na ng 9.5 hektarya. Sa ganito ay matitiyak na nagkaroon ng tunay na donasyon sa pamamagitan ng pagpapatitulo ng lupa sa pangalan ng paaralan/Kawanihan na naganap sa panahon ng panunungkulan ni Cocannouer bilang principal ng intermedia.

5. Kung ang pagbabatayan ay ang orihinal na lupa na 3.13 hanggang 3.5 na hektarya ng lupa na unang naging pag-aari ng intermedia at ang sukat ng lupa sa 16 th ARTDE na 9.5 hektarya at sa mga sumunod na taunang pag-uulat ay masasabi na sa pagkakataong iyon ay titulado na sa pangalan ng paaralan. Masasapantaha rin na ang lawak ng lupa na naipagkaloob ni Don Severino de las Alas ay umaabot sa 6 hektarya, na ang lokasyon ay ang silangang panig ng kalsada ng Bancod.17

16 Ang proseso ng pagpapatitulo ay isa sa mga suliranin na kinaharap ng Kawanihan ng Edukasyon sa kapanahunang iyon at ang mga kaukulang tagubilin ukol dito ay mababasa sa Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon na nalathala noong 1911.

17 Ang lupaing ito ang siyang magiging main campus ng paaralan na dating tinatawag na Don Severino Agricultural School/College. Sa kabila ng pagtawag sa paaralan ngayon na Cavite State University ay nanatili pa rin itong DSAC – Don Severino de las Alas Campus.

138

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

6. Ang donasyon ni Don Severino de las Alas sa malawak na lupa sa kanlurang bahagi ng Bancod, ang lohikal na magpapaliwanag sa pagtawag sa paaralan at sa kampus sa kaniyang pangalan.

Ang Mga Uri ng Paaralan sa Pagsasaka

Kasabay sa pagkatalaga kay Cocannouer bilang principal ng intermedia ng Indang noong 1911 ay ang designasyon ng paaralan bilang isang Farm School. Sa kapanahunang iyon ay mayroong tatlong pangunahing uri ng mga paaralan na nagtuturo ng araling pagsasaka at ito ay ang mga sumusunod:

Ang Farm School ay isang ispesyal na uri ng paaralang intermedia na nagtuturo sa mga mag-aaral sa Grade V, VI, at VII. Ang paaralang ito ay mayroong mga modelong taniman na mula sa 10 hanggang 12 hektarya. Ang taniman ng paaralan ay kahawig ng mga taniman ng mga Pilipino upang magamit sa pagtuturo ng praktikal na pangangasiwa ng mga taniman.18 Kasama sa paaralang ito ang mga kababaihan mag-aaral na kumukuha ng tatlong taong kursong sa domestic-science ar tinuturuan sila nang kaayusang pantahanan at mga gawaing pambahay sa praktikal na paraan. Mayrooong walong Farm School noon sa Pilipinas at ito ay nasa Batac, Ilocos Norte; Indang, Cavite; Guinobatan, Albay; Ballesteros, Cagayan; Iba, Zambales; San Carlos, Pangasinan; Tacloban, Leyte; Batangas, Batangas.19 Sa pamantayan ng Kawanihan ng Edukasyon, ang isang Farm School ay dapat na magkaroon ng lupang may lawak na 10 hektarya. Masasalamin na sa ginawang pagpapalawak ng lupain ng paaralan intermedia ng Indang sa pamamagitan ng donasyon ni Don Severino de las Alas ay hindi lamang kapritso ni Cocannouer. Hindi man binabanggit ni Cocannouer ay mayroong malaking pressure sa kaniya na ang lupain ng paaralan ay paabutin hanggang sa 10 hektarya. Sapagkat ang sukat na iyon ang siyang pamantayan upang ang isang paaralan ay maging isang ganap na Farm School. Magmula sa bahaging ito ng pag-aaral ay ipinapasok na ang katawagang Indang Farm School (IFS) bilang panibagong pangalan ng intermedia ng Indang.

18

Ang mga taniman ay sa anyo ng mga garden plot at linang para sa pagtatanim ng palay na naliligiran ng mga pilapil (rice paddies).

19 15th ARTDE:85

139

Page 12: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Ang Farm School ay naiiba sa Agricultural School kung saan ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng subsidiya ng pamahalaan para sa akomodasyong pang-dormitoryo. Ilan sa mga ito ay matatagpuan sa Mailang, Bukidnon; Banauan, Butuan; Aborlan, Palawan; at Muños, Nueva Ecija. Ito ay mayroong malawak na taniman na umaabot ng daang ektarya at ginugugol ng mga lalaking mag-aaral ang kalahati ng kanilang panahon sa pag-aaral ng pamamaraan ng pagsasaka at gawaing bukid.20 Ang pamantayan na daan hektaryang sukat ng lupa para sa isang agricultural school ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa intermedia ng Indang ang nomenclatura na Indang Agricultural School noong 1910.

Ang Settlement Farm School naman ay paaralan para sa mga lugar na hindi-Kristiyano at halos hindi angkop na maikonsidera na intermediate school. Mayroon itong maliit na sukat na mula 3 hanggang 5 hektarya at isang gusaling paaralan at kubo na tinitirhan ng guro. Dito ang mga katutubo ay tinuturuan ng Ingles at mga basehang kaalaman sa pagsasaka at iba pang mga aralin. Ang mga babae naman ay sa paghahabi ng tela, pananahi para sa kanilang kasuotan, at mga gawain at industriyang pantahanan. Mayroong 21 na paaralan na nasa klasipikasyon ito na matatagpuan sa Agusan para sa katutubo sa Bukidnon; 20 sa Agusan para sa mga Monobo; isa sa Zambalaes para sa mga Negrito; dalawa sa Nueva Vizcaya para sa mga Igorot at tatlo para sa mga Ilongot.21

Mga Hakbang Upang ang Intermedia ng Indang ay Maging Isang Tunay na Farm School

Pagpili ng Hayop Para sa Paaralan

Determinado si Cocannouer na ang intermedia ay gawing isang tunay na Farm school, siniyasat niya ang mga ipinadalang kagamitan sa paaralan, at kinumpara sa katutubong kagamitan ng mga mag-aaral at ng komunidad. Pagkatapos nito, ipinagpatuloy niya ang operasyon ng paaralan na ang ginagamit ay ang mga kagamitang Pilipino sa pagsasaka. Ipinaliwanag niya sa kaniyang mga mag-aaral na ang kanilang isasakatuparan ay isang tunay na Farm School at hindi gawa-gawa lamang na tulad ng nauna.22

20 Ibid p. 84

21 Ibid p. 8522

140

Page 13: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Nakita niya na ang paghahawan sa lupain ng paaralan ay sa pamamagitan ng kamay at bolo. Sa proseso ng pagtuturo ay unti-unti niyang ipinakilala ang mga makabago at simpleng kagamitan sa agrikultura. Hindi rin niya inaalis sa kaniyang pananaw na ang unang misyon ng isang paaralang pang-agrikultura ay ang pagpapaunlad ng mga katutubong pagkain, katunayan ay pinuna niya ang patakaran ng supervisor pangkapuluan noon na binigyan ng pokus ay ang pagtatanim ng mga halaman/gulay na mula sa Amerika.23 Kaugnay ng pagtuturo sa mga mag-aaral na lalaki ng mahusay na paraan ng pagtatanim ay ang pagtuturo naman sa mga mag-aaral na babae na nasa kursong domestic science kung papaano ang mga halaman na itinatanim sa paaralan ay magiging regular na bahagi ng pagkain sa kanilang mga hapag-kainan.24

Isa sa mga unang ipinadala noon ng pamahalaang Amerikano sa intermedia ng Indang na hindi na ipinagamit ni Cocannouer sa paaralan ay ang hayop na mule. Nakipagkonsulta siya sa kasamahang guro ukol sa hayop na maaring gamitin sa pagsasaka sa paaralan. Ang kalabaw ang unang napili ng mga ito na hayop sa paaralan. Inamin ni Cocannouer na hindi siya naging ganap na interesado sa nasabing hayop. Subalit pinasimulan niya at ng kaniyang katulong ang paghahanap ng isang lalaking kalabaw na bibilhin para sa paaralan. Sa paghahanap ay nakarating sila sa Tagaytay kung saan mababa ang presyo ng kalabaw at ang mga hayop ay malayang gumagala sa nasabing pook.25 Sa Tagaytay habang abala silang nag-uusap ng kasama niyang guro ay sinugod siya ng isang kalabaw, upang makaiwas rito ay nag-alambitin na lamang siya sa sanga ng isang puno na nasa ulunan niya, at ang kalabaw ay naghihintay na suwagin siya sa ibaba. Sinigawan niya ang kaniyang kasamang guro na

Ang sinasabi ni Cocannouer na paghahawan ng lupa ay hindi ang lupa na orihinal na bahagi ng paaralan, kundi ang lupain na donasyon ni Don Severino de las Alas na gagamitin niya sa malawakang pagtatanim.23

Hindi binanggit ni Cocannouer ang pangalan ng supervisor sa paghahalaman ng Kawanihan, subalit sa kapanahunang iyon, si North Foreman ang humahawak sa nasabing posisyon. Mararamdaman na mayroong hindi pagkakasundo sa larangan ng polisiya ukol sa edukasyong pang-agrikultura sina Cocannouer at Foreman.24

Cocannouer 1914

25 Cocannouer 1945:122

141

Page 14: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

hanapin ang may-ari, ilang sandali ay lumabas ito kasama ng may-ari - na isang maliit na bata na nasa pito o walong taong gulang lamang. Hinila ang maikling lubid na nakalagay sa ilong ng kalabaw. Nawala ang paghuhurementado ng kalabaw sa simpleng hawak lamang ng batang nagmamay-ari rito.26

Dahilan sa hindi magandang karanasan ni Cocannouer sa kalabaw ay isang baka ang kaniyang binili dahilan sa ito ay mahinahon, mabilis, at nakapagtatrabaho ng maayos kahit sa tag-init. Labis niyang ipinagmamalaki ang pagkakapili rito, sa mga oras ng pagtatapos ng kaniyang mga gawain sa paaralan ay binibisita niya ang pastulan ng mga hayop sa paaralan upang panoorin lamang ang kagandahan ng bakang ito. Subalit kung papaanong nasaksihan niya ang paghuhurementado ng kalabaw ay naging biktima rin si Cocannouer ng paghuhurementado ng baka.

But there was one evening when a sudden burst of bellowing and angry snorts greeted me instead of the usual night voices from the dreamy jungles. I had just passed through the pasture gate. I stopped abruptly. To my utter surprise and terror, Brownie, my favorite bull, was racing down the slope directly towards me. I sprang back and slammed the gate closed... - When the bull kept right on coming, I could see that his momentum alone would crash the fence.

26 Ibid. 122

142

Page 15: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

I bolted for a coconut palm, and I went up that bole quicker than any monkey I had ever seen perform the stunt. I was well out of reach by the time the bull got to the tree; but the question was, how long could I stick there? The small notches which the natives always cut in the trunk for climbing after the nuts didn't provide a very safe toe hold for a man wearing shoes… Soon my fingers and knees and toes grew numb. To keep the blood circulating, I would climb up several notches every so often, only to slide back down inch by inch until I was dangerously near that bull's shaking head. …The only thing that saved me, was the arrival of the supper hour… The houseboy had presence of mind to go to the pasture first. When he discovered my predicament he quickly summoned help, and the bull was driven away.27

Pangongolekta ng Mga Binhi Para sa Nursery ng Paaralan

Sa pagbubukas ng Taong Pampaaralan ng 1911-1912 pinasimulan ni Cocannouer at ng mga mag-aaral ang pangongolekta ng lahat ng uri ng mga binhi ng mga halaman na itinatanim sa lokalidad ng Indang. Mula sa kaniyang nasaksihan sa Holland ay nabuo sa kaniyang isipan na ang katutubong binhi ang gagamitin nila ng kaniyang mga mag-aaral para sa kanilang eksprimentasyon at pagpapahusay. Nag-ipon sila ng iba’t ibang uri ng mga beans at mga legumes, kasama pa ang baging ng iba’t ibang uri ng mga halamang ugat; maraming uri ng kamatis, talong, kalabasa, paminta, sibuyas, at iba’t ibang uri ng mga gulay, kasama pa rito ang mga pananim sa bukid tulad ng palay at mais.28

Pagkatapos na maitanim ang mga halaman na ito sa mga kaukulang plot ang isinunod ni Cocannouer ay ang ituro sa mga mag-aaral ang maingat na pagtatala ng mga datos ng obserbasyon na isisinusulat nga mga mag-aaral sa mga index card. Nakalagay rito ang ukol sa panimula ng pagtatanim, paglago at pag-unlad ng partikular na halaman.29 Ang pag-iipon

27

Ibid. 123-124

28 Ibid. 124-125.

29 Cocanouer 1914

143

Page 16: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

at pag-aaral sa pagtatanim at pamumunga ng mga binhi na kanilang nakalap ay naglalayon na ang paaralan ay maging nursery at repositoryo ng mga mahuhusay na halaman at binhi upang itanim sa komunidad.

May mga pagkakataon na kapag nababalitaan nila na ang isang magsasaka sa Indang ay mayroong mga halaman na namumunga ng malaki, agad nila itong pinupuntahan kahit na nasa malayong baryo. Subalit pagkatapos ng mahaba at mahirap na paglalakbay ay malalaman nila na ang magsasaka ay wala nang sinasabing halaman. Sa mga paglalakbay na katulad nito ay nakakatagpo rin naman sila ng eksaktong halaman na kanilang hinahanap at si Cocannouer ay nakilala ng mga magsasaka ng Indang.30

Pagsapit ng ilang panahon, ang mga magsasaka ng Indang ay naging interesado sa bagong paraan ng pagtuturo ng agrikultura sa paaralan. Ang mga magsasaka na ang kusang nagpupunta sa paaralan at nagdadala ng mga binhi at ugat na inaakala nilang magiging mahalagang karagdagan sa koleksiyon nito. Kahit na sa panahon ng tag-ulan ay mayroong mga magsasaka nagpupunta sa kaniyang bahay sa paaralan na nakadamit lamang ng pantalon na hanggang tuhod na gawa sa supot ng harina – at ang ulo ay nasasakluban lamang ng malaking salakot. Inaamin ni Cocannouer na maraming mahahalagang ugat at binhi ang nadagdag sa koleksiyon ng paaralan sa ganitong paraan. 31

Sa pagsusuri sa unang hakbang nang pagbabago ni Cocannouer sa araling itinuturo sa intermedia ay mababakas ang dalawang mahalagang pag-iiba sa persepsiyon ng mga mag-aaral at ng mga karaniwang mamamayan ng Indang ukol sa paralan. Naipakita ni Cocannouer sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng komunidad bilang batis na maaring pagmulan ng mga kaalaman na itinuturo sa paaralan. Sa aspekto nang paglapit ng mga magsasaka sa pinakamataas na pinuno ng intermedia ay indikasyon naman na ang paaraalan ay hindi na nila tinitingnan bilang isang eklusibo at elitistang sanktwaryo kundi isang institusyong pambayan.

Ang Mga Mag-aaral ng Indang Farm School

30

Cocannouer 1945:124 31 Ibid. 124-125

144

Page 17: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Ang pagbabago sa programa ng pagtuturo ay ganap na tinanggap ng mga mag-aaral na lalaki sa paaralan. Sa ginawang paglalarawan ni Cocannouer sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa bagong programa ng pagtuturo ay binanggit niya ang ganito:

By the end of the first year we were able to eliminate many of the less promising crops and center our interest on the outstanding ones. The native boys became keen observers and in time learned to spot the plant from which seed was to be saved for future plantings. The farm was almost the home for many of the boys. I can see those boys now, toiling faithfully in their projects, most of their clothing cast aside, sweating without a word of protest, and shouting with glee when they made an important discovery among their plants. Usually it was darkness alone, or perhaps a storm, that drove them from their work. Much of the time something from the farm went home with them for their late supper. 32

Sa salaysay ni Cocannouer ay nagawang niyang ilarawan ang kadaliang matuto, kasipagan, at dedikasyon ng mga mag-aaral ng IFS. Ang katunayan, ang sinulat na ito ni Cocannouer ay isa sa kaniyang pinakamataas na paghanga sa mga mag-aaral ng paaralan, lalo kung ikokonsidera na ang aklat ng kaniyang naging karanasan ay isinulat niya 30 taon ang nakakalipas buhat ng lisanin niya ang Indang. Hindi nagawa ng panahon na mabura sa isipan ni Cocannouer ang mga tagpong iyon – na nagaganap lamang sa mga bagay na labis na pinamamanghaan o hinangaan ng sinuman.

Ang Pagsubok na Magpakilala ng Iba pang mga Halaman

Sa taong 1911, inaasahan na ng pamahalaang insular ang magiging kakapusan ng produksiyon ng bigas para sa susunod na taon dahilan sa inaasahang tagtuyot. Dahilan dito nagkaroon ng isang programa ang pamahalaang insular para sa pagtatanim ng mais sa buong Pilipinas at maituro ang paggamit nito bilang alternatibong pagkain ng mga Pilipino.

Ang mga taga- Indang ay kumukunsumo ng bigas bilang pangunahing pagkain. Subalit ang dikta ng pamahalaan ay 32

Ibid. 125

145

Page 18: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

kinakailangan na ipakilala sa kanila ang paggamit ng mais bilang karagdagang pagkain na pamalit sa bigas. Alam ni Cocannouer na hindi niya kayang mapalitan ang ang pagkain ng mga taga-Indang mula sa bigas tungo sa mais, maliban kung makakatagpo siya ng angkop na variety ng mais na mayroong mataas na kwalidad at produktibo na anihin. Narito ang bahagi ng pag-uulat ni Cocannouer sa kanilang ginawang pagtatanim ng mais sa paaralan.

For my two parents in making the cross, I used the local flint corn and a softer strain from Louisiana which gave promise of responding to tropical conditions. Seed planted from the first cross gave ears much larger than either parent, or massive stalks. The ear-to-row method was then employed as means for further improvement. By careful manipulation of our plantings, we were able to get three generations a year. It was always a fight to carry the plants through the dry season, because of the shortage of water, and through the wet season, because of too much of it. During the rainy period, the stalks grew so tall the ears were are times above the boys' reach. Occasionally the wind whipped the plants down into a tangled mass. For a time I wondered if I had not developed a new type of jungle palm instead of Indian corn.

And I ran into other difficulties. The husks did not keep pace with the ears, which meant that the ears protruded from the husks and were a prey to insects. I knew that no strain of corn would get far in the tropics that did not produce ears which were tightly enclosed in the husks. Consequently we had to start a backward movement in our selection—we had to develop a strain with smaller ears so that the husks would cover them. And we only succeeded partly in this direction before the time came for me to turn the work over to another. We managed to make the husks cover the ears, but the husks remained too loose to give safe protection from the insect pests.

The farmers were enthusiastic about the new Indang corn, as they called it. They were eager to get seed, and I had the pleasure of seeing some of the finest corn on native farms that I had seen anywhere before I left the Cavite hills. When some of this corn was exhibited at the Insular fair in Manila, visitors would not believe that it was grown in the

146

Page 19: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Philippines. I suspect if one were to visit the Cavite hills country today he would find many farmers still growing the Indang corn.33

Maliban sa mais ay nagkaroon din ng pagsubok ang mga mag-aaral ng IFS sa ibang uri ng pananim na rito ang pakwan ang hindi nalilimutan ni Cocannouer. Sinasalaysay niya ang pagnanais ng kaniyang mga mag-aaral na subukan ang magtanim ng pakwan na mula sa Amerika. Pinagbigyan niya ang kagustuhan ng mga mag-aaral at ipinagamit ang binhi na Tom Watson. Nakita niya ang pagsunod ng mga mag-aaral sa bawat mga hakbang para sa pagtatagumpay ng pagtatanim. Magmula sa pagpapasibol ng punla nito sa maliliit na paper box at paglilipat nito sa lupa na hinaluan ng buhangin at binudburan ng nabubulok na dumi ng hayop. Itinaon nila ang pagtatanim sa mga malalamig na buwan kung kailan may bahagyang pag-ulan.

Isinalaysay niya ang naging mahigpit ang pangangalaga ng mga mag-aaral upang tiyakin na walang peste na kakapit sa halaman, subalit ang mga tanim na pakwan ay nasira sa mga insekto at pagkabulok. Sa panahon ng pamumunga ay nagbagsakan ang mga bunga ng nag-iisang halamang pakwan at isang bunga lamang ang nakarating sa yugto ng pagkahinog na may nakakagulat na laki. Ang pag-ani ng nag-iisang pakwan ay itinaon sa isang pagdiriwang at nag-imbita pa ng mga panauhin mula sa Maynila para saksihan ang pagbubukas ng malaking pakwan. Nang mabuksan na ang bunga ay napakahusay. Wala siyang ideya kung ilang hiwa ang nagawa mula rito, subalit ang mga panauhin ng paaralan ay nagulat at nasiyahan sa sarap ng pakwan at ang binhi ay ipinamahagi sa maraming mga

33

Ibid. 126-127

147

Page 20: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

magsasaka at mula rito ay nagkaroon ng pagtatanim ng nasabing pakwan at subalit ang bunga ay hindi naging kasing-sarap ng pinagmulan34

Ang kinaharap na Suliranin sa Mga Mapaminsalang Hayop sa Kapaligiran ng Paaralan

Ang pagtatagumpay ng IFS sa ilalim ng pangangasiwa ni Cocannouer sa mga unang taon ay nagkaroon naman ng kaakibat na suliranin. Ito ang pamiminsala ng mga hayop sa pananim ng paaralan. Ang mga unggoy na umaakyat sa bakod ng taniman ay binubunot ang mga beans, pinipitas ang mga kamatis, binubutas ang mga kalabasa. Ang mga baboy na ligaw ay sumasalakay sa hindi nababakurang bahagi ng taniman at sinisira ang taniman ng mais at kamote. Maging ang nababakurang bahagi ay hindi rin ligtas dahilan sa nasisira nila ang mga bakod. Palagiang ikinatatakot ni Cocannouer sa bawat umaga ang ulat ng kaniyang katulong ukol dahilan sa halos walang araw na hindi nag-uulat na walang kasiraan na nagawa ang mga ligaw na baboy at mga unggoy, maging ang mga ibon at ang pagkuha ng walang pahintulot ng mga ibang mga tao.

34 Ibid. 127-128

148

Page 21: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Ang suliranin sa pananalakay ng mga nabanggit na hayop ay nalunasan sa pamamagitan ng mungkahi ng mga mag-aaral. Ito ay ang pagtatanim ng mga halamang pagkain sa palibot ng halamanan ng paaralan upang ito na lamang ang kunin ng mga hayop at magnanakaw. Ang mungkahi ng mga mag-aaral ay sinunod ni Cocannouer at sa ganito ay nabawasan ang dulot na kapinsalaan na kaniyang malimit na pinoproblema.

Ang Mahabang Tag-init ng 1912

Nasaksihan ni Cocannouer sa mga unang buwan ng kaniyang pangangasiwa sa paaralan ng Indang ang mga pag-ulan ng Hunyo hanggang Setyembre 1911. Na sa umaga ay napakalinis ng kalangitan at pagsapit ng ilang oras lamang ay napakalakas na buhos ng tubig na may kasamang malakas na hangin na nakakapinsala sa mga halaman. Pagkatapos ng mga maulang buwan ay nasaksihan niya ang isa sa pinakamahabang tagtuyo sa Pilipinas na tinawag sa kasaysayan na Tagtuyot ng 1912.

Sa mga unang buwan pa lamang ng tagtuyot ay wala nang pumatak na ulan, sinundan nang pagbibitak ng lupa, at nang pagkatuyo na pumapatay sa mga halaman. Ang kondisyon na ito ang kinaharap ng paaralan at nakita ni Cocannouer na sa ganitong kalagayan ay walang matatapos na mahalaga at pangmatagalang eksperimento, maliban kung magkakaroon ng isang sistema ng patubig. 35 Ang nasaksihan niyang unang tag-init sa Indang ang nagpaliwanag sa isa sa mga salik kung bakit sa loob ng apat na taon (mula 1907 hanggang 1911) ang intermedia ng Indang ay nabigo sa kaniyang kaukulan bilang isang paaralan ng agrikultura.

Pagkatapos na makita ni Cocannouer ang suliranin na inihahatid ng panimula ng mahabang tagtuyot sa paaralan ay inilarawan niya ang kasagutan upang pansamantalang malunasan ang suliranin. Inaanyayahan na tunghayan ang sumusunod na salaysay ni Cocannouer:

35 Upang maunawaan ang tindi ng tag-init noong 1912 ay basahin ang ang The Extraordinary Drought in the Philippines, October 1911 to May 1912 ni Rev. Jose Corona S.J., Manila, 1912. Sina C. J. Anderson (1903-1905) at J. A. Cocannouer (1911-1915) ay kapwa dumating sa Indang sa panahon ng tag-tuyot at ang Pilipinas ay nakaharap sa rice shortage.

149

Page 22: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

The school bordered a deep canyon through which an abundance of water flowed, but the water might just as well have been miles away, considering the good it was doing us. Nevertheless, the roar of the water far down in the canyon was more than we could stand when our most valuable crops were drying up. We had to stand by while our valuable collection of beans withered… their blossoms and immature fruits; vegetables in almost every plot were drooping under the burning heat. As a boy remarked dolefully to me one day when it appeared that his corn project was going to succumb before he could finish his first series of records, "Sir, I think the God is not kind to us. In the river much water flows to the sea, and my corn must die of thirst." 36

Ang ilog sa kanlurang gilid ng paaralan ay isa sa mga anyong pang-topograpiya na kinonsidera ni C. J. Anderson noong 1903-1904 sa pagpili ng lokasyon ng paaralan ay naandoon pa rin at hindi pa natatanggal ng agresibong modernisasyon na kasalukuyan ipinatutupad sa pamantasan. Ipinapapansin ng nagsasaliksik ang ginuhitang bahagi ng salaysay ni Cocannouer na binanggit sa kaniya ng hindi niya pinangalanang mag-aaral ng intermedia na kasasalaminan ng isang kritikal na kaisipan. Ang pangungusap na iyon ang naging susi upang itungo niya ang kaniyang ulo sa ilog na katatagpuan niya ng mahalagang kasagutan sa suliranin ng patubig sa paaralan.

Pinulong ni Cocannouer ang mga mag-aaral at nagkasundo sila na umukit ng zigzag na daanan mula sa panabi pababa sa ilog na kinaroroonan ng tubig. Pagkatapos na magawa ang inukit na hagdanan patungo sa ilog, ang sumunod na suliranin na nakikini-kinita niya ay ang pinakamahirap na tagpo, ang pagpapanhik ng mga mag-aaral ng tubig mula sa ibaba patungo sa taas sa lugar na kinaroonan ng taniman ng paaralan.

I dropped down on the bank and watched the boys that first evening after their stairway had been completed. And I wondered—was the water going to be worth all it would cost to bring it up from the canyon floor? The building of the trail, though a tough job, was of short duration; the carrying of the water, though—weeks and weeks of toil. 37

36

Cocannouer (1945:132)37

150

Page 23: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Sa salaysay na ito ay pinahalagahan ni Cocannouer ang pakikipag-konsultasyon niya sa mga mag-aaral. Sa kabila ng taglay niyang awtoridad at ekspertisyo ay hindi siya naging diktador ng kaniyang kapritso sa mga mag-aaral na handang sumunod sa kaniya. Sa pakikipagkon-sultang ito ay ipinakita niya sa kaniyang mga mag-aaral na ang isang mabigat responsibilidad upang magtagumpay ay kinaka-ilangan nang pagsang-ayon at pakikiisa ng lahat.

Ang naging pangunahing pangamba ni Cocannouer ay kung makakaya ng mga mag-aaral ang mabigat na gampanin nang pag-igib ng tubig mula sa malalim na ilog patungo sa taniman. Sa sumunod na pagsasalaysay niya sa aktibidad ng mag-aaral sa Indang ay kaniyang inilarawan ang isang kaganapan na kaniyang hinangaan.

The boys seemed interested only in the excitement of the moment. There was Leon in the lead, his two petroleum cans, each can swinging from an end of the pingahan, or stick, which rested on his shoulder. Leon was husky and came up the stone steps without much difficulty. A faithful leader and good to set the pace. How eager he was to get the water up onto his thirsty plot! Stripped to the waist; sweating and whistling, too. I could always count on Leon, and Sebastian and Pedro. They, too, were lifting their ten-gallon load up the steps without too many stops for rest. The long string of smaller boys, though—they were not finding it so easy. I could see that I would have to instruct those younger lads to lighten their loads. Couldn't hope to keep pace with Leon and Pedro and Sebastian and the other big fellows.38

Ibid.38

Ibid. 132-133

151

Page 24: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Ang impresyon ni Cocannouer sa tatlong lider mag-aaral na nanguna sa mabigat na gawain ay hindi niya nalimutan maging ang kanilang mga pangalan – sina Leon, Pedro, at Sebastian. Sa ginawang pagsisino sa mga mag-aaral na ito ay lumilitaw sa pagsasaliksik na sila ay sina Leon Villanueva y Bayot ng Amadeo, Cavite; Pedro Rojales y Sison at Gregorio Sebastian na parehong taga-Indang. 39

Ipinakita rin sa salasay ni Cocannouer na ang nagpasan upang ang intermedia ay maging isang ganap na Farm School ay ang mga mag-aaral. Dahilan sa kapanahunang iyon ay hindi pa mataas ang bayarin sa paaralan, maari nating isa-isip na ang pag-iigib nila ng tubig para sa kanilang inaalagaang mga halaman ang siyang pina-kamabigat na kabayaran sa kanilang pag-aaral.

Mababanaag dito ang katalinuhan at pagiging makatao ni Cocannouer. Ang mga mag-aaral na maliliit na walang kakayahan ay hindi niya hinanapan ng mabigat na pasanin, na katulad ng mga mag-aaral na mayroong kakayanan.

Sinundan ni Cocannouer ang mga mag-aaral na nag-iigib ng tubig hanggang sa taniman at ito ang kaniyang natunghayan:

And then what chattering came from the gardens! I got up and walked towards the section of the garden where we were carrying on our most valuable experiments. Boys were already dishing out the water to their tomatoes and beans and onions—to everything as if that water were the most valuable thing in the world. Speaking the dialect instead of English to each other as they worked—strictly against the rules. I didn't censure them, though. I had more serious things on my mind

39 Ang pagsisino ay kinuha mula sa sa listahan ng alumni ng DSAC-DJ Souvenir 1967. Higit na matatandaan ni Cocannouer ang mga mag-aaral na ito, dahilan sina Leon Villanueva at Pedro Rojales ay hindi lamang naging estudyante ni Cocannouer sa IFS, kundi maging sa UPLB. Sina Villanueva at Rojales ay kabilang sa mga unang mag-aaral na mula sa IFS na nakapagtapos ng Bachelor of Agriculture sa UPLB noong 1920. Sa kaso ni Gregorio Sebastian ay wala pang nakikita ang nagsasaliksik, sa kaniyang ginampanan pagkatapos ng pag-aaral sa paaralang intermedia ng Indang. Basahin ang profile ng mga nagsipagtapos sa intermedia ng Indang sa Kabanata 14 .

152

Page 25: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

just then. The picture of the boys struggling with their loads up that rocky stairway was bothering me a little. Frankly, I didn't like the looks of it. They were delighted now; it was all new and exciting; but when the glamour of if had been submerged in the stark realization that, with all that coil, barely enough water could be brought to the gardens to keep more than a few of the crops alive—what then? Yes, I thought, what then!40

Ang bahaging nilakihan ang mga titik ay nagpapakita ng mapagparayang kaisipan ni Cocannouer sa paraan ng pagpapalitan ng mga kaisipan ng mga mag-aaral. Isang malaking insulto para kay Cocannouer na ang mga mag-aaral ng Indang ay nag-uusap sa isa’t isa sa wikang hindi niya ganap na maunawaan, subalit alam niya na ang mga kaisipan na pinag-uusapan ay higit na makapag-aambag sa kahusayan ng paaralan. Makikita na hindi nagkaroon ng pagsususpetsa si Cocannouer sa ideya na pinag-uusapan ng mga mag-aaral. Ang malayang talakayan ng mga mag-aaral na walang bahid ng anumang paghihinala mula kay Cocannouer ay nagpabukal ng isang dedikadong komitment ng pakikipagtulungan. Ito ang siyang pangunahing susi sa pagtatagumpay ng institusyon sa mga unang yugto ng gawain nito at sa dakong huli ay naglagay sa Indang Farm Scool bilang isa sa mga pangunahing paaralan ng pagsasaka sa Pilipinas sa kapanahunang iyon.

But the boys exceeded my best expectations. We not only managed to keep our most valuable experiments alive during the entire dry season; we secured very satisfactory results from most of them. Day after day, almost from daylight until the torrid sun was far up in the sky; from late afternoon until darkness obliterated the winding stairs from view, a continuous string of water carriers moved out of the canyon and into the demonstration gardens where the precious water was distributed to the plants most in need of it. Even during a long vacation period

40 Cocannnouer (1945:133)Sa pag-mamasid na ginawa ng nagsasaliksik ay lumilitaw na ang lalim ng ilog ng Banadero hanggang sa lebel ng lupa ng intermedia ay tinataya na 75 talampakan. Ang layo naman nito kung lalakarin mula sa ilalim ng ilog patungo sa taniman na nasa lupa ni Don Severino ay na dadaan sa dahilig na daanan ay maaring hangaang 250 metro. Halos nakakalakad ang mag-aaral ng kalahating kilometro sa isang pag-iigib lamang.

153

Page 26: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

when I was away from the school, boys who were in charge of very important projects stuck right to their job. They could understand how much we would lose if we had to start over again each season. The boys did not need to be told that their projects must not fail before their records were complete.41

Ang mga bahaging ginuhitan ng nagsasaliksik ay nagpapakita na ang pagiging responsable ng mga mag-aaral ng IFS ay umani ng paghanga ni Cocannouer. Hindi rin nalimutan na ipinakita ni Cocannouer ang pagtataglay ng mga mag-aaral ng IFS ng inisyatibo at dedikasyon sa kanilang ginagawang pagtatrabaho.

Ang Pagpapanukala ng Irigasyon Para sa Indang Farm School

Alam ni Cocannouer na ang pag-iigib ng tubig mula sa ilog ay isa lamang pansamantalang solusyon. Hindi lamang ang pagtuturo ng wastong pagsasaka ang dapat na maituro sa mga mag-aaral kundi kailangan din na mailagay sa kanilang mga konbiksiyon na ang pagsasaka ay hindi isang napakabigat na gawain at hindi niya ito maipapakita sa mga mag-aaral kung nagtratrabaho sila sa halamanan na parang mga alipin na pabalik-balik sa pag-iigib ng tubig. Sa kabilang dako ay hindi rin niya mapapangasiwaan ng maayos ang isang demonstration farm na ang ginagamit sa pag-iigib ng tubig na sinalok mula sa malalim na ilog ay mga balde ng petrolyo at pang-igib na gawa sa bumbong ng kawayan, kahit na ang mga mag-aaral ay handa para sa ganitong kabigat na gawain. Gayundin, ang mga halaman ay hindi rin masusutinihan ng sapat na tubig upang marating nito ang kanilang malakihang paglago.42

41

Ibid. 42

Ibid.

154

Page 27: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Kinakailangan ng paaralan ang isang maayos na irigasyon sa halamanan. Sa pagbabalak na magkaroon ng irigasyon para sa Indang Farm School naisip ni Cocannouer na ang Ilog Bañadero ay maaring pagkunan ng tubig na kailangan para sa paaralan.

Ang ideya ni Cocannouer ay ipanhik sa lupa ng paaralan sa pamamagitan ng hyraulic ram ang tubig mula sa ilog ng Bañadero. Inamin niya na halos wari siyang isang baliw sa pagnanais na magkaroon ng makinarya ng patubig para sa kapakinabangan ng paaralan. Nagtungo siya sa Maynila upang hilingin kay Direktor White na aprobahan ang kaniyang plano na malagyan ng nabanggit na makina ang paaralan. Ang panukala ni Cocannouer ay tinanggihan ng direktor dahilan sa ito ay magkakahalaga ng P4,000. Sa kabilang dako, nagpadala naman ang direktor sa IFS ng inhinyero mula sa Kawanihan ng Gawaing Bayan, subalit ang pag-aaral ng inhinyero ay nagsasabing hindi posible ang panukala ni Cocannouer.43

43

Ibid.

155

Page 28: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Ang kabiguan ni Cocannouer na makuha ang kaniyang nais na makinarya ang nagtulak sa kaniya para irekomenda kay Direktor White ang pagpapasara ng IFS at ilipat ito sa ibang lokasyon na mayroong maayos na irigasyon.

Sa pagtatapos ng pasukan para sa taong 1911-1912, si Cocannouer ay muling ipinatawag sa Baguio upang magturo ng araling agrikultura sa mga gurong na nagtuturo ng paghahalaman sa mga paaralan sa Pilipinas. Habang nagtuturo si Cocannouer sa nabanggit na lungsod ay higit siyang naging malapit kay Direktor White at sa ganito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na higit na iginiit ang pangangailangan na makabili ng isang hydraulic ram o ganap nang ipasara ang IFS.

One morning I received an unexpected call to the director's office. I had scarcely closed the door behind me when he took my breath away with the announcement: "About that hydraulic ram, Cocannouer. I have decided to let you have it. But listen, that's a lot of money to put into an untried proposition, so you had better make it work!"

"You mean that, Mr. White?" I asked."Yes. I'm tired of hearing about the thing. Get full

details in to me immediately. We'll send the order off to the States without delay—possibly cable it. If the government engineers go on the warpath, I'll sick them onto you!"

156

Page 29: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

I could tell by the twinkle in Mr. White's eyes that I had won him to my side. "I'll have all that dope in your hands in less than an hour,"

I promised eagerly. "I'm not an engineer, but I'll put the proposition across or I'll eat that dam ram with the pipes thrown in!"44

Ang pagigiit ni Cocannouer ay nagresulta ng positibo. Subalit lihim na ibinunyag ni Cocannouer ang tunay na dahilan upang mapasang-ayon niya si Direktor White:

The leading native politicians of the hill country lived at Indang—they would kick up a ruckus if the school were moved. And I went right on insisting that the engineer did not know much about hydraulic rams. He admitted that himself. I was willing to stake my job on making the ram work.45

Mauunawaan na ginamit ni Cocannouer ang isyu nang pagsasara ng IFS bilang isang panakot na opsiyon upang makuha niya ang kaniyang ninanais mula kay Direktor White. Ang pagtatapat na ito ni Cocannouer ay isang indikasyon na alam niya ang pampulitikang importansiya ng Indang sa panahon ng kaniyang panungkulan. Nauunawaan niyang mainam ang kahandaan ng mga mamamayan ng bayan na gawin ang lahat ng pampulitikal na pressure upang manatili sa kanila ang intermedia sa anumang paraan. Sa paggamit niya ng bargaining chip na panukalang pagpapasara sa intermedia ng Indang ay alam niya na ito ay isang malaking isyung pulitikal na maaring kaharapin ni Direktor White.46 Hindi ang kabaitan ni White ang nagpahintulot upang mapaglagyan ng hyraulic ram ang intermedia, kundi ang determinasyon ng isang bayan na handang ipreserba ang isang mahusay na paaralan para sa kanilang mga anak.

44

Ibid. 136-137 45

Ibid. 136

46 Sa pambungad na larawan sa aklat ni Dean Worcester ay makikita ang larawan nina Emilio Aguinaldo at Direktor Croone sa isang taniman. Si Aguinaldo noon ay tinitingnan ng may paggalang ng mga Amerikano sa Pilipinas at si de las Alas ay isa malapit na kaalyado ni Aguinaldo.

157

Page 30: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Pagkatapos nang pagtuturo ni Cocannouer sa mga guro sa Baguio noong bakasyon ng 1912. Nagmadali siyang umuwi sa Indang at inihanda ang isang lupon ng mga mamamayan na tatanggap sa mga darating na kagamitan at makinarya. Inihanda rin niya ang pagguhit ng isang mapa kung saan itatayo ang isang dam sa ilog na pag-iipunan ng tubig, ang lugar na paglalagyan ng hyraulic ram, ang sukat nang kakailanganing haba ng mga tubo, at ang ipunan ng tubig sa itaas ng ilog na sakop ng lupa ng paaralan. Habang hindi pa natatapos ang tag-init ng taong 1912 ay pinasimulan ang konstruksiyon ng dam pahalang sa makipot na leeg ng ilog. Mahalaga ang dam na ito ay maging ganap na napakatibay upang mapagdeposituhan ng maraming tubig na makapagbibigay ng malakas na pressure upang maipanhik ng hydraulic ram ang tubig pataas sa kongkretong tangke ng tubig na nasa bakuran ng paaralan.

Kritikal ang konstruksiyon ng dam at naging maingat si Cocannouer sa pagpili ng mga manggagawa para sa proyekto. Sinuyod ng kaniyang mga kasamang guro ang mga pamayanan ng Indang sa paghahanap ng mga manggagawa na may kasanayan sa paggawa ng istrakturang bato. Dahilan sa nalalapit na pagdating ng tag-ulan ay dinoble ang dami ng mga manggagawa at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho hanggang sa gabi sa tulong ng liwanag ng mga sulo. Maraming pang mga kinakailangang magawa upang mailagay nang madalian ang ang malaking pantukod sa harapan ng dam na siyang magsasanggalang dito upang huwag magiba sa malakas na agos ng tubig.

158

Page 31: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Kabutihang palad na ang Indang ay pinagpala sa dami ng uri ng mga kahoy gubat na tumitigas na katulad ng bakal kung napapalubog sa tubig o putik. Sa ganito ay wala silang anumang kinatakutan na ang mga kahoy na ito ay mabubulok kapag nakumpleto ang kabuuang balangkas ng dam. Ang mga troso sa dam ay naikamada nang maayos sa mga tamang lugar bago sumapit ang unang pagbaha na nakapag-alis ng kanilang pangamba. Ang sumunod na ginawa ay ang pagtatambak ng mga bato at lupa sa pagitan ng dalawang pader na troso ng dam. Hindi rin naging suliranin ni Cocannouer ang karagdagang mga manggagawa rito, ang mga taong bayan na nag-uusisa sa konstruksiyon ay nakitulong sa paggawa kahit sa gabi na walang hinihinging kabayaran. Inaasahan lamang ng mga ito na mapanood kung papaanong ang tubig mula sa ibaba ng ilog ay aagos ng paitaas.47

Sa pagsusuri sa salaysay ni Cocannouer ay malinaw na nailarawan niya ang kabuuan ng proseso sa pagkakagawa ng dam sa malalim na ilog sa gilid ng paaralan. Matatasahan rito na ang pagtatagumpay ng proyekto ay nakasalig sa mga sumusunod: Ang pagkakaroon at partisipasyon ng mga bihasang manggagawa, ang ispiritu ng boluntarismo ng karaniwang mga mamamayan, at ang masaganang likas na yaman ng Indang na naging mapag-paubaya sa mga kinakailangang materyal para sa konstruksiyon ng dam na magiging sandigan ng isang matagumpay na paaralan ng agrikultura sa Pilipinas magmula sa kapanahunan ni Cocannouer hanggang sa kasalukuyan.

47

Cocannouer 1945:137-138

159

Page 32: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Taong Pampaaralan 1912-1913

Nagbukas ang taong paaralan na ang higit na iniisip ni Cocannouer ay ang paghihintay sa pagdating sa IFS ng mga kagamitan at makinarya mula sa Amerika. Labis na ikinababahala niya ang panahon ng tag-ulan na maaring makaantala ng malaki at makapagpahirap sa paglilipat ng mga mabibigat na kagamitan. Dumating ang makinarya at mga kasangkapan sa terminal ng tren sa Naic, kasabay sa pagdating ng bagyo. Nagkasundo sina Cocannouer at mga nagdadala ng mga kalakal na ipanhik sa Indang ang mga malalaking tubo ng tubig. Ang pinakamalaking problema ay ang paglilipat ng napakalaking hydraulic ram na magiging napakabigat upang ilagay sa kariton na hinihila ng kalabaw, kahit na ito ay idaan pa sa isang magandang kalsada.

Sa panahon ng tag-ulan ang Naic-Indang Road ay mistulang mahabang lubluban ng kalabaw, walang sinuman na naniniwala na maaring ilipat ang hydraulic ram hanggang hindi natutuyo ang kalsada. Sa ganito, nagpasiya si Cocannouer na gumawa ng isang ispesyal na paragos upang pagsakyan ng hydraulic ram. Ang ipinagawa niyang paragos may kakayahan na maaring makapagdala ng isang elepante at makakadaan sa maputik na kalsada ng hindi nasisira o ganap na nalulubog sa malalim na butas ng putikan.48

48

Kinunsulta ng nagsasaliksik si Dr. Sotero Lasap ukol sa posibilidad ng

160

Page 33: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Sumapit ang araw ng paglilipat ng mga kagamitan mula sa Naic papanhik ng Indang. Ang unang inilipat ay ang mga malalaking tubo ng tubig. Nagsimula nang maayos ang paglalakbay mula sa Naic, subalit ang bigat ay nagsimulang mag-alboroto ang mga kalabaw at mag-ekis ang kanilang mga lakad at palagiang mahulog at nangagulungan ang mga malalaking tubo sa maputik na daanan. Sa ganito tinataya ni Cocannouer na umabot ng 36 na oras ang pagdadala ng mga malalaking tubo ng tubig tungo sa Indang.49

Pagkatapos ng isang araw na pagpapahinga, hinarap ni Cocannouer at ng kaniyang mga kasama ay ang paglilipat ng hyraulic ram na kaniyang direktang ipinagkatiwala sa mga kasamahang guro sa paaralan.50 Ang kaniyang nais na harapin

disensyo ng ispesyal na paragos na maaring ginamit ni Cocannouer sa paglilipat ng hydraulic ram mula Naic hanggang Indang. Gumawa ng guhit si Dr. Lasap at mula sa kaniyang guhit ay mababatid na ang disenyo ay higit na itinulad niya sa paragos na ginagamit sa Kabisayaan, kung saan si Cocannouer ay unang naitalaga na supervising teacher.

49 Cocannouer 1945:135-13750

Ibid.

161

Page 34: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

na lamang ay ang paglalagay ng mga silungan sa iba’t ibang lugar sa kahabaan ng Naic-Indang Road upang maging pansamantalang pahingahan ng mga tao at paglalagyan ng deli-kadong maki-narya. Hindi nagtagal, muli siyang direktang napalahok sa gawain ng pag-lilipat ng maki-narya. Naging mabagal ang paglilipat, hindi dahilan sa bigat ng makinarya, kundi ang umubos ng oras ang pagtatabon sa malalim na butas ng putik sa kalsada na parang mga balon sa lalim. Sa pagkakataon na ito, ang hindi pagkagusto ni Cocannouer sa kalabaw ay nawala at kaniyang pinasamalatan ang pagiging matiyaga ng nasabing hayop. Nakarating din sa Indang ang mahalagang makinarya at ang presidente ng Indang (na si Simeon Coronel) ay naghanda ng isang ispesyal na piyesta para sa pagdating ng makinarya. Subalit wala ng pagkakataon si Cocannouer na makibahagi pa sa kasayahan, ang kaniyang higit na gusto ay ang matulog.51

Sa pagdating ng makinarya sa IFS ay pinasimulan ni Cocannouer ang instilasyon nito sa ilog na pinagtayuan ng dam. Sa kaniyang pag-amin, ang bahaging ito ang pinakamahirap. Hindi tinulugan ni Cocannouer ang gabi ng bisperas ng pagbubukas ng patubig at binaba pa niya ang ilog ng Bañadero na dala ang lente, para sa huli at kritikal na pag-iinspeksiyon. Nakita niya na ang dam ay ganap ng natapos at napupuno na ng tubig at ang malaking tubo na nakalubog sa kalaliman ng ilog na nasasakupan ng dam – at nakiusap na sana ay gumana ito.52

Sa kinaumagahan, karamihan ng mga mamamayan ng Indang ay naka-ipon sa paligid ng pampang ng ilog, ilang oras pa, bago pasimulan ang pagbubukas ng patubig ng paaralan. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalinlangan at nangangamba si Cocannouer na mabigo ang proyekto dahilan sa ang nakataya ay ang kaniyang reputasyon sa mga mamamayan ng Indang. Sinenyasan niya ang kaniyang kasamang guro at isang mahabang sandali ng katahimikan, na sinundan ng malakas na pagbuga ng tubig na lumabas sa dulo ng tubo, at ang katahimikan ng mga nanonood ay napalitan ng malakas sigawan. Ang marami sa kaniyang mga mag-aaral ay nanatili sa ipunan ng tubig sa itaas at hinayaan na mabasa sila ng tubig.53

51 Ibid.52

Ibid.

53 Ayon sa pagsasalaysay ni Mr. Gil D. Ramos ay kaniya pang natatandaan na ang labi ng istratura ng matandang ditch sa itaas ng paaralan ay nahukay noong siya ay nag-aaral pa nang hayskul sa

162

Page 35: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Dahilan sa katuwaan ng mga tao, naramdaman na lamang niya na siya ay binubuhat ng mga ito sa kaniyang tinitirhang kubo. Sa kabila ng tagumpay ni Cocannouer na mailagay ang isang sistema ng irigasyon sa paaralang intermedia ng Indang ito ay nagkaroon ng isang masakit na kapalit.

I had been forced to surmount were at times almost superhuman. But every hour during all those trying weeks I seemed to hear the voice of my mother encouraging me: ''Do not be thwarted by your difficulties. You will win!" Possibly I did hear her voice in reality, for only a short time after the water was flowing over the school farm I received word of my mother's death.54

Mga Bagong Suliranin

Ang irigasyon ay hindi sapat para sa buong paaralan, subalit sapat upang diligin ang halamanan. Sa ganito ang halamanan ng mga mag-aaral sa pagsapit ng mga panahon ay

DSAC noong mga huling taon ng Dekada 70.

54 Cocannouer 1945:141-142. Sa panahon ng panunungkulan ni Cocannouer ay namatay ang

kaniyang ina. Ayon sa ginawang pagsasaliksik, ang ina ni Cocannouer na si Margarett ay namatay noong 1914, subalit sa salaysay ni Cocannouer ay parang magkasunod lamang na kaganapan. Ang bahaging ito ang nag-uudyok sa nagsasaliksik na maging maingat sa pagtrato sa kaniyang aklat sa aspekto ng mga kronolohiya ng mga kaganapan at itugma ito sa mga opisyal na ulat na kasabayan sa panahon ng panunungkulan ni Cocannouer sa IFS.

163

Page 36: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

naging luntian kahit na sa panahon pa ng tag-init. Sa kabilang dako, ang masaganang pananim sa halamanan ay nagsilbing palagiang tukso para sa mga ligaw na baboy na hinaharangan naman ng bakod na alambre ang kanilang mga pagnanasa. Ang mga unggoy na nagigiit na ipagpatuloy ang kanilang pagbu-buwis sa halamanan ay nabawasan dahilan sa pagbabantay ng mga mag-aaral na nagtataboy sa mga ito.

Sa pagkakaroon ng irigasyon, ang mga mamamayan sa tabi ng paaralan ay hindi makapigil sa tukso na punuin ng tubig ang kanilang mga balde at igibang bumbon mula sa irigasyon, kaysa sa bumaba at umigib sa ilog na kanila ng nakagawian magmula pa noong kauna-unahang panahon. Pinayagan ni Cocannouer ang pag-igib ba iyon, subalit tinutulan ng kaniyang mga mag-aaral. Dahilan sa nasisira ang tangkeng ipunan na kanilang palagiang kinukumpuni. Tinigilan ni Cocannouer ang pribilehiyo ng pagbibigay ng tubig, maliban sa mga itinakdang oras, kung saan puwede silang bantayan ng mga mag-aaral. Subalit hindi naman ito nakaligtas sa pagkuha ng tubig sa gabi, at karaniwan na sa paggising sa umaga na makita na sira ang ipunan at ang tubig ay umaagos sa lupang walang tanim.55

Negatibo ang naging pagsasalaysay ni Cocannouer sa pagkuha ng walang paalam ng mga mamamayan ng Indang mula sa irigasyon ng paaralan. Sa kabila nang pagka-irita ni Cocannouer sa pag-uugali ng mga taga-Indang ay hindi niya nauunawaan na ang mga kumukuha ng tubig mula sa tangke ng irigasyon ay nagsisimulang damahin ang konbinyensiya ng unang sistema ng patubig sa kanilang lugar. Ang proyektong patubig ni Cocannouer ang naging basehan upang pasimulan ang patubig publiko sa poblacion ng Indang sa panahon nang manungkulang bilang presidente si Clemente Mojica noong 1917-1922 at ang Indang ang isa sa mga unang bayan sa labas ng Kamaynilaan na nagkaroon ng sistema ng patubig na inihahatid sa mga bahay sa pamamagitan ng mga tubo.56

Mga Mahalagang Aktibidad ng Paaralan sa Taong Pampaaralan ng 1912-1913

55 Cocannouer 1945:143

56 Panayam: Isaan Mojica Jr. Sa pagtatanong ng nagsasaliksik sa iba pang mga matatanda sa bayan ay kinukumpirma na ang unang sistema ng patubig pampubliko na ginamit sa Indang ay ang hydraulic ram na katulad ng binili ni Cocannouer para sa IFS.

164

Page 37: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Sa unang taon pa lamang nang pangangasiwa ni Cocannouer sa intermedia, pinasimulan na niya ang kaniyang isang hindi simulado ngunit agresibong proyekto para sa paaralan - ito ay ang magkaroon ng pangkapuluang katanyagan. Isa sa naging susi sa pagsisimula ng pangkapuluan katanyagan ng paaralan ay ang pagkakaroon ng isang principal na kinikilala sa buong Pilipinas ang ekspertisyo sa agrikultura at kahusayan sa pagsusulat.

Sa taong 1912 ay nirebisa ng Kawanihan ng Edukasyon ang Education Bulletin No. 3157 upang ipalathala sa susunod na taong pampaaralan. Ang bulletin na ito ang siyang nagsisilbing textbook sa paghahalaman sa buong Pilipinas. Sa paghahanda ng proyekto ay kabilang si Cocannouer sa mga aktibong naghanda at kagawad ng lupon para sa panghuling burador ng mga manuskrito ing textbook na rito ay ipinakilala siya bilang principal ng Indang Farm School.

Sa nasabing taon ay nagsimulang ilathala ng Kawanihan ng Edukasyon ang buwanang babasahin na The Philippine Craftsman na magsilbing dyornal ng mga kaganapan at talakayan sa larangan ng edukasyong industriyal at bokasyonal. Sa magasing ito si Cocannouer ay isa sa mga masugid na kontributor. Sa isyu ng dyornal na lumabas noong Enero 1913 ay nagpadala siya ng dalawang maikling lathalain na pinamagatang Protecting Planted Sweet Corn Against Ants at Second Seed Bed for Garden Plant na naglalaman sa pamamaraan at mga kaganapan sa pagtatanim ng sari-saring gulay sa loob ng paaralan. Matitiyak na ang kaniyang layunin sa kabila ng pagtuturo sa mga mambabasa ukol sa tamang pagtatanim ay

57 Ang Bulletin No. 31 ay unang inihanda ng lupon na kinabibilangan ni Cocannouer noong 1910. Sa pagsasalaysay ni Cocannouer ay hindi niya maitago ang kaniyang magkahalong tuwa at inis noong isulat niya noong 1910 ang kaniyang bahagi para sa nasabing textbook na tumatalakay sa pagtatanim ng mais. Ito ay dahilan sa nang ipa-edit niya ang kaniyang bahagi sa supervisor ng Ingles ay higit itong naging aklat na pang-literatura kaysa pang-agrikultura.

165

Page 38: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

higit ang ipakilala ang paaralan sa mga mambabasa sa kapuluan.

Ang Proyektong Cooperative Farm

Ang taong pampaaralan ng 1912-13 ang siyang pinakalundo ng mga pagsisikap ni Cocannouer. Pagkatapos na maisaayos ang programa ng pagtuturo ng agrikultura at ang sistemang irigasyon, isinunod ni Cocannouer ang pagsasakatuparan ng programa ng Kawanihan para sa paaralang nagtuturo ng kurso pang-agrikultural sa Pilipinas – ang pagtatayo ng serbisyong ekstensiyon sa anyo ng cooperative farm.58 Naging masigasisg si Cocannouer sa pagpapatupad ng programang ito dahilan sa sinasabi niyang ito ang kaniyang pangarap noon pa man siya ay nagturo sa pook rural sa Oklahoma.

Sa proyekto, ang mga mag-aaral ay lalabas ng paaralan at makikipagtulungan sa mga magsasaka sa mga karatig na pamayanan. Magsimula ang pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga di karamihang mga halaman tulad ng mga pagkaing ugat, patani, kalabasa at mga gulay. Ang mga bukid ng mga magsasaka ng Indang ang siyang magiging sukatan ng natutunan ng mga mag-aaral sa pagsasaka.59 Ang mga magsasaka na kabilang sa programa ay kinakailangan na maging kasang-ayon sa mga ipasusunod na direksiyon sa pagtatanim ng mga partikular na halaman para sa kanilang halamanan at ang paggamit nito bilang regular na bahagi ng kanilang pagkain, at maaring maipagbili ng magsasaka ang labis na produkto.60

Naging bantulot sa una ang mga magulang ng mga mag--aaral. Tinitingnan pa rin ng mga ito ang paaralan bilang lugar na pagtatamuhan ng kaalaman ng kanilang mga anak upang makuha ang mga ito nang maayos na trabaho at ang paaralan ay hindi para gawing magbubukid ang kanilang mga anak. Upang maipatupad ang programa, ginawa ni Cocannouer na pinakamahalagang requirement para makapagtapos ng kursong intermedia ang sinumang mag-aaral na lalaki sa IFS, ang

58 Ang pagpapasimula ng mga cooperative farms ay bahagi ng rekomendasyon nina Cocannouer na mababasa sa Report of the Commitee on Garden and Farms. The Teachers' Assembly Herald - June 11, 1912

59 Cocannouer: 1914

60 Cocannouer 1945

166

Page 39: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

pagkakaroon ng cooperative farm na kanilang pangangasiwaan. Ginamit ni Cocannouer ang pamamaraang ito ay dahilan sa batid niya na ang isa sa katangian ng mga magulang sa Indang ay kahandaan na magsakripisyo para sa isang napakadakilang karangalan – ang magkaroon ng anak na nagtapos ng pag-aaral.

Sa ganitong paraan naipatupad ni Cocannouer ang programang cooperative farm kung saan ang mga batang lalaki na mayroong pisikal na kakayahan ay dapat na magtagupay na makapangasiwa ng dalawang cooperative farm sa kanilang mga baryo upang makatanggap ng diploma. Ang isa sa bukid na kanilang hahawakan ay ang pag-aari ng kanilang mga ama at ang isa ay sa ibang tao na wala silang anumang relasyon. Sa mga cooperative farm na ito ay kinakailangan muna na may pahintulot si Cocannouer bago pasimulan ang proyekto – dahilan sa tinitiyak niya na ang proyekto ay eksistido at hindi gawa-gawa lamang.

Sa pagsasakatuparan ng proyektong cooperative farm, hindi na bumangon ang anumang antagonismo ng mga magulang ng mga mag-aaral ng IFS. Ang ibang magsasaka naman ay ay nagkaroon din ng interes na makilahok nang malaman nila na ang mga binhi o punla ay magmumula sa paaralan at ang ani ay magiging sa kanila. Higit pa itong naging katanggap-tanggap ng kanilang malaman na si Cocannouer

167

Page 40: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

mismo ang personal na mangangasiwa sa gawain ng mga mag-aral sa kabuuan ng operasyon ng proyekto, dahilan sa nagkakaroon ang mga magsasaka ng pagmamalaki na ang kanilang taniman ay isa sa kaniyang pinili. Ang naging suliranin naman sa ganitong kaayusan ay maraming mga magsasaka sa Indang ang nag-presenta upang maging kabahagi ng proyekto at ang mga mag-aaral ay napilitan na kumuha ng lampas sa dalawa. Subalit hindi na niya pinalampas ito sa kaukulang kota, dahilan sa kaniya ay mahalaga ang kwalidad ng proyekto at ang pagkakaroon ng higit ay makakasira rito.

Sa pagsasalaysay ni Cocannouer sa kaniyang karanasan sa Indang ay kaniyang inilarawan ang paraan ng paghahanda para cooperative farm sa ganitong paraan.

Every farm accepted was carefully mapped and plotted, and, as already stated, worked out to suit the interests of the farmer in every possible detail. Our invariable goal was to improve what the farmer already had or was doing. It did not require a large number of acres to demonstrate the right way of doing a thing. Also we had to consider the crude implements employed by farmers who still followed the methods of their remote ancestors.61

Sa proseso ng proyektong cooperative farm ay nakita niya ang unang bunga ng pagtatagumpay na naranasan ng mga magsasaka sa Indang.

Often farmers requested the privilege of trying out new crops, and I approved this when I thought conditions were favorable. I recall one project in particular where the farmer insisted on growing American tomatoes, though it was well known that the natives did not care for them. I finally approved the project, and we provided the man enough plants of the ponderosa variety to plant about half an acre. The ponderosa was the largest of all tomatoes, and I had seen huge ones in my time, but nothing to compare with what this farmer grew on his tomato project. The soil was a volcanic ash, especially suitable for vegetables, and tomatoes in particular. The plants grew vigorously and produced loads of fruit, many as large as dinner plates. When I

61

Ibid.

168

Page 41: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

inspected them I could hardly believe my eyes. The man had actually grown tons of tomatoes.

This farmer had a considerable market for his green tomatoes, but the ripe ones rotted on the ground. The natives would not eat the ripe tomatoes. Yet the farmer was enthusiastic and happy over his results. "I think I all time grow American tamatoes!" he told me pridefully. "Too big! All same calabasa (squash). I grow big tomatoes and my woman sell in market."62

Sa bahaging ito ay ipinapapansin ng nagsasaliksik na sa mga unang taon pa lamang ng Indang Farm School ay naipakita na nito ang kaniyang kahalagahan. Nagsilbi na itong sentro sa pagsasaliksik at pagpapaunlad ng mga binhi ng halaman na itatanim ng komunidad. Ang proyektong cooperative farm ay siyang unang anyo ng serbisyong ekstensiyon ng paralan para sa mga mamamayan. Mga unang hakbang na nagpakilala sa komunidad sa kahalagahan ng paaralan sa aspektong pangkabuhayan at sa pagsusulong ng makabagong paraan ng pagsasaka sa Indang at mga karatig bayan.

62

Ibid.

169

Page 42: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Basahin ang salaysay ni Cocannouer ukol sa naging epekto ng ccoperative farm sa mga magsasaka ng Indang na nakibahagi sa proyekto.

Every farmer demanded the privilege of growing the Indang corn which we were developing in the school. Even before we were far along with the experiment, I was obliged to permit the boys to plant the corn as a part of their projects. While these people were not ready to give corn the same place as rice in their diet, they found the Indang corn, when roasted in the ashes with the husks on, almost as delicious and nourishing as their rice. It was also excellent for meal and easy to grind. This pleased the women who had to do the grinding. The pigs and chickens went for it, and in most cases it gave very nattering yields. The farmers chortled over the ease with which they could fill their baskets at harvest time. The fact that weevils were also fond of the new corn did not dampen their enthusiasm very materially.

Many were the nights when I sat with a group of friends around a campfire in the jungle and waited for the steaming ears to roll out of the ashes. Then we would remove the hot husks, and with only a little coarse salt for seasoning, enjoy a feast.

And those feasts always meant more to me than they did to my brown-skinned companions. Every ear was the fruit of an idea; an idea that had borne fruit because necessity demanded it. The natives in that district were discovering for the first time that corn could be a worthy article of food, second only to their rice.

I always attempted to distribute our co-operative farms as well as possible throughout the community. Only in this way could we bring the new ideas about farming to the greatest number of people. This increased my own work materially on my inspection trips, but I had a corps of loyal assistants at the school and never needed to worry about affairs at the home station when I was away. Often I would be

170

Page 43: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

absent for days at a time, visiting with the farmers and discussing their problems with them.63

Sa mga magbabasa ng autobiograpiya ni Cocannouer ay hindi maiiwasan na makaramdam ng pagka-irita sa kaniyang paggamit ng salitang native sa patungkol mga Pilipino, partikular sa mga mamamayan ng Indang. Ito ay bahagi ng umiiral na paniniwala ng mga Amerikano sa superyoridad ng kanilang lahi sa ibabaw ng lahi na kanilang ginapi sa digmaan at ng kanilang paniniwala na naririto sila sa Pilipinas para sa kanilang “dakilang misyon” nang pagbibigay ng sibilisasyon sa mga Pilipino. Subalit sa kabila ng pagkakaroon ng ere ng superioridad ay nandoon din ang kaniyang hindi maitatangging paghanga sa mga magsasaka ng Indang katulad ng isa sa kaniyang isinalaysay:

There was old Lukban, a great hunter and a good farmer besides. Lukban was an exception, he was always eager to leam new things. I remember that his project was located on a rich spot near the mouth of a canyon. Hogs were always bad in such places, but he had several vicious dogs that kept the hogs under control. And his corn and squashes were wonderful to behold. He also insisted on trying out most of the new strains of upland rice which we had introduced. Lukban was a burly chap who never had much use for clothing. I liked to visit with him. He could roast pumpkin in the ashes in a way that I really liked.64

Ang Pataba sa Lupa

Sa bahaging ito ay sisipiing nang buo ang karanasan nina Cocannouer at ng kaniyang mga mag-aaral sa Indang sa paghahanap ng pataba upang makita ang naging mahalagang ugnayan ng paaralan at simbahan ng Indang.

The securing of fertilizer for our special plots was always a serious problem for us, too. Commercial fertilizer was out of the question, and there were no bam lots from which to salvage even a small amount of animal manure. The boys did from time to time

63

Ibid.64

Ibid.

171

Page 44: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

gather the dung from the pasture, but that never came in sufficient quantity to go very far. Although I taught native farmers that their rich soils scarcely needed manure, I could show them its value on a demonstration farm, particularly in growing a few products for special display. One day the boys came to me with the joyful news that they had discovered a veritable gold mine of manure. They had found that the bat roost in the old church tower contained loads and loads of manure that had been collecting there for ages. Everybody knew that the bats made their home in the belfry of the church, but this was the first time anyone had thought of raiding their lair for the dung. Without delay I secured permission from the priest for the boys to clean out his tower—something that had not been done since the beginning of time.

And that tower did indeed prove a storehouse of manure. Every day for several days the boys raided the belfry, bringing to the farm many baskets of the stuff. Then one day the lads came home empty handed. Their complaint was that the priest had summarily routed them out of his church tower. I could see no reason why the father should object to the belfry's receiving this much-needed cleaning. Very decidedly suspicious, I hurried to the rectory. And I found the maddest priest who had ever donned the robe, for ample reason, too. In a mixture of Spanish and Latin and dialect, the angry padre spent several minutes explaining to me how those muchachos had brought to him the greatest disgrace that had come to him since he had been the spiritual guardian of his people.

To my amazement and chagrin, I learned that the boys happened to be at work in the tower just as a funeral procession from one of the barrios happened to enter the churchyard. The corpse, as was customary at the time, was wrapped in a mat and fastened to a long pole, each end of which rested on the shoulder of a carrier. When the bearers started through the church door, a basket of bat manure came tumbling down upon them. The priest, being somewhat behind, escaped the shower. "Only the

172

Page 45: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

God protected my sacred robe!" he told me, almost weeping.

Naturally there wasn't a thing I could do about it, though the good father continued to insist that I atone in some way for the insult to his dignity. I did make a precense of censuring the boys, but I couldn't do that with a straight face. There was absolutely no doubt in my mind that the native lads had upset the basket of manure intentionally. The temptation had been too great. And in their yielding to that temptation they had caused us to lose a great deal more than the corpse, which, I trust, came to a deserving rest after a belated burial.65

Naging mahalaga ang papel ng simbahan ng Indang dahilan sa ito ang pinagmulan ng panustos ng natural na abono para sa ispesyal na proyektong halaman ng paaralan. Sa salaysay ni Cocannouer ay masasalamin ang katutubong kapilyuhan na bunga ng kabataan ng mga ng mga mag-aaral ng IFS at ipinasilip din niya sa atin ang matandang paraan ng paglilibing sa Indang sa taong 1910’s.

Maliban sa panustos ng pataba na mula sa kampanaryo ng simbahan ay ipinakilala ni Cocannouer ang isa sa maaring 65 Cocannouer 1945:154-155

173

Page 46: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

pagkunan ng pataba na kaniyang unang iniakma upang pag-aralan at ituro sa mga mag-aaral at magsasaka ng Indang.

One of our most valuable demonstrations on the school farm was that showing the value of turning green crops into the soil. Farmers were decidedly skeptical about this at first. They had not yet come to recognize the true value of the farm below the surface. I remember that we chose for the spot of our experiment a rocky area that was so poor it was practically barren even in the rainy season. We dug this up and planted a hardy variety of native bean in it. Our first crop didn't amount to much, but I had the boys chop up the few vines and work the stuff into the soil. We followed with a second crop of the same kind. This gave a greater yield and was also turned under. The third planting grew like a matted carpet. After working this mass deep into the earth, we followed with Indang corn. This gave the best yield ever harvested from any part of the school farm.

The boys were about as much amazed as were the farmers. From then on there were not many co-operative farms that did not have at least a small area that was made richer by chopping bean vines into the soil. I remember how delighted one farmer

174

Page 47: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

was on finding that he got much better squashes on land that had been previously fertilized with bean vines.66

Mahalaga ang natuklasan na ito ni Cocannouer na nagmula sa kaniyang naunang ginawang pag-aaral sa loob ng IFS. Ilang taon matapos na lisanin ni Cocannouer ang paaralan at nagturo sa Kolehiyo ng Agrikultura sa UPLB ay kaniyang ipinagpatuloy ang pag-aaral ukol sa pagamit ng legume bilang natural na pataba sa lupa. Ito na rin ang kaniyang naging thesis sa araling masteral sa UPLB at ang kaniyang unang siyentipikong papel na nalathala sa Philippine Journal of Science.67

Iba Pang Mga Aktibidad sa Indang Farm School

Sa pagkakaroon ng maayos na pagtuturo ng agrikultura sa mga mag-aaral ng IFS ay tumiyak na ang paaralan ay magiging isang sentro ng pananaliksik para sa pagpapalakas ng produksiyon ng pagkain. Dalawang beses sa bawat taon, ang paaralan ay nagsasagawa ng fair kung saan itinatanghal ng mga mag-aaral at mga kasamang magsasaka sa cooperative farm ang kanilang mga inaning pananim. Ang karibalan sa fair ay naging mahigpitan at nagresulta upang maitanghal ang pinakamahusay na exhibit. Ang aktibidad na ito ay dinadaluhan ng maraming mga tao mula sa Katimugang Cavite, upang malaman ang magiging desisyon ng mga hurado. Ang pinakamahusay na produktong ani ay ipini-prepreserba at inilalahok sa pang-insular na exhibit sa Maynila. Binabanggit ni Cocannouer na ang pagkapanalo ng ribbon ng mga mag-aaral ay higit nilang pinahahalagahan at pangalawa lamang ang isang pares ng sapatos na gawa sa Amerika.

66

Ibid. 155-15667

Para sa kabuuang pananaw ni Cocannouer ukol sa legumes bilang pataba sa lupa ay maaring basahin ang kaniyang artikulo na Test of Some Imported Garden Legumes sa Philippine Journal of Science (olume 13, 1918) p. 67-96.

175

Page 48: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Isa sa mga isinalaysay ni Cocannouer na kaganapan sa panahon ng kaniyang pamumuno sa IFS ay ang pagdaraos ng ang mga naging kaganapan sa idinaraos na fair:

Our school fair was strictly our own invention. While we did have our parades and games and a few other activities that generally go with fairs the world over, our chief object was to show what we had accomplished on our co-operative farms. Each boy had his own booth, which he and his farmers constructed out of palm leaves and other greenery. The competition was furious, each boy and his co-operating farmers striving to outdo all others.

Exhibits were always judged on both quality and quantity, as well as on the attractiveness of the display. Food value of the products always received special consideration. Most of the boys invariably displayed part of their products cooked and temptingly arranged for serving. These they passed out to visitors, all of whom were eager to try the samples. My own cook was in such demand during fair time that I was lucky to get any regular meals at all. The fairs tied the community even more firmly to the school. People knew that the products had been

176

Page 49: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

grown under the direction of boys who were studying agriculture. We always aimed to have something especially interesting going on on the school plots at fair time; something that would make the farmer wish to come back in order to learn more about it. I tried to make the farmers feel that the school was ever their source of information. And they did return in a way that was a gratification to me. Our persistent and insurmountable obstacle was that we were never able to take care of all the farmers who were eager to join our band of co-operatives.

Ang mga mag-aaral ng paaralan na nakaabot pa kalagitnaan ng Dekada 80 sa nakalipas na siglo ay makaka-relate pa sa paglalarawan na ito ni Cocannouer ukol sa fair sa paaralan.

Taong Pampaaralan 1913-1914

Ang Shop ng Indang Farm School

Ang paaralang intermedia ng Indang sa kabila ng katanyagan nito sa pagsasaka ay hindi rin nagpapahuli sa larangan ng araling industriyal. Tandaan na bago pa man magsimula ang intermedia sa Indang ay kinilala na kahusayan ng isang hindi kilalang mag-aaral nito sa paggawa ng mga proyektong pang-industriyal na napagkalooban ng medalyang tanso sa ginanap na St. Louis Exposition ng 1904. Nakatulong din sa pag-unlad ng kaalamang pang-industriya si Henry Wise, dahil bago siya malipat sa Indang, ang paaralan na pinangangasiwaan nito sa Bacnotan, La Union ay nagtamo ng medalyang pilak sa St. Louis Exposition ng 1904.

Ang programa para sa shop work ay higit na pinagtibay ng Intermediate Curriculum of 1909. Itinatadhana ng nasabing programa na ang mga mag-aaral na nasa kursong pagsasaka ay pinaglaanan ng oras para sa shop work na nakasentro sa mechanical sketching, carpentry at blacksmithing. Ang pagtuturong ito ay naglalayon na ang mga mag-aaral ng paaralang naka-sentro sa kaalamang agrikultura ay magkaroon din ng iba pang mga praktikal na kakayahan na kinakailangan sa aspektong pangkabuhayan. Bago pa man dumating si Cocannouer sa intermedia ng Indang ay hindi na maikakaila na ang paaralan ay adbanse na sa larangan ng shop work at ito ay nakita niya sa mga produkto ng mga mag-aaral na ginagamit nila sa kanilang tahanan.

177

Page 50: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Ang isa sa proyekto ng shop ng IFS na nagkakaroon ng katanyagan sa labas ng Indang ay ang muebles Indang.. Ang artikulong ito ay unang naitanghal sa Insular Exhibit noong 1912. Pansinin ang pag-uulat ng magasin ng Kawanihan ukol sa potensiyal ng muebles Indang.

The lapnis-covered bamboo furniture is another new articles in the industrial word and has great promise, utilizing, as it does, two otherwise neglected materials, small bamboo and unstripped hemp.68

Nakakalungkot na sa kabila ng maayos na gawa ng mga mag-aaral ay hindi nabili ang itinanghal na proyektong ito dahilan sa labis na kamahalan.

Noong nagtungo si Cocannouer sa Summer Teachers’ Assembly sa Baguio noong Abril 1913 ay kapansin-pansin sa pahayagang Teacher Assembly Herald na walang lektura na nakalaan para sa kaniya na talakayin para sa buong sesyon ng tag-init. Isang maikling balita lamang ang nagbibigay ng kaalaman sa mga kalahok na siya ay itinalaga sa tanggapan ng direktor para makasama ni Leroy Sawyer para sa paghahanda ng aralin sa bamboo-rattan furniture.69 Ang magkatulong na gawain ng dalawa ay nalathala bilang isang artikulo sa The Philippine Craftsman noong Hulyo 1913. Ito ay pinamagatang Bamboo and Rattan Furniture for Primary and Intermediate Grades. Ang artikulo ay naglalayon na magturo ng pamamaraan ng paggawa ng mga muebles sa mga shop sa mga paaralang sa buong Pilipinas na gawa sa mga lokal na materyal na matatagpuan sa mga lokalidad ng Pilipinas.

Ang kahalagahan ng artikulo para sa ating kapanahunan ay ang ginawa ni Cocannouer na paglalakip ng mga larawan ng partikular na mga plate ng mga plano ng mga muebles na ginagawa ng mga mag-aaral sa loob ng IFS. Ang bagay na ito

68 The Teachers’ Assembly Herald – May 5, 1912.69

The Teachers Assembly Herald – 1913Si Leroy Sawyer ay ang pangkapuluang supervisor ng Kawanihan sa industrial education. Mapapansin na hindi si North Foreman ang kaniyang kasama na siya noong supervisor ng Kawanihan sa paghahalaman.

178

Page 51: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

ang magpapakita sa atin sa kahusayan ng mga mag-aaral sa larangan ng kaalamang industriyal.

Ang ipinakilala ni Cocannouer sa bahagi ng artikulo na nakalaan para sa kaniya ay ang Indang Bamboo-Lapnis Furniture na nakikilala na sa Pilipinas sa tawag na Indang Furniture na ginagawa na nang mga mag-aaral na lalaki sa paaralan ilan taon pa bago pa man malathala ang artikulo. Ang produksiyon ng muebles sa paaralan ay nagsimula muna sa paggawa ng mga silya sa pinaka-payak na anyo hanggang ito ay mapaunlad at magkaroon ng kumplikadong disenyo. Ang pangunahing layunin ng produksiyon ng mga muebles ay ang sanayin ang mga batang lalaki na makagawa ng mga angkop na piraso ng muebles na mayroong mataas na kwalidad na magagamit para sa kanilang mga tahanan.70

70 The Philippine Craftsman July, 1913. p. 13Paliwanag: Ang kawayang isiu na binabanggit ni Cocannouer ay kilala noon sa Cavite bilang usiw (Schizostachyum diffusan Mer.). Halos kawangis din nito ang uri ng kawayang lumampao (Schizostachyum lumampao). Ang kagasanaan ng mga uri ng kwayan na ito ay makikita sa Katimugang Cavite sa pagkakaroon ng pangalan ng mga lugar rito na katulad ng Pulong Usiw sa Amadeo at Lumampong sa Indang. Ukol sa toponomiya ng Cavite base sa mga halaman ay basahin si Dr. Isagani Medina 1994:12-20.

179

Page 52: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Ang muebles Indang na niyayari sa shop ng intermedia ay ginagawa mula sa mga materyales na usiu, rattan, at lapnis. Ang isiu ay isang uri ng kawayan na matatagpuan sa mga matatarik na dahilig ng mga burol at makatanim na magkakasama sa makapal na kinaroroonan. Itinuturo ni Cocannouer ang tamang pagpili, paghahanda, at pagbaluktot sa kawayang isiu na ginagamit na pangunahing materyales sa muebles Indang. Ang rattan ay karaniwan ng alam ng mga mambabasa para ipaliwanag pa. Ang ikatlong materyales ay ang lapnis na tumutukoy sa balat ng tangkay ng abaca. Ang materyales na ito ay na kinokonsiderang basura ng mga magsasaka, subalit maituturing na isang mahusay na pambalot sa muebles na gawa sa kawayan.71

Sa artikulo ay nagpakita si Cocannouer ng mga litrato ng mga natapos na produkto at plate ng plano na iginuhit ng mga mag-aaral ng Indang para sa mga sumusunod na modelo ng silya na ginagawa sa shop ng paaralan:

Model 1 - karaniwang silyaModel 1A - Silyang pambata na magagamit ng mga mag-

aaral sa unang grado.Model 2 – Katulad din ng Model 1 nagkakaiba lamang sa

sukat at mayroong karagdagan mga palababahan. Model 2A – Mataas na silya para mga maliliit na bata.Model 3 – Malaking silya na pabilog na palababahan.Model 3A – Halos katulad ng modelong 3 mayroon

lamang modipikasyon sa likuran.Model 4 – Mahabang upuan na maaring maging kama na

gawa sa kawayan.Model 5- Silyang tumba-tumba Model 5A - Silyang tumba-tumba para sa bata

Maaring ang inilathala ni Cocannouer sa The Philippine Craftsman sa mga makakabasa nito sa ating panahon ay isang karaniwan lamang na artikulong pang-bokasyonal/industriyal. Sa kabilang dako sa pagsusuri ng mga naging programa ng Kawanihan ng Edukasyon pagkatapos na mailathala ang artikulong ito ay makikita sa taunang kalakaran sa pag-uulat ng Director of Education hanggang sa 1920’s ang isa sa pinakamahalagang pinagtuunan ng pagpapaunlad ng kawanihan ay ang pagtuturo ng paggawa ng mga bambo-rattan furnitures. Sa bagay na ito ay hindi matatawaran ang inpluwensiya nang

71

Ibid.

180

Page 53: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

sinulat na artikulo ni Cocannouer na kaniyang nakitang batayan ay ang kahusayan sa paggawa ng mga muebles ng mga mag-aaral sa IFS.

Ang Artikulo Ukol sa Indang Farm School

Sa mga isyu ng dyornal na The Philippine Craftsman magmula sa mga taong 1913 ay nagkaroon ng mga pag-uulat ang mga paaralang nagkakaloob ng edukasyong pang-agrikultura sa Pilipinas. Sa isyu para buwan ng Pebrero 1914 ay nakasama ang artikulong isinulat ni Cocannouer na may pamagat na The Indang Farm School. Sa nasabing artikulo ay isinalaysay ni Cocannouer ang panimula ng paaralan bilang isang insitusyon sa pagtuturo ng agrikultura na nauwi sa pagtuturo ng

181

Page 54: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

general course. Ipinaalam niya sa nasabing artikulo ang kaniyang mga ginawang mga pagbabago, progra ma, upang maging isa itong Farm School mula sa panukat ng Kawanihan ng Edukasyon at higit sa lahat sa pamantayan ng pamayanan na kaniyang kinaroroonan.

Sa pag-aaral ng pagkakasalansan ng mga paaralan na naglahad ng kanilang mga ulat para sa n asabing isyu ng The Philippine Crafstman ay mapapansin ang isang mahalagang bagay – nakasama sa isyu ang dalawang kinikilalang pinakamahusay na paaralan ng agrikultura sa bansa. Ang Kolehiyo ng Agrikultura ng Unibersidad ng Pilipinas na inuulat ni Dean Edwin Copeland at ang Central Luzon Agricultural School na iniuulat naman ni Superintendent Kilmer Moe. Ang pagkakasunod-sunod ng mga paaralan na nag-uulat ay isang bagay na dapat na mapansin.

Villar Settlement SchoolLumbayao Settlement Farm SchoolMailag Agricultural SchoolIndang Farm SchoolCentral Luzon Agricultural SchoolThe Food CampaignCollege of Agriculture

Makikita na pinakahuli ay ang Kolehiyo ng Agrikultura ng UPLB. Sa ganito ay mapapansin ang pinakahuli sa talaan ang siyang mahalaga. Mula sa ibaba pataas ay sumusunod ang Central Luzon Agricultural School, at ang pumpangatlo ay ang IFS. Ang pagkakasalansan na ito ng Philippine Craftsman ay isang tahimik ngunit hayagang pagpapahiwatig sa prestihiyoso katayuan ng IFS sa kapanahunan ng panunungkulan ni Cocannouer.72

72

Isa sa kapansin-pansin sa paghahanay ng mga ulat ng mga paaralan ay pagsingit ni North Foreman ng kaniyang artikulo na the Food

182

Page 55: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Sa bahaging ito ng pag-aaral ay ipinakikita ng nagsasaliksik ang mga panimulang pangungusap ng artikulo ni Cocannouer ukol sa IFS noong 1914.

The intermediate course at Indang was established in 1905, but owing to the necessary to construct the building, no class work was carried on till 1906. The school was originally intended as an agricultural school, and in November 1906, the Director of Education issued a special order declaring it to be an integral part of the provincial school.73

Kung mapapansin ang salaysay na isinaad ni Cocannouer ay hindi tumutugma sa ating mga naunang nabasa. Lumilitaw dito na noon lamang 1906 nagsimula ang tinatawag niyang class work sa paaralan. Maging ang binabanggit nito na ang paaralan ay naging bahagi ng paaralang probinsiyal noong Nobyembre 1906 ay hindi tumutugma sa Bulletin No. 25 na noong 1905-1906 ang Intermedia ng Indang ay hindi lamang bahagi, kundi isang bukod na paaralang panlalawigan.

Kung pag-aaralan ang dahilan ng pagkakamali ni Cocannouer sa tamang taon ng pagkakatatag ng intermedia ng Indang ay mapapansin sa kaniyang naunang pahayag noong una pa man siyang dumating sa bayan at buuin ang IFS na.

I had only the native reports to go by, but whether or not they were colored didn't matter in the least:

Lumilitaw na napakalimitado ng mga papeles na kaniyang pinanghahawakan sa mga unang taon ng paaralan.74 Sa kabila

Campaign. Isa kaya itong anyo ng pang-iinis ni Foreman kay Cocannouer?73

Cocannouer 191474

Sa taong 1903, ang mga gurong Amerikano na naitalaga sa Indang magmula kay C.J. Anderson hanggang kay Henry Wise ay gumanap na mga supervising teacher ng distrito ng Indang. Sa ganito ay nag-opisina sina Anderson at Hawkins sa matandang paaralang Sentral ng Indang. Sa taong 1906 ay may posibilidad nagsisimula nang ilipat ang paaralang sentral sa kaniyang bagong lokasyon at iniwanan na ang matandang escuela ng Indang sa pamahalaang bayan upang maging Health Center. Sa pag-aaral sa naging aktibidad ni Cocannouer sa Indang ay lumilitaw na hindi na niya hinawakan ang katungkulan na

183

Page 56: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

ng historical inaccuracy ng artikulo sa tunay na taon ng pagsisimula ng Intermedia ng Indang, ang artikulo ni Cocannouer ukol sa IFS ay siyang unang komprehensibong pag-uulat ukol sa paaralan na dumaan sa maramihang reproduksiyon ng kapanahunan na iyon.

Tiyakan na nagka-roon ng kopya ng isyu ng The Philippine Crafstman ang Indang. Ang ilang kopya nito ay naingatan sa opisina at aklatan ng paaralan nabasa ng mga mag-aaral at mga sumunod na principal sa kaniya. Sa ganito, masasabing ang artikulong ito ang tunay na dahilan kung bakit nagkamali ang institusyon sa paniniwala na ito ay naitayo noong 1906.

Ang Indang Farm School Sa Insular Exhibit ng 1913

Noong Pebrero 1913, ang Kawanihan ng Edukasyon at ang Kawanihan ng Pagsasaka ay nagsagawa ng isang pangkapuluan exhibit ukol sa pagtatanghal ng mais na nilahukan ng mga piling kinatawan sa lalawigan. Sa nabanggit na pagtatanghal na ito, ang IFS ang kumatawan sa lalawigan sa Insular Exhibit. Ang mais na mula sa Indang na inilahok ng IFS ang umani ng malaking atensiyon dahilan sa di karaniwang laki at dami ng butil. Isa rin sa nilahukan ng IFS ay paglalagay ng isang booth para sa vegetable exhibit kung saan nakatanghal ang mga pananim na gulay na inani mula sa paaralan. Ang booth ng IFS ay nagwagi ng ikalawang puwesto na pinakamahusay na booth para sa nasabing exhibit.75

supervising teacher at hinarap ay ang pangangasiwa sa IFS. Sa mga nabasang kasaysayang lokal ng Mendez, Cavite ay lumilitaw na sa panahon ni Cocannouer sa IFS ang supervising teacher ng distrito ng Indang ay isang Pilipino na si Fernando Matro.

Maari na ang kadahilanan ng kawalan ng papeles ay pagbubukod ng ng paaralang primarya at intermedia sa dalawang magkahiwalay na lugar. Sumunod ay ang kaugalian ng mga Amerikano na maging masinop sa kanilang mga dokumento at iniuwi nila kasama ang mga mahahalagang papeles. Isa sa patuloy na pinagsisikapan ng nagsasaliksik na mahanap ay ang mga papel ng mga unang gurong Amerikano sa Indang na maaring naiingatan pa ng kaniyang mga kamag-anakan.

75 Ang unang puwesto ay natamo ng Batangas Farm School na unang pinangasiwaan ni Cocannouer bago siya malipat sa IFS.

184

Page 57: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

Taong Pampaaralan 1914-1915

Noong 1914, ipinadala ni Presidente Woodrow Wilson ng Estados Unidos, si Dr. Henry Jackson Waters na pangulo noon ng Kansas State Agricultural College upang magsagawa ng isang misyong pag-aaral sa kalagayang pang-agrikultura ng Pilipinas. Isa sa kaniyang pinuntahan at na-obserbahan ay ang Indang Farm School at sa kaniyang pag-uulat ay isinasaad ang ganito”

The Bureau of Education also propagates and disseminates improved plants and animals, conducts farm demonstrations, and cooperates with farmers in making tests of new methods and new crops. At the Cavite Farm School, for example, the Bureau of Education is covering practically all fields of activity of the Bureau of Agriculture. The principal spends much time away from the school, working with the farmers, conducting demonstrations in rice and corn growing, and in teaching the farmers how to improve their poultry. On the school grounds there are numerous experimental plots used for testing the adaptability of new crops to the condition of the province. New strains of corn have been developed at the school and an improved stock of chickens has been brought from China and propagated extensively

185

Page 58: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

for distribution. The Bureau of Agriculture keeps an agricultural inspector in the province, but there is no attempt by the two Bureaus to cooperate or to divide the field.76

Karagdagan pa sa ulat ang mga sumusunod:

If the Philippine Islands were large enough to warrant the establishment of a seperate college of agriculture in each of the provinces, then a strong Insular Department of Agriculture at Manila, properly to correlate the work of all the provincial colleges and experiment stations would be necessary. As far as the College of Agriculture is concerned, however, it would seem to be wiser to continue the policy already entered upon, of maintaining farm schools in the provinces, like the one at Munos or the one at Cavite, and to have one strong agricultural college for the entire Archipelago.77

Sa bakasyon ng 1914, si Cocannouer ay nagkaroon ng mahalagang misyon at ito ay ang samahan si Dr. Waters sa paglalakbay sa China. Naatasan si Cocannouer na humanap ng mahusay na mga manok para sa programa ng pag-aalaga ng hayop sa Indang Farms School.

Sa China ay pinag-aralan ni Cocannouer ang matandang paraan ng agrikultura ng mga Tsino, partikular na ang paggamit nila ng natural na abono mula sa mga dumi ng mga hayop at iba pang mga nabubulok na materyal na nagpapanatili ng katabaan ng lupa nito sa loob ng libo-libong taon. Sa paghihiwalay nina Dr. Waters at Cocannouer ay ipinagtapat ng una ang nalalapit na pagtatapos ng pagiging principal ng huli sa IFS upang bigyan daan ang isang napipintong promosyon.

Sa pagbabalik ni Cocannouer sa IFS ay pinasimulan ng mga mag-aaral ang ang maramihang pag-aalaga ng mga manok na Cantonese upang ito ay paramihin at para ipinamahagi sa mga

76 Henry Jackson Waters. The Development of the Philippines (Manila, Bureau of Printing 1915) 12-13.Ang pagtawag ni Dr. Waters na Cavite Farm School sa IFS ay nagpapakita na importansiya ng paaralan ay hindi lamang para sa bayan ng Indang , kundi panlalawigan. 77 Ibid. 14-15

186

Page 59: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

darating na taon sa iba pang mga paaralang sa Pilipinas na nagtuturo agrikultura, na rito ay nagkaroon ng bahagi ang Kolehiyo ng Agrikultura sa UPLB. Binabanggit ni Cocannouer na ang mga manok Cantonese ng IFS ang unang produkto na naabutan niya na nagmula sa intermedia ng Indang na lumabas sa maraming mga paaralan sa bansa.

Noong Agosto 18, 1914 ay sinulatan ni Direktor Frank Crone ang mga superintendent ng mga dibisyon pampaaralan na maghanda ng mga ipapadalang exhibit para sa gaganapin na Panama-Pacific International Exposition sa San Francisco, California sa taong 1915.78 Sa mga ipinadala ng dibisyon ng Cavite ay napili ang mga gawa mula sa IFS na isa sa ipadala sa pandaigdig na pagtatanghal.

Ang Pag-alis Ni Cocannouer sa Indang Farm School

Hindi binigyang pansin ni Cocannouer ang naging pag-uusap nila sa China ni Dr. Waters ukol sa kaniyang napipintong promosyon hanggang siya ay ipinatawag ni Direktor Frank Crone sa tanggapan ng Kawanihan ng Edukasyon sa Maynila. Doon niya nalaman na ang pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas ay nakiusap na mailipat siya sa Kolehiyo ng Agrikultura sa Los Baños bilang bahagi ng rekomendasyon ni Dr. Waters sa UPLB. Maging ang direktor ng edukasyon ay mayroong panghihinayang na maalis si Cocannouer sa kawanihan, subalit iniisip nito na magkakaroon ito ng malaking oportunidad bilang tagapagturo sa UPLB.79

Sa pagtanggap ni Cocannouer sa bagong posisyon sa UPLB ay kaniyang ipinagtapat ang kaniyang kalungkutan sa kaniyang ginawang pagliwasan sa IFS.

Having considered all of these factors, I accepted the university position. My last day at Indang comes back to me very clearly. There were despedidas and receptions in my honor, but all the

78

15th ARTDE pp. 7379

Nagkaroon ng pagpapalit ng Direktor ng Kawanihan ng Edukasyon noong 1913 ng mamatay si Frank White at mapalitan siya si Frank Crone.

187

Page 60: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

time I could not but feel I was leaving before my task had been finished. I remember that the old priest told me frankly that my turning the work over to inexperienced hands was like placing a valuable and delicate object in the grasp of a child; most of what I had done would come to nought, for children could not appreciate values. And all of his people were but children in the things I had been trying to teach them.

It was a late hour before I finally returned to my hut that last night. There was a full moon and a flock of white parrots were screaming raspingly from the tops of the coconut palms in the yard. While these birds were given to such antics on nights when the moon was full, their cries now seemed much more nerve-racking. Probably it was due to my mental state and the eerie stillness of the night. I jerked myself up and hurried on to the hut with a chuckle that didn't have much mirth in it. "I have got the Filipinitis—accepting those quacking birds as a bad omen!"

I climbed to the veranda, threw myself into a steamer chair, and lit a cigar. The parrots settled down presently, and I wished then that they had kept up their screaming. Everything was so uncannily quiet. I would have welcomed the squealing monkeys on my roof—anything to break the stillness. But not even a monkey cheep came from the surrounding jungle. Occasionally a mournful bird wailed from the distant forest.

I could hear the cook and other servants talking in low tones in the kitchen. I knew what they were talking about— this, too, was their last night at the hut, which, for some of them, had long been their home. I was glad now that misfortune had overtaken my family of pets. I could not have taken them with me, and no other could have become their master. My two great dogs had been poisoned by natives who feared and hated them. Tom my pet wildcat, tried to swallow the cook's greasy dishrag, and choked in consequence before I could save him. And Bingo, my loyal little monkey, disappeared mysteriously when I was away on one of my

188

Page 61: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

inspection trips. At the hands of the servants probably, though they denied it with sobs when I accused them.

The words of the priest were still uppermost in my mind as I lived over again my years at the station. Precious things should not be put into the hands of children before the latter were able to evaluate them. My large number of experiments on the school farm—what would happen to them now? And our co-operative farmers—many of them thought I was deserting them unjustly. They must henceforth go it alone.

I retraced my steps since my first arrival in the hills, as I lay there, the end of my cigar flaring in constant, rapid jerks. For once my cigar was not soothing my nerves. What would become of my irrigation system and the hydraulic ram I had worked so hard to install? Would the dam, and the ram itself, be given the necessary care during the period of storm and flood? I wondered; and feared. And our fine flock of Cantonese chickens, certainly the best flock in the Islands. So many other things, too, and I was leaving them, turning them over to children. Yes, to children.

"Excuse me, sir. The breakfast is ready."

The words of the servant brought me up with a start. It was broad daylight. Sometime during the night I had dropped off to sleep. I slept my last night at Indang in a steamer chair.

Sa salaysay ni Cocannouer ay nailarawan niya ang damdamin ng principal ng intermedia ng Indang. Isang impresyon nang paglisan sa paniniwalang hindi pa tapos ang kanilang gawain at pag-aalinlangan sa kakayahan ng mga taong maaring sumunod sa kaniya. Sa salaysay na ito kung pag-aaralan ang mensahe ng kaniyang pagnanais na manatili pa sa Indang sa mahabang panahon o iukol na ang kaniyang buong buhay sa pook na kaniyang minamahal.

Si Cocannouer Pagkatapos ng Panunungkulan sa Indang

189

Page 62: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Sa buwan ng bakasyon 1915, malungkot na nilisan ni Cocannouer ang IFS upang magtungo sa Kolehiyo ng Pagsasaka sa UPLB.80 Dito ay naging assistant professor ng kursong Agronomy. Sa nasabing paaralan ay kaniyang ipinagpatuloy ang pag-aaral. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagsasaliksik sa mga legumes at ang kahalagahan nito sa pagpapanatili ng katabaan ng lupa. Sa taong 1918 natapos niya ang Master of Science in Tropical Agriculture sa UPLB.81

Sa panahon ng kaniyang pagtuturo sa UPLB ay inamin niya na palagi niyang iniisip ang paaralan na kaniyang iniwan sa Indang. Maaring malimit niya itong itinatanong sa kaniyang mga estudyanteng taga-Indang na nag-aaral sa UPLB ang mga pagbabago na nagaganap sa loob ng paaralan na kaniyang

80

Halos sampung taon ang pagitan ng paglisan ng dalawang bisyonaryong principal ng intermedia ng Indang. Noong 1905 ay umalis si Anderson na nagtatag ng intermedia at noong 1915 lumisan naman si Cocannouer, ang nagpasimula ng agrikulturang pagsasaka sa paaralan.

81 Nakakapagtatakang isipin na sa Handbook ng UPLB, si Joseph A. Cocannouer na may ranggong Assitant Professor ay hindi tapos ng Bachelor of Science in Agriculture, samantalang mayroong mga gurong Pilipino at Amerikano sa UPLB na may mga PhD at masteral degree na kasama niya, na mababa ang ranggong pang-akedemikong kaysa sa kaniya.

190

Page 63: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

iniwanan.82 Pagkatapos ng ilang taong pagtuturo sa UPLB, nilisan ni Cocannouer na may pagkamuhi sa nakita niyang pang-aabuso ng mga pulitikong Pilipino na kinukuha ang mga halaman sa pamantasan kapag ito ay kanilang nagugustuhan. Sinabi ni Cocannouer na dumating ng napaka-aga ang Pilipinisasyon. Sa pagkainis na iyon, tinularan ni Cocannouer si Dean Edwin Copeland ng UPLB na umalis sa pamantasan at nagbalik sa Amerika.

Sa pagbabalik ni Cocannouer sa Amerika ay una siyang nagtrabaho sa Western Soil Bacteria Company (WESTROBAC) sa California na nagsasaliksik sa paggamit ng fertilizer na hindi gawa sa kemikal kundi direkta mula sa bacteria ng mga nabubulok na mga halaman.

Nang malugi ang kompanya, si Cocannouer ay naitalaga bilang principal sa California Rural High School. Sa nabanggit na paaralan ay binigyan niya ng pansin ang gawain ng kaniyang mga mag-aaral sa mga aktibidad ng asosasyong American Future Farmers. Sa kaniyang pangangasiwa ng hayskul sa California ay pinilit niya na ang paaralan na iyon ay maging isang eksaktong duplicate ng dinamismo ng IFS. Ito ang maituturing na unang pinakamahalagang inpluwensiya na nagawa ng IFS – ang maging modelo para sa isang paaralang pang-agrikultura sa Amerika.83

Samantalang nasa California ay hinarap niya ang pomology dahilan sa ang estado ay kilala sa kaniyang mga produktong prutas at naging miyembro ng Nurserymen’s Bud Selection Force sa Visalia, California. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maka-trabaho pansamantala ang bantog na maghahalaman na si Luther Burbank sa isang proyekto.

Iniwan ni Coacannouer ang California at nagbalik sa Oklahoma, upang ipagpatuloy ang pag-aaral para sa doktorado.

82 Sa taong 1916-1918 ay nasusundan ni Cocannouer ang ang mga kaganapan sa IFS. Ito ay dahilan sa kaniyang mga mag-aaral mula sa Indang ay naging mga estudyante niya sa UPLB. Ang mga lumang larawan na mula sa koleksiyong Linda Guevara ay kalimitan na naka-address kay Mr. Camilo Guevara Sr. sa UPLB sa panahon ng kaniyang pag-aaral at naging estudyanteng muli ni Cocannouer sa nabanggit na paaralan.

83 Hindi tiniyak ni Cocannouer sa kaniyang libro ang eksaktong lugar ng kaniyang paaralan na pinangasiwaan. Sa ilang mga bakasan ukol sa kaniya ay maaring ang paaralan ay nasa rehiyon ng San JoaquinValley

191

Page 64: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

Nagturo ng biology sa isang unibersidad sa Oklahoma at ginugol ang kaniyang mga panahon sa mga ispesyal na proyekyo sa Kansas State College, University of Amsterdam, National University of Mexico. Ipinokus ang kaniyang ispesyalisasyon sa pagsasaliksik sa paggamit ng mga natural fertilizer na hindi makapag-aambag ng pinsala sa kapaligiran. Ang kaniyang mga ginawang pag-aaral ay nalathala sa anyo ng mga mahahalagang aklat na siyang naging panuntunan ng mga magsasakang ang adbokasiya ay ang itaguyod ang organic farming.

Isa sa sa mga mahalaga at popular na aklat ni Cocannouer ay ang Trampling Out The Vintage na kaniyang sinulat noong 1945. Higit itong isang autobiography na nakapokus sa kaniyang pagkamulat sa relasyon ng preserbasyon ng lupa at ng isang mahusay na agrikultura. Nagkaroon ng malaking bahagi sa aklat na ito ang bayan at ang paaralan ng Indang na nagbigay daan

192

Page 65: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

para maisa-praktika ang kaniyang sinaunang teoryang pang-agrikultura sa tulong ng isang mapagparayang kapaligiran at mga mag-aaral na determinado na makibahagi sa pagsusulong ng edukasyon na pinaniniwalaan nila na magpapaunlad sa bansa sa pagdating ng panahon.

Sa isang pandaigdigang kumperensiya ng mga guro ng pagsasaka na ginanap sa Estados Unidos noong 1957 ay nakadalo si Mr. Mariano Macasaet na noon ay principal ng Indang Rural High School na siya na noong pangalan ng IFS. Ipinadala ni Cocannouer ang isang kopya ng aklat na Trampling Out The Vintage sa kaniyang dating estudyanteng si Mr. Camilo Guevara na nilagyan niya ng kaniyang pagbati para sa mga mamamayan ng Indang na nagsasaad ng kaniyang huling kahilingan na sana ay minsan pa siyang makadalaw sa bayan na alam niyang hindi na niya magagawa pa ng personal. Noong Hulyo 26, 1969, si Joseph Cocannouer ay sumakabilang buhay sa edad na 86 at inilibing sa puntod na kalapit ng kaniyang ina sa sementeryo ng Jennings, Oklahoma.

Sa ibaba ang bahagi ng sulat ni Cocannouer para sa mga mamamayan ng Indang na ipinarating niya sa kaniyang dating mag-aaral:

With fondest regards to my dear old Indang, through Camilo C. Guevara a fortunate son of the spot I came to love.

As I write this, fond memories come to me out of that long, long ago, Those were difficult years, but they were also years of hope & conviction. Conviction that I was sowing seed which would ultimately

193

Page 66: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

spread and help to build a great Philippine Republic in the Orient.

And the years have proved that I judged rightly, For that I am happy. Therefore to you citizen of my dear Old Indang, I send these greetings, How much I should like to visit you just once again! That probably can never be in person, but my heart shall be with you - always .

Joseph A. CocannouerWilburton, Oklahoma U. S. A.

Ang Legasiya ni Cocannouer sa intermedia ng Indang

Katulad ng mga naunang principal sa intermedia ng Indang matagal na itinago ng panahon ang mga naging gawain ni Mr. Joseph A. Cocannouer sa paaralan. Katunayan, maging ang tunay na baybay ng pangalan niya sa listahan ng mga namuno sa paaralan ay naisulat na “Coconawer” na higit na umaayon sa pagbigkas ng kaniyang pangalan. Sa bahaging ito ng pag-aaral ay iisa-isahin ng nagsasaliksik ang kaniyang legasiya sa paaralan.

Una, si Cocannouer ang nagpasimula ng pagtuturo ng siyentipikong pagsasaka sa intermedia ng Indang sa pamamagitan ng pagpapalit ng kursong ipinagkakaloob rito magmula sa general course tungo sa farming course sa mga mag-aaral na lalaki, kasabay ng domestic science para sa mga mag-aaral na babae.

Ikalawa, sa pamamagitan ni Cocannouer ay gumawa siya ng mga agresibong programa sa pagsasa-popular ng IFS bilang isa sa mga pangunahing paaralan sa pagsasaka sa kapuluan sa kaniyang kapanahunan.

Ikatlo, ang paniniwala na ang institusyon ay itinatag sa taong 1906 ay produkto ng artikulo ni Cocannouer na The Indang Farm School na nalathala sa The Philippine Crafstman noong Pebrero 1914.

Ikaapat, ang ekspertisyong pang-agrikultura ni Cocannouer ay nakainpluwensiya ng malaki sa maraming mag-aaral na nagtapos sa IFS. Ang panahon ng kaniyang panunungkulan sa

194

Page 67: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Intermedia ng Indang / Anciano

IFS ay kapapansinan ng malaking bilang ng mga nagpatuloy at nagtapos ng pagsasaka sa UPLB. Karamihan sa kaniyang mga mag-aaral at mga sumunod pang nagtapos sa IFS ay naging mga awtoridad sa pagsasaka ng Pilipinas. Ilan sa kanila ang naitalaga bilang mga tagapagturo sa UPLB, mga principal ng paaralang agrikultural sa iba’t ibang lugar sa bansa at iba ay naging mga matataas na pinuno ng Bureau of Plant Industry.

Ikalima, ang cooperative farm na kaniyang pinasimulan ay nawala sa mahabang panahon at nalimot na ng mga sumunod na henerasyon sa paaralan. Subalit sa paglipas ng isang panahon ay tahimik na nagbalik sa anyo ng extension service na ipinagkakaloob ng paaralan noong dekada 70 ng nakalipas na siglo.

Panghuli, ang pinakamahalagang legasiya ni Cocannouer na nagpapakita na hindi nito iniiwan ang kaniyang Indang Farm School ay mapupuna sa suksesyon ng lideratura ng institusyon na minsan niyang pinangasiwaan. Tatlo sa kaniyang mga mag-aaral ay nanungkulan na principal ng paaralan at ito ay sina Basilio Viado (principal 1930-1936 at 1945-1953); Camilo Guevara Sr. (1936-1938) at Paulino Costa (1953-1954).

Naging estudyante nina Mr. Viado at Guevara ang mag-aaral na si Vicente Hicaro. Sa paglipas ng panahon, si Mr. Vicente Hicaro ang naging unang dekano ng kolehiyo.84 Sa magkahiwalay na panunungkulan ni Mr. Hicaro ay palaging napapataon sa pagtatapos ng hayskul (1967) at kolehiyo (1971) ng mag-aaral na si Ruperto Sierra Sangalang.

Ang mag-aaral na si Ruperto Sangalang sa pagtatapos ng kolehiyo ng DSAC ay nakatulad ng mga sinaunang mag-aaral ng intermedia ng Indang na ipinagpatuloy ang pag-aaral sa UPLB. Sa pagtatapos niya ng Masterado sa UPLB ay tinalakay niya sa kaniyang thesis ay ang extension service ng paaralan, upang makatulong sa suliranin ng mga magsasaka sa produksiyon ng kanilang mga pananim.85 Dahilan sa layo ng mga taon ng pagitan

84 Makakatulong sa mga susunod na yugto ng pag-aaral kung mababasa ang Thesis ni Mr. Vicente G. Hicaro na may pamagat na A Study of the 1966-1967 student problems in the Don Severino Agricultural College, Indang, Cavite na nasa Gregorio Araneta Foundation University.

85 Ruperto Sangalang. Expectations in Extension from the Don Severino Agricultural College by farmers in selected barrios of Indang, Cavite. Thesis (M. S.) University of the Philippines Los Baños, 1975

195

Page 68: Intermedia ng Indang - Kabanata 09

Kabanata 9 – Mr. Joseph A. Cocannouer (1911-1915)

ng kapanahunang 1911-1915 ay limot na ang sinaunang anyo ng extension service (cooperative farm) na ipinagkaloob sa kapanahunang Cocannouer na isinalaysay nito sa kaniyang aklat na Trampling Out the Vintage. Pagkatapos ng 60 taon, ang thesis ni Sangalang (1975) ay waring isang déjà vu sa isang aktibidad na nakalibing sa pagkalimot na muling binuhay sa paaralan noong dekada 70.

Itinuloy ng mag-aaral na si Sangalang ang kaniyang pag-aaral ng doktorado sa Ohio State University at isinulat ang kaniyang disertation ukol sa pang-rural na sosyolohiya na naka-pokus sa Katimugang Cavite.86 Waring hindi humihiwalay ang ispiritu ng kasaysayan sa mag-aaral na ito, dahilan sa isang kabalintunaan nang pagkakatulad nila sa pokus ng pag-aaral. Ito ay kung mapapansin na ang Trampling Out of The Vintage ni Cocannouer ay hindi lamang aklat na autobiograpiya at pagsasaka, kundi isang aklat na ang klasipikasyon ng mga nagsuri ay mapapabilang din sa disiplina ng rural sociology.87

Sa pagtatapos ng pag-aaral ni Dr. Ruperto Sangalang sa Ohio State University noong 1982 ay nagbalik siya sa institusyon at isang taon ang nakalipas ay naitalaga na pangulo ng DSAC at naging instrumental sa konbersiyon ng isang panlalawigang kolehiyo bilang isang pamantasan ng estado noong 1998.

86 Ruperto S. Sangalang. Community Power, Decision Making and Status Differentiation in the Villages of Southern Cavite, Philippines. Thesis (Ph. D.)--Ohio State University, 1982.

87 Mula sa review nina Howard W. Beers at J. P. Schmidt sa aklat na Trampling Out The Vintage ni Joseph A. Cocannouer sa journal na Rural Sociology; 12/1/45, Vol. 10 Issue 4, p. 443-444, 2p

196